2
PAGKAWASAK NG KAGUBATAN Is ang napakakritikal na problemang pang kapali gi ran ay an g deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan. Mula sa pananaw na ekolohikal, masama ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat nababawasan ang likas na yaman ng kagubatan. Ang malalaking puno na pinipiling putulin ay libong taon nang nabuhay sa loob ng mga kagubatan. Hindi ito basta lamang mapapalitan sa pamamagitan ng muling pagtatanim ng mga punungka hoy . Sa pagkaw ala ng mga puno, marami ri ng species ng halaman at hayop ang nalalagay sa peligro. Ito ay dahil nawawalan sila ng natural na tir ahan o natural hab itat. Ngunit hi git sa lahat , mahalaga ng pagtuunan ng pansin ang problema sa pagkakalbo ng kagubatan sapagkat ito ay nagbibigay-daan sa iba pang problemang pangkapaligiran tulad ng pagbaha, erosyon ng lupa, pagguho ng lupa, siltasyon at sedimentation. apag naging ganito na kasalimuot ang problemang pangkapaligiran ng isang bansa, nagreresult a na it o sa mas malubhang mga probl emang panlipunan at pangkalusugan.  Ang Asy a sa kasalukuyan ay dumaranas ng problema ng pagkasira ng mga kagubatan nito. Ay on sa pag-aar al ng Asian !e"elopment #ank, nangunguna ang #angladesh, Indonesia, $akistan at $ilipinas sa mga bansang may pinakamabilis na antas o rate ng def orestation. $angunahin pa ring sanhi ng probl emang ito ang komersyal na pagt ot ros o, pagk akai ngin, pagput ol ng puno upang gawing panggatong at ang minsanang pagkasunog ng gubat.  Ang komersyal na pagtotroso ay labis na nakaaapekto sa kondisyon ng isang lokalidad. #agamat may mga patakaran ng selektibong pagtotroso o selecti"e logging sa ilang mga bansa sa Asya, ang hindi nauunawaan ng marami ay apektado pa rin ang mga puno sa paligid dahil tiy ak na tatamaan ang mga ito sa pagbag sak ng tros o. Sa makatwid, nanganga ilangan pa ri n ng pamumut ol ng iba pang puno sa pal igid. Ang pagkuha ng puno sa gubat ay tiyak din na makaaapekto sa micro-climate o ang klima sa isang part ikular na lugar . akaiba ito sa pangkalahat ang klima ng isang malaking teritoryo o lugar sapagkat may epektong dulot ang marami o kulang na puno at gayundin ang eksposyur sa ihip ng hangin.  Ang pagkuha ng pangga tong na kahoy ay masasabi ring nakaambag sa pagk asir a ng kagubatan. Ang mataas na pangangail angan sa panggatong ay nagtutulak sa tao upang illegal na pumutol ng mga puno sa kagubatan. %ani to ang si tw asyon sa mga bansa sa asy a gaya ng #angladesh, #hutan, Myanmar, &hina, India, Nepal, $ilipinas at 'hailand.

Pagkawasak Ng Kagubatan

Embed Size (px)

DESCRIPTION

article

Citation preview

PAGKAWASAK NG KAGUBATAN

Isang napakakritikal na problemang pangkapaligiran ay ang deforestation o tahasang pagkawasak ng kagubatan. Mula sa pananaw na ekolohikal, masama ang dulot nito sa natural ecosystem sapagkat nababawasan ang likas na yaman ng kagubatan. Ang malalaking puno na pinipiling putulin ay libong taon nang nabuhay sa loob ng mga kagubatan. Hindi ito basta lamang mapapalitan sa pamamagitan ng muling pagtatanim ng mga punungkahoy. Sa pagkawala ng mga puno, marami ring species ng halaman at hayop ang nalalagay sa peligro. Ito ay dahil nawawalan sila ng natural na tirahan o natural habitat. Ngunit higit sa lahat, mahalagang pagtuunan ng pansin ang problema sa pagkakalbo ng kagubatan sapagkat ito ay nagbibigay-daan sa iba pang problemang pangkapaligiran tulad ng pagbaha, erosyon ng lupa, pagguho ng lupa, siltasyon at sedimentation. Kapag naging ganito na kasalimuot ang problemang pangkapaligiran ng isang bansa, nagreresulta na ito sa mas malubhang mga problemang panlipunan at pangkalusugan.

Ang Asya sa kasalukuyan ay dumaranas ng problema ng pagkasira ng mga kagubatan nito. Ayon sa pag-aaral ng Asian Development Bank, nangunguna ang Bangladesh, Indonesia, Pakistan at Pilipinas sa mga bansang may pinakamabilis na antas o rate ng deforestation. Pangunahin pa ring sanhi ng problemang ito ang komersyal na pagtotroso, pagkakaingin, pagputol ng puno upang gawing panggatong at ang minsanang pagkasunog ng gubat.

Ang komersyal na pagtotroso ay labis na nakaaapekto sa kondisyon ng isang lokalidad. Bagamat may mga patakaran ng selektibong pagtotroso o selective logging sa ilang mga bansa sa Asya, ang hindi nauunawaan ng marami ay apektado pa rin ang mga puno sa paligid dahil tiyak na tatamaan ang mga ito sa pagbagsak ng troso. Sa makatwid, nangangailangan pa rin ng pamumutol ng iba pang puno sa paligid. Ang pagkuha ng puno sa gubat ay tiyak din na makaaapekto sa micro-climate o ang klima sa isang partikular na lugar. Kakaiba ito sa pangkalahatang klima ng isang malaking teritoryo o lugar sapagkat may epektong dulot ang marami o kulang na puno at gayundin ang eksposyur sa ihip ng hangin.

Ang pagkuha ng panggatong na kahoy ay masasabi ring nakaambag sa pagkasira ng kagubatan. Ang mataas na pangangailangan sa panggatong ay nagtutulak sa tao upang illegal na pumutol ng mga puno sa kagubatan. Ganito ang sitwasyon sa mga bansa sa asya gaya ng Bangladesh, Bhutan, Myanmar, China, India, Nepal, Pilipinas at Thailand.