37
Pinoy Apologista Pagbabalik-Loob F.A. Tendencia

Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

  • Upload
    others

  • View
    6

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

Pinoy Apologista

Pagbabalik-Loob

F.A. Tendencia

Page 2: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

Pinoy Apologista

Pagbabalik-Loob

Karapatang-ari © 2019 ni F.A. Tendencia

Inilathala ng PINOY APOLOGISTA

https://www.pinoyapologista.ph/

Page 3: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

Pinoy Apologista

Nilalaman

Wangis ................................................................................................................ 1

Hubad ................................................................................................................. 4

Maling Akala ..................................................................................................... 8

Higit sa Suwerte ............................................................................................. 15

Ang Lugi at Yari .............................................................................................. 18

Ang Daan.......................................................................................................... 23

Ayon kay Jesus ................................................................................................ 27

Ang Tagal ........................................................................................................ 30

Page 4: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

1

Chapter 1

Wangis

“At nilalang nga ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis, nilalang Niya

ang lalake at ang babae.”1

Bilang nilikha ayon sa wangis ng Diyos, ang tao ay natatangi.

Ngunit ano ang ibig sabihin na ang tao‟y nilalang „ayon sa wangis‟ ng

Diyos? Ganito: Dahilan sa ang Diyos ay Espiritu,2 hindi natin maaring

ipaliwanag ang katagang ito sa paraang pisikal o materyal. Ibig sabihin, ang

„wangis‟3 ng Diyos na tinutukoy rito ay yaong moral at espirituwal na

kalikasan na nakaugnay sa Diyos gaya ng kabanalan at katuwiran.4 Nilikha

ng Panginoon ang tao na banal; sa orihinal, ang tao ay walang kasalanan.

Subalit dahil sa naganap na pagsuway ng tao sa Diyos, ang kabanalan na ito

ay nawala sa kanya. Ang pagsuway na ito ay nagdulot ng dungis at

pagkasira sa orihinal na kalikasan ng wangis ng Diyos sa buhay ng tao.

Nadungisan at nasirang lubusan ang espiritwal na bahagi sa wangis na ito.

At itong pagkawasak ng espiritwal na wangis ang siyang dahilan kung bakit

tayo tinatawag na makasalanan o patay sa kasalanan at pagsalangsang.5

Tandaan mo ito: Ang tao ay tinatawag na makasalanan hindi lang

dahil sa gumagawa siya ng kasalanan, kundi dahil sa siya ay naging likas

na makasalanan.6 Ibig sabihin, taglay natin ito; ito yung makasalanang likas

na naipasa o naipamana sa atin ni Adan na siyang Ulo at Ugat ng lahi ng

1 Genesis 1:27 2 Juan 4:24 3 Elementaryong theolohiya lamang ang ipinapaliwanag ko rito. Ang wangis ng

Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na katangian.

Page 5: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

2

mga tao.7 Sa madaling salita, noong bumagsak si Adan at Eba, kasama rin

nilang bumagsak ang lahing magmumula sa kanilang makasalanang

kalikasan. Iyan ang dahilan kung bakit naging pahayag (conclusion) ng

Biblia na,

“Sapagkat ang lahat ay nagkasala at walang sinuman ang nakaabot sa

kaluwalhatian ng Diyos.”8

Kung paanong namamatay ang mga dahon, sanga, tangkay at bunga

ng puno kapag nalason ang ugat, gayundin ang nangyari sa lahi ni Adan.

Kaya nga, ang wangis ng Diyos sa Tao ngayon ay hindi na ayon sa

orihinal na wangis na kaloob ng Diyos noong una kay Adan. Nadungisan at

nawasak na ito sa espiritwal nitong likas. Oo, sa moral o mental na bahagi

ng wangis ay taglay parin natin ang buti at dangal ng wangis ng Diyos, at

ito ang dahilan kung bakit hindi tayo kabilang sa mga hayop – bagamat

marami ang nagpapaka-asal hayop. Iyan din ang dahilan kung bakit ang tao

ay moral at relihiyoso parin; sila man ay tagasunod ni Allah, ni Buddha, ni

Confucius o tagasunod maging ni Jesu-Cristo. Sinabi kong maging ni Jesu-

Cristo sapagkat hindi naman lahat ng simbahan o taong nagsasabing

naniniwala kay Cristo ay tunay na Kristyano. Dito sa ating bansa,

maraming sekta ang nagsasabing sila ay tagasunod ni Cristo – gaya ng

sekta ni Manalo, ng Dating Daan, El Shaddai, si Quiboloy, at mga

Karismatikong simbahan – ngunit hindi naman nagtuturo o nagpapahayag

ng biblikal at dalisay na Jesu-Cristo.

Kaya nga, ang pagkasira ng espiritwal na wangis ng Diyos sa buhay

ng tao ay hindi nangangahulugan na hindi na siya pwedeng maging

relihiyoso. Ang isyu ay, ang kanyang pagkarelihiyoso ay naliligaw.9

7 Roma 5:12 8 Roma 3:23 9 Spiritual corruption or religious corruption

Page 6: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

3

Kung gayon, ang problema natin sa „wangis‟ na bigay ng Diyos ay

sa espiritwal. At maliban nga na sa biyaya ng Diyos ay magsisi tayo sa

ating mga kasalanan, hindi natin kaylanman makakamtan ang „banal na

wangis‟ na kaloob ng Diyos sa atin sa pamamagitan ng pananampalataya

kay Cristo.

Kaibigan, bilang aral, nagtuturo ito sa atin na ang banal na wangis

ng Diyos ang siyang nagbibigay kabuluhan sa atin; hindi ang pera, hindi

ang kapangyarihan sa lipunan at katanyagan sa sanlibutan. Ang mga ito ay

makinang na prioridad sa Mundo, ngunit ang tunay na anyo at kulay ng

buhay ng tao ay matatagpuan lamang niya sa banal na wangis ng Diyos o sa

madaling salita, sa pagiging Bagong Nilalang.

“Kaya’t kung ang sinoman ay na kay Cristo, siya’y bagong nilalang…”10

Si Jesu-Cristo lamang ang makapagkakaloob o

makapagpapanumbalik ng banal na wangis ng Diyos sayong buhay. At

ngayon pa man ay pwede mo itong makamtan kung tunay kang magsisisi sa

iyong mga kasalanan, magbabalik-loob at magtitiwala sa Kanya na iyong

Panginoong Tagapagligtas.

10 2 Corinto 5:17

Page 7: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

4

Chapter 2

Hubad

At nang makita ng babae na ang bunga ng punong kahoy ay mabuting

kanin at nakalulugod sa mga mata, at kahoy na mananasa upang

magpapantas sa tao, ay pumitas siya ng bunga niyaon at kinain; at

binigyan din niya ang kaniyang asawang kasama niya, at ito'y kumain. At

nadilat kapuwa ang kanilang mga mata, at kanilang nakilalang sila'y mga

hubad…11

Matapos na kinain nina Eba at Adan ang bungang ipinagbabawal ng

Diyos, namulat ang kanilang paningin at „nakilalang sila‟y mga hubad.‟

Ngunit dapat mong pansinin na nahiya lamang sila sa isa‟t isa nang ang

kasalanan ay pumasok sa kanilang puso. Nakita nila o nahiya sila sa

kanilang pisikal na kahubaran, noong ang kanilang espiritu ay naging

hubad sa paningin ng Diyos dahil sa kasalanan.

Ganyan ang ginagawa ng kasalanan sa ating buhay, hinuhubaran

tayo nito ng maayos na pananaw sa Diyos, ng banal na dangal, ng maayos

na tingin sa kapwa, at ng karapatan at katuwiran sa harapan ng Diyos.

Dahil sa kasalanan, tayo ay dapat hatulan ng Panginoon sapagkat

ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.12

Hindi po kasi biro at laro sa

Diyos ang kasalanan. Kung paanong ang tae ay kadiri sa tao, gayundin ang

kasalanan sa paningin ng Diyos.

Sa lagay nina Adan at Eba, tinangka man nilang magtago sa

paningin ng Diyos, ngunit hindi sila nagtagumpay. Hindi natin kasi

mapagtataguan ang Diyos; sa Kanya ay walang anumang nalilihim.13

11 Genesis 3:6-7 12Roma 6:23 13Hebreo 4:12

Page 8: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

5

Nang makita nina Adan at Eba ang kanilang hubad na katawan,

nagtagpi sila ng dahon ng igos bilang panakip – kahit na ang tunay na

nahubad sa kanila ay ang kabanalan sa paningin ng Panginoon. Nawala sa

kanila ang espiritwal na wangis ng Diyos sa diwa ng kabanalan, katuwiran,

at kaluwalhatian.

Sa panahong ito, madalas na ang panakip sa espiritwal na kahubaran

na inaakala at ginagawa ng tao ay ang umanib sa isang relihiyon o sekta.14

Minsan nama‟y ginagamit niya ang pilantropismo o kaya‟y nakikiisa siya

sa mga moral na proyekto at donasyon sa pag-aakalang makakahugas ito ng

kanyang budhi at mga pagkakamali sa harapan ng Diyos. Ngunit, ang

masamang balita‟y, ang mga ito ay hindi makapaglilinis ng kasalanan at

makapagdadamit sa espiritwal na kahubaran. Pwede o sabihin nating

maganda ito sa lipunan at personalidad, ngunit sa isyu ng kahubaran sa

Diyos, ang mga ito ay mga maruming basahan – maruming kasuotan.

Ngunit bakit? Higit ko itong ipapaliwanag sa susunod na kabanata. Subalit,

tungkol sa nangyari kina Adan at Eba, kapansin pansin na ang Diyos ang

Siyang gumawa ng damit para sa kanilang kahubaran. Pahiwatig sa Genesis

3:21,

“Gumawa ang Panginoong Diyos ng mga kasuotang yari sa balat ng

hayop para kay Adan at Eba at isinuot sa kanila.”

Syempre, para makuha ang balat ng hayop, kinakailangang patayin

ng Diyos ang hayop. Tuloy, nagpapakita ito sa atin na sa hardin ng Eden

palang ay nagsimula na ang unang pagbubo ng dugo – ang unang

pagsasakripisyo ng buhay dahil sa kasalanan. Kapansin pansin na ang

dahon ng igos na pinangtakip nina Adan at Eba ay hindi naging katanggap-

tanggap sa paningin ng Panginoon. Sa halip, gumawa ang Diyos ng saplot

na nararapat na galing mismo sa balat ng inosenteng hayop. At kaibigan, ito

14Ipinaliwanag ko ang uri ng relihiyon at sekta na tinutukoy ko rito sa kabanatang,

“Maling Akala.”

Page 9: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

6

ay may espiritwal na sagisag para sa gagawing dakilang pag-aalay ng Anak

ng Diyos sa krus ng Kalbaryo para sa ating mga kasalanan. Si Jesu-Cristo

ang Siyang kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan.15

Sa aking pagbubulay,16

nakita ko na may apat na prinsipyong-

pahiwatig ang „dahon ng igos‟ bilang makataong paraan o sariling paraan

nina Adan at Eba upang takpan ang kanilang kahubaran. At syempre,

gayundin ang „balat ng hayop‟ bilang sagisag ng paraan ng Diyos upang

bihisan ang tao sa kanyang espiritwal na kahubaran. Narito ang apat na

pahiwatig.

1. Ang makapagdadamit lamang sa espiritwal na kahubaran ng Tao

ay ang Diyos. Tanging Diyos lamang ang makapagbibigay sa

tao ng kasagutan kung paano siya mabibihisan sa kanyang

makasalanang kahubaran. Walang anumang gawa o paraan

ang tao na pwedeng makapagtakip ng kanyang hubad na

kalagayan sa espiritu – sa harapan ng Diyos.

2. Ang dahon ng igos ay sagisag ng makataong-paraan upang

hugasan ang kasalanan. Ito ay walang kakayahan upang

linisin o damtan ang tao sa kanyang espiritwal na

kahubaran. Marupok ang paraan ng tao. Tulad ng dahon ng

igos ito ay matutuyo; ito ay masusunog.

3. Ang paraan ng Diyos lamang ang makapagbibigay ng tunay na

panakip sa espiritwal na kahubaran. Nasa Diyos ng Biblia ang

tunay na damit na magtatakip sa espiritwal na kahubaran –

walang iba kundi si Jesu-Cristo.

4. Ang espiritwal na kasuotan na bigay ng Diyos ay makakamtan

lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

15Juan 1:36 16Sa tulong narin ng insights na natutuhan ko sa isang biblikal na komentarista na

si J. Vernon McGee.

Page 10: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

7

Ang kasuotan na ito ay mismong ang Panginoong Jesus.

Siya lamang ang Kasuotan at ang makapagbibihis sa ating

espiritwal na kahubaran.17

Siya lamang ang

makapaghuhugas ng ating mga kasalanan at wala ng iba pa.

Siya ang paraan ng Diyos na tiyak at wagas upang tayo ay

mahugasan at mapatawad sa lahat ng ating mga kasalanan.

Sabi mismo ng Panginoong Jesus,

“Ako ang Daan….walang makapupunta sa Ama kundi sa pamamagitan

ko.”18

Dahil rito, anumang paraan ng tao na labas at laban sa persona, salita

at gawa ni Jesu-Cristo ay huwad at walang kabuluhang paraan. Kaya‟t

mahalagang tanong kaibigan: Si Jesus ba ang kasuotang nakadamit sa iyong

buhay ngayon at magpakailanman? O hanggang ngayon ikaw ay hubad

parin dahil sa hindi mo pagbabalik loob sa Diyos?

Kaibigan, ito na ang oras upang magbihis, huwag manatiling hubad

at kahiya-hiya sa harapan ng Diyos. Yakapin mo ang Panginoong Jesus

bilang iyong Panginoong Tagapagligtas, at tiyak, ikaw ay bibihisan Niya ng

damit ng katubusan. Ngayon na ang oras ng pagbabalik-loob. Oh! Nawa‟y

magsisi ka na sa iyong kasalanan sa Diyos.

17 Roma 13:14 18Juan 14:6

Page 11: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

8

Chapter 3

Maling Akala

“Mayroong daan na tila matuwid sa isang tao, ngunit mga daang tungo sa

kamatayan ang dulo nito.”19

Dahil sa Diyos, tayo ay may buhay. Tayo ay nilikha na bukod-tangi.

Tayo ay may puso, kaisipan, kaluluwa, at lakas. Subalit ang tao dahil sa

pang-aakit ng sanlibutan, ng pita ng laman at ng layaw ng sanlibutan ay

nahumaling sa mga ito. Tinalikuran ng tao20

ang banal na pag-ibig ng

Panginoon at nagpakalayaw sa piling ng salapi at ng pita ng laman.

Bunga nito, ang tao ay nalubog sa kapangyarihan ng kasalanan at

nalalagay na makatarungang hatol ng Panginoon. Sa madaling salita,

Impyerno ang hantungan ng tao dahil sa kanyang pagtataksil sa banal at

mabuting pagmamahal ng Diyos. Ang Impyerno ay isang

nakapangingilabot na lugar at maging salita, na sa maniwala ka man rito o

sa hindi, ito ay realidad na igagawad ng Diyos sa taong mapaghimagsik sa

Kanyang banal na kalooban.

Sa kaibuturan ng puso ng tao, alam niya na mayroong Diyos na

pagsusulitan niya ng buhay kahit ano pa ang kanyang nagmamatalinong

pagtanggi.21

Subalit para ibsan ang kawalang kapayapaan ng kanyang

masalimoot na kalooban, ang tao ay humabi ng mga kaisipan at gumawa ng

mga hakbang na sa tingin niya‟y solusyon o tugon sa kanyang

nagugulumihanang kalooban. Siya ay gumawa ng mga paraan na akala niya

ay tama at magpapaging dapat sa kanya sa Diyos. Ang mga paraan na ito ay

bunsod ng mga sumusunod na maling akala.

19 Kawikaan 14:12 20 Tinalikuran gamit ang puso, isip, kaluluwa, at lakas. 21 Roma 1:20-25; 2:14-15

Page 12: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

9

1. Ritualistikong Relihiyon

Ito yung pag-aakala na purket nasa loob ka o miyembro ka ng ganito

o ganyang simbahan o sekta ay ayos na ang kaluluwa mo sa Diyos. Totoo

na marami sa ating mga kababayan ay relihiyoso. Halimbawa, kakikitaan

mo sila ng pagbibigay sa simbahan at pag-aabuloy sa kapwa. Tiwala sila sa

binyag na natanggap sa kanilang simbahan na anupa‟t maging sa birth

certificate nila ay Kristyano o naniniwala sila kay Jesus. May iba na

makikita mo na aktibo sa mga programa ng kanilang simbahan na minsan

pa nga ay nangunguna sila sa mga gawain nito. At dahil rito, akala nila ay

ayos na ang kaluluwa nila; na sila ay nahugasan na sa kanilang mga sala.

Ngunit kaibigan, hindi iyan garantiya. Hindi basehan ng kaligtasan ang

iyong paninindigan at dedikasyon sa iyong nakagisnang relihiyon. Bakit?

Sapagkat kung ang paninindigan o dedikasyon ay hindi nakapundasyon sa

katotohanan ng sinasabi ng Diyos, ito‟y wala parin, ito‟y walang

kabuluhan. Ang relihiyon ay magiging pakinabang lamang kung ang

saligan nito ay ang katotohanan – si Cristo at ang Kanyang salita. Sa

madaling salita, may relihiyon na mali; yung hindi sa Diyos ng Biblia at

yung walang dalisay na Ebanghelyo. At nakalulungkot makita na marami

sa ating mga kababayan ay lubog sa maling relihiyon. Isang halimbawa rito

ay ang relihiyon na naniniwala kay Jesus ngunit hindi naman naniniwala o

sumasamba sa Kanyang pagkaDiyos. Iyan po ay mali.

2. Sariling-Dunong

Ito ay sa pag-aakalang sa pagiging pilosopo, pulitiko, o edukado, at

iba pang katulad nito sa larangan ng karunungan ng mundo ay

mapapabulaanan ng tao ang salita ni Cristo. Ang totoo niyan, ang mga

pinapalakpakang matalino-kuno sa ating Bayan ay sila na ang pananaw sa

buhay ay ateismo, humanismo, at ebolusyunismo – ito ang mga sistema ng

Page 13: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

10

pananaw na laban sa Diyos. Inaakala nila na kapag inaalis, pinipigil o

nilalabanan sa isip ang mga salita ng Biblia ay hindi na mangyayari ang

mga sinasabing hatol nito. Kumbaga ay gumagawa sila ng mga

pagdadahilan22

upang bigyang palusot ang kanilang makasalanang-

kalagayan. Ngunit hindi po. Sila ay nasa hangal na pagkakamali. Hindi

purket ayaw mo sa Biblia ay mali na ito. Kaibigan, makikiraan lang, ngunit

ang mali ay ang isip mo.

3. Materialismo

Para aliwin ng tao ang kanyang sarili, naging abala siya sa pagkamal

ng kayamanan. Ito ay para pagkalooban ang kanyang sarili – gaya

halimbawa – ng mga gamot o mga pamamaraang pipigil sa kanyang

nabubulok na katawan at nalulumbay na kalooban. Hinangad niyang aliwin

ang sarili sa pamamagitan ng pera at mga bisyong nabibili nito. Subalit,

walang kakayahan ang pera, ang masasarap na pagkain, malaking bahay,

vitamins, insurance, hi-tech gadgets, at food-trip upang ang tao ay tunay na

pasayahin o ingatan. Oo, sa mundo ang pera ay maimpluwensyang

kapangyarihan, pero sa kamatayan, ito‟y walang kakayahan, ni kabuluhan

upang iligtas ka. Oo, mabibigyan ka nito ng magarang burol, ngunit dagdag

na panggatong lang ito sa apoy ng impyerno kung wala si Cristo sa puso

mo. Isa pa, kahit na nabusog at naaliw ng pera ang sarili mo sa mundong

ito, pero hindi parin nito maaalis ang tunay na isyu na ang Diyos ay may

laang hatol sa mga mapagmatigas na makasalanan na ayaw magbalik loob

sa Kanya. Sa mata ng kamatayan, lahat ng tao ay pantay; walang sakitin o

malusog, walang mahirap o mayaman. Ang Diyos ang may hawak ng

buhay. Kung paanong Siya ay Diyos ng buhay, Siya rin ay Diyos ng

kamatayan. Walang pera o yaman na makapipigil sa oras ng kamatayan.

22 Sa Ingles, justifications or self-justification.

Page 14: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

11

Ang Diyos ang may hawak ng karit ng kamatayan.

4. Sariling-Kabutihan

Ito ang pinakamatamis na pagaakala ng tao sa espiritwal na

problema ng kanyang kaluluwa. Ito ang nagkukumbinsi sa kanya na

mahuhugasan niya ang kanyang mga kasalanan. Ito ang namamayaning

pag-aakala sa marami nating mga kababayan ngayon. Akala nila kapag

nakapag-aabuloy sila, kapag nagsisimba sila, kapag nagdo-donasyon sila, o

kapag nagkakawanggawa sila, o kaya‟y dahil sa wala silang inapi o

nilamangan na kapwa ay nahuhugasan na yung kanilang mga kasalanan.

Tunay na mabuti ang mga ito para sa ikagaganda ng ating bayan at sa

marangal na pakikipagkapwa. Subalit, pero, ngunit...tungkol sa isyu ng

kaligtasan, ito ay walang kakayahan o halaga. Ang isyu kasi ay hindi sa

buting-ugnay mo sa lipunan o sa buting-ugnay mo sa kapwa, bagkus sa

buting-ugnay mo sa Diyos. Iba po kasi ang isyung Moral at Sosyal sa

isyung Espiritwal. Sa lipunan at kapwa-tao ang mga ito ay batayan para

maging santo o philantropo. Ngunit sa paningin ng Diyos, ito‟y itinuturing

na „maruming basahan.‟23

Bakit? Sapagkat kaibigan, ang tao ay likas na

makasalanan, siya ay tulad ng putik sa mata ng Diyos. Parang ganito:

Magbibigay ba ng mineral water ang putik? Syempre hindi, diba? Ang ibig

sabihin, ang ugat ng problema ay nasa kaluluwa o likas. Sa primaryong

punto, ganito kasi: Makasalanan tayo hindi dahil sa nakagawa o gumagawa

tayo ng kasalanan. Bagkus, nakagawa at gumagawa tayo ng kasalanan

sapagkat tayo ay makasalanan. Kita mo? At sa theolohiya ng Biblia, ang

dahilan kung bakit tayo naging likas na makasalanan ay dahil sa namana

23 Isaias 64:6

Page 15: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

12

natin ito kay Adan24

na siyang itinuturing ng Diyos na Ulo o Ugat ng

sangkatauhan.25

Oo, ang mga Di-Kristyano ay may kakayahan parin na maging

pilantropo o moralista. Maari silang magpakita ng mataas na antas ng

kabaitan o katangian sa lipunan na gaya nina Confucius, Buddha, Gandhi,

Muhamad, Santo Papa, Mother Teresa, Pedro Calungsod at iba pa. Subalit,

pero, ngunit...hindi parin sila hugas sa kanilang mga kasalanan. At bakit?

Sapagkat hindi mababayaran o mahuhugasan ng tao ang kanyang likas na

makasalananang kalagayan – sa paningin ng Diyos – sa pamamagitan ng

kanyang sariling kabutihan o ipinapakitang kabutihan. Bagsak po kasi ang

ating mga ipinagmamalaking kabutihan sa batayan o standard ng Diyos.

Lahat tayo ay hindi pasado sa likas at gawa. Kung kaya‟t wika ng Biblia,

lahat tayo ay hindi „nakaabot‟ sa kaluwalhatian ng Diyos.26

Mahirap itong

maunawaan lalo‟t kung ikaw yung tipo ng tao na may Good Manners and

Right Conduct (GMRC) sa buhay; na mataas ang Values o pagpapakatao.

Ngunit, sa usapin kasi ng paningin ng Diyos, ang tao sa kanyang puso ay

may naniniig na pakikipag-alit sa Kanya.27

May mga tao akong nakilala na masasabi kong mataas ang

moralidad at pagkarelihiyoso kaysa sa mga miyembro ng simbahan na

napuntahan at kinabibilangan ko. Subalit, ikinagugulat ko na kapag

ibinabahagi na sa kanila ang panawagan at hamon ng Ebanghelyo, na si

Jesus lamang at pananampalataya sa Kanya ang magliligtas sa kanila, ay

hindi nila ito matanggap – lalo‟t higit ang tungkol sa katotohanan ng

persona, salita, at gawa ni Jesus ayon sa turo o pahayag ng Biblia. Ang

gusto kasi nilang Jesus ay yaong gawa ng kanilang haka-haka at

24 Yun ay, sa bumagsak na si Adan 25 Roma 5:12 26 Roma 3:23 27 Roma 8:6-8

Page 16: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

13

kinabibilangang grupo. Kaya‟t natutuhan ko na maari pala na ang isang tao

ay mabait at relihiyoso ngunit mapagtanggi sa Jesus ng Biblia.

Tungkol sa mabuting gawa, iisa lang ang nakaabot, pumantay, at

naka-satisfy o nagbigay-lugod sa batayan (standard) ng kaluwalhatian at

kabanalan ng Diyos; iyon ay walang iba kundi si Hesu-Cristo – ang Anak

ng Diyos na nagkatawang-Tao. Kung kaya‟t, pansin at yakap ng ating

pananampalataya sa Kanya ay yung pagtiwalaan at tanggapin na ang

Kanyang ginawa lamang para sa atin sa krus, ang makapagliligtas sa atin at

wala ng iba pa.

Tandaan mo ito kaibigan: Ang mabuting gawa na magliligtas

lamang sa tao ay ang mabuting gawa ni Jesu-Cristo sa krus ng Kalbaryo.

Yun lang at wala ng iba pa. Ngunit kaugnay niyan (bilang paglilinaw), ang

tao ay magkakaroon lamang ng tunay na mabuting gawa sa paningin ng

Diyos; ito ay mangyayari lamang pagkatapos na hugasan ng Diyos ang

kanyang puso sa pamamagitan ng banal na dugo ni Jesu-Cristo at ng

presensya ng Banal na Espiritu. Parang ganito: Hindi ka naging Kristyano

kasi mabait ka, kundi naging mabait ka,28

kasi naging Kristyano ka.29

Kuha

mo? Huwag nating gawing bunga ang ugat at ang ugat ay gawing bunga.

Kaya nga, lahat ng sariling pamamaraan o daan ng tao upang linisin

o alisin ang kanyang kasalanan ay pawang walang kabuluhan. Ang sabi ng

Biblia,

“Mayroong daan na tila matuwid sa isang tao, ngunit mga daang tungo sa

kamatayan ang dulo nito.”30

Gayunma‟y sabi rin ng Biblia,

28 Sa Biblical sense ng salitang “mabait” at hindi sa kulturang pananaw ng Pinoy

hinggil rito. 29 Of course, hindi ko sinasabing perpektong kabaitan, ngunit tunay at likas o

bunsod ng bagong kalikasan (experiential). 30 Kawikaan 14:12

Page 17: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

14

“Ngunit ang Diyos, palibhasa’y mayaman sa awa, dahil sa kanyang

malaking pagibig sa atin noong tayo’y patay sa pamamagitan ng ating

mga pagsuway… pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pagibig sa atin, na

noong tayo’y mga makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.”31

Kita mo? Ang Daan ng Diyos para maligtas ang tao ay si Jesu-

Cristo. At mahalagang tumugon tayo sa diwa at mensahe ng krus ng

Panginoong Hesus. Ang sabi ni Apostol Pablo,

“Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang akin ding tinanggap: na si

Cristo ay namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan,

at siya’y inilibing; at muling nabuhay nang ikatlong araw ayon sa mga

kasulatan.”32

Ngunit paano natin tatanggapin at pagtitiwalaan ang mabuting balita ni

Cristo? Sagot ni Apostol Pablo,

“Sapagkat kung ipapahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig s i Jesus

na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang muli

ng Diyos mula sa mga patay, ay maliligtas ka. Sapagkat sa puso ang tao

ay nanampalataya kaya’t itinuturing na ganap, at sa pamamagitan ng

bibig ay nagpapahayag kaya’t naliligtas.”33

Kung ninanais mong magkaroon ng relasyon sa Diyos at naghahanap

ka ng tunay na kapahingahan na lumalagos sa puso; alalahanin mo ang krus

ni Cristo. Manampalataya ka ng taus puso sa ginawa ng Panginoong Hesus

para saiyo. Siya ang bukod tanging makapaghuhugas ng iyong mga

kasalanan. Maging sino ka man, sapat at makapangyarihan si Cristo upang

mahugasan ka sa lahat ng iyong mga kasalanan. Magbalik-loob ka, ang

kamay Niya‟y matagal ng nakaunat na sa iyo‟y naghihintay.

31 Efeso 2:4; Roma 5:8 32 1 Corinto 15:3-4 33 Roma 10:9-10

Page 18: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

15

Chapter 4

Higit sa Suwerte

Mapalad ang taong pinatawad na ang kasalanan, at pinatawad rin sa

kanyang mga pagsalangsang. Mapalad ang taong hindi pinaparatangan;

sa harap ni Yahweh'y hindi siya nanlinlang.34

Mahalagang linawin na ang pagiging mapalad sa Biblia ay hindi

pagiging masuwerte ayon sa pananaw ng kulturang Pinoy. Ang pagiging

mapalad sa Biblia ay gawa ng Palad o Kamay ng Diyos sa buhay ng isang

tao. At ayon dito sa talata, ang pinakamapalad na kalagayan na makakamit

ng tao sa daigdig ay ang mapatawad ng Diyos sa lahat ng kanyang mga

kasalanan. Yun nga lang, ang madalas nating pananaw tungkol sa kapalaran

o pagiging masuwerte ay yung manalo sa Lotto, maging tulad ni Manny

Pacquio, o kaya‟y ang magkaroon ng mala-celebrity na style ng buhay.

Totoo na ang mga bagay na iyan ay may kakaibang kinang sa mundo.

Sinasabi nating masuwerte ang mga taong ganyan. Subalit hindi po iyan

ang bukal35

ng tunay na pagkamapalad. Ayon dito sa talata, ang tunay na

ligaya o lingap sa buhay ay yung patawarin ka ng Diyos sa lahat ng iyong

mga kasalanan sa Kanya. Iyan ang pagiging mapalad o simula ng

pagkamapalad.

Ang pagpapatawad ng Diyos ay syempre hindi dulot ng ating

sariling pagsusumikap at paraan, kundi bunga ng biyaya ng Diyos sa

pamamagitan ng mayakap na pagtitiwala natin sa ginawa ng Panginoong

Hesus doon sa krus ng Kalbaryo. Sa madaling salita, ang pagiging mapalad

sa paningin ng Diyos ay biyaya ng Diyos sa mananampalataya. Ito ay

34 Awit 32:1-2 35 O sa Ingles, “Source”

Page 19: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

16

maituturing na libre o walang bayad. Subalit naging libre dahil sa dakila at

mayamang pagtubos na ginawa ng Panginoong Jesus para sa atin. Siya ang

dakilang kabayaran para sa atin. Nasiyahan36

ang Diyos Ama sa ginawang

pagtubos ni Cristo para sa atin, kung kaya‟t sinumang tunay na

sumasampalataya kay Jesus ay kaagad na tumatanggap ng kapatawaran na

galing sa Diyos sa lahat ng kanyang mga kasalanan. Oh! hindi ka na

mapupunta ng impyerno oh Kristyano dahil kay Hesus! Tunay ngang

mapalad ang Kristyano!

Subalit ang problema, marami sa ating mga kababayan ngayon ay

hindi makita yung ganda, halaga, at kaseryosohan ng mapatawad sa

kanilang mga kasalanan. At ang dahilan kung bakit ang Di-Kristyano37

ay

walang pagpapahalaga sa Diyos ay sapagkat yung isipan nila ay napakalayo

sa Panginoon; ito‟y binulag ni Satanas at ng kanilang pita ng laman. At

dahil sa napakalayo, sila ay nagkaroon ng isang nakapangingilabot at

nakamamatay na pagkalimoot tungkol sa mangyayaring hatol ng Diyos.

At heto pa: ang malaking pagkakamali na magagawa ng tao sa buhay

niya ay yung isipin, akalain at yakapin ang kasinungalingan na magagawa

niyang bilhin ang kaligtasan sa pamamagitan ng kanyang dunong at

sariling-relihiyon. Mawalang galang na po, subalit nauudyukan akong

sabihin na marami sa mga Pilipino ngayon ay balot at bigkis ng

pagkalinlang. Bakit? Sapagkat inaakala nilang ang pakikilahok at pagiging

deboto sa mga santo o patron ng kanilang simbahan ay sapat upang sila ay

mahugasan sa kanilang mga kasalanan. Maging ang mga kababayan natin

na yumayakap sa doktrina ng mga kultong-sekta na nagdadala kuno ng

pangalan ni Cristo subalit ang tinuturong kaligtasan ay ayon naman sa

pananaw at gawa ng tao. Maliban riyan, kahit na ang kanilang konsensya38

36 Satisfied 37 Di-Kristyano o Unbeliever 38 Roma 2:15

Page 20: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

17

ay nagsasalita sa kanila na sila ay makasalanan na nangangailangan ng

habag ng Diyos, subalit nagmamatigas parin sila. Ayaw parin nilang isuko

ang kanilang buhay kay Jesu-Cristo. Ayaw nilang bitawan ang kanilang

mga kalayawan o bisyo. At bakit? Sapagkat napakaliit ng kanilang

pagtingin sa hatol ng Diyos. Para sa kanila ito ay hindi seryoso at malaking

isyu. Ito ay gawa lamang daw ng mga relihiyosong panatiko na walang

magawa kundi kumita ng salapi o magpapansin sa pamamagitan ng

relihiyon. Syempre, totoo na may mga ministro na gumagawa ng ganyang

lisyang bagay. Hindi ko tinatanggi ang kabulukan na ginagawa ng iba sa

ngalan ng relihiyon o ni Jesu-Cristo. Subalit kaibigan, hindi parin mabubura

ang katotohanan na ang Diyos ng Biblia ay may hatid na hatol sa patuloy na

naghihimagsik at nagmamatigas sa Kanyang banal at mahabaging

kalooban. Oh! Lumapit ka na sa Diyos! Magbalik-loob ka na! Huwag mo

ng hintayin pa na ang oras ay maging huli. Ngayon pa lang, saan ka man at

sino ka man, lasapin mo na ang pagpapatawad ng Diyos na Kanyang

libreng ipinagkakaloob sa pamamagitan ni Cristo-Jesus. Asamin mong

mapabilang ngayon sa mga mapapalad.

Page 21: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

18

Chapter 5

Ang Lugi at Yari

Sa Mathematics, ang Subtraction at Division ay madalas na ipalagay

na negatibo. Samantalang ang Addition at Multiplication ang siyang

positibo. Pagdating sa Business, kung maaari, ayaw nating may Subtraction

o yung nalulugi tayo; yung wala tayong kinikita, na malaki at marami yung

ating trabaho pero kaunti ang income. Ang gusto natin syempre ay yung

addition, yung araw-araw ay laging may nadaragdag at lalo‟t higit yung

may nagmu-multiply. Tuloy, hindi nakapagtataka na sa larangan ng

Negosyo, patok na patok at kontrobersyal ang paraan ng Networking.

Sa Biblia, mayroon ring malinaw na ipinapakita tungkol sa Dagdag-

Bawas o Addition and Subtraction. Okay, tingnan natin kung saang lugar ka

nakalagay. Ngunit, kailangan mong maging bukas ang isip sa pagsusuri ng

iyong kalagayan, kasi baka iniisip mo na ikaw ay nasa advantage gayong

ang totoo, eh luging-lugi ka pala. Ang talata na aking pagbabatayan ay nasa

Juan 10:10. Ang nagsasalita sa talatang ito ay walang iba kundi ang

Panginoong Jesus, kung kaya‟t mahalagang makinig tayo ng mabuti.

Ganito ang sabi Niya,

Dumarating ang magnanakaw para lamang magnakaw, pumatay, at

manira. Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon ng buhay, ng

isang buhay na masagana at ganap.

Ngayon, maari mong itanong, “Nasaan rito ang Addition-

Subtraction?” Well, pansinin mo ito,

“Dumarating ang magnanakaw (Subtraction) para lamang magnakaw,

pumatay, at manira. (Division)”

Ang magnanakaw na tinutukoy rito ni Cristo ay si Satanas. Ngunit

Page 22: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

19

para sa pananaw at pakiramdam ng mundo, ang pananalita na ito ay tila

hindi totoo. Bakit? Sapagkat kung titingnan mo nga naman ngayon, ang tila

higit na nagtatagumpay sa daigdig ay ang mga walang relasyon kay Cristo.

Na anupat dahil rito, ang Psalmista sa Awit 37:1-2 ay nakapagsabi ng

ganito,

Huwag kang mabalisa dahil sa masama; huwag mong kainggitan liko

nilang gawa. Katulad ng damo, sila'y malalanta, tulad ng halaman,

matutuyo sila.

Ngayon, bakit nasabi ng Psalmista na hindi natin dapat kainggitan

ang masama? Well, kasi nakita niya na hayag na hayag ang tagumpay nila

sa career, sa business, sa pulitika at sa popularidad. Kumbaga eh,

nagseselos ang Psalmista. Tila ba iniisip niya,

“Akala ko ba dumating si Cristo para bigyan ako ng masaganang

buhay? Bakit ganito ang buhay ko? Bakit ang higit na

nagtatagumpay ay ang masama at hindi kami na mga anak ng

Diyos?”

Kita mo? Kaya nga, ang tanong ay, paanong si Satanas ay

nagbibigay ng subtraction at division sa buhay ng mga Di-Kristyano

gayong tila masaya at masarap sa piling niya? Well, ang sagot ay simple.

Ayon narin sa psalmista,

Katulad ng damo, sila'y malalanta, tulad ng halaman, matutuyo sila.

Ano ang ibig nitong sabihin? Kaibigan, ganito: Oo, ngayon ang mga

masama o ang mga walang-Kristo sa puso ay nagtatagumpay. Oo, ngayon

sila ang malulusog. Oo ngayon sila ang mayayaman, Oo, ngayon sila ang

makapangyarihan at sila ang higit na kinikilala. Pero...ngunit at subalit...

Page 23: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

20

darating ang dakilang araw na itinakda ng Diyos – ang Araw ng

Paghuhukom kung saan ang mga tulad nila ay magiging „tuyong damo‟ na

susunugin ng Diyos ayon sa katarungan ng Kanyang Hatol. Ang sabi sa

Awit 1:4-5,

Ang… masama, ito ay tulad ng ipa, hangin ang siyang nagtatangay. Sa

araw ng paghuhukom, parusa niya'y nakalaan.

Kita mo? Ang simpleng katotohanan kung gayon ay ito: Hindi tayo

dapat magselos sa presenteng pagtatagumpay ng masama sapagkat sa

katapusan, makikita natin ang hustisya ng Diyos laban sa kanilang

kapalaluan at kasamaan. Kaya, wika naman ni Apostol Juan,

Huwag ninyong ibigin ang sanlibutan, ni ang mga bagay na nasa

sanlibutan. Ang pag-ibig ng Ama ay wala sa sinumang umiibig sa

sanlibutan. Sapagkat ang lahat na nasa sanlibutan, ang masamang

pagnanasa ng laman, ang pagnanasa ng mga mata, at ang pagmamataas

sa buhay, ay hindi mula sa Ama kundi sa sanlibutan. Ang sanlibutan at

ang pagnanasa nito ay lumilipas, ngunit ang gumagawa ng kalooban ng

Diyos ay mananatili magpakailanman.39

Kaya nga, huwag magmahal sa mundo, kasi ang mundo (o

kamunduhan) ay maglalaho.

At ito pa, bagamat sa tingin natin ay nagtatagumpay ang mga

masama sa pamamagitan ng pera, kapangyarihan at popularidad; pero kung

titingnan natin sila ayon sa pagtingin ng Diyos sa kanilang puso,

mauunawaan natin ang kanilang kahabag-habag na kalagayan. At bakit?

Sapagkat ang totoo, sa kaibuturan ng kanilang puso, wala silang kagalakan,

wala silang kapayapaan, wala silang maka-Diyos na kabuluhan, at walang

buhay na walang hanggan. Hindi napapawi ng pera ang uhaw at kapaguran

39 1 Juan 2:15-17

Page 24: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

21

ng kanilang puso na tanging Diyos lamang ang makapagbibigay ng

kapahingahan.

Kaya nga...ang masagana at ganap na buhay kung gayon na

tinutukoy ni Cristo sa Juan10:10 para sa Kanyang mga tupa ay hindi pulos

materyal at pisikal, kundi sa essensya ay espiritual.

Ang sabi ng Panginoon,

Naparito ako upang ang mga tupa ay magkaroon (Addition) ng buhay, ng

isang buhay na masagana (Multiplication) at ganap.

Ang buhay na tinutukoy Niya rito ay ang buhay na walang

hanggan na walang bayad Niyang ipinagkakaloob sa bawat taus

pusong sumasampalataya sa Kanya. Mahalagang malaman na yung

salita na „masagana‟ rito ay hindi tumutukoy sa turo ng Health and

Wealth Gospel na ipinapangaral ng mga Charismatic preachers sa

ating Bayan. Bagkus, ito ay tumutukoy sa kabuluhan ng buhay. Sa

madaling salita, gustong sabihin ni Jesus na Siya ang magbibigay

kabuluhan sa buhay mo. Oh! Ang tanong ng mga sinaunang Pilosopo

tungkol sa kabuluhan ng buhay ay matatagpuan lamang kay Jesu-

Cristo.

Oo, sa ngayon ay hindi natin lagi at ganap na madama at

makita sa materyal at pisikal na epekto ang walang hanggan at

makabuluhang buhay na ito. Subalit darating ang araw na mukhaan at

lubusan nating mararanasan ang sinabi ni Pablo,

"Ang mga bagay na hindi nakita ng mata, at hindi narinig ng tainga, at

hindi pumasok sa puso ng tao, ay ang mga bagay na inihanda ng Diyos

para sa kanila na nagmamahal sa Kanya."40

40 1 Corinto 2:9

Page 25: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

22

Kaya nga, hindi isang kalugihan sa bandang huli ang

pananampalataya kay Cristo. Sa katotohanan, ito ang pinakamatinding

pakinabang sa lahat. Kaya‟t sa bawat tao na hindi pa sumasampalataya sa

katotohanan ni Jesu-Cristo bilang Anak ng Diyos at Tagapagligtas, ganito

ang sinasabi ng Panginoon,

Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao, kung makamit niya ang

buong sanlibutan, ngunit mawawala o mapapahamak naman ang

kanyang sarili?41

Kita mo? Kaya naman kaibigan, ang tanong: Si Jesus ba ang

pakinabang mo sa buhay? Kung hindi, lugi o patay ka o yari ka huli.

Kaya‟t, nasaan ka? Sa subtraction at division ni Satanas na feeling

mo‟y masagana at bongga? O nasa addition at multiplication ni Jesus na

maaring ngayo‟y tila lugi, ngunit sa bandang huli‟y matinding ligaya at

halaga? Oh, nawa‟y nasa panig ka ni Jesus na tunay na tapapagbigay ng

kabuluhan sa buhay. Oh! Nawa‟y magbalik-loob ka na sa Kanya at

simulang lasapin ang dakilang-halaga ng Kanyang presensya.

41 Lukas 9:25

Page 26: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

23

Chapter 6

Ang Daan

Walang taong nakakita kaylanman sa Diyos; ang bugtong na Anak na

nasa sinapupunan ng Ama, siya ang nagpakilala sa kanya.42

Kaysarap malaman na para makilala natin ang Diyos, Siya mismo

ang nagpapakilala ng Kanyang Sarili sa atin sa Biblia at sa pamamagitan ng

Ebanghelyo. Gayunpaman, dahil sa kasalanan ay nagkaroon tayo ng

hadlang upang makilala natin ang Diyos sa dalisay na pananaw.

Ang kasalanan ay naglayo sa atin mula sa Diyos. Ang Diyos ay

banal, ang Tao ay makasalanan, at dahil riyan, hindi sila pwedeng

pagsamahin. Dagdag pa niyan, ang pagkakalayo na ito ay pinaghaharian ng

poot o pakikipag-alit. Tayo ay kaaway ng Diyos, at ang Diyos ay atin ring

kaaway.43

May digmaan sa pagitan ng banal na Diyos at makasalanang tao.

May hatol at parusa na sa atin ay nakaambang.44

Ang totoo niyan, tayo ay

sentensyado ng pumunta sa Impyerno. Subalit, dahil sa biyaya ng Diyos,

tayo ay maaaring maligtas sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating

Panginoong Tagapagligtas.45

Tatlong pangunahing bagay ang ginawa ng kasalanan sa buhay ng

Tao.

1. Maling Pananaw tungkol sa Diyos.46 Ito ay bunga ng pagkalalayo ng tao

42 Juan 1:18 43 Roma 5:10, 8:7 44 Roma 1:21, 28 45 Efeso 2:8-9 46 Roma 1:21

Page 27: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

24

mula sa banal na relasyon sa Panginoon. Malayo ang tao sa Diyos at

bunga niyan hindi niya kilala ang Diyos ayon sa Espiritu at

Katotohanan. May bangin ng kasalanan na sumisira ng kanyang

pananaw o tanaw sa Diyos. Wala siyang malapit at makaDiyos na

pagtingin sa Kanya.

2. Maling Pagsamba sa Diyos.47 Dahil galit ang tao at ayaw niya

48 sa

Diyos, ayaw rin niyang sumamba sa Diyos.49

At kung mayroon man

siyang sinasamba, hindi iyon ang tunay na Diyos ng Biblia kundi

ang kanyang makasariling ideolohiya, haka-haka o kaya‟y ang diyus-

diyusan ng kanyang puso – gaya ng pera, posisyon sa lipunan, at

bisyo.

3. Maling Pamumuhay na Laban sa Diyos.50 Syempre dahil mali ang

pananaw sa Diyos o ayaw magpasakop sa Diyos tiyak na

mamumuhay rin ng taliwas sa kalooban ng Diyos. Hindi nakakagulat

sa mga Di-Kristyano na mamuhay sa kalayawan, kahalayan at

kasakiman. Bakit? Kasi kung wala si Jesus sa puso, imposibleng

mamuhay ng para sa kaluwalhatian ng Diyos. Kita mo?

Ngayon, ano ang kasagutan ng Biblia sa ganitong makasalanang-

kalagayan ng tao? Syempre isa lang. Walang iba kundi ang Panginoong

Jesu-Cristo – ang Anak ng Diyos.51

Ang sagot sa kasalanan, ang sagot sa

kasamaan, ang sagot sa kadiliman ng buhay ng tao, ang sagot sa kanyang

pagkabulag, pagkalinlang, at kamangmangan ay si Jesu-Cristo lamang.

Wala ng iba pa!

47 Roma 1:23-25 48 Sa Ugat-Kaibuturan ng kanyang pagkatao 49 Roma 8:7-8 50 Roma 1:28 51 Juan 1:18; Hebreo 1:3; Colosas 1:15; Juan 14:9

Page 28: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

25

Kung kaya‟t…

1. Ang makasalanang tao ay dapat na maiugnay kay Hesu-Cristo sa

pamamagitan ng biyaya at pananampalataya. Sinabi ng Panginoong

Hesus na Siya ang Daan, ang katotohanan at ang buhay. Walang

sinuman ang pwedeng magkaroon ng relasyon sa Diyos Ama, kundi

sa pamamagitan Niya.52

Ibig sabihin, si Jesu-Cristo ang kaligtasan;

Siya lamang ang Daan, ang nag-iisang Daan at wala ng iba pa. Hindi

ang iba pang relihiyon ng daigdig, hindi ang anupamang seremonya

o pakitang buting-gawa ng tao. Hindi ang kanyang talino o

pilosopiya ng makamundong-edukasyon, hindi ang kanyang

ipinagmamayabang na propesyon…kundi si Hesu-Cristo lamang.

2. Ang tunay na pagkakilala sa Diyos ay magaganap lamang sa pamamagitan

ng relasyon kay Jesus ng Biblia.53 Anumang relihiyon, sekta, o samahan

na tumatanggi sa pagka-Diyos ni Cristo, sa Kanyang pagiging Anak

ng Diyos, sa Kanyang pagiging nag-iisang Tagapagligtas, ay isang

kahangalan at kamatayan. Si Jesu-Cristo lamang ang totoo at wala ng

iba pa. Ang pagkilala sa Diyos ay sa pamamagitan lamang ni Cristo

– ng Kanyang Persona, salita, at gawa sa krus.

3. Si Jesu-Cristo lang ang makapaghuhugas ng ating mga kasalanan sa

pamamagitan ng Kanyang dugo o sakripisyo sa krus. Hindi hostia, hindi

rosaryo, hindi Pari o Santo Papa, hindi itim na Nazareno, hindi holy

water, o pagiging miyembro ng isang relihiyosong sekta gaya ng El

Shaddai, Dating Daan, Iglesia ni Manalo, Saksi ni Hova, Mormons,

o anupamang kulto na laganap sa ating bayan. Ang mga iyan ay mga

mukhang Kristyano, ngunit ibang kristo ang kanilang itinuturo at

sinasamba – hindi ang dalisay na Jesu-Cristo ng Biblia.

52 Juan 14:6 53 Juan 1:18

Page 29: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

26

Kaya nga, hangga‟t wala si Jesu-Cristo saiyong buhay (ang Jesu-

Cristo ng Biblia), wala kang tunay na pagkakilala sa tunay na Diyos; wala

kang tunay na pagsamba, o tunay na espiritwalidad; wala kang tunay na

kaligtasan mula sa iyong mga kasalanan, wala kang tunay na buhay, wala

kang tunay na makabuluhang-buhay, at wala kang buhay na walang

hanggan. Si Jesus ang tunay at nag-iisa na Daan tungo sa kaligtasan, at ang

pagbabalik-loob sa Kanya ang pinakamahalaga, pinakamatalino, at walang

hanggang kayamanan na makakamit ng isang nagsisisi at nagbabalik-loob

na makasalanan.

Page 30: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

27

Chapter 7

Ayon kay Jesus

Kung ang sinumang tao ay ibig sumunod sa akin, ay tumanggi sa

kaniyang sarili, at pasanin sa araw-araw ang kanyang krus, at sumunod

sa akin.54

Kung tatanungin natin ang founder o nagtatag ng Kristyanismo na

walang iba kundi ang mahal at makapangyarihang si Jesu-Cristo, ano kaya

ang Kanyang sasabihin tungkol sa pagiging tunay na Kristiyano? Maganda

itong tanong na dapat pagbulayan ng malalim, sapagkat sa panahong ito,

naglipana sa ating lipunan ang iba‟t ibang pananaw at hakahaka tungkol sa

Kristyanismo. Subalit, kung ano man ang identidad o katangian ng tunay na

Kristyano, si Jesus ng Nazareth lamang ang makapagtutukoy kung ano ito

at sino sila. At dito sa Lukas 9:23, napakaliwanag ng pananalita ni Jesus

rito tungkol sa tunay na Kristyano. Kung pag-aaralang mabuti ang

pangungusap na ito ay magtatamo tayo ng karunungan tungkol sa tunay na

diwa ng pagsunod sa Panginoong Jesus. At gamit nga ang pangungusap ng

ating Panginoon, malalaman natin ang pundasyong-prinsipyo o katangian

ng pagiging tunay na Kristyano. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.

Una sa lahat, mayroong tinatawag na pagpapasya. Ang sabi ng

Panginoon, “Kung ang sinuman ay nagnanais.” Ang saling-salita na kung ay

nagpapahayag ng kondisyon. Ibig sabihin, hindi nais ng Panginoon ang

napipilitang pagsunod. Ang pagsunod ay dapat na nagbukal sa taus pusong

pagpapasya na gawa ng Espiritu Santo mismo sa puso ng tao sa

pamamagitan ng Ebanghelyo.

Ikalawa, mayroong pagsunod o pagpapasakop sa Kanyang pagka-

54 Lukas 9:23

Page 31: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

28

Panginoon. Ang sabi Niya, “nagnanais sumunod sa akin.” Sa katagang ito ay

makikita na ang pagiging Kristyano ay yung paunahin si Jesu-Cristo, hindi

pangunahan Siya.55

Siya ay „Lord,‟ hindi genie ng kahilingan mo.

Ikatlo, mayroong, pagtanggi sa ating sarili. Wika ng Panginoon,

“tanggihan niya ang kanyang sarili.” Ang pagiging self-centered o masentrong-

sariling buhay ay bunga ng kasalanan.56

Dahil sa kasalanan, ang tao ay

naging mayabang o ayaw magpasakop sa Diyos. Ayaw niya na tumugon sa

Panginoon sa buong-buo at mapagpasakop na diwa. Bagkus ang nais niya

ay ang masunod ang kanyang sariling layaw. Subalit, kapag ang isang tao

ay tunay na tumugon sa Diyos, ibig sabihin, pinabukal ng Espiritu ng Diyos

sa kanyang puso ang hangarin at kagustuhan na magpasakop sa Panginoon;

na maging dependent o umaasa sa Diyos.

Tinatanggihan ng isang Kristyano ang kanyang tinatawag na

„Lumang Pagkatao,‟ at laging nagsisikap na may kasiyahan at

pagpupunyagi na ipamuhay ang „Bagong Pagkatao‟ kay Jesu-Cristo.57

Ikaapat, mayroong pagpasan ng Krus sa araw-araw. Sabi ng

Panginoon, “at magpasan ng kanyang krus sa araw-araw.” Pansinin mo, “araw-

araw.” Hindi lang tuwing araw ng linggo o kapag may relihiyosong

okasyon. Ngunit dapat mabilis linawin na hindi ito tungkol sa penitensya ng

Romano Katoliko.

Ang “krus” na tinutukoy rito ni Jesus ay yung pagtanggi sa sarili.

Ang krus ay larawan ng pagtitiis at kamatayan. Oh! Ang katagang ito ay

hitik sa katotohanan! Sa praktikal na implikasyon ay ganito: kung dati-rati

isa kang sugapa sa alak, pero ngayong Kristyano ka na, naging responsable

ka na sa buhay; naghahanap-buhay ka na, hindi ka na tambay. Kung dati-

rati, mainitin ang ulo mo, pero ngayon, pasensyoso ka na, marunong ka ng

55 Roma 6:11-23 56 Genesis 3 57 Colosas 3:1-5

Page 32: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

29

magtyaga, kahit na nakakairita pa yung kapit-bahay mo. Pero yung pagtitiis

ay hindi lamang yung pagtanggi sa layaw ng buhay, kundi maging sa

pagharap at pagtanggap ng mga pag-uusig na mula sa mga Di-Kristyano.

Tandaan po natin na hindi sikat at tanggap sa Mundo ang pamumuhay ng

banal kay Cristo. Kung kaya‟t siguradong ang Kristyano ay haharap sa mga

pagtitiis na dulot at hatid ng makasalanang lipunan.58

Kaya nga, kung ang

isang tao ay nagnanais sumunod sa Panginoong Jesus, kailangan niyang

mamatay sa sarili – sa sariling layaw, sa sariling pananaw at sa

kamunduhan. Minsan pa, maraming aral sa prinsipyong ito.

Ikalima, mayroong pagtuon ng pansin kay Cristo. Ang sabi Niya, “at

sumunod sa akin.” Ibig sabihin, kung dati rati ay nakatitig ka sa alak o sa

babae, kapag naging tunay na Kristyano ka, ang tititigan mo na ay ang mga

talata sa Biblia; na pinagbubulayan mo ang mensahe ng Diyos para sa

buhay mo. Kung dati rati, ang awit mo ay kumunduhan, ngayon ang awit

ng puso mo ay para sa Diyos na. Kung dati-rati, yung tambayan mo ay sa

mga kalye at bar, noong naging Kristyano ka, ang tambayan mo na ay sa

Simbahan, at ang mga kabarkada mo ay ang Kapatiran. Kita mo?

Kaibigan, hinihikayat kita sa patuloy na pagbubulay ng mga

katangian na iyan. Mahalagang magbalik-loob tayo sa diwa ng

Kristyanismo ayon sa salita ni Kristo. Ang limang iyan ay magandang

pagsusuri sa ating buhay kung tunay nga ba nating tinanggap at nararanasan

ang diwa at katangian ng pagiging Kristyano ayon sa sinasabi ng

Panginoong Jesus.

58 2 Timoteo 3:12

Page 33: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

30

Chapter 8

Ang Tagal

Datapwat huwag ninyong kalimutan mga minamahal, ang isang bagay na

ito, ang isang araw sa Panginoon ay katulad ng isang libong taon, at ang

isang libong taon ay katulad ng isang araw.59

Bakit ang tagal dumating ni Jesu-Cristo? Bakit kasi? Anong dahilan?

Mayroon bang dahilan? Well, kung si Apostol Pedro ang pagbabatayan ng

sagot, ganito ang kanyang masasabi.

At inyong ituring ang pagtitiyaga ng ating Panginoon bilang kaligtasan.60

Dapat nating tandaan na si Apostol Pedro ay isang simpleng tao.

Ang kanyang sagot rito ay hindi pilosopikal na idinaraan pa sa mahabi at

mahabang kasagutan. Bagkus, ang kanyang sagot ay simple, praktikal, at

ika nga, down to earth – pasok sa unawa ng Masa. At natutuhan ko sa

ministeryo ng pagsusulat at pamamahayag na ang ganitong paraan ay

kailangan ng marami – dahil kung tutuusin iilan lang naman ang mga

pasaway na Pilosopo sa ating bayan na itinuturing ang sarili na intellectual

elite.

Ngayon para kay Pedro, ang pangako ng pagdating ni Jesus ay isang

katiyakan na narinig niya mismo ng mukhaan sa bibig ng Guro at

Panginoon na nakasama niya ng mga tatlong taon. Ngunit dito sa talata,

mahalagang tanong siguro na: Paano nagiging kaligtasan ang pagtitiyaga ng

Panginoon? Sa tingin ko, para higit na maunawaan ito, kailangan nating

bumalik sa talatang 4 at 5, kung saan sinabi ni Apostol Pedro na may mga

59 2 Pedro 3:8 60 2 Pedro 3:15

Page 34: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

31

taong nanlilibak (nang-aasar) laban sa pangako ng pagbabalik ni Cristo.

Ang sabi nila,

"Nasaan ang pangako ng kanyang pagdating? Sapagkat, buhat pa nang

mamatay ang ating mga ninuno, nananatili ang lahat ng mga bagay sa

dati nilang kalagayan mula nang pasimula ng paglalang."61

Dito ay makikita natin na sa panahon palang ng mga Apostol ay

mayroon ng mga kritiko at iskeptiko na hindi naniniwala na babalik si

Cristo. Nilalait nila ang dakilang pag-asa ng mga Kristyano na anupat dahil

sa kanilang maingay na impluensya ay may ilan sa mga Kristyano na

nagsimulang magduda at manghina ang loob sa paglilingkod kay Cristo.62

Kaya‟t bilang tugon at depensang-attake laban sa masamang ideya na ito ay

ipinaliwanag ni Apostol Pedro na kung tumatagal man sa tingin at pansin

ng Tao ang pagbabalik ni Cristo, ito ay dahil sa habag o pagtitiyaga ng

Diyos. Pag-isipan mong mabuti ang sinabi ni Pedro,

Subalit huwag ninyong kaliligtaan ang katotohanang ito, mga minamahal,

ang isang araw sa Panginoon ay tulad ng sanlibong taon, at ang

sanlibong taon ay tulad ng isang araw. Hindi mabagal ang Panginoon

tungkol sa kanyang pangako, na gaya ng kabagalang itinuturing ng iba,

kundi matiyaga sa inyo, na hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak,

kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi.63

Kita mo? Dito ay ipinaliwanag ni Pedro na iba ang time-table ng

Diyos sa time-table ng tao. Ito ay simple at praktikal o common sense na

paliwanag. Hindi natin dapat ilagay ang pagdating ni Cristo ayon sa ating

kalendaryo at kagustuhan. Ang Diyos ay may itinalagang schedule sa

pagbabalik ng Kanyang Anak. Yung matagal sa atin ay hindi matagal sa

61 2 Pedro 3:4 62 1 Tesalonika 5:1-12 63 2 Pedro 3:8-9

Page 35: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

32

Diyos. Kung kaya‟t sabi ni Apostol Pedro sa mga talatang 3, 5, at 16, yung

mga “manlilibak” tungkol sa pagbabalik ni Cristo ay tinawag niyang “mga

hangal,” “na lumalakad ayon sa kanilang sariling pagnanasa” at mga “hindi nakakaalam

at walang tiyaga.” Mga hangal sila sapagkat ibinatay nila ang katiyakan ng

pagbabalik ni Cristo batay sa kanilang pisikal na pandama.64

Hindi nila

nauunawaan ang banal na pangako na ito sapagkat pita ng laman ang

paraan65

ng pagsusuri nila. May problema sila sa scientific observation kasi

bina-bias ito ng kanilang moral na problema.66

At mga wala silang tiyaga

sapagkat mabilis silang mag-conclude kahit wala silang matibay, solido at

maliwanag na evidensya. Ibig sabihin, kanilang ipinapaliwanag ang

pagbabalik ni Jesu-Cristo ayon sa kanilang gusto at kahangalan. Dagdag pa,

ni hindi nga rin nila naunawaan yung sinabi ni Pedro sa talatang 9,

Hindi mabagal ang Panginoon tungkol sa kanyang pangako, na gaya ng

kabagalang itinuturing ng iba, kundi matiyaga sa inyo, na hindi niya ibig na

sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi.67

Kita mo? Maliban sa kaibhan ng timetable ng Diyos sa ating

timetable, gusto ring ipaliwanag ni Apostol Pedro na kung ang pagbabalik

man ni Cristo ay tila tumatagal sa paningin at pakiramdam ng mga Tao, ito

ay dahil sa ang Diyos ay nagbibigay parin sa makasalanang tao ng panahon.

Kung ang Diyos man ay nagdi-delay, yung „delay‟ na ito ay kapahayagan

ng Kanyang habag – upang ang tao ay magsisi sa kanyang kasalanan. At sa

aking palagay, mas higit lamang nating mauunawaan ang dahilan ng

pagbibigay ng Diyos ng panahon sa makasalanang Tao kung mauunawaan

nating mabuti yung kaseryosohan at kabagsikan ng Kanyang Hatol.

64 Sense-experience o empiricists 65 Methodology o epistemology 66 Atheism o Skepticism kasi ang attitude o inclination nila sa Biblia, kay Jesus, at

sa existensya ng Diyos. 67 2 Pedro 3:9

Page 36: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

33

Tandaan mo, hindi biro ang Impyerno! Hindi laro ang walang hanggang

kahirapan at kamatayan sa Impyerno o Dagat-dagatang apoy! Ayaw ito ng

Diyos na mangyari sa iyo kaibigan, kung kaya‟t nagbibigay parin Siya ng

panahon upang ikaw ay magbalik-loob. Siya ay nagpapasensya parin para

sa iyo. Kaya nga, sabi ni Apostol Pedro sa talatang 15,

“…inyong ituring ang pagtitiyaga ng ating Panginoon bilang kaligtasan.”

Nagbibigay pa ng oras ang Diyos sayo kaibigan. Ang oras na ito ang

ginto na ipinagkakaloob sa iyo ng Langit – oras ng pagsisisi. Ang hininga

mo ay patunay na nagpapasensya pa ang Diyos sayo. Subalit, dapat mo ring

maunawaan, na hindi Siya laging magmumukhang-delay. Si Jesu-Cristo ay

tiyak na darating. Pero syempre, ang mahalagang tanong ay ito: Handa ka

na ba sa Kanyang pagbabalik? Nanikluhod ka na ba sa Kanyang harapan ng

may taus pusong pagsisisi sa iyong mga kasalanan? Nagbalik-loob ka na ba

kaibigan?

Oh, kaibigan, ang oras na ibinibigay saiyo ng Diyos ay para sa iyong

pagsisisi; para sa iyong pagbabalik-loob. Hindi mo ito dapat sayangin. Ang

susunod na pagdating ni Cristo sa daigdig ay hindi na upang maging Alay,

kundi upang maging Hukom. Wika ni Apostol Pablo,

“…sa pagkapahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang

kanyang mga makapangyarihang anghel na nasa nagliliyab na apoy, na

magbibigay ng parusa sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa mga hindi

sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus. Ang mga ito'y

tatanggap ng kaparusahang walang hanggang pagkapuksa at palalayasin

sa harapan ng Panginoon at mula sa kaluwalhatian ng kanyang

kalakasan.68

68 2 Tesalonika 1:7-9

Page 37: Pagbabalik-Loob...Diyos sa tao ay isang malawak na theolohikal na usapin na kaysarap pag-aralan. 4 Efeso 4:24 5 Efeso 2:1 6 Bagamat originally (by creation) hindi niya ito likas na

34

Kita mo? Kaya nga, sa iyo na hindi pa tumatanggap sa Panginoong

Jesus bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas, nakikiusap po ako sa iyo

na huwag mong hamakin ang pangako ng Kanyang pagbabalik. Ito po ay

mangyayari sapagkat ito ay pangako ng Anak ng Diyos para sa Kanyang

mga tinubos – sa Kanyang mga hinirang. Ang mahalagang tanong ay: Isa

ka na ba sa mga tinubos ni Cristo? Nagpatirapa ka na ba sa Panginoon na

tanging makapagliligtas sayo? Isinuko mo na ba ang iyong buhay sa Kanya

sa pagtitiwalang Siya lamang ang makapagkakaloob sa iyo ng kapatawaran;

ng tunay, makabuluhan at walang hanggang buhay? Kung hindi pa

kaibigan, oh, ito na mismo ang oras, maging ang minuto na tinatawag ka ng

Diyos; ang maging bahagi ng Kanyang pamilya. Magsisi ka sa iyong

kasalanan, magbalik loob ka sa Diyos; magtiwala ka kay Cristo Jesus na

Panginoon mong Tagapagligtas. Ito ang sandali na kinakausap ka ng Diyos

at pinupukaw ang iyong kalooban na lumapit sa Kanya na taglay ang iyong

puso at kalooban. Oh, ito na ang oras ng iyong Pagbabalik-Loob.

Amen