26
Gabay sa pag-unawa sa Sapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa ni Fr. Roque J. Ferriols ng Ateno De Manila University 12/11/2009 Philosophy 100 DVM2 lecture class 1 Ang ilang bahagi ng presentasyon na ito ay halaw sa orihinal na akda ni Fr. Ferriols. Gabay lamang sa pagtuturo ang akdang ito at hindi inaari ang mga bahagi na protektado ng copyright ng may-ari ng orihinal na akda

Sapagkat Ang Pilosopiya Ay Ginagawa

Embed Size (px)

Citation preview

Gabay sa pag-unawa saSapagkat ang Pilosopiya ay Ginagawa

ni Fr. Roque J. Ferriols

ng Ateno De Manila University

12/11/2009 Philosophy 100 DVM2 lecture class 1

Ang ilang bahagi ng presentasyon na ito ay halaw sa orihinal na akda ni Fr. Ferriols. Gabay lamang sa pagtuturo ang akdang ito at hindi inaari ang mga bahagi na protektado ng copyright ng may-ari ng orihinal na akda

Pagtanong at Paggawa

Ano kaya ang pilosopiya?- Lalong mabuting gawin muna bago pag-usapan kung

ano. Sapagkat ang pilosopiya ay ginagawa. - Natututo tayong lumakad sa paglakad, magbisikleta sa

pamimisikleta, lumangoy sa paglalangoy, magmaneho ng kotse sa pagmamaneho ng kotse.

- Ganyan din sa pamimilosopiya. Sa lahat nito ay maari tayong tulungan ng isang kaibigan na mamilosopiya, magmaneho, lumangoy, magbisikleta, at pati lumakad. At marahil sasabihin natin na tinuruan niya tayong magbisikleta, atbp.

4/11/2006 2

Pamimisikleta• Paano ba ang magbisikleta?

– Alalahanin ang mga karanasan sa panahon na tayo ay tinuturuan sumakay sa bisikleta at magbisikleta

• Tinuturuan tayong magbisikleta at nagpapaturo tayong magbisikleta dahil:– May “pagkamaaari” tayong magbisikleta– Sa pagtuturo sa pamimisikleta, tinuturuan tayo sa pamamagitan ng

pagpapakita, pagtawag ng pansin, pagsusubaybay, pagbibigay-loob, pagmamakulit

– Upang maisagawa natin ang pagka-maaring ito ay kailangan nating magsipag at magtiyaga

– Tayo ang pipili para sa sarili natin, kaya ba nating magsipag at magtiyaga?– Dahil sa ating pagpapasya, nakaya nating magbisikleta

• Hawig sa pagbibisikleta ang masasabi ukol sa maneho, langoy, lakad, at pati sa pilosopiya.– Tayo ang magsasagawa para sa ating sarili

4/11/2006 3

Halimbawa:

• Kung yayain ka ng iyong kaibigan na magpunta sa handaan at hindi ka maaaring sumama sa kanya?– Maaari mong sabihin na sa susunod na pagkakataon

ka na lang sasama..– Gayundin naman, maaari mo ring sabihin na “ikain mo

na lang ako”

• Kung magkita kayo kinabukasan at kanyang sinabi na “ikinain kita ng lechon at caldereta”.. Nabusog ka kaya sa ganang ito?

4/11/2006 4

Instrumento sa Paggawa ang Kataga

• Habang tinuturuan tayo sa pagbibisikleta, nagsasalita ang nagtuturo sa atin. Nagbibitiw sila ng mga kataga.

• Hindi sila nagsasalita upang magdiskurso ukol sa: Ano ba ang magbisikleta?

• Kung nagkagayon, hindi sana tayo sanay makabisikleta ngayon mana pa’y sanay tayong magdiskurso ukol sa pamimiskleta.

• Ang mga salita ng nagtuturo sa atin ay mga instrumento lamang sa paggawa. Ang mga salita ay nakikilalang mabuti ng tinuturuan kapag ang tinuturuan ay nakapagbibisikleta na.

4/11/2006 5

Ayaw Nilang Lumundag pero, para sa Kanila, Marunong na Sila

• Sa isang halimbawa sa artikulo, nakasaad ang pagtuturo ng isang guro sa paglalangoy

• Kanyang binigay ang mga tagubilin at mga dapat gawin at tandaan ng mga mag-aaral ukol sa paglalangoy

4/11/2006 6

Kabilang sa mga dapat gawin at tandaan ng mga mag-aaral ay:

1. Magsanay munang magtampisaw sa tubig2. Huwag huminga pero dapat idilat ang mata at

pagpasailalim ng tubig3. Basta’t dumapa4. Huwag matakot sapagkat lulutang din naman5. Matutong igalaw ang paa6. Matutong igalaw ang kamay7. Matutong huminga8. Paulit-ulit na pagsikapan at pagtiyagaan ang

praktis

4/11/2006 7

• Sinusulat ng mag-aaral ang lahat ng sinasabi ng guro sa paglalangoy.Dumating ang pagkakataon at kanyang sinabi

“At ngayon,” patuloy niya, “eto ang swimingpul. Oras nang magsimula. Lundagin mo beybe!”Walang lumundag, pero sulat ng sulat pa rin sila.

“Hoy, sa tubig na kayo! Walang kabuluhan ang sulat-sulat ninyo kung hindi ninyo ginagawa!”Wala pa rin lumundag. Sulat pa rin sila ng sulat.

“Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo ng panahon?” Dito, may bumaling sa guro: “Bakit ka ba nagagalit? Hindi mo ba nakikita na mahalaga sa amin ang lahat ng sinasabi mo? Eto.” At pinakita niya ang kanyang notbuk. Naroroon ang buong talumpati ng guro mula sa unang salitang hanggan sa huli... hanggan sa “Hoy! Gising! Hindi ba ninyo nakikita na nag-aaksaya lamang tayo ng panahon?”

Nagsimula silang lahat na magsiuwi. Yamot at galit. “Biruin mo, pinagalitan pa tayo!”

Pero natutuwa pa rin sila. Masasabi ng bawat isa na kompleto ang kanyang notbuk. Naisulat nila ang bawat sinabi ng guro. Kaya’t inaakala nilang natuto na sila. Ayaw nilang lumundag pero, para sa kanila, e marunong na sila!

4/11/2006 8

• Katulad din ng pagiging guro, mahirap ipaliwanang ng buong-buo kung paano maging guro. Ang pagdanas kung paano maging guro ang makapagbibigay ng kahulugan at lubos na pagkaka-unawa kung paano nga ang maging isang guro

• Tayo ang dapat dumanas...

4/11/2006 9

PagtinginUmuunawang pagtingin vs. Otomatikong pagtingin• Kapag narirnig ng bata ang “drowing” at “bulaklak”,

otomatik nang kikilus ang kanilang mga kamay. Hindi na sila titingin sa bulaklak na ipinaguguhit sa kanila at hindi gagawa ayon sa nakikita.

• Kapag hindi nababara sa otomatik na patakaran ang bata, buhay na buhay ang kanyang katutubong pananabik matuto. At tingin siya nang tingin. Tanong nang tanong. At ang tanong ay nagiging bukal ng pagtingin – masusing pagtingin.

4/11/2006 10

• Kailangan nating dumilat para tayo ay maraming makita.

• Ang pagtingin ay isang gawain na ako lamang ang makagagawa, kung ako nga ang makakakita.

• Gayundin naman, ikaw lang ang makakagawa nito para sa sarili mo kung ikaw ang makakakita

4/11/2006 11

• Tigib ang daigdig sa mga nagpapakita, nagpapamasid.

• Sozein ta phainomena(to save the appearances)– Damhin ang nagpaparamdam na talagang totoo– Kailangan nating dumilat at damhin ang

nagpaparanas sa ating paligid

4/11/2006 12

Pag-unawa

• May uring pag-uunawa na maihahambing sa pagtingin

• Halimbawa, 2 + 2 = 4 • Nakikita natin na ganyan ang angkop na pag-iisip,

sa umuunawang pagtingin, ang pagka-dalawa ng dalawa at ang pagka-apat ng dalawang dalawa.

• Sa isang kilus ng ating pag-unawa na katulad sa kilus ng matang tumitingin, kitang-kita natin na 2 + 2 = 4.

4/11/2006 13

• Sa biro naman, kusa tayong natatawa kung may nakita at naunawaan tayo na talagang nakakatawa

• 2 + 2 at kislap ng biro. Maaaring mangyari na makakaunawa lamang tayo pagkatapos ng mahabang panahon ng pagsikap makakita, at makakita ng malalim at buo. Pero sa lahat, may kilus ang pag-uunawa. Tinatablan ng pag-uunawa ang inuunawa. Kailangang tumingin ng isip.

4/11/2006 14

• Kaya nating umunawa, ngunit ako o ikaw lamang ang maaaring umunawa sa paraang ako o ikaw lamang ang makakaunawa para sa sarili natin

• Kung sakaling napanood ko kagabi ang isang palabas sa telebisyon at hindi mo ito napanood, kahit anong paliwanag at pagsasalarawan ang aking gawin, hindi mo ito mauunawaan at mararanasan sa paraang ako ang natuto at nakasaksi

4/11/2006 15

• Hindi mo kayang umunawa sa isang paraan na pagkatapos, ako ang nakaunawa o kabaligtaran.

• Ako lamang ang makapagpapairal sa aking pag-uunawa kung nais kong umunawa. Ikaw lamang maaring umunawa kung ikaw nga ang uunawa.

4/11/2006 16

Pagtingin at Pag-uunawa

• “Hindi ko makita kung bakit sila tawa nang tawa.”• “Ang labo ng kanyang sinasabi.” • “Walang nakakakita sa katuturan ng iyong mga pag-

aargumento.” • “Magpakita ka nga ng dahilan kung bakit tama ang

ginagawa niya.” • O maaring mangyari na biglang nagkablakawt habang

may nagbibigay ng talumpati. At kung itinuloy pa rin niya, at kung malinaw siyang maglahad, sasabihin natin, “Maliwanag ang kanyang talumpati,” kahit na ang dilim-dilim habang siya’y nagsasalita.

4/11/2006 17

• Nakikita ba ang salita? • Ang linaw o labo ay hindi lang sa aspetong

pagtingin, ginagamit din ang mga ito para sa pag-unawa

4/11/2006 18

Tingin ng Mata at ng Isip

• Magkahiwalay bang gumagalaw ang dalawa?• Ang tingin ba ng mata ay tingin lamang nito

bilang bahagi ng ating katawan?• Subukan mong pumikit. Huminto ba ang iyong

pag-unawa sa panahon na huminto na tumingin ang iyong isip?

• Sakit ng kalingkingan, ramdam ng buong katawan.

4/11/2006 19

Kailangan ang Paniniwala at Kailangang Kilatisin

• Malaking bahagi ng ating pagharap sa mundo ay nababatay sa mga hindi natin nakita o naranasan. Ibang tao ang nakakita o nakadanas at naniwala tayo sa kanila.

4/11/2006 20

Ang taong mapapaniwalaan ay itinuturing natin na tunay na bukal ng kaalaman at karunungan.

Kailangan na siya ay:

1) Marunong magmasid at umunawa: Halimbawa, masusi niyang pinupuna ang mga nangyayari sa harapan ng kanyang mata; at gumagawa lamang siya ng interpretasyon kung talaga siyang may kakayahan, halimbawa, na bumasa sa eksrey o sa larawang-satelayt o sa kung ano makakagaling sa isang sakit.

2) Marunong magbunyag sa kanyang nalalaman at nauunawaan: Meron siyang arte ng pagbunyag, kaya’t naibabahagi niya ang kanyang karanasan sa mga hindi nakadanas ng ganoon; o naibabahagi niya ang kanyang pagka-eksperto sa mga hindi eksperto… sa antas na ito’y posible.

3) Makatotohanan: Hindi nagsisinungaling.

4/11/2006 21

Katangian ng taong matino sa kanyang pagbibigay tiwala sa kanyang kapuwa:

1) Marunong kumilatis – sa mga bukal ng kaalaman at karunungan.

2) Marunong umunawa – sa mga ibinubunyag.

Ang hindi marunong umunawa ay hindi marunong makinabang sa mga ibinubunyag sa kanya. At hindi rin siya maaring sumang-ayon o tumutol sa mga ibinubunyag. Sapagkat hindi maaring sumang-ayon o tumutol ang tao, kung hindi niya nauunawaan ang kanyang sinasang-ayonan o tinututulan.

4/11/2006 22

Abstraksyo• Nakita natin na, kung minsan, sa ating pagnanais na

makaunawa sa mga detalye ng isang pangyayari, hinihiwalay natin sa ating isip ang nagkakaisa sa talagang totoo. Ganyan ang ginawa nating noong tinalakay natin ng isa-isa ang pagtingin ng mata at ng isip. Nakita rin natin na importanteng bumalik palagi sa pagkakaisa at kabuoan na umiiral sa talagang totoo. Palibhasa’y madalas gamitin itong patakaran ng paghihiwalay sa isip, ng isa at buo sa talagang totoo, mabuting bigyan ng pangalan. Ang nakaugaliang pangalan ay abstractio. Katagan Latin: paghihiwalay. Isusulat kong abstraksyo. Nag-aabstraksyo tayo kapag nalilimutan natin na bukod tangi at iba ang bawat tao, at tinutuonan lamang natin ng pansin ang pagkahawig ng lahat ng tao. Abstraksyo rin kapag gumagawa ako ng plano at hindi ko pinupuna kung may kinalaman ang plano sa mga bagay na pinagpaplanohan.

4/11/2006 23

Pambungad sa Metapisika

Ang bungad ng isang bahay ay pinto… binubuksan sa mga dumadaan ang mga sekretong nakatago sa bahay. Hindi sekereto ng tahanan ang metapisika, bagkus malalim at malawak na katotohanan na umaanyaya sa lahat. Ang pambungad sa metapisika ay pintuan na bumubukas sa kalaliman at kalawakan, sa kaparangan, kabundukan, kalangitan.

4/11/2006 24

Noong nakapasok na siya sa pintuanYumapak siyaSa malawak na lupainNa palayo ng palayo ang mga hanggananSinusukuban ng langitNa pataas ng pataas ang tuktokAng mga laylaya’y palayo ng palayoSinisikatan ng sariwang araw ang kabuoan

4/11/2006 25

Sanggunian

• http://pilosopotasyo.tripod.com/una.html Accessed:0945h 11032011

4/11/2006 26