The 12th Proposal.txt

Embed Size (px)

Citation preview

The 12th ProposalMay mga kwento na tungkol sa always the brides maid but never the bride.May mga kwento na rin tungkol sa ilang beses ng naging bride.Pero ang kwento sa buhay ko, ilang beses na akong muntik maging bride.Ilang beses na akong nakaranas ng wedding proposals kaso nga lang, laging minamalas.So I promised myself, kung sino man ang magbibigay sa akin ng pang-twelfth proposal, siya na.Ill do everything to make that relationship work, no matter what happens.Pero paano kung sa taong hindi ko ineexpect manggagaling yung proposal na yun?Chapter 1 The First ProposalMichael was my first boyfriend, first love, first kiss and first dance. Eventually, he became the first man who proposed to me. Kami na simula nung 3rd year high school kami. Hanggang college, kami pa rin. Hindi kami naghiwalay. Never kaming nag-away. Kung iisipin, perfect relationship na di ba? Yun din ang akala namin e. We even promised each other na I will be his first and last love and he will be my first and last love. Ang sweet di ba? Hehe.Siguro, nacucurious kayo kung paano siya nag-propose noh? Kahit na ang sarap balik-balikan nung moment na yun, masakit pa rin pala.Graduation namin nung college nun. Summa cum laude si Michael sa college nila. Ako naman Magna cum laude. Since kami ang nasa top ng mga college namin, we were given the chance to say our speeches. I made my speech brief but meaningful. Marami na yung na-touch sa mga sinabi ko pero mas marami palang matotouch sa sasabihin niya.Good evening to all the people present here today. I know this is supposed to be a speech related to graduation and studies and stuff. But I would like to take this opportunity to take a look at my experiences and our experiences in life and in love. Naghiyawan yung mga ka-batch namin pagkasabi niya nun. Parang mga timang lang e. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung kikiligin ba ako o mahihiya in a good way dahil dun e.To start things off, I would like to acknowledge the presence of the person who became the inspiration of this speech that Im delivering. The person who makes me realize that life isnt that bad after all and the reason why I would like to wake every morning with a smile on my face and in my heart. Clarisse, this is for you. Pagkasabi niya nun, ngumiti at kumindat siya sa akin. Hay. Ang haba naman ng hair ko o. Haha. :DWhen I first entered high school, I didnt know what I want to happen in my life. But when I met her, every thing changed. We started out as friends and eventually loved each other more than just a friend. Our relationship stayed strong since we started way back when we were high school juniors. Nothing made us weak for problems only made our relationship stronger. I promised her that she will be my first and last love and she promised me the same thing. I dont want to make this speech very long and so I would like to go straight to the point. Mary Clarisse Abarquez, would you like to fulfil our promise? Ok. Lahat ng tao nakatingin na sa akin. Pero ako naman si S-L-O di pa rin ma-gets ang sinasabi ni Michael.Clarisse, I would say this just once but from the very bottom of my heart. Clarisse, will you marry me? O-M-G! :o Ano ba to? Nananaginip ba ako? Kung panaginip to sana di na ako magising. :DClarisse! Huy! Nakatingin na lahat sayo. Hinihintay na ni Michael yung sagot mo. Ok. Its confirmed. Di ako nananaginip. Oh, wait! Mas O-M-G! Totoong nangyayari ang mga ito! Anong gagawin ko? Im not expecting him to propose as in now na. Waa. Bro, guidance naman diyan o. :DSo ang ginawa ko naman ay tumayo ako sa upuan ko. Lalong tumingin sa akin ang mga tao dahil dun. Lumapit ako sa stage at umakyat. Nilapitan ko si Michael sabay sabi ng Yes, Michael. I would love to marry you. Pagkatapos nun, niyakap ako ni Michael at naghiyawan na ang mga tao. Pati mga professors nakisali na sa celebration.After a while, tinapos na rin ang ceremonies sa graduation namin. Supposedly, ang family ni Michael at ang family ko may kanya-kanyang dinner na pupuntahan. Pero dahil sa pasaway kami, tumakas kaming dalawa. We went to a private place and had our own dinner. It served as a celebration for our graduation and our engagement.Sana forever na ito. Para kasi akong nasa fairy tale e. So Im hoping that we would reach our happy ending. Sana nga matupad namin ang promise namin sa isat isa. :)Chapter Two - The PreparationsMonths have passed and we've been very busy with the wedding preparations. Aaminin ko, hindi pala talaga madaling mag-organize ng kasal ah. Kaloka e. Haggard to the max! Pero ok lang naman kasi kasama ko naman palagi si Michael. ::)So papunta na kami ni Michael sa aming 1st wedding rehearsal. At honestly, kinakabahan ako. Kahit na practice lang 'to feeling ko totoo na agad e. Ok. Alam ko medyo OA pero anong magagawa ko? This is the moment that I've been waiting for e. :DPara mas lalo kong ma-feel ang practice namin ng kasal, I wore a simple dress. Yung tipong knee-high lang tapos white yung color. Tapos para hindi naman masyadong obvious na feel na feel ko nga talaga, nag-flats na lang ako. Pero kung sobrang kapal lang talaga ng mukha ko, nag-heels na ako e. Haha.Pagdating ko ng simbahan, nandun na ang lahat. Ako na lang yata yung hinihintay. Diyahe naman o. Bakit ang aga nilang dumating lahat? Nakakahiya tuloy. Ako 'tong ikakasal tapos ako pa yung late. Nung papasok na ako ng simbahan, biglang nagtinginan yung mga tao sa akin. Siguro nagandahan sa akin. Haha. Ano ba yan? Ang feeling ko naman o! :D"O. Andiyan na pala yung bride e. Game na para matapos tayo agad."Wedding organizer namin yung nagsalita. Kahit na medyo inis ako sa ugali niya, I have to say na magaling talaga siya. Kasi so far, lahat ng nagagawa naming preparations, ang ganda talaga. Na-meet niya yung expectations namin ni Michael. Pinipilit niya talaga na mapagsama yung mga gusto namin ni Michael para naman daw may touch talaga namin yung wedding.Nung nasa may altar na kami ni Michael, bigla siyang bumulong sa akin."You look very beautiful today. ;)""Salamat. :)""Lovebirds! Mamaya na yang lampungan at pagka-cheesy niyo. Magpractice na muna kayo. Para naman perfect ang wedding niyo.""Ok."So ayun. Nag-practice nga kami ng kasal. At grabe. Feel na feel ko talaga siya. Kahit si Michael feel na feel e. Akala mo totoo na talaga yung nagaganap kasi may naiiyak pa sa mga nandun e. Grabe maka-react e. 1st practice pa lang yun ah. Paano pa kaya kung totoong wedding na? Hay nako talaga o. :DNung natapos na yung practice, tuwang tuwa ang lahat at tuwang tuwa ang aming wedding organizer. Well, dapat lang noh! Napaiyak din siya e. Haha."Great job everyone! See you all on the next practice ok? Yun lang. Thank you for coming today.""Clarisse, tara na.""Ha? Saan tayo pupunta?""Basta. Surprise ko yun sa'yo. ;)""Ok. :)"So umalis na nga kami ni Michael sa simbahan. Patungo kung saan, hindi ko malaman. O ha? Linya yun ng kanta. Haha. Kidding aside, nagpunta kami sa isang magandang bahay. Grabe. Sa sobrang ganda nung bahay, ang sarap palayasin nung may ari nun, at dun na lang kami titira ni Michael. Haha. :D"What do you think? Maganda ba?""Ha? Oo naman. Sobrang ganda nga e. Pero bakit mo pala ako dinala dito?""Dinala kita dito, kasi pagkatapos ng kasal at honeymoon natin, dito na tayo titira. :)""So you mean-""Yes. Sa ating dalawa yang bahay na yan. Sa atin nakapangalan yan. :)"Isa lang ang masasabi ko. WOW! Di pa kami kasal, may bahay na kami. Grabe talaga 'to. Nararamdaman ko na talaga. This is it! :DChapter Three - The First HeartbreakSo naglibot naman kaming dalawa sa loob nung bahay. At grabe, fully furnished na siya. Kaloka talaga e. Pagkatapos naming maglibot, kumain na kami sa isang rataurant. After which hinatid naman niya ako sa bahay. Months have passed at ganun lang din ang nangyayari practice, prepare, practice, prepare. I have to say that Im enjoying this kind of routine already. Haha.Then weve reached the point wherein only 1 month is left before the actual wedding. So to celebrate the success of the preparations, nag-decide yung family ni Michael na magkaroon ng party. Sabi nila yun na rin daw ang huling party kung saan pareho pa kaming single ni Michael. Kasi yung next daw wedding na.Ayun. Nagsaya kaming lahat. Medyo uminom pero super onti lang talaga. Mahirap na noh. Ihahatid pa ako ni Michael pauwi e. Nung nakahanap kami ng time to be alone ni Michael, nag-usap kaming dalawa.Clarisse, sana forever na to noh? Sana lagi tayong masaya at magkasama.Oo nga e. Dont worry. One month na lang naman tapos magkasama na tayo forever. :)Hay. Bakit ba feeling ko ang tagal tagal pa ng one month? Kung pwede nga lang hatakin ang oras, hinatak ko na yun papunta sa wedding date natin e.Onting tiis na lang. Nandito na lang naman ako e at nandiyan ka lang naman.Ewan ko. Siguro excited lang talaga ako kaya ako nagkakaganito.Siguro nga. Haha. Basta tandaan mo, mahal na mahal kita.I love you too, Clarisse. Pagkasabi niya nun, hinalikan naman niya ako. Kaso 10 seconds pa nga lang naputol na. Bigla kasing nagka-fireworks display e. Pakulo nung mga magulang ni Michael. Timing na timing pa talaga e. Haha. :DAnyways, we decided to go back to the party na lang. Nasira na kasi ung moment. Joke lang. Haha. Ang totoo niyan, tawag na kasi kami ng parents ni Michael. Magkakaroon daw ng toast para sa aming dalawa.Okay. So lets have a toast for the future Mr. and Mrs. Chua. May the good Lord fill their relationship with love and lots of blessings. Cheers!Cheers!Nung natapos na yung party, umalis na kami agad ni Michael. Ihahatid na daw niya ako sa condo ko. Since nasa Tagaytay yung party at nasa may Ortigas yung condo ko, medyo mahaba yung biyahe. So I decide to sleep na lang for a while. Nung medyo nagising ako sa lamig, tinignan ko si Michael. Nakangiti tapos hawak yung isang kamay ko. I realized, ang bagal pala nung biyahe namin. Traffic dahil sa ginagawa yung daan so dun kami sa malapit sa curve dumaan. Medyo slippery yung road so binilisan na lang ni Michael yung pagdrive para di mapunta dun sa dulo ng curve yung car. Sa bilis ng mga pangyayari, di ko na alam kung anong sumunod. Parang nag-black out na lang lahat. Wala na akong alam o maramdaman. :-\The moment I woke up, nagtanong agad ako kung nasaan ako at kung nasaan si Michael. Sabi sa akin ng mom ko, nasa hospital daw kami at si Michael, nasa ICU dahil napuruhan daw dahil dun sa car accident. Pagkarinig ko nun, biglang gumuho yung mundo ko. Hindi ko alam kung anong gagawin. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak na para bang wala ng bukas. Pinapatahan ako ng mom ko pero walang use. Ang gusto ko lang ay makita si Michael. :'(So dinala naman ako ng mom ko sa ICU kahit na naka-wheel chair pa ako. Tinitignan kong mabuti si Michael at di ko na naman napigilan ang pagtulo ng luha sa mga mata ko. :'( Pero I gathered enough strength and courage to speak kasi alam ko in one way or another, naririnig niya ako.Michael. I know you can hear me. Please naman o. Gumising ka na. Lumaban ka naman para sa ating dalawa. Di ba nag-promise tayo sa isat isa na magkakasama tayo forever? Di mo pa yun natutupad e. Please, Michael. Mahal na mahal kita. Di ko kayang mawala ka sa buhay ko.Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang sinasabi ko ang mga salitan yun. Hawak hawak ko ang mga kamay ni Michael nung mga panahong yun. Kaso pagkatapos nun, biglang tumunog yung isang machine. Di ko alam kung anong gagawin ko. Dumating bigla yung mga doctor at nurse. Lalo lang akong umiyak. Inilabas na nila ako ng ICU pero nakikita ko pa rin dun sa window kung anong nangyayari. Pahina ng pahina yung heartbeat ni Michael. Hanggang sa dumating sa point na wala na. Sinubukan siyang i-revive nung mga doctor pero wala talaga.I just lost my 1st love and I didnt expect that it would end that way. Hindi ko matanggap na wala na siya. Kung kailan maayos na ang lahat para sa kasal namin. Kung kailan lalo ko siyang minamahal. Kung kailan handa na ako para ibigay yung buong pagmamahal at buong ako sa kanya, HULI NA ANG LAHAT. WALA NA SIYA AT KAHIT KAILAN, HINDI NA SIYA BABALIK. :'( :'( :'(Chapter Four - Moving On & Someone New?Aamin ko. Masakit mawalan ng minamahal. Manhid lang naman ang hindi malulungkot dun e. Kung tutuusin, marami akong pinanghihinayangan dahil sa pagkawala ni Michael. Nakakapanghinayang yung preparations. Yung pagmamahalan namin. Lahat ng bagay na pinagsamahan namin, pinanghihinayangan ko. Nasasaktan ako dahil sa pagkawala niya pero parang sinasabi ng isip ko na magpatuloy lang ako sa buhay dahil yun din ang gusto ni Michael para sa akin. Pero paano ko naman gagawin yun kung siya pa rin ang gustong makasama ng puso ko? :-\Ilang araw na ang lumipas simula nung nilibing si Michael. Pero di lumipas ang isang araw na hindi ako dumadaan sa puntod niya. Kinakausap siya kahit na minsan nagmumukha na akong t@nga. Madalas, inaabutan pa ako dun ng mga magulang niya katulad na lang ngayon."O, Clarisse. Ikaw pala yan.""Opo Tita.""Di ba sabi ko sa'yo wag mo na akong tawaging tita? Kahit na hindi natuloy yung kasal niyo ni Michael ng dahil sa nangyari, parte ka pa rin ng pamilya namin. Kaya Mommy na yung dapat na tawag mo sa'kin.""Ok po, Mommy."Kahit na hindi kami nakasal ni Michael, mabuti pa rin ang pakikitungo sa akin ng pamilya niya. Lalo pa nila akong winelcome sa pamilya nila. Alam kasi nila na ako ang pinakanasaktan ng dahil sa nangyari. Sinusuportahan nila ako at tinutulungan na makapag-move on. Kahit na hindi madali ang pagkalimot sa mga nangyari, kahit papaano, medyo gumagaan yung loob ko dahil sa kanila.A year has passed at 1st death anniversary ni Michael ngayon. As usual, pumunta na naman kami sa puntod niya. Pagkatapos, kumain kami sa labas ng family niya. Hindi ko pa masasabi na nakapag-move on na ako ng todo kasi there's still a part of me na hinahanap-hanap pa rin si Michael. Minsan nga napapanaginipan ko pa siya e and he's always telling me to move on and find someone who could make me happy again.Paalis na sana ako para makabisita dun sa bahay namin ni Michael. [Ginawa ko na lang yung rest house at special place para sa akin. Whenever I feel sad o kaya may problema ako, dun ako palaging pumupunta.] Kaso pinigilan ako nina Mommy."Bakit po Mommy? Wala naman na po tayong gagawin di ba?""Uhm. Gusto ka pa naming makakwentuhan e. Saka magsosolo ka na naman dun sa bahay niyo ni Michael. Mas mabuti ng kasama mo kami."Ok. Mukhang may tinatago sila sa akin. I really smell something fishy. Kung ano mang yun, hindi ko alam. Actually, wala akong balak malaman e. Kasi parang di ko feel kung ano man ang mangyayari. Aalis na talaga sana ako kaso nga lang biglang may dumating."Hello Tita. :)""Nathan, ikaw na ba yan?""Opo. Kamusta na po kayo?""Eto. Nakapag-move on na rin sa pagkawala ng pinsan mo. Ikaw, kamusta?""Ok naman po. Bakit niyo po pala ako pinapunta dito? Sinabihan lang po ako ni Dad na magpunta dito e.""Ah. May ipapakilala kasi ako sa'yo.""Ho? Sino po?""Clarisse, I like you to meet Nathan, pinsan ni Michael. Nathan, I like you to meet Clarisse."Nginitian ko lang siya tapos yumuko na ulit ako. Nung itinaas ko ulit yung ulo ko, biglang nagkatinginan kaming dalawa. Tapos bigla siyang nagsalita."Tita, siya po ba yung-""Siya nga.""Ah. Ok po. Nice meeting you pala. :)""Nice meeting you rin. :)""O sige. Mauna na kami ah. Nathan, ikaw ng bahala kay Clarisse ah. Ingatan mo yan. ;)""Ho? Ok. Sige po. Ingat din po kayo."And now we're left alone. So ito pala yung plano ni Mommy. Ang ipakilala ako sa pinsan ni Michael. At sa nakita kong pagkindat ni Mommy kay Nathan, mukhang sineset-up ako nito ah. It's too early for me to judge Nathan and all pero am I ready to open my heart to someone new?Chapter 5 - Getting to Know Each OtherNung una, hindi kami nag-uusap ni Nathan. Siyempre, nagkakahiyaan pa. Ang lakas din kasi ng tama ng tiyahin nito e. Parang ayaw talaga akong paalisin sa pamilya nila. Dahil sa wala na siyang anak na lalaki, sa pinsan na lang ako sineset-up. Hay. Kaloka talaga tong pamilya nila Michael o. :DAfter 10 minutes of pure silence, sa wakas, nagsalita na ako. Oo. Ako pa ang nag-initiate ng conversation naming dalawa. Naputulan ba siya ng dila o masyado lang na-mesmerize sa beauty ko? So, as I was saying, ako nga yung unang nagsalita. Kung ano yung sinabi ko, ito lang naman.Uhm. Excuse me lang ah. Ayaw ko namang magmukhang rude or something pero may sasabihin ka ba? Buo pa ba yung dila mo? Kasi kung wala kang sasabihin at kung naputol na yung dila mo, aalis na ako. Youre just wasting my time here. Sinabi ko yun sabay irap. Masungit na kung masungit pero the nerve naman! Siya na daw ang bahala sa akin e wala namang nangyayaring matino dito. Kinakain na ako ng dead air.I waited for his answer. At ang sagot niya ay WALA. Hindi pa rin siya nagsasalita. Tumingin lang siya sa akin tapos wala na. I guess thats my cue to leave. Nung tumayo na ako at lumakad paalis sa table namin, bigla niya akong hinawakan sa wrist ko. Obviously, pinipigilan akong umalis.What do you want?Ok. Im sorry. Hindi ko kasi alam ang gagawin ko e. Alam ko naman na alam mong sineset-up tayo ni Tita dito. Ayaw ko lang gumawa ng move o magsabi ng kahit na anong bagay na pwede mong akalain na pananamantala ko sa sitwasyon nating dalawa. In fairness, he looks like a nice guy naman. So I decided to seat down again and listen to whatever he will say.If its alright with you, I want to know you more. Kasi sa inasta mo kani-kanina lang, sa tingin ko, worth it ang makilala ka. Saka pag nakilala kita, pwedeng maging magkaibigan tayo di ba?So humihirit ka naman ngayon. Pero ayos lang naman sa akin. Part ka pa rin naman ng pamilya ni Michael e.About that, I want to ask this thing from you. Alam ko medyo mali to pero pwede bang kalimutan mo na si Michael? Look, I know Im not in the right place to say those things pero nakikita ko sa mga mata mo na hirap na hirap ka na at gusto mo ng makawala sa sakit na nararamdaman mo e. At kung ok lang sayo, pwede kitang tulungang gawin yun if youll give me the chance to do so. Wow. Eye reader pala tong lalaking to e. Pero the last thing that he said caught my attention. Ano namang help ang gusto niyang gawin? ???Wait lang ah. Anong help namang ang gagawin mo aber?Just wait and see. ;) Anak ng! Ayos din to ah. Gumaganun na e first time pa lang naming mag-meet. Pero ewan ko ba, kahit na ganun ang inaasta niya hindi ko magawang mainis ng bongga sa kanya. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya e. Hindi kaya payag si Michael sa mga nangyayari sa amin ngayon?Nag-usap lang kami ng nag-usap ni Nathan. Hindi ko man lang namalayan na 3 oras na pala kaming magkausap. Grabe mag-getting to know e. Nalaman ko na sa London siya nag-aral ng college at grumaduate din siya with honors. He loves music as much as I do. Hes into sports. He plays basketball, soccer, swimming, tennis and bowling. 2 beses pa lang siyang nagkakaroon ng girlfriend. Hes allergic to spicy food. At marami pa akong nalaman tungkol sa kanya. Kapag sinabi ko pa ng isa-isa baka di na ako matapos e. :DI really had a great time with him. Kaso I cant help comparing him to Michael. Sobrang dami kasi nilang similarities. Ayaw ko naman siyang maging kaibigan dahil sa kapareho siya ni Micahel. So I need to find ways on how to stop comparing the two of them.Anong iniisip mo?Ha? Wala naman. Masyado lang marami yung similarities niyo ni Michael e.Ah. Ganun talaga e. Halos sabay kasi kaming lumaki. So, hatid na kita sa inyo?Ok lang ba sayo?Oo naman. :) Hinatid niya nga ako sa condo ko. Pinapasok ko siya kahit sandal lang. Niyaya niya ulit akong lumabas at pumayag naman ako. Nung umalis na si Nathan, may na-realize ako. Sa tingin ko, I LIKE HIM na.Chapter Six - What's the Real Score?Oo. Alam ko na napakabilis para sabihin kong gusto ko na siya. Yun na nga ang problema e. Nagugustuhan ko siya kasi may times na nakikita ko si Michael sa kanya. I know it's wrong but what am I supposed to do? Kapag hindi naman na ako nakipagkita sa kanya, baka kung anong isipin nina Mommy.Months have passed at ilang beses na kaming lumalabas ni Nathan. We really get along well. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya e. Lagi siyang humihirit tapos lagi niya akong napapatawa. Kaya lang, kahit na nakikilala ko na kung sino talaga siya, hindi ko pa ring mapigilan ang pagkukumpara sa kanila. Ugh. Bakit ba kasi magkatulad kayo e?One time, sinundo ako ni Nathan kasi may party yung pamilya nila at gusto akong papuntahin nina Mommy. Yung iba nilang kamag-anak, nakakatunaw yung tingin. Grabe kung makatitig. Pero yung narinig ko ang nagpasakit ng ulo ko."Grabe naman yang babaeng yan ah. Una si Michael, ngayon naman si Nathan. Ayaw niya yata talagang tantanan yung pamilya natin e.""Oo nga. Gold digger lang yata yan e." Papatol na sana ako ng biglang sumabat si Nathan sa usapan nung mga babaeng yun."Ano bang problema niyo ha? Porket walang pumapatol sa inyo, pagdidiskitahan niyo ang iba? At ano naman sa inyo kung kasama ko si Clarisse ha? Hindi niyo naman siya kilala kaya wag niyo siyang husgahan!""Nathan, please. Tumigil ka na. Ok lang naman ako e.""Kahit kailan, hindi yung magiging ok. Wag mo naman hayaang tapak-tapakan ka lang ng mga tao dito. Lumaban ka naman Clarisse."Dinala ako ni Nathan sa garden tapos hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi ko naman gustong malagay sa posisyon na 'to e. Bakit nila nasabi na gold digger lang ako? Wala naman akong pakialam sa yaman nila e. Isaksak pa nila sa baga nila yun. Habang umiiyak ako, biglang tumabi si Nathan sa akin. Pinapatahan na niya ako. Nung medyo nahimasmasan na ako, tinanong ko siya. "Nathan, bakit mo ginawa yun? Bakit mo ako ipinagtanggol? Hindi mo naman kailangang gawin yun e. Hindi mo naman obligasyon ang tulungan ako sa lahat ng oras.""Bakit ako titigil sa paggawa ng bagay na alam kong ikinatutuwa ng puso ko?""What do you mean?""Clarisse, look. Hindi ko alam kung bakit ganito yung naramdaman at nararamdaman ko pero gusto kong kasama ka. Gusto kong pinoprotektahan ka. Gusto kong mapasaya ka. Masyado mang mabilis pero GUSTO KITA. Clarisse, pwede ba tayong lumevel-up?"E? Seryosong usapan ba talaga ang nagaganap? Anong level up ang pinagsasasabi nito? Hindi ko ma-gets. Ang labo e. Masyado talaga akong S-L-O. Ano ba talaga ang gusto niyang iparating? Pwede bang paki-explain? Layman's term please. :D"Ok. Mukhang di mo na-gets ang sinabi ko." Aba! Talaga naman o. Ganun ba ka-obvious ang mga expressions at thoughts ko kaya nababasa niya agad yun o sadyang talent na niya yun? :D"Look. What I'm trying to say is pwede bang mas mataas nna sa friendship yung level ng relationship natin?""Ano naman? Magkapatid? ???""Ay nako. Wag ka ngang patawa. Pwede ba kitang maging girlfriend?"Nyak. Yun pala yung ibig niyang sabihin. Bakit ba ang S-L-O ko talaga? Pagkatapos naming mag-usap pumasok na ulit kami sa loob nung bahay. Nilapitan kami ni Mommy nung nakita niya kami. Nakasunod si Daddy saka yung mga kapatid ni Michael. Tapos nakangiti silang lahat sa amin ni Nathan. Si Mommy biglang nagtanong."So, what's the real score between the two of you ha?"Chapter Seven - QuestionsNagulat ako sa tanong nina Mommy. Hindi ko alam kung paano sasagot. Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko at kung anong magiging reaction nila dun. Kabadong-kabado na ako e. Tinignan ko lang si Nathan tapos ngumiti siya sa akin. Sa ngiti niyang yun, parang gumaan yung pakiramdam ko. Nawala yung kaba ko at nakaharap na ulit ako ng maayos kina Mommy. Siya na rin ang sumagot dun sa mahiwagang tanong."Uhm. Tita, lumevel-up na po. Hehe.""Teka lang. Anong level up?" Hay. Hindi lang pala ako ang S-L-O sa mundo. Hehe. :D"Ay nako. Ma, di mo ba na-gets yun? Ang simple-simple lang nun e.""Hay. Ikaw talagang bata ka o! Magtatanong ba ako kung alam ko yung ibig sabihin?""Sabi ko nga hindi niyo naintindihan. :D""Nathan, ano ngang ibig sabihin nun? ???""Uhm. Kami na po ni Clarisse. Hehe." The next thing I knew, niyakap na kami ni Mommy. Tuwang-tuwa siya sa narinig niya. Siguro dahil sa mission accomplished siya. Siya naman may pakulo nung set-up e. Tanong siya ng tanong tungkol sa aming dalawa hanggang sa si Nathan na ang sumuko. Niyaya na niya akong umalis dun sa party.Tinanong ko siya kung saan kami pupunta kaso sabi niya secret daw na malupit. Hay. Bakit ba ganyan siya kung sumagot? Parang mas pang-masa pa siya kung sumagot kaysa sa akin e. :D Nung nakarating kami sa sinasabi niyang secret na malupit, nagulat ako. Kung bakit, simple lang naman. May candlelit dinner kami sa isang overlooking place somewhere up the road. Oo. Up the road talaga. Nasa may bundok kasi e. Di ko lang alam kung saan talaga. :D"O. Bakit ganyan yung reaction mo? Di mo ba nagustuhan? ???""Ha? Nagustuhan ko siya. Actually, gustung-gusto ko siya. Kaya lang nagtataka ako kung paano mo nahanda lahat ng 'to. E hindi ka naman sigurado kung sasagutin nga kita ah.""Ah. Yun ba. Ako pa! Siyempra na-vibes ko na yun! Hehe. Pero gusto kong sabihin sa'yo na ang saya-saya ko. Alam mo ba yun?""Halata nga e. Pero may isang bagay lang sana akong hihilingin sa'yo. Sana bigyan mo pa rin ako ng space para tuluyan na akong makapag-move on.""Ok. Sige. I'm willing to give you as much space as you want. ;)" Kumain na naman kaming dalawa. Ay nako. Pinapataba ako ng pamilya nila. :D Pagkatapos nun, sumayaw kami kasi may tumutugtog ng violin. Bakit ba gustung-gusto ko yung tunog ng violin? Hay.Nung medyo late na, hinatid na niya ako sa condo ko. Hindi na siya umakyat kasi uuwi pa siya sa bahay nila at medyo malayo pa yun sa condo ko. Nung pag-akyat ko, parang may narinig akong pamilyar na boses galing sa tabi ng unit ko. Pagtingin ko kung sino, napatalon ako sa tuwa kasi yung bestfriend ko nagbalik na!"Waa! Dino! Na-miss kita ng bonggang bongga!""Hay. Di masyadong obvious. Haha! Na-miss din kita! Kamusta ka na?" Ayun. Nagkwentuhan lang kaming dalawa. Sinabi ko sa kanya ang lahat ng nangyari nung nawala siya. Nung nalaman niya na may bago na akong boyfriend, bigla na lang siyang nagtanong."Siya na ba talaga? O baka naman dahil sa hindi mo pa kayang kalimutan yung ex mo kaya sinagot mo siya?""Hindi ko alam e. Pero, anong magagawa ko? Yun ang sabi ng puso ko e. Basta ang alam ko, it's official. Kami na talaga ngayon.""Hay. Sana nga siya na bestfriend. Ayaw na kitang makitang malungkot e. Ay! Sama ka pala sa akin bukas ah! Pupunta ako sa bahay namin.""Ok. Sige. Good night na. Antok na ang lola mo e." Inaantok na talaga ako e. Kaya lang ayaw maalis sa utak ko yung tanong ni Dino. Officially, kami na nga. Pero, siya na nga ba talaga? Hay. Ang gulo talaga ng love na 'to o. :DKinabukasan, nagpunta nga kami sa bahay nila Dino as planned. Nandun lahat ng mga kapatid niya maliban sa isa. Ay nako. Tuwing pupunta ako sa kanila, laging wala yun. Ano kayang problema nun? ??? Nung nasa garden na kami ni Dino, bigla kaming napatigil sa kwentuhan kasi may dumating."Dino?! Nandito ka na pala! Di ka man lang nagsabi o.""Anong di nagsabi? Ikaw kaya ang una kong pinadalan ng e-mail.""Ay. Ganun ba? Hehe. Sensya naman. Sige. Akyat na muna ako sa kwarto ko.""Uhm. Wait lang!""Bakit Clarisse? ???""Pwede ba muna tayong mag-usap?" Nagulat siya sa sinabi ko. Actually, nagulat din ako kasi sinabi ko yun. Kaya nga lang, kailangan ko ng malaman kung ganun siya sa akin e. I want answers to my questions at siya lang ang tanging makakasagot sa mga tanong kong yun.Chapter Eight - The Happenings"Ano ba yun ha?" Okay. Ayaw ko ng tono ng pananalita niya ah. Hindi dahil sa mas matanda siya sa akin gaganyanin na niya ako. Uupakan ko 'to e."Sabihin mo nga sa akin. Bakit ba tuwing pupunta ako rito sa bahay niyo, wala ka? Tapos pag nag-aabot tayong dalawa, umiiwas ka naman. Ano bang problema mo ha?""Simple lang. Hindi ko trip na pakisamahan ka. Ano? Masaya ka na ba?" The heck! Ano ba talagang problema ng taong 'to ha? I'm trying to be nice here pero tinutulak niya ako palayo. Ugh! Siya lang ang di ko kasundo ng bongga sa pamilya nina Dino ah."Would you like to tell me the reason why?""It's none of your business." And he left. Ugh! Nakakainis talaga siya! Hanggang sa umalis ako sa bahay nina Dino ganun siya. Curse you! Go to hell! Oops. Masyado na akong nagiging mean. Galit na lang ako sa kanya. Period.Pagdating ko sa condo ko, galit pa pa rin ako. Kaso nandun pala si Nathan sa labas at hinihintay ako. Nakita niya akong galit. Naku po! Mag-eexplain pa ako nito e. Ayaw ko ng malaman pa 'to ni Nathan e. Kasalanan niya 'to! >:("Hey. Tell me why you look so--- mad. What's wrong?""Let's just talk about it inside. Okay?""Okay."Kinuwento ko naman kay Nathan yung problema ko. But not that detailed. Baka kung ano pang gawin niya dun sa bwisit na nilalang na yun e. Ayaw ko namang mapasabak pa sa away si Nathan. Di na kakayanin ng aking conscience kung pati siya mawawala ng dahil sa akin."Now you know the reason why I'm mad a while ago.""E sira ulo pala yung hinayupak na yun e! Asan ba yun ha? Tuturuan ko ng leksyon ng matauhan naman.""Nathan, please wag na. Kaya nga ayaw ko na sanang sabihin 'to sa'yo e. Na-sense ko na na magiging ganyan yung reaksyon mo. Saka pabayaan mo na siya. Di naman siya yung kaibigan ko e. Si Dino naman e. So bahala na lang siya sa buhay niya. He'll be out of my business, okay?" Ay sus! Nahahawa na ako sa pa-business business nung bwisit na yun! :D"Hmm. Sige. Ganito na lang. Kain tayo sa labas tapos nood tayo ng sine. Para naman ma-relax ka pati na rin ako. Okay? ;)""Sure. I'd love to. :)" At ayun. Nagpunta na lang kami sa mall ni Nathan.Let's speed up the story a little bit. Okay. Not a little bit. Speed up talaga. Haha.Malapit na kaming mag-anniversary ni Nathan. Oo. Mag-iisang taon na kami. At sa araw ng aming anniversary, pinapunta niya ulit ako somewhere up the road. Sa bundok ulit. Haha. I always forget the name of the place e. May Alzheimer's na yata ako. :D Back to what I'm saying. Nag-dinner kami ni Nathan.After nung dinner, may lumapit sa akin na bata. May iniabot siya na rose. Tumingin ako kay Nathan tapos ngumiti lang siya. Pagkatapos nun, may lumapit ulit na isa pang bata at nag-abot naman ng teddy bear. Tapos may nagbigay ulit ng rose tapos chocolate tapos rose ulit tapos yung pinakahuli, may dalang box. Pero hindi niya sa akin ibinigay yung box. Kay Nathan niya ibinigay. Tumingin ako kay Nathan tapos lumuhod siya. Binuksan niya yung box sabay sabi ng "Clarisse, alam ko masyadong mabilis pero gusto ko sanang makasiguro bago ako umalis. Gusto kong umakyat na tayo sa highest level. Clarisse, will you be my girl forever?"Okay. Shocked ang lola mo. Sobrang bilis nga talaga ng mga happenings. Ang bilis naming mag-level up. Paano ako sasagot sa tanong niya kung hanngang ngayon di ko pa nasasagot yung tanong ko? Hindi ko alam kung siya na ba talaga e. I don't want to break his heart but I don't want to break my heart as well. I'm sorry but I have to do this."Nathan, ayaw ko mang masaktan ka pero I don't think I could accept your offer. Hindi pa rin siya nawala sa puso ko e. Ayaw kong mabuhay ng kasama ka lalo na kung ang nakikita ko sa'yo ay siya pa rin. Ayaw kong maging unfair sa'yo. Thank you for giving me the chance to move on. Thank you for being there. Thank you for loving me. Hindi ko alam kung maniniwala ka sa akin pero I loved you. Pero sadyang hindi ko alam kung sapat na ba yung love na yun para tuluyan siyang mawala e. I'm really sorry. :'(" Bago pa man siya makapagsalita, I ran away already. Napakahirap gawin nun pero I have to. I know there's someone out there who'll be THE ONE for me.Chapter Nine - UnexpectedTumatakbo pa rin ako pababa ng bundok habang umiiyak. Masakit din naman para sa akin yung ginawa ko e. Kaya lang, I really have to do it. Takbo ako ng takbo kahit na feeling ko wala namang humahabol sa akin. Napatigil lang ako nung muntik na akong mabangga ng sasakyan. Akala ko oras ko na e kaso tumigil yung sasakyan nung mga 5 inches na lang ang pagitan namin nung sasakyan.Napatigil talaga ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw pero yung luha tuloy pa rin sa pagtulo. Bumaba yung driver nung sasakyan. Nakatingin pa rin ako sa baba at hindi siya tinitignan."Pucha! Magpapakamatay ka ba ha?! Kung gusto mong mamatay wag nga dito! Barilin mo na lang utak mo para tapos agad. Tss." Hindi pa rin ako gumagalaw. Alam ko, mapipikon sa akin yung driver pero di ko pa talaga kayang gumalaw e."Hoy! Bingi ka ba o ano? Sumagot ka nga!" Papalapit na siya sa akin. Siguro babatukan na ako para magising naman ako sa katotohanan."Teka lang. Clarisse?!" Teka. Bakit ako kilala nitong driver? Sino ba 'to? What?! Bakit siya? :o"Clarisse, bakit ka ba nandito? Tapos iyak ka pa ng iyak. Sumakay ka na nga sa sasakyan." Hindi na lang ako nagsalita at sumakay na sasakyan. Tahimik lang ako pero maririnig pa rin yung pag-iyak ko. Nagulat na lang ako kasi biglang may panyo na naka-offer sa harap ko."Punasan mo 'yang luha mo. Wag kang mag-alala. Malinis 'yang panyo ko. Hindi na lang din ako magtatanong kung anong nangyari. Alam ko namang di mo sasabihin sa akin e. Dadalhin na lang kita kay Dino.""Salamat ah.""Oo na lang." Nagmaneho na siya at di na nagsalita ulit. Medyo tumahan na rin ako sa pag-iyak. Kapagod na e. Pero gusto ko talaga siyang tanungin e. Tatanungin ko na ba? Kaya lang baka pilosopohin na naman niya ako. Ugh! Bahala na. Tatanungin ko na siya."Nandito na tayo." Wow. Great job! Perfect timing e. Bumaba na siya at pinagbuksan naman niya ako ng pinto. Papasok na sana siya ng bahay nung nagsalita ako."Wait lang!""Bakit?""Bakit mo ako tinulungan? Tapos bakit parang ang bait mo ngayon?""Hindi naman ako kasing-sama ng iniisip mo. Saka ayaw kong nakakakita ng mga babaeng umiiyak. Ganun lang ka-simple. Pumasok ka na at tatawagin ko na si Dino.""Salamat ulit." Pumasok na ako sa bahay nila at umupo sa sala. Mayamaya bumaba na rin si Dino. Medyo gulat kasi nandun ako, kasabay ko yung kapatid niya at maga ang mata ko."Cla, anong nangyari?""Dino, I broke up with him. I broke his heart. I destroyed his proposal. Dino, di ko na kaya. Di pa rin ako maka-move on. Akala ko ok na ako. Hindi pa pala. Dino, ang sakit. :'(""Sige, iiyak mo lang 'yan Cla. Nandito lang ako. Di kita iiwan." At umiyak na nga lang ako ng umiyak. Kasi alam ko na totoo yung mga sinabi ni Dino. Hindi niya ako iiwan. Siya lang talaga ang takbuhan ko. Siya na lang ang natitirang source of strength ko. Siya na lang talaga.---A year has passed at tinupad ni Dino yung sinabi niya. Lagi lang siyang nasa tabi ko pag kailangan ko siya. Kaya kahit papaano, bumabalik na ako sa normal. Papunta kaming dalawa sa bahay nila. Birthday nung asungot e pero sabi ko kay Dino daan muna kami sa favorite restaurant ko. Bibilhan ko ng cake yung asungot. :PPagpasok namin dun sa restaurant, parang may nakita akong tao na pamilyar sa akin. Medyo malayo kaya di ko muna pinansin. Umorder na lang muna ako nung cake saka coffee para sa amin ni Dino. Nag-uusap kaming dalawa ni Dino nung napansin ko na parang may nakatayo sa likod ko. Paglingon ko, nawindang ako."Nathan?!""Akala ko nakalimutan mo na ako e. Di mo kasi ako pinansin kanina pagpasok niyo.""Pasensya ka na ah. Medyo malayo ka kasi kanina e. Di ko maaninang yung face mo. Musta ka na pala?""Eto. Nahanap na yata yung right girl for me. Ikaw, kamusta? Boyfriend mo ba siya?""That's good to hear. Siya ba yung kasama mo kanina? Ako, ok naman na. Nakabalik na ako sa normal. Nakapag-move on na rin sa wakas kay Michael pati na rin, uhm, sa'yo. Itong kasama ko? Naku, di ko boyfriend 'yan. Siya si Dino, ang aking bestfriend since birth. Haha.""Nice meeting you Nathan.""Nathan, sino sila?""Nice meeting you rin Dino. Ay, siya nga pala. Ito si Farrah, girlfriend ko. Farrah, siya si Dino at siya naman si Clarisse.""Ah. Ikaw yung ex ni Nathan. I've heard so much about you. It's nice to finally meet you. :)""Nathan, bakit mo naman ako kinukwento? Ikaw talaga! Uhm. Nice meeting you rin. :)""Ma'am, ito na po yung order niyong cake.""Thanks. Uhm, paano ba 'yan? We have to go na. Pupunta pa kasi kami sa birthday ng kapatid nitong si Dino e. Nice meeting you ulit. Sana kayo na hanggang sa huli. Bye.""Salamat. Ingat kayong dalawa. :)" At umalis na kami ni Dino. Grabe ah. Dahil sa nangyari, gumaan lalo yung loob ko. Kasi ngayon, alam kong masaya na si Nathan. Ako kaya, kailan magiging masaya?farzy! ayan ah. may exposure ka na with nathan. haha. ;DChapter Ten - Why Oh Why?Pumunta na kami ni Dino sa isa na namang restaurant para dun sa birthday nung asungot. Sa totoo lang, kaya naman asungot tawag ko dun kasi di ko maalala yung pangalan niya e. As I was saying, pumunta nga kami sa restaurant. Nagtatawanan na yung pamilya ni Dino tapos kami naman ni Dino may sariling pinagtatawanan. Parang ewan lang e. Tawa ng tawa. Haha. ;DNung nakita na kami nung isa pang kapatid ni Dino, tumahimik na sila. Binigay ko kay asungot yung cake. Nagulat siya dun ah. Di niya ineexpect na bibigyan ko siya ng ganun. E kasi naman pagkatapos nung break-up namin ni Nathan, di na ulit kami masyadong nagkakausap. Kaya akala niya siguro di kami close. O well, di naman talaga e. Haha. :P"Para saan naman 'to?""Malamang cake para sa'yo kasi nga birthday mo.""E sinong may sabing bigyan mo ako ng cake?""Hay nako. You're welcome." Pagkasabi ko nun, tawa na naman ng tawa yung pamilya ni Dino. Kasi naman yung asungot na yun e. Di na lang magpasalamat. Buti nga binigyan ko pa siya ng cake e. May ganun? Haha. :DNasa kalagitnaan na kami ng pagkain nung biglang may tumawag sa cellphone ko. Pagtingin ko kung sino yung tumatawag, si Mommy pala. Bakit kaya siya napatawag? Hindi kaya alam na niya yung nangyari sa amin ni Nathan? Ay nako naman o."Excuse me lang po. Sasagutin ko lang yung tawag.""Hello Mommy. Napatawag po kayo?""Alam ko na yung nangyari sa inyo ni Nathan. Nasabi na sa akin ng Mommy Lia mo. Ayaw ko mang manghimasok sa love life mo pero sa tingin ko ngayon na yung tamang panahon para isakatuparan yung matagal na naming plano ng Tita Lucy mo.""Ho? Ano pong plano?" At sinabi na sa akin ni Mommy yung so-called plano nila. Na-shock ako sa gusto nilang mangyari. Bakit naman ganun? Waa. Ayaw ko! :DPagbalik ko sa table, nahalata agad ni Dino na may problema ako. Ayaw ko na sanang pag-usapan kasi nga masisira yung moment ni asungot. Kaya lang pinipilit na nila akong lahat e. Oo. Lahat. Pati si asungot na-curious sa problema ko. Kamusta naman yun? Guguho na ba ang mundo? Kaloka naman 'to o. :DPagkasabi ko sa kanila nung problema ko, ganito lang yung reaction nila: "Ano? Bakit naman ganun? Unfair naman yun e! Ay nako, wag kang pumayag!" Take note: sabay sabay nilang sinabi yun. Iisa lang ba ang utak nila? Paano nila nagawa yun? Masyado akong na-amaze e.Sa totoo lang, ayaw ko naman talagang pumayag dun sa plano e. Kaya lang, I have to give it a try first. Wala namang masama kung susubukan ko di ba? Malay natin, yun na pala talaga ang matagal ko ng dapat ginawa. Baka ito na talaga ang gusto ni Bro para sa akin.Ops! Kung iniisip niyong magmamadre ako, hindi noh! Hindi yun ang planong tinatanong ko sa sarili ko kung bakit pa naisip. Masyado ng makabago ang panahon pero pwede pa palang mangyari yun. Sinong mag-aakala nun? Bakit nga ba ganun? Why oh why?Bakit ba kasi ako nagkaganito e? Bakit naging ganito ang takbo ng love life ko? E di sana di na kailangang gawin yung plano na ito./*Flashback*/"Hello Mommy. Napatawag po kayo?""Alam ko na yung nangyari sa inyo ni Nathan. Nasabi na sa akin ng Mommy Lia mo. Ayaw ko mang manghimasok sa love life mo pero sa tingin ko ngayon na yung tamang panahon para isakatuparan yung matagal na naming plano ng Tita Lucy mo.""Ho? Ano pong plano?""Napag-isip isip namin ng Tita Lucy mo na ipagkasundo kayo nung anak niya na nasa Paris.""Ho?! :o E di ko naman po kilala yun e.""Nagkakilala na kayo dati. Sa totoo lang, matagal ka na raw gusto nun e. Kaya lang tuwing uuwi siya rito, may boyfriend ka. Saka di ka na rin nakakapunta dito sa atin kaya di mo na alam kung anong itsura niya. I'm sure magugustuhan mo rin siya.""Pero Mommy, ayaw kong gawin yun. One-sided lang yung magiging relationship namin if ever magkakaroon nga. Ang unfair naman nun e!""Ay nako, Clarisse. Wag ka munang magreklamo pwede? Subukan mo lang muna. Kung sa bandang huli, wala pa rin talaga, e di wag niyong ituloy yung plano. Basta pag-uwi ni Stephen, sort of engaged na kayo. Ok? No more buts. Sige, yun lang. Bye." Argh! Kainis naman o! Ayaw ko nito. As in like swear! Masama ang kutob ko sa "relationship" na 'to e. Di ko feel gawin 'to. Mommy naman kasi e!/*End of Flashback*/Waa! Ayaw ko na talaga! Parang ayaw ko na agad sa kanya kahit di ko pa siya nakikilala e. Mukhang di naman 'to mag-wowork out e. Bakit ba kasi kailangan pa nito e? :Dsensya na. feeling ko ang lame nung update.medyo badtrip kasi ako e.sensya na talaga.Chapter Eleven - Hey StephenOne week has passed simula nung nalaman ko yung kawindang-windang na plano ni Mommy. Hanggan ngayon, wala pa silang tawag regarding not-so-famous Stephen. Hindi kaya di na tuloy yung plan? Well, if that's the case, this calls for a celebration! Haha. ;DNasa flower shop ako ngayon. Business ko kasi ito pero may trabaho din naman ako. Kaya nga lang, ako yung boss dun kaya di ako napepressure na pumasok palagi. Hehe. So as I was saying, nasa flower shop nga ako. Nagbabantay ako ngayon dito. May inaasikaso akong customers ng biglang may tumawag sa phone ko. Nung tinignan ko kung sino yung tumatawag, number lang. Ayaw ko sanang sagutin kasi number nga lang pero out of curiosity, sinagot ko na lang."Hello. Clarisse Abarquez speaking. May I know who's on the other line?""Clarisse, si Tita Lucy mo ito.""Ah. Ok po. Bakit po kayo napatawag?" Wait. I want to rephrase that. Dapat ang sinabi ko: "Bakit pa kayo tumawag?". Hehe. Kidding. Lol. ;D"Uhm. Dumating na kasi si Stephen 3 days ago. Itatanong ko lang sana kung pwedeng mag-meet na kayo mamaya. Hindi ko pa sinabi sa kanya na magkikita kayo ngayon. So parang surprise lang sa kanya yung pagkikita niyo mamaya. Ayun naman ay kung free ka mamaya.""I see. Free po ako mamaya. Saan at anong oras po ba?""Punta ka na lang sa restaurant sa first floor nung hotel namin. Tapos sabihin mo dun sa receptionist na samahan ka dun sa VIP room. Ok lang ba kung mga 3 pm?""Ok. Sige po. See you later na lang po." I ended the call tapos saktong sakto ang pagdating ni Dino."Uy! Ang aga aga, di maipinta yang pagmumukha mo. Ano na namang problema ha?" Hay. Kilalang kilala na talaga ako nitong si Dino. Wala na akong maitagong problema sa kanya e."E kasi magkikita na daw kami nung Stephen na yun mamaya.""O, bakit ka pupunta? Akala ko ba hindi mo siya gusto?""Hindi ko naman talaga siya gusto e! Kaya lang, nakakahiya kay Tita Lucy pag di ako pumunta. :-\""Whatever you say dude. Haha. ;D" Ok. Asar talo na naman ako kay Dino. Waa! Do I really have to this? :DNung mga 2 pm na, umalis na ako sa flower shop. Nag-drive na ako papunta sa hotel nina Tita Lucy. Sinunod ko yung sinabi niya na magtanong pero hindi na ako nagpasama sa receptionist. Pinaturo ko na lang yung room. Nasa may labas na ako ng pinto ng may marinig akong nag-uusap. Mukhang si Tita Lucy at si Stephen."Utang na loob naman Stephen! I'm doing this for your own good okay? Mas gusto ko kung si Clarisse ang makakatuluyan mo kaysa naman kung sinong babae lang diyan.""Talaga lang ha? Baka naman masama ugali nun kaya gusto niyo akong ipagkasundo dun. Tapos baka naman pangit yun. Walang pumapatol sa kanya kaya eto, ipinakiusap ng nanay niya na ipagkasundo ako sa babaeng yun para tapos ang problema." What the heck! Di rin naman masyadong makapal ang pagmumukha nitong Stephen na 'to e? Ang sama ng ugali ah! Di na ako nakapagpigil kaya binuksan ko na yung pinto at sumabat sa usapan nung mag-ina."Look who's talking. Mas masama naman ang ugali mo! Hindi ako desperadang makahanap ng makakasama sa buhay. Kung tutuusin, ang dami namang pwedeng iba diyan e pero ano? Eto ako, stuck sa isang katulad mong walang modo! I'm sorry Tita pero ngayon pa lang, let's stop this plan already. Sa simula pa lang, alam ko naman na pong hindi talaga 'to magwowork e. Sige po, mauna na ako.""Clarisse, wait! Tignan mo yung pinaggagagawa mo! Maayos na sana e. Kahit kailan talaga, problema ka sa buhay!""Wait lang Ma. Siya ba talaga yun? ???""Oo. Siya yung sinasabi ko sa'yo na papakasalan mo. Pero ano? Winasak mo na agad yung plano. Ay! Bahala ka na nga sa buhay mo!" Ay nako. Sinabi ko na nga ba e. Masama talaga ang kutob ko sa relationship na 'to e. Buti na lang at mukhang wasak na yung plano.Bumalik na ako sa flower shop. Nung malapit ng mag-closing yung shop, biglang may dumating. Kung sino, e di yung bwiset na si Stephen lang naman. Ano bang gusto niyang mangyari ha? Akala ko pa naman malaya na ulit ako. :D"What do you want?""Uhm. About the plan-""Ok. Kung iniisip mo na ginusto ko 'to, ngayon pa lang sinasabi ko na sa'yo na ayaw ko! So you're free to go. Wala akong balak na ituloy yun at lalong dumami yung reasons ko para umayaw dahil sa nasaksihan ko kanina.""Ok. I'm sorry. Could we start all over again? J'ai vraiment envie de tout recommencer maintenant que je vois que tu es tellement jolie et je crois que j'ai eu un amour premire vue, la situation avec vous." Huh?! Anong pinagsasasabi nito? Wala akong naintindihan sa sinabi niya sa dulo e. Pwede bang English na lang kasi ang gamitin niya? :Deto na po ang update. ayan ah. may french pa sa dulo. haha. :Dcomments please. :)chikahan tayo. magtanong ka. sasagot ako. -> click!Chapter Twelve - Eh EhNagmamaneho na ako pauwi sa condo ko. Kung iniisip niyo kung paan ako nakaalis dun sa flower shop ng buhay, simple lang naman. Pumayag na lang ako sa hinhingi ni Stephen kahit na palaisipan pa rin sa akin kung ano yung sinabi niya kanina. Ano ba talaga kasing ibig sabihin nun? Hindi ko naman maalala yung buong sinabi niya. Ugh! Sakit sa ulo naman yun e. :DPero ngayon ko lang na-realize na hindi rin pala niya gusto ko yung plano ng mga nanay namin. E kasi kung gusto niya talaga ako, hindi ganun yung iaasta niya sa usapan nila ni Tita Lucy. Pero kung ayaw niya talaga sa akin, e bakit pa siya humihini ng isa pang chance? Waa. Ang labo niya. :DPagdating ko sa condo ko, nsa labas si Dino. Bakit kaya siya nandito? Mang-aasar na naman yata to e. Kainis naman talaga o! Okay. Clarisse, pretend that there's nothing wrong. Everything's okay. Ugh! Di ko kayang mag-pretend. Bahala na nga si batman. :D"O. Bakit ka nandito?""Masama bang pumunta dito ha? Hindi naman di ba? Saka mangungumusta lang ako sa meet and greet moment mo with Stephen. Haha. ;D" Ugh. Sabi ko na nga ba e. Walang matinong rason yung pagpunta nito dito e. Asar talo pa naman ako sa kanya. Waa. :'("Sige lang. Pagtawanan mo lang ako. Lagi ka namang ganyan e. Pag broken-hearted ako ang bait bait mo pero pag ganitong sitwasyon pinagtitripan mo ako. Kainis kaman e! :(""Uy. Sorry na. Sadyang parang may mali sa'yo ngayon e. Nakita mo lang si Stephen nagkaganyan ka na.""Hay. Ewan ko nga ba kung bakit ganito. May something sa kanya na di ko malaman kung ano. Pero yung something na yun, iniiwan akong speechless. Alam mo yun, there's nothing else I can say. :D""Teka lang. Parang narinig ko na yung ganyan e. Lady Gaga, ikaw ba yan?! Haha. ;D""Ay nako. Lady Gaga na kung Lady Gaga. Pero ganun talaga yung nangyari sa akin kanina e. :D""Alam mo Cla, iba na yan. Mukhang tinamaan ka na dun sa Stephen na yun. Tsk. Tsk. Tara na nga. Buksan mo na yung pintuan mo at pumasok na tayo." Teka lang. Bakit ganun yung mukha ni Dino? Parang di siya masaya na tinamaan ako kay Stephen. Di ba dapat masaya siya for me kasi nakahanap na ako ng bagong someone? Hay, Dino. Bakit ka ba ganyan? :-\Naghahanda ako ng dinner pero si Dino nanonood lang ng tv. Dati naman tinutulungan niya ako sa paghahanda ah. Kainis talaga 'to. Pumasok lang sa usapan si Lady Gaga nag-iba na. Ganun na ba ang impact niya sa buhay ni Dino? ??? :D"Dinner's ready.""Ah. Ok." Habang kumakain kami, sonrang tahimik. As in super tahimik. Yung pagnguya at tunog lang ng mga kubyertos yung maririnig mo e. Hindi ko kaya ang ganitong katahimikan. I need to break the ice. :D"Dino, anong problema?""Uhm. Wala?""Meron e. Selos ka kay Stephen noh? Ano ka ba naman? Kahit na may Stephen na sa buhay ko, ikaw pa rin ang bestfriend ko. Kaya wag ka ng magselos, ok?" Aba. Hindi pa rin kumikibo ang loko. What's wrong with you my friend?"Hindi ka ba masaya para sa akin?""Masaya naman pero ayaw na kitang makitang umiiyak ulit e. Nasasaktan din ako kapaga nasasaktan ka. Kaya pag ikaw, umiyak na naman ng dahil sa isang lalaki, ay nako. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko.""Ayiee. Touched naman ako. Kaya love na love kita e! Salamat bestfriend. :)""Oo na. Love you too! Halika nga dito. Haha." Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Wala na akong nasabi pang iba. Ang sabi lang ng puso ko ay "cherry cherry BOOM BOOM". Bakit kaya ganun? :DChapter 13 Are You Freaking Serious?Uy! Cla, ayos ka lang ba? Di ka na nakapagasalita diyan ah.Ha? Oo naman. My bigla lang akong naisip e.Ay nako. Wag mong sabihing yung Stephen na naman yan. Magtatampo na ako sayo niyan. Di na ako sumagot sa tanong ni Dino. Masyado na akong naguguluhan sa mga kinikilos at pinagsasasabi niya e. Parang may nag-iba sa kanya na di ko malaman kung ano.Nanood na lang kami ng dvd. Nung natapos na yung movie, umuwi na rin siya. Di agad ako nakatulog kasi iniisip ko nga kung bakit nagkaganun bigla si Dino. E bago naman kami mag-meet ni Stephen ayos naman ang lahat sa aming dalawa. Yung tipong normal naman ang mga hanppenings. Bigla lang talagang nagbago yung ihip ng hangin e.Days have passed at medyo ganun pa rin si Dino. Pero kahit na ganun, nagkikita pa rin kami ni Stephen. Aaminin ko, hindi ko pa rin siya masyadong gusto pero may part ng isip ko na nagsasabing bigyan ko par in siya ng chance. Kung bakit, kasi malamang-lamang sa totoong engagement din naman kami mapupunta.After 3 months of meeting Stephen everyday, he said he wants to say something to me which is very important. Kung ano yun, obviously hindi ko alam but I am very eager to know whatever it is. Hindi pa rin kasi kami nagkakaroon ng masinsinang pag-uusap e. So I met him sa VIP room ng restaurant ng hotel nila. Ang isa sa pinakamemorable na lugar sa so-called relationship namin.Pagdating ko dun sa restaurant, nakita ko agad siya. Nakaupong mag-isa sa loob ng VIP room. Pagpasok ko, bigla siyang tumayo at sabay sabi ng Tara. Dun na lang tayo sa may garden mag-usap. Di ko na feel dito e. Ako naman, sumunod na lang sa kanya at di na nagtanong ng kung ano man. Pero mukhang seryosong pag-uusap talaga ang magaganap ah.Gusto ko na sanang magtanong kung ano ba yung pag-uusapan naming dalawa kaso nahihiya naman ako. Baka kasi biglang mawala yung moment niya tapos di pa niya masabi yung mga dapat niyang sabihin e diyahe naman yun di ba? Buti na lang talaga at nagsalita na siya.First of all, gusto kong sabihin na sorry ah. Di ko naman sinasadya yung mga nangyari sa atin nung una tayong magkita e. Sadyang nag-freak out lang ako nung sinabi ni Mommy na magpapakasal na ako tapos sa di ko pa kakilala. Alam ko naman na ganun din yung naging reaction mo nung sinabi sayo yung plano e. Pero alam mo ba, I never thought I could be this happy with you. Akala ko wala lang talaga. Akala ko hanggang love at first sight lang to yung tipong na-mesmerize lang ako sa outer beauty mo tapos wala na. Ayun pala mali ako. Kasi hindi ko man lang namalayan na unti-unti na pala akong nahuhulog sayo. Ganito ah. Bago sabihin sayo yung pinakaimportanteng bagay na sasabihin ko sayo, kain na lang muna tayo. E? Adik to ah. Nambitin pa e. Di na lang sabihin agad yung gustong sabihin.Pagkatapos naming kumain, naglakad-lakad kami dun sa may garden nung restaurant. Nagtaka ako nung bigla siyang tumigil dun sa tapat ng isang table. Nakaharap naman siya sa akin pero kapansin-pansin na lumilipad yung utak niya. Ang lalim yata talaga nung iniisp niya e. Ganun ba talaga ka-importante yung kailangan niyang sabihin?Medyo naiinip na ako nung mga panahong yun. 15 minutes na rin kasi kaming nakatayo lang dun na parang ewan. Di kami umiimik, nagtitinginan o nag-uusap. Ang labo talaga nito. Akala ko ba pinakaimportante yung kailangan niyang sabihin ngayon? E bakit di man lang siya nagsasalita ngayon?Magtatanong na sana ako kung ano ba talaga yung sasabihin niya sa akin kaso naunahan na naman niya ako. Bigla siyang lumuhod sa harap ko, naglabas ng isang maliit na kahon galing sa bulsa niya at sabay sabi ng Will you marry me?. Seryoso yung itsura niya samantalang ako gulung-gulo sa mga nangyayari. Di ko alam kung para saan ba yung tanong na yun e. E di ba engaged naman na talaga kami?Matapos ang mabilisang pag-iisip, nagkaroon na ako ng desisyon. Sasagot na sana ako dun sa mahiwagang tanong ng may bigla akong narinig na nagsabi ng Yes, Stephen. I would marry you!. Nagulat lalo ako nung nakita ko si Stephen na tumayo at nilagpasan ako. Pagtalikod ko, may nakita akong girl at tuwang-tuwa siya pati na rin si Stephen. Siyet. Ang labo pare. Bakit ganito?Clarisse, ito yung gusto kong sabihin sayo. May girlfriend na kasi ako sa Paris bago ako bumalik dito. Kaso ayun nga, nagkaroon ng plano sina Mommy tapos medyo nagustuhan pa kita. Sorry ah. Di ko naman gustong mangyari yung ganito e. Sorry talaga.Uhm. Seryoso ba talaga to? Patawa ka ah. Makaalis na nga. Grabe ah. Naloka ako dun. Ang labo talaga. Akala ko pa naman may chance na maging siya na yung hinahanap ko. Ayun pala, malilinlang lang ako. Akala ko pa naman sa akin siya nagpopropose, hindi pala. Ang feling ko naman kasi e. Nako. Paano ko to sasabihin kay DIno? Pahiya na naman ako nito e.Chapter Fourteen - TerrifiedPag-uwi ko sa condo ko, nakita ko si Dino na naghihintay na parang atat na marinig ang balita. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang mga nangyari kanina e. Baka kasi bigla niyang sugurin si Stephen. Ayaw ko ng gulo. Please lang. Sana wag na niyang tanungin. >.