4
Basahin ang pagninilay bago o pagkatapos lamang ng Misa upang makabahagi nang taimtim at ganap sa Banal na Pagdiriwang. Taon 34 Blg. 19 Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) — Luntian Nobyembre 08, 2020 T alaga namang nakaka- taranta kapag “kinapos” —kinapos ng handa, kinapos ng gasolina, kinapos ng pera, o kinapos ng hininga. Yaong bang hindi mo magawa ang mga bagay na dapat mong gawin dahil nga sa kinapos o kinulang. Maituturing na “kahangalan” kung binigyan ka ng pagkakataon upang makapaghanda pero hindi naman ito sinamantala. Ganyan ang naging kalaga- yan at kapalaran ng lima sa sampung dalaga na naghihintay sa pagdating ng lalaking ikakasal: bagamat may dala silang ilawan, hindi naman sila nagbaon ng ‘pasobrang langis.’ Kaya’t noong maantala ang dating ng kanilang hinihintay, huli na dahil ‘kinapos ng langis ang kanilang ilawan.’ Mula rito, ilang aral ang ating matututunan tungkol sa tamang paghahanda at paghihintay upang sa gayo’y maging marunong o matalino; at maiwasang maging hangal. “Hangal” yaong mga taong mali ang ginagawang paghahanda. Batid nilang dapat maghanda, subalit pawang hindi tumugma ang ginagawa nilang paghahanda sa kanilang pinaghahandaan. Walang pinag-iba sa mag- aaral na matiyagang nagpuyat para aralin ang Mathematics, pero kinabukasan nalaman na Science pala ang kanilang pagsusulit. Gayundin sa mga nagsisikap makarating ng langit: paano natin ito makakamit kung ang pinag- aaksayahan natin ng panahon ay yaong mga bagay na panlupa? “Hangal” yaong mga taong huli na ang panahon sa paghahanda. Kabilang dito yaong mga napakahilig sa cramming o last-two-minutesnatutuhan lamang maghanda kung kailan malapit na ang oras. Ito yaong mga taong habang malakas pa at may panahon, kung ano-ano ang pinagkakaabalahan; pero kung kailan kakaunti na lamang ang natitirang pagkakataon, saka lamang kumikilos at nagkukumahog. Ilang tao na sumapit na sa dapit ng kanilang buhay ang nagsasambit: “Sana nagawa ko ang mahahalagang bagay na ito noong aking pang kalakasan.” Panghuli, “hangal” yaong mga taong inaakala na lahat ng bagay ay mahihiram nila sa iba. May mga bagay na non- transferrable at hindi natin maipapasa sa iba. Sa pagsusulit, hindi maaaring hiramin ng isang mag-aaral ang talino ng kanyang katabi (maliban na lamang kung siya’y mangopya). Gayundin sa pagdating ng araw ng paghuhukom, huhusgahan tayo batay sa ating sariling pananalig at mga ginagawang kabutihan. Hindi natin ma- aaring hiramin ang puso ng iba upang tayo ay maligtas. Sa mga oras na iyon, hindi na rin natin kayang ambunan pa ng ating pananalig yaong mga taong nagpabaya sa kanilang pananampalataya habang sila’y nabubuhay pa sa daigdig. Kapusin ka na sa maraming bagay sa mundong ito, huwag ka lang kakapusin sa pananalig sa Diyos, huwag ka lang kakapusin sa pagmamalasakit at gawang-kabutihan sa iyong kapwa-tao. —Fr. Alex Melchor Tupas Huwag Kang Kakapusin

uwag Kang akapusin...kung kailan malapit na ang oras. Ito yaong mga taong habang malakas pa at may panahon, kung ano-ano ang pinagkakaabalahan; pero kung kailan kakaunti na lamang

  • Upload
    others

  • View
    2

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: uwag Kang akapusin...kung kailan malapit na ang oras. Ito yaong mga taong habang malakas pa at may panahon, kung ano-ano ang pinagkakaabalahan; pero kung kailan kakaunti na lamang

Basahin ang pagninilay bago o pagkatapos lamang ng Misa upangmakabahagi nang taimtim at ganap sa Banal na Pagdiriwang.

Taon 34 Blg. 19 Ika-32 Linggo sa Karaniwang Panahon (A) — Luntian Nobyembre 08, 2020

Talaga namang nakaka-taranta kapag “kinapos”

—kinapos ng handa, kinapos ng gasolina, kinapos ng pera, o kinapos ng hininga. Yaong bang hindi mo magawa ang mga bagay na dapat mong gawin dahil nga sa kinapos o kinulang. Maituturing na “kahangalan” kung binigyan ka ng pagkakataon upang makapaghanda pero hindi naman ito sinamantala.

Ganyan ang naging kalaga- yan at kapalaran ng lima sa sampung dalaga na naghihintay sa pagdating ng lalaking ikakasal: bagamat may dala silang ilawan, hindi naman sila nagbaon ng ‘pasobrang langis.’ Kaya’t noong maantala ang dating ng kanilang hinihintay, huli na dahil ‘kinapos ng langis ang kanilang ilawan.’

Mula rito, ilang aral ang ating matututunan tungkol sa tamang paghahanda at

paghihintay upang sa gayo’y maging marunong o matalino; at maiwasang maging hangal.

“Hangal” yaong mga taong mali ang ginagawang paghahanda. Batid nilang dapat maghanda, subalit pawang hindi tumugma ang ginagawa nilang paghahanda sa kanilang pinaghahandaan. Walang pinag-iba sa mag-aaral na matiyagang nagpuyat para aralin ang Mathematics, pero kinabukasan nalaman na Science pala ang kanilang pagsusulit. Gayundin sa mga nagsisikap makarating ng langit: paano natin ito makakamit kung ang pinag-aaksayahan natin ng panahon ay yaong mga bagay na panlupa?

“Hangal” yaong mga taong huli na ang panahon sa paghahanda. Kabilang dito yaong mga napakahilig sa cramming o last-two-minutes—

natutuhan lamang maghanda kung kailan malapit na ang oras. Ito yaong mga taong habang malakas pa at may panahon, kung ano-ano ang pinagkakaabalahan; pero kung kailan kakaunti na lamang ang natitirang pagkakataon, saka lamang kumikilos at nagkukumahog. Ilang tao na sumapit na sa dapit ng kanilang buhay ang nagsasambit: “Sana nagawa ko ang mahahalagang bagay na ito noong aking pang kalakasan.”

Panghuli, “hangal” yaong mga taong inaakala na lahat ng bagay ay mahihiram nila sa iba. May mga bagay na non-transferrable at hindi natin maipapasa sa iba. Sa pagsusulit, hindi maaaring hiramin ng isang mag-aaral ang talino ng kanyang katabi (maliban na lamang kung siya’y mangopya). Gayundin sa pagdating ng araw ng paghuhukom, huhusgahan tayo batay sa ating sariling pananalig at mga ginagawang kabutihan. Hindi natin ma-aaring hiramin ang puso ng iba upang tayo ay maligtas. Sa mga oras na iyon, hindi na rin natin kayang ambunan pa ng ating pananalig yaong mga taong nagpabaya sa kanilang pananampalataya habang sila’y nabubuhay pa sa daigdig.

Kapusin ka na sa maraming bagay sa mundong ito, huwag ka lang kakapusin sa pananalig sa Diyos, huwag ka lang kakapusin sa pagmamalasakit at gawang-kabutihan sa iyong kapwa-tao.

—Fr. Alex Melchor Tupas

Huwag Kang Kakapusin

Page 2: uwag Kang akapusin...kung kailan malapit na ang oras. Ito yaong mga taong habang malakas pa at may panahon, kung ano-ano ang pinagkakaabalahan; pero kung kailan kakaunti na lamang

Antipona sa Pagpasok [Sir 88:2](Basahin kung walang pambungad na awit)

D’yos ko, ako’y iyong dinggin, pakinggan sa pagdalangin, tulu-ngan sa aking daing. Pandinig mo ay ikiling sa pagluhog ko’t paghiling.

Pagbati(Gawin dito ang tanda ng krus)

P - Sumainyo ang Panginoon. B - At sumaiyo rin.

Paunang Salita(Maaaring basahin ito o isang katulad na pahayag)

P - Mga kapatid: May ugali tayong ipagpaliban ang ating gawain, gayundin ang pagpapasya at ang pagtatalaga ng sarili sa isang layunin. Pagdating ng tak dang araw para magdesisyon o gumawa, “Bahala na!” ang nasasambit natin.

Itinuturo sa atin ng Talinghaga ng Sam pung Dalaga na ang pagpapaliban sa mga bagay na dapat nating harapin, at ang pagsasabi ng “Bahala na!” ay ikapapahamak ng ating buhay espirituwal. Agad nagpapasya at kumikilos para sa kaharian ng Diyos ang isang matalinong Kristiyano. Bilang mga mananampa lataya, dapat tayong maging laging handang makatagpo ang Diyos sa mga taong ating nakakasalamuha at sa mga karaniwang pang yayari sa ating buhay.

Pagsisisi

P - Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat sa pagdi-riwang ng banal na paghahaing nagdudulot ng kapatawaran ng Maykapal. (Tumahimik)

P - Panginoon, kami’y nagkasala sa iyo.B - Panginoon, kaawaan mo kami.P - Kaya naman, Panginoon, ipakita mo na ang pag-ibig mong wagas. B - Kami ay lingapin at sa kahirapan ay iyong iligtas.

P - Kaawaan tayo ng makapang-yarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnu bayan tayo sa buhay na walang hanggan.B - Amen.P - Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.P - Kristo, kaawaan mo kami.B - Kristo, kaawaan mo kami.

P - Panginoon, kaawaan mo kami.B - Panginoon, kaawaan mo kami.

Gloria

Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan.Panginoong Diyos, Hari ng langit, Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen.

Pambungad na Panalangin

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming makapangyari-

han, para mo nang awang ilayo sa amin araw-araw ang lahat ng mga sumasalungat sa amin at huma hadlang upang ang aming buong katauhan ay magkaroon ng kalayaan para kusang sundin ang iyong kalooban, sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.B - Amen.

Unang Pagbasa [Kar 6:12-16] (Umupo)

Kung tapat ang paghahangad natin sa karunungan ng Diyos, madali natin itong masusumpu-ngan. Tulad ito ng isang babaeng ibinibigay ang sarili sa kabiyak na karapat-dapat sa kanya.

Pagbasa mula sa aklat ng Karunungan

ANG Karunungan ay maning-ning at di kumukupas, madaling

natatagpuan ng naghahanap sa kanya, at nakikita agad ng mga nagpapahalaga sa kanya. Madali siyang nagpapakilala sa mga naghahangad sa kanya. Hanapin mo siyang maaga at agad mo siyang matatagpuan, makikita mo siyang nag-aabang sa iyong tarangkahan. Isipin mo lamang siya at magkakaroon ka ng ganap na pagkaunawa; hanapin mo siya’t matatahimik ang iyong kalooban. Pagkat hinahanap niya ang mga kara-pat-dapat sa kanya, at makikita ka niya saan ka man naroon. Siya’y maamo at sasamahan ka niya sa bawat iniisip mo.

— Ang Salita ng Diyos.B - Salamat sa Diyos.

Salmong Tugunan (Slm 62)

T - Aking kinasasabikan, Panginoon, ikaw lamang.

1. O Diyos, ikaw ang aking Diyos na lagi kong hinahanap;/ ang uhaw kong kaluluwa’y tanging ikaw yaong hangad;/ para akong tuyong lupa na tubig ang siyang lunas. (T)

2. Bayaan mong sa santwaryo, sa lugar na dakong banal,/ ikaw roo’y mamasdan ko, sa likas mong karangalan./ Ang wagas na pag-ibig mo’y mahigit pa kaysa buhay,/ kaya ako’y magpupuri’t ikaw ang pag-uukulan. (T)

3. Habang ako’y nabubuhay, ako’y magpapasalamat,/ at ako’y dadalangin na kamay ko’y nakataas./ Itong aking ka lu luwa’y kaka ing may kasiyahan/ maga galak na umawit ng papuring iaalay. (T)

4. Laman ka ng gunita ko saman-talang nahihimlay/ mag damag na ang palaging iniisip ko ay ikaw;/ pagkat ikaw sa tuwina ang katulong na malapit,/ sa lilim ng iyong pakpak galak akong umaawit. (T)

PASIMULA

PAgpapahayag ng salita ng diyos

Page 3: uwag Kang akapusin...kung kailan malapit na ang oras. Ito yaong mga taong habang malakas pa at may panahon, kung ano-ano ang pinagkakaabalahan; pero kung kailan kakaunti na lamang

Ikalawang Pagbasa (1 Tes 4:13-18)

Binibigyang lakas ng loob ni San Pablo ang mga nag luluksa sa pamamagitan ng kan yang pagtuturo hinggil sa muling pagkabuhay. Makaka sama rin ng mga nabubuhay ang mga nanga ma tay sa kaluwal-hatian ng pag dating ni Hesus sa itinakdang panahon.

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga- Tesalonica

MGA KAPATID, ibig naming malaman ninyo ang katotohanan tungkol sa mga namatay na, nang hindi kayo magdalamhati, tulad ng mga taong walang pag-asa. Naniniwala tayong si Hesus ay namatay at muling nabuhay. Kaya naman, naniniwala tayong bubu-hayin din ng Diyos ang lahat ng namatay na nananalig kay Hesus—upang isama sa kanya.

Ito ang aral ng Panginoon na sinasabi namin sa inyo: pagparito ng Panginoon, tayong mga buhay ay hindi mauuna sa mga namatay na. Sa araw na yaon, kasabay ng malakas na utos, ng tinig ng arkanghel at ng tunog ng trumpeta ng Diyos, bababa ang Panginoon mula sa langit. Bubuhayin muna ang mga namatay na nananalig kay Kristo. Pagkatapos, tayong mga buhay pa ay titipunin niya sa ulap at isasama sa mga binuhay upang salubungin sa papawirin ang Panginoon. Sa gayo’y maka ka-piling niya tayo magpakailan man. Kaya nga, mag-aliwan kayo sa pamamagitan ng mga aral na ito.

— Ang Salita ng Diyos.B - Salamat sa Diyos.

Aleluya [Mt 24:42a,44] (Tumayo)

B - Aleluya! Aleluya! Tayo ay laging magtanod sapagkat di natin talos ang pagbabalik ni Hesus. Aleluya! Aleluya!

Mabuting Balita (Mt 25:1-13)

P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San MateoB - Papuri sa iyo, Panginoon.

NOONG panahong iyon, sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad ang talinghagang ito: “Dito maitutulad ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: may sampung dalagang lumabas

upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y mata lino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng la ngis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog.

Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!’ Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino, ‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang a ming mga ilawan.’ ‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’ tugon ng matatalino. ‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.

Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’ sigaw nila. Ngunit tumu-gon siya, ‘Sinasabi ko sa inyo: hindi ko kayo nakikilala.’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.”

— Ang Mabuting Balita ng Panginoon.B - Pinupuri ka namin, Pangi-noong Hesukristo.

Homiliya (Umupo)

Pagpapahayag ng Pananampalataya (Tumayo)

B - Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.Sumasampalataya ako kay Hesu-kristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat, nagkata-wang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao, nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang

paririto at huhukom sa nanga-bubuhay at nangamatay na tao.Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panalangin ng Bayan

P - Hilingin natin sa Ama na gawin tayong mapagmatyag sa lahat ng oras upang maging handa tayong salubungin ang pagdating ng Panginoong Hesus. Buong tiwala tayong manalangin:

T - Panginoon, dinggin mo ang iyong bayan.

L - Para sa Santo Papa, mga obispo, mga pari at mga relihoso’t relihiyosa: Manatili nawa silang tapat sa pag-ibig ng ating Panginoong Hesukristo. Manalangin tayo. (T)

L - Para sa namumuno sa ating pamahalaan: Mapakinggan nawa nila nang may pagmamahal ang mga pangangailangan ng mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran. Manalangin tayo. (T)

L - Para sa mga mayroong matinding pinagdaraanan sa buhay: Makita nawa nila ang kaaliwan at pagmamahal ng ating Panginoong Hesukristo sa mga taong handang tumulong sa kanila. Manalangin tayo. (T)

L - Para sa ating lahat na natitipon ngayon: Kasihan nawa tayo ng grasya ng Diyos upang laging maging handa sa pagdating ng kanyang Anak. Manalangin tayo. (T)

L - Sa ilang sandali ng katahimikan, ating ipanalangin ang iba pang mga pangangailangan ng ating pamayanan pati na rin ang ating pansariling kahilingan. Manalangin tayo: (T)

P - Panginoon, dinggin mo ang panalangin ng iyong bayan. Pana ti-lihin mo kaming tapat sa iyo upang maging karapat-dapat kaming makibahagi sa iyong kalu walhatian ngayon at magpakailanman.B - Amen.

Page 4: uwag Kang akapusin...kung kailan malapit na ang oras. Ito yaong mga taong habang malakas pa at may panahon, kung ano-ano ang pinagkakaabalahan; pero kung kailan kakaunti na lamang

P - Hinihiling naming...B - Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu -rihan magpakailanman! Amen.

Pagbati ng Kapayapaan

Paanyaya sa Pakikinabang(Lumuhod)

P - Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.B - Panginoon, hindi ako ka-rapat-dapat na magpatulóy sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Antipona sa Komunyon (Slm 23: 1-2)

Pastol kong nagtataguyod ang Panginoong aking D’yos, di ako maghihikahos: pagkai’y kan yang kaloob, inumin ay kanyang dulot.

Panalangin Pagkapakinabang(Tumayo)

P - Manalangin tayo. (Tumahimik)Ama naming mapagmahal,

tinatanaw naming utang na loob ang banal na pakikinabang at inilu luhog naming ang Espi ritu Santo ay mag-umapaw sa kaloo-ban naming kanyang tini tigib ng iyong kadakilaan upang ang iyong kagandahang-loob ay manatili sa amin palagian sa pama magitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasa walang hanggan.B - Amen.

Paghahain ng Alay (Tumayo)

P - Manalangin kayo...B - Tanggapin nawa ng Pangi-noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapaki-nabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

Panalangin ukol sa mga Alay

P - Ama naming Lumikha, kalug dan mo ang paghahain ng mga natitipon dito upang ang aming g inaganap na pag-aalay ng sarili ng Anak mo ay aming pakina bangan sa kanyang pamama gi tan kasama ng Espiritu Santo mag-pasawalang hanggan.B - Amen.

Prepasyo (Karaniwan VI)

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.P - Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.B - Itinaas na namin sa Panginoon.P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos.B - Marapat na siya ay pasala-matan.P - Ama naming makapangyari-han, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan.

N a s a i y o a n g a m i n g buhay, pagkilos at pag-iral. Sa pamumu hay namin araw-araw tinatamasa namin ang iyong pagmamahal. Sa pag-ibig mong ipinunla sa sangkatauhan ang Espiritu Santo’y unang aning bigay ng Anak mong naglagak sa amin ng katiyakang nakalaang mabuhay kami sa piling mo kailanman.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:B - Santo, Santo, Santo. . .(Lumuhod)

Pagbubunyi (Tumayo)

B - Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay! Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ama Namin

B - Ama namin...

P - Sumainyo ang Panginoon.B - At sumaiyo rin.

Pagbabasbas

P - Magsiyuko kayo samantalang iginagawad ang pagpapala. (Tumahimik)

P - Gawaran nawa kayo ng pagpapala ng maawaing Diyos upang lagi ninyong mapahalagahan ang kanyang karunungang nagdudulot ng kaligtasang walang hanggan.B - Amen.P - G a w a r a n n a w a n g katatagan ng Diyos ang inyong pananampalataya na nasasalig sa kanyang pagmamahal upang mamalagi kayong nagsisikap gumawa ng kabutihan ngayon at magpasawalang hanggan.B - Amen.P - Patnubayan nawa ng Diyos ang inyong paglakad sa daang hahantong sa kanya upang inyong taluntunin ang landas ng pag-ibig at kapayapaang walang hanggan.B - Amen.P - Pagpalain kayo ng makapang-yarihang Diyos, Ama at Anak (†) at Espiritu Santo.B - Amen.Pangwakas

P - Tapos na ang Banal na Misa. Humayo kayong mapayapa.B - Salamat sa Diyos.

Pagtatapos

Pakikinabang

Pagdiriwangng huling hapunan