Thesis Old Format

Embed Size (px)

Citation preview

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    1/16

    Lumalalang kaso ng mga batang manggagawa

    Isang pamanahong papel na iniharap sa kaguruan ng

    Departamento ng Filipino ng mananaliksik ng Montalban

    Heights National High School.

    Ipinasa ni: Camille S. Cervantes

    IV Iris

    Ipinasa kay: Mrs. Zosima Santos

    Pebrero 2013

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    2/16

    Paghahandog

    Malugod kong inihahandog ang pananaliksik na ito

    sa aming guro sa Filipino IV na si Gng. Zosima Santos.

    Dahil sa kanyang patuloy na pagsubaybay

    at pagtuturo sa amin upang makagawa

    ng isang pamanahong papel,

    na siyang makatutulong sa amin

    upang maging mahusay na mananaliksik.

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    3/16

    Pasasalamat

    Taus-pusong pasasalamat ang aking ipinaaabot una,

    Sa Panginoon na laging gumagabay sa akin.

    Ikalawa, sa aking pinakamamahal na mga magulang,

    G. Isidro C. Cervantes at

    Gng. Elena S. Cervantes, Sa aking mga kapatid na sina

    Mary Grace at Sandra

    Sa mga kaibigan, kaklase at mga guro

    Na laging nariyan upang maisakatuparan

    Ang aking ginagawang pananaliksik.

    CSC

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    4/16

    Abstrak

    Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa isang suliraning panlipunan na kinakaharap ng

    mga batang manggagawa na kadalasang inaabuso at walang kakayahan upang ipagtanggol ang

    kanilang karapatan.

    Layunin ng pananaliksik na sagutin ang mga katanungan / impormasyon hinggil sa mga

    batang manggagawa na napapabayaan ang kanilang mga pangangailangan pang kalusugan,

    edukasyon at karapatan.

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    5/16

    Introduksyon

    Ang kahirapan ang kadalasang dahilan ng pang-aabuso lalo na sa

    mgataong walang kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang karapatan. Sabansang kagaya ng

    Pilipinas ang pang-aabuso partikular na sa kabataan aylubhang nakakabahala.Ang pang-aabuso

    ay walang pinipiling edad. Dito sa Pilipinas ang

    bilangng mga batang manggagawa ay tumataas kada taon, sa kabila ng mgakampanya para

    sugpuin ito (BWYW Journal, 2007). Sa bilang na inilabas

    ngDepartment of Labor and Employment (DOLE) sa taong 1999 may humigitkumulang

    5 milyong kabataan ang ngayon ay nasa mga

    industriya. Angmalawakang kampanya laban sa pagtatrabaho ng kabataan ng lokal napamahalaa

    n ay may pagtangkilik mula sa mga pribadong sektor na naglalayongmapabuti ang pamumuhay

    ng mga kabataan.Ngunit anu nga ba ang batang manggagawa? Ang batang manggagawaay ang

    mga bata na wala pa sa ligal na edad ay nagtatrabaho na, dahilan upangmapabayaan ang kanilang

    mga pangangailangang pangkalusugan, edukasyon,at mga bagay na kailangan upang maging

    balanse ang isang tao (ILO).

    Mula sa pakahulugan ng batang manggagawa lumilitaw na ang maagangpagtatrabaho

    ng kabataan ay malinaw

    na paglabag sa karapatang pantao.Upang mapangalagaan ang karapatan ng kabataan nagpasa ng

    maramingkautusan para dito.Mula sa Batas Paggawa ng Pilipinas isinasaad dito na ang ligal na

    taonupang makapagtrabaho ay edad labing-walo (18). Samantala ang PresidentialDecree No. 603

    na mas kilala bilang The Child and Youth Welfare Code aynagsasaad na maaaring mag-

    hanapbuhay ang bata sa kondisyon na hindi itomagdudulot ng negatibong epekto sa normal

    niyang paglaki. Noong taong 1992pinanukala naman ang Republic Act No. 7610 o ang

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    6/16

    Special Protection of Children against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Taong 1995

    sailalim ni Pangulong Fidel V. Ramos nabuo ang Executive Order No. 275 nanaglalayong

    magbuo ng komite na magbibigay proteksyon sa mga kabataanlaban sa pang-aabuso,

    karahasan at diskriminasyon. Marami pang mga batas atkautusan ang naipanukala na

    naglalayong masugpo ang suliranin sa lumalakingbilang ng mga batang manggagawa.Sa dami ng

    mga batas na naisagawa nananatiling tanong ay kung bakitmalaki pa rin ang porsyento ng mga

    batang manggagawa. Ito ba ay dahil langba sa kahirapan o mayroon pang mas malalim na

    dahilan ng patuloy na pagdaming mga batang nalalagay sa peligro dahil sa maaga nilang

    pagtatrabaho.

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    7/16

    I. Pagpapahayag ng suliranin

    Maraming kabataan ang naghahanap buhay para sa kanilang pamilya. Sa halip na

    pumasok sa paaralan, sila ay nagkakarandapang mag banat ng buto upang may maipantawid sa

    kumakalam na sikmura.

    Kahirapan ang dahilan ng ganiton problema kaya maraming kabataan ang hindi

    maiiwasang magtrabaho upan may maipangtustos sa kanilang pamilya.

    Dahil sa kanilang mga musmos na kaisipan kalimitan silang nalulugmog sa mga gawain

    na lubhang mapanganib.

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    8/16

    Kahalagahan ng pag-aaral

    Sa ganitong sitwasyon sa ating bansa ay hindi malulunasan kung patuloy tayong bulag at

    bingi sa hinaing ng bawat Pilipinong naghahangad ng kasaganaan sa buhay. Kayat hindi

    maiiwasan ang ganitong suliranin sa lipunan. Hanggat patuloy ang kahirapan sa bansa

    mananatiling ganito ang sitwasyon ng ating bansa. Nararapat lamang na ipamana ang edukasyon

    sa kanila upang malutas ang problema. Sapagkat ang edukayon, ay siyang daan upang ang

    kanilang tatahaking landas ay isang wagas tungo sa maunlad na pamumuhay.

    Bukod sa edukasyon, kasama rin ang pagiging responsible ng mga magulang sa kanilang

    mga anak tungkulin nilang ibigay ang karapatan ng kanilang mga anak upang malayo ito sa sa

    kapahamakan. Kailangan ding magbigay ng pansin ang pamahalaan ukol dito, dapat silang

    magbigay ng isang magandang plano upang hindi na lumala pa ang ganiton suliranin.

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    9/16

    Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

    Ang pananaliksik na ito ay para mabigyan ng proteksyon ang mga

    kabataan laban sa pangaabuso, karahasan at diskriminasyon. Naglalayon din ang

    pag-aaral na ito upang masugpo ang suliranin sa lumalaking bilang ng mga batang

    manggagawa.

    Mula sa Batas Paggawa ng Pilipinas isinasaad dito na ang legal na taon upang

    makapagtrabaho ay edad na labing walo (18).

    Samantalang ang Residential Decree No. 603 na mas kilala bilang The Child and Youth

    Welfare Code ay nagsasaad na maaaring mag hanapbuhay ang bata sa kondisyon na hindi ito

    magdudulot ng negatibong epekto sa normal niyang paglaki.

    Noong taong 1992 ipinanukala naman ang republic act No. 7610 ang Special Protection

    of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act. Taong 1995 sa ilalim ni

    Pangulong Fidel V. Ramos nabuo ang Executive Order No. 275 na naglalayong magbuo ng

    komite na nagbibigay proteksyon sa mga kabataan laban sa pang aabuso, karahasan at

    diskriminasyon.

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    10/16

    II. Depinisyon ng mga terminolohiya

    Child labor: refers to the employment of children in any work that deprives children of

    their childhood, interferes with their ability to attend regular school, and that is mentally,

    physically, socially or morally dangerous and harmful.

    Department of Labor and Employment (DOLE): Kagawaran ng paggawa at Empleyo

    the executive departmentof the Philippine Government mandated to formulate policies,

    implement programs and services, and serve as the policy-coordinating arm of the Executive

    Branch in the field of labor and employment. It is tasked with the enforcement of the provisions

    of the Labor Code.

    International Labor Organization(ILO): is a United Nations agency dealing

    with labourissues, particularly international labour standards and decent workfor all.

    http://en.wikipedia.org/wiki/Executive_Departments_of_the_Philippineshttp://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_Governmenthttp://en.wikipedia.org/wiki/Labor_Code_of_the_Philippineshttp://en.wikipedia.org/wiki/United_Nationshttp://en.wikipedia.org/wiki/Labour_(economics)http://en.wikipedia.org/wiki/International_labor_standardshttp://en.wikipedia.org/wiki/Decent_workhttp://en.wikipedia.org/wiki/Executive_Departments_of_the_Philippineshttp://en.wikipedia.org/wiki/Philippine_Governmenthttp://en.wikipedia.org/wiki/Labor_Code_of_the_Philippineshttp://en.wikipedia.org/wiki/United_Nationshttp://en.wikipedia.org/wiki/Labour_(economics)http://en.wikipedia.org/wiki/International_labor_standardshttp://en.wikipedia.org/wiki/Decent_work
  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    11/16

    III.Researchers Design (Survey Questioner)

    1. Ano sa tingin mo ang dahilan ng kanilang maagang pagtratrabaho?

    2. Ano ang iyong nararamdaman tuwing makakakita ka ng child labor?

    3. Tama ba na akuin ng anak ang responsibilidad ng kanilang magulang?

    4. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng pamahalaan tungkol sa kasong child

    labor?

    5. Anu-ano ang dapat makamit na mga karapatan ng mga batang manggagawa?

    6. Ano ang epekto ng kanilang pagtatrabaho sa kanilang kalusugan?

    7. Ano rin ang epekto sa kanilang pag-aaral?

    8. Nagdudulot ba ng kasiyahan sa mga kabataan ang kanilang maagang

    pagtatrabaho?

    9. Sa iyong palagay dapat bang magtrabaho ang bata sa halip na maglaro?

    10. Dapat bang pagtrabahuhin ng mabigat nang magulang ang kanilang mga

    anak?

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    12/16

    IV. Buod

    Isa sa masasabing ugat ng child labour ay ang kahirapan dahil dito ay napipilitan ang mga

    bata na magtrabaho ng maaga upang kumita at nagn may ipanggastos sa kanilang pamilya.

    Dahilan din ng kawalan ng trabaho ng haligi ng tahanan o sino man sa mga magulang ng bata,

    kaya sa murang isip nito napipilitan na pasanin ng bata ang pagiging bread winner ng pamilya.

    Isa ding salik ang pagkakaroon ng maraming miyembro ng pamilya na kung saan maaaring ang

    kita ni itay o ni inay ay hindi na sumasapat para sa kanilang buong pamilya, kaya si anak ay

    napipilitan na magtrabaho upang makatulong sa mga gastusin ng kanyang pamilya at sumapat

    ang mga kanilang kinikita para sa kanilang pbuong pamilya. Isa pa sa mga salik ay ang pagiging

    in demand ng mga kabataan sa mga impormal na sector na pagawaan o iyong mga pagawaan na

    hindi nakarehistro sa pamahalaan at hindi nagbabayad ng buwis, dahil sa ang mga bata ay

    mabilis kumilos, medaling utusan at kontrolin ng kanilang mga amo at higit sa lahat mababa ang

    presyo ng mga bata pagdating sa sahod na pabor syempre para sa mga nangagapital.

    Malaki ang epekto child labour pagdating sa kanilang pisikal, emosyonal at sikolohikal na

    dimension ng kanilang pagkatao. Sa kabila ng pagiging illegal ng Child labour, ginagawa pa ng

    mga amo ng mga batang ito na labagin ang mga batas laban sa mga bata. May mga pagawaan na

    pinagtatrabaho ng walang sahod, pagtrabahuhin ng sobra sobrang oras, kinukulong sa lugar ng

    oagawaan at hindi pa pinapakain. Dahilan na din ang child labour upang hindi ma-enjoy ng mga

    kabataan ang kanilanng pagiging bata.

    Sa huling taya ng Philippine Institute for Development Studies noong 2008 ay mayroong

    2.4 milyong bata ang kabilang sa child labour, kumpara sa bilang noong 2001 na 4 na milyon,

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    13/16

    masasabi natin na naging epektibo ang mga programa ng pamahalaan upang labanan ang child

    labour.

    Sa bawat batang nagtatarabaho sa murang eda, nababawasan ang ating bansa ng mga

    susunod na propesyonal at mga susunod na lider na maaaring makatulong upang umunlad ang

    ating bayan. Dahil sa maagang pagtatrabaho, maaaring hindi na mabigyan pa ng oportunidad ang

    batang ito na makapag-aral upang matutunan ang dapat nilang matutunan

    Minsan lamang tayong maging bata, at dapat ginagawa natin itong makabuluhan at Masaya,

    ngunit para sa mga batang maagang nagtrabaho ito na marahil ang isa sa pinakamasaklap na

    parte ng kanilang buhay ang mapagkaitan ng mga karapatan bilang isang bata.

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    14/16

    V. Konklusyon

    Ang kawalan ng kaalaman o edukasyon patungkol sa mga suliranin ng mga batang

    manggagawa ang dahilan sa patuloy na pagtangkilik sa ganitong uri ng Gawain na nagpapahirap

    sa pagpapababa ng bilang ng mga batang biktima. Sa kaso naman ng mga bata, malimit silang

    mabiktima dahil madali silang paniwalain ng mga huwad na pangako ng kaginhawaan para sa

    kanila at kanilang pamilya. Dahil sa kanilang mga musmos na kaisipan, kalimitan silang

    nalulugmok sa mga Gawain na lubhang mapanganib.

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    15/16

    VI.Rekomendasyon

    Kailangang pumasok ng paaralan ang mga kabataan at hindi magtrabaho. Kailangan ang

    tulong sa mga pamilya nito upang mabigyan ng proteksyon at suporta upang makapag-aral ang

    bawat kabataan. Dapat tayong maging mapagmasid at bukas ang isipan sa mga kaganapan sa

    ating lipunan. Nararapat lamang na mabigyan ng tamang edukasyon ang mga kabataan upang

    ang kanilang tatahaking landas ay maging matuwid. Kailangan ding magbigay pansin an gating

    pamahalaan upang lubos na maibsan ang kahirapan na kung gayon ang mga batang manggagawa

    ay makapagpokus sa kanilang pag-aaral. Kung magkakaroon ng kamalayan ang mga magulang

    sa masamang dulot ng maagang paghahanap-buhay ng kanilang anak ay mababawasan o

    tuluyang mawawala ang ganitong kasanayan

  • 7/29/2019 Thesis Old Format

    16/16

    VII. Kurikulum Bita