32

Click here to load reader

Thesis Tagalog Revised!!2

  • Upload
    odagami

  • View
    297

  • Download
    38

Embed Size (px)

DESCRIPTION

s

Citation preview

Page 1: Thesis Tagalog Revised!!2

“ Paano Magagamit ang Social Networking

Sites para sa Pagpapaunlad ng kaisipan at

kaalaman ng mga Mag-aaral”

Page 2: Thesis Tagalog Revised!!2

Kabanata I

A. Panimula

Isang malaking tulong ang makabagong teknolohiya sa pag-unlad ng

iba’t ibang aspetong kaalaman at ng edukasyon. Ngayon ay

henerasyon kung saan, halos lahat ng bagay ay pinapagana ng

teknolohiya. Napakalaking papel ang ginagampanan ng teknolohiya

upang mapadali at mapabilis ang mga gawain. Subalit mabilis din ang

pagbabagong nagaganap dito. Kaya kailangan itong sabayan; upang

huwag mapag-iwanan.

Marami ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay

nakabubuti o nakasasama sa paggamit nito. May naniniwala na ang

teknolohiya ay may masamang epekto sa ating lipunan. Ayon sa

website na “Teknolohistang Pinoy”, ang mga negatibong epekto ng

teknolohiya ay ang mga sumusunod:

Nakadudulot ng pagiging tamad ng mga tao

Maaring gamitin sa karahasan

Nakasisira ng kalikasan

Page 3: Thesis Tagalog Revised!!2

Technicism- pagiging kampante sa paggamit ng teknolohiya

Ang pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaring humantong

sa mali maling sitwasyon.

Ang makabagong teknolohiya sa larangan ng gaming at

internet access ay maaaring makasira o maka apekto sa pag-

aaral ng mga mag-aaral.

Pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya. Ilan sa mga

ito ay ang sumusunod:

Pag-unlad ng antas ng libangan

Mas mapapadali ang pagresponde sa mga kaganapan

Mas mapapalapit sa iba sa pamamagitan ng komunikasyon

gamit ang teknolohiya.

Mas nakakamura sa ibang paraan.

Ayon sa isang guro sa kolehiyo na nakapanayam ng mananaliksik, “

Nakasasama ang teknolohiya, partikular ang kompyuter at internet sa

mga mag-aaral dahil sa ito’y nakasisira ng kanilang pag-aaral”.

Dagdag pa ng guro, “ Dahil sa kompyuter at internet kaya nagiging

mahina sa klase ang mga mag-aaral, partikular sa kanilang pakikipag

Page 4: Thesis Tagalog Revised!!2

komunikasyon sa wikang Ingles. Nakaaapekto din ang teknolohiya sa

hindi magagandang asal ng mga mag-aaral.”

Sa kasalukuyan ay halos wala nang imposible. Ang lahat ay abot

kamay na lamang sa mura at mabilis na paraan . Sa isang pindot

lamang ay nagkakalapit ang lahat ng tao sa iba’t-ibang panig ng

mundo dahil sa Social Networking.

Sa pamamagitan ng paggamit ng iba’t-ibang Social Networking sites

tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Myspace, Friendster at marami

pang iba ay naibabahagi natin ang ating nais. Kinahuhumalingan at

kinalilibangan ang mga Social networks na ito ng karamihan;

mapabata man o matanda ay tiyak na papatok ang mga Social

Networks na ito. Sa henerasyon ngayon ay talagang nauusi ang mga

ito lalo na sa mga kabataan. Hindi ka “in” kung wala kang Facebook o

Twitter dahil ito na ngayon ang kadalasang pinag-uusapan.

Tunay na maraming naidudulot ang Social Networking sa ating lahat

subalit subalit dapat isa-isip na lahat ng labis ay nakakasama.

Page 5: Thesis Tagalog Revised!!2

Layunin ng mananaliksik na makapag-bigay ng mga karagdagang

impormasyon at kaalaman hinggil sa napiling pananaliksik. Ito ang

napiling paksa sapagkat nais ng mananaliksik na mabatid kung paano

nga ba magagamit ang Social Networking Sites para sa pagpapaunlad

ng kaisipan at kaalaman ng mga mag-aaral. Layunin din ng

mananaliksik na masagutan ang mga suliranin tungkol sa paksa na

maari ding maging katanungan ng iba.

B. Paglalahad ng Suliranin

Dahil sa ito ay pag-aaral na gagawin ng mananaliksik upang lubos na

maunawaan ang mga dahilan kung bakit may mga mag-aaral ang

masamang naiimpluwensyahan ng mga Social Networking sites.

Inilalahad nito ang impluwensya ng Internet sa pamamagitan ng mga

Social Networking Sites. Bibigyang linaw ng pag-aaral na ito na may

pamagat “ Paano Magagamit ang Social Networking Sites para sa

Pagpapaunlad ng Kaisipan at Kaalaman ng mga Mag-aaral “

Upang makatugon sa hangad, ninanais ng pananaliksik na masagot

ang sumusunod na mga katanungan:

Page 6: Thesis Tagalog Revised!!2

May kabutihang bang epekto ang Social Networking sa mga

estudyante

1. Ano ang masamang epekto ng Social Networkng?

2. Paano maiiwasan ang hindi mabuting dulot mg Social

Networking sa kasisipan at katauhan?

3. Ano ang mabuting naidudulot nito sa mga mag-aaral?

C. Paglalahad ng Hipotesis

Batay sa mga mithiin ng pag-aaral na ito ang mga hinuhang nabuo sa

pag-aaral:

1. Kahit maraming nakalakip na masamang epekto ang Social

Networking ay mas matimbang pa rin ang mabuting epekto

nito sa mga estudyante.

D. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang mabatid kung paano

nga ba magagamit ang Social Networking Sites para sa pagpapaunlad

Page 7: Thesis Tagalog Revised!!2

ng kaisipan at kaalaman ng mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay

nagsisilbing kapaki-pakinabang sa lahat.

Ang pag-aaral na ito ay may layuning maipabatid ang mga

karagdagang impormasyon sa lahat ng taong makikinabang gayundin

sa iba pang mga pangkat ng tao na maaring bumasa nito.

Sa mga Mambabasa. Sa mga mambabasa na mabigyan sila ng

kaalaman upang makatulong na maiangat ang kanilang kaalaman at

maging daan upang mabuksan ang kanilang kaisipan sa mga bagay-

bagay na maari nilang mabatid.

Sa mga Tumugon. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga

tumugon kung paano nga ba magagamit ang Social Networking Sites

para sa pagpapaunlad ng kaisipan at kaalaman sa pang araw- araw na

buhay. Ito ay makatutulong hindi lamang sa pagtuklas ng

katotohanan kundi maari din itong magbigay ng karagdagang

kaalaman.

Page 8: Thesis Tagalog Revised!!2

Sa Mananaliksik. Bilang isang indibidwal na may pagkahilig sa mga

Social Networking sites, ang pag-aaral na ito ay magbibigay

pakinabang din sa mananaliksik upang malaman ang mga paraang

makapagpapaunlad ng kaisipan at kaalaman hindi lamang para sa

mga mag-aaral kundi pati na rin sa pansarili.

E. Batayang Konseptwal/Teoretikal

Batayang Teoretikal

Ayon kina Boyd at Ellison (2007), ang Social Networking sites ay mga

serbisyong pangpublikong nagrerehistro(ayon sa www.gartner .com)

na nakapaloob sa isang sistema, makikita ang mga profayl ng mga

idibidwal na kasama niya sa sistema. Idinagdag pa ng mga manunulat

na ang SN ay nagiging patok sa publiko dahil pinapayagan nito ang

isang indibiwal na makilala ang ibang tao. Marami ang epekto ng

paggamit ng Social Networking, kasama na dito ang mga bagay na

makabubuti at makasasama sa atin. Halimbawa ng mga makabubuti

sa atin ay makatutulong sa pagkakalapit ng mga tao sa magkalayong

Page 9: Thesis Tagalog Revised!!2

lugar, at makipagkaibigan sa ibang tao. Makakasama lamang ito

kapag hindi na tama ang paggamit at inaabuso ito.

F. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naghahangad lamang na malaman ang

ilang usapin ukol sa Social Networking at mga epekto nito sa mga

mag-aaral. Layunin ng pagsusuring ito na alamin kung paano nga ba

magagamit ang Social Networking Sites para sa pagpapaunlad ng

kaisipan at kaalaman ng mga mag-aaral.

G. Kahulugan ng mga Katawagan

Teknolohiya

Internet

Social Networking Sites

Facebook

Twitter

Tumblr

Myspace

Page 10: Thesis Tagalog Revised!!2

Networks

Mag-aaral – isang taong may responsibilidad na matuto at

kumuha ng mga karagdagang kaalaman kung saan maaaring

niyang magamit sa lahat ng mga aspeto sa buhay.

Mananaliksik – taong naghahangad na makakuha ng mga

karagdagang impormasyon at mapatunayan ang isang paksa.

Tumugon – mga taong sumagot sa tanong na nakalahad sa

palatanungang papel.

Palatanungang papel – ginagamit na bagay o kasangkapan na

naglalaman ng mga katanungan kaugnay sa isang pag-aaral.

Kabanata II

Page 11: Thesis Tagalog Revised!!2

Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura

Ang Social networking ay maaaring tumukoy bilang ang mga site na

nagpapahintulot sa mga gumagamit na bumuo ng isang profile, ito ay

ginawa ng pampublikong sa loob ng isang kalakip na sistema.

Pinahihintulutan din ng Social networking website ang mga

gumagamit upang makita ang ilan sa mga iba pang mga gumagamit

upang makipag-usap at payagan silang matingnan ang mga listahan

ng ibang miyembro na natagpuan sa loob ng sistema. Ang

pangunahing layunin sa likod ng paglikha ng isang social networking

website ay upang paganahin ang mga tao upang makatulong sa

umiiral na mga koneksyon. Ang Social networking website ay nilikha

din para sa layunin ng pagpapasimula ng pagkakaibigan sa pagitan ng

mga estranghero. (Acquisti & Gross, 2006)

Ang mga gumagamit at sumali sa Social networking website ay

kinakailangan gumawa ng isang profile ng kanilang sarili sa

pamamagitan ng pagpuno o pagfil-up ng isang form. Pagkatapos ng

Page 12: Thesis Tagalog Revised!!2

pagpuno ng mga form, ang mga gumagamit ay dapat na magbigay ng

impormasyon tungkol sa kanilang mga katangian pagkatao at

personalidad. Ang ilang mga social networking website ay

nangangailangan ng mga larawan ngunit karamihan sa mga ito ay

magbibigay ng mga detalye tungkol sa edad, mga ayaw at

kagustuhan. Ang ilang mga social networking website tulad ng

Facebook ay pinapayagan ang mga gumagamit na ipasadya ang

kanilang profile sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iba’t ibang mga

nilalaman. (Geroimenko & Chen, 2007)

Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang istrakturang sosyal

na gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na

konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya,

pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.

Nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng isang

social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang

websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng

kanilang mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo

at mapanatili ang komunikasyon sa pagitan nila.

Page 13: Thesis Tagalog Revised!!2

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may mataas na bilang na

gumagamit ng mga Social Networking sites na may higit kumulang na

6,991,040 na mga gumagamit. Karamihan sa mga Pilipino na

gumagamit ng Facebook at iba pang Social Networking sites ay mga

kababaihan. Ang mga Social Networking sites na mga ito ay ginagamit

din bilang libangan o palipas oras ng mga tao.

Ayon pa sa Wikipedia, ang Social Networking ay isa sa mga pinaka-

aktibong web-based na mga gawain sa Pilipinas. Ayon dito, ang mga

Pilipino ang pinaka-aktibong gumagamit ng ilang web-based Social

Network sites tulad ng Friendster, Facebook at Multiply. Ang

paggamit ng mga Social Networking sites na ito ay naging malawak

na sa Pilipinas at naging dahilan ito upang tawagin ang Pilipinas

bilang “Ang Social Networking Capital of the World” at ito rin ay

naging bahagi ng cyberculture ng mga Pilipino. Ang mga Social

Networking sites ay ginagamit din sa Pilipinas bilang isang paraan ng

pagkampanya tuwing eleksyon pati na rin sa pag-iimbestiga

(Wikipedia Organization)

Page 14: Thesis Tagalog Revised!!2

Ang Social Networking ay nakasentro sa pagbuo ng komunidad na

onlayn ng mga miyembro na may pareho-parehong interes at gawain

(Wikipedia, 2008). Ito ay kung saan ang isang tao ay gumagamit ng

mga kontak upang makakilala ng mga bagong kaibigan bilang

potensyal na koneksyon sa negosyo o social life. Ang mga

koneksyong ito ay makatutulong upang mapalawak pa ang mga

koneksyong mabubuo pa sa hinaharap

(Bax, n.d.; MacEntee, 2007; Glaser, 2007).

Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social networking sites

ay mga serbisyong web-baed na nagbibigay sa mga indibiwal para

bumuo ng isang pangpublikong profile, ang tawag sa impormasyong

pormal na binibigay kapag nagrerehistro(ayon sa www.gartner .com)

na nakapaloob sa isang system, makita ang profile ng ibang

indibidwal kung saan siya ay konektado, at para makita ang mga

profile ng mga idibidwal na kasama niya sa system. Idinagdag pa ng

mga manunulat na ang SN ay nagiging patok sa publiko dahil

pinapayagan nitoang isang indibiwal na makilala ang ibang tao.

Page 15: Thesis Tagalog Revised!!2

Ayon pa sa kanila, ang pag-unlad ng Social Networking ay nagsimula

sa isang websayt . At sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataon

ang mga tao na makagawa ng profile, mailista ang mga kaibigan, at

ma-surf ang listahan ng mga kaibigan. Nakatulong ito sa mga tao para

makonekta at makapag padala ng mga mensahe sa mga kaibigan

nito. Kahit marami ang naengganyo sa websayt na iyon, hindi nila

masayadong natatag ang nang mabuti ang komersyong ito kaya hindi

rin ito nagtagal.

(Boyd & Ellison, 2007)

Ang paglago ng Social networking sites ay may kasabay na mga

problema. Sinasabi sa artikulong pinamagatang Social Revolution

(Frauenheim, 2007), ang mga kumpanya ay unti-unting inaaral ang

Social Networking na parang isang malaking pagsubok. Sinasabi na

ang mga ito ay maaaring magdulot ng nakaka-asiwang relasyon sa

mga katrabaho at paraan upang sayangin ang oras. Bunga dito, ang

mga negosyante ay dumisenyo ng mga Social Networking sayt na

nakapokus sa kalakaran upang maiwasan ang mga nasabing suliranin.

(Frauenheim, 2007)

Page 16: Thesis Tagalog Revised!!2

Kasaysayan ng social networking website

Nagsimula ang Social Networking sa BBS, o Bulletin Board System,

ang mga onlayn na tagpuan na ito ang nagsisilbing tagpuan ng

malalaking code na kung saan pinahihintulutan/pinapayagan ang

mga gumagamit upang makipag-ugnayan sa isang sistemang sentral

kung saan maaari silang magdownload ng mga dokumento o laro

(kadalasan kasama ang mga piniratang “software”)at makapagpadala

ng mga mensahe sa iba pang mga gumagamit. Sa pamamagitan ng

isang modem na nakaugnay sa linya ng telepono, ang BBS ay

kadalasang pinapatakbo ng isang hobbyist na bihasa atmaingat inaral

ang sosyal na aspeto at interes ng kaniyang proyekto na kadalasan ay

may kaugnay na teknolohiya. Bukod dito,ang pangmalayuang tawag

ay karaniwang iniaaplay para sa mga nangingibang bayan o “out of

towners”, sa kabilang dako, napakaraming Bulletin board ang

nagagamit ng mga local na mamamayan,napapakinabangan nila ito

sa pakikisalimuha sa iba. At sa isang iglap, ang hindi mahilig sa

pakikisalamuha o “anti-social” ay nagiging “social”.

Page 17: Thesis Tagalog Revised!!2

Ang BBS ay hindi isang biro, kahit na ang teknolohiya noong

panahong iyon ay pinigilan ang pleksibilidad ng mga sistema at ng

mga “end-user”, hanggang sa teksto na lamang ang naipapalit na

impormasyon dahilan sa kabagalan nito. Ang BBS ay patuloy na

nagging popular at tanyag sa mga panahong dekada otsenta(80s)

atdekada nobenta(90)s nang maging patok ang internet, Ilang mga

serbisyo -tulad ng TomJennings’Fido.net- ay pinagdugtong-dugtong

at pinagsama-sama ang di mabilang na mga BBS para maging

makamundong koneksyon na nagtulak para malagasan ang panahon

ng rebulusyon ng Internet.

Pero nagkaroon din naman ng iba pang mga daan para sa pkikipag-

ugnayan o”Social Interaction” bago pa man dumating ang Internet,

Isang opsyon ang CompuServe, isang serbisyo na nagsimula noong

1970 bilang isang”business-oriented mainframe computer

communication solution”, ngunit inilantad lamang sa publiko dakong

mga 1980 na.

Page 18: Thesis Tagalog Revised!!2

Pinahihintulutan ng CompuServe ang mga myembro niyo na

makapagbahagi ng mga dokumento, balita at nga kaganapan. Ngunit

nag aalok din ito ng ilang bagay na hindi pa nararanasan ng ilan, sa

pamamagitan ng pakikipag-ugnayan. Hindi lang makapag dala ng

mensahe sa pamamagitan ng “e-mail” Maaari ka na din makisali sa

alinman sa libo-libong mga diskusyon at mga Forum kasama ang ilang

libong myembro nito sa halos anmang mahahalagang paksa ng araw.

Ang Forum ding ito ang nagbibigay ng popularidad at nagpaganda ng

daan tungo sa modernong iterasyon na alam natin ngayon.

Ngunit kung mayroon ngang ika nga ay pasimuno ng

SocialNetworkingngayon. Malamang ito ay nasa ilalim ng AOL o

American Online. Sa maraming paraan at para sa nakararaming tao,

ang AOL ay itinuturing na ang Internet bago ang Internet. Na

dinagdagan pa ng mga kaakit-akit at ineresadong mga tampok na

nagpasikat dito.

Page 19: Thesis Tagalog Revised!!2

Pero hindi pa rin tumitigil ang real Internet, at sa kalagitnaan ng

1990, patuloy ang pagyabong nito. Nagtayo ng tindahan ang Yahoo,

nagsimulang magbenta ng libro ang Amazon, hanggang sa ang bawat

kabahayan at nagkaroon na din ng sarili nilang kompyuter o PC. At

nito lamang 1995, isinilang ang unang nagbigay ng kahulugan sa

modernong SocialNetworking.

Ang unang implikasyon ng panlipunan networking website ay

nasaksihan ang noong 1997 sa pamamagitan ng pagbuo ng isang

tiyak na kumpanya na tinatawag na Sixdegrees.com. Ang

kompanyang ito ay ang unang ng kanyang uri; ito pinahihintulutan

user sa listahan ng kanilang mga profile, magbigay ng isang listahan

ng mga kaibigan at pagkatapos ay makipag-ugnayan sa kanila.

Gayunman, ang kumpanya ay hindi nakagawa ng tunay mabuti

dahilan upang ito’y tuluyang magsara sa loob ng tatlong taon. Ang

dahilan para ito ay na maraming mga tao gamit ang internet sa oras

na iyon ay hindi nabuo maraming mga social network kaya may maliit

na silid para sa manyobra. Ito ay dapat na kilala na nagkaroon din

naman ng iba pang mga sangkap na sa SocialNetworking site.

Halimbawa, ang dating mga site na kailangan ang mga gumagamit na

Page 20: Thesis Tagalog Revised!!2

magbigay sa kanilang mga profile ngunit hindi sila maaaring ibahagi

ang iba pang mga tao website. Bukod dito, may mga ilang mga

website na link dating eskuwelahan ngunit ang listahan ay hindi

maaaring ibahagi sa iba. (Cassidy, 2006)

Pagkatapos na ito doon ay ang paglikha ng LiveJournal sa taon 1999.

Ito ay nilikha upang mapadali ang isa palitan ng paraan ng journal sa

pagitan ng mga kaibigan. Isa pang kumpanya sa Korea na tinatawag

na Cyworld idinagdag ang ilang mga tampok na panlipunan

networking sa tuig 2001. Ito ay pagkatapos ay sinusundan ng Lunar

Storm sa Sweden sa panahon ng parehong taon. Kabilang sa mga

bagay na tulad ng talaarawan mga pahina at mga listahan ng

kaibigan. Bukod dito, Ryze.com din itinatag mismo sa merkado. Ito ay

nilikha sa ang layunin ng pag-uugnay sa mga tao ng negosyo sa loob

ng San Francisco. Ang kumpanya ay sa ilalim ng pamamahala ng

Friendster, LinkedIn, Tribe.net at Ryze. Ang huli ng kumpanya ay ang

hindi bababa sa matagumpay na sa gitna ng lahat ng iba. Gayunman,

Page 21: Thesis Tagalog Revised!!2

Tribe.net specialized sa mundo ng negosyo ngunit Friendster sa una

ginawa na rin; ito ay hindi huling para sa haba. (Cohen, 2003)

Sa isang pahayag, sinabi ng comScore na ang Pilipinas ay ang may

pinakamataas na antas ng gumagamit ng mga Social Networking

sites sa rehiyon ng Pasipikong-Asya na may higit sa 90% sa buong

populasyon ng gumagamit ng mga Social Networking sites sa loob ng

buwan ng Pebrero 2010 na sinusundan ng Australya (89.6%) at

Indonesia (88.6%).

"Ang mga Social Networkers sa Pilipinas ang may pinakamataas na

antas ng sumasali sa mga Social Networking sites na mayhigit-

kumulang 5.5 oras bawat bisita noong Pebrero 2010" (comScore).

Sa karaniwan, 50.8% ng kabuuang populasyon onlayn sa rehiyon

ay binibisita ang isang Social Networking sites. Katumbas nito ang

isang kabuuang 240,300,000 na bisita.

"Sa ilang mga merkado, tulad ng Pilipinas, Australia at Indonesia, ang

Social Networking ay isa sa pinaka popular na gawain sa web na

umaabot sa halos 90 porsiyento ng buong populasyon ng Internet”

(comScore).

Page 22: Thesis Tagalog Revised!!2
Page 23: Thesis Tagalog Revised!!2