6
THE QUEZON POST Lot 9, Blk.12, Peace St., Brgy. Iyam, Rosario Village, Lucena City TEL. NO. 727-6887 CP NO. 0939-9378675 [email protected] VOL. VIII NO. 26 JULY 4 - 10, 2012 P10.00 DILG awards seal of good housekeeping to 28 LGUs The Quezon Provincial Gender and Development (PGAD) office conducted Gender Sensitivity Training (GST) to officers and members of 4th Light Armor (Masigasig) Battalion (LAB) held at 4th LAB head- quarters at Camp Nakar, Lucena City. The GST is a moral formation and welfare program of 4th LAB in order to address gender issues in the workplace and in their homes and to promote gender equality. (PIA-Quezon, photo by Abel Remo-PGAD, Quezon)

The QUEZON POST July 4 2012 issue

Embed Size (px)

DESCRIPTION

July 4 2012 issue

Citation preview

Page 1: The QUEZON POST July 4 2012 issue

THE QUEZON POSTLot 9, Blk.12, Peace St.,

Brgy. Iyam, Rosario Village, Lucena City

TEL. NO. 727-6887CP NO. 0939-9378675

[email protected]. VIII NO. 26 JULY 4 - 10, 2012 P10.00

DILG awards seal of goodhousekeeping to 28 LGUs

The Quezon Provincial Gender and Development (PGAD) office conducted Gender Sensitivity Training (GST) to officers and members of 4th Light Armor (Masigasig) Battalion (LAB) held at 4th LAB head-quarters at Camp Nakar, Lucena City. The GST is a moral formation and welfare program of 4th LAB in order to address gender issues in the workplace and in their homes and to promote gender equality. (PIA-Quezon, photo by Abel Remo-PGAD, Quezon)

Page 2: The QUEZON POST July 4 2012 issue

NGAYON

Ni LITO M. GIRON

Paglutas sa isyu ng ‘child labor’

2 JULY 4 - 10, 2012

THE QUEZON POSTELEANOR C. MALALUAN, Publisher

JAY FERDINAND C. MALALUAN, General ManagerJANE ASENSI-MALALUAN, Editor-in-Chief

NANCY C. ASENSI, Marketing/Advertising ManagerJULIUS A. CABANGON, News CorrespondentMAURENDIA AGUILA, Circulation Manager

The QUEZON POST is published weekly by the Quezon Post Publisher, with editorial and business address at Lot 9, Block 12, Peace St., Rosario Village, Iyam, Lucena City, Tel-ephone No.(042) 7276887; Cell Phone No. 0939-937-8675.

Advertising Rates: Commercial .......................................P170.00/col. cm. Legal ..................................................P120.00/col. cm.

Subscription Rates: One (1) year ................................................P520.00 Six (6) months ............................................P260.00

RE-ENTEREd aS SECONd CLaSS MaILat Quezon Capitol Post Office, Lucena City on April 06, 2011

EDITORYAL

Minimum salary grade level ng mga guro

PUNTONGQUEZON

Ni Sir MaNNY CaMaRa

Mapanganib na export ng Amerika

ura na karamihan sa miyemro ay kanyang mga kapartido. Sakabilang banda, walang impluwensya sa nanalong president ang ibang partido. Puwede pa nga niyang huwag pansinin ang kanyang mga karibal sa sarili niyang partido. At kung gugustuhin niya, puwede pa niyang iwan ang sari-li niyang partido na kanyang sinamahan kung saan siya nanalong presidente. Maaari siyang mamuno nang walang mga kaalyado sa isa o higit pang termino. Puwede niyang gawin ang kanyang gusto. Kaya naman sinasabi rin na mas malapit sa corruption ang presidential system. Kapag nasuhulan o napagbantaan ng isang grupo ang presidente at nakontrol nila ito ay maaari na nilang maipatupad ang kanilang gusto. Dagdag pa rito ay may takdang panahon ang panu-nungkulan ng isang president. Ang mga natalo ay kailan-gang maghintay ng apat na taon para muling magkaroon ng pagkakataon na makapanungkulan. Ito ang dahilan kung bakit nagiging maigting ang labanan at nagkakaroon ng tension sa mga presidential election. Isa pang nagiging problema sa presidential system ang tinatawag na political gridlock o pagiging mahirap o mabagal ng pagpapasa ng batas. Dahil may separation of powers sa presidential system ay itinuturing na dalawang magkahiwalay na istruktura ang presidensya at ang lehis-latura. Bumabagal ang pagpapasa ng mga batas lalo na kapag magkaiba ang partido ng president at ng mga nasa lehislatura. At nagiging mahirap ang pagtukoy kung sino ang may pananagutan sa problemang ito dahil nagsisisi-han ang presidensya at ang lehislatura kung sino ang may kasalanan. Diumano ay mahirap ding magpalit ng pamunuan sa ilalim ng presidential system. Kailangang pagtiisan ang pamamalakad ng presidente kahit na napatunayan na na isa siyang inutil, kahit hindi na siya popular at kahit hindi kanais-nais sa mga mamamayan ang kanyang mga pata-karan. Ang alternatibo ay madugong kudeta at mabagal at magastos na impeachment procedure. Sa parliamentary system, madaling alisin ang masasa-mang pinuno sa pamamagitan ng tinatawag na vote of no confidence. Ang lehislatura na lamang ang nagsasagawa ng pagpapalit ng prime minister. Sakaling hindi naging maganda ang pamamalakad ng prime minister at bumaba ang kanyang popularidad, kadalasan ay nagbibitiw na la-mang siya kaysa pormal na mapatalsik sa puwesto. Kung hindi niya ito gagawin ay madadamay ang kanyang par-tido at hindi na rin mahahalal ang kanyang mga kapartido sa susunod na eleksyon. Dahil dito ay malakas ang moti-bo ng kanyang mga kapartido na magpalit na lamang ng prime minister kaysa sila mismo ay mawalan ng puwesto

MAY isang eksena sa Season 6, Episode 16 ng political drama na West Wing ang naka-upload sa You Tube. Doon ay humihingi ng tulong sa mga Amerikano ang isang grupong mula sa Belarus, isang bansa na nagdeklara ng soberanya nang bumagsak ang Unyong Sobyet, sa pag-babalangkas ng isang bagong konstitusyon. Nais ng mga taga-Belarus ng presidential system dahil kailangan daw nila ng isang president na magsisilbing “unifying factor” sa kanilang bansa. Pero tumutol ang karakter na si Toby Zeigler at nagsabing, “The presidential system is one of America’s dangerous export responsible for wreaking hav-oc on over 30 countries around the globe!” Ang sinabing iyon ni Toby Zeigler ay hindi basta dia-logue na naisip ng scriptwriter. Ayon kay Orion P. Dum-dum na siyang nag upload ng video ay hango sa mga pag-aaral nina Dr. Fred Riggs, isang public administrator, at mga tanyag na international political scientist na kina-bibilangan ni Dr. Juan Linz ang mga pananalitang iyon. Ayon pa sa komentaryo ay ipinahayag ng programa, sa pamamagitan ng karakter na si Toby Ziegler ang academic consensus sa kasalukuyan na ang parliamentary system ay mas matatag at mas flexible, hindi kagaya ng presidential system na madaling mag-breakdown at may tendency na mauwi sa authoritarianism. Ang presidential system ay sinasabing may tendency na mauwi sa authoritarianism dahil ang mananalong presi-dent ay parang nanalo ng winner-take-all. Hindi kagaya ng isang prime minister, sa ilalim ng parliamentary sys-tem, na kapag nagmula sa minorya ay kailangang mamuno sa katanggap-tanggap na paraan sa ibang opposition party. Sakali naman na ang prime minister ay mula sa mayorya, kailangan niyang mamuno ayon sa plataporma ng kanyang partido. Kung hindi niya ito gagawin at magkakaroon siya ng sariling agenda ay maaari siyang patalsikin ng lehislat-

INIHAYAG ng Malacanang ang mga programa ng gobyer-nong Aquino upang tugunan ang mga isyung kaugnay ng child labor sa bansa para matiyak ang kaligtasan, mabut-ing kalagayan at pagkatuto ng mga kabataang Pilipino. Sa pulong balitaan sa Malacanang, sinabi ng Tagapag-salita ng Pangulo Edwin Lacierda na isang multi-agency cluster ang pinakilos upang magpatupad ng iba-ibang programang lulutas sa child labor. Kabilang dito ang Ka-gawaran ng Kagalingang Panlipunan at Kaunlaran at ang Kagawaran ng Paggawa at Hanapbuhay. “May programa nang ginagawa ang DSWD at DOLE. Ang dalawang ahensiyang ito rin ay kasama sa Human Development and Poverty Reduction Cluster na lulutas sa child labor,” sabi ni Lacierda. “Bahagi naman ng kampanya ng DOLE na 80 barang-gay ng limang mahihirap na rehiyon ng bansa ang dapat madeklarang child labor-free sa pagtatapos ng 2012,” sabi ni Lacierda. “SA DSWD sa kasalukuyan, ang pangunahing progra-ma ay ang Conditional Cash Transfer o CCT. Sinasaklaw na ngayon ng programang ito ang may 7, 501, 437 bata at patuloy pa rin ang pagtiyak na ang mga batang ito ay lalak-ing malusog at nag-aaral,” dugtong ni Lacierda. Bukod dito, sabi ni Lacierda, ang mga magulang ay sinasanay na rin upang alagaan ang mga anak nila at ti-

yaking nauunawaan nila ang halaga ng kalusugan at edu-kasyon ng mga bata. Idinagdag ni Lacierda na ang mga magulang na na-kikinabang sa programa ng CCT ay pinadadalo sa pa-nayam tungkol sa pangangalaga ng pamilya, lalo na kung paanong ang mga bata ay mananatiling malusog, nag-aaral at hindi naghahanap-buhay sa murang edad. Ang bagay na ito, sabi ni Lacierda, ay bahagi ng pag-diriwang ng pamahalaan sa “World Day Against Child La-bor” na ginunita noong Hunyo 26. Sinabi ni Lacierda na sisikapin ng administrasyong Aquino na lahat ng baranggay ng 1,500 bayan sa bansa ay child labor-free upang matupad ang pakay nito na pag-dating ng 2015 ay 75 porsiyento na ang naalis sa lahat ng pinakamasamang uri ng child labor. Ang programang ito ay naaayon sa simulain ng Mil-lennium Development Goals na magkaroon ng universal education na ang ibig sabihin, lahat ng bata ay nag-aaral.

INIHAIN ni Aurora Representative Juan Edgardo Angara sa Mababang Kapulungan ang House Bill (HB) 395. Ito ay naglalayong itaas ang minimum salary grade level ng mga guro na mula Salary Grade 10 ay magiging Grade 19. Kung pagbabatayan ang talaan ng mga level, ang kabuuang suweldo kada buwan ng isang kawani ng pamahalaan na nasa Salary Grade 19 ay nasa P33,000. Sa kasalukuyang panahon, ang buwanang kita ng isang guro na nasa level ng Grade 10 ay P17,255. Ito ay isang magandang balita sa mga guro, kung maisasabatas. Sa datos ng UNESCO, makikitang ang “base salaries” ng mga guro sa Pilipinas ay kaagapay ng sahod ng mga guro sa Thailand, ‘yun nga lang, nadaragdagan ito ng 10 percent at nakukuha lang ng isang gurong Pinoy matapos ang 15 taong pag-tuturo. Sa Thailand, ang isang beteranong guro ay makakakuha ng salary increase na aabot sa 94 percent sa katulad na haba ng panahon. Kumbaga, kuba na at maysakit ang isang gurong Pinoy bago lumaki ang kita—na marami pang kaltas. Gayunpaman ay itinuring ng ating mga guro na magandang balita ito bagaman at ayaw pa nilang umasa. Marami na rin kasing nagpapanukala ng kanilang dagdag na sahod mula sa hanay ng mga pulitiko lalo na kapag malapit na ang halalan para bumango ang pangalan sa publiko. Ang batang Angara ay sinasabing tatakbo bilang senador sa isang taon. Kung maipatutupad, lalong gaganahan ang at-ing mga guro sa pagtuturo lalo pa’t hindi na biro ang hirap maging titser sa panahong ito. Hindi na rin daw mangangailangan ang ilan sa kanila na mag-sideline kaya ng pagbebenta ng kung anu-ano sa mga estudyante para lang maka-survive. Maraming administrasyon na ang nangako ng dagdag na suweldo sa mga guro na lagi namang napapako. Sana sa panunungkulan ni Pres. Noynoy Aquino ay magkaroon na ito ng katuparan—lalo’t si-nasabi naman ng Budget Department na may pondo sakaling ang HB 395 ay maging batas.

Page 3: The QUEZON POST July 4 2012 issue

3JULY 4 - 10, 2012

DILG awards seal of goodhousekeeping to 28 LGUs

FAIR N’ SLIMF a c i a l & W a x i n g S a l o n

Ground Floor, don Froilan Lopez Bldg., Granja St. cor. Enverga St., Lucena City (at the back of Big Mak Restaurant) Tel.

No. (042) 660-2977(042) 660-7397 • Cel.No. 0922-874-3614/0920-922-5631

“The first in waxing services in Lucena City and Quezon Province”

LUCENA CITY---TWEN-TY-EIGHT municipalities in Quezon were awarded the seal of good housekeep-ing during the local govern-ment performance manage-ment system or LGPMS utilization conference held at Kalilayan hall this city last June 25. Department of Inte-rior and Local Government (DILG) Region 4A Director Josefina Castilla Go; DILG

Quezon Provincial Director Pedro Mendoza and Quezon Governor David Suarez led the awarding. Mendoza said the seal of good housekeeping for local government units is in line with the DILG’s com-mitment to elevate the prac-tice of governance that val-ues development outcomes into institutionalized status. It aims to recognize LGUs that accord primacy to the

principle of performance, accountability, transpar-ency and participation. The municipalities of Atimonan, Calauag, Catan-auan, General Nakar, Gui-nayangan, Gumaca, Lopez, Lucban, Mauban, Mulanay, Pagbilao, Polilio, Real, San Francisco, San Narciso, Sariaya, Tagkawayan, Tay-abas City, Tiaong, Agdan-gan, Candelaria, Dolores, General Luna, Infanta, Pit-

ogo, Quezon, San Andres and Unisan received the seal. Mendoza also said that passing the seal of good housekeeping is an eligi-bility criterion for LGUs to access the performance challenge fund. The said municipalities that received the seal of good housekeeping from DILG were required to sub-mit documents such a letter

of intent from their local chief executive; application cover sheet; project pro-posal and other supporting papers; sangguniang reso-lution authorizing the local chief executive to enter into a memorandum of agree-ment (MOA) and certifying that the project is included in 2012 AIP; MOA signed by the local chief executive and witnesses; executive order creating performance

challenge fund project im-plementation unit and the certification from a govern-ment bank manager that the LGU opened a special ac-count for the performance challenge fund. The performance chal-lenge fund of one million pesos will be received by the LGU upon submission of the required documents. (Ruel M. Orinday/ PIA- Quezon)

LUCENA CITY---CAN-DELARIA municipal budg-et officer (MBO) Resurrec-tion C. Mirano has been awarded the “Serbisyong Suarez Most Outstanding Municipal Budget Officer of Quezon Province.” The award aims to honor and recognize the contributions of budget of-ficers to public service and inspire them to achieve ex-cellence in the preparation

PORT NG GUIS-GUIS. Inalis ang tabing ng billboard para sa konstruksyon ng Guis-guis port sa bayan ng Sariaya, Quezon ni Quezon Governor David ‘Jayjay” C. Suarez nang magtungo ito sa Brgy. Guis-guis noong Hulyo 4 base sa kahilingan ni Sariaya, Quezon Mayor Boyet Masilang at ng konseho ng barangay sa pangunguna ni Brgy. Chairman Gil Gerez. Inasistihan si Gov. Suarez nina Board Mem-bers Romano Franco Talaga, Bong Talabong, ABC President Victorio Luna, Executive Secretary Ferds Esteban at kagawad ng nasabing barangay. (Danny Estacio)

Candelaria’s budget officer adjudged most outstanding MBO in Quezon

and administration of the local governent’s budget. Other awardees for the Oustanding MBO were: Danilao C. Cayabat, Bue-navista; Emelia A. Abrzal-do, Agdangan; Mamerta T. Ursolino, Alabat; and Mari-etta A. Ebreo, Mauban. The Best MBO awar-dees were: Portal S. Santos, Padre Burgos; Basilisa E. Villasanta, Lopez; Anelyn A. Avellano, Panukulan;

Lorelie R. Buerano, Perez; and Cynthia C. Mangu-dayao, San Antonio. Organized by the pro-vincial budget office led by Officer-In-Charge Diego M. Salas and supported by Gov. David C. Suarez, the search is the first of its kind among local government units (LGUs) in the country. Emphasis of the selection included timeliness, transpar-ency and compliance of the

submitted budgetary docu-ments from the 39 municipal-ities and one component city. Gov. David C. Suarez led the awarding along with Department of Budget Management (DBM) Re-gional Director Attorney Julian Ll. Pacificador dur-ing the regular Monday flag-raising ceremony at the provincial capitol. (CPG, PIA4A with report from PIO-Quezon)

Read The Quezon PostMake it a habit!

LUCENA CITY---KI-NUMPIRMA na ng Sang-guniang Panlungsod ang appointment ni Atty. Ingrid Anne Riola-Bermido bi-lang bagong City Legal Of-ficer na pumalit kay Atty. Marvin Tan na matagal na naglingkod sa lungsod. Sa ginawang pagkukum-pirma ng Sangguniang Pan-lungsod ay nagkaroon ng pagkakataong matanong ng mga konsehales si Atty. Ingrid hinggil sa pagnanais nitong maging City legal Officer. Ayon sa kanya, pana-hon na para mag move on at nais din niyang mas mapalawak ang serbiyong kanyang ibibigay. Dagdag pa nito, nakahanda siyang maglingkod sa pamaha-laang lungsod at buo ang kanyang loob sa kung ano man ang kanyang mga bagong kaharaping hamon sa kanyang trabaho. Si Atty. Ingrid ay ma-higit ng limang taong nag-

appointment ng bagong City Legal

Officer, kinumpirmapapractice ng kanyang propesyon at hindi mai-tatanggi na ang kanyang karanasan bilang abogado ay makatutulong ng malaki sa kanyang pagseserbisyo sa mga mamamayan ng Lungsod. Personal namang binate nina Konsehal Dan Zabal-lero at Konsehal William Noche ang bagong City Legal Officer na ayon sa mga ito ay kilala nila ang pinagmulang angkan at sig-uradong ang pag-upo nito sa kanyang bagong pwesto ay malaki ang maitutulong sa mga nangangailangan ng payo at serbisyong legal. Matapos magdesisyon ang mga konsehal at ma-kumpirma ang kanyang po-sisyon ay nagpahayon din ng kanyang pasasalamat ang batang-batang abogado na nagsimula ng pumasok at mag-opisina sa tangga-pan ng City legal. (Aida C. Dapula, PIO,Lucena)

Page 4: The QUEZON POST July 4 2012 issue

4 JULY 4 - 10, 2012

Contributing Editor: OLEN dELa ROMa

l Cristine Reyes di pa rin pinatawad ni Ara Mina kahit nag-public apology na!l Shamcey Supsup hindi basta-basta sumusunggab ng showbiz projects!l Jackie Rice nagpapayat para bumagay ang role sa kanya!l At iba pang hot na hot na showbiz news!BAGAMA’T humingi na ng paumanhin ang sexy ac-tress na si Cristine Reyes sa nakatatandang kapatid na si Ara Mina, hindi natinag ang huli sa kanyang de-sisyong ituloy ang kaso la-ban sa una. Matatandaang sinampahan ni Ara ng li-bel at grave coercion si Cristine noong Abril dahil diumano sa paninira ng nakababatang kapatid sa kanya. T a h a s a n ngang sinabi ni Ara na wala siyang nakikitang s i n c e r i t y sa mukha ng kapatid during her interview with Boy Abunda sa The Buzz noong nakaraang Linggo (June 24), kung saan, on national televi-sion ay sinabi ni Cristine ang ganito: “I’m sorry and I would like to apologize if ever I offended you, su-mama ang loob mo sa akin. I tried my best na pumunta sa ‘yo, alam mo ‘yan, Ate. Sinabi ko pa sa ‘yo, kung gusto mo, luluhod ako sa harapan mo. Sana lumam-bot na ang puso mo sa akin para maayos na itong gulo. Para tahimik na. Para sa pamilya natin, sa ikatataha-mik ng pamilya natin.” Dagdag pa ni Cristine, ginawa niya ang paghingi ng tawad sa kapatid alang-alang nga raw sa kanilang inang si Gng Frances Klenk na siya raw naiipit sa gusot nilang magkapatid. During the interview, sinabi rin ni-yang ang lahat nga raw ng kanyang pagsisikap sa kan-yang career ay ginagawa niya para na rin sa kapa-kanan ng pamilya nila. “Actually, kaya ako nan-dito para mabigyan sila ng mabuting buhay. Lalung-la-lo na sa mommy ko na siya talaga ang purpose ko kung bakit ako nandito.” Pagkatapos naman ng interview, agad na nag-react si Ara via tweet kung

saan nag-repost ang actress ng isang quote mula sa English writer na si G.K. Chesterton: “A stiff apol-ogy is a second insult… The injured party does not want to be compensated bec he has been wronged; he wants to be healed bec he has been hurt.” Bukod pa rito ay ni-retweet din ni Ara ang ilang mensahe mula sa kanyang followers na nag-react sa paghingi ng paumanhin ni Cristine: “I can’t feel, sense & see the sincerity of Cris-tine Reyes while apologiz-ing in #TheBuzz? However, hope it’ll heal your wounds @realAraMina; “ano na-man klaseng pag apologize un meron pang f ever... sin-cere ba un”; “nagsorry c… but ndi sya sincere parang nagtataray p nga sya eh” at iba pa. Kung saan aabot ang awayang Cristine at Ara, ‘yan ang patuloy na aaban-gan ng lahat.

hgKUNG ang ibang showbiz personalities ay agad na

sumusunggab kapag may proyektong ibinibigay sa kanila, iba naman ang pa-nuntunan ng beauty queen turned TV host na Sham-cey Supsup. Balita kasing tinanggihan niya ang isang project na pang-Metro Ma-nila Film Festival. Ayon sa dalaga, “Actu-ally, wala akong ideya. I

was hearing lang na may mga

offers nga raw. But

a k o kasi,

a

lot of peole advise me na going into show business and acting requires passion and love for the craft. Kasi, ‘yung working hours n’yo iba.You have to be dedi-cated. And ayoko naman na just because it was giv-en and just it was offered, tanggapin ko na lang. “Ako kasi, when I’m given something, I wanna work hard, wanna be the best na parang pag nandi-yan na ako, hindi ko aayu-sin. And I don’t think kasi na… I haven’t done theater, I haven’t done any acting. Wala talaga in my whole life, I haven’t done anything like that. So I don’t know, I’m just taking things lang one at a time. For example, host-ing. I’ve never hosted in my life. I’m scared to be in front of people. Pero right right now, that’s what I’m build-ing up for myself naman. I’m trying to learn hosting events. Parang one step at a time. Kasi if I’m gonna do everything at the same time, parang mahihirapan ako. And of course, I also have my architectural firm. So, medyo mahirap pag sabay-sabay. Actually, before I left

for Brazil, na-put up na‘yung firm. I was able to put it up already. Ngayon, small pro-jects lang.” Nasosorpresa naman siya sa mga balitang en-gaged na raw sila ng boy-friend niyang si Lloyd Lee. “Gano’n? Maybe be-cause I was given a promise ring,”kung saan noong isang taon pa ito ibinigay ng kan-yang boyfriend pagkabalik ni Shamcey ng Pilipinas. “Very, very simple lang. We were walking lang sa mall and tinatanong niya ako na, ‘What ring do you want?’ Tapos tumitingin-tingin kami. Sabi niya, ‘Maganda ba?’ But then, hindi ko alam na he already bought a ring that night. May ring na si-yang binili. After we went, ano... he just gave it to me in the car na parang, ‘I have something for you.’ Sabi ko sa kanya, ‘Parang kanina lang na nag-uusap tayo na you wanna buy me a ring.’ Sa pananalita ng dalaga, obviously na kahit na na-kakaisang taon pa lamang sila ng boyfriend, kita sa mukha niya ang labis na pagmama-hal rito kaya naman di im-posibleng mauwi sa kasalan ang kanilang pagmamahalan. Lalo pa’t naging napaka-sup-portive nito noong nasa Bra-zil siya para sa competition ng Miss Universe.

“Sabi ko nga sa mga previous interviews, I think I said na even before nag-ing kami, marriage is really something for me because I’m the kind of person who is not into a shallow rela-tionship. If I get to one, it’s for the future na talaga. “Noong naroon ako sa Brazil, of course I was away from the family. And then I don’t have any way to con-tact anyone.It was him, he’s the one who kept on be-lieving in me... supporting, ‘Kaya mo ‘yan, huwag kang mawawalan ng pag-asa.’ Oo, text lang. Kasi walang internet na puwedeng mag-amit. And you have to pay for the internet and napa-kamahal sa Brazil.” At kung sakali mang sila ang magkatuluyan she has plans na: “Even when I was in college, ang gusto ko is like a garden o forest wedding… wala lang. I was thinking of, na parang… kinda Lord of the Rings? My fantasy lang‘yun. But then, hindi naman importante sa akin ‘yung wedding set-up. Ang importante sa akin, ‘yung kasal, kahit saan man, kahit sa maliit lang na place na konti lang ang mga tao—it doesn’t matter. Ang impor-tante is the person I’m gonna marry, the life we’ll have to-gether after the wedding.” At maging ang magig-ing bahay nila ay siya ang magde-design.“Siyempre, dapat ako, di ba? Siguro I

will work doing sketches, ‘What do you want?’ Lahat naman tayo may mga dream houses, di ba? So, sisimulan ko muna sa sketches and tatanungin ko siya [Lloyd] kung ano ang gusto niya.”

hgTIYAK na tuwang-tuwa ang comedienne na si Eu-gene Domingo dahil ku-mita na kaagad ng P100 million ang Kimmy Dora and the Temple of Kiyeme sa loob ng 11 days lang; ayon ito sa Star Cinema, The horror-comedy film reached the P100 million mark last Saturday, June 23.The movie had its pre-miere night last June 12, Independence Day. Da-hil dito, naungusan na ng Kimmy Dora 2 ang Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme na ipinalabas noong 2009 at kumita lamang ng P 80 million (gross). At dahil nga sa magan-dang resulta ng Kimmy Dora 2, ibinisto ni Eugene na may plano pala na mag-karoon pa ng isang sequel ang pelikula niyang ito. The film was directed by Bb. Joyce Bernal, co-pro-duced by Star Cinema and Spring Films, a production outfit owned by actor Piolo Pascual, filmmaker Joyce Bernal, talent manager Er-ickson Raymundo, and cin-ematographer Shayne Sarte.

hgPINABULAANAN ng ac-tor na si Rocco Nacino ang balitang shelved na ang proyektong Lam-ang, ang Ilocano epic film na pinag-bibidahan niya. “We’re supposed to re-sume shooting next week. Pero ‘yong kaeksena ko for the whole shoot, siya ang naging AD [assistant direc-tor] para sa El Presidente. So, nagkaproblema lang sa schedule. Sayang lang kasi ang tagal ko nang nagdidi-yeta. Ang tagal ko nang nagte-training para mag-shoot ulit, tapos na-move na naman ‘yung shooting schedule namin. Pero okey lang, tuloy lang ang prepa-ration ko. May ibinigay sa akin ang director namin

EUGENE DOMINGO: Mas kumita ang Kimmy Dora 2.

SHAMCEY SUPSUP: Hang-gang hosting lang muna, pag-iisipan pa kung tatanggap ng movies.

Page 5: The QUEZON POST July 4 2012 issue

5JULY 4 - 10, 2012

Go Green! loVe THe WorlD YoU Are In

Ika-21 na LabasHAPON at uwian na ay lu-mapit kay Rico si Innah. Ayon dito’y gusto raw mak-itsika sa kanya. Actually, kung hindi siya na-bad trip kay Don, kung hindi sa bullish attitude nito,

Republic of the PhilippinesREGIONaL TRIaL COURT

Fourth Judicial RegionOFFICE OF THE CLERK OF COURT

Lucena City

NOTICE OF EXTRa JUdICIaL FORECLOSUREEJF Case No. 2012-92

Upon Petition for Extra-Judicial Foreclosure under Act 3135 as amended by Act 4118 filed by UCPB SaVINGS BaNK, INC., with principal office address at 18th Floor, UCPB Building, Makati Avenue, Makati City against SPS. NEIL MEYNaRd B. LEZaRON and aNNaBEL S. LEZaRON with postal address at 1264 Quezon Avenue, Employees Village, Brgy. Gulang-gulang, Lucena City to satisfy the mortgage indebtedness per statement of account which as of May 30, 2012 amounts to THREE MILLION SIX HUNdREd TWENTY SEVEN THOUSaNd FOUR HUNDRED TWENTY THREE PESOS AND 70/100 CENTaVOS (P 3,627,423.70), inclusive of interests due, penalties, cancellation fee and Pre-Termination Fee, the undersigned or any of his lawful deputies will sell at public auction on July 30, 2012 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the Office of the Provincial Sheriff, Regional Trial Court, Lucena City, to the highest bidder for cash and in Philippine Currency the following property/prop-erties located at Lucena City with all its improvements to wit:

TRaNSFER CERTIFICaTE OF TITLENO. T-144836

A parcel of land (Lot 3, Block 2 of the subdi-vision plan, (LRC) Psd-82907, being a portion of Lot 3207, of the Cadastral Survey of Lucena, LRC (GLRO) Cad. Rec. No. 202.), situated in the Barrio of Gulang-gulang, City of Lucena, Island of Luzon. AREA: FOUR HUNDRED TWELVE (412) sq. mtrs.; BOUNDARIES: NE: points 2 to 3 by Road Lot 4, on the SE: point 3 to 4; on the SW: points 4 to 1 by Lot 23 & on the NW., points 1 to 2 all of Blk. 2, of the subdivision plan.

All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date.

In the event the public auction should not take place on the said date, it shall be held on August 6, 2012 without further notice.

Lucena City, Philippines, June 13, 2012.

(Sgd.) SHEILa N. CaMPOSaNO Sheriff-in-Charge

(Sgd.) EMILIO a. PE aGUIRRE Clerk of Court and Provincial/City Sheriff

NOTED BY:

(Sgd.) ELOIda dE LEON dIaZExecutive Judge

DATE RAFFLED: June 11, 2012

The QUEZON POSTLucena CityJune 27, July 4 & 11, 2012

REPUBLIC OF THE PHILIPPINESREGIONaL TRIaL COURT

Fourth Judicial Region

OFFICE OF THE PROVINCIaL SHERIFFLucena City

NOTICE OF EXTRa-JUdICIaL SaLEE. J. CaSE NO. 2012-107

Upon petition for extra-judicial sale under Act 3135 as amended by Act 4118, filed by BaLIKaTaN PROPERTY HOLdINGS, INC., with office address at 24th Floor, BPI Buen-dia Centers, Sen. Gil Puyat Avenue, Makati City, against SPS. FLORaNTE R. GLORIOSO aNd FLOSERFIda T. GLORIO-SO, with residence Washington Subd., Pagbilao, Quezon, and Lot 6, Blk. 9, Ph. I, Bayabas St., Intertown Homes, Bo. Bukal, Pagbilao, Quezon, to satisfy the mortgage indebtedness with per statement of account as of June 8, 2012, amounts TWO HUNdREd NINETY THREE THOUSaNd SIX HUNdREd SEVENTEEN PESOS AND 65/100 (P293,617.65) inclusive penalties, charges, attorney’s fees and expenses of foreclo-sure the undersigned or his duly authorized deputy will sell at public auction on aUGUST 20, 2012 at 10:00 o’clock in the morning or soon thereafter at the main entrance of the Regional Trial Court, Bldg., Lucena City, to the highest bidder for CASH or Manager’s Check and in Philippine Currency the following property with all its improvements to wit:

TRaNSFER CERTIFICaTE OF TITLENO. T-240977

A parcel of land (Lot 6, Block 9, of the cons. & subd., plan Pcs-04-001974, being a portion of con-solidation of Lots 1394, 1395, 1425 Psc-7, Pagbilao, Cad. Lot 5361- B, 5361-C (LRC) Psd- 78429 & 2 (LRC) Pcs-9152, LRC Rec. No. 1013), situated in the Barrio of Bukal, Municipality of Pagbilao, Prov. of Quezon. x x x Containing an area of ONE HUNDRED FIFTY (150) SQUARE METERS.

All sealed bids must be submitted to the undersigned on the above-stated time and date.

In the event public auction should not take place on said date, it shall be held on AUGUST 27, 2012 without further notice.

Lucena City, June 26, 2012.

(Sgd.) aRTURO T. QUERUBIN Sheriff IV

(Sgd.) EMILIO a. PE aGUIRRE Provincial Sheriff

NOTED:

(Sgd.) ELOIda R. dE LEON-dIaZEXECUTIVE JUDGE

The QUEZON POSTLucena CityJuly 4, 11 & 18, 2012

magandang pagkaka-taon sana iyon para mailakad niya ito kay Innah. Ganitong si In-nah ang nag-i-initiate ng pag-uusap ay malaki ang tsansa nilang makapuntos. Pero ngayon, ha, bakit ba

niya pahihirapan ang sarili? Bahala nitong iligaw ang sarili nito. Nagmama-gan-dang-loob na nga siya’y na-pag-iisipan pa nang masama. Magalang siyang tuman-ggi sa dalaga. “Some other time na lang, Innah,” aniya. Ipinahalata niya rito ang kawalan ng in-teres. “Why?” “Pupuntahan ko ang girl-friend ko. I have to be in a hurry.” Lumungkot ang babae. “It’s okay,” anito at dinampot ang bag bago tuluyang uma-lis.

Napuna ni Rico, nakasu-baybay ang mga mata ni Don sa kanila. Problema mo na ‘yun! Anang isip niya at masama rin ang mukhang lumarga na siya paalis. Alam niya, habol siya ng nagdududang tingin ni Don.***HINDI malaman ni Rico kung paano ide-describe ang reaction ni Judy nang makita siyang nag-aabang sa gate ng PUP. Ngunit nasisiguro niyang hindi ito natuwa o na-excite. Para ngang galit pa. Usually, pag ganoong

scheduled ang pagsundo niya rito ay namumula ang pisngi nito sa tuwa. Nga-yon, iba ang pagtanggap nito sa kan-ya. Lumapit siya rito. “Naligaw ka,” matabang na sabi ng dalagita. Gusto niyang mainis pero pinigil niya. “Wala kasi akong magawa. “’Kako, kaysa masayang ang oras ko, sasaglit na ako rito.” Umagapay siya sa paglakad nito. Hindi nito ib-inigay sa kanya ang mga dala-dalahan gaya nang ginagawa nito noon. Hindi na lang iyon pinansin ni Rico. “Alam mo

naman ako, walang sayang na sandali basta para sa iyo.” “Baka naman para kay In-nah.” Naumid siya sa sinabi ni Judy. Hindi niya gusto ang pinupunto nito. “Hindi ka na nakakibo,” patuloy nito. “Dahil hindi ko alam ang ibig mong sabihin,” sagot niya. “Bakit defensive ka?” “Did I sound like that?” “Oo. At guilty.” “Guilty? For what?” “Ewan ko. Basta halata.” “Hindi ko alam ang mga

[Ana Agabin] sa Lam-ang na isang book para basahin ko about acting. So, do’n muna ako nagpu-focus para mapaghandaan ko kapag nagsimula na kami ulit na mag-shoot.” Ang tinutukoy ni Rocco ay si Migue Vasquez, at ang El Presidente ay pelikula ni Governor ER Ejercito na kalahok sa Metro Manila Film Festival 2012. Balita nga raw na nau-busan na ng pondo o budget ang producer ngLam-ang, na pinagtawanan lang ng actor. “Hindi ko nga po alam, e! Hindi ko po alam. Wala pa akong alam tungkol di-yan. Hindi ko alam kung ano ‘yong reason kung bakit may gano’ng balita. Ang alam ko po, hindi totoo ‘yon.” hgK A PA N S I N - PA N S I N ngayon ang pagiging payat ng actress na si Jackie Rice kung kaya’t marami ang na-kapag-iisip na baka nga raw may eating disorder na siya, na kaagad niyang itinanggi. “Wala naman akong eat-ing disorder.Hindi ako ano-rexic or bulimic.Kumakain naman ako ng tama.Mas mabilis lang ngayon ang metabolism ko kasi may mga sports akong ginaga-

ENTERTAINMENT... Mula pahina 4wa ngayon tulad ng boxing, scuba diving at may weight training din ako. Ngayon, medyo nabawasan na ang workout ko kasi nga mada-las akong puyat at pagod sa taping. Unlike before na almost every day ang train-ing ko.” Umamind si Jackie na talagang nagpapayat siya para sa kanyang muling pagbibida sa Kasalanan Bang Ibigin Ka? Noong ginagawa raw kasi niya ang Sisid noon, may mga nagsabi na mataba pa siya. “Mukha raw kasi akong batang tingnan kapag ma-taba ako. Matambok kasi ang mga pisngi ko. Kaya kina-career ko ang pagpapa-payat para sa magiging next role ko, babagay na sa akin. Tamang-tama na dumating nga ang Kasalanan Bang Ibigin Ka? at iba ang role. “Babagay na sa bagong figure ko. Lumiit na ang mukha ko pati mga braso at legs ko. ‘Yung role kasi, kailangan ‘yung sobrang mature na kasi parang bitbit niya ang bigat ng mundo sa balikat niya. ” At sa dami ng mga com-ments na natatanggap niya ngayon sa pagbabago ng kan-yang katawan, hindi naman daw niya ito binabalewala.

NOTICE OF EXTRa-JUdICIaLPaRTITION OF MOTOR VEHICLE

Notice is hereby given that the property left by the late BENJaMIN ROSa who died on June 19, 1999 at Can-delaria, Quezon containing of a MOTOR VEHICLE under Certificate of Registration No. 44115287, Make & Type: Isuzu Closed Van, Motor No. 101362, Chassis No. CMC1-111110-C, Plate No. DHV-494, File No. 0452-17547-91, Model 1991 was the subject of setllement by all of his heirs which was ratified before Notary Public Atty. ANTONIO BORJA MAGTIBAY as per Doc. No. 30; Page No.48; Book No. 909; Series of 2012.

The QUEZON POST Lucena City/July 4, 11 & 18, 2012

Page 6: The QUEZON POST July 4 2012 issue

6 JULY 4 - 10, 2012

PUNTONG... Mula pahina 2

WALANG SAYANG... Mula pahina 5

FOR SALEKOBUNDO OFFSET

PRINTING MACHINE 18” X 25”

(Running Condition)

For inquiries: DIAL (043) 722-2678

or Text 0939-937-8675

sinasabi mo,” aniyang nasa ti-nig ang resignasyon. “Kanina sa jeep, excited ako sa pag-sundo sa iyo.” “Ngayon hindi na!” agad na naidugtong ni Judy. “Dahil mayroon ka nang mas excit-ing na nakakausap at lagi pang naka-micro mini.” “Binibigyan ka ng kuya mo ng mga maling impor-masyon,” aniya, pigil ang galit.

“Sinisisi mo ang kapatid ko. Blame yourself, not him. Buti nga hindi ko tinotoo ang sinabi ko na susugurin ko kayo sa office. At makapal ka rin naman. Naroroon na ang kapatid ng girlfriend mo, nakukuha mo pang makip-aglandian. Ngayon ko lang naisip, kaya excited kang maging tulay ni Kuya ay da-hil type mo si Innah.” Hindi na sumagot si Rico.

Alam niya, hahaba lang lalo ang diskusyon. Ngunit lalo iyong nakasama sa halip na makabuti. “Silence means yes,” ani Judy. “Nakita mo na siguro ang generation gap sa pagitan natin at naisip mong tulad ni Innah ang nababagay sa iyo.” “Hindi,” mahinahon niyang sagot. “Ang naiisip ko, magka-patid nga kayo ni Don. Pareho kayong mahirap kausap!” Tumalikod na siya. Binirahan nang mabilis na

lakad. Iniwan niya ang nobya dahl na rin sa inis na unti-unt-ing bumabangon sa kanyang dibdib. Mahaba ang kanyang pisi ngunit mahina ang pigil niya sa hinahon kapag pinag-bibintangan sa isang bagay na hindi niya gina-gawa. Mabi-lis magpanting ang kanyang tenga. Minabuti niyang iwan na lang si Judy. Alam niyang magkakapikunan lang sila.

SUBAYBAYAN

SBPM and gov’t troops show tension during picket rally

sa parliyamento sa susunod na eleksyon. Ang sistemang parliyamento ay labanan ng mga partido ay hindi ng mga personalidad. Ano ba ang maganda sa presidential system? Di-rekta raw na nakakapamili ng presidente ang mga tao. Sa parliamentary system ay ang lehislatura ang pumipili ng prime minister. Pero paano kung kulang naman tayo sa talino sa pagpili ng presidente? Kung sino lang ang sikat ay siya nang iboboto? At kapag palpak, kailangan pa nating maghintay ng susunod na eleksyon. Naging matagumpay sa Amerika ang presidential system. Pero iba sila at iba rin tayo. Magkaiba ang antas ng ating maturidad. Kung naging maganda sa kanila ay hindi garantiya na magiging maganda rin sa atin. Sana ay huwag na tayong magpilit gumamit ng isang bagay na “made in US” pero hindi naman bagay sa atin.

CATANAUAN, Quezon---MEMBERS of the Save Bondoc Peninsula Move-ment (SBPM) particularly the group of KARAPA-TAN-Southern Tagalog and the law enforcement units generated tensions to each other resulting fears of mass arrest during the fifth day of peace caravan rally. Said peace caravan commenced last June 25 to document the cases of hu-man rights abuses against the residents of Quezon and provide social services in-cluding psycho-social inter-vention to children victims. According to Police Senior Superintendent Va-leriano T. De Leon, Quezon police director, Catanauan police filed a robbery case against Darwin Bonrostro , secretary general of Kara-patan-ST and nine other members of Save Bon-doc Peninsula Movement (SBPM) for robbing Jail Officer 1 Alex Baronia,32, member of Bureau Jail

Management and Penol-ogy and native of Mulanay, Quezon. Last Friday, it was around 12:01p.m., when the victim was waiting for a tricycle when the said group attacked the jail of-ficer and grabbed his bag and wrist watch worth 15,000 and carted it away, also the victim sustained minor injuries on his wrist and arms. Afterwards the law enforcement confront-ed the leader of the move-ment Mr. Merle Marasigan to get back the items. Marasigan immediately turned over the belong-ings to the owner but this created tension among the activist groups and the gov-ernment troops. Baronia filed a robbery case against the members of the mass movement. “Such move has caused fears of mass arrest of the delegates of the mercy mis-sion”, said Orly Marcel-lana, SBPM spokesperson.

“The accusation was clear-ly fabricated as Bonros-tro was distributing relief goods when the incident happened,” added Marcella in his press statement. He said that Baronia, suspected to be an intelli-gence agent of the military, was caught taking photo-graph of the SBPM volun-teers while distributing re-lief goods at the Catanauan public market. Marcellana clarified that SBPM volun-teers confronted [Baronia] but he panicked and just ran away leaving his bag on the ground”. SBPM, an alliance of concerned people and hu-man rights advocates in-cluding church people and professionals has launched the peace caravan to con-demn the massive deploy-ment of the Armed Forces of the Philippines in South Quezon and Bondoc Pen-insula which has allegedly consequently led to an es-calating number of human

rights violations in the ar-eas. “The group is set to continue the peace cara-van and mercy mission in Lopez, Quezon despite threats and harassment,” Marcellana said. Meanwhile, the South-ern Luzon Command SOL-COM denied the allegation; they said that they are only providing full alert security to avoid any harmful and terroristic attack during picket rally. “We respect the human rights. We also do not want violations among others that might lead to disrupt the balance of peace and order in the area. The Save Bondoc Peninsula Move-ment and SOLCOM have in common goals to attain peace, we also want to join in their campaign in attain-ing peace and good gov-ernance.”, Col. Generoso Bolina, SOLCOM spokes-person commented. (Mi-chelle Zoleta)

CATANUAN, Quezon---INILUNSAD kamakai-lan sa anim na barangay sa bayang ito ang “Child Labor Monitoring and In-tegrated Services Delviery System” (CLM-ISDS) sa paniniwalang makakamit lamang ang tunay na “child labor-free barangay” kung aakuin ng komunidad ang laban sa child labor. Sa pormal na pagsisim-ula ng programang CLM-ISDS sa mga barangay ng Tuhian, San Isidro, Madu-lao, Doongan Ilaya, 7, at 10, inihayag na ang deklarasyon ng suporta at paninindigan na pinirmahan ng mahigit 3,000 mamamayan mula sa nasabing komunidad. Nilagdaan din ng anim na punong barangay ang kani-kanilang mga “execu-tive orders” na nag-aatas ng “Barangay Council for the Protection of Children.” Sa pamamagitan ni Ra-mon Orfanel, punong bayan ng Catanauan, Quezon at Manuel Montano, ikalawang punong bayan, ay nagpahay-ag sila ng buong suporta sa programang CLM-ISDS. Sa kanyang pananalita, inanunsyo ni Orfanel ang 130 na bagong paaralan mula sa isang “Austral-ian Aid” na tutugon sa lu-malaking bilang ng mga batang mag-aaral, kasama na dito ang inaasahang pagbabalik-paaralan ng mga batang manggagawa. Bukod pa dito, may dalawang bagong paaralan na ipagkakaloob naman ng Jollibee Foods Corpora-tion, kasama pa ang isang programang pagpapakain sa mga bata. Nanawagan naman si Montano ng pagtutulun-gan ng lahat ng sektor para mapabilis ang pagsugpo sa “child labor.”

CLM-ISdS, inilunsad sa Catanauan

Ang mga panguna-hing “CLM-ISDS service providers” ay nangako ng tuloy-tuloy na suporta sa programa at sa mga batang manggagawa. Ibinida ni Sonia Leyson ng Quezon Provincial Social Welfare and Development Office na ang inihahanda nilang proyekto ay para sa mga batang manggagawa na magmumula sa kanilang social welfare funds. Sa ngayon naman ay pinakikilos na ng Depart-ment of Education ang “al-ternative learning studies” at mga mobile teachers para mangumbinsi na bumalik na sa pag-aaral ang mga batang manggagawa na nahinto o hindi na nakapag-aaral. Inihahanda naman ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga programang pang-kabuhayan para sa mga magulang ng mga batang manggagawa. Si Lourdes De Luna-Pasatiempo, bokal ng ika-3 distrito ng Quezon, ay nangako din ng suporta sa programang CLM-ISDS sa pamamagitan ng pag-akda ng mga kinakailangang batas at sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng katulad na programa sa iba pang bayan sa Bondoc Peninsula. Ang CLM-ISDS, o pro-grama ng pagkilos na “Tak-ing Children Out of Child Labor through a Functional and Institutionalized Child Labor Monitoring and In-tegrated Services Delivery System in the Communi-ties” na pinondohan ng ILO-IPEC at ipinatutupad ng DOLE, ay sumasaklaw sa 18 na mga barangay sa Catanauan, Calauag, at Lucena. (Pamela Palma, project coordinator CLM-ISDS/CPG, PIA4A)