26
OPISYAL NA PAHAYAGAN NG REBOLUSYUNARYONG MAMAMAYAN NG TIMOG KATAGALUGAN Basahin at Talakayin Basahin at Talakayin Basahin at Talakayin Basahin at Talakayin Basahin at Talakayin TOMO 32 BLG. 2 TOMO 32 BLG. 2 TOMO 32 BLG. 2 TOMO 32 BLG. 2 TOMO 32 BLG. 2 Abril - Hunyo 2004 Abril - Hunyo 2004 Abril - Hunyo 2004 Abril - Hunyo 2004 Abril - Hunyo 2004 EDITORYAL EDITORYAL EDITORYAL EDITORYAL EDITORYAL Makabuluhang taktikal na ganansya sa panahon ng eleksyon W alang pagbabagong iniluwal ang nakaraang pambansang eleksyon. Muling naluklok sa pwesto ang sagad sa butong pasista at papet na rehimen ni Gloria Macapagal-Arroyo. Subalit sa gabay ng rebolusyunaryong dalawahang taktika at prinsipyo ng nagkakaisang prente, nakamit ng mama- mayan at rebolusyunaryong kilusan ang mga makabuluhang ganansya. Nasamantala ng rebolusyunaryong kilusan ang panahon ng eleksyon upang mailantad ang kahungkagan ng reaksyunaryong sistemang pampulitika at ng prosesong elektoral na idinaraos sa balangkas nito. Walang iba kundi mga mapanlinlang na pangako at inutil na reporma ang inialok nito sa mamamayan. Muli, pinatunayan ng nagdaang eleksyon na tanging ang paglulunsad ng armadong paki- kibaka sa balangkas ng matagalang digmang bayan ang makapagpapabagsak sa bulok na sistemang malapyudal at malakolonyal. Ito rin lamang ang kaisa-isang daan para makamit ang tunay na demokrasyang bayan. Gayunpaman, sa kasalukuyang yugto ng pagsu- sulong ng digmang bayan, kinikilala na hindi pa kakayaning lubusang maibagsak ang bulok na nagha- haring sistema. Sabay pang umiiral ang rebolus- yunaryong kapangyarihan sa maraming mga lugar sa kanayunan at ang reaksyunaryong kapangyarihan ng mga mapagsamantalang uring panginoong maylupa at burgesya kumprador. Sa ganitong kalagayan, mahusay na nakagawa ng mga nararapat na hakbang ang rebolusyunaryong kilusan Sundan sa kasunod na pahina

TOMO 32 BLG. 2 Basahin at Talakayin Abril - Hunyo 2004 ... · PDF filekinundena ng BHB-Rizal Mga Balita Panitikan Teka-teka; Krosword 1 4 6 9 12 13 22 26 24 dito sa Timog Katagalugan

  • Upload
    ngotruc

  • View
    342

  • Download
    29

Embed Size (px)

Citation preview

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG REBOLUSYUNARYONG MAMAMAYANNG TIMOG KATAGALUGAN

Basahin at TalakayinBasahin at TalakayinBasahin at TalakayinBasahin at TalakayinBasahin at TalakayinTOMO 32 BLG. 2TOMO 32 BLG. 2TOMO 32 BLG. 2TOMO 32 BLG. 2TOMO 32 BLG. 2 Abril - Hunyo 2004Abril - Hunyo 2004Abril - Hunyo 2004Abril - Hunyo 2004Abril - Hunyo 2004

EDITORYALEDITORYALEDITORYALEDITORYALEDITORYAL

Makabuluhang taktikal na ganansyasa panahon ng eleksyon

Walang pagbabagong iniluwal ang nakaraangpambansang eleksyon. Muling naluklok sa

pwesto ang sagad sa butong pasista at papet na rehimenni Gloria Macapagal-Arroyo. Subalit sa gabay ngrebolusyunaryong dalawahang taktika at prinsipyo ng

nagkakaisang prente,nakamit ng mama-

mayan at rebolusyunaryong kilusan ang mgamakabuluhang ganansya.

Nasamantala ng rebolusyunaryongkilusan ang panahon ng eleksyon upangmailantad ang kahungkagan ng reaksyunaryongsistemang pampulitika at ng prosesongelektoral na idinaraos sa balangkas nito. Walangiba kundi mga mapanlinlang na pangako at inutilna reporma ang inialok nito sa mamamayan.Muli, pinatunayan ng nagdaang eleksyon natanging ang paglulunsad ng armadong paki-kibaka sa balangkas ng matagalang digmangbayan ang makapagpapabagsak sa bulok nasistemang malapyudal at malakolonyal. Itorin lamang ang kaisa-isang daan paramakamit ang tunay na demokrasyangbayan.

Gayunpaman, sa kasalukuyang yugto ng pagsu-sulong ng digmang bayan, kinikilala na hindi pakakayaning lubusang maibagsak ang bulok na nagha-haring sistema. Sabay pang umiiral ang rebolus-yunaryong kapangyarihan sa maraming mga lugar sa

kanayunan at ang reaksyunaryong kapangyarihan ng mgamapagsamantalang uring panginoong maylupa atburgesya kumprador.

Sa ganitong kalagayan, mahusay na nakagawa ngmga nararapat na hakbang ang rebolusyunaryong kilusan

Sundan sa kasunod na pahina

Abril - Hunyo 20042 / KALATAS

Mula sa nakaraang pahina

Sundan sa kasunod na pahina

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ngrebolusyunaryong mamamayan ng TimogKatagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng PartidoKomunista ng Pilipinas (MLM) at ng BagongHukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mgamambabasa na mag-ambag sa pagpapahusayng ating pahayagan. Magpadala ng mgakomentaryo at mungkahi, balita at rebo-lusyunaryong karanasan na maaaring ilathala saating pahayagan.

Maaaring makuha ang pinakahuling isyu ng atingpahayagan sa internet. Magtungo sa

http://www.geocities.com/kalatas_st/index.html

Tumatanggap din ng mga liham at kontribusyon sa

[email protected]

Abril - Hunyo 2004Tomo 32 Bilang 2

NILALAMAN

Editoryal: Makabuluhang taktikal na ganansyasa panahon ng eleksyonImbing disenyoPaghandaan ang JMC sa gitna ng matindingpananalanta ng estadoMga kalupitan ng estado sa panahon ng eleksyonHunyo 12, 1898: huwad na kalayaanAng nasyunalisasyon ng lupaLabanan at biguin ang papatinding teroristangatake ng rehimeng US-Arroyo sa QuezonMga operasyong militar ng AFP sa Dulong TimogQuezon, patuloy na binibigo ng BHBNagdudulot ng liwanag ang Hukbong BayanMasasamang elemento at mga ahente ng kaawaysa Quezon, pinarusahan ng BHBRSOT sa Lopez at Gumaca,binigo ng mamamayanWalang awang pamamaril sa mga bata,kinundena ng BHB-RizalMga BalitaPanitikanTeka-teka; Krosword

1

46

91213

22

2624

dito sa Timog Katagalugan upang mabawasan angpinsalang idinudulot ng reaksyunaryong eleksyon samamamayan sa mga saklaw nitong teritoryo. Namak-simisa ng mga rebolusyunaryong pwersa ang panahongito upang magkamit ng mga taktikal na pakinabang.

Sa pagharap sa mga pulitiko at partido nila,mahusay na nailapat ng kilusan ang mga prinsipyo atpatakaran ng rebolusyunaryong pakikipagkaisangprente. Nakabig ang mga progresibo, patriyotiko atmaka-mamamayang kandidato para sumuporta sarebolusyon sa iba’t ibang paraang kakayanin nila.Nakapagbuo rin ng mga taktikal na alyansa sa mgasekundaryong reaksyunaryo upang ihiwalay at labananang mga pinakareaksyunaryo at pinakasagad-sagarangkaaway.

Malaking suporta ang nakamit ng rebolusyunaryongkilusan mula sa mga panggitnang pwersa at mganaliliwanagang bahagi ng naghaharing uri. Iba’t ibangtipo ng mga estratehiko at taktikal na alyansang anti-imperyalista, anti-pasista at anti-pyudal ang naitayo. Saiba’t ibang maiinit na isyu tulad ng pagpapatupad ngpambansang industriyalisasyon, tunay na reporma salupa, paglaban sa militarisasyon, globalisasyon at maramipang ibang usaping maka-mamamayan, nakabig ngkilusan ang signipikanteng bilang ng mga alyado.

Partikular sa Quezon, maraming Memoradum ofAgreement (MOA) ang napirmahan sa pagitan ngApolonio Mendoza Command-BHB-Quezon at mgaprogresibo o maka-mamamayang kandidato. Nilamanng mga MOA ang pakikiisa ng mga pulitiko sa iba’t ibangisyung ipinakikipaglaban ng mamamayan ng Quezon atng buong rebolusyunaryong kilusan.

Dagdag pa sa mga maningning na ganansya parasa mamamayan nitong nakaraang eleksyon ang pagka-panalo ng signipikanteng bilang ng mga progresibonglokal na kandidato na nagtataguyod ng mga makabayangprograma.

Bukod dito, nagpatuloy ang pagsuporta atpagtangkilik ng mamamayan ng rehiyon sa mga

6

15

1719

21

20

KALATAS / 3Abril - Hunyo 2004

k

Mula sa nakaraang pahina

progresibong party-list. Hindi ito napigilan ngmalawakang pandaraya at paghahasik ng AFP ngmatinding teror. Sa kabila ng labing-isang kaso ngpagpatay at tangkang pagpatay sa mga miyembro at liderng mga progresibong party-list sa Quezon at Mindorongayong unang hati ng 2004, patuloy na umani ng suportaat signipikanteng boto ang mga partidong ito mula samamamayan. (May kaugnay na lathalain sa pahina 4.)

Mahigpit ding naipatupad sa rehiyon ang patakarangnag-oobliga sa mga kandidato at mga partido nila nakumuha ng Permit to Campaign (PTC) o pahintulot mulasa mga opisyal na kinatawan ng Bagong Hukbong Bayanupang makapasok at makapangampanya sa mgateritoryong nasa ilalim ng rebolusyunaryong kontrol atimpluwensya ng demokratikong gubyernong bayan.Naisagawa ito sa kabila ng puspusang pagkukumahogna rehimeng US-Arroyo na pigilan ang matagumpay napagpapatupad nito.

Matatandaang bago pa man magsimula angpanahon ng kampanya, mabalasik at mapanirang pro-paganda ang pinakawalan ng rehimen upang pigilan angmatagumpay na pagpapatupad ng patakaran sa PTC.

ito maging ng mga reaksyunaryong pulitiko, sa masaklawna pag-iral at sa lakas na inabot na ng rebolusyunaryongkapangyarihang pampulitika.

Sa mahigpit na pagpapatupad ng patakaran saPTC, naobliga ang mga pulitiko na pumailalim sarebolusyunaryong patakaran sa pangangampanya.Kabilang dito ang hindi pagsasama ng militar o pulis athindi pagdadala ng sariling armas o mga armadong maton.Tiniyak ng ganitong patakaran na hindi maaring gumamitng dahas ang mga pulitiko laban sa mamamayan upangmatiyak ang panalo.

Inilaan para sa mga operasyon at pangangailanganng Partido, Bagong Hukbong Bayan,mga organo ng rebolusyunaryong gub-yerno at organisasyong masa ang mgapondo at materyal na nalikom sapamamagitan ng PTC. Inialoka angsignipikanteng bahagi nito para sa mgaprograma at proyektong pang-eko-nomya, pangkalusugan, pang-edukasyonat pangkultura ng mamamayan sa mgarebolusyunaryong teritoryo.

Higit na makabuluhang ganansyaang lahat ng mga ito para sa mamamayanat rebolusyunaryong kilusan. Mahusayna nasamantala ang panahong ito parasa pagsusulong at higit pang pagpapa-lakas ng rebolusyon. Malaking puhunan

ang mga ito na maaring magamit para samuling pagdaluyong ng kampanya ng pagpa-

pabagsak sa lubusan nang nahihiwalay, bulokat papet na rehimeng Arroyo.

Nagsagawa rin ang AFP ng matitinding panghaharas samga pulitiko at naglunsad ng mga malawakangoperasyong militar sa rehiyon.

Subalit nagmistulang isang malaking sampal sarehimen ang matagumpay na pagpapatupad ngpatakarang ito sa rehiyon. Lingid sa kaalaman ngrehimen, marami sa mga pulitiko sa rehiyon ang naunanang boluntaryong kumuha ng PTC. Nagpatuloy angmabubungang negosasyon sa kabila ng puspusanghakbang ng rehimen na pigilan ito. Malinaw na pagkilala

Abril - Hunyo 20044 / KALATAS

Paggamit sa militar

Kaalinsabay ng mapanirang propagandang ito angpaghahasik ng malagim na pandarahas ng AFP sa mgalider at miyembro ng Bayan Muna at Anakpawis sarehiyon. Mula Enero hanggang Abril, lima ang pinaslangsa isla ng Mindoro. Kabilang dito sina Vice Mayor JuvyMagsino ng Naujan, Oriental Mindoro at Leyma Fortu,mga kasapi ng Bayan Muna, Edrian Alegria ng Sta Cruz,Occidental Mindoro, Coordinator ng Anakpawis Party-list at Isias Manano, Jr., pangalawang pangulo ngAnakpawis sa Oriental Mindoro.

Dalawang beses ding hinarang ng mga militar saVictoria noong Abril 17 at 18 ang panrehiyong caravanng Anakpawis. Di na hinayaan ng mga militar namakapangampanya ang Anakpawis sa katimugangbahagi ng Oriental Mindoro. (Maykaugnay na balita sa pahina 22.)

Malinaw sa mga maniobrang itong mga militar sa isla na nakahandasilang gawin ang lahat maging angwalang pakundangang pagpaslang.Isang malaking kahibangan ito mati-yak lamang na makakakuha ng masmalaking boto ang sinusuportahan

Imbing disenyo

nilang party-list na Alliance for Nationalism and De-mocracy (ANAD) kaysa sa Bayan Muna at Anakpawis.

Subalit hindi nagtapos ang pandarahas ng mgamilitar sa Mindoro. Naging mas matindi ang pandarahasng mga militar sa Quezon bago ang eleksyon. Naganapdito ang apat na kaso ng pagpatay at dalawang kaso ngtangkang pagpatay sa mga lider at miyembro ngAnakpawis nitong ikalawang kwarto. Naganap ang limasa mga kasong ito sa loob lamang ng limang linggo. (Maykaugnay na lathalain sa pahina 6.)

Partikular sa ikatlo at ikapat na distrito ng Quezon,maraming naiulat na kaso ng panghaharas ng mga militar.Sa maraming mga lugar doon, sinira ng mga kagawadng 201st Bde ang mga poster ng mga progresibong

Matinding pandarahas at pandaraya ang isinagawa ng rehimeng US-Ar- royo dito sa rehiyon nitong nakaraang eleksyon. Samu’t saring iskema

ang ipinatupad ng rehimen upang mahadlangan ang pagkakamit ng signipikantengboto ng mga progresibong party-list tulad ng Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela,

Anak ng Bayan at Migrante. Ginamit nito pangunahin ang dambuhalangreaksyunaryong sandatahang lakas na nakatalaga dito sa rehiyon upang dahasin

ang mga lider, miyembro at tagasuporta ng mga progresibong party-list.

Bago pa man magsimula ang kampanya para sa eleksyon, nagpakawalana ang rehimeng US-Arroyo ng mapanirang propaganda upang dungisan ang

imahen ng mga progresibong party-list. Naglubid ng kasinungalingan siSec. Norberto Gonzales na diumano’y prenteng organisasyon ng

Bagong Hukbong Bayan ang mga naturang party-list.

PANGUNAHING LATHALAIN

Sundan sa kasunod na pahina

“...matindi ang pandarahas ng mga militarsa Quezon bago ang eleksyon. Naganap

dito ang apat na kaso ng pagpatay atdalawang kaso ng tangkang pagpatay...”

KALATAS / 5Abril - Hunyo 2004

party-list. Pinulong din ng mga militar ang mga kapitanng barangay doon. Binantaan sila na kung makakakuhang signipikanteng boto ang mga progresibong party-listsa kanilang baryo, maglulunsad ang mga militar ngmalawakang operasyon.

Sa bayan naman ng San Francisco, dalawangorganisador ng Anakpawis ang idineklarang wanted.Naglabas ng poster ang mga militar at pinagbintangangmga miyembro ng NPA ang mga organisador. Dagdagpa rito, hinalughog ng mga kagawad ng 76th IB na nasailalim ng 201st Bde ang opisina ng Anakpawis sa Calauagnoong ika-30 ng Abril.

Pagmanipula sa resulta ng eleksyon

Maging sa mismong araw ng eleksyon at sapanahon ng bilangan, nagpatuloy ang mga maniobra ngrehimen upang manipulahin ang resulta ng eleksyongparty-list.

Sa Kanlurang Batangas, mga militar ang tumrangkosa pagbibilang ng boto sa maraming mga prisinto.Hinaras nila ang mga poll watcher mula sa mgaprogresibong partido at kandidato. Maraming boto parasa Bayan Muna, Anakpawis, iba pang progresibongparty-list at mga progresibong kandidato ang hindibinilang. Marami sa mga boto ng mga progresibongparty-list ang itinala bilang boto ng Akbayan, isangparty-list na suportado ng Malacañang at ng AFP.

Samantala, sa Oriental Mindoro naman,umabot sa 10,000 katutubong Mangyan anghindi nakaboto. Hinarang sila ng mgakagawad ng 204th Bde. Pinagbantaan atdi na sila hinayaang makatuloy sa mgaprisinto nang malamang iboboto nila angAnakpawis.

Sa Silang, Cavite, ibinunyag ng isangmunicipal election officer na inatasansilang bawasan ang mga botong nakuha ngmga progresibong party-list upang manalosa eleksyon ang mga party-list na sinusu-portahan ng militar at iba pang pinopondohan

ng Malacañang.

Ibinunyag din ng mga poll watcher ng Bayan Munaat Anakpawis sa Batangas ang isang malakingiregularidad. Inilahad nila na batay sa Municipal Certifi-cate of Canvass (MCC), nakalikom ang Bayan Munang 1,136 na boto sa Malvar subalit 136 na lamang angnaitalang boto pagdating sa antas ng probinsya.

Sistematikong represyon

Isang matinding sistematikong represyon angpinakawalang ito ng rehimen laban sa mga progresibongparty-list. Malinaw na nailahad ng represyong ito angpagiging bulok sa kaibuturan ng reaksyunaryongsistemang pampulitika at kahungkagan ng mga inilulunsadna eleksyon sa balangkas nito. Hindi maaring umasaang mamamayan na magkakaroon ng malinis, matiwasayat mapagkakatiwalaang eleksyon.

Malinaw ding ipininta ng mga hakbang na ito angimbing disenyo ng rehimeng US-Arroyo sa panahon ngeleksyon. Nakahanda ang rehimen na gawin ang lahat

ng paraan maging ang pagpaslang sa mga inosentengsibilyan upang mapigilang manalo ang mgaprogresibong party-list na lumalaban sa mga

kontra-mamamayang patakaran ng rehimen.

Subalit sa kabila ng mga hakbang naito, nakakuha pa rin ng signipikanteng botoang mga progresibong party-list dito sarehiyon. Pinatunayan ng mamamayan saresulta ng nakaraang eleksyong party-list naanuman ang gawin ng mga pasista, dimapipigil ang pagsuporta at pagboto ng

mamamayan sa mga tunay na nagtataguyodng makabagong pulitika na nagsisilbi sakapakanan at interes ng masa.

“...sa kabila nito, nakakuha parin ng signipikanteng boto angmga progresibong party-list...”

Mula sa nakaraang pahina

k

Abril - Hunyo 20046 / KALATAS

Lalung naging walang pakundangan ang pananalanta ng pasistang estado sa Timog Katagalugan nang

papalapit na ang araw ng eleksyon. Mas naging garapalat brutal ang pamamaslang sa mga kasapi ng prog-resibong party-list.

Mula Enero hanggang pagkatapos ng halalan,umabot sa siyam na miyembro ng Bayan Muna atAnakpawis ang pinaslang sa rehiyon. Tampok dito angpagpaslang kina Vice Mayor Juvy Magsino, LeymaFortu, Isaias Manano, Jr. at Edrian Alegria sa Mindoro,at kina Condrado Catigbak at Rogelio Perez ngPagbilao, Quezon. Dumanas naman ng iba’t ibang tipong pandarahas, pagdukot, pambubugbog at iligal na pag-aresto ang mga kasapi at lider ng iba pang mgaprogresibong party-list at mga tagapagtaguyod ngkarapatang pantao.

Paghandaan ang JMC sa gitna ngmatinding pananalanta

ng estado

Ang lalawigan ng Quezon ang pinokusan ngpasistang atake ng gahaman sa kapangyarihang rehimen.Sa loob lamang ng tatlong buwan, naganap dito ang apatna kaso ng pagpatay at dalawang tangkang pagpatay.Kabilang dito ang bigong pagpatay kay Peter “Tata Pido”Gonzalez, kandidato ng Anakpawis Party-list para sapagkabokal ng ikaapat na distrito ng Quezon.

Ipinipihit ng rehimen ang lantarang panunupil sa mgaprogresibong organisasyon sa Quezon habang hindinaglulubay ng pagpapataw ng pasistang teror sa Mindoroat iba pang mga probinsya dito sa rehiyon.

Iisa ang disenyo ng pamamaril at pamamaslang ngmga salarin. Kung ano ang ginawa sa mga biktima saMindoro, gayundin sa Quezon. May ulat na sangkot samga kaso ng pagpatay dito sina Aniano “Silver” Floresat Larry “Mike” Aparato, mga dating NPA na nagtaksilna sa rebolusyon. Sila ang mga nangungunang tao ngkilabot na death squad na napakinabangan nang hustong berdugong 204th Brigade sa Mindoro sa paglikidasa kanilang mga target. Sangkot din sila sa pagsalbeydskina Eden Marcellana, pangkalahatang kalihim ngKarapatan-Southern Tagalog at Eddie Gumanoy,tagapangulo ng Katipunan ng Samahang Magbubukid-TK. Patunay ito ng patuloy na pangangalaga at paggamitng AFP sa mga kriminal na tulad nina Flores at Aparatokahit na may warrant of arrest pa ang mga ito dahil sakasong pagpatay.

Sundan sa kasunod na pahina Sundan sa kasunod na pahina

QuezonHunyo 5—pinagbabaril si Merly Cabatay, kasapi ngBayan Muna, malapit sa tarangkahan ng Peninsula Vil-lage Subdivision sa Brgy. Bukal, Pagbilao ng mga kasaping death squad. Positibong kinilala ng mga saksi sapangyayari na si Aniano “Silver” Flores ang mismongbumaril kay Cabatay. Si Flores ay miyembro ng kilabotna death squad na binuo ng 204th Brigade sa Mindoro.Kasama ni Flores si Larry Aparato at isa pang dinakilalang salarin nang patayin si Cabatay.

Mayo 13—bandang tanghali, pinagbabaril hanggang samapatay si Condrado “Gado” Katigbak, kasapi ngBayan Muna, ng dalawa-kataong nakaabang na sakanyang ruta pauwi sa Brgy. Binahaan, Pagbilao.

Mga kalupitan ng estado sapanahon ng eleksyon

KALATAS / 7Abril - Hunyo 2004

Malinaw ang mga indikasyon ng mas matindingteroristang atake ng rehimen sa mamamayan. NitongEnero pa lamang mayroon nang naitalang 1,268 na kasong paglabag sa karapatang pantao sa 504 na insidentena may 4,493 indibidwal at 1, 721 pamilyang biktima sabuong Timog Katagalugan.

Sa harap ng lahat ng ito, nararapat na mahusay napaghandaan ng mamamayan ang pagkakabuo ng JointMonitoring Committee (JMC). Resulta ito ng pag-usadng Usapang Pangkapayapaan sa pagitan ng NationalDemocratic Front of the Philippines (NDFP) at Gov-ernment of the Republic of the Philippines (GRP) paraobserbahan at tiyakin ang implementasyon ngComprehensive Agreement on Respect for Hu-man Rights and International HumanitarianLaw (CARHRIHL) sa gitna ng armadongtunggalian ng dalawang panig.

Ang JMC ang tatanggap at mag-iimbestiga sa mga paglabag saCARHRIHL. Ang CARHRIHLay umiiral bilang mahalagangdagdag na pamantayan sapaggalang sa mga ka-rapatang pantao at in-ternasyunal na maka-taong batas.

Nilalaman nito ang buong saklaw ng mga kara-patang pantao na kinabibilangan ng mga karapatang sibilat pampulitika, pang-ekonomya, panlipunan atpangkultura. Batay ito sa pinagdaanan at mgakongkretong karanasan ng sambayanang Pilipino at saumiiral na sitwasyon sa bansa.

Mas mainam na dulugan ng mga reklamo ang JMClaban sa mga abusong militar kaysa sa Commission onHuman Rights na nagsisilbi lamang sa GRP. Angpaglalantad sa JMC ng mga kasong ito ay maaaringmakarenda sa labis-labis na pang-aabuso at paglabagng militar sa karapatang pantao.

Kinakailangang pasiglahin at palawakin ngmamamayan ang mga aksyon at protestang masa

para ilantad, kundenahin at labananang mga paglabag sa kara-patang pantao at internasyunalna makataong batas. Nararapat

na paigtingin sa pamama-gitan ng JMC, masmidya,aksyon at protestangmasa at iba pang paraanang paglalantad at pag-kundena sa mga pina-kamalaki at pinakama-sahol na mga pasistangberdugo.

Mula sa nakaraang pahina

Mula sa nakaraang pahina

Mayo 12—nakaligtas sa tangkang pagpatay si Peter“Tata Pido” Gonzalez. Pinagbabaril siya ng mgapinaniniwalaang militar sa harap ng opisina ng AnakpawisParty-list sa Gumaca, Quezon noong May 12. SiGonzales ay kandidato ng nasabing party-list para sapagkabokal ng ikaapat na distrito ng Quezon.

Abril 30—iligal na hinalughog ng mga kagawad ng 76th

IB na nasa ilalim ng 201st Brigade ang opisina ngAnakpawis sa Calauag.

Abril 29—pinagbabaril sa Brgy. Silangang Malicboy,Pagbilao, Quezon ang mag-asawang sina Rogelio Perez,46, pangalawang tagapangulo ng Pamalakaya-Quezonat tagakampanya ng Bayan Muna, at Cristina, 52,

pangkalahatang kalihimng Bayan Muna-Pagbilao. Namatay si Rogeliosamantalang si Cristina ay agaw-buhay nang dalhin saospital. Galing ang mag-asawa sa papulong ng isangkumakandidatong alkalde sa naturang bayan.

Abril 25—dinukot ng militar noong Abril 25 sina OliverOstoral, 27, taga Mauban, Quezon at Ramil Adornado,21, taga Real, Quezon, kapwa mga miyembro ng Anakng Bayan-Southern Tagalog. Huli silang nakita noongalas-6 ng umaga ng Abril 25 sa Brgy. Mangilang,Candelaria, Quezon. Naroon sila para mag-imbita parasa kumbensyon ng Bayan Muna-Quezon.

Abril 7—kasisimula pa lang ng lokal na kampanyangSundan sa kasunod na pahina

k

Abril - Hunyo 20048 / KALATAS

elektoral, pinatay si Belen Israel, kasapi ng Bayan Muna,sa mismong bahay nito sa Brgy. Kanlurang Malicboy,Pagbilao. Binaril si Israel ng mga salarin sa loob mismong kanilang bahay. Nasaksihan ito ng may kapansanangasawa ni Israel.

Oriental MindoroAbril 28—pinaulanan ng bala si Isaias Manano Jr., 23,pangkalahatang kalihim ng Anakpawis-Mindoro Orien-tal sa Brgy. Pachoca, Calapan City, Mindoro Oriental.Patay si Manano at sugatan ang kasama niyang siGuillermo Coz, 47, pangalawang pangulo ng Anakpawissa probinsya. Galing ang dalawa sa pakikipag-usap saisang kandidato sa pagkaalkalde nang sila’y pagbabarilinng mga pinaghihinalaang kasapi ng Military IntelligenceUnit sa lugar.

Abril 17—ikinulong nang isang araw sa loob ng Philip-pine Independent Church sa Roxas, Oriental Mindoroang 61 kasapi ng Tanggol Karapatan-Southern Taga-log. Malisyoso silang pinagbintangang kumakandili ngisang sugatang Pulang mandirigma sa loob ng simbahan.Gamit ang ganitong walang batayang paratang, tahasangnilabag ng militar ang mga karapatan ng grupo.Kagagaling lamang ng grupo sa karatig-bayan ngBongabong para sa isang Fact Finding Mission.

Noong araw ding ito, binugbog at binantaang papatayinng mga nag-operasyong tropa ng 59th IB si Doko, isangMangyan Hanunuo, na taga Sityo Sipatag, Brgy.Panaytayan, Mansalay.

Abril 13—dinukot at pinatay ng pinaghihinalaang mgaelemento ng 68th Infantry Batallion ng Philippine Army siEdwin Mascariñas, 20 taong gulang, sa Brgy. Masaguise,Bongabong, Oriental Mindoro. Si Macariñas ay lokalna coordinator ng partidong Anakpawis sa lugar.Samantala nang araw ding ito, pinaputukan ng mgaelemento ng 68th IB ang isang bahay kahit na malayo salugar ng labanan nang makasagupa nila ang isang yunitng BHB doon. Isang walong taong gulang na bata angnapatay ng mga militar.

Occidental MindoroAbril 16—pinaliparan ng isang bala ng M203 ang opisina

ng Gabriela Women’s Party sa Sityo Bulangkog, Brgy.Poblasyon, Calintaan bandang alas dos ng madaling araw.

LagunaHunyo 3—marahas na dinispers ng mahigit 50magkasanib na pwersa ng PNP-Sta Rosa at RegionalSpecial Action Force sa pamumuno ni Capt. Quiñonesang welga sa Soutech Development Corp. Apatnapuang sugatan at 19 na manggagawa ang iligal na hinuli atikinulong nang 13 oras sa Sta Rosa Municipal Jail.

Hunyo 1—60 blueguards sa pangunguna ni BongAblaza, personal na goon ng may-ari ng Soutech De-velopment Corp, at 30 pulis Sta Rosa ang lumusob,nanadyak, nanghataw at nanulak sa mga manggagawangnagpipiket. Labindalawangmanggagawa ang isinugod saCommunity Hospital at dalawaang iligal na hinuli.

BatangasMayo 31— sapilitang kinuhaat ininteroga ng mga kagawadng 20th Special Forces Com-pany ang walong boluntir ng Karapatan-Southern Ta-galog nang sila ay magresponde sa napaulat na mgapaglabag sa karapatang pantao sa Rosario, Batangas.Tatlo sa mga boluntir ang binugbog ng militar.

RizalAbril 27—pinagbabaril ng mga elemento ng 80th IB angapat na kabataang lulan sa isang Mitsubishi Adventuresa Sityo Wawa, Brgy San Rafael, Rodriguez, Rizal.Sakay sa nasabing kotse sina Vanessa Ramos, 15; MaryJoy Macasa, 14; Diana Buenaflor, 10; at ang nagma-manehong si Delfin Afiado, 19. (May kaugnay na balitasa pahina 20.)

CaviteHunyo 12—iligal na inaresto at ikinulong ng mgakagawad ng Philippine National Police sa Kawit, Cavitesi Arman Albarillo, tagapagsalita ng Bayan Muna-South-ern Tagalog. Naglulunsad sina Albarillo at ang kanyangmga kasamahan ng mapayapang demonstrasyon parakundenahin ang selebrasyon ng huwad na kalayaan nangsapilitan siyang kuhanin ng mga pulis.

Mula sa nakaraang pahina

k

KALATAS / 9Abril - Hunyo 2004

May kalayaan ba kung ang Bayan ay nagdurusa’tlugmok sa hirap at ang yaman ng baya’y

pinagpapasasaan ng dayuhan at ng iilang maka-pangyarihan at korap? Kalayaan bang matatawag angpang-aapi at pagsasamantala sa mga kapos at walangkaya at lahat ng mga dukha’y hinahamak.

Kung gayo’y huwad ang Kalayaan na idineklaranoong Hunyo 12, 1898 sa bahay ng palasuko at ko-laborasyunistang si Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.Hindi ito nangahulugan ng paglaya ng api sa pagdurusaat pang-aalipusta. Nagbuolamang ito ng haka-hakangdemokrasya at kunyaringkalayaan.

Ang totoo, ang nang-yari’y pagwawakas lamangng mahigit sa 333 taongpaghahari’t pang-aalipin ngmga kolonyalistang Espanyolsa sambayanang Pilipino atang kagyat na kasunod ayang paghahari ng Imper-yalismong Estados Unidossa bayang tinawag na Perlasng Silangan.

Upang malinaw na ma-kita ang papel ni Aguinaldo sa pagpasok ng bagongmananakop at paano niya ibenenta ang laban ngsambayanan, mabuting saglit nating balikan angkasaysayan.

Paglaban sa kolonyalismong Espanyol

Sa buong panahon ng kolonyal na paghahari ngEspanya, sumiklab ang iba’t ibang pagbabangon labansa buwis, sapilitang paggawa, monopolyo sa komersyo,napakataas na upa sa lupa, pangangamkam ng lupa,pagpapataw ng relihiyong Katoliko, mga palakad na di-makatwiran at iba pang kalupitan ng mga kolonyalistangEspanyol.

Hunyo 12, 1898: huwad na kalayaanNaganap ang di kukulangin sa 200 pagbabangon

na iba’t iba ang itinagal at lawak na naabot. Sa mga ito,makikita ang pagkilala ng sambayanang Pilipino sapangangailangan ng dahas at nagkakaisang pagkilos paraibagsak ang paghaharing Espanyol. Lumaganap atlumakas ang mga ito at lumikha ng isang dakilangtradisyon sa sambayanang Pilipino. Tampok dito angrebolusyong 1896 na pinamunuan ng dakilang bayaningsi Gat Andres Bonifacio.

Pagkaraan ng Sigaw sa Pugadlawin noong Agosto23, 1896, ang hudyat ng pagsiklabng rebolusyon, umani ng maramingtagumpay ang sambayanang Pili-pino. Lumawak ang kasapian ngKatipunan. Naitaboy mula samaraming bahagi ng bayan ang mgakolonyalistang Espanyol, laluna saLuzon.

Subalit noong 1897, inagawng mga ilustradong pinamumunuanni Aguinaldo ang liderato ng Rebo-lusyon. Dinakip at pinatay si Boni-facio ng pamunuang Aguinaldo.Itinayo ang pamahalaang rebo-lusyunaryo pero dumanas ito ngsunud-sunod na pagkatalo. Nalan-tad ang mapagkompromisong

katangian ng uring ilustrado (mga nakapag-aral namiyembro ng mga nakaririwasang angkan).

Aguinaldo, taksil sa sambayanan

Sa taon ding iyon, nakipagkasundo sa mgaEspanyol ang pamahalaang Aguinaldo. Kapalit ngP400,000, nanawagan sila sa mamamayan na tumigil sapaglaban at nagpatapon siya sa Hongkong. Ito angKasunduan ng Biak-na-Bato.

Sumuko ang pamunuang Aguinaldo ngunit hindi angsambayanang Pilipino. Ipinagpatuloy ng mamamayan ang

Sundan sa kasunod na pahina

Abril - Hunyo 200410 / KALATAS

rebolusyunaryong pakikibaka.

Samantala, nakipag-ugnayan kay Aguinaldo saHongkong ang mga ahente ng imperyalismong USpara kasangkapanin siya sa balak na pag-agaw saPilipinas. Ibinalik ng mga Amerikano si Aguinaldosa Cavite pagkaraang pasukin ng iskwadrongpandagat ni Dewey, admiral ng hukbong pandagatng US, ang Look ng Maynila para lipulin ang plotangEspanyol.

Pagsiklab ng Digmaang Espanyol-Amerikano,sinamantala ng mga rebolusyunaryong Pilipino angmagandang pagkakataon para paigtingin ang pakikibakasa mga kolonyalistang Espanyol. Bumagsak angpaghahari ng Espanya sa buong kapuluan liban saIntramuros at ilang di mahalagang garison.

Pero dahil sa panghihimasok at pananalakay ngimperyalismong US, hindi naganap ang pormal napagsuko ng mga kolonyalistang Espanyol sa mga Pilipino.Ipinagkait sa mga rebolusyunaryong Pilipino angtagumpay na dapat ay sa kanila. Makahayop na nilupigng imperyalismong US ang sambayanang Pilipino atnagpatuloy ang kolonyal na katayuan ng Pilipinas.

Nauwi sa wala ang pambansa-demokratikongrebolusyong pinamunuan ni Gat Andres Bonifacio at ngmga nauna pang nagsipag-aklas tulad nina FrancisoDagohoy sa Kabisayaan, Gabriela Silang, Tandang Soraat iba pang dakilang mga bayani ng rebolusyon laban sakolonyalismo. Ang Rebolusyon ng 1896 ay ang armadongpaglaban na inilunsad ng sambayanang Pilipino paraibagsak ang kolonyal at pyudal na paghahari ng mgaEspanyol. Ipinaglaban nito ang soberanya ng bansangPilipino, ang kalayaang sibil, ang pagkumpiska sa mgaasyenda ng mga prayle para ipamahagi sa mgamagsasaka at ang paghihiwalay ng estado sa Simbahan.

Nilamon si Aguinaldo ng nakakasulasok napanlilinlang ng mga Amerikanong nag-astang taga-pagligtas at tagapagpalaya. Bandang huli, inaresto rinsiya ng mga pasistang sundalong Amerikano sa Palanan,Isabela. Nilukob ang buong bansa ng bagong ma-nanakop, ang Imperyalismong US.

Teroristang paghahari ng Imperyalismong US

Mala-halimaw na henosidyo o paglipol sa lahi angginawa ng mananakop na imperyalismong US.Nagsagawa sila ng sari-saring kalupitan tulad ngpagmasaker sa mga bihag at sibilyan, pagsasamantala sa kababaihan, panununog sa mga tahanan at ari-arian,pagpapahirap, pagsosona at pagkokonsentra samamamayan sa mga kampo. Mula 1899 hanggang 1914pa lamang 1.4 milyong Pilipino na ang pinaslang ng mgasundalong Amerikano.

Pinanatili ng Imperyalismong US ang kolonyalna paghahari nito sa Pilipinas, pangunahin sapamamagitan ng kontra-rebolusyunaryong dahas atsegundaryo sa pamamagitan ng panlilinlang. Patuloynitong pinalakas ang kolonyal na armadong pwersakahit nahuli na si Aguinaldo at nadurog ang pamunuanng rebolusyon. Ginamit nito ang kolonyal na hukbongarmado [Philippine Constabulary] bilang pangu-

Mula sa nakaraang pahina

Sundan sa kasunod na pahina

Nakahandusay sa isang trentsera ang magka-kapatas na bangkay ng mga Pilipinong mina-saker ng tropang Amerikano noong panahon ngDigmang Pilipino-Amerikano.

KALATAS / 11Abril - Hunyo 2004

nahing tagapagtanggol ng kolonyal na paghahari ngimperyalismong US.

Kinontrol ng mga mananakop ang pag-iisip ngmamamayan sa pamamagitan ng pagpatay sa diwangmakabaya’t rebolusyunaryo at pagpapalaganap ngpagsamba sa imperyalismong US. Ginamit ang sistemang edukasyong publiko, sine, radyo, pahayagan atpanitikan para siraan ang rebolusyong Pilipino. Itinanimdin sa isip ng mamamayan ang pagiging sunud-sunuransa imperyalismong US. Nagpadala ng maramingpensyonado sa United States upang magsanay ngmaaasahang mga papet at propagandista. Hinayaan angSimbahang Katoliko na magpatuloy sa pagpapalaganapng kaisipang pyudal at mga pamahiin. Ibinaling ng mgapari sa bagong amo ang kanilang mga papuri.

Sa kabilang banda, ipinagbawal at marahas nasinupil ang pagpapahayag ng kaisipang makabayan.Ipinagbawal ang paglaladlad sa watawat ng Pilipinas atang mga dula’t panitikang makabayan. Pinarusahan nangmabigat ang makabayang mga manunulat. Binansagangmga “bandido” ang mga nagpursigi sa armadong pagla-ban sa paghahari ng US.

Nag-alaga at nagsanayang imperyalismong US ngmga papet na kakatulungin sapagpapatakbo ng gubyer-nong kolonyal habang tuwi-rang hinahawakan nito angkapangyarihan sa bayan.Mula sa malaking burges-yang kumprador at pangi-noong maylupa, pumili angimperyalismong US ng pa-ngunahing mga ahentengpulitiko. Sinanay ang mga itobilang mga burukratang kapi-talista na nakikinabang samga nadadambong ng gub-yernong kolonyal.

Nang marami na silangnasasanay na mga burukrata,

sinimulan ng mga mananakop noong 1916 ang“Pilipinisasyon” ng gubyernong kolonyal. Sa panahongito, si Manuel Quezon na ang pangunahing papet ng mgaimperyalista.

Kahit na nagtagumpay ang ilang taong pananakopng imperyalismong Hapon sa Pilipinas noong unang hating dekada ‘40, nakapanumbalik ang ImperyalismongUS at ipinagpatuloy nito ang direkta at di-direktangkontrol sa bansa. Sa pagkakatatag ng papet narepublika, naging malakolonyal at malapyudal anglipunang Pilipino. Ang katayuang ito ay itinatakda ngimperyalismong US, pyudalismo at burukratangkapitalismo na ngayo’y walang awang nagsasamantala’tnang-aapi sa malawak na masa ng mamamayang Pilipino.Ang malakolonyal na katangian ng lipunang Pilipino aypangunahing itinatakda ng imperyalismong US. Kahitsinasabi ng mga reaksyunaryo na malaya na ang Pilipinas,hindi ito ganap. Ang totoo, patuloy na nilalabag ngimperyalismong US ang pambansang soberanya.Pagkaraang kunwa’y ibigay ito, sinigurado ng imper-yalismong US na patuloy nitong makokontrol angekonomya, pulitika, kultura, militar at ugnayang panlabasng Pilipinas.

Huwad na Kalayaan

Anong kalayaan kung gayonang ipinagdiriwang ng reaksyu-naryong gubyerno tuwing sasapitang Hunyo 12? Di ba’t ang kala-yaang makapanatili sa estado poderang mga naghaharing uri ng burges-yang kumprador at panginoongmaylupa? Ang kalayaang maitaliang lipunang Pilipino sa kuko ngpyudalismo, burukrata-kapitalismoat imperyalismo. Ang kalayaangmagamit ang makinarya ng estadopara sistematikong apihin at pagsa-mantalahan ang sambayanan—angagawan ng lupa ang mga magsa-saka at pagkaitan ng makata-rungang sahod ang mga mang-gagawa. Dahil sa ganito angMga sundalong Amerikanong naglulunsad

ng pagsasanay militar dito sa Pilipinas Sundan sa kasunod na pahina

Mula sa nakaraang pahina

Abril - Hunyo 200412 / KALATAS

Nagkaroon ng linaw sa mga kadre’t kasapi ngPartido sa Timog Katagalugan ang landas ng

programang itinuturing na pinakapuspusan, pinaka-konsistente, pinakapursigido, pinakalahatang-panig

dinaranas ng sambayanan, malinaw na hindi tinatamasang bayan sa ngayon ang tunay na kalayaan. Walang dapatipagdiwang ang sambayanan.

Makakamtan lamang ang tunay na kalayaan sapamamagitan ng pagwawakas sa makauring pang-aapi’tpagsasamantalang dulot ng pyudalismo, burukrata-kapitalismo at imperyalismo—ang tatlong salot nanagpapanatili sa pagiging malapyudal at malakolonyalng lipunang Pilipino. Magagawa ito sa pamamagitan ngpaglulunsad ng makauring pakikibaka ng uring anakpawislaban sa mapang-aping uri ng panginoong maylupa’tburgesya kumprador.

Ang bagong tipong demokratikong rebolusyon

Pasalamat tayo sa pagsilang ng rebolusyunaryongkilusang pinamumuan ng Partido Komunista ng Pilipinas.Bisig nito ang Bagong Hukbong Bayan na siyangnagpapatuloy ng naantalang rebolusyon na sinimulan ni

Andres Bonifacio. Pambansa ang saklaw ng rebo-lusyunaryong kilusan at mahigpit itong nakaugat sa masang manggagawa at magsasaka. Mahigpit nitongisinasabuhay ang diwa ng paglilingkod sa sambayanan,ang simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka. Itongayon ang nagdadala ng pulang bandila ng bagong tipongpambansa-demokratikong rebolusyon.

Ultimong layunin ng rebolusyunaryong kilusan nakamtin ang pambansang demokrasya at tunay nakalayaan sa pamamagitan ng pagpapabagsak sareaksyunaryong gubyerno, pagdurog sa pyudalismo atpagpawi sa kawing ng imperyalismong US sa bansahanggang sa tagumpay ng demokratikong rebolusyongbayan at kagyat na kasunod na sosyalistang rebolusyon.

Niyayakap at pinakamamahal ng masa ngsambayanan ang Partido, hukbong bayan at buongrebolusyunaryong kilusan. Alam nilang tanging angdakilang kilusang ito ang nagguguhit ng tamang direksyonupang makamit ang minimithi nilang kalayaan.

Mula sa nakaraang pahina

k

Ang nasyunalisasyon ng lupaat pinakamalayo ang mararating o masasaklawtungong sosyalismo. Matutugunan nito angdemokratikong adhikain na magkaroon ng lupa angmga magsasakang wala o kulang sa lupa, mapa-

pataas ang produksyon, mapapawiang mapang-aliping upa sa lupa at angmapang-usurang interes sa pautang.

Ito ang nasyunalisasyon ng lupa namasusing tinalakay sa idinaos naIkalawang Kumperensya sa GawaingMasa sa Kanayunan noong Setyem-

bre 2003. Dagdag na probisyon ito saRebolusyonaryong Gabay sa Reporma saLupa (RGRL) na pinanukala sa Pambansang

Kumperensya sa Gawaing Masa at pinag-tibay ng KT-KS.

Sa nasyunalisasyon, ang lupang kukum-piskahin ay magiging pag-aari ng estado. Hindi

ito maaring ibenta, ipamana o isangla pero malayangSundan sa kasunod na pahina

KALATAS / 13Abril - Hunyo 2004

Mula sa nakaraang pahina

bungkalin at gamitin ng magsasaka batay sa mgarestriksyon at tuntuning binalangkas ng estado sapaggamit ng lupa. Sa madali’t sabi, ibibigay ang karapatansa pagbubungkal at hindi ang karapatang mag-ari (rightto own) upang sagkaan ang panunumbalik ng konsen-trasyon ng lupa. Samantala, ang mga pribadong lupainay maari lamang ibenta sa estado o mga samahangmagsasaka.

Kabilang sa mga binabanggit na kukumpiskahin atisasabansa ay ang mga lupang pag-aari ng mga malalakiat despotikong panginoong maylupa at mga korporadongsakahan ng mga burgesya-kumprador at mga mono-polyo-kapitalista.

Hindi na kailangan ang isang antas ng konsolidasyonng pambansa-demokratikong lipunan bago ito ipatupad.Kagyat na ipapatupad ang nasyunalisasyon matapos angpambansa-demokratikong rebolusyon.

Sa kasalukuyang malakolonyal at malapyudal nalipunang Pilipino, umiiral ang di balansyado, atrasado at

maliitang pagsasaka. Sa pagpapatutupad ng nasyu-nalisasyon, magkakasabay pa ring iiral ang pribadongpag-aari ng mga mayayaman at mataas na panggitnangmagsasaka, ang maliitang pagsasaka at ang lupangpampubliko mula sa kumpiskado at naisabansang lupang estado.

Ang mga saligang prinsipyong nabanggit sa itaasang naging karagdagan at pagpapaunlad sa kabang-yaman ng ating prinsipyo sa RGRL. Dagdag na sandataang mga prinsipyong ito para sa mga kadre’t kasapi ngpartido para sa mas mabilis at malalim na paraan ng pag-mumulat, pagpapakilos at pag-oorganisa sa masanganakpawis sa kanayunan. Gabay rin ito upang mabunotang mga hibo ng konserbatismo sa gawaing masa sakanayunan. Makatutulong ito nang malaki sa pagsusulongng pakikidigmang gerilya batay sa papalalim atpapalawak na baseng masa, pagpapalawak at pagko-konsolida ng baseng masa, pagbubuo at pagpapatatagng mga organo ng kapangyarihang pampulitika sakanayunan, pagtatayo at pagpapalawak ng organisasyonng Partido sa hanay ng mga magsasaka at malawak napagbubuo ng pambansang nagkakaisang prente. k

Kung tumitindi ang pagnanais ng kaaway na madurog angrebolusyunaryong kilusan, hindi ito isang masamang bagay kundi

Labanan at biguin ang papatindingteroristang atake ng rehimeng

US-Arroyo sa Quezon

isang mabuting bagay. Ibig sabihin, iniinda ng kaaway ang nagagawa ng kilusan.Sa ganitong kalagayan, naitatransporma ng mga rebolusyunaryong pwersaang masamang bagay sa isang mabuting bagay para sa rebolusyon atmamamayan.

Mula 1998 ini-lulunsad na ng reak-

syunaryong estado ang walang kasing bangis na kontra-rebolusyunaryong digma sa Timog Katagalugan (TK).Nag-umpisa ito sa Laguna at isinunod nito ang Mindorobilang national priority concern ng kampanyangpagdurog ng Armed Forces of the Philippines sa mgarebolusyunaryong pwersa sa TK. Inilunsad ng AFP angmadugong panunugis sa mga pwersa ng BHB kaalinsabay

ng walang pakundangang pananalasa sa baseng masa.Nagpataw ito ng pasistang teror sa batayang antas.Ipinatupad ng rehimeng US-Arroyo ang walangpakundangang pagpaslang at pananakot sa mga sibilyan,pagdukot, at iligal na pagkukulong. Tampok angpagpugot ng ulo sa mga bihag nilang kasapi ng BHB atpagdukit sa mata ng nililikidang pinaghihinalaangtagasuporta. Ngunit bigo ang hibang na mga kampanya

Sundan sa kasunod na pahina

Abril - Hunyo 200414 / KALATAS

ng kaaway na mawasak ang mga larangang gerilya saLaguna laluna na sa Mindoro.

Ang dambuhalang kaaway

Ipinipihit na ng rehimeng US-Arroyo ang tindi ngpasistang pananalakay sa mga rebolusyunaryong pwersasa Quezon habang hindi naglulubay sa Mindoro at ibapang probinsya sa rehiyon. Ang mga operasyon ngReegineered Special Operations Team (RSOT) mulahuling kwarto ng 2003 hanggang unang kwarto ng 2004sa probinsya ay indikasyon ngmga paghahanda para sa engran-deng plano at kampanyang pagdu-rog ng AFP sa mga rebolus-yunaryong pwersa dito.

Naghahasik ng pasistanglagim sa probinsya ang katumbasng anim na batalyon ng AFP.Pinangungunahan ito ng mgaberdugong batalyon ng 74th Infan-try Batallion (IB) at 76th IB sa ilalim ng 201st Brigade saTimog Quezon at 59th IB na sumasaklaw sa ikatlo atikaapat na distrito ng probinsya at nagsisilbing suportang naunang dalawang batalyon. Sinaklaw na ng 1st IB sailalim ng 202nd Brigade ang Hilagang Quezon na iniwanng 59th IB. Nakadeploy naman ang 9th Special ForcesCompany (SFC) at 5th SFC sa Gitnang Quezon.

Sinusuportahan ng aabot sa tatlong batalyon ngCAFGU at mga Police Provincial Mobile Group na 414th

sa Real, 415th sa Brgy. Taguan, Candelaria, 416th saBrgy. Rosario, Gumaca at 417th sa Catanauan ang mgainfantry batallion at special forces na ito. May ulat naidideploy din sa Quezon ang 16th IB mula sa Mindoro atang bagong buo na 80th IB at isang batalyon ng Re-gional Special Action Force-PNP. Kapag nakumpletoang deployment na ito, mabubuo ang katumbas ng higitsa 11 batalyon ng AFP-PNP-CAFGU. Pinakamalakiito sa kasaysayan ng Quezon kumpara sa siyam nabatalyon sa panahon ng Oplan Cadena de Amor ngpasistang diktadurang US-Marcos. Mistula itong isangdambuhalang kaaway na madaling patamaan ng mgataktikal na opensiba ng BHB.

Dramatikong pagsulong ngrebolusyon sa Quezon

Ang paparaming deployment ng reaksyunaryongtropa sa Quezon ay indikasyon na lubha nang iniindang kaaway ang lahatang panig na pagsulong ngrebolusyon sa probinsya. Mula pa noong 1998 nangipatupad ng pinatalsik na si Estrada ang OplanMakabayan at sa kalauna’y ang Campaign PlanBalangai at Oplan Gordian Knot na hibang naiwinasiwas ng pasistang rehimeng US-Arroyo,nakapaglunsad ang BHB sa Quezon ng matutunog at

matatagumpay na taktikal naopensiba na yumanig sa mgalokal na naghaharing uri athanggang sa pambansang antas.Lubos na rin ang pagkabahalang mga lokal na panginoongmay lupa at komersyante-usurero dahil sa patuloy napagsigla ng pakikibakang agrar-yo at iba pang pakikibakanganti-pyudal sa probinsya.

Nitong unang hati ng 2004, inilunsad ng AFP angmalawakang operasyong pagtugis sa BHB. Una, upanglimitahan ang pagpapataw ng BHB ng Permit To Cam-paign Fee sa mga kandidato para sa eleksyon at ikalawa,upang malipol ang mga pwersang gerilya sa Quezon.Ngunit bigo ang kaaway na pigilan ang pag-iehersisyong gubyernong bayan ng patakaran sa pagbubuwis sapamamagitan ng PTC. Matagumpay itong naipatupadsa buong probinsya. Lalong bigo ang magkakatulong napwersa ng 74th IB, 76th IB at 59th IB na durugin angmga natunugan nilang yunit ng BHB dito. Pinalasap ngmga pwersang gerilya ang kaaway ng matinding dagokat pinsala. Sa magkakahiwalay na labanan noong Mayoat Hunyo sa mga bayan ng Catanuan at Mulanay napatayang 27 at maraming iba pa ang nasugatan sa militar. (Maykaugnay na lathalain sa pahina 15.)

Teror sa batayang antas

Hibang at duwag na tinutumbasan ng rehimeng US-Arroyo ng walang pakundangang paglabag sa karapatang

“...lubha nang iniinda ngkaaway ang lahatang panig

na pagsulong ng rebo-lusyon sa probinsya.”

Mula sa nakaraang pahina

Sundan sa kasunod na pahina

KALATAS / 15Abril - Hunyo 2004

pantao ang mga tagumpay na nakamit ng Partido,hukbong bayan at baseng masa sa Quezon. Tulad ngisinagawa sa Mindoro, malawakan ang paghahasik ngterorismo sa probinsya.

Walang kaparis na kalupitang militar ang sinasapitng masang magsasaka at iba pang walang kalaban-labangmamamayan sa mga baryo sa tuwing hindi matagpuanng nag-ooperasyong militar ang BHB. Sa mgakabayanan naman at lunsod, nitong ikalawang kwartong taon bago ang eleksyon, umabot sa apat na lider atmiyembro ng mga progresibong party-list ang sunud-sunod na pinaslang. Mula sa pagdidirehe ng 204th Bri-gade sa Mindoro, tuwiran nang pinangangasiwaan ngSouthern Luzon Command, ang death squad. SinaAniano Silver Flores at Larry Aparato, mga bantog nakasapi ng naturang death squad, ang itinuturong maykagagawan sa serye ng pamamaslang na ito.

Hindi na bago ang ganitong mga paraan ng paggamitng teror sa batayang antas at madudugong anti-komunistang panunugis na kahalintulad ng ipinatupad ngmga berdugong militar sa panahon ng pasistang lagim ngdiktadurang Marcos at panatikong vigilantismo sapanahon ng total war ni Corazon Aquino. Ito angkaraniwang desperadong reaksyon ng mga pasistangrehimen sa harap ng dumadagundong na paglakas ng

rebolusyunaryong kilusan.

Pagkaraang muling maluklok na presidente si GloriaMacapagal Arroyo bunga ng pandaraya, dapat asahanna ipapataw nito ang higit na matinding panunupil atpandarahas sa mga rebolusyunaryong pwersa atmamamayan. Dahil sa loob ng higit sa tatlong taon palamang na paghahari ng pasistang rehimen matapos namapatalsik si Estrada noong 2001, nag-ibayo na angkrimeng nagawa nito sa sambayanan.

Gayunman, hindi masusupil ng anumang reaksyu-naryong karahasan ang pakikibaka ng mamamayan.Pinanday na ng samu’t saring hirap at sakripisyo ng ilangdekadang pakikibaka ang mamamayan partikular saQuezon. Higit na pinapag-alab ng karahasang inihahasikng pasistang kaaway ang kanilang pakikibaka parawakasan ang paghahari ng malalaking panginoongmaylupa at burgesya komprador.

Nakahanda ang Partido, hukbong bayan atrebolusyunaryong mamamayan sa Quezon para ubos-kayang labanan at ipagtanggol ang base ng rebolusyonmula sa marahas na pananalakay ng papet ng US atpasistang rehimeng Macapagal Arroyo. Buong gitingnilang haharapin at bibiguin ang imbing pakana ng AFPat PNP na papanghinain at durugin ang rebolusyunaryongkilusan sa probinsya.

Mula sa nakaraang pahina

Dalawampu’t pitong pasistang kaaway ang napatayat di mabilang ang sugatan sa magkakasunod na

labanan sa pagitan ng Bagong Hukbong Bayan atkomposit na pwersa ng 59th IB, 74th IB at 76th IB saDulong Timog Quezon nitong Mayo at Hunyo. Malakingdagok ito sa pasistang rehimen at pasubali sa mgakasinungalingan at gawa-gawang kwento ni Major JoseBroso, public information officer ng AFP SouthernLuzon Command hinggil sa totoong naganap sa mgaopensiba nila laban sa hukbong bayan. Maaring manalosi Major Broso at ang AFP sa burgis na midya, ngunitmakikita sa dami ng pinsala sa kanila na talung-talo silasa labanan.

Mga operasyong militar ng AFP sa DulongTimog Quezon, patuloy na binibigo ng BHB

Sundan sa kasunod na pahina

k

Abril - Hunyo 200416 / KALATAS

Noong Mayo 5, kinubkob ng may 70 kaaway nakomposit ng 59th IB, 74th IB at 76th IB ang isang malakingplatun ng Apolonio Mendoza Command-BHB Quezonna nakahimpil sa Brgy Anyaw, Catanauan. Magiting nanakapanlaban ang mga pulang mandirigma at nakaalissa kordon ng kaaway. Limang kasama ang namatay saproseso ng pagtatanggol.

Sa ulat ng napalabang yunit ng BHB, apat ang tiyakna napatay sa panig ng militar at maraming iba pa angsugatan sa labanang ito. Kabilang sa mga napatay si Lt.Ferrer, ang mismong commanding officer ng yunit-militar na nag-operasyon.

Sa kahiwalay na ulat ng mga residente sa lugar,aabot sa 16 na kaaway ang napatay.Mula sa lugar ng labanan, inilibas ngmga militar ang mga bangkay atsugatan sa iba’t ibang karatig na bayanng Catanauan at ang iba ay isinakaysa helikopter upang maitago sa masaat burgis na midya ang tunay na bilangng kanilang mga kaswalti.

Napalaban naman ang isa pangyunit ng BHB bandang 8:00 ng umaga noong Hunyo 16sa isang paltun ng 74th IB sa Brgy F Nanandiego,Mulanay. Sa loob ng kulang sa tatlong oras na labanan,kinakitaan ang BHB ng mataas na militansya. Buong gitingnilang hinarap ang sumasalakay na kaaway. Nai-transporma sa opensiba ang depensibang kalagayan ngBHB sa unang bugso ng putukan. Napaatras nila angkaaway. Naglunsad ng running assault ang mga kasamaat tuluyan nilang napatakbo sa iba’t ibang direksyon angmga nabahag ang buntot na militar.

Hindi kagyat na nakarating sa mismong lugar nglabanan ang nagreinpors na kaaway lulan ng isang Ar-mored Personnel Carrier at dalawang siksbay nangmapasabugan ng blocking force ng BHB ng isang com-mand detonated land mine ang nauunang siksbay sakanilang convoy.

Nakaklining ang BHB ng isang ripleng M16.Labinlimang militar ang napatay at di mabilang ang

nasugatan sa labanang ito.

Pilit na itinatago ng AFP ang kanilang mga kaswaltiupang pagtakpan ang kanilang kabiguan at kahihiyaan.Sa magkakaibang direksyon at mga bayan ng Buenavista,Macalelon at Catanauan nila inilabas ang bangkay ngkanilang mga kasamahan. Inihayag nila sa midya na isalamang ang patay at tatlo ang sugatan sa kanila. Lumitawna BHB ang nagwagi sa itinakdang laban ng mga pasista.

Samantala, isa ang nagbuwis ng buhay sa panig ngBHB. Nasugatan si Renato “Ka “Medel” Verdegara saproseso ng labanan at namatay habang iniaatras ng mgakasama.

Bandang alas onse ng umaga noon ding Hunyo

16, hinaras naman ng isang iskwad ng Maria TheresaDe Leon Command-BHB Far South Quezon ang nag-ooperasyong tropa ng 74th IB sa Brgy Taingon, SanFrancisco. Lima ang napatay sa pasistang tropa. Hindina nakaganti ng putok ang kaaway. Dulot ng pagka-demoralisa, ang iba pang nag-ooperasyong yunit ng 74th

IB ay nagbalikan sa kampo.

Noon namang Hunyo 20, nakasagupa ng nasabingyunit ng BHB ang mga elemento ng 74th IB na nag-ooperasyon sa hangganan ng mga bayan ng Mulanay atSan Narciso. Palipat ang mga kasama sa kasunod nabaryo nang makita nila na namamahinga sa gilid ng sapaang mga militar. Kagyat nila itong pinaputukan at napatayang tatlo sa kaaway.

Napuruhan ng BHB ang palalong 74th IB sa mgalabanang ito. Ang yunit militar na ito ay may mahabanglistahan ng paglabag sa karapatang pantao sa Dulong

“Patuloy na bibiguin ng tulungan ng hukboat masa ang mga pasistang militar.

Nakahanda ang masa anumang oras na ibigayang kanilang mahigpit na suporta sa BHB...”

Mula sa nakaraang pahina

Sundan sa kasunod na pahina

KALATAS / 17Abril - Hunyo 2004

Mula sa mga Larangan

Timog Quezon.

Ipinakita sa magkakahiwalay na labanang ito angmataas na kakayahang magtanggol at lumaban ng BHB.Muli nilang nabigo ang taktikang dumog ng AFP, angpagbubuhos ng napakalaking pwersa para durugin angnatunugang yunit ng hukbong bayan. Habang dumaramiang pasitang tropa na pumapasok sa saklaw ng mgasona at larangang gerilya, dumarami rin ang target ngmga taktikal na opensiba ng BHB para ipagtanggol angbaseng masa.

Nagbunyi ang masa pagkatapos na matalo at

maitaboy ng hukbong bayan ang sumalakay na kaaway.Buong galak nilang inasikaso, ipinaghanda ng pagkain atkinalinga ang mga kasama.

Ayon kay Ka Ben, isa sa mga Pulang kumander nanaimbwelto sa labanan, “Patuloy na bibiguin ng tulunganng hukbo at masa ang mga pasistang militar. Nakahandaang masa anumang oras na ibigay ang kanilang mahigpitna suporta sa BHB upang kamtin ang katarungan sapamamagitan ng paglulunsad ng mga taktikal naopensibang nagpaparusa sa mga berdugo at pusakal nayunit ng kaaway. Muli itong napatunayan sa mga seryeng depensiba-opensibang labanan na napagwagian ngBHB sa Quezon”.

Mula sa nakaraang pahina

Naging bahagi na at kaakibat ng pang-araw-arawna gawain ng Bagong Hukbong Bayan ang

pagharap sa mga suliranin sa baryo. Sa halip na ilapit sapulisya o sa barangay, ang hukbong bayan na angkaraniwang nagiging dulugan ng mamamayan. Ipinag-kakatiwala ng mga taumbaryo sa BHB ang paglutas mulasa problemang pampamilya tulad ng awayan ng mag-asawa at magkakapatid hanggang sa problema salupa at mga kasong kriminal. Kadalasan,ipinapasa sa pangangasiwa ng mgakasama ang mga usaping dikayang lutasin ng pamunuanng barangay. Ang hukbongbayan na ang nagiging taga-payo, tagapamagitan at ta-gapamayapa ng mgamamamayan.

Patunay ito ng mataasna prestihiyo ng BagongHukbong Bayan at mataasna pagkilala at pagtitiwala ngmamamayan sa rebolusyu-naryong awtoridad ng kanilanghukbo. Unawa nila ang pag-iral

Nagdudulot ng liwanag ang Hukbong Bayan(Halaw sa isang maikling kwento hinggil sa naganap na pulong

masa sa Timog Quezon noong Abril.)ng hiwalay na kapangyarihang pampulitika sa kanayunan,ang mga binhi ng Demokratikong Gubyernong Bayanbilang ekspresyon nito. Masasalamin ito sa mahigpit napakikipagtulungan ng masa sa hukbong bayan sapagpapatupad ng mga patakaran at batas na pinaiiral ngrebolusyunaryong gubyerno.

Sundan sa kasunod na pahina

k

Abril - Hunyo 200418 / KALATAS

Ugnayan ng hukbo at masa

Sa isang baryo sa Quezon, nakarating ang ulat saisang yunit ng BHB na mayroong mga kaso ngpagnanakaw.

Si Ka Erbing, dating kapitan ng baryo, ang unangnakausap ng yunit. Ayon sa kanya, “Minsan nangnakulong noong 2001 sina Berting, Pilo at mga anakniyang sina Ensu at Jojo sa kasong pagnanakaw ngdalawang libong saging. Ngunit ng makapagpiyansa ngP2000.00, pinalaya ang mga ito. Pagkatapos na sila’ymakalaya, nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan angpagnanakaw sa mga saging namin dito. Wala namangtinitibang saging sina Pilo pero may ikinakarga yung mgaanak niya at mga pamangkin. Pero wala pang nahuhulisa aktwal.”

Papel ng Hukbong Bayan

Mahusay ang naging hakbangin ng BHB kaugnaysa mga inihapag sa kanila na mga kasong pagnanakaw.Kinumpirma nila sa iba pang susing masa ang mga datosna nakalap. Ipinaalala ng yunit sa mga nagrereklamo nahindi dapat makaisang panig ang paglutas ng kontra-diksyon sa pagitan ng mga mamamayan. Inilinaw nila nakailangang matibay ang mga batayan at hindi agad-agadnaghuhusga habang hindi pa nakukuha ang panig ng mgainirereklamo at masa na saksi sa pangyayari.

Sa mga sumunod na araw, nagsiyasat ang buongyunit ukol dito. Nagdulog din ng matagal nang hinaingng taumbaryo ang mismong mga opisyal ng barangay.Gusto nilang palayasin ang magkakamag-anak na Pilo,Berting, Ensu at Jojo kundi rin lang magbabago.

Pag-iral ng rebolusyunaryong hustisya

Pagkaraan ng matamang pagsusuri, napagkaisahanng yunit at ng sangay ng partido sa lokalidad na magdaosng pulong masa upang bigyang babala ang mag-asawangPilo at Ging at mga anak nila’t kaanak na itinuturongsangkot sa nakawan.

Mahigit sa 30 taumbaryo ang natipon sa lugar nina

Pilo. Inilinaw ng yunit ang layunin ng pagpapatawag sapulong masa: ang paghaharap sa mag-asawang Pilo atGing at sa iba pang sangkot sa reklamong nakalap nghukbo. Binaybay nina Ka Regan at Ka Ibyang, mgakasapi ng BHB na tumatrangkong tagapagpadaloy ngpulong, ang hinaing ng mga masa. Pagkatapos nito,hinikayat ang mga masa na direktang ilahad ang kanilangsariling reklamo at mga nalalaman pang datos.

Sinabi ni Goryo, isang kagawad ng barangay, naumamin na si Nato, kapatid ni Aling Ging, na nagnakawsila ng anim na sakong palay. Kay Kagawad Goryopinaimbestigahan ang kasong ito. Nagalit at sinugod siya

ng mag-asawang Pilo at Ging sa kanyang bahay. Ayonkay kagawad Goryo, kununsinti nina Aling Ging si Natosa ginawang pagnanakaw.

Sinang-ayunan naman ng mismong kapitan ngbarangay ang sinabi ni kagawad Goryo. Ayon sa kapitan,“noong nagnakaw ng niyog at nilukad ng mga anak niAling Ging, may nag-ulat ng pangyayari sa kampo(militar). Nagpang-abot pa nga kami doon nina Pilopero kahit maraming nakakita nang ikarga nila angkanilang mga nilukad, hindi sila umamin.”

Binigyan naman ng pagkakataon ang mag-asawangPilo at Ging para ilahad ang kanilang panig. Tinanggapni Mang Pilo ang mga pagpuna sa kanya. Sa patuloy napamamagitan ng hukbo, sa proseso’y inamin din ni AlingGing ang mga reklamo sa kanila ng taumbaryo.

Sa panig ng hukbo, ipinaliwanag ni Ka Ibyang ang

Mula sa nakaraang pahina

Sundan sa kasunod na pahina

KALATAS / 19Abril - Hunyo 2004

paniniwala ng rebolusyunaryong kilusan sa pagbabago.Ang pagwawasto sa pamamagitan ng pagtanggap sa mgapagkakamali at ang kaakibat na kaparusahan kapag hindinagbago. Nangako naman si Mang Pilo at Aling Gingna magbabago at hihikayatin din nilang magbago angkanyang mga anak at kaanak na sangkot sa reklamo.

Binigyan ng pagkakataong makapagsalita ang mgalider ng baryo at mga namumunong hukbo.

Ani Ka Regan sa kanyang pangwakas na pananalita,“nasasaksihan po natin ngayon ang pagbababala ngBagong Hukbong Bayan sa mga tiwali sa baryo.Naipahayag ng mga taumbaryo sa malaya at demok-ratikong paraan ang kanilang hinaing at mga reklamo.Hindi po yaong tayo pa ang takot at nasisikil ng mga

masasamang elemento sa baryong ito. Sila ang dapatmatakot. Sila ang ating palalayasin kapag ipinagpatuloypa nila ang kanilang pamumuwerhisyo sa atin. Ang atingrebolusyunaryong hustisya ay nagpapataw ng parusangkamatayan sa mga napatunayang pusakal na magna-nakaw. Kapag nadagdagan pa ang kanilang listahan ngmga kaso, magkakaroon ng panibagong paglilitis angating hukumang bayan.”

Inabot na nang gabi ang pagtatapos ng pulongmasa pero hindi pa rin agad umalis ang mga masa.Masaya pa rin silang nakipagkwentuhan sa mgakasama habang ang iba ay naghahanda ng mga bunsolna silbing ilaw nila sa paglalakad. Hindi umuwi angkaramihan sa mga masa hangga’t hindi natitiyak angligtas na pag-alis ng mga kasamang nagbigay tanglawsa madilim nilang kalagayan.

Mula sa nakaraang pahina

Ito ang pahayag ng Apolonio Mendoza Command(AMC)-Bagong Hukbong Bayan-Gitnang Quezonmakaraang matagumpay na naparusahan ang mgamasasamang elemento at mga ahente ng kaaway nanagpahamak sa hukbo at masa sa Gitna at HilagangQuezon nitong Mayo at Hunyo.

Kabilang sa pinatawan ng Hukumang Bayan ngparusang kamatayan sina Ding Ilao at Marlon Hermosang Tiaong, Julan Catausan ng Pagbilao, Manding Bandillang Mauban at Ramiro Caballes ng Gen. Nakar.

Pinarusahan si Ding Ilao ng Paiisa, Tiaong noongMayo 5 at si Manding Bandilla ng Liwayway, Maubannoong Mayo 9 dahil sa pagiging pusakal na mga tulakng shabu. Matagal nang inirereklamo ng mamamayanng Tiaong si Ilao di lamang sa kaso ng pagtutulak ngshabu kundi maging sa pagiging bulabog at maton.Nagpatuloy naman ng pagbebenta ng shabu si Bandillasa Mauban kahit na makailang ulit na siyang binabalaanng BHB. Nagpagamit din siya sa mga operasyong militar

Masasamang elemento at mga ahente ng kaawaysa Quezon, pinarusahan ng BHB

k

Sa pag-iral ng rebolusyunaryong gubyerno, umiiralang rebolusyunaryong hustisya sa Quezon.”

ng Armed Forces of the Philippines(AFP) at katulong ng mga ahentesa paniktik ng huli sa paniniktik saBHB.

Samantala, pinarusahannaman sina Julan Catausan ngPoblacion, Pagbilao noongMayo 2, Ramiro Caballesng Sablang, Gen. Nakarnoong Mayo 11 atMarlon Hermosa ngTiaong noong Hun-yo 5 dahil aktibonggalamay ang mgaito ng AFP sa mgakontra-mamamayang digma.

Dating CAFGU si Cata-usan na aktibong ahente ngAFP sa paniniktik at pagpa-pakubkob sa yunit ng BHBsa Pagbilao. Si Caballes, ka-

Sundan sa kasunod na pahina

Abril - Hunyo 200420 / KALATAS

sapi ng CAFGU, ay napakinabangan din nang husto ngmilitar sa paniniktik at paggiya sa operasyon sa Gen.Nakar. Pinarusahan naman si Hermosa dahil sa mgakasong ekstorsyon, pagiging ahente sa paniktik ng Phil-ippine National Police at pagtuturo sa mga miyembro’tlider ng mga progresibong organisasyon bilang mgakasapi ng BHB.

Ayon sa AMC-BHB-Gitnang Quezon, sa pag-iral ng rebolusyunaryong gubyerno, umiiral din ang

sariling proseso ng hustisya at mayroong sariling mgabatas na ipinatutupad ang rebolusyunaryong kilusan.Ang paggawad ng rebolusyunaryong hustisya sa mgataong nabanggit ay pagpapatupad ng kapasyahan ngHukumang Bayan sa ilalim ng Demokratikong Gub-yernong Bayan na kinakatawan ng Komiteng Laranganng Gitnang Quezon. Dumaan ang pagpapasya ngHukumang Bayan sa masusing imbestigasyon atpaglilitis matapos maghapag ang mamamayan ng mgaberipikadong sinumpaang salaysay laban sa mgaakusado.

Mula sa nakaraang pahina

k

ng mga mamamayan hinggil sa inilunsad na ReengineeredSpecial Operations Team (RSOT) ng 76th IB sa BarangayVillafuerte at Anunangin kapwa sa Gumaca at sa mgaBarangay Hondagua, Manduog, Sta. Maria, Villa-nakaob, Ilayang Ilog A & B at Sta Elena sa Lopez.Inilunsad ito noong Disyembre, 2003 at natapos nitongAbril.

Mahigpit na tinutulan ng mamamayan ng Lopez atGumaca ang paglulunsad ng RSOT sa kanilang lugar.Naghapag sila ng petisyon at nakipagdayalogo sa kanilangmeyor upang igiit ang pagpapalayas sa mga militar.Inihapag din ito ng mga mamamayan sa sangguniangpanlalawigan.

Ayon sa mga mamamayan sa lugar, bigo anginilunsad na RSOT ng kaaway dahil walang nabuongyunit ng CAFGU at wala ring signipikanteng bilang ngBarangay Intelligence Network (BIN) na naitayo.Tumanggi ang mga taumbaryong hinikayat ng militar namaging espiya laban sa rebolusyunaryong kilusan.

Wala ring naipatupad na proyektong sosyo-ekonomiko ang mga militar bukod sa pagpapasugal,pagpapainom, pagtatabas sa paligid ng bahay-nayon atpaglulunsad ng mga palaro. Taliwas ito sa unangipinahayag ng mga palalong militar na papailawan nila

RSOT sa Lopez at Gumaca,binigo ng mamamayan

“Hindi kinayang kabigin ng mga militar ang pusoat isipan ng mga taumbaryo.” Ito ang pahayag

ang mga poste, magtatayo sila ng mga poso at palikuranat marami pang ibang pangako.

Samantala, kasalukuyang naglulunsad ng RSOT samga Brgy. Gaya-gayaan, Gumaca at Kinagasan, Pitogo.Batay sa mga datos na nakalap ng BHB-Timog Quezon,nakaplano ring paglunsaran ng RSOT ang dagdag pang15 baryo sa mga bayan ng Pitogo, Unisan, Agdangan atGumaca. Subalit ayon pa rin sa mga mamamayan salugar, “walang patutunguhan ang kasalukuyang inilulunsadat mga nakaplano pang ilunsad na RSOT. Tulad din ng

mga nauna nang RSOT, bibiguinito ng mahigpit na pagkakaisang mamamayan.” k

KALATAS / 21Abril - Hunyo 2004

Kinundena ng Narciso Antazo Aramil Command(NAAC)-Bagong Hukbong Bayan-Rizal ang

walang awang pamamaril ng mga berdugong militar ng80th Infantry Battalion sa mga batang babae na sina MaryJoy Masaca, 14 na taong gulang, Vanessa Ramos, 15taong gulang, Diana Rose Buenaflor, 11 taong gulang atang kanilang drayber na si Delfin Apiado Jr., 19 na taonggulang.

Naganap ang pamamaril noongAbril 27 sa Brgy. San Rafael, Rodri-guez, Rizal. Nang makita ng mgaelemento ng 80th IB na duguan angmga batang kanilang pinagbabaril ayiniwan na lang ito sa kalsada sa halipna dalhin nila sa ospital o bigyan ngpanimulang lunas medikal.

Ayon Kay Armando “KaRuben” Guevarra, tagapagsalita ng NAAC-NPA-RIZAL, nagpapakita lamang ito na ang mga pwersangmilitar ng reaksyunaryong gubyerno ay walang habas nalumalabag sa ang karapatang pantao ng mamamayan atmga makataong batas ng digmaan.

Ani Ka Ruben, “upang pagtakpan ang kanilangkrimen, naglubid ng kasinungalingan ang mga militar sapangunguna ni Lt. Col. Ricardo Nepomuceno, com-manding officer ng 80th IB, sa pamamagitan ngpagdedeklara na ang kanilang mga binaril ay mga kasaping New People’s Army (NPA). Gumawa rin ito ngkatawa-tawang kwento na nasugatan sa barilan ang isanilang kasamahan na si PFC. Rene Dupiles.”

Ayon pa sa kanya, “ang katotohanan ay mgakapwa sundalo ni Dupiles ang nakasugat sa kanya nangwalang habas na magpapaputok ang mga ito sa pag-aakala nilang mga kasapi ng NPA ang sakay ngMitsubishi Adventure. Ang pinakita nilang mga tama ngbala sa kanilang detachment ay kagagawan din nila paramagmukhang kapani-paniwala ang nilulubid nilang

Walang awang pamamaril sa mgabata, kinundena ng BHB-Rizal

kasinungalingan.”

Mahigpit na pinasubalian ni Ka Ruben angdeklarasyon ng militar na may nakasagupa silang NPAsa lugar. Aniya, “ang mga pwersang NPA na kumikilossa lalawigan ng Rizal sa pangunguna ng Narciso AntazoAramil Command (NAAC-NPA-RIZAL) ay abala sa

gawaing pagpapalawak at pagkokonsolida ng mgateritoryong saklaw nito sa ibang bahagi ng lalawigan atwala kaming pwersa sa eryang ‘yun sa panahon ngpamamaril ng militar.”

Kinundena ni Ka Ruben ang rehimeng MacapagalArroyo sa pagbibigay ng karapatan sa mga tauhan ng80th IB, PA na labagin ang karapatang pantao ngmamamayan sa ngalan ng kanilang kontra-insurhensyangprogramang OPLAN BANTAY LAYA upang durugindiumano ang rebolusyunaryong kilusan. Sa katunayan,aniya, mga sibilyan ang pinipinsala at pinapatay ng mgamilitar.

Dagdag pa niya, “ang pagtatanggol ng gubyernongMacapagal-Arroyo at ng pamunuan ng AFP na NPAnga ang nakabarilan ng mga sundalo ay malinaw napagkalinga sa krimen ng mga sundalo. Ang kunwaringpagpapaimbestiga sa Commission on Human Rights aytiyak na mag-aabswelto sa mga militar tulad sanapakaraming kaso ng paglabag sa karapatang pantao

“Nagpapakita lamang ito na ang mgapwersang militar ng reaksyunaryong

gubyerno ay walang habas na nilalabag angkarapatang pantao ng mamamayan at ang

mga makataong batas ng digmaan.”

Sundan sa kasunod na pahina

Abril - Hunyo 200422 / KALATAS

INARESTO NG MGA PULANG MANDIRIGMA NG LUCIO DE

Guzman CommandBHB-Mindoro sinaMayor Alex Aranas atVice Mayor ArturoMartinez nang mat-yempuhan ang dalawana nangangampanyanang walang Permit toCampaign (PTC) saBrgy. Campamento,

Pulitikong nangangampanya nang walang PTC, inaresto ng BHB

DALAWANG SUNDALO ANG NAMATAY AT PITO ANG NASU-gatan nang salakayin ng isang platun ng Alpha Coy ng1st IB Philippine Army ang isang iskwad ng BagongHukbong Bayan sa Sityo Guisguis, Brgy. Galalan, Pangil,Laguna noong umaga ng Mayo 26. Wala namang naiulatna pinsala sa BHB.

Nagyabang si Col. Quison ng AFP na walangnasawi at nasugatan sa nasabing engkwentro. Biktimaumano ng aksidente sa sasakyan sa Brgy. Sulib ang mganamatay at sugatang militar.

APAT NA ELEMENTO NG 68TH INFANTRY BATALLION ANG

napatay ng isang yunit ng Lucio De Guzman Command-BHB Mindoro sa magkahiwalay na haras noong Abrilsa Naujan, Oriental Mindoro.

Bandang hating-gabi noong Abril 3, pinagbabarilng mga pulang mandirigma ang namamahingang tropang 68th IB sa Barangay Hall ng Panikihan, Naujan. Isangmilitar ang napatay dito.

Noon namang Abril 15, tatlong pasistang kaawayang napatay matapos harasin ng isang yunit ng BHB angdetatsment ng 68th IB sa Brgy. Arangin ng naturang bayan.

Ang mga haras naito ng BHB ay bahagi ngpamamarusa sa berdu-gong 68th IB dahil sanapakahaba nitong lista-han ng paglabag sa kara-patang pantao sa bayanng Naujan at sa buongprobinsya.

Pola, Oriental Mindoro noong Mayo 11. Kasama samga naaresto ang tatlong badigard ni Aranas na sina PFCMichael Rapadas at PFC Rommel Javier ng PhilippineArmy at Police Officer Ronald S. Reanzares. Nakum-piska sa kanila ang tatlong M16, dalawang .45 cal., atisang 9mm berreta na mga pistola at mga cellphone.

Naglunsad ng checkpoint ang isang yunit ngBHB doon pagkaraang mabalita na nangangampanya siMayor Aranas na may kasamang armado. Ilang oras nabininbin ng BHB si Aranas, Martinez at Reanzarez upangipaalala ang pagbabawal ng rebolusyunaryong kilusanna mangampanya ang mga pulitiko sa saklaw ng mgasona at larangang gerilya na armado at walang PTC.Samantala, binihag ng BHB sina Rapadas at Javier dahilregular na pwersa ng militar ang dalawa.

2 sundalo patay, 7 ang sugatan sapakikipagsagupaan sa BHB

4 na elemento ng 68th IB patay sapanghaharas ng BHB

Balita

ng mga mersenaryong tropang AFP sa mga mamamayanng lalawigan ng Rizal. Isa lamang moro-morongimbestigasyon ang gagawin ng CHR upang pagtakpanang krimen ng mga militar.”

Nanawagan si Ka Ruben sa mga nagma-mahal sa kapayapaan at nagtatanggol sakarapatang pantao sa lalawigan ng Rizal magingsa lokal na pamahalaan ng Rodriguez, Rizal natutulan at labanan ang karahasang militar atpalayasin ang mga pwersa ng 80th IB, PA habangmay panahon pa. Hinikayat niya ang mgamamamayan na huwag nang hayaang madag-dagan pa ang mga biktima ng paglabag sakarapatang pantao.

Mula sa nakaraang pahina

k

KALATAS / 23Abril - Hunyo 2004

Balita

DUMAGUNDONG SA IBA’T IBANG DAKO NG TIMOG Katagalugan ang mgamalalaking pagkilos noong Mayo 1 para sa paggunita sa PandaigdigangAraw ng Paggawa. Sa Calamba City, umabot sa 2000 mga militante angnagtipon. Kasabay na inilunsad dito ang Panrehiyong Miting de Avanceng Anakpawis Party-list.

Sa dalawang bayan ng Timog Quezon mahigit sa 4000 mga kasapiat tagasuporta ng Anakpawis Party-list ang naglunsad ng katulad napagkilos. Nagrali ang mahigit 400 katao sa Batangas, 700 sa TagaytayCity, at 396 sa Antipolo City.

Pagkilos noong Mayo Uno, dumagundong sa TK

MAHIGIT SA 600 MAGSASAKA SA ILALIM

NG KATIPUNAN ng mga SamahangMagbubukid-Timog Katagalugan at mgatagasuporta nila ang lumahok sa pagkilosnoong Hunyo 10, kaarawan ng huwad nareporma sa lupa. Sa programa sa harapng Department of Agrarian Reform (DAR)sa Quezon City, ibinandera ng mgamagsasaka ang panawagang “lupa hindi bala” sarehimeng Arroyo. Kinundena nila ang patuloy napandarahas at pamamaslang sa kanilang hanay. Anila,lupa ang kailangan nila at hindi militarisasyon. Binatikosdin nila ang patuloy na pagpapalit gamit sa lupangsakahan at kawalan ng proteksyon ng mga magsasakasa ilalim ng kasalukuyang Comprehensive Agrarian Re-form Program (CARP) ng gubyerno.

DALAWANG BESES NA HINARANG NG MGA KAGAWAD NG 68TH

Infantry Batallion ng 204th Brigade ang Caravan ngAnakpawis-Timog Katagalugan noong Abril 17 at 18sa Brgy. Merit, Victoria, Oriental Mindoro. Patungo angcaravan sa bayan ng Pinamalayan, ikaapat na bayansa Timog na bahagi ng probinsya mula sa CalapanCity, para sa pangangampanya ng AnakpawisParty-list. Hinaras ng militar ang mga nag-caravan. Binantaang babarilin ang mga

Caravan ng Anakpawis-TK, hinarang ng militargulong ng kanilang sasakyan kung lalampas ang cara-van. Hinalughog ang kanilang mga gamit. Isa-isa silangnilitratuhan at sapilitang pinapirma.

Naglunsad ang mga militante ng indignationrally sa Calapan City. Kinundena nila ang

ginawang panghaharas ng militar. Anila, angginawa ng mga kagawad ng 204th Brigadeay pananabotahe sa kampanyang elek-toral ng Anakpawis Party-list.

PINANGUNAHAN NG BAGONG ALYANSANG

MAKABAYAN-Southern Tagalog angtinaguriang Kalbaryo ng MamamayanLaban sa Kahirapan, isang Cultural

Caravan noong Abril 5. Lulan ng pitongdyip at isang float ang mga lumahok sa

caravan. Tradisyunal na isinasagawa ng Bayanang ganitong mga pagkilos na kakaiba sa ordinaryongpangingilin tuwing sasapit ang Mahal na Araw. Ipinakitarito ang tunay na karanasan ng mamamayan sa ilalim ngkasalukuyang rehimen. Naging lunsaran ng pagkilos angCrossing, Calamba City. Naging istasyon naman ngcaravan ang Mendiola bandang tanghali at kinahapunanang harap ng Camp Aguinaldo kung saan sumanib angmay 150 militante nang maglunsad sila ng programa.

Kalbaryo ng mamamayan,pinangunahan ng

Bayan-ST

600 magsasaka mula saTK, lumahok sa pagkilos

noong Hunyo 10

Abril - Hunyo 200424 / KALATAS

1 3A 2 M A U B A NN 4 S OI E N

M M 5 U N G O SN I AA P BP R O

6 E D U A R D O D U R A N T EL GET 7 J

8 L E Y M A F O R T UR VY Y

9 K A D I L A W A N MN AI G

S S1 0 P A L U A N I

S N1 1 N O R W A Y O

O1 2 H A R R I S O N

Sagot sa nakaraang krosword

kilala ko ang aking mga kaibigan—sila yaong iniluwalsa mga nipang dampa sa kanayunan,sa ilalim ng tagpi-tagping bubongng mga iskwater sa kalunsuran,o sa butas-butas na kutsonsa mumurahing ospital.

sila yaong pakyawan kung binyagansa minamadaling oremus ng kurangnagtitipid ng lawaypara sa isusunod na binyagang ispesyal.sila yaong ang paglakiay babahagyang namamalayansapagkat walang dyaryong mangangahasmaglathala ng kanilang pangalanni ng munting salu-salo sa pagdiriwangng kaarawan.siya yaong kahit man lamang sa isang araway pinagbibigyang maging diyosng mga nagkukunwaring utusan,at pinipilit pahalakhakinsa mga pinalamutiang kasinungalingan.sila yaong makaraan ang halalanay muling pasasambahinsa mga panginoong napapaligiranng mga bakod na baril hanggang sa kubeta.sila yaong nakabaon sa kumunoyng pagkakautangat nagmamasid na lamang sa sarilinglikhang-yaman sa mga palengkeat mga kristal na durungawanng mga tanyag na basar.

sila yaong sa mga dulasa tanghalan ng mayayamanay mga di pansinino kontrabidang papel ang ginagampanan.sila yaong kung may angking talinoat kadalubhasaanay inaaring upahang utak at bisigng malalaking mangangalakal.sila yaong nagsasariling namumuhaysa mayayamang kabundukan,na ang anyong nililok

ng makalumang kulturaay ginagawang tampulanng pangungutya ng mga “sibilisado”sa ngalan ng kristiyanismo’tmakabagong pag-unlad,na ang yama’t binungkal na lupainay kinakamkam.

kilala ko ang aking mga kaibigan—sila yaong ang kasaysayanay nakatala sa mga dugua’t putikang pahinang mga aklat ng mga kadrena bumulagta sa kabundukanng Luson, Kabisayaa’t Mindanao.

sila yaong ang kapakananay nasa diwa ng bawat apina unti-unting humahanaysa kaliwang dulo ng larangan.

sila yaong ang tadhana’y akin din...ang mamuhay sa isang bansang malayao mamatay nang nakikibaka!

Wilfredo GacostaDisyembre 1971

Ang mga Kaibigan PANITIKAN

KALATAS / 25Abril - Hunyo 2004

PANITIKAN

I. Hayaan nyong itatak namin sa inyong mga puntodAng aming mga awit at taludtod—ng pagdakila, papuri’t pag-idoloItambol sa buong bayang api ang busilak nyong lingkodPanatang tubusin sa sumpa ng mga makabagong saserdoteng palaloang masang anakpawis na sa dusa’y dantaon nang yukod

II. Hayaan nyong lunurin ng kalembang ng mga batingawAng angil ng mga punglong sa katawan nyo’y nagbuwalLunurin ng alingawngaw ng naghihimagsik na sigawng mga kaanak, kasama at bawat pamilyang magsasaka—na naulila’t nawalan ng mga Dakilang Anak ng Bayan

III. Hayaan nyong diligin ng aming pighati at pagluhakalungkutang nag-iwan ng sanlaksang marka ng kawalanng masasaya nyong alaala, dalisay at lipos na kabayanihanng makauring katapatan, kawalang takot sa kahirapan,Hinamak at walang-kurap tinitigan mata maging ni Kamatayan

IV. Kayo’y magigiting na anak na kapos-palad pinagmulan—mga api’t pinagsasamantalahan hamak kung turingan ng lipunanNangahas tahakin landas ng rebolusyonaryong kadakilaanNa di karaniwang nilandas kahit hambog na matatapang—at itong pinag-iba nyo para maging matayog sa karaniwan

V. Kami ay nalulungkot dahil kayo’y di na kapiling ngayonAlaala na lamang ng mga panahong pinagsaluhan—hirap at pagpapakasakit na may halong pagsasaya paminsanSa arena ng makauring tunggalian, kapatirang apoy ang naghinang’Sang panlipunang pandayan ng pakikibaka—buhay-at-kamatayan

VI. Mga mahal na Kasama, magigiting na Anak ng BayanSa payapang pagkakahimlay iiwanan aming sumpaNa sa lupang libingan ng dakila nyong panataIisang babangon bawat maralitang ginahis, inalipustaTaas-kamao, bitbit-sandata, nakawagayway pulang bandila

VII. At sa Armageddon, bayan ang sisingil sa linsil, ganid na Puno’Sang tinig sisigaw bawat timawa ng sambayanang Pilipino:Kamatayan sa imperyalismo, pyudalismo’t naghaharing katoto!Kapangyarihan sa uring manggagawa, lahat ng pwersang demokratiko!Sa wakas, isang lipunang masagana, malaya… hitik ng pangako!

Oda sa mga Dakilang Anak ng Bayan(Sa alaala nina Kasamang Ecks, Diwa, Apo at Keneth, nalugmok sa labanan sa Ayusan, Tiaong, Quezon noong Abril8, 2004; kina Kas. Janno, Mawen at Liway, mga bayaning nag-alay ng buhay sa labanan sa Calaca, Batangas noongEnero 10, 2004; at kina Kas. Benny (Mabini Fabon) at Jepoy, matatapat na kasamang nakibaka hanggang sa hulinghininga nila—lahat mga kapwa dakilang anak ng bayan, bayani at di malilimot na mga martir ng rebolusyon)

—Macario Kamlon, Abril 9, 2004

Abril - Hunyo 200426 / KALATAS

teka-tekateka-tekateka-tekateka-tekateka-teka

1 3 Pahalang2 4 2 bayan sa Cavite kung saan inatasan ang

isang munic ipal election officer na bawasan.5 ang boto ng mga progres ibong party-list

5 National Security Adviser na nag-aakusa sa 6 mga progresibong party-list bilang front ng BHB

7 6 tenyente na napatay sa labanansa Catanauan noong Mayo 5

9 7 party-list na suportado ng militar8 8 bilang ng militar na napatay sa labanan

11 noong Hunyo 16 sa Mulanay10 10 tagapagsalita ng NAAC-BHB-Rizal

12 anyo ng rebolusyunaryong pagbubuwis nana ipinapataw ng gubyernong bayan sa mga

12 pulitikong nais mangampanya sa mga teritoryong nasa rebolusyunaryong kontrol oimpluwensya nito.

Pababa1 bumaril kay Merly Cabatay sa Pagbilao, Quezon 3 _________ ng lupa, susog na probisyon sa Rebolusyunaryong Gabay sa Reporma sa Lupa4 Hunyo 12: _______ na kalayaan9 Mayor ng Pola, Oriental Mindoro na inaresto ng BHB dahil walang PTC

11 bilang ng militar na napatay sa mga haras ng BHB sa Mindoro noong Abril

KroswordKroswordKroswordKroswordKrosword