23
Para sa Bansa REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA National Headquarters: 947 EDSA corner Mother Ignacia Street, Quezon City Email: [email protected], Website: http//ram89.webs.com Tel.: (02) 385-1625 Fax: (02) 352- 7055 SEC Registration CN201106761 Company TIN 008-030- 305 KONSTITUSYON ng REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA PREYAMBULO KAMI, ang mga kasapi na binubuo ng mga mulat na indibidwal at organisasyon na nagmula sa ibat ibang uri ng lipunang Pilipino ay nagkakaisa sa isang rebolusyonaryong alyansa ng pakikibaka para makamit ang tunay na pambansang kasarinlan at demokrasya: ang mapalaya ang sambayanan mula sa lahat ng uri ng pampulitika, sosyal at pang ekonomiyang pananamantala. Inaalay namin sa bayang Pilipinas ang mga mithiin at ang mga pangarap nitong pagbabago, ang maging ganap na malaya bilang nagsasariling bansa na may makataong gobyerno, may tunay na diwa ng nasyunalismo, may respeto sa batas at may demokrasya. Kami ay kikilos upang maitayo ang isang pamahalaan ng taong bayan na nagtataguyod ng KATOTOHANAN, KATARUNGAN at KALAYAAN ng sa gayon ang lahat ng mga Pilipino ay magtatamasa ng kasaganaan, hustisya, kaparatiran at pagkakapantay pantay. Kami ay walang pasubaling magtataguyod at magpapatupad sa Konstitusyong ito, nang sa gayon “Ang ating mga pangarap ay manatiling buhay” hanggang sa tagumpay! ARTIKULO I PANGALAN, SAGISAG AT HIMPILAN

KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

Para sa Bansa

REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSANational Headquarters: 947 EDSA corner Mother Ignacia Street, Quezon City

Email: [email protected], Website: http//ram89.webs.comTel.: (02) 385-1625 Fax: (02) 352- 7055

SEC RegistrationCN201106761

Company TIN 008-030-305

KONSTITUSYON ngREBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA

PREYAMBULO

KAMI, ang mga kasapi na binubuo ng mga mulat na indibidwal at organisasyon na nagmula sa ibat ibang uri ng lipunang Pilipino ay nagkakaisa sa isang rebolusyonaryong alyansa ng pakikibaka para makamit ang tunay na pambansang kasarinlan at demokrasya: ang mapalaya ang sambayanan mula sa lahat ng uri ng pampulitika, sosyal at pang ekonomiyang pananamantala.

Inaalay namin sa bayang Pilipinas ang mga mithiin at ang mga pangarap nitong pagbabago, ang maging ganap na malaya bilang nagsasariling bansa na may makataong gobyerno, may tunay na diwa ng nasyunalismo, may respeto sa batas at may demokrasya.

Kami ay kikilos upang maitayo ang isang pamahalaan ng taong bayan na nagtataguyod ng KATOTOHANAN, KATARUNGAN at KALAYAAN ng sa gayon ang lahat ng mga Pilipino ay magtatamasa ng kasaganaan, hustisya, kaparatiran at pagkakapantay pantay.

Kami ay walang pasubaling magtataguyod at magpapatupad sa Konstitusyong ito, nang sa gayon “Ang ating mga pangarap ay manatiling buhay” hanggang sa tagumpay!

ARTIKULO IPANGALAN, SAGISAG AT HIMPILAN

Seksyon 1.  Ang Organisasyon ay kikilalanin sa pangalang REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA o RAM.

Seksyon 2.    Ang sagisag ng Alyansa ay ang binaliktad na bandila ng Pilipinas na iginuhit bilang isang sulo at may itak na nakaguhit pataas. Ito ay nakapaloob sa dalawang bilog na nakasulat sa gitna ang mga titik na REBOLUSYONARYONG ALYANSANG MAKABANSA 1989. Ang sulo ay magsisilbing tanglaw habang ang itak ang simbulo ng pakikibaka ng alyansa.

Page 2: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

Seksyon 3. Ang sagisag ng REBOLUSYONARYONG

ALYANSANG MAKABANSA

Seksyon 4. Ang punong himpilan ng RAM ay matatagpuan sa _________________________

ARTIKULO IIMGA LAYUNIN

Seksyon 1. Ang kagyat na layunin ng RAM ay ipagtagumpay ang pakikibaka para sa kasarinlan at demokrasya, ipagwagi ang pinakamalawak na mga kalayaan at karapatan, at kamtin ang mga ekonomiko’t panlipunang reporma para sa sambayanan.

Seksyon 2. Layunin nitong paunlarin ang kamulatan ng kasapian at ng mga mamayan at mapayabong ang pagkakaorganisa sa kanila upang maitaas ang kanilang ispontanyong pakikipaglaban sa antas ng mulat at mahinahong pakikidigma para sa kalayaan at pagbabago.

Seksyon 3. Nilalayon ng RAM na palaganapin ang diwa ng rebolusyong 1896, at gawin itong integral na bahagi ng pakikiisa sa lahat ng mga progresibong pwersa at mga samahan ng mga mulat na mamamayan para sa makamit ang tunay Pambansang Kalayaan, Kasarinlan at Demokrasya at Pagkakapantay pantay ng sa gayun makamtan na ng sambayanan ang kasaganaan sa mahinahong paraan.

Seksyon 4. Nilalayon din ng RAM ang mangalap ng pondo na di lang nakalimita mula sa donasyon, subsidyo, kontribusyon at butaw ng kasapian kundi pati na rin sa mga kaalyadong organisasyon - pribado man o gobyerno at ng mga pamahalaang lokal at dayuhan para sa pagsusulong ng anim (6) Programa ng RAM - Programang Pang-organisasyon, Pampulitika, Pang Ekonomiya, Pang Sosyal at Pang Militar at Pang Kalikasan.

Seksyon 5. Makipagkaisa sa mga lokal at internasyunal na mga organisasyon o mga samahan na may kahalintulad ng mga layunin ng RAM.

.

Page 3: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

 ARTIKULO III

KASAPIAN

Seksyon 1. Sinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon sa mga layunin ng RAM, handang sumunod sa Konstitusyon nito, tumupad sa kapasyahan ng organisasyon, pamunuan, at pumaloob sa isang tsapter, komitiba o mga organo ng RAM at handang gumampan ng mga tungkulin sa abot ng kanyang makakaya, ay maaaring maging kasapi.

Seksyon 2.   Tatanggaping kasapi ng RAM ang isang nirerekluta matapos, bigyan ng oryentasyon, sang-ayunan at pasumpain ng Tsapter o Balangay na nagrekluta. 

Seksyon 3.   Lahat ng kasapi ng RAM ay pasusumpain ng Balangay na nagrekluta sa kanila. Ang sumpa ng RAM ay ang sumusunod:

PANUNUMPA

Ako si _____________________________________ na itinalaga

bilang ___________________ ng ______________ ng bagong

Rebolusyonaryong Alyansang Makabansa ay taimtim na nanunumpa

sa bandilang Pilipino na gagampanan ko ang mga nakatalaa na mga

katungkulan na ipinagkatiwala sa akin: na lubos akong mananalig at

magiging matapat sa kilusan; na itataguyod at ipagtatangol ko ang

mga simulain at mithiin nito; na magmamalasakit ako upang

matagumpay ito sa pakikibakang ang layunin ay matamo ang isang

MAKATARUNGAN, DEMOKRATIKO at MAUNLAD NA LIPUNAN, sa

pamamagitan ng pamahalaang malinis, matapat at tumutugon sa

mga pangangailangan ng Sambayanang Pilipino; na tutuparin ko

ang mga alituntunin at kapasyahang ipapahayag ng mga pinuno ng

KILUSAN; na matapat akong maglilingkod at ipaglalaban ang

kapakanan ng Sambayanang Pilipino at ng REBOLUSYONARYONG

ALYANSANG MAKABANSA ng walang pasubali.

Kasihan nawa ako ng Diyos!

Page 4: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

Seksyon 4. Ang lahat ng mga kasapi ay Inaasahang tutupad sa kanilang mga tungkulin tulad ng aktibong paggampan sa mga gawain, pagbabayad ng buwanang butaw o iba pang mga itinakdang butaw, at paglahok sa lahat ng mga aktibidad na pinagkaisahan ng RAM.

Seksyon 5. Dalawa ang uri ng kasapian ng RAM. Indibidwal na kasapi o Ganap na kasapi at Kasaping Organisasyon o Di gananp na kasapi (Associate Members)

Seksyon 6.  Maaaring awtomatikong mapawalang-bisa ang pagiging kasapi ng sinumang kasapi na tuluy-tuloy na hindi makaugnay sa RAM ng isang (1) taon sa kabila ng mga pagsisikap na siya ay ugnayan ng kinabibilangan niyang Tsapter o Balangay.  Obligasyon ng Balangay na paalalahanan ang kasapi sa nalalapit na pagpapawalang-bisa ng kanyang kasapian.

ARTIKULO IVKARAPATAN AT OBLIGASYON NG MGA KASAPI

Seksyon 1.   Ang mga karapatan ng mga Ganap na Kasapi (Full Pledge Members) o mga Indibidwal na kasapi ay ang sumusunod:

a.  Mahalal bilang delegado sa mga Asembleya ng Balangay, Kumperensya ng Distrito, Probensya, Rehiyon at Pambansang Kongreso;

b.   Maghalal at mahalal bilang namumuno;

k.   Lumahok sa mga talakayan at bomoto sa pagbubuo ng desisyon;

d.    Maghapag ng anumang panukala, kritisismo, o pahayag para sa pagpapaunlad ng mga gawain o sistema ng pagkilos alinsunod sa mga sistemang isinasaad sa Konstitusyon o itinatakda ng RAM.

e.    Mag-apela sa nakatataas na organo hinggil sa anumang desisyon na hindi niya sinasang-ayunan habang ipinatutupad ang kanyang obligasyong sundin ang nasabing desisyon at tumanggap ng responsableng tugon;

g.   Magharap at makipagdayalogo para sa naiibang mga patakaran at mungkahi, kabilang na ang isang alternatibong plataporma kung may substansyal na pagkakaibang nakikita kaugnay ng Programa, Konstitusyon at Plataporma;

h.   Magpaabot sa Pambansang Pamunuan (National Board of Directors) ng mga sulating naglalaman ng sariling pagsusuri, opinyon o pagtingin hinggil sa anumang usaping pang organisasyon. Obligasyon ng NBOD na ipalaganap ito sa buong kasapian maliban kung makasisira ito sa pagkakaisa sa pagkilos ng RAM.

i.     Pumuna sa anumang organo at sinumang lider sa tamang mga porum ng Alyansa;

l.     Tamasahin ang karapatan sa due process sakaling sampahan ng akusasyon o kaso, na may karampatang aksyong pandisiplina kung napatunayang nagkasala;

Page 5: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

m.   Matrato bilang kasama at kapatid at tamasahin ang karapatan sa pantay-pantay at walang pagkiling na pagpapatupad sa Konstitusyon sa lahat ng kasapi;

n. Makalahok at Makatanggap ng anumang programa ng organisasyon na makakatulong sa kasanayan ng kanilang pampulitika, pang sosyal at pang-ekonomiyang pag-unlad.

o.    Kusang magbitiw. Sinumang kasaping nagnanais magbitiw sa RAM ay dapat magsumite ng nakasulat na paliwanag sa batayan ng kanyang pagbibitiw at ilinaw ito sa pulong ng kinabibilangang Balangay.

Seksyon 2. Ang mga karapatan ng mga Di Ganap na Kasapi o Associate Members ay katulad ng sa mga Ganap na Kasapi maliban sa bomoto at magpaboto sa anuman posisyon ng RAM at bomoto sa mga disisyon ng orhanisasyon.

Seksyon 3.   Ang mga obligasyon ng mga kasapi ay ang sumusunod:

a.   Maging tapat at sundin ang Konstitusyong ito, maging aktibo sa isang komitiba, yunit, organo o Balangay ng RAM at ipailalim sa direksyon ng RAM ang lahat ng pampulitikang aktibidad, ipatupad ang mga patakaran at desisyon ng namumunong mga organo, at gumampan ng gawain sa abot ng makakaya.

b.   Tiyaking napauunlad ang pag-unawa ng mga kasapi sa mga Programa, Layunain at Adhikain ng RAM, pataasin ang pang-ideolohiya at pampulitikang antas upang matugunan ang mahigpit, maigting at walang-kompromisong pagbatikos sa mga mapagsamantala.

k.   Lumahok sa mga pag-aaral at iba pang edukasyon, pagsasanay na ipagkakaloob ng alyansa.

d.    Palakasin ang pagkakaisa ng RAM at ipagtanggol ito mula sa lahat ng babatikos o katunggaling pwersa labas man o loob ng Alyansa. Ipagtanggol ang mga adhikain at layunin sa lahat ng pagkakataon nang walang binibitawang anumang konsesyon. Pangalagaan ang seguridad at ipagtanggol ang prestihiyo ng pagiging kasapi ng RAM.

e.   Palawakin, palakasin at paunlarin ang RAM at ang impluwensya nito sa lahat ng sektor ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng masigasig na pagkumbinsi sa kanila sa Programa, layunin at mga adhikain at mga patakaran at pagpapasapi sa kanila sa RAM.

g.    Ipatupad ang mga desisyon ng RAM.

h.   Maagap na mag-ulat sa kinauukulang namumunong organo, hanggang sa NBOD at Pambansang Kongreso, hinggil sa anumang nalalamang paglabag ng sinumang kasapi sa Konstitusyon at mga desisyon at patakaran at sa anumang pangyayaring makasisira sa RAM.

i.    Tratuhin ang lahat ng kasapi bilang mga kapatid at kasama;

l.     Maagap na magbayad ng butaw, magbigay at mangalap ng dagdag na kontribusyong materyal at pinansyal.

 

Page 6: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

ARTIKULO VSENTRALISMO AT DAYNAMISMO

Seksyon 1. Ang prinsipyong pang-organisasyon ng RAM ay ang demokratikong sentralismo. Nangangahulugan ito ng sentralisadong pagkilos at pag-iral ng internal na demokrasya sa Alyansa.

Seksyon 2. Ang Pambansang Kongreso ang pinakamataas na organo ng Alyansa. Ito ay binubuo ng mga halal na delegado mula sa kasapian at may kapangyarihang maghalal sa sentrong pamunuan, ang National Board of Directors (NBOD).

Seksyon 3.   Ang operasyon ng lahat ng mga organisasyon ay nakapailalim sa NBOD na siyang pinakamataas na namumunong organo sa pagitan ng Pambansang Kongreso.

Seksyon 4.   Ang mga pinuno at kagawad ng mga namumunong organo sa lahat ng antas ay kinakailangang ihalal, at may pananagutan sa kapulungang naghalal sa kanila.

Seksyon 5.  Kinikilala ang awtonomiya ng bawat Balangay (Bayan, Lunsod, Distrito, Province o Rehiyon) sa partikular na saklaw ng pagkilos na ipinagkaloob ng organong nagbuo dito nang hindi sumasalungat sa awtoridad ng mga namumunong organo ng RAM.

Seksyon 6.   Matapos ang mga talakayan sa mga usapin, pagpapasyahan ang mga desisyon ng RAM at ipatutupad alinsunod sa sumusunod:

a.  Ang lahat ng mga kasaping organisasyon at mga indibidwal kasapi ay nakapailalim sa Pambansang Kongreso

b.    Ang nakakababang organo ay nakapailalim sa nakatatas na

organo.

k.    Ang minorya ay nakapailalim sa mayorya.

d.    Ang indibidwal ay nakapailalim sa organisasyon.

Page 7: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

ARTIKULO VIALITUNTUNING PANG-ORGANISASYON

Seksyon 1. Ang kurum ng lahat ng kapulungan ay simpleng mayorya o 50% + 1 ng kabuuang kasapian ng balangay o organo.

Seksyon 2. Ang desisyon hinggil sa anumang usapin ay maaari lang marating matapos ang malayang talakayan kung saan ang mga kasapi ay nagkaroon ng sapat na pagkakataong ilahad ang kanilang mga opinyon at pagkatapos pagbotohan ng simpleng mayorya.

Seksyon 3. Ang pagboto ay dapat ayon sa sariling pagtingin at kongklusyon ng mga indibidwal batay sa mga diskusyon, sa mga Kumperensya, Kumbensyon o Pambansang Kongreso, bagama’t katungkulan ng isang delegado na epektibong ipahayag sa kapulungan ang pagtingin at posisyon ng Balangay na naghalal sa kanya, hindi siya tali dito sa kanyang pagboto.

Seksyon 4.   Ang prinsipyo ng pinag isang pamumuno ay paiiralin sa lahat ng antas. Lahat ng mahahalagang desisyon ng bawat organo ay dapat na pinagkaisahan ng lahat ng mga namumuno.

Seksyon 5.   Lahat ng desisyon ng nakatataas na organo ay ipatutupad ng nakabababang organo at ng mga indibidwal na kasapi nito. Gayundin, obligasyon ng nakatataas na organo sa nakabababang organo at sa kasapian ang pagbubuo, pagpapaunawa at pagpapatupad ng mga patakaran.

Seksyon 6   Ang mga delegado sa mga Kumperensya, Kumbensyon o Pambansang Kongreso ay ihahalal batay sa proporsyon ng bilang ng kasapi at sa mga batayang itatakda ng mga namumunong organong nagpatawag ng Kumperensya, Kumbensyon o ng Pambansang Kongreso.

Seksyon 7.   Ang halalan para sa mga delegado, at sa mga pinuno at kagawad ng mga namumunong komite ay sa pamamagitan ng sikretong balota.

Seksyon 8.    Sinumang pinuno o kagawad ng namumunong mga Organo ay maaaring tanggalin sa posisyon sa pamamagitan ng direktang petisyon ng ayon sa sumusunod:

a. Tsapter/Balangay (Bayan/Lungsod))

- 75 porsyento ng buong kasapian

b. Distrito/Probinsya - 75 porsyento ng mga Tsapter nito

c. Rehiyon - 75 porsyento ng Distrito/Probinsya

d. Pambansang Kongreso - 70 porsyento ng nga Rehiyon o

70 porsyento ng mga delegado sa Pambansang Kongreso

Seksyon 9. Ang mga batayan sa pagtanggal sa pwesto ay matinding pampulitikang

pagkakamali, malubhang kapabayaan sa gawain o pang-ideolohiyang paglihis.

Page 8: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

ARTIKULO VIIAKSYONG PANDISIPLINA

Seksyon 1.   Maaaring patawan ng aksyong pandisiplina ang sinumang kasapi alinsunod sa mga batayang ito:

a.  Pag-atake sa RAM sa publiko;

b.  Paglabag sa Programa;

k.   Paglabag sa Konstitusyon;

d.   Paglabag sa Disiplina;

e. Kurapsyon at katiwalian; at

e.   Sadyang pagsasapanganib sa seguridad ng RAM at kasapian nito.

Seksyon 2.  Kung nakagawa ang kasapi ng hindi sinasadyang pagkakamali o nilabag niya ang Konstitusyon o Programa sa menor na paraan lamang, maaaring hindi siya patawan ng aksyong pandisiplina. Gayunman, dapat tukuyin sa kanya ng kaukulang Balangay/Tsapter ang nasabing pagkakamali o paglabag.

Seksyon 3.  Ang sumusunod na aksyong pandisiplina ay maaaring ipataw ng kaukulang Tsapter sa anuman sa mga batayang nabanggit sa  Seksyon 1 ng Artikulo VII:

a.   Mahigpit na pagpuna at babala

b.   Pagtanggal mula sa posisyong halal;

k. Pagsuspinde ng kasapi at pagsuspende sa mga karapatan nito nang hindi lalampas sa labindalawang (12) buwan; at

d.   Pagtiwalag;

Seksyon 4.   Ang suspensyon ay pumapatungkol sa pansamantalang pagkakait ng takdang mga karapatan ng kasapi.  Ang isang suspendidong kasapi, sa panahon ng kanyang suspensyon, ay gagampan sa lahat ng gawaing itatakda ng balangay o organong naggawad ng aksyong pandisiplina.

Seksyon 5.    Ang pagtitiwalag ay aaprubahan ng kagyat na nakakataas na organo.

Seksyon 6.    Ang sumusunod na alituntunin ay ipatutupad bago magpataw ng anumang aksyong pandisiplina sa sinumang kasapi:

a.   Pormal na paghaharap ng nakasulat na kaso sa kaukulang komitiba o organo ng nasasangkot.

b. Kung ang nagsampa at ang sinampahan ng kaso ay kabilang sa iisang Komitiba o organo, pagpapasyahan ang usapin ng Tsapter na kinabibilangan nila.

k.   Kung ang nagsampa ng kaso at ang kinasuhan ay mula sa magkaibang Tsapter, pagpapasyahan ang usapin ng kagyat na nakatataas na organo.

Page 9: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

d.    Kung ang kasaping kinakasuhan ay kabilang sa nakatataas na organo, dapat itong imbestigahan at pagpasyahan ng nasabing nakatataas na organo.

e.    Ang akusado ay dapat pagkalooban ng kopya ng nakasulat na habla. Dapat niya itong matanggap nang di bababa sa labin limang (15) araw bago ang pagdinig sa kaso.

g.   Karapatan ng nag-akusa at akusado ang kumuha ng manananggol na tutulong sa pag-uusig o pagdepensa sa kaso sa harap ng komitiba o Tsapter o organong may hawak ng kaso;

h.   Bago buksan ang paglilitis, magtatalaga ang namumunong organo ng mag-iimbestiga sa mga akusasyon at magpapasya kung may sapat na batayan upang dinggin ang kaso.  Lahat ng kasapi ay obligadong magbigay ng lahat ng nalalaman nilang mga impormasyong kailangan sa pagdinig at pagpapasya sa kaso.

i.    Kung ang akusadong kasapi ay hindi nabibilang sa Tsapter na dumidinig sa kaso, may karapatan siyang magsumite ng nakasulat na pahayag ukol sa kaso sa nasabing organo. Ang akusado ay maaari ring humingi ng pahintulot sa nasabing organo para dumalo sa pagdinig sa kaso.

l.    Ang kasaping pinatawan ng aksyong pandisiplina ay may karapatang mag-apela sa nakatataas na organo. Dapat gawin ang apela sa loob ng tatlumpong (30) araw mula nang magkabisa ang aksyong pandisiplina. Gayunman ipatutupad ang aksyong pandisiplina habang dinidinig ang apela.

Seksyon 7.    Ang aksyong pandisiplina laban sa mga kasapi ng NBOD ay maaari lamang ipataw ng NBOD mismo o ng Pambansang Kongreso. Gayunman, ang mga kasapi ng NBOD ay maaari lamang itiwalag sa pamamagitan ng pagboto rito ng dalawang-katlong (2/3) kasapian ng NBOD o ng 75 porsyento ng mga rehiyon o 75 porsyento ng mga delegado sa Pambansang Kongreso.

Page 10: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

ARTIKULO VIIIPAMBANSANG KONGRESO

Seksyon 1.   Ang Pambansang Kongreso ang siyang pinakamataas na organo ng RAM. Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng Pambansang Kongreso ay ang mga sumusunod:

a.   Pagtibayin at baguhin ang mga Programa;

b.  Pagtibayin at amyendahan ang Konstitusyon; at

k.   Itakda ang bilang ng kasapi ng NBOD at ihalal ang mga kasapi ng Pambansang Tagapagpaganap o National Executive Commettee (NEC).

d. Magtayo ng mga Kawanihang (Bureau) may kaugnay sa operayon ng organisasyon

Seksyon 2.   Ang Pambansang Kongreso ay ilulunsad tuwing ikalimang (5) taon. Ang pagpapatawag ng Pambansang Kongreso ay pagpapasyahan ng NBOD, gayundin ang pagtatakda ng adyenda ng Kongreso. Ang Pambansang Kongreso ay maaari ring ilunsad nang mas maaga sa itinakdang panahon batay sa napagkaisahang.

Seksyon 3.   Itatakda ng NBOD ang lugar at petsa ng hindi bababa sa dalawang (2) buwan bago ang Kongreso. 

Seksyon 4.   Ang Pambansang Kongreso ay dadaluhan ng lahat ng inihalal na mga kinatawan mula sa kasapian ng Tsapter (Bayan, Lungsond, Distrito, Probinsya o Rehiyon). Alinsunod sa bilang na itatakda ng NBOD, ang kabuuang delegasyon sa Pambansang Kongreso ay proporsyunal na hahatiin sa mga panrehiyong organisasyon ng ayon sa bilang ng kani-kanilang kasapian. May kapangyarihan ang NBOD na mag-anyaya ng walang-botong mga delegado na makatutulong sa deliberasyon sa mga paksa ng Kongreso.

Seksyon 5.   Ang isang ispesyal na Pambansang Kongreso ay maaaring ipatawag ng 60 porsyento ng mga kasapi ng NBOD o 70 porsyento ng mga panrehiyong tsapter ng RAM. Ang isang ispesyal na Kongreso ay mayroong kapangyarihang tulad ng isang regular na Kongreso liban sa paghahalal ng mga kasapi ng NBOD.  Gayunman, maaari ring maghalal ng NBOD ang isang ispesyal na Kongreso kung ito’y pagpapasyahan ng 75 porsyento ng kapulungan.

Page 11: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

ARTIKULO IXPAMBANSANG KONSEHO

(NATIONAL BOARD OF DIRECTORS - NBOD)

Seksyon 1.    Ang Pambabsang Konseho o NBOD ay ang pinakamataas na namumunong organo sa pagitan ng mga Kongreso nito. Ang mga kapasyahan ng Pambabsang Konseho o NBOD ay dapat ipatupad ng lahat ng mga nakabababang organo at Tsapter.

Seksyon 2.    Ang pulong ng Pambabsang Konseho o NBOD ay hindi bababa ng dalawang beses kada taon. Ang mga pulong ng Pambabsang Konseho o NBOD ay itatakda at ihahanda ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap (NEC) ng NBOD. 

Seksyon 3.    Ang mga tungkulin at kapangyarihan ng Pambabsang Konseho o NBOD ay ang mga sumusunod:

a. Tiyakin ang implementasyon ng Programa, Konstitusyon at lahat ng mga desisyon ng Pambansang Kongreso;

b.  Pamunuan ang pang-ideolohiya, pampulitika, at pang-organisasyong mga pagkilos at aktibidad;

k.   Magpanukala ng mga pagbabago sa Programa at

d.   Magsagawa ng mga pagbabago sa istruktura at operasyon base sa mga probisyon ng Konstitusyon;

e.  Ipatawag ang Pambansang Kongreso at pamunuan ang preparasyon dito;   

h.    Itayo ang mga panrehiyong organisasyon, gayundin ang mga sangay ng RAM sa ibang bansa kung kinakailangan;

i.    Itayo ang mga katulong na organo at iba pang mga istruktura para sa iba’t ibang gawain sa pambansang antas, itakda ang mga tungkulin ng mga ito at hirangin ang mga kasaping bubuo sa mga ito;

l.     Pamahalaan ang pinansya at mga ari-arian;

m.  Humirang ng bagong mga kasapi ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap (National Executive Committee o NEC) upang punuan ang anumang bakanteng posisyon sa NEC

Seksyon 4. Responsable sa pangkalahatang pamumuno sa pagitan ng mga pulong ng Pambansang Kongreso. Responsibilidad ng Pambansang Konseho o NBOD na bigyang direksyon ang pampulitikang pagkilos ng Alyansa, magpasya sa lahat ng usaping pampatakaran at magpalabas ng mga atas at direktiba sa lahat ng mga organo ng RAM alinsunod sa mga kapasyahan ng Pambansang Kongreso.

Page 12: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

Seksyon 5. Kumposesyon ng NBOD. Ang sumusunod ay ang komposisyon ng Pambansang Konseho o NBOD: Pambansang Tagapangulo o National Chairman, Pangalawang Pambansang Tagapangulo o National Vice Chairman, Pambansang Pangkalahatang Kalihim o National Secretary General, Pambansang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim o National Deputy Sec Gen., Pambansang Organizational Development Coordinator/Political Officer, o National OD/PO, Pambansang Kalihim sa Pinansya o National Treasurer, Pambansang Pambansang Kalihim ng Awdit o National Auditor at lahat ng mga Pang Rehiyong Pinuno o Chairman.

Seksyon 6. Ang mga pambansang pinuno ng Pambansang Konseho o NBOD ay ihahalal ng Kongreso, (maliban sa mga pinuno ng Rehiyon na awtomatikong uupo bilang kinatawan ng mga Rehiyon). Ang kongreso ay maghahalal ng 7 kasapi ng Pambansang Konseho NBOD. Ang mga nahalal na mga kasapi ng NBOD ay magpipili kung sino sa kanila ang hahawak sa posisyng Pambansang Tagapangulo o National Chairman, Pangalawang Pambansang Tagapangulo o National Vice Chairman, Pambansang Pangkalahatang Kalihim o National Secretary General, Pambansang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim o National Deputy sec Gen., Pambansang Organizational Development Coordinator/Political Offcier, o National OD/PO, Pambansang Kalihim sa Pinansya o National Treasurer, Pambansang Pambansang kalihim ng Awdit o National Auditor

ARTIKULO XPAMBANSANG KOMITENG TAGAPAGPAGANAP (PKT) NG

PAMBANSANG KONSEHO O NBOD

Seksyon 1.   Ang Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ay bubuuin ng mga pambansang pinuno ng RAM at dagdag pang mga Kasapi base sa desisyon ng Pambansang Konseho o NBOD.

Seksyon 2.    Tungkulin ng PKT na pangasiwaan ang pagpapatupad sa mga desisyon at patakaran ng Pambansang Kongreso at ng Pambansang Konseho o NBOD.

Seksyon 3.    Ang PKT ay magpupulong kada buwan.

Seksyon 4. Komposisyon ng PKT - Ang mga Kasapi ng NEC ay ang Pambansang Tagapangulo o National Chairman, Pangalawang Pambansang Tagapangulo o National Vice Chairman, Pambansang Pangkalahatang Kalihim o National Secretary General, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim o National Deputy Sec Gen. National OD, at Pambansang Kalihim sa Pinansya o National Treasurer

Page 13: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

ARTIKULO XIMGA KAWANIHAN

Seksyon 1. Ang sumusunod ay ang mga mayor na kawanihan na itatatag ng Pambansang Konseho o NBOD o kaya ng Pambansang Tagapangulo.

1. Organizational Development Bureau (ODB)2. Resources and Logistics Bureau (RLB)3. Special Operations Bureau (SOB)4. Publication and Media Bureau (PMB)5. Maaring magbuo ang NBOD ng iba pang mga kawanihan

batay sa pangangailangan ng Alyansa (base sa Art. IX Seksyon 3, sub Seksyon i).

Seksyon 2. Ang ODB at ay pamumunuan ng Pambansang OD Coordinator

Seksyon 3. Ang RLB ay pamumunuan ng Pambansang Kalihim sa Pinansya

Seksyon 4. Ang SOB ay pamumunuan ng Pambansang Pangalawang Tagapangulo

Seksyon 5. Ang PMB ay pamumunuan ng Pangalawang Pambansang kalihim

Seksyon 6. Ang lahat ng mga kawanihan ay pamumunuan ng Pambansang Pangkalahatang Kalihim

Seksyon 7. Ang Pambansang Konseho o NBOD ay magdedesinyo ng mga partikular na gawain ng mga kawanihan at magdedetermina ng bilang mga kasapi nito.

ARTIKULO XII

MGA PAMBANSANG PINUNO NG RAM

Seksyon 1.   Ang mga pambansang pinuno ng RAM ay ang Pambansang Tagapangulo o National Chairman , Pangalawang Pambansang Tagapangulo o National Vice Chairman, Pambansang Pangkalahatang Kalihim o National Secretary General, Pangalawang Pambansang Kalihim, Pambansang OD, Pambansang Kalihim sa Pinansya o National Finance Officer, Pambansang Pambansang kalihim ng Awdit

Seksyon 2.   Ang Pambansang Tagapangulo ang nangungunang pinuno ng RAM at pangunahing responsable sa istratehikong pamumuno ng NBOD at NEC.

Seksyon 3. Ang pangalawang Pinuno and susunod na pinakamataas na pinuno ng RAM. Pangunahin nyang responsibilidad ang pamumuno sa SOB. Siya ang hahalili sa Pambansang pinuno kung sa pagitan ng mga Kongreso ay hindi na ito makagampan ng gawain, kusang magbitiw o matanggal sa pwesto.

Page 14: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

Seksyon 3.    Ang Pangkalahatang Kalihim ay responsible sa pang-araw-araw na administrasyon ng mga gawain ng buong RAM. Bilang pinuno ng Komiteng Tagapagpaganap ng NBOD at mga Kawanihan. Kabilang sa mga responsabilidad nito ay:

a.  Subaybayan ang pagpapatupad ng mga gawain;

b.  Tukuyin ang mga pangkalahatang suliranin sa pagpapatupad ng mga

Gawain. Magbalangkas ng mga kaukulang direktiba sa pagkilos ng mga Tsapter;

k.  Tukuyin ang mga usaping dapat pagpasyahan o aksyunan ng NBOD

 Seksyon 4.   Ang Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ang hahalili sa Pangkalahatang Kalihim kung sa pagitan ng mga Kongreso ay hindi na ito makagampan ng gawain, kusang magbitiw o matanggal sa pwesto. Pamumunuan nya ang PMB.

Seksyon 5.    Ang Kalihim sa Pinansya ang pangunahing responsable sa pagtitiyak na may sapat na pondo at rekurso ang RAM upang maisakatuparan ang mga pang-organisasyong gawain.

Seksyon 6. Ang Kalihim sa Awdit ang magtitiyak na ang lahat ng rekurso at pananalapi ng alyansa ay nagagamit sa nakalaan at napag desisyunan ng Kongreso at NBOD.

ARTIKULO XIIIPANREHIYON, PANG DISTRITO/PAMPROBINSYA AT PANG

BAYAN/LUNGSOD NA ORGANISASYON NG RAM

Seksyon 1.  Ang namumunong organo ng Panrehiyong Organisasyon ng RAM ay ang Panrehiyong Kumperensya (Regional Conference) na ipapatawag kada 3 taon ng Regional Council of Leaders). Maaari rin itong ipatawag sa eksepsyunal na mga pagkakataon ng pambansang pamunuan o ng mayorya ng mga Kumperensya na saklaw nito.  Ang paglulunsad ng regular na Panrehiyong Kumperensya ay hindi maaaring mabalam nang lampas sa anim na buwan. Ang mga delegado ng Panrehiyong Kumperensya ay ihahalal ng mga Kumperesya ng Distrito, Probinsya at mga tsapter ng Bayan o Lungsod batay sa proporsyon ng kasapian ng mga tsapter.

Seksyon 2. Sa pagitan ng mga Panrehiyong Kumbensyon, ang namumunong organo ng rehiyon ay ang Regional Council of Leaders.

Seksyon 3.   Ang namumunong organo ng Probinsya ng RAM ay ang District/Provincial Conference. Ang mga delegado ng Provincial Conference ay ihahalal ng mga Tsapter batay sa proporsyon ng kasapian nito.

Seksyon 4.    Sa pagitan ng mga Provincial Conference, ang namumunong organo ay ang Provincial Council of Leaders.

Page 15: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

Seksyon 5. Sa pagitan ng namumunong organo ng Probisya ay ang mga Pangkalahatang Asembleya ng Tsapter – Bayan o Lungsod (Chapter’s General Assembly)

Seksyon 6. Ang mga namumunong organo ng mga Asemleya ay ang mga Chapter Executive Councils.

Seksyon 6.   Ang mga karapatan at responsibilidad ng Provincial, Regional Council of Leaders at Chapter’s Executive Councils ay ang mga sumusunod:

a.   Magbalangkas ng mga patakaran para sa implementasyon ng plano’t ikoordina at bigyang-direksyon ang gawain ng mga Probensya o Tsapter saklaw nito;

b.    Maghalal ng Komiteng Tagapagpaganap, na siyang magiging responsable sa pagsasakatuparan ng mga desisyon at mga gawain. Ang mga pinuno nito ay ang Chairman, Vice Chairman, Secretary General, Deputy Secretary General, Finance Officer at Auditor. May Gagabay sa bawat PCL, RCL na nga Political Officers o Organizational Development Coordinators na itatalaga ng Pambansang pamunuan.

k.    Humirang ng mga bagong kagawad na pupuno sa nabakanteng mga pwesto sa PCL, RCL o EC;

d.   Magtalaga ng mga katulong na komite o organo, itakda ang mga tungkulin at awtoridad ng mga ito, at humirang ng mga kasaping pupuno sa mga ito;

e.   Magtayo ng mga bagong tsapter sa mga Bayan, Syudad, Distrito at Probinsya na walang pang tsapter ang RAM;

g.   Ipatawag ang Asembleya o Kumperensya, at magpasya sa batayan ng delegasyon at bilang ng mga delegado at mungkahing mga paksa sa.

Seksyon 7.    Ang Komiteng Tagapagpaganap ng PCL o RCL ang responsable sa pang-araw-araw na pagpapatupad sa lahat ng desisyon at plano ng Provincial Conference o Regional Convention.

Page 16: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

ARTIKULO XIVTSAPTER

Seksyon 1.    Ang batayang yunit ng RAM ay ang mga Tsapter o Balangay (Municipal o

City). Bubuin ang tsapter ng minimum na 25 kasapi.

Seksyon 3.    Ang mga tungkulin ng tsapter sa pangkalahatan ay ang mga sumusunod:

a.  Pagpaplano at pagpapatupad ng pangmasang pag-aaral;

k.   Pagpapalawak ng kasapian at pagpili’t pagpapaunlad sa mga kasapi

d.   Pag-oorganisa at pagpapalawak ng network ng mga simpatisador at alyado ng RAM;

e.    Pagsasagawa ng propaganda at ahitasyon batay sa linya at mga islogan ng RAM;

g.    Pag-oorganisa ng masa sa iba’t ibang porma ng samahan at pampulitikang pagkokonsolida sa pagkakaisang ito;

h.   Paglahok sa mga pakikibakang masa at pampulitikang mobilisasyon;

i.  Pagpapaunlad ng mga rebolusyonaryong kadre, pangmasang lider at pultaym na organisador ng RAM;

l.    Pagkolekta ng butaw ng mga kasapi; at

m.   Pagpapasulpot ng pinansya at mga rekurso para sa RAM.

ARTIKULO XVPANANALAPI

Seksyon 1.    Ang pananalapi ay magmumula sa mga pamumuhunan, kampanyang pampinansya, butaw ng mga kasapi, donasyon at kontribusyon.

Seksyon 2.   Ang buwanang butaw ng mga kasapi ay pagpapasyahan ng mga tsapter batay sa kanilang kakayahan at pinagkaisahan ng mga kasapi.

Seksyon 3. Ang NEC ang mamamahala sa pananalapi at ari-arian at regular na magbibigay ng ulat sa mga pangrehiyong organisasyon hinggil sa pangkalahatang kalagayan ng pananalapi.

Seksyon 4. Ang taunang butaw ng mga kasapi na isesentralesa sa NEC ay ang sumusunod:

A. Indibidwal na kasapi - Php 100.00

B. Organisasyon na Kasapi - Php 500.00

Page 17: KONSTITUSYON - Webs · Web viewSinumang mamamayang Pilipino o naninirahan sa Pilipinas, 18 taong gulang pataas, anuman ang kasarian at oryentasyon, paniniwalang relehiyon at sumasang-ayon

Seksyon 5. Ang mga Tsapter ay maaring mangulekta sa mga kasapi ng buwanang butaw at iba pang bayaring pang-organisasyon ayon sa kanilang napagkasunduang halaga. Mula sa kanilang nakulektang buwanang butaw, mag aalutaga ito ng taunang butaw ayon sa sumusunod:

a. Indibidwal na kasapi - Php 150.00

b. Organisasyon na Kasapi - Php 750.00

Ito ay isesentralisa sa PangRehiyon na Pamunuan na siya na ring magsesentralisa sa Pambansang pamunuan base sa Seksyon 4, Article XV na bayarin. Ang sobra sa pondo na makakalap ng Rehiyon ay gagamitin para sa operasyon nito at bilang subsidy na rin ng Pambansang Pamunuan sa Rehiyon.

Seksyon 6. Ang bayad sa pagsapi ay ang sumusunod:

A. Indibidwal - Php 150.00

B. Organisasyon - Php 500.00

Seksyon 7. Minsan lang ang pagkulikta ng bayad sa pagsapi at ito ay isesentralisa sa balangay o tsapter na nagrekluta sa kanila.Ito ay di na maibabalik sa mga kasapi sa panahong sila ay magbitiw o kaya itiwalag sa alyansa.

Seksyon 8. Ang Pambansang pamunuan ay mag sisiguro na makapagpalabas ng pondo para sa subsidyo ng mga Tsapter sa kanilang mga programa at operasyon.

ARTIKULO XVIMGA SUSOG

Ang mga panukalang susog sa Konstitusyon ay maaaring buksan sa deliberasyon ng Pambansang Kongreso kung sasang-ayunan ng 30% ng mga delegado at mapagtitibay at pagpapasyahan ng simpleng mayorya (50% plus 1) ng buong kapulungan na delegado sa Pambansang Kongreso.