tayo tay.ppt

Embed Size (px)

Citation preview

  • May Plastik Ang Mundo

  • Matagal na HuwanMatagal nang ipokrito ang laro mong itoMatagal nang ikay my trono sa impyernoAt nilulumot na ang kapwa mo tao.Sa iyo, lumang tugtugin na ang pag-ibig sa DiyosPatay na si Bigayan itsura ni damayan Ang takot ay wala nat nilamon ng sigloAng ginto mong pader, malaya kay Kristo

  • Mga TalinghagaIpokrito ang laro moTrono sa impyernoNilulumot ang kapwa mo taoPatay na si bigayan itsura ni damayanNilamon na ng sigloGinto mong pader

  • Natutuwa ka sa iyong panaloAng bahay moy pito; ang kotse ay waloSa bahay ampunan, sa Mental HospitalKaharap-harap mo, kamerat potograpoNagagalit kang madaya ng iba;Bago ang maskaray suot-suot mo naAt ang simbahan ginawa mong bangketa

  • Mga talinghagaMaskaray suot-suot mo naSimbahay ginawa mong bangketa

  • Paluhod-luhod ka kung Linggot Huwebes SantoTapos duduraan mo ang pulubi sa kantoMagmumura kat manloloko ng taoNasisikmura mo ang ganitong serbisyo?

  • Mga TalinghagaDuduraan mo ang pulubi sa kantoNasisikmura mo ang ganitong serbisyo

  • Huwan, O Huwanbakit? O Bakit ba?Ang magandang laraway ginawa mong dikdikan.Dapat bang isigaw at ipagbulgarangBinalot mo ng plastikang mundo, ang mundo!

  • Mga TalinghagaHuwan, O Huwan! Bakit? O bakit ba? Ang magandang laraway ginawa mong dikdikanBinalot mo ng Plastik ang mundo

  • TAYUTAYAng paggamit ng mga salita sa kanilang di-karaniwan at literal na kahulugan upang maging kaakit-akit at malinaw na istilo. Ito ay nakapagdaragdag ng kagandahan sa isang katha, pasalita man o maging pasulat

  • Simili o Pagtutulad

    - Ginagamit ito sa paghahambing ng dalawang bagay, tao, pangyayari atbp. Itoy gumagamit ng mga pagtutulad na salita.

    Katulad moy pambura ng aking lapisInaalis, alaalang puno ng hapisLarawang may tuwaMuling iguguhit

  • Metapora o Pagwawangis naghahambing din tulad ng pagtutulad ngunit hindi gumagamit ng mga pagtutulad na salita. Ito ay tiyakang paghahambing.

    Ikaw ang payong ng aking buhaySilungan ng initHatid ay proteksyonSa panahong masungit

  • Personipikasyon Pagbibigay katauhan o pagsasalin ng talino o gawain at katangian ng tao sa mga bagay-bagay sa paligid natin.

    Umahip ang hanginYumapos sa akinHatid na ligayaSa pusong may dusa

  • Pagmamalabis Tinatawag din itong eksaherasyon. Itoy nagbibigay ng lagpas-lagpasang kalabisan o kakulangang angkin ng mga bagay, tao, pangyayari, kalagayan o katayuan.

    Nadurog ang pusoNg amang palalo,Sinapit ng anakSa malupit niyang palad

  • Metonimiya o Pagpalit-tawag Ang pansamantalang pagpapalit ngalan o pagbibigay ng ibang katawagan ng mga bagay na magkakaugnay

    Ilaw ng tahananIkaw ang sandiganLamyos ng pagmamahalSa pag-unlad koy tangan

  • Senekdoke o pagpapalit-saklaw Ang tayutay na itoy bumabanggit saisang bagay para tukuyin ang kabuuan Ang palad ng babaeAy babasaging salaminNa kung iyong hihinginAy taimtim mong idalangin

  • Balintunay o Ironya Ang pagpapahayag na ganito ay parang pumupuri ngunit kung uunawaing mabuti ay pangungutya

    Sa Husay ng mga namumunoPamahalaan ay gumuhoMga tapat sa tungkulinBarya sa bulsa koy kumakalansing

  • Ang Apostrope o Pagtawag Itoy tuwirang pagtawag o pakikipag-usap sa isang di-kaharap, o panawagan sa isang bagay na bagamat wala ay ipinalalagay na naroroon at nakauunawa

    KapayaanKailan ka ba namin makakamtan?Kung ikaw ay ipinagkakaitSa baryang halaga ang kapalit?

  • Pagsayusay (Tanong Retorikal) Itoy isang pagtatanong na karaniwang nasa anyong panawagan subalit di nangangailangan ng katugunan

    Sinong ama ang makakatiisSa pagdurusa ng anakAt paghihirapNa pasakit

  • Paghahalintulad ( Analogy) Itoy ang tuwirang paghahambing ng mga kaugnayan o relasyon

    Tubig at langisAng kanilang kaparisAway at parungit Sa kanilay mamumutawi

  • Ang Pag-uulit Itoy ang paraan ng paggamit ng magkakatulad na mga unang titik o pantig sa dalawa o higit pang mga salitang magkakasunod

    Sa luneta lilibotLulukmot lulunurinAng lungkot

  • Paglalapat ng tayutay sa tula Ang Hindi Magmahal sa sariling wika Mahigit sa ____ at ______Sa Aking mga KababataDr. Jose P. Rizal

  • Ang Hindi Magmahal sa sariling wika Mahigit sa hayop at malansang isda Sa Aking mga KababataDr. Jose P. Rizal

  • Sapagkat ang punong may hangad sa ____Ay mariing hampas ng langit sa ______

    Florantet Laura Francisco Balagtas

  • Sapagkat ang punong may hangad sa yamanAy mariing hampas ng langit sa bayan

    Florantet Laura Francisco Balagtas

  • Ikaw nga ikaw nga ang nang isang arawItong buong _____ ay kinaladkad motIyong _____ hanggang maging iyo

    Sa Harap ng Isang BungoJose Corazon De Jesus

  • Ikaw nga ikaw nga ang nang isang arawItong buong mundo ay kinaladkad motIyong inilipad hanggang maging iyo

    Sa Harap ng Isang BungoJose Corazon De Jesus

  • Nang ako maulila, Gumuho ang buong ____, Mga mata lumuluha. ________ nag-aadhika

    Ulilani Norilyn Ilagan

  • Nang ako maulila, Gumuho ang buong tadhana, Mga mata lumuluha. Puso nag-aadhika

    Ulilani Norilyn Ilagan

  • Sa tuwing sasapit ang petsang ito ________sa tuwa ang puso ko Kung magagawa ko lang ____ ito At ialay sa nag-iisa kong mahal na nanay

    Pasasalamat Ko kay Nanay ni Paul Pruel

  • Sa tuwing sasapit ang petsang ito Lumulukso sa tuwa ang puso ko Kung magagawa ko lang dukutin ito At ialay sa nag-iisa kong mahal na nanay

    Pasasalamat Ko kay Nanay ni Paul Pruel

  • Palikha ng tula gamit ang bagay