12
facebook.com/pormaPH twitter @pormaPH Quote of the Week: LIDER NG ATIMONAN SHOOTOUT, AYAW MAGSALITA! ENERO 15-21, 2013 Vol. 2 Blg. 3 N akumpleto kahapon ang report ng Philippine National Police (PNP) tungkol sa Atimonan, Quezon shooting, ngunit kapansin-pansin ang kakulangan ng opisyal na pahayag mula kay Superintendent Hansel Marantan, ang nanguna diumano sa nasabing shootout. - Basahin sa Pahina 5 www.PormaPH.com Walang Bayad! Pacquiao lalaban na sa Abril Basahin sa Pahina 11 “Ang mga pamilya nila ay hindi gutom, pero kung wala silang trabaho, ang pakiramdam nila, mahirap sila.” - Social Welfare Secretary Dinky Soliman sa Ingles matapos malaman ang resulta ng Social Weather Station survey na nag- sasabing may 10.9 milyong Pilipino ang tingin sa sarili ay mahirap. Makalipas ng isang linggo, marami pang nadidiskubre ang National Bureau of Investigation tungkol sa shootout sa Atimonan, Quezon kung saan 13 ang napaslang, kabilang ang 3 pulis at 3 miyembro ng militar. Investing and Parenting: theory vs practice FEATURE READ ON PAGE 8 MOVIE REVIEW BASAHIN SA PAHINA 9 SHOWBIZ Marian Rivera nagpaseksi na sa isang men’s magazine BASAHIN SA PAHINA 12 EDITORIAL Kaso ng Atimonan shooting: shoot out, rubout o payout? BASAHIN SA PAHINA 6

PORMA Vol.2 2 No. 3

Embed Size (px)

DESCRIPTION

May iba’t ibang PORMA ang Pilipino ngayon. Sanhi ito marahil ng napakaraming impluwensya sa ating lipunan. Likas sa atin ang magmasid at makibagay sa ano man ang tawag ng panahon at hamon ng buhay

Citation preview

Page 1: PORMA Vol.2 2 No. 3

facebook.com/pormaPH twitter @pormaPHQuote of the Week:

LIDER NG ATIMONAN SHOOTOUT, AYAW MAGSALITA!

ENERO 15-21, 2013 Vol. 2 Blg. 3

Nakumpleto kahapon ang report ng Philippine National Police (PNP) tungkol sa Atimonan, Quezon shooting, ngunit kapansin-pansin ang kakulangan ng opisyal na pahayag mula kay Superintendent Hansel

Marantan, ang nanguna diumano sa nasabing shootout. - Basahin sa Pahina 5

www.PormaPH.com

WalangBayad!

Pacquiao lalaban na sa Abril

Basahin sa Pahina 11

“Ang mga pamilya nila ay hindi gutom, pero kung wala silang trabaho, ang pakiramdam nila, mahirap sila.”- Social Welfare Secretary Dinky Soliman sa Ingles matapos malaman ang resulta ng Social Weather Station survey na nag-sasabing may 10.9 milyong Pilipino ang tingin sa sarili ay mahirap.

Makalipas ng isang linggo, marami pang nadidiskubre ang National Bureau of Investigation tungkol sa shootout sa Atimonan, Quezon kung saan 13 ang napaslang, kabilang ang 3 pulis at 3 miyembro ng militar.

Investing and Parenting: theory vs practice

FEATURE

READ ON PAGE 8

MOVIE REVIEW

BASAHIN SA PAHINA 9

SHOWBIZ

Marian Rivera nagpaseksi na sa isang men’s magazineBASAHIN SA PAHINA 12

EDITORIAL

Kaso ng Atimonan shooting:

shoot out, rubout o payout?

BASAHIN SA PAHINA 6

Page 2: PORMA Vol.2 2 No. 3

2 Enero 15-21, 2013 BALITAPamumudmod ni Enrile ng cash gifts, legalNi PAUL ANG

Sa kabila ng mga batikos na ipinu-pukol kay Senate President Juan

Ponce Enrile kauganay ng pamumudmod nito ng mga P30 milyong “cash gifts” sa mga senador, wala umanong nakikitang masama rito ang pamunuan ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay COA

Chairwoman Maria Gracia Pulido Tan, wala umanong masama sa ginawa ng senador da-hil lumalabas sa batas na legal ang aksyong ito at may laya ang mga mambabatas na gasta-hin ang mga pondong nakalaan para sa kanila.

“Sa aking basa, may awtorisasyon, may man-dato ‘yung Senate Presi-dent na magbigay [ng

cash gifts]”, paliwanag ni Tan.

Ayon kay Tan, ang General Appropriations Act 2012 ay mayroong mga special provisions para sa budget ng Kon-greso kung saan na-kasaad ang awtoridad ng Senate President at Speaker of the House na magdagdag ng funds sa anumang item ng ka-nilang appropriations.

Akusado sa Maguindanao massacre, maaring maging state witnessNi ROMY PANAHONSi dating Sultan Sobarungis vice-mayor Sukarno Badal, na kasama sa talaan ng mga akusado sa Maguindanao massacre, ay maaring maging state witness sa naturang kaso.

Sa isang manifestation na isinampa ng prosecu-tion lead panel Archimedes Manabat kay QC RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis Reyes na ikonsid-era na ang pagkatig sa kanilang mosyon na  huwag nang basahan ng  sakdal si Badal  kaugnay ng kaso at alisin na ang pangalan nito sa talaan ng mga

akusado sa Maguindanao massacre.Naisailalim si Badal sa Witness Protection Pro-

gram (WPP) mula noong Disyembre 21 nitong nakaraang taon, matapos pumayag na tumestigo laban sa mga Ampatuan, lalo na kina Andal Sr., Andal Jr. at Zaldy Ampatuan na sinasabing utak ng Maguindanao massacre.

Si Badal, na dating political ally ng pamilyang Ampatuan, ay sumuko sa pamahalaan noong  2010 matapos ang halos isang taong pagtatago sa batas.

P16.6 bilyon, halaga ng rice smuggling sa ilalim ni PNoy – Casiño Ni PAUL ANG

Tuwirang binunyag ni Bayan Muna Party-list Representative Teddy-Casiño na lumobo na hanggang P16.6 bilyon ang halaga ng bigas na

napupuslit papasok sa bansa sa ilalim ng pama-halaang Aquino.

Ayon sa pahayag ng gobyerno, na-pababa na ang pag-import ng bigas mula 2.5 milyong tonelada noong 2010 hanggang 500,000 tonelada ni-tong 2012, ngunit ani Casiño, napawalang bisa ito dahil tumaas naman ang kaso ng rice smuggling.

“What we see is a pit-tance of  apprehensions of smuggled rice that is hurting our farmers, rice millers and the general public, (Ang nakikita

natin ay ang kawalang-bahala sa pagpuslit ng bigas na nagpapahirap sa mga magsasaka, rice millers at sa publiko,” dagdag pa ni Casiño.

Ayon kay Casiño, na-rarapat umanong sery-osohin ng pamahalaan, partikular ng Bureau of Customs (BOC), ang pagtugis sa mga ship-pers at mga nagpupuslit ng mga ilegal at smug-gled products lalo na

Mga lumang gadgets,wag itapon, i-recycle – DENR Ni ROMY PANAHONHinikayat ni   Environ-ment Secretary Ramon Paje ang publiko na i-re-cycle na lamang sa halip na itapon ang mga lu-mang electronic gadgets at mga appliances upang hindi pa ito makadagd-ag sa problema sa basu-ra sa bansa  na  higit na nakakaapekto sa kapa-ligiran at kalusugan ng mga tao.

Nitong nagda-ang holiday season ay marami ang bumili ng bagong mga gadgets at appliances kaya’t ang mga luma naman ay ti-natapon na lamang ng mga may ari nito, aniya. “If you happen to re-place or simply have unused electronic gears or appliances sitting around the house, don’t just throw them in the

trash,many components of such equipment are considered toxic and are not biodegradable, and therefore can be harm-ful to the environment and human health if not disposed of properly (Kung pinalitan ninyo o may mga electronic na kagamitan o appliances

na hindi naman pina-pakinabangan sa bahay, huwag lang itapon ang mga ito sa basurahan, maraming mga bahagi ang mga ito na na-kakalason at hindi bio-degradable, kaya’t na-kakapinsala sa kalikasan at kalusugan kung hindi i-dispose nang maay-

Dagdag ni Tan na legal ito kung ang to-talidad ay hindi lalag-pas sa appropriations na itinalaga ng batas para sa Kongreso. Depensa naman ni En-rile, wala umano siyang nilabag na batas at han-da siyang maimbesti-gahan ng COA habang hinamon pa nito ang kanyang mga kritiko na siya ay kasuhan.

ang bigas dahil magka-karoon ito ng malaking epekto sa industriya ng pamilihan sa bansa lalo na sa mga producers.

Dagdag pa ni Casiño,

hindi magandang bina-baha ang isang agrikul-tural na bansa tulad ng Pilipinas ng bigas mula sa Vietnam, Thailand o China.

Magugunitang ni-tong nakaraan, nahuli ng mga kawani ng BOC sa pantalan ng Subic Bay Freeport ang P450 milyong Indian white rice shipment, at 94,000 sako ng Vietnam rice sa Legazpi, Albay.

os),” pahayag ni Paje. Anya mas malaki ang pinsalang idudulot ng mga toxic chemicals na makikita sa mga elec-tronic items tulad ng lead, chromium, nickel, zinc at mercury kapag nahalo sa ibang   harm-ful substances sa dump sites o sanitary landfills. Ang isa sa pangunahing naaapektuhan ng rice smuggling ay

ang mga magsasakang Pinoy.

Isinauli ni Sen. Miriam Santiago ang binigay sa kanyang P250,000 na cash gift ni Senate President Enrile at lantarang binatikos ito.

Page 3: PORMA Vol.2 2 No. 3

3Enero 15-21, 2013 BALITAWORLD NEWSNi JANDEL POSION

PORMA HIRINGACCOUNT EXECUTIVE- Graduate of Mass Communication or any related course- Willing to work under pressure and able to meet deadlines- Willing to extend hours to finish deadlines- Excellent oral and written communications skills- Good interpersonal skills- Team player- Computer Literate- Attentive to details- Passionate, hard working and well organ-ized professional with ability to prioritize and multitask- With pleasing personality

Email your resumes to:[email protected]

Aman officials, ipinapaaresto naNi GRACE CAJILES

Nagbaba ng utos ang hukuman na maaring ar-estuhin ang mga

opisyal ng Aman Futures na kinasuhan ng syndicated es-tafa.

Ito ay matapos maglabas ng warrant of arrest si Paga-dian RTC Branch 20 judge Dennis Vicoy laban sa mga opisyal ng Aman.

Ayon kay Prosecuting General Claro Arellano, kasama sa mga ipinaaaresto ay sina Manuel Amalilio, Fernando Luna, Lelian Lim Gan, Wilanie Fuentes, Naezelle Rodriguez, Lurix Lopez at Isagani Laluna.

Nabatid na walang bail o piyansa na inirekomenda para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado.

Sulu Mayor, sasampahan ng homicideNi ROMY PANAHON

Ipinag-uutos kumakailan ni Ombudsman Conchita Car-pio Morales na sampahan ng kasong homicide at obstruc-tion of justice si Pang Lima, Sulu municipal Mayor  Hji Munib Sahibil Estino at ang aide nitong   si PO1 Hector Sabdani Abubakar dahil sa isang pamamaslang noong   2010.

Ito ay makaraang makaki-ta ng probable cause si Om-budsman Morales para mai-diin sa mga kaso ang mga akusado

Sa record, noong Pepbrero 22, 2010, ang biktimang si Mannan Badang ay nasa Ba-rangay Poblacion (Punay) sa compound ng municipal hall upang dumalo sa   isang pulong na pinamumunuan ni Mayor  Estino na tung-

kol sa isang insidenteng may kinalaman sa pamilya ng biktima.

Sinasabing nabaril ni May-or Estino si Badang nang magkainitan  sa naturang pagpupulong. Sinasabi din ng mga nakakita sa krimen na ang baril ng alkalde na nasa ibabaw ng mesa sa harap nito   ang   siyang ginamit nito sa pagbaril sa biktima.

Sinabi naman ni Mayor Estino na ang kanyang aide na si Abubakar ang bumaril at nakapatay sa biktima.

Sa pagbusisi ng Ombudsman,napatunayan na si Mayor Estino ang naka-baril at nakapatay sa biktima at umamin lamang ang aide na siya ang pumatay sa bik-tima upang i-cover up ang naganap na pamamaslang.

Paslit, pisak sa truckBasag ang bungo ng isang 6-anyos na batang lalaki matapos mapisak at magu-lungan ng truck na kargado ng mga alak sa San Dionisio, Iloilo City kamakailan.

Base sa report sa Camp Crame, minamaneho ng isang   Rodolfo Buenas, ng Estacia, Iloilo, ang natur-ang truck papaalis na sana sa palengke ng naturang bayan subalit hindi nito na-pansin na may bata pala sa likurang bahagi ng truck at doon naatrasan ang batang si Mark Jason Bañes ng Ba-rangay Tiabas, San Dionisio habang naglalaro.

Kusang-loob naman na isinuko ni Buenas ang sarili sa awtoridad at kasalukuyan nang nakapiit sa San Dioni-sio Municipal Police Station.[Elvie Lacaran]

Rookie police, timbog ng PDEA sa pagbebenta ng shabuNatimbog ng  mga operati-ba ng Philippine  Drug  En-forcement  Agency (PDEA) ang isang baguhang pulis  sa isinagawang  buy-bust op-eration  sa Zone 2 Barangay Rizal, Pala Pala, Iloilo City  .

Kinilala ni PDEA Direc-tor General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nadakip na pulis na si PO1 Marlon Roque,33, PNP member  at nakatalaga sa

Mandurriao Police Station, sa Iloilo City.

Si Roque ay nadak-ip  matapos  pagbilhan  ng  shabu  ang isang PDEA  po-seur-buyer.

Isang Dexter Roque alyas Mayor na kapatid ng suspek na siyang target ng buy-bust operation ay hindi naman nadakip nang makatakas habang inaaresto si Marlon. [Romy Panahon]

Pekeng recruiter tiklo sa AgusanRehas na bakal ngayon ang patuloy na hihimasin ng isang illegal recruiter matapos itong madakip sa lalawigan ng Agusan del Norte kamakailan.

Ayon kay Caraga PNP Spokesperson Supt. Martin Gamba, dinakip ang suspek na si Edilberto Bercade nasa wastong edad, mangingisda, may asawa, ng p-6, Brgy. La fraternidad, Tubay, Agusan del Sur.

Kasong large scale illegal recruitment ang ikinaka-harap ngayon ng suspek na nakakulong na sa Tubay Municipal Police Station, Agusan del Norte. [Elvie Lacaran]

Isa na namang babae ang ni-rape sa IndiaINDIA—Matapos ang insidenteng gumimbal sa buong India noong Disyembre 16 dahil sa isang ba-baeng ginahasa, isa na namang bagong insidente ng panghahalay ang nangyari noong nakaraang Biyernes lamang.

Ayon sa ulat, nag-iisang pasahero na lamang sa bus ang isang babae nang dumiretso ang bus at hindi huminto sa takdang babaan nito.

Dinala ng drayber at ng pitong lalaki diumano ang babae sa isang tagong lugar kung saan ay sinamahan pa sila ng limang lalaki at ginahasa ang naturang ba-bae.

Anim naman katao ang naaresto na ng otoridad sa-mantalang isa naman ang pinaghahanap pa.

Daang libo nagprotesta laban sa same-sex marriageFRANCE—Daang libong katao ang nagsagawa ng kilos protesta sa mga kalsada ng Paris noong Linggo para tutulan ang plano ng president ng France na gawing legal ang same-sex marriage at adoption.

Kinondena naman ng simbahang Katolika sa France ang plano Hollande. Sa panayam kay Cardi-nal Andre Vingt-Trois, ang Arsobispo ng Paris, sinabi niya ang pagpapayag ng pagkasal sa mga same-sex couples ay isang pagbabago ng konsepto ng kasal na maaring makaapekto sa lahat.

Dinagdag pa ni Cardinal Vingt-Trois na ang hindi tamang pagkilala sa kasarian pagdating sa kasal at sa pamilya ay isang “panlilinlang” sa pundasyon ng lipu-nan na humahantong sa diskriminasyon sa mga bata.

Ang pagpapalawig ng karapatang mag-asawa at pag-adopt ng bata sa same-sex couples ay isa sa mga pinangako ng Pangulo ng France na si Francois Hol-lande sa kanyang kampanya noong nakaraang taon.

Iraq finance minister, buhay matapos pasabugin ng bomba IRAQ— Buhay at ligtas si Finance Minister ng Iraq na si Rafaie al-Esawi matapos pasabugan ng isang bomba ang kanyang convoy sa Baghdad matapos ang dinaluhang pagpupulong noong Linggo.

Wala namang nasawi, dalawa naman sa kanyang guwardiya ang sugatan. Hindi naman malinaw sa ngayon kung ang target ng bomba ay si Esawi.

Tatlong linggo na nagsasagawa ng kilos protesta ang libo-libong mga Sunni Muslims para kondenahin ang gobyernong pinamumunuan ni Prime Minister Nuri al-Maliki na isang Shi’ite Muslim.

Apat na Tsino kinidnap sa SudanSUDAN— Apat na Tsinong nagtatrabaho sa Darfur Region ng Sudan ang kinidnap ng mga di pa kilalang armadong lalaki noong Sabado.

Isang enhiniyero at tatlong driver, kasama na din ang lima pang kasamang Sudanese na nagtatrabaho sa isang Chinese road company ang dinukot malapit sa al-Fasher.

Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ng Sudan ang mga nasabing dinukot. Ang Tsina ang pinakalamalaking kaanib at namumuhunan sa indus-triya ng langis sa Sudan.

Page 4: PORMA Vol.2 2 No. 3

4 Enero 15-21, 2013 BALITACheckpoints nagkalat na, gun ban ipinapatupad Ni ALVIN ROSALES

Pinakalat na ang mga checkpoints sa iba’t ibang lugar nitong na-karaang linggo, batay na rin sa pagtalima ng Phil-

ippine National Police (PNP) sa ip-inag-utos ng Commission on Elec-tions (COMELEC) na gun ban.

Ayon kay PNP chief Director General Alan Purisima, maraming checkpoints ang kanilang ilalagay kasabay na rin ng pagpapaigting ng

kanilang operasyon laban sa hindi lisensiyadong armas, gayundin ang hindi na-renew ang mga lisensiya.

Bukod sa Metro Manila, ang random checkpoints ay ipinatupad na rin ni Purisima sa lahat ng Re-gional Police Office sa buong ban-sa upang siguruhin ang matahimik na halalan.

Gayunpaman, hindi tinukoy ni Purisima kung saan ang mga ek-saktong lugar ng mga checkpoints

dahil ang mga kriminal umano ay naka-monitor din para maiwasan nilang daanan ito.

Ani Purisima, ang standard op-erating procedure sa pagpapatupad ng checkpoint ay kanilang susun-din katulad ng pagsusuot ng pulis ng uniporme, may patrol car na nakaparada at may tamang sig-nage.         

Ang gun ban ay tatagal hang-gang Hunyo 12, 2013.

Lalaking nahuli dahil sa pag-ihi -- may granada palaHindi akalain ng isang lalaki na ang kanyang pag-ihi sa isang pam-publikong lugar ang magiging da-hilan para mabilanggo ito, matapos mahulihan din ng isang granada.

Nang kapkapan ang suspek na si Bernato Daria ng mga pu-lis na nagpapatrulya kamakai-lan ng 12:15 a.m. sa Pasay City, nakitaan ito ng isang granada.            

Dagli nila   itong dinala sa himpilan ng pulisya upang

sampahan ng kasong pag-ihi sa pampublikong lugar at il-legal possession of explosives.                 

Nauna rito ay mahigpit na ti-nagubilinan ni Southern Police District Benito Estipona ang lahat ng hepe ng pitong bayan na kan-yang nasasakupan na paigtingin ang kanilang anti-criminality op-erations dahil na rin sa pormal na pag-iral ng gun ban nitong na-karaang linggo. [Alvin Rosales]

Iniabot ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Leonardo Espina (gitna) ang bandera na simbolo ng Quezon City Police District kay incoming Quezon City Police District Director P/Chief Supt. Richard Albano (kanan) habang nakamasid si out-going Quezon City Police District Direc-tor Police Chief Supt. Mario Dela Vega (kaliwa) sa ginanap na turn-over ceremonies sa Camp Karingal, Quezon City Police District, Sikatuna Village, Quezon City [Mon Estabaya]

Koronang itim ng Nazareno, ninakaw?Ni PAUL ANG

Blangko pa din ang mga otoridad sa naganap na pagkawala diumano ng bahagi ng korona ng Poong Itim na Nazareno matapos ang hu-migit kumulang na 18 oras na pro-sisyon nito o “Translacion” mula sa Quirino Grandstand pabalik sa Quiapo Church nitong nakaraang Miyerkules.

Marami ang nagsasabing sina-mantala ng iba ang pagkakataon na pitikin ang naturang bahagi ng korona ng Nazareno dahil na din sa siksikan at sa dami ng tao subalit naniniwala pa din ang iba na nal-aglag o sadyang nawala lamang ito.

Bebot na pulis out na sa mga check pointHindi na isasabak ang mga ba-baeng pulis sa mga checkpoint sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Ito ang inihayag ni PNP Chief, Director General Alan Purisima, bilang  tugon sa kahilingan ng ilang women’s group.

Sinabi pa ni Purisima na may mga pamilya rin ang mga babae-ng pulis kaya hangga’t maaari, aniya, ibinibigay sa kanila ang pagkakataon na magampanan nila ang pagiging ina ng tahanan at makapiling ang kanilang mga pamilya, lalo na sa gabi.

- pahina 5

Nagsagawa ng kilos protesta ang People For the Ethical Treatment of Animals (PETA) kasama ang isang elepanteng mascot upang maghatid ng petisyon na may 60,177 na lagda kay Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala upang mailipat si Mali sa pag-kakakulong sa Manila Zoo patungo sa isang santuaryo sa Thailand. [Mon Estabaya]

Ni ELVIE LACARANDagdag ni Purisima, silip la-

mang naman o in plain view  ang paraang  ginagawa ng mga pulis na nagtsi-checkpoint  at walang  body search  o  hindi naman kakapkapan pa ang mga motoris-ta, kaya’t walang dapat ikabahala ang mga babaeng motorista.

Nilinaw din ng opisyal na marami pa rin namang mga ba-baeng pulis ang isinasabak nila sa operasyon, ilan lamang sa mga ito ay nasa Anti Kidnapping Group na kung ilang araw  ding hindi umuuwi sa kanilang mga  pamilya.

Page 5: PORMA Vol.2 2 No. 3

5Enero 15-21, 2013 BALITANapag-alaman na isa sa mga Hijos De

Nazareno ang nagkumpirma na nawawala umano ang isa sa tatlong sinag sa korona ng naturang imahe na napansin na lamang nang maipasok na ang Poon sa loob ng sim-bahan dakong ala 1:30 ng madaling araw nitong nakalipas na Enero 10.

Bunsod nito ay kasalukuyang nagsasa-gawa ng imbestigasyon ang pamunuan ng Quiapo Church sa tulong na din ng Manila Police District (MPD) habang bumalik na sa normal ang sitwasyon sa lugar bagamat may iilan pa ding deboto ang dumarayo upang manalangin.

“Bakit sa media siya nakikipag-usap pero sa fact-finding committee ayaw niya?

Ito ang sinabi ni Interior and Local Gov-ernment Secretary Mar Roxas patungkol sa diumanong hindi pakikiisa ni Marantan kaugnay sa imbestigasyon.

Ani Roxas kailangan nang tigilan ni Ma-rantan ang drama at huwag mag-aksaya ng oras sa pakikipag-usap sa media at sa halip ay humarap sa ginagawang imbestigasyon.

Pinabulaanan naman nito ni Marantan sa isang panayam kasama ng GMA News, “Lahat po ng mga tinanong nila (ng PNP), I answered freely.”

Dagdag pa nito, ang Scene of the Crime Operatives (SOCO), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Commis-sion on Human Rights (CHR) ay naroon noong sumagot siya sa mga tanong ng PNP tungkol sa kaso.

Binigyang-diin naman ni Roxas kay Marantan na hindi pormal na proseso ang pagpapa-interview sa media kaya humarap na lamang ito sa National Bureau of Inves-tigation (NBI) na siya nang pinal na mag-iimbestiga sa insidente ng pamamaril sa Atimonan.

Naisumite na ang report ng PNP sa NBI na nagsimula na ng kanilang sariling imbes-tigasyon noong Lunes.

Sa isang press con kahapon, dinepen-sahan naman ni dating Region IV-A na si Chief Superintendent James Melad ang kanyang sarili, matapos masibak sa puwesto, habang kinilala ang proseso na kailangang pagdaanan ng kaso.

“Wala ako noong insidente. Iniiwan ko sa mga imbestigador na gawin nila ang kanilang tungkulin at alamin ang katoto-hanan,” ani Melad sa wikang Ingles.

Sa kabila ng pag-amin ni Melad kahapon

na linagdaan niya ang case operational plan ng Quezon operation na sinumite ni Super-intendent Hansel Marantan, aniya, hindi niya alam o saulo ang laman nito.

Pinangalanan naman ng palasyo sa pan-gunguna ni deputy spokesperson Abigail Valte ang iba pang nasibak sa pwesto:

PO3 Mark Christopher Garcia AalaChief Inspector Cristitio Villaruel AcohonSPO1 Rodrigo Silang Arguelles,PO3 Marlon Arevalo Aguado,PO2 Bernie Dalanon Alday, PCINSP Rodolfo Montes Ama,PO3 Florencio Marasigan Austria,PO3 Christian Atas Caguimbal,PO3 Luis Alexander Binay Capacia,PO3 Jonathan Mandocdoc Cansanay,PINSP Kent Jerek Flores Capadosa,PO1 Michael Ulpindo de CastroSPO1 Erwin Lajara Cetron,PO3 Ruel Casas Dimaano,SPO1 Edilberto Aclan Ele,SPO2 Edgrado Ilagan Ilagan,PO3 Allan Cacao Natanauan,Supt. Raul Mendita Tacaca,SPO4 Arturo Pelito Patulot,SPO1 Gener Putian Pineda,SPO1 Danilo De Sagun Piol,PO2 Reynold Perlas Ramirez, atPO2 Herbert Gaor Rellora.

Napagalaman sa mga eksperto ng NBI na itinalaga upang magsiyasat sa nasabing shootout na may 213 na bala ang tumama papasok sa sasakyan mula sa labas at 37 bala naman ang papalabas. Ito ay taliwas sa nau-nang pahayag ng Philippine National Police Crime Laboratory na may 184 na tama ng bala papasok at 91 na bala papalabas.

- Lider, mula sa Pahina 1

- Palara, mula sa Pahina 7sisilbihan sa GK. Sa mga mukha nga nila ko madalas makita ang larawan ng Diyos.

Ikatlo, ang pagdarasal. Kasama natin ang Diyos sa ating paglalakbay. Hindi Niya tayo iniwan. Hindi Niya tayo ii-wan kailanman. Hindi ba’t ‘yan ang Kanyang pangako? Kung kaya, mahala-ga na sa ating pagpunta at paghahanap, lagi natin Siyang isasama, kakausapin, tatanungin, kokonsultahin, pakiking-gan, hihingian ng payo at gabay, at ang Kanyang utos, laging susundin. Nagaga-

lak ako, na dahil sa buhay na relasyong ito, patuloy kong nadarama ang bawat pintig, bawa’t hila, bawa’t padama ng Diyos, lalo na dito sa gawaing GK. Kaya napupuno ako sa bawat bisita ko sa mga pamayanan ng GK, dahil dito ko nakikita ang pagla-go ng pananampalataya sa aking buhay.

Inaanyayahan tayong pagnilayan ang kaugnayan natin sa ating Diyos, na nabubuhay sa ating pakikipagka-pwa-tao. Ito ang pananampalataya, ang rurok, lalim at yakap ng buhay!

PORMANG PAGBATI

- Korona, mula sa pahina 4

Para sa inyong pagbati, pagbibigay ng komento sa mga istorya ng Porma.....

magtext sa: 09275393682 o mag-email sa [email protected]

kung san pwede rin kayong magpadala ng inyong larawan.

TNK has been helping street children get off the streets since 1998. You can help too. Our dream is to to have regular donations that we can count on, such as a

pledge from one family to provide ten tubes of toothpaste per month, or one sack of rice each month. No donation is too small but it helps greatly to get them regularly.

rin ng individual award, pero right now, mas priority ko ‘yung manalo ng cham-pionship for Talk ‘N Text,” pagpakumababang ani ni Jayson. 

“Makapag-contr ibute man ako o hindi sa scoring, mas gusto kong ma-involve pa rin yung mga teammates ko. Maganda kasi ang chem-istry namin and ‘yun ang na-kikita kong advantage namin sa Rain or Shine” dagdag pa ni Castro.

Sa pag-abante ng 3-0 sa 38th season-opening conference, nakatuon ang buong pansin ng Talk ‘N Text na mapabilang sa mga legend ng PBA at masung-kit ang 3-peat na panalo sa All-Filipino at iangat ang 3.3-talampakang ginintuang tropeo na nakapangalan kay Emilio “Jun” Bernardino Jr, dating PBA Commissioner, kasama ang Php .5-milyon na cash. Pag nagkataon na-katakdang maging 13th

team na makaiskor ng sweep sa isang race-to-four win playoffs at pang-apat pa lang sa Finals mula noong 1975. Para naman kay Coach Nor-man Black, ito ay magiging pang-11 kampeonato na niya sa PBA.

Wala pang koponan sa PBA ang nakabalik mula sa 0-3 sa isang finals at manalo ng kampeonato ngunit para kay Coach Yeng Guiao ng Rain or Shine, “We’ll just try to delay their party.”

- PBA, mula sa pahina 11

Page 6: PORMA Vol.2 2 No. 3

6 Enero 15-21, 2013 EDITORYAL

OMNIBUS cOMMUNIcatIONS fOr aSIa fOUNdatION INc.

Publisher

NIrva delacrUzEditor in Chief

carlOS SIMOYManaging Editor

SKY OrtIGaSCreative Director / Online Editor

Porma is published every Tuesday by the Omnibus Communications for Asia Foundation, Inc.

You can reach us through the following:Mobile number: +639275393682

Email: [email protected]: omnibusmediagroup.com

All rights reserved 2013

EditoryalKaso ng Atimonan shooting: shootout, rubout o payout?

Nabulabog ang sambay-anan nang sumabog ang balita ng pagkakapatay sa mga hinihinalang guns for hire sa bayan ng Atimonan, Quezon. Tadtad ang dala-wang SUV ng bala mula sa matataas na uri ng baril na siguradong ikamamatay ng 13 lulan ng naturang sa-sakyan. Nito lamang Sabado lumabas sa paunang imbesti-gasyon ng NBI na nagpapu-tok lamang ng dalawang beses ang mga lulan ng SUV. Nakuha na rin diumano sa crime scene ang humigit kumulang na halagang P200,000 -- na ayon sa mga naunang balita ay pera mula sa operasyon ng jueteng. Mabilis na iniutos ng Mala-kanyang na pangunahan ng NBI ang pag-iimbestiga sa krimen. Ngunit isa sa mga nararapat pag-aralang ma-

buti ay ang pag-alis o pag pull-out ng small town lot-tery (STL). Ang STL ay isi-nagawa bilang pagtugon sa problema ng jueteng. Pero sa nangyayari sa Atimonan, Quezon hindi nagawa ng STL na sugpuin ang jueteng. Ang jueteng ay isang uri ng sugal kung saan madaling tumaya at mabilis kumita -- pwedeng tayaan sa halagang limang piso lamang. Kay-ang-kaya tayaan ni Juan ang jueteng kahit pa kumakalam ang tiyan dahil nagbibigay ito ng munting pag-asa na makakaragdag ito sa pang- araw-araw na panggastos. Kaya naman mas mabenta

ang jueteng sa mga Pilipino. Subalit ano na ang nagawa ng STL upang sugpuin ito?

Ang ordinaryong si Juan dela Cruz ay gutom, salat sa oportunidad na gumanda ang buhay at hirap sa pang-araw-araw. Kaya kahit pa siya salat sa buhay, jueteng ang madalas niyang tak-buhan bilang solusyon sa kanyang mga problema. Na-kakahiya at nakakainis ang ating gobyerno. Tila hindi pa nakikita ang kawalan ng pagiging epektibo ng STL. Oras na upang tigilan na la-mang ang STL at humanap ng tamang alternatibo para masugpo ang naturang sugal.

Kung tutuusin, ang pagla-go ng mga iba’t ibang uri ng sugal sa Pilipinas, kalimitan sa mga mahihirap na lugar, ay sintomas ng kawalan ng tra-baho. Hindi na rin maiaalis sa ordinaryong Juan ang hangaring kumita ng pera -- kahit pa siguro P100 lamang -- sa mabilis na paraan.

Ang tanong sa isipan din marahil ng marami: kung may matinong trabaho at pinagkakakitaan ang kara-mihan ng mga Pilipino, ganito din kaya katalamak ang problema ng bansa sa ilegal na pagsugal? Sanga-sanga ang problema, ngunit maliwanag na ang insidente

Kayang-kaya tayaan ni Juan ang jueteng kahit pa kumakalam ang tiyan dahil nagbibigay ito ng munt-ing pag-asa na makakaragdag ito sa pang araw-araw

na panggastos.

“” sa Atimonan ay sintomas

lamang ng isang dambu-halang realidad na tila na-bubuhay sa lipunan, lingid sa kaalaman ng marami.

Sa isyung ito, nakatuon din ang tingin ng marami sa totoong papel ng kapulisan at militar. Totoo bang ang motto ng “With Honor and Justice, We Serve” ang nasa isip ng nasa hanay ng pulisya o ang kabuuan ba nito ay “We Serve Ourselves”? Kung hindi man maliwa-nag ang lahat ng detalye at totoong nangyari sa Atimo-nan sa ngayon, ang insidente marahil ay isa lamang sa marami pang kagimbal-

gimbal na pangyayaring konektado sa gambling na hindi nababalita sa publiko.

Ayon na rin sa mga bali-balita, ang nangyari sa Ati-monan, Quezon ay may malalim pang pinag-ugatan na problema, higit pa sa mga naunang binabanggit na agawan ng teritoryo sa jueteng. May mga katanun-gang dapat linawin dito gaya na lamang ng pagkakaroon ng plaka ng PNP sa isa sa mga SUV at ang seal ni Malakanyang. Sa mabilisang pagtugon ng Palasyo upang italaga ang NBI na sumasail-alim na rin sa pamumuno ng malapit sa Pangulo na si Secretary Leila De Lima para magimbestiga sa naturang krimen, lalong lumalalim ang duda ng taong-bayan. Ikaw kaporma, ito ba ay shootout, rubout o payout?

Page 7: PORMA Vol.2 2 No. 3

7Enero 15-21, 2013 OPINYONAlagad

ANTHONY PEREZ

ILANG BUWAN na lamang at eleksiyon na. Hindi pa man nagsisimula ang kam-panya, tuloy-tuloy ang daloy ng mga imahe ng eleksiyon: mukha ni Congressman sa supot ng relief goods; tarpau-lin ni Mayor sa pista-han ng nayon; pata-lastas ng foundation ni ganoon at ganiyang politiko. Napakaram-

Si Stephanie Nicole Ella ay isang biktima ng ligaw na bala noong nakaraang bagong taon. Walang kamalay-malay ang 7-taong gulang na bata na naglalaro at masayang hinihintay ang pagdating ng New Year. Lalong hindi inaa-sahan ng pamilya na im-bis na pagdiriwang ang kanilang pagsalubong sa bagong taon, paglu-luksa pala ang kanilang sasapitin. Ang salarin? Isang walang pakun-dangang nagpaputok ng kanyang baril upang salubungin ang bagong taon. Dahil sa kanya, si Kamatayan ang suma-lubong kay Stephanie Nicole.

Dumarami na ang insidente ng mga namamatay at pinapa-tay ng mga taong may gamit ng baril. Hindi nag-iisa si Stephanie Nicole sa kanyang kamatayan dahil sa bala; bago ang insidenteng ito, sa Cavite, nag-amok at namaril si Ronald Bae. Walo ang kanyang napatay, 12 naman ang sugatan. Sa Quezon, mas naging madugo ang

Mitsa ng Buhay

Ang MironNOEL SALES BARCELONA

Karambola

engkwentro ng mga pulis at isang hinihinal-aang jueteng lord at ang kanyang mga goons. 3 pulis ang napatay, at 12 naman sa panig ni Vic-tor Siman at ang kan-yang mga tauhan.

Hindi bababa ang insidente ng mga pamamaril at darami pa ang mga masusugatan

at mamamatay kung hindi pag-aaralang ma-buti ng gobyerno ang isyu ng pag-aari ng baril sa ating bansa. Si JC delos Reyes, kasama na ang Ang Kapatiran na kanyang pinamu-munuan, ay isa sa mga kilalang bumabatikos laban sa pagmamay-ari ng mga baril. Total gun ban ang isa sa mga bagay na itinutulak ng kanilang plataporma. At sino ba naman ang hindi mag-iisip na hindi makapapatay ang baril? ‘Di tulad ng mga kutsilyo na may iba

pang gamit, ang baril ay ginawa para lamang sa isang dahilan: ang pu-matay.

Ngunit hindi sa to-tal gun ban nagtatapos ang usapin sa isyung ito. Kailangan din nat-ing pag-aralang mabuti kung saan nanggagaling ang marami sa mga kri-men na kinasasangkutan ng baril. Ang maingat na pagsisiyasat ng mga istatistik ng krimen dito sa bansa, lalo na yung mga krimen kung saan ginamit ang isang baril, ay ang susi upang mai-

wasan natin ang patuloy na pagdami ng biktima ng gun violence.

Hindi ko sinasabi na ako ay tama, ngunit may hinala ako, mga kapwa ko alagad, na ang karamihan ng insidente ng pamamaril ay ma-tatagpuan sa mga lu-gar kung saan salat ang edukasyon at trabaho. Sa mga lugar na ito, tatlo lang ang maaari nilang gawin: maging istambay, maghanap ng trabaho, o sumali sa mga sindikato ng ilegal na mga gawain tulad ng carnapping, akyat-

bahay, prostitusyon, pagbebenta ng droga, at jueteng. Kapag ilegal at labag sa batas ang gi-nagawa, malamang may pera, tauhan, at baril na kasama. Guns, goons, and gold, ika nga. Hin-di ko nilalahat, pero ganito ang nangyayari sa marami – kapit sa patalim kaya bahala na kahit maging mitsa pa ng buhay nila, o ng iba, ang baril na kanilang hawak.

Kung ganito nga ang nangyayari ay dapat tugunan din ng pama-halaan ang tunay na pangagailangan ng tao tulad ng edukasyon at trabaho. Kasama ang natural na sipag at ti-yaga ng mga Pilipino, ang edukasyon at han-apbuhay ang mag-aahon sa ating mga alagad sa kahirapan. Sa ganitong paraan hindi na kakailanganin pang lumihis ng landas ang ating mga kapwa Pili-pino at sumali sa mga sindikatong namama-hagi ng nakamamatay na baril sa kanilang mga tauhan.

Total gun ban, edu-kasyon, at trabaho -- ang mga ito ang so-lusyon upang maiwasan sa hinaharap ang mga kahindik-hindik na in-sidente ng pamamaril at pagpatay.

ing gustong mahalal sa puwesto. Nagtatanong ang miron na ito: ano nga ba ang motibo ng mga ito sa pagtakbo para sa puwesto? Sana’y hindi lamang ang pork barrel ang hangad ninyo at pagpapakabuya sa anumang mahihita sa inyong mga posisyon, sakaling kayo ay ma-nanalo.

***

Naalala ko ang namayapang editor, kolumnista, makata, manananaysay, at ak-tibistang si Bayani S. Abadilla (1941 – 2008) nang tawagin niyang “gobyernong ukay-ukay” ang nakaraang mga administrasyon. Bakit nga ba hindi? Kapag naihalal na ang karamihan sa mga pu-litiko, sa antas man ng barangay, lungsod, munisipal, hanggang Malakanyang (batu-bato sa langit, ang tamaan, huwag maga-gal i t ! )—aal ingasaw

na parang labadang naitambak na lamang kung saang sulok ng ba-hay: nakakasulasok ang amoy, nakababaligtad ng sikmura, at nakahihi-matay sa galit dahil wala namang nagagawa para baguhin ang nabubulok at naguuk-ok na sistema ng pulitika, ekonomiya, at kultura sa bansa.

***

Sa halip na magtayo ng sariling mga industriya, sa puhunang laway ng mga dayuhan umaasa. Bibigyan ang dambu-

halang mga kompanya ng sandamakmak na pribilehiyo sa buwis gaya ng tax holidays sa-mantalang gagawa ng panibagong buwis para ipapasan sa ordinaryong mga manggagawa at em-pleyado na halos taun-taon ay dumarausdos ang halaga ng suweldo at dinadaya pa nga, pag-kaminsan, sa kuwenta-han ng kita. Sa halip na ipatupad ang mga batas na maka-mamamayan, ibig na ibig pang amyen-dahan ang mga ito para tuluyang mapagharian ng dayuhan at lokal na

dambuhalang mga ka-pitalista ang ekonomiya ng bansa, partikular ang pagmamay-ari ng lupang sakahan at ang karapatan nilang mag-unyon at ipagtanggol ang kanilang karapatan para mabuhay nang maayos.

***

Minsan, gusto ko ring sisihin ang mga botante kung bakit parang perya at karnabal ang pulitika sa Pilipinas. Nasisilaw kasi tayo sa kaunting baryang ibabayad sa

atin, sa ilang pirasong de-lata at ilang kilong bigas, at mga panga-kong kay tatamis, kaya ang naiboboto natin ay mga pulitikong pul-pol at walang ginawa kundi ang magsalita lamang nang magsalita subalit kulang na ku-lang sa gawa.

Sabi nga ng isang miron, diyan sa kanto, “Ngawa ka nang ngawa diyan dahil naghihirap ka; samantalang hindi mo inisip na ikaw rin ang nagluklok sa kawa-tang binabatikos mo.” Sapul.

PalaraERNIE MAIPID JR.

Tatlong Puntos ng Pananampalataya

Taon ng Pananampal-ataya ang 2013. Ito ang idineklara ng Simbahan. Ano ba ang ibig sabihin nito sa iyo? Napag-isip ako tungkol sa aking bi-yahe patungong langit. Ito ang pananaw ko sa pananampalataya, ang araw-araw kong pagla-lakbay, ang patuloy kong paghahanap, at walang-patid na pagda-rasal na makarating sa langit.

Biyahe patungong langit. Para ring biyahe papuntang Tagaytay o Baguio. Kauuwi ko nga lang galing sa air-port. Na-cancel yung biyahe ko patungong Legaspi. Zero visibility daw, dahil sa lakas ng ulan doon. Bukas muli, ng umaga. Papunta ako doon para magsalita sa conference ng Gawad Kalinga (GK).

Oo. Isang biyahe ang buhay pananampal-ataya. Nitong nakaraang Linggo, sinariwa natin ang ating pagkakabiny-ag sa Pista ng Binyag ni Hesus. Ito ‘yung naging simula ng paglalakbay

natin. Matagal-tagal na rin. Simula pa noong kamusmusan natin. Tu-mayo para sa atin ang ating mga magulang, at ang mga kinuha nilang ninong at ninang natin. Biyaya sa atin na hi-nangad nila para sa atin ang pananampalatay-ang isinasabuhay natin ngayon. Kung walang pananampalataya, wala rin katiwasayan ang buhay. Dahil mayroon tayong pinaniniwalaang Diyos, may kabuluhan ang buhay.

Tatlong bagay ang patuloy na bumubuhay sa aking pananampal-ataya. Tatlong maha-halagang aral tungkol sa pananampalataya:

Una, ang pagpun-ta. Ang paanyaya ng Diyos sa atin sa Kan-yang Salita, ‘Humayo!” Kaya’t sa mga paanyaya ng buhay, hinihikayat tayong pumunta.Hini-hingi sa ating tumugon. Sa malawakang pagtu-gon ng Gawad Kalinga sa mga pangangailan-gan ng mga mahirap, kinakailangan silang

- Pahina 5

puntahan. Ikinasisiya kong bumisita tuwing Huwebes sa mga GK sites. Ang dumulog sa kung saan sila naninira-han. Ang makausap sila, marinig ang kanilang mga kwento, ang mad-amayan sila sa kanilang mga dinadala. Kung hindi ako pumupunta sa kinaroroonan nila, hindi ko sila lubos na makikilala at makaka-niig.

Ikalawa, ang pagha-hanap. Hinihikayat din tayo ng Diyos, sa Banal na Salita, na hanapin Siya sa at-ing buhay. Alam natin na bumubulong ang Diyos sa atin sa ating mga puso. Pero mada-las, nagdadalawang-isip tayo kung Siya nga ang ating naririnig. Nag-dududa. Naghihinala. Nabubulagan. Madalas, dahil pinakikinggan natin ang sarili. Pinag-bibigyan ang kaalaman. Pinababayaang talunin nito ang alam nating pinaniniwalaan, kaya’t natatabunan ito, na-kakalimutan. Sa paki-kipag-ugnay sa kapwa, mahalaga ang paghahan-ap. Na mas makilala. Na mas maintindihan. Na mas makaisa. Mahalaga ang direksyong ito, sa aking pakikipagkilala sa mga mahihirap na pinag-

“Kapag ilegal at labag sa batas ang ginagawa, malamang may pera,

tauhan, at baril na kasama. Guns, goons, and gold, ika nga.”

Page 8: PORMA Vol.2 2 No. 3

8 Enero 15-21, 2013

By JERECHO PLACIDOWhat is best in investing and par-enting, is it theory or practice?

You can read as many parent-ing books, ask gazillion questions about it, attend several parenting seminars  or search parenting blogs and you will still never know what parenting means unless you raise a child yourself.

Reading, asking, attending  and searching adds important infor-mation which you could use to become a better parent.  But ac-cording to a great Roman emperor, experience is the best teacher.

Thus, the best  way to become a good parent is not through read-ing, searching or asking but, by experiencing it for yourself.

However, experience does not also guarantee success in parent-ing.  A parent does not necessar-ily become successful after neither the second child nor  the third and so forth.  Each child is unique and may need a special approach, one that could be  different from your approach to his or her  siblings.

This is  also  true in the realm of

investing. You may research, ask or Google 

literature  about investment, but you will never know how to really invest until you actually do it.  In the academe, there are professors who are very good in theory but do not  have any investments. This just illustrates the difference be-tween theory and practice – they are worlds apart.

We can see that there are people who never even finished school, but are absolutely magnificent in busi-ness and investment.  No matter how brilliant they may be -- as far as experience is concerned -- they also stumble from time to time.

Experience makes an investor  perform  better, but  does  not  make him  perfect. A perfect in-vestment does not exist in this world neither do perfect parents.  Just remember, in real life you don’t study investing to pass a test. You do it because you want to grow your money, the right way, the safest way and the best way.

Theory or practice, you decide.

Sa Likod ng CosplayNi CIGRID TORRES

UP Ame, Toy Con, Comic-con, Ozine Fest -- iilang lang ito sa mga conven-tion na ginaganap dito sa atin bansa. Pero alam ba ninyo kung ano ang nang-yayari sa likod ng cosplay?

Taon-taon ginaganap ang mga convention na ito at dinadagsa ng maraming tao na nanggaling pa sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Sa mga convention, nagkakaroon din ng iba’t-ibang maliliit na programa at kompetisy-on tulad ng ‘battle of the bands’, ‘karaoke contest’, ‘eating contest’ at iba pa. Kadalasan din na may mga makikita na mga stall na nagbebenta ng iba’t-ibang bagay tulad ng mga pagkain, laruan, costumes at kung magkataon, pati mga CD at comic books na hindi mo mabibili kahit saan (mali-ban na lang kung magaling ka maghanap sa internet.)

Maliban sa mga ito, may isang bagay na hindi

FEATURESInvesting and Parenting: theory vs practice

mawawala sa mga conven-tion at ito ang: COSPLAY.

Ang salitang Cosplay ay galing sa mga salitang “cos-tume” at “play”. Ang mga sumasali naman dito ay ti-natawag naman na mga cos-player. Madami ding tao ang nahuhumaling sa cosplay dahil hindi limitado sa ka-bataan ang libangan na ito, meron ngang mga cosplayer na kahit nagtatrabaho na ay pinipili pa ding mag cosplay.

Ang prinsipyo ng cosplay kung tutuusin, ay simple lang. Mamimili ka ng isang tauhan mula sa isang anime o game at gagawa o hahanap ka ng mga damit na katu-lad ng sinusuot ng charac-ter na ito. Pero hindi dun nagtatapos ang lahat, kung baga “it’s only the tip of the iceberg”. Madami sa mga cosplayer ay nagpupursige na maging kasing lapit ang itsura nila sa mga nasabing character na iyon hanggang sa makakakaya nila. Ang

kadalasang dahilan nito ay ang mga kompetisyon sa cosplay. Lagpas sa kalahati ng mga pumupunta sa mga ganito ay mga cosplayers na nahahati sa dalawang klase -- competitive cos-players at leisure cosplayers.

Ang mga namimili mag cosplay dahil sa kompetisy-on ay hindi biro. Talagang paglalaanan nila ng oras at pera ang kanilang mga kas-uotan. Kadalasan, sila ang mga taong makikita mo bago magbukas ang mga convention na may dala na mga hiwa-hiwalay na parte ng mga malalaking cos-tume. Ang mga competitive cosplayer ay kadalasan din mga online cosplay idols na talagang sinusundan ng mga fans. Isang magandang halimbawa nito ay ang Tux Team na noon ay isang cosplay group at ngayon ay may sarili ng mga fol-lowers na talagang hina-hanap sila kada convention.

Ang mga leisure cosplay-ers naman ay ang mga in-dibidual na nag cocosplay para lang maranasan ito. Kahit ganoon, hindi pa rin biro ang mga costume nila dahil kadalasan ito naman ang mga grupo ng magkakaibigan na pupunta doon para tingnan kung ano ang mga bago sa conven-tion na pupuntahan nila. Doon din nila tinitingnan kung pipiliin nila sumali sa kompetisyon sa susunod na convention na darating. Kung tutuusin, halos lahat ng mga competitive cos-players ay dito nagsimula.

Sa panahon ngayon, parte na talaga ng mga convention ang cosplay. Tinuturing ito na isang kompetisyon at isa din namang hobby. Isa na ito sa mga bagay na talagang pinupuntahan ng mga tao para malibang at tiyak ay di mawawala ang tradisyon na ito sa darating na mga taon.

Page 9: PORMA Vol.2 2 No. 3

9Enero 15-21, 2013 LIBANGANMovie Review: Life of PiNi ANTHONY PEREZ

Ang Life of Pi ay isa sa pinakamagandang pelikula na mapapanood ninuman. Habang pinapanood ko ito ay iisa ang aking naisip at naramdaman: na ako ay nasa mundo ng panaginip at mahika. Sa teknikal na aspeto ng pelikula, walang kupas pa rin ang tanyag na direktor na si Ang Lee. Matatandaan na siya rin ang direktor ng mga sikat na pelikula tulad ng Crouching Tiger, Hid-den Dragon, Brokeback Moun-tain, at Hulk. Kilala si Ang Lee sa kanyang galing sa pagdidirek ng iba’t-ibang tema ng pelikula, mula action hanggang drama. Ngayon naman ay fantasy ang tema ng kanyang Life of Pi, na hango sa libro na may parehong titulo at sinulat ni Yann Martel.

Ang Life of Pi ay tungkol sa paghahanap sa Diyos at sa paniniwala sa kanya. Sa kan-

yang paglalakbay para tuluyang magkaroon ng pananampalataya at matanto ang ibig sabihin ng kanyang buhay, si Pi na isang In-dian ay patungong Canada upang ibenta ang mga hayop sa kanilang zoo, pero binagyo ang barkong sinasakyan nila at lumubog la-hat, maliban kay Pi at isang ma-bangis na Bengal Tiger. Pareho silang naiwang palutang-lutang sa dagat. Sa kanilang paglalakbay ay makakasalubong nila ang mga bagay na talaga namang kaman-gha-mangha, tulad ng isang pulu-tong ng flying fish o mga isdang lumilipad. O mga kumikislap na dikya sa gabi, isang napakalaking balyena, at isang grupo ng mga dolphins.

Gumamit si Lee ng pinaka-bagong teknolohiya upang maka-buo ng isang napakahusay na pe-likula, ngunit ang maliwanag dito

ay ang galing ng batang-batang aktor na si Suraj Sharma. Epek-tibo at kapa-n i -pan iwa l a ang kanyang pag-arte. Ipi-nakita nya na ang kanyang paglalakbay sa dagat ay hindi lamang pag-subok sa kan-yang pisikal na lakas kundi isang espiritu-wal na pagla-lakbay. Hindi lang puro palamuti at special effects ang nagdadala sa pelikulang ito kundi ang kwento mismo na hitik sa mahika at kaba-balaghan. Kailangan bang basahin

muna ang libro bago mapanood ng mabuti ang pelikula? Hindi. Medyo mahihirapan ang tipikal na manononood kung babsahin pa ang nobela. Para dun sa mga kay-

ang basahin ang nobela, basahin ninyo, pero hindi ito kailangan upang mag-enjoy tayo sa peliku-lang ito. Napakaganda, napaka-husay, hindi malilimutan.

Itanong kay Ate RootelazMay nag-iisa akong anak na dalaga na pinag-aaral ko ng med. tech sa isang kolehiyo sa Baguio. Graduating na sana siya sa susunod na taon. Patuloy ang pagpapadala ko ng pera sa kanya dahil parati siyang humihingi ng panggas-tos umano sa kaniyang mga experiment at libro.  Noong unang linggo ng second sem, naisipan kong bisitahin siya sa kaniyang boarding house, ngunit sinabi sa akin ng landlady na wala na siya doon at sumama diumano sa isang lalaking nagpakilalang kaibigan niya.  Nagtanong din ako sa eskuwelahan ngu-nit hindi siya naka-enrol.  Hanggang ngayon, hindi pa tumatawag sa akin ang anak ko at hindi ko alam kung saan siya hahanapin.  Ano ba ang dapat kong gawin?  Diana, 49, La Union

Kung umalis ang iyong anak at hindi nagpaalam, ni walang pasabi kung saan siya pupunta, palagay ko dapat mong ipasa-Diyos muna sa ngayon ang kaniyang kalig-

tasan.  Wala kang magagawa kung hindi ang manalangin na nasa mabuti siyang kala-gayan hanggang sa magkita kayo.  Mahirap hanapin ang isang taong nagtatago, ngu-nit maaari mong simulan ang paghahanap sa kaniyang mga kaibigan.  Kunin mo ang kanilang numero at sa-bihin mo sa kanila na ikaw ay nag-aalala sa kalagayan ng iyong anak.  Sabihin mo rin na kahit ano pang mangyari, handa mo siyang tanggapin sa kaniyang pagbabalik.  Ka-pag nagkaroon sila ng pag-kakataon na makausap ang

iyong anak, tiyak na maka-karating ang iyong mensahe ng pagmamahal at kapata-waran.  Totoong mahirap ang mawalay sa pamilya at hindi biro ang makisama sa ibang tahanan.  Mapanatag ka na lahat ng bagay ay may dahilan.  Malay mo, ang paglalayas ng iyong anak ang siyang magtuturo sa kaniya sa kahalagahan ng pagsunod sa magulang, pagsisikap, pagtatapos ng pag-aaral at tunay na pagmamalasakit ng pamilya. 

**********

No boyfriend ako since birth, kaya ganoon na lang kung tuksuhin ng aking mga kaibigan, maging ng mga kamag-anak.  Mabait na-man ako, may hitsura, at may stable na trabaho, pero bakit nga ba walang nanli-ligaw sa akin?  Nasasaktan din ako kapag lagi nila akong tinatanong kung kailan ba ako mag-aasawa dahil kahit manliligaw nga eh wala ako. 

May isa akong katrabaho na parang may gusto sa akin.  Kinuha niya yung number ko, kaya lang di pa niya ako tinetext.  Dapat ba akong magpakita ng motibo na gusto kong magpaligaw?  Kung pu-wede lang sanang manligaw ang babae eh.  Anong prob-lema sa akin?Stella, 31, MakatiKung ikaw ay mabait, may hitsura, at may stable na trabaho (gaya ng sabi mo) wala akong nakikitang problema sa iyo, girl!  Ang kasiyahan na hinihintay mo ay magmumula sa pagiging

facebook.com/pormaPH twitter @pormaPH www.PormaPH.com

mapagpasalamat sa Diyos sa mga biyayang tinatamasa mo.  Maging kuntento ka sana sa kung anong mer-on ka.  Kaya, sa halip na magmukmok, bakit ‘di mo gamitin ang mga biyaya ng Diyos sa iyo para sa iyong ikabubuti at ikabubuti ng iyong kapuwa?  Sa kabilang banda, kung inaasam mo ang manliligaw o syota para lang patunayan sa mga nan-gaasar na hindi ka pahuhuli, palagay ko hindi magandang motibo iyon.  Magagawa mo bang gami-tin ang iba para sa ambisyon

mong magkaboypren?  Huwag naman.  At huwag kang maghahabol sa lalaki dahil lalo kang magmu-mukhang desperada.  Just be cool, live life with grati-tude and don’t be too hard on yourself.  Sino ba kasi ang nagtakda ng deadline sa iyo?  Sabi sa salita ng Diyos:  “Sa bawat bagay ay may ka-panahunan, at panahon sa bawa’t panukala sa silong ng langit,” at “Iniangkop Niya ang lahat ng bagay sa ta-mang kapanahunan.”  Mas masarap ang prutas na hindi hinog sa pilit.

“Kung ikaw ay mabait, may hitsura, at may stable na trabaho (gaya

ng sabi mo) wala akong nakikitang problema sa iyo, girl!”

Page 10: PORMA Vol.2 2 No. 3

10 Enero 15-21, 2013 CLASSIFIED ADSURGENT HIRING URGENT HIRING URGENT HIRING

DISCLAIMER: PORMA advises that all potential applicants must make their legal inquiries before entering into a binding commitment financially or otherwise for any advertisement published in PORMA. We shall not be held liable for any loss or damage incurred through these advertisements.

Salesman for department store Tel 364 4480Sales Representa-tive w/ experience tel 7103483

Saleslady 255 5555

Sales staff tel 6554813

Sales agent for real estate 0908 3009270

Real estate agent 373 0977Promogirl 418 0832Promogirl 571 2991Sales representative 418 0832

----------------------

Sales agent earn 30T/MO 361-3791

Sales agent 379 5281Real estate agent 426 6220Factory Worker 2223066

Dressmaker with exp 9988948 / 09178743024

Gown sewer 802 0815/09277919206Hi-speed sewer 712 0095Sewer call 0917 8130910

Repacker caloocan area female 2877977Warehouseman call 671 9984

Factory worker 4117362/ 4146985--------------------------Automotive technician call ms eilene 5163904 loc 52

Agent for Cash loan/credit card 8640607

Agent for Cash loan/credit card 09183223488Sales representa-tive 7111764Sales Representative Urgent 4180832

Sales Staff Part/Fulltime Malate, Mla 5609552 / 09089524337Marketing Officer 6346674Marketing Executive 8120486

Telemarketer 09239404819

Office Personnel call 09128399735

Office Personnel 7322850

Clerk M/F 25YO below Grad of any 4Yr Buss Course

5284785

HR Supervisor Call 8940468Office Staff 4533466Office Staff Call or Text 09193288795Secretary Female 18-25YO 3636247Data Encoder for INQ Call 4341924

Recruitment Officer 8994104-05 look for BiancaOffice Staff 09071318718Liaison Officer 5180931Secretary 5785604Secretary 7130493

HR Assistant 9206602

Auto Mechanic 4890329

Nurse 7310512Nurse

09194329804 / 3847318

Midwife 7310512Tutor for Elem. and HS Math 7211099 / 09175468168

Cashier 4371809Cashier 3300968

Chief Cook 7997579Dental Aide 8109670

Dental Assistant 5846265Caregiver 7k/Mo 4375023Caregiver 4346344Hair Stylist 0916238613Beautician All Around Paco 2276395Carpentry 8098768Carpenter 4981172

Pattern maker 710 3483

facebook.com/pormaPH twitter @pormaPH www.PormaPH.com

Page 11: PORMA Vol.2 2 No. 3

11Enero 15-21, 2013 SPORTSPacquiao lalaban na sa AbrilNi CALVIN DAVIDMapapabilis ang pagbalik sa ring ng ating Pambansang Kamao, Manny Paquiao dahil nais nitong makabalik sa ring sa darating na Abril kaya may mga pag-uusap na upang tingnan ang posibili-dad na sa Dubai, Singapore o Macau ang maging venue ng laban.

Ang mga pangalan ng mga bansang nabanggit ay

masusing pinagtutuunan ng pansin ng Team Paquiao para maisagawa ang nais ni Pacman.  Matatandaang suspendido pa ng Nevada State Athletic  Commission (NSAC) si Paquiao at hindi siya makakaboksing sa anu-mang lugar ng Estados Uni-dos sanhi ng kanyang pag-katalo kay Marquez noong Disyembre.

Si Top Rank President Todd DeBeof ang pupun-tang Dubai para sa negosasy-on ng laban doon habang si

Mike Koncz na adviser ni Pacquiao ang makikipag-ayos sa Singapore at Macau. Dalawa ang pinagpipilian ni Pacman na labanan.

Ito’y sina undefeated Jes-sie Vargas ng Las Vegas (21-0, 9 KO) at si Vyacheslav Senchenko ng Ukraine (33-1, 22 KO).

Si Senchenko ay mata-tandaang tumalo kay Ricky Hatton via 9th round TKO noong Nobyembre 2012 at naging sanhi ng pagreretiro ni Hatton mula sa boksing.

2013 FIBA Asia Men’s Basketball sa Pinas na!Ni CARLOS ALEIXO

Nakamit sa wakas ng Pilipi-nas ang inaasam na hosting ng 2013 FIBA-Asia Men’s Basketball Championship na nakatakda sa Agosto 1-11 matapos mabigo nating makuha ang nasabing host-ing noong Setyembre na ig-inawad sa bansang Lebanon.

Sa isang pahayag ni FIBA Asia Secretary General Ha-gop Khajirian, hindi na maaagapan ang “political unrest” sa bansang Lebanon kung kaya’t ibinibigay ang karapatan sa Pilipinas na maging host ng prestihiyo-song torneo.

“The current situation in the region and the on-going civil war in Syria, which has its indirect effect on other countries, especially on Lebanon, create doubts about the stability that we might not have till the fixed dates of our event.  In view of these facts, FIBA Asia Ex-ecutive Committee decided to change the venue of the 27th FIBA Asia Champion-

ship from Beirut, Lebanon to Manila, Philippines,” ayon sa pahayag ni Hagop.

Ikinatuwa naman ni SBP Chairman Manuel Pang-ilinan ang naging pasya ng FIBA kasabay ng pakiusap sa mga PBA teams na magpahi-ram ng kanilang star players upang makapasok ang bansa sa 2014 World Basketball Championships sa Spain. Si Commissioner Salud naman ng PBA ay personal na tu-mawag sa mga team owners para magbigay ng suporta para sa ating pambansang koponan na Gilas.

“We will need to get the cooperation of all the PBA teams in an effort to qualify for the 2014 World Bas-ketball Championships in Spain,” ani ni Pangilinan sa kanyang press statement.

Ito ang unang pag-kakataon na magiging punong-abala ang bansa sa nasabing FIBA event buhat noong 1973, kung saan ang national team ay pinangun-gunahan nina Robert Jawor-ski, Bogs Adornado, Ramon Fernandez, Manny Paner at Jimmy Mariano. Ang hul-ing pagkakataon din na ang Philippine Team ay lumaban sa FIBA ay noong 1978 pa.

Kakailanganin ng Gilas na makuha ang bronze medal upang makausad sa World Championship. Ang unang tatlong koponan pagkata-pos ng torneong FIBA-Asia ang syang magiging repre-sentante ng kontinente ng Asia para sa 24 na bansang maglalaban para sa World Championships sa Spain sa susunod na taon.

“We will need to get the cooperation of all the PBA teams in an effort to qualify for the 2014 World Basketball Champi-onships in Spain.” - Pangilinan

Oprah matapos ang interview kay Armstrong, “It’s a DOPE!”Ni CARLOS ALEIXO

Inaabangan ngayong Linggo ang TV inter-view ni Oprah Winfrey sa napakakontrob-ersyal na cyclist na si Lance Armstrong. Napapabalitang sasagutin ni Armstrong ang mga tanong na bumabalot sa kanyang katauhan at sa mga isyung kinasasangku-tan nito.“I told her (Oprah) to go wherever she wants and I’ll answer the questions direct-ly, honestly and candidly. That’s all I can say,” pagsabi ni Armstrong nang humarap ito sa press bago ang kanyang nakatakdang interview.Ating nasubaybayan ang pagtanggal kay Armstrong ng kanyang mga titulo sa cy-cling at na-ban sa sport matapos mag-isyu

ang U.S.Anti-Doping agency ng detalya-dong report na nag-aakusa kay Armstrong sa pangunguna sa drug program sa kanyang U.S. Postal Service teams na kibabibilan-gan ng paggamit ng steroids, blood boost-ers at iba’t ibang performance-enhancing drugs (PEDs).Isang dekada ding itinanggi ni Armstrong na gumagamit siya ng PEDs sa kan-

PBA: Tropang Texters patungong 3-peat!Ni CSN

Wala ng pipigil pa sa nais ng Tropang Texters na makamit nila ang inaasam na 3-peat sa All-Filipino fi-nals sa ilalim ni Coach Nor-man Black sa darating na Miyerkules para sa game 4 ng PBA Philippine Cup Fi-nals sa Smart Araneta Coli-seum.

“I think it’s very impor-tant to keep the guys very focused on the task at hand.  We don’t want to give Rain or Shine any breathing room,” sambit ni Coach Norman matapos umangat ng 3-0 sa serye.

“We put ourselves in good position that we really have to go for it (sweep) on Wednesday,” dagdag pa ni Coach Norman.

Isa sa mga nagdala ng

serye para sa Tropang Texters ay ang solidong laro ni Jay-son Castro na paborito ng press na maging Best Player of the Conference at PBA Press Corps Finals MVP na

kalaban niya sa naturang pagkilala ay ang mga team-mates na si Ranidel Ocampo at Jimmy Alapang.

“Hindi naman mawawala ‘yan sa player na mag-isip

- pahina 5

yang mga laban, lalo na ang pagkapanalo niya ng pitong titulo sa Tour De France. Naging kontrobersyal ang interview kay Armstrong matapos na magtweet si Op-rah ng “It’s a dope!”  bilang reaksyon ni Winfrey sa kanyang interview kay Lance.

Page 12: PORMA Vol.2 2 No. 3

12 Enero 15-21, 2013SHOWBIZ Ni CALLISTA CARMEN

Rayver at Christine hiwalayan blues!

Magkasamang umamin si Rayver Cruz at Christine Reyes na sila ay hiwalay na at ito ay pareho nilang napagkasunduan bago pa magtapos ang taong 2012.

Minabuti ng dalawa na ilihim sa publiko ang hi-walayan dahil sa ingay na nilikha nila noong nabuo ang relasyon. Minabuti nilang maging magkaibigan parin at magbigay ng kaukulang pansin ang ka-nilang mga career habang sila ay bata pa.

“Oo, hiwalay na kami. Ang maganda dito, okay kami dahil magkaibigan kami. Matagal na kaming naghiwalay, last year pa. We gave our best dito sa relationship namin. Ganun siguro talaga. Hindi naman halos lahat ng relationships nagwo-work ‘di ba?”pag-amin ni Rayver.

“Siguro kasi bata pa kami pareho. Gusto namin mag-focus sa work. Gusto namin mag-focus sa sarili namin. Walang third party,” sabi ni Christine

Maganda ang pag-anunsyo ng hiwalayan na ito. Nawa’y walang lumabas na bitter sa mga susunod na araw.

“Siguro kasi bata pa kami pareho.”

Marian Rivera nagpaseksi na sa isang men’s magazineMaraming nagulat sa career move ni Marian Rivera na pumayag ng magpose ng seksi sa isang sikat na men’s magazine.

Siguro nga at kailangan pag-usapan ang kanyang bagong pe-likula na ilalabas sa katapusan na katambal si Raymond Gutierrez at kailangan magpakita ng laman si Marian.

Ano kaya ang masasabi ni Ding-dong?

Angelica: Kami lang makakapagsabi kung hanggang saan kamiHindi pinansin ni Angelica Pan-ganiban ang mga hula na sila ng kanyang boyfriend na si John Lloyd Cruz ay maghihiwalay sa taong ito.

Kiber ang reaction ni Angelica sa issue at ito lang ang kanyang nasabi:

“Siyempre iba naman ‘yung opinyon ng ibang tao. Iba rin ‘yung mayroon kami. Kami lang din naman ang makakapagsabi noon kung hanggang saan kami.”

Christine: Hindi ako nililigawan ni DerekUsap-usapan sa mundo ng show-biz ngayon na diumano’y nililiga-wan ni Derek Ramsey si Christine Reyes. 

Minabuti nating alamin ang kasagutan sa mga balita na ito mula mismo kay Christine.

“Siguro kasi nakikita nila po kami sa labas. Para sa akin wala na-

“Sharon, Kasama Mo Kapatid” - Tsinugi na!Malungkot na at-ing tinanggap ang balitang huling pag-ere na ng show ni Megastar Sharon Cuneta na “Sharon Kasama Mo Kapatid” sa TV 5 noong Bi-yernes.

Wala pang napa-balitang kapalit na show si Megastar o kaya project matapos ang nasabing show.  Kaya siguro maugong rin ang balitang gusto na nitong bumalik sa dating Kapamilya network.

Maaalalang katata-pos lamang ng kaarawan ng Megastar na hindi man lang pinahalagahan ng Kapatid Network. Matatandaang halos taon-taon ay may pa-concert ang dating Kapamilya Network sa kanya.

Gerard: Maja masayang kasama, very charming, mabaitHinarap ni Gerard Anderson si Kuya Boy sa “The Buzz” noong Lingo na may tapang at lakas na loob upang sabihin sa madla na gusto niyang ligawan si Maja Sal-vador.

“During sa mga activities namin, parang nakita ko sa kanya na wow, parang masaya siyang kasama, very charming, mabait. Nag-e-enjoy akong kasama siya. So when we came back, being single -- matagal na rin po akong single and siya rin single siya at

that time -- parang anong masama kung yayain ko siyang lumabas? Anong masama kung puwede kami magkaroon ng pagkakataon na makilala namin ang isa’t isa?” pagkwento ni Gerard kay Tito Boy.

“Yeah I would love to court her kung bibigyan niya ako ng chance. I’d love to get to know her better, para mas makilala namin ang isa’t isa,” dagdag pa ni Gerard.

Pagbigyan nga naman natin umusad ang pagtitinginan na ito at mag move on na sa Kim-Gerard era.

man masama doon kasi ever since, kahit nung sila pa ni Angelica Panganiban, pumupunta kami sa house nila. Nagha-hangout kami doon,” sabi ni Christine.

Pinatay agad ni Christine ang balita ng siya mismo ang nagsabi na walang katotohanan ang mga balitang nililigawan siya ni Derek.