4
Para sa First Quarter: Galing ng SP, naipamalas Taon 11 Blg. 1 Enero Marso 2012 Mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan, o sa unang tatlong buwang nakalipas (unang tremestre), ang Tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ay nakapagsakatuparan ng mga gawain ng higit sa inaasahan, kung saan lubos na naipamalas ng bumubuo ng SP, sa pamumuno ni Vice-Governor Daniel R. Fernando, ang angking talino, sipag at determinasyon upang makapagpatibay, hindi lamang ng malaking bilang ng batas, kundi ng mga may kalidad at may uring batas. Bilang lehislaturang sangay ng Pamahalaang Panlalawigan, ang SP, para sa unang tremestre (first quarter), ay nakapagdaos ng 13 sesyon, kung saan tatlong miyembro nito ang nakapagtala ng perpektong bilang ng pagdalo, at kabilang dito ang ating Vice- Governor Daniel Fernando. Ito ay nakapagpatibay ng 136 na batas, kabilang ang 9 na ordinansa, 44 na resolusyon at nakapagrepaso at nakapag-apruba ng 5 kapasiyahang pambayan/ panlungsod at 78 kautusang pambayan/panlungsod, sang- ayon sa tala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan. Samantala, sa gawain naman ng mga lupon, ang Sangguniang Panlalawigan ay nakapagsagawa ng kabuuang 121 na pagpupulong at 45 na pampublikong pagdinig. (Tingnan ang SP Quikstat) Sa iba pang mga gampanin, ang Sangguniang Panlalawigan ay patuloy pa rin sa pagmimintina ng sarili nitong website (sp.bulacan.gov.ph), nakapagsa- himpapawid ng 11 ulit para programa sa radyo na SP Filesmula ika-8:00 hanggang ika-9:00 ng umaga sa himpilan ng Radyo Bulacan na matatagpuan sa Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. Gayundin, ang SP ay patuloy pa rin sa paglalathala ng sarili nitong quarterly newsletter, ang Legislative Digest, isang computer-generated na lathalain. Patuloy rin itong nagmimintina ng isang legislative library and archives na naglalaman ng 35,077 sipi ng mga panlalawigang kapasiyahan at kautusang napagtibay ng Sangguniang Panlalawigan mula pa noong 1964 hanggang sa kasalukuyan. Ang mga ito ay binubuo ng mahigit kalahating milyong pahina, 1,272 na kopya ng mga nakalibrong katitikan ng mga sesyon, 93 na logbooks, 463 na aklat tungkol sa batas, at iba pang mahahalagang dokumen- tong iniingatan ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Kalihim ng SP.

Para sa First Quarter: Galing ng SP, naipamalas · programang pangkaunlaran sa alinmang sangay ng pamahalaan, at tiyakin ang makatotohanang pakikiisa ng kababaihan at kalalakihan

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Para sa First Quarter: Galing ng SP, naipamalas · programang pangkaunlaran sa alinmang sangay ng pamahalaan, at tiyakin ang makatotohanang pakikiisa ng kababaihan at kalalakihan

Para sa First Quarter:

Galing ng SP, naipamalas

Taon 11 Blg. 1 Enero – Marso 2012

Mula Enero hanggang Marso ng

taong kasalukuyan, o sa unang tatlong buwang nakalipas (unang tremestre), ang Tanggapan ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan ay nakapagsakatuparan ng mga gawain ng higit sa inaasahan, kung saan lubos na naipamalas ng bumubuo ng SP, sa pamumuno ni Vice-Governor Daniel R. Fernando, ang angking talino, sipag at determinasyon upang makapagpatibay, hindi lamang ng malaking bilang ng batas, kundi ng mga may kalidad at may uring batas. Bilang lehislaturang sangay ng Pamahalaang Panlalawigan, ang SP, para sa unang tremestre (first quarter), ay nakapagdaos ng 13 sesyon, kung saan tatlong miyembro nito ang nakapagtala ng perpektong bilang ng pagdalo, at kabilang dito ang ating Vice-Governor Daniel Fernando. Ito ay nakapagpatibay ng 136 na batas, kabilang ang 9 na ordinansa, 44 na resolusyon at nakapagrepaso at nakapag-apruba ng 5 kapasiyahang pambayan/ panlungsod at 78 kautusang pambayan/panlungsod, sang-ayon sa tala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan.

Samantala, sa gawain naman ng mga lupon, ang Sangguniang Panlalawigan ay nakapagsagawa ng kabuuang 121 na pagpupulong at 45 na pampublikong pagdinig.

(Tingnan ang SP Quikstat) Sa iba pang mga gampanin, ang Sangguniang Panlalawigan ay patuloy pa rin sa pagmimintina ng sarili nitong website (sp.bulacan.gov.ph), nakapagsa- himpapawid ng 11 ulit para programa sa radyo na “SP Files” mula ika-8:00 hanggang ika-9:00 ng umaga sa himpilan ng Radyo Bulacan na matatagpuan sa Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan. Gayundin, ang SP ay patuloy pa rin sa paglalathala ng sarili nitong quarterly newsletter, tuwing Miyerkules ng programa sa radio

ang Legislative Digest, isang computer-generated na lathalain.

Patuloy rin itong nagmimintina ng isang legislative library and archives na naglalaman ng 35,077 sipi ng mga panlalawigang kapasiyahan at kautusang napagtibay ng Sangguniang Panlalawigan mula pa noong 1964 hanggang sa kasalukuyan. Ang mga ito ay binubuo ng mahigit kalahating milyong pahina, 1,272 na kopya ng mga nakalibrong katitikan ng mga sesyon, 93 na logbooks, 463 na aklat tungkol sa batas, at iba pang mahahalagang dokumen-tong iniingatan ng Sangguniang Panlalawigan sa pamamagitan ng Tanggapan ng Kalihim ng SP.

Page 2: Para sa First Quarter: Galing ng SP, naipamalas · programang pangkaunlaran sa alinmang sangay ng pamahalaan, at tiyakin ang makatotohanang pakikiisa ng kababaihan at kalalakihan

Sa 136 na bilang ng kapasiyahan, 11 na ordinansa o panlalawigang kautusan ang napagtibay ng SP upang maging ganap na mga batas na ipatutupad sa ating lalawigan na inaasahang maghahatid tungo sa higit pang kaunlaran, kaayusan at kapayapaan sa ating lalawigan at sa higit na kagalingan ng ating mga komunidad at mamamayan. Ito ang mga sumusunod:

1. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-01 - KAUTUSANG NAGTATATAG NG BULACAN TRICYCLE CODE – isang mahalagang lehislasyon na naglalayong maisaayos ang pamamasada ng mga tricycle sa lalawigan, malutas ang problema sa mga kolorum na traysikel at ang lumalalang trapiko, at magkaroon ng malawakang pagkakaisa at ugnayan ang lahat ng mga tricycvle operators at drivers sa lalawigan. Ito ay akda nina Bokal Enrique Dela Cruz, Jr., tagapangulo ng Lupon sa Transportasyon at Komunikasyon, Pangalawang Punong Lalawigan Daniel Fernando, Bokal Therese Cheryll Ople at Bokal Felix Ople.

2. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-02 - KAUTUSAN NA IPINAGBABAWAL ANG PAGPAPAKO/PAGKAKABIT NG MGA TARPULIN AT ANUMANG KAUGNAY NA BAGAY SA MGA PUNO NA GINAGAMIT BILANG PANG-ANUNSYO, GAYUNDIN ANG PAGPIPINTURA NG MGA PUNO UPANG MAPANGALAGAAN ANG ATING LIKAS NA YAMAN - Akda ni Bokal Ramon Posadas, katuwang si Bokal Therese Cheryll Ople, at itinaguyod ng Lupon ng Pangalagalaga sa Kapaligiran, sa pangungulo ni Bokal Felix Ople, pangunahing layunin ng naturang ordinansa na mapangalagaan ang ating mga puno, lalo na yaong mga

nasa mga tabi ng mga lansangan, laban sa walang patumanggang pagpapako at pagkakabit ng mga anunsyong tulad ng tarpaulin, gayundin ang pagpipintura na sumisira at pumapatay sa ating mga puno.

1. 3. PANLALAWIGANG KAUTUSAN

BLG. 2012-03 - AN ORDINANCE PRESCRIBING GUIDELINES ON THE RECLASSIFICATION OF AGRICULTURAL LANDS TO NON-AGRICULTURAL USES BY LOCAL SANGGUNIANS IN THE PROVINCE OF BULACAN – akda ni Bokal Enrique V. Dela Cruz, Jr. at itinaguyod ng Lupon sa Gamit Lupa, pangunahing layunin ng batas na ito na itama ang maling paniniwala ng mga Sangguniang bayan at panlungsod na hindi na kailangang magsabatas pa ng isang hiwalay na kautusan para sa muling pag-uuri o reklasipikasyon ng isang parsela ng lupa na nasasakop na ng Zoning Ordinance sapagkat mismong ang Local Government Code of 1991 o RA 7160 ang nagtatakda na kailangang may hiwalay na kautusan para sa lupang muling uuriin mula sa pagiging agrikultural tungo sa pagiging hindi agrikultural.

4. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-04 - KAUTUSANG NAGTATATAG NG TOURISM CODE OF BULACAN – ito ang instrumento tungo sa mabilis na pagsulong at pag-unlad ng turismo sa lalawigan, na makakatulong ng malaki upang maitanghal ang mayamang kultura at makulay na kasaysayan ng lalawigan na lunduyan din ng mga makasaysayang pook tulad ng simbahan ng Barasoain, Biak-na-Bato,at Kakarong de Sili, na mga matibay na pundasyon ng komprehensibong pagpapaunlad ng turismo sa lalawigan. Ito ay inakda nina Bokal Enrique V. Dela Cruz, Jr. at

Bokal Michael C. Fermin at itinaguyod ng Lupon sa Turismo, Kultura at Sining. 5. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-05 – KAUTUSANG NAGTATADHANA SA PAGPAPALIT NG PANGALAN NG ASUNCION G. ROMULO WOMEN’S CENTER NA MATATAGPUAN SA BAKURAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN TUNGO SA ASUNCION G. ROMULO WOMEN AND FAMILY CENTER – Ito ay akda nina Bokal Therese Cheryll B. Ople, Bokal Eulogio C. Sarmiento III at Bokal Rino V. Castro at itinataguyod ng Lupon sa Turismo, Kultura at Sining. 6. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-06 - KAUTUSANG NAGTATADHANA SA MGA PAARALAN MAGING PUBLIKO O PRIBADO MAN, NA MAGSAGAWA NG MGA ALITUNTUNIN O PATAKARAN PARA MASUGPO ANG PAG-IRAL NG PANANAKOT AT PANDUDURO (BULLYING) NG MAG-AARAL SA KAPWA NITO - Akda nina Bokal Therese Cheryll Ople ng Unang Distrito at Bokal Mark Jerome Anthony Santiago, Pangulo ng Panlalawigang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan, ang batas na ito ang inaasahang lulutas at susugpo sa sinasabing laganap na insidente ng pananakot at panduduro o “bullying” ng mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral sa ating mga paaralan sa lalawigan. 7. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-07 - KAUTUSANG NAGSUSULONG NG SPECIAL EDUCATION (SPED) PARA SA MGA KABATAANG MAY KAPANSANAN SA LALAWIGAN NG BULACAN AT PAGLALAAN NG KAUKULANG PONDO UKOL DITO - akda nina Bokal Therese

11 Ordinansa na-Aprub ng Sangguiang panlalawigan

2

P. 3

Page 3: Para sa First Quarter: Galing ng SP, naipamalas · programang pangkaunlaran sa alinmang sangay ng pamahalaan, at tiyakin ang makatotohanang pakikiisa ng kababaihan at kalalakihan

Sulyap sa SP:

11 Ordinansa…

Cheryll B. Ople, Vice-Governor Daniel R. Fernando at Bokal Ramon R. Posadas at sa pagtataguyod ng mga Lupon sa Edukasyon, Lupon sa Pannalapi at Lupon sa Kabataan at Pagpapaunlad ng Palakasan, adhikain ng batas na ito na maisulong at maitaguyod sa pamamagitan ng edukasyon ang kagalingan ng mga taong may kapansanan upang sila ay maging produktibong miyembro ng ating pamayanan. 8. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-08 - ISANG ORDINANSA NA NAG-AATAS NG PATAKARAN SA PAG-AANGKAS SA MOTORSIKLO AT PAGPAPATAW NG KAUKULANG KAPARUSAHAN SA PAGLABAG DITO – pangunahing layunin ng napapanahong batas na ito na makapagbalangkas at mapakapagpatupad ng mga alituntunin at regulasyon para mailayo sa tiyak na kapahamakan ang mga mamamayan, lalo na ang mga sumasakay sa motorsiklo at mailayo at mapanatiling ligtas sa anumang sakuna sanhi ng pag-aangkas ng higit sa isang pasahero sa motorsiklo. Ito ay akda ni Vice-Governor Daniel R. Fernando at itinaguyod ng Lupon sa Transportasyon at Komunikasyon. 9. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-09 - KAUTUSANG NAGBABAWAL SA PAGGAMIT NG NON-BIODEGRADABLE (DI-NABUBULOK) PLASTIC BAGS, STYROFOAM AT MGA KAURI NITO BILANG PACKAGING MATERIALS SA LALAWIGAN NG BULACAN AT NAGTATAKDA NG KAPARUSAHAN SA PAGLABAG DITO – Akda ni Vice-Governor Daniel R.Fernando sa pagtataguyod ng Lupon sa Pangangalaga sa Kapaligiran, pangunahing layunin ng mahalagang batas na ito na mapangalagaan ang ating kapaliigiran at maipamulat sa mga opisyal ng pamahalaan at ng lahat ng mamamayan ang tungkol sa pinsalang maidudulot ng patuloy na paggamit ng non-biodegradable (di-nabubulok) plastic bags, styrofoam at mga kauri nito bilang packaging materials. 10. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-10 - AN ORDINANCE PROVIDING FOR A GENDER AND DEVELOPMENT CODE OF THE PROVINCE OF BULACAN AND FOR OTHER PURPOSES – Akda nina Bokal Enrique A. Delos Santos, Jr., Bokal Therese Cheryll B. Ople at Bokal Eulogio C. Sarmiento III, pangunahing layunin ng batas na ito na siguruhin ang patas at pantay na pagkilala sa mga karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan at patas na pakikilahok sa mga programang pangkaunlaran sa alinmang sangay ng pamahalaan, at tiyakin ang makatotohanang pakikiisa ng kababaihan at kalalakihan sa tunay na pag-unlad ng pamayanan 11, PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 2012-11 - AN ORDINANCE ENACTING THE HEALTH AND SANITATION CODE OF THE PROVINCE OF BULACAN AND FOR OTHER PURPOSES – Ito ay naglalayon na mapalakas at mapatatag ang pangangalaga sa kalinisan ng ating kapaligiran at kalusugan ng ating mga kababayan na pangunahing adhikain ng mga naglilingkuran. Sa pamamagitan ng kodigong ito, inaasahang mapapadali at higit na mapagbubuti ang pangangalaga at pagsusulong sa kalusugan ng ating mga kakabayan, na isa sa mga susi ng kaunlaran. Ang batas na ito ay akda ni Bokal Eulogio Sarmiento III.

3

Ang Legislative Digest ay inilalathala ng Tanggapan ng

Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa aming tanggapan.

Telepono Blg. – (044) 791-0019/ 791-8168 Website – http://sp.bulacan.gov.ph

A. PLENARY AFFAIRS:

1. No. of Sessions Conducted: 13

2. No. of Resolutions/Ordinances Enacted

a. Provincial Resolutions: 44 b. Provincial Ordinances: 9 c. Municipal/City Resolutions 5 d. Municipal/City Ordinances 78 ______ 136

B. COMMITTEE AFFAIRS:

1. No. of Committee Meetings Conducted: 121 2. No. of Committee/Public Hearings Conducted: 45

C. SIGNIFICANT ACCOMPLISHMENTS: 1. Regular updating and maintenance of SP Website 2. Weekly broadcast of radio program “SP Files” at Radyo Bulacan every Wednesday 9:00 – 10:00 am 3. Publication & distribution of “Legislative Digest”, a computer- generated quarterly newsletter of the Sangguniang Panlalawigan 4. Updating of database on the Legislative Tracking System 5. Electronic Data Back-up System-Scanning of Resolutions and Ordinances 6. Maintenance and continuous updating of Legislative Library and Archives

SP QUIKSTAT ACCOMPLISHMENT REPORT

(January - March 2012)

SP QUIKSTAT ACCOMPLISHMENT REPORT

(January - March 2012)

SP QUIKSTAT ACCOMPLISHMENT REPORT

January – March 2012

Page 4: Para sa First Quarter: Galing ng SP, naipamalas · programang pangkaunlaran sa alinmang sangay ng pamahalaan, at tiyakin ang makatotohanang pakikiisa ng kababaihan at kalalakihan

Tribute to Gen. Emilio Aguinaldo during Celebration Visit of United Kingdom Ambassador Stephen of 113th Anniversary of the First Philippine Republic Lillie - February 29, 2012 January 23, 2012

PGB Sportsfest Opening w/ VGO-SP Team Parading Inauguration of Bulacan Medical Center Emergency Its players -March 13, 2012 Room & Maternity Ward - March 13, 2012

Bulacan Outstanding Administrators, Teachers & Distribution of Agricultural Assistance to Farmers Supervisors (BOATS) Awards w/ Cong. Lani Mercado- & Fishermen w/ Guest Speaker Sec. Leila De Lima Revilla as Guest Speaker– March 14, 2012 March 20, 2012