8
1 TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE - DECEMBER 2014 Mensahe sa ika-16 anibersaryo ng Anakbayan at ika-50 anibersaryo ng Kabataang Makabayan Nobyembre 30, 2014 Ipagbunyi ang gintong kasaysayan ng Kabataang Makabayan! Paglingkuran ang sambayanan! Pinakamataas na pagpupugay at taas-kamaong pagbati ang pinapaabot ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ng Anakbayan sa lahat ng mga kasapi, lider, mga kaaanib na organisasyon at lahat ng mga aktibista sa buong bansa at sa ibayong dagat. Makasaysayan ang ika-16 na taong anibersaryo ng Anakbayan dahil ipinagdiriwang natin ang isang napakahalagang pananda sa kasaysayan ng pakikibaka ng sambayanan: ang ika-50 taong anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM). Marapat lamang na ipagdiwang ang gintong kasaysayan ng KM. Dapat panghawakan ng kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan ang mga aral at pamana nito. Gintong kasaysayan ng KM Itinatag ang KM sa kaarawan ni Gat Andres Bonifacio n o o n g Nobyembre 30, 1964 sa panatang ipagpatuloy ang di-natapos na rebolusyong Pilipino. Batid ng KM ang pangangailangan ng bagong tipo ng demokratikong rebolusyon sa pamumuno ng proletaryado. Ito ay para palayain ang bayan mula sa saklot ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo; at upang baguhin ang mala-kolonyal at malapyudal na kalagayan. Tinanganan ng KM ang papel bilang nangungunang patriyotikong organisasyon ng kabataang Pilipino. Komprehensibong organisasyon ito na nagkaisa sa mga kabataang magsasaka, manggagawa, mag-aaral at iba pang mga pinagsasamantalahang uri. Pinanday nito ang sarili bilang katuwang ng uring manggagawa sa pangunguna sa pambansa demokratikong rebolusyon. Malaganap na pinag-aralan ng KM ang kasaysayan, lipunan, at rebolusyon. Isinagawa nito ang kilusang pag-aaral hinggil sa pangkalahatang linya ng pambansa demokratikong rebolusyon at iba’t ibang mga isyu at usapin. Ang pinaka- abanteng mga aktibista ay nag-aral ng Marxismo- Leninismo-Maoismo. Nagpukaw ang KM sa iba’t ibang isyu, sa paglaban sa rehimeng US-Marcos, at sa pangkalahatang linya ng pambansang demokrasya. Lumawak ang kasapian ng KM sa buong bansa. Umugat ito sa mga pamantasan, komunidad, pagawaan at mga sakahan. Nakipag-ugnayan ito sa mga konseho ng mag-aaral, mga publikasyon, mga kaguruan, unyon ng manggagawa, asosasyon ng mga magbubukid, mga pambansang minorya at iba pa. Ang mga nangungunang kasapi at lider ng KM ay tumulong sa pagtatatag at paglatag sa buong bansa ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 26, 1968 at Bagong Hukbong Bayan (NPA) noong Marso 29, 1969. Sinindihan nito ang pagsigabo ng mga welga, aksyong masa sa mga pamantasan at mga paglaban ng mamamayan. Ibasura ang Other School Fees (OSF): Pahirap, patung-patong, mapang-abuso, at di-makatarungan Pandaigdigang Araw ng Mag-aaral, ginunita sa pamamagitan ng kilos-protesta #HLMX: Ika-10 taon ng masaker sa Luisita, ginunita Tutulan ang talamak na paglabag ng karapatang pantao, patalsikin ang rehimeng US-Aquino Taas Kamaong pagpupugay para kay Rendell Ryan Cagula 4 5 6 7 8 Ituloy sa p2>>>

TINIG ng Kabataang Makabayan November - December 2014 Issue

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Nilalaman: Ika-50 ng KM, Ika-16 ng ABOther school fees ibasuraHacienda LuisitaPagpupugay kay Perper

Citation preview

  • 1TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE - DECEMBER 2014

    Mensahe sa ika-16 anibersaryo ng Anakbayan at ika-50 anibersaryo ng Kabataang MakabayanNobyembre 30, 2014

    Ipagbunyi ang gintong kasaysayan ng Kabataang Makabayan! Paglingkuran ang sambayanan!Pinakamataas na pagpupugay at taas-kamaong pagbati ang pinapaabot ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ng Anakbayan sa lahat ng mga kasapi, lider, mga kaaanib na organisasyon at lahat ng mga aktibista sa buong bansa at sa ibayong dagat.

    Makasaysayan ang ika-16 na taong anibersaryo ng Anakbayan dahil ipinagdiriwang natin ang isang napakahalagang pananda sa kasaysayan ng pakikibaka ng sambayanan: ang ika-50 taong anibersaryo ng Kabataang Makabayan (KM). Marapat lamang na ipagdiwang ang gintong kasaysayan ng KM. Dapat panghawakan ng kasalukuyang henerasyon ng mga kabataan

    ang mga aral at pamana nito.

    Gintong kasaysayan ng KM

    Itinatag ang KM sa kaarawan ni

    Gat Andres B o n i f a c i o n o o n g

    Nobyembre 30, 1964 sa panatang

    i p a g p a t u l o y ang di-natapos

    na rebolusyong Pilipino. Batid ng KM

    ang pangangailangan ng bagong tipo ng d e m o k r a t i k o n g rebolusyon sa pamumuno ng

    proletaryado. Ito ay para palayain ang bayan mula

    sa saklot ng imperyalismong US, pyudalismo at burukratang kapitalismo; at upang baguhin ang mala-kolonyal at malapyudal na kalagayan.

    Tinanganan ng KM ang papel bilang nangungunang patriyotikong organisasyon ng kabataang Pilipino. Komprehensibong organisasyon ito na nagkaisa sa mga kabataang magsasaka, manggagawa, mag-aaral at iba pang mga pinagsasamantalahang uri. Pinanday nito ang sarili bilang katuwang ng uring manggagawa sa pangunguna sa pambansa demokratikong rebolusyon.

    Malaganap na pinag-aralan ng KM ang kasaysayan, lipunan, at rebolusyon. Isinagawa nito ang kilusang pag-aaral hinggil sa pangkalahatang linya ng pambansa demokratikong rebolusyon at ibat ibang mga isyu at usapin. Ang pinaka-abanteng mga aktibista ay nag-aral ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Nagpukaw ang KM sa ibat ibang isyu, sa paglaban sa rehimeng US-Marcos, at sa pangkalahatang linya ng pambansang demokrasya.

    Lumawak ang kasapian ng KM sa buong bansa. Umugat ito sa mga pamantasan, komunidad, pagawaan at mga sakahan. Nakipag-ugnayan ito sa mga konseho ng mag-aaral, mga publikasyon, mga kaguruan, unyon ng manggagawa, asosasyon ng mga magbubukid, mga pambansang minorya at iba pa.

    Ang mga nangungunang kasapi at lider ng KM ay tumulong sa pagtatatag at paglatag sa buong bansa ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 26, 1968 at Bagong Hukbong Bayan (NPA) noong Marso 29, 1969. Sinindihan nito ang pagsigabo ng mga welga, aksyong masa sa mga pamantasan at mga paglaban ng mamamayan.

    Ibasura ang Other School Fees (OSF): Pahirap, patung-patong, mapang-abuso, at di-makatarungan

    Pandaigdigang Araw ng Mag-aaral, ginunita sa pamamagitan ng kilos-protesta

    #HLMX: Ika-10 taon ng masaker sa Luisita, ginunita

    Tutulan ang talamak na paglabag ng karapatang pantao, patalsikin ang rehimeng US-Aquino

    Taas Kamaong pagpupugay para kayRendell Ryan Cagula

    4

    5

    6

    7

    8

    Ituloy sa p2>>>

  • 2 NOBYEMBRE - DECEMBER 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANNoong Enero 1970, pinangunahan ng KM ang makasaysayang Sigwa ng Unang Kwarto kung saan sumambulat sa 50,000 hanggang 100,000 ang kumilos sa lingguhang mga martsa sa US embassy, kongreso at Malacanang. Pinaalingawngaw nito sa buong bayan ang paglaban sa rehimeng US-Marcos. Nanguna din ang KM sa Diliman Commune noong 1971 kung saan binarikadahan ng mga mag-aaral ng UP ang kampus at mga gusali laban sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

    Ang mga pinakaabanteng kasapi ng KM ay tumungo sa kanayunan at sumapi sa NPA. Matapos ideklara ang Batas Militar, mas marami pang kabataan sa buong bayan ang tumungo sa mga kanayunan.

    Mahalaga ang naging papel ng KM sa paglaban at paggapi sa diktadura. Sa pagbubuo ng pampulitikang kapangyarihan sa kanayunan, sa muling pagsigabo ng mga protesta sa kalunsuran, hanggang sa pag-aalsang bayan para ganap na mapatalsik ng rehimeng US-Marcos, maningning ang naging papel ng KM. Marami sa mga lider at kasapi ng KM ang dinakip, tinortyur at pinatay ng rehimen.

    Matapos mapatalsik ang rehimeng US-Marcos, nagpatuloy ang KM sa lihim na pagkilos na kabahagi ng National Democratic Front.

    Hanggang sa kasalukuyan, mahalaga ang papel ng KM sa pagsulong ng rebolusyon ng mamamayan. Ang mga magigiting na mga kasapi ng KM ay balon ng mga mandigirma at kadre sa ibat ibang larangan at tungkulin para sa rebolusyong Pilipino.

    Ating bigyan ng pagpupugay at pasasalamat ang lahat ng mga nagtatag ng KM sa pangunguna nina Prop. Jose Maria Sison, lahat ng mga nag-ambag ng kanilang panahon, lakas, giting at talino sa para sa pagpapalakas nito. Marami sa kanila ay patuloy pa ring kumikilos at nag-aambag sa ibat ibang larangan ng mga gawain sa kasalukuyan. Higit sa lahat, pinakamataas na pagpupugay ang ating ialay para sa lahat ng mga kabataang martir na nag-alay ng kanilang buhay para sa sambayanan.

    Bilang pagpapatuloy sa kasaysayan at pamana ng KM, ang Anakbayan

    ay itinatag bilang hayag na komprehensibong organisasyong masa ng kabataan noong 1998.

    Tumitinding krisis sa ilalim ng rehimeng US-Aquino

    Walang kasing tindi ang krisis na kinakaharap ng kabataan at mamamayan sa ilalim ng bulok na sistemang mala-kolonyal at malapyudal. Kinamumuhian ng kabataan ang rehimeng US-Aquino na sagad-sagaring tuta ng imperyalismo, kasabwat ng mga malalaking komprador, at pamilyang haciendero.

    Sa pagkasadlak ng imperyalismo sa matinding krisis, lalong pinababangis nito ang atake sa mamamayan. Higit na itinutulak ang pagpapababa ng sahod ng manggagawa, pagkakait ng serbisyong panlipunan, pandarambong sa likas-yaman at interbensyong militar sa bansa.

    Lumolobo ang bilang ng mga kabataang hindi nakakapag-aral dahil sa tumitinding komersyalisasyon ng edukasyon. Todo-todo ang panghuhuthot ng matrikula at papalaki ang iba pang mga bayarin na sinisingil sa mga pamantasan. Habang lalong pinalalakas ang kontrol ng malalaking burgesya-komprador sa edukasyon, todo naman ang komersyalisasyon at kaltas-pondo.

    Pinatitindi ang atake sa demokratikong karapatan sa kampus sa pamamagitan ng mga mapaniil na handbook, student code, at mga mapanupil na patakaran para pigilan ang mga protesta ng kabataan.

    Itutulak ng pagpapatupad ng mga neoliberal na patakaran gaya ng K12 ang kabataan sa sagad na pagsasamantala ng dayuhang kapital at sa pagtanggap ng sahod-alipin. Nais ng rehimeng US-Aquino na higit pang ibaba ang sahod sa pamamagitan ng two-tiered wage system at papatinding kontraktwalisasyon. Samantala, todo ang panghuhuthot sa mamamayan sa pagtataas ng mga singilin at pribitisasyon ng serbisyo gaya ng sa ospital, tren, atbp.

    Walang habas ang demolisyon ng maralita sa tulak ng Public-Private Partnerships (PPP) ni Aquino. Itinataboy nito ang maralita at

    inaatake ang kabuhayan habang ninenegosyo nito ang pabahay na relokasyong tila sementeryo at peligro para sa mga mahihirap.

    Sa kanayunan, pinatitindi pa ang konsentrasyon ng lupa sa kamay ng iilan. Pilit na nagmamaniobra ang rehimeng Aquino para panatilihin sa pag-aari ng kanyang pamilya ang Hacienda Luisita, simbolo ng kanyang pagpanig sa uring panginoong may-lupa at pagtutol sa kahit anong programa ng tunay na repormang agraryo.

    Ilang ulit pang binibiktima ng rehimeng US-Aquino ang mga biktima ng bagyo sa pamamagitan ng negosyong rehabilitasyon at pangungurakot sa pondo.

    Samantala, tuloy-tuloy ang pandarambong sa pondo ng gubyerno sa pamamagitan ng Disbursement Acceleration Program (DAP) at pork barrel. Sa pondo para sa 2015, garapal na isiningit pa rin DAP at pork na aabot sa isang trilyong piso para kay Aquino.

    Lantad naman ang sagad-sagad na pagkatuta ni Aquino sa imperyalismong US sa patuloy na pagtatanggol niya sa US sa kaso ng pagpatay ng isang sundalong Amerikano sa kababayan natin na si Jennifer Laude. Walang kahihiyang iginigiit pa rin ni Aquino ang Enhanced Defense Cooperation Aggreement (EDCA), Visiting Forces Agreement (VFA), at pagbabase ng Amerika sa bansa.

    Ang paglaban ng mamamayan ay tinatapatan naman ng brutal na kampanyang pasista sa ilalim ng Oplan Bayanihan ng rehimen. Tumitindi ang militarisasyon at paglabag ng karapatan sa North Luzon at Mindanao. Kamakailan, dalawang lider-kabataan ang iligal na dinakip sa Gitnang Luzon. Samantala, ang mga lumabag ng karapatan gaya ni Jovito Palparan ay kinakanlong ni Aquino.

    Hamon sa kabataan

    Walang ibang dapat piliin ang kabataan kundi ang landas ng paglilingkod sa bayan at paglaban. Dapat tanganan ng kabataan ang

  • 3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE - DECEMBER 2014pamana ng KM sa puspusan nitong paglilingkod sa masa at pagtatanggol sa bayan. Pinatutunayan ng kasaysayan ang nangunguna at mahalagang papel ng kabataan sa pagkilos para sa pagbabago.

    Hamon sa Anakbayan at sa iba pang organisasyon ng kabataan sa buong bansa na palawakin at paghusayan ang pagpupukaw, pag-oorganisa at pagpapakilos sa kabataan at mamamayan. Tumanaw tayo ng malakas na mag-ambag sa pagdaluyong ng kilusang bayan tungo sa panibagong antas ng pambansa demokratikong pakikibaka.

    Dapat mapukaw ang milyong kabataan sa programa ng pambansang demokratikong pakikibaka para labanan ang mga batayang suliranin ng lipunang malakolonyal at malapyudal. Dapat paramihin ang mga talakayan hinggil sa ibat ibang mga isyu at usapin ng kabataan at bayan. Dapat silang maramihang tumungo sa mga batayang sektor upang alamin ang kanilang mga suliranin at samahan sila sa kanilang mga pakikibaka. Dapat mangarap ang kabataan ng mas magandang bukas para sa bayan.

    Dapat nating ilunsad ang mga kampanya sa ibat ibang mga isyu at usapin na pupukaw sa mga kabataan. Paghusayin ang kombinasyon ng mga usaping lokal, sektoral at pambansa para maabot ang pinakamalawak na hanay ng kabataan.

    Dapat mag-organisa ang kabataan sa pinakamaraming bilang. Tanging ang malawak na organisadong lakas at pagkilos ang makakatapat sa panghahati, panlilinlang at pandarahas ng reaksyunaryo at mga tagapanatili ng bulok na sistema. Sa pag-oorganisa, matitiyak ang pagpapanday ng mga kabataan bilang mga masang aktibista at mga rebolusyunaryong may matatag na pag-unawa at paninidigan sa teorya at praktika ng pakikibaka para sa pagbabago. Mas malaki at mas marami ang na-oorganisa, mas marami ang mapapakilos para sa kilusan para sa pagbabago.

    Mahalagang iwaksi ng kabataan ang pagiging disorganisado, kanya-

    kanya at di-sustinidong pagkilos. Malaking hamon sa mga progresibo at pambansang demokratikong organisasyon ng kabataan gaya ng Anakbayan ang mapangahas na pagpapalawak ng hanay at pagbubuo ng malalaki at malalakas na mga balangay sa mga pamantasan, komunidad, pagawaan, sakahan at iba pa sa buong bansa.

    Dapat dumaluyong ang laksa-laksang bilang ng kabataan sa sama-samang pagkilos sa lansangan at lumikha ng makapangyarihan at makasaysayang kilusang masa upang ilahad ang galit ng mamamayan sa bulok na sistema at lipunan. Gaya ng mga pagkilos mula pa noong Sigwa ng Unang Kwarto noong 1971, hanggang sa mga kampanya sa pagpapatalsik sa rehimeng Marcos noong 1983-86, at rehimeng Estrada noong 1998 hanggang 2001, higit na pinalalakas ng mga pag-aalsang bayan ang paglaban ng kabataan at mamamayan at nag-aambag sa pagtatagumpay ng kilusang pambansa demokratiko sa pangkalahatan. Hinahasa ng makasaysayang kilusang masang ito ang tabak na sa pagtatagumpay ng laban ay itatarak sa mga mapangsamantala at mapang-api.

    Sa kasalukuyan, nais nating isikad ang pambansang nagkakaisang taktikal na kampanya laban sa other school fees (OSF) o iba pang mga bayarin sa mga pamantasan para isikad ang pambansang paglaban para sa karapatan sa edukasyon. Dapat palakasin ang direktang paglalantad at paglaban sa rehimeng US-Aquino tungo sa pagpapatalsik rito.

    Inaasahang sumanib ang kilusan ng kabataan sa kilusan ng manggagawa at magsasaka, at mag-ambag sa ibat ibang mga larangan ng gawain. Tinatanaw ng kabataan ang pagtatagumpay ng pambansa demokratikong pakikibaka na may perspektibang sosyalista. Ang mga pinakaaabante at pinakamagigiting na kabataan ay nangunguna ng ibat ibang mga gawain kabilang na ang ligal na pakikibaka sa kalunsuran at armadong pakikibaka bilang kasapi ng hukbong bayan sa kanayunan.

    Nangangarap ang kabataang Pilipino ng isang bukas kung saan tapos na ang pagsasamantala ng iilan at dayuhan sa nakararami; kung saan ang yaman ng bansa ay nasa kamay na ng mga lumilikha nito; at ang kapasyahan at kapangyarihan ay nasa kamay ng nakararaming mamamayan. Tanging sa sama-samang pagkilos ng kabataan, sa pagtangan nito sa rebolusyonaryong pamana ni Bonifacio at ng Kabataang Makabayan, at paggampan sa papel sa paglikha ng bagong kasaysayan makakaasa ang kabataan ng magandang bukas para sa sarili at sa bayan.

    Napapanahon na ating balikan ang mga kataga ni Bonifacio na sinambit din at naging inspirasyon sa kongreso ng pagtatag ng KM 5o taon ang nakalipas:

    Itinuturo ng katwiran ang tayoy umasa sa ating sarili at huwag antayin sa iba ang ating kabuhayan.

    Itinuturo ng katwiran ang tayoy maglakas na maihapag ang naghaharing kasamaan sa ating bayan.

    Panahon na ngayon dapat nating ipakilala na tayoy may sariling pagdaramdam, may puri, may hiya at pagdadamayan. Ngayon ay panahong dapat simulan ang pagsisiwalat ng mga mahal at dakilang aral na magwawasak sa masinsing tabing na bumubulag sa ating kaisipan; panahon na ngayong dapat makilala ng mga Pilipino ang pinagbuhatan ng kanilang mga kahirapan.

    Kaya, mga kababayan, ating idilat ang bulag na kaisipan at kusang igugol sa kagalingan ang ating lakas sa tunay at lubos na pag-asa na magtagumpay sa nilalayong kaginhawahan ng bayang tinubuan.

    Ngayon, higit kailanman, tinatawagan tayong maging mabubuting anak ng bayan.

    Mabuhay ang Kabataang Makabayan!

    Mabuhay ang Anakbayan! Kabataan, ipagtagumpay ang Pambansa Demokratikong Rebolusyon!

  • 4 NOBYEMBRE - DECEMBER 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    Ibasura ang Other School Fees (OSF): Pahirap, patung-patong,

    mapang-abuso, at di-makatarungan Ang malaganap na paniningil ng Other School Fees (OSF) ay isa sa pinakamasahol na porma ng panloloko at panghuhuthot sa mga estudyante ng mga pribadot pampublikong pamantasan. Ito ang mga pagkamahal-mahal, paulit-ulit, at walang pakinabang na dagdag-bayarin na ipinapataw kasabay ng napakataas, at taun-taon pang tumataas, na matrikula.

    Malinaw na dagdag-pahirap at napakabigat na pasanin ang Other School Fees (OSF) para sa mga estudyantet magulang. Tinatayang nasa P10,000-P30,000 kada semestre o P20,000-P60,000 kada taon ang kabuuang hinuhuthot sa pamamagitan ng samut saring mga bayarin na ito. Karaniwang katumbas o lagpas kalahati ito ng kabuuang binabayarang matrikula.

    Binibigyang-katuwiran at lalong pinatitindi ang iskemang panghuhuthot na ito ng patakarang deregulasyon ng bayarin at komersyalisasyon ng edukasyon sa ilalim ng rehimeng US-Aquino.

    Nananawagan ang ibat ibang organisasyon ng kabataan-estudyante, sa pangunguna ng Rise for Education (R4E) network, ng isang pambansang kampanya upang ipabasura ang lahat ng Other School Fees (OSF) at labanan ang pagtaas ng matrikula sa mga paaralan at pamantasan.

    Doble at paulit-ulit

    Sa paniningil ng matrikula, ginagamit nang dahilan ng mga administrador ang mga gastusin sa pagpapaunlad ng mga gusali, library, kagamitang pang-laboratoryot gymnasium, gayundin, ang pagbabayad ng kuryente, tubig, at iba pang operasyon ng pamantasan.

    Matapos patawan ng matrikula, maniningil ulit para sa pagpapatayo ng mga imprastraktura at pagbili ng mga pasilidad sa eskuwelahan sa pamamagitan ng development fee at library fee. Hiwalay pang sinisingil ang energy fee para sa konsumo sa kuryente.

    Samantala, muli na namang sisingilin sa bawat klase na gumagamit ng mga pasilidad sa pamamagitan ng ibat ibang tipo ng laboratory fees. Pati paggamit ng klasrum na may aircon ay may bayad. Ibang singilin pa ang NSTP fee at PE fee.

    Pati ang mga kunwariy serbisyong pang-estudyante ay may katumbas na bayarin din pala tulad ng athletics fee, cultural fee, medical and dental fee, insurance fee, guidance fee, at marami pang iba. Hindi rin pinalampas na singilin maging ang physical exam, career exam, at psychological tests.

    Ang computerized registration ay may bayad din. Pati ang pagkuha ng exams sa mga subjects ay may fee, gayundin ang PSJFOUBUJPO TFNJOBS UIFTJT EFGFOTF FMEtrip, tours, on-the-job training, at retreat.

    Kuwestyonable at kataka-taka rin ang paniningil para sa simpleng operasyon sa pamantasan tulad ng registration/enrollment fee, matriculation fee, ID validation, dropping, leave of absence, installment, at iba pang bayarin sa pagpoproseso ng mga dokumento at papeles.

    Karaniwan ding hindi na pinadadaaan sa konsultasyon ang taunang pagtataas ng OSF. Sa ilang mga unibersidad at pamantasan, walang breakdown ang mga bayaring ito at isang buong sininsingil sa ilalim ng miscellaneous fees.

    Singilin ang gobyernong Aquino

    Lantad na walang-pakinabang sa estudyante ang mga bayarin na ito. Sa kabila ng mataas na singilin, nananatiling bulok at kulang-kulang ang mga pasilidad habang papalaki nang papalaki ang taunang kinikita ng mga pamantasan.

    Aabot sa milyon-milyon ang tubo ang ilang pamantasan na notoryus sa paniningil ng matrikula at OSF. Kabilang dito ang Far Eastern University (P585 million), University of the East (P300 million), at Centro Escolar University (P248 million) na kumita ng milyon-milyon noong 2010 lamang. Samantala, sa UST, tinatantyang nasa P1 bilyon ang tubo ng pamantasan mula 2010 dahil sa tuition at iba pang bayarin.

    PUP-Main

    Tuition: P270- P336

    OSF: P1,100-P2,000

    UP Diliman and Manila

    Tuition: P27,000 to P31,500

    OSF: P3,000- 9,000

    University of Sto Tomas

    Tuition: 30,000-40,000

    OSF: 13,600.00

    University of the East

    Tuition: 25,000-30,000

    OSF: 11,000

    San Beda College

    Tuition: 40,000-50,000

    OSF: 30,000.00

    DLSU-Manila (Trimester)

    Tuition: 30,000-40,000

    OSF: 30,000-50,000

    University of Manila

    Tuition:10,000-12,000

    OSF: P5,000

    National Teachers College

    Tuition: 10,402

    OSF: 3,000

    Ateneo de Manila

    Tuition: 50,000

    OSF: 20,000

    Far Eastern University

    Tuition: 30,000-40,000

    OSF:16,000

    St. Scholasticas College

    Tuition: 30,000-40,000

    OSF: 13,000-15,000

  • 5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE - DECEMBER 2014

    Pandaigdigang Araw ng Mag-aaral, ginunita sa

    pamamagitan ng kilos-protesta

    Sa mga pampublikong pamantasan tulad ng University of the Philippines (UP) at Polytechnic University of the Philippines (PUP), mistulang pork barrel ng mga administrador ang natipong pondo mula sa other school fees. Maaari nila itong gamitin at gastusin ayon sa kanilang kagustuhan kahit wala namang kinalaman sa dapat na binayaran ng estudyante. Kadalasan ginagamit pa ito para patindihin ang komersyalisasyon at dagdag singilin.

    Ayon sa datos ng Kabataan Partylist, noong 2012 umabot sa P24.6 milyon ang nalikom na other fees sa UP. Lumobo ito sa P111 milyon kasabay ng pagtataas ng matrikula noong 2013. Sa PUP naman, umaabot sa P186.9 milyon ang nakolekta sa OSF noong 2012.

    Tanging ang mga kapitalista-edukador at mga korporasyong nagnenegosyo sa edukasyon ang nakikinabang sa walang-ampat na paniningil ng OSF habang ang mga estudyante at magulang ay hirap na hirap at baon-sa-utang sa pagbabayad.

    Sa ilalim ng apat na taong panunungkulan ni Aquino, umabot sa halos P266.00 kada yunit ang itinaas ng matrikula sa NCR habang P150.00 kada yunit para sa buong bansa. Samakatuwid, sa loob ng apat na taon, tumaas ang binabayarang matrikula sa NCR ng P8,000.00 sa NCR habang P4,500 sa buong bansa. Samantala, wala o kulang-kulang ang datos mismo ng gobyerno sa tindi ng paniningil ng OSF dahil sa lubos na pagka-deregulado nito.

    Sa patakaran ng deregulasyon na itinutulak ni Aquino sa ilalim ng Educ Act of 1982, bigay-layaw ang gobyerno sa mga kapitalista-edukador upang sagad na pagkakikitaan ang edukasyon ng mga kabataan. Imbes na pigilan, lalo nitong nilehitimisa at sinistematisa ang paniningil ng OSF sa pamamagitan ng CHED Memo No. 3. Samantala, lalong pinatitindi ang paghihirap ng mga estudyante sa pampublikong pamantasan sa pamamagitan ng kaltas sa badyet at pribitisasyon ng mga ito.

    Sa ilalim ng panunungkulan ni Aquino, binibigyang-daan, binibigyang-katuwiran, at lalong pinasahol ang garapal na paniningil ng matrikula at iba pang bayarin. Dapat magkaisa ang kabataan at lumikha ng malawak na pagkilos sa buong bansa upang ipabasura ang OSF. Makatarungan lamang na singilin ang gobyernong Aquino sa pagpapatindi ng krisis sa edukasyon at pagkakait ng karapatang ito sa mga kabataan.

    Nagdaos ng kilos-protesta sa buong daigdig ang mga kabataan at mag-aaral sa Pandaigdigang Araw ng Mag-aaral noong ika-17 ng Nobyembre 2014 para igiit ang kanilang karapatan sa edukasyon.

    Sa Maynila, daan-daang estudyante mula sa ibat ibang pamantasan katulad ng University of the Philippines, University of Sto. Tomas, Far Eastern University, National University, San Beda College, Polytechnic University of the Philippines, De La Salle University, Eulogio Amang Rodriguez Institute for Technology ay nagtipon sa Liwasang Bonifacio bago nagmartsa patungo sa Mendiola.

    Pinamunuan ng alyansang RISE FOR EDUCATION ang mga samut saring kilos-protesta sa mga susing lungsod katulad ng Baguio, Davao, Iloilo, at Tacloban. Sa Cebu, nagdaos ng programa ang 150 estudyante sa Kapitolyo.

    Ipinanawagan ng mga mag-aaral ang pagbasura sa tinatawag na other school fees (OSF) na nagpapabigat sa gastusin ng mga mag-aaral. Ayon sa kanila, hindi makatwiran ang paniningil ng mga paaralan ng OSF dahil sa memorandum ng Commision on Higher Education (CHED) na nagbabawal sa mga pamantasan na maningil ng mga OSF katulad ng development fee sa mga mag-aaral.

    Nagpahayag din ang mga mag-aaral ng pakikiisa sa mga mag-aaral ng Mexico na kasalukuyang nagsasagawa ng mga kilos-protesta dulot ng pagdukot at pagpatay ng mga kartel ng droga sa 43 na kapwa mag-aaral na kasama sa mga nagpoprotesta laban sa mga planong reporma sa edukasyon sa Mexico.

    Sa kabilang dako ng mundo, nagmartsa ang daan-daang mga mag-aaral sa Brussels, Belgium para labanan ang mga planong pagtaas sa matrikula at pagpapanawagan sa mataas na kalidad na edukasyon.

    Samantala, libu-libong mag-aaral naman ang nagkaisa sa kilos-protesta sa Palermo, Italy para labanan ang planong reporma sa mga paaralan ni Prime Minister Matteo Renzi ng Italy.

    Unang ginunita bilang Pandaigdigang Araw ng Mag-aaral noong 1941, ang Nobyembre 17 ang anibersaryo ng pagsalakay ng mga Nazi sa University of Prague na nagdulot ng pagkamatay at pagkabilanggo ng libo-libong mga estudyante sa dating Czechoslovakia.

  • 6 NOBYEMBRE - DECEMBER 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    #HLMX: Ika-10 taon ng masaker sa Luisita, ginunita

    Lumahok ang ibat ibang mga grupo ng mga kabataan sa paggunita sa ika-10 taon ng masaker sa Luisita noong Nobyembre 15-16. Mula sa Mendiola, nag-caravan patungong Tarlac ang ibat ibang sektor para ipanawagan ang lupa at hustisya para sa mga pinaslang sa masaker noong 2004.

    Sa solidarity program sa Brgy. Balete, inalala ang pitong martir ng Hacienda Luisita: sina Jesus Laza, Jhaivie Basilio, Juancho Sanchez, Jessie Valdez, Jun David, Jaime Pastidio at Adriano Caballero. Inalala rin nila ang mga pinaslang matapos ang masaker na sina Central de Azucarera de Tarlac (CAT) Labor Union president at Ricardo Ramos, IFI Bishop Alberto Ramento, Fr. William Tadena at Tarlac City Councilor Abelardo Ladera.

    Sa umaga ng Nobyembre 16, nagmartsa ang mga taga-suporta, kamag-anak at magsasaka ng Hacienda Luisita patungo sa Gate 1 ng CAT, ang pinangyarihan ng madugong masaker sampung taon na ang nakakaraan.

    Nagkaroon ng ecumenical mass upang gunitain at parangalan ang mga martir at lahat ng nag-alay ng buhay para sa lupa at hustisya. Inisa-isa ng mga magsasaka ang mga krimen ng pamilyang Cojuangco-Aquino. Kasabay ng programa, pinuno ng mga kabataang artista ang pader ng CAT ng mga likhang nananawagan ng hustisya at pagpapamahagi ng lupa. Matapos nito, tumungo ang caravan sa headquarters ng Northern Luzon Command (NOLCOM) at kinondena ang patuloy na pandarahas sa mga magbubukid ng Gitnang Luzon.

    Nagwakas ang programa sa panata ng mga magbubukid, kasama ang kabataan at ibat ibang sektor na patuloy na ipaglaban ang lupa at hustisya - hindi lamang para sa mga magbubukid sa Hacienda Luisita kundi sa lahat ng mga magbubukid sa buong bansa at sa sambayanang pinagsasamantalahan.

    Ambag na mga larawan ni Issa Purugganan

    Kampanya para sa P16,000 minimum wage, inilunsad ng mga manggagawa

  • 7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | NOBYEMBRE - DECEMBER 2014

    Tutulan ang talamak na paglabag ng karapatang pantao, patalsikin ang

    rehimeng US-AquinoNakikiisa ang Anakbayan sa sambayanang Pilipino at mamamayan ng buong daigdig sa pagunita ng internasyunal na araw para sa karapatang pantao ngayong darating na Disyembre 10. Nakikiisa ang Anakbayan sa panawagan para sa pagkamit ng hustisya ng lahat ng biktima ng paglabag ng karapatang pantao sa ilalim ng rehimeng US-Aquino.

    Sa kabila ng pagpupumilit ng Malakanyang na itago ang katotohanan, hindi na mapagtakpan ang talamak at patuloy na paglabag ng karapatang pantao nang kasalukuyang rehimen.

    Mismo ang sektor ng kabataan at estudyante ay hindi ligtas sa pagsikil ng mga karapatan ngayong taon.

    Kawalang Hustisya

    Mula Hulyo 2010 hanggang Oktubre 2014, naitala ng grupong Karapatan ang 222 biktima ng extrajudicial killing, 221 biktima ng frustrated killing, 691 biktima ng iligal na pagaresto at detensyon, 104 biktima ng torture, at iba pa.

    Halos kalahati ng mga tropa ng Armed Forces of the Philippines ay naghahasik ng lagim at malawakang paglabag ng mga karapatang pantao sa Mindanao, bagay na nagtulak sa pagsagawa ng isang lakbayan patungong Maynila upang ilantad ang tunay na kalagayan sa Mindanao.

    Matapos ang sampung taon ay wala pa ring hustisya para sa mga biktima ng Hacienda Luisita masaker habang patuloy pa rin ang pagkontrol ng angkan ni pangulo BS Aquino sa lupa sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema na ipamahagi na ito sa mga magsasaka.

    Wala pa ring hustisya sa mga biktima ng Ampatuan masaker limang taon matapos maganap ang karumaldumal na pagpatay sa 58 tao kabilang ang 32 na mamamahayag.

    Isang taon matapos rumagasa ang super-bagyong Yolanda, wala pa ring tunay na rehabilitasyon at pagbangon para sa mga nasalanta.

    Sistematikong Panunupil

    Hindi aksidente ang paglabag ng karapatang pantao sa Pilipinas. Ito ay isang pang araw-araw na kaganapan sa isang lipunang mala-

    kolonyal at mala-pyudal.

    Hindi lamang karapatang politkal at sibil ang nilalabag ng rehimeng US-Aquino. Kabilang din dito ang pagkaila sa mamamayan ng trabaho, lupa, pagkain, pabahay, edukasyon at iba pang serbisyo sosyal.

    Humahantong sa sistematikong panunupil ng sambayanang Pilipino ang pagpapanatili at pagtanggol ng mga naghaharing burgesya

    komprador at panginoong maylupa sa kanilang kayamanan at kapangyarihan.

    Lumolobo ang bilang ng mga paglabag ng karapatang pantao sa ilalim ng Oplan Bayanihan, ang programang kontra-insurhensya ng rehimeng US-Aquino kung saan nagiging target kahit ang mga ligal na aktibista at ordinaryong mamamayan.

    Sa ganitong kalagayan, walang ibang patutunguhan ang mga kabataan at estudyante kundi ang makilahok sa mga pagkilos ng mamamayang Pilipino upang patalsikin ang rehimeng US-Aquino at isulong ang pambansa-demokratikong pakikibaka na may sosyalistang perspektiba.

    Mga paglabag ng karapatang-pantao laban sa sektor ngkabataan at estudyante

    Patuloy na nakakulong sina Gerald Salonga at Guiller Cadano, mga organisador ng Anakbayan-Central Luzon at estudyante ng extension program ng UP Diliman sa Pampanga, matapos silang dinukot ng mga elemento ng militar noong Agosto.

    Ganito rin ang naratnan ni Alaiza Mari Lemita, Anakbayan-Southern Tagalog Regional Vice Chairperson, at kanyang mga kamag-anak, kilalang mga lider-magsasaka sa Hacienda Looc, Nasugbo, Batangas. Iligal silang inaresto ng pulisya noong Abril.

    Walang awang pinaslang si Freddie Fermin Ligiw, kasapi ng Anakbayan-Abra, kasama ang kanyang amang si Licuben at kapatid na si Edie ng mga elemento ng 41st Infantry Battalion ng Philippine Army noong Marso 2.

    Pinatay naman ng 5 pulis si Stephen Galidan, estudyante ng Business Administration sa Mountain Province State Polytechnic College, nitong Nobyembre dahil lamang sa diumanong paglabag ni Galidan sa curfew at pagiging delingkuwente.

    Tampok din ang pagsampa sa gawa-gawang mga kaso sa mga lider-kabataan, katulad ni Em Mijares ng Anakbayan-Bicol at Bryan Bosque at Krisma Porquia ng Anakbayan-Iloilo, na naglunsad ng mga kilos protesta na umabala sa mga talumpati ni Pangulong BS Aquino.

    Kahit ang mga pamantasan ay naging mga pook ng panunupil, kagaya ng pagtangkang pagpapatalsik ng mahigit 40 kabataang aktibista ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST) at 4 lider-estudyante ng University of San Carlos sa Cebu.

    para sa iba pang babasahin, bisitahin lamang ang:

    www.anakbayan.org

  • 8 NOBYEMBRE - DECEMBER 2014 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN

    PATNUGUTAN

    PUNONG PATNUGOT | Orion YoshidaMGA KAWANI | Andrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems Relativo, Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany Pascua, Karlo Mikhail Mongaya, Issa BaguisiPAGLALAPAT | Edward Pastor

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email sa [email protected] facebook | Anakbayan Phils twitter | @anakbayan_ph

    Taas-kamaong pagpupugay para kay Rendell Ryan Cagula

    Taos kamaong pagpupugay at pinakamataas na parangal ang ipinapaabot ng Anakbayan kay Rendell Ryan Caligula, kilala bilang Perper sa mga aktibista at Ka Lucas naman sa hanay ng mga pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at sa mga masa ng kanayunan na kanyang pinagsilbihan.Si Perper kasama ang ilan pang membro ng BHB ay pinaslang ng mga sundalo sa engkwentro noong Nobyembre 4 sa Maasim, Sarangani.

    Si Perper, ipinanganak siya noong Pebrero 24, 1991, ay kilalang lider-estudyante sa Mindanao. Nagsilbi siyang panrehiyong tagapagsalita ng League of Filipino Students at panrehiyong koordinador ng Kabataan Partylist sa Southern Mindanao.

    Namulat siya sa kalagayan ng lipunang Pilipino nang maging mag-aaral ng Anthropology sa University of the

    Philippines-Mindanao. Nahalal siya bilang kinatawan ng kolehiyo at presidente ng konseho ng mag-aaral sa UP Mindanao. Nahalal din siyang bise-presidente ng Katipunan ng mga Sangguniang Mag-aaral sa UP (KASAMA sa UP).

    Puspusang kumilos bilang lider kabataan si Perper at nagpasyang sumapi sa BHB. Nakilala siya sa kanyang kasigasigan at tatag, mula sa pagiging medik ay naging political PGDFS OBOH LBOJMBOH QMBUVO /BLJMBMBsiyang walang pagod sa pagoorganisa sa mga masa, at sa pagpapalakas sa loob at katatagan ng mga kasama.

    Lubusan ang pagluluksa ng mamamayan ng Mindanao at buong bayan sa pagkawala ng isa nitong kabataang mandirigma. Gayunpaman, gaano man kaiksi ng buhay, para sa masang pinaglinguran ni Perper, ni Ka Lucas, nag-iwan ito ng mahalagang pamana.

    Inspirasyon at huwaran si Perper sa marami pang kabataang Pilipino. Dapat tularan ng kabataan ang buhay ni Perper: buhay na inialay sa pagsisilbi sa masang api at pinagsasamantalahan, hindi natakot na makibaka sa harap ng hirap at sakripisyo, at hanggang huling sandali ay inialay sa pangarap ng mas magandang bukas para sa bayan.

    Mabuhay ang alaala at pamana ni Perper, Ka Lucas!