5
RECIPES Ulam: Hipon Gambas 1 kilong sariwang sugpo 1 tasang tomato sauce 1 tasang tubig 2 kutsaritang betsin 3 tangkay na celery, hiwain 2 karot, hiwain 2 patatas, hiwain 1 sibuyas, tadtarin asin, cooking oil Igisa sa cooking oil ang sibuyas at celery. Ihalo ang tomato sauce at tubig. Isama ang iba pang mga sangkap maliban sa betsin. Takpan. Ipagpatuloy ang pagluluto ng 10-15 minuto. Ihalo ang betsin at asin. Tinolang Manok Sangkap: 1 kilo manok 4 butil ng bawang 1 sibuyas 1 sayote, hiniwa / papaya 1 tali dahon ng sili Luya, hiwain asin, vetsin mantika patis Paraan ng pagluluto: 1. Igisa ang luya, bawang at sibuyas. 2. Ihalo ang manok, lagyan ng asin at vetsin. Takpan at hinaan ang apoy hanggang sa kumatas ang manok. 3. Pag malambot na ang manok, ilagay ang dahon at sayote o papaya. Pakuluin. 4. Dagdagan ng sabaw, timplahan ng patis. Sinigang na Baboy o Baka Sangkap: 1 kilo baboy, hiniwa / tadyang ngbaka 1 sibuyas, hiniwa 2 maliit na gabi, hiwain sa apat 3 kamatis, hiniwa 8 bataw ½ tali ng sitaw, putul-putulin sampalok (tamarind soup) asin kangkong patis Paraan ng pagluluto: 1. Pakuluan ang baboy, ihalo ang kamatis, sibuyas at asin. 2. Kung malambot na ang baboy, ilagay ang sampalok, pakuluan uli. 3. Ilagay ang gabi, kung luto na ito, idagdag ang kangkong, sitaw at bataw. 4. Timplahan ng patis. Menudo Sangkap: 1 kl laman ng baboy, hiwain ngparisukat ¼ kl atay, hiwain ¼ tasa mantika 2 kutsara bawang 2 sibuyas, hiwain ng manipis 1 siling pula/berde 400 g. tomato sauce 2 piraso dahon ng laurel ¼ kl patatas, hiwain

Recipes 1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Recipes 1

RECIPES

Ulam:

Hipon Gambas

1 kilong sariwang sugpo1 tasang tomato sauce1 tasang tubig2 kutsaritang betsin3 tangkay na celery, hiwain2 karot, hiwain2 patatas, hiwain1 sibuyas, tadtarinasin, cooking oil Igisa sa cooking oil ang sibuyas at celery. Ihalo ang tomato sauce at tubig. Isama ang iba pang mga sangkap maliban sa betsin. Takpan. Ipagpatuloy ang pagluluto ng 10-15 minuto. Ihalo ang betsin at asin.

Tinolang Manok

Sangkap:

1 kilo manok 4 butil ng bawang 1 sibuyas 1 sayote, hiniwa / papaya 1 tali dahon ng sili Luya, hiwain asin, vetsin mantika patisParaan ng pagluluto:

1. Igisa ang luya, bawang at sibuyas.2. Ihalo ang manok, lagyan ng asin at

vetsin. Takpan at hinaan ang apoy hanggang sa kumatas ang manok.

3. Pag malambot na ang manok, ilagay ang dahon at sayote o papaya. Pakuluin.

4. Dagdagan ng sabaw, timplahan ng patis.

Sinigang na Baboy o Baka

Sangkap:

1 kilo baboy, hiniwa / tadyang ngbaka 1 sibuyas, hiniwa 2 maliit na gabi, hiwain sa apat

3 kamatis, hiniwa 8 bataw ½ tali ng sitaw, putul-putulin sampalok (tamarind soup) asin kangkong patis

Paraan ng pagluluto:

1. Pakuluan ang baboy, ihalo ang kamatis, sibuyas at asin.

2. Kung malambot na ang baboy, ilagay ang sampalok, pakuluan uli.

3. Ilagay ang gabi, kung luto na ito, idagdag ang kangkong, sitaw at bataw.

4. Timplahan ng patis.

Menudo

Sangkap:

1 kl laman ng baboy, hiwain ngparisukat ¼ kl atay, hiwain ¼ tasa mantika 2 kutsara bawang 2 sibuyas, hiwain ng manipis 1 siling pula/berde 400 g. tomato sauce 2 piraso dahon ng laurel ¼ kl patatas, hiwain 2 tasa tubig asin paminta

Paraan ng pagluluto:

1. Igisa ang bawang, sibuyas, at karne ng baboy hanggang sa lumambot.

2. Idagdag ang tomato sauce at dahon ng laurel.

3. Idagdag ang patatas, siling pula, atay at tubig.

4. Pakuluan hanggang maluto ang patatas.

5. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.

Adobong Pusit

Page 2: Recipes 1

Sangkap:

½ kl pusit, maliit ½ tasa suka 8 butil bawang, dikdikin 1 sibuyas, hiwain ng maliit asin paminta betsin 1 kamatis, hiwain

Paraan ng pagluluto:

1. Linisin ng mabuti ang pusit. Alisin ang malansang bahagi na nasa ulo, alisin ang tinta.

2. Ilagay sa kaserola ang pusit, suka, at bawang. Lagyan ng konting asin at paminta.

3. Hinaan ang apoy, takpan hanggang sa maluto ang pusit.

4. Igisa ang natirang bawang, sibuyas at kamatis.

5. Ihalo ang pusit at sabaw na pinaglagaan nito.

6. Pakuluan ng 5-7 minuto.

7. Timplahan ng asin, paminta at betsin ayon sa panlasa.

Desserts:

Minatamisang Saging na Saba

Mga Sangkap:

4 tasa asukal 6 tasa tubig 12 piraso saging na saba, hiwainParaan ng Pagluluto:

1. Pakuluin ang tubig at ihalo ang asukal.2. Pakuluin ng 10 minuto o hanggang sa matunaw

ang asukal at lumapot.

3. Ihalo ang saging at hayaang maluto.

4. Palamigin.

Gulamang May Saging

Mga sangkap:

2 pakete/supot gulaman 6 kutsarang malamig na tubig 1 tasang mainit na orange juice ¼ tasang lemon juice ¼ tasang asukal 1 tasang pinisang saging 3 puti ng itlog ¼ kutsaritang ain Saging na slices

Paraan ng Pagluluto:

1. Palambutin ang gelatin sa malamig na tubig, 5 minuto, at saka ilublob sa mainit na orange juice.

2. Idagdag ang asukal at lemon juice.

3. Haluing mabuti hanggang matunaw ang asukal.

4. Ilagay sa freezer hanggang lumaput-lapot.

5. Ihalong mabuti ang saging na minasa.

6. Lagyan ng asin ang puti ng itlog at batihin hanggang matigas.

7. Itaklob sa halong saging at gulaman.

8. Ilagay sa layanera at ipasok sa freezer hanggang mabuo.

9. Buhat sa layanera ilagay sa bandeha at palamutihan ng mga slice na saging.

Crema De Fruta

Ingredients:

1 can fruit cocktail 1 can condensed milk 1 can (big) nestle cream 1 cup nata de coco 2 cups buko 1 pack unflavoured gelatin (colorless) 2 packs graham craker

Procedure:

1. Mix all the ingredients except graham craker.

Page 3: Recipes 1

2. Put the graham in pan.

3. Layer it then put the salad mixture.

4. Repeat layering up to 3 or 4 layers.

5. With 1 and 1/2 cup of water put the unflavoured gelatin and bring it to boil and put it on top of the layered graham and salad.

6. Chill and Serve.

Maja Blanca

Sangkap:

8 mais na mura 7 tasa gata 2 tasa galapong (bigas) 3 tasa asukal mantikilyaParaan ng pagluluto:

1. Gadgarin ng pino ang mais.2. Ilagay sa tela (katsa) at pigain.

3. Ihalo sa mais ang galapong, asukal at gata.

4. Ilagay sa kawali at isalang sa mahinang apoy, halu-haluin at patakan ng langisng niyog habang hinahalo upang hindi manikit sa kawali.

5. Kung malapot na, hanguin at pahiran ng mantikilya ang paglalagyan ng maha blanka.

6. Palamigin, kung matigas na, budburan ng latik sa ibabaw.

7. Sa buong maha blanka ibudbod ang binusang kinudkod na niyog.

Tiramisu

Ingredients:

4 egg yolks 4 egg whites 3 boxes lady fingers 2 tubs mascarpone cheese 2 tbsp coffee liqueur (like kahlua) or

port, marsala or rum 1 cup strong coffee 1/2 cup + 2 tbsp of sugar

1/2 heavy whipping cream Vanilla dark chocolate or cocoa powder strawberries (optional)Procedure:

1. Cream egg yolks and 1/2 cup cup sugar together.

2. Include mascarpone until smooth.

3. Make medium-stiff peaks with egg whites.

4. Once peaks have been reached, fold into egg yolk, mascarpone mixture.

5. Set aside.

6. In any baking dish, about 4 inches deep, soak lady fingers individually and arrange in bottom of dish. pour a bit of the mixture.

7. Repeat alternating mascarpone mixture and lady fingers.

8. Make sure lady fingers are top layer.

9. Finish off the top with a dusting of cocoa powder or dark chocolate shavings.

10. Combine whipped cream, 1/2 tsp vanilla and 2 tbsp sugar in mixer until stiff peaks are formed.

11. Pipe on top and place strawberries.

Buko Pineapple Delight

Ingredients:

½ cup buko (coconut) meat, shredded ¼ cup condensed milk ¼ cup pineapple tidbits ¼ cup kaong, boiled until tender ¼ cup lychee 2 egg yolksCooking Procedure:

1. Make salad dressing by cooking condensed milk and egg yolk until thick.

2. Stir continuously then let cool.

3. Mix buko (coconut) meat pineapple, kaong, lychee and salad dressing.

4. Chill and serve.

Page 4: Recipes 1

Leche Plan (Pula ng Itlog)

10 pula ng itlog ng manok 1 latang (malaki) gatas ebaporada 1 latang (malaki) gatas kondensada 1.5 tasang puting asukal 1 kutsarang ginayat na balat ng dayap o kutsaritang vanilla

Lusawin ang asukal sa gatas na malabnaw o ebaporada. Ilahok sa pula ng itlog at gatas kondensada. Huwag babahitin. Halo lamang ang gawin. Salain sa supot ng asukal Ihalo ang balat ng dayap na ginadgad o vanilla. Isalin sa liyanerang may arnibal. Pagkatapos, pasingawan sa lutuan ng puto o malaking kawali o kalderong may kumukulong tubig.

Arnibal para sa Leche Plan

1 tasang asukal na puti 1/4 tasang tubig

Pakuluin ang tubig na kasama ang asukal as isang kaserola at pabayaang kumulo hanggang sa pumula. Huwag hahaluin. Kapag mapula at malapot na ay ibuhos ng tigkakaunti sa mga liyanerang paglulutuan ng leche flan.

Tortang Talong

Ingredients :

2 to 4 talong (eggplants), average size 2 to 3 eggs, beaten

salt and pepper, to taste

oil, for frying

(Cooking Conversion Chart)

Cooking Procedures :

1. Broil eggplants until tender (the skins are charred and blisterappears).

2. Once cool, peel off the skins of the eggplant and retain the crown and the stem. Gently flatten its meat by using the back of a fork. Set aside.

3. In a bowl, beat the eggs and season with salt and pepper.

4. In a skillet, heat oil over medium heat. Dip each eggplant, one at a time into the egg mixture. Gently bring the bowl near the skillet and tip, lowering the eggplant onto the heated oil.

5. Fry until golden brown on one side, then turn and brown the other. Drain on paper towels. Keep warm and serve.

Page 5: Recipes 1