7
Isang Pag-suri sa Akda ni Jose Ma. Sison Sa pambungad ng may-akda, kanya kagad sinabi na si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga kagila-gilalas na representatibo ng gitnang uri na nagtamo ng bahagyang pag-angat noong ika-labing siyam na daang siglo. Nasabi niya ito sapagkat noong panahon na iyon, may mga naging “pagbibigay” ang kolonyal na pamahalaan sa principalia na siyang nagbukas ng daan sa pag-unlad ng gitnang uri. Bagamat ang kaunlarang tinamasa nila ay nasa anino ng mga mapaniil na mga pinuno ng Espanya tulad ng mga opisyal nila at mga kura, hindi parin maikakaila na nakatulong ng malaki ang pagpayag ng mga ito sa kahit kaunting partisipasyon ng gitnang uri sa kalakalan, pagpapa-upa sa mga lupa ng kura at pati na rin ang pagkunsinte ng Madrid sa kagustuhang makapag-aral sa kanyang mga unibersidad. Ngunit, lahat ng bagay ay lubhang may kapalit para sa mga dayuhang ito. Kung ang pricipalia at ang gitnang uri ay may mga mariwasang buhay, karamihan naman sa ating mga kababayan ay dinudusta at inaalipin. Lalong pina-tindi ang antas ng eksploytasyon sa masang Pilipino upang matupad ang mithiin ng Espanya na sumunod sa yabag ng Europa tungo sa mabilis nitong pag-unlad sa ekonomiya na may kinalaman sa sistemang kapitalismo. Kapansin-pansin sa parteng ito ang paniniwala ni Sison na ang nangyaring industriyalisasyon sa mga bansa sa Europa na siyang nagbungad sa sistemang kapitalismo ay isa lamang “phase” kung saan matapos makamit ng lubos ang kaunlaran sa ekonomiya ay naghahangad ng pagpapalawak pa o ng pagsakop sa iba pang bansa upang dito naman madala ang kanilang mga produkto at serbisyo. Sa isang akda ni Lenin, ang punto ni Sison ukol dito ay malinaw na isinaad sa paglilinaw sa ugat ng imperyalismo. Isa sa mga dahilan kung bakit naging isa sa mga progresibo at radikal si Rizal noong kanyang kapanahunan ay dahil sa kanyang pagtanto na ang kalayaan pang indibidwal ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao na lumalaban sa pagkakamit nito, ngunit sa buong bayan. Mula dito ating makikita ang pagkiling ni Rizal tungo sa mga ideyang liberal ng Europa na kanya namang inihalo kasama ng kanyang lohiko sa kanyang pagnanasa sa paglaya ng Pilipinas. Dahil sa ganitong uri ng pag-iisip, ninais ni Rizal na itigil na ang ginagawang pang-aalipin sa masang Pilipino at iwaksi na rin ang awtoritaryang pamumuno ng mga dayuhang ito. Sinabi niya na kung hindi rin lamang magkakaroon ng mainam na polisiya na ipatutupad sa Pilipinas mas mapagtitibay nito ang antas ng pagka-galit ng mga tao sa Espanya at sa huli ay magpapa-igting sa mga kilusan na naglalayong humiwalay dito. Sa naging suhestiyon ni Rizal tungo sa pagbubuo ng bansang Pilipinas, tinawag siyang filibustero o subersibo na tulad ng ginagawa sa mga taong humihingi ng konkretong represantasyon at pagpapakita na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa mga mamamayan nito ngayon.

The Subversive Ni Jose Ma. Sison

Embed Size (px)

DESCRIPTION

The Subversive Ni Jose Ma. Sison

Citation preview

Isang Pag-suri sa Akda ni Jose Ma. Sison

Sa pambungad ng may-akda, kanya kagad sinabi na si Dr. Jose Rizal ay isa sa mga kagila-gilalas na representatibo ng gitnang uri na nagtamo ng bahagyang pag-angat noong ika-labing siyam na daang siglo. Nasabi niya ito sapagkat noong panahon na iyon, may mga naging pagbibigay ang kolonyal na pamahalaan sa principalia na siyang nagbukas ng daan sa pag-unlad ng gitnang uri. Bagamat ang kaunlarang tinamasa nila ay nasa anino ng mga mapaniil na mga pinuno ng Espanya tulad ng mga opisyal nila at mga kura,hindi parin maikakaila na nakatulong ng malaki ang pagpayag ng mga ito sa kahit kaunting partisipasyon ng gitnang uri sa kalakalan, pagpapa-upa sa mga lupa ng kura at pati na rin ang pagkunsinte ng Madrid sa kagustuhang makapag-aral sa kanyang mga unibersidad. Ngunit, lahat ng bagay ay lubhang may kapalit para sa mga dayuhang ito. Kung ang pricipalia at ang gitnang uri ay may mga mariwasang buhay, karamihan naman sa ating mga kababayan ay dinudusta at inaalipin. Lalong pina-tindi ang antas ng eksploytasyon sa masang Pilipino upang matupad ang mithiin ng Espanya na sumunod sa yabag ng Europa tungo sa mabilis nitong pag-unlad sa ekonomiya na may kinalaman sa sistemang kapitalismo. Kapansin-pansin sa parteng ito ang paniniwala ni Sison na ang nangyaring industriyalisasyon sa mga bansa sa Europa na siyang nagbungad sa sistemang kapitalismo ay isa lamang phase kung saan matapos makamit ng lubos ang kaunlaran sa ekonomiya ay naghahangad ng pagpapalawak pa o ng pagsakop sa iba pang bansa upang dito naman madala ang kanilang mga produkto at serbisyo. Sa isang akda ni Lenin, ang punto ni Sison ukol dito ay malinaw na isinaad sa paglilinaw sa ugat ng imperyalismo.

Isa sa mga dahilan kung bakit naging isa sa mga progresibo at radikal si Rizal noong kanyang kapanahunan ay dahil sa kanyang pagtanto na ang kalayaan pang indibidwal ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao na lumalaban sa pagkakamit nito, ngunit sa buong bayan. Mula dito ating makikita ang pagkiling ni Rizal tungo sa mga ideyang liberal ng Europa na kanya namang inihalo kasama ng kanyang lohiko sa kanyang pagnanasa sa paglaya ng Pilipinas. Dahil sa ganitong uri ng pag-iisip, ninais ni Rizal na itigil na ang ginagawang pang-aalipin sa masang Pilipino at iwaksi na rin ang awtoritaryang pamumuno ng mga dayuhang ito. Sinabi niya na kung hindi rin lamang magkakaroon ng mainam na polisiya na ipatutupad sa Pilipinas mas mapagtitibay nito ang antas ng pagka-galit ng mga tao sa Espanya at sa huli ay magpapa-igting sa mga kilusan na naglalayong humiwalay dito. Sa naging suhestiyon ni Rizal tungo sa pagbubuo ng bansang Pilipinas, tinawag siyang filibustero o subersibo na tulad ng ginagawa sa mga taong humihingi ng konkretong represantasyon at pagpapakita na ang kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmumula sa mga mamamayan nito ngayon.

Oo nga at kabilang si Rizal sa gitnang uri, at kaya ng kanyang pamilyang tustusan ang pag-aaral nito sa mga unibersidad sa bansa o sa ibayong dagat ngunit nakita niyana dahil sa awtoritaryang-kolonyal na pamumuno dito sa bansa, walang sino man ang ligtas sa diskriminasyon o pang-aalipin. Ilan na sa mga halimbawang nabanggit ng may-akda ukol dito ay ang sinapit ng tatlong paring sina Burgos, Gomez at Zamora, isa pa dito ang pagkakapahiya ng ina ni Rizal sa paghuli at pagpapakulong dito at ang pagsunog sa mga kabahayan ng mga mahihirap bunga ng kanilang pagsusulong ng isang petisyon na hindi sumasang-ayon sa pagtataas ng renta ng mga kura. Ang mga naganap na ito ay iilan lamang sa mga konkretong ebidensya ng hindi lamang pang-aalipin at pang-abuso sa kapangyarihan ng mga Kastila kundi pati na rin ng pagsasawalang bahala sa mga karapatang pantao ng mga mamayang Pilipino na siya namang natanim sa utak ng batang Jose Rizal na patuloy na nagtulak sa kanya noong siya ay lumalaki na maghangad ng hustisya at paghinto ng opresyong ito.

Malaon ay napansin na rin ng Espanya na hindi na nito kayang pigilan ang tuluyang paglaganap ng ideolohiyang liberal at nasyonalismo. Dahil dito, nagkaroon ng internal na labanan ang mga kura at ang mga grupo na tumatayo sa ideyang ito na siya namang napansin ng mga mamamayang Pilipino sa lalong paghihigpit at puspusang paggamit ng relihiyon upang iwaksi ang ganitong kaisipan na siyang lalong ikina-galit at ikina-ayaw ng mga Pilipino sa kanila. Sa puntong ito, hindi na mabisa ang ginawa nilang hegemonya sa pag-iisip na nagsasaad sa ating habang buhay na pagkakatali sa Espanya dahil sautang na loob na dala ng pagbibigay nito ng Kristiyanismo. Sa katotohanan, hindi nagawa ng mga kura na pagyamanin ang ating spirituwal na buhay sa pamamagitan ng relihiyong dala nila bagkus naging mekanismo lamang ito sa pagkakamit nila ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagkontrol sa ating mga saloobin at lehitimong pang-aabuso sa mga mamayang Pilipino na siya namang isiniwalat ni Rizal sa kanyang mga sulatin.

Ngayong napasok na natin ang tungkol sa kanyang mga sulatin, maganda sigurong tignan ang mga ito bilang mga akda na nagawa sa proseso ng isang laban. Maaaring personal ang pagkakabatid ni Rizal mula sa kanyang sariling pananaw o kolektibo na may kinalaman sa pagtingin niya sa dinaranas ng kanyang kapwa. Kung alin man sa dalawang ito ang mga nagamit niyang pundasyon sa pagsusulat ng mga maka-bayang akda na lumalaban sa ating pagkakasakop ng Espanya, hindi maitatanggi na sa pamamagitan ng Propaganda Movement at ang sumunod na rebolusyon noong 1896 ay nagpapatunay lamang na hindi lamang si Rizal ang nag-iisang nakikibaka, bagkus ang buong sambayanan ang nasa likod niya.

Noong isinulat ni Rizal ang Sa aking mga kababatasiya ay walong taong gulang pa lang, at sa murang isipan na iyon ay nilalabanan na niya ang wikang Kastila bilang isang kagamitan ng mga dayuhan sa pagsakop sa atin. Dagdag pa dito ay noong naramdaman niya ang pangangailangan na aysuin at iwaksi ang mapagdiskriminang akda ni Morga sa pamamagitang ng pag-aanotate nito at lantarang pagsasabi na kaya nating mga Pilipinong paunlarin ang sarili nating kultura nang walang nakikialam o dumadagdag na kulturang kolonyal mula sa mga mananakop. Isa pang halimbawa ay ang pagsulat niya ng mga akdang tumutuligsa sa mga prayle, na siyang nagsisiwalat ng kanilang tunay na mga ugali. Lahat ng mga bagay na ito na nabanggit ng may-akda ay nagpapakita lamang nanoonpa man ay nais nang ipaabot ni Rizal sa kanyang mga kapwa Pilipino na hindi natin sila (ang mga dayuhan) kailangan bilang mga taga ayos ng problema ng bayan. Bagkus, kung hindi sila nakakadagdag, sila mismo ang ugat ng problema. Tayo mismo, sa pamamagitang ng demokratikong kapasidad ay kaya nating harapin ang mga unos at hamon na darating.

Sa pagsulat naman niya ng The Indolence of the Filipinos ipinagtanggol niya ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsira sa kolonyal na argumento na ang mga Pilipino ay tamad. Dito niya ipinamukha sa mga dayuhan na kung mayroong tamad sa Pilipinas, ito ay hindi ang mga katutubong mamamayan, kundi sila. Sino nga ba ang nakikinabang sa pawis ng mga trabahor? At sino ang mayayaman sa lipunan? ang mga Pilipino ba o sila? Isa pa sa kanyang mga sanaysay ay ang The Phillipines a Century Hence kung saan dito niya ihinayag ang proseso ng pananakop na ginawa ng mga Kastila sa ating bansa. Marahil, ang mayorya ng akda ay puro pagtuligsa sa mga negatibong bagay na ginagawa ng ating mga kolonyador ngunit sino ang makapagsasabi na hindi ito ang katotohanan? Sa pananaw ni Rizal hindi mahalaga ang pagpapasaring sa mga dayuhang mananakop na ito, ang importante ay ang pagpukaw sa damdaming makabayan ng mga Pilipino at sa sanaysay na ito, malinaw na kanyang isinusulong ang ideya na dapat magkaisa ang mga mamamayan tungo sa ikauunlad at pagtataguyod kanilang kapakanan.

Magtungo naman tayo sa mga nobela ni Rizal. Noong isinulat niya ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, hindi kaagad madugong labanan ang ninais ipabatid ni Rizal ngunit ang posibilidad na dala ng reporma. Sa lahat ng angulo sinubukan niyang ipasok ito sa istrukturang kolonyal ngunit nang sa huli ay wala ring ibinungga, doon na niya inilatag ang maaring pagkakaroon ng rebolusyon.

Sa pagpansin sa Noli, ating matatanto na hindi nalalayo ang kaisipan ni Crisostomo Ibarra sa ninanais mangyari ni Rizal sa kanyang pagsisimula ng nobela. Si Ibarra ay masasabi nating isang repormista na naglalayong masolusyunan ang paghihirap ng kanyang lupang tinubuan sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng edukasyon upang maialis ang sistema ng hegemonya sa kaisipan na patuloy na ginagawa ng mga prayle. Sa kagandahang loob na kanyang ipinapakita, imbes na siya ay pasalamatan o parangalan, siya ay inatake at pinagbintanggan ng mga prayle bilang tagapagtaguyod ng mga kilusang kalaban ng Espanya. Mula dito makikita natin ang pag-kakarakterisa sa mga prayle sa katauhan ni Padre Damaso at Padre Salvi kung saan ang una ay barumbado at mahilig manakit at ang pangalawa naman ay sinunggaling at mapagplano ng ikasasama ng kapwa. Samantala, ang ibang mga karakter sa nobela tulad ni Maria Clara at Kapitan Tiyago ay siyang kumakatawan sa mahina at sunud-sunurang uri ng lipunan na mayroon tayo sa ilalim ng pamumuno ng mga Kastila. Kasama rin dito sina Sister Rufa, Pute at Donya Victorina na siya namang mga tauhan na kundi kontrolado ang pag-iisip ay matibay ang paniniwala na ang lahat ng sabihin ng mga Kastila ay makabubuti sa kanila kayat dapat gawin. Sa huli ay nawalan na rin ng pag-asa si Crisostomo sa kayang nilalayong mga reporma. Sa nobela makikita na sinabihan ni Pablo si Elias na handa ng lumaban ang mga naghihirap laban sa mga mapaniil. Sa kabilang dako naman, makikita kay Pilosopong Tasyo na ang mga makabagong ideya mula sa Europa ang siyang magsisimula ng pagbabago sa sangkatauhan. Ito na lamang ang natitirang alternatibo ayon na rin sa kaisipan ni Rizal, ang makibaka para sa ating kalayaan.

Sa sumunod niyang nobela makikita ang implementasyon ng mga naiwang ideya sa Noli. Dito sa El Filibusterismo, nagbalik si Crisostomo Ibarra bilang isang mang-aalahas na desperado sa pagkakamit ng pagbabago, madugo man o hindi ang labanan. Naipakita niya dito ang kawalang-hiyaan ng sistema na matagal nang isinusuka ng mga Pilipino. Kung susundan natin ang kaisipan ni Rizal, makikita natin na ang dahilan kung bakit nagkaroon ng rebolusyon ay hindi dahil sa mga nobelang subersibo kundi ang pagkaka-puno ng mga Pilipino sa ganitong uri ng pamumuhay sa ilalim ng mga Kastila. Dinagdagan lamang o lalong pina-igting ng konkretong simbolismo na ipinapakita ng mga tauhan sa El Filibusterismo ang kanilang galit sapagkat isa itong repleksyon ng tunay na sitwasyon ng Pilipinasnoon.

Ating bigyang pansin si Cabesang Tales o Matanglawin. Isa ito sa mga karakter sa nobela na naging isang rebeldeng namumundok at nakikipaglaban upang itaguyod ang kapakanan ng mga mahihirap na magsasaka. Nangyari ito sapagkat isa siyang biktima ng piyudal na opresyon tulad na rin ng nangyari sa Calamba. Marahil hindi tinapos ni Rizal ang kwento ukol dito sapagkat maaring nagwakas na ang paglaban ng mga Ilustrados sa pamamagitan ni Simoun, ngunit patuloy paring lalaban ang mga kababayan nating naghihirap sapagkat kung iisipin natin, sila sa lahat ng mga tao sa lipunan ang unang naaabuso at panahon na para tumigil iyon. Isa pang mahalagang bigyang puna ay ang mga estudyante sa unibersidad na pinamumunuan ni Isagani.Ninais nilang bumuo ng isang Akademya kung saan makakapag-aral ng lubusan ng walang sinuman ang nagtatakda kung hanggang saan lamang ang dapat matutunan. Bagamat maganda ang kanilang hangarin, nakita ito ng pamahalaang Kastila bilang subersibo at pinaghinalaan sila bilang mga taong lumalaban sa sistema ng mga prayle at dahil dito ay ikinulong. Pati na rin si Basilio, na hindi naman sumasali sa mga grupo ng estudyante ay isinama ng mga awtoridad sapagkat isa siya sa mga magagaling na mag-aaralnoon. Mula dito makikita natin ang kabulukan ng sistema ng pamamahala sa buong kolonya na isinabuhay ng mga prayle na sina Padre Camora at Padre Irene kasama ang kanilang mga kasabwat.

Matapos maisulat ni Rizal ang lahat ng ito, naging bilang na ang mga araw niya. Pagkalabas ng kanyang unang nobela, sinabihan itong subersibo at heretikal. Pagkatapos naman ng El Filibusterismo, pa-diretso na sa Bagumbayan ang kanyang landas. Bagamat alam na niya ang hangarin ng pamahalaang kastila na siya ay patayin, buong tapang parin itong umuwi sa Pilipinas upang harapin ang kung ano mang naghihintay sa kanya. Ipinatapon siya da Dapitan at di kalaunan matapos ang sigaw sa Pugad Lawin ay dinala sa Bagumbayan at binaril.

Ito ang naging buhay ni Dr. Jose Rizal. Maikli man ito, ang bawat hininga ay inialay niya sa kanyang bayan. Ang kanyang pagkamatay ay hindi pagkatalo sa laban ng mga Pilipino mula sa Espanya bagkus ito ay nagsilbing inspirasyon sa lahat dahil sa kanyang walang pag-iimbot na paghahandog ng kanyang buhay. Ang akdang ito ni Jose Ma. Sison ay nagpapakita lamang na hindi dito nagtatapos ang laban, bagamat masasabi nating malaya na tayo ngayon hindi parin tayo dapat tumigil sa pakikibaka. Tulad ng paglaban ni Rizal sa mapaniil na pamumuno ng mga Kastila, dapat nating siguraduhin na hindi maulit ang mga sinaunang nangyari sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pagmamasid at pakikilahok sa lipunan. At kung sakali mang mangyari ulit at manaig ang opresyon at awtoritaryang pamamalakad, maging Pilipino man ang pinunong may sala o hindi, isipin na lang natin na ito ang dahilan ng pagkamatay ni Rizal at mula sa ideyang ito, mag-aklas at ipagdiwang ang tunay na diwa ng nasyonalismong Pilipino.

Referensya: http://joserizal1.tripod.com/id14.htmlRizal: The "subversive" ni Jose Ma. Sison

"Madali tayong napagharian ng kolonyalistang Espanyol dahil sa kawalan ng pambansang kamulatan, ayon kay Dr. Jose Rizal. Una, umiiral ang pagkamakasarili ng lumang katutubong naghaharing uri, ang mga raha at datu, at ang kanilang mapagkompromisong aktitude sa mga dayuhang mananakop...Ikalawa, kailangan pang pataasin ng mga mamamayan mismo ang kanilang kolektibong kamulatan mula sa antas at balangkas ng pag-iisip na nalinang sa mga baranggay...Ikatlo, marahas na sinupil ang lahat ng indio sa pamamagitan ng espada ng mga kongkistador at sa pamamagitan ng mapanghikayat na paraan ng nagkukunwaring mapagpakumbaba at mabait na mga misyonero" --Jose Maria Sison, Makibaka para sa pambansang demokrasya.

Sa sanaysay na ito binigyan diin ni Prof. Jose Maria Sison, isa sa mga nanguna sa muling pagkakatatag ng Partido Komunista ng Pilipinas-Marxismo,Leninismo at Maoismo (PKP-MLM) at kasalukuyang pangunahing tagapayo ng Pambansa Demokratikong Prente ng Pilipinas(NDFP), ang dalawa sa mga mahahalagang yugto ng buhay ni Rizal. Una niyang binigyan ng pagpapaliwag ang intelektuwal na pag-unlad ni Rizal at pangalawa, ang mga aktibidad ni Rizal na nagtulak para bansagan siya ng Pamahalaang Espnyol, noong panahon niya, naFilibusteroo "subersibo", sa terminong ginamit ni Prof. Sison, dahil sa mga sinulat niyang akda tulad ngNoli Me Tangere, El Filibusterismo, The Indolence of the Filipinos, at iba pa.

Si Dr Jose Rizal ang pinaka-abante sa mga nabibilang sa panggitnang saray ng lipunan noong panahong iyon. Sa proseso ng pag-unlad ng mangilan- ngilangprinsipalyasa pilipinas, nabigyan ng pag-kakataon ang iilang mga may-kaya para makapag-aral, samantalang malaking bayagi ng mamamayang pilipino, na karamihan ay salat sa pera at estado sa lipunan, ang napagkakaitan ng ganitong prebilihiyo at iniaabuso pa ng pamahalaan. Pinaunlad ng Espanya ang kanyang estado sa daigdig sa pamamagitan ng pagsasamantala sa mga mamamayan ng kanyang kolonya na nagtutulak naman sa mga pinagsasamantalahan na mag-aklas at lumaban sa kanila. Kung susuriing mabuti ang kasalukuyang sitwasyon, makatwiran ang paghahalintulad ni prof. Sison sa pagsasamantalang ginagawa ng Imperyalistang US sa mga mahihirap na bansa at ang pagsupil nito sa mga naghahangad ng pambansang demokrasya at sosyalismo sa panunupil na ginawa ng kolonyalistang espanya noon.

Bilang isa sa mga naliliwanagang bahagi ng panggitnag-uri, madaling natutunan ni Rizal ang liberal ng pag- iisip na nagpaunlad ng kanyang nasyonalismo. Para kay Rizal, mararamdaman lamang ng isang individwal ang kanyang kalayaan kung ang kabuuan ng bansa lalo na ang masa ay malaya na rin. At kung hindi ito kayang tugunan ng Espanya ay dapat lamang na humiwalay na dito ang Pilipinas. Sa ganitong ideya binansagan si Rizal naFilibustero. Katulad din niya, ang mga makabayan ng kasalukuyang panahon ay binabansagan naman na subersibo.

Naranasan at nakita ni Rizal ang mga pagsasamantala ng mga kolonyalista sa masa. Ilan lang dito ang pangangamkam ng lupa at pagpapataw ng mataas na renta o buwis sa mga magsasaka. At kahit ang mga nabibilang sa panggitnang uri ay hindi rin nakaligtas sa pag-aabusong ito tulad ng pag-aabusong ginawa sa kaniyang ina, ang ginawang pangangamkam sa kanilang lupain at ang pagbitay sa tatlong paring martir.

Mahusay namang naisiwalat ni Rizal sa kanyang mga akda tulad ng tula at nobela,ang realidad ng lipunan pilipino noong panahong iyon na nagtulak sa mga pilipino na mag-alsa at lumaban sa kanyang mapang-aping pamahalaan. Sa kanyang akda tuladThe Indolence of the Filipinos, at anotasyon saSucesos de las Islas Filipinasni Morga, Nilabanan niya ang discriminasyon sa mga Filipino at binaluktot ang paratang ng mga prayle na tamad ang kanyang mga kababayan. Sa kanyang dalawang nobela naman -FiliatNoli, isiniwalat niya at inilarawan ang kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng pamahalaang dinidigtahan ng Simbahang Katoliko. Sa paglalahad niyang ito sa kanyang nobela, humihingi siya nga solusyon sa sakit ng lipunan niya.

Ang kanyang pagmamahal sa kanyang bayan na makikita sa kanyang mga akda ang naging mitsa ng kanyang pagkakabitay sa Bagumbayan.Subalit hindi doon nagtapos ang esensiya ng kanyang mga ginawa. Ilang buwan pala lang ang nakakalipas matapos ang kanyang pagkamatay, sumiklab na ang Rebolusyong Pilipino, rebolusyong bunga ng kanyang mga akda at sulatin, rebolusyong tumupok sa Kolonyalistang Espanya. Referensya: http://www.freewebs.com/pi100/the_subversive1.htm