2
Tanong (T): Ano ang Procurement Program ng NFA? Sagot (S): Ang pamimili ng palay at mais ng NFA ay isa sa mga programang pansuporta ng pamahalaan sa mga magsasaka ng butil. Nagtatakda ang pamahalaan ng “support price” sa pagbili ng palay at mais upang tiyakin ang sapat na kita ng mga lokal na magsasaka. T: Ano ang iba pang layunin ng programang ito bu- kod sa pagtiyak ng sapat na kita sa magsasaka? S: Layunin din ng procurement program ng NFA na makalikom ng sapat na buffer stock upang tugunan ang pangangailangan ng bansa para sa food security at mapanatili ang tamang suplay at presyo ng mga butil lalo na ang bigas na pangunahing pagkain ng mga Pilipino. T: Sino ang maaring magbenta ng palay at mais sa NFA? S: Ang NFA ay bumibili ng palay at mais sa lahat ng magsasaka, indibiduwal man o grupo. Mayroon lang mga kailangang dokumento upang masiguro na sila ay lehitimong mga magsasaka at hindi mga nego- syante ng bigas o palay at mais. T: Ano ang mga dokumentong kailangan upang makapagbenta ang isang magsasaka sa NFA? S: Ang proseso ng pagbebenta sa NFA sa ngayon ay lalong pinadali para sa mabilis na serbisyo sa mga magsasaka. Kailangan lamang magkaroon ng Farmer’s Passbook bilang patunay na siya ay isang lehitimong magsasaka. Dito nakasaad kung ilang ek- tarya ang sinasaka, at kung saan ang kanyang saka- han. Dito din nakabatay kung ilang kaban ang maaar- ing ibenta ng isang magsasaka o Farmer Organization (FO) sa NFA. Sa ngayon, limitado sa pitong ektarya ang maaring ideklara ng isang indibiduwal na magsa- saka para sa farmers passbook. T: Paano kung wala pang Farmer’s Passbook? Maari bang magbenta ang isang magsasaka sa NFA? S: Kahit wala pang passbook ang isang magsasaka, maari ding magbenta sa NFA ng hanggang 200 kaban sa una at isang pagkakataon lamang. Kailangan la- mang niyang magsumite ng Farmer’s Information Sheet sa NFA para na din mabigyan siya ng passbook para sa mga susunod niyang pagbenta ng kanyang ani sa ahensiya. T: Ano ang mga kailangan upang makakuha ng Farmer’s Passbook? S: Tatlo lang ang kailangan: 1. Farmer’s Information Sheet; 2. Sertipikasyon mula sa alin man sa mga su- musunod: Kapitan ng barangay, Municipal Agricultural Officer ng LGU (LGU-MAO), Municipal Agrarian Reform Officer ng DAR (DAR-MARO), o pinuno ng National Irrigation Administration (NIA) na may sakop sa lugar; at 3. ID Picture. Kung walang ID picture ang magsa- saka, NFA na ang kukuha ng kanyang litrato. Lahat ng prosesong ito ay ginawa nang libre o walang bayad. T: Paano naman ang proseso sa mga kooperatiba o asosasyon ng mga magsasaka? S: Ang mga Farmers’ Groups (FG) - organisasyon, o kooperatiba ng mga magsasaka ay maaari ding mag- benta ng palay o mais sa NFA sa ilalim ng programang Institutionalized Procurement Program (IPP). Kailan- gan lang ng FG na magsumite sa NFA ng mga su- musunod para mabigyan ng Master’s Passbook: CERTIFICATE OF REGISTRATION sertipikasyon mula sa Cooperative Development Authority (CDA), Securities and Exchange Commission (SEC), o iba pang ahensya ng gobyerno na rehis- trado ang kanilang grupo; ASSEMBLY RESOLUTION kailangan ng re- solusyon sa kagustuhan ng organisasyon na su- mali sa IPP at nagtatalaga sa awtorisadong mi- yembro ng grupo bilang Farmers Group Coordi- nator (FGC) at isang kahaliling FGC; MASTERLIST OF FARMER MEMBERS magsu- sumite ang FG ng listahan ng kanilang mga kasap- ing magsasaka na sertipikado ng kahit alin man sa NIA, DAR-MARO o LGU-MAO. Ilalagay din sa lis- tahan ang lawak ng sakahan ng bawat kasapi, lokasyon, at kung ito ay may irigasyon o wala. T: Magkano ang bili ng NFA sa bawat kilogramo (kg) ng palay? S: Ang NFA ay bumibili ng palay na tuyo at malinis sa presyong P17.00/ kg. May dagdag pang P0.20 /kg na insentibo kapag tuyo ang palay (14% moisture con- tent o mas mababa). Mayroon pang P0.20 hanggang P0.50/kg na delivery incentive, depende sa layo ng sakahan ng magsasaka sa buying station o warehouse ng NFA. Para sa mga FGs, may dagdag pang Coopera- tive Development Incentive Fee (CDIF) na P0.30/kg na mapupunta naman sa kanilang grupo o koop- eratiba. Sa kabuuan, maaring umabot sa P18.00/kg ang bili ng NFA ng palay. T: Magkano naman ang bili sa mais? S: Ang NFA ay bumibili ng mais, yellow corn grain (YGN) o white corn grain (WGN). Sa yellow corn grain, ang tuyo at malinis ay binibili ng NFA sa P12.30/ kg habang ang white corn grain ay P13.00/ kg. May dagdag pang P0.20 /kg na insentibo kapag 14% o mas mababa ang MC, at dagdag din na P0.20 hanggang P0.50/kg na delivery incentive. Para sa mga FGs, may dagdag pa ring CDIF na P0.30/kg. PALAY YELLOW CORN GRAINS WHITE CORN GRAINS a. NFA Buying Price P 17.00 P 12.30 P 13.00 b. CDIF for FOs/FCs/FAs 0.30 0.30 0.30 c. DRYING INCENTIVE (14% or below MC) 0.20 0.20 0.20 d. DELIVERY INCENTIVE 0-10 kms 10-20 kms 20-30 kms Beyond 30kms 0.20 0.30 0.40 0.50 0.20 0.30 0.40 0.50 0.20 0.30 0.40 0.50

Tanong (T) MASTERLIST OF FARMER MEMBERS · Tanong (T): Ano ang Procurement Program ng NFA? ... ang maaring ideklara ng isang indibiduwal na magsa-saka para sa farmers passbook. d

  • Upload
    others

  • View
    11

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Tanong (T) MASTERLIST OF FARMER MEMBERS · Tanong (T): Ano ang Procurement Program ng NFA? ... ang maaring ideklara ng isang indibiduwal na magsa-saka para sa farmers passbook. d

Tanong (T): Ano ang Procurement Program ng

NFA?

Sagot (S): Ang pamimili ng palay at mais ng NFA ay

isa sa mga programang pansuporta ng pamahalaan sa mga magsasaka ng butil. Nagtatakda ang pamahalaan ng “support price” sa pagbili ng palay at mais upang tiyakin ang sapat na kita ng mga lokal na magsasaka.

T: Ano ang iba pang layunin ng programang ito bu-

kod sa pagtiyak ng sapat na kita sa magsasaka?

S: Layunin din ng procurement program ng NFA na

makalikom ng sapat na buffer stock upang tugunan ang pangangailangan ng bansa para sa food security at mapanatili ang tamang suplay at presyo ng mga butil lalo na ang bigas na pangunahing pagkain ng mga Pilipino.

T: Sino ang maaring magbenta ng palay at mais sa

NFA?

S: Ang NFA ay bumibili ng palay at mais sa lahat ng

magsasaka, indibiduwal man o grupo. Mayroon lang mga kailangang dokumento upang masiguro na sila ay lehitimong mga magsasaka at hindi mga nego-syante ng bigas o palay at mais.

T: Ano ang mga dokumentong kailangan upang

makapagbenta ang isang magsasaka sa NFA?

S: Ang proseso ng pagbebenta sa NFA sa ngayon ay

lalong pinadali para sa mabilis na serbisyo sa mga magsasaka. Kailangan lamang magkaroon ng Farmer’s Passbook bilang patunay na siya ay isang lehitimong magsasaka. Dito nakasaad kung ilang ek-tarya ang sinasaka, at kung saan ang kanyang saka-han. Dito din nakabatay kung ilang kaban ang maaar-ing ibenta ng isang magsasaka o Farmer Organization (FO) sa NFA. Sa ngayon, limitado sa pitong ektarya ang maaring ideklara ng isang indibiduwal na magsa-saka para sa farmers passbook.

T: Paano kung wala pang Farmer’s Passbook? Maari

bang magbenta ang isang magsasaka sa NFA?

S: Kahit wala pang passbook ang isang magsasaka,

maari ding magbenta sa NFA ng hanggang 200 kaban sa una at isang pagkakataon lamang. Kailangan la-mang niyang magsumite ng Farmer’s Information Sheet sa NFA para na din mabigyan siya ng passbook para sa mga susunod niyang pagbenta ng kanyang ani sa ahensiya.

T: Ano ang mga kailangan upang makakuha ng

Farmer’s Passbook?

S: Tatlo lang ang kailangan:

1. Farmer’s Information Sheet;

2. Sertipikasyon mula sa alin man sa mga su-

musunod: Kapitan ng barangay, Municipal

Agricultural Officer ng LGU (LGU-MAO),

Municipal Agrarian Reform Officer ng DAR

(DAR-MARO), o pinuno ng National Irrigation

Administration (NIA) na may sakop sa lugar; at

3. ID Picture. Kung walang ID picture ang magsa-

saka, NFA na ang kukuha ng kanyang litrato.

Lahat ng prosesong ito ay ginawa nang libre o

walang bayad.

T: Paano naman ang proseso sa mga kooperatiba o

asosasyon ng mga magsasaka?

S: Ang mga Farmers’ Groups (FG) - organisasyon, o

kooperatiba ng mga magsasaka ay maaari ding mag-benta ng palay o mais sa NFA sa ilalim ng programang Institutionalized Procurement Program (IPP). Kailan-gan lang ng FG na magsumite sa NFA ng mga su-musunod para mabigyan ng Master’s Passbook: CERTIFICATE OF REGISTRATION – sertipikasyon

mula sa Cooperative Development Authority (CDA), Securities and Exchange Commission (SEC), o iba pang ahensya ng gobyerno na rehis-trado ang kanilang grupo;

ASSEMBLY RESOLUTION – kailangan ng re-solusyon sa kagustuhan ng organisasyon na su-mali sa IPP at nagtatalaga sa awtorisadong mi-yembro ng grupo bilang Farmers Group Coordi-nator (FGC) at isang kahaliling FGC;

MASTERLIST OF FARMER MEMBERS – magsu-sumite ang FG ng listahan ng kanilang mga kasap-ing magsasaka na sertipikado ng kahit alin man sa NIA, DAR-MARO o LGU-MAO. Ilalagay din sa lis-tahan ang lawak ng sakahan ng bawat kasapi, lokasyon, at kung ito ay may irigasyon o wala.

T: Magkano ang bili ng NFA sa bawat kilogramo (kg)

ng palay?

S: Ang NFA ay bumibili ng palay na tuyo at malinis sa

presyong P17.00/ kg. May dagdag pang P0.20 /kg na insentibo kapag tuyo ang palay (14% moisture con-tent o mas mababa). Mayroon pang P0.20 hanggang P0.50/kg na delivery incentive, depende sa layo ng sakahan ng magsasaka sa buying station o warehouse ng NFA. Para sa mga FGs, may dagdag pang Coopera-tive Development Incentive Fee (CDIF) na P0.30/kg na mapupunta naman sa kanilang grupo o koop-eratiba. Sa kabuuan, maaring umabot sa P18.00/kg ang bili ng NFA ng palay.

T: Magkano naman ang bili sa mais?

S: Ang NFA ay bumibili ng mais, yellow corn grain

(YGN) o white corn grain (WGN). Sa yellow corn grain, ang tuyo at malinis ay binibili ng NFA sa P12.30/ kg habang ang white corn grain ay P13.00/kg. May dagdag pang P0.20 /kg na insentibo kapag 14% o mas mababa ang MC, at dagdag din na P0.20 hanggang P0.50/kg na delivery incentive. Para sa mga FGs, may dagdag pa ring CDIF na P0.30/kg.

PALAY YELLOW

CORN

GRAINS

WHITE

CORN

GRAINS

a. NFA Buying Price P 17.00 P 12.30 P 13.00

b. CDIF for FOs/FCs/FAs 0.30 0.30 0.30

c. DRYING INCENTIVE (14% or below MC) 0.20 0.20 0.20

d. DELIVERY INCENTIVE 0-10 kms 10-20 kms 20-30 kms Beyond 30kms

0.20 0.30 0.40 0.50

0.20 0.30 0.40 0.50

0.20 0.30 0.40 0.50

Page 2: Tanong (T) MASTERLIST OF FARMER MEMBERS · Tanong (T): Ano ang Procurement Program ng NFA? ... ang maaring ideklara ng isang indibiduwal na magsa-saka para sa farmers passbook. d

T: Maaari din bang magbenta ng mas mababang uri

o klasipikasyon ng palay sa NFA?

S: Bumibili rin ang NFA kahit hindi gaanong tuyo

hanggang sa 30% MC, at ang presyo ay ibabatay sa tsart ng Equivalent Net Weight (ENW) ng NFA para sa palay.

T: Paano ang proseso ng pagbebenta ng palay at

mais sa NFA?

S: Pumunta lang po sa pinakamalapit na buying sta-

tion o warehouse ng NFA at kumuha ng Authority to Deliver at iskedyul kung kailan dadalhin ang palay/mais sa NFA. Maigi na magdala ng sample ng palay o mais na ibebenta upang makita ng classifier o Quality Assurance Officer (QAO) kung ano ang inisyal na klasipikasyon ng butil na ibebenta. Pagdala ng palay o mais sa NFA, saka kukunan ng sample bawat sako at titimbangin. Bibigyan ng kopya ng WSR ang nagbe-benta at matapos kuwentahin ang halaga ng palay na ibinenta, maari na niyang kunin ang bayad sa Cashier ng NFA.

T: Ano pa ang mga dagdag na benepisyo sa magsa-

saka kapag sa NFA siya nagbenta ng palay?

S: Unang-una, sa pagbebenta sa NFA, nakatutulong

agad ang magsasaka sa seguridad ng bansa sa pag-kain. Sinisiguro nito na mayroong patuloy na imbak na palay ang NFA para sa mga mamimili ng bigas para sa pang araw araw na pangangailangan o sa panahon ng kagipitan at kalamidad. Bukod sa di pabago-bagong presyo ng NFA, na-kasisiguro pa ang magsasaka sa klasipikasyon at tim-bang ng bentang palay dahil gumagamit ang NFA ng mga digital na moisture meter at palaging calibrated ang mga timbangan.

T: Ano pa ang ibang programang kaakibat ng pro-

curement program ng NFA?

S: Mayroon ding tinatawag na “indirect support pro-

grams” ang NFA para sa mga magsasaka gaya ng:

FARMER’S INCENTIVE RICE PURCHASE PROGRAM (FAIR) – Ito ay insentibo na ibinibigay sa mga Farmer Organizations na may Master Passbook (MP) na magbebenta ng kanilang palay sa NFA. Sa programang ito, ang mga kwalipikadong FO ay binibigyan ng karapatang bumili ng bigas sa NFA katumbas ng 25% ng palay na ibinenta nila sa NFA sa nakaraang isang taon. Ang mga FOs na wala pang Master Passbook ay maaring humingi ng accreditation mula sa NFA sa ilalim ng Institu-tionalized Procurement Program (IPP).

FARMER’S OPTION TO BUY BACK (FOBB) – ang

mga magsasaka ay binibigyan ng pagkakataon na bilhin muli sa NFA ang palay na ibinenta nila sa ahensiya sa nakaraang anim na buwan upang ipagbili sa labas, kung ang presyo sa mga traders ay mas mataas sa presyo ng NFA.

PALAY MARKETING ASSISTANCE FOR LEGISLATORS

AND LOCAL GOVERNMENT UNITS (PALLGU) - Ang mga LGUs at mga Legislators ay maaring maki-pagkasundo sa NFA upang maglaan ng premium o dagdag na presyo sa kasalukuyang buying price ng NFA sa pagbili ng palay. Kapalit nito ay ang karapatan o opsyon ng LGU/Legislator na bilhin ang mga palay na nabili sa ilalim ng PALLGU.

Para sa mga suhestiyon, reklamo at iba pang mga tanong, maaring tumawag o makipag-ugnayan sa NFA sa mga sumusunod: Bantay Bigas Hotline (OPCEN) - 4541344 TXT NFA—09064363133 Social Media Accounts

> Facebook.com/nfapublicaffairs > Twitter and Instagram @bigas_nfa

Natio

na

l Fo

od

A

uth

ority

Sug

ar C

ente

r B

uild

ing,

Nor

th A

venu

e, D

ilim

an,

Que

zon

City

w

ww

.nfa

.gov

.ph