2
Sa apatnapung taong serbisyong pabahay ng NHA, marami na itong naipatupad na programa at proyekto sa buong kapuluan. Mula taong 1975, maraming naisagawang proyektong Slum Improvement, New Construction, Resettlement at Sites and Services para sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Lumawak pa ang pagsasaayos ng mga dahop na lugar para sa pagpapasatupad ng programang Slum Improvement and Resettlement (SIR) sa mga rehiyon, katuwang ang mga lokal na pamahalaan. Sa promulgasyon ng Executive Order No. 90 noong 1987, natuon ang serbisyong-pabahay ng NHA sa produksyon. Napokus rin ang serbisyo ng Awtoridad sa pinakamababang 30% ng urban income-earners. Ang Community-Based Tenurial Program (CBTAP) ay ang pagtugon ng ahensya sa pangangailangan ng mga organisadong asosasyon na kabilang dito na magkaroon ng sariling lupa at bahay. Dekadang 2000 nang maraming binuksang proyektong resettlement ang NHA. Inumpisahan ang pinakamalawak na programang relokasyon ng pamahalaan, ang North Rail-South Rail Linkage Project. Inilikas ng mga pamilyang nakatira sa tabi ng mga riles ng tren at inilipat sa mga bagong komunidad sa Kamaynilaan (Valenzuela City), sa hilaga nito (Bulacan) at sa katimugan (Laguna, Cavite at Rizal). Sa ilalim naman ng Housing Assistance Programs for Calamity Victims, binibigyang-pabahay ang mga pamilyang nasalanta ng mga bagyo at kalamidad, lalo na na Mindanao at Visayas. Para sa pormal na sektor na mamamayan, binuksan ang AFP-PNP Housing Project sa iba’t ibang rehiyon para sa miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kapulisan. Nakatakda ring magtayo ng iba pang yunit at permanenteng pabahay para sa mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Corrections (BuCor). Sa paglaan ng P50 bilyong pondo para sa pabahay ng mga Informal Settler Families (ISFs) na nakatira sa may daluyan ng tubig sa Kamaynilaan, itinatayo na ang mga proyektong Low-Rise Building (LRB) sa iba’t ibang lungsod. May bago nang anyo ng pabahay ang mga benepisyaryo ng NHA, ang vertical living. Dahil patuloy na isinasaayos at pinagbubuti ng NHA ang mga programa, serbisyo at sistema nito, nakita ang kahalagahan na magkaroon ng capacity development program para sa estate management ng mga LRB. Kaugnay nito, naglaan ang pamunuan ng National Capital Region (NCR) ng panahon upang bumuo ng mga tukoy na patakaran at alituntunin ng pamumuhay sa proyektong LRB. Apat na araw na sesyon at tatlong araw na pagrebisa ang ginugol ng mga iba’t ibang stakeholder - mga staff at officer ng NHA, PO (Alliance of Peoples Organization At Manggahan Floodway), NGO (CO-Multiversity) at NHA consultant na Environs AFP-PNP HOUSING

Sa apatnapung taong serbisyong pabahay ng NHA, marami na

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Sa apatnapung taong serbisyong pabahay ng NHA, marami na

Sa apatnapung taong serbisyong pabahay ng NHA, marami na itong naipatupad na programa at proyekto sa buong kapuluan. Mula taong 1975, maraming naisagawang proyektong

Slum Improvement, New Construction, Resettlement at Sites and Services para sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Lumawak pa ang pagsasaayos ng mga dahop na lugar para sa pagpapasatupad ng programang Slum Improvement and Resettlement (SIR) sa mga rehiyon, katuwang ang mga lokal na pamahalaan.

Sa promulgasyon ng Executive Order No. 90 noong 1987, natuon ang serbisyong-pabahay ng NHA sa produksyon. Napokus rin ang serbisyo ng Awtoridad sa pinakamababang 30% ng urban income-earners. Ang Community-Based Tenurial Program (CBTAP) ay ang pagtugon ng ahensya sa pangangailangan ng mga organisadong asosasyon na kabilang dito na magkaroon ng sariling lupa at bahay.

Dekadang 2000 nang maraming binuksang proyektong resettlement ang NHA. Inumpisahan ang pinakamalawak na programang relokasyon ng pamahalaan, ang North Rail-South Rail Linkage Project. Inil ikas ng mga pamilyang nakatira sa tabi ng mga riles ng tren at inil ipat sa mga bagong komunidad sa Kamaynilaan (Valenzuela City), sa hilaga nito (Bulacan) at sa katimugan (Laguna, Cavite at Rizal). Sa ilalim naman ng Housing Assistance Programs for Calamity Victims, binibigyang-pabahay ang mga pamilyang nasalanta ng mga bagyo at kalamidad, lalo na na Mindanao at Visayas.

Para sa pormal na sektor na mamamayan, binuksan ang AFP-PNP Housing Project sa iba’t ibang rehiyon para sa miyembro ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at kapulisan. Nakatakda ring magtayo ng iba pang yunit at permanenteng pabahay para sa mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Bureau of Corrections (BuCor).

Sa paglaan ng P50 bilyong pondo para sa pabahay ng mga Informal Settler Families (ISFs) na nakatira sa may daluyan ng tubig sa Kamaynilaan, itinatayo na ang mga proyektong Low-Rise Building (LRB) sa iba’t ibang lungsod. May bago nang anyo ng pabahay ang mga benepisyaryo ng NHA, ang vertical living.

Dahil patuloy na isinasaayos at pinagbubuti ng NHA ang mga programa, serbisyo at sistema nito, nakita ang kahalagahan na magkaroon ng capacity development program para sa estate management ng mga LRB. Kaugnay nito, naglaan ang pamunuan ng National Capital Region

(NCR) ng panahon upang bumuo ng mga tukoy na patakaran at alituntunin ng pamumuhay sa proyektong LRB. Apat na araw na sesyon at tatlong araw na pagrebisa ang ginugol ng mga iba’t ibang stakeholder - mga staff at officer ng NHA, PO (Alliance of Peoples Organization At Manggahan Floodway), NGO (CO-Multiversity) at NHA consultant na Environs

AFP-PNP HOUSING

Page 2: Sa apatnapung taong serbisyong pabahay ng NHA, marami na

System Group Inc. - upang buuin ang unang bersyon ng Property Administration Manual for LRBs na ipa-pilot sa Manggahan Residences I LRB Project sa Bgy. Sta. Lucia, Pasig City.

Ang sama-samang pagbuo ng nasabing gabay para sa proyektong LRB ay kongkretong ehemplo ng isinusulong na NHA-community partnership in housing development. Mahalaga na sama-samang nabuo ang isang gabay ng tungkulin sa bawa’t aspeto ng proyekto na tatanggapin

at aariin ng bawa’t partido. Sa pag-unlad ng komunidad, maaari itong balik-balikan at ayusin upang higit pang maging angkop at naayon sa pamatayan ng International Organization for Standardization (ISO) na ipinatutupad na sa operasyon ng NHA.

Layunin ng NHA na mapalakas ang kakayahan ng mga benepisyaryo na mamuno tungo sa progresibong pamayanan. Ang mamamayan ang tagatanggap ng mga programang pangkasanayan (capacity building) na maisusulat sa mga Manual of Operations para sa iba’t ibang housing approach ng NHA tulad ng nagawa na para sa LRB.

Camarin Residences, Camarin, Caloocan City

Disiplina Village, Valenzuela CityNavo-Taas Housing, Navotas City

San Juan Housing, San Juan City