3
Maaaring makakuha ng mga nakasalin na materyales at impormasyon saSFHSA.org/PublicCharge. Ang mga Sagot ng San Francisco Human Services Agency sa Inyong mga Tanong tungkol sa Public Charge Ang impormasyon na ito ay pangkasalukuyan mula Enero 27, 2020 1. Ano ang public charge? Ang public charge ay isang salita na ginagamit sa batas ng imigrasyon upang ilarawan ang isang tao na maaaring umasa sa suporta ng gobyerno mula sa pagtanggap ng mga benepisyo. Ginagamit ng mga pederal na opisyal ng imigrasyon ang isang “public charge” test o pagsusuri upang madisisyunan kung sino ang maaaring papasukin sa Estados Unidos at sino ang maaaring maging Lawful Permanent Residency (LPR)—na kinikilala din bilang green card holder. Ginagamit din ito para sa mga LPR na umalis ng bansa ng 6 na buwan at gustong bumalik. Hindi maapektuhan ang mga tao na nag-aaplay para maging U.S. citizen. 2. Narinig ko na may bagong patakaran tungkol sa public charge. Ano ang mga pagbabago? Pinalawak ng pederal na gobyerno ang listahan ng mga programa na maaaring ikonsidera sa ilalim ng public charge test. Muling binago ang depinisyon ng public charge sa bagong patakaran bilang isang tao na “mas malamang kaysa sa hindi” na tumanggap ng pampublikong benepisyo sa higit sa 12 na buwan sa loob ng panahon ng 36 na buwan. Tandaan: Iba ang patakaran kapag nag-aaplay kayo para sa green card sa labas ng U.S. Ang pagtanggap ng mga pampublikong benepisyo mula sa mga sumusunod na program ay kasali ngayon sa pagkonsidera sa test ng public charge: CalWORKs General/cash assistance/CAAP (Programa sa pagtulong ng County para sa Taong Nasa Hustong Gulang (County Adult Assistance Programs) CalFresh Supplemental Security Security (SSI- Kita sa Karagdagang Seguridad) Pangmatagalang Pangangalaga Medi-Cal (see exceptions in question 3) Housing choice vouchers at tulong sa pagarkila Pampublikong Pabaha 3. Mayroong bang mga benepisyo na hindi ikokonsidera sa bagong patakaran ng public charge? Oo, hindi kasali ang sumusunod na listahan ng mga pampublikong benepisyo sa test ng public charge: Medi-Cal para sa mga kabataan na wala pang 21 taong gulang, mga buntis, at mga medikal emergency na kondisyon Lunas sa Sakuna (Disaster relief) Programa ng Nutrisyon sa Paaralan Women, Infants, and Children (WIC Foster care at Pag-aampon Head Start at ibang mga subsidy para sa pangangalaga ng mga bata Earned Income Tax Credit (EITC) Child Tax Credit (CTC) Anumang mga ibang benepisyo na hindi nakasulat sa question 2.

Ang mga Sagot ng San Francisco Human Services …...Ang mga Sagot ng San Francisco Human Services Agency sa Inyong mga Tanong tungkol sa Public Charge Ang impormasyon na ito ay pangkasalukuyan

  • Upload
    others

  • View
    44

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Maaaring makakuha ng mga nakasalin na materyales at impormasyon saSFHSA.org/PublicCharge.

Ang mga Sagot ng San Francisco Human Services Agency sa Inyong mga Tanong tungkol sa Public Charge

Ang impormasyon na ito ay pangkasalukuyan mula Enero 27, 2020 1. Ano ang public charge?

Ang public charge ay isang salita na ginagamit sa batas ng imigrasyon upang ilarawan ang isang tao

na maaaring umasa sa suporta ng gobyerno mula sa pagtanggap ng mga benepisyo.

Ginagamit ng mga pederal na opisyal ng imigrasyon ang isang “public charge” test o pagsusuri upang

madisisyunan kung sino ang maaaring papasukin sa Estados Unidos at sino ang maaaring

maging Lawful Permanent Residency (LPR)—na kinikilala din bilang green card holder. Ginagamit din

ito para sa mga LPR na umalis ng bansa ng 6 na buwan at gustong bumalik. Hindi maapektuhan

ang mga tao na nag-aaplay para maging U.S. citizen. 2. Narinig ko na may bagong patakaran tungkol sa public charge. Ano ang mga pagbabago?

Pinalawak ng pederal na gobyerno ang listahan ng mga programa na maaaring ikonsidera sa ilalim ng public charge test. Muling binago ang depinisyon ng public charge sa bagong patakaran bilang isang tao na “mas malamang kaysa sa hindi” na tumanggap ng pampublikong benepisyo sa higit sa 12 na buwan sa loob ng panahon ng 36 na buwan. Tandaan: Iba ang patakaran kapag nag-aaplay kayo para sa green card sa labas ng U.S.

Ang pagtanggap ng mga pampublikong benepisyo mula sa mga sumusunod na program ay kasali ngayon sa pagkonsidera sa test ng public charge:

CalWORKs

General/cash assistance/CAAP (Programa sa pagtulong ng County para sa Taong Nasa Hustong Gulang (County Adult Assistance Programs)

CalFresh

Supplemental Security Security (SSI- Kita sa Karagdagang Seguridad)

Pangmatagalang Pangangalaga Medi-Cal (see exceptions in question 3)

Housing choice vouchers at tulong sa pagarkila

Pampublikong Pabaha

3. Mayroong bang mga benepisyo na hindi ikokonsidera sa bagong patakaran ng public charge?

Oo, hindi kasali ang sumusunod na listahan ng mga pampublikong benepisyo sa test ng public charge:

Medi-Cal para sa mga kabataan na wala pang 21 taong gulang, mga buntis, at mga medikal emergency na kondisyon

Lunas sa Sakuna (Disaster relief)

Programa ng Nutrisyon sa Paaralan

Women, Infants, and Children (WIC

Foster care at Pag-aampon

Head Start at ibang mga subsidy para sa pangangalaga ng mga bata

Earned Income Tax Credit (EITC)

Child Tax Credit (CTC)

Anumang mga ibang benepisyo na hindi nakasulat sa question 2.

Maaaring makakuha ng mga nakasalin na materyales at impormasyon sa SFHSA.org/PublicCharge.

4. Maapektuhan ba ang lahat ng mga imigrante dahil sa public charge?

HINDI. Hindi maapektuhan ng bagong patakaran ng public charge ang karamihan ng mga imigrante na tumatanggap ng pampublikong benepisyo. Hindi maapektuhan ng test ng public charge ang mga refugee, asylee, at iba pang mga kategorya ng mga imigrante na nakapasok sa pamamagitan ng mga programang pantao (humanitarian). At hindi maaapektuhan ng test ang mga green card holder na nag-aaplay para sa U.S. citizenship o sa pag-renew ng green card.

Bawat kaso ng imigrasyon ay naiiba. Maaaring makakuha ng libreng ligal na payo sa

komunidad para maunawaan kung paano—o hindi—maapektuhan ang inyong pamilya ng

public charge. Mangyaring tumawag lamang sa Bay Area Legal Aid's Legal Advice Line sa

(800) 551-5554 kung mayroon kayong katanungan tungkol sa public charge at pampublikong

benepisyo. Maaaring makatanggap ng tulong sa lahat ng wika.

5. Kailan magkakabisa ang bagong patakaran ng public charge?

Ang pederal na pamahalaan ay hindi pa inihayag ang petsa ng pagpapatupad; i-update namin ang mga madalas na itinanong na mga katanungan kung kailan nila nagagawa.

6. Kailan gagamitin ang test ng public charge?

Maapektuhan ang ilan na ligal na estatus ng imigrasyon dahil sa bagong patakaran, at mangyayari

lamang ito sa ilang punto sa proceso ng imigrasyon. Sa pangkaraniwan, gagamitin ang public

charge na test sa taong:

Nagaaplay na pumasok sa U.S.

Nagaaplay na baguhin ang kanilang estatus sa imigrasyon para maging LPR (para

makakuha ng green card)

Mayroong green card at muling papasok sa bansa pagkatapos ng pagalis sa U.S. ng higit sa

sunod-sunod na anim na buwan

7. Narinig ko na maaari daw magkaroon ng pagbabago sa pagturing sa aking aplikasyon sa

citizenship kung ako o ang pamilya ko ay gumamit ng kahit anumang programa sa

pampublikong tulong (public assistance programs). Totoo ba ito?

HINDI. Hindi maapektuhan ng public charge ang pag-apply para sa citizenship.

8. Narinig ko na maapektuhan daw ng public charge test ang pag-renew sa green card. Totoo

ba ito?

HINDI. Kung mayroon na kayong green card at kailangan ninyong i-renew ito, hindi maaapektuhan

kayo sa test ng public charge.

Maaaring makakuha ng mga nakasalin na materyales at impormasyon sa SFHSA.org/PublicCharge.

9. Paano kung ang mga anak ko lamang ang tumatanggap ng mga benepisyo pero hindi ako?

Maapektuhan ba ang aplikasyon ko para sa green card dahil sa pagtanggap nila ng mga

benepisyo?

HINDI. Ayon sa bagong patakaran ng public charge ikokonsidera lamang ng pederal na gobyerno

ang pampublikong benepisyo na ginagammit ng tao na gustong baguhin ang kanilang estatus sa

imigrasyon, at hindi sa pampublikong benepisyo na ginagamit ng isang miyembro ng pamilya nila.

10. Nagbago ba ang eligibility para sa pampublikong benepisyo?

HINDI. Ang mga patakaran para sa mga benepisyo ng pampublikong tulong ng California ay HINDI

nagbago. Kung eligible kayo para tumanggap ngayon ng Medi-Cal, CalFresh, CalWORKs, cash at

child care assistance, or In-Home Supportive Services (IHSS), puwede pa rin kayong tumanggap ng

benepisyo.

11. Nagaalala ako para sa privacy ng aking impormasyon. Paano ginagamit ng

Human Services Agency ang impormasyon na binibigay ko tungkol sa aking sarili at

ng aking pamilya?

Hindi ginagamit ng pederal na gobyerno ang aming mga sistema para sa pag-enforce ng

imigrasyon. Ginagamit lamang ng HSA ang impormasyon na ibinigay ninyo para malaman kung

eligible kayo para sa mga benepisyo. Maaaring kailanganin namin na patunayan ang impormasyon

na ibinigay ninyo sa inyong aplikasyon para sa pampublikong benepisyo sa pederal na gobyerno,

pero ginagawa lamang ito nang makumpirma na karapat-dapat kayong makatanggap ng

benepisyo.

12. Matatanggal ba ang impormasyon ko sa mga sistema ng California kapag itinigil ko ang

pagtanggap ko ng benepisyo?

Hindi. Mananatili ang rekord ng inyong dating kaso sa computer system ng estado at lokal na

gobyerno, kaya nasa amin pa ang inyong file. Kapag tinigil ninyo ang inyong pagtanggap ng mga

benepisyo, mawawalan kayo ng mahalagang coverage sa kalusugan, cash, at pagtulong sa pagkain

(food assistance), at hindi mabubura ang kasalukuyang mga rekord ninyo.

13. Mayroon pa akong mga tanong tungkol sa epekto ng pagsali sa mga progamang

pampublikong benepisyo sa aking estatus sa imigrasyon o citizenship. Puwede ba ninyo

akong tulungan?

Gustong matulungan kayo ng HSA na maunawaan ang inyong mga karapatan at para tuluyan

kayong makatanggap ng tulong na kailangan ng pamilya ninyo. Hindi kami puwedeng magbigay

ng ligal na payo pero nakikipagtrabaho kami sa mga kwalipikadong abogado sa imigrasyon na

makakapagbigay ng libreng tulong.

Para sa mga katanungan tungkol sa pampublikong benepisyo at public charge, tumawag lamang sa Advice Line ng Bay Area Legal Aid: (800) 551-5554. Para sa libreng ligal na tulong sa imigrasyon mula sa mga organisasyon na batay sa komunidad, bistahin ang: immigrants.sfgov.org. Maaari kang makakuha ng tulong sa wikang Filipino.