7
ng Marikina Enero 2012 VOL. II, NO. 5 ORDINANSA sa reectorized vest vs. 'riding in tandem' itinulak p.6 Dahil nagtatrabaho bilang guro ang kanyang mga magulang sa Nangka Elementary School, doon na rin pinag-aral sina Mayor Del at ang kanyang Kuya Dan, na inilipat din sa H. Bautista Elementary School pagsapit nila sa ikalawang baitang. Pangatlo sa limang magkakapatid, inilalarawan si Mayor Del ng kanyang ama bilang pinakapalabiro sa lahat ng kanyang mga anak. Tandang-tanda pa ng kanyang ama ang ilang pagkakataong hindi inaasahang umuwi si Mayor Del mula sa paaralan sanhi ng mga maliit na aksidenteng bunga ng kanyang pagiging palabiro — una, ang pagkakaipit ng kanyang kamay sa pinto sa kalagitnaan ng camping ng Boys Scouts of the Philippines (BSP) na kanyang kinabibilangan noong siya ay nasa ikalawang baitang, at ang ikalawa ay ang pagdurugo ng kanyang likod na dulot ng pakikipaghabulan at pakikipaglaro gamit ang karit na kanilang ginamit sa isang gardening project noong siya ay nasa ikaapat na baitang. Bagamat nasasaktan dulot ng mga maliit na aksidenteng ito, sa murang gulang ay nakakitaan agad si Mayor Del ng pagiging kalmado. “Kahit umuuwi siya na may dugo sa likuran dahil sa pakikipaglaro, kahit minsan ay hindi ko nakitaang nagreklamo siya sa sakit o kaya ay nagalit sa nakapanakit sa kanya,” kwento ni Tatay Ruding. Samantala, habang nasa sekondarya, unti-unti nang nahubog ang pakikipagkapwa-tao ni Mayor Del at nahasa hanggang pagtungtong sa kolehiyo. “Mayroon siyang mga extra curricular activities tulad ng pagsali sa social clubs at doon namulat siya sa importansya ng pakikipagsalamuha at pagdadamayan,” dagdag ni Tatay Ruding. Sa kanyang pagbibinata, nabalanse ni Mayor Del ang pag-aaral, mga aktibidad sa komunidad, at gawaing pangkabuhayan. Tandang-tanda ni Tatay Ruding na ang noo’y binatilyong si Mayor Del ay hindi nakalilimot gumanap sa tungkuling inaatang sa kanya – ang pamamahala sa tindahan ng sapatos ng kanyang pamilya na Si Mayor Del De Guzman, Sa mata ng kanyang ama Countdown to 2012 Para sa isang magandang pagsalubong sa bagong taon, sabay-sabay na itinaas ng mga pinuno ng lungsod ang baso ng alak kasabay ng countdown bilang hudyat ng pagsisimula ng inaabangang pyromusical reworks display sa Marikina Sports Park. (photo by Reizan Torres) sundan sa p.2 L ikas na malumanay, banayad sa pagsasalita, at may angking kababaan ng loob - iyan marahil ang mga salitang angkop gamitin upang ilarawan si Mayor Del De Guzman. Alam ng mga taong malapit kay Mayor Del na ang mga katangiang ito ay minana niya sa kanyang amang si Rudolfo De Guzman na mas kilala sa tawag na Tatay Ruding, ang taong responsable sa paghubog ng pagkatao ni Mayor Del. Ayon sa kanyang ama, musmos pa lang si Mayor Del ay may likas na itong hilig sa pag-aaral. Katunayan nito ay ang kagustuhan niyang makapag-aral agad kahit na siya ay wala pa sa hustong gulang. “Noong kapanahunan ni Del, hindi pa uso ang preschooling, kaya siya, na talagang apuradong mag-aral, ay ipinalista namin bilang ‘saling pusa’ sa Grade 1 kasabay ng kanyang Kuya Dan na matanda lamang ng isang taon sa kanya,” simulang kwento ni Tatay Ruding. Isang mabuting anak. Ganyan inilalarawan si Mayor Del De Guzman ng kanyang butihing amang si G. Rodulfo ‘Tatay Ruding’ De Guzman. Maliban sa magkasabay na ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan at ang kapistahan ng Quiapo, si Mayor Del ay deboto rin ng Poong Nazareno. Bilang panata, naging bahagi na ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan ang pagsisimba sa Simbahan ng Quiapo taun-taon. A BUSINESS PERMIT is required to any person or group who establishes, operates, conducts or maintains their business within the city. It must be displayed in a conspicuous place within the establishment. -Marikina BPLO January 2-20, 2012. Renewal of business registration and payment of business tax

Tinig ng Marikina Vol. 2 No. 5 Enero 2012

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tinig ng Marikina Vol. 2 No. 5 Enero 2012

ng Marikina

Enero 2012

VO

L. II

, NO

. 5

ORDINANSA sa re!ectorized vest vs. 'riding in tandem' itinulak p.6

Dahil nagtatrabaho bilang guro ang kanyang mga magulang sa Nangka Elementary School, doon na rin pinag-aral sina Mayor Del at ang kanyang Kuya Dan, na inilipat din sa H. Bautista Elementary School pagsapit nila sa ikalawang baitang.

Pangatlo sa limang magkakapatid, inilalarawan si Mayor Del ng kanyang ama bilang pinakapalabiro sa lahat ng kanyang mga anak.

Tandang-tanda pa ng kanyang ama ang ilang pagkakataong hindi inaasahang umuwi si Mayor Del mula sa paaralan sanhi ng mga maliit na aksidenteng bunga ng kanyang pagiging palabiro — una, ang pagkakaipit ng kanyang kamay sa pinto sa kalagitnaan ng camping ng Boys Scouts of the Philippines

(BSP) na kanyang kinabibilangan noong siya ay nasa ikalawang baitang, at ang ikalawa ay ang pagdurugo ng kanyang likod na dulot ng pakikipaghabulan at pakikipaglaro gamit ang karit na kanilang ginamit sa isang gardening project noong siya ay nasa ikaapat na baitang.

Bagamat nasasaktan dulot ng mga maliit na aksidenteng ito, sa murang gulang ay nakakitaan agad si Mayor Del ng pagiging kalmado.

“Kahit umuuwi siya na may dugo sa likuran dahil sa pakikipaglaro, kahit minsan ay hindi ko nakitaang nagreklamo siya sa sakit o kaya ay nagalit sa nakapanakit sa kanya,” kwento ni Tatay Ruding.

Samantala, habang nasa sekondarya, unti-unti nang nahubog

ang pakikipagkapwa-tao ni Mayor Del at nahasa hanggang pagtungtong sa kolehiyo.

“Mayroon siyang mga extra curricular activities tulad ng pagsali sa social clubs at doon namulat siya sa importansya ng pakikipagsalamuha at pagdadamayan,” dagdag ni Tatay Ruding.

Sa kanyang pagbibinata, nabalanse ni Mayor Del ang pag-aaral, mga aktibidad sa komunidad, at gawaing pangkabuhayan. Tandang-tanda ni Tatay Ruding na ang noo’y binatilyong si Mayor Del ay hindi nakalilimot gumanap sa tungkuling inaatang sa kanya – ang pamamahala sa tindahan ng sapatos ng kanyang pamilya na

Si Mayor Del De Guzman,Sa mata ng kanyang ama

Countdown to 2012 Para sa isang magandang pagsalubong sa bagong taon, sabay-sabay na itinaas ng mga pinuno ng lungsod ang baso ng alak kasabay ng countdown bilang hudyat ng pagsisimula ng inaabangang pyromusical "reworks display sa Marikina Sports Park. (photo by Reizan Torres)

sundan sa p.2

Likas na malumanay, banayad sa pagsasalita, at may angking kababaan ng loob - iyan marahil ang mga salitang angkop gamitin upang ilarawan si Mayor Del De Guzman.

Alam ng mga taong malapit kay Mayor Del na ang mga katangiang ito ay minana niya sa kanyang amang si Rudolfo De

Guzman na mas kilala sa tawag na Tatay Ruding, ang taong responsable sa paghubog ng pagkatao ni Mayor Del.

Ayon sa kanyang ama, musmos pa lang si Mayor Del ay may likas na itong hilig sa pag-aaral. Katunayan nito ay ang kagustuhan niyang makapag-aral agad kahit na siya ay wala pa sa hustong gulang.

“Noong kapanahunan ni Del, hindi pa uso ang preschooling, kaya siya, na talagang apuradong mag-aral, ay ipinalista namin bilang ‘saling pusa’ sa Grade 1 kasabay ng kanyang Kuya Dan na matanda lamang ng isang taon sa kanya,” simulang kwento ni Tatay Ruding.

Isang mabuting anak. Ganyan inilalarawan si Mayor Del De Guzman ng kanyang butihing amang si G. Rodulfo ‘Tatay Ruding’ De Guzman.

Maliban sa magkasabay na ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan at ang kapistahan ng Quiapo, si Mayor Del ay deboto rin ng Poong Nazareno. Bilang panata, naging bahagi na ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan ang pagsisimba sa Simbahan ng Quiapo taun-taon.

A BUSINESS PERMIT is required to any person or group who establishes, operates, conducts or maintains their

business within the city. It must be displayed in a conspicuous place within

the establishment. -Marikina BPLO

January 2-20, 2012.Renewal of business registration

and payment of business tax

Page 2: Tinig ng Marikina Vol. 2 No. 5 Enero 2012

NANINIWALA ANG LOKAL NA PAMAHALAAN na ang pagtatrabaho ay nagbibigay ng

dangal sa isang indibidwal. Dahil dito, ang kabuhayan para sa mga maliliit na Marikenyo ay ginawang isa sa mga prayoridad ng lokal napamahalaan.

Isa sa mga inaasahang pagkukunan ng pagkakakitaan at nagsusulong ng dangal sa paggawa ng may 1, 260 na Marikenyong mula sa iba’t ibang barangay ng lungsod ay ang programang pangkabuhayan ng Volunteer Management O!ce (VMO).

Sa ilalim ng nasabing programa, ang mga Marikenyong nakarehistro bilang service volunteer ay kumikita ng PhP2,000 kada buwan (o PhP100 sa apat na oras na pagtatrabaho kada araw mula Lunes hanggang Biyernes) bilang allowance sa

kanilang pagtatrabaho sa mga tanggapan ng lokal na pamahalaan. Inilalaan ng lokal na pamahalaan ng may PhP2.5M kada buwan para sa allowance ng mga service volunteer.

Dahil sa tagumpay ng programang ito, plano ng lokal na pamahalaan na palawigin at dagdagan pa ang benepisyong ipinagkakaloob nito sa pamamagitan ng programa.

“Pinag-aaralan natin kung paaano dadagdagan ang benepisyong maaaring makuha ng ating mga service volunteer. Natutuwa ako na kahit papaano ay nakakatulong tayo sa mga kababayan natin upang magkaroon ng mapagkakakitaan at maipamalas ang dangal sa sarili sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Nais natin na kahit papaano ay maibsan ang problemang pampinansiyal ng ating mga kababayan nang hindi nila kailangang

manghingi sa iba o sa pamahalaan, bagkus ay sa pamamagitan ng pagbabanat ng buto at pagsusumikap,” wika ni Mayor Del.

Isa sa mga nakikinabang sa programang ito ng lokal na pamahalaan ay ang 34 taong gulang na si Mary Ann Duran ng Brgy. Tañong. Dahil isang single parent, may kabigatan para kay Mary Ann ang pang araw-araw na gastusin nilang mag-iina, ngunit nairaraos niya ito at napag-aaral pa niya ang kanyang tatlong anak sa elementarya sa pamamagitan ng kanyang kita mula sa programa ng VMO na kanyang ginagampanan sa umaga at ng kanyang sideline bilang labandera at tagalinis ng bahay na ginagawa naman niya sa hapon.

“Nagpapasalamat ako dahil kahit maliit ang kinikita ko mula sa VMO, mayroon akong pinagkukunan ng kabuhayan,” wika ni Mary Ann.

Ayon pa sa kanya, kung ikukumpara sa dati niyang sitwasyong walang trabaho, mas mabuti na mapabilang siya sa benepisyaryo ng programa ng VMO.

“Kung noon ay walang ginagawa ang mga kapwa ko service volunteer, ngayon kami ay kumikita at higit na nabibigyan ng motibasyon na magsikap pa. Dahil apat na oras lamang ang aming trabaho sa programa, maaari naming gugulin ang nalalabing oras sa isang araw sa iba namang trabaho. Mayroon kaming siguradong kita na maaari pang mapalawig kung magiging masipag at maparaan lamang kami,” dagdag niya.

Ang kinikita ni Mary Ann sa pagiging volunteer ay napupunta sa mga bayarin sa kuryente, tubig, pagkain, at proyekto sa paaralan ng kanyang mga anak.

Para sa mga katanungan hinggil sa programang ito, mangyaring tumawag sa Volunteer Management O!ce sa telepono bilang (02) 647-4421.

Published by the Public Information Of!ce 2nd Floor, Marikina City Hall Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina CityTelefax no.: 646-6451 Cell nos. 0915-4573293, 0918-6577158 E-mail: [email protected] Website: www.infomarikina.webs.com www.marikina.gov.ph

Paul Edward P. SisonMaria Lourdes NavarroChrysler de GuzmanNoli Mirafuente, Oscar Cinco, James Paul C. Agulay, Mary Ann Jocson, Carmela Salazar Ramon Jacinto Mataro

Lorenzo Gatbonton, Charlie PrielaMaretony BaldozaCesar Barquilla, Nick FerrerRhyan QuilapioRandie Esteves, Marjun Fadriquela, Salvador Narra, Warlito Dumaquita, Victor Palomo, Gilbert LobisAtty. Florella AlmarezTinigng Marikina

Editor-in-ChiefAssociate Editor

Layout ArtistWriters

PhotographersResearcher

Contributors Circulation Manager

Circulation

Legal Consultant

noon ay nasa Pier sa Maynila.“Nababalanse niya ang oras sa pag-aaral at

pamamahala sa aming munting kabuhayan. Nag-aaral siya sa gabi at sa araw naman ay namamahala sa aming maliit na tindahan,” saad ni Tatay Ruding.

Hindi nagtagal, binigyan din ng responsibilidad ni Tatay Ruding si Mayor Del sa pamamahala ng kanilang negosyong silk screen printing.

“Maayos ang kanyang liberal na paraan ng pamamalakad. Ang mga manggagawa na kanyang nasasakupan ay itinuturing niyang kapantay din niya at mayroon silang malayang pamamahayag,” ani Tatay Ruding.

Habang nagkakaedad, napamahal kay Mayor Del ang pagseserbisyo-publiko kung kaya’t Political Science ang kanyang pinag-aralan sa kolehiyo, habang naging kasapi rin siya ng samahang Kabataang Liberal.

“Patungo na sana siya sa pag-aaral ng abogasya nang natangay siya ng agos ng pulitika. Naging aktibo na siya sa pagsama-sama sa mga proyekto ng Kabataang Barangay, at ilang proyektong pangkomunidad. Hanggang dumating ang araw na napasabak na nga siya sa totoong mundo ng pulitika,” ayon kay Tatay Ruding.

Si Mayor Del ay unang nanungkulan sa Marikina bilang konsehal noong 1988-1992, pangalawang punong lungsod noong 1992-2001, kinatawan ng Ikalawang Distrito noong 2007-2010, at ngayon ay punong lungsod.

Ngayong may sarili ng pamilya, at siya ring tumatayong ama ng buong lungsod, masasabi ni Tatay Ruding na ang posisyong ito na ang pinakamataas na pangarap na naabot ng kanyang anak.

“Alam kong ang posisyon niya ngayon bilang ama ng Marikina ang pinakaaasam niya. Kaya naman ikinagalak niya nang husto ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng ating mga kababayan,” ani Tatay Ruding.

Mayroon pa bang mahihiling ang isang amang katulad ni Tatay Ruding sa isang anak na katulad ni Mayor Del?

“Mula’t sapul, hindi naging mahirap ang pagpapalaki at paghubog sa pagkatao ng batang iyan. Hindi rin siya napasama sa masamang barkada, hindi nagpabaya sa pag-aaral, at hindi nagpabaya sa responsibilidad sa hanap-buhay. Ngayong naabot na niya ang kanyang pinakamimithi sa buhay, ang tanging hiling ko lamang sa kanya ay huwag sana niyang pababayaan ang kanyang kalusugan upang makapaglingkod siya nang mahusay at makaganap sa tungkulin sa kanyang mga kababayan,” nakangiting pagtatapos ni Tatay Ruding.

Noong ika-9 ng Enero, isang taong tigib ng karanasan ang naidadagdag sa buhay ni Mayor Del. Ang lokal na pamahalaan ay naglaan ng mga simpleng aktibidad para sa pagdiriwang na ito.

Mayor Del: Pagtatrabaho ang nagbibigay ng dangal sa tao

Lubos na ikinagalak ni Mayor Del De Guz-man ang pagpasa ng 6th City Council sa 2012 budget proposal na nagkakahalaga ng PhP1.525 B matapos ang ang isa’t kalahat-ing buwan ng masusing deliberasyon at pag-aaral dito.

Ayon kay Mayor Del, bagamat kailangang dumaan ang pagpasa sa mga commit-tee hearing upang mapag-aralan ang pangangailangan sa inihaing budget ng ba-wat tanggapan at departamento ng lokal na pamahalaan, ikinagagalak niya ang pagpasa nito.

“Natutuwa naman tayo dahil naipapasa ang budget sa tamang oras. Hindi tayo magagahol sa pagsasakatuparan ng ating mga proyekto at tuloy-tuloy ang ating pag-seserbisyo,” wika ni Mayor Del.

Samantala, nilinaw naman ni Department

of Interior and Local Government- Marikina Director Cesar Scheinder na hindi ki-nakailangang dumaan ng budget proposal sa isang public hearing sapagkat hindi ito isang rekositos o requirement ayon sa Local Government Code.

Ang mga proyektong nakahain para sa susunod na taon ay bahagi ng 7K program ni Mayor Del para sa aspeto ng Kabuhayan, Kalusugan, Kapayapaan, Kalikasan, Katiya-kan sa Pabahay, at Katapatan o Makataong Paglilingkod.

Ilan sa mga ito ay ang pagtatayo ng slaughter house sa lungsod upang mas siguraduhing ligtas at dumaan sa ins-peksyon ang mga karneng ibebenta sa mga pamilihan ng Marikina, bagong gusali para sa lehislatibo at Pamantasan ng Lungsod ng Marikina, higit na maayos at pinaghusay na

pasilidad ng Marikina City Hall para sa mas mabilis at maayos na pagseserbisyo, mas malawak na tulong medikal, scholarships, at PhilHealth coverage, pinaraming bilang ng mabibiyayaan ng mga sapatos at school supplies, at mas pinaraming bilang ng early warning devices tulad ng !ood alarm system at close-circuit television cameras sa mga lugar na nangangailangan nito.

Dagdag pa rito, magkatuwang din ang lokal na pamahalaan at ang mga tangga-pan nina Congressman Marcelino Teo-doro ng Unang Distrito at Congressman Miro Quimbo ng Ikalawang Distrito para sa mga proyektong tulad ng pagpapatayo ng karagdagang bagong gusali ng Amang Rodriguez Medical Center at mga paaralan sa Una at Ikalawang Distrito, ganoon din sa !ood control programs ng lungsod.

Budget ng Marikina sa 2012, aprubado na

Sa mata ng kanyang amamula sa p.1

ISA SI MARY ANN DURAN sa mga nakikinabang sa programa ng lokal na pamahalaan. Ang kanyang kinikita sa ilalim ng programa ng Volunteer Management Of"ce ay nakatutulong bilang pantustos niya sa pangangailangan at pag-aaral ng kanyang tatlong anak.

Si Mayor Del De Guzman (kanan) kasama ang kanyang nakababatang kapatid na si Davis (kaliwa) noong dekada ’70.

TINIG ng Marikina Vol. II, No. 5 | ENERO 2012

www.marikina.gov.ph2

Page 3: Tinig ng Marikina Vol. 2 No. 5 Enero 2012

SI CONGRESSMAN MIRO QUIMBO ng Ikalawang Distrito ng Marikina habang ipiniprisinta sa mga kinatawan ng Asian Touch ang isa sa livelihood trucks na iikot sa mga barangay na kanyang nasasakupan upang maghatid ng kaalaman at kabuhayan sa mga residente.

INILUNSAD NG LOKAL na pamahalaan ng Marikina sa pamamagitan ng O!ce of Congressman Miro Quimbo, katuwang ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Asian Touch International Training Institute, Inc. ang dalawang bagong mobile truck na aagapay sa mga mamamayan ng Ikalawang Distrito ng lungsod sa pagkuha ng mga bagong kaalamang pangkabuhayan.

Ang pagpapasinaya sa dalawang Q Livelihood Truck ay isinagawa kamakailan sa Freedom Park kasabay ng pagtataas ng

watawat ng mga opisyal at kawani ng lungsod.Layunin ng dalawang mobile livelihood

training truck na mailapit ang serbisyo ng pamahalaan para sa pagsasanay ng mga residente hinggil sa ilang short courses tulad ng Housekeeping, Commercial Cooking at Bartending.

Lulan ng isang truck ang ilang mga kagamitan sa Housekeeping at ang isa namang truck ay isang mobile kitchen restaurant na naglalaman ng mga kagamitan ng maaaring magamit sa pagsasanay sa pagluluto at Bartending.

ANG KOPONAN ng Sta.Lucia-Monte Carlo Residence ang itinanghal na kampeon sa kauna-unahang DELeague commercial basketball tour-nament na idinaos sa Marikina Sports Park basketball gymnasium.

Iniuwi ng koponan ang panalo laban sa Invest Well sa puntos na 84-70 sa Game 2 ng best-of-three !nals ng ligang ito.

Itinanghal namang Most Valuable Player si Ex-Pro Francis ‘Kiko’ Adriano. Nagtala ng 23 puntos si Adriano katuwang ang 15 puntos, 11 rebounds ni Devon Sullivan at ambag na 15 puntos, anim na rebounds ni Chris Calaguio na nagbigay-daan patungo sa tagumpay ng kanilang koponan.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng sumuporta sa team namin pati na rin sa ibang koponan,” wika ni Adriano.

Napabilang din si Adriano sa Mythical 5 ng liga, kasama sina Celedon Don Camaso ng Sta.Lucia-Monte Carlo Residence, Ronald Roy ng Invest Well, Jeff Sanders ng Hobe Bihon, at Jeff Quiambao ng Philippine Army.

Ikinagalak naman ni Mayor Del De Guzman ang tagumpay ng liga.“Tayo ay natutuwa dahil naging matagumpay ang ating kauna-unahang liga. Nais nating

mapukaw ang interest ng mga kabataan sa larangan ng palakasan kaya tayo nagsagawa ng ganitong proyekto. Nagpapasalamat tayo sa mga sponsor at komite ng DELeague dahil nairaos natin nang matagumpay ang ating palaro,” wika ni Mayor Del.

Ang DELeague ay sinusuportahan ng Cherifer Premium Capsules , PCA, Pocari Sweat, Orahex, Tropicee Tablet-Vit C. , SM Marikina, Tutor 911, Coca Cola, Boeing Gym , Simply Delicious, Hobe Bihon, Luyong Panciteria, St.Patrick’s College-London at Chef Mackies Party Needs.

Kabuhayan mo, sagot ng Q Truck

Sa kabuuan ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang PhP5M ang nasabing truck na libreng magagamit para sa pagsasanay ng may 30-50 mag-aaral ng bawat barangay sa Ikalawang Distrito ng lungsod.

“Nais natin na mas mailapit pa ng pamahalaan ang mga serbisyo nito sa mga mamamayan ng Marikina. Sa pamamagitan ng mga truck na ito, atin silang matuturuan at mabibigyan ng may kalidad na pagsasanay nang hindi na kailangan pang gumastos pa dahil tayo na mismo ang pupunta sa kanilang mga barangay,” wika ni Quimbo.

Pangungunahan ng mga tagapagsanay ng Asian Touch International Training Institute Incorporated na accredited ng TESDA ang mga gagawing pagsasanay sa barangay.

“Sa ganitong paraan, ang mga mag-aaral ay mabibigyan natin ng may kalidad na pagsasanay upang sila ay makahanap ng magandang trabaho dito at sa ibang bansa, isang kongkretong hakbang tungo sa pag-unlad hindi lamang ng sariling kaalaman kung hindi tulong din para sa kabuhayan ng pamilya,” dagdag pa ni Quimbo.

Sta.Lucia-Monte Carlo Residence, kampeon ng DELeague

BarangayRound-upBRGY. STO. NIÑOIpinagdiwang ng Brgy. Sto. Niño ang taunang Pista sa Ilog noong ika-2 ng Enero sa Skating Rink Area ng Marikina Riverpark. Sinimulan noong 1994, ang nasabing pista ay mayroong iba’t ibang palaro tulad ng parlor games para sa mga kabataan kung saan ang mga mananalo ay pinagkalooban ng salapi bilang premyo. Bukod pa rito, nagsagawa rin ng isang talent search kung saan nakapag-uwi ng PhP3,000; PhP2,000; at PhP1,000 ang mga nagwagi ng una, ikalawa, at ikatlong gantimpala. BRGY. KALUMPANGMagdaraos ang Brgy. Kalumpang ng taunang Sto. Niño Festival sa ika-15 ng Enero. Sisimulan ang pagdiriwang sa ganap na ika-3 ng hapon sa Barangay Hall. Magkakaroon din ng mga street dance na lalahukan ng mga mag-aaral sa Kalumpang Elementary School na susundan naman ng isang prusisyon ng mga imahe ng Sto. Niño. BRGY. FORTUNEBilang pagsalubong sa 2012, nagdaos ang Brgy. Fortune ng Pasayaw sa Kalsada, isang dance contest at street party noong ika-31 ng Disyembre na nagsimula dakong ika-6 ng gabi at nagtapos sa Barangay Fortune Quadrangle. Layon ng patimpalak na ito na magbigay ng kasiyahan sa mga residente sa panahon ng pagsalubong sa bagong taon. Binuksan ang naturang patimpalak sa lahat ng residente ng barangay. Nagwagi sa paligsahan ang grupong "The Amazing Tribe" na nag-uwi ng salapi bilang premyo. Isinasagawa ng Brgy. Fortune ang ganitong aktibidad upang hikayatin ang mga mamamayan nito na magdiwang ng bagong taon nang hindi kinakailangang gumamit ng mapaminsalang paputok. BRGY. CONCEPCION UNOKamakailan lamang ay inilunsad ng Brgy. Concepcion Uno ang Barangay Nerve Center, isang computerized monitoring center na bukas 24 oras araw-araw bilang bahagi ng programang pangkaayusan at katahimikan ng barangay. Layon ng pasilidad na ito na mamatyagan kada minuto ang mga kilos ng mga tao at mga kaganapan sa kalsada. Sa ngayon ay mayroon ng isang closed-circuit television (CCTV) camera na nakalagay sa may kahabaan ng Bayan-Bayanan Avenue. Plano ng pamunuuan ng barangay na ito na malagyan sa loob ng anim na buwan ang lahat ng tinuturing na matataong lugar o highly commercialized areas sa barangay tulad ng Tumana corner J. P. Rizal Street, sa harap ng Luyong Restaurant sa kahabaan ng J.P. Rizal Street, at Bayan-Bayanan Avenue corner E. Santos sa harap ng Concepcion Market. Bukod sa CCTV camera at mobile patrol, mayroon ding nagrorondang Bike Patrol na may two-way radio at throat microphone para sa mabilis na pagresponde sa oras ng pangangailangan. BRGY. MALANDAYInihahanda na ng Brgy. Malanday ang nalalapit na pagbubukas ng Violence Against Women Community (VAWC) Desk nito kung saan ang mga kababaihang inaabuso ay maaaring pansamantalang tumuloy. Magsisilbing shelter ang ikalawang palapag ng Barangay Hall para sa mga kababaihang nangangailangan ng tugon lalo na ang mga biktima ng pananakit at pang-aabuso habang sila ay sumasailalim sa pag-aaral upang matulungan at matugunan ang mga pangangailangang pangsikolohikal. Ang shelter ay mayroong anim na kama para sa mga nangangailangan ng pansamantalang tutuluyan. Inaasahang bubuksan ito bago matapos ang buwan ng Enero.

INIIMBITAHAN ang lahat ng nagnanais makapagtapos ng high school na wala o hindi sapat ang kakayahan na matustusan ang kanilang pag-aaral na sumali sa gina-ganap na “Alternative Learning System” sa mga barangay ng lungsod ng Marikina.

Ang “Alternative Learning System” (ALS) ay isang non-formal education kung saan ang mga out-of-school youth ay binibigyan ng pagkakataong makapagtapos ng sec-ondary education at magkaroon ng diploma nang hindi na kinakailangang dumaan pa sa apat na taong pag-aaral.

Ang ALS ay nagsisimula tuwing buwan ng Pebrero hanggang Oktubre ng bawat taon. Ito ay bukas sa lahat ng residente ng Marikina na may edad 16 taong gulang pataas.

Sa katapusan ng programa, ang mga mag-aaral ay kinakailangang kumuha ng isang pagsusulit na kapag naipasa, maitu-turing na sila ay nakapagtapos ng sekond-arya.

Pagkakalooban ng certi"cate ang bawat mag-aaral na makakapasa sa nasabing pagsusulit at maaari na silang makapag-aral ng kolehiyo.

Sinimulan na noong buwan ng Disyembre ang pagpapatala para sa ALS ng susunod na taon. Para sa mga interesado at sa karagdagan pang impormasyon, bumisita o tumawag lamang sa inyong barangay.

Alternative Learning Systemsa mga barangay

MASAYANG INIABOT ni Mayor Del De Guzman kay Sta. Lucia–Monte Carlo Team Owner Ezekiel Robles ang plake at tseke sa ginanap na awarding ceremony ng DELeague. Dumalo rin sa nasabing seremonya si Cong. Miro Quimbo (dulong kaliwa) at Vice Mayor Fabian Cadiz (pangalawa sa kaliwa).

TINIG ng Marikinawww.infomarikina.webs.com

ENERO 2012 | Vol. II, No. 5

3

Page 4: Tinig ng Marikina Vol. 2 No. 5 Enero 2012

Del Delivers Mayor Del R. De Guzman

Balitang Bise Vice Mayor Fabian Cadiz

Dr. Cadiz HEALS

Marikina Cultural, Tourism, Trade and Investment

Promotions Of!ce (MCTTIPO)Telephone number: 646-2368

Of!cer-in-Charge: Maria Theresa L. Atanacio-Curry

City Accounting Of!ceContact Number: 682-9282

City Accountant: Erlinda Gonzales

City Personnel Of!ceContact Number: 646-0365

City Personnel Of!cer: Ms. Janet S. Obispo

Ang tanggapang ito ang tumitiyak na tama, makatotohanan, kumpleto at laging nakatala ang lahat ng pangpinansyal na ugnayan ng lokal na pamahalaan. Layunin nito na gumawa ng pangpinansyal na ulat ayon sa polisiya at paraan ng New Govern-ment Accounting System (NGAS), magkaroon ng napapanahon at importanteng pangpinansyal na ulat para sa punong lungsod at Sangguniang Panlungsod para sa mas mainam na pag-antabay sa paggawa ng mga desisyon, siguraduhing mayroong mas pinaghusay na pamamalakad ang pamahalaan sa pamamagitan ng malinaw at maayos na pamumuno sa pinansyal na aspeto ng pamahalaan, panatilihin ang audit system, paghahanda at pagpa-pasa ng pangpinansyal na ulat sa punong lungsod, paghahanda ng ulat hinggil sa cash advances, liquidation, pasahod, allowanc-es, reimbursements at remittances; pagpapanatili ng indibidwal na ledger para sa sahod at kaltas ng mga opisyal at mga kawani; at paghahanda ng journal at analysis ng obligasyon at panatilihin at itago ang mga talaan at ulat na may kinalaman dito.

Ang Tanggapang Pangtauhan ang sumusubaybay sa kapakanan at pangangailangan ng lahat ng kawani ng pamahalaan magmula sa pagpasok hanggang sa kanyang pagreretiro. Ang tanggapang ito ang may direktang ugnayan sa tanggapan ng civil service na nauukol sa mga pagtatalaga ng kawani sa permanenteng posisyon, promosyon, at iba pang bagay na pinag-uutos na ayon sa batas ng komisyon. Ito rin ang nag-iingat ng 201 !les ng lahat ng kawani at responsable sa pamamahagi ng service records, certi!cates of employment, kompensasyon, at iba pang dokumento na naaayon sa pangangailangan ng isang kawani. Gawain din ng tanggapang ito ang pagpoproseso ng vacation, sick, special leaves, pangangasiwa ng sahod, at iba pang mga benepisyo tulad ng welfare fund, GSIS, PhilHealth, at iba pa.

TINIG ng Marikina Vol. II, No. 5 | ENERO 2012

www.marikina.gov.ph4

BILANG PARTE NG ADBOKASIYA NATIN na TRANSPARENCY AND ACCOUNTABILITY sa pangunguna ng ating Mayor Del De Guzman ay nararapat lamang na maiulat namin kung ano ang mga nagawang proyekto ng ating opisina sa loob ng nagdaang taon ng aming panunungkulan. Minabuti ng inyong abang lingkod ang mag-isip ng acronym na maaari nating gamiting gabay sa mga serbisyong ating ibinibigay sa ating mga kababayan. Naisip po natin na gumamit ng terminolohiya na mag-uugnay sa aking pagiging manggagamot o doktor. Ang doktor ay nagpapagaling ng sakit at karamdaman o sa ingles ay HEALS. Ang HEALS po ay nahahati sa limang letra na kung saan bawat letra ay binigyan natin ng kahulugan ng ating serbisyo sa bayan. H - Health E – Education/Environment/Early Warning System/E-good Governance A – Anti-Drug Abuse Program L – Leadership/Livelihood Program S – Social Service/Senior Citizens/Sports.

H – Health(Health) Nagkaroon po tayo ng labing-isang (11) malakihang serbisyong medikal sa iba’t ibang lugar sa buong Marikina. (1) Medical Mission – Ondoy Commemoration, Barangay Tumana Health Center – Sept. 26, 2010 (2) Kalinga sa may Kapansanan, City Health Of!ce – February 7, 2011 (3) Kalusugan Mo, Aalagaan Ko, Malanday National High School – February 27, 2011 (4) Kalusugan Mo, Aalagaan Ko, Fortune Elementary School – February 27, 2011 (5) Mega Tule Mass Circumcission, Marikina Sports Park – May 7, 2011 (6) Kalusugan Mo, Aalagaan Ko, Nangka High School – July 31, 2011 (7) Kalusugan mula sa OLOPSC, SSS Elementary School – September 25, 2011 (8) Kalusugan Mo, Aalagaan Mo – Part 8, St. Camillus Seminary, Marikina Heights, - October 23, 2011 (9) Kalusugan Mo, Aalagaan Ko – Part 9, Malanday National High School – November 20, 2011 (10) Kalusugan Mo, Aalagaan Ko – Part 10, Goodrich Covered Court – November 11, 2011 (11) Kalusugan Mo, Aalagaan Ko – Part 11, Kalumpang Basketball Gym – December 11, 2011. Sa kabuuan ay mayroon tayong mahigit walong libong (8,000) kababayang nangangailangan ng atensyong medikal ang ating natulungan.

Bilang pagtugon sa tumataas na bilang ng biktima ng dengue ay nakipagtulungan ang inyong lingkod sa Pest Control Association of the Philippines upang maglunsad ng libreng anti-dengue fumigation sa mga lugar na may mataas na bilang ng dengue victims. Ating napausukan ang Barangay Fortune, Sta. Teresita Village (Malanday), Camacho Phase 1 and 2 (Nangka), Marikina Rehabilitation Center (Marikina Heights), Barangka Elem. School (Barangka), Kalumpang Elem. School (Kalumpang), Concepcion Uno Elem. School (Concepcion Uno), Parang Elem. School, Parang High School (Parang) at St. Mary Elem. School (Nangka).

Nakapagbigay din ang inyong lingkod ng mahigit isaang daan (100) wheelchair sa mga kababayan nating may kapansanan sa pakikipagtulungan natin sa Kapisanan ng may mga Kapansanan sa Pilipinas (KAMPI).

E – Education/Environment/ Early Warning System/E-good Governance(Education) Upang maihanda sa pagiging isang responsableng mamamayan ang mga pasyente sa Marikina Rehabilitation Center ay naglunsad tayo ng trainings. Basic Computer ang itinuturo sa mga interesado na matutong magrepair ng computer at English Pro!ciency naman sa mga gustong pumasok ng Call Center pagkaraang sila ay makalabas. (Environment) Bilang pagtugon sa programang 7K (Kalikasan) ni Mayor Del ay nagkaroon tayo noong June 19, 2011 ng MAHOGANY TREE PLANTING sa 400 sq.m. vacant lot sa Marikina Riverpark sa Barangay IVC sa pakikipagtulungan ng Woknatoy. Ang mga mahogany na ito ay malaking tulong upang maiwasan ang pagguho ng pampang ng ilog sa tuwing lalaki ang tubig. (E-Good Governance) Alinsunod sa panukala ni Pangulong PNOY hinggil sa TRANSPARENCY and ACOUNTABILITY ay naglunsad tayo ng LIVE STREAMING ng bawat sesyon sa ilalim ng 6th City Council na siyang kauna-unahan sa bansa magmula pa noong kauna-unahan ding sesyon na ginanap noong Hulyo 7, 2010 sa ating sariling website (www.council.marikina.gov.ph). Ang Live Streaming na ito ay kauna-unahan ding pinatupad sa aking administrasyon bilang Presiding Of!cer. Ang lahat ng talaan ng mga ordinansa at resolusyon, maging ang bawat sesyon ay maaaring basahin, i-download at panoorin mula sa ating website para sa kapakanan ng ating mamamayan upang inyong malaman ang mga nangyayari sa loob at labas ng konseho. (Early Warning System) Dahil sa dami ng mga bagyong dumadaan sa Pilipinas taon-taon ay normal na sa ating ilog ang umapaw kung malakas ang buhos ng ulan sanhi upang maapektuhan ang mga kababayan nating nakatira malapit sa ilog partikular na ang Provident Village (Tañong), Jesus dela Peña, Sto. Nino, Malanday, Tumana at Nangka. Ang inyong lingkod sa pangunguna ni Mayor Del ay naglagay ng mga Early Warning System na magsisilbing hudyat sa nakaambang panganib ng pagtaas ng tubig sa ilog. Ito ay tutunog kung umabot na sa kritikal ang taas ng tubig (15m – 1st Alarm, 16m – 2nd Alarm at 17m – 3rd Alarm). Ito ay nakalagay sa mga strategic locations sa kahabaan ng Ilog Marikina magmula sa Marikina Bridge palabas sa San Mateo. Maaari ding makita sa ating website ang mga aktwal na datos ng taas ng tubig (water level) sa kahabaan ng Ilog Marikina at dami at lakas ng ulan (rain gauge) sa mga karatig bayan upang masukat natin ito at maging basehan sa bilis ng pagtaas ng tubig.

(Itutuloy sa susunod na isyu)

Buod ng aking State Of The City Address (SOCA) 2012

MALAKING PANAHON ang ating ginugol sa pagpapalakas sa ating kahandaan sa kalamidad bilang tugon sa mga aral ng bagyong Ondoy. Ito ang matinding hamon na ating hinarap upang mapanumbalik natin ang tiwala sa sarili at magpatuloy ang ating pagsulong.

Sa kabuuan ay nakapag-declog na tayo ng 125 kms. ng ating drainage system na napabilis sa paggamit natin ng 2 units ng vacuum jet sewer cleaner trucks na ating naipundar. Napanumbalik natin ang kaayusan sa 80% ng ating kailugan. Natapos na natin ang rehabilitasyon ng ating city hall, health centers, barangay halls, mga pampublikong paaralan at mga pasilidad nito at perimeter walls sa iba't ibang lokasyon.

Bagamat at natuon ang ating atensiyon sa restoration at rehabilitation, napanatili natin ang kaayusan sa ating lungsod: zero squatter ang ating ilog; vendor-free ang ating mga bangketa; mataas ang ating garbage collection e!ciency rate at bocha-free ang ating mga pamilihang bayan. Ito ay ilan lamang sa mga patunay sa patuloy nating pagsisikap na mapairal ang batas laban sa anarkiya bagamat sa mas mahinahong pamamaraan.

Ipahintulot po ninyong ibahagi ko ang ilan sa ating mahahalagang naisakatuparan sa nakaraang taon: pagsasaayos ng 1.3 kms. ng sidewalk at kalsada; upgrading ng streetlights sa mga pangunahing kalsada; full operationalization ng Septage Treatment Facility sa Barangay IVC sa pakikipagtulungan ng Manila Water Company; pagtatayo ng Material Recovery Facility sa may Agora Complex na ang full operation ay magsisimula ngayong buwan ng Enero; installation ng state-of-the-art led-type tra!c light system with countdown timer na siyang magsisilbing modelo para sa ibang major intersections sa ating lungsod; matagumpay na pagpapatupad sa ordinansa sa paggamit ng day light o clear light sa lahat ng meat stalls sa pamilihang bayan (sinasabing kauna-unahan sa Pilipinas); pagpapalakas sa pangasiwaan ng Pamantasan ng Lungsod ng Marikina; pagtatapos ng College Education Program sa pagtutulungan ng PLMar at Center for Excellence kung saan 76 na empleyado ang nagkamit ng college diploma; paglalaan ng educational assistance sa 27,555 mag-aaral ng public elementary at secondary schools; paglalaan ng 35,000 pares ng school shoes na gawa sa Marikina sa mag-aaral ng public elementary at secondary schools; pagpapalawak sa PHILHEALTH coverage na may karagdagang 6,500 beneficiaries; pagbibigay ng libreng vaccination kontra influenza virus sa mahigit 6,000 indigent senior citizens; matagumpay na paglulunsad ng Clean, Green and Organized Learning Institution sa ating mga pampublikong paaralan; pagbibigay oportunidad na makapagtrabaho sa 5,000 job applicants sa pamamagitan ng paglulunsad ng monthly at quarterly JOB FAIR; matagumpay na pagsusulong sa Gender and Development Program sa lokal na pamahalaan at sa mga barangay; pagbibigay parangal sa mga natatanging indibidwal at grupo na nagpakita ng katangi-tangi at kakaibang serbisyo, talento at kahusayan sa kani-kanilang propesyon at piniling larangan bilang tampok sa paggunita sa ika-15 taong taong pagiging lungsod ng Marikina; pagpasok ng mga bagong business establishments kabilang na rito ang PUREGOLD JUNIOR, Save More at Robinson-Graceland na may kabuuang investment na PhP200M (mahalagang senyales ng mataas na kumpyansa ng mga mamumuhunan sa ating lungsod); paglikom ng PhP1.6B gross revenue (malaking porsyento nito ay mula sa business at real property taxes); matagumpay na pagdaraos ng Christmas Festival na kinatampukan ng Tiangge sa Central Parking, Carnival Rides at Year-End Concert; paglalaan ng PhP1 M pinansyal na tulong sa mga nasalanta ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City (tayo naman ang nagbigay ng tulong sa mga sinalanta ng matinding kalamidad); malaking tagumpay ang SAPATOS FESTIVAL na tampok ang Shoe Caravan kung saan nilibot natin ang mga lungsod at bayan sa Metro Manila kabilang na ang Antipolo at Cainta upang hingin ang kanilang suporta sa pagtangkilik ng mga sapatos at mga produktong gawa sa Marikina at kumita ng mahigit sa PhP12M na lagpas nang napakalaki sa inaasahan.

Nakiisa tayo sa paglulunsad ng 3rd Marikina Business Summit noong ika-28 ng Nobyembre ng nakaraang taon. Layunin ng summit na higit pang palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at mga negosyante sa pagsusulong sa mga produkto at serbisyo mula sa Marikina, partikular ang sapatos sa ilalim ng programang tinaguriang One Town, One Product. Napagkasunduan din na opisyal na gawing Business Month ang buwan ng Nobyembre sa lungsod ng Marikina.

Bilang pagtataguyod sa mga produktong gawa sa Marikina, nakipagsanib pwersa ang pamahalaang lungsod sa Philippine Chamber of Commerce and Industry – Marikina Chapter, Samahan ng Magsasapatos ng Pilipinas at Marikina Shoe Caravan and Allied Services sa paglulunsad ng MADE IN MARIKINA 1ST TRADE EXHIBIT sa SM Megamall mula ika 15-18 ng Disyembre taong 2011. Ito ay bahagi rin ng ating mga pagkilos upang maibalik sa Marikina ang

Of!ce of the City Administrator

Contact Number: 646-1634Acting City Administrator:

Victoriano A. Sabiniano, Jr.

Ang Of!ce of the City Administrator ay nalikha ayon sa Section 480, Article X ng Local Government Code. Sa ilalim ng gabay ng Of!ce of the Mayor, ito ay gumagawa ng mga plano at istratehiya ng lokal na pamahalaan na may kinalaman sa pamamahala at pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa lungsod. Bukod pa rito, ito ang tanggapang sumusubaybay sa mga araw-araw na operasyon ng lungsod, at mga plano, at pangangasiwa ng pananalapi ng lungsod.

Ang tanggapan ng MCTTIPO ang nagsasagawa ng mga pag-aaral at pananaliksik upang maipakilala sa publiko ang mga kultura, kasaysayan, at likas na yaman ng lungsod. Ito rin ang kumikilala, lumilinang, at nagpapanatili ng mga lokal na atraksyon, pasilidad at mga makasaysayang lugar ng Marikina. Layunin din ng tanggapan ng MCTTIPO ang pagpapalawig ng iba't ibang industriya sa lungsod partikular ang pagsasapatos. Nakikipag-ugnayan din ito sa Department of Tourism upang makasabay ang lungsod sa mga programa, proyekto, at mga patakaran nito. Bukod pa rito, sinusuri rin ng MCTTIPO ang mga maaaring mamuhunan sa pag-unlad ng turismo at ng lungsod sa kabuuan.

dating kakilanlan nito bilang Shoe Capital of the Philippines.

Sa mga taong hinaharap sisikapin nating makapaglaan ng tamang pamamahala, makapagdulot ng positibo at makabuluhang pagbabago na ang benepisyo ay makikita, mararamdaman at mararanasan ng bawat isa. Governing, transforming and impacting — ito ang nais nating gawin at mangyari. Patuloy akong maglilingkod bilang ama ng bayan — na may puso, kalinga at malasakit sa bawat isa. Sa aking mga kababayan, ituring ninyo ang Marikina na inyong tahanan. Ako, kayo, tayong lahat ay bumubuo sa isang pamilya. Samahan ninyo ako sa pangangalaga sa ating tahanan. Samahan ninyo ako sa pagtataguyod sa ating paniwala — TUNAY NA KAUNLARAN, TAO NAMAN. Walang imposible sa mga taong naniniwala sa kanilang kakayahan.

DEL Delivers PINANGUNAHAN ni Mayor Del ang isinagawang Agro-Industrial Fair sa Concepcion Elementary School (1); Masayang Bata gift-giving program ng Chinese Chamber of Commerce kasama si Mayor Del sa iba't ibang barangay (2); pamamahagi ng Educational Assistance sa pamamagitan ng libreng sapatos para sa mga estudyante ng Parang Elementary School (3); personal na pag-inspeksyon ni Mayor Del sa ginagawang estero sa Brgy. Nangka (4); masigasig na kampanya kontra sa paninigarilyo kasama ang mga tauhan mula sa MMDA (5); pamamahagi ng relief goods sa mga nasunugan sa Brgy. Nangka (6); kinikilatis ni Mayor Del ang panindang sandals na balat na gawa ng mga taga-Brgy. Nangka (7); si Mayor Del habang nagtatalumpati sa selebrasyon ng ika-15 cityhood anniversary sa Teatro Marikina (8)

Dr. Cadiz Heals SI VICE MAYOR Jose Fabian Cadiz habang nagpre-preside sa isinagawang Budget Hearing sa Session Hall sa Justice Hall Building (1); Awarding ceremony ng Bidyo Against Drugs (BAD) short video contest sa Session Hall sa Justice Hall Building (2); at pamamahagi ng mahigit 30 libreng wheelchairs para sa mga disabled citizens ng lungsod na isinagawa sa Freedom park kasabay ng lingguhang "ag raising ceremony (3).

1

2

1

2

3

3

4

56

7

8

TINIG ng Marikinawww.infomarikina.webs.com

ENERO 2012 | Vol. II, No. 5

5

Page 5: Tinig ng Marikina Vol. 2 No. 5 Enero 2012

NGAYONG PAGPASOK NG TAONG 2012, hinihikayat ni Mayor Del De Guzman ang lahat ng mga namumuhunan o nagnenegosyo sa Marikina na magsisimula na ng kanilang pagpapatala at pagproseso ng mga rekositos o requirements sa pagnenegosyo sa tulad ng permiso at lisensya.

Kasalukuyang tinatanggap ng Business Per-mits and Licensing Of!ce (BPLO) ang aplikasyon para sa pagpapatala (bago at muling pagpapa-tala) ng mga permiso at lisensya sa paghahanap-buhay. Ang aplikasyon ay tatanggapin hanggang ika-20 Enero 2012.

Ayon sa BPLO, kinakailangan ang mga su-musunod na dokumento sa pagpapatala:

Para sa mga bagong negosyo:Zoning ClearanceBarangay ClearanceOccupancy Permit/Change of Use of Certi!cateFire Inspection Certi!cateSanitary PermitLarawan ng tindahan (makikita ang sign board at side walk)City Environmental Management Of!ce (CEMO) Certi!cateLessor’s Permit (Contract or Lease)Iba pa [Kopya ng Lessor’s Business Permit at Con-tract of Lease, Franchise Agreement (Franchisor)]National Agency Clearances [SSS Registration, SEC Certi!cate of Authority to operate (Lending Company)].

Para sa muling pagpapatala (renewal)

Barangay ClearanceQuarterly Vat Returns o Monthly Percentage Tax (Para sa mga korporasyon at iba pang BIR-registered business)Sanitary PermitEngineering Inspection Certi!cateFire Inspection Certi!cateCity Environmental Management Of!ce (CEMO) Certi!cateContract ng Lease at Lessor’s Business PermitIba pa (CVO Inspection Certi!cate [Meat/ Chicken Dealers at mga tindahan lamang, CAM/MTCAM Registration (Computer/Internet lamang), MVCCI Registration]National Agency Clearances [Franchise Agreement (Franchisor), SEC Certi!cate of Authority to oper-ate (Lending Company)].

Ipinaliwanag ni BPLO Chief Atty. Nancy

Teylan ang kahalagahan ng business permit sa

Councilor Rommel Ortiz

IPINANGANAK NOONG IKA-16 NG MARSO taong 1964, si Councilor Rommel Ortiz na kilala sa tawag na 'Jojo' ay galing sa angkan ng mga pulitiko. Siya ang panganay na anak ng dating konsehal na si Tito Ortiz na siya namang kapatid Ronie Ortiz na kasalukuyang kagawad ng Brgy. Concepcion Dos.

Bago siya tumakbo bilang konsehal noong 2007, si Councilor Ortiz ay naging opisyal ng Brgy. Concepcion Uno mula 1994 hanggang 2007.

Taong 2009 at 2010, naupo siya bilang chairman ng Committee on Infrastructure, at miyembro ng Committee on Government Affairs, Ethics at Accountabilities, Committee on Senior Citizens and Persons with Disability, Committee on Youth and Sports Development, at Committee on Housing, Zoning, Urban Planning at Community Development.

Taong 2010 nang muli siyang tumakbo sa pulitika at nanalo para sa ikalawa niyang termino bilang konsehal. Sa ngayon, si Councilor Ortiz ang chairman ng Committee on Culture and the Arts.

LUMAKING MULAT sa responsibilidad, sa murang gulang ay naging aktibo si Councilor Carissa Carlos sa pamamalakad ng negosyo ng kanyang pamilya.

Ipinanganak noong ika-5 ng Mayo taong 1984 at pangalawa sa limang anak ni dating konsehal Leanor Fabor Carlos at Alexander Carlos, si Councilor Carlos ay nagtapos ng Culinary Arts sa O. B. Montessori. Tangan ang hangaring maging isang matagumpay na indibidwal, pagkatapos niya sa pag-aaral ay agad siyang nagtrabaho bilang operations manager ng Bagaverde Grill and Bar sa loob ng apat na taon. Kasabay nito ay naging kasosyo o mamumuhunan at consultant din siya sa Little Poon Restaurant.

Taong 2007 nang siya ay magtungo sa Kyrgyzstan upang dumalaw at maghatid ng mensahe ng pag-ibig ng Panginoon, kapatiran at pananampalataya sa komunidad doon.

Sa kagustuhan niyang makatulong at maglingkod bilang indibidwal, binuo at isinulong niya ang ngayon ay Marikina Youth Movement (MYM). Sa ngayon si Konsehala Carlos ang chairman ng Committee on Human Rights and Justice sa 6th City Council.

6

Ordinansa sa reflectorized vest vs ‘riding in tandem’ itinulak

ISANG ORDINANSA ang kasalukuyang isinusulong ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Sangguniang Panglungsod upang maprotektahan ang publiko mula sa modus operandi ng ‘riding in tandem’.

Ang Pro. Ordinance 11-307 Series of 2011, na kapag naipasa ay tatawaging Motorcycle Reflectorized Vest Ordinance of 2011, ay magtatakda ng reflectorized vest bilang uniporme sa mga oras na bumibiyahe sa lansangan ang isang motorcycle rider.

Ang bawat motorcycle rider ay kinakailangan magsuot ng reflectorized vests kung saan nakalagay ang plate number ng kanilang motor na may apat (4) na

pulgada ang taas.Ayon kay Konsehal Frankie Ayuson,

ang naghain ng naturang proposed ordinance, naging aktibo nitong mga nakalipas na mga buwan ang mga ‘riding in tandem’. Ang grupong ito ang responsable sa panghoholdap sa lansangan sakay ng motorsiklo. Karaniwang biktima ng mga ito ang mga kababaihang mayroong bag na nabibiktima rin ng taga gamit ang may habang 20 pulgadang kutsilyo na susundan ng pagtangay sa gamit ng kanilang biktima ng mga ito.

Ayon sa Philippine National Police-Marikina, mayroong 18 na insidente ng ‘riding in tandem’ hold-up ang naitala noong nakaraang taon.

“Mahirap para sa ating kapulisan na makita o makilala ang plaka ng motor ng mga suspek sapagkat ito ay nakalagay sa may bandang ibaba ng likuran ng motor. Sa pamamagitan ng pagsusuot ng mga reflectorized vests, mas madali na sa mga pulis na makilala sila,” wika ni Mayor Del De Guzman.

Ang sinumang lalabag sa ordinansang ito ay magmumulta ng PhP500 para sa unang paglabang; PhP 1,000 para sa ikalawa; Php 1,500 sa ikatlo; at PhP2,500 at pagkumpiska ng driver’s license para sa ikaapat at sa mga susunod pang paglabag.

Ang malilikom na pondo mula sa multa ay ilalaan sa motorcycle road safety programs ng lungsod.

DTI DONATES P15M FOR MARIKINA SHOE LABTO FURTHER DEVELOP the Marikina shoe industry, the Department of Trade and Industry is donating P15 million to develop a shoe laboratory in the city under the Philippine Footwear Federation Inc.

The shoe laboratory will oversee the product development of all shoes made in Marikina and to improve its sourcing of raw materials used in production.

Marikina Mayor Del R. De Guzman also welcomed three developments aimed at further strengthening the city’s shoe industry: the choice of for its One Town, One Product (OTOP) entry, a December 15 Trade exhibit, and the declaration of November as Marikina’s “Business Month”.

OTOP is a program of the DTI aimed at promoting entrepreneurship and creating jobs where each city identi!es develop and promotes a speci!c product or service which has a competitive advantage.- Business Mirror, December 6, 2011

MARIKINA CONDUCTS BLOOD DONATIONIN CELEBRATION of its 15th Cityhood Anniversary, the city government of Marikina through the City Health Of!ce recently conducted a mass blood donation in the Marikina Sports Park Building.

Some 289 blood units were collected from the said event where Vice Mayor Jose Fabian Cadiz also donated blood.

Blood donors received a Donor's Card, a 20% discount card in the Good Shepherd Laboratory, a Sagip Ka Card, and a stainless mug with the slogan, “More Blood, More Life.”

Collected blood units are to be transferred to the Philippine Red Cross, Philippine Blood Center and the Amang Rodriguez Memorial Medical Center.- Alppa Times, December 12-18, 2011

MARIKINA, MAY COLD STORAGE FACILITY NABINIGYAN ng cold storage facility ng Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) at Department of Agriculture ang Marikina, ayon kay Mayor Del De Guzman. Ayon kay De Guzman, malaking ginhawa para sa mga mangangalakal ang storage facility na ilalagay sa Marikina Public Market. “Malaking pakinabang ito, hindi lamang sa mga nagtitinda kundi sa mga mamimili, dahil mananatiling sariwa ang karne at isda,” ani De Guzman. Mababa lamang ang storage fee sa pasilidad. - Marvin Balute, Bandera, Enero 4, 2012.

ZERO CASUALTY SA BIKTIMA NG PAPUTOK SA MARIKINA!IKINATUWA ng pamahalaang lungsod ng Marikina ang napa-ulat na “zero casualty” ang buong siyudad sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Base sa ulat, mula sa tanggapan ni City Health Of!cer Dr. Alberto Herrera, umabot sa 21 kaso ang naitala sa naging biktima ng paputok simula ng magpalit ng taon sa labindalawang pagamutan ng lungsod.

Nabatid na pinakabata sa talaan ng mga naputukan ng paputok ay edad 11-anyos habang 51-anyos naman ang lumabas na pinakamatanda na biktima rin ng pagsalubong o pagpalit ng taong 2011 sa 2012.

Naniniwala si City Mayor Del De Guzman, na sa pamamagitan ng patuloy na pagpapakalat ng tamang impormasyon sa buong mamamayan ng lungsod hinggil sa pag-iingat at paggamit ng paputok ay posibleng sa susunod na pagpalit ng taon ay hindi lang “zero casualty” ang target ng pamahalaang lokal ng Marikina kundi na rin ang zero incident sa bawat indibidwal. - C Barquilla, Remate, Enero 4, 2012

Councilor Carissa Carlos

NEWSRound-up

Pagbabayad ng buwis sa hanapbuhay ngayong Enero na

Iba na ang maagap. Iniaabot ni BPLO Chief Atty. Nancy Teylan ang business plate at mga dokumento sa pagpa-patala kay Francisco Jamer ng Kong-kong Sari-sari Store na matatagpuan sa Panorama corner Colt St. Brgy. Concepcion Dos. Si Jamer ang kauna-unahang business taxpayer ng taong 2012. (Nancy Villanueva Teylan ! Marikina PIO via Facebook)

mga nagnenegosyo.“Malaking tulong ang pagkakaroon ng busi-

ness permit sa mga business establishment. Una, mapapadali ang proseso ng paglalakad ng mga do-kumento sa ilang pagkakataon tulad ng pag-utang o loan sa bangko bilang pandagdag ng puhunan sa negosyo kung saan isa ang business permit sa mga rekositos. Ikalawa, katibayan ito ng mga nagnenegosyo na legal ang kanilang operasyon at nagsisilbing proteksyon laban sa mga elementong maaaring magsamantala sa mga ito,” ayon kay Teylan.

Dagdag pa rito, ang pagbabayad ng karampatang buwis ang nagsisilbing suporta naman ng mga nag-nenegosyo sa lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng buwis na naipapasok sa kaban ng bayan, at bilang pagtalima sa isinasaad ng batas na ang mga negosyo ay kailangang may business permit.

Matatandaang noong Setyembre 2009, mayroong PhP384 M ang halaga ng mga ari-arian, kasama na ang mga negosyo, sa nasira ng pagbaha. Ang pa-nunumbalik ng sigla ng komersyo ng lungsod ay na-sasalamin sa pagbubukas ng 2,225 (as of December 15, 2011) bagong negosyo sa lungsod noong 2011.

Para sa lokal na pamahalaan, ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga negosyo sa lungsod ay nagpapatunay ng panunumbalik ng kumpiyansa ng mga namumuhunan dito.

“Ang pagkakaroon ng mga namumuhunan ay nangangahulugan ng kabuhayan at pag-unlad ng lungsod. Sapagkat ang mga negosyong ito ang nagbibigay ng trabaho sa ating mga kababayan, samantalang mula naman sa buwis ng mga nego-syo nagmumula ang mga pantustos sa ating mga proyektong pangkaunlaran,” pahayag ni Mayor Del De Guzman.

Hinihikayat ni Mayor Del ang mga namumuhunan na iparehistro ang kanilang mga negosyo sa inilaang petsa ng lokal na pamahalaan upang makaiwas sa abala.

Para sa mga katanungan hinggil sa pagkuha ng permiso at lisensya sa paghahanapbuhay, mang yaring makipag-ugnayan sa BPLO sa telepono bilang (02) 646-2354.

TINIG ng Marikina Vol. II, No. 5 | ENERO 2012

www.marikina.gov.ph

Page 6: Tinig ng Marikina Vol. 2 No. 5 Enero 2012

ISANG MASAGANA, pinagpala, mapayapa at matagumpay na bagong taon sa ating lahat!

Sa pagtapos ng 2011 at sa pagpasok ng taong 2012, nararapat lamang na ating balik-tanawin ang ating mga tagumpay sa nakaraang taon at buong-kasabikan nating tunghayan ang pangako ng pag-asa at asenso sa darating na taon.

Sa nagdaang taong 2011 natin binuksan ang ating Q District O!ce sa City Hall upang higit na mailapit ang ating mga programang pambayan sa taumbayan. Natunghayan din natin ang pagbulusok ng iba’t ibang programang para sa tao sa ilalim ng Q H.E.L.P.S. (Health, Education, Livelihood, People’s Rights and Welfare at Social Services) Program.

Sa ilalim ng Q H.E.L.P.S. Program ay nakapagbigay tayo ng Philhealth Cards sa 5,000 pamilyang Marikenyo; nakapag-abot tayo ng ligal, pinansyal at medikal na tulong sa halos 15,000 na pamilyang nangangailangan; nakapagpatayo ng mga bagong school buildings sa siyam na public schools; nakapagpaaral ng lagpas 1,100 na Q College Scholars; nakapagpasanay ng mahigit na 2,000 katao sa ilalim ng mga TESDA-accredited trainings; nakapagbigay ng halos

PhP1,000,000 bilang paunang puhunan para sa mga kababaihang Marikenyo; makapagbigay daan na magkaroon ng isang heavy duty na firetruck ang Ikalawang Distrito; nakapagdala ng mga livelihood trucks sa ating mga barangay upang mas mailapit ang mga livelihood trainings sa tao; at nakapaghatid ng serbisyong patubig sa ROGA Compound at Upper Homes na 17 taon nang nag-antay na magkaroon ng tubig sa kanilang mga gripo.

Ang mga ito ay ilan lamang sa mga proyekto at programang naihatid ko, sa tulong ninyo, bilang inyong kinatawan sa Kongreso. Asahan ninyo na patuloy ang ating mga programang ito sa mga taong darating.

Ang taong 2012 naman ay aking

sinasalubong na may masidhing hangad na higitan pa ang paglilingkod sa inyo. Ipagpapatuloy natin ang mga programa na ating nailunsad at patuloy tayong magsasagawa pa ng mga bago at kakaibang mga programa upang higit kayong mapaglingkuran.

Patuloy ko rin na tutuparin ang aking pangako na gagawin ko ang lahat upang ako ay maipagmalaki niyo bilang inyong congressman. Sa katunayan, maliban sa pagiging Deputy Majority Leader at Vice Chairman ng Justice Committee sa unang taon pa lamang na ako ay naupong congressman, ay kinikilala na rin po ang galing ng inyong lingkod, ang kinatawan ng Marikina, bilang isa sa mga nangungunang lider ng administrasyon na siyang dahilan kung bakit ako natalagang Lead Spokesperson ng Impeachment Prosecution Panel laban kay Chief Justice Renato Corona.

Sinisiguro ko po sa inyo na patuloy ninyo akong maipagmamalaki bilang anak ng Marikina at sinisiguro ko rin po na patuloy kong iparirinig ang boses ng mga Marikenyo sa plenaryo ng Kongreso at sa mga usaping pambayan.

Muli, isang mainit na pagbati ngayong bagong taon! Maraming salamat po!

MARIKINA GETS P25MTHE LOCAL GOVERNMENT of Marikina received PhP25 million in !nancial assistance from the Department of the Interior and Local Government (DILG) through the Local Government Support Fund after it bagged the "Seal of Good Housekeeping" award because of its compliance with the Full Disclosure Policy (FDP) of the department. "We are happy that the city was chosen as one of the most transparent cities in Metro Manila. We will continuously provide our residents with good government," Mayor Del De Guzman said. The !nancial assistance will be used for to construct a four-story building in Barangay Sta. Elena. Aside from Marikina, the cities of Caloocan, Makati, and Navotas in the National Capital Region were also awarded the Seal of Good Housekeeping award by the DILG. - Claudeth Mocon, Business Mirror, January 4, 2012

MARIKINA, SM TO OPEN NSO DOCUMENTS PROCESSING OFFICETHE LOCAL GOVERNMENT of Marikina has teamed up with SM Department Store and the National Statistics Of!ce to provide documents needed by residents to travel abroad or to seek local employment.

Documents processed by the SM Business Centers include birth/death certi!cates, marriage contract, certi!cate of no marriage (Cenomar), and annotated and endorsed documents.

“Applicants can visit SM Business Centers in SM City Marikina or Savemore Market in Shoe Avenue, Barangay Sto. Niño and return after seven working days,” said De Guzman.

The birth/death and marriage certi!cate costs PhP160 for each document, while Cenomar is PhP250.

The SM City Marikina Business Services and Savemore Market in the Shoe Avenue is open from Mondays to Sundays from 10am to 7pm. - Gigi Muñoz David, Manila Standard Today, December 20, 2011

MARIKINA, MANILA, RIZAL REACH OUT TO ‘SENDONG’ VICTIMSTWO CITIES IN METRO MANILA and Rizal Province which also bore the brunt of destructive typhoons are offering help to victims of Typhoon Storm “Sendong.” Marikina Mayor Del De Guzman issued a memorandum encouraging city of!cials and employees to donate whatever aid they could to those who were affected by the "ash "oods in Iligan City and Cagayan de Oro.

“We know how it is to go through such agony having experienced it ourselves on Sept. 26, 2009 when [Tropical Storm] ‘Ondoy’ unleashed its fury and left a great part of our city in a sordid state,” De Guzman said in his memorandum.

“And we also know how alleviating it is to receive relief assistance from those who care,” added that mayor who admitted a few months ago that the city had yet to fully recover from the destruction wrought by Ondoy. - Niña Calleja and Jaymee T. Gamil, Philippine Daily Inquirer, December 27, 2011

MARIKINA CITY

Calendar of ActivitiesGAWAIN LUGAR ORAS

Disyembre 29

Simula ng Our Lady of the Abandoned (OLA) Fiesta Committee Fund Raising Campaign

OLA Church Buong araw

Enero 11 (Miyerkules)

Pamamahagi ng wheelchairs para sa piling mga residente

Session Hall, Justice" Building

2:00 p.m.

Enero (Biyernes)

2nd#Mayor Del De Guzman Golf Classic Tournament

Valley Golf and Coun-try Club-South Course, Antipolo City

Simula 9:00 a.m.

Enero 15 (Linggo)

Triple Treat Grand Medical Mission

Farmers 1, Brgy. Tumana 8:00 a.m.- 5 p.m."

Paglulunsad ng Anti-Drugs Mascot

Farmers 1, Brgy. Tumana 8:00 a.m.- 5 p.m

Binyagang Bayan OLA Church 12:00 n.n.

Health Alert Eco-Disaster Management Team Station, Marikina" Catholic School"Stage (MCS)

8:00 a.m. – 12 n.n.

Enero 27-30

Pagdalaw ng Poong Nazareno sa OLA

OLA Church Simula 11:00 a.m.

Enero 28, Pebrero 5, 11

Seminar para sa nais magpakumpil

OLA Church Simula 1:00 p.m.

Pebrero 14

Blood Letting Concepcion Uno Brgy. Hall 7:00 a.m. - 4:00 p.m.

Pebrero 18

Kumpisalang Bayan OLA Church 9:00 a.m.

Tunay na Kaunlaran, Tao NamanCong. Miro Quimbo

Thank Q 2011! Welcome 2012!

BAGONG PAG-ASA sa pagpasok ng bagong taon ang hatid ng Tekbok sa Marikina, isang proyekto ng lokal na pamahalaan ng Marikina na nagbibigay ng pagkakataon sa mga pangkaraniwang mamamayan at may kakulangan sa kakayahan na makapag-aral upang madagdagan ang kanilang kaalaman.

Sa ilalim ng pangangasiwa ng pamahalaang lungsod ng Marikina, sa pamamagitan ng Center for Excellence (CENTEX), ang Tekbok sa Marikina ay nagbibigay ng libreng pag-aaral sa mga short-term course sa mga Marikenyong wala o hindi sapat ang kakayahan na matustusan ang pag-aaral sa kolehiyo.

Sa kasalukuyan, bukas na ang pagpapatala para sa nasabing proyekto sa mga Marikenyong may edad na 16 taong gulang pataas. Sinumang magpapatala ay kailangang magdala ng voter’s ID at barangay clearance o community tax certi!cate (cedula) sa Centex.

Ilan sa mga kursong naipagkaloob y 2-D animation, Call Center Training, Shielded Metal Arc Welding, International Cuisine, Food Processing, Computer Hardware Servicing, Building Wiring Installation, Tailoring, Electronics, Domestic Refrigeration and Aircon, Dressmaking, Basic and Advanced Cosmetology, Basic and Advanced Computer, Basic and Advanced Baking, Auto Electrical Mechanic, Auto Gas Mechanic, at AutoCAD. Ngayong 2012, idinagdag ang mga kursong Auto Diesel Mechanic, Cellphone Repair, Motorcycle Mechanic, at Intermediate Welding.

Ang mga klase ay isinasagawa sa Marikina Polytechnic College (MPC) mula 8 ng umaga hanggang 5 ng hapon tuwing Sabado. Walongpung oras ang kailangan bunuin ng mga mag-aaral upang matapos ang isang kurso.

Noong 2011, nakapagpatapos ng 450 na mag-aaral ang Tekbok sa Marikina.

Ayon kay Mayor Del De Guzman, sinisikap ng pamahalaan na mabigyan ang mga mag-aaral ng de-kalidad na pagsasanay. Ang mga nagsipagtapos ay binibigyan din ng sertipiko na magsisilbi nilang credential na magagamit para sa paghahanap ng trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

“Kami ay umaasa na sa pamamagitan ng Tekbok sa Marikina scholarship program, kami ay makapagbubukas ng mga bagong oportunidad sa mga Marikenyo. Aming ikatutuwa kung ang kanilang mga natutunan ay kanilang nagagamit sa pagnenegosyo at paghahanap ng trabaho,” wika ni De Guzman.

TEKBOK: LIBRENG PAG-AARAL NG SHORT-TERM COURSES

NEWSRound-up

TINIG ng Marikinawww.infomarikina.webs.com

ENERO 2012 | Vol. II, No. 5

7

Page 7: Tinig ng Marikina Vol. 2 No. 5 Enero 2012

Tinigng Marikina

Enero2012Vol. II, No. 5www.marikina.gov.ph

www.infomarikina.webs.com

8

Year-end Concert & Fireworks Display

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay ipinakilala ng lungsod ng Marikina ang ilang natatanging indibidwal, institusyon, samahan, at kumpanya sa pagdaraos nito ng ika-15 taong anibersaryo ng pagkalungsod o cityhood anniversary noong ika-8 ng Disyembre.

Sa isang Recognition Night sa Teatro Marikina, itinanghal bilang Outstanding Marikeño sina Darwin dela Calzada (Sports-Baseball), Victorino Perea (Business), Ronaldo ‘Ronnie’ Magsanoc (Sports-Basketball), Gerard Rikken (Community Service), Undersecretary Anthony Parungao (Government Service), Elisea Gozun (Government), Maj. Gen. Emmanuel Bautista

(Military), at Remedios Rikken (Women and Gender Development).

Binigyan din ng parangal ang mga Outstanding Artists na sina Peter De Guzman (Sculpture), Simeona Chanyungco (Dance), Nona Garcia (Visual Arts), Fernando Josef (Theater), at Maria Regalado Yusi (Music).

Kasama rin sa binigyang pagkilala ang mga napapabilang sa top ten business groups, most outstanding non-government organization, most e"ective public elementary and secondary schools, outstanding private schools, outstanding youth and youth organization, at outstanding barangay council.

Ang mga binigyang-pagkilala

ay ginawaran ng plaque of recognition.

Bagamat kauna-unahang ginawa sa lungsod, plano ng lokal na pamahalaang gawing taunan ang pagbibigay-pagkilala.

“Nais nating gawin itong taunang aktibidad upang makilala hindi lamang sa lungsod kung hind maging sa ibang lugar ang mga mamamayan nating nagdadala ng tagumpay at nagbibigay ng karangalan sa ating lungsod,” wika ni Mayor Del.

Dagdag pa rito, kinilala rin sa Recognition Night si Leo Genesis Nicolas ng Brgy. Sto. Niño ang mga nagwagi sa Biggest Loser weight loss challenge na pinangasiwaan ng City Health O!ce simula noong ika-15 ng Abril.

Outstanding Marikeños ginawaran ng pagkilala

ISANG MAGARBONG "reworks display (1) ang nasaksihan ng mga Marikenyo sa Year-end Concert noong ika-30 ng Disyembre 2011 sa Marikina Sports Park (MSP). Kabilang sa mga nagbigay ng saya sa mga manonood ay ang pagtatanghal ni Vice Ganda (2) at ang libreng sakay sa zipline (3). Kabilang sa mga nakisaya sa pagdiriwang ay ang mga opisyal ng lungsod sa pangunguna ni Mayor Del De Guzman (4). Mayroong 20,000 katao ang dumagsa sa MSP para sa pagdiriwang (5).

2 1 3

54

HAPPY 49th BIRTHDAY. Personal na binati si Mayor Del De Guzman sa kanyang ika-49 na kaarawan ng buong kawanihan ng pamahalaang lokal, iba't ibang civic at socio organizations, mga miyembro ng Batang Coop at mga opisyales ng lungsod. Sa isinagawang maikling programa kasabay ng lingguhang !ag raising ceremony, hinandugan ng kanta, bulaklak, at pagbati si Mayor Del habang katabi ang kanyang butihing may bahay na si Amy De Guzman.