Upload
noellandia
View
258
Download
4
Embed Size (px)
DESCRIPTION
story of agent bookworm of the Black Bureau Elites
Citation preview
1
MAYHEM IN DISGUISE
(Agent Bookworm)
“Erriene Aliente”
Black Bureau Elites Bk. 11
NOELLE ARROYO
SI Erriene Aliente, isang bookworm. Iyon din ang codename niya sa BB pero mas bilang natutuwang palayaw sa kanya kaysa codename. Isa siyang in-house agent at nagma-manage ng Technical Library ng Black Bureau. She’d never seen real action aside from what she’d read in books, mission post files and the accounts recounted by the agents sa mess hall. Sa mandatory combat training nga, lagi siyang black and blue.
Dumating ang kanyang isang linggong bakasyon at umuwi siya sa probinsya para dalawin ang kanyang matatanda nang mga magulang. Muli niyang nakatagpo ang dati niyang makulit na kababata, si Luigi Salvador. Luigi was the only boy who’d ever made her feel quiverish inside. Mayaman at ubod ng gwapo, unfortunately ay ganoon pa rin ang epekto nito sa kanya. Noong hiniling nitong magpanggap siyang girlfriend nito pagbalik nila sa Maynila para maiwasan ang isang ex na may pagka-stalker, hindi niya naiwasan ang oportunidad para makasama ito lagi. Dahil hayun at nain-love na naman siya rito.
Pero bago may totoong nangyari, umatake na nga ang stalker ex-gf nito. At iyon, ang kanyang mission in disguise, naging mayhem na umaatikabo.
* * *
1. “I wanted to kiss you,” sabi nito. Bumaba sa kanyang mga labi ang mga mata
nito. “These lips looked really delicious, and I want to taste them. And all you do is make funny
jokes.”
2. “I have a better idea,” sabi nito habang kinakalag muli ang seatbelt nito at umiisod
palapit sa kanya. Pagkatapos ay yumakap ito sa kanya. At inangat ang mukha para ibigay sa
kanya ang pinakamatamis na halik na naranasan niya sa buong buhay niya.
* * * “In the beginnings of a change, the patriot is a scarce man, and brave, and hated and scorned. When his cause succeeds, the timid joins him, for then it costs nothing to be a patriot.”
- Mark Twain
2
Chapter ONE
YUMUGYOG ANG BUS at ang galaw niyon at nagawang ingay ay gumising sa umiidlip na si
Erriene. Napamulat siya, saka awtomatikong napangiti nang makita ang tanawin sa labas
ng bus.
Ricefields, miles of them… kagubatan, at ang bulubundukin ng Mulawin.
Malapit na siya.
Umayos siya ng upo sa komportableng kutson ng provincial bus na sinakyan niya
para makauwi sa probinsya. Erienne never learned how to drive. Malalim siyang mag-
isip—sobrang lalim lumilipad iyon at nawawala nang hindi niya namamalayan. Hindi niya
pwedeng gawin iyon habang nagda-drive kasi either madisgrasya siya o makadisgrasya.
Doon sa huli, hindi niya mapapatawad ang sarili niya. Kaya kahit kaya na niyang ma-afford
ang simpleng sasakyan sa sweldo niya bilang librarian sa Technical Library ng Black
Bureau, hindi siya bumibili.
Napabuntunghininga siya habang nakadarama nang kakaibang kasiyahan nang
maalala ang kanyang trabaho. Ang ibang magbabakasyon, hindi makapaghintay na maiwan
ang trabaho para makapagpahinga. Pero siya, nahahati sa pagkasabik na umuwi sa kanyang
mga magulang at lumbay sa pag-iwan kahit pansamantala lang sa kanyang trabaho. Isa lang
ang dahilan—she simply enjoyed her work. Even when she had been with BB for more than
five years now, she would still be hit with the same intensity of euphoria that she’d felt
when she first stepped inside the walls of the BB compound. Ang maging kinatawan nang
isang ahensyang lumalaban sa masasamang elemento ng lipunan kahit sa kung tutuusin ay
pinakapayak na partisipasyon lamang ay isang bagay na nakaka-overwhelm pa rin sa
kanya. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa swerte niya.
Simpleng graduate lang siya ng Library Science, walang pinag-e-excel-an maliban sa
kanyang obsesyon sa mga libro na hindi lamang siya makukuntento sa kwento—hahanapin
niya talaga pati puno’t dulo. Isa siyang obsessive bookworm mula pa man noong bata pa
siya.
Then one day, a handsome gentleman visited the private library in a government
facility where she had been working and asked for a book. Ang library ay kahalo ng mga
offices ng judges ng DOJ. Nailabas niya ang libro, may hinanap pa itong iba. She got it, too.
May tatlong oras na nanatili sa library ang may edad na ginoo, tahimik na nagbabasa. When
3
he asked for other books, hindi niya mailabas lahat dahil simpleng wala silang kopya ng
mga iyon. Pero nang malaman nitong meron siyang binuong pdf file nang lahat ng
matatagpuan niyang article sa mga websites sa Internet tungkol sa subject, which was
about Anarchism, naging interesado ito.
“You have them?”
“Yes, Sir.”
“Virgil asked you to do this?” natutuwa nitong tanong. Honorable Virgil Samonte was
her boss.
“Actually, hindi, Sir,” nahihiya niyang sabi. “Kapag may libreng oras ako, I do research
for him. Minsan bigla siyang nangangailangan ng additional info at naiinip siya when I have
to search for them kung kailan niya hinanap so… hinuhulaan ko na kung anong maaari
niyang kailanganin depende sa mga hinihingi niyang una o kaya mga aktibidades niya ng
araw na iyon.” Nahihiya siyang ngumiti noong enthusiastic itong tumango.
Matanong ito at namalayan na lang niyang pinapaliwanag niya rito ang sistema niya,
ang mga folders na binuo niya at mga links na ginawa niya na naging dahilan kung bakit
nagbibirong tinawag na Erriene’s website ang computer system sa library dahil serviceable
iyon kahit offline sila sa Internet.
“You’re very efficient,” puri nito. “Can I borrow your files, then?”
Kinopya niya ang files at collection ng e-books sa isang flash drive at tumigil ito sa
isang terminal. Pagkatapos nang ilan pang oras, nagpaalam na ito. Exactly at the time when
she was supposed to go home.
The next day, she was released from her job and was escorted from the library to
the compound of BB for debriefing. Turned out the good-looking gentleman was a former
army general and he’s recruited her to this secret intelligence agency that she thought only
existed in London, Russia and America! And in spy books, of course. Pumasok siya sa dati
niyang trabaho at umuwi mula sa bago. Hindi siya nakatulog nang gabing iyon. Akala talaga
niya, nananaginip lang siya. Sinong basta maniniwala sa reality ng Black Bureau?
It took a long time for her to finally believe the facts that started piling up every day
from then on. Sa araw-araw na pumapasok siya sa Black Bureau, para siyang pumapasok sa
ibang mundo. Ang mga reports na kino-compile niya, pina-file… they were stories about
real people. Extraordinary people with extraordinary lives that she never even knew
existed.
Actually, she knew they existed. Ang public lives ng mga ito. Pero ang BB
personalities ng mga ito… grabeng extraordinary.
4
Ang pagiging technical librarian ng BB ay isang trabaho na bumubuhay sa kanya
pero sa simula pa lang, batid niyang hindi iyon isang trabaho lang para sa kanya. It kept her
feeling alive. Walang umaga siyang gumising na mahina ang loob, walang sigla, miserable—
it was like she’s acquired happy cells with smiley faces jumping around since she became a
part of BB. She knew she was given the chance to matter. Na ang buhay niya, sa bawat
sandali ay may dahilan.
Higit sa lahat, araw-araw siyang may pag-asa dahil alam niyang sa kabila nang
masasamang mga nangyayari sa kanyang paligid, may mga taong gumagalaw at tumutulong
sa mga naaapi at sa mga kulang sa kakayahang iligtas ang kanilang mga sarili. Mabubuting
mga tao na tumutulong maging mas mabuti ang bukas nang lahat. Ang mundo.
So, that’s her, the Black Bureau Librarian. She made sure that every book, e-book
and articles, files and reports were ready for the agents’ use every minute of every night
and day. Hindi lamang iyon. Sa mga araw na nagpapahinga sa trabaho ang kanyang mga
kaibigan, coffee table books, romance paperbacks, bestseller novels and magazines were at
the ready for their use. Meron siya pati Manga, serialized comics at old and new movies on
DVD. She also took care of footnotes and side notes, like, hey, magluluto ng spaghetti si
Gracious ngayon! And every sort of thing that she could do to make BB agents’ work easier.
Sa lahat, malapit siya sa mga Criminal Profilers at si Whisper ang nagbigay sa kanya
ng nickname na Bookworm. Si Whisper, Francesca Lescano, ay nag-iisang anak nang isang
mayamang negosyante at nagmamay-ari ng branches ng Bookworm Bookstores. Hindi
naman niya talaga kailangan ng codename kasi hindi siya field agent at kahit kailan, hindi
siya nasabak sa field o kaya ay nasali sa transaction ng mga agents sa bawat kasong
hinahawakan ng mga ito maliban sa mag-provide ng back up data at tumulong kina Specs at
Violet, Billie Kuran at Allie Salcedo na dalawa sa mga criminal profilers, sa research. But she
seem to have the knack to know exactly what kind of reading every agent needed on and off
the field and that was mostly appreciated.
So there, ang kanyang nickname ang naging code name niya. Dahil mula nang
binansagan siya ng tatlong CPs ng Bookworm, iyon na rin ang itinawag sa kanya nang lahat.
Ang kanyang “Codename” lang ang nag-iisang link niya sa sikretong pangangarap na
maging isang elite. Para lang iyong daydreaming sa mga oras na wala siyang ginagawa at
natutulala. Sa mga gabi bago siya matulog, ini-imagine niya kung paano kaya kung siya ang
nasa lugar ni Ravenna sa huling misyon nito, when she had to ruthlessly fight three
marksmen to save a good politician marked for death. O nakikipagbarilan kasama nina
Psyche at Elektra noong kinidnap sina Whisper at asawa na nito ngayon. Daydreaming.
In reality, imposible siyang maging isang Black Bureau Elite. She couldn’t kill a rat,
for one. She couldn’t shoot an apple except if it’s a foot or two away. And she sucked at their
5
combat training. Hindi na nga siya nakakapagpatumba siya pa mandin ang black and blue
pagkatapos ng session niya.
Nagbuntunghininga siya nang malalim. Hanggang pangarap na lamang niya iyong
maging isang Black Bureau field agent ang isang tulad niya.
Unti-unti siyang nagbalik sa kasalukuyan at kasabay niyon ay ang pag-alala niya sa
kanyang daratnan. Muli siyang napangiti. Hindi alam nang kanyang mga magulang na
darating siya. Hindi niya sinabing may leave siya at dadalaw siya sa mga ito. Gusto niyang
masurpresa ang dalawa. Nag-iisang anak si Erriene, ipinanganak noong akala ng mag-
asawa ay hindi na mabubuntis pa ang kanyang Inay dahil nag-menopause na ito. Ngayong
twenty-seven na siya, napagkakamalang lolo at lola na niya ang kanyang mga magulang.
Pareho na kasing lampas sisenta.
Alam niyang kapag nakita siya ng mga ito, matutuwa ang mga ito. Higit pa doon,
tiyak niyang ikatutuwa ng mga ito ang mga pasalubong niya.
Ano pa, kundi mga libro?
Ang kanyang Itay ay anak nang isang magsasakang nagsasaka sa Hasyenda Salvador.
Masipag ito at kahit hindi na nakapag-aral sa highschool ay mahilig magbasa at matalino.
Ang kanyang Inay ay anak ng librarian sa municipal library sa kanilang bayan at nag-aaral
maging titser noong itanan ito nang kanyang Itay. Sabihin pa, ang hilig ng dalawa sa
pagbabasa ay naipasa ng mga ito sa kanya. Ang normal nilang gabi ay magbasa nang
hiniram na mga libro sa mabait na si Mrs. Salvador pagkatapos ng hapunan. Noong
kumikita na siya, pinakamasaya ang mga ito kapag may uwi siyang mga libro. Hindi
pagkain o kaya ay magarbong abubot—although she brought those, too—kundi bago o
secondhand pero napakabangong mga libro.
Kaya literal kung sasabihin niya, ang mundo niya ay libro.
SA WAKAS ay dumating sa terminal ang bus at bumaba siya. Hila ang kanyang suitcase na
de-gulong, naghanap siya nang marerentahang sasakyan patungo sa bukid nang kanyang
mga magulang. Ang problema, dahil nagtagal bago mailabas ang kanyang gamit mula sa
loob ng bus, iyong mga nakaantabay na traysikel ay naubos na. Halos wala pa ring
pinagbago ang kanilang barrio. May kuryente na pero payak pa ring mamuhay ang mga tao,
naisip niya habang pinanonood ang mga estudyanteng pauwi sakay sa lumang mga
bisikletang nagpapalipad ng gabok sa lupang kalsada.
Hinila niya ang suitcase sa tabi ng daan habang nanghahaba ang leeg niya sa
paghahanap nang paparating na tricycle.
6
Sa tinatayuan niya, may dumaang magarang sasakyan. Kapansin-pansin iyon dahil
sa kasalukuyan ay wala pang ibang sasakyan. Nagtaka siya nang bigla iyong tumigil
matapos makalampas sa kanya sa hindi kalayuan. Tapos paurong na bumalik at tumigil sa
kanyang harapan.
Tapos, bumaba ang windshield sa tapat niya. Sumilip ang isang pamilyar na mukha.
Nakangiti.
“Erriene! Is that really you?”
Napakurap siya. “L-Luigi?” Si Luigi, anak ni Mrs. Salvador, bully and arrogant and
immature pero kalaro niya, kaklase at kaibigan paminsan-minsan sa kanyang paglaki. Hindi
niya alam na nasa probinsya din ito. Ang huli niyang balita, nasa ibang bansa ito.
“Wow. I can’t believe it’s you. Hop in. Ihahatid na kita sa inyo.”
“N-Naku… hindi na.”
Bumaba ito ng kotse at lumapit sa kanya. “Ano ka ba? I pass by your house all the
time. Minsan nagkukwentuhan kami ng mga parents mo at kung hindi ako nagkakamali,
hindi niya alam na darating ka.” Napailing ito, ngiting ngiti. “Gusto kong makita ang mukha
nila kapag nakita ka na nila.”
Tumingin siya sa magkabila ng daan. Wala pa ring bumabalik na tricycle. Saka siya
nagbuntunghiningang tumango.
Nakangisi nitong kinuha ang kanyang suitcase para isakay iyon sa back
compartment.
“WOW… ERRIENE. Tama ang narinig ko. You’ve really changed a lot. I thought for a
moment that I was mistaken but that nose… you’re the only one that I know whose got that
nose.”
Nako-conscious siyang napahawak sa kanyang ilong. “Ang ilong ko?”
Ngingiti-ngiti ito at sa kabila ng polo at slacks na parang may iniisip na private joke
at hindi iyon maganda sa pakiramdam. Pakiramdam niya, ang kasama niya ay iyong pilyong
Luigi noon na kung anu-anong napapasok na gulo kapag naiinip at tinatakasan ang mga
bantay nito. “Pert and perky, parang hindi sa isang mahinhing babae,” nanunudyo nitong
tanong.
Sinamaan niya ito ng tingin. “Ikaw? Makulit ka pa rin ba at pinasasakit mo pa rin ba
ang ulo ng Mommy mo?”
7
Tumawa ito nang malakas. “Oh, I’ve changed, believe me. I have to. I’ve so many
things to do.” Medyo nag-sober up ito. “Mula nang mamatay si Daddy.”
Sympathetic siyang sumulyap dito. “Nabalitaan ko nga. Sorry hindi man lang ako
nakasilip sa funeral.” Sobra siyang abala noon. Nasa Black Bureau na siya, and it was one of
those days that was normal to Black Bureau but not to the civilians—mayhem na walang
katapusan.
Ngumiti ito sa kanya bago ibinalik ang tingin sa kalsada. “Sabi nga nina Manang,
masyado kang abala sa trabaho mo sa Manila. Bihirang bihira ka raw makauwi.”
“Oo, eh.”
“So… you seem to enjoy the city. How long are you gonna be here?”
“A week,” sagot niya.
Muli siya nitong sinulyapan. “Honestly, Erriene… you look great. Ano kayang
sasabihin nina Danica kapag nakita ka nila ngayon?”
Asiwa siyang ngumiti. She was just in a top and a jeans. On the other hand, may
brand na ngayon ang kanyang mga suot, hindi ang mga hand me downs na madalas ay
sobrang luwag at inaayos lamang nang kanyang Inay sa luma nitong sewing machine para
magkasya. Kahit galing siya sa byahe, walang make up at nagabukan at napawisan, alam
niyang malaki pa rin ang kanyang pinagbago kaysa noong panahon. “Well, hindi ako
actually delighted na makita sila.”
“Well, good for you. It’s not worth it to remember. But I’d still say, kapag nakita ka
nila mamamatay sila sa inggit. Danica’s fat and pimply now, with about three spoiled brats
giving her the hell that she once gave you. Sabihin na nating nakarma ang pobre.”
Ngumiti na lang siya. Narinig nga niya pero kakatwang wala siyang pakialam. She
was… just happy with her life to feel justified over a petty former classmate that bullied her
because Luigi spent time kidding her around more than any other. “Ikaw? Kumusta?”
“Ako? Nangyari na rin sa wakas ang paulit-ulit na sinasabi noon ni Mommy. Natuto
na ako sa buhay. There’s a lot to tell and little time to tell all.” Tinanguan nito ang
direksyong kanilang tinatahak. Nasa secondary road na sila at ilang minuto na lamang ay
makakarating na sila sa bahay ng mga magulang niya. “How about we make time
tomorrow? Magkwentuhan naman tayo. Interesado akong malaman kung ano nang
nangyari sa ‘yo. At marami rin akong ikukwento.”
Hindi siya makapaniwalang napatingin dito.
8
Natawa ito. “Why that look? Kahit papaano naman, naging magkaibigan tayo noon,
‘di ba?”
“Oo. Kapag naaalala mong lagyan ng butiki ang loob ng damit ko,” sabi niya.
“C’mon. Was that all I ever did?” sumasakay nitong tanong.
“Minsan salagubang. Isang beses naman, bulate.”
Namumula ito habang tumatawa. “Oh my God, mukhang I have a lot to make up for.”
Ngumiti siya. “Hindi ka naman masama all the time. Except if I tell, you might kill
me.”
Tumawa ito nang malakas. “Right. So, seven o’clock tomorrow? May alam akong
resto sa bayan. Don’t worry, it’ll not be a date. Baka magalit ang boyfriend mo.”
“Wala pa akong boyfriend,” awtomatiko niyang sabi habang nagugulat sa halos pag-
bulldozer nito sa kanyang lumabas kasama ito. Siya, si Erriene Aliente. Nakalimutan na ba
nito kung sino siya? Well, hindi niya nakakalimutan kung sino ito. Ito lang naman ang nag-
iisang anak ng may-ari ng Hasyenda Salvador, ang pinakamalaking hasyenda dito sa San
Rafael o sa karatig na mga bayan. Hindi pa rin iyon nagbabago.
“Then it’s settled now. Mag-jeans ka na lang or anumang komportableng kaswal na
damit. No skirts.” Dahil sa mga sinasabi nito, halos hindi niya namalayang ipinaparada na
nito ang kotse nito sa tapat ng bakuran ng bahay niya. Habang nakanganga pa siya, pinatay
nito ang engine at binuksan ang pinto sa tabi nito. “I’ll get you at seven o’clock,” sabi nito
bago bumaba ng kotse. Lumigid ito sa sasakyan, binuksan ang pinto sa tabi niya, saka
nakangiti nitong iniabot ang kamay na parang isang perfect gentleman.
At bahagyang tulala, tinanggap niya ang gentlemanly nitong pag-alalay.
9
Chapter TWO
“ANO PO? Naloloko na ba kayo? Hinatid lang niya ako,” natatawang sabi ni Erriene sa sinabi
ng ama niya. Wala na si Luigi. Nagpaalam na ito agad pagkababa sa mga gamit niya.
Tinanong lang naman nito kung magkasintahan sila ni Luigi.
“O, eh bakit—“
“Nakita niya ako sa terminal ng bus. Tinigilan niya ako saka isinabay sa kotse niya.
Huli kong nakita si Luigi, noong nasa kolehiyo pa kami. Paano naman mangyayari ang
sinasabi n’yo d’yan?”
Nakangiti ang Inay niya. “Naku, ‘yang ama mo talaga, pagdating sa ‘yo masyadong
ambisyoso.”
“O, eh maano naman? Binata pa si Luigi at malapit din naman kayo noon. Saka
mabait siyang bata. Anong iisipin ko?”
“Malamang na gaya rin nang iniisip ng mga kapitbahay,” napapabungisngis na sabi
nang kanyang Inay.
“’Nay,” saway niya rito habang nag-iinit ang mga pisngi niya. Nanghahaba nga ang
mga leeg ng mga kapitbahay nila noong dumating sila.
“Hayaan mo nga sila. Ang mahalaga, nabigyan ka ng bakasyon at magtatagal ka rito,”
sabi nito. Tumayo ito mula sa kabila ng mesa at lumapit sa kanya saka niyakap siya. “Ang
saya-saya ko, anak!”
Nakangisi din ang Itay niya. “Tamang tama. Kaya pala ako namuti ng gulay sa
pananim ko, darating ka! Mayr’on ding mais. Naku, magsasawa ka na naman sa sariwang
pagkain, anak,” sabi nito.
“O, may dala ka ba? Marami ba?” excited na tanong ng Inay niya.
Abot hanggang teynga ang ngiti niya. “Syempre naman. Marami! Kalilimutan ko ba
naman ang pinakagusto n’yo?”
10
At nagbalik sila sa salas para mailabas na niya ang mga libro sa suitcase niya.
NAGISING SI Erriene sa huni ng mga ibon sa labas nang kanyang bintana at nag-unat siya,
nakangiti. Saka siya nagmulat nang kanyang mga mata.
Sumalubong sa kanyang tingin ang rikit nang kanyang kulay pink na kwarto. Iyon na
ang kwarto niya maliit pa man siya. Hindi lang naman sa pananim magaling ang kanyang
Itay kundi sa pagkakarpintero at pagbuo nang kung anu-anong simpleng furnitures sa
bahay at syempre, ang bahay nila ang pinakanakinabang sa skills nito. Hanggang ngayon,
kahit nagpapadala siya, kumikita ang mga magulang niya sa maisan at gulayan sa
maluwang nilang likod-bakuran. At, oo nga pala, kapitan ang kanyang Itay ng baranggay
kaya may kinikita rin ito roon, kahit papaano.
Lumaki siya sa simpleng buhay. Kung tutuusin, hindi naman niya mararamdaman
ang hirap dahil kahit hindi sila sagana sa salapi, kumakain siya nang masustansyang
pagkain mula sa mismong pananim nang kanyang ama at alaga siya sa pangaral at
nagagabayan sa pag-aaral nang kanyang ina. Hindi rin naman siya matatawag na inggitera.
Ang tanging dilim sa kanyang paglaki ay ang mga kaedad niyang nagpaparamdam sa
kanyang mababa lang siya sa lebel ng mga ito.
Ang siste kasi, mahirap nga siya pero kahit papaano ay may talino at nakapasok siya
sa pribadong school na pag-aari ng mga Salvador dahil sa scholarship at sponsorship ng
mag-asawa. Ito namang si Luigi, sala sa init o kaya sa lamig ang trato sa kanya—pero kahit
pa, lagi itong naroroon. At iyon ang kinaiinggitan sa kanya ng mga kaklase niyang babae na
may gusto rito, alam man iyon noon ng binata o hindi.
Ini-sponsor din siya ng mga Salvador sa scholarship sa kolehiyo. Mabuti na lang
noong panahong iyon ay nag-move on na ang atensyon ni Luigi mula sa practical pranks
patungo sa mga babae—made sense kung bakit nakalimutan na rin siya nito. On the other
hand, hindi na sila magkasama dahil magkaiba na sila ng kurso. Tapos, nagpatuloy ito ng
pag-aral sa America. Simpleng hindi na lang sila nagkita.
Ang bilis ng panahon, naiisip niya habang bumabangon sa kama at naaalala ang
pagkikita nila ng lalaki kahapon. Kung sa pinagbago, merong mga pinagbago si Luigi. As far
as she could tell—o masasabi nang kanyang experience sa pagtigil sa Maynila—he’s way
cooler than before. That’s worse for her. May nadagdag na kalidad sa mga mata nito sa
kabila nang mabiro pa rin nitong pakikitungo sa kanya. May maturity kahit sa pagbibitiw
nito ng mga salita. Siguro nga dahil sa hinahawakan na nitong mga responsibilidad ngayon.
At iyon. Okay. Ubod pa rin ito ng gwapo.
Awtomatiko niyang pinakiramdaman ang kanyang sarili, kung okay na bang aminin
niya iyon. Everybody knew that Luigi was the most handsome guy here, and possibly one of
11
the handsomest guy in the country. Pero kinalakhan na ni Erriene ang pag-iwas sa tanong
kung nagugwapuhan ba siya rito o hindi. May problema kasi sa issue na iyon.
Baka hindi niya malabanan ang pag-amin din sa mga damdaming kaakibat niyon.
She could barely face the quiver.
And so… there it was. The quiverish feeling she’d always associated with the only
boy she had almost fallen for. Nagawa niyang malabanan ang tuluyang infatuation dito sa
pamamagitan nang sangkaterbang mga pangangatwiran niya sa kanyang sarili noon.
At minsan, kapag hindi nag-work ang mga katwiran, umuurong siya sa kanyang
sarili at hindi na lang niya iyon pinapansin.
Pero gaya nga nang naisip niya kanina lang, ang bilis ng panahon. She’d changed
with it, too. She’s totally grown up. Kung tutuusin, dati nang mas mature pa siya kaysa
kanyang mga kaedad. Hindi na siya gaanong natatakot na aminin sa sarili niyang
naramdaman pa rin niya ang kilig na nararamdaman niya dati noong pinuri ni Luigi ang
kanyang pagbabago.
She’s grown up. She could handle it. Pwede na niyang harapin ang feelings niya noon
kay Luigi nang hindi nakadarama nang kahihiyan at panghihina. Hindi na niya maiisip kung
gaano kalayo ang agwat ng buhay nito sa kanya. Etcetera, etcetera.
Dahil wala na siyang gusto rito. Alaala na lang iyon. Right?
Right. It was just a crush—so crushable like a little insect now. Besides, she has a
grown up job that was more realistic than the memory of her pathetic infatuation with the
guy, at babalik siya sa trabahong iyon at the end of the week, and then she would forget
him.
Twenty-seven na siya, paalala niyang muli sa sarili. Easy.
Tuluyan na siyang bumangon para maghilamos at mag-almusal.
IBA TALAGA ang hangin dito sa probinsya, nakangiti niyang naisip habang pumipikit at
hinahayaang humampas sa kanya ang maaliwalas na hangin. Saka siya nagmulat at nahuli
pa ang nangingiting tingin sa kanya nang kanyang Inay noong pansamantalang iniwan ng
mga mata nito ang mga pahina ng librong binabasa.
Nasa hardin sila, nakaupo sa komportableng mga silya, napapalibutan ng mga
bougainvillea, roses, ilang-ilang, dahlia, gumamela at eucalyptus. Dito lang sa lugar na ito
siya nakadarama ng saya kapag napapawalay sa Black Bureau.
“Wala ka bang bagong ibabalita sa amin?” tanong nito.
12
Nagtatakang napaangat ang mga kilay niya. Sa gilid ng libro ni Bob Ong na binabasa
nang kanyang ama, pasimpleng sumilip ang nakasalaming mga mata nito. “Anong
ibabalita?” tanong niya.
“Aba’y naikwento mo na sa ‘min lahat nang maikukwento mo tungkol sa trabaho
mo,” reklamo nang kanyang Itay. Nagkukwento siya tungkol sa Black Bureau sa mga ito
pero as filtered as possible. Sabi lang niya, nagtatrabaho siya sa isang P.I. service agency
bilang researcher. Safe version ng mga kaso sa Black Bureau ang kinukwento niya sa mga
ito, kumpleto sa pinalitang mga pangalan. Sobrang nag-e-enjoy ang mga ito sa mga played
down adventures na iyon, naging practice na nila na tuwing uuwi siya, nagkukwento muna
siya sa mga ito bago sila maupo at sa wakas ay simulan ang mga libro.
Napakurap-kurap naman siya. Saka nakaunawa sa makahulugang tinginan ng mga
ito. “Ahhh…” natawa siya. “Sorry, wala pa.”
“Aba’y bakit wala pa? Hindi ako maniniwalang walang nanliligaw sa ‘yo sa Menila.
Paganda ka nang paganda, anak.”
“Hus, si Inay naman!” natatawa lalo niyang sabi. “Meron pero hindi ko type.”
Ngumurot siya. “Wala pang nanliligaw na sa tingin ko’y papasa sa mahigpit n’yong panlasa.”
“Aba’y bakit naman ang panlasa namin ang iisipin mo? Hindi naman kami ang
makikisama kundi ikaw?” reklamo nang kanyang Itay.
“Eh, syempre. Ano ba naman talaga ang alam ko tungkol sa mga lalaki? Kailangan ko
ang opinyon n’yo. Unless ang manliligaw sa ‘kin ay si Mr. Darcy,” itinaas niya ang kanyang
libro, second-hand book ng Pride and Prejudice na pag-aari pa niya noon pa mang
highschool, “hindi ko malalaman kung dapat ko bang sagutin ang isang lalaki o hindi.”
Nahuli niya ang makahulugang tinginan nang dalawa.
“Bakit?” tanong niya, nagtataka. Nag-aalala. Nakita niya ang disappointment sa
tinginang iyon.
Umiling ang kanyang Itay saka ibinalik ang atensyon sa binabasa.
“Inay?” giit niya sa ina.
Ngumiti lang ito. “Wala, anak. Huwag mo kaming masyadong isipin. Take your time,”
sabi nito.
Nag-Inggles ito. Minsan, nag-i-Inggles ito nang wala sa loob. Iyong lola niya, ‘yung
public librarian, kapag natataranta kung hindi Inggles ay Spanish ang lumalabas sa bibig.
Ang kwento, nang una siya nitong mahawakan noong baby pa siya ay kinantahan siya nito
13
nang isang Spanish Lullaby. She was guessing that by that time, hindi na ito galit sa kanyang
Itay. Lalo na noong naging librarian siya. Proud na proud ito until she passed away after
that, na parang ang makitang maayos na siya ang hinihintay lang nito bago mamahinga.
“Inay…”
Sinulyapan siya nito. “Iha, kahit ipaliwanag ko, hindi mo maiintindihan. Pero kapag
dumating ang oras mo, hindi ka na magtatanong at hindi na kami mag-aalala,” sabi nito
nang may ngiti sa mga labi.
Ngumiwi siya na parang nakakita ng nakakadiring bagay. “Inay… R.I.P.?”
“Sige, iligaw mo lagi nang iligaw ang usapan na parang hindi nagbibilang ang
panahon namin ng iyong inay. Na parang hindi kami naiinip sa paghihintay,” natatawang
sabi ng Itay niya.
Tumirik na ang kanyang mga mata. “Itay! Pati ba naman ikaw?”
Nagbuntunghininga ito nang hindi tumitingin sa kanya. “Baka lang kako umepek.”
Ilang sandali siyang natahimik, nakakunot-noo, nakatingin sa mga ito. “Bakit n’yo
ako pinagtutulungan?”
“Hindi ka namin pinagtutulungan,” tanggi nang kanyang Inay.
“Sabi ko sa ‘yo, makakahalata s’ya agad,” sabi naman nang kanyang Itay.
“’Tay!” reklamo nang kanyang Inay.
“Aha! Tungkol ito kay Luigi, ano? Sabi ko na nga ba!” Tumayo siya.
“Iha… naisip lang namin, dahil matagal na naming kilala si Luigi at matagal mo na rin
siyang kaibigan—“
“Inay!” hindi makapaniwala niyang sambit. “Inay, kilala n’yo si Luigi. Sa lahat ng mga
lalaki, siya ang pinakaimposible—“
“Gusto ka n’ya,” simple nitong sabi.
Bumagsak ang kanyang panga.
“Totoo. Kung hindi ka niya totoong gusto, matagal ka na niyang naging nobya… at
malamang na wala na rin kayo.”
Napakurap siya. “Well, that made sense.”
14
“Ang sinasabi nang iyong Inay, nirerespeto ka niya. Hindi ka kung sino lang babae sa
kanya—na dapat lang. At dahil doon, alam naming hindi ka niya sasaktan.”
“Itay! Hindi niya ako nakikita.”
Nasambit na niya ang mga salita bago niya naisip kung ano ang magiging ibig
sabihin niyon sa mga magulang niya, na nakakikilala sa kanya nang lubos.
Napangiti ang mga ito. Sabay pa.
At siya ang nakaunawa na matagal na siyang bistado ng mga ito.
Namula na parang hinog na kamatis ang mga pisngi ni Erriene.
Noon nila narinig ang ingay nang dumating na sasakyan sa harapan ng bahay.
“May bisita,” nagpapasalamat niyang nasambit. Nagsisimula nang sumakit ang
kanyang ulo.
“Kapitaaan! Magandang hapon ho! Kapitan Pedrooo!”
Tumayo ang kanyang ama at kasunod din niyon agad ang kanyang Inay.
“Dito ka lang, anak. Trabaho,” sabi nang kanyang Itay.
“Aba’y tamang tama. Tatayo na sana ako para magtimpla ng lemonada,” sabi naman
nang kanyang Inay. Nginitian siya nito. “Maglalabas ako d’yan, hintayin mo. Ikaw na rin
muna ang bahala sa bisita habang abala kami kay Mang Jose.”
Nagtataka siyang napakunot-noo. “Pero si Mang Jose nga—“
“Kotse ni Luigi ang dumating. Kapag narito siya sa ‘tin madalas siyang magsama ng
mga taga-barrio na may kailangang ikonsulta at mas madalas kaysa hindi na ikaw ang
napagkukwentuhan namin kapag nagpapaiwan siya.”
Nakatunganga siya habang pinanonood ang ina niyang sumusunod sa bahay habang
nakangiti ito nang matamis.