24
Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay ang kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilipinas . Siya ay isang Filipinong heneral, pulitiko, pinuno ng kalayaan at bayanina nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas . Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas , muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel L. Quezon . Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas . Talambuhay Ikapito sa walong anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy, si Emilio ay ipinanganak noong ika-22 ng Marso 1869 sa Cavite Viejo (Kawit ngayon), Cavite . Bukod sa kanyang ama na gobernadorcillo (alkalde ng munisipal) ng bayan, ang kanyang pamilya, na kabilang sa mga Chinese-mestizo, ay masaya sa kanilang komportableng buhay. Bilang isang bata, si Miniong (kaniyang palayaw) ay tinulungan ng kaniyang tiyahin na makapag-aral at siya'y pumasok ng elementarya sa bayan. Noong 1880, siya ay nag-aral ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran . Nang namatay ang kanyang ama noong siya ay nasa ikatlong taon, umalis si Aguinaldo sa paaralan at umuwi sa kanila upang makatulong sa kanyang nabiyudang inang sa kanilang mga sakahan. Sa edad na 17, inihalal siyang Cabeza de Barangay (pinuno ng barangay) ng Binakayan , ang pinaka-progresibong baryo ng Cavite El Viejo. Hawak niya ang posisyon na ito ng walong taon. Noong 1893, ang Batas Maura ay naipasa upang ayusin ang pamahalaan sa mga kabayanan sa mga layuning gawin ang mga ito na mas epektibo at nagsasarili. Simula 1895, pinalitan ang tawag sa pinuno ng bayan mula gobernadorcillo ay naging Kapitan ng Munisipal. Noong ika-1 Enero 1895, si Aguinaldo ay inihalal na pinuno ng bayan. Noong 1896, si Aguinaldo ay nagpakasal kay Hilaria del Rosario ng Imus , Cavite . Sila ay nagkaroon ng limang anak (Miguel, Carmen, Emilio Jr, Maria at Cristina). Noong 1930, siyam na taon matapos mamatay ng kanyang asawa, si Aguinaldo ay nagpakasal sa kanyang ikalawang asawang si Maria Agoncillo , pamangking babae ng Don Felipe Agoncillo , isang diplomatiko. Rebolusyon

phil presidents

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: phil presidents

Si Emilio Aguinaldo y Famy (Marso 22, 1869 – Pebrero 6, 1964) ay ang kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilipinas. Siya ay isang Filipinong heneral, pulitiko, pinuno ng kalayaan at bayanina nakibaka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong 1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang 1901. Nadakip siya sa bandang huli ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya bilang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa halalan ni Manuel L. Quezon. Sa mga huling panahon ng kaniyang buhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng Pilipinas.

TalambuhayIkapito sa walong anak nina Carlos Aguinaldo at Trinidad Famy, si Emilio ay ipinanganak noong ika-22 ng Marso 1869 sa Cavite Viejo (Kawit ngayon), Cavite. Bukod sa kanyang ama na gobernadorcillo (alkalde ng munisipal) ng bayan, ang kanyang pamilya, na kabilang sa mga Chinese-mestizo, ay masaya sa kanilang komportableng buhay. Bilang isang bata, si Miniong (kaniyang palayaw) ay tinulungan ng kaniyang tiyahin na makapag-aral at siya'y pumasok ng elementarya sa bayan. Noong 1880, siya ay nag-aral ng sekundarya sa Colegio de San Juan de Letran. Nang namatay ang kanyang ama noong siya ay nasa ikatlong taon, umalis si

Aguinaldo sa paaralan at umuwi sa kanila upang makatulong sa kanyang nabiyudang inang sa kanilang mga sakahan. Sa edad na 17, inihalal siyang Cabeza de Barangay (pinuno ng barangay) ng Binakayan, ang pinaka-progresibong baryo ng Cavite El Viejo. Hawak niya ang posisyon na ito ng walong taon. Noong 1893, ang Batas Maura ay naipasa upang ayusin ang pamahalaan sa mga kabayanan sa mga layuning gawin ang mga ito na mas epektibo at nagsasarili. Simula 1895, pinalitan ang tawag sa pinuno ng bayan mula gobernadorcillo ay naging Kapitan ng Munisipal. Noong ika-1 Enero 1895, si Aguinaldo ay inihalal na pinuno ng bayan. Noong 1896, si Aguinaldo ay nagpakasal kay Hilaria del Rosario ng Imus, Cavite. Sila ay nagkaroon ng limang anak (Miguel, Carmen, Emilio Jr, Maria at Cristina). Noong 1930, siyam na taon matapos mamatay ng kanyang asawa, si Aguinaldo ay nagpakasal sa kanyang ikalawang asawang si Maria Agoncillo, pamangking babae ng Don Felipe Agoncillo, isang diplomatiko.

RebolusyonNoong 1895, sumali siya sa kapatiran ng Katipunan, isang lihim na organisasyon na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, na layuning paalisin ang mga Espanyol para sa kalayaan ng Pilipinas. Siya ay sumali bilang isang tenyente sa ilalim Heneral Baldomero Aguinaldo at tumaas ng pwesto bilang isang heneral sa loob ng ilang buwan. Sa Katipunan, siya ang tumulong sa Pilipinas upang masimulan ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol noong 1896. Kasama ni Dr. Jose Rizal, inumpisahan niya ang digmaan laban sa mga Espanyol, at ginapanan niya ang pamumuno sa kilusan pagkatapos mahuli at ipapatay si Rizal. Nakipaglaban ang mga Espanyol sa pamamagitan ng pwersang militar at panunuhol sa mga pinuno ng mga rebelde. Tinanggap ni Aguinaldo ang alok na pera at ginamit ito sa pagbili ng dagdag na armas para sa rebelde sa halip na bumalik sa pagkakatapon. Nagwagi si Aguinaldo sa ilang mga labanan sa Cavite, na nagtulak upang pansamantalang mapaalis ang mga Kastila sa lugar nila. Gayunman, ang mas pinalakas na puwersang militar ng mga Kastila ay nagtulak sa mga rebelde na mas patibayin pa ang kanilang istuktura. Nanguna si Bonifacio sa Tejeros Convention sa Tejeros, Cavite upang humirang ng isang rebolusyonaryong pamahalaan kapalit ng Katipunan noong ika-22 ng Marso 1897. Dahil malayo sa kanyang kampo, natalo si Bonifacio sa pwesto ng pamumuno kay Aguinaldo, at sa halip ay inihahalal bilang Kalihim ng Panloob. Maging ito ay na-kwestiyon ng taga-suporta ni Aguinaldo sa dahilang hindi nakapag-aral si Bonifacio. Dahil sa sama ng loob, pinawalang-bisa ni Bonifacio ang kumbensyon at ninais na bumalik na lamang sa Rizal. Si Bonifacio ay hinatulan, nilitis at napatunayang may salang pagtataksil (sa pagliban) ng husgadong militar ng Cavite. Siya ay pinatawan ng parusang kamatayan.

Pangulo

Page 2: phil presidents

Noong 1898, nagsimula ng Digmaang Espanyol-Amerikano at napikapag-ugnayan si Aguinaldo sa mga Amerikanong opisyal sa pag-asang tutulong sila sa kanyang pakikipaglaban para sa kalayaan. Sa una nakatanggap lamang siya ng magkakahalong mensahe, ngunit nakipaglaban kaisa ng mga Amerikano upang patalsikin ang mga Espanyol – kasama ng paglilipat ng maghigit na 15,000 nahuling tropang Espanyol ay si Admiral George Dewey. Gayon pa man, ang pakikipag-ugnayan sa mga Amerikano ay higit na apektado nang hindi sila nagpakita ng kagustuhang tulungan ang Pilipinas na maging malaya at nagsimulang sakupin ang bansa gaya ng ginawa ng mga Espanyol noon. Walang tulong ninuman, ipinahayag ni Aguinaldo ang kalayan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898 at inihalal siya ng Kapulungan ng Saling-batas ng Pilipinas bilang pangulo noong Enero 23, 1899. Nang sumiklab ang labanan sa pagitan ng mga tropang Amerikano at mga Pilipinong makakalayan, ipinahayag ni Aguinaldo ang digmaan laban sa Estados Unidos noong Pebrero 4, 1899.

Pananakop ng AmerikaPinamunuan ni Aguinaldo ang pagtutol sa pananakop ng mga Amerikano hanggang siya ay mahuli noong 1901 ni US General Frederick Funston. Tinanggap niya ang alok na ililigtas ang kanyang buhay kung ipapangako niya ang kanyang katapatan sa Estados Unidos. Isang malungkot na desisyon ang ginawa ni Aguinaldo dahil matapos siyang ipagtanggol ng kanyang mga magigiting na heneral,tulad ni Heneral Gregorio del Pilar,sumuko lamang siya nang hindi lumalaban. Namahinga siya sa mata ng publiko nang matagal na panahon, hanggang sa 1935 nang ipahayag siya na kakandidato siya bilang pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas; tinalo siya ni Manuel L. Quezon sa halalan.

Pananakop ng mga HaponNoong panahon ng pananakop ng mga Hapon sa Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, gumawa si Aguinaldo nakakahiyang pahayag sa radyo ng kanyang pagsuporta sa mga Hapon. Pagkatapos makuhang muli ng mga Amerikano ang Pilipinas, dinakip siya sa pakikipagtulungan sa kaaway, ngunit sa paglilitis nalaman na pinuwersa lamang siya upang gawin ang kanyang mga pahayag (binantaan siya ng mga Hapon na papatayin ang kanyang pamilya), at nalinis din ang kanyang pangalan. Namuhay siyang nakita ang kanyang panghabang-buhay na hangarin, ang kalayaan ng kanyang bansa na natamo noong 1946, at noong 1950 nagsilbi siya ng isang termino sa Council of State bago siya muling namahinga. Namatay siya sa atake sa puso sa Veterans Memorial Hospital sa Lungsod ng Quezon noong Pebrero 6, 1964 sa edad na 94.

Si Manuel Luis Quezon y Molina ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang Republica Filipina na siyang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga Filipino bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.

Maagang Buhay at Trabaho Ang mestiso Espanyol na si Manuel Luis Quezon ay ipinanganak noong ika-19 ng Agosto, 1877 (bagamat ang kanyang opisyal na kaarawan ay ang ika-19 ng Agosto, 1878) sa Baler, Tayabas (ngayon ay nasa lalawigan na ng Aurora), kina Lucio Quezon, isang guro mula sa Paco, Manila, na isa ring retiradong sarhento sa sandatahang kolonyal ng Espanya, at Maria Dolores Molina, isa ring guro sa kanilang bayan. Tinuruan siya ng isang pribadong guro mula 1883 hanggang 1887; pagkatapos ay pumasok siya sa San Juan de Letran kung saan siya nagtapos sa sekondarya noong 1889. Namatay ang kanyang ina sa sakit na tuberkulosis noong 1893, bago siya nagtapos ng summa cum laude sa kursong Bachelor of Arts sa Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) noong 1894. Noong 1898, ang kanyang amang si Lucio at kapatid na si Pedro ay tinambangan at pinatay ng mga armadong kalalakihan noong pauwi sila ng Baler galing ng Nueva Ecija, dahil sa kanilang katapatan sa pamahalaang Espanyol.

Page 3: phil presidents

Nag-aral si Quezon ng abogasya sa UST, ngunit pansamantalang natigil ito nang sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Sumanib si Quezon sa kilusang rebolusyonaryo at nagsilbi bilang aide-de-camp ni Emilio Aguinaldo mula 1899 hanggang sa nabihag si Aguinaldo ng mga Amerikano noong 1901. Pagkatapos ng digmaan, tinapos niya ang kursong abogasya sa UST at nakakuha siya ng pang-apat na puwesto sa Bar Exams noong 1903. Nagtrabaho muna siya bilang isang clerk at surveyor bago naglingkod sa gobyerno bilang fiscal ng Mindoro noong ika-19 ng Setyembre, 1903, at di kalaunan ay naging fiscal siya ng Tayabas noong Marso 1904. Sa maikling panahong fiscal siya ng Tayabas, naghain siya ng 25 na kasong estafa laban kay Frank J. Berry, isang impluwensiyal na abogado at manlilimbag na Amerikano, bago siya nagbitiw sa tungkulin noong Nobyembre 1904 at pumasok sa private practice mula 1904 hanggang 1906. Noong ika-13 ng Hulyo 1906, ibinaba ng Korte Suprema ang hatol sa kasong U.S. vs. Querijero (G.R. No. L-2626), na nagsasabing noong pinatay ang ama at kapatid ni Quezon, ang mga salarin ay mga sundalong rebolusyunaryong lumalaban sa Espanya at ang pagpaslang ay alinsunod sa utos ng nakatataas na opisyal at ginawa para sa mga layunin ng himagsikan.

PulitikaNoong 1906, si Quezon ay inihalal bilang konsehal at kalaunan ay bilang Gobernador ng Tayabas. Noong ika-25 ng Hulyo 1907, nagbitiw siya bilang Gobernador at tumakbo para sa Philippine Assembly. Mula 1907 hanggang 1909, siya ay naging miyembro ng Philippine Assembly, at Majority Floor Leader at Chairman ng Appropriations Committee. Noong 1909, siya ay inihalal ng Lehislatura ng Pilipinas bilang resident commissioner sa Kongreso ng Estados Unidos. Bilang resident commissioner, maaaring magsalita at sumali si Quezon sa talakayan, ngunit wala siyang karapatang bumoto. Gayunpaman, masigasig si Quezon sa pagsusulong ng kagustuhang lumaya ang Pilipinas. Pagkatapos ng isang talumpati sa Tammany Hall para sa Fourth of July noong 1911, sinabi ni Quezon sa New York Times na “Kami ay nagpapasalamat kay Ginoong Taft at sa mga Amerikano para sa kanilang mga ginawa para sa amin, ngunit ayaw naming maging isang kolonya. Gusto namin ng kalayaan.”[1] Bilang sagot sa inilathala ng New York Times na “Philippines the Key to our Success in the Far East”, sinabi ni Quezon (nailathala sa NY Times noong ika-15 ng Setyembre 1912), “Panahon na para sa mga tumitingin sa Pilipinas bilang isang negosyo, na lumantad at sabihin ito kapag kanilang sinusulong ang pananatili ng mga isla bilang sakop ng Amerika, sa halip na tabunan ang kanilang totoong hangarin ng mga dahilang nakakainsulto sa pambansang dangal ng mga Pilipino. Huwag nilang sabihin na ang Estados Unidos ay nananatili sa Pilipinas hindi dahil sa gusto nitong magpalawak ng teritoryo, hindi dahil sa naghahangad itong kumita, kundi upang bigyan ang mga isla ng isang mabuti at matalinong Pamahalaan, na hindi kayang itatag at panatilihin ng mga Pilipino ng kusa.” [2] Noong 1916, iniuwi ni Quezon sa Pilipinas ang Batas Jones, na nangangakong kikilalanin ang kasarinlan ng mga Pilipino.

SenadoSi Manuel L. Quezon ay inihalal bilang Senador ng Ikalimang Distrito noong 1916 at naging Pangulo ng Senado hanggang 1935. Umabot ng labinsiyam na taon ang kanyang pagiging Pangulo ng Senado. Noong ika-9 ng Disyembre, 1918, naglayag si Quezon patungong Amerika bilang pinuno ng unang Independence mission sa Kongreso ng Estados Unidos. Dumaan muna siya ng Hongkong, kung saan pinakasalan niya ang kanyang pinsang-buo na si Aurora Aragon y Molina noong ika-17 ng Disyembre. Sila ay biniyayaan ng apat na supling, si Maria Aurora (“Baby”) (1919-1949); Maria Zeneida (“Nini”) (1921-); Luisa Corazon Paz (“Nenita”) (1923-1923); at Manuel L., Jr. (“Nonong”) (1926-1998). Ika-10 ng Mayo, 1920, nang unang magtalumpati si Quezon sa harap ng Kongreso ng Estados Unidos. Kasama sa talumpati niya ang mga katagang “Sa kabila ng lahat, nais pa rin namin ng kasarinlan”, at “Kung ang nakatakdang kapalaran ng aking bansa ay ang maging sakop ngunit mayaman, o ang maging malaya ngunit mahirap, walang pag-aalinlangang pipiliin ko ang huli.” Noong 1922, kinuwestiyon ni Quezon ang aniya’y “unipersonal leadership” ni Tagapagsalitang Sergio Osmena, kung ihahambing sa tinatawag na “collective leadership” na kanya namang itinataguyod. Noong ika-24 ng Pebrero 1922, umalis si Quezon sa Partido Nacionalista, kung saan kasapi din si Osmena, at ang kanyang sabi: “Ang partido ay hindi kailanman naging at hindi kailanman magiging ang bayan. Ang aking katapatan sa aking partido ay natatapos kung saan ang aking katapatan sa aking bayan nagsisimula.” Nanatili si Quezon bilang Pangulo ng Senado, at si Osmena naman ay naging Pangulo ng Senado Pro Tempore. [3] Matapos naihalal si Warren Harding bilang Pangulo ng Estados Unidos noong 1920, si Francis Burton Harrison ay pinalitan ni Leonard Wood bilang Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Si Gobernador-Heneral Wood ay nagpairal ng mga patakarang sa paningin ng mga Pilipino ay masyadong marahas. Noong 1923, panahon ng pangangampanya para sa espesyal na halalan para sa ikaapat na senatorial district (sakop ang Manila at mga karatig-lalawigan), si Jose P. Laurel, na noo’y Kalihim ng Kagawarang Panloob, ay nagbitiw sa tungkulin bilang protesta sa aniya’y pangingialam ni Wood sa kanyang kagawaran. Ang Partido Democrata, na siyang nasa oposisyon, ay nangako namang makikipagtulungan kay Wood. Tinawag ni Quezon na Americanistas ang Partido Democrata. Ayon sa kanya, ang isang boto para sa kandidato ng partidong iyon ay isang botong laban sa kasarinlan ng Pilipinas, at ika pa niya’y: “Mas gugustuhin ko pa ang isang bayang pinamahalaang parang impiyerno ng mga Pilipino, kaysa sa isang bayang pinamahalaang parang langit ng mga Amerikano, sapagkat gaano man kasama ang isang pamahalaang Pilipino ay magagawa nating baguhin.” Noong 1931, ang Misyong OsRox na pinamunuan nina Sergio Osmena at Manuel Roxas ay tumungo ng Estados Unidos upang isulong ang hangaring kasarinlan. Iniuwi nila ang Batas Hare-Hawes-Cutting, na mariin namang tinutulan ni Quezon sa dahilang naglalaman ito ng kondisyong mananatili pa rin sa Pilipinas ang mga base militar ng Amerika matapos maipahayag ang kasarinlan. Bagamat ang Batas Hare-Hawes-Cutting ay naaprubahan na ng Kongreso ng Estados Unidos, ito ay ibinasura naman ng Lehislatura ng Pilipinas noong Oktubre 1933. Pagdating ng Nobyembre 1933, tumulak na si

Page 4: phil presidents

Quezon patungong Washington. Iniuwi niya noong 1934 ang Batas Tydings-McDuffie, na hindi na naglalaman ng kondisyon ukol sa mga base militar ng mga Amerikano, at ito ay inaprubahan ng Lehislatura ng Pilipinas. Noong ika-30 ng Hulyo, 1934, pormal na sinimulan ang Constitutional Convention, at noong ika-14 ng Mayo 1935, pinagtibay na ang Saligang Batas ng 1935.

Pagka-PanguloSi Quezon ay tumakbo sa unang halalan sa pagka-Pangulo ng Pilipinas noong Nobyembre 1935 at nanalo siya laban kay Emilio Aguinaldo (dating Pangulo ng Rebolusyunaryong Republica Filipina, na dati ay pinagsilbihan niya bilang aide-de-camp), at Gregorio Aglipay.

Mga natatanging kaganapan sa kanyang pagka-PanguloSa kanyang unang termino bilang Pangulo, si Quezon ay nakipagtulungan kay High Commissioner Paul V. McNutt ng Estados Unidos upang mapadali ang pagpasok sa Pilipinas ng mga Hudyong tumatakas sa mga rehimeng pasista sa Europa.[4] Isinulong din ni Quezon ang isang proyekto upang makapanirahan sa Mindanao ang mga takas na Hudyo. Mula 1901 hanggang 1935, bagamat isang Pilipino ang palaging nahihirang bilang Punong Mahistrado, mga Amerikano ang karamihan sa mga miyembro ng Mataas na Hukuman (Supreme Court). Ang ganap na Pilipinisasyon ng Hukuman ay nakamtan lamang nang itatag ang Commonwealth ng Pilipinas noong 1935, nang si Quezon, bilang Presidente, ay mabigyan ng kapangyarihan upang maghirang ng kauna-unahang Mataas na Hukuman na ang lahat ng miyembro ay Pilipino. Kabilang sa mga unang itinalaga ni Quezon upang pumalit sa mga Amerikanong mahistrado ay sina Claro M. Recto at Jose P. Laurel. Ang bilang ng miyembro ng Hukuman ay dinagdagan at ginawang labing-isa: isang Punong Mahistrado at sampung Katulong na Mahistrado, na umupo ng en banc o di kaya sa dalawang Sangay na may tiglilimang miyembro. Noong 1935, ang dating Chief of Staff ng Estados Unidos na si Heneral Douglas MacArthur, na matagal nang kakilala ni Quezon, ay bumalik sa Pilipinas bilang tagapayo ng Commonwealth tungkol sa sandatahan. Naatasan si MacArthur upang bumalangkas ng isang national defense plan at upang itatag at sanayin ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Nang magretiro si MacArthur sa Sandatahan ng Estados Unidos noong 1937, kaagad na inalok siya ni Quezon ng isang posisyon bilang Field Marshal. Noong 1936, inilabas ni Quezon ang E.O. No. 23, na naglalaman ng technical description at detalyadong espisipikasyon ng watawat ng Pilipinas. Pagdating ng Enero 1937, itinayo ni Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa, na naglalayong lumikha ng isang pangkalahatang pambansang wika para sa mga Pilipino. Noong Nobyembre 1937, inirekomenda ng Surian na gawing pambansang wika ang Tagalog, kung kaya noong ika-30 ng Disyembre 1939 ay idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng Pilipinas.

Noong Hunyo 1940 naman, iniutos niyang ituro ang pambansang wika bilang isa sa mga asignatura sa mga paaralan. Masigasig na isinusulong ni Quezon ang panlipunang katarungan o social justice, kung kaya minsan ay kanyang winika: “Ang panlipunang katarungan ay higit na mas makatutulong kapag ang ginamit na batayan ay ang damdamin at pang-unawa at hindi ang batas.” Noong 1937, nilagdaan ni Quezon ang kauna-unahang batas para sa minimum wage sa Pilipinas. Noong taon ding iyon, unang bumoto ang kababaihang Pilipino sa isang plebisito tungkol sa karapatan ng mga babaeng bumoto o ang tinatawag na women’s suffrage. Noong ika-12 ng Oktubre, 1939 naman, nilagdaan ni Quezon ang Batas Commonwealth 502, na lumikha ng isang lungsod sa Diliman, na nasa dakong labas ng Manila. Ang lungsod na kanyang itinatag at pinagyaman upang maging kabisera ng bansa, kalaunan ay ipinangalan sa kanya – ang Lungsod ng Quezon. Ang orihinal na termino ni Quezon na anim na taon bilang Pangulo ay pinahaba sa pamamagitan ng pag-amiyenda ng Saligang Batas, kung kaya’t nagsilbi pa siya ng karagdagang dalawang taon bago siya nahalal muli bilang Pangulo noong Nobyembre 1941.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang Pamahalaang DesteradoNoong ika-8 ng Disyembre, 1941, bago pa lamang naihalal si Quezon sa kanyang ikalawang termino bilang Pangulo nang inatake ng bansang Hapon ang Pearl Harbor sa Hawaii. Kasunod ay ang pag-atake sa iba’t ibang mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Nang salakayin ng mga Hapones ang Pilipinas, lumikas si Quezon sa Corregidor, kung saan siya muling nanumpa bilang Pangulo noong ika-30 ng Disyembre, 1941, sa harap ng Malinta Tunnel. Nang sumunod na buwan, napilitan si Quezon na lumikas ng Corregidor papuntang Visayas lulan ng isang submarino, at mula doon ay sa papuntang Mindanao. Alinsunod sa imbitasyon ng gobyerno ng Estados Unidos, siya ay inilikas papuntang Australia at kalaunan sa Estados Unidos, kung saan niya itinayo ang pamahalaang desterado (government in exile) ng Commonwealth ng Pilipinas, na ang punong-tanggapan ay nasa Washington, D.C. Doon ay nagsilbi siya bilang miyembro ng Pacific War Council at isinulat niya ang sariling talambuhay, ang “The Good Fight” o “Ang Mabuting Pakikipaglaban”, na inilathala noong 1946. Ika-14 ng Hunyo 1942, sa White House sa Washington D.C., nang lagdaan ni Quezon ang United Nations Declaration sa ngalan ng Pilipinas. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang watawat ng Pilipinas ay itinaas kasama ang watawat ng ibang mga bansa, at bagamat isa lamang Commonwealth ay kinilala na ng ibang bansa sa pag-asang makakamtan din nito ang ganap na kasarinlan.

Kamatayan

Page 5: phil presidents

Namatay si Quezon sa sakit na tuberculosis noong ika-1 ng Agosto 1944 sa Saranac Lake, New York. Una siyang inilibing sa Maine Memorial sa Arlington National Cemetery sa Washington D.C., pagkatapos ay hinukay muli ang kanyang mga labi at isinakay sa USS Princeton[5], at muling inilibing sa Manila North Cemetery noong ika-1 ng Agosto 1946. Kalaunan, ito ay inilipat sa Manuel Quezon Memorial Shrine, sa loob ng bantayog sa Quezon Memorial Circle sa Lungsod Quezon, noong ika-19 ng Agosto 1979, araw na sana’y kanyang naging ika-102 kaarawan. Nakaukit sa kanyang huling himlayan ang mga katagang: "Statesman and Patriot, | Lover of Freedom, | Advocate of Social Justice, | Beloved of his People." (Mahusay na tagapamahala at bayani,| Mapagmahal sa kalayaan,| Tagataguyod ng panlipunang katarungan,| Minamahal ng kanyang bayan.) Noong ika-23 ng Setyembre 1955, idineklara ni Pangulong Ramon Magsaysay ang ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto kada taon bilang Linggo ng Wika. Ang selebrasyon nito ay palaging nagtatapos sa kaarawan ni Quezon, ang taong unang nagsulong ng paglikha ng isang pambansang wika. Noong ika-15 ng Enero 1997, idineklara naman ni Pangulong Fidel V. Ramos ang buong buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wika. Ika-28 ng Abril 2005 nang iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ang mga labi ng dating Unang Ginang Aurora Aragon Quezon, na tinambangan at pinatay sa daan patungong Bongabon sa Nueva Ecija noong ika-28 ng Abril 1949, ay hukayin sa dati nitong pinaglibingan at ilibing muli sa Quezon Memorial katabi ng mga labi ng kanyang asawang si Pangulong Manuel L. Quezon.

Si José Paciano Laurel y García (Marso 9, 1891 - Nobyembre 6, 1959) ay pangulo ng Republika ng Pilipinas sa ilalim ng mga Hapon mula 1943 hanggang 1945. Isinilang si Laurel sa Tanauan, Batangas noong Marso 9, 1891 anak nina Sotero Laurel at Jacoba Garcia. Nagtapos siya ng abogasya sa U.P. noong 1915. Hinirang na Kalihim Panloob ni Gob. Hen. Wood noong 1923 at naging Associate Justice noong 1935. Nanungkulan siya bilang Pangulo ng Kataas-taasang Hukuman nang sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig at itinalaga siyang Kalihim ng Katarungan ni Quezon bago lumisan. Pinili si Laurel ng mga Hapon upang magsilbing pangulo ng Ikalawang Republika ng Pilipinas. Pinangalagaan niya ang kapakanan ng bansa sa gitna ng mga kalupitan ng mga Hapon. Ibinilanggo siya bilang "collaborator" pagkaraan ng digmaan ngunit pinalaya ni Pangulong Roxas noong 1948. Noong Nobyembre 6, 1959, namatay si Laurel sa grabeng atake sa puso at istrok.

Page 6: phil presidents

Si Manuel Acuña Roxas (Enero 1, 1892 - Abril 15, 1948) ay isang pulitiko sa Pilipinas. Siya ay nagsilbi bilang Pangulo ng Pilipinas mula Mayo 1946 hanggang sa kanyang kamatayan noong Abril 1948.Isinilang si Roxas noong Enero 1, 1892 sa lungsod na ipinangalan sa kanya nang siya ay mamatay, ang Lungsod ng Roxas sa lalawigan ng Capiz. Sina Gerardo Roxas at Rosario Acuna ang kanyang mga magulang. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines)noong 1912 at naging topnatcher sa Bar. Nag-umpisa siya sa pulitika bilang piskal panlalawigan. Nagsilbi sa iba-ibang kapasidad sa ilalim ng Pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Noong 1921, naihalal siya sa House of Representatives at sa sumunod na taon ay naging speaker. Pagkatapos maitatag ang Komonwelt ng Pilipinas (1935), naging kasapi si Roxas sa National Assembly, nagsilbi (1938-1941) bilang Kalihim ng Pananalapi sa gabinete ni Pangulong Manuel Quezon, at naihalal (1941) sa Senado ng Pilipinas. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binihag siya (1942) ng pwersa ng mananakop na Hapon. Ngunit sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nanilbihan siya sa ilalim ng Republika ng Pilipinas na itinaguyod ng mga Hapon. Sa panahon din ito, siya ang nagsilbing intelligence agent para sa mga gerilya. Hinuli ng mga bumalik na pwersang Amerikano si Roxas sa paghihinalang pakikipagtulungan sa mga Hapon. Pagkatapos ng digmaan, pinawalang-sala siya ni Heneral Douglas MacArthur kasama kay pangulong Sergio Osmena kasama ng mga Pilipinong heneral na galing sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas na sina heneral Basilio J. Valdes at si heneral Carlos P. Romulo at ibinalik ang kanyang nombramyento bilang opisyal ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos. Ito ang nagbigay-buhay sa kanyang buhay politika, at sa suporta ni MacArthur, nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 laban kay Sergio Osmeña. Bilang pangulo, pinawalang-sala niya ang mga nakipagtulungan sa mga Hapon. Noong Abril 15, 1948, inatake bigla si Roxas sa puso at siya ay namatay, habang nagbibigay ng kanyang talumpati sa dating base militar ng Estados Unidos sa Clark Air Base wala na ito sa kasalukuyan. Siya ay sinundan ni Pangulong Elpidio Quirino.

Si Elpidio Rivera Quirino (Nobyembre 16, 1890—Pebrero 29, 1956) ay isang pulitiko at ang ikaanim na pangulo ng Pilipinas. Nagsilbi siya mula Abril 17, 1948 hanggang Disyembre 30, 1953.Isinilang si Quirino sa Vigan, Ilocos Sur Noong Nobyembre 16, 1890 kina Mariano Quirino at Gregoria Rivera. Nagtapos siya ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas (University of the Philippines) noong 1915.Nahalal sa Kongreso noong 1919. Hiniram na Kalihim ng Pananalapi ni Gob. Hen. Murphy noong 1934 at naging kasapi ng "Constitutional Convention". Naging pangalawang pangulo siya ni Manuel Roxas noong 1946. At nanumpa bilang Pangulo pagkaraang mamatay si Roxas noong Abril 17, 1948. Kinaharap ng administrasyong Quirino ang isang malubhang banta ng kilusang komunistang Hukbalahap. Pinasimulan niya ang kampanya laban sa mga Huk. Bilang Pangulo, muli niyang itinayo ang ekonomiya ng bansa, pinaunlad niya ang pagsasaka, at mga industriya.Tinalo ni Ramon Magsaysay sa kanyang ikawalang pagtakbo bilang pangulo. Namatay siya sa atake sa puso noong Pebrero 29, 1956 sa gulang na 66.Siya ang unang Ilokanong pangulo.

Page 7: phil presidents

Si Ramon del Fierro Magsaysay o Ramón "Monching" Magsaysay[1] (Agosto 31, 1907 – Marso 17, 1957) ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas mula Disyembre 30, 1953 hanggang sa kanyang kamatayan. Si Magsaysay ay isinilang sa Iba, Zambales noong Agosto 31, 1907 kina Exequiel Magsaysay at Perfecta del Fierro. Nag-aral sa Pamantasan ng Pilipinas at Jose Rizal College.

Naglingkod siya bilang tagapamahala ng Try-Tran Motors bago magkadigma. Nang bumagsak ang Bataan inorganisa niya ang "Pwersang Gerilya sa Kanlurang Luzon" at Pinalaya ng pwersang Amerikano at Pilipino ang Zambales noong Enero 26, 1945. Noong 1950, bilang kalihim ng Pagtatanggol kaniyang binuwag ang pamunuan ng mga Hukbalahap. Pinigil niya ang panganib na lilikhain ng pulahang Komunista at naging napakatanyag sa mamamayan. Noong eleksyon ng 1953, tinalo niya si Quirino at naging ikatlong pangulo ng republika.

Ang kanyang pangalawang pangulo ay si Carlos P. Garcia. Iniligtas ni Pangulong Magsaysay ang demokrasya sa Pilipinas. Ito ang kanyang pinaka-mahalagang nagawa. Pinigil niya ang paghihimagsik ng Huk o ng komunista. Si Luis Taruc, Supremo ng Huk o ang pinakamataas na lider ng komunista, ay sumuko sa kanya. Kaya si Magsaysay ay tinawag na "Tagapagligtas ng Demokrasya". Siya ang pinakamamahal na Pangulo ng Pilipinas dahil ibinalik niya ang tiwala ng pamahalaan. Subalit nagwakas ito ng mamatay siya dahil sa isang pagbagsak ng eroplano sa isang bundok sa Manunggal, Cebu noong Marso 17, 1957.

Si Carlos Polistico Garcia (Nobyembre 4, 1896 - Hunyo 14, 1971) ay isang Pilipinong makata at pulitiko. Naging pangalawang pangulo at miyembro ng gabinete ni Ramon Magsaysay si Garcia. Nanumpa siya bilang pangulo nang mamatay si Magsaysay. Kilala si Garcia kanyang pagpapatupad ng Filipino First Policy.

Talambuhay [baguhin]Carlos Polistico Doi Garcia (1896-1971), presidente ng Republika ng Pilipinas noong 1957 hanggang 1961. Isinilang si Garcia noong Nobyembre 4, 1896 sa Lungsod ng Talibon, Bohol sa Kapuluan ng Kabisayaan sa Kalagitnaang Pilipinas. ang kaniyang mga magulang ay sina Policronio Garcia at Ambrosia Polistico. Nag-aral siya sa Silliman University at Silliman Institute, sa lungsod ng Dumaguete, at kinalaunan nagtapos din siya ng abogasya sa Philippine Law School noong 1922 sa Maynila. Naging abogado at guro, pinasok niya ang politika noong 1926 bilang mambabatas na kaanib sa Kapulungan ng mga Kinatawan (Philippine House of Representatives) at naglingkod hanggang 1932. Si Garcia ay naging gobernador ng Bohol, isang probinsiya sa Katimugang Pilipinas, mula 1932 hanggang 1942, at naging miyembro ng Senado mula 1942 hanggang 1953. Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig (1939-1945), lumaban siya sa pananakop ng mga Hapon bilang miyembro ng mga gerilya na nakabase sa Bohol, at ang tinulungan ng mga tropang Pilipino at Amerikano sa Bohol. Noong 1946 ay naging puno siya ng minoriya sa Senado.Noong 1953 si Garcia ay nanombrahan bilang bise presidente na kabilang sa Tiket Nasyonalista na pinangunguluhan ni Ramon Magsaysay, isang politikong Pilipino na bumuo at namuno sa isang pwersang guerilla na lumaban sa pananakop ng mga Hapones. Nakamit nila ang mapagpasyang tagumpay, at noong 1954, si Garcia ay naging bise presidente at Kalihim ng Suliraning Panlabas.Noong Marso 1957 si Garcia ay naging presidente matapos pumanaw si Magsaysay sa isang aksidente sa eroplano, at nagwagi rin siya sa Halalan ng Panguluhan noong Nobyembre 1957.

Page 8: phil presidents

Habang nasa kapangyarihan, ang Pamahalaan ni Garcia ay nakipag-usap sa mga pinuno ng Bansang Amerika upang mailipat sa kontrol ng Pilipinas ang mga hindi na ginagamit na Base Militar ng Amerika. Sa kalaunan ay naging labis ang pagiging maka-Pilipino ni Garcia at ang pagsira sa kanya ay pinasimulan sa mga pahayagan, sa himpapawid sa tulong ng CIA samantalang pinaboran naman ng mga Amerikano si Diosdado Macapagal upang manalo sa Halalan noong 1961.Bukod sa kanyang mga nagawa bilang makabansang pulitiko, si Garcia ay kilala rin na makata sa kanyang diyalektong Bisaya. Namatay siya sa atake sa puso noong Hunyo 14, 1971 sa edad na 75.

Si Diosdado Pangan Macapagal (Setyembre 28, 1910 - Abril 21, 1997) ang ikasiyam na pangulo ng Pilipinas (Disyembre 30, 1961 - Disyembre 30, 1965). Ama siya ni Gloria Macapagal-Arroyo na naging pangulo rin.

Talambuhay [baguhin]Tinagurian si Diosdado Macapagal bilang "Batang Mahirap mula sa Lubao" dahil anak siya ng isang mahirap na magsasaka. Isinilang siya sa San Nicolas, Lubao, Pampanga noong Setyembre 28, 1910 kina Urbano Macapagal at Romana Pangan. Tumira siya sa isang tahanan at pumailalim sa pangangalaga ni Don Honorio Ventura hanggang magtapos ng pagka-Doktor sa mga Batas mula sa Pamantasan ng Santo Tomas noong 1936 at pumasok sa pulitika. Bayaw siya ni Rogelio de la Rosa, embahador ng Pilipinas sa Cambo at siya ay presidentel .

Sariling buhay [baguhin]Naging unang asawa niya si Purita de la Rosa. Nang sumakabilang buhay ito, naging pangalawang asawa niya si Evangeline Macaraeg. Anak niya si Gloria Macapagal-Arroyo, ang kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas, at sina Maria Cielo Macapagal Salgado, Arturo Macapagal Arroyo, at Diosdado Macapagal Arroyo, Jr.

Edukasyon [baguhin]Nagtapos siya ng elementarya mula sa Mababang Paaralan ng Lubao at ng sekondarya mula sa Mataas na Paaralan ng Pampanga. Nagtapos siya ng kolehiyo mula sa Pamantasan ng Santo Tomas. Nagkamit

Page 9: phil presidents

siya ng degri sa larangan ng Abogasya. Nagkamit din siya ng pagka-Doktor ng Batas na Sibil at Doktor ng Ekonomiya.

Una siyang nagtrabaho bilang abogado para sa isang tanggapang Amerikano. Nahalal siya sa Kongreso noong 1949 at sa muli noong 1953. Siya ang may-akda ng Batas ng Kalusugang Rural (Rural Health Law) at ng Batas hinggil sa Naangkop na Mababang Sahod (Minimum Wage Law). Nanguna rin siya sa delegasyong para sa Tratado ng Mutwal na Depensa ng Estados Unidos at Republika ng Pilipinas (US-RP Mutual Defense Treaty). Nahalal siya bilang Pangalawang Pangulo noong 1957 at naging Pangulo noong 1961. Inilunsad niya ang Kodigong Pangrepormang Panlupang Pansakahan (Agricultural Land Reform Code) at nilinis ang katiwalian sa pamahalaan. Limang taon siyang nagkaroon ng kaugnayan sa Programang Sosyo-Ekonomiko para sa pagkontrol ng pangangalakal sa ibang bansa. Kilala rin siya sa pagkakaroon ng nasyonalisasyon ng pagtitingi (retail) at dahil sa Panukalang Batas na Pangrepormang Panglupa. Bilang dagdag, kabilang din sa kaniyang mga nagawa ang pagpapakalat ng Pambansang Wika, ang pagbabago ng petsa ng Araw ng Kalayaan mula Hulyo 4 na naging Hunyo 12, ang pag-aangkin sa Sabah (opisyal na iniharap noong Hunyo 22, 1962), at sa pagbubuo ng MAPHILINDO.Sa eleksiyon ng 1963, maraming nanalong kandidato mula sa Partidong Liberal at naging pangulo ng Senado si Ferdinand E. Marcos, isa ring Liberal katulad ni Macapagal. Subalit nagkaroon ng hidwaan sina Marcos at Macapagal. Humiwalay sa Partido Liberal si Marcos at ginawa siyang kandidato ng Partido Nasyonalista sa pagkapangulo sa halalan ng 1965. Tinalo ni Marcos si Macapagal sa halalang iyon.Humalili siya bilang pangulo ng Kumbensyong Konstitusyonal noong 1971.

Kamatayan [baguhin]Namatay siya dahil sa atake sa puso, pneumonia, at sakit sa bato, sa Sentrong Pangkalusugan ng Makati (Makati Medical Center) sa Lungsod ng Makati, noong Abril 21, 1997, sa edad na 86. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig, Maynila.

Si Ferdinand Emmanuel E. Marcos ay ang ika-sampung pangulo ng Republika ng Pilipinas. Nanilbihan siya bilang pangulo mula 1965 hanggang 1986. Siya ang natatanging pangulo ng Pilipinas na nagsilbi sa kanyang tanggapan ng mahigit sa dalawampung taon. Dalawang beses siyang tumakbo at nagwagi bilang pangulo ng bansa bago ang pagdedeklara ng Batas Militar noong 1972. Muli siyang nagwagi sa eleksyon ng pagkapangulo noong 1981 at sa 1986 Snap Presidential Elections, ngunit ang malawakang protesta na kilala sa tawag na "1986 People Power Revolution" ang puwersang humila sa kanya na bumaba sa pwesto noong 1986.

Pinag-UgatanSi Ferdinand Emmanuel Edralin Marcos ay ipinanganak sa Sarrat, sa lalawigan ng Ilocos Norte sa hilagang-kanlurang bahagi ng Luzon. Siya ay panganay na anak nina Mariano Marcos, isang pulitiko, at Josefa Edralin, isang guro. Noong 1935 na halalan, ang katunggali ng kaniyang ama sa pulitika na si Julio Nalundasan ay pinatay makaraang manalo bilang kinatawan ng Ilocos Norte. Inaaresto siya noong 1938 kaugnay sa pagkakasangkot sa pagpatay, ngunit matagumpay niyang naipetisyon sa Korte Suprema ang kaniyang pansamantalang paglaya upang matapos ang kaniyang pag-aaral. Noong 1939 ay nagtapos siya ng Abugasya sa Unibersidad ng Pilipinas at nakapasa sa Bar Exam na may mataas na grado. Bago matapos ang taong iyon, siya ay napatunayang nagkasala at sinintensiyahang makulong ng hanggang 10 taon. Habang nasa kulungan ay sumulat siya ng apela, at noong 1940 ay hinawakan niya ang sariling kaso sa harap ng huwes na si Jose P. Laurel, na siyang nagpawalang sala sa kaniya. Nagsilbi si Marcos sa Sandatahang Lakas ng Filipinas noong panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinanindigan ni Marcos na siya ang namuno sa mga gerilya laban sa pananakop ng Hapones sa Pilipinas, paninindigang kaniyang pinanghawakan sa kanyang buong karera sa pulitika.

Page 10: phil presidents

Karera sa PulitikaPagkatapos ng himagsikan, nakamit ng Pilipinas ang ganap na kalayaan mula sa Estados Unidos. Mula noong 1946 hanggang 1947, nagsilbi si Marcos bilang katulong sa bagong pangulo nangg nagsasariling republika na si Manuel Roxas. Humiwalay si Roxas sa Partido Nasyonal, na noon ay nangungunang partido upang buuin ang Partido Liberal. Tumakbo si Marcos bilang kandidato ng Partidong Liberal at nagwagi bilang kinatawan ng Ilocos Norte noong 1949. Nakatatlong termino siya bilang mambabatas, samantalang pinakasalan niya si Imelda Romualdez na dating nagwagi sa timpalak pangkagandahan mula sa Leyte. Nagwagi si Marcos bilang senador noong 1959. Nagsilbi siyang pangulo ng senado mula noong 1963 hanggang 1965. Lumipat siya ng ibang partido upang makalahok sa pambansang halalan bilang katunggali ng dating pangulong Diosdado Macapagal, ang ama ng kasalukuyang pangulong si Gloria Macapagal Arroyo. Ipinakilala niya ang kanyang sarili na may kakayahang pumutol sa katiwalian at sa hindi maayos na pamumumuno ng pamahalaan. Nakuha niya ang suporta ng pangulo ng Estados Unidos na si Lyndon B. Johnson at ng kumunidad ng mga dayuhang negosyante. Madaling napagwagian ni Marcos ang halalan at siya ay pinasinayahan noong 30 Disyembre, 1965.

Bilang PanguloMula sa simula nang panunungkulan ni Marcos bilang pangulo, tumindi ang pagkakasangkot ng Estados Unidos sa digmaan sa Vietnam. Naglagay ng dalawang base ng militar ang Estados Unidos sa Pilipinas. Ang mga ito ay ang Clark Air Base at Subic Bay Naval Base. Ang digmaan na ito ang nagpasok ng bilyun-bilyong dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Maraming proyekto ang pinondohan ng mga dayuhang nagpapautang, na naging malaking tulong sa pag-unlad ng ekonomiya. Nakadagdag pa ang paglulunsad ni Imelda Marcos ng serye ng mga prestihiyosong proyekto sa Maynila, kasama na ang pagtatayo ng mga gusali ng museo at magagarang otel. Noong 1969, makaraang mangampanya gamit ang islogan na "Bigas at Daan," muling nanalong pangulo si Marcos na nakakuha ng 74 porsiyentong boto. Siya ang kauna-unahang pangulo na nanalo sa ikalawang termino, na pinahihintulutan ng konstitusyon. Maging ang mga nanalong senador at kinatawan ay nanggaling sa Partido Nasyonal, na kaniya ring partido. Habang si Marcos ay nasa kaniyang ikalawang termino, humarap siya sa maraming suliranin. Maraming mga mag-aaral sa unibersidad at mga Pilipino ang tutol sa patuloy na presensiya ng mga militar ng Estados Unidos at patuloy na pagsuporta sa mga polisiya ng Estados Unidos laban sa Vietnam. Ang partidong komunista sa Pilipinas ay lalong naging aktibo at naglunsad ng malawakang kaguluhan sa maralitang taga-nayon at taga-lunsod. Sa katimugang bahagi naman ng Pilipinas, ang kilusan ng mga Muslim ay dumadagsa na rin. Habang papalapit na ang pagtatapos ng ikalawang

termino ni Marcos ay lumalaki ang posibilidad na hindi mabubuwag ang kontistusyong hanggang dalawang termino lamang maaring manungkulan ang pangulo ng Pilipinas at mahaharap siya sa posibilidad na kaniyang lilisanin ang puwesto pagkatapos ng 1973.

Marcos Bilang DiktadorAng Kumbensyong Pangkonstitusyon ay hindi naisakatuparan, dahil umano sa palapit na kaguluhan. Idineklara ni Marcos ang batas militar noong 1972 at sinuspinde ang konstitusyong 1935, o pagtanggal sa kongreso at pagkuha sa lahat ng kapangyarihan. Sinupil ni Marcos ang mga pulitikong tumutol sa kaniya. Inaresto ang pulitikong pinuno na si Benigno Aquino Jr.. Winakasan ang kalayaan ng mga mamamahayag. Ang bagong konstitusyon ay pormal na ipinahayag ni Marcos noong Enero 1973 na nagbigay ng lubos na kapangyarihan sa pangulo at pagpapaliban ng mga halalan. Si Marcos ay nangasiwa sa bisa ng dekreto at ikinubli ang kaniyang diktaduryang kapangyarihan sa retotrika ng batas. Sinabi ni Marcos na ang batas militar ang panimula sa paglikha ng bagong lipunan at kailangang isakripisyo ang sarili para sa kapakanan ng bansa. Ngunit si Marcos kasama ang kaniyang asawa at kanilang malalapit na katuwang ay gumanti ng puro katiwalian sa gitna ng paghihirap ng mga mamamayan Pilipino. Kinurakot nila diumano ang kaban ng yaman ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga malalapit na kaibigan na siyang kumontrol sa mga monopolyo sa industriya, komunikasyon, at bangko. Nagkamal ng limpak- limpak na salapi ang pamilyang Marcos at ang iba pang pera ay nakatago sa mga bangko sa ibang bansa. Ang kanilang marangyang pamumuhay ay malaki ang pagkakaiba sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino. Ang kakayahan ni Marcos na maging matatag ang nag-udyok sa kaniya na bawiin ang ilan sa mga malupit na patakaran na sumasakal sa pagtutol at sa kalayaang magpahayag. Noong 1980, pinayagan ni Marcos si Ninoy Aquino, pinuno ng partidong Liberal, upang lumayo at magtago sa Estados Unidos. Pinayagan din niya ang Radyo Veritas, isang istasyon ng radyo na pinatatakbo ng mga Katoliko, upang magsahimpapawid ng mga batikos laban sa kaniyang rehimen. Ang Herarkiya ng Katoliko, na pinamumunuan ni Jaime L. Sin, Arsobispo ng Maynila ay hindi natatakot sabihing tutol siya kay Marcos. Sa Pilipinas, kung saan karamihan sa populasyon ay Katoliko, ang simbahan ang ginagawang patnubay hinggil sa usaping pampulitika. Noong 1981, opisyal na binawi ni Marcos ang batas militar, ngunit nanatili pa rin ang kanyang emergency power upang magamit para sa pekeng halalang pampangulo. Kagaya nang inaasahan, si Marcos ay nanalo ng isa pang termino. Sa kabilang banda ang kaniyang kalusugan ay nagsimulang humina. Nagkaroon siya ng lupus erythematosus, na siyang naging dahilang upang hindi na gumana ang kanyang mga bato. Noong 1983, nagdesisyon si Aquino na bumalik na sa Pilipinas, kahit na alam niyang siya ay aarestuhin. Si Aquino ay binaril sa likod ng kaniyang ulo, at namatay ilang minuto lamang makaraang dumating sa Manila International Airport (Ninoy Aquino International Airport ngayon}. Sinabi ng

Page 11: phil presidents

pamahalaan na ang pagkakapatay kay Aquino ay gawa ng upahang mamamaril, na napatay ng pulisya sa paliparan. Isang espesyal na komisyon ang nag-imbestiga at nagsabing resulta nang sabwatan ng militar ang pagkakapatay, ngunit noong 1985 ay pinawalang sala ang mga opisyal na kinasuhan nang pagpatay. Noong 1990, 16 opisyal ng militar ang nahatulang nagkasala sa pagkakapatay kay Aquino, ngunit ang utak ng krimen ay hindi na natukoy pa. Ang pagkamatay ni Aquino ang naging malaking puwersa sa pagbagbsak ni Marcos. Inilarawan ni Corazon Aquino, biyuda ni Aquino, si Marcos bilang isang brutal na diktador. Upang makuha muli ang puwesto at magpatuloy ang suporta ng Estados Unidos sa kaniyang rehimen, inihayag ni Marcos ang pagkakaroon ng biglaang halalan pampangulo na ginanap noong Pebrero 1986, taon bago matapos ang kaniyang termino. Inaasahan ni Marcos ang pagkapanalo, dahil sa kaniyang makinarya at sa pagkakahati-hati ng oposisyon. Ngunit bumuo si Kardenal Sin ng alyansang oposisyon, at hinikayat si Corazon Aquino upang tumakbo sa pagkapangulo at si Salvador Laurel bilang pangalawang pangulo. Habang nagaganap ang botohan, maraming Amerikano ang nakasaksi sa mga tumatakbong iregularidad. Ang dalawang kinatawan mula sa Estados unidos at sa pamahalaan, na nagbabantay sa resulta ng halalan ay naglabas ng magkaibang resulta. Sinasabi ng parehong kinatawan na si Corazon Aquino ang nanalo ngunit ayon sa pambansang asemblea, ang parehong kinatawan ay sinasabing ang kanila ang nanalo. Ngunit kinilala ng pambansang asemblea si Marcos bilang siyang nanalo. Noon, nagpahayag ang Simbahang Katoliko na ang naganap na halalan ay isang panloloko lamang at ang tagumpay ni Marcos ay isa lamang kahungkagan.

Aklasang BayanNoong 22 Pebrero, 1986, dalawa sa matataas na opisyal ng militar ni Marcos ang nagbitiw ng suporta sa kaniya. Naglunsad ng rebelyon ang kalihim ng Tagapagtanggol na si Juan Ponce Enrile at si Fidel V. Ramos, Ikalawang Hepe de Estado Mayor at inagaw ang dalawang kampo ng militar. Ang rebelyong ito ang naging hamon kay Marcos at sa kaniyang pinsan na si Fabian Ver, Chief of Staff ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, na tapatan ito nang matinding puwersa. Sa tulong ng pananawagan ni Kardenal Jaime L. Sin sa taong bayan, nagdagsaan ang mga tao sa dalawang kampo ng militar upang harangan ang mga tangke ni Ver. Apat na araw pinalibutan ng mga tao ang mga kampo na kinalululanan ni Enrile at ng kaniyang mga kasama. Ito ay upang mapigil ang paglalaban ng puwersa ng mga rebeldeng militar at ng mga loyalista ni Marcos. Walang nagawa ang mga tropa ni Marcos sapagkat hindi nila maaaring saktan ang libu-libong mga tao. Sa kabila ng mga kaganapan ay iginigiit pa rin ni Marcos na siya ay mapasinayahan na sa simple at pribadong seremonyas noong 25 Pebrero. Noong sumunod na araw, ang pamilyang Marcos at ang mga taong malalapit sa kanila ay lumipad patungong Hawaii lulan ng sasakyang panghimpapawid ng Estados Unidos. Hinirang naman si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas na siyang nagbunsod sa kanya bilang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa.

KamatayanNanatili si Marcos sa Hawaii hanggang sa siya ay pumanaw noong 1989. Makaraang pumanaw si Marcos, si Imelda ay pinawalang sala sa kasong panglulustay ng hukuman ng Estados Unidos at nahatulang nagkasala sa kasong pangungurakot ng hukuman ng Pilipinas noong 1993 ngunit binaliktad ng korte dahil sa kaniyang apela noong 1998. Maging sa iba pang kaso, siya ay pinawalang sala rin. Noong 1993, ibinalik ang naimbalsamang bangkay ni Marcos sa bansa at inilagak sa isang glass case crypt. Ito ay makikita sa kanyang museleo sa kanyang sinilangang bayan. Gayunpaman, noong 2003, ginawaran ang pamahalaan ng 624 milyong dolyares mula sa mga perang nakalagak sa mga bangko sa Switzerland, na pag-aari ni Ferdinand Marcos. Ang perang ito ay gagamitin upang pambili ng lupa ng mga mahihirap na magsasaka. Kaagad namang umapila ang mga Marcos sa paratang.

Page 12: phil presidents

Si María Corazón Cojuangco-Aquino na lalong mas kilala sa palayaw na Cory ang ikalabing-isang Pangulo ng Pilipinas ng Republika ng Pilipinas at kauna-unahang naging babaeng pangulo ng Pilipinas (Pebrero 25, 1986–Hunyo 30, 1992). Ipinanganak siya noong Enero 25, 1933 sa Tarlac ng kanyang mga magulang na sina Jose Cojuangco Sr. at Demetria Sumulong. Kilalang may kaya ang kanilang angkan na nagmamay-ari ng malawak na lupain sa Tarlac. Nagtapos siya sa isang paaralang Katoliko na para lamang sa mga kababaihan bago pinalad na makapag-aral sa Estados Unidos at nakapagtapos nang may digri sa Wikang Pranses at Matematika sa New York's Mount Saint Vincent College. Nagbalik siya ng Pilipinas noong 1953 upang kumuha ng kursong abugasya. Doon niya nakilala ang kabiyak na si Benigno Aquino, Jr. ("Ninoy"), ang pinaslang na lider ng oposisyon noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Nailuklok siya sa pamamagitan ng isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986 at ibinalik niya ang demokrasya sa bansa.

Si Cory Bilang Asawa ni Benigno Aquino, Jr.Kilalang angkan ang Aquino sa politika. Nahalal bilang mayor si Benigno Aquino, Jr. o kilala sa tawag na Ninoy isang taon matapos ang kanilang pag-iisang dibdib. Naging pinakabata rin itong gobernador hanggang sa maging senador. Naging pangunahing kritiko ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang kanyang asawa at isa sa mga nakulong matapos maideklara ang Martial Law noong Setyembre 21, 1972. Dahil sa ilang taong pagkakakulong ng kanyang asawa ay siya ang naging tagapagsalita at katuwang nito sa pakikipag-usap sa mga aktibista at mamamahayag. Pansamantala silang nanirahan sa Boston matapos na palayain ang kanyang asawa upang sumailalim sa operasyon sa puso. Taong 1983 ng buwan ng Agosto ng mapagpasiyahang bumalik sa Pilipinas ng kanyang asawang si Benigno Aquino, Jr. upang tulungan ang mga taong hindi sang-ayon sa pamumuno ng dating

paPangulong Ferdinand E. Marcos. Sa kasamaang-palad ay ipinapatay siya matapos makalapag sa paliparan ang eroplanong kanyang sinasakyan.

Si Cory Bilang Unang Babaeng Pangulo ng PilipinasTaong 1985 ng mapili siya ng National Press Club ng Maynila upang tumakbo bilang Pangulo ng Pilipinas. Nangako siyang tatakbo sakaling makakalap ang grupo ng isang milyong lagda ng mga taong nagnanais na maging Pangulo siya. Matagumpay namang nakalap ang higit sa isang milyong lagda kung kaya't sinuportahan din siya ng anim pang partido. Napagpasiyahan niyang tumakbo hindi upang maghiganti kundi upang magkamit ng katarungan. May kalakihan ang tsansa niyang mahalal sapagkat bukod sa bago lamang siya sa pulitika ay katulad niya ang mga paniniwala at adhikain ng nasirang asawa. Sa kasamaang palad ay hindi na natuklasan pa ang kinahinatnan ng eleksyong Pampanguluhan. Matapos ang isang mapayapang rebolusyon (Unang Rebolusyon sa EDSA) noong Pebrero 25, 1986, at mapatalsik sa posisyon ang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ay nailagak siyang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas. Halos pitong pag-aaklas ang naganap upang siya'y mapatalsik ang dinanas ng kanyang liderato. Ang ilan pa sa mga ito'y pinamunuan ng mga taong nagluklok sa kanya sa pwesto. Taong 1991 nang maglabas ng kasulatang nagpapahintulot sa kanyang manatili sa pwesto hanggang Hunyo 30, 1992. Pinalitan siya ni Fidel V. Ramos bilang Pangulo noong matapos ang kanyang termino.

Si Cory at ang CARPDalawang taon matapos siyang maluklok bilang Pangulo ng Pilipinas ng Pilipinas, ipinatupad niya ang Comprehensive Agrarian Reform Act o CARP sa ilalim ng Republic Act No. 6657. Ilang kontrobersiya ang kinasangkutan nito lalo pa't kilalang haciendero ng ekta-ektaryang lupain ang kanyang pamilya. Sa ilalim ng programang ito ay mabibigyan ng lupa ang humigit kumulang sa 8.5 milyong magsasaka at manggagawa ng lupa sa loob ng sampung taon upang kumawala sila sa kahirapan at pagiging alipin. Sa kasamaang palad, ang naipangakong 24 na milyong ektaryang lupa na ipamamahagi sana ay naging 4.7 milyon na lamang. Hindi na natuloy ang maayos na pamamahagi ng lupa dahil na rin sa kakulangan sa pondo at iba pang kadahilanan. Ang ilan namang pinalad na makatanggap ng lupa ay napilitang ibenta itong muli sa iba. 3 sa 5 katao na nagkamit ng lupa ang nagbentang muli nito dahil na rin sa wala silang sapat na pondo upang mapanatili ang kanilang lupain na sana'y planong gawing lupang pang-agrikultura.

Page 13: phil presidents

PagkakasakitMarso 24, 2008 unang natuklasan ang pagkakaroon ng colon cancer ang dating pangulong Corazon Aquino. Nagsimula ang karamdaman ng dating pangulo sa paulit-ulit na pagtaas ng blood pressure nito, paglalagnat at hirap sa paghinga. Hindi nagtagal ay naiulat ang kawalang-gana nito sa pagkain, hindi gumagaling na pag-ubo at ang kapansin-pansing pagbaba ng timbang na naging sanhi ng kanyang pagkapayat. Ito ang nagbunsod sa magkakapatid na Aquino na ipailalim sa malawakang pagsusuri ang kalusugan ng kanilang ina at dito natuklasan ang pagkakaroon niya ng cancer cancer sa colon. Nakiusap ang pamilya na irespeto ang pribadong buhay ng kanilang ina at samahan sila sa pagdarasal upang gumaling ang karamdaman nito. Umabot sa mahigit na 14 na buwan ang pakikipaglaban ng pangulo sa sakit na cancer kaalinsunod ang pagpapasailalim sa Chemotherapy sessions.

Laparoscopic Colon SurgerySumailalim sa laparoscopic surgery ang dating Pangulong Corazon Aquino noong Mayo 4, 2009 sa Makati Medical City. Ang laparoscopic surgery ay isang uri ng pagtitistis na isinasagawa upang tanggalin ang mga cancer cells sa colon sa pamamagitan ng paggawa ng malilit na paghiwa sa sikmura kumpara sa malalaking paghiwa na kinakailangan para sa tradisyunal na operasyon. Ipinapasok ang laparoscope (isang napakaliit na telescope na nakakabit sa video camera) sa isa sa mga butas upang bigyan ng kalayaan ang siruhano na makita ang loob ng tiyan. Ang mga instrumento ay ipinapasok sa kabilang butas upang tanggalin ang may karamdamang bahagi ng colon. Matapos nito ay muling ilalagay o ikakabit ang malusog na bahagi o parte. Tinatayang umaabot sa dalawa hanggang tatlong oras ang naturang pamamaraan. Matapos ang naganap na sensitibong operasyon ng mga doktor na siyang tumistis sa dating pangulong Corazon Aquino, naiulat kamakailan na matagumpay na naalis ang mga cancer cells sa colon ng una matapos ang isang oras at kalahating operasyon nito sa Makati Medical Center. Ngunit siya ay namatay noong ika-5 ng Agosto 2009.

Si Fidel Valdez Ramos (ipinanganak Marso 18, 1928) ang ikawalong pangulo ng ikatlong Republika ng Pilipinas (Hunyo 30, 1992 - Hunyo 30, 1998). Isinilang siya noong Marso 18, 1928 sa Lingayen, Pangasinan. Panganay siya sa tatlong anak nina Narciso Ramos at Angela Valdez. Nagtapos siya sa United States Military Academy sa West Point noong 1950. Kumuha rin siya ng masteral ng civil engineering sa University of Illinois, Msters in Business Administration sa Pamantasang Ateneo de Manila, at nanguna sa klase niya sa Infantry training at kursong Special Forces/Pay Operations/Airborne sa Fort Benning, Georgia. Bumalik siya sa Pilipinas noong 1951 at naging heavy weapon platoon leader ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas. Ipinadala rin siya sa mga digmaan ng Korea at Vietnam. Naging tanyag siya sa pamumuno sa isang pulutong ng mga sundalong tumalo sa pwersang komunista ng mga Tsino sa Labanan sa Burol ng Eerie. Inatasan siyang maging pinuno ng Philippine Constabulary noong 1972, hepe ng Integral National Police noong 1975, at pangalawang pinuno ng Sandatahang Lakas noong 1981. Noong 1983, pansamantala niyang pinalitan si Fabian Ver, pinuno noon ng Sandatahang Lakas, nang ito ay masangkot sa pagkakapaslang sa lider-opososyon si Benigno S. Aquino Jr. Noong 1986, tinangkaang agawin ni Ferdinand Marcos ang pagkapanalo ni Corazon Aquino, balo ni Benigno Aquino, sa halalang pangpanguluhan. Nakiisa si Ramos kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng Tanggulang Pambansa, sa pagkubkobsa mga himpilan ng sandatahang lakas. Ang sumunod dito ay tinaguriang People Power Revolution na nagtulak kay Marcos na lumikas patungong Estados Unidos. Naluklok si Aquino sa pagkapangulo. Ginawang ni Aquino na hepe ng sandatahang lakas si Ramos. Pagkaran ng dalawang taon, si Ramos ay naging kalihim na Tanggulang Pambansa. Noong 1992, tumakbo siya at nanalong pangulo ng bansa. Bilang pangulo, naging priyoridad niya ang pagsasaayos sa estruktura ng pamahalaan, na nagbigay ng karagdagang kapangyarihan sa pamahalaang lokal. Hinikayat niya ang dayuhang pamumuhunan, lalo na sa turismo, na naging bahagi ng kanyang programa para sa kaunlaran. Si Fidel V. Ramos ay kasal kay Amelita Martinez at mayroon silang limang anak na babae.

Page 14: phil presidents

Si Jose Marcelo Ejercito (ipinanganak Abril 19, 1937), na mas kilala bilang Joseph Ejercito Estrada, o Erap[1], ang ikasiyam na pangulo ng Republika ng Pilipinas o ika-13 simula noong Unang Republika. Ipinanganak siya sa Tondo, Maynila. Anak siya nina Emilio Ejercito, Sr., na isang inhinyero, at ni Maria Marcelo.

Pamilya José Ejército Marcelo ay ipinanganak sa Tondo, ang isa sa mga mahihirap na bahagi ng Manila. Siya ay ang anak ni Emilio Ejército, Sr (1898-1977), isang maliit na sweldong pamahalaan kontratista, at María Marcelo (1905-2009), isang maybahay. Siya ang ikawalo sa sampung magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Antonio Ejercito (1932-2005), Emilio Ejercito, Jr (George Estregan) (1939-1988), Dr. Pilarica Ejercito, abogado Paulino Ejercito, Petrocinia E. de Guzman, Marita , at Jesse Ejercito.Asawa niya (ang dating Doktor at unang ginang ng bansa na naporma-senador) na si Luisa Pimentel at nagkaroon ng tatlong anak: Jose Ejercito, Jr. (mas mahusay na kilala bilang "Jinggoy Estrada"; dating Alkalde ng San Juan naporma senador / kasal kay Precy Vitug), Jackie Ejercito (kasal kay Beaver Lopez), at Jude Ejercito (kasal kay Weng Ocampo). Joseph Estrada matugunan ang kanyang asawa Loisa Pimentel habang nagtatrabaho bilang isang katulong sa National Center for Mental Health (NMCH) sa Mandaluyong City.Siya rin ay may mga anak mula sa apat na sa labas ng matrimonyo relasyon, kasama Joseph Victor "JV" Ejercito (mula sa mga taong tanyag sa lipunan Guia Gómez) na gunawa rin ng pangalan para sa kanyang sarili sa pulitika sa para sumusunod sa mga yapak ng kanyang ama bilang kasalukuyang alkalde ng San Juan City . Pagsanjan, Laguna Mayor Emilio Ramon P. Ejercito III, na kilala sa Philippine Showbiz na si George Estregan, Jr, o ay Ejercito, ay ang kanyang pamangking lalaki.Sa panahon ng 2000 pagtataluwalagsa pamamaraan, nagkaroon si Estrada ng maraming panlabas ng relasyon at mga anak.

Bilang isang aktor at direktor Huminto sa pag-aaral si Estrada sa kolehiyo upang pumasok sa larangan ng pelikulang Pilipino sa edad na 21. Nakagawa siya ng mga humigit kumulang na 120 pelikula, karamihan sa mga ito ay nauuri na action-comedy kung saan siya ang bida na ginaganapan ang mga papel ng mga taong mahirap o mga mababang antas ng lipunan. Napagwagian niya ang ilan sa pinakamataas na Gantimpala at Gawad sa Pag-arte at pagiging Direktor ng Pelikula.

Bilang pulitiko Pinasok ni Estrada ang larangan ng pulitika noong 1967 nang mahalal siya bilang Alkalde ng San Juan, Kalakhang Maynila. Noong 1971, pinarangalan siya bilang "Outstanding Mayor and Foremost Nationalist" ng Inter-Provincial Information Service at ng sumunod na taon bilang "Most Outstanding Metro Manila Mayor" ng Philippines Princetone Poll.Kabilang siya sa mga alkalde na sapilitang inalis nang humalili si Corazon C. Aquino bilang pangulo ng Pilipinas pagkaraang napatalsik Ferdinand E. Marcos sa pwesto noong Pebrero 25, 1986 sa pamamagitan ng People Power Revolution.Tumakbo si Estrada sa ilalim ng partidong Grand Alliance for Democracy at matagumpay na nahalal sa Senado ng Pilipinas (Ika-walong Kongreso). Nahirang siya bilang Chairman of the committees on Cultural, Rural Development, and Public Works. Siya rin ay naging Vice Chairman of the Committees on Health, Natural Resources and Urban Planning. Kabilang sa mga panukalang batas na isinulong nya ay yaong ukol sa agrikultura, mga proyektong irigasyon sa pagsasaka at pagpapalawig at pag-protekta sa kalabaw. Noong 1989, tinanghal siya ng Philippine Free Press bilang isa sa “Three Outstanding Senators of the Year”. Isa si Estrada sa mga senador na tumangging sang-ayunan ang bagong tratado ng US Military Bases na papalit sana sa 1947 Military Bases Agreement na nakatakdang magwakas noong 1992.Nakatulong nang malaki sa pagkakapanalo niya bilang Bise Pangulo ang kaniyang popularidad bilang aktor noong halalan ng Panguluhan at Pangalawang Panguluhan noong 1992, bagama't siya ay tumatakbo sa hiwalay na tiket ng noon ay nanalong Pangulo, Fidel Ramos. Bilang Pangalawang Pangulo, pinamahalaan ni Estrada ang Komisyon Laban sa Krimen (Presidential Anti Crime Commission) mula 1992 hanggang 1997.

Bilang pangulo (1998-2001)Template:Expand-section Noong 1998, nanalo si Estrada sa halalan sa ilalim ng partidong Laban ng Makabayang Masang Pilipino (LAMMP). Nakakuha siya ng 10,956,610 boto o 39.6% ng lahat ng boto. "Erap Para sa Mahirap" ang kaniyang islogan sa pangangampanya.

Page 15: phil presidents

Si Maria Gloria Macapagal-Arroyo (ipinanganak bilang Maria Gloria Macaraeg Macapagal noong Abril 5, 1947) ay ang ikalabing-apat at kasalukuyang Pangulo ng Pilipinas. Siya ang ikalawang babaeng pangulo ng bansa, at anak ng dating pangulong si Diosdado Macapagal.Isang propesor ng ekonomiks, si Arroyo ay pumasok sa pamahalaan noong 1987, na naglingkod bilang pangalawang kalihim at undersecretary ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya sa pag-talaga sa kanya ni Pangulong Corazon Aquino. Pagkatapos maglingkod bilang senador mula 1992 hanggang 1998, siya ay nahalal na Pangalawang Pangulo sa ilalim ni Pangulong Joseph Estrada kahit na ito ay tumakbo sa kalabang partido. Pagkatapos maakusahan si Estrada ng korupsyon, nagbitiw siya sa posisyon niya bilang gabinete bilang kalihim ng Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunladat sumali sa lumalaking bilang ng mga oposisyon sa Pangulo, na humarap sa paglilitis. Si Estrada ay napaalis sa pwesto sa pamamagitan ng tinatawag ng mga tagapagtaguyod nito bilang mga mapayapang demonstrasyon sa lansangan ng EDSA, ngunit binansagan namang ng mga kritiko nito bilang pagsasabwatan ng mga elitista sa larangan ng politika, negosyo, militar at ni Obispo Jaime Kardinal Sin ng Simbahang Katoliko [1]. Si Arroyo ay pinanumpa bilang Pangulo ng noon ay Punong Mahistrado na si Hilario Davide, Jr. noong Enero 20, 2001 sa gitna ng lipon ng mga tao ng EDSA II, ilang oras bago nilisan ni Estrada ang Palasyo ng Malakanyang. Siya ay nahalal upang maupo bilang pangulo sa loob ng anim na taon noong kontrobersyal na eleksyon ng Pilipinas noong Mayo 2004, at nanumpa noon Hunyo 30, 2004.

Kabuuan Si Pangulong Arroyo ay isinilang na Maria Gloria Macapal ng pulitikong Diosdado Macapagal, at ng kanyang asawa, Evangelina Macaraeg Macapagal. Siya ay kapatid ni Dr. Diosdado "Boboy" Macapagal, Jr. at Cielo Macapagal-Salgado. Nanirahan siya sa Lubao, Pampanga noong unang mga taon niya kasama ang kanyang dalawang nakatatandang kapatid mula sa unang asawa ng kanyang ama.

[2] Sa edad na apat, pinili niyang manirahan sa lola niya sa ina, sa Lungsod ng Iligan.[3] Nanatili siya doon ng tatlong taon, at hinati niya ang kanyang oras sa Mindanao at Maynila hanggang sa siya'y maglabing-isang taon.[3] Mahusay siya sa Wikang Ingles, Wikang Tagalog, Kastila at iba pang wika sa Pilipinas.Noong 1961, nang si Gloria ay 14 na taon gulang pa lamang, ang kanyang ama ay nahalal na pangulo ng Pilipinas. Lumipat siya kasama ang kanyang pamilya sa Malakanyang sa Maynila. Nag-aral siya ng elementarya at sekundarya sa Assumption College at nakapagtapos na valedictorian noong 1964. Pagkatapos ay nag-aral si Gloria ng dalawang taon sa Walsh School of Foreign Service ng Georgetown University sa Washington, D.C. na kung saan ay naging kamag-aral niya noon ang magiging pangulo ng Estados Unidos na si Bill Clinton at napanatili ang pangalan nito sa talaan ng Dekano.[4] Nakuha niya ang kanyang Batsilyer sa Arte sa Ekonomiks mula sa Assumption College, na kapagtapos na magna cum laude noong 1968. Noong 1968, napangasawa ni Gloria ang isang abugado at negosyanteng si Jose Miguel Arroyo na tubong Binalbagan, Negros Occidental, na nakilala niya nang siya ay nasa kanyang kabataan pa lamang.[2] Sila ay may tatlong anak, sina Juan Miguel (1969), Evangelina Lourdes (1971), at si Diosdado Ignacio Jose Maria (1974). Ipinagpatuloy ni Gloria ang kanyang pag-aaral at nakuha ang Master na degree sa Ekonomiks mula Ateneo de Manila noong 1978 at ang Doctoratena degree sa Ekonomiks mula sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1985.[5] Mula 1977 hanggang 1987, humawak siya ng mga posisyon sa pagtuturo sa iba't ibang mga paaralan, gaya ng Unibersidad ng Pilipinas at Ateneo de Manila.Noong 1987, siya ay inanyayahan ni Pangulong Corazon Aquino na lahukan ang pamahalaan bilang Pangalawang Kalihim ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya. Siya ay napromote bilang undersecretary pagkatapos ng dalawang taon.

Pangalawang Pangulo Kinunsidera ni Arroyo na tumakbo bilang pangulo noong pambansang halalang 1998 subalit naimpluwensyahan ni Pangulong Fidel V. Ramos, at pinuno ng ng partido ng administrasyon Lakas-Christian Muslim Democrats na imbes na pangulo ay maging pangalawang pangulo na lamang at ng kandidatong si Ispiker Jose de Venecia, Jr. [6] Nanalo si Arroyo bilang pangawalang pangulo na may malayong agwat, na nakakuha ng higit doble sa sumunod nitong katunggali, ang kandidatong pangawalang pangulo ni Estrada, si Edgardo Angara.[7]

Nagsimula ang termino ni Arroyo bilang Pangalawang Pangulo noong Hunyo 30, 1998, Siya ay tinalaga ni Estrada na maging Kalihim ng Kagawaran ng Pangangalagang Panlipunan at Pagpapaunlad.[6]

Nagbitiw si Arroyo sa gabinete noong Oktubre 2000, upang ilayo ang kanyang sarili mula kay Estrada, na inakusahan ng korupsyon ng kanyang dating tagasuporta sa pulitika na si Chavit Singson, Punong

Page 16: phil presidents

lalawigan ng Ilocos Sur.[8] Noong una ay hindi pa nagsasalita si Arroyo laban kay Estrada, subalit dahil sa mga kaalyado nito, ay sumalina rin ito sa panawagang magbitiw si Estrada sa pwesto.

Pagkapangulo Noong Enero 20, 2001, pagkatapos ng ilang araw ng kaguluhang pulitikal at malawakang pag-aaklas, inihayag ng Kataastaasang Hukuman na bakante ang posisyon ng pagkapangulo. Ang sandatahan at ang pambansang pulisya ay una nang inalis ang suporta para kay Estrada. Noong kinahapunan din nang araw na iyon, ay nanumpa si Arroyo bilang Pangulo ng Pilipinas sa pamamagitan ni Punong Hukom Hilario Davide, Jr. [8] .Matapos ang ilang linggo, nagsampa ng kaso si Estrada na naghahamon ng batayang legal ng pagkapangulo ni Arroyo at pinipilit na siya ang nananatiling pangulo ayon sa batas, ngunit dinagdag niya na hindi niya kukunin muli ang kanyang posisyon.[9]. Noong Marso 2, 2001, ang Kataastaasang Hukuman ng Pilipinas ay nagpalabas ng desisyon na nagsasabing si Estrada ay nagbitiw sa pagkapangulo at iniwan niya ang kanyang pwesto.[8]

Personal na impormasyon Pamilya Ipinanganak siya noong Abril 5, 1947 sa San Juan, Kalakhang Maynila. Ang kanyang mga magulang ay ang ika-siyam na Pangulo ng Pilipinas, si Diosdado Macapagal at si Dra. Evangelina Macaraeg-Macapagal.Noong Agosto 2, 1968, ikinasal siya sa abogadong si Jose Miguel T. Arroyo na nagtapos sa Ateneo Law School noong 1972. May tatlo silang mga anak:

Juan Miguel (ipinanganak Abril 26, 1969) — nagtapos ng Diploma in Business Administration sa University of California, Berkeley

Evangelina Lourdes (ipinanganak Hunyo 5, 1971) — nagtapos ng MS in Foreign Service sa Georgetown University

Diosdado Ignacio (ipinanganak Setyembre 4, 1974) — nagtapos ng BS in Legal Management, sa Ateneo de Naga

Edukasyon Elementarya

o Assumption Convent High School (1954-1960) Mataas na Paaralan

o Assumption Convent High School (1960-1964) — Valedictorian

o

Kolehiyo o Georgetown University, AB Economics (1964-1966) — Dean’s

Listero Assumption College, AB Economics (1968) — Magna cum Laude

Post Graduate o Ateneo de Manila University, MA Economics (1978)o UP School of Economics, Ph.D. in Economics (1985)