51
Relihiyon at Pilosopiya sa Asya

Modyul 12 relihiyon at pilosopiya sa asya

Embed Size (px)

Citation preview

Relihiyon at Pilosopiya sa Asya

Katuturan ng Relihiyon

• Ano nga ba ang relihiyon?- Paniniwala ng tao na may isang makapangyarihang nilalang o pwersa na siyang pinakamataas at nagpapakilos sa lahat ng bagay sa daigdig.

Mga Relihiyon sa Kanlurang Asya

• Judaism- Nagmula sa Israel.- Itinatag ng mga Jew o Israelite.- Isang monoteistikong relihiyon.- Si Yahweh ang diyos at may likha ng lahat ng bagay sa daigdig.- Torah ang banal na akalat ng mga Jew. Dito nakasaad ang mga aral at salita ni Yahweh.

• Torah – “batas at aral”• Binubuo ng limang aklat ni Moses:

- Genesis, Exodus, Leviticus, Numbers, Deuteronomy

• Patriyarka ang tawag sa kanilang pinuno.• Ilan sa mga patriyarka ng mga Jew ay sina

Abraham, Isaac, at Jacob.

Sampung Utos na tinanggap ni Moses mula sa Diyos

• Ibigin mo ang Diyos higit sa lahat. Wala kang ibang sasambahin kundi ang Diyos.

• Huwag sambahin ang anumang imahen o idolong nasa langit o lupa.

• Huwag kang manunumpa sa ngalan ng Diyos.• Mangilin ka kung linggo.• Igalang mo ang iyong ama at ina• Huwag kang pumatay ng kapwa tao.

• Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa.• Huwag kang magnanakaw.• Huwag kang magsabi ng kasinungalingan laban

sa iyong kapwa.• Huwag mong pagnasaan ang hindi mo ari at

hindi mo asawa o ano pa mang bagay na hindi sayo.

Kristiyanismo

• Isang monoteistikong relihiyon tulad ng Judaism.

• Ang doktrina ay nakabatay sa mga aral at katuruan ni Hesus.

• Sinusunod ng mga Kristiyano ang mga aral at salita ni Hesus bilang paghahanda sa pagbabalik ni Hesus upang husgahan ang lahat, buhay mamn o pumanaw na.

• Ang mga taong sumunod sa mga utos at isinabuhay ang salita ng Diyos ay magtatamo ng buhay na walang hanggan.

• Samatala, ang mga sumalungat ay magdurusa sa kabilang buhay.

• Nakapaloob ang mga aral at salita ng Diyos sa banal na aklat ng tinatawag na Bibliya.

• Nahahati ito sa dalawang bahagi:- Lumang Tipan – naglalaman ng salaysay mula sa paglikha ng Diyos sa daigdig hanggang sa paghahanda ng mga jew sa pagdating Mesiah.

- Bagong Tipan – tungkol sa buhay ni Hesus, ng kaniyang mga disipulo, at iba pang pangyayaring may kaugnayan sa Kristiyanismo.

• Nakabatay sa dalawang pangunahing paniniwala ang Kristiyanismo: Si Hesus ay Anak ng Diyos at ang Diyos ang nagsugo kay Hesus sa daigdig upang mamuhay at maghirap tulad ng tao, mamatay para sa kaligtasan ng sangkatauhan at mabuhay muli.

• Dalawang pangunahing aral:- Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat;- Ibigin mo ang kapwa mo tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili.

• Monoteistiko ang Kristiyanismo subalit pinagtibay ng Simbahang Katoliko ang paniniwala sa Santisima Trinidad (Holy Trinity).

• Paniniwala sa tatlong persona ng iisang Diyos – ang Diyos Ama, Diyos Anak, at Espiritu Santo.

• Sa kasalukuyan, ang Kristiyanismo ang relihiyong may pinakamaraming tagasunod sa daigdig.

• Ang Simbahang Katolitiko ay pinamumunuan ng Santo Papa na naninirahan sa Vatican City sa Rome.

Islam• Ikalawang pinakalaganap na relihiyon sa daigdig.• Islam – “kapayapaan”, “pagsuko”, “kapayapaang

madarama kapag isinuko ang sarili sa Diyos na si Allah”

• Si Muhammad ang nagtatag ng Islam.• Allah – ang Diyos at siya ang lumikha ng daigdig at

sanlibutan.• Hegira – paglisan ni ni Muhammad sa Mecca at

nagtungo sa medina kasama ang kanyang mga tapat na tagasunod.

Limang Haligi(Pangunahing Doktrina ng Islam)

• Shahada – Paniniwala na walang panginoon kundi si Allah at si Muhammad ang kaniyang propeta.

• Salat – Pagdarasal nang limang ulit sa isang araw nang nakaharap sa direksiyon ng Kaaba

• Zakat – Pagiging bukas-palad; mahalaga ang pagtulong sa mga nangangailangan, maysakit, matatanda, ulila, at iba pa.

• Sawm – Paggunita sa banal na buwan ng Ramadan sa pamamagitan ng isang buwang pag-aayuno araw-araw mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw.

• Hajj – Paglalakbay sa Mecca minsan sa buong buhay ng isang Muslim, ang taong nakapaglakbay sa Mecca ay ginagawaran ng titulong Hajji.

Zoroastrianism

• Pinakamatandang relihiyon sa daigdig.• Si Zarathustra ang nagtatag ng relihiyong ito.

Itinuturing na propeta.• Ahura Mazda – itinuturing na diyos.

Pinaniniwalang tagapaglikha at tagapagtaguyod ng daigdig.

• Zend Avesta – banal na aklat.

Ayon sa Zoroastrianism…• Ang daigdig ay tunggalian ng mabuti (Ahura

Mazda) at masama (Angra Mainyu)• Ang tao ay bingyan ng diyos ng laya na pumili sa

dalawang magkatunggaling pwersa.• Kapag pinili ang mabuti, mapupunta ang tao sa

langit kasama si Ahura Mazda. Kapag naging masama ang tao, mapupunta siya sa impiyerno kasama si Angra Mainyu (Ahriman)

• Maisasantabi ang hidwaan sa sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng pag-ibig. Sa katapusan ng daigdig mangingibabaw ang kabutihan.

Mga Relihiyon sa Timog Asya

• Hinduism- Itinatag ng mga Aryan noong 1500 B.C.E. sa

hilagang kanlurang bahagi ng India kung saan umusbong ang kabihasnang Indus.

- Isa sa mga tinuturing na pinakamatandang relihiyon sa daigdig.

- Isang politeistikong relihiyon.- Hindu ang tawag sa mga tagasunod nito.

Mga Katangian ng Hinduism• Tatlong pangunahing diyos:

- Brahma, ang Manlilikha- Vishnu, ang Tagapangalaga- Shiva, ang tagawasak

• Karma- pangunahing paniniwala sa Hinduism- Mula sa salitang Hindu na KAR na nangangahulugang “pagkilos” at MA na nangangahulugang “paggawa” o “paglikha”- nangangahulugang “isang bagay na nilikha o bunga ng gawi ng isang tao.”

• Reinkarnasyon- siklo ng kapanganakan at kamatayan.- kapag namatay ang isang tao, ang kaluluwa niya ay muling mabubuhay.- nakabatay sa kaniyang karama kung siya ay mabubuhay sa mas mataas o mas mababang antas ng buhay o uri ng nilalang.

• Nirvana- Layunin ng bawat Hindu ang makawala sa siklo ng reinkarnasyon. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagkamatay at pagkabuhay ng kaluluwa, inaasahang makakamit ang moksha o paglaya sa siklo ng reinkarnasyon. Kapag nakamit ng kaluluwa ang moksha ay mararating niya ang nirvana o tunay na kaligayahan at katahimikan. Ang nirvana ay ang ganap na katiwasayan at kalinisan ng kaluluwa.

• Vedas– Ang banal na aklat ng mga Hindu. May apat na

Vedas:1. Rig Veda2. Sama Veda3. Yajur Veda4. Atharvada Veda

• Gopastami- Isa sa pagdiriwang ng mga Hindu.- sa araw na ito, nililinis, dinaramitan, at inaalayan ng pagkain ang mga baka.- ginagawa ito upang patuloy na makakuha ang mga Hindu ng produktong mula sa baka tulad ng gatas, kurta, at gobang (dumi ng baka)

Ugnayan ng Hinduism at Sistemang Caste

Reinkarnasyon

Karma

Masama Mabuti

Bababa ang antas ng sistemang caste sa susunod na buhay

Tataas ang antas sa sistemang caste sa susunod na buhay

Moksha

Nirvana

Buddhism

• Batay sa mga aral at katuruan ni Siddharta Gautama.• Nagmula siya sa isang maharlikang pamilya.• Lumaki siyang hindi nakaranas ng hirap o

pagdurusa, hanggang sa siya ay magkaroon ng sariling pamilya. Ngunit hindi pa rin naging ganap ang kaniyang kaligayahan.

• Noong siya ay 29 taong gulang, napagtanto niya na bahagi ng buhay ng tao ang sakit, katandaan, at kamatayan.

• Ito ay nang sa unang pagkakataon ay nasaksihan niya ang buhay sa labas ng palasyo.

• Nagpasiya siyang talikdan ang marangyang buhay at iwan ang pamilya upang hanapin ang lunas na magwawakas sa kapighatian ng tao.

• Buddha – “Ang Naliwanagan”• Inialay niya ang kanyang buhay sa pangangaral

tungkol sa kaligayahang walang hanggan.

Wheel of Life- simboloikong kumakatawan sa sangkatauhan

• Four Noble Truths- sa kaniyang pagninilay sa lilim ng punong bo, naliwanagan si Siddharta sa sumusunod na katotohanan:- puno ng pagdurusa ang buhay ng tao;- nagmumula ang pagdurusa sa masidhing paghahangad- magwawakas ang pagdurusa sa pagwawakasng paghahangad; at- mawawakasan ang pagdurusa sa pagsasagawang Eight Fold Path.

Nirvana

• Paraiso o kaluwalhatian; sa pagkamit ng nirvana, na sukdulang layunin ng mga Buddhist, makalalaya ang tao mula sa pagdurusa at kamalayang pansarili, gayundin mula sa siklo ng reinkarnasyon.

Eightfold Path- tinatawag ding Middle Path; nagsisilbing gabay ito ng tao upang makamit ang

nirvana

Wastong Hanapbuhay

WastongPagpupunyagi

Wastong Konsentrasyon

Wastong Pagkilos

Wastong Pagsasalita

Wastong Intensyon

Wastong Pananaw

WastongPag-iisip

Buddhism

Mahayana Buddhism Theravada Buddhism

Itinuring si Buddha bilang Diyos

-Bodhisattva (lesser gods) – ipinagpapaliban ang pagpasok nila sa nirvana upang makayulongsa iba pang nasa lupa na makamtan ito.

Nanatili si Buddha bilang guro at banal na tao.

-Makakamit ng bawat isa ang nirvana sa pamamagitan ng sariling pagsisiskap.

Jainism• Kasabay ng paglaganap ng Buddhism ang

pagiging tanyag ng mga aral ni Mahavira (kilala rin bilang Vardhamana) na nabuhay din sa panahon ni Buddha.

• Ang mga katuruan ni Vardhamana ang nagpalakas sa bagong relihiyon na umunlad sa India, ang Jainism.

• Tulad ni Siddhartha, nagmula sa mataas na caste si Vardhamana.

• Noong 30 taong gulang si Vardhamana, nilisan niya ang kaniyang mariwasang buhay at naging isang sadhana o taong nagtakwil sa makamundong kagunhawaan.

• Sa loob ng mahigit 12 taon ng pagninilayat pag-aayuno, nakamit ni Vardhamana ang kevela o kaliwangan.

• Kinilala siya bilang Mahavira na nangangahulugang “dakilang bayani”

Ang simbolo ng Jainism ay binubuo ng kamay at gulong kung saan mababasa ang ahimasa, ang banal na panata ng mga Jain sa kawalang-karahasan.

Ahimsa• Pag-iwas sa ano mang uri ng pananakit sa ano

mang may buhay na nilalang, maging ang mga insekto.

• Mula sa salitang sansktrit na nangangahulugang “hindi makapanakit”

• Idinagdag ni Mahavira ang kalinisang-puri (chastity) sa apat na prinisipyo ng mga Jain.

• Inihanay ito sa pagwaksi sa karahasan, pagsisinungaling, pagnanakaw, at pag-aari.

• Umiwas ang mga Jain na makilahok sa pagsasaka nang sa gayon ay hindi sila makapanakit ng anumang nilalang.

• Ibinaling nila ang kanilang kabuhayan sa larangan ng kalakalan.

• Ipinaliwanag ni Mahavira ang kahulugan ng buhay batay sa tatlong hiyas ng Jainism: wastong pananampalataya, wastong kaalaman, at wastong kaasalan.

Sikhism• Isang relihiyong naghahangad ng pagkakaroon ng

kapatiran.• Walang Hindu, Walang Muslim. Lahat ay iisa at

nagtuturingan bilang magkakapatid.• Itinatag ni Baba Nanak na higit na kilala bilang

Guru Nanak.• Guru Grant Sahib – banal na kasulatan ng Sikhism• Ang salitang GURU ay nangangahulugang “ang

pagpanaog ng banal na patnubay sa sangkatauhan sa pamamagitan ng sampung naliwanagang guru (o master)”

• Sikh Guru – tawag sa sampung naliwanagang guru, kabilang dito si Guru Nanak.

• Nirankar na nangangahulugang “walang hugis” o kaya ay Akal o “walang hanggan” ang tawag sa Diyos ng mga Sikh.

• Pinaniniwalaan nila na ang kanilang Diyos ay tagalikha, tagapagtaguyod, at tagawasak.

• Hindi sila naniniwala na maaring magkatawang-tao ang Diyos.

Sikhism

• Pangunahing layunin ng tao ay sirain ang siklo ng kapanganakan at kamatayan at makiisa sa Diyos.

• Mga Tungkulin ng Sikhi:- Pagsunod sa mga turo ng Guru- Pagninilay-nilay- Paglilingkod o pagkakawanggawa

• Pag-iwas sa Limang Pangunahing Bisyo1. Pagnanasang seksuwal2. Galit3. Kasakiman4. Pagkamakamundo5. Kahambugan

KALIGTASAN

Pilosopiyang Asyano

• Silangang Asya- Confucianism

- Itinatag sa China sa panahon ng kaguluhan dulot ng digmaansa pagitan ng mga estado at mga nagmamay-ari ng lupa.

- Pinasimulan ni Confucius o kilala rin bilang K’ung-fu-tzu (Kongfuzi) na nangangahulugang “Master Kung”

• Mula sa isang mahirap na pamilya, nagsumikap si Confucius na makapag-aral.

• Siya ay naging isang mahusay na guro at hinangad niyang makapaglingkod sa pamahalaan.

• Nabigyan siya ng pagkakataong manilbihan sa pamahalaan ng Lu subalit hindi niya nagustuhan ang pamamalakad ng mga namumuno rito.

• Nilisan niya ang pamahalaan ng Lu at nagpatuloy sa pagiging guro.

• Naging tanyag ang pilosopiya ni Confucius at nagsilbing pangunahing batayan ng lipunang Tsino ang kanyang mga aral.

• Nakatuon ang Conficianism sa pagkakaroon ng tamang asal at moralidad at pagsusulong mabuting pamamahala.

• Ayon kay Confucius, ang isang ideyal na lalaki ay yaong tinatawag na shi o iskolar.

ConfucianismFive Classics - Nakapaloob sa aklat na ito ang mga turo ni

Confucius. Ito ang sumusunod.Classic of Changes – orihinal na ginamit para sa divination o upang mabatid ang mga darating na pangyayari.Book of History – kalipunan ng mga talumpati at talakayan;Classic of Odes – kalipunan ng mga awiting-bayan at mga tulang panseremonya;Classic of Rites – talakayan ng mga alituntunin sa pag-uugali at sa mga seremonyang pampubliko at pribado; atSpring and Autumn Annals – ulat o tula ng estado ng Lu.

Limang Relasyon sa Lipunan:Sa bawat relasyon ay may nakahihigit at may nakabababa. Tungkulin ng may mababang katayuan na sundin ang nakatataas sa kanya. Ang mga relasyong ito ay ang sumusunod:1. emperador sa mga nasasakupang mamamayan.2. ama sa anak na lalaki;3. asawang lalaki sa asawang babae;4. nakatatandang kapatid na lalaki sa nakababatang kapatid na lalaki; at5. kaibigan sa kaibigan.

Ilan sa mga pangunahing vitue na dapat taglayin:

Jen – kagandahang-loobLi – kagandahang asal o dekorumYi – pagkamakatuwiran at

pagkamakatarungan Xiao – paggalang sa magulang

Taoism• Naging tanyag sa China noong panahon ng

dinastiyang Zhou.• Itinatag ni Lao Zi, na nangangahulugang “Old

Master”• Hindi tiyak kung tunay nga bang nabuhay si

Lao Zi sapagkat may mga nagsasabi na siya ay kathang-isip lamang.

• Nilikha lamang umano ang katauhan ni Lao Zi upang magkaroon ng tagapagtatag ang Taoism.

• Nakabatay sa Tao na nangangahulugang “daan”.

• Ang Tao ang nag-uugnay at nag-iisa sa lahat ng bagay sa sanlibutan.

• Isa sa paniniwala nila ang wu wei, o “hindi pagkilos”

• Hindi katamaran o hindi pagtupad sa tungkulin ang kahulugan ng wu wei.

• Ayon dito, hindi kailangang ipilit o ipuwersa ng tao ang ano man, sapagkat ang lahat ay mangyayari nang naaayon sa Tao.

• Para sa mga Taoist, ang paghahangad ng kapangyarihan at kaalaman ay pagtatangka ng tao upang makontrol at mapagharian ang kalikasan.

• Nakapaloob ang mga aral ng Taoism sa Dae de Fing o The Book of the Way of Virtue.

Taoism• Ang simobolo ng yin at yang ay nagpapakita

ng balanse sa kalikasan at daigdig.• Sumisimbolo ang yin sa aspektong

pambabae: malambot at kalmado. Kumakatawan din ito sa kadiliman.

• Ang yang naman ay sumisibolo sa aspektong panglalaki: matigas at masigla. Kumakatawan ito sa kaliwanagan. Kapag nawala ang balanse ng yin at yang ay magkakaroon ng kaguluhan.

Legalism• Isa pang pilosopiyang umusbong sa China noong

panahon ng Dinastiyang Zhou.• Nabuo noong 4 B.C.E.• Sa ilalim ng pilosopiyang ito, pinakamahalaga ang

pagpapatatag at pagtatanggol ng estado.• Sina Shang Yang at Han Feizi ang tagapagtatag ng

pilosopiyang ito.• Si Shang ay isang mahusay na administrador. Napasinod

niya ang kaniyang mga pinamumunuan sa pamamagitan ng malulupit at mahihigpit sa patakaran.

• Si Han Feizi naman ay bumuo ng kaisipan tungkol sa pagpapatakbo ng pamahalaan.

• Tuon ng legalism ang paglilingkod ng mga mamamayan sa estado.

• Isang karangalan para sa kanila ang maglingkod bilang magsasaka.

• Isinantabi nila ang mga gampanin tulad ng pagiging mangangalakal, artisano, pilosopo, o iskolar sa paniniwalang hindi ito kapaki-pakinabang sa estado.

Ang Legalism sa China

• Naipatayo ang Great Wall of China sa pamamagitan ng sapilitang pagtatrabaho. Maraming Tsino ang namatay dahil sa malupit na patakarang ito.

• Shi Huangdi – emperador ng dinastiyang Qin. Niyakap niya ang legalism. Ipinasunod niya ang mga aklat ng Confucianism at nagpagawa ng mga bagong aklat na naglalagay sa kaniya bilang unang emperador ng China.

• Kamay na bakal – tumutukoy sa pagiging mahigpit at malupit sa pamumuno. Ang mga pinunong sumusunod sa Legalism ay kinatakutan dahil sa paggamit ng kamay na bakal upang mapasunod ang kanilang mga nasasakupan.

• Pagputol ng kamay – karaniwan sa isang estado na sumusunod sa Legalism ang pagpataw ng mabibigat na parusa. Kabilang dito ang pagputol ng bahagi ng katawan o maging kamatayan