Upload
others
View
5
Download
0
Embed Size (px)
Citation preview
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS MAYNILAA
Kolehiyo ng Sining at Agham
Departamento ng Agham Panlipunan
Programa ng Pag-aaral Pangkaunlaran
SHORT LIVED-lihood Programs:
Isang Pagsusuri sa mga Programang Reintegrasyon ng
National Reintegration Center for OFWs
Isang Pananaliksik na Isinumite sa Programa ng Pag-aaral Pangkaunlaran ng
Departamento ng Agham Panlipunan, Unibersidad ng Pilipinas Maynila,
bilang bahagi ng katuparan upang makamit ang antas ng
Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Pag-aaral Pangkaunlaran
Ipinasa ni
Josah Marielle B. Agan
2009-46334
Sa pamamatnubay ni
Dr. Edberto M. Villegas
Tagapayo, Pag-aaral Pangkaunlaran
Departamento ng Agham Panlipunan
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
UNIBERSIDAD NG PILIPINAS MAYNILA
Kolehiyo ng Sining at Agham
Departamento ng Agham Panlipunan
Marso 2013
PAHINA NG PAGPAPATIBAY
Bilang bahagi ng katuparan upang makamit ang antas ng Batsilyer sa Sining, Dalubhasa
sa Pag-aaral Pangkaunlaran, ang pananaliksik na ito na pinamagatang SHORT LIVED-
lihood Programs: Isang Pagsusuri sa mga Programang Reintegrasyon ng National
Reintegration Center for OFWs ay inihanda at isinumite ni Josah Marielle B. Agan.
DR. EDBERTO M. VILLEGAS
Tagapayo, Pag-aaral Pangkaunlaran
_____________________________________________________________________
Tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng katuparan upang makamit ang antas ng
Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Pag-aaral Pangkaunlaran.
PROP. CARL MARC L. RAMOTA
Tagapangulo, Departamento ng Agham Panlipunan
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Acknowledgement
Sa apat na taon, pinatunayan Mo kung gaano Mo ako kamahal. Naging matapat ka sa
Iyong pangako na hinding-hindi mo ako iiwan o pababayaan. At walang sandali sa aking buhay
na Ikaw ay nagkulang. Sa katunayan – higit pa ang Iyong ipinamalas. Hindi ko ipagkakait sa Iyo
ang parangal na ito sapagkat Ika’y karapat-dapat, ika’y dakila, walang katulad. I Love You Lord.
Kulang ang pasasalamat para tunay kong maipakita ang kagalakan sa aking puso sa
pagkakaroon ng mga taong ipinagkaloob ng Diyos sa akin upang maging kaagapay, katuwang,
kaibigan sa mga panahong lubos kong kailangan ng masasandalan at maaasahan. Tunay ngang
imposible kong maabot ang mga ito kung wala kayo sa tabi ko. Maraming maraming salamat!
Maraming salamat sa Diyos sa buhay ng aking mga magulang. Malayo man kayo ngunit
damang-dama ko ang suporta at pagmamahal ninyo. Maraming salamat po sa tiwala. Para po sa
inyo ang lahat ng ito. Mahal na mahal ko po kayo! Maging sa aking buong pamilya at kamag-
anak na walang humpay na nagbibigay ng lakas ng loob, maraming salamat sa inyo.
Sa aking mga “gold bar” dito sa UP Manila, sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa
Diyos sa buhay ninyo. Tunay ngang alam na alam ng Panginoon ang pangangailangan ng
Kanyang mga anak. Binigay niya kayo sa akin na sa apat na taon ay naging katuwang ko,
karamay, at naging pamilya ko na dito sa Maynila – Gaye, Heilia, Ella, Ariza, Hannah, Pia,
Charmee, Erika, Jam, Rayla, Arlene, Regine. Mahal ko kayo friends!
Sa aking mga kasamahan sa church, maraming maraming salamat sa pagtapik sa aking
mga balikat, sa mga pagkumusta, sa mga panalangin, sa mga tawa, sa mga alaala. Tunay kayong
regalo ng Diyos sa buhay ko – sa aming mga Pastor, sa KKB (Kristiyanong Kabataan para sa
Bayan), sa aking mga tumayong magulang, tumayong pamilya ko dito, lubos lubos ang aking
pasasalamat sa inyo.
Sa lahat ng tumulong sa akin sa pag-aaral na ito, hindi ko man kayo mabanggit lahat,
ngunit taos-puso ang aking pasasalamat sa buong pusong pag-tulong na ibinigay ninyo na
walang hinihintay na kapalit.
Sa aming mga pangalawang magulang dito sa unibersidad, ang aming mga propesor,
hindi kami magsasawang pasalamatan kayo sa pagbahagi sa amin ng inyong mga kaalaman,
ngunit higit pa roon sa pagiging isang magandang halimbawa para sa aming mga estudyante.
Sa aming tagapayo, kay Doc Ed, Sir, maraming maraming salamat po! Kay Sir Pons,
maraming salamat din po dahil nagsilbi po kayong inspirasyon sa amin. Hindi po kayo
nagkulang sa paalala, sa pag-gabay, sa pagpapalakas sa amin. Maraming maraming salamat.
Kay kuya Mike Abrigo, maraming salamat sa pagbahagi ng iyong kaalaman at panahon
sa akin. Sa lahat ng aking nakapanayam, mga opisyal ng OWWA, ng NRCO at ng POEA,
maging ng mga NGO, ang IBON at ang MIGRANTE, salamat din po sa pag-gabay ninyo, sa
pagbahagi ng inyong kaalaman. Tunay kayong bahagi sa katagumpayan ng pag-aaral na ito.
At sa naging inspirasyon ko kung bakit una sa lahat, ito ang naging paksa ng aking tesis,
sa mga OFW – ito ay para sa inyo, isang pagkilala sa natatanging ambag ninyo hindi lamang sa
ekonomiya ng bansa, kundi sa pagtataas ng bandera ng pagiging isang Pilipino. Tunay kayong
mga bayani sa aming mga puso.
ABSTRAK
Ganoon na lamang ang pagsandig ng ating ekonomiya sa tinatawag nating “remittance” o
padala ng mga OFW. Nakakalungkot kung iisipin natin, ayon pa sa OWWA, ang mga OFW ay
kinikilalang mga bayani kapag sila ay nasa labas ng bansa lamang pero kapag nasa sariling bansa
na sila ay hindi pinapansin – ‘neglected’. Mayroong kakulangan sa episyente at sustenableng
programang reintegrasyon ang pamahalaan.
Ayon pa sa IBON, ito’y self-contradictory dahil kung may kakayanan pala ang
pamahalaan na magbigay ng kabuhayan, bakit pa nito tinutulak ang mga Pilipino palabas ng
bansa. Para mong sinasabi na okay lang mag-abroad kayo ngayon kasi pag balik ninyo may
reintegration programs naman. Kaya lumalabas na kumikita ka na habang abroad ka at kapag
gusto mo nang bumalik aalagaan ka pa ng pamahalaan.
Ang kailangang bigyang aksyon o tugon ay ang pinakabatayan at pundamental na
problema - bakit nga ba walang trabaho para sa overseas workers?
“Hindi maganda gawing eksport sariling kababayan para lamang kumita” sabi ng isang
propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Kaya ang panawagan ng mga migrante, kanilang mga
pamilya at maging ang mga organisasyon na nagsusulong ng karapatan ng mga OFW, trabaho sa
Pilipinas hindi sa ibang bansa.
TALAAN NG NILALAMAN
I. MUNGKAHING TESIS ………………………………………………………….. 01 – 17
A. Paglalahad ng Problema
B. Depenisyon ng mga Termino
C. Teoretikal na Pananaw
D. Metodolohiya
E. Salaysay ng Ipotesis
F. Repaso ng Kaugnay na Literatura
G. Kahalagahan ng Pag-aaral
II. KOMPREHENSIBONG PAG-AARAL NG MIGRASYON
AT REINTEGRATION PROGRAM ……………………………………………… 18 – 32
A. Bayani o Martir?
B. Mula STOP-GAP naging NON-STOP
C. Pagsandig sa Padala at Pwersahang Migrasyon
D. Dalamhati ng “Bagong Bayani”
E. Patakarang Labor Eksport at Neo-liberal na mga Polisiya
F. Overview ng National Reintegration Center for OFWs
III. PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG DATOS …………………….…………….. 33 - 60
IV. KONKLUSYON AT REKOMENDASYON …………………………………..…… 61 - 64
V. BIBLIYOGRAPIYA
VI. APENDIKS
INTRODUKSYON
Simula pa ng panunungkulan ni Pangulong Marcos noong kalagitnaan ng dekada sitenta,
ang Pilipinas ay nagpapadala na ng mga Pilipino sa ibang bansa para magtrabaho. Nang
nagkaroon ng malawakang disempleyo at krisis sa bansa, sinabayan pa ng natural na kalamidad –
ang nagising na bulkan, nagbunga ang lahat ng ito ng bagong daluyong ng migrasyon ng lakas
paggawa. Sinasabi ng rehimeng Marcos na panandalian lamang ito, ngunit ang kahirapan bunsod
ng pang-ekonomiyang krisis ay mas lumala pa. Kaya naman ang sumunod na mga rehimen kay
Marcos ay mas pinalakas pa lalo ang bangungot ng mga OFW – ang patakarang labor export.
Ang mga sumunod na mga administrasyon ay patuloy ang pagtanggi na ang kanilang
isinusulong at ipinapatupad ang patakarang labor eksport. Ngunit habang tumatagal ay mas
nagiging lantad ang kanilang tunay na iskema. Sa ilalim ni dating presidente Cory Aquino, ang
patakarang labor eksport ay kinitaan bilang isang maganda komponyente ng aniya’y
“programang pang-kaunlaran”. Sa rehimeng Ramos naman na tinawag ang patakarang ito na
“international sharing of human resources”. Nagkaroon sa panahong ito ng protesta dahil sa
pagwawalang bahala ng pamahalaan sa pagbibitay ng mga OFW Flor Contemplacion sa
Singapore. Nagbigay daan into sa Republic Act 8042 o ang “Magna Carta for OFWs and their
Families.” Habang, pinagpatuloy naman ni Estrada ang iniwan ni Ramos.
Samantala sa ilalim ng rehimeng Arroyo, idineklara niya ang taong 2001 bilang “Year of
the Overseas Employment Providers” sa kanyang ipinasang Presidential Decree No. 76. Ipinakita
lamang nito ang mahalagang papel ng patakrang labor eksport sa pambansang ekonomiya.
Sinasabi na ang mga Pilipinong nangingibang bansa ay dapat manatiling OFW. Isinulong din ng
pamahalaang Arroyo ang globalisasyon maging ang pagtatanggal ng mga “trade barriers” sa pag-
eksport ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng GATS at Mode 4.
Hindi na maitatago ng mga nagdaang rehimen ang kanilang intension na mas lalo pang-
paigtingin at isulong ang pangingibang bansa. Nakikita ito sa mga polisiya at patakarang “anti-
migrants”.
“Hindi maganda gawing eksport sariling kababayan para lamang kumita” sabi ng isang
propesor mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Kaya ang panawagan ng mga migrante, kanilang mga
pamilya at maging ang mga organisasyon na nagsusulong ng karapatan ng mga OFW, trabaho sa
Pilipinas hindi sa ibang bansa.
PAGLALAHAD NG PROBLEMA
Trabaho at makabuluhang sahod sa Pinas, hindi sa labas! Iyan ang sigaw ng mga
tinaguriang mga bagong bayani – ang mga OFW.
Para sa Migrante International, walang pagbabago sa loob ng dalawang taon ni Aquino,
at sa halip, sumahol pa umano ang kalagayan ng OFW at pamilya sa ilalim ng kanyang
panunungkulan. Dahil sa kanyang pagpapaigting sa patakarang labor eksport, unti-unti ng
nawawalan ng pag-asa ang mga OFW kay PNoy.
Walang ginawa si PNoy para pigilan ang pwersang migrasyon. Dumami pa ng 1.35
bilyon pagsapit ng Oktubre 2011 ang mga Pilipinong napilitang mangibang-bansa dahil sa
kawalan ng trabaho dala ng matinding krisis pang-ekonomiya sa Pilipinas. Ang sana’y mga
makabuluhang repormang ipapatupad dapat ng gobyerno ay tila ba hindi pa prayoridad ng ating
pamahalaan. Ang nakikitang solusyon sa masalimuot na kalagayang ito ay walang iba kundi ang
ibayong ikalakal ang mga OFW.
Ayon kay Propesor Roland Simbulan, dapat hindi natin tingnan ang penomenong ito, ang
migrasyon, bilang permanente sa halip ay temporaryo o panandalian lamang. Ngunit sa
kasalukuyan ang pag-aabroad ay nakikita na ngayon hindi na lang isang panandaliang solusyon
sa isang suliranin ngunit ngayon ay isa na itong pangarap, isang bituin na oras na makuha ay
hindi na pakakawalan. Ito ay nakatanim na at pangkaraniwan na sa isipan ng mga Pilipino.
Ayon sa DOLE umabot na sa labinlimang milyong Pilipino ang nangingibang bansa sa
mahigit kumulang 239 bansa sa Asya, Australia, Estados Unidos, Africa, at Europa. Kaya naman
inilagay ng International Organization for Migration (IMO) ang Pilipinas sa pang-apat na bansa
sa buong mundo na nangunguna sa dami ng bilang ng mga migrante, sumunod sa Tsina, Mexico
at India. Tinatayang may 30-40% na ng kabuuang 99 milyong populasyon sa ating bansa ang
umaasa sa remittance o sa padala ng OFW.
Nananatiling mataaas ang remittance mula sa mga OFW simula 2001 hanggang 2011 sa
kabila ng pandaigdigang krisis. Ayon sa Bangko Sentral, umabot ito sa tumataginting na 20
bilyon dolyares sa pagtatapos ng 2011, mula 18.8 bilyon dolyares taong 2010 at 17.3 bilyon
dolyares naman taong 2009. Ayon naman sa World Bank, ang Pilipinas ang pang-apat na bansa
na may pinakamalaking natatanggap na remittance sumunod sa India, Tsina at Mexico. Kaya
naman gayun na lamang ang pagsandig ng ekonomiya ng Pilipinas sa mga remittance na
natatanggap. Sa katunayan, taong 2010, 8.7% ng Gross National Product ay binubuo ng mga
remittance mula sa mga OFW, hinigitan nito ang ambag ng tradisyonal ng eksport ng
produktong agrikultural.
Kaya naman hindi ba’t nararapat lamang bigyan ng atensyon ang kalagayan ng ating mga
bagong bayani? Ngunit taliwas dito ang tunay na sitwasyon. Sa unang pagkakataon sa ating
kasaysayan, ayong sa tala ng Migrante International, apat na kababayan natin na nasa abroad ang
pinaslang sa ilalim ng isang panunungkulan. Ang bilang naman ng mga Pilipinong nasa “death
row” sa labas ng bansa ay tumaas mula 108 hanggang 123. Samantala tinatayang pitong libong
kababayan naman natin ang napipiit sa bilangguan na wala man lang tulong legal at humigit
kumulang 20,000 ang naghihintay ng repatriation o programa para sa pagbabalik nila sa
Pilipinas. Hindi pa kasama diyan ang pagsasamantala at pag-apak sa mga batayang karapatan ng
ating mga dakilang mga bagong bayani – mula pagmamaltrato, pang-aabuso maging pagpatay.
Marami na ang naitalang mga karumal-dumal na mga kaso laban sa ating mga kababayan. Pano
pa kaya ang mga hindi nai-dokumenta?
Kaya naman, kung ating susuriin ng mabuti, makatwiran bang i-eksport ang ating kapwa
kababayan para lamang kumita? Ito na lang ba talaga ang mabibigay nating solusyon para sa
kakulangan sa trabaho at pagsugpo ng kahirapan? Dapat lamang puksain ang patakarang labor
eksport na agresibong ibinebenta ang murang lakas paggawa ng mga OFW sa mga dayuhan.
Nangako ang ating Pangulo na pangangalagaan niya at bibigyang prayoridad ang
kalagayan ng mga OFW at ng kanilang mga pamilya. Nangako siya.
DEPENISYON NG MGA TERMINO
A. Overseas Filipino Workers
Sila ang mga kabababayan nating nangingibang bansa upang makahanap ng
trabaho.
B. Reintegration Program
Ito ang mga programa ng pamahalaan para sa mga kababayan nating OFW upang
muli silang i-reintegra sa ekonomiya ng Pilipinas upang sa gayon ay hindi na sila
kailangan pang umalis sa sariling bansa.
C. Patakarang Labor Eksport
Tumutukoy ito sa mga patakaran ng ating pamahalaan patungkol sa pagpapadala
ng lakas-paggawa sa ibang bansang kulang sa rekursong ito.
D. Remittance
Ito ang mga perang naipon mula sa sahod na pinapadala ng mga OFW sa kanilang
pamilya dito sa Pilipinas. Nakakatulong ito ng malaki sa ekonomiya ng ating
bansa.
E. Migrasyon
Ito ay isang penomenon kung saan ang isang tao lilisanin ang isang lugar at
pupunta sa ibang lugar.
TEORETIKAL NA PANANAW
Gagamitin sa pag-aaral na ito ang pananaw at dulog ng istorikal materyalismo o
historical materialism. Sa pamamagitan ng pag-ugat mismo sa kasaysayan inaasahang
mauunawaan ng lubusan ang kalagayan ng mga migrante maging ang mga patakaran at mga
batas na mayroong malaking salik na nakaka-apekto sa kanilang pakikibaka para sa desenteng
trabaho sa loob ng bansa at hindi sa labas. Mahalaga ang pagkilala sa nagdaang mga pangyayari
at hindi maaaring isantabi ang mga bakas nito sa pag-aaral sa napapanahong mga isyu at
penomenon. Ito ang magbubunsod sa mananaliksik upang matukoy ang hindi lamang kung anu-
ano ang mga katangiang tinaglay ngunit maging ang mga patuloy na ipinamamalas sa konteksto
natin sa kasalukuyan ng naturang sektor. Materyalismo sapagkat kinikilala ng mananaliksik ang
materyal na kalagayan bilang malaking salik upang maka-impluwensiya sa pakikibaka at
kontradiksyon sa buhay na hinaharap ng ating mga migrante.
PARAAN NG PAG-AARAL
Upang makamit ang mithiin ng pag-aaral, na masuri ang mga programang pang-
reintegrasyon ng kasalukuyang administrasyon, gagamit ng archival research ang mananaliksik.
Sasaliksikin ng mananaliksik ang mga datos at programa ng pamahalaan at susuriin ang epekto
nito sa mga kinauukulan.
Bubuo din ng questionnaire ang mananaliksik para sa mga piling iinterbyuhin. Sila ang
mga OFW na napasailalim sa Re-integration program ng gobyerno. Una munang kakapanayamin
ng mananaliksik ang opisyales ng mga departamento tulad ng Overseas Worker’s Welfare
Administration (OWWA), Department of Labor and Employment (DOLE) at National
Reinteration Center for Overseas Filipino Workers (NRCO). Dito kukuha ang mananaliksik ng
mga paunang impormasyon tungkol sa mga nagdaang programang reintegrasyon at maging ang
mga kasalukuyang pinapatupad. Kukuha ang mananaliksik ng 100 na mga interviewee gamit ang
accidental sampling partikular ang referral system. Sila ay mga OFW returnees at returning
OFWs, mga benepesyaryo ng National Reintegration Program. Ang mga OFW returnees ay
yaong mga OFW na nakapagdesisyon ng permanente nang manatili sa bansa. Ang returning
OFWs naman ay yaong nakabalik na sa bansa ngunit nais pa ring mangibang bansa.
Magsasagawa ng sarbey ang mananaliksik sa mga balik manggagawa sa Philippine Overseas
Employment Agency o POEA. Ang mga balik manggagawa ay mga OFW na umuwi sa bansa ng
panandalian lamang at muli namang mangingibang bansa sa itinakdang panahon. Dito
malalaman ng mananaliksik ang kasalukuyang estado ng mga returning OFWs at maging ang
kasasayan ng kanilang pangingibang bansa. Makikita rin natin kung naging epektibo ba ang mga
programa ng pamahalaan para sila ay hindi na mangibang bansa at manatili na lamang sa
Pilipinas. Malalaman din ang naging papel ng pamahalaan sa kanilang pakikibaka para sa
desenteng buhay ng kani-kanilang pamilya.
Gamit din ang referral system mula sa OWWA at NRCO, magsasagawa ng sarbey ang
mananaliksik sa mga naging benepisyaryo ng programang reintegrasyon partikular na ang 10k
Livelihood Assistance Program. Kakapanayamin din ng mananaliksik ang OFW Family Circle o
OFCs. Ang OFC ay isang organisasyon ng mga pamilya ng OFW o dating OFW.
Makikipag-ugnayan din ang mananaliksik sa mga NGO na nagsusulong sa interes at
karapatan ng mga OFW tulad ng MIGRANTE at IBON International. At mula naman sa
academe, kakapanayamin ng mananaliksik ang mga eksperto pagdating sa usapin ng mga OFW,
migrasyon at remittance – isa na diyan si Dr. Ernesto Pernia ng UP School of Economics.
SALAYSAY NG IPOTESIS
Mayroong kakulangan sa komprehensibo at sustenableng programang
reintegrasyon para sa mga OFW.
Kahit na mayroong oportunidad at desenteng trabaho sa Pilipinas, mangingibang
bansa pa rin ang mga Pilipino.
Hindi lingid sa ating kaalaman ang patuloy na paglaki ng bilang ng mga Pilipinong
nangingibang bansa para lamang sa tinatawag na “greener pastures”. Malinaw na ipinapakita nito
ang kawalang ng oportunidad sa sariling bansa kaya mas pinipili na lamang na malayo sa mga
mahal sa buhay para lamang sa magandang kinabukasan.
Ang patakarang labor eksport ng gobyerno ay mas nagpapahirap sa mga OFW at
pamilya nito. Mas pinapaigting nito lalo ang pangingibang bansa ng mga Pilipino. Tila ba
ipinapakita na wala naman talagang plano ang pamahalaan na pabalikin ang mga migrante dito
sa Pilipinas. Dahil sa hindi epektibong reintegrasyon ng mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas
napipilitan tuloy silang muling mangibang bansa.
Dahil hindi umuunlad ang ekonomiya ng Pilipinas patuloy itong nagbubunga ng kawalan
ng trabaho, mababang sahod, walang pinagkakakitaan o hanapbuhay, na siyang mga push factor
sa penomenon ng migrasyon. Halos wala namang binibigay na serbisyo at proteksyon ang mga
ahensiya ng gobyerno sa kanila. Hindi makatwiran ang walang humpay na pagbenta ng mga
OFW sa mga dayuhan.
REPASO NG MGA LITERATURA
OCWs in Crisis: Protecting Filipino Migrant Workers. Ateneo Human Rights Center.1995.
Ang Ateneo Human Rights Center (AHRC), non-governmental organization ay
naninindigan sa pagpapalakas at pangangalaga sa mga karapatang pantao. Ito ay naistablisa
Oktubre ng taong 1986 bilang isa sa mga kauna-unahang university-based na institusyon na
nakatuon sa pagsusulong ng kapayapaan, kaunlaran at karapatang pantao sa Pilipinas. Kaugnay
sa adhikaing ito ang pagkakaroon nila ng kumperensiya patungkol sa pangangalaga at pagsulong
sa karapatan ng pinakabulnerable sa mga OFW – ang kababaihan. Nag-imbita sila ng mga taga-
gobyerno maging mga NGOs para pag-usapan at pagnilaynilayan ang iba’t ibang isyung
kinakaharap ng mga babaeng OFW.
Ang lathalaing ito ay binubuo ng mga papel mula sa kumperensiya na may temang
“Protecting Filipino Women Migrant Workers: Problems and Challenges” at mga case study sa
mga Pilipinong migrante. Layunin ng libro na ito na maka-ambag sa kamulatan patungkol sa
mga karapatan ng mga migranteng Pilipino.
Filipino Female Labor Migration to Japan: Economic causes and consequences. Osteria, T.
1994. De La Salle University Press.
Tampok sa pag-aaral na ito ang mga patern ng pangingibang-bayan ng mga Pilipinong
kababaihan sa bansang Japan. Itinatampok din ang mga prosesong dinadaan sa pangingibang
bansa ng mga kababaihan. Ipinapakita dito ang iba’t ibang mga salik sa desisyong mangibang
bansa. Kabilang din sa pag-aaral ang mga mekanismo sa pag-agkop ng mga migranteng ito sa
lugar na destinasyon.
The Nationalist Alternative. Constantino, R. 1979. Foundation for Nationalist Studies
Ang papel na ito ay nakalaan lamang dapat sa country report para sa kumperensiya sa
Delhi patungkol sa Alternative Strategies for Development and the Future of Asia na
pinangunahan ng United Nations Institute for Training and Research. Ngunit nakita ng may akda
ang kahalagahan nito para sa mga Pilipinong mambabasa hindi lamang sa mga dayuhan sa
kumperensiya kaya’t nailathala ang librong ito.
Binubuo ng librong ito ang diskusyon ng mga suliranin at problema na kinakaharap ng
Pilipinas na maaaring mapakinabangan din ng mga bansang nasa ikatlong daigdig na may
kahawig na suliranin. Tampok dito ang mga isyu na napakahalaga sa kapanahunang lipunan at
maging sa hinaharap. Inaasahang magiging tulay ito upang muling i-eksamin ang mga
kasalukuyang pulitikal at pang-ekonomiyang priyoridad sa Pilipinas. Tinalakay sa aklat ang iba’t
ibang isyung pang-kaunlaran, ang mga alternatibong patakaran at ang nasyonalismo at ikatlong
daigdig.
The Phenomenon of Contract Substitution Among Overseas Filipino Workers. Mapili, K.
2011. Thesis
Tampok dito ang kalagayan ng labor migration sa Pilipinas. Kasama ang kasaysayan o
simulain ng naturang penomenon. Nabanggit rin ang Philippine Overseas Employment Agency o
POEA, isang ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa migrasyon o pangingibang bansa at ang
proseso sinusunod nito sa pagpapadala ng manggagawa sa ibang bansa
SUMA: Summing-up of the State of Migrants Under Aquino. July 2012 Isyu.Tinig
Migrante. Migrante International
Ang Migrante International ay isa sa pinakamalaking organisasyon ng mga OFW sa
buong mundo na may 90 member-organizations sa 22 na mga bansa.
Kanilang isinusulong ang karapatan at dignidad ng mga migrante laban sa anumang klase ng
diskriminisasyon, eksploytasyon at pang-aabuso sa lugar na trabaho at sa komunidad at
nilalabanan ang lahat ng polisiyang laban sa interes ng mga migrante. Ipinaglalaban din ng MI
ang kanilang karapatan sa pag-oorganisa. Pinalalakas din nito ang pagkakaisa ng mga OFW.
Isinusulong ng MI ang pagkakaroon ng isang “self-reliant economy” o ekonomiyang umaasa-sa-
sarili upang wakasan ang “forced migration”, isulong ang panlipunang pagkakapantay-pantay,
ang hustisya, at ang pakikiisa sa iba pang sektor ng lipunan para sa pagsusulong ng pamabansang
kaunlaran at demokrasya.
Sa isyung ito na inilathala ng MI, binabatikos nito ang patakrang labor eksport ng
kasalukuyang administrasyon. Sinasabing ito ay tanging pahirap lamang para sa mga OFW at
kanilang pamilya. Naniniwala rin ang MI na si PNoy ang pinakamasugid na tagapagbenta ng
mga OFW sa mga dayuhan. Naitala rin sa nasabing babasahin ang lantarang pagpapabaya ng
pamahalaan sa mga isyu ng mga OFW at kawalan ng mga programang nagsusulong ng kanilang
batayang mga karapatan. Binakbakan din ang mga ahensya ng pamahalaan na sana’y
nagtataguyod ng kanilang kapakanan at ang pagbabawas sa badyet ng mga ito.
Nakikiisa ang MI sa panawagan para sa pambansang industriyalisasyon at tunay na
repormang agraryo. Naniniwala ang organisasyon na ito lamang ang tanging paraan upang
tuluyan ng makawalas a tanikala ng “forced migration.”
Labor export policy of developing countries: The Case of the Philippines and Indonesia.
Asia Pacific Mission for Migrants. 2010
Binabanggit ng artikulong ito ang masamang epekto ng neoliberal globalization policies
na humantong sa mas malalang pang-ekonomiyang krisis at nagresulta sa malawakang kahirapan
at kawalan ng disenteng hanapbuhay para sa mga mamamayan. Binigyang diin sa papel na ito
ang isa pang di kanais-nais na epekto ng nasabing mga patakaran – ang forced migration.
Ang patakarang labor eksport ay patuloy pang isinusulong ng mga internasyunal ng mga
institusyon kagaya ng United Nations at World Bank. Ayon naman sa Global Forum on
Migration and Development, ang migrasyon umano ay isang ooportunidad at hindi isang
“treath”, at sinasabing makaka-ambag sa kaunlaran at pagkamit ng Millenium Development
Goals. Kaya naman sumandig ang pamahalaan ng Pilipinas at ng Indonesia sa pag-eeksport ng
kanilang sariling mga mamamayan bilang isang estratehiya sa pag-unlad.
Isinusulong nito ang karapatan ng mga migrante sa isang desenteng trabaho at pang-
kabuhayan sa sariling bansa. Kinakailangan ang pag-unawa sa mismong ugat ng problema ng
kawalan ng trabaho sa bansa. Tanging ang pag-ugat sa problema ang paraan upang tuluyan ng
itigil ang pwersahang migrasyon.
Migrante International & Ibon Foundation. Migrant Workers’ Human Rights Research.
Commission on Human Rights of the Philippines. 2009
Ang pag-aaral na ito ng Migrante at IBON ay bahagi ng proyekto ng European
Commission na Enhancing the Role of National Human Rights Institutions (NHRIs) in the
Development of an ASEAN Human Rights Mechanism na inimplemta ng Commission on
Human Rights of the Philippines.
Isang komprehensibong pag-aaral ito patungkol sa migrasyon sa Pilipinas. Tinalakay din
ang mga relasyon ng migrasyon at kaunlaran, ng migrasyon at ang pandaigdigang krisis pang-
ekonomiya at ng migrasyon at remittances. Pinakita din ang kalagayan ng mga migrante at ang
pagsulong ng kanilang mga batayang karapatan. Tinalakay din ang patakarang labor export, ang
mga salik nito, maging ang mga naging epekto nito sa bansa.
Ibon Foundation Inc. Declining OFW Remittances.IBON Facts & Figures Special Release.
Vol.32, No. 14. July 2009.
Ang publikasyon na ito ay nakatuon sa mga remittances mula sa mga OFW. Remittance
flows patungo sa mga underdeveloped na mga bansa. Pinakita dito ang pagbaba ng Tampok dito
ang neoliberal na polisiya ng globalisasyon.
Sinasabi ng artikulong ito na malinaw na hindi sagot sa kawalan ng trabaho o
unemployment ang patakarang labor eksport ng gobyerno at ang pagsandig nito sa mga
remittance mula sa mga OFW. Ngunit kinikilala na ang remittances ay maaring isang stop-gap
measure sa isang ekonomiyang nasa kritikal na kalagayan. Kasabay pa ng patakrang labor
eksport ay ang mga neoliberal na mga polisiya ng administrsyong Aquino na pumapatay sa
mahahalagang lokal na sektor ng ekonomiya na sana’y nakapagbigay ng trabaho para sa mga
Pilipino.
SAKOP AT LIMITASYON NG PAG-AARAL
Nakakonteksto ang pag-aaral na ito sa kasaysayan at pag-iiral ng patakarang labor
eksport sa Pilipinas. Sasaklawin nito ang mga programa at polisiya ng pamahalaan upang muling
i-integra ang mga OFW sa ekonomiya ng Pilipinas. Gamit ang kontemporaryong kasaysayan
susuriin nito ang mga kasalukuyang mga programa ng mga ahensiya tulad ng Department of
Labor and Employment at OWWA o Overseas Workers Welfare Administration at iba pang
ahensiyang may direktang tungkulin na pangalagaan ang kapakanan at isulong ang karapatan ng
mga OFW. Lilimitahan ng mananaliksik ang pag-aaral sa OFW na nakabase sa Metro Manila
lamang dahil sa kakulangan sa rekurso at panahon.
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Responsibilidad ng pamahalaan na isulong ang interes at karapatan ng mga mamamayan
nito. Isa na rito ang karapatan para sa isang desenteng pamumuhay. Dapat lamang magkaroon ng
desenteng trabaho ang mga mamamayan nito ng sa gayon ay magkaroon sila ng magandang
kalidad ng pamumuhay. Isang desenteng trabaho dito sa sariling bansa na hindi magpapa-alipin
sa ibang lahi. Ang pangingibang bansa ay hindi dapat pwersahan dahil wala ng makain ang
pamilya. Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa ano nga ba ginagawa ng pamahalaan para isulong
ang karapatan ng mga mamamayan Pilipino. Isinusulong nga ba ng pamahalaan ang
pangingibang bansa ng mga mamamayan nito at patuloy na sumandig sa remittances ng mga
OFW? May plano pa ba ang gobyerno na tuluyan ng itigil ang pwersahang migrasyon at bigyan
ng kalayaan ang mga OFW sa kung sila ba ay patuloy na mangingibang bansa o mas pipiliin na
lang na makapiling ang pamilya sa sariling bansa?
Ang pag-aaral na ito ay hindi lamang para sa isang anak na nangungulila sa kanyang ama
na isang OFW ngunit para sa libo-libong taong nangangarap na makapiling ang kanilang mahal
sa buhay hindi lamang tuwing pasko, maging tuwing kaarawan, anibersary o graduation kundi
maging sa maliliit na detalye ng kanilang mga buhay, mula sa unang tawa ni baby maging sa
unang crush. Mahirap, hindi lamang sa mga OFW, kundi maging sa mismong pamilyang naiwan
dito sa Pilipinas. Kung tutuusin kapwa ang OFW at ang pamilya nito ay mga bagong bayani.
Kapwa nila tinitiis ang pangungulila sa isa’t isa para lamang makamtan ang isang desenteng
pamumuhay. Kaya naman, ang pag-aaral na ito ay mahalaga lalo’t higit sa kapwa ko pamilya ng
isang OFW. Hanggang kailan mapipilitang mangingibang bansa ng ating mga mahal sa buhay?
Hanggang kailan sila magsasakripisyo?
Aalamin sa pag-aaral na ito ang programa ng kasalukuyang administrasyon na nangakong
isusulong at pangangalagaan ang interes ng mga OFW. Dahil nangako si PNoy na diringgin ang
mga hinaing ng mga migrante at ng mga pamilya nito. Dahil nangako siya ng isang tuwid na
daan, susuriin ng mananaliksik kung sinasalamin ba ito ng kanyang mga polisiya at programa
para sa mga OFW, para sa mga bagong bayani. Ano nga ba ang mga solusyon ng pamahalaan
para labanan at tuluyan ng wakasan ang bangungot ng forced migration.
Komprehensibong Pag-aaral ng Migrasyon at Reintegration Program
Bayani o Martir?
Tiyak, isa sa pinakamalungkot na tagpo ay ang makikita natin sa NAIA International
Airport. Ang mahal mo sa buhay, ay muli nanamang makikipagsapalaran sa ibayong dagat para
lamang sa tinatawag na disenteng pamumuhay. Nakakalungkot isipin na isa, dalawa o higit pang
mga taon nanaman ang iyung bibilangin at ipapanalangin na matapos na upang muling masilayan
ang mga mahal mo sa buhay. Hindi mo man marinig ang kanilang mga kwento, ngunit makikita
mo sa kanilang mga mata ang paghihirap at ang pangungulila ng isang OFW.
Bilang anak ng isang OFW, naramdaman ko ang hirap na dulot ng migrasyon. Marami
akong tanong kagaya ng bakit pa ba sila kailangan lumayo? Naniniwala akong hindi plano ng
Diyos na magkahiwa-hiwalay ang isang pamilya. Ang pamilya ay binuo upang magkasama-sama
sa hirap at ginhawa. Tunay mang nararamdaman ko ang ginhawang dulot ng pangingibang bansa
ng aking ama ngunit hindi nito kayang ibalik ang mga taong nawalay siya sa amin na kanyang
pamilya.
Sa lahat ng sakripisyo na pilit na kinakaya ng mga OFW o binansagang mga bagong
bayani at ng pamilya nito, isang mataas na pagpupugay sa inyo. Kayo ay higit pa sa bayaning
tinutukoy ng pamahalaan – na may malaking ambag sa ekonomiya ng Pilipinas, ngunit kayo ay
mga tunay na bayani, handang tiisin ang hirap na malayo sa mga mahal sa buhay para sa
kinabukasan ng inyong mga pamilya.
Kinikilala natin ang migrasyon ay tunay na isang karapatan ng tao kasabay ng kanilang
pagnanais ng isang desenteng trabaho at hanapbuhay para sa kanilang sarili at sa kanilang
pamilya. Ngunit ibang usapan na ang pwersahang migrasyon. Pagsapit ng Oktubre 2011, ayon sa
Migrante International, dumami pa ng 1.35 milyon ang mga Pilipinong napilitang mangibang
bansa. Napilitan, sapagkat walang trabaho sa sariling bansa o kaya naman ay mababa at di
makatarungang pasahod at idagdag mo na riyan ang kawalan ng serbisyong panlipunan. Dagdag
pa nila, may 30-40% na ng kabuuang 99 milyong populasyon sa Pilipinas ang umaasa sa padala
ng mga OFW. Ayon naman sa Department of Labor and Employment, umabot na sa 15 milyon
ang bilang ng mga Pilipino na nasa abroad. Pang-apat ang Pilipinas sa nangunguna pagdating sa
pagpapadala ng mga migrante sa buong mundo, sumunod sa Tsina, Mexico at India. Noong
2010, mayroong na-deploy na humigit kumulang 1.5 milyong Pilipino ayon naman iyon sa datos
mula sa POEA. Mayorya sa mga OFW ay matatagpuan sa Saudi Arabia, UAE at Hong Kong na
karamihan ay nasa sektor ng serbisyo bilang mga domestic worker, hotel and restaurant staff at
mga caregiver, manggagawa sa pabrika o kaya naman ay mga propesyunal tulad ng doktor, nurs,
guro at iba pa. (Migrante, 2012)
Ayon sa mga datos mapapansing sa nakalipas na tatlong taon may pagbaba sa bilang ng
mga “new hire” o iyong mga sa unang pagkakataon ay magtatrabaho sa ibang bansa.1 Ngunit
depensa ng POEA, ang pagbaba ng tantos ng “new hires” ay hindi nangagnahulugang bumama
ang demand sa OFWs sa pangdaigdigang merkado kundi epekto lamang ito ng mga nagdaang
mga krisis pang-ekonomiya at mga natural na kalamidad na dumaan noong nakalipas na mga
taon. Naabot pa rin ng POEA ang target nitong job orders at deployment. Ngunit ayon naman sa
mga pag-aaral ng MI, napansin ang talagang pagbaba ng bilang ng job orders sa mga nakalipas
na mga taon, kahit bago pa man ang mga krisis pang-ekonomiya. Ngunit ayon sa MI, ang
_______________________
1Mula sa kabuuang bilang ng mga nadeploy taong 2010, 781,966 ay mga re-hires o mga balik manggagawa samantalang 341, 966 naman ang bilang ng mga new hire.
Bumama ang bilang ng mga new hire ng 2.2% kumpara sa taong 2009 at 2008.
taunang pagtaas ng tantos ng migrasyon ang nagpapatunay na patuloy ang mga Pilipino
napipilitang mangibang bansa para sa mas maginhawang buhay. Dagdag ng MI, may malaking
bilang pa rin ng mga OFW ang lumilisan sa bansa sa irregular na paraan na silang madalas
mabiktima ng trafficking at illegal recruitment. Sila ngayon na bunsod nga ng kawalan ng mga
nararapat na mga dokumento ay kalaunay nagiging parte ng lumalaking bilang ng mga
undocumented na mga OFW. Pagdating naman sa mga mandaragat o mga seaman, ang
Pilipinas pa rin ang isa sa mga pinakamalaking maritime na bansa. Kabilang pa rin ang Manila sa
pinakamalalaki at pinakamahahalagang daungan sa buong mundo. Tinatayang 8000 hanggang
10000 na mga marino ang nade-deploy kada taon kaya’t ang Pilipinas ay isa pa rin sa mga
nanunguna sa pinagkukunan ng mga seafarers ayon sa International Labor Organization.
(Migrante, 2012)
Hindi lingid sa atin ang kawalan ng sapat ang proteksyon para sa mga OFW na mga
mamamayan din ng bansang Pilipinas. Bawat araw dalawang Pilipino ang umuuwi sa bansa na
nasa kahon na, iyan ay nagmula mismo sa administrador ng Overseas Workers Welfare
Administration (OWWA) na si Mr. Wilhelm Soriano nang nagkaroon ng Congressional hearing
taong 1996. Ayon naman sa Department of Foreign Affairs (DFA), 54 nating mga kababayan
naman kada buwan ang umuuwing nasa loob na ng kahon. Ito ang nagpapatunay sa kawalan ng
kakayahan ng pamahalaan na isulong ang kapakanan at karapatan ng kanyang mga manggagawa
na nasa ibang bansa.(Candazo, n.d.)
Mula STOP-GAP naging NON-STOP!
Ayon sa datos mula sa IBON, mula taong 2001 hanggang 2010, at maging sa hanggang
sa ilalim ng panunugkulan ni Aquino, palaki na ng palaki ang bilang ng walang trabaho. Ilang
daang libo naman ang napapabilang na sa kategoryang underemployed. At tinatayang ¼ ng
lakas paggawa ng Pilipinas ay nakakalat na sa ibang bayan para magkaroon ng trabaho.
(Migrante, 2012)
Tatlong Daluyong ng Migrasyon
Mayrooong sinasabing tatlong daluyong ang migrasyon ng mga Pilipino. Ang
unang yugto ay noong taong 1990’s. Ito ay ang malawakang pagpunta ng mga Pilipino
sa Estados Unidos kung saan maaari silang manatili doon at doon na rin manirahan
ngunit maaari ding sila ay bumalik sa Pilipinas. Taong 1934, mayroong humigit
kumulang 120,000 na mga Pilipino ang nagtrabaho sa mga plantasyon sa Hawaii dala na
rin ng digmaan sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados. Ang pangalawang yugto naman
ay ang pangingibang bansa naman ng mga propesyonal. Ang mga doktor, dentista at
mga mechanical technician ay pumupunta ng Estados Unidos para sa mas malaking kita o
greener pastures kung tawagin. Umabot na sa 250,000 na mga Pinoy ang nasa Estados
Unidos taong 1975. Nangyari naman ang ikatlong yugto ng migrasyon nang
nagkaroon ng kakulangan sa lakas paggawa ang mga bansang mayaman sa langis
sa Gitnang Silangan. Sa pagbuti ng kanilang ekonomiya bunsod ng pagtaas sa presyo ng
langis, nagkaroon na sila ng kabi-kabilang proyektong pangkaularan at dito na pumasok
ang mga OFW. Panandalian at kontraktwal ang katangian ng trabaho sa ikatlong yugtong
ito ng migrasyon ngunit kapansinpansin ang malaking pagtaas sa bilang ng mga OFW –
mula 1,863 taong 1971 naging 47,835 ang bilang nito taong 1976 hanggang sa 434,207
taong 1983. Umabot sa 490,267 ang abereyds mula taong 1984 hanggang 1995.
(Candazo, n.d.)
Ngunit, paano nga ba nagsimula ang sistematikong pag-eksport ng lakas paggawa ating
bansa?
Nagsimula ang pag-eksport ng lakas paggawa ng ating bansa sa ilalim ng panunungkulan
ni dating pangulong Ferdinand Marcos. Ang labor eksport bilang isang polisiya, ay nakitang
isang panandaliang solusyon sa pang-ekonomiyang krisis noong dekada sitenta. Kaya’t pinadala
ang sobrang lakas paggawa o surplus labor sa mga bansang mayaman sa langis sa Gitnang
Silangan. Ngunit taong 1982, sa pagbuo ng Philippine Overseaas Employment Agency (POEA)
ang labor export na dapat nagsilbing isang stop-gap measure lamang ay naging isang
permanenteng bahagi na ng labor policy ng ating bansa. (“End of Labor Export,” 2012) Sa ilalim
ng kanyang panunugkulan nagkaroon ito ng mga polisya na nanghihikayat sa mga Pilipino na
mangibang bansa. Dahil nakita nila ang magiging malaking ambag nito sa dollar reserve ng
bansa, naitayo ang mga opisina at ahensya sa ilalim ng Department of Labor and Employment na
mag-reregularisa at magsasa-ayos sa buong proseso ng pangingibang bansa na hindi kala-unan
ay nagbunsod sa pagkakatatag ng Philippine Overseas Employment Agency – ang pangunahing
ahensya na nakatutok sa buong proseso ng migrasyon. (Candazo, n.d.)
Ang mga sumunod na administrasyon ay pilit itinatanggi ang pagkakaroon ng patakarang
labor eksport sa ilalim ng kanilang mga panunugkulan. Ngunit makikitang naging mas madali
ang pangingibang bansa sa panahon ni dating pangulong Corazon Aquino. Kalahating milyon
ang target na bilang ng mga OFW kada taon ang madeploy sa iba’t ibang bansa. Nagkaroon na
ng mga one-stop processing windows, mga regional POEA na mga opisina at mayroon ding mga
marketing missions na siyang naghahanap pa ng iba pang employer para sa mga OFW.
(Candazo, n.d.) Sa ilalim ng administrasyon niya, ang labor export program o LEP ay isang
mahalagang komponyente sa umano’y programang pang-kaunlaran ng bansa. (“Labor Export
Policy…,” 2010)
Sa ilalim naman ni dating pangulong Ramos, ang LEP ay pinakilala na ito raw ay
“international sharing of human resources”. Sa ilalim din ng kanyang panunugkulan nabuo ang
Republic Act 8042 o ang “Magna Carta for OFWs and their Families” – ito ay bunsod ng mga
protesta ng bayan sa nangyaring pagbibitay kay Flor Contemplacion sa Singapore. (“Labor
Export Policy…,” 2010)
Mariing itinanggi ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ang pagkakaroon ng overseas
employment program sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ilan sa mga sinabi niya ay: “It is not
the policy of my administration to export workers to foreign lands” at “Overseas employment is
not a government program, it is a fact.” Samantala, makikita natin sa Medium-Term
Development Plan para sa taong 1993 hanggang 1998, na isang ngang polisiya ang pangingibang
bansa ng mga OFW, sa katunayan ay estratehiya ito para labanan ang kahirapan at kawalan ng
sapat trabaho para sa mga Pilipino. Ilan sa direktang sipi mula sa MTDP na nagpapatunay dito
ay: "Continue the overseas employment program as an alternative source of employment
opportunities, provided that this does not result in an undue drain in scientific/technical
expertise and locally needed and middle-level skills. The program should be strengthened
through adequate strategies to ensure the dignity and welfare of workers and their families."
Isang dokumento naman mula sa POEA ang nagpapatunay sa polisiya ng ating bansa hinggil sa
overseas employment. Ayon sa mismong mission statement ng dokumentong “Overseas
Employment: The Challenge of the Philippines 2000” - "The Philippine overseas employment
program will provide the needed facilities and services that meet the individual needs and
aspirations of Filipinos who seek and find work overseas. In addition, it aims to maximize the
social gains and reduce the social costs of overseas employment and international migration....
Overseas employment and international migration offer a challenge and an opportunity to
become a liberating and a humanizing process; it must not be an entrapment into international
slavery and servitude." (Candazo, n.d.)
Sa panahon naman ni dating pangulong Ejercito Estrada, pinagpatuloy lamang niya ang
sinimulan ng mga naunang administrasyon. Sa ilalim naman ng panunugkulan ni Arroyo, naipasa
ang Presidential Decree No. 76 na nagdedeklara ng taong 2002 bilang “Year of the Overseas
Employment Providers” na nagpapatunay lamang sa mahalagang gampanin ng LEP sa
ekonomiya ng bansa.Sa ilalim din ng kanyang panunugkulan naitaguyod ang globalisasyon at
nagtulak sa WTO para sa pagtanggal ng mga trade barrier sa eksport ng serbisyo at kapital sa
pamamagitan ng GATS at Mode 4. Malinaw na pinabilis nito ang buong proseso ng migrasyon
upang mahikayat ang mga tao na mangibang bansa. Ayon pa sa isang kinatawan, si Rep. Roilo
Golez ng Paranaque City, “Our local economy cannot adequately sustain our population growth
[thus] the role of OFWs in promoting the national economy and keeping the national income
afloat is indubitable”. Siya rin ang may-akda ng isang HB 387 o “An Act Liberalizing and
Accelerating the Processing and Deployment of OFW.” Makikita lamang natin dito na walang
duda at hayagan na ang pagsusulong sa labor eksport. (“Labor Export Policy” 2010)
Ayon sa Migrante International, walang ginawa si Pinoy para mapigilan ang pwersahang
migrasyon ng mga OFW. Kagaya ng mga nakalipas na administrasyon, pinagpatuloy niya ang
patakarang labor eksport at mas pina-igting pa niya ito. Samantala, mas tumaas ang mga dagdag-
bayarin at singilin sa ilalim ni Aquino na halos wala namang serbisyo at proteksyon
nararamdaman ang mga OFW. Kaya para sa MI, mas naging kalunos-lunos pa ang kalagayan ng
mga OFW sa ilalim ng panunungkula ni PNoy.
Pagsandig sa Padala at Pwersahang Migrasyon
Ganoon na lamang ang pagsandig ng ating ekonomiya sa tinatawag nating “remittance” o
padala ng mga OFW. Sa kabila ng pandaigdigang krisis, nanatiling mataas ang remittances mula
sa mga OFW simula 2001 hanggang 2011. Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), taong
2009 umabot ang remittances sa US$ 17.3 bilyon, taong 2010 ay mayroong US$ 18.8 bilyon at
taong 2011 umabot sa US$ 20 bilyon. Ayon pa sa Worldbank, ang Pilipinas ang pang-apat sa
may pinakamalaking natatanggap na remittance na bansa sumunod sa India, Tsina at Mexico.
(Migrante, 2012)
Malaki ang naging ambag ng mga perang padalang ito ng mga OFW sa Gross Domestic
Product ng bansa kulang kulang na 12 % ng GDP. Nagdulot ang mga pinaghirapang halagang ito
sa pagtaas ng foreign exchange reserves ng bansa kung saan maiiwasan na ang biglaan currency
devaluation. At dahil dito, napapanatili natin ng maayos ang balance of trade. Kung kaya’t
hindi natin maikaka-ila ang napakalaking ambag ng ating mga migrante sa usaping pang-
ekonomiya ng ating bansa. (Heydarian, 2011)
Ngunit sa kabilang banda ayon kay Dr. Ernesto Pernia ng UP School of Economics, dahil
sa migrasyon nawawalan tayo ng brain power at technical skills pati na rin mga karaniwang mga
manggagawa na kailangan din ng ating ekonomiya. Para sa kanya, ang pagsandig sa remittance o
remittance dependence ay isang “fallback position”. Malinaw na hindi ito ang
pinakamagandang sitwasyon para sa ating bansa. Ngunit aniya, “it’s better than nothing.”
Binigay ni Dr. Pernia na magandang halimbawa ang Korea, Thailand at Taiwan. Noong
1970s at 1980s ang mga bansang Korea, Thailand at Taiwan kagaya ng Pilipinas ay umaasa din
sa mga padala ng overseas workers. Ngunit habang nakadepende sila sa labor export noong mga
panahong iyon, nagawa nilang mapabuti at mapalakas ang kanilang mga ekonomiya, hanggang
sa nakagawa ng trabaho sa sariling bansa dahilan kung bakit hindi na sila ganoon ka nakasandig
sa migrasyon at remittances ngayon kumpara sa Pilipinas. Dapat umano ay mag-invest tayo sa
mga produktibo at sustenableng mga bagay na magbibigay ng trabaho sa ating mga OFW, ngunit
dapat ang mga trabahong ito ay sustenable upang maibsan nito ang kahirapan . Sa ganitong
paraan, hindi na kailangan sumandig pa sa remittance, hindi na kailangan pang ikalakal ang ating
mga kababayan.
Dalamhati ng “Bagong Bayani”
Ngunit hindi na lingid sa ating kaalaman na sa likod ng mga numerong ito ay ang mga
matitinding pagdudusa at pagtitiis, mga eksploytasyon at pananamantala at iba pang mga
paghihirap na dinanas ng iba nating mga OFW. (“End of Labor Export,” 2012)
Isang napakalaking hamon ngayon ang pangalagaan at isulong ang mga karapatan ng
napakalaking bilang ng mga OFW na nakakalat sa buong daigdig. Nariyan ang tinatawag na
feminization ng OFW – kung saan mapapansin sa nakalipas na mga dekada ang paglobo ng
bilang ng mga kababaihan na nangingibang bansa. Karamihan pa sa kanila ay nagtatrabaho sa
mga bansang mahina o wala talagang legal na proteksyon para sa mga unskilled na mga
domestic worker. (Heydarian, 2011)
Malaking bilang din sa ating mga kababayan ang nasa Gitnang Silangan ngayon kung
saan nababalitaan nating maraming mga gyera at sagupaan na nagaganap. Iniiwan nitong nasa
panganib ang buhay ng ating mga OFW. Taong 2011, nabalitaan nating may mga nurs na mga
Pilipino ang dinukot at pinanggagahasa sa Saudi Arabia. Maraming kaso naman ang naitala kung
saan mga OFW ay tumakas sa kanilang mga employer at nagsisiksikan na lamang sa mga shelter.
(Heydarian, 2011)
Patakarang Labor Eksport at Neo-liberal na mga Polisiya
Ayon sa Asia Pacific Mission for Migrants, ang matinding kahirapan, kawalan ng
trabaho para sa mga mamamayan ay di umano bunsod ng mga neoliberal na mga polisiya
ng globalisasyon na mas pina-igting pa lalo ang pang-ekonomiyang krisis na dinaranas ng
mga mahihirap na bansa. Naiiwan ngayon ang mga mamamayan nito na walang opsyon kundi
ang sapilitang mangibang bansa – o tinatawag na forced migration. Ang nakakalungkot lamang
ay nakikita itong isang magandang bagay at isang magandang oportunidad ng mga gobyerno ng
mga mahihirap na bansa. Kung kaya’t ang pag-eksport ng lakas paggawa ay naturingan na ngang
isang polisya o estratehiya ng pamahalaan. (“Labor Export Policy…,” 2010)
Iba’t ibang internasyunal na institusyon din ang nagsusulong ng labor eksport at
nagsasabing isa itong magandang patakaran para sa mga bansa. Hindi papahuli riyan ang
WorldBank at ang United Nations o UN. Halimbawa nito ay ang deklarasyon na binitawan ng
UN sa kanilang Eighty-eight Session noong 2004 at iyun ay ang sumusunod: “The question is no
longer whether to have migration, but rather how to manage migration effectively to enhance the
positive side of the tally sheet and reduce the negative. Which forms of migration are desirable,
and should be facilitated and under what circumstances? Which forms are undesirable and need
to be rechannelled?” Isinama din ng UN ang pagsulong ng labor migration sa trade liberalization
agenda ng World Trade Organization o WTO. Noong 2005, dineklara ng UN ang sumusunod:
“It is difficult to envisage a world where there is an increasingly free flow of capital, goods and
services without the concomitant increase in the movement of people. Yet, as economies and
labour markets are further integrated through the process of globalization, barriers to the
movement of people continue to be cited as a major impediment to potential global welfare gains
that would benefit developing countries, developed countries and individual migrants and their
families. Even a modest liberalization of the temporary movement of persons to provide services
under Mode 4 of the General Agreement on Trade in Services (GATS) – by all accounts only a
small percentage of annual cross-border movements – has been projected to produce annual
global welfare gains of between USD 150 billion and USD 200 billion, outstripping gains
expected from further liberalization of trade in goods.” Isang oportunidad naman ang pagtingin
ng Global Forum on Migration and Development (GFMD) sa migrasyon. Ito umano ay hindi
isang panganib at ang mga polisiya umano patungkol sa pangingibang bansa ay may malaking
ambag sa kaunlaran at maging sa pag-abot ng Millenium Development Goals. (“Labor Export
Policy…,” 2010)
Overview ng National Reintegration Center for OFW
“Pagbalik ay paghandaan, pangarap ay makakamtan”
Binuo ang National Reintegration Program upang makapaghatid ng napapanahon at
makabuluhang serbisyo sa mga OFW at kanilang mga pamilya. Layunin nitong ihanda ang mga
OFW sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas upang mapakinabangan ang mga benepisyong dulot ng
pagtatrabaho sa ibang bansa.
Ang pangunahing ahensya ng pamahalaan na gumagawa ng mga reintegration program
para sa mga OFW at kanilang mga pamilya ay ang National Reintegration Center for OFWs
(NRCO). Ito ay naitayo taong 2007 sa ilalim ng DOLE-Department Order No. 79-70 upang
isagawa ang mga programa at serbisyo na magbibigay daan sa isang produktibo at sustenableng
reintegrasyon – personal, economic, community – ng mga OFW at ng pamilya nito sa lipunang
Pilipino.
Ito ay na-institutionalize noong taong 2010 sa pagsasabatas ng Republic Act No. 10022 at
sa pagpapahayag ng Implementing Rules and Regulations ng ahensiya.
Naniniwala ang ahensiya na ang pangingibang bansa o overseas employment ay
pansamantala lamang at kinakailangan i-maksimisa ng mga OFW ang mga benepisyo mula rito.
Kinikilala rin nila ang mga social cost ng migrasyon lalo’t higit sa mga pamilyang naiwan kung
kaya’t kailangan itong malunasan sa lalong medaling panahon. At may mga tulong din sila para
sa mga OFW na nakaranas ng forced repartriation sanhi ng mga di inaasahang mga pangyayari.
Dahil ang mga OFW ay may kanya-kanyang kuwento, problema at pangangailangan sila
ay ang mga benepisyaryo ng programa at klinasipika sila sa apat: 1) Ang OFW Returnees – sila
ang mga manggagawa na nagdesisyon nang bumalik sa Pilipinas “for good” o permanente nang
manirahan sa Pilipinas; 2) Ang returning OFWs – sila ang mga manggagawa na bumalik na sa
Pilipinas ngunit nagnananais at may kakayahan pang magtrabaho sa ibang bansa.; 3) Ang
distressed OFW returnees – sila ang mga manggagawa na biktima ng human trafficking, illegal
recruitment at nakaranas ng problema sa trabaho o kalusugan; at 4) Ang pamilya ng PFW
Returnees, Returning OFWs at Distressed OFW Returnees.
Mga Programa at Serbisyo
Counseling, Legal, Business at Psycho-social
Kanilang inihahanda ang mga OFW para sa kanilang muling pagbabalik sa bansa
upang mamaksimisa ang mga benepisyo ng pangingibang bansa. Nagsasagawa ang NRCO ng
mga counseling sa usapin ng pag-iipon o savings, pagpaplanong pinansyal, investment options,
family goals at values re-orientation. Nagbibigay din sila ng legal advice sa mga mayroong
problema sa employer o agency.
Training and Capability-building
Nagsasagawa ang NRCO ng mga vocational-technical skills training. Mayroon
ding mga livelihood skills training para sa tinatawag na home- and community based livelihood
na mga proyekto. Sa mga nagbabalak magtayo ng isang negosyo mayroon namang
entrepreneurial skills training. Dagdag pa rito ang capability-building training para sa program
implementors. At nariyan din Financial Literacy Orientation para sa mga OFW at mga pamilya
ng mga OFW.
Re-employment Facilitation
May programa din ng ahensiya para matulungan ang mga OFW na makahanap ng
trabaho sa mga pribadong kompanya dito sa Pilipinas. Nariyan ang Bureau of Local Employment
na nasa ilalim ng DOLE. Nariyan din ang phil.jobs.net para sa mga bakanteng posisyon na
maaaring pasukan ng mga OFW.
Mayroon din silang programa para naman tulungan ang mga OFW na magkaroon ng
trabaho sa ibang bansa. Ito ay para sa mga kababayan nating nais pang magtrabaho sa ibang
bayan.
Entrepreneurial/Micro-enterprise Development Assistance
Sa ilalim naman nito ay ang mga programang tinatawag na economic reintegration.
Mayroong mga tulong pinansyal para sa pagsisimula o pagtatayo ng sariling negosyo para sa
mga OFW o beneficiary ng OFW – maaaring ang pamilya nito. Kanila ring tinutulungan ang
mga OFW na magkaroon ng koneksyon sa mga credit facility o mga institusyong nagpapa-utang
ng pang-kapital para sa iba’t ibang klase ng negosyo.
Sa enterprise development program ng ahensiya, nariyan ang TWO-Billion Pesos OFW
Reintegtration Program o mas kilala sa ORP. Ito ay isang loan program o pautang ng OWWA at
NRCO sa pakikipagtulungan ng Development Bank of the Philippines at LandBank of the
Philippines. Ang pondong ito ay inilaan para suportahan ang pagpapalaki at pagpapaunlad ng
mga negosyo ng mga OFW at ng mga pamilya nito. Mayroon namang tinatawag na Balik Pinay!
Balik Hanapbuhay! – kung saan ginagawang self-employed ang mga beneficiary ng programa.
Ito ay binubuo ng mga skills training at maging starter kit sa mismong negosyo, halimbawa ay
manicure set. At ang panghuli ay ang 10k Livelihood Assistance program. Ito ay isang grant para
sa mga OFW. Binibigyan ng halagang P10,000 ang beneficiary upang simulang ang isang
binabalak na negosyo o kaya naman ay pandagdag kapital para sa mga mayroon ng negosyo.
Full Cycle Reintegration Program mula sa NRCO
Isang proactive approach ang reintegration program sa ilalim ng NRCO ayon sa mismong
taga-NRCO. Mula pre-daparture o bago pa man nakakalipad papunta sa ibang bansa ang OFW
ay may mga programa na ang NRCO para ihanda sila sa kanilang muling pagbabalik.
Nagbibigay sila ng mga seminar tulad ng Values Re-orientation – goal setting o kaya’y
patungkol sa pamilya, at Financial Literacy Seminars (FLS). Habang nasa ibang bansa ang mga
OFW ay mayroon silang mga programa para sa on-site tulad ng Entrepreneurial Development
Training (EDT), mga FLS para sa OFW at pamilya nito at mga Skills Enhancement Training
(SET). At siyempre ang muling pagbabalik ng mga OFW. Diyan na pumapasok ang mga
livelihood assistance at iba pang mga nabanggit na mga programa sa ilalim ng enterprise
development.
PRE-
DEPARTURE ON- SITE
UPON RETURN
Paglalahad at Pagsusuri ng Datos
Pulso ng mga OFW
Isang sarbey ng 60 na mga OFW ang isinagawa upang malaman ang kanilang kaalaman o
ideya patungkol sa Reintegration Program. Malalaman din natin sa resulta ng nasabing sarbey
ang kanilang posisyon patungkol sa malawakan at pwersahang migrasyon na nagaganap. Gamit
ang accidental sampling, nagsagawa ng sarbey ang mananaliksik sa mga Balik Manggagawa o
BM. Ang mga BM ay ang mga OFW na kasalukuyan nasa Pilipinas nagbabakasyon at may balak
pa ring bumalik sa ibang bansa para magtrabaho. Isinagawa ito ng mananaliksik sa BM erya ng
POEA sa pahintulot ng ahensiya gamit ang permit. Araw-araw ilang libong BM ang
naseserbisyuhan ng POEA. Ang mga BM ito ay nanggaling pa sa iba’t ibang probinsiya.
Sa dalawang magka-ibang araw isinagawa ng mananaliksik ang isang self administered
na sarbey. Umabot sa sisenta ang kabuuang bilang ng na-interbyu na mga balik manggagawa na
OFW. Narito ang resulta ng sarbey sa mga balik-manggagawa sa POEA.
Edad, n=60
20-30 Taong gulang = 23.33%
31-40 Taong gulang = 30%
41-50 Taong gulang = 33.33%
51-60 Taong gulang = 13.33%
Sa edad, ang mga 20 hanggang 30 taong gulang ay 14 o 23.33% ng kabuuan. Umabot
naman sa 18 o 30% ang bilang ng mga OFW na 31 hanggang 40 taong gulang. Mayroong
namang 33.33% o 20 sa mga nasarbey na ang edad ay nasa 41 hanggang 50 taong gulang.
Samantalang 20 naman ang bilang ng mga OFW na ang edad ay nasa pagitan ng 41 hanggang 50
taong gulang.
Kasarian, n=60
Babae = 38.33%
Lalake = 61.66%
Mas marami ang bilang ng mga lalake kaysa sa mga babae. Sa sample na 60, 37 ang mga
lalake na 61.6 %, habang 23 naman ang mga babae na 38.33%.
Civil Status, n=60
Single = 38.33%
Married = 56.66%
Widowed = 5%
Karamihan sa mga nasarbey ay may-asawa na. Ang mga may-asawa na ay umabot sa
56.66% o 34. Ang mga wala pang asawa o single ay 23 o 38.33%. Habang 5% lamang o 3 ang
mga balo.
Educational Attainment, n=60
High School = 38.33%
College Undergraduate =15%College = 40%
Vocational Course = 6.66%
Pinakamalaking bahagi ng mga nasarbey ay nakapagtapos ng kolehiyo. Mayroong 40%
ng kabuuan o 24 sa 60 ang nakapagtapos sa kolehiyo. Habang apat naman o 6.66% ang
nagsabing sila ay kumuha ng vocational na mga kurso. Sumunod naman ang hayskul lamang ang
natapos na may bilang na 23 o 38.33%. Samantala ang bilang naman ng nagsabing sila ay
college undergraduate o hindi natapos ang kolehiya ay umabot sa 15% o 9.
Country of Employer, n=60
Saudi Arabia = 43.33%
UAE = 28.33%
Asia = 16.66%
Europe = 6.66%
Africa = 3.33%
North America = 1.66%
Karamihan sa mga nasarbey ay nagtatrabaho sa Saudi Arabia o KSA (Kingdom of Saudi
Arabia). Umabot sa 26 o 43.33% ang mga OFW na ang employer ay nasa Saudi. Apat sa mga
nasarbey na OFW ay mula sa Jeddah ang amo, walo naman ay nasa Riyadh at apat ay
matatagpuan sa Dammmam. Samantala ang natitirang sampu ay hindi sinabi kung saang
partikular na parte ng KSA nakabase ang kanilang employer.
Samantala, sampu naman sa mga na-interbyu ay nasa Asya lang ang trabaho. Mayroong
isa sa Taiwan, dalawa sa Vietnam, isa sa Malaysia, isa sa New Caledonia, dalawa sa Hong Kong,
dalawa sa South Korea at isa sa Brunei.
Labingpito naman sa mga employer ang nasa UAE o United Arab Emirates. Lima ang
nasa Dubai, dalawa sa Bahrain, anim sa Qatar at apat sa Abu Dhabi.
Mayroon namang nanggaling sa Europe. Dalawa sa Italy, isa sa Finlad, at may isa naman
sa France. Dalawa naman sa mga employer ang naitalang nasa Africa partikular sa Georgetown,
Guyana. Isang employer naman ay matatagpuan sa North America, partikular sa bansa ng
Canada.
Year of Last Deployment, n=60
Year 2006 = 6.66%
Year 2007 = 8.33%
Year 2008 = 10%
Year 2009 = 10%
Year 2010 = 20%
Year 2011 = 10%
Year 2012 = 35%
Para naman sa taon ng pinakahuling beses na sila ay na-deploy sa ibang bansa, karamihan
sa kanila ay noong taong 2012 lamang. Mayroong 21 o 35% na BM sa kabuuang sample na 60
ang noong 2012 lamang ang latest deployment mula Pilipinas papuntang ibang bansa.
Samantalang anim o 10% naman ang mga latest deployment noong taong 2011. Mayroong 12
naman o 20% na mga latest deployment noong taong 2010. Parehong 6 o 10% ang mga latest
deployment para sa mga taong 2008 at taong 2009. Samantala noong taong 2007, mayroong
limang nagsabi o 8.33% ng kabuuan. At panghuli, noong taong 2006, mayroong naitalang 4 na
mga pag-alis.
Year of Recent Arrival, n=60
Year 2010 = 5%
Year 2011 = 6.66%
Year 2012 = 38.33%
Year 2013 = 50%
Para naman sa taon kung kailan sila pinakahuling dumating dito sa Pilipinas mula sa
ibang bansa, pinakamarami ang nagsabing ngayong taong 2013 lang sila pinakahuling umuwi
dito sa bansa na umabot sa 50% o 30 na mga BM. Samantala may 38.33% naman o 23 na mga
BM ang nagsabi na noong taong 2012, apat o 6.66% naman para sa taong 2011, at 5% naman o
may tatlong OFW para sa taong 2010.
Para naman sa kanilang posisyon o trabaho sa ibang bansa narito ang resulta –– walo ay
domestic helpers, dalawa ay sa household services; para sa propesyunal, tatlo ang mga nurs at
isang dentist; mayroon namang isang cashier, isang flower arranger, isang sewer; mayroong din
isang caregiver, isang babysitter, isang legal secretary, dalawa naman ang engineers, isa naman
ay nasa construction, dalawa naman ay mga electrician, isa naman ay nasa equipment, lima
naman ang mga technician, tatlo naman sa kanila ay mga driver, tatlo din ay nagtatrabaho sa
paggawaan, dalawa naman ay mga operator, isa ay merchandiser, mayroon din isang outsource
worker, lima naman ang supervisor, isang janitress, tatlo naman ay sa maintenance.
Question 1: May narinig o nabasa na ba kayo na anumang
impormasyong tungkol sa mga proyekto o programa na ipinapatupad
ng OWWA o Overseas Workers Welfare Administration?
Oo = 48.33%
Wala = 51.66%
Para naman sa unang katanungan, layunin nitong malaman kung ano ang mga
nalalamang programa ng mga OFW na BM sa isang ahensiya ng pamahalaan na nakatuon sa
pagsulong sa interes at kagalingan ng mga OFW, ang OWWA o Overseas Workers Welfare
Administration.
Mayroong 29 o 48.33% na nagsabing mayroon silang nabasa o narinig tungkol sa
programa ng OWWA. Dalawa ang nagsabi na narinig o nabasa na nila ang Sagip
Manggagawang programa ng OWWA. Mayroon namang isang nagsabi ng tungkol sa insurance,
lima naman tungkol sa mga training at seminar, isa sa programang Arabic, pito naman sa
programang pautang o loan para sa pagnenegosyo, anim naman ang nagbanggit ng patungkol sa
programang scholarship, tatlo sa Pag-Ibig o PhilHealth, isa naman ang nagbanggit ng
pangkabuhayan na programa para sa displaced persons, isa sa welfare programs, at dalawa
naman sa 200% na pagtaas ng mga fee o bayarin.
Sa kabilang banda,mas marami ang nagsabing wala silang narinig o nabasa na anumang
programa ng OWWA na umabot sa 31 o 51.66% ang bilang ng mga BM.
Ang pangalawang tanong naman ay para malaman kung may alam ba sila sa mismong
reintegration program o RP ng OWWA at NRCO. Naglagay din ang mananaliksik ng kaunting
depenisyon ng reintegration program para sa mga hindi pamilyar sa termino. Ang reintegration
program ay ang mga programa ng pamahalaan para sa mga OFW upang sila ay hindi na bumalik
pa sa ibayang bayan.
Question 2: May alam ba kayo sa programa ng OWWA at NRCO (National
Reintegration Center for OFWs) na tinatawag nilang reintegration program
(para hindi na mangibang bansa ang mga OFW)?
Oo = 35%
Wala = 65%
Lumalabas na 21 o 35% ang nagsabing pamilyar sila sa reintegration program.
Samantalang 39 naman o 65% ang nagsabing hindi sila pamilyar sa nasabing programa.
Sumunod na tanong naman ay ang malalaman natin, sa mga pamilyar sila sa mga programa,
kung anong partikular na programang reintegrasyon ang kanilang nabasa o narinig.
Question 3: Kung Oo - Alin sa mga sumusunod na mga reintegration
program ang narinig o nabasa niyo na?
10k Livelihood Assistance = 23.33%
Balik Pinay balik Hanapbuhay = 16.66%
ORP = 50%
Iba pa = 10%
Nagbigay ang mananaliksik ng mga pagpipilian na mga programa. Ang tatlong
programang nabanggit ay ang mga kasalukuyang programa na ipinapatupad ngayon ng OWWA
at NRCO – ang 10k Livelihood Assistance, ang Balik Pinay Balik Hanapbuhay at ang ORP o
OFW Reintegration Program na isang loan program o kilala rin bilang P2 bilyon reintegration
program.
Mula sa 21 katao na pamilyar sa programang reintegrasyon, nakakuha ang mananaliksik
ng 30 na mga sagot sa katanungan. Sapagkat sa pagkakataong ito, pinahihintulutan ang pagsagot
ng isa o higit pa. Ayon sa kanilang mga sagot, nalaman natin na pinakapamilyar ang ORP na
nakakuha ng 50% o 15. Sumunod naman ang 10k Livelihood Assistance na may 23.33% o 7. At
panghuli naman ang Balik Pinay Balik Hanapbuhay program na may 16.66% o 5 na taong
nakaka-alam. Samantala may 3 naman o 10% na sumagot naman sa iba pang programa. Isa ang
nagbanggit ng skills training at dalawa naman para sa repatriation program. Ang repatriation na
tinutukoy dito ay iyung mga programa para sa mga OFW na napa-uwi at hindi natapos ang
kontrata dahil sa mga hindi inaasahang mga pangyayari.
Mula sa 21 na may narinig o nabasa na sa reintegration program, tinanong naman sila
kung sila ba ay nag-apply sa alin man sa mga nabanggit na mga programa.
Question 4: Kung alam - Kayo ba ay nag-apply na sa alin
mang programang nabanggit?
Oo = 0%
Hindi = 100%
Makikita natin na wala ni isa sa kanila ang nag-apply sa alin man sa mga programang
nabanggit. Mayroong 21 o 100% ang nagsabing hindi sila nag-apply.
At sinundan naman ito ng tanong para malaman ang kanilang dahilan kung bakit hindi
nila sinubukan ang mga programa sa itaas.
Question 4.1 :Kung Hindi - Bakit hindi kayo nag-apply?
Kulang sa Impormasyon = 11.11%
Napakahabang Proseso = 8.33%
Iba pang Dahilan = 80.55%
Dito ay pinahihintulutan ang dalawa o higit pang mga kasagutan. Sa 36 na mga sagot,
11.11% o apat ang nagsasabing kulang sila sa impormasyon habang 8.33% naman ang nagsabing
hindi nila sinubukan ang programa sanhi ng napakahaba nitong proseso. Ayon pa sa isang BM,
dadaan ka pa sa butas ng karayom. May 29 o 80.55% ang nagbanggit ng iba pang dahilan kung
bakit hindi sila nag-apply sa mga programa. May isang nagsabi na dahil ito ay isang loan, utang
din, kaya hindi na lang niya sinubukan. Tatlo naman ang nagsabi na kaya pa naman ang
mangibang bansa kaya hindi na muna. May dalawa naman na nagsabing mag sariling sikap na
lamang. Isa naman ay ayaw dahil nahihirapan sa pag-apply at natatakot din. Tatlo naman ang
nagsabing sa kasalukuyan ay hindi pa nila kailangan.May isa naman na nagsabing wala siyang
paggagamitan. Anim naman ang nagsabing hindi sila interesado kaya hindi sila nag-apply. Wala
namang oras dahil abala sa maraming bagay lalo na sa trabaho ayon naman sa tatlong BM. May
isang nagsabi na hindi niya naiintindihan ang mga programang nabanggit. Ang isa naman ay
nagsabing mataas ang collateral kaya hindi na lang siya sumubok. Tatlo naman ang nagsabi na
nawalan sila ng gana sa dami ng requirement na hinihingi. Samantalang may tatlo na nagsabi na
wala namang problema kung madaming requirements, kaya namang nilang ibigay ito ngunit
talagang hindi sila pina-utang. Ang sabi lang daw sa kanila ay walang pondo. At may nagsabi
namang isang BM na sakit lamang ito sa ulo.
Ang sumunod naman na tanong ay para malaman kung saan nila nakuha ang
impormasyon tungkol sa mga programa. Nagbigay ng mga pagpipilian ang mananaliksik. At sa
tanong na ito pinapayagan ang isa o higit pang mga sagot. Ilan sa mga pagpipilian nila ay –
kaibigan, kapamilya, telebisyon, radyo, seminar, brochure, internet, government offices at iba pa.
Question 5: KUNG ALAM - Alin sa mga sumusunod ang
pinagkukunan ninyo ng impormasyon tungkol sa programang
reintegrasyon na ipinapatupad ng OWWA at NRCO?
Kaibigan o Katrabaho = 33.33%
Telebisyon = 33.33%
Consulate = 19.05%
Agency = 4.76%
Embassy = 9.52%
Mula sa 21 na mga sagot, nangunguna ang kaibigan o katrabaho at telebisyon sa
pinagkukunan na nila ng impormasyon na kapwa ay nakakakuha ng 7 sagot o 33.33%. Sumunod
naman ay nagbanggit ng sagot sa iba pa at ito ay ang consulate na may 4 na sumagot o 19.05%.
Dalawa o 9.52% ang sumagot ng Embassy at isa o 4.76% sa agency.
Ang mga sumusunod namang mga katanungan ay may kaugnayan na sa kasaysayan ng
kanulang pangingibang bansa tulad ng taon kung kailan sila nagsimulang mangibang bansa at
kung naka-ilang kontrata na sila. Malalaman din sa mga susunod na mga tanong ang kanilang
mga dahilan ng pangingibang bansa. Sila nga ba ay napilitan lamang dahil sa kawalan ng
pagkakataon dito sa sariling bansa? Wala nga ba silang ibang opsyon kundi ang iwan ang
kanilang mga pamilya? Mas pipiliin ba nilang manatili sa Pilipinas kung may disenteng trabaho
naman dito o mas gugustuhin pa rin nilang mangibang bansa?
Question 6: Anong taon po kayo nagsimulang mangibang bansa?
Before 1990 = 10%
Year 1990 - 1994 = 11.66%
Year 1995 - 1999 = 10%
Year 2000 - 2004 = 11.66%
Year 2005 - 2009 = 41.66%
Year 2010 - 2013 = 15%
Karamihan sa mga BM na nasarbey ay nagsimulang mangibang bansa sa mga taong 2005
hanggang 2009 – na mayroong 25 na mga BM o 41.66%. Anim naman o 10% ang nagsagot ng
bago pa ang taong 1990 ay OFW na sila. Mula taong 1990 hanggang 1994 naman ay may pito o
11.66%. Siyam naman o 15% ang nagsabing bago lamang sila nagsimulang maging OFW, o sa
taong 2010 hanggang 2013.
Question 7: Nakailang kontrata na po kayo?
1 - 5 = 80.85%
6 - 10 = 14.89%
Higit pa sa 10 =3.33%
Karamihan sa mga nasarbey ay nasa isa hanggang limang kontrata lamang – umabot ng
38 o 80.85%. Walo ang naka-isang kontrata pa lamang, labing-anim naman ang naka-dalawang
kontrata pa lamang, sampu naman ang naka-tatlong kontrata na, isa pa lang ang naka-apat na
kontrata na at may tatlo ang nagsabing naka-limang kontrata na sila. Pito naman ang nagsabing
sila ay nasa anim hanggang sampung kontrata na – isa ang naka-anim na kontrata na, dalawa sa
pitong kontrata, isa sa walong kontrata na, isa sa siyam na kontrata at dalawa sa sampung
kontrata na. May dalawa namang nagsabi na nagkaroon na sila ng higit pa sa sampung kontrata.
Samantalang 13 naman ang walang sagot sa tanong.
Ang sumunod naman na tanong ay magbibigay sa atin ng ideya sa dahilan kung bakit sila
nangingibang bansa. Nakakuha ito ng 80 na mga sagot kung saan pwede ang isa o higit pang
kasagutan.
Question 9: Bakit po kayo nangibang bansa?
Walang Trabaho = 6.25%
Kulang ang Sahod = 12.5%
Mas Malaking Sahod = 36.25%
May Oportunidad = 10%
Iba pang Dahilan = 35%
Pinakamaraming nagsabi na ang dahilan ng kanilang pangingibang bansa ay dahil sa mas
malaki ang sahod sa labas – ito ay nakakuha ng 36.25% o 29. May sampu o 12.5 % naman na
nagsabing kulang ang sinasahod sa pang-araw-araw na pangangailangan. May walo naman o
10% na nagsabing may oportunidad sa labas ng bansa. Lima o 6.25% ang nagsabing dahil
walang trabaho sa Pilipinas. May dalawangpung-walo naman ang nagsagot ng iba pang dahilan. :
Isa para makapag-ipon; dalawa ay curious; isa ay para sa exploration, isa ang nagsabing para
change of environment, may isang nagsabing dahil mababa ang sahod ng mga nurs, walo naman
ang nagsabing para sa edukasyon ng mga anak, apat naman para sa maiahon ang pamilya sa
kahirapan, isa ang nagsabi ng dahil sa mataas na presyo ng bilihin, dalawa naman ang nagsabing
dahil kontraktwal lage ang trabaho dito sa Pilipinas kaya sila nangibang bansa dahil sa abroad
tuloy-tuloy ang trabaho, may isa namang nagsabi na na-obliga na lang siyang mag-abroad dahil
walang tulong mula sa gobyerno, may isa naman nagsabing walang mangyayari sa isang
ordinaryong manggagawa dito sa Pilipinas, dalawa naman ang nagsabing mahirap dito sa
Pilipinas, may isa naman ay dahil nalugi ang dating negosyo at dalawa naman ang nagsabing
para naman umunlad ng kaunti.
Question 10: Kung bibigyan ka ng desenteng
trabaho dito sa Pilipinas, mangingibang bansa
pa rin po ba kayo?
Oo = 16.66%
Hindi na = 50%
Depende = 33.33%
Sampo o 16.66% ang nagsabi na kahit pa ma desenteng trabaho sa Pilipinas ay
mangingibang bansa pa rin sila. Ilan sa kanilang mga sinabing dahilan ay: seguridad ang
pangingibang bansa, mahal pa rin ang bilihin dito sa Pilipinas kahit pa magkaroon ng desenteng
trabaho, mas maganda pa din sa abroad dahil maliit pa rin ang kita dito.
Samantala may 30 naman o 50% na sumagot ng hindi na sila mangingibang bansa kung
bibigyan sila ng desenteng trabaho dito sa Pilipinas. May 20 naman o 33.33% ang nagsagot ng
depende kung maganda ang kita, tama o sapat ang sahod, tutumbasan ang sahod sa ibang bansa
at kung may tatanggap pa sa edad nila.
Question 11: Kung bibigyan ka ng capital para mag-negosyo
para hindi na kailangan pang mangibang bansa, mag-
nenegosyo ka ba?
Oo = 76.66%
Hindi = 23.33%
May 46 o 76.66% na nagsabing magnenegosyo sila kung bibigyan sila ng capital. Para
naman sa klase ng negosyo – apat ang nagsabi ng grocery, anim sa sari-sari store, lima naman sa
agrikultural, dalawa sa construction, dalawa sa transportasyon, lima ang nagsabing magtatayo
sila ng shops, anim naman ang may gusto ng restaurant o kainan, dalawa naman ang sa buy and
sell at RTW, dalawa ang gusto ng bigasan, tatlo naman sa healthcare delivery, dalawa sa
advertising at IT, dalawa ang gusto ng T-shirt printing at pag-gawa ng kurtina, isa naman ang
gustong negosyo ay pag-gawa ng banana chips at camote candy, isa naman ay sa pandaragat o
pangingisda.
Samanatala 14 naman o 23.33% ang nagsabing hindi sila magnenegosyo dito sa Pilipinas
kahit pa bigyan sila ng capital. Ang kanilang mga dahilan ay – dalawa ang nagsabing utang din
kasi, isa naman ay hindi marunong, tatlo naman ang mas pipiliin pa rin ang mag-abroad, dalawa
naman ang nagsabing ang negosyo ay swerte swerte lang, isa naman ang nagsabing hindi siya
risk taker, at ang isa naman ay nagsabing sa negosyo may lugi.
Question 12: Sa darating na 12 buwan, ano sa palagay
ninyo ang mangyayari sa ekonomiya ng Pilipinas?
Masasabi ba ninyo na ito ay:
Bubuti = 20%
Kapareho Lang = 46.66%
Sasama = 11.66%
Hindi Alam = 21.66%
Pinakamarami ang nagsabing sa darating na 12 na buwan walang pagbabago ang
mangyayari sa ekonomiya ng Pilipinas – 46.66% o 28. Samantala may 12 naman o 20% na
positibo at nagsabing sa darating na 12 na buwan bubuti ang ekonomiya ng Pilipinas. May
11.66% naman o 7 na nagsabing sasama pa lalo ang ekonomiya ng Pilipinas sa darating na 12 na
buwan. Habang 21.66% naman o 13 ang sumagot ng hindi nila alam. Samantala, may mga apat
na BM ang nagsabing hindi ramdam ng mga OFW ang pagbabagong o pagbuti ng ekonomiya na
sinasabi ng pamahalaan. Tatlo naman ang nagsabing patuloy na tumataas pa rin ang presyo ng
mga bilihin.
Ang susunod naman na tanong ay magbibigay sa atin ng ideya kung may pagbabago ba
sa kalidad ng kanilang pamumuhay o nakatulong ba ang kanilang pagpapagal sa ibang bansa.
Question 13: Kung ikukumpara ang kalidad ng iyong pamumuhay
ngayon sa kalidad ng iyong pamumuhay bago ka naging isang OFW,
masasabi mo ba na ang kalidad ng iyong pamumuhay ay. . .
Mas Maganda Ngayon = 86.66%
Ganoon pa rin, Walang Pinagbago = 8.33%
Mas Bumaba ang Kalidad ng Pamumuhay = 5%
May 52 o 86.66% ang nagsabing mas maganda ang kalidad ng kanilang pamumuhay
ngayon na bilang isa nang OFW kumpara dati. Samatala lima naman o 8.33% ang nagsabing
ganoon pa rin at walang pinagbago ang kalidad ng kanilang pamumuhay kahit pa ito ay
nangibang bansa na. Habang 5% o 3 naman ang nagsabing mas bumaba ang kalidad ng kanilang
pamumuhay ngayon na isa na siyang OFW kumpara noon na hindi pa siya nangingibang bansa.
Ang sumunod naman na tanong ay magsasabi ng kanilang opinyon patungkol sa
pagbigay ng serbisyo ng mga institusyon – ang OWWA, POEA at NRCO – at pati na rin sa
pagbigay ng serbisyo ni Pangulong Benigno Aquino III para sa mga OFW.
Narito ang tabular na presentasyon ng mga sagot:
Lubos na
Nasisiyahan
Medyo
Nasisiyahan
Hindi Tiyak kung
Nasisiyahan o
Hindi
Medyo Hindi
Nasisiyahan
Lubos na
Hindi
Nasisiyahan
Wala pa kayong
narinig o nabasa
kahit na kailan
tungkol sa institusyon
OWWA 0 14 20 10 3 13
POEA 2 37 10 10 1 0
NRCO 0 6 6 1 0 47
President
Benigno
Aquino III
3 24 17 10 3 3
Sa OWWA, 20 o 33.33% ang hindi tiyak kung nasisiyahan o hindi sa kanilang serbisyo
para sa mga OFW. Samantala, 14 o 23.33% ang nagsabing sila ay medyo nasisiyahan. May 13
naman o 21.66% ang nagsabing wala pa silang narinig o nabasa kahit na kailan sa OWWA.
Sa POEA naman, 37 o 61.66% ang nagsabing sila ay medyo nasisiyahan sa serbisyo nito.
Kapwa sampu o 16.66 naman ang nagsabing hindi sila tiyak kung nasisiyahan sila o hindi at
medyo hindi sila nasisiyahan sa serbisyo nito Parehong may isang sumagot o 1.66% sa siya ay
lubos na nasisiyahan at siya ay lubos na hindi nasisiyahan sa serbisyo ng POEA.
Sa NRCO naman, 47 o 78.33% ang nagsabing wala pa silang nabasa o narinig kahit
kailan tungkol sa institusyon. Anim naman o 10% ang nagsabing sila ay hindi tiyak kung
nasisiyahan ba sila o hindi. Anim din ang nagsabing medyo sila ay nasisiyahan. At isa o 1.66%
ang nagsabing siya ay medyo hindi nasisiyahan.
Kay President Benigno Aquino III naman, 24 o 40% ang nagsabing sila ay medyo
nasisiyahan sa serbisyo ng pangulo para sa mga OFW. May 17 o 28.33% naman na nagsabi na
hindi sila tiyak kung nasisiyahan o hindi sa serbisyo ng pangulo. Sampu naman o 16.66 ang
nagsabing sila ay medyo hindi nasisiyahan. At parehong may tatlo o 5% ang nagsabi na sila ay
lubos na nasisiyahan at lubos na hindi nasisiyahan. Samantala tatlo din ang nagsabing wala pa
silang nabasa o narinig tungkol sa serbisyo ng pangulo para sa mga OFW.
Question 14: Maari po bang pakisabi ninyo kung gaano kayo nasisiyahan o hindi
nasisiyahan sa pagganap ng kanilang tungkulin para sa mga OFW ng mga
sumusunod na INSTITUSYON/TAO? Kayo ba ay . . .
OWWA
POEA
NRCO
President Benigno Aquino IIILubos na Nasisisyahan
Medyo Nasisiyahan
Hindi Tiyak kung Nasisiyahan o Hindi
Medyo Hindi Nasisiyahan
Lubos na Hindi Nasisiyahan
Wala pang nabasa o narinig kahitkailan tungkol sa institusyon
SHORT LIVED-lihood programs?
Ayon sa datos mula sa OWWA - NCR, taong 2012 mayroong 752 na mga benepisyaryo
ng programang livelihood assistance sa buong Metro Manila lamang. Ito ay nagkakahalaga ng
P7,507,520.
Isang interbyu ang isinagawa ng mananaliksik sa ilang naging benepisyaryo ng
Livelihood Assistance Program sa Santa Mesa. Nakuha ng mananaliksik ang impormasyon kung
paano sila maka-ugnayan sa pamamagitan ng referral system mula sa OWWA. Ang mga lider ng
OFC o OFW Family Circle mula sa Santa Mesa ang sumagot at nagpa-unlak sa aking interbyu.
Ang OFC, sa simpleng salita, ay samahan ng mga aktibong OFW, dating OFW, o/at pamilya ng
isang OFW. Bumuo ang mananaliksik ng ilang case study para sa mga nakapanayam na mga
nakatanggap ng livelihood assistance.
Hiwalay na interbyu naman ang isinagawa pa ng mananaliksik at ngayon naman ay sa
bayan ng Navotas. Ayon sa OWWA, sa labimpitong bayan sa NCR, ang bayan ng Navotas ang
may pinakamaraming benepisyaryo ng livelihood assistance noong taong 2012. Mula sa
OWWA, ni-refer nila ang mananaliksik sa mga OFW na nasa Navotas, partikular sa Tangos at
Wawa. Gamit muli ang sistemang referral, isang sarbey at interbyu ang isinagawa ng
mananaliksik sa nasabing lugar.
OFW Family Circle sa Santa Mesa
Ang OFW Family Circle o OFW sa Santa Mesa ay nagsimula taong 2005 nang
nagkaroon ng profiling sa Santa Mesa ng kung sinu-sino ang kapamilya ng isang OFW para sa
proyekto ng OWWA na Groceria. Mula doon, nagtayo na sila ng samahan para sa mga
kapamilya ng mga OFW. Sa tuwing may mga seminar o programa ang OWWA ay madali na
nilang nako-kontak ang mga dadalo, sa pamamagitan ng samahan. Kasalukuyang may limang
OFC na mga lider sa Santa Mesa. Ang bawat lider ay may mahigit kumulang 30-50 na mga
myembro ng organisasyon. Kapag ikaw ay nalaman na kapamilya ng OFW o kahit isang dating
OFW, maaari ka ng maging kasapi o myembro ng OFC.
Unang programa taong 2007 ay ang Groceria – isang loan program, ay hindi
nagtagumpay dahil hindi na nakabayad ang mga nabigyan ng puhunan kahit wala itong
kaukulang interest. Ito ay ibinigay sa isang grupo na may lima hanggang labing-limang
myembro. Isa sa mga grupong nabigyan na binuo na may limang myembro, ay ginamit ang
puhunan para sa bigasan. Noong una ay naging mataas ang benta, ngunit dahil ito ay ginawa
nilang pautang, pahirapan na sa pagsingil hanggang sa hindi na nakabayad ang mga umutang.
Kasalukuyang binabayaran nila ang kapital na 50k sa Land Bank of the Philippines.
Ang isang grupo naman na nakatanggap din sa Groceria ay binuo ng 15 myembro. Ang
ginawa nila sa puhunan ay ibinahagi nito sa mga myembro hanggang sa hindi talaga nagamit sa
negosyo ang iba dahilan na hindi na rin ito nagtagumpay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin
nababayaran ang loan na iyon.
Isang kahinaan din umano sa parte ng OWWA ayon sa mga benepisyaryo ng programa,
ang kawalan ng monitoring at ebalwasyon sa pinatunguhan ng kapital na pina-utang kaya’t
karamihan ay talagang nauuwi sa pagkabigo.
SHORT LIVED-lihood programs?
Case Study: Benepisyaryo ng 10k Livelihood Assistance sa Santa Mesa
Si Thelma Dela Pena, Elvi Tan, Lisa Dellosa, Lisa Cardosa, at Tess Castelo ang
kasalukuyang mga OFC lider sa Santa Mesa. Sa buong Santa Mesa, mayroong sampung na-
aprubahan ng 10k livelihood assistance noong 2011.
Si Mrs. Thelma Dela Pena, 51 taong gulang, may asawa, ay isa sa mga kasalukuyang
lider ng OFC sa erya ng Santa Mesa. Nakatira siya sa 4749 Peralta St. Santa Mesa. Siya ay
kapamilya ng OFW. Ang kanyang pamangkin na si Ramon De Cano ang siyang OFW land-
based sa Denmark. Ang isa niya pang pamangkin ay OFW din sa Amerika, saleslady naman ang
trabaho. Isa si Thelma sa nabigyan ng 10k livelihood assistance na tinatawag din nilang starter
kit. Ginamit ni Thelma ang puhunan sa networking business na Green Barley at iba pang direct
selling na mga kompanya tulad ng Boardwalk, Sophie at Avon. Ayon kay Thelma, hindi talaga
supisyente ang 10k livelihood assistance at dagdag pa niya pang-starter lang talaga. Kahit
na mayroong trainings, dagdag ni Thelma, kagaya ng meat processing isang malaking problema
naman na kinakaharap ng sinumang magnenegosyo ay ang kawalan ng market.
Sa P2 billion OFW Reintegration Program naman, ayon kay Thelma, napakahirap
umutang ng malaki. Ang kumukuha lang ng loan sa ORP ay iyung mga mayroon ng masasabi
nating stable na negosyo at pandagdag na lamang ang inutang para sa expansion ng negosyo.
Ang pagkuha ng loan sa nasabing ORP, ay wala daw pinagkaiba sa bangko. Dagdag pa
niya, dahil nga pera ng mga OFW ang pinanglo-loan, dapat umano ay mas mababa ang interes
para sa kanila kumpara sa ibang mga bangko. May mga kakilala siyang ibang OFW na ayaw na
rin kumuha ng loan sa ORP, dahil sa napakamatagal at mabusising proseso ng pag-apply,
aniya, dadaan pa sa butas ng karayum. Kung talagang pantulong ang ORP para sa mga OFW ay
dapat umano babaan ang interes.
Si Lisa Cardoza, 57 taong gulang, may asawa at tatlong anak ay isa rin sa lider ng OFC sa
Santa Mesa. Ang kanyang asawa, si William Cardoza, 47 taong gulang, ang OFW na
kasalukuyang nasa Qatar at isang Crain Operator. Hulyo ng taong 2011, ay isa si Lisa sa
nakatanggap ng 10k livelihood assistance mula sa OWWA. Ginamit niya ang nakuhang kapital
bilang pandagdag sa kanyang negosyong hamburger stand na mahigit tatlong taon na. Ngunit ito
ay nahinto ng nagkaroon na ng problema sa meat processing. Kaya mula hamburger ay nag-
angkat naman si Lisa ng tocino at baboy. Ngunit taong 2011 din ay naitigil ang pag-aangkat
dahil sa mga balitang masama raw ang tocino. Kaya kasalukuyang isang housewife si Lisa. Isang
salik din umano ang kanyang edad at kalusugan.
Si Lisa Dellosa, 63 taong gulang, isang byuda, ang nakapagpatapos ng lima niyang anak
sa sariling pagsisikap at sa tulong ng kaniyang sariling sari-sari store sa 4745 Interior 3, Peralta,
Old Santa Mesa. Isa rin siya sa mga lider ng OFC sa kanilang erya simula pa taong 2007. Dalawa
sa kanyang anak ang OFW. Si Mary Rose Dellosa, 40 taong gulang, ay nasa London at isang
caregiver. Si Beny Dellosa naman, 37 taong gulang ay isang engineer sa Saudi. Hulyo din ng
taong 2011, nang nakatanggap ng livelihood assistance si Lisa. Ginamit niya ito para pandagdag
puhunan sa kanyang tindahan. Mahigit isang taon din daw bago sila naaprubahan para sa
nasabing livelihood assistance.
Si Elvi Tan, 50 taong gulang, may asawa, ay isa ring OFC lider sa Santa Mesa. Ang
kanyang kapatid na si Arnel Valencia, 44 taong gulang, ang OFW sa Jeddah na anim na taon ng
karpentero doon. Ang isang kontrata niya ay biubuo ng dalawang taon. Nang siya ay lumipat sa
Libya, isang buwan lamang siya doon at siya ay pina-uwi dahil sa kaguluhan sa nasabing bansa.
Dahil kabilang na si Arnel sa tinatawag na repatriated na OFW, siya ay nakatanggap ng 10k
pagka-uwi niya sa Pilipinas noong Disyembre taong 2012. Taong 2011 din na-aprubahan ang
10k livelihood assistance ni Elvi. Ginamit niya din ito sa isang networking business na Green
Barley. Dalawang taon na siya sa nasabing direct selling na kompanya.
Si Tess Costelo, 55 taong gulang, ay may asawa na 51 taong gulang na isang land-based
na OFW sa Riyadh. Siya ay nagtatrabaho sa isang advertising na kompanya na tig-dalawang taon
ang kotrata. Siya ay sampung taon na bilang isang OFW. Ginamit din ni Tess ang livelihood
assistance na 10k sa networking business na Green Barley at pati na rin Avon. Nakatanggap din
sila ng iba pang mga training patungkol sa pag-nenegosyo at pananalapi. Ani ni Tess sana ay
dumami pa ang mga livelihood na programang iyan dahil bilang isang lider ng OFC, gusto rin
niyang mas madaming myembro ng organisasyon ang makinabang pa sa mga programa.
Mayroong pang lima mula sa kanyang erya, ang Santol, Santa Mesa, ang nakatanggap ng
livelihood assistance.
Sa buong Santa Mesa, sampu lang ang na-aprubahan ng grant na 10k. Mayroon pa iba na
nakapag-training at seminar na at lahat lahat ngunit hindi naaprubahan. Isa na diyan si Estilita
Delluca, mismong OFW na pitong taon na sa Saudi bilang domestic helper.
Figure 1 – Ang mga OFC Leader sa Santa Mesa
Figure 2 – Si Lisa Dellosa at ang kanyang sari-sari store
SHORT LIVED-lihood programs?
Sarbey ng mga OFW sa Tangos, Navotas
Gamit ang referral system, nagpunta ang mananaliksik sa Navotas, partikular sa Tangos
upang makapapanayam ang ilan sa mga benepisyaryo ng livelihood assistance. Nagsagawa ang
mananaliksik ng self-administered sarbey sa 31 na kasapi ng OFW Family Cicle sa Navotas sa
pamamagitan ng sistemang referral. Ang OFW Family Circle o OFC ay isang samahan ng mga
OFW, aktibo man o hindi na, at pamilya ng OFW o ang beneficiary ng OFW. Ito ay sa medaling
salita, kapatiran ng OFW. Taong 2009 nang naitayo ang samahang ito ng mga OFW sa Navotas,
nang nakita ni Bilen De Asis, ang founder, pangangalaingan para sa isang organisasyon dahil sa
napakaraming OFW sa kanilang lugar at karamihan doon ay hindi naaabot ng serbisyo ng
pamahalaan na para sa OFW. Sa kasalukuyan ang OFC sa Navotas ay may myembrong OFW na
tinatayang umabot na sa 600. Ayon sa isang lider ng OFC sa Tangos, Navotas, 400 sa mga OFC
members ang aktibo.
Narito naman ang mga resulta sa isinagawang sarbey sa Navotas.
Sa 31 na nakapanayam ng mananaliksik sa Tangos, Navotas sa pamamagitan ng referral
system, 16 dito o 51.61% ang nabigyan ng 10k livelihood assistance mula sa OWWA,
samantalang 14 o 45.16% naman ang nag-apply pa lang sa livelihood assistance ngunit hindi pa
naaaprubahan. Ayon sa naaprubahan na ang assistance ay napakatagal ng kanilang hinintay bago
pa naibigay ang grant. Mayroon namang ilang aplikante na nagsabing ilang taon na ay hindi pa
rin naibibigay ang 10,000 na livelihood assistance sa kanila. Nagpapatunay lamang ang
nakuhang datos na marami pa rin ang hindi pa nakakatanggap ng livelihood assistance o
magpahanggang ngayon ay hinihintay pa ring maaprubahan ito.
Para naman sa mga 16 na na-interbyu na naaprubahan na ang livelihood assistance ang
mga sumusunod ay ang kanilang mga naging negosyo – apat ang sa pagtitinda ng isda, dalawa
naman sa suka o vinegar making, isa ay sewer, isa ay sari-sari store at pisonet, isa ay pagtitinda
ng alamang, isa ay paggawa ng bagoong at patis, isa ay pagtitinda ng prutas, isa ay ginamit sa
pagbili ng Bangka, isa ay karenderia, ang isa naman ay grocery at puhunan sa palayan, isa ay sa
paggawa ng basahan at ang isa ay sari-sari store.
Ginamit ng mananaliksik ang sumusunod na batayan upang malaman at sukatin ang
pagiging epektibo at sustenable ng livelihood assistance para sa mga nabigyan na nito – sales
performance, kung ito ba ay low sales, average sales o high sales; status ng negosyo, kung loss,
breakeven o profit na maaaring low profit, average profit o high profit; at months of operation.
Sales Performance, n=16
Low Sales
Average Sales
High Sales
Mayroong apat o 25% na nagsabing nagkaroon sila ng mababang sales. Habang may 11
naman o 68.75% na nagsabing nagkaroon naman sila ng abereyds na sales. Walang nagsabi na
nagkaroon siya ng high sales.
Status of Business, n=16
Loss = 43.75%
Breakeven = 31.25%
Profit = 25%
Mayroong pito o 43.75% na sumagot ng loss. May lima naman o 31.25% na sumagot ng
breakeven. Mayroon namang apat o 25% ang sumagot ng profit. Sa ilalim na kategoryang profit,
tatlo nito ay nasa low profit, isa ay nasa average profit.
Makikita natin dito na mas malaki ang bilang ng ang kanilang negosyo ay nalugi
kaysa sa ang kanilang negosyo ay nagkaroon ng tubo.
Months of Operation, n=16
Walang Isang Taon = 31.25%
Isa hanggang tatlong taon =50%
Hanggang sa Kasalukuyan =18.75%
Mayroong lima o 31.25% na nagsabing wala pang isang taon ay natigil na ang kanilang
negosyo. Habang walo naman o 50% ang nagsabing tumagal ng nasa isa hanggang tatlong taon
ang negosyo. At panghuli, 3 naman o 18.75% ang nagsabing hanggang ngayon patuloy pa rin
ang operasyon o pagpapatakbo ng negosyo.
Ilan sa mga problema na kanilang naranasan ay: matumal na benta, minsan maganda
minsan naman lugi, kompetisyon, kulang ang puhunan tulad ng lambat na napakamahal at
kailangan ng malaking puhunan, sa sistemang pautang may mga hindi nakakapagbayad, minsan
may mga natural na kalamidad tulad ng bagyo.
Halos lahat sila ay nagsasabing malaking tulong na din kahit papaano ang 10k livelihood
assistance. Ngunit ang iba ay humihiling pa ng dagdag puhunan o mas mabuti daw kung mauulit
pa ang pamimigay ng perang pangpuhunan. May mga kaso din na hindi talaga napupunta sa
pagtatayo ng negosyo ang nakuhang P10,000, sa halip ay ginamit ito sa ibang bagay tulad ng
pag-papagamot at pagpapa-ospital.
Ayon mismo sa OWWA, napakaliit na halaga ng P10,000 para sa isang negosyo.
Maging sila ay aminado sa katotohanang ito. Anila, anong negosyo ang maitatayo mo sa
halagang P10,000. Hindi rin naman nila nagpagtutuunan ng pansin ang pagmo-monitor sa naging
epekto ng programang livelihood assistance sa mga benepisyaryo dahil sa kakulangan nila sa
mga tao o personnel. Kasalukuyan naman nilang inaayos ang proseso ng application sa
livelihood assistance dahil sa mga reklamo ng napakabagal na pag-apruba.
Ayon naman sa isang benepisyaryo ng livelihood assistance, kung sa “tulong” nakatulong
naman daw kahit papano, ngunit kung ang tanong ay “episyente ba?” kulang na kulang. At
isang malaking hamon pagdating umano sa pagtatayo ng negosyo ay ang “market” mo at ang
“kompetisyon.”
Pangkalahatang Konklusyon at Interpretasyon:
Napatunayan natin ayon sa datos na kung may oportunidad, may desenteng trabaho sa
Pilipinas, mas gugustuhin ng mga OFW na manatili sa sariling bansa at hindi na mangibang
bansa pa.
Napatunayan natin na may kakulangan nga sa sustenableng reintegrasyon program ang
pamahalaan. Una sa lahat hindi pamilyar ang mga OFW sa programang reintegrasyon.
Halos lahat ay wala pang narinig o nabasa tungkol sa NRCO. Pangalawa, ang livelihood
assistance ay nakita natin ayon sa mga na interbyu na mga benepisyaryo ng 10k Livelihood
assistance, mas malaki ang bilang ng mga hindi nagtagumpay ang negosyo gamit ang mga
napiling basehan o metrics – sales performance, status ng negosyo at months of operation –
dahil sa iba’t ibang dahilan – isa na ang kakulangan sa puhunan, matinding kompetisyon at
kawalan ng merkado para sa mga produkto o serbisyo. Sa sarbey naman ng mga OFW na
Navotas, nalaman natin ayon sa datos, na marami pa rin ang hindi pa naaprubahan ang
aplikasyon sa livelihood assistance. Tunay ngang napakatagal at napakahaba ng proseso
ang iyong pagdadaanan at hihintayin bago ka pa makagpagsimula ng “negosyo” na ang iba
ay umabot na ng dalawang taon. Sinubukan ng mananaliksik na makakuha ng datos tungkol
naman sa ORP o OFW Reintegration Program, isang loan program, ngunit mahigpit ang
NRCO at OWWA sa paglabas ng mga datos ng mga benepisyaryo sapagkat hinihingan pa ito
ng pahintulot mula sa Land Bank of the Philippines.
KONKLUSYON at REKOMENDASYON
Ilang libong tao araw-araw ang lumalabas ng bansa para lamang makapaghanapbuhay. Sa
kanilang pag-alis sa bansa, dala-dala nila ang pag-asang sana sa bansang kanilang pupuntahan ay
matagpuan nila ang kanilang swerte. Oo, swerte, sapagkat para sa mga OFW, ang kanilang pag-
alis ay hindi nangangahulugang abot kamay na ang pag-ahon sa kahirapan, hindi ibig sabihin na
tanaw na nila ang isang magandang kinabukasan, at lalong hindi nangangahulugang ramdam nila
ang pagbabago, ang kaunlaran.
Hindi lingid sa atin kung gaano kahirap ang malayo sa isang mga mahal sa buhay. May
isang marinong nagsabi, ayaw na niyang sumakay pa ng barko, sapagkat hindi niya
nasusubaybayan ang paglaki ng kanyang unang anak na babae. Isang bagong kasal naman na sa
halip ay magkasama, kailangang magkalayo muna para maitaguyod ang pamilya. Isang mag-
asawa naman na 25 years nang kasal, sabi ng asawang lalake na isang OFW, kung susumahin
ang bilang nang taon na silay talagang nagkasama, nasa limang taon pa lang. Isang anak ng
OFW, na hindi kapiling ang ama sa mahahalagang araw ng kaniyang buhay, tulad ng graduation.
Ito ay mga kasong, hindi na bago sa atin. Tunay ngang nakakabagabag ng damdadim.
Ano pa kaya ang nararamdaman ng mga kababayan natin na ang sasalubungin sa NAIA ay hindi
kahon ng mga tsokolate at damit ngunit ang sasalubungin na niya ay ang kanyang
pinakamamahal na asawa, magulang o kaya’y anak na siya nang nakakahon?
Nakakalungkot lamang isipin na ang tila ba nagiging isang norm na ang pangingibang
bansa para mabuhay ang pamilya. Alam naman natin na ang tunay na normal ay ang magtrabaho
ka sa iyong bansang sinilangan. Ngunit bakit tila ang mga Pilipino ngayon ay hinihikayat pa na
mangibang bansa at maging utusan at tagapag-silbi ng ibang lahi? Bakit kailangang palagi na
lang magtiis ang mga Pilipino sa hirap ng pangungulila hindi lamang sa pamilya kundi
pangungulila sa mismong sariling bayan?
Padami na ng padami ang kaso ng pagmamaltrato at paglabag sa karapatan ng mga
kababayan natin sa abroad. Nakakatakot na tila nasasanay na nasasanay na tayong makarinig ng
mga kaso ng pagpatay o pagpaslang ng mga OFW na sa ibang bayan. At maraming ulat na rin
ang nagsasabi at nagpapatunay na kulang na kulang ang serbisyo at proteksyon para sa mga
binansagang bagong bayani.
Ngayong ang mga “bagong bayani” ang kailangan naman ng pagliligtas! Hindi ba’t
panahon na upang itama ang pagkakamali? Bago pa man tuluyang magkawatak-watak ang
pamilyang Pilipino, bago pa man may isa nanamang kaso ng pang-gagahasa, bago pa man may
isa nanamang kababayan natin ang mawalan ng buhay, bigyan na ng opsyon ang mga Pilipino
dito sa Pilipinas – hindi ang pwersahang migrasyon! Dahil kung tunay tayong malaya bilang
isang bansa at umuunlad, dapat lamang na may kalayaan na din ang isang Juan dela Cruz na
manatili sa sariling bansa at hindi magpa-alipin sa ibang lahi. Kaya naman ang sinisigaw ng
Migrante International at ng ilang libong OFW at pamilya nito - Trabaho sa Pilipinas, hindi sa
labas!
Hindi dahil sila ay abroad, ibig sabihin agad ay ramdam na nila ang kaunlaran. Wala
namang ibang hiling ang mga OFW, kundi ang magkaroon ng maginhawa at desenteng buhay
kasama ang pamilya dito sa sariling bansa.
Nakakalungkot kung iisipin natin, ayon pa sa OWWA, ang mga OFW ay kinikilalang
mga bayani kapag sila ay nasa labas ng bansa lamang pero kapag nasa sariling bansa na sila ay
hindi pinapansin – ‘neglected’.
Pipilitin ka tas’ Aalagaan Ka?
“If the government could provide jobs to begin with, that OFW would not have gone
abroad to begin with,” ayon kay Sonny Africa.
Para sa IBON, hindi sila naniniwala sa mga reintegration program ng pamahalaan.
Negatibo ang kanilang pagtingin dito na isa lamang itong propaganda ng gobyerno at sa halip na
hindi na mangibang bansa pa ang mga OFW ay mas hinhikayat pa nito lalo ang pangingibang
bansa. Ito’y self-contradictory dahil kung may kakayanan pala ang pamahalaan na magbigay ng
kabuhayan, bakit pa nito tinutulak ang mga Pilipino palabas ng bansa. Para mong sinasabi na
okay lang mag-abroad kayo ngayon kasi pag balik ninyo may reintegration programs naman.
Kaya lumalabas na kumikita ka na habang abroad ka at kapag gusto mo nang bumalik aalagaan
ka pa ng pamahalaan.
Makikita natin, una sa lahat, kaunti lamang ang nakikinabang sa reintegration programs.
Pangalawang tanong pa kung ilan ang sustenableng nakinabang sa mga programang iyan. Ang
tunay na reintegration program ay dapat nangangahulugang hindi na sila kailangan pang bumalik
sa ibang bansa at magtrabaho. Makikita natin na isang paraan lamang ito ng pamahalaan para
kumbisihin pa lalo ang mga OFW na lumabas ng bansa dahil pag-balik nila may trabaho naman
sa mga livelihood program nito.
Ngunit ang pinaka-batayang at pundamental na problema ay hindi nabibigyan ng
solusyon. Bakit nga ba walang trabaho para sa overseas workers?
Babalik at babalik tayo sa lagay at takbo ng ating ekonomiya. Ayon sa datos mula sa
IBON, tinatayang nasa 4.4 milyon ang walang trabaho sa Pilipinas. Ang pinaka-problema natin
sa ekonomiya ang pinaka-malaking salik kung bakit hindi nagtatagumpay ang mga pang-sosyo-
ekonomikong mga proyekto tulad ng mga livelihood program. Hanggang sa kasalukuyan ay
atrasado ang ating agrikultura, wala tayong lokal na mga industriya. At hangga’t hindi nailalatag
ang macro-economic conditions na kailangan – isang masiglang domestic na agrikutura at
domestic na industriya – hindi magiging sustenable ang mga programang iyan. Ayon pa kay
Sonny Africa, konting-konti lang ang binubuhos ng government sa mga programang tulad ng
nabanggit sapagkati alam nila sa kinaloob-looban nila na hindi sustainable at babagsak naman
ang mga iyan. Lumalabas na isang malaking propaganda lang nga ang lahat.
Kaya ang panawagan ng Migrante International, ng IBON at ng milyon-miyong OFW at
pamilya ng OFW, ibasura ang patakarang labor eksport! Ayon pa kay Prop. Roland Simbulan ng
UP Manila, “hindi magandang gawing eksport ang sariling kababayan para lamang kumita.”
Panahon na upang bigyan ng tunay na atensyon ang kalagayan ng mga OFW. Ang mga
binansagang “bagong bayani” ay matagal nang sumisigaw ng saklolo. Sila naman ang
nangangailangan ng bayani.
Bibiliograpiya
Asia Pacific Mission for Migrants. 2010. Labor export policy of developing countries: The Case
of the Philippines and Indonesia
Asia Pacific Mission for Migrants. (2010, January 20). Labor export policy of developing
countries: The Case of the Philippines and Indonesia. Retrieved August 30, 2012, from
http://edm.iboninternational.org/ component/content/article/413-special-features/250-
labor-export-policy-of-developing-countries-the-case-of-the-philippines-and-indonesia
Ateneo Human Rights Center. OCWs in Crisis: Protecting Filipino Migrant Workers.1995
Candazo, R. (n.d.). Critique of the Philippine Overseas Employment Program. Retrieved January
3, 2013, from www.ffon.org/documents/candazo.doc
Constantino, R. 1979. The Nationalist Alternative.. Foundation for Nationalist Studies
End of Labor Export. (2012, August 27). Philippine Daily Inquirer. Retrieved February 9, 2013,
from http://opinion.inquirer.net/ 35626/end-of-labor-export
Heydarian, R. (2011, September 11). ANALYSIS: The perils of our labor export policy. GMA
News. Retrieved February 9, 2013, from http://www.gmanetwork.com/news/story
/232106/economy/analysis-the-perils-of-our-labor-export-policy
Ibon Foundation Inc. Declining OFW Remittances.IBON Facts & Figures Special Release.
Vol.32, No. 14. July 2009.
Migrante International. (2012). SUMA: Summing-up the State of Migrants Under Aquino (2010-
June 2012). July 2012 Issue. Tinig Migrante
Mapili, K. 2011. The Phenomenon of Contract Substitution Among Overseas Filipino Workers.
Thesis
Migrante International & Ibon Foundation. Migrant Workers’ Human Rights Research.
Commission on Human Rights of the Philippines. 2009
Osteria, T. 1994. Filipino Female Labor Migration to Japan: Economic causes and
consequences. De La Salle University Press
Pernia, E. 2008. Is Labor Export Good Development Policy?. UP School of Economics
Discussion Papers. Retrieved January 10, 2013, from
www.econ.upd.edu.ph/dp/index.php/dp/article/view/100/92
Personal na Interbyu:
Mr. Sonny Africa, Ibon Foundation, January 19, 2013
Mr. Garry Martinez, Migrante International, January 12, 2013
Dr. Ernesto Pernia, UP Scool of Economics, January 19, 2013
Representative mula sa NRCO, February 2, 2013