Tinig Hunyo 2016

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/25/2019 Tinig Hunyo 2016

    1/8

    KULTURA

    HUNYO 2016

    Mga makabayan sa gabinete ni Duterte

    Sigaw ng kabataan: K - 12, ibasura

    Pagpapasara ng Fabella, pagkitil ng buhay

    304 na kolehiyo, huling pabaon ni Aquino

    Duterte at Kabataang Makabayan

    Walang Mang-aalipin: Chords at Lyrics

    5

    6

    6

    7

    88

    \\ Ituloy sa p2

    1Pag-isahin ang mamamayan upangibagsak ang sistemang mala-kolonyalat mala-pyudal sa pamamagitan ng

    digmang bayan at tapusin ang pambansa-demokratikong rebolusyonBatay sa kanyang mga naunang pahayag,maaaring madaling sumang-ayon si Dutertesa radikal o substansyal na pagbabago samala-kolonyal at mala-pyudal na sistemasubalit hindi sa pagbagsak ng sistema sapamamagitan ng digmang bayan. Siya aynatatangi sa pagdeklara sa sarili bilang

    unang Kaliwang pangulo ngPilipinas at isang sosyalista perohindi komunista. Nabanggit niyarin na tutol siya sa armadongpakikibaka at sa gayongdiwa ay para sa usapangpangkapayapaan sa NationalDemocratic Front of thePhilippines (NDFP) at handana makipagtulungan sapagkamit ng batayang repormao mayor na pagbabago.

    Bilang dating mag-aaral ni Prop. JoseMa. Sison sa kanyang mga araw sapamantasan at kasapi ng KabataangMakabayan (KM) at bilang dating

    kaugnay ng Bagong AlyansangMakabayan (BAYAN),nauunawaan niya na maymga kapangyarihanglumilikha ngkondisyong mala-kolonyal atmala-pyudal atsiya ay laban sadominasyon ng USat ibang dayuhangkapangyar ihan ,pyudal napagsasamantalaat burukratikongkorupsyon. Ngunitnagdeklara siya

    Mga hinaharap sa ilalim ngadministrasyong Duterte at mga

    tungkulin ng kabataang Pilipinong pagtutol sa armadong pakikibaka. Angtanong sa gayon ay kung maaaring mataposang pambansa demokratikong rebolusyon nawalang digmang bayan.Maaari niyang ipangatwiran na bilangpresidente at commander-in-chief ngreaksyunaryong hukbong sandatahan, pulisya,at iba pang katuwang na pwersa ay mayarmadong lakas siya upang ipagtanggol angmga reporma na hinihiling ng mamamayanlaban sa imperyalismo at oligarkiya. Ngunitang kasaysayan ay puno ng halimbawa ng mga

    mabuting lider o punong estado na sumuko saneokolonyal at neoliberal na manipulasyongpang-ekonomiko at pinansyal, napasailalimsa kudeta ng sariling armadong pwersa oimpeachment ng Kongreso sa sandalingtumawid sila sa hangganan na itinakda ng USat mga oligarko.

    Kung papayag siya sa mga batayang repormangpanlipunan, pang-ekonomiya, at pampulitikang NDFP, dapat sang-ayunan din niya ang

  • 7/25/2019 Tinig Hunyo 2016

    2/8

    2 HUNYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYAL

    Isang Walk of Shame ang itinanghal ng mga progresibong grupo noong Hunyo 21 upang ipa-alaala sapubliko ang malagim na pamana ng rehimeng BS Aquino. Photo Credits: Manilatoday.net.

    pagpupukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilossa mamamayan upang suportahan ang isanggobyernong may pambansang pagkakaisa,kapayapaan, at kaunlaran. Dapat mayprobisyon para sa pagpapaunlad ng lahat ngparaan upang matugunan ang mga kahilinganng mamamayan, lalo na ng masang anakpawis,at upang epektibong labanan ang paggamit ngpanlilinlang at karahasan ng mga imperyalistaat oligarkong kaaway ng mamamayan.Ang paraan ng pagkakahalal kay Pangulong

    Duterte, ang kasalukuyang komposisyon ngkanyang gobyerno at ang kanyang sarilingmga pahayag ay nagpapakita na malayopa ang tatahakin upang makamit ang mgakomprehensibong kasunduan para sa mgarepormang panlipunan, pang-ekonomiya,at pampulitika na katanggap-tanggap samamamayan. Ang isang pansamantalangtigil-putukan ay posibleng lumikha ngmabuting kalooban at paborableng kalagayanpara sa pagpapalaya ng mahigit 500bilanggong pulitikal at para sa pagpapabilisng usapang pangkapayapaan. Ngunitkailangan ng rebolusyonaryong pagbabantayupang ipagtanggol ang mga makabayanat progresibong pwersa at maging anggobyernong Duterte na maaaring bantaan ng

    US at lokal na reaksyunaryo.Tinatawagan ang kabataang Pilipino naipagpatuloy ang kanilang pagpupunyagina pagkaisahin ang mamamayan para saibagsak ang sistemang mala-kolonyal atmala-pyudal sa pamamagitan ng digmangbayan at para tapusin ang pambansa-demokratikong rebolusyon. Ang tungkulingito ay pinapatunayan ng kawalan ng kahitanong pinal na usapang pangkapayapaan nakatanggap-tanggap sa mamamayan. At kahitpa man magkaroon ng gayong kasunduan,ang mga nakipagsundong partido at angmamamayan ay dapat pa ring maging handana panindigan, ipaglaban, at isulong ang mgabatayang repormang napagkasunduan.

    Ang anumang tigil-putukan at alyansasa gobyernong Duterte ay dapatmapapangatwiranan batay sa paglilingkodsa pambansa at demokratikong mgakarapatan at interes ng mamamayangPilipino. Hanggat ang gobyernong ito ayhumahakbang pasulong sa ganitong linya,ang anumang mga kontradiksyon nito,mga depekto o pagkukulang ay maaaringipasailalim sa kritikal na pagsusuri at bigyanng makatutulong na mga mungkahi. Dapatmanatiling independyente at may inisyatibaang mga pwersang patriyotiko at progresibo.Dapat panatilihin ang balanse ng pagkakaisaat pakikipagtunggali, kung saan ang huli aydapat laging nakatungtong sa makatarungan

    at makatwirang batayan, sa layong paunlarino palakasin pa ang alyansa.

    2Itatag ang demokratikong republikang mamamayan at demokratikongkoalisyong gobyerno.

    Sa usapang pangkapayapaan sa gobyernongDuterte, hindi tinatanaw ang isangdemokratikong republika ng mamamayan sailalim ng pamumuno ng uring manggagawaat Partido Komunista na nakabataypangunahin sa alyansa ng manggagawa-magsasaka. Upang makamit ang ganitongrepublika, kailangang ibagsak ang mgamapagsamantalang uri ng malalakingkomprador at panginoong maylupa sa

    pamamagitan ng digmang bayan. Sa kabilangbanda, ang republikang posible ngayon ayisang republika kung saan ang partisipasyonng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP)sa loob at labas ng gobyerno ay hindi naipinagbabawal kundi hinihikayat.Ang tinatanaw ay isang anyo ng koalisyonggobyerno na kabilang ang partisipasyon ngPartido Komunista at ibang patriyotiko atprogresibong pwersa. Ito ay isang gobyernong pambansang pagkakaisa, kapayapaan,

    at kaunlaran. Ito ay isang balangkas kungsaan ang lahat ng patriyotiko at progresibongpwersa ay maaaring lumakas dahil nailatagna ang tuntungan ng mga saligang repormana resulta ng matagumpay na usapangpangkapayapaan. Sa gayon, mapatutunayanng Partido Komunista na pinakamahusaynitong pinaglilingkuran ang mamamayan satulong ng programa nito sa pagkilos at mgakongkretong aksyon.Dapat kilalanin ang pag-aalok ni PangulongDuterte sa posibilidad ng isang koalisyonggobyerno bago pa man siya manalo sahalalan. Sa proseso ng pagbubuo ng kanyanggabinete, bukas-palad niyang inalok saPartido Komunista ang 4 na posisyon para sa

    paggawa, repormang agraryo, kagalingangpanlipunan, at kalikasan. Pinasalamatan ngPKP at NDFP ang pangulo sa alok nito atminungkahi ang pagluklok sa mga ligal naprogresibo sa mga nasabing pusisyon habangmas dapat na tutukan muna ng mga kilalangrebolusyonaryong lider ang pagsulongng prosesong pangkapayapaan. Ang mgaprogresibo ay nasa minorya sa gabinete niDuterte. Ngunit ang mga hakbang ni Dutertebago at pagkatapos ng halalan ay nagbibigayng pag-asa sa patriyotikong kilusang masa.Ang tungkulin ng kabataang Pilipino aytulungang paunlarin at mapakinabangan angisang demokratikong koalisyong gobyernoupang isulong ang layuning itatag ang isang

    demokratikong republika ng mamamayan.Dapat suportahan ang mga patriyotiko

    at progresibong inisiyatiba at hakbanginsa loob ng pakikipag-alyansa sa isangreaksyonaryong gobyerno. Dapat patuloy natulungang palakasin ang kilusang masa sasyudad at kanayunan at ang mga organo ngkapangyarihang pampulitika sa kanayunanupang magsilbing matibay na pundasyon sabinubuong koalisyong gobyerno.

    3Itayo ang rebolusyonaryong hukbongbayan at ang sistemang pangdepensang mamamayan.

    Makailang beses nang binanggit ni PangulongDuterte na tutol siya sa armadong pakikibakaat para siya sa pag-iral ng iisang hukbo lamangsa Pilipinas. Dapat subukin ang proposisyongito sa kung ano ang kagyat na posible, at ito aysa pagsasagawa ng isang pansamantalangtigil-putukan, at karagdagang negosasyonupang wakasan ang labanan at ayusinang disposisyon ng armadong pwersa ngdalawang panig. Maraming posibilidad nadapat isaalang-alang sa pakikitungo sadalawang magkatunggaling hukbo na tumigina sa paglaban sa isat isa.Walang tunay na armadong rebolusyonaryongkilusan ang tumanggap ng kapitulasyon a

    tahasang paglansag sa sarili habang angmagkatunggaling pwersa ay nananatiling buoat lumalaki. Ang tigil-putukan at pakikipag-alyansa ang pinakamaaaring matupadPwedeng gumanap ng papel ang mgaarmadong rebolusyonaryong yunit bilangtagapagbantay ng kalikasan at industriyasa ilalim ng kondisyon ng kapayapaan akaunlaran. Ang integrasyon ng armadongpwersa ay mapahihintulutan kagaya ngsa karanasan ng rebolusyong Tsina. Angsabayang demobilisasyon ng dalawang panigay posible kung ang mga armadong yuniay hindi na kailangan dahil sa pag-iral ngkapayapaan. Ang mga armadong kasapi ngdalawang panig ay pwedeng gumampan ngtrabahong industriyal o bumalik sa pagsasaka

    upang makibahagi sa benepisyo ng tunay nareporma sa lupa.

  • 7/25/2019 Tinig Hunyo 2016

    3/8

    3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2016 EDITORYAL

    Siguradong maraming maiipon para sakaunlaran at serbisyong panlipunan kungmerong makatarungan at matagalangkapayapaan. Ngunit kapag ang mgarepormang panlipunan, pang-ekonomiya, atpampulitika ay may sapat na lalim at seryoso,malamang na maglulunsad ang US at lokalna reaksyunaryong pwersa ng armadongkontrarebolusyon, maging ito man ay kudetao gera sibil o lantarang gera ng agresyonng imperyalismong US. Dahil sa mataas naprobabilidad na ito ay maganap, dapat maymga probisyon para sa epektibong paglabanng mamamayan.Dapat suportahan ng kabataang Pilipinoang tigil-putukan at pakikipag-alyansa para

    sa layunin ng pagkamit ng pambansangpagkakaisa, kapayapaan at kaunlaran atdapat laging maging maagap at handa nalabanan ang armadong kontrarebolusyon odayuhang agresyon o interbensyon. Dapattumindig sa paglaban ang kabataang Pilipinosa unang senyales pa lamang ng seryoso onapipintong banta ng karahasan laban samamamayang Pilipino. Magagawa lamangito kung walang tigil na nagpupunyagi sapagtatatag ng kilusang masa at nagsasanaypara sa pagtatanggol ng mamamayan.

    4Itaguyod at isulong ang demokratikongkarapatan ng mamamayan.

    Dapat itaguyod at isulong ng buong

    sambayanang Pilipino ang kanilang mgademokratikong karapatan: karapatangpampulitika, pang-ekonomiya, sibil,panlipunan, at pangkultura laban sa mganang-aapi at nagsasamantala sa kanila.Ang mga pundamental na karapatan ngmamamayan ay nakatala sa Programapara sa Demokratikong RebolusyongBayan at Gabay sa Pagtatatag ng Gobyernong Mamamayan. Nagtagumpay din ang

    NDFP kasama ng gobyerno sa Maynila sapagbuo ng Comprehensive Agreement onRespect for Human Rights and InternationalHumanitarian Law (CARHRIHL) at ginamitnito ang International Bill of Rights at angGeneva Conventions bilang sanggunian.

    Ang nabanggit ni Duterte na pagtutok sakrusada laban sa krimen at karahasangsibil at ang kanyang pagbibigay-halagasa mabilisang pagpapatupad ng kanyangplataporma sa reporma ay may epekto sapagbibigay-diin sa mga isyu ng karapatangpantao, lalo na sa karapatang sibil at pulitikal.Ang kanyang plataporma ay pumukaw atnagpakilos sa milyon-milyong mamamayansa mga ispontanyong pamamaraan upang

    suportahan ang kanyang kampanyangelektoral at mga inisiyal na patakaran.Napakalaki ang potensyal nito para samalawakang pag-oorganisa sa direksyongprogresibo o kabaligtaran nito.Dapat maging mulat ang kabataang Pilipinosa katotohanang sila ang bumubuo sapinakamalaking bahagi ng mamamayan,pinakabukas sila sa pundamental napagbabagong panlipunan, at sila angpinakamatatag at militante para manawaganat magsulong ng pagbabago. Dapat silangmaging masigasig sa pakikibaka upang igiit,ipagtanggol, at isulong ang demokratikongkarapatan ng mamamayan.

    5Wakasan ang lahat ng di-pantay narelasyon sa Estados Unidos at ibapang dayuhang entidad.

    Nakalulugod ang mga pahayag ni PangulongDuterte na hindi dapat umasa sa US parasa pambansang seguridad. Pagkataposmagdesisyon ang Permanent Court ofArbitration pabor sa Pilipinas sa alitan nitosa Tsina hinggil sa paglalayag, mas may

    kakaunting dahilan ang Tsina na angkininang Exclusive Economic Zone at ExtendedContinental Shelf ng Pilipinas at mas magigingkumpyansa ang Pilipinas sa pagbubuo ngrelasyon sa Tsina at sa pagbabasura sa mgadi-pantay na ehekutibong kasunduan saUS, tulad ng Visiting Forces Agreement aEnhanced Defense Cooperation Agreement.Dapat itaguyod ng mamamayang Pilipino angkanilang pambansang soberanya at kalayaanat teritoryal na integridad ng kanilangbansa. Dapat patuloy na manawagan parasa pagwawakas sa lahat ng mga di-pantayna tratado, kasunduan at pakikipag-ayossa ibang bansa sa larangan sa ekonomiyapinansya, pulitika, at militar. Dapat gamitin ng

    kabataang Pilipino ang kanilang talino upangwakasan ang reaksyunaryong tradisyon akaugalian ng pagiging sunud-sunuran saimperyalistang kapangyarihan. Pinapanatilnito ang mga kundisyon ng mataas nadisempleyo, kawalan ng pag-unlad, alaganap na kahirapan.

    6Ipatupad ang tunay na repormangagraryo, isulong ang kooperasyongpang-agrikultura, pataasin ang

    produksyon at empleyo sa kanayunansa pamamagitan ng modernisasyonng agrikultura at industriyalisasyon sakanayunan at tiyakin ang isang sustenidongagrikultura.

    Mabuti ang paghirang ni Pangulong Dutertesa beteranong lider-magsasaka na sRafael Ka Paeng Mariano bilang Kalihimng Kagawaran ng Repormang AgraryoHinayaan ng rehimeng Aquino ang huwad naComprehensive Agrarian Reform Program-Extended Reform na lumipas noong 2014Mahigit 80 porsyento ng mga sinasabing

    \\ Ituloy sa p4

    www.anakbayan.orgbisitahin ang

  • 7/25/2019 Tinig Hunyo 2016

    4/8

    4 HUNYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANEDITORYALmamamayan ng Kordilyera, at iba pangpambansang minorya o katutubongmamamayan.Iminumungkahi ng gobyernong Duterte angpagpapalit ng kasalukuyang estado tungosa isang estadong pederal. Naniniwala itongang pederalismo ang daan upang tiyakinna mabigyan ang mamamayang Moro ngawtonomiyang rehiyonal at patas na bahagng yaman na nagmumula sa kanilangsariling rehiyon. Ang mga tumututol ay

    nangangatwiran na ang pederalismo aymagbibigay ng lakas ng loob sa mga pwersangnais hatiin ang bansa. Anuman ang anyo nggobyerno, dapat itaguyod ng mamamayanat kabataang Pilipino ang karapatan sapagsasarili at demokrasya ng mamamayangMoro, mamamayan ng Kordilyera at iba pangpambansang minorya o katutubo.

    11Isulong ang rebolusyonaryongpaglaya ng kababaihan sa lahat nglarangan.

    Bilang alkalde ng Davao City, kinilalaat pinahalagahan ni Duterte ang papeng kababaihan sa pampublikong buhaylumikha siya ng mga pasilidad para sa

    kababaihan at kabataan, at ipinamalas niyaang kanyang pagkamuhi sa karahasan sakababaihan. Ang dapat tingnan ay kung anopa ang kanyang magagawa upang itaguyodang pagkapantay-pantay ng kasarian atulungang maisakatuparan ang mataasna potensyal ng kababaihang mataganang sinupil ng patriyarka. Dapat isulongng mamamayan at kabataang Pilipino anglubos na paglaya ng kababaihan sa lahat nglarangan sa lipunan. Walang larangang hindsila magtatagumpay gaya ng kalalakihankung pantay silang kinikilala at nagtatamosila ng pantay na mga oportunidad.

    12

    Pagtibayin ang isang masiglanagsasarili, at mapayapang

    patakarang panlabas.Ipinakita ni Pangulong Duterte sa maramingpagkakataon ang kanyang patriyotikongposisyon hinggil sa mga di makatarunganggawi at imposisyon ng mga dayuhangkapangyarihan at nasasaisip niya ang kagyaat pangmatagalang interes ng mamamayangPilipino. Dapat magkaroon ng isang masiglanagsasarili, at mapayapang patakarangpanlabas ang Pilipinas.

    Dapat igiit ng mamamayan at kabataangPilipino ang pagpapatibay at pagpapatupadng naturang patakaran. Maisusulong natinang ganitong patakaran sa pagtataguyodsa pambansang soberanya at dignidad

    pagsasapraktika ng pag-asa sa sarili salahat ng larangan ng lipunan (ekonomiyapulitika. at kultura) at paghahangad ngpagkakaisa at pakikipagtulungan parasa kapayapaan at kaunlaran laban saimperyalismo at lahat ng reaksyon.

    Tala: Ito ay salin ng Prospects under theDuterte Administration and Tasks of theFilipino Youth ni Prop. Jose Maria SisonFounding Chairperson ng CPP at ChiePolitical Consultant ng NDFP. Ibinahagang nasabing dokumento sa All LeadersForum on the GPH-NDFP Peace Talks saVinzons Hall, UP Diliman, na inorganisa ngmga grupo ng kabataan sa pangunguna ngAnakbayan noong Hunyo 10.

    benepisyaryo ng repormang agraryo ay nabigosa pagbabayad ng utang para sa lupang inilaanpara sa kanila. Sapagkat huwad ang programapara sa reporma, laging nababawi ng iilan anglupa mula sa magsasaka. Responsibilidadngayon ni Ka Paeng na magtulak ng bagongbatas sa reporma sa lupa na epektibongmagpapamahagi ng lupa sa magsasaka.Dapat igiit ng mamamayang Pilipino, ngmismong mga magsasaka at ng buongkabataang Pilipino ang pagpapatibay at

    pagpapatupad ng isang programa sa tunayna reporma sa lupa na kabilang ang librengpamamahagi ng lupa sa magsasaka,kooperasyong agrikultural, mas mataasna produksyon at paglikha ng empleyosa pamamagitan ng industryalisasyon sakanayunan. Ang tunay na reporma sa lupa angdaan tungo sa kalayaang pang-ekonomiya,panlipunan, at pampulitika ng walanglupang magsasaka. Ito ang pangunahingnilalaman ng demokratikong rebolusyon.Ito rin ang kinakailangan para makumpletoang pambansang industriyalisasyon, atmagtitiyak sa mamamayan ng kakayahangumasa sa sarili para sa pagkain, at ngindustriya ng mayor na hilaw na materyalesat mas pinalaking lokal na pamilihan.

    7Lansagin ang pinagsamangdominasyon ng US at iba pangimperyalista, malalaking

    komprador at panginoong maylupa saekonomiya. Ipatupad ang pambansangindustriyalisasyon at itayo ang malaya atnakaaasa-sa-sariling ekonomiya.Pinanatili ng kumbinasyon ng mgaimperyalistang kapangyarihan sa pangungunang US at lokal na nagsasamantalang uring malalaking kumprador at panginoongmaylupa ang mamamayang Pilipino sa ilalimng matinding pagsasamantala at kahirapan,isinadlak sa kawalan ng kaunlaran angekonomiya, at winasak ang kalikasan.

    Kailangang ipatupad ang pambansangindustriyalisasyon upang itayo ang isangmalaya at nakaaasa-sa-sariling ekonomiya.Minsan nang nabanggit ni PangulongDuterte ang pangangailangan para saisang industriya sa bakal at pambansangindustriyalisasyon at ang pagproseso ngmga mineral na nilalabas sa bansa. Saibang pagkakataon, nangako rin siyanglilikha ng business islands at magdagdagng special economic zones para sa mgadayuhang kumpanya. Sa ngayon, hinirangniya sa mga susing pang-ekonomikongposisyon sa kanyang gabinete ang mgatagapagtaguyod ng neoliberal na patakaransa ekonomiya. Gayunpaman, tinatanaw natin

    ang pakikipagharap sa gobyernong Dutertesa usapang pangkapayapaan at sa tamangpanahon ay mahikayat natin ito na mahigpitat masiglang pagtibayin ang patakaran ngpambansang industriyalisasyon.Dapat suportahan ng mamamayanat kabataang Pilipino ang plano ngNDFP na magsulong ng pambansangindustriyalisasyon sa pamamagitan ngpagkakaroon ng mga hilaw na materyalesna magmumula sa agrikultura at mgamineral na magmumula naman sa extractiveindustries sa loob ng bansa, at sa pag-eempleyo sa milyun-milyong mamamayangwalang trabaho at/o nagtatrabaho sa ibangbansa. Maaari nating pagsamahin ang mga

    rekursong pribado at pagmamay-ari ngestado upang magtayo ng mga industrya.Pwede tayong kumuha ng pamumuhunan atteknolohiya mula sa malawak na saklaw ngmga bansa upang iwasan ang dominasyonng isa, dalawa, o tatlong imperyalistangkapangyarihan.

    8Pagtibayin ang isang komprehensiboat progresibong patakarangpanlipunan.

    Mabuti rin ang paghirang ni PangulongDuterte kay Judy Taguiwalo bilang kalihimpara sa panlipunang kagalingan atkaunlaran. Meron tayong maaasahangmakapagbibigay ng napapanahongdistribusyon ng relief goods at rehabilitationfunds at iba pang rekurso upangmalagpasan ang mga panlipunan at naturalna kalamidad. Ngunit ang pagpapaunlad ngekonomiya sa pamamagitan ng pambansangindustriyalisasyon at reporma sa lupa angparaan upang mapataas ang kalagayan ngmamamayan. Nagpapalawak ito ng empleyoat mas mabuting kabuhayan sa pangunahinglinya ng produksyon at sa mga katamtamanat maliliit na empresa.

    Dapat suportahan ng mamamayan atkabataang Pilipino ang plano para sakaunlarang pang-ekonomiya at likhain attiyakin ang mga demokratikong kondisyonupang ipalaganap ang benepisyo nglumalagong ekonomiya sa mamamayan.Dapat gamitin ng mamamayan ang kanilangmga demokratikong karapatan upanghilingin ang mas mabuting kalagayan sapaggawa at kabuhayan, mas maramingbenepisyong panlipunan at mas pinaunladna serbisyong panlipunan.

    9Isulong ang makabayan, siyentipiko,at makamasang kultura.

    Idiniin ni Pangulong Duterte ang kahalagahan

    at pangangailangan ng pagpapalawak ngedukasyon bilang paraan upang iangat angkabataan at tiyakin ang matatag na kaunlaranpara sa mamamayan. Inanunsyo niya angkanyang intensyong ilipat ang mga rekursomula sa burukratikong korupsyon at iba pangwalang silbi ngunit mamahaling proyektoat programa sa libreng pampublikongedukasyon at pampublikong kalusugan.Nagpahayag siya ng kritisismo sa K-12 atnaghirang ng progresibong indibidwal bilangkalihim sa edukasyon.Kahit na higit na marami ang rekursongnakalaan para sa edukasyon, dapat igiit ngmamamayan at kabataang Pilipino ang isangmakabayan, siyentipiko, at makamasang

    kultura. Dapat isulong ang isang patriyotikongsistema ng kultura at edukasyon naipinagmamalaki ang pambansang pamanaat may malasakit sa kasalukuyangpangangailangan ng bayan. Dapat palayainnatin ang ating mga sarili mula sa mgapyudal at sinaunang pagkiling. Dapat gamitinang agham at teknolohiya upang pabilisin angkaunlarang pang-ekonomiya. Dapat tiyakingnaglilingkod ang edukasyon at kultura samga pangangailangan at kahilingan ngmamamayan, lalo na ng masang anakpawisng manggagawa at magsasaka.

    10Itaguyod ang karapatan sapagsasarili at demokrasyang mamamayang Moro, mga

  • 7/25/2019 Tinig Hunyo 2016

    5/8

    5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2016 LATHALAIN

    Mga makabayan sa gabinete ni Duterte

    Sa gitna pa lang ng kanyang kampanyasa pagkapangulo, binanggit na ni RodrigoDuterte na siya raw di umanoy makakaliwa,dahil minsan siyang naging miyembro ng

    Kabataang Makabayan at may malalapit nakoneksiyon sa New Peoples Army sa Davao.Ilang beses din niyang sinabi ang balak niyangmagsimula ng usaping pangkapayapaan saPartido Komunista ng Pilipinas.

    Matapos mahalal ni Duterte bilangpangulo ng bansa, inalok na niya ang apatna mahahalagang posisyon sa kanyanggabinete para sa Communist Party of thePhilippines-National Democratic Front of thePhilippines (CPP-NDF)ang Department ofSocial Welfare and Development (DSWD),Department of Agrarian Reform (DAR),Department of Labor and Employment(DOLE), at Department of Environment andNatural Resources (DENR).

    Nagmungkahi ang CPP ng mga ligal napersonaheng sa tingin nila ay nararapatpara sa mga nabanggit na posisyon. Sahuli, iginawad sa kaliwa ang pamumunosa DSWD at DAR. Hinirang sina Prof. JudyTaguiwalo bilang kalihim ng DSWD, at datingAnakpawis Representative Rafael Marianobilang kalihim naman ng DAR. Ibinigay dinang posisyong undersecretary ng DOLE kaydating Anakpawis Rep. Joel Maglunsod.

    Ang pagtatalaga ng mga makabayan bilangmga tagapamuno ng mga kagawaranna magiging kahalili ng pangulo sapagpapatupad ng kanyang mga programaay para magkaroon ng balanse sa gabinete,

    ayon kay Duterte.

    Sinusuportahan ni Taguiwalo ang kampanyang administrasyong Duterte laban sakorupsyon, at pagtanggal sa pork barrel atDisbursement Allocation Fund o DAP ng

    neoliberal na rehimeng Aquino, na balakniyang ilaan na lamang sa serbisyongpanlipunan, edukasyon, kalusugan, at sahodng mga manggagawa. Pagtutuunang-pansinng kanyang programa ang pagbibigay-tulong sa mga nasalanta ng El Nio atkontraktwalisasyon ng mga manggagawa,lalo na sa mga nasa ilalim ng DSWD.

    Nais din niyang pag-aralan ang mga naitulongat naging problema sa Pantawid PamilyangPilipino Program o 4Ps, upang gawin itongprogramang siyang susugpo sa kahirapan sabansa na magbibigay ng permanenteng lupa,trabaho, at iba pataliwas sa kasalukuyangpagbibigay lamang ng pansamantalangtulong sa iilang sektor ng lipunan.

    Nais din niyang tiyaking maigagawad angiba pang lupang hindi pa naibibigay samga karampatang benepisyaryo at hindmapapaalis ang magsasaka sa kanilanglupang sinasaka.

    Sa kabila nito, ipagpapatuloy niya pa rinang panawagan para isabatas ang tunay

    na reporma sa lupa upang mawala angmonopolyo at alisin ang mga butas sabatas na pumipigil sa tunay na repormangagraryo, lalo nat marami pa ring malalakinghacienda sa bansa.

    Magandang balita ang pagtatalaga sa mga progresibo at makabayan sa gabineteng bagong administrasyon upang maging boses ng masa sa nagbibingi-bingihang gobyerno.

    Pondong panlipunan

    Bago pa man naging propesor at direktorng Department of Women and DevelopmentStudies ng College of Social Work andCommunity Development ng Unibersidad ngPilipinas-Diliman, aktibista na si Prop. Taguiwalomula pa noong siya ay mag-aaral pa lang saUP. Isa siya sa mga nakasama sa First QuarterStorm, at dalawang beses pang nakulongnoong panahon ng Martial Law. Ang huli niyangtungkulin, bago siya italagang kalihim ng DSWD,ay bilang tagapangulo ng IBON Foundation,Inc. na nangunguna sa pananaliksik ng mgapanlipunan, pulitikal, at ekonomikong aspekto ngbuhay sa Pilipinas. Kasapi rin si Taguiwalo sa ibapang mga non-government organization na maykinalaman sa edukasyon at mga manggagawa.

    Lupa para sa magsasakaIsang anak ng mga magsasaka, bata pa langsi Rafael Mariano, o mas kilala sa tawag naKa Paeng, ay natuto na siyangng tumulongsa kanyang mga magulang sa bukid sa NuevaEcija tuwing walang pasok sa eskuwelahan.

    Hindi man niya natapos ang kursongBachelor of Science in Agriculture andAgri-cooperatives sa Cabanatuan, malawaknaman ang karanasan ni Ka Paeng sapaglaban para sa karapatan ng mgamagsasaka, na nagsimula noong inilikasang kanilang buong baryo matapos gawingirrigation canal ang kanilang lugar. Mulanoon, lumahok na si Ka Paeng sa mgaorganisasyong nananawagan para sakapakanan ng mga magsasaka, hanggangsa maitatag ang Kilusang Magbubukidng Pilipinas (KMP), kung saan nagsilbi siKa Paeng bilang una nitong pambansangkalihim noong 1985. At mula 1993 hanggangsa bago ideklarang kalihim ng DAR ngayongtaon, si Ka Paeng ay tumayong PambansangTagapangulo ng KMP. Nahalal din siyabilang kinatawan ng Partidong Anakpawissa Kongreso noong 2004.

    Nais patatagin at protektahan ni Ka Paengbilang kalihim ng DAR ang posisyon ng mgamagsasaka sa kanilang lupang sinasakahabang iniimbentaryo ang mga lupangumanoy naipamahagi na ng gobyerno.

    Lider-manggagawaSi Joel Maglunsod naman ay isa ringkinatawan ng Anakpawis noong 2009, nangayoy magsisilbing undersecretary ngDOLE. Bago siya italaga sa DOLE, nagsilbsiyang pangalawang tagapangulo ngKilusang Mayo Uno (KMU) sa MindanaoTulad ni Prof. Taguiwalo, kabilang din sa mgabilanggong pulitikal si Maglunsod noongpanahon ng Martial Law. Layunin naman nMaglunsod na suportahan ang pagpasa ngRegular Employment Bill na magbabawasa kontrakwalisasyon ng mga manggagawaInaasahang mapagtitibay ni Maglunsod anglaban sa kontra-manggagawa at neoliberana mga programa at patakarang ipinatupadng administrasyon ni Noynoy Aquino.

    Sa kabila ng tinangkang paglihis ni Dutertesa reaksyonaryo at kapitalistang gabineteng mga nagdaang pangulo, mayroon pa rinsiyang mga kontrobersyal na itinalaga bilangkanyang katuwang tulad nina Salvador Panelobilang chief legal counsel, na naging abogadong pamilya Ampatuan sa kinasangkutannilang masaker ng mga mamamahayag; LasPias Rep. Mark Villar, na may-ari ng isangmalaking pribadong kumpanya sa pabahaypara sa Department of Public Works andHighways; at Hermogenes Esperon bilanghepe ng Armed Forces of the Philippines, nadating nasangkot sa malawakang pandarayasa eleksyon ni Gloria Macapagal-Arroyonoong 2004.

    Samantala, itinalaga naman si Gina Lopezpinuno ng ABS-CBN Foundation, bilangkalihim ng Department of Environmenand Natural Resources (DENR) na noongunay kabilang sa mga inalok sa kaliwaMatatandaang iminungkahi ng NDF sBayan Muna Representative Carlos ZarateIII para sa nasabing posisyon. Samantalanapabalitang ibibigay din ni Duterte sa kaliwaang National Anti-Poverty Commission.

  • 7/25/2019 Tinig Hunyo 2016

    6/8

    6 HUNYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBALITA

    Pagpapasara ng Fabella, pagkitil ng buhay

    Sigaw ng kabataan:K - 12, ibasura

    Ang pagpapanatili ng K-12 ay parangpagkunsinti na rin sa krimen. Ang K-12 aypabigat at pahirap sa ordinaryong pamilyangPilipino. Ang oligarkiya na nagmamay-ari ngprivate schools lamang ang makikinabang,ayon sa Anakbayan.

    Hinimok ng grupo ang susunod napangulo na pakinggan ang panig ng mgaestudyante, mga magulang, at guro athuwag magpadala sa mga promotor ngK-12 mula sa administrasyong Aquinona ang tanging interes lamang aypagpapanatili ng pagkita ng oligarkiya sa

    larangan ng edukasyon sa ikabibigat ngmga mamamayan.

    Ipinaalala rin ng Anakbayan kay president-elect Rodrigo Duterte na ang pagpapatuloyng K-12 program ay maaaring magingpangungunsinti sa krimen, na angkaragdagang dalawang taon ng pag-aaral aymagiging dagdag pasanin ng mahihirap atmagiging makinarya ng kita ng mga may-aring pribadong paaralan.

    Marami sa mga boto para kay Duterteay boto laban sa K-12. Maraming

    sumuporta sa tindig ni Duterte laban sapangunahing programang pang-edukasyonng gobyernong Aquino. Ang pagbabagong kanyang tindig ay pagkakanulosa karaniwang pamilyang Pilipinongumaasang maging bahagi ng pagbabagongipinangako niya noong panahon ngkampanya, paliwanag ng Anakbayan.

    Bagamat kontra sa K-12 noong panahonng kampanya, ipinahiwatig ni Dutertena babaguhin niya ang kanyang tindigSinabi kong kontra ako noong una noongitoy ipinapatupad pa lang. Pero may ilangmahuhusay na tao mula DepEd na bumisitasa akin dito sa Davao at ipinaliwanag sa akingnaiiwan tayo ng ibang bansa.

    Itong mga mahuhusay na taong ito mulaDepEd ay mukhang pawang magagandangbagay lamang ang sinabi tungkol sa K-12 abinabalewala ang marami nitong problemagaya ng talamak na kakulangan sa mgaguro at pasilidad. Hindi nila sinabi na sapagpapatupad ng K-12 ay mapipilitan angmaraming estudyanteng lumipat sa mgapribadong paaralan, o tumigil na lamang sapag-aaral, ayon sa Anakbayan.

    Ayon mismo sa datos ng DepEd, 600,000lamang mula sa inaasahang 1.5 milyongkabataan ang makakapasok sa seniohigh school (SHS). Ang natitirang 900,000hanggang 1 milyong mga estudyante aymapipilitang mag-enroll sa mga pribadongpaaralan sa pamamagitan ng P12.2 billionbudget SHS voucher program ng DepEd.

    Ang K-12 ay isang programang kriminal nakumikiling sa oligarkiya sa pamamagitan ngSHS voucher program na dinisenyo upangmatiyak ang enrolee sa mga pribadongpaaralan at awtimatikong kita sa pamamagitanng vouchers, dagdag ng Anakbayan.

    Tagumpay ito ng tuloy-tuloy na pagbabarikadaat protesta sa harapan ng ospital sa kalye ngLope De Vega. Ngunit ayon sa Save FabellaHospital Movement (SFHM), tuloy pa rin anglaban lalot kinumpirma na ng mismongdirektor ng Fabella na si Dr. EsmeraldoIlem na tuloy na tuloy pa rin at pinal na angplanong ilipat ang Fabella.

    Ayon kay Dr. Darby Santiago, tagapangulong Health Alliance for Democracy,Pinalalabas ng Department of Health(DOH) na ang pamunuan at mga empleyadong Fabella ang may desisyon sa paglipatna ito. Pero malinaw pa sa sikat ng arawna pinabayaang mabulok ang ospitalsa nakalipas na mga taon. Kung meronmang pondo para sa Capital Outlay, hindiito inilalaan para sa pagpapabuti pa ngkalagayan ng Fabella.

    Sinadyang unahin ng DOH ang paglusawdito kaysa sa on-site development dahilang lupang kinatitirikan ng Fabella ay may

    mataas na halaga sa real estate, mas malakiang kikitain ng mga pribadong interes,dagdag pa ni Santiago.

    Ayon din sa SFHM, kasalukuyan nangbinawasan ang mga tinatanggap na pasyentesa Fabella. Ang ibang pasyente ay hinihimoknaman ng DOH na lumipat sa pansamantala

    sa Lung Center of the Philippines saLungsod ng Quezon pero hanggang 50 kamalang naman ang kapasidad nito.

    Isang matinding krimen ang pagpapasarasa Fabella, na tiyak na magkakait ngkinakailangang serbisyong pangkalusuganng mga nanay at kanilang mga sanggol.Libu-libong mga nanay at mga sanggol angmawawalan ng matatakbuhan sa oras ngpangangailangan, ani Santiago.

    Ang Fabella, na tinaguriang Paanakan ngBayan ay nagluluwal ng 100 sanggol kadaaraw. Ang iba pa nitong serbisyo, gaya ngout-patient department para sa mga bata

    ay tumatanggap naman ng 150 batangpasyente kada araw. Nagbibigay-serbisyodin ito sa umaabot sa 200 buntis kada arawpara sa pagpapacheck-up.

    Kumpara sa P1,000 hanggang P60,000singil sa serbisyo sa panganganak sa mgalying-in clinic at mga pribadong ospitalwala minsang sinisingil ang Fabella lalona sa mga mahihirap na pasyente, ayonkay Fe Trinilla, isang nars na 30 taon nangnagtatrabaho sa Fabella.

    Nakiisa din ang mga kabataan, sapangunguna ng Anakbayan, sa mga vigiat protesta para tutulan ang napipintongpagsasara ng nasabing ospital. Tinawagng grupo si Aquino at ang DOH namamamatay-sanggol.

    Ikamamatay ng maraming sanggol amga nanay ang planong ito ng gobyernoni Aquino. Saan tutungo ngayon ang mgamahihirap kung ipapasara ang Paanakanng Bayan? Anong klaseng gobyerno itona uunahin pa ang kita ng pribadongkumpanya kaysa sa kapakanan ng mgasanggol? pahayag ng Anakbayan.

    Nagsagawa ng dalawang araw na campout ang mga kabataan at estudyante sapamumuno ng Anakbayan, sa harap ng Main Ofce ng Department of Education(DepEd) sa Pasig City noong Mayo 26-27 upang ipahayag sa burukratang gobyernoat sa susunod na pangulo ang lalim ng pagkasuya ng publiko sa K-12 program.

    Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga manggagawang pangkalusuganat ng mga sumusuportang mamamayan, pansamantalang naudlot ang napipintongpagpapasara sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital noong Hunyo 9.

  • 7/25/2019 Tinig Hunyo 2016

    7/8

    7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2016 BALITA

    PUNONG PATNUGOT

    Karlo Mikhail Mongaya

    MGA KAWANI

    Alexia Fuentes, Issa Baguisi, Gem Aramil, Ingrid Shannah Calapit,

    Eden Mae Galas, Gena Terre, James Relativo, Jackie Tan Gonzales,

    Jaque Eroles, Jay Lahoy, John Ian Alenciaga, John Levi Masuli,

    Nona Al-Raschid, Uno Knobles, Reeza Rosalada, Vencer Crisostomo

    Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon,

    makokontak kami sa mga sumusunod:

    [email protected]

    www.anakbayan.org

    facebook | Anakbayan Phils

    twitter | @anakbayan_ph

    Taas-matrikula sa 304 na kolehiyo,huling pabaon ni Aquino

    Sa nabanggit na 304 na paaralan, 280 angmagtataas ng matrikula at 252 ang magtataasng iba pang bayarin para sa taong 2016-2017. Hindi ito malayo sa naaprubahang 313noong nakaraang taon ngunit nagsisilbi paring pasanin sa mamamayan.

    Aabot sa P43.39 ang national average naitataas na matrikula kada yunit. Dagdag parito ang laki ng itataas sa iba pang bayarin,na aabot sa national average na P115.58.

    Kung susumahin ay aabot sa P647.01 kadayunit ang magiging karaniwang singil kadasemestre na katumbas sa P11,646.18 parasa 18 yunit at P19,410.30 para sa 30 yunit. Itoay aabot sa P38,820.60 para sa isang taon,

    hindi pa kasama ang mga ibang bayarin nainaasahang magpapalaki pa nang husto sanasabing bilang.

    Aabot sa 70 pamantasan ang pinayagangmagtaas sa NCR kung saan P68.44 angaverage na pagtaas. Sa Rehiyon VII naman,11 pamantasan ang pinayagang magtaas naaabot sa average na P101.13. Maging angP9.09 na itataas sa isang pribadong paaralansa Rehiyon IV-B ay magiging isang hadlangsa karapatan ng kabataan sa edukasyon.

    Ayon sa CHED, ang pag-apruba nito sa taas-matrikula ay ginagabayan ng EducationAct of 1982 na naipasa noong panahon ngdiktaduryang Marcos. Pinapahintulutan

    ng nasabing batas ang mga pribadongpamantasan na magtakda ng pagtataas ngsariling matrikula at ng ibang mga bayarinnito, basta naaayon sa guidelines ng komisyon.

    Sa CHED Memorandum Order No. 3Series of 2012, na inapubrahan sa ilalim niAquino, bukod sa awtomatikong pagtataasng matrikula taun-taon ay pinasahol pa itoat idinagdag ang pagpapataw ng ibat ibapang mga bayarin.

    Walang dudang higit nitong palalalainang komersyalisadong katangian ng mgapribadong unibersidad at kolehiyo, kungsaan ang mga mag-aaral at ang kanilangpamilya ay binabagsakan ng buong bigatng mga bayarin habang ang mga pribadonginstitusyon ang nakikinabang sa tubo.

    Ang pagtaas muli ng matrikula atiba pang bayarin sa mga pribadong

    pamantasan ay isang mukha ng nagaganapnang pribatisasyon, deregulasyon, aliberalisasyon ng mga pampublikong mgaunibersidad at kolehiyo.

    Sa pagpapatupad ng mga neoliberal napatakaran sa edukasyon, ang mga mag-aaral ay itinuturing na mga kliyente nabinibili ang dapat sanay kanilang karapatansa edukasyon. Sa kabilang banda, angmga dayuhang kapitalista at mga lokal nakumprador ang nagpipiyesta sa tubo at samga oportunidad na mapataas pa lalo ito.

    Hanggang sa kaduluduluhan ng kanyang termino, walang ibang hatid anggobyernong Aquino kundi dagdag na pasakit para sa mga estudyante. Ito angtawag ng Anakbayan sa pag-apruba ng Commission on Higher Education (CHED)sa muling pagtataas sa matrikula at iba pang bayarin sa 304 na pribadongunibersidad at kolehiyo sa bansa.

    Nagsindi ng mga kandila ang mga kasapi ng Anakbayan at iba pang grupo ng kabataan bilang pakikiisasa mga biktima ng mass shooting sa isang gay nightclub sa Orlando, Florida, USA noong Hunyo 12.

  • 7/25/2019 Tinig Hunyo 2016

    8/8

    8 HUNYO 2016 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANLATHALAIN

    Walang Mang-aalipin

    Am GWalang mangaalipin F EE7Kung walang paaalipin

    Verse: Am

    Karapatan ng Bayan

    kalagin ang tanikalang, hampas ng Gdayuhan FKarapatan ng Bayan G. EE7kunin ang ninakaw ng dayuhan

    Bridge: A DMga magsasaka Bm Emagpalaya ng kapwa A DSarili ninyo ang lupa

    A DMga manggagawa Bm Emagpalaya ng kapwa A DNasa inyo ang lakas paggawa E Apakinabangan ang pinaghirapan

    Chords at Lyrics

    Duterte at KabataangMakabayan

    Si Duterte ay napag-alamang nagingestudyante ni Prop. Jose Ma. Sison, isa sa mganaging pangunahing tagapagtatag ng KM,

    bago ito tuluyang sumapi sa kilusang lihimnoong taong 1968. Si Sison, na kasalukuyangnaka-exile sa The Netherlands mula panoong 1986, ang tagapangulong tagapagtatagng Partido Komunista ng Pilipinas noongmuli itong itatag noong 1968.Kasabay ng pag-amin ni Duterte sa kanyangpagiging dating kasapi ng KM at pagkilala niyasa rebolusyonaryong tradisyon ng kabataan,nalantad din ang ilan pang mga kilalangpersonahe na minsan ding naging bahagi nito.Ngunit ano nga ba ang Kabataang Makabayan?

    Kabataang MakabayanAng Kabataang Makabayan (KM) ay isangkomprehensibong organisasyon ng kabataan

    na itinatag noong Nobyembre 30, 1964,sa eksaktong ika-101 anibersaryo ngkapanganakan ni Gat Andres Bonifacio bilangpagpupugay sa pagtatatag niya sa Katipunanat pamumuno sa Rebolusyong 1896. Sa arawng pagkakatatag nito, nanumpa ang mgakasapi ng KM na ipagpapatuloy nila ang hindipa natatapos na rebolusyon ni Bonifacio atpinagtibay nila ang pagsusulong ng isangpambansa demokratikong programa.Ang KM ang nanguna sa pagpupukaw, pag-oorganisa, at pagpapakilos sa maramingkabataan at mamamayan bago pa man ideklaraang batas militar. Nanguna ito sa paglunsadng mga malawakang kilos protesta hinggil samaraming isyu gaya ng gerang agresyon ng

    US sa Vietnam, pagtataas ng presyo ng langis,base militar, kurapsyon, at iba pa. Ang KM angsinasabing nagbigay-daan sa pagkakatatag ngmarami pang mga pambansa demokratikongpangmasang organisasyon na di kalaunan ayipinagbawal ni Marcos.

    Sa pagdeklara ng batas militar, nagsimulaitong maging bahagi ng rebolusyonaryongkilusang lihim at nagpapatuloy hanggang sakasalukuyan.

    Ipinagpapatuloy ng KM ang rebolusyonaryongtradisyon ng Katipunan na lumaban para sapambansang kalayaan at demokrasya laban

    sa pyudal at dayuhang dominasyon sa atingbansa. Ngunit naniniwala rin ang KM sapagkakaroon ng bagong tipo ng rebolusyongisinusulong bilang sagot sa agresyongimperyalista, burukrata kapitalista, at mgapyudal na naghaharing uri sa kanayunanna nagpapanatili ng mala-kolonyal at mala-pyudal ng katangian ng lipunang Pilipino. Itoay ang pambansa demokratikong rebolusyongbayan na may sosyalistang perspektiba sapamumuno ng uring proletaryado.

    Mga tungkulin ng Kabataang MakabayanInako ng KM ang masusing papel bilangmakabayan at progresibong taliba ngkabataang Pilipino na katuwang ng uringproletaryado sa pamumuno sa bagong

    demokratikong rebolusyon. Itinatag itobilang isang komprehensibong organisasyonng kabataang mula sa hanay ng mga

    manggagawa, magsasaka at panggitnang uriIto ang nagsisilbing balon at tagapagsanayng mga aktibista sa hayag na pambansademokratikong kilusan at mga bagongkadreng rebolusyonaryo.Ipinaglalaban ng KM ang pagkakaroonng ganap na pambansang kalayaantunay na reporma sa lupa at pambansangindustriyalisasyon, isang makabayansiyentipiko, at makamasang kultura, at isangpatakarang panlabas na malaya sa dayuhang

    dikta at para sa pagkakaisa ng mga bansakapayapaan at kaunlaran, laban sa mgaimperyalismo at iba pang reaksyon.

    Ang Kabataang Makabayan ngayonAng radikalismo ng KM ay malayo saelitistang modelo ng pamumuno ng kabataanna itinuturo sa mga kabataan sa kasalukuyanAng pulitikal na praktika ng KM ay hindbasta lamang nagpapalimita sa repormaat mga nililikhang espasyo na handog ngestado, kundi nakikipaghawak-kamay ito samga pinagsasamantalahan at sinisikap nakolektibong banggain ang mga institusyon asistema na nagpapanatili sa hindi pantay nakaayusan ng ating lipunan.

    Ang KM ay nananatiling buhay at nagbibigayng radikal na alternatibo sa kabataan amamamayang Pilipino.Sa gitna ng tumitinding pang-aapi apagsasamantalang dinaranas ng kabataan amamamayan, makatwiran at napapanahon angpag-anib ng kabataan sa mga organisasyongsumusuporta sa mga katulad na panawagan apananaw ng KM. Dapat kumilos ang kabataangPilipino upang ilantad at labanan ang sistema ngpang-aapi at pagsasamantala na nagpapahirapsa masang Pilipino. Higit kailanman, marapaang pagpapatuloy ng pakikibaka ng KM--ang pakikibaka para sa tunay na kalayaan apambansang demokrasya.

    Sanggunian: Prof. Joma Sison statemenduring the 5oth Founding Anniversary oKabataang Makabayan

    Sa mga pahayag ni Duterte mula sa kanyang kampanya sa pagkapangulo, mariin angkanyang pagbanggit sa pakikipagtulungan sa mga progresibong grupo, pagigingkaalyado, pagtalima sa ilang programa nito at ang minsang pag-amin din na siyamismo ay miyembro ng Kabataang Makabayan (KM), isang rebolusyonaryongorganisasyon ng kabataan na itinatag noong 1964.

    Chorus (repeat 2x) D EBayang Pilipinas C#m B#mang sariliy palayain A DWalang mangaalipin

    F Akung walang paalipin

    Larawan ni Federico Boy Dominguez