52

Produced by the DSWD Field Office IV November 2016 · pagbuo ng akdang ito. Lubos din ang ating pasasalamat at pagsaludo sa mga kalalakihan ng Candelaria at Pagsanjan na nakiisa at

  • Upload
    others

  • View
    18

  • Download
    1

Embed Size (px)

Citation preview

Produced by the DSWD Field Office IV-A

November 2016

Pambungad

Pangkalahatang Gamit at Layunin

Mga Inaasahang Resulta

Mga Nilalaman

Pangganyak na Gawain

Unang Bahagi: Usapang Sex at Gender

Unang Gawain: Pitik-Palak

Ikalawang Gawain: Ang Aming Maghapon

Ikalawang Bahagi: Mga Isyung Pangkasarian

Gawain: Gender Sensitivity Walk

Ikatlong Bahagi: Pagsasapanlipunan ng Gampaning Pangkasarian

Unang Gawain: Lalaki, Babae, Eto Ka!

Ikalawang Gawain: Ang Gusto Kong Pagbabago

Pagsasabuhay

1

2

3

3

7

9

18

27

37

B ilang tagapagtaguyod ng kagalingang panlipunan, isa ang DSWD sa

mga tagapagsulong ng pangkasariang pagkakapatas at

pagkakapantay-pantay.

Isa ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa mga programa ng

pamahalaan na nagsusulong sa ganitong adbokasiya. Sa programang ito,

sinusuportahan natin ang mga kabataan para sa kanilang mga

pangangailangang pangkalusugan at pang-edukasyon.

Bukod dito, mas pinapalakas ng programa ang bawat pamilya dahil

naniniwala ang Kagawaran na sa malakas na pamilya nagsisimula ang pag-

unlad ng bawat komunidad.

Ang manwal na ito ay dinisenyo ng Kagawaran para bigyang kaalaman ang

mga asawang lalaki na benepisyaryo ng Pantawid Pamilya upang magsilbing

pangunahing hakbang sa tuluyang pagsasakatuparan ng pangkasariang

pagkakapatas at pagkakapantay-pantay. Makatutulong na maintindihan ng

mga kalalakihan ang paksang ito upang mas maging maayos ang samahan

nila sa kani-kanilang tahanan.

Naniniwala rin kami sa Kagawaran na ang mga kalalakihan ang

pinakamabisang kaakibat namin sa tuloy-tuloy na pagsusulong ng

pagkakapatas at pagkakapantay-pantay ng mga kalalakihan at kababaihan

sa lipunan.

B ahagi ng isang masigla, maunlad at makabagong lipunan ang

pagkakaroon ng pantay-pantay na pagturing ng bawat mamamayan

sa isa’t-isa. Dahil dito, patuloy na pinalalakas ng Kagawaran ang

pagsusulong ng pangkasariang pagkakapantay-pantay upang itaguyod ang

karapatan at kakayahan ng mga kababaihan at tanggalin ang mga balakid sa

kanilang patuloy na pag-unlad.

Kasabay ng iba’t ibang inisiyatibo ng Kagawaran, ginawa ang manwal na ito

upang mapalawak ang kabatiran ng mga kalalakihan tungkol sa konsepto ng

kasarian (sex) at pangkasarian (gender). Sa pagbuo ng manwal na ito,

ipinaaabot ng DSWD Field Office IV-A ang pasasalamat sa lahat ng naging

bahagi nito mula sa mga lokal na pamahalaan, benepisyaryo ng Pantawid

Pamilyang Pilipino Program at mga empleyado nito.

Sa mga manggagawang panlipunan at tagapagtaguyod ng pangkasariang

pagkakapantay-pantay, maging instrumento sana ang manwal na ito upang

makamit natin ang isang patas at pantay na lipunan para sa lahat.

Ang DSWD Field Office IV-A ay nagpapasalamat sa mga

Lokal na Pamahalaan ng Pagsanjan, Laguna at

Candelaria, Quezon para sa kanilang suporta sa

pagbuo ng akdang ito. Lubos din ang ating pasasalamat

at pagsaludo sa mga kalalakihan ng Candelaria at

Pagsanjan na nakiisa at nakipagtulungan upang

mapagtagumpayan ang hakbanging makabuo ng isang

gabay para sa mas matibay na pagtataguyod ng

pangkasariang pagkakapantay.

Kinikilala rin natin ang kontribusyon ng mga

manggagawa ng Pantawid Pamilya sa Cluster 3 ng

Quezon Province.

Hindi natin ito mapagtatagumapayan kung hindi dahil sa

inyong tulong.

Maraming salamat po!

A yon sa World Economic Forum: 2015 Global Gender Gap Report, mula sa

145 na mga bansa, pampito ang bansang Pilipinas sa matagumpay na

nagsusulong ng pangkasariang pagkakapantay-pantay sa larangan ng

ekonomiya, pulitika, edukasyon, kalusugan, at iba pa. Patunay lamang ito na

maigting ang isinasagawang pagsusulong ng lipunang Pilipino tungo sa

pagkakapantay ng mga kababaihan at kalalakihan. Subalit hindi maikakaila

na hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin ganap na pantay ang kanilang

kalagayan. Ito ay nasasalamin sa sistema, kultura at mga tradisyong

nakasanayan na ng lipunang Pilipino. Ang mga ito ang nagdidikta at nag-

iimpluwensya kung anong uri ng relasyon ang mayroon sa pagitan ng mga

kababaihan at mga kalalakihan mula sa loob ng pinakapayak na bahagi ng

lipunan—ang pamilya, hanggang sa komunidad at sa iba’t-ibang institusyon

nito.

Sa kasalukuyan, may mga tradisyon at kasanayan pa ring patuloy na

tinantanggap ng lipunan sa kabila ng mga posibleng negatibong implikasyon

ng mga ito. Halimbawa, ang ilang isyung pangkasarian kagaya ng Violence

Against Women and Children (VAWC) ay karaniwan pa ring nagaganap sa

loob ng isang tahanan. Ayon sa National Demographic and Health Survey

noong 2008, 1 sa 10 kababaihan ang nakaranas ng pang-aabusong sekswal,

at 53% sa mga ito ay ginawa ng asawang lalaki o partner. Dahil din sa

pagiging pribado ng mga insidenteng ito, karaniwan, hindi na ito naitatala

dahil sa pagtuturing na ang mga ito ay usaping pampamilya at samakatuwid

ay sagrado. Ang anumang isyu o usapin mula sa loob ng tahanan ay

itinuturing pa ring dungis sa karangalan o isang kahihiyan para sa pamilya.

Subalit dahil sa maigting na pagsusulong ng lipunang Pilipino tungo sa

pangkasariang pagkakapantay-pantay unti-unti na ring nagigising ang

kamalayan ng karamihan upang mag-ambag sa pag-aangat ng kalagayan ng

sektor ng mga kababaihan. Kaakibat nito ay ang pagtatama sa mga maling

pananaw tungkol sa mga nakasanayang gampaning pangkasarian,

pagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan na may pag-alalay ng mga

batas, polisiya at alituntunin, at pagsusuri at pagsasaayos ng mga institusyon

at organisasyon upang ang mga ito ay tumugon sa magkakambal na layunin

ng pangkasariang pagkakapantay-pantay at pagbibigay-kapangyarihan sa

mga kababaihan.

Sa lahat ng ito, matingkad na nakikita ang ambag, aktibong papel at

pakikipagtulungan ng mga kalalakihan upang mabilis na maisulong at

1

2

tuluyang makamit ang pangkasariang pagkakapantay-pantay at isang patas

na pamumuhay para sa lahat. Ang ambag ng mga kalalakihan ay magbibigay

ng napakalaking ayuda upang maiangat ang kalagayan ng mga kababaihan

sa ating lipunan. Kaugnay nito, nararapat na gisingin ang kamalayan ng mga

kalalakihan at imulat sila dahil ang mga isyung kinakaharap ng mga

kababaihan ay may epekto rin sa kanilang kalagayan. Kasabay ng pagpukaw

sa kamalayan, nararapat ding isabay ang pagpapaunawa na ang lahat ng

isyung nakakaapekto sa katayuan ng mga kalalakihan at mga kababaihan ay

nag-uumpisa sa tahanan.

Gayundin, ang usaping pangkasariang pagkakapantay-pantay ay hamon na

dapat magkatuwang na kinakaharap ng mga kalalakihan at kababaihan

upang magkasama din nilang matamo ang ganap na pag-unlad ng kanilang

mga komunidad at mga institusyong panlipunan na kanilang kinabibilangan.

Binuo ang materyal na ito bilang gabay ng mga Manggagawang

Pangkaunlaran at Tagapagtaguyod ng Pangkasariang Pagkakapantay-pantay

sa pagpapadaloy ng mga pagsasanay at mga paksa na may kaugnayan sa

pagpapabuti ng relasyon ng mga kalalakihan at kababaihan sa konteksto ng

pamilya.

Ang pangunahing target na kalahok sa mga nasabing gawain ay mga

kalalakihang benepisyaryo ng Pantawid Pamilya. Ang mga modyul dito ay

sadyang dinisenyo upang patuloy na pataasin ang antas ng kanilang

kamalayan sa tama, maayos, pantay, at makatarungang pakikipag-ugnayan

sa mga kababaihan sa loob ng pamilya—sila man ay ina, asawa, anak, at iba

pa. Bilang pangunahing yunit ng lipunan, ang pagsusulong ng mabuting

ugnayan sa loob ng pamilya ay may malaking maiaambag upang ang isang

batang benepisyaryo ng Pantawid ay manatiling malusog at masigasig na

nakapag-aaral.

Bagamat para sa mga kalalakihan ang mga modyul na ito, maaari din itong

gamitin para kahit kaninong kalahok ng mga pagsasanay o bilang paksa sa

mga Family Development Sessions at iba pang kaugnay na gawain.

Higit pa rito, ang materyal na ito ay naglalayong mabigyang-gabay ang mga

gagamit nito sa pagtatalakay ng mga sumusunod na paksa:

1. ang pinagkaiba ng sex at gender bilang mga konsepto at ang epekto

May tatlong bahagi ang materyal na ito. Ang bawat bahagi ay kumakatawan

sa isang buong modyul na may sentrong paksa. Sa pangkalahatan, tatalakay

ito sa mga personal na pananaw, kaugalian at mga kasanayan na tuwiran o

di-tuwirang nakakaapekto sa pakikitungo o pagturing ng bawat isa sa mga

kababaihan at mga kalalakihan. Mula dito ay tutukuyin din kung ano ang

mga posibleng isyung pangkasarian ang nararanasan ng mga kalahok sa

talakayan. Tatalakayin din dito ang mga impluwensiya ng iba’t-ibang

institusyong panlipunan na nagdudulot ng pagkiling o bias sa pagtingin sa

bawat kasarian.

Ang unang bahagi ay nakasentro sa konsepto ng sex at gender. Dito

tatalakayin ang pagkakaiba ng dalawa at ang kadalasang epekto ng maling

pagkaunawa sa mga konseptong ito. Sa Modyul na ito, tatalakayin din ang

mga gampanin na karaniwang inilalaan sa mga kababaihan at mga

kalalakihan batay sa tradisyunal na pagtingin ng lipunan. Aalamin din ang

3

ng mali o hindi malinaw na pagkaunawa sa mga ito sa pagganap ng

mga gampaning pangkasarian;

2. ang mga isyung kinakaharap ng mga babae at lalaki sa tahanan at

sa lipunan; at

3. ang epekto ng iba’t-ibang institusyong panlipunan sa mga pananaw

tungkol sa mga kababaihan at mga kalalakihan.

Matapos dumaan sa mga pagsasanay gamit ang mga modyul dito, inaasahan

na ang mga target na kalahok ay:

1. maging sensitibo sa mga karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan,

at ito ay maipakita sa paggalang sa mga karapatang ito; at

2. bumuo ng mga pangako at kaukulang aksyon tungo sa pagpapabuti ng

kanilang relasyon at pagsasamahan sa loob ng tahanan.

Inaasahan din na ang mga kalalakihan mula sa Pantawid Pamilya, na

maaabot ng mga modyul na ito ay magsisilbing tuntungan tungo sa

pagbubuo ng mga kaagapay at kampeon mula sa mga komunidad upang

palakasin ang pagsusulong ng pangkasariang pagkakapantay-pantay.

4

mga ugat ng mga tradisyunal na pagtinging nabanggit na kadalasang

nagdudulot ng hindi patas na paraan ng pagkakahati o distribusyon ng mga

pangkasariang gampanin sa loob ng tahanan, sa komunidad at maging sa

iba’t-ibang institusyon ng modernong lipunan.

Sa ikalawang bahagi naman tatalakayin ang mga isyung pangkasarian na

kinakaharap ng mga kababaihan at mga kalalakihan. Dito patitingkarin ang

iba’t-ibang uri ng pangkasariang pagkiling o bias ng lipunan na nakakaapekto

sa pagsasama at relasyon ng mga miyembro ng pamilya sa loob ng tahanan.

Palulutangin din dito ang mga isyung maaaring kinakaharap o naidudulot ng

mga kalahok sa kanilang pamilya at sa kanilang komunidad. Mula dito,

maaaring masalamin ang mga pansariling isyung naranasan o nararanasan

ng mga kalahok na maaaring maiwasan, mabago o tuluyan nang talikdan.

Sa ikatlong bahagi, sisiyasatin ang iba’t-ibang institusyong panlipunang

nagkakaroroon ng epekto sa personal na pananaw ng mga kalalakihan at

mga kababaihan. Dito tatalakayin ang impluwensiya ng mga institusyong ito

sa paghubog sa kamalayan ng isang tao batay sa kung ano ang dikta ng

lipunan bilang siyang nararapat sa isang lalaki o sa isang babae. Sa bahaging

ito, sisilipin din ang mga karanasan ng mga kalahok at ang mga

impluwensiya sa kanilang paligid na nagdulot sa kanilang kasalukuyang

pananaw at nakasanayan na may kaugnayan sa kanilang pakikitungo sa

babae man o sa lalaki sa loob ng pamilya at maging sa lipunang kanilang

ginagalawan.

Ang mga modyul ay may kaakibat na mga gawain na aangkla sa mga

personal na karanasan ng mga kalahok. Mula sa mga karanasang ito,

kukunin ang mga aral at kaalamang maaring mapulot ng bawat isa. Ang mga

kaalamang ito ang magsisilbing pundasyon ng paggabay sa mga kalahok

upang sila ay mas maging sensitibo sa pangkasariang usapin na magbibigay-

daan upang maitaguyod nila ang maayos na pakikipag-ugnayan sa isa’t-isa,

lalo na sa mga kababaihan, at upang sila ay maging kabalikat sa pagtamo ng

pangkasariang pagkakapantay-pantay. Sa bandang huli, inaasahan na

maisasabuhay ng bawat kalahok ang kung anumang matututunan nila sa

kanilang pang-araw-araw na pagharap, pakikitungo at pakikisalamuha sa

kanilang sarili, sa kanilang pamilya at sa ibang tao .

5

Nakabalangkas sa matrix sa ibaba ang hanay ng bawat modyul at ang

pangkalahatang pagsasalarawan ng mga ito, ang mga takdang layunin, at

mga inaasahang resulta.

Modyul at

Pagsasalarawan Layunin Inaasahang Resulta

Unang Bahagi:

Usapang Sex at

Gender

Ang bahaging ito ay

magbibigay kalinawan

para sa mga kalahok ng

tungkol sa konsepto ng

sex (kasarian) at gender

(pangkasarian).

Pagkatapos ng sesyon,

magagawa ng mga

kalahok ang mga

sumusunod:

1. mailahad ang

pagkakaiba ng sex

(kasarian) at gender

(pangkasarian);

2. masuri ang mga

epekto ng tradisyunal na

pangkasariang pananaw

at paniniwala tungkol sa

mga kalalakihan at

kababaihan at ang

epekto nito sa kabuuan

ng lipunan;

3. makapagpakita ng

mga bago at angkop na

pananaw at pakikitungo

sa mga kababaihan at

kalalakihan sa kabila ng

iilang pagkakaiba sa

apeto ng kasarian.

1. Dokumentasyon ng

mga maibabahaging

bago at nabagong

pananaw tungkol sa

sex at gender

2. Personal na listahan

kung saan inilalahad ng

bawat kalahok ang

ilang mga

pangkasariang

pananaw at

nakasanayan na

nakahahadlang sa

pagpapayabong at

pagpapatibay ng

kanilang mga ugnayan,

kung kaya’t nararapat

nang baguhin o palitan

Ikalawang Bahagi:

Mga Isyung

Pangkasarian

Ang bahaging ito ay

upang mabatid at

mapalalim ng mga

kalahok ang iba’t-ibang

uri ng isyung

Pagkatapos ng sesyon,

magagawa ng mga

kalahok ang mga

sumusunod:

1. mamulat sa iba’t-iba

at maaaring mga

indikasyon ng pagkiling

o bias sa isang kasarian;

1. Dokumentasyon ng

mga ibinahaging

personal na karanasan

na maaaring kakitaan

ng mga pagkiling o bias

at mga isyung

pangkasarian

2. Mga inilatag na mga

Modyul at

Pagsasalarawan Layunin

Inaasahang

Resulta

pangkasarian at maging

malinaw para sa kanila

ang mga negatibong

epekto nito sa sarili,

pamilya, at maging sa

lipunan.

2. mapagtanto ang

personal nilang

pangkasariang pagkiling o

bias, mga isyung

pangkasariang

nararanasan at ang epekto

ng mga ito sa sarili at sa

kanilang relasyon sa loob

kongkreto at tiyak na

hakbang upang

iwaksi ang mga

nakasanayan at

pinanghahawakang

mga isyung

pangkasarian

Ikatlong Bahagi:

Pagsasapanlipunan

ng Gampaning

Pangkasarian

Ang bahaging ito ng

pagsasanay ay tatalakay

sa gampaning

panlipunan ng mga

kababaihan at mga

kalalakihan na

karaniwang produkto ng

impluwensiya ng

tradisyon at kultura.

Pagkatapos ng sesyon,

magagawa ng mga

kalahok ang mga

sumusunod:

1. maipaliwanag ang mga

institusyong panlipunan at

ang mga epekto ng mga

ito sa pananaw at

paniniwalang pangkasarian

ng bawat tao;

2. matukoy kung ano at

alin sa kanilang

kasalukuyang paniniwalang

pangkasarian ang bunga

ng impluwensiya ng iba’t

ibang institusyong

panlipunan; at

3. matukoy ang mga

kongkretong hakbang

upang mabago ang mga

personal na pangkasariang

pananaw na dulot ng

impluwensiya ng mga

institusyong panlipunan

1. Salaysay ng mga

kalahok tungkol sa

mga personal nilang

karanansan na sa

tingin nila ay dulot

ng impluwensiya ng

mga natalakay na

institusyong

panlipunan;

2. Mga hakbang o

aksyon na

isasakatuparan ng

bawat kalahok upang

makaambag sa

pagtamo ng mas

mabuti at pantay na

ugnayan ng mga

kasarian.

6

45 minuto

Ang gawaing ito ang magsisilbing hudyat ng panimula ng pagpapadaloy ng

pagsasanay o pagtatalakay. Dito, mabibigyang-daan upang malaman ng

tagapagpadaloy ang mga inaasahan ng mga kalahok. Kabilang dito ang

kanilang mga iniisip na maaring matutunan at ang mga pamamaraan ng

pagpapadaloy ng pagsasanay na sa tingin nila ay mas makakatulong sa

kanilang pagkatuto. Ito rin ay isang paraan upang magkakila-kilala ang

bawat kalahok. Bukod dito, maaari ding makakuha ang tagapagpadaloy ng

mga batayang impormasyon tungkol sa mga benepisyaryong kalahok sa

pagsasanay.

Kinakailangang Oras

para sa Gawain

Mga Kagamitan

Manila Paper o Lumang Kalendaryo

Masking Tape

Marker

Meta Cards

Mungkahing Daloy

1. Patayuin ang mga kalahok at pabuuin ng isang malaking bilog.

2. Bigyan ang bawat isa ng pagkakataon na magpakilala sa pamamagitan

ng pagbanggit ng kanilang:

Pangalan

Tirahan

Edad

Bilang ng taon sa programa bilang benepisyaryo

3. Pagkatapos ng pagpapakilala ay umpisahan ang isang maikling laro

hanggang sa makabuo ng mga pangkat para sa pagbabahagi ng inaasahan

sa pagsasanay. Maaaring gamitin ang mga sumusunod na kategorya. Maaari

din namang gumawa ng iba pa:

Bumuo ng pangkat batay sa…

Kulay ng damit

Uri ng trabaho

Dami ng anak – magsama-sama ay may anak na:

1 – 3; 4 – 6; 7 – 9; 10 pataas

Dami ng nakarelasyon bago ang kasalukuyang asawa o kinakasama

7

Sa Tagapagpadaloy

8

– magsasama ang may nakarelasyong:

1 – 3; 4 – 6; 7 pataas

Dami ng kapatid – magsama-sama ang may kapatid na:

1 – 3; 4 – 6; 7 – 9; 10 pataas

Edad – magsama-sama ang benepisyaryong may edad na:

18 – 30; 31 – 45; 46 pataas

4. Magbigay ng isang paksa o tanong na maaaring pag-usapan ng bawat isa

matapos ang bawat pagpapangkat upang mas magkakila-kilala ang mga

kalahok.

5. Matapos ang huling bahagi ng laro at mabuo ang mga pangkat ay ibahagi

ang mga sumusunod na tanong:

Ano ang inyong inaasahang matutunan sa pagsasanay na ito?

Ano ang inyong inaasahan mula sa inyong kapwa kalahok?

Ano ang inyong inaasahan mula sa mga tagapagbahagi o

tagapagpadaloy?

6. Ipasulat ang mga kasagutan ng bawat pangkat sa meta cards at ipadikit

7. ito sa pisara o sa dingding kung saan maaari itong makita ng lahat.Papiliin

ng kinatawan ang bawat pangkat na magpapaliwanag ng kanilang mga

inaasahan.

8. Pabalikin ang mga kalahok sa kanilang mga upuan at himayin at iproseso

ang natapos nilang gawain.

………………………………………………………………..

……………………………………………………………….. Sa pagpoproseso, kailangang linawin ng

tagapagpadaloy ang bawat punto na isinulat

at ibinahagi ng mga kalahok. Kung mula sa

pagbabahagi, may nakitang ilang kalituhan

tungkol sa pagsasanay o malabong punto,

nararapat na ito ay magkaroon nang agad na

paglilinaw para na rin sa ikaaayos ng takbo o

daloy ng pagsasanay. Sa pamamagitan ng

panimulang bahagi, pangkalahatang layunin

at inaasahang resulta, tingnan ang

pagkakaugnay ng mga ito sa mga inilahad na

inaasahan ng mga kalahok patungkol

pagsasanay.

Sa Tagapagpadaloy

Manila Paper

o Lumang Kalendaryo

Masking Tape

Marker

Meta Cards

Papel at Panulat

2.5 - 3 oras

Kinakailangang Oras

para sa Gawain

Mga Kagamitan

Mga Inaasahang Resulta:

UNANG GAWAIN: Pitik-Palak

1. Dokumentasyon ng mga

maibabahaging bago at

nabagong pananaw tungkol sa

sex at gender

2. Personal na listahan kung saan

inilalahad ng bawat kalahok ang

ilang mga pangkasariang

pananaw at nakasanayan na

nakakahadlang sa

pagpapayabong at pagpapatibay

ng kanilang mga ugnayan, kung

kaya’t nararapat ng baguhin o

palitan

Ang gawaing ito ay may layuning

ipakita ang karaniwang iniisip o

pananaw ng mga kalahok sa mga

babae at mga lalaki.

1. Ayusin ang mga upuan sa plenaryo sa paraang makabubuo ng isang

malaking bilog. Siguruhing makikita ng mga kalahok ang bawat isa sa

oras na sila ay nakaupo na.

2. Ipaliwanag sa mga kalahok na nararapat silang maging alerto at mabilis

sa nakatakdang gawain. Ipakita ang galaw na dapat nilang gawin ayon

sa pagkakasunod-sunod:

Magkasabay na tapik ng mga kamay sa dalawang hita

Kinakailangang Oras

para sa Gawain

30 minuto

Mungkahing Daloy

Isang palakpak

Magkasabay na pitik ng mga kamay

Isang palakpak

Magkasabay na tapik ng mga kamay sa dalawang hita (sundan ulit

ito ng isang palakpak at ipagpatuloy ayon sa pagkakasunod-sunod)

3. Bigyan ng pagkakataon ang mga benepisyaro na magkaroon ng maikling

pagsasanay.

4. Pagkatapos nito, ipabanggit sa mga kalahok ang isang salitang

pumapasok sa kanilang isip tungkol sa mga lalaki at babae habang

ginagawa ang mga galaw (maaring ang salita ay patungkol sa gawain,

kagamitan, bahagi ng katawan, pag-uugali, pisikal na katangian,

kakayahan at iba pa)

5. Isang salita lamang ang ibibigay ng bawat kalahok sa bawat pagkakataon.

Pagkatapos magbanggit ng napiling magsisimula ng gawain ay susundan

ito ng kalahok sa kaniyang kanan hanggang sa lahat ay makapagbigay

ng salitang naiisip.

6. Ang sinumang hindi makapagbibigay ng salita sa bilis na nakaayon sa

bawat galaw ay matatanggal sa gawain. Gayundin, ang kalahok na

magbabanggit ng salitang nabanggit na ng ibang kalahok ay

matatanggal sa gawain.

7. Ipagpatuloy ang gawain hanggang sa may isang matirang kalahok na

idedeklarang panalo.

Magtalaga ng magsusulat ng bawat salitang babanggitin ng

mga kalahok. Mahalagang maitala ang mga salita sapagkat ang

mga ito ang magiging batayan ng pagpoproseso.

……………………………………………………………….. Sa Tagapagpadaloy

………………………………………………………………..

10

1. Ano ang kapansin-pansin sa mga pananaw ng mga

kalahok tungkol sa mga babae at mga lalaki?

2. Sa anong bahagi lamang tahasang nagkakaiba ang mga

babae at mga lalaki? (Kung hindi nabanggit sa nakaraaang

gawain, maaari itong itanong habang nagpoproseso.)

3. Ano ang mga pagkakaiba at pagkakatulad ng mga

kababaihan at mga kalalakihan batay sa nabanggit ng

mga kalahok?

4. Anu-ano ang mga katangian o gawaing karaniwang

inuugnay sa mga kalalakihan at sa mga kababaihan?

5. Anu-ano ang mga kadahilanan sa pagkakaroon ng mga

ganitong pananaw? Ano ang mga bagay na maaaring

nakaimpluwensiya upang ito ang maging pananaw ng mga

kalahok?

Gabay sa Pagproseso

Malalamang lalaki o babae ang isang tao batay sa mga

pisikal at biological na aspeto at ang mga mekanismong

kaakibat nito. Ang isa sa mga maaring maging batayan ay

ang bahagi ng katawan ng tao.

Madalas, may mga katangiang iniuugnay sa lalaki at babae

na labas sa mga pisikal na aspetong nabanggit. Ang mga

katangiang ito ay karaniwang nagiging batayan ng

pagtingin o pananaw ng lipunan patungkol sa mga

kalalakihan at mga kababaihan. Kadalasang tinatanggap

ng karamihan ang ganitong mga pananaw sapagkat ang

mga ito ay nakabalangkas na sa mga tradisyon, sa mga

kasanayan at sa kultura ng isang lugar.

Halimbawa:

Ang mga lalaki ay kadalasang itinuturing na malakas

samantalang ang babae ay mahina (stereotyping o

pagbabansag).

Gabay sa Pagtatalakay

11

Karaniwang itinuturing na kahinaan sa isang lalaki

ang pag-iyak.

Karaniwang pinapasan ng mga kababaihan ang

gawaing bahay tulad ng pagluluto, paglalaba,

paglilinis at iba pa.

Ang sex (kasarian) at ang gender (pangkasarian) ay

magkaibang bagay. Ang sex ay aspetong pisikal at

biological ng isang tao at tumutukoy sa dalawang

pangkalahatang kategorya ng tao – lalaki at babae. Ang

sex ay hindi napapalitan at hindi nagbabago. Sa kabilang

banda, ang gender ay tungkulin, gampanin o katangiang

panlalaki o pambabae na itinatalaga sa kanila ng iba’t-

ibang panlipunang institusyong paniniwala o pananaw na

naimpluwensiyahan ng mga kasanayan at ng kultura. Ito

ay karaniwang nakakaapekto hindi lamang sa relasyong

pantahanan ng isang pamilya kundi maging sa kabuuan

ng lipunan. Ang gender o pangkasarian ay nagbabago.

Kadalasan, itinuturing na halos pareho lang ang mga

batayang konsepto ng sex at gender at karaniwang

pinagpapalit ang paggamit sa mga konseptong ito. Ang

pagpapalit ng gamit ng mga mahalagang konseptong ito

ang kadalasang nagdudulot ng kalituhan na

nakakaapekto sa pagbabahagi ng mga gawain mula sa

loob ng tahanan hanggang sa ito ay tumagos sa iba’t-

ibang institusyon ng lipunan.

12

Kinakailangang Oras

para sa Gawain

45 minuto

IKALAWANG GAWAIN: Ang Aming Maghapon

Ang gawaing ito ay naglalayong

ipakita sa mga kalahok na bawat

gawain ay may halaga, ito may ay

gawaing napaatang sa mga

kababaihan o mga kalalakihan.

1. Pangkatin ang mga kalahok batay sa kanilang dami o bilang. Kaaya-aya

kung ang isang pangkat o grupo ay may kalahok mula 5 ngunit hindi

hihigit sa 7 upang magkaroon ng makabuluhang pagtatalakay.

2. Bigyan ang bawat pangkat ng dalawang manila paper o lumang

kalendaryo at marker. Gayundin, bigyan ang bawat isang kalahok ng

papel at panulat.

3. Bigyan ng panahon ang bawat kalahok ng pangkat na pag-isipan ang

mga bagay na ginagawa ng Nanay at Tatay sa loob ng maghapon, mula

sa paggising hanggang sa kanilang pagtulog.

4. Pagkatapos mapag-isipan at maisulat ng bawat isa ang naturang

gawain, bigyan ang bawat pangkat ng 5-10 minuto upang mapagusapan

ang kinalabasan ng kanilang indibidwal na ginawa.

5. Isulat ang kanilang napag-usapan gamit ang manila paper o lumang

kalendaryo at ang marker (tig-isang manila paper o lumang kalendaryo

ang gawain ni nanay at ni tatay).

Mungkahing Daloy

Mga Pangkasariang Pagtingin na Kadalasang

Iniuugnay sa Lalaki at Babae

Lalaki Babae

Malakas

Nagbibigay proteksyon Naghahanap-buhay/

Gawaing pisikal Pangunahing tagapag-

taguyod

Mainitin ang ulo Hindi umiiyak

Hindi maingay

Mahina

Binibigyang proteksyon Gumagawa ng gawaing-bahay

Pangunahing tagapagkalinga Matiisin

Emosyonal

Madaldal

13

6. Matapos maihanay ang mga gawain, lapatan ito ng oras kung kalian ito

ginagawa.

7. Sa bawat gawain, ilagay ang halagang katapat nito. Kung ang gawain ay

uri ng pinagkakakitaang trabaho, ilagay ang aktuwal na presyo nito para

sa isang araw. Kung ang gawain naman ay gawaing bahay, lagyan ng

angkop at tamang presyo kung ito ay babayaran. Ilapat ang mga ito

gamit ang balangkas:

8. Matapos ang 15 minuto, bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na

ipaliwanag ang kanilang natapos na gawain sa pamamagitan ng napili

nilang kinatawan.

Oras Gawain Halaga/Presyo

………………………………………………………………..

Kadalasan, hindi gaanong nakikita ang kahalagahan ng mga

gawaing bahay sapagkat ito ay walang katapat na kita.

Nararapat na mapalutang sa pamamagitan ng gawaing ito na

mabasag ang karaniwang persepsyon sa pagkakahati ng mga

gawain sa loob ng pamilya, lalo na ang pananaw na walang

halaga ang mga gawaing bahay na karaniwang ginagampanan

ng ina at ng anak na babae.

……………………………………………………………….. Sa Tagapagpadaloy

1. Anu-ano ang mga gawain ng mga babae at mga lalaki sa

loob ng maghapon?

2. Paano nahahati ang mga gawain sa loob ng tahanan?

Gaano katagal ang oras na inilalaan ng isang miyembro sa

gawaing nakalaan sa kanya?

3. Sino ang karaniwang gumagawa ng gawaing bahay? Sino

Gabay sa Pagproseso

14

May mga tradisyunal na pagtingin sa mga lalaki at mga

babae. Dahil sa ganitong pagtingin, napapako ang mga tao

sa mga maling paniniwala hinggil sa mga kakayahan at

maging mga katangian ng isang lalaki o isang babae.

Ang mga gawain sa tahanan at sa lipunan ay karaniwang

nahahati batay sa kasarian.

Sa mga kalalakihan madalas iniaatang ang

responsibilidad ng pagtataguyod sa pamilya sa

pamamagitan ng paghahanap-buhay.

Sa kabilang banda, ang mga kababaihan naman ay

napapako sa tungkuling magkalinga sa pamilya sa

pamamagitan ng pagganap sa mga gawaing-bahay

tulad ng pagluluto, pag-aalaga ng bata, paglilinis ng

bahay at marami pang iba.

Bilang resulta, may mga pagkakataong sa mga gawain at

tungkuling ito ibinabatay ang pananaw tungkol sa mga

kalalakihan at mga kababaihan.

Ang mga pananaw ding nabanggit ay nagdudulot ng hindi

pantay na pagtingin at pagturing sa lalaki at babae sa loob

ng tahanan at maging sa pamayanan. Ang katotohanang ito

Gabay sa Pagtatalakay

ang tumutulong sa kanya?

4. Sino ang karaniwang nagtatrabaho para sa pamilya? Sino

ang tumutulong sa kanya?

5. Kung lalagyan ng katumbas na halaga ang bawat gawain,

sino ang may mas malaking kita?

6. Paano inilapat ng mga kalahok ang nasabing halaga ng

bawat gawain? Anu-ano ang naging batayan nito?

7. Anu-ano ang napagtanto ng mga kalahok matapos

maihanay at makita ang maghapong gawain ni nanay at

tatay?

15

ay mababanaag sa:

hindi patas at pantay na kalayaan ng mag-asawa na

maglatag ng desisyon sa pamilya;

pagkakaroon ng limitasyon sa maari pang gawin ng

isang babae o isang lalaki para sa pamilya;

patuloy na siklo ng hindi angkop na pag-iisip tungkol sa

kakayahan, kahinaan at kalakasan ng mga kababaihan

at mga kalalakihan.

Mga Dapat Tandaan

Ang kasarian ng isang tao ay hindi batayan ng

kanyang mga kakayahan.

Hindi angkop na magresulta sa limitadong

oportunidad ang mga nakasanayang persepsiyon,

paniniwala at maging kuro-kuro tungkol sa mga

babae at mga lalaki.

Ang isang matatag na tahanan at lipunan ay

kumikilala sa patas at pantay na pagtingin,

oportunidad at pagkakataon para sa lahat ng mga

miyembro nito.

Matatamo lamang ang ganap na kaunlaran kung

kikilalanin ang kalakasan at kakayahan ng bawat

indibidwal – lalaki at babae – na hindi nakabatay sa

iilang bagay lamang tulad ng nakasanayang

paniniwala at gawi kundi sa aktuwal nilang abilidad

at katangian.

Ang kaunlaran ay hindi lamang para sa lalaki o sa

babae lamang; ang kaunlaran ay para sa lahat.

16

Bigyan ng panahon ang mga kalahok na isulat ang kanilang mga napagtanto

at maaaring isagawa mula sa kanilang natutunan sa sesyon. Ang mga

sumusunod ang gabay sa kanilang pagninilay:

1. Ano ang aking nalaman at napagtanto tungkol sa mga kababaihan at

kalalakihan at sa mga gawaing napapaatang sa kanila?

2. Mula sa mga ito, may kailangan ba akong baguhin sa aking mga pananaw o

pagtingin hinggil sa mga papel na ginagampanan ko at ng aking karelasyon sa

loob ng aming tahanan? Kung meron, anu-ano ang mga ito?

3. Magsulat ng isang aksyon o hakbang na pag-uwi mo sa iyong tahanan ay

iyong isasagawa o isasakatuparan.

Matapos magsulat ang bawat kalahok, imbitahan silang tumayo sa isang

bilog. Bawat isa sa kanila ay ibabahagi ang kanilang sagot sa PANGATLONG

PUNTO.

Isara ang sesyon, taglay ng bawat isa ang mga hakbang o aksyon na

kanilang isasakatuparan tungo sa higit na ikabubuti ng kanilang relasyon sa

loob ng tahanan.

Pagsasabuhay

17

Mga Inaasahang Resulta:

1. Dokumentasyon ng mga

ibinahaging personal na

karanasan ng mga kalahok na

maaaring kakitaan ng mga

pagkiling o bias at mga isyung

pangkasarian.

2. Mga inilatag na mga kongkreto

at tiyak na hakbang upang

iwaksi ng mga kalahok ang

kanilang mga nakasanayan at

pinanghahawakang mga isyung

pangkasarian.

Manila Paper

o Lumang Kalendaryo

Masking Tape

Marker

Coloring Material (optional)

Meta Cards

2 oras

Kinakailangang Oras

para sa Gawain

Mga Kagamitan

GAWAIN: “Gender Sensitivity Walk”

Kinakailangang Oras

para sa Gawain

45 minuto

Mungkahing Daloy

1. Pahanayin ang mga kalahok nang pahalang na nakaharap sa unahan ng

plenaryo.

2. Ipaliwanag na magbibigay ang tagapagpadaloy ng ilang pangungusap na

patungkol sa mga gawain o pangyayari sa loob ng tahanan at maging sa

pamayanan.

Sa gawaing ito, magkakaroon ng

ideya kung nasaang lebel ang mga

kalahok hinggil sa kanilang mga

personal na pananaw na maaaring

nakaaapekto sa kanilang aksyon, at

kabilang na dito ang kanilang mga

pagkiling na pangkasarian o ―gender

biases‖.

3. Kung sa palagay ng kalahok ay ginagawa niya ang binabanggit ng

pangungusap, siya ay bibigyan ng pagkakataong makahakbang pauna at

kung hindi naman ay mananatili siya sa kanyang kinatatayuan. Pumili

mula sa mga kalahok na humakbang at tanungin sila ng ilang bagay na

susuporta sa kanilang paghakbang sa partikular na pangungusap.

4. Ang mga sumusunod ang gagamiting pangungusap sa gawain:

Ako ay tumutulong sa gawaing bahay.

Ako ay nag-aalaga ng aming mga anak.

Ako ay nagluluto para sa aming pamilya.

Ako ay naglalaba ng aming mga damit.

Ako ay namamalantsa ng aming mga damit.

Ako ay naglilinis ng aming bahay.

Ako ay naglilinis ng aming bakuran.

Ako ay maasikaso sa aking asawa at sa aking mga anak.

Ako ay kasangga ng aking asawa sa panahon ng problema.

Ako ay naghahanap-buhay para sa pamilya.

Ako ay tumutulong sa aking asawa sa mga gawaing bahay pagkakatapos ko

sa aking trabaho.

Ako ay naghahanapbuhay para sa pamilya at sa kabila nito ay ako pa rin ang

gumagawa ng mga gawain sa bahay.

Ako ay madalas na tumutulong sa aking asawa sa pagtataguyod ng aking

mga anak.

Ako ay nakikipag-usap sa aking asawa kung may mga desisyong kailangang

gawin para sa pamilya.

Ako ay nagbibigay ng payo sa aking mga anak hinggil sa kanilang pang-araw

-araw na buhay.

5. Pagkatapos ng unang bahagi ng gawain ay alamin kung sino ang

nagkaroon ng pinakamaraming hakbang. Bigyan ng pagkilala ang

nasabing kalahok. Ituloy ang gawain sa ikalawang bahagi nito sa

pamamagitan ng pagpapabalik sa mga kalahok sa unang pwesto kung

saan sila nakatayo.

19

6. Kaparehong alituntunin ang gagamitin sa ikalawang bahagi ng gawain.

Ang mga sumusunod ang mga pangungusap:

Ako ay mas malapit sa anak/mga anak kong babae higit sa anak kong lalaki.

Ako ay mas malapit sa anak/mga anak kong lalaki higit sa anak kong babae.

Ako ay mas mahigpit sa anak/mga anak kong babae higit sa anak kong

lalaki.

Ako ay mas mahigpit sa anak/mga anak kong lalaki higit sa anak kong

babae.

Ako ay ang pangunahing naglalatag ng desisyon sa loob ng tahanan.

Ako ay nakikialam sa mga personal na gamit ng aking asawa.

Ako ay mas madalas na sinusunod ng aking mga anak higit sa aking asawa.

Ako ay madalas magalit kapag ako ay kinokontra ng aking asawa o hindi

nasusunod ang aking gusto.

Ako ay madalas magalit kapag may ibang lalaking kausap ang aking asawa.

Ako ay nakaranas nang pilitin ang aking asawa na makipagtalik sa akin.

Ako ay nakaranas nang takutin ang aking asawa o ang aking mga anak

upang sila ay mapasunod ko sa aking gusto.

Ako ay nakapagtataas ng boses sa aking asawa o sa aking mga anak.

Ako ay nakaranas nang magmura at magbitiw ng masasakit na salita sa

aking asawa o sa aking mga anak.

Ako ay nakaranas nang mamalo o manakit ng anak.

Ako ay nakaranas nang manakit ng asawa.

7. Pagkatapos ng ikalawang bahagi ng gawain ay alamin kung sino ang

nagkaroon ng pinakamaraming hakbang. Alamin ang kanyang kuro-kuro

at nararamdaman.

8. Pagkatapos ng gawain ay pabalikin na ang mga kalahok sa kanilang mga

upuan.

20

………………………………………………………………..

………………………………………………………………..

Bigyang-linaw sa bawat isa na ang magiging resulta ng gawain

ay ituturing na kumpidensyal at di na dapat makalabas pa

kwarto kung saan isinasagawa ang pagsasanay. Makabubuti

kung may kasamang social worker sa team upang agarang

matukoy kung sino sa mga kalahok ang pagkatapos ay

mangangailangan ng masusing tutok at tulong.

Hinggil naman sa daloy ng gawain, maging mapanuri sa bawat

isasagot ng mga kalahok sa mga katanungan. Ang mga ito ang

magpapakita ng mga pagkiling o biases na mayroon sila. Ito rin

ang magsisilbing balangkas sa pagpapatuloy ng mga kasunod

na gawain at talakayan. Tiyakin na may kasamang magtatala ng

mga pangalan ng kalahok na tutugon sa hinihingi ng “Gabay sa

Pagproseso” lalo na sa ikalawang bahagi ng gawain at sa mga

tanong mula 5 hanggang 10.

Sa Tagapagpadaloy

1. Sa unang bahagi ng gawain, sinu-sino ang mga

nakahakbang ng 5 pataas?

2. Sa aling mga pangungusap sila humakbang?

3. Paano nahahati ang mga gawain sa loob ng tahanan ng

mga kalahok na ito?

4. Ano ang mga pamamaraan na kanilang ginagawa upang

mapanatili ang ganitong ugnayan sa loob ng tahanan?

5. Sa ikalawang bahagi ng gawain, sinu-sino ang mga

nakahakbang ng 5 pataas?

6. Sa aling mga pangungusap sila humakbang?

7. Sa mga kalahok, sinu-sino ang humakbang sa

pangungusap na nagsasaad ng pagmumura o pananakit

sa asawa o mga anak?

8. Anu-ano ang mga dahilan ng kanilang mga naging

aksyon?

9. Ano ang nanaramdaman nila pagkatapos ng gawain?

10. Anu-ano ang napagtanto ng bawat kalahok pagkatapos ng

gawain?

Gabay sa Pagproseso

21

Gabay sa Pagtatalakay

Patung-patong na Pasanin (Multiple Burden)

Ang gawain ay kadalasang nahahati sa mga sumusunod:

Gawaing-bahay

Hanapbuhay

Gawaing-pangkomunidad

Sa kasalukuyan, mayroon pa ring hindi pagkakapantay sa

usaping pangkasarian. Ang mga ito ay idinudulot ng ating

mga kinamulatang paniniwala at pananaw tungkol sa kung

ano ang tama at nararapat para sa mga kababaihan at mga

kalalakihan.

Dahil sa mga paniniwalang nakagisnan, nabubuo ang mga

pagkiling o biases sa ating lipunan:

Pagbabansag (Stereotyping)

Ang pagbabansag o stereotyping ay kadalasang makikita sa

pagbuo ng isang paniniwalang pilit na inilalapat sa pangkalahatan

ng mga kalalakihan o mga kababaihan. Ang mga bansag na

nabubuo tungkol sa isang kasarian o sa katapat nito ay

nagdudulot pa ng mas malaking pangkasariang pagkiling.

Halimbawa: Kadalasang idinidikit sa mga kababaihan ang pagiging

maingay samantalang ang lalaki ay matipid kung magsalita, kaya naman,

kapag ang lalaki ang naging maingay ay nabibigyan ng ibang

pakahulugan.

22

Kapag ginagampanan ng isang tao ang lahat ng mga ito at ang

mga ito ay nagdudulot na ng hindi kanais-nais na epekto sa

kanyang pang-araw-araw na buhay ay nangangahulugang

napapailalim siya sa multiple burden o patung-patong na pasanin.

Ang patung-patong na pasanin ay isa sa mga nagpapahirap sa

isang babae o sa isang lalaki sa pagganap ng kanyang mga

gawain sa sarili, sa tahanan at sa lipunan. Nagdudulot din ito ng

hindi masaya o kadalasang away sa pagitan ng relasyon ng mag-

asawa o ni nanay at ni tatay. Pinagmumulan din ito ng

kadalasang hindi pagkakaunawaan na nagdudulot ng hindi

magandang pakiramdam mapalalaki man siya o mapababae, dahil

sa pagtingin na siya na ang nagdadala ng pasanin ng buong

pamilya.

Halimbawa: Karaniwang ang mga kababaihan ang gumagawa ng mga

gawaing bahay. Kung ang isang babae ay may hanap-buhay at ang mag-

asawa ay may paniniwalang ang mga gawaing-bahay ay gawaing

pambabae, bukod sa tungkuling magtrabaho ay pasan din ng babae ang

mga tungkulin sa bahay. Hindi pa kasama dito ang pagpunta sa paaralan

sa tuwing may patawag o pagpupulong at sa ibang gawaing

pangkomunidad.

Pagsasailalim (Subordination)

Ang pagsasailalim ay bunga ng hindi pantay na katayuan ng lalaki

at babae sa loob ng tahanan. Kadalasang nagdudulot ito ng

negatibong epekto pagdating sa paglalatag ng desisyon sa loob

ng tahanan. Sa mga mas malalang sitwasyon kung saan

23

kadalasang babae ang apektado ay nagiging sunud-sunuran siya

sa kanyang kabiyak.

Halimbawa: Sa pagbuo at paglatag ng desisyon sa pamilya,

karaniwang ang boses ng lalaki ang mas pinapaboran. Ang sitwasyong

tulad nito ay epekto na rin ng karaniwang paniniwalang ang lalaki ang

haligi at tagapagtaguyod ng pamilya.

Pang-aabuso (Abuse/Violence)

Ang pang-aabuso ay isa mga pinakamamalala at

pinakamasamang epekto ng pagkiling o bias na pangkasarian.

Ang mga biktima ng pang-aabuso ay karaniwang ang mga taong

napapailalim sa kapangyarihan sa kanilang asawa, magulang o

sinumang may awtoridad.

Ang pang-aabuso ay maaring:

Pisikal

Sikolohikal/Emosyonal

Ekonomikal

Sekswal

Verbal

Ang pang-aabuso ay isang siklo at ito ay paulit-ulit kung hindi ito

puputulin. Ito ay hindi lamang usaping pantahanan kundi

usaping panlipunan. Lahat ay may tungkulin na pangalagaan ang

karapatan ng bawat isa laban sa pang-aabuso.

24

Halimbawa: Ang pamamalo ng anak o ang pagmumura sa asawa ay

maaring isipin ng ilan na normal lamang upang magbigay disiplina.

Subalit taliwas sa nakasanayang paniniwala, ang mga ito ay hindi normal

sapagkat ang mga ito ay mga uri ng pang-aabuso.

Ang mga nabanggit ay nagdudulot ng mga isyung

pangkasarian na patuloy na pumipigil sa layuning

pagpantayin ang antas ng mga kababaihan at mga

kalalakihan sa lipunan. Kung matutugunan ang mga ito, mas

magiging maunlad ang komunidad at mas magiging maayos

ang pagsasama ng bawat pamilya.

Mga Dapat Tandaan May mga kasanayang inaakala nating normal sa

kadahilanang madalas natin itong nakikita o

ginagawa. Sa kabila nito, nararapat na mamulat ang

bawat isa na may mga kasanayang kinakailangan

nang baguhin para sa mas ikabubuti o ikauunlad ng

lahat.

Kadalasang hindi nakikita ang kahalagahan ng

pagtugon sa mga isyung pangkasarian. Ilan sa mga

dahilan ay ang hindi sapat na kaalaman tungkol sa

mga ito.

Ang malawakang paggising sa kamalayan hinggil sa

mga hindi kanais-nais na mga epekto ng mga

25

isyung pangkasariang ito ay makatutulong sa mas

mabilis na pag-unlad ng ating pamayan at higit sa

lahat, ng ating mga pamilya.

Hindi kabawasan sa isang lalaki ang pagganap sa

mga gawaing hindi tradisyunal na panlalaki tulad

ng pag-aalaga ng bata, pagluluto, paglilinis at iba

pa. Hindi rin naman maituturing na pagiging

dominante ng isang babae ang pagnanais niyang

maghanap-buhay o maging kabahagi ng paglalatag

ng desisyon sa bahay.

Ang ganap na pag-unlad ay matatamo lamang

kung ang lahat ay may patas at pantay na

pagturing sa bawat isa. May mga kasanayang

inakala nating normal sa kadahilanang madalas

natin itong nakikita o ginagawa. Sa kabila nito,

nararapat na mamulat ang bawat isa na may mga

kasanayang kinakailangan nang baguhin para sa

mas ikabubuti o ikauunlad ng lahat.

Bigyan ng panahon ang mga kalahok na isulat ang kanilang mga napagtanto

at maaaring isagawa mula sa kanilang natutunan sa sesyon. Ang mga

sumusunod ang gabay sa kanilang pagninilay:

1. Masaya ba ako sa relasyon ko sa aking pamilya, asawa, at mga anak? Bakit

OO? Bakit HINDI?

2. Isulat ang mga nakapagpapasaya at nakapagpapalungkot sa relasyon ninyo sa

loob ng tahanan.

3. Mula sa mga isinulat sa Blg. 2, magsulat ng isang aksyon o hakbang na pag-

uwi mo sa iyong tahanan ay iyong isasagawa o isasakatuparan.

Matapos magsulat ang bawat kalahok, imbitahan silang tumayo sa isang

bilog. Bawat isa sa kanila ay ibabahagi ang kanilang sagot sa PANGATLONG

PUNTO.

Isara ang sesyon, taglay ng bawat isa ang mga hakbang o aksyon na

kanilang isasakatuparan tungo sa higit na ikabubuti ng kanilang relasyon sa

loob ng tahanan.

Pagsasabuhay

26

Manila Paper

o Lumang Kalendaryo

Masking Tape

Marker

2 - 2.5 oras

Kinakailangang Oras

para sa Gawain

Mga Kagamitan

Mga Inaasahang Resulta:

1. Salaysay ng mga kalahok tungkol sa

mga personal nilang karanasan na sa

tingin nila ay dulot ng impluwensiya

ng mga natalakay na institusyong

panlipunan;

2. Mga hakbang o aksyon na

isasakatuparan ng bawat kalahok

upang makaambag sa pagtamo ng

mas mabuti at pantay na ugnayan ng

mga kasarian, ito man ay sa personal,

sa pamilya, sa organisasyon o sa

komunidad na kinabibilangan.

UNANG GAWAIN: Lalaki, Babae, Eto Ka!

1. Hatiin ang mga kalahok sa limang pangkat o depende sa kanilang dami

o bilang. Kaaya-aya kung ang isang pangkat o grupo ay may kalahok

mula 8 hanggang 10 upang magkaroon ng makabuluhang pagganap sa

gawain at pagtatalakay.

Sa gawaing ito, higit pang makikita

ang mga pinanghahawakang

pananaw ng mga kalahok kaugnay ng

mga gampanin ng mga kalalakihan at

kababaihan mula sa pamilya,

komunidad at pangkalahatang

lipunan.

Kinakailangang Oras

para sa Gawain

30 minuto

Mungkahing Daloy

2. Italaga ang mga sumusunod na institusyong panlipunan sa bawat

pangkat.

Pamilya

Paaralan

Simbahan

Media

Komunidad (Salita, Kultura, Tradisyon)

3. Maglaan ng 20 minuto upang makabuo ang bawat pangkat ng isang

tableau na nagpapakita ng sa tingin nila ay gawi ng mga kalalakihan,

bata o matanda, at ng mga kababaihan, bata o matanda, sa

institusyong nakatakda sa pangkat.

4. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na ipakita ang kanilang

natapos na gawain.

5. Mula sa pangkat na magpapakita ng kanilang tableau, hikayatin ang

ibang pangkat na tingnan ang bawat karakter dito. Tumawag ng

magboboluntaryo mula sa kanila upang lagyan ng dayalogo ang bawat

karakter hanggang mabuo ang isang pagsasalarawan ng mga gampanin

na nais ipakita ng pangkat. Gawin ito sa lahat ng grupo.

6. Bigyan ng angkop na pagkilala ang bawat pangkat pagkatapos ng bawat

presentasyon.

………………………………………………………………..

Kinakailangan ang masusing pagsusuri ng tagapagpadaloy sa

bawat ipapakita ng mga kalahok. Ang tradisyunal na pagtingin

ng mga kalahok sa mga gampaning panlalaki at pambabae ay

makikita sa mga gawaing kanilang ipapakita. Mahalagang

palitawin ng tagapagpadaloy ang mga “bias” o manipestasyon

ng hindi patas at hindi pantay na katayuan ng mga lalaki at mga

babae sa lipunan habang nagtatalaga ng dayalogo ang mga

kalahok sa bawat ipipresentang karakter sa tableu. Ang mga

obserbasyong ito ang magiging balangkas ng pagtatalakay.

……………………………………………………………….. Sa Tagapagpadaloy

28

Gabay sa Pagproseso

1. Batay sa ipinakita ng mga kalahok, ano ang mga

ipinapagawa sa- o ginagawa ng mga babae at mga lalaki

sa tahanan? Paaralan? Simbahan? Media? Komunidad?

2. Anu-ano ang mga gawaing pinaniniwalaang panlalaki?

Pambabae?

3. Anu-ano ang mga batayan ng pagtatalaga ng mga

ganitong gawain?

4. Paano nakakaapekto ang pagtatalaga ng ganitong mga

gawain sa paghubog ng pagkatao ng isang babae o isang

lalaki mula sa kanyang pagkabata hanggang sa paglaki?

Gabay sa Pagtatalakay

Ang mga pananaw at paniniwala tungkol sa mga panlalaki at

pambabaeng gampanin ay hindi likas. Ito ay produkto ng

paulit-ulit na paglalapat ng kinagawiang kultura, tradisyon at

paniniwala sa mga salinlahi.

May iba’t-ibang mga institusyon ang mas nagpapaigting ng

mga paniniwalang ito. Hindi man ang mga ito tuwirang

itinuturo, ang mga ito naman ay nababanaag sa paraan ng

pakikitungo at pagtrato ng isang kasarian sa katapat na

kasarian at nababalangkas sa paraan ng pamumuhay. Narito

ang ilang halimbawa:

INSTITUSYON ISYU EPEKTO

Pamilya Karaniwang

ginagamit na

sukatan ng

kagandahan ng

isang babae ang

kulay at kinis ng

balat, tangos ang

ilong at iba pa.

Kadalasang mas

binibigyan ng higit

na alaga lalo na sa

pisikal na kaanyuan

ang mga babae.

Ang mga batang

lalaki naman sa

kabilang banda, ay

mas tinitingnan sa

Ang batang hindi

kinakakakitaan ng

pisikal na lakas ay

binabansagang

29

INSTITUSYON ISYU EPEKTO

kanilang

kakayahang pisikal. malamya at mahina.

Hindi rin

karaniwang itinuturing na

katangiang panlalaki ang pag-iyak.

Ang pag-iyak ng

isang lalaki ay

karaniwang

itinuturing na

kahinaan. Sa ilan

pang pagkakataon,

inihahambing ang

isang lalaking

umiiyak sa isang

babae. Ang

ganitong pananaw

ay kadalasang

pumipigil sa

pagpapahayag ng

isang lalaki ng

kanyang

nararamdaman.

Nagkakaroon din ng

pagkakaiba sa pagbibigay o pagbili

ng kagamitan tulad ng laruan para sa

batang lalaki at

batang babae.

Kadalasang

nagkakaroon ng isyu sa mga

magulang kung sa tingin nila ay hindi

akma ang

kagamitan ng kanilang mga anak

sa kanilang kasarian.

Sa mga gawain, ang

mga batang babae

ay kadalasang

sinasanay sa

gawaing bahay

tulad ng paglilinis,

paglalaba,

paghuhugas ng

Ang ganitong

kasanayan ay

kadalasang

humuhubog sa

pananaw na ang

babae ay

pambahay. Ito ay

nagreresulta sa

29

INSTITUSYON ISYU EPEKTO

plato, pamamlantsa

at pagluluto. paniniwalang ang

mga gawain sa loob

ng tahanan ay

pangunahing

responsibilidad ng

mga babae. Ang

ganito ring

kasanayan ay

nagreresulta sa

hindi malinaw na

tungkulin ng mga

lalaki sa loob ng

tahanan.

Ang mga

kalalakihan ay kadalasang kasama

ng mga magulang na lalaki sa mga

gawaing pisikal o

pagkakakitaan tulad ng pag-iigib ng

tubig, pagkuha ng panggatong o sa

mga gawaing bukid o pagkukumpuni ng

bahay.

Ang ganitong

kasanayan ay

humuhubog sa

pananaw na ang

mga lalaki ang

pangunahing

tagapagtaguyod ng

pamilya. Dito nag-

uumpisa ang

paniniwalang ang

lalaki ang haligi ng

isang pamilya. Sa

ilang pagkakataon

pa, mas pinipiling

patigilin sa pag-

aaral ang mga

batang lalaki dahil

sa pangangailangan

nilang tumulong

upang itaguyod ang

pamilya.

Paaralan May mga

pagkakataong Nagpapatibay ang

mga gawaing ito sa

30

INSTITUSYON ISYU EPEKTO

magkahiwalay pa

din ang mga lalaki

at babae sa ilang

asignatura tulad ng

Edukasyong

Pantahanan at

Pangkabuhayan.

Isang halimbawa ay ang pagtatalaga sa

mga kababaihan sa

baking samantalang ang mga

kalalakihan ay sa electronics.

pagkakahati ng mga

gawaing

pinaniniwalaang

panlalaki o

pambabae (Gender

Division of Labor).

Kung hindi man

magkahiwalay, nagkakaroon naman

ng pagkakahati ng gawain sa pagitan

ng mga lalaki at

babae. Halimbawa, sa pang-

elementaryang agrikultura, ang

kadalasang nagbubungkal ng

lupa ay ang mga

kalalakihan samantalang ang

mga kababaihan ay sa pagbubunot ng

damo sa paligid ng

binubungkal na lupa.

Ang ganitong

kasanayan ay

idinulot ng

paniniwalang mas

malakas ang mga

kalalakihan higit sa

mga kababaihan at

ang pagpapatuloy

ng kasanayang ito

ay mas

nagpapatibay pa sa

paniniwala sa

kalakasan ng mga

lalaki (reinforcing

and reciprocal).

Kadalasang

ipinapakita sa mga aklat na lalaki ang

imahe o larawan ng

Ang mga imaheng

ito ay maaring magsaad na may

mga gawain o

31

INSTITUSYON ISYU EPEKTO

doktor, inhenyero,

arkitekto, magsasaka at

karpintero. Ang imahe o larawan

naman ng nars,

guro, care giver at kasambahay ay

kadalasang babae.

propesyon na

sadyang pambabae

o panlalaki.

Simbahan Kadalasang literal

ang pagturing sa

ilang nakasaad sa

Banal na Kasulatan.

Isang halimbawa ay

salitang

―magpasakop‖ na

kung literal na

tatalastasin ay

tumutukoy sa

pagsasailalim ng

babae sa kanyang

asawang lalaki.

Ang kasanayang

tulad nito ay

nagdudulot ng

pagsasailalim ng

mga kakabaihan sa

mga kalalakihan. Ito

rin ay maaaring

magresulta sa hindi

pantay na katayuan

ng lalaki at babae

sa loob ng tahanan.

May pagkiling din

ang Biblia sa mga kalalakihan

sapagkat ang mga karaniwang mga

kinikilalang tauhan

dito ay mga hari at mga lalaking pinuno

ng mga templo.

Ito ay nagpapatibay

sa paniniwalang ang

mga kalalakihan ay

likas na pinuno sa

loob ng tahanan at

maging sa

komunidad. Ang

pagkakalimbag ng

ganitong mga

bahagi ng kasulatan

ay resulta ng

pagkakatali ng mga

sumuri at sumulat

sa mga lumang

pananaw.

32

INSTITUSYON ISYU EPEKTO

May mga relihiyon o

paniniwala sa kasalukuyan ang

nagpapakita pa rin ng pagsasailalim sa

katayuan ng mga

kababaihan.

Ito ay nagreresulta

sa limitasyon ng

mga kababaihan na

mamuno sa mga

gampaning

pangrelihiyon o

gawaing

magpapahayag ng

kanyang piniling

pananampaltaya.

Media Makikita ang

pagkiling pagdating sa mga patalastas

sa telebisyon kung saan kapag ang

produkto ay sabon

(panlaba o pangkatawan),

sangkap sa lutuin, diaper, at panlinis

ng bahay ay karaniwang babae

ang makikitang nag

-eendorso nito. Kapag naman mga

produkto tulad ng energy drink, alak

at sasakyan ay

karaniwang lalaki ang nag-eendorso.

Ang media ay

maituturing na isa

sa pinakamaimplu-

wensiyang

institusyong

panlipunan sa

kasalukuyan. Sa

bilis ng pag-unlad

ng teknolohiya,

maraming mga tao

lalo’t higit ang mga

kabataan na

nakakakuha ng

impormasyon mula

sa telebisyon,

radyo, dyaryo at

internet. Ang

makikitang o

makukuhang

impormasyon mula

sa media tulad ng

nabanggit ay mas

nagpapatibay sa

mga tradisyunal na

pananaw tungkol sa

mga lalaki at babae.

33

INSTITUSYON ISYU EPEKTO

Sa mga patalastas

pa ng alak, karaniwan mang

lalaki ang pangunahing

tauhan,

nagpapakita rin ang mga ito ng hindi

akmang imahe ng kababaihan.

Makikita rin ang mga imaheng ito sa

mga larawan ng

mga kababaihan na nakalimbag sa mga

paunang pahina ng mga pahayagang

tabloid.

Ang mga imaheng

ito sa telebisyon at maging sa pelikula

ay nagreresulta sa pagkakasangkapan

sa mga kababaihan.

Ang pagpapakita ng mga mahahalay na

imahe o sexual images ay

nagreresulta sa pagturing sa mga

kababaihan bilang

―sex objects‖.

Komunidad Makikita pa rin sa

ilang komunidad sa

kasalukuyan na

binibigyan ng mas

mabigat na

pagtingin ang mga

gawaing kinikilalang

panlalaki kaysa sa

mga gawaing

kinikilalang

pambabae.

Ang ganitong

kasanayan ay

nagdudulot ng mas

mabigat na

pagbibigay halaga

sa mga ginagawa

ng mga kalalakihan.

Dahil dito, ang mga

kakayahan ng mga

kababaihan ay hindi

gaanong

nabibigyang pansin

(marginalization).

Nagreresulta din ito

sa pagkiling ng

lipunan sa mga

lalaki pagdating sa

mga gawaing may

bayad.

34

Ang mga gampaning pangkasarian ay naging bahagi na ng

ating kasalukuyang pamumuhay dahil sa patuloy na

pagsasalin ng ating mga kasanayan mula sa isang

henerasyon patungo sa isa pang henerasyon.

Sa kabila ng mga impluwensiyang ito, nararapat pa ring

isaisip na ang mga kasanayang natutunan o nakuha sa mga

institusyong ito ay nababago.

IKALAWANG GAWAIN: Ang Gusto Kong Pagbabago

Sa gawaing ito, maaaring makita at

masalamin kung gaano ka-epektibo

ang pagsasanay sa pangkabuuan.

Kinakailangang Oras

para sa Gawain

30 minuto

1. Muling pagsama-samahin ang mga kalahok gamit ang naunang

pagpapangkat.

2. Bigyan ang bawat pangkat ng Manila paper at marker.

3. Batay sa mga natutunan sa nakaraang gawain, alamin kung ano ang

mga naiisip na pagbabago ng kalahok upang makamit ang tunguhing

pangkasariang pagkakapantay at ano ang mga pamamaraan upang

matamo ang pagbabagong ninanais. Gamitin ang gabay na katanungang

ito:

a. Ano sa iyong palagay ang kasalukuyang kalagayan ng relasyon ng mga

kababaihan at mga kalalakihan sa loob ng iyong pamilya?

b. Ano ang mga nais mong pagbabago upang magkaroon ng patas at

pantay na pagtingin at pagturing sa mga babae at lalaking miyembro ng

iyong pamilya?

c. Sa iyong palagay, sa paanong pamamaraan matatamo ang mga

pagbabagong ito?

d. Ano ang magsisilbing ambag mo na maaari mong gawin upang mas

magkaroon ng patas at pantay na pagbuo at paglalatag ng desisyon at

pagtatalaga ng gawain sa loob ng tahanan?

4. Bigyan ng 20 minuto ang mga kalahok upang makapag-usap at

makapagbahagi sa bawat isa. Ipasulat ang kanilang mga kasagutan sa

Manila paper.

Mungkahing Daloy

35

………………………………………………………………..

Mahalagang mapakinggang mabuti ang mga sasabihin ng

bawat tagapagbahagi. Ang mga bagay na mababangggit ng

bawat kinatawan ng grupo ang sasalamin kung gaano

kaepektibo ang ginawang pagsasanay. Dito rin makikita kung

ano ang namutawi sa kaisipan ng mga kalahok na siya ding

magiging tuntungan ng mga susunod pang pagtugon sa mga

isyung may kinalaman sa mga pangkasariang usapin.

……………………………………………………………….. Sa Tagapagpadaloy

1. Ano ang naramdaman ng mga kalahok pagkatapos ng

gawain?

2. Anu-ano ang mga napagtanto ng mga kalahok sa kanilang

mga napag-usapan?

3. Sa bahagi ng mga kalahok, sa anong paraan nila

maisasabuhay ang mga natutunan sa natapos na gawain?

Gabay sa Pagproseso

Mga Dapat Tandaan Ang iba’t-ibang institusyon ay kabahagi ng

paghubog sa ating mga kasanayan at gampanin sa

ating pamilya at sa ating lipunan. Mahalagang

malaman, masuri, at mas mapalalim ang mga

elementong nakapaloob sa kanilang impluwensiya

sa ating mga kaisipan at mga nakasanayan.

Ang hindi patas at pantay na pagtingin at mga

pananaw tungkol sa mga kababaihan at mga

kalalakihan ay produkto ng ating mga natutunan sa

mga institusyong ating ginagawalan at sa kulturang

mayroon ang mga ito.

May mga impluwensiya ang mga institusyong

36

5. Papiliin ang bawat pangkat ng isang tagapagbahagi na siyang

maglalahad ng kanilang napag-usapan sa plenaryo.

1. Pabuoin ang mga kalahok ng isang bilog.

2. Bigyan ng 30 minuto ang mga kalahok upang makapag-isip at

makapagmuni-muni tungkol sa kanilang pamilya.

3. Bigyan din ang mga ito ng tig-iisang piraso ng papel kung saan sila

kakatha ng isang liham para sa kanilang asawa at mga anak. Gamitin

ang mga sumusnod na gabay na katanungan:

a. Anu-ano ang mga bagay na nais mong ipagpasalamat sa iyong asawa? Bakit

mo gustong ipagpasalamat ang mga ito?

b. Anu-ano ang mga bagay na nais mong ipagpasalamat sa iyong mga anak?

Bakit mo gustong ipagpasalamat ang mga ito?

c. Anu-ano ang mga bagay na gusto mong ihingi ng tawad sa iyong asawa?

d. Anu-ano ang mga bagay na gusto mong ihingi ng tawad sa iyong mga anak?

e. Kung mayroon kang gustong magbago o ipagpatuloy na gawin na maaari

mong ipangako upang mas maging maayos at maunlad ang iyong pamilya,

anu-ano ang mga ito?

4. Pagkatapos ng nakalaang oras, hayaang makapagbahagi ang ilan sa

mga kalahok sa plenaryo.

5. Ipauwi sa mga kalahok ang kanilang sulat. Ipaliwanag na ito ang

magiging simbulo ng kanilang pangako sa kanilang sarili at sa kanilang

pamilya.

6. Tapusin ang gawain sa pamamagitan ng isang pagbubuod ng lahat ng

nangyari sa maghapon. Pasalamatan ang lahat ng kalahok, mag-alay ng

panalangin at isara na ang pagsasanay.

panlipunan sa ating mga kaisipan at mga gawi,

subalit tayo, bilang mga bahagi ng ating mga

pamilya at bilang mga aktibong kabahagi ng lipunan,

ay maaring magkaroon din ng malaking

impluwensiya sa mga institusyong ito kung

magbabago ang ating mga hindi naakmang pananaw

sa mga kalalakihan at mga kababaihan.

Nasa kamay ng bawat isa ang pagbabago at ang

kakayahang baguhin ang antas ng pagtingin at higit

sa lahat ang antas ng ugnayan at pamumuhay ng

mga lalaki, mga babae at lahat ng tao sa loob ng

tahanan at maging sa lipunan.

Pagsasabuhay (at pangwakas na gawain)

37

38

Empowerment and Re-affirmation of Paternal Abilities (ERPAT)

Manual. (2013). Department of Social Welfare and Development.

Info.worldbank.org. (2016). Gender and Development -- A Trainer's

Manual. [online] Available at: https://info.worldbank.org/etools/

docs/library/192862/modules.html [Accessed 16 Feb. 2016].

Gender Awareness and Sensitivity Applications. (2009). Gujarat,

India: UNNATI Organisation for Development Education.

Training Manual on Gender Sensitivity and CEDAW. (2007). Makati

City: Ateneo Human Rights Center.

Transforming Government to Think and Act GAD. (2003). Manila:

National Commission on the Role of Filipino Women, Canadian

International Development Agency.

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

………………………………………………………………………………………………………………

ISINULAT NI:

Philip Amiel B. Lopez Regional Gender and Development Focal Person

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Department of Social Welfare and Development

Field Office IV-A

SINURI AT INEDIT NI:

Nellibeth V. Mercado Project Development Officer V

Gender and Development Division

National Project Management Office

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

MGA NAGBAHAGI

Marilyn T. Barrameda Provincial Link Pantawid Pamilyang Pilipino Program Quezon Provincial Operations Office Mildred L. Mina Provincial Link Pantawid Pamilyang Pilipino Program Laguna Provincial Operations Office Joenel M. Salinas Provincial Link Pantawid Pamilyang Pilipino Program Regional Project Management Office Lorena B. Garces Project Development Officer III Pantawid Pamilyang Pilipino Program Regional Project Management Office Jason M. Macasaya Social Welfare Officer III Pantawid Pamilyang Pilipino Program Quezon Provincial Operations Office Gerald B. Dimaano Social Welfare Officer III Pantawid Pamilyang Pilipino Program Quezon Provincial Operations Office Lyka Nichollaine T. Lacia Training Specialist I Pantawid Pamilyang Pilipino Program Regional Project Management Office

Kathrina Cecilia S. Abuel Municipal Link Pantawid Pamilyang Pilipino Program Pagsanjan, Laguna Joseph Levi T. del Barrio Municipal Link Pantawid Pamilyang Pilipino Program Lumban, Laguna April Marie O. Reyes Municipal Link Pantawid Pamilyang Pilipino Program Candelaria, Quezon Nei U. Perseveranda Municipal Link Pantawid Pamilyang Pilipino Program Candelaria, Quezon Kson Lee G. Piedad Project Development Officer Sustainable Livelihood Program Candelaria, Quezon

MGA TAGAPAYO:

Dir. Leticia T. Diokno Regional Director

DSWD Field Office IV-A

Dir. Annie E. Mendoza Asst. Regional Director for Operations

DSWD Field Office IV-A

Ronald E. Castro Regional Program Coordinator Pantawid Pamilyang Pilipino Program DSWD Field Office IV-A

ISINAAYOS / IBINALANGKAS NI:

Noemee Jane M. Mayor Information Officer

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Regional Project Management Office

IGINUHIT NI:

Nelly G. Batutay Administrative Assistant II

Pantawid Pamilyang Pilipino Program

Regional Project Management Office