PBA Arena.rtf

Embed Size (px)

DESCRIPTION

are

Citation preview

Philippine Arena, bukas na ang pinto para sa PBA Opening

Tuloy na ang pagbubukas ng ika-40 taon ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan na idaraos sa petsang Oktubre 19.

Inaprubahan na ni PBA Commisioner Chito Salud ang panukalang sa "biggest domed arena" ganapin ang opening ng liga matapos ang kanilang ikalawang "ocular inspection" sa venue.We are now ironing out the final terms of engagement. But the Philippine Arena is ready for the PBA," pahayag ni Salud.

Habang ipinapakilala ang Blackwater Elite team noong Martes, binanggit ni Salud na magtatanghal sila ng twinbill upang mai-highlight ang panimulang seremonya ng PBA Season 40.

Ang unang maglalaban sa 2014-2015 Philippine Cup ay ang dalawang bagong teams sa PBA: Kia Sorento vs Blackwater Elite sa oras na 3pm, na susundan naman ng Talk N Text Tropang Texters laban sa Barangay Ginebra San Miguel sa oras na 5:15pm.

Sa paglunsad ng KIA team sa World Trade Center sa Pasay City noong Huwebes, sinabi ng management na makapaglalaro ang boxing icon na si Manny Pacquiao sa partikular na larong ito. Manny himself has confirmed that with the league commissioner, sabi ng manager ng Kia team na si Eric Pineda.

Ang Philippine Arena ay kinilala sa Guinness Book of World Records bilang pinakamalaking mixed-use indoor theater na may kapasidad na 55,000 tao. Marahil anopa't dito ang napiling venue, siguradong napakaraming tao ang gustong manood ng makasaysayang pangyayaring ito.

Ito ay nasa gitna ng Marilao at Bocaue exits ng North Luzon Expressway, papuntang Baguio. na may kapasidad na 50,000 para sa PBA fans at may basketball court na may tamang pagtutukoy para sa mga laro ng PBA.

Halatang sinikap na maiwasan ang hindi magandang resulta ng kampanya ng Gilas Pilipinas sa nakaraang 17th Asian Games sa Incheon, South Korea. Mukhang umiiwas rin ang management ng PBA, partikular sina PBA Chairman Patrick Gregorio at PBA Commissioner Chito Salud, na sagutin ang mga tanong at pag-usapan ang tungkol sa masamang nangyari noong mga nakaraang araw.

We hope that it can remove all the destruction that happened in Philippine basketball during the past days, ani Gregorio.

Jasmin Julia Gabudao