of 9 /9
Aralin 21 Ang Ikatlong Republika Ang Pilipinas bilang Malayang Bansa Inihanda ni: Arnel O. Rivera Panunungkulan ni Manuel A. Roxas

Q3 lesson 21 ikatlong republika

Embed Size (px)

Text of Q3 lesson 21 ikatlong republika

  • 1. Aralin 21 Ang Ikatlong Republika Ang Pilipinas bilang Malayang Bansa Inihanda ni: Arnel O. Rivera Panunungkulan ni Manuel A. Roxas

2. Paglaya ng Pilipinas Matapos ang mahigit 48 taong panunungkulan, ipinahayag ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946. Naging isang ganap na estado ang Pilipinas. Nanumpa bilang unang pangulo si Manuel A. Roxas. 3. Talambuhay ni Manuel A. Roxas Pagsilang: Enero 1, 1892 sa Capiz (Roxas City) Magulang: Gerardo Sr. at Rosario Acua Edukasyon: Unibersidad ng Pilipinas (Law) Asawa: Trinidad De Leon Anak: Ruby at Gerardo Jr. Kamatayan: Abril 16, 1946 sa Clark Air Base, Pampangga dahil sa sakit sa puso 4. Panunungkulang Pampubliko Konsehal, Bayan ng Capiz Gobernador, Lalawigan ng Capiz Kinatawan at Ispiker ng Mababang Kapulungan Miyembro, OSROX Mission 1931-1933 Founding Chairman, Liberal Party Delegado ng 1935 Constitutional Convention 5. Suliraning Kinaharap ni Pang. Roxas Pag-angat sa lugmok na ekonomiya ng bansa dahil sa digmaan. Pagpapanatili sa pambansang katahimikan dahil sa mga HUK. Paglutas sa isyu ng kolaborasyon. 6. Philippine Trade Act (Bell Trade Act, Parity Rights) Layunin nitong maibangon ang bagsak na ekonomiya ng bansa. Ito ay nagkaloob sa mga Amerikanong negosyante ng pantay na karapatang gamitin at makinabang sa mga likas na yaman ng Pilipinas. 7. Amnestiya sa mga Collaborators Nagpalabas si Pang. Roxas ng isang proklamasyon na nagpapatawad sa mga political collaborators. Sila ang mga nanungkulan sa Ikalawang Republika dahil inihabilin ito ni Quezon. 8. Suliraning Pangkatahimikan Ang mga HUKBALAHAP (HUK) ay isang pangkat ng gerilya na lumaban sa mga Hapon noong panahon ng digmaan. Nag-umpisa ang gulo nang hindi sila kilalanin ng mga Amerikano sa kanilang ginawa at wala silang tinanggap na backpay. Pinaratangan pa sila bilang mga Komunista. Dahil dito, ipinahayag nila ang pagtutol sa pamahalaan. 9. Pagkamatay ni Pang. Roxas Matapos magbigay ng isang talumpati sa Clark Air Base, isinugod sa hospital si Pang. Roxas dahil sa pananakip ng dibdib. Binawian siya ng buhay noong Abril 15, 1948 sa edad na 56. Humalili sa kanya bilang pangulo si Elpidio Quirino.