1
Marso 2021 5 4 Kaibigan “[Sambahin] ang Ama sa kanyang pangalan, nang may pusong dalisay at malilinis na kamay” (2 Nephi 25:16). “G ising na, Lydia,” sabi ni Mama. “Huwebes ng Paglilinis ngayon!” Sa Russia, kung saan nakatira si Lydia, ang Huwebes ng Paglilinis ay isang espesyal na araw para paghandaan ang Pasko ng Pagkabuhay. Gumulong si Lydia at dumungaw sa kanyang bintana. Madilim pa rin sa labas. “Mama, pagod na pagod pa po ako,” sabi ni Lydia. “Maaari po ba akong matulog pa nang kaunti at mama- ya na magtrabaho?” Ngumiti si Mama at naupo sa kama. “May dahilan kaya tayo gumigising nang maaga ngayon. Alam mo ba kung ano iyon?” Nag-isip nang mabuti si Lydia, pero hindi niya alam ang sagot. “Nagsisikap tayong gawing malinis ang ating tahanan ngayon para ating maalala ang paghugas ni Jesus sa mga paa ng Kanyang mga disipulo. Minahal at pinagling- kuran Niya ang iba, at gusto nating maglingkod na tulad ni Jesus sa ating tahanan. Ngayon ang araw para alalahanin si Jesus!” sabi ni Mama. Gusto ni Lydia na maglingkod na katulad ni Jesus, kung kaya’t tumalon siya mula sa kama. Sa buong maghapon, nagsikap siya nang husto. Nilinis niya ang sahig, naglaba ng mga damit, at tumulong na magluto ng pagkain. Pagka- tapos ng maghapon, nasiyahan siya. Lahat ay nangingin- tab sa linis. Kinabukasan ay Biyernes Santo. Gumawa sina Lydia, Mama, at Papa ng mga Easter egg. Gumawa sila ng mali- liit na butas sa mga balat ng itlog at pinatulo ang lahat ng laman ng itlog. Gumuhit sila ng mga pattern sa balat ng itlog at binuhusan ng wax ang bawat pattern. Pagkatapos ay isinawsaw nila ang mga balat ng itlog sa matingkad na pula, lila, at luntiang tina. Gustung-gusto nina Lydia kung gaano kaganda ang mga umiikot na pattern. Nang natuyo na ang mga balat ng itlog, nagbilot si Lydia ng maliliit na larawan ng kanyang pamilya at naglagay ng isa nito sa bawat itlog. Ang Biyernes na ito ay isang araw para magkasama-sama at magunita ang sakripisyo ni Jesus. Ito ay araw ng linggo kung kailan si Jesus ay puma- naw. Ipinaalala ng mga itlog kay Lydia ang libingan kung saan nakahimlay si Jesus. Ginawa ng pamilya ni Lydia ang lahat para alalahanin Siya. Sa araw ng Sabado de Gloria, gumawa si Mama ng kulich (tinapay ng Pasko ng Pagkabuhay). Ang paggawa ng kulich ay mahalagang tradisyon sa Pasko ng Pagkabuhay sa Russia. Ang mga tao ay palaging nagsisikap na maging mapitagan habang niluluto ang kulich. Inisip ni Lydia ang kanyang pamilya, ang Pagkabuhay na Mag-uli ni Jesus, at ang mga bagay na pinasasalamatan niya. Mas madaling isipin ang mga espirituwal na bagay nang maging malinis at payapa ang kanyang bahay. Sa wakas ay Pasko ng Pagkabuhay na! Sabik na sabik si Lydia. Bumisita ang mga pinsan niya. Kinain nilang lahat ang masarap na pagkain na tumulong siyang lutuin. May mga pie, kulich, mga sausage, at mga keso. Habang kuma- kain sila, nagbahagi sila ng kanilang mga patotoo at pinag- usapan ang mga bagay na pinasasalamatan nila. Pagkatapos ng hapunan ay naglaro sila ng espesyal na laro. Bawat tao ay may hawak na isang ginayakang itlog at ipinukpok ito nang bahagya sa isa pang itlog. Ang taong unang mabasagan ng itlog ang talo. Nanginig ang mga braso ni Lydia nang ipukpok niya ang kanyang itlog sa itlog ng kanyang pinsan. “Sige na, itlog!” sigaw niya. Ang kan- yang matingkad na lilang itlog ay nabasag. Nasa nabasag na itlog na iyon ang larawan ng kanyang pamilya. Ngumiti si Lydia habang nakatingin siya sa larawan. Hin- di niya inisip na natalo siya sa laro. Napuspos ng mainit at masayang damdamin ang kanyang puso. Nagsikap siyang mabuti para maghanda sa Pasko ng Pagkabuhay na ito sa pamamagitan ng pagtulong at pagmamahal sa kanyang pamilya. Dahil sa Pagkabuhay na Mag-uli ni Cristo, lahat sila ay mabubuhay na muli! Ni Amber Healey Mga Magasin ng Simbahan (Batay sa tunay na buhay) MGA PAGLALARAWAN NI SOFIA CARDOSO z Tingnan sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin para sa Pasko ng Pagkabuhay. Paghahanda para sa Pasko ng Pagkabuhay

Paghahanda Pasko ng Pagkabuhay

  • Upload
    others

  • View
    13

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Paghahanda Pasko ng Pagkabuhay

M a r s o 2 0 2 1 54 K a i b i g a n

“[Sambahin] ang Ama sa kanyang pangalan, nang may pusong dalisay at malilinis na kamay” (2 Nephi 25:16).

“Gising na, Lydia,” sabi ni Mama. “Huwebes ng Paglilinis ngayon!” Sa Russia, kung saan nakatira

si Lydia, ang Huwebes ng Paglilinis ay isang espesyal na araw para paghandaan ang Pasko ng Pagkabuhay.

Gumulong si Lydia at dumungaw sa kanyang bintana. Madilim pa rin sa labas.

“Mama, pagod na pagod pa po ako,” sabi ni Lydia.

“Maaari po ba akong matulog pa nang kaunti at mama-ya na magtrabaho?”

Ngumiti si Mama at naupo sa kama. “May dahilan kaya tayo gumigising nang maaga ngayon. Alam mo ba kung ano iyon?”

Nag- isip nang mabuti si Lydia, pero hindi niya alam ang sagot.

“Nagsisikap tayong gawing malinis ang ating tahanan ngayon para ating maalala ang paghugas ni Jesus sa

mga paa ng Kanyang mga disipulo. Minahal at pinagling-kuran Niya ang iba, at gusto nating maglingkod na tulad ni Jesus sa ating tahanan. Ngayon ang araw para alalahanin si Jesus!” sabi ni Mama.

Gusto ni Lydia na maglingkod na katulad ni Jesus, kung kaya’t tumalon siya mula sa kama. Sa buong maghapon, nagsikap siya nang husto. Nilinis niya ang sahig, naglaba ng mga damit, at tumulong na magluto ng pagkain. Pagka-tapos ng maghapon, nasiyahan siya. Lahat ay nangingin-tab sa linis.

Kinabukasan ay Biyernes Santo. Gumawa sina Lydia, Mama, at Papa ng mga Easter egg. Gumawa sila ng mali-liit na butas sa mga balat ng itlog at pinatulo ang lahat ng laman ng itlog. Gumuhit sila ng mga pattern sa balat ng itlog at binuhusan ng wax ang bawat pattern. Pagkatapos ay isinawsaw nila ang mga balat ng itlog sa matingkad na pula, lila, at luntiang tina. Gustung- gusto nina Lydia kung gaano kaganda ang mga umiikot na pattern.

Nang natuyo na ang mga balat ng itlog, nagbilot si Lydia ng maliliit na larawan ng kanyang pamilya at naglagay ng isa nito sa bawat itlog. Ang Biyernes na ito ay isang araw para magkasama- sama at magunita ang sakripisyo ni Jesus. Ito ay araw ng linggo kung kailan si Jesus ay puma-naw. Ipinaalala ng mga itlog kay Lydia ang libingan kung saan nakahimlay si Jesus. Ginawa ng pamilya ni Lydia ang lahat para alalahanin Siya.

Sa araw ng Sabado de Gloria, gumawa si Mama ng kulich (tinapay ng Pasko ng Pagkabuhay). Ang paggawa ng kulich ay mahalagang tradisyon sa Pasko ng Pagkabuhay sa Russia. Ang mga tao ay palaging nagsisikap na maging mapitagan habang niluluto ang kulich. Inisip ni Lydia ang kanyang pamilya, ang Pagkabuhay na Mag- uli ni Jesus, at ang mga bagay na pinasasalamatan niya. Mas madaling isipin ang mga espirituwal na bagay nang maging malinis at payapa ang kanyang bahay.

Sa wakas ay Pasko ng Pagkabuhay na! Sabik na sabik si Lydia. Bumisita ang mga pinsan niya. Kinain nilang lahat ang masarap na pagkain na tumulong siyang lutuin. May mga pie, kulich, mga sausage, at mga keso. Habang kuma-kain sila, nagbahagi sila ng kanilang mga patotoo at pinag- usapan ang mga bagay na pinasasalamatan nila.

Pagkatapos ng hapunan ay naglaro sila ng espesyal na laro. Bawat tao ay may hawak na isang ginayakang itlog at ipinukpok ito nang bahagya sa isa pang itlog. Ang taong unang mabasagan ng itlog ang talo. Nanginig ang mga braso ni Lydia nang ipukpok niya ang kanyang itlog sa itlog ng kanyang pinsan. “Sige na, itlog!” sigaw niya. Ang kan-yang matingkad na lilang itlog ay nabasag. Nasa nabasag na itlog na iyon ang larawan ng kanyang pamilya.

Ngumiti si Lydia habang nakatingin siya sa larawan. Hin-di niya inisip na natalo siya sa laro. Napuspos ng mainit at masayang damdamin ang kanyang puso. Nagsikap siyang mabuti para maghanda sa Pasko ng Pagkabuhay na ito sa pamamagitan ng pagtulong at pagmamahal sa kanyang pamilya. Dahil sa Pagkabuhay na Mag- uli ni Cristo, lahat sila ay mabubuhay na muli! ●

Ni Amber HealeyMga Magasin ng Simbahan (Batay sa tunay na buhay)

MG

A P

AG

LA

LA

RA

WA

N N

I S

OFIA

CA

RD

OS

O

z Tingnan sa Pumarito Ka , Sumunod Ka sa

Akin para sa Pasko ng Pagkabuhay.

Paghahanda para sa

Pasko ng Pagkabuhay