16
Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_gov bcs.gov.ph bcs_gov EMERGENCY POWERS NI PRRD, POSIBLENG SOLUSYON SA TRAPIKO 14 V. LANDIG 6 M. LADISLA 3 MEDIAMAN SWS: PRRD 'VERY GOOD' ULIT SA MGA PINOY Pencak Silat PH Team, sasabak sa SEAG 2019 KUWENTONG GENERATION GAP 2 R. CABUGWANG 2 I. ATOMPAG 6 R. CABUGWANG ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 1 BLG. 5 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • OKTUBRE 2019 P60M loan assistance, sagot ng DA sa ASF

sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

  • Upload
    others

  • View
    3

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

Ano ang masasabi mo sa Balita Central? Sumulat o bisitahin, i-Like, i-Follow, at magkomento sa aming social media at website. bcs.gov bcs_govbcs.gov.ph bcs_gov

EmErgEncy powErs ni prrD,posiblEng solusyon sa trapiko

14 V. LANDIG

6 M. LADISLA

3mEDiamansws: prrD'VEry gooD'ulit samgapinoy

pencak silatpH team,sasabak sasEag 2019

Kuwentong generation gap

2 R. CABUGWANG

2 I. ATOMPAG

6 R. CABUGWANG

ISSN NO. 2672-2631 • TOMO 1 BLG. 5 • BUREAU OF COMMUNICATIONS SERVICES • OKTUBRE 2019

p60m loan assistance, sagot ng Da sa asF

Page 2: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

2Oktubre 2019 Balita

Recovery, rehabilitation, tuloy-tuloy na MARAWI CITy, 100% CLeAReD Ni Ivy E. Atompag

SWS: PRRD 'Very Good' ulit sa mga PinoyNi Raiza F. Cabugwang

Kuntento pa rin ang mga Pilipino sa pamamalakad ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang lumabas sa Third Quarter 2019 survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 27-30 ng taong ito, kung saan nakakuha ang Pangulo ng +65 net satisfaction rating — mababa

MARAWI CITY — Pinangunahan ng Task Force Bangon Marawi (TFBM) ang paggunita sa anibersaryo ng liberalisasyon ng Marawi mula sa terorismo noong Oktubre 17 sa tinaguriang Most Affected Areas (MAA) ng lungsod dalawang taon matapos ang giyerang dulot ng teroristang grupong ISIS-Maute sa lugar.

Kasabay ng mga programa at aktibidad na inihanda para sa pag-alalang ito, inimbitahan ng Presidential Communications Operations Office sa pangunguna ni Assistant Secretary for Global Media and Public Affairs JV Arcena ang iba’t ibang sangay at miyembro ng media mula sa lokal at internasyunal na sektor para sa Marawi City Reporting Event noong Oktubre 16-17.

Sa loob ng dalawang araw na ito ay nagbigay ng mahahalagang updates sa estado ng pagbangon ng mga apektadong residente at barangay sa Marawi ang mga pangunahing ahensya ng gobyernong naatasan sa rehabilitasyon ng lugar,

( ▶ 7 )

lamang ng tatlong puntos mula sa pinakamataas niyang personal record na +68 na naitala noong Hunyo ng taon ding ito.

Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na sumailalim sa face-to-face interviews. Ang mga kalahok ay nagmula sa iba’t

ibang panig ng bansa — 600 mula sa Balance Luzon o mga lugar na sakop pa rin ng Luzon ngunit labas na ng Kalakhang Maynila, 600 mula Mindanao, at tig-300 mula sa Metro Manila at Visayas. Ang naturang survey ay may sampling error margins na ±2.3% para sa national percentages nito,

MANILA — Matapos pumutok ang balitang bumalik ang polio virus sa bansa pagkaraan ng 19 na taong pagiging polio-free, siniguro ng Department of Health (DOH) na mayroong sapat na bakuna ang ahensya upang maproteksyunan ang mga bata laban sa polio.

Ayon kay Undersecretary Rolando Domingo, tatlo ang natukoy na sanhi ng pagbalik ng polio sa bansa:

Una ay ang mababang bilang ng nagpapabakuna. Mula 2013 hangang 2017, unti-unting bumaba sa 67-75% ang vaccination coverage. Sa nakaraang taon na 2018, bumagsak pa lalo ito sa 65% para sa Oral Polio Vaccine (OPV) at 43% para sa Inactivated Polio Vaccine (IPV).

Ikalawa ay ang paghina ng pagreport ng mga kasong Acute Flaccid Paralysis (AFP) sa mga nakalipas na taon. Sa Polio Surveillance, nirereport ang mga kaso na AFP o ang mga nagkasakit na may sintomas ng biglang paghina o paralysis ng parte ng katawan upang malaman kung ito ay sanhi ng polio o iba pang uring sakit.

Ikatlo ay ang hindi malinis na kapaligiran, kakulangan sa palikuran at pozo negro, at open defecation. Ang poor environmental sanitation ay nagpapataas sa posibilidad na magkaroon ng circulation ng polio virus sa kapaligiran. “Nagsama-sama ‘yung tatlo ngayon and unfortunately, nagkaroon tayo ng polio cases” paliwanag ni Usec. Domingo.

Sa kasalukuyan, may dalawang naitalang kaso ng polio sa bansa. Inihayag ni Usec. Domingo na tumutulong ang DOH sa pangangailangan ng dalawang bata upang masiguro ang kanilang agarang paggaling.

Dagdag pa niya, walang dapat ikabahala ang publiko sapagkat hindi nabawasan ang pondo ng ahensya para sa mga bakuna. Ito ay matapos

partikular na ang TFBM na binuo noong 2017 para sa tungkuling ito.

Ayon kay TFBM Chairperson at Urban and Development Coordinating Council Chair Eduardo del Rosario, layunin ng grupong idineklera ang Most Affected Areas, na kilala rin bilang Ground Zero at binubuo ng 24 na barangay sa ilalim ng lalawigan ng Marawi, na 100% cleared na ang mga ito mula sa mga bomba at pampasabog ngayong buwan ng Oktubre.

“This October, the most affected area (MAA) will be cleared of bombs. Ang safety consideration natin mawawala na. We will be requesting the AFP to declare the MAA cleared of the danger of bombs,” panimula ni Chair. Del Rosario.

Sa ulat ng AFP Exploded Ordnance and Disposal Team, tinatayang may 536 na Unexploded Ordnance (UXO) na ang na-recover sa Ground Zero at inaasahang matatapos ang pag-recover at pagdetonate ng mga pampasabog na ito hanggang

Oktubre 31 ng taong ito. Kasabay ng nasabing

reporting tour ay isinagawa ang aktwal na detonation sa isa sa mga natitirang UXO na nakita sa lugar. Ipinakakahulugan nito ang pagtatapos ng matagumpay na clearing operations ng mga bomba at pampasabog sa lugar.

“The NHA, on behalf of the Office of the President, is finally coming to an end in terms of debris clearing. The debris clearing is the first and the most critical component of the rehabilitation in the most affected areas,” pahayag ni National Housing Authority General Manager Marcelino Escalada, Jr., na siyang naatasang manguna sa clearing operations sa lugar.

Ikinagalak ding ipaalam ni Del Rosario sa lahat na nasusunod ng gobyerno ang timetable na ginawa para sa rekonstruksyon at rehabilitasyon ng lugar. Ayon sa kaniya, ginagawa nila at ng mga kasamang ahensya ang lahat upang ma-clear ang mga debris hanggang Nobyembre 30 para masimulan

na ang konstruksyon ng mga proyekto ng gobyernosa lugar.

“We would like to inform everybody, especially our Maranao brothers and sisters, that in this second anniversary of the Marawi liberation, we would like to announce that we are on track with our timetable as embodied in the Master Development Plan. . . By November 30 of this year, we will also clear all the debris to pave the way for the reconstruction of all projects, vertical projects, government infrastructures that will commence on November or December this year and onward,” aniya.

Dagdag pa ni Chair. del Rosario, ginagawa umano ng pamahalaan ang lahat upang mapabilis ang pagbalik ng mga Internally Displaced Persons (IDPs) sa kanilang mga bahay at lugar na nasira noong kasagsagan ng giyera. Tinatayang 2,846 na displaced homeowners ang nagbigay ng permiso sa Inter-agency Committee

( ▶ 11 )

±4% para sa Balance Luzon at Mindanao, at parehong ±6% din para sa Metro Manilaat Visayas.

Sa kabuuan, 78% ang nagpahayag na masaya sila sa pamumuno ng Pangulo, 13% lang ang salungat dito, at 9% naman ang hindi nakapagpasya.

Mula sa pagiging “very good” niya noong nagdaang quarter, umakyat naman sa “excellent” ang rating ng pinuno ng bansa sa Visayas matapos niyang makatanggap ng +75 na puntos dito, mas mataas ng siyam na puntos sa +66 niyang rating noong nagdaang quarter. Nanatili naman siyang “very good” sa Metro Manila sa rating niyang +66 na mas mataas ng pitong puntos kung ikukumpara sa rating niyang +59 noong nakalipas na quarter. Bagama’t bumaba ng ilang puntos ang rating ng Pangulo sa Balance Luzon at Mindanao, nanatili pa rin siyang “very good” sa naunang nabanggit na lugar sa rating niyang +54, at “excellent” pa rin sa Mindanao matapos niyang makamit ang score na +76.

( ▶ 13 )Photo credit: Presidential Photographers Division

Page 3: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

Editoryal 3Oktubre 2019

MEDIAMANNi Martin M. Andanar

APAT na taon na ang nakalilipas, nag-adopt ang United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) ng isang resolusyon na nagdedeklara na ang ika-28 ng Setyembre kada taon ay ituturing na International Day for Universal Access to Information (IDUAI). Binanggit sa resolusyon na napakahalaga na ang isang pamahalaan ay bukas o transparent sa mga mamamayan. Mula noon, iba’t ibang aktibidad ang ginagawa sa buong mundo para palaganapin ang karapatan ng bawat indibidwal sa pagkalap ng impormasyon.

Nitong Setyembre 28, 2019, nagsagawa ang aking tanggapan, ang Presidential Communications Operations Office, ng kauna-unahang lokal na selebrasyon ng IDUAI. Bago iyon ay nag-organisa kami ng mga patimpalak na nagpapakita ng pagiging malikhain ng ating mga kabataan upang mapalawak ang pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng sining gaya ng film, photography, essay writing, at spoken word poetry.

Ang Freedom of Information (FOI) office na pinamamahalaan ni Asec. Kris Ablan ang naging punong abala sa mga aktibidad at patimpalak. Sa ginanap na pagtitipon sa Cinematheque Center, Film Development Council of the Philippines sa Maynila ay pinarangalan ang mga kabataang nagwagisa bawat kategorya.

May nakahanda akong maikling speech, pero dahil sa venue na makasining ang kapaligiran ay mas gumana sa akin ang pagiging artistic kaysa logical. At dahil pawang mga kabataan ang audience, bilang ama ng dalawang teenager, pakiramdam ko ay biglang nasa harapan ako ng maraming anak. Ginawa kong casual ang pagsasalita at nauwi iyon sa open forum.

Nabanggit ko sa kanila na bago ako umalis ng bahay ay nagkaroon kami ng maliit na argumento ng aking anak na binatilyo. Old stuff. Bilang tatay ay disciplinarian ako. Madalas kong banggitin sa aking mga anak na time is of the essence. Hindi puwedeng babagal-bagal ang kilos. Dapat ay maagang gumising, ayusin ang mga assignment sa school, kumain at matulog on time, etc., etc. Ang sagot lang niya sa akin: “Dad, don’t worry. It’s our generation, not yours. We can take care of ourselves.”

Habang nasa daan ay naisip kong tama yata ang aking anak. May kanya-kanya tayong henerasyon. At na-survive ko naman ‘yung akin.

Napag-usapan namin ng mga kabataan ang mga henerasyon mula sa “baby boomers” matapos ang World War II. Kung bakit baby boomers, malaking bahagi ng ating populasyon ang nasawi sa panahon ng giyera kaya ang mga lolo at lola natin noon ay talagang nagparami ng mga anak.

Sumunod ang Generation X na ipinanganak sa pagitan ng 1965 at 1980. Dito ako kabilang. Ang sinasabing rebeldeng henerasyon.

Ang malaking bilang ng ating henerasyon ngayon ay ang mga Millennial na isinilang sa pagitan ng 1981 at 1996. Sila ang Generation Y.

Ang Generation Z, o Gen Z, ang sumunod sa mga milenyal. Sila ang bata pa lang ay namulat na sa internet, sobrang komportable sa teknolohiya at

sa social media. Madalas kong sabihin na sila angdigital natives.

Nabanggit ko sa mga bagets na bawat generation ay nag-iisip na mas higit kaysa sa sinundan o sa susunod pa. Gaya ko halimbawa. Kung ang mga magulang ko ay nakagisnan ang mga lumang tradisyon gaya ng pagsisimba, bagaman at religious pa rin ako, hindi naman ‘yung araw-araw ay nasa simbahan ako. Kung sila ang nasusunod sa pagkuha ng kurso pagdating sa kolehiyo, ang henerasyon ko ay rebelde na at sumusuway na sa kanilang gustong career path para sa mga anak.

Pero sa kabila ng generation gap, sinabi ko sa kanila na may isang mahalagang factor sa pag-unlad ng isang indibidwal — at iyan ay ang umiiral na kultura sa kanilang henerasyon. Ang mga kabataan ngayon, at ang mga kabataan ng nakalipas na panahon, ay lumawak ang kaisipan at ang kaalaman dahil sa namamayaning kultura.

Payo ko sa kanila, embrace your culture and do not be confused with your identity, dahil kung ano ang huhubog sa kanila ay ang mga kasalukuyang nagaganap sa kanilang paligid ngayon. Sa case ko, namulat ako sa panahon ng Walkman, ng giyera sa Iraq, sa People Power, sa 80s music. Kaya hanggang ngayon ay dala ko ang hilig sa musika at sa mga kaganapang pampulitika sa ating bansa at buong mundo. Ang mga kabataan ngayon, may smartphone kung saan ang komunikasyon, impormasyon, at entertainment ay sabay-sabay nang na-e-enjoy. Sa pulitika, nasasaksihan nila ang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte na iba sa nakagisnang liderato ng ating mga ninuno pero nakukuha natin ang nais na mga pagbabago.

Na-realize ko rin, kapag nag-i-impose ako sa aking mga anak, kaya madalas nilang sabihin na hindi na mag-wo-work para sa kanila ang aking mga sinasabi, iyon din nga pala ang nasa sulok ng aking isipan sa panahong nagrerebelde ang aking kalooban sa gustong mangyari ng aking parents sa aking buhay. ‘Ika nga ay hindi na angkop sa panahon.

Long and short of it, no culture, no generation is better than the previous or the next one. Nabubuhay tayo sa isang panahon kung saan naghahanap tayo ng sariling identity. Ang ating identity ay maipahahayag sa pamamagitan ng musika at pananamit. May iba’t iba tayong paraan ng pagpapahayag ng ating mga sarili at pag-iisip. Ang sitwasyon na kinalakhan natin ang lumilikha ng mga katangian ng ating henerasyon.

Ang tungkulin ko, ng PCOO at ng FOI, ay ang tiyakin na ang susunod na henerasyon ay

magkakaroon ng kapaligiran na matulungin at kaaya-aya para sa mga bagong ideya at katangian upang magkaroon tayo ng mas magandang Pilipinas. Ito rin ang naging layunin ng ating mga magulang kaya lumikha sila ng isang kapaligiran para sa ating lahat upang isulong ang pag-aangat ng ating kalagayan sa buhay at sa pagpapaunlad ng ekonomiya para sa isang matatag na bansa.

Yakapin natin ang ating kinagisnang kultura, pero dapat din nating pahalagahan at ipagpatuloy ang sa ating mga ninuno. Kung tatanggapin at mauunawaan natin ang nakalipas, walang magiging problema sa ating gagawing paghahanap sa ating sariling identity — at maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan ngmga henerasyon.

Now, I want to talk to my son again. ■

Kuwentonggeneration gap

EDITORIAL BOARD

MA. FLORINDA PRINCESS E. DUQUEEditor-in-Chief

DARIUS JOSUEEILEEN CRUZ-DAVID

Managing Editors

CAROLINA TONGKOProduction Manager

ARLENE BARRIENTOSCirculation Manager

KEVIN LARANANGArt Director / Cartoonist

VANESSA LANDIGAssociate Editor

JOAN ALCANTARAIVY ATOMPAG

RAIZA CABUGWANGMONICA LADISLA

Writers / Researchers

ARNOLD DIAMATPhotographer

BALITA CENTRAL is published bimonthly by the Bureau of CommunicationsServices with office address at PCS Bldg. 310 San Rafael St.

San Miguel Malacañang Complex, Manila 1005.

BALITA CENTRAL is freely distributed by the Bureau of Communications Services. Any person caught selling copies of the tabloid will be penalized.

For any inquiries, you may contact us through the following: Phone: (02) 734-2117 • E-mail: [email protected]

Facebook: bcs.gov • Website: www.bcs.gov.ph

ENREL TAN RAYMOND DELA RAMA

Layout Artists

Page 4: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

4Oktubre 2019

EditoryalUGNAYANNi Ma. Florinda Princess E. Duque

SIBOLNi Vanessa R. Landig

Napakaraming pagbabago ang nangyayari sa ating bansa dulot ng pag-usad ng panahon kung paano tayo nakikipag-ugnayan. Nauna na ang mainstream media tulad ng print, telebisyon, radyo, at ang makabagong paraan ng komunikasyon o ang tinatawag nating social media or new media. Gamit ang ating mga computer, laptop, at mobile phones, kahit saanman tayo naroroon ang dali ng komunikasyon at ang access sa impormasyon ay tuloy-tuloy.

Ayon sa pag-aaral ng “We Are Social” ngayong 2019, umabot na sa 107 billion ang populasyon ng Pilipinas at 74 milyong Pilipino naang gumagamit ng social media. Ngunit mayroon pa ring mga Pilipino na kinukuha ang kanilang balita o source ng impormasyon sa tradisyunal na pamamaraan. Kaya naman ang ating gobyerno ay pinalalakas ang komunikasyon nito sa kahit anong plataporma — maging print man o online.

Sa pamumuno ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, pinalakas pa ang pwersa ng pagkakalat ng impormasyon upang maiangat ang kaalaman at kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa mga proyekto at polisiya ng administrasyong Duterte. Pinarami ang mga social media site ng mga ahensyang nasa ilalim ng PCOO upang mas maraming Pilipino ang maabot at mabigyan ng impormasyon. Sa pamamagitan ng social media. Naisasakatuparan ng PCOO ang layunin nito na tulungan ang bawat mamamayan na makapag-avail ng mga benepisyo, malaman ang tamang proseso, at maranasan ang mataas na antas ng serbisyo sa bawat ahensya ng gobyerno.

Sa tulong na rin ng social media, nalalaman ng gobyerno ang pulso ng bayan. Kaya naman ang mga programa at polisiya ay sadyang sinusuri at pinag-aaralan nang mabuti para sa benepisyo ng nakararami.

Higit na magiging madali sana ang buhay kung magiging alisto at palaging may sapat na kaalaman. Kapag well-informed ang bawat mamamayan, mas magiging mabilis ang pagbabago na ninanais nating mangyari sa ating bansa at positibo ang magiging epekto nito upang maisulong ang NATION BUILDING.

Para laging updated at balanse ang impormasyong nakakalap, tiyaking

paSSion to inForM tHe FiLipinoS no More cHiLdren Having cHiLdren laging nakatutok sa mga sumusunod na government media na nasa ilalim ng PCOO:1. People’s Television Network (PTV) – kung saan mapapanood ang mga napapanahong isyu at mga bagong programa at proyektong gobyerno2. Radyo Pilipinas 1 (DZRB 738 AM) - kung saan mapakikinggan ang mga napapanahong isyu at mga bagong programa at proyektong gobyerno3. Philippine News Agency (PNA) – kung saan itinatampok ang mga international na balita tungkol sa Pilipinas. Dito rin kinukuha ng international media ang mga balita tungkol sa ating gobyerno4. Balita Central – ang “dyaryo ng bayan” kung saan mababasa ang mga napapanahong isyu, balita, at mga bagong sinasagawang hakbangin ng pamahalaan gayundin ang mga bagong programa. Napakahalaga na may sapat na kaalaman ang bawat Pilipino sa mga kaganapan sa gobyerno lalung-lalo na sa mga plano at polisiya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang gabinete. Hindi lamang naitataas nito ang kamalayan ng bawat isa, bagkus, napagbubuklod din nito ang pamahalaan at ang kanyang mga pinamamahalaan.

Sa loob ng tatlong taon ng pagmamahala ni Sec. Andanar bilang inatasan na kalihim ng PCOO, mabilis na naisaayos at nabigyan ng bagong mukha, porma, reporma at dekalidad na government media ang sambayanan. Nakikipagsabayan na rin sa mainstream broadcast media ang mga ahensya ng PCOO. Katuwang ng gobyerno, sinusugpo ng mga ahensyang ito ang pagkalat ng FAKE NEWS or disinformation tungkol sa administrasyon.

Isang malaking hamon sa panahong ito ang isyu ng fake news, kaya naman kasangga ninyo ang PCOO at ang lahat ng ahensyangnasa ilalim nito para magkalat ng balanse at totoong impormasyon tungkol sa gobyerno sa ilalim ng pamamalakad ni Pangulong Duterte at ng kanyang administrasyon. Makaaasa kayo na pagbubutihin pa namin ang aming pananaliksik at pagkalap ng mga makabuluhang impormasyon upang aming maihatid ang katotohanan at tunay na serbisyong publiko sa likod ng mga napapanahong isyu sa ating lipunan.■

Naglabas ng pahayag ang Commission on Population (POPCOM) kamakailan na nag-aalarma sa isyu ng teenage pregnancy sa bansa. Ayon sa kanilang pag-aaral, lumalabas na ang teenage pregnancyay ang siyang sanhi ng “intergenerational poverty”, kung saan ang isang pamilya ay nananatiling mahirap sa loob ng mahabang panahon dahil sa maagang pagbubuntis.

Kasabay ng kanilang kampanyang “No More Children Having Children” na ginanap sa Quezon City noong Oktubre 24, ipinaliwanag ni POPCOM Executive Director Juan Antonio Perez III na nahihirapan ang mga batang maagang nagbuntis na mapabuti ang kanilang buhay o makaahon sa hirap dahil sa mababang expected income ng mga batang ina kaysa kabataan na nakatapos ng pag-aaral nang hindi buntis o ‘yung hindi nagkapamilya agad. Nagiging epekto rin ng maagang pagbubuntis ang lalong pagpapahirap sa mga magulang sa aspeto ng kanilang financial stability. Sa halip na iukol ang kanilang savings para sa edukasyon ng kanilang anak, napupunta ito sa gastusin para tustusan ang mga pangangailangan ng isang sanggol.

Lumabas din sa kanilang pag-aaral ang negatibong impact na maaaring harapin ng isang batang ina. Isa na rito ang pagsisilang ng premature at underweight na sanggol na maaaring magtamo ng iba’t ibang uri ng sakit habang ito ay lumalaki. Dahil sa murang edad, hindi pa ganap ang kamalayan ng isang batang ina na matustusan ang mga pangangailangang ito ngkanyang sanggol.

Dahil sa mga nabanggit, nanawagan ang POPCOM sa Kongreso na isulong na ang batas na naglalayong suportahan ang mga batang ina, lalo na ‘yung mga nakaranas ng miscarriage, na magkaroon ng access sa mga serbisyo at benepisyo mula sa modern family planning na hindi na kinakailangan ng parental consent. Kasalukuyang pinag-aaralan ng Kongreso at Senado ang pagpapatupad ng nasabing batas.

Hindi na nga maipagpapaliban pa ang isyung ito ng teenage pregnancy. Marahil sa mata ng ilan ay karaniwan na itong larawan ng buhay at marahil ay tinanggap na lang o pinagkibit-balikat na lang ng ilan. Ngunit sa panahong ito, dapat mas maging

aktibo at positibo ang pananaw na masosolusyunan pa ang problemang ito ng mga kabataan. Dito papasok ang mahalagang tungkulin ng mga magulang sa kanilang anak. Hindi na sana aabot pa sa punto ng “miscarriage” o pagsisilang sa “premature” o “underweight babies” kung sana lamang ay nagagabayan ang mga bata sa loob ng kanilang tahanan. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng isang magulang sa paghubog ng kaisipan at kamalayan ng isang bata kung kaya dapat lamang na bigyan ng sapat na panahon at atensyon ng isang magulang ang kanilang anak.

Hindi maaaring iasa na lamang sa aksyon ng gobyerno ang solusyon sa isyung ito. Ang paghubog ng kaisipan at core values ng isang bata ay sagradong tungkulin at moral na obligasyon ng isang magulang. Nariyan ang kaliwa’t kanang impluwensya ng lipunan at media, pero kung ang pundasyon ng core values ng bata sa kanilang tahanan ay matibay, hindi siya madaling matatangay at maiimpluwensyahan ng sinuman sa kanyang paligid. Kahit ilang ulit pang baluktutin ng social media ang moral na konsepto, hindi madaling matitinag o bibigay ang isang batang pinalaki sa mabuting pangaral at pangangalaga ng isang magulang. Kung paano siya gagalaw sa lipunan ay sasalamin sa uri ng pagpapalaki ng isang magulangsa bahay.

Ang isyu ng teenage pregnancy ay hindi lamang tungkol sa mga kabataan. Hindi maaaring iatang sa kanilang mga balikat ang bigat ng sisi, dahil kung atin lamang susuriing mabuti ang ugat ng problema, lahat ay babalik sa papel ng magulang sa tahanan. Maging isang malaking hamon sana ito sa kasalukuyang henerasyon, lalo na sa mga kabataan o indibidwal na nagnanais na magkaroon ng kanilang sariling pamilya balang araw. Hindi ito isang konsepto na idadaan lang natin sa mga meme at post sa social media. Magkaroon sana tayo ng mas malalim na pagtingin at pag-unawa sa bagay na ito upang sa hinaharap ay hindi na muling maibalik pa sa atin ang sisi.

Teenage pregnancy is just an offshoot of all the unresolved branching issues seated deep within the soul of the society whose members, by the way, majorly comprise of adults and parents. ■

Page 5: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

Editoryal 5Oktubre 2019

From the Deskof Spokes

Ni Salvador S. Panelo

Today is a sad day for the nation. The Palace joins the Filipino people in mourning the demise of former Senate President Aquilino Pimentel, Jr. and expressing condolences to his family, loved ones, colleagues,and friends.

Our people thank former Senator Pimentel for his long, fearless, and principled track record of public service. He would forever be etched in our history as a giant among his peers who championed democracy and electoral reform and a visionary who espoused devolution of powers and strong local governance.

As the acknowledged Father of the Local Government Code, former

on tHe deMiSe oF ForMer Senate preSident aquiLino “nene” piMenteL, Jr.

Senator Pimentel gave his wisdom and lent his voice to the need to empower local governments. The Duterte Administration is grateful for the elder Pimentel for joining the current government in his capacity as one of the members of the Consultative Committee (ConCom) tasked by President Rodrigo Roa Duterte to review the 1987 Constitution and draft a new charter that would pave the way for a federal form of government.

As we pay tribute and honor to this respected and courageous statesman, we fervently pray for the Almighty to grant Senator Nene eternal repose. May the perpetual light shineupon him. ■

We welcome President Ram Nath Kovind of India to Malacañang, the official residence and office of the President of the Philippines.

We are certain that President Kovind felt the world-famous warmth and genuine hospitality of the Filipino people from the schoolchildren and government officials who greeted him on his way to Malacañang.

The Philippines and India enjoy strong bilateral ties. This year marks the 70th year anniversary of the

The latest World Bank Macro Poverty Outlook for East Asia and the Pacific report is good news to us, for it recognizes the strength and resiliency of our domestic economy.

The World Bank estimated poverty rate in the Philippines at 24.5 percent in 2016, 23.1 percent in 2017 and 21.9 percent in 2018. It then predicts that this rate will even decrease to 20.8 percent in 2019, 19.8 percent in 2020 and 18.7 percent in 2021, or in the last full year of the current government under President Rodrigo Roa Duterte.

We consider this projection as consistent with the goal of our Philippine Development Plan crafted in 2017 where our economic managers targeted to reduce poverty incidence to 14.0 percent at the end of the term of President Duterte in 2022.

on tHe State viSit oF india'S preSident

on tHe worLd BanK’S LateSt Macro poverty outLooK For eaSt aSia and tHe paciFic report

establishment of formal diplomatic ties between the two countries.

We note that bilateral trade between the two countries stands at US$2.32 billion and has been increasing. The amount of estimated Indian investments in the Philippines is valued at more than US$900 million. India has a strong presence in Pharma (Generics), and its collaboration in the BPO sector in the country has grown exponentially.

Indeed, this visit augurs well to Philippines-India relations. ■

This is equivalent to about 6 million people who are to be lifted out of poverty.

We thank everyone in the economic and poverty reduction teams for doing a splendid job in the past three years in moving the Philippines onwards, to the chagrin of the critics, detractors, and prophets of doom who have refused to see - and continue to consciously ignore - the developments that have resulted from this Administration’s hard work.

While this is proof that genuine and palpable change has indeed come, the Palace expects all officials and employees of relevant departments and agencies to double their efforts as they strive to provide more programs that our countrymen, especially those belonging to the marginalized sector, can beneficially take advantage of. ■

Sama-sama tayo sa pagbangon at pagsulong ng Marawi City!

Malaki ang ating kumpiyansa na muli nating maitataguyod at mapanunumbalik ang makulay at mapayapang pamumuhay sa lungsod ng Marawi.

Ang mga kapatid nating Muslim ay umaasa na muli nilang makakamtan ang kaayusan at katahimikan sa lungsod na ito. Umaasa silang makakabalik silang muli sa kani-kanilang lugar at muling maipatatayo ang kanilang mga tahanan na nawasak noong kasagsagan ng pagsalakay ng mga tulisan at teroristanggrupong Maute.

Alam at dama natin ang hirap ng mawalan ng tahanan at kabuhayan, kaya naman hangad ng ating pamahalaan at iba’t ibang sangay ng ahensya ng gobyerno at pribadong sektor na magkaisa at magtulungan upang mabilis na makarating ang ayuda at serbisyo para sa ating mga kapatid na muslim.

Ang Presidential Communications Operations Office, sa pamumuno ni Secretary Martin Andanar, at mga katuwang na ahensya nito ay naglalayon din na palakasin at paigtingin pa ang kampanya at panawagan sa buong sambayanan na suportahan ang Task Force Bangon Marawi (TFBM).

Alam nating hindi ito ganu’n kadali, na sa isang iglap lang ay maaayos na ang lahat, subalit kung

tayo ay sama-sama, tulong-tulong at armado ng tama at maayos na proseso at koordinasyon sa pag-abot ng tulong, madali nating maipararating ang donasyon, serbisyo, at suporta sa mga mamamayan ng Marawi.

Isang pangarap ang muling maibalik ang dating itsura ng maaayos na tahanan, sambahan, at mga gusali, kaya naman hinihiling natin sa mga kapatid nating muslim na huwag po silang panghinaan ng loob, bagkus ay patuloy na manalig at magkaroon ng pag-asa. Ang pakikiramay at pagtutulungan ay mahalagang maipadama at maibahagi natin sa isa’t isa at sa bawat pamilya.

Lalo pa nating paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa ating pamahalaan. Umasa tayo na ang gobyerno, sa pamumuno ng ating Pangulong Rodrigo Duterte, ay maghahatid ng mabilis at maayos na tulong at serbisyo.

Magtulungan tayo at magkaisa. Ipakita natin na sa panahong ito, mahalaga ang pagkakaisa at pagdadamayan, lalung-lalo na sa mga mahihirap at walang kakayahan nating mga kapatid na Muslim.

Sa kapwa ko at sa buong sambayanang Pilipino, magsama-sama at magtulong-tulong tayo sa pagbibigay ng serbisyo, suporta, at panalangin upang manumbalik ang kaayusan at magandang kalagayan saMarawi City. ■

TanglawNi Eileen Cruz-David

unaHin ang pagBangon ng Marawi

Page 6: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

6Oktubre 2019

BalitaEmergency powers ni PRRD,posibleng solusyon sa trapikoNi Monica N. Ladisla

P60M loan assistance, sagot ng DA sa ASFNi Raiza F. Cabugwang

QUEZON CITY — Ayon sa Department of Agriculture (DA) ay maituturing na outbreak lamang at hindi epidemya ang African Swine Fever (ASF) na dahilan ng pagkamatay ng ilang mga baboy sa ibang bahagi ng Luzon. Gayunpaman, todo-agapay pa rin ang ahensya sa mga apektadong magbababoy sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood loan assistance program.

Nagtalaga ng P60 milyong pondo ang DA-Agricultural Credit Policy Council bilang tulong pinansyal para sa mga magbababoy na nakararanas ng hirap dahil sa outbreak. Sa livelihood program na ito, makakakuha ang bawat benepisyaryo ng pautang na P30,000 na walang interes at maaaring bayaran sa loob ng tatlong taon.

Dagdag dito, kasalukuyang nagtutulong-tulong ang iba’tibang ahensya ng DA kasama ang Philippine National Police, mga militar, DA Regional Offices at local government units (LGUs) sa pagpapatupad ng 1-7-10 protocol, ayon kay DA Spokesperson Noel Reyes.

Ang 1-7-10 protocol ay ang pagtatayo ng mga checkpoint sa mga lugar na itinuturing na “ground zero” o ‘yung mga lugar na may isang kilometrong radius mula sa apektado o hinihinalang apektadong lugar. Pinapatay at inililibing ang mga baboy na nakapaloob dito. Bantay-sarado rin at nililimitahan ang paggalaw ng mga baboy kung may impeksiyon ang mga babuyan na nasa loob ng pitong kilometrong radius,

at iniuutos din na agarang iulat kung may nagkasakit na mga baboy sa loob ng 10 kilometrong radius.

Sa kasalukuyan, 1/3 lamang ng 20,000 o humigit-kumulang 6,700 na mga napatay na baboy ang dinapuan ng ASF, kabilang dito ang ilang piling barangay sa Rizal, Bulacan, atQuezon City.

Sa kabila nito, siniguro naman ni DA Spokesperson Reyes na walang dapat ipag-alala ang publiko hinggil sa pagkain ng karneng baboy.

“‘Yung virus ay umeepekto lamang sa baboy. Hindi transmissible sa tao at sa ibang hayop. Therefore, harmless sila. Sa baboy lang fatal. Kaya sinasabi naming pork is safe to eat,” paglilinaw ni Spokesperson Reyes.

Umaapela naman ang tagapagsalita ng DA na huwag nang itakas pa ang mga baboy na nasa naiulat na mga apektadong lugar.

“Pinaparusahan ng batas ‘yon dahil they’re breaking, violating two laws: Animal Welfare Act at Solid Waste Management Act,” dagdagpa niya.

Hinikayat din ni Spokesperson Reyes na magtulung-tulong ang LGUs at mga magbababoy upang tuluyan nang humupaang outbreak.

“Kailangan tulung-tulong.Unang-una ‘yong magbababoy.Backyard raisers lang talaga ‘yan. Kulang sila sa biosecurity. Dapat ‘yan, may foot bag, nakagwantes, malinis ‘yung kapaligiran,” pagwawakas ni Spokesperson Reyes. ■

Naniniwala ang mga kinatawan ng Highway Patrol Group (HPG) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na malaki ang maitutulong ng paggawad ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasaayos ng trapikosa EDSA.

“What’s happening right now is an emergency and it needs immediate attention. Kung may mangyayaring pamasko sa amin, ‘yung emergency powers sana ni Pangulo,” mariing pahiwatig ni MMDA Spokesperson and Assistant SecretaryCeline Pialago.

Ganun din ang pananaw ng pinuno ng HPG. Ayon sa kaniya, mas magkakaroon ng pagkakataon na maresolba ang trapiko sa EDSA kung magkakaroon ng kapangyarihan ang gobyerno na maipatupad ang mga pinag-aralang polisiya.

“Maraming mga suggestion, maraming mga idea, kung saan-saan galing. Marami nang nagtalo-talo kung ano ang solusyon sa traffic. Pero hindi natin masubukan ‘yung mga eksperimento kasi nga limited ‘yung powers. Mayroong hindi pwedeng gawin dahil may batas. Pero, kung may kapangyarihan ang gobyerno na gawin ito, para ma-solve ang traffic through an emergency power, siguro maganda ‘yun,” paliwanag ni HPG BGen. Eliseo Cruz.

Dahil sa malalang trapiko na nararanasan ng mga drayber at pasahero sa EDSA, ipinag-utos ni BGen Cruz na magtalaga ng mga HPG patroller at traffic enforcer upang tulungan ang MMDA na maresolba ang traffic buildup sa nasabing lugar.

Bukod sa pagtalaga ng mga patrol car at motorcycle units sa kahabaan ng EDSA mula Timog Avenue hanggang Ortigas Avenue, parte rin ng mandato ng HPG ang masigurong maximized ang kanilang visibility sa lansangan upang maiwasan at makontrol ang paglaganap ng krimen sa lansangan.

“My directive is for the whole HPG to maximize our presence in the highways and to prevent any incidents of carnapping, highway robbery, and hijacking. But in EDSA, talagang while our presence is being felt there, kailangan din naming makialam sa traffic,” pahayag ni BGen Cruz.

Binigyang-diin naman ni Asec. Pialago na limitado lamang ang kakayahan ng ahensya upang masolusyonan ang trapiko sa EDSA.

“We can only do so much. Base sa latest stats namin, we’re now at 410,000 vehicles everyday. The carrying capacity of EDSA is just 245,000 vehicles a day,” paliwanag ni Asec. Pialago.

Dagdag pa niya, upang maibsan ang traffic buildup

sa EDSA, may mga polisiya na ipinatutupad ang MMDA katulad ng No Contact Apprehension Policy o ang paggamit ng CCTV upang makuhanan ng video ang mga motoristang lalabag sa batas trapiko, Yellow Lane Policy o ang polisiya kung saan maaari lamang dumaan sa dalawang outermost lanes sa EDSA ang mga pampasaherong bus, at ang pakikipag-ugnayan ng MMDA sa HPG.

Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa MMDA, masusi pa rin ang pag-aaral ng ahensya sa mga panukala mula sa publiko at mga pribadong institusyon upang mawakasan na ang suliranin sa EDSA.

Paliwanag ng tagapagsalita ng MMDA, maraming dahilan kung bakit lumalala ang trapiko sa EDSA subalit bilang isang enforcement agency, limitado ang kanilang kapangyarihan upang gumawa ng epektibong hakbang at pangmatagalang solusyon sa trapikong kinakaharap nito.

“Napaka-limited ng powers namin. Hindi kami pwedeng makapag-suggest na, ito na gawin na natin, ‘to. We have to consider the opinions of the 17 Metro Manila mayors. May policy kami pero kailangan ng boto nila bago namin ma-implement,” saad ni Asec. Pialago. ■

MAAGANG PAMASKO – Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority na ang pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte ang posibleng maging solusyon sa lumalalang traffic sa Metro Manila.

Photo credit: Philippine News Agency

Page 7: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

SAAN MAAARING ISUMITE ANG APLIKASYON SA PROTECTION ORDER?

Para sa BPO: • Barangay kung saan nakatira ang aplikante

Para sa TPO o PPO: • Family Court, Regional Trial Court, Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court o Municipal Circuit Trial Court na may teritoryal na hurisdiksyon kung saan nakatira ang nagpetisyon.

ANO ANG PROTECTION ORDER?

Ang Protection Order ay isang pag-uutos na magproprotekta sa biktima at

magbibigay ng iba pang kaukulang lunas upang siya ay hindi na muling makaranas ng karahasan.

Ang mga probisyon ng Protection Order ay ipatutupad ng mga ahensya ng gobyerno na may kapangyarihang magpatupadng batas.

Ang mga uri ng Protection Order na maaaring ibigay sa ilalim ng batas na ito ay ang:

• Barangay Protection Order (BPO)• Temporary Protection Order (TPO)• Permanent Protection Order (PPO)

MGA PROTEKSYONG IBINIBIGAY NG R.A. 9262

Bukod sa pagdedemanda o paghahabla, ang biktima

ng karahasan ay maaaring humingi ng Protection Order sa mga awtoridad upang mapigilan ang anumang karahasan o pang-aabuso na maaari pa nitong danasin.

SINO ANG MAAARING MAG-APPLY NG PROTECTION ORDER?

Sinuman sa mga sumusunod:• Biktima;• Magulang o tagapag-alaga ng biktima;• Kamag-anak sa dugo o relasyon hanggang sa ikaapat na lebel;• Mga opisyal o social workers ng DSWD o social workers ng mga lokal na gobyerno;

PAANO MAG-APPLY NG PROTECTION ORDER?

Ang aplikasyon ay dapat nakasulat, may lagda o pirma

at pinatotoong sinumpaan ng aplikante. Ang isang tipikal na application form para sa Protection Order ay naglalaman ng mga sumusunod na impormasyon.

Kung ang aplikante ay hindi ang biktima, ang aplikasyon ay dapat samahan ng isang affidavit mula sa aplikante na nagpapatunay sa:

1) mga pangyayari ng pangaaabuso na sinapit ng biktima; at,2) mga katibayan ng pagpayag ng biktima na isumite ang aplikasyon.

Kung ang paglalahad ng tirahan ng biktima ay maglalagay sa kanya sapanganib, isaad ito sa aplikasyon.

Subalit kailangan ding isaad kung saan puwedeng ipadala sa biktima ang mgakomunikasyon para sa ikabibilis ng proseso ng aplikasyon.

Ang aplikasyon para sa Protection Order na isinumite sa korte ay magsisilbing aplikasyon para sa TPO at PPO.

Ang mga opisyal ng Barangay at empleyado ng korte ay gagabay sa mga aplikante sa paghahanda ng kanilang aplikasyon, gayundin ang mga tagapagpatupad ng batas kung ito ay idudulog sa kanila.

Balita 7Oktubre 2019

Magsasaka, mangingisda, mamimili, wagi saKadiwa ni Ani at KitaNi Raiza F. Cabugwang

TAGUIG CITY — Nagsanib-pwersa ang Department of Agriculture (DA), Food Terminal Incorporated (FTI), at Department of the Interior and Local Government (DILG) noong ika-13 ng Setyembre sa Food and Development Center, Taguig City upang pormal na pasinayaan ang proyektong “Kadiwa ni Ani at Kita”.

Ang proyektong ito ay naglalayong iangat ang kita ng mga maliliit na magsasaka at mangingisda at mabigyan ng abot-kaya, ligtas, at masustansiyang pagkain ang bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng farm-to-market access, kung saan direkta nang maibebenta ng mga magsasaka at mangingisda ang kanilang mga produkto samga mamimili.

Dahil hindi na kinakailangang dumaan pa sa mga mangangalakal o mga tagapamagitan, maibebenta na ng mga magsasaka at mangingisda ang kanilang ani sa magandang presyo.

Sa pamamagitan din ng konseptong ito, magkakaroon ng maayos na lugar para sa agribusiness ventures ng mga magsasaka at mangingisda na nagmumula sa probinsya at mas magkakaroon na rin ng access ang mga tagalungsod sa mga produktong pang-agrikultura na nagmumula pa sa mga kanayunan.

“Angat lahat. ‘Yun po ang pakay ng ating gobyerno, ng ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Masayang-masaya po ang

ating Pangulo kung lahat tayo na nasa Kagawaran ng Pagsasaka, sa FTI, and other instrumentalities of the government, local government units, are doing our bid to really develop and grow our agricultural sector, our economy, and see to it that the people will become more prosperous than now,” pahayag ni DA Secretary William Dar.

N a n g a n g a h u l u g a n g “isang pag-iisip” o “isang kaisipan at isang diwa”, ang “Kadiwa (ni Ani at Kita)” ay maihahalintulad sa dating Kadiwa market system na inilunsad sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos upang tulungang mapababa ang presyo ng mga produktongpang-agrikultura.

Upang pormal na pag-tibayin ang implementasyon nito, nilagdaan angMemorandum of Understanding para sa naturang proyekto nina DA Secretary William Dar, DA Undersecretary for Consumer Affairs Ernesto Gonzales, DA Assistant Secretary for Agribusiness Marketing Kristine Y. Evangelista, FTI President and CEO Ariel P. Buenaventura, FTI Vice President for Corporate Affairs Atty. Ryan A. Martinez, DILG Assistant Secretary Marjorie Jalosjos, at Taguig City Mayor Honorable Lino Cayetano.

Nagbigay din ng kani-kanilang pahayag ng

madiskubreng mayroong polio virus sa sewage system ng Tondo gayundin sa isang ilog sa Davao.

Idinetalye rin ni Usec. Domingo na dahil sa polio outbreak, magkakaroon ng dagdag na libreng bakuna para sa mga bata mula sa World Health Organization at United NationsChildren’s Fund.

Nanawagan naman ang DOH sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak sa pinakamalapit na health centers sa kanilang lugar. Ang polio ay

naiiwasan sa pamamagitan ng pagpapabakuna. Paalala ni Usec. Domingo, tatlong doses ng bakuna ang dapat makuha ng mga batang edad limang taong gulang pababa.

Ayon sa DOH, binibigay ‘yung pinakaunang dose ng Oral Polio Vaccine (OPV) sa pamamagitan ng pagpatak sa bibig kapag six weeks old ‘yung baby, susundan naman ito ng 2nd dose pagtuntong ng 10 weeks. Ang 3rd dose ay ibinibigay at 14 weeks old kasabay ng isang dose ng injection ng Inactivated Polio Vaccine (IPV). ■

mula sa pahina 2

( ▶ 11 )

APLIKASYON

1. Pangalan at tirahan ng nagpi- petisyon at ng inaakusahan2. Uri ng relasyon mayroon ang

nagpi-petisyon at inaakusahan3. Salaysay ng pang-aabuso o karahasan4. Uri ng proteksyon na hinihiling ng nagpi-petisyon5. Kahilingang magkaroon ng isang abogado at kung bakit6. Paghiling na hindi muna bayaran ang aplikasyon hanggat hindi pa dinidinig ang kaso7. Pagpapatunay na walang nakaabang na aplikasyon sa ibang korte para sa Protection Order

• Mga opisyal ng pulisya, partikular ‘yung nakatalaga sa Women’s and Children Protection Desk;• Punong Barangay o Barangay Kagawad;• Abogado, tagapayo, therapist o tagapag- alaga sa kalusugan ng biktima; at,• Dalawa (2) o higit pa na responsableng mamamayan ng lugar kung saan ang karahasan ay nangyari at sila ay may personal na kaalaman tungkol dito.

MGA DAPAT MALAMAN SA REPUBLIC ACT 9262 (o ang ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND

THEIR CHILDREN ACT OF 2004)

ANO BA ANG ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN?

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa mga kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

SINU-SINO ANG PWEDENG MABIGYAN NG PROTEKSYON NG BATAS NA ITO?

Ang mabibigyan ng proteksyon ng batas na ito ay ang mga kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak na babaeng inabuso, mga anak na wala pang 18 taong gulang, lehitimo man o hindi, at mga anak na may gulang na 18 taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kanyang pangangalaga.

Page 8: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

Ang pelikulang “Dalagang Bukid” ni Jose Nepomuceno ay ang kauna-unahang feature film na ginawa at sumailalim sa direksyon ng isang Pilipino. Ito ay ipinalabas noong Setyembre 12, 1919 at kamakailan lamang ay ipinagdiwang ang kanyang ika-100 na taon.

Bilang pag-alala at pagbibigay-pugay sa pambihirang pagkakataong ito, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Setyembre 12, 2019 hanggang Setyembre 11, 2020 bilang “Centennial Year of Philippine Cinema”. Ipinagdiriwang ito sa pangunguna ng Film Development Council of the Philippines (FDCP),ang ahensya ng gobyerno na siyang nagsusulong sa pagpapaunlad ngpelikulang Pilipino. Upang opisyal na ipagbunyi ang espesyal na okasyong ito, inorganisa ng FDCP ang “Sine Sandaan” noong gabi ng Setyembre 12 sa New Frontier Theater sa Quezon City upang bigyang-pugay ang 300 na mga alagad ng pelikulang Pilipino, kabilang na ang mga aktor at aktres, direktor, producers, at off-screen talents galing sa iba’t ibang henerasyon na inialay ang kanilang karera upang palaguin ang industriya.

Page 9: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

FAIR USE NOTICE

Ang mga larawan sa pahinang ito ay pawang ginamit lamang

upang maghatid ng impormasyon sa mga mambabasa nang walang

kabayaran. Kaisa ang Balita Central sa pagsunod sa “fair use” ng mga

copyrighted material alinsunod sa Section 185 ng RA 8293 o ang

Philippine Copyright Law.

Page 10: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

Balita10Oktubre 2019

BCS, ARTA nagkasundolaban sa red tapeNi Monica N. Ladisla

Bilang na ang araw ng red tape at fixers sa gobyerno.

MAKATI CITY — Kasalukuyang inaayos ang kasunduan sa pagitan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at Bureau of Communications Services (BCS) upang paigtingin ang kampanya laban sa red tape at fixers.

Malugod na tinanggap ni ARTA Director General Jeremiah Belgica ang tulong mula sa BCS at naniniwala siyang maipararating ng ahensya ang mensaheng nais ipabatid ng ARTA sa publiko.

“A streamlined, fast, efficient, smart-working government agency. I believe that BCS will be able to really articulate iyang mensahe na ‘yan sa mga tao. We are grateful for the friendshipand assistance of BCS and ARTA is really looking forward to working and partnering with BCS and making the people know, in the simplest and most effective way, the efforts of our government against red tape,” ani DG Belgica.

Ipinaliwanag din ni DG Belgica na nais ng ARTA na mabago ang sistema at proseso sa gobyerno upang mapabilis at mapadali ang

pagkuha ng mga dokumento at papeles. Dagdag pa niya, hindi dapat lalagpas sa tatlong araw para sa simpleng transaksyon, pitong araw para sa kumplikadong transaksyon, at 20 araw para sa highly technical na transaksyon, ang lahat ng transaksyon ng publikosa gobyerno.

“We are an enforcement agency. We have enforcement power to make sure that government agencies would abide by the 3-7-20 days processing time. ARTA also leads agencies as well as interagencies to streamline the efforts and simplify their processes to remove unnecessary processes and requirements. That’s very, very important dito sa laban natin sa red tape because it has been too long that people have been made to run after ghost applications,” mariing pahayag ni DG Belgica.

Plano rin ng ahensya na ilunsad ang Project NEHEMIA o ang National Effort for the Harmonization of Efficient Measures of Interrelated Agencies sa Disyembre. Ayon kay DG Belgica, ang proyektong ito ay mangangailangan ng whole-of-government approach at kooperasyon ng bawat ahensyang nagbibigay- serbisyo sa publiko.

“The beauty of this project NEHEMIA is it’s a challenge to reduce the processing time or the number of permits or procedures. This is really gonna be a game-changer for the country and we hope that the President would be the one to really launch this project together with the Cabinet,” saad ni DG Belgica.

Inabisuhan naman ni DG Belgica ang publiko na huwag matakot magsumbong sa kanilang ahensya. Dagdag pa niya, nagsusumikap ang ARTA na matulungan ang lahat ng ahensya upang mas mapabilis ang kanilang streamlining efforts. Nagbanta naman ang pinuno ng ARTA sa mga opisyal na lalabag at mananatili sa lumang sistema.

“For those government officials or government employees who would refuse to change because sa tingin nila okay na sila sa luma, inefficient na sistema, at kumikita sila sa lumang sistema na ‘yan, talagang sasagasaan namin kayo. And we will make sure we’ll find a way that you not only get suspended but also removed from office or even imprisoned,” babala niDG Belgica. ■

CUT THE RED TAPE – Kaisa ng Bureau of Communications Services ang Anti-Red Tape Authority sa pamumuno ni Director General Jeremiah Belgica sa paglaban sa red tape at fixers upang mapabilis at mapadali ang mga transaksyon at proseso sa mga ahensya ng gobyerno.

“Lahat ay gagawin namin para lang makita ang aming mga anak,” buong hinanakit na turan ni Luisa Espina, isang ina, sa rally na inorganisa ng Liga ng mga Magulang noong ika-10 ng Setyembre, 2019 sa harap ng Department of Justice (DOJ) upang kondenahin ang diumano’y tuluy-tuloy na recruitment at pagdodoktrina ng mga militanteng grupo sa mga estudyante, mapasapubliko man o pribado, para mamundok at maging mga militanteng aktibista. “Ang Anakbayan, nang siya ay nagdisiotso agad siyang inakyat, kung saan na nila dinala ang aking anak. Hanggang ngayon ay wala silang naisagot kung nasaan nila dinala ang aking anak.”

Hindi rin nalalayo ang sitwasyon ng inang si Isay Lucena na bagama’t tukoy na ang kinalalagyan ng anak ay hindi pa rin maibalik-balik sa piling nila. “Wala siya sa amin ngayon, nasa samahan niya. Doon na siya nag-eighteen,” tugon nito. Kaisa ang ginang sa pagsampa ng petisyon sa DOJ laban sa Kabataan Partylist at kongresista nitong si Sarah Elago upang mabawi ang mga nawawalang senior high school student na diumano’y kinakanlong upang gawing New People’s Army ng grupo.

“We will hold accountable even the educational institutions na nagto-tolerate, pinoprotektahan, ine-encourage ang pagre-recruit ng mga leftist groups,” mariing pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, representante pro bono ni Lucena.

Sa inilabas namang statement ng Department of Education hinggil sa isyu, tiniyak ni Undersecretary Nepomuceno Malaluan na handang umaksyon ang departamento kung mapatutunayang may paglabag sa kurikula ang sinumang paaralan.

“We act on credible reports of acts that constitute violation of curriculum standards if committed by schools. The investigation jurisdiction responsibility lies with our regional office,” ani Usec. Malaluan. “Under certain circumstances, the Secretary may take some direct action. For acts that are in violation of law, we may refer to law enforcement authorities,” paniniguro nito.

Samantala, buong kumpiyansa ring sinabi ni Liga ng mga Magulang Founder Remy Rosadio na may ebidensya ang mga magulang sa nangyayaring malawakang recruitment ng mga makakaliwang grupo sa loob ng school campuses.

Academic freedom vis-à-vis student safety“There's nothing wrong with activism - pero kung

ang patungo ng aktibismo ay pamumundok, to take up arms against the government, ay labag na po sa batas iyan. We will no longer tolerate that,” paglilinaw ng abugadong si Topacio.

Sa panig naman ng Commission on Higher Education (CHED), nararapat lang na irespeto ang academic freedom ng mga unibersidad at kolehiyo ngunit kasabay nito ay ang obligasyon pa rin ng huling siguruhing ligtas ang kanilang mga mag-aaral.

Ayon kay Atty. Cinderella Filipina Benitez-Jaro, Office of the Executive Director IV Officer-in-Charge at Legal and Legislative Services Director IV, handa ang CHED sa mga polisiyang magbibigay prayoridad sa kapakanan ng mga bata.

“Ang direksyon ng Komisyon ay magkaroon ng safety and health plan. One aspect of that safety and health plan ay information dissemination. Kumbaga, kailangan fully informed din ang ating mga estudyante kung paano magdaos ng mga kilos-protesta na naaayon sa batas,” ani Atty. Benitez-Jaro.

Sinabi rin ng Direktora na aktibo ang CHED sa pakikipagtulungan sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. ■

Sigaw ng mga magulang:edukasyon, hindi rebolusyon!Ni Joan A. Alcantara

FrEEDom park

Page 11: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

Balita 11Oktubre 2019

Libreng Wi-Fi hotspotssa bansa, isinusulongNi Raiza F. Cabugwang

QUEZON CITY — Mariing inihayag ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Assistant Secretary for the National Broadband Backbone and Free Wi-Fi Internet Access in Public Places Felino O. Castro V tungkol sa plano ng kanyang Kagawaran na mas maparami pa ang mga lugar sa bansa na may libreng Wi-Fi connection.

“We have increased the level of connectivity sa buong bansa kasi we firmly believena ‘pag konektado tayong lahat, malaki ang pagkaka-taon na tayo’y umunlad. ‘Yon ang aming battlecry. Dapat lahat ng Pilipino konektado,” ani Sec. Castro.

Ayon sa DICT, sa kasalukuyan ay mas mababa pa sa 50 porsyento ang Internet penetration sa Pilipinas at humigit-kumulang 3,000 active free Wi-Fi sites pa lamang ang naihahatid na libreng Wi-Fi connection sa 2.5 milyong kataong magkakasabay na gumagamit ng Internet. Samantala, mayroon pang humigit-kumulang 9,000 lugar pa ang hindi naaabot ng mobile phone signal at Internet connection.

Dahil dito, alinsunod sa Republic Act 10929 o ang “Free Internet Access in Public Places Act”, layon ng DICT na umabot sa humigit-kumulang 8,000 ang maging aktibo at libreng Wi-Fi sites sa bansa sa taong ito at 24,000 naman sa taong 2020. Sa susunod na tatlong taon, plano naman ng Kagawaran na magkaroon ng nasa 104,867 na libreng Wi-Fi sites sa bansa.

Lahat ng pampublikong lugar sa bansa, lalo na ang mga matataong pook tulad ng

parke, paaralan, munisipyo at health center, ay sakop ng proyektong ito, bagama’t mas bibigyang-pansin ng DICT ang mga ospital upang magbigay-serbisyo at maikonekta ang mga pasyente sa kani-kanilang mga mahal sa buhay.

Katuwang ng DICT sa proyektong ito ang t e l e c o m m u n i c a t i o n companies katulad ng Smart, PLDT, Globe Telecoms, at DITO Telecommunity, na magsisimula palang ang operasyon sa darating na taon, pati na rin ang iba pang internet service providers sa iba’t ibang probinsya.

Ang pondo na ilalaan para sa pagpapaigting ng Wi-Fi connectivity sa bansa ay magmumula sa mga nakolektang pondo ng Spectrum Users Fund o ang ibinabayad na halaga ng mga telecommunication companies sa paggamit nila ng mga frequencies.

Bukod sa pagpaparami ng Wi-Fi hotspots sa bansa, isinusulong din ng DICT ang programa ng National Broadband Program na naglalayong makapagpatayo ang gobyerno ng sarili nitong broadband infrastructure sa buong Pilipinas para maipamahagi ang mabilis at murang internet sa buong bansa. Ito rin ang magbibigay daan para ma-i-connect ang lahat ng opisina ng gobyerno magmula sa national at local government units na naglalayong mapabilis ang serbisyong pampubliko.

“By building the necessary infrastructure for the national government, we will be able to increase the bandwidth and lower the cost of internet access,” pahayagni Asec. Castro. ■

Magsasaka, mangingisda, mula sa pahina 7 pagsuporta ang FTI, DILG, at ang Lungsod ng Taguig para sa proyekto.

“We see the new Kadiwa as an excellent opportunity to jumpstart our regional food terminals and a welcome complement to the cold storage facilities that we intend to construct and operate in the coming years. Kaya naman po, makaaasa kayo na kung anuman pong area dito sa FTI ang pwede naming i-provide para po sa ikagaganda ng new Kadiwa project ay nandito po ang FTI upang tumulong,” pagsiguro ni FTI President atCEO Buenaventura.

Tiniyak naman ni DILG Asec. Jalosjos ang pakikipagtulungan ng local

government units (LGUs) sa nasabing proyekto.

“Under the program, DILG has been tasked to establish a system of coordination and cooperation with the local government units. We would like to thank our LGUs in advance as we are confident that they would throw their support behind this strategy, that not only provides economic leverage for our small producers, but contributes to food security as well,” saad niya.

Todo-suporta rin si Taguig City Mayor Cayetano na nagsabing ang lungsod na kanyang pinaglilingkuran ay magbibigay ng malalim na pagpapahalaga pagdating sa aspeto ng agrikultura.

“Gaano pa man magta-taasan ang aming mga gusali, laging may puwang, at lagi naming gagawing pundasyon ang relasyon natin sa ating mga magsasaka at mga mangingisda. Tapang at malasakit tulad ng sabi ng ating pangulo. Tapang dahil kailangan ho paulit-ulit nating ipaglaban ang aspeto ng agrikultura, ‘yong mangingisda natin, ating magsasaka, ngunit may malasakit din sa aspeto ng consumers,”pagbibigay-diin niya.

Ayon sa DA, sa pakiki-pagtulungan ng mga LGUs, magkakaroon na ng mga Kadiwa outlets sa iba’t ibang mga lungsod at probinsya sa bansa sa lalong madaling panahon. ■

Recovery, rehabilitation mula sa pahina 2

on Debris Clearing na pinangungunahan ng NHA para sa demolisyon ng kanilang mga bahay at pagmamay-ari.

Noong Oktubre 17 din ay nagkaroon ng groundbreaking ceremony ang Social Housing Finance Corporation sa Barangay West Dulay upang markahan ang simula ng konstruksiyon ng pabahay para sa 100 pamilyang naapektuhan ng Marawi siege, isa sa dalawang proyektong pabahay na nakaatang sa SHFC. Ang mga benepisyaryo ng nasabing proyekto ay 1,500 na IDPs.

Ayon kay Marawi City Mayor Majul Usman Gandamra, sinimulan na ng pamahalaan ang pag-proseso ng aplikasyon ng mga residenteng nais ipaayos muli at itayo ang kanilang mga bahay at ari-arian saGround Zero.

Sa kaniyang mensahe, siniguro ni Sec. Del Rosario na makababangon muli ang Marawi tulad ng pangako ng Pangulong Rodrigo Duterte. Patuloy ang rehabilitasyon na ginagawa sa Marawi sa pangunguna ng TFBM at pakikipagtulungan nito sa 56 na miyembrong ahensya. ■

Page 12: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

12Oktubre 2019

BalitaMarine protected areas, dapatsuportahan ng LGUs — DENR-BMBNi Monica N. Ladisla QUEZON CITY — Binigyang-diin ni Department of Environment and Natural Resources - Biodiversity Management Bureau (DENR-BMB) Assistant Secretary Ricardo Calderon na kailangang suportahan ng mga LGU na mapangalagaan ang halos dalawang milyong hektaryang naitala na marine protected area (MPA) mula nang maisabatas ang RA No. 11038 o National Integrated Protected Areas System Act of 1992.

Ibinahagi ni Asec. Calderon na masusing pag-aaral ang kanilang ginagawa bago ideklarang MPA ang isang lugar.

“Meron tayong kino-conduct na protected area suitability assessment. Suitable ba sila na gawing marine protected area? Dadaan ‘yan sa pag-aaral. Ang partner natin dito ay ang UP Marine Science. ‘Yung mga study nila on the movement ng mga fish egg and everything. And of course, you have to consider major ecosystem, mangrove, you have to consider seagrass beds, etc. Supportive ba ang local government unit pagdating sa aspetong ito?

MANILA — Isang guro sa Hawaii ang hinirang na “Dangal ng Wika”, ang pinakamataas na parangal ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para sa mga tagapagtaguyod ng wikang Filipino, noong Agosto 27 sa “Pammadayaw 2019: Araw ng Gawad” na ginanap sa Cultural Center of the Philippines.

Nagturo si Dr. Teresita V. Ramos ng wikang Filipino sa University of Hawaii bilang professor emerita at tagapangulo ng Kagawaran ng Hawaiian at Indo-Pacific Languages na nagbigay-daan para maitatag ang kauna-unahang bachelor’s degree na Filipino and Philippine Literature Program sa Estados Unidos.

“Pinagpugayan sa parangal ang kaniyang pagtatayo ng tahanan para sa wikang Filipino na matatag at ligtas mula sa peligro ng paglimot at pagkawala,” pahayag ng KWF.

Nakapaglathala si Ramos ng 22 aklat at sumulat ng maraming artikulo na gumabay sa ilang henerasyon ng mga mag-aaral at iskolar

Even the barangay. So, very crucial ‘yung mga endorsement. Usually kasi mga initial component na ito before, so ‘yung resolution ng Protected Area Management Board is very crucial. It’s a multisectoral body involved or in charge in the management of protected areas,” paliwanag niAsec. Calderon.

Upang magampanan ang tungkuling panatilihing maayos ang karagatan, kaakibat ng BMB ang pribadong sektor gayundin ang ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Bureau of Fisheries at Philippine Coast Guard. Bukod pa rito, inaasahang mailulunsad na ang protected area superintendent office sa lalong madaling panahon. Layon nito na siguruhing maayos ang pamamahala ng mga marine at terrestrial protected areas alinsunod sa RA No. 11038.

Ayon kay Asec. Calderon, kasalukuyang ginagawa ang proposal para sa Department of Budget and Management upang magkaroon ng mga bagong kawani na siyang mangangasiwa sapangangalaga ngmga MPAs. ■

Guro sa Hawaii, nakamit ang pinakamataas na parangalpara sa wikang FilipinoNi Vanessa R. Landig

sa nabanggit na kurso sa Filipino.

Ilan sa mahahalagang akda ni Ramos ang Makabagong Balarila ng Pilipino (1972), Conversational Tagalog (1985), Handbook of Tagalog Verbs: Inflections, Modes, and Aspects (1986), at Modern Tagalog: Grammatical Explanations and Exercises for Non-Native Speakers (1990).

Kabilang din sa mga iginawad na parangal sa Pammadayaw 2019 ay ang “Kampeon ng Wika” 2019 kung saan pinarangalan ang piling indibidwal na may kania-kaniyang naiambag sa pagpapalago ng wikang Filipino: Dr. Mario I. Miclat (Araling Kultural); Dr. Galileo Zafra (Panitikan at Wika); Dr. Michael M. Coroza (Panitikan at Pagsasalin); at Joaquin Sy (Pagsasalin).

Nakamit ni Lalaine F. Lacdao, isang Grade 11 na mag-aaral ng Nasipit High School, Agusan Del Norte, ang unang gantimpala sa “Timpalak Jacinto sa Sanaysay 2019”, samantalang

nasungkit naman ni Precioso Dahe, Jr., isang guro sa Mataas na Paaralan ng Kinawe sa Bukidnon ang titulong “Sanaysay ngTaon 2019”.

Maging ang mga pamantasan na nagtaguyod sa wikang Filipino ay ginawaran din ng “Selyo ng Kahusayan sa Wika at Kultura 2019”: Bukidnon State University, Pangasinan State University, Sorsogon State College, Aurora State College of Technology, at Western MindanaoState University.

Tinanghal naman na “iKabataan Ambasador ng Wika” (iKAW) si Jhon Joseph Pandong II ng Malaybalay, Bukidnon ngayong taon matapos niyang malinaw na matalakay ang kanyang adbokasiya sa pagpapaunlad ng wikang Filipino atwikang katutubo.

Ang Araw ng Gawad ay nagsilbing pampinid sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon na may temang “Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino.” ■

Photo credit: Philippine News Agency

PAMMADAYAW – Mainit na binati ni KWF Chairperson Virgilio Almario ang mga pinarangalang guro sa “Pammadayaw 2019: Araw ng Gawad” na ginanap sa Cultural Center of the Philippines noong Agosto 27, 2019. (Photo credit: Philippine Information Agency)

Page 13: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

BalitaPRRD, ‘Most Trusted Public Official’ pa rin

Napanatili ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pinaka-pinagkakatiwalaang opisyal ng pamahalaan sa pinakabagong surbey na isinagawa ng Pulse Asia sa 1,220 adult Filipinos noong Setyembre 16-22, 2019.

Nakakuha si PRRD ng 78 percent approval rating at 74 percent trust rating kumpara sa ilang kasalukuyang mga opisyal ng pamahalaan. Sa isinagawang surbey, 78 percent ang nagpahayag ng kasiyahan sa pamumuno ng Pangulo, 8 percent ang nagsabing hindi sila nasiyahan, habang 14 percent naman ang hindi tiyak. Gayundin, 74 percent ang nagsabi na nagtitiwala sila sa Pangulo, 9 percent ang di-lubos ang pagtitiwala, habang 18 percent naman ang hindi tiyak. Muling pinulsuhan ng Balita Central ang taumbayan sa katatapos pa lamang na surbey, at narito ang ilan sa kanila:

13Oktubre 2019

I am not sure if he, the Philippine president, is the most trusted government official because it varies, depende doon sa group of people. Like kung sasabihin mo, survey from the masa, siguro most people would say that they trust him because he’s doing things naman like sa drugs. Bumaba naman iyong rate. Kaya lang, para sa iba, nakita nila ‘yung sa side ng EJK. And ayun, most students in the universities would not say na he is the most trusted government official. I also wouldn’t think that PRRD is the most trusted government official because iyong allotment niya ng budget sa government. Feeling ko, hindi niya pina-prioritize ang departments na kailangang laanan ng mas malaking budget. Iyon lang. That’s my two cents.

Alexandra Saludes19, Pasig City

Opo, naniniwala ako sa survey. Kasi, unang-una, si President Duterte ang namamahala sa bansa natin. Siguro, marami pa ring hindi naniniwala sa Pangulo—sa kakayahan niyang mamuno sa bansa pero marami na rin naman po siyang nagawa. Halimbawa na lang po iyong sa akin. Dahil sa programa ni Pangulo, nakapanganak ako ng walang binabayaran—as in lahat, libre.

Mercy Binosa21, Caloocan City

Ay, opo, talagang malaki ang tiwala ko kay Pangulong Duterte. Napakarami na niyang nagawa. Iyong war on drugs, ‘di ba? Napababa niya ang bilang

ng drug-related cases. Isa pa, iyong sa Marawi rehabilitation. Mayroon pa! Iyong dagdag-benepisyo at sahod para sa mga sundalo at pulis. Super

satisfied ako sa pamumuno ni Pangulong Duterte. Yes na yes!

Juanita Ganda55, Quezon City

Yes, actually. I could consider—I guess. Even though I’ve only known a few presidents or so who could be labeled as that. I could say, yes, in my era. President Duterte has actually proven a lot of standpoints, for example, regarding the

drug war. We weren’t able to notice that—not until these days. Nowadays, in the administration of President Duterte, we have seen a lot of improvements. There are

too many to mention. And yes, I trust him a lot. There’s no question about it.

Allan Albino, Jr.18, Mandaluyong City

Hindi siya iyong most trusted pero may ginagawa siya. Like iyongmilitarization. Dapat talaga ayusin. Dapat may transparency ang government. Iyong media rin, dapat may pakialam about this pressing issue. Iyon lang po.

Arabelle Chupeco19, General Santos City

For me, President Rodrigo Duterte is considered the most trusted Philippine official because he gets along with other countries and, he does his job well for the Filipinos. Si Presidente natin, bukod sa siya ang may pinakamalaking posisyon sa

bansa, talaga naman pong may nagawa na siya para sa atin. Idagdag mo pa ang maganda niyang pakikitungo sa bawat mamamayang Pilipino. Talagang mahal ng

Presidente ang Pilipinas. Sa totoo lang po, napakalaki ng nagawa ng Pangulo para sa aming mga mag-aaral. Tulad ko po, hindi ako galing sa mayamang pamilya pero mabibigyan po ako ng chance na makapag-aral sa state university na walang babayarang tuition fee. Napakalaking tulong na po nun sa amin. Kaya maraming salamat po, Pangulong Duterte.

Ralph Joshua Dalumpines17, Caloocan City

Ilokanong propesor,hinirang na Ulirang Guro 2019Ni Vanessa R. Landig

MANILA — Isang propesor mula sa Mariano Marcos State University, Ilocos Norte at masugid na tagapagsulong ng wikang Ilokano at Filipino ang hinirang na isa sa mga Ulirang Guro 2019 ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Oktubre1, 2019.

Ipinagkaloob ang karangalan kay Dr. Maria Eliza S. Lopez sa pagtuon niya ng atensiyon sa pananaliksik sa kulturang Ilokano at pagtuturo ng wikang Ilokano bilang mother tongue. Sa larangan naman ng araling pangkultura, nanaliksik siya tungkol sa mga paniniwalang Ilokano at artikulasyon sa sining sa pamamagitan ng mga awiting-bayan.

Mula sa 139 nominasyon mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas, isa si Lopez sa pitong guro na nahirang dahil sa paglulunsad niya ng mga proyekto tulad ng fora, seminar, workshop,

at kumperensiya para sa ikauunlad ng paggamit ng wikang Ilokano at Filipino ng mga mag-aaral at kapuwa niya guro.

“Sana maging inspirasyon sa lahat ng mga guro sa Filipino ang Gawad Ulirang Guro na lalong paigtingin ang pagpapaunlad at pagpapayaman sa wikang Filipino,” ani Lopez.

Si Lopez ay nakapagtapos ng Master of Arts in Education at Doctor of Philosophy in Applied Linguistics. Manunulat, editor, at koordineytor siya ng mga aklat ukol sa wikang Ilokano at wikang Filipino. Gumawa rin siya ng mga kagamitang panturo para sa panitikan at pahayagang pang-kampus.

K a s a l u k u y a n g naglilingkod si Lopez bilang direktor ng Sentro ng Wika at Kultura sakaniyang pamantasan.

Bukod kay Lopez, hinirang din na Ulirang Guro ngayong taon sina Sharon Ansay Villaverde (Lopez National Comprehensive High School), Joshua E. Oyon-Oyon (Sorsogon National High School), Niña Christina L. Zamora (Philippine Normal University), Maria Eliza Lopez (Mariano Marcos State University-Laoag), Rodel B. Guzman (Isabela State University), Julieta Cruz-Cebrero (JH Cerilles State College, Zamboanga Del Sur), at Rodello Pepito (Bukidnon State University).

Kasabay ng pagtanggap ng natatanging medalya ng parangal, inaasahang patuloy na pasisiglahin ng mga Ulirang Guro ang pagtuturo ng wikang Filipino pati na rin ang pagpapalaganap ng katutubong wika at kultura sa kani-kanilang bayan.

Ang Araw ng Gawad sa Ulirang Guro sa Filipino 2019, na nasa ikaanim na taon na ay isinasabay ngKWF sa pagdiriwang ng National Teacher’s Month (NTM) mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5 at World Teacher’s Day (WTD) noong Oktubre 5, 2019. ■

Bagama’t bahagyang bumaba ang rating ni Pangulong Duterte sa mga urban at rural na lugar sa bansa — +66 mula sa nakaraang +67 na rating niya sa urban areas, at +64 mula sa dating +68 na puntos niya sa rural areas, gayundin sa nasa Classes D at E ng lipunan — +66 mula sa +68 niyang puntos sa survey na isinagawa noong Hunyo sa mga nasa Class D, at +57 mula sa +68 na score na nakuha niya sa mga nabibilang sa Class E ng lipunan, mas nasiyahan naman sa kanyang pamamalakad ang mga nasa Classes A, B at C kung saan nadagdagan siya ng 12 puntos upang maging +70 at “excellent” ang kanyang rating sa pinakahuling survey.

Malugod namang tinanggap ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang resulta ng nasabing survey at binigyang-diin niya na ang mga Pilipino ay nananatili pa ring masaya sa mga polisiya at panunungkulan ng Pangulo. Siniguro rin ni

Presidential Spokesperson Panelo na ipagpapatuloy ng administrasyong Duterte ang layunin nitong maging komportable, ligtas, at matiwasay ang pamumuhay ng mga Pilipino sa bansa.

“As payback to our people's outpour of affection to PRRD, the Office of the President calls on everyone in the bureaucracy to remain tireless and hardworking in the service of the nation,” panawagan ng tagapagsalita.

Bago lumabas ang positibong resulta ng nasabing survey, nauna nang inilahad sa Second Quarter 2019 survey ng SWS na 82% ng mga nasa hustong gulang na Pilipino ay kuntento sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

“Excellent” ang naging rating ng Pangulo matapos siyang makakuha ng +70 na score sa survey na ginanap noong Hunyo 22-26 ng taong ito sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 na mga Pilipinong nasa hustong gulang na. ■

SWS: PRRD 'Very Good' mula sa pahina 2

Page 14: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

14Oktubre 2019

SportsPeNCAK SILAT PH TeAM,SASABAK SA SeAG 2019Ni Vanessa R. Landig

“SEA Games or hosting an international game competition is not just about gold medals. It’s also about diplomatic relations.”

MANILA — Ito ang pahayag ni Princess Jacel Kiram, presidente ng Philsilat Sports Association, Inc. nang makapanayam ng Balita Central sa ginanap na kauna-unahang Southeast Asian Sultan’s Pencak Silat Championships (Pre-30th SEA Games Manila 2019) sa Palacio de Maynila noong Oktubre 13-15, 2019.

Ang test event na ito ay bahagi ng paghahanda ng Pencak Silat Philippine Team at ng ibang bansa mula sa Southeast Asia para sa nalalapit na SEA Games na gaganapin mula Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11 sa mga piling lugar dito sa Pilipinas.

Binigyang-diin ni Princess Kiram na bukod sa layuning makakuha ng maraming gintong medalya para sa bansa, dapat maging instrumento ang sports upang maging daan sa higit na madiplomatikong relasyon at internasyunal na pagkakaunawaan at pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa isa’t isa.

Nakapanayam din ng Balita Central ang itinuturing na star player ng Pencak Silat PH Team na si Cherry MayRegalado na ilang ulit ng nakapag-uwi ng medalya para sa bansa.

Libreng street soccer games,laan sa kabataan ng QC Ni Joan A. Alcantara

QUEZON CITY – Nasusubukan na ang tikas ng mga batang QC sa libreng street soccer games.

Noon pang 2012 ay suportado na ng Quezon City Street Soccer League Organizing Committee (QC SSLOC), sa pangunguna ni Chairman Ret. Col. Jameel Jaymalin kasama ang technical manager nitong si Mark Maravilla, ang pamimigay ng libreng training, kagamitan, uniporme, at torneo sa mga bata ng marginalized communities sa siyudad.

“Ang ginagawa po namin, free training muna. Kapag nakita po na maraming interes, susuportahan na po namin sila na usually ang kailangan lang namin mga equipment. Naghahanap kami ng sponsors na tutulong doon, ibinibigay na po roon ang mga gamit, at kinukumusta namin sila regularly,” pahayag ni QC SSLOC Program Manager Rodolfo Ubales, Jr. “Para po may goal sila, iyong QC Street Soccer League Organizing Committee nag-co-conduct ng competitions. We have at least three or four competitions for the community teams in one year,” dagdag pa niya.

Bumandera sa idinaos na 3rd Laos FC Invitational Street Soccer Tournament Community Shield nito lamang ika-19 ng Oktubre, 2019 sa Quezon City Memorial Circle ang mga batang soccer player na sa tulong na rin ng Quezon City local government at mga pribadong sektor ay nakapaglaro nang libre sa Borneo Cup sa Malaysia at Gothia Cup sa China kung saan napasakamay ng Quezon City team ang kampeonato sa Boys 13 category.

“Dito po ay nagkakaroon ng pagkakataon ‘di lamang makapaglaro sa ibang bansa ang mga bata, kundi ma-experience nila ang mga bagay na iba sa ating kultura at palawakin ang perspective nila,”ani Ubales.

Goal line: Holistic kidsNais ng komite na magamit ng mga batang

manlalaro ang kanilang kaalaman sa soccer upang

makakuha ng scholarship sa kani-kanilang eskwelahan.

“We don’t do it naman po to earn anything. Gusto lang po namin na magkaroon ng wider recognition iyong football sa mga communities, mas marami pong batang maglaro. Ang aim po namin sa kanila is to get scholarship,” ‘ikani Ubales.

Bukod pa rito ang physical at social fitness na hatid ng isport.

“Ngayon, dahil naglalaro sila ng football even in the street, even ‘pag after school, meron silang activity and they meet friends. Binabalik namin iyong ganoong idea to build holistic na mga bata, and magkaroon sila ng interaction hindi lang po sa social media. Iyong interaction nila will help them become better kids, better persons,” paliwanag ni Ubales.

Say yes to soccerSaksi naman si Mommy Rose Panilan sa

kabutihang nagawa ng street soccer sa kanyang chikiting na si Caitlin.

“Itong anak kong iyan, dati tamad sa school iyan. Tapos nagulat ako biglang top two siya, itong first grading,” buong pagmamalaki ni Mommy Rose. “Kaya nga sabi ko sa mga magulang na akala nila sayang oras - hindi totoo iyon. Kasi talagang nag-e-enjoy iyong mga bata, tapos nagkakaroon sila ng mga bagong kaibigan. Disiplina talaga iyong nakukuha nila.”

Naipadala na rin sa Malaysia ang sampung taon na si Caitlin matapos ma-scout sa isa sa mga palaro ng komite. Kasama ang iba pang kapatid at pinsan, isang pamilya silang nalilibang sa isport.

Para sa mga katanungan, maaari lamang ay sundan ang Quezon City Football Club sa Facebook @quezoncityfc o mag-email sa [email protected]. ■

Puspusan ang ginagawang pagsasanayni Regalado sa nalalapit na SEA Gamespara makapag-ambag ng ginto sa medal tallyng bansa.

“We hope that everyone will supportand pray for us. Keep supporting PhilSilat.This is our time. All in tayo. We win asone,” ani Regalado.

Nagpapasalamat din ang PhilSilat sa suporta at tiwalang ibinibigay nggobyerno sa pamamagitan ng PhilippineSports Commission.

“We are grateful because weare well-supported by thePhilippine Sports Commissionthrough National Sports Association.All of our requests, ultimo oil napampahid namin, they really give itto us. We have lots of exposure liketraining camps, competitions here andabroad. Our uniforms, shirts, shoes, andeven our meals are all provided,” pahayagni Regalado.

Nagsimulang makilala ang Pencak Silat sa bansataong 2005 nang ito ay opisyal na makasama sa SEA Games at nitong 2018, matapos makapag-ambag ang mga manlalaro nitong apat na bronze medals para sa total medal tally ng Pilipinas. ■

Page 15: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

15Oktubre 2019Entertainment

S U D O K U

6

5 7

9

1

3 6

3

8

9

7

5

3

2

1

2

1

1

9

9

3

8

6

Mga sagot sa nakaraang isyu

4 5

6

7

3

9

2

8 1

9 8

7

3

5

4

1

2 6

1 6

8

2

9

5

4

3 7

6 7

3

8

2

5

9

1 4

3 4

1

2

7

6

5

8 9

5 9

4

1

8

7

6

2 3

3 9

2

1

6

4

5

7 8

4 2

3

8

9

1

7

6 5

7 5

1

6

4

3

8

9 2

S U D O K U

C Y B E R R E A D IA N D R E S

S U G A R

B A L E R

T A C K L E

D A P A T

S O N A

G L O B A L

I S O

SP

CEF

N

AA

AY

NG

I

AW

C

N

R

S

RIENT

L

PHI

MECH

PAHALANG

Kamote Darius Josue

Nangangahulugang “isang pag-iisip” o “isang kaisipan at isang diwa”

Nakakahawang sakit na maaaring magresulta sa pagkalumpo, hirap sa paghinga, at kamatayan

Tanggapan ng pamahalaan na nagbabahagi ng opisyal na komunikasyon ng Pangulo ng Pilipinas (dinaglat)

Ahensya ng pamahalaan na naniniguro sa kalidad ng karne sa bansa (dinaglat)

Proyekto ng Anti-Red Tape Authority na naglalayong gawing synchronize o tugma ang practice ng lahat ng sangay ng pamahalaan ukol sa serbisyo-publiko

Kapital ng Lanao del Sur na minsang naging lugar ng bakbakan sa pagitan ng mga militar, Maute Group, at Abu Sayyaf

Talamak na aktibidad sa pamahalaan na tinututukan at sinosolusyunan ng ARTA

KADIWA ni _ _ _ at Kita: Programa ng Department of Agriculture, Department of the Interior and Local Government, at Food Terminal Incorporated, na naglalayong bigyang-akses ang mahihirap na pamilya na makabili ng murangunit sariwang produktongpang-agrikultura

Munisipalidad sa Nueva Ecija kung saan ginawa ng Bureau of Communication Services ang pagtitipon at diskurso ukol sa Rice Tarrification Law

1.

4.

6.

7.

10.

12.

14.

15.

8.

PAHALANG

Munisipalidad sa Nueva Vizcaya kung saan matatagpuan ang Bundok Ugu

Lalawigan sa hilagang bahagi ng bansa kung saan nagmula ang propesor na hinirang bilang isa sa mga Ulirang Guro sa Filipino 2019

Pinakamalaking kontinente sa daigdig (wikang Ingles)

Wireless Fidelity (dinaglat)

1.

5.

9.

11.

13.2.

3.

PABABANakahahawang sakit sa mga baboy (dinaglat)

Director-General ng Anti-Red Tape Authority

Ahensyang nasa ilalim ng Office of the President na nag-iimbestiga sa mga sangay ng gobyerno na hindi sumusunod sa Anti-Red Tape Act (dinaglat)

Page 16: sws: prrD posiblEng solusyon sa trapiko 'VEry gooD ...€¦ · naitala noong Hunyo ng taon ding ito. Ang nasabing survey ay nilahukan ng 1,800 katao edad 18 taong gulang pataas na

Nina Monica N. Ladisla at Vanessa R. Landig

PRRD nagtalaga ng bagongpinuno ng BCS

BCS nakiisa sa CSC R.A.C.E. to Serve Fun Run Ni Monica N. Ladisla

Humigit-kumulang 17,000 na mga kawani ng gobyerno mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan ang lumahok sa R.A.C.E. to Serve Fun Run na ginanap noong Setyembre 1, 2019 sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila.

Kaisa ang mga kawani ng Bureau of Communications Services (BCS), layon ng programang ito na makalikom ng pondo upang matustusan ang programang Pondong Pamanang Lingkod Bayani (PLBi). Layon ng PLBi na bigyang-pagkilala ang mga karapat-dapat na kawani ng pamahalaan sakanilang serbisyo.

Ipinagdiwang din sa araw na ito ang ika-119 founding anniversary

MANILA — Pormal nang naupo si Director Ma. Florinda Princess “Pebbles” E. Duque bilang bagong pinuno ng Bureau of Communications Services (BCS) matapos siyang italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 28.

Pinasalamatan ni Dir. Duque si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na siyang namuno sa araw ng kanyang panunumpa sa ngalan ni Pangulong Duterte.

Labis niyang ikinalugod ang pagtitiwala sa kanya para pamunuan ang ahensya. Dagdag pa niya, naging motibasyon niya ang mga dating kasamahan sa PCOO upang tanggapin ang naturang posisyon.

“My motivation was, of course, the PCOO family and their confidence in me that I could take the role of BCS Head on another level. I guess part of the reason why they wanted me to lead here is because of my character, because they wanted to showcase a more vibrant BCS and to show what other things BCS can offer,” pahayag ni Dir. Duque.

Ayon kay Dir. Duque, handa na siya sa kaakibat na responsibilidad bilang pinuno ng BCS. Inihayag din niya ang kanyang planong maipakilala at maitampok ang ahensya, pati na

bcs.gov

BCS SNIPPETSIN

Bilang panimula at pakikiisa sa pagdiriwang ng Elderly Filipino Week sa buwan ng Oktubre, pinangunahan ng Bureau of Communications Services ang lecture-forum na pinamagatang “Para Kay Lolo at Lola: Talakayan sa Benepisyo at Pag-aruga sa Senior Citizens” na ginanap sa National Center for Geriatric Health, Malacañang Complex, San Miguel, Manila noong Setyembre 30, 2019, kung saan tinalakay ang mga karapatan, pribilehiyo, at pag-aaruga na dapat makamtan ng mga senior citizen.

h t t p s : //w w w. f a c e b o o k . c o m / b c s . g o v/p o s t s / 1 7 5 2 3 2 1 1 5 4 9 0 47 5 0

#BCSinSnippets #BCS #ParaKayLoloatLola

Kasama ang 80 kababaihan mula sa iba’t ibang Persons with Disability associations sa Kalakhang Maynila, naglunsad ng lecture-forum ang Bureau of Communications Services, katuwang ang National Council on Disability Affairs na pinamagatang, “My Capability > My Disability: A Forum on the Rights of Women with Disabilities” sa NCDA Building, Quezon City noong Oktubre 11, 2019.

https://www.facebook.com/bcs.gov/posts/1763496800453852#GreaterThan #BCSinSnippets #BCS

Facebook Headlines

rin ang mga lathala nito gamit ang social media.

“Siguro, the biggest challenge here will be digitizing the Bureau, making it digital. Currently, the Bureau is very traditional and is more on printed publications. But, gusto kong tanggalin ‘yung sinasabi ng mga tao na wala na raw ‘yung print. If you print a simple book that’s ‘Instagrammable’ or shareable on Facebook, then people will patronize your product or your brand.

Isa sa mga layunin ni Dir. Duque ay ang mas maiangat pa ang kalidad ng serbisyo ng BCS at matiyak na mas naipaparating sa publiko ang mga programa at polisiya niPangulong Duterte.

“The Bureau's true relevance and potential will be more appreciated by many especially in delivering the government’s policies and programs to the people. We aim to connect and engage in full extent by reaching as much to all sectors of the public. Sa panahon ngayon ng makabagong teknolohiya sa komunikasyon, mas palawakin pa natin ang kaalaman at serbisyo ng gobyerno na siguradong tatatak sa kamalayan ng Pilipino. Ito ang hangarin ng BCS bilang ahensyang tagapag-palabas ng mensahe kasama ang buong ahensya ng PCOO,” pagwawakas niDir. Duque. ■

ng Civil Service Commission (CSC) na may temang “Civil Service at 119: Upholding Integrity and a HighTrust Society”.

Binigyang-pugay sa programang ito ang mga kawani ng gobyerno at ang kanilang kontribusyon upang palawigin ang serbisyo publikosa bansa.

Sa imbitasyon ni CSC NCR Field Office-OP Director Roderick Romualdo, lumahok ang mga kawani ng BCS sa fun run upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa layunin ng CSC na itaas ang antas at kalidad ng serbisyo-publiko para sa benepisyo ng mga Pilipino. ■

NEW LEADERSHIP – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Director Ma. Florinda Princess E. Duque na bagong pinuno ng Bureau of Communications Services upang mas mapalawig pa ang serbisyo-publiko ng ahensya sa larangan ng komunikasyon.