8
EditorYal Labanan ang Martial Law ng rehimeng Duterte! Opisyal na Pahayagan ng Anakbayan Edisyon Mayo-Hunyo 2017 anakbayan.org anakbayan phils @anakbayan_ph Tomo VII, Blg. 4 Dapat puspusang labanan ang pagpapataw ng rehimeng Duterte ng Batas Militar sa Mindanao at banta pang palawakin ito sa buong bansa. Ang Martial Law ay panibagong atake sa demokratikong karapatan, kalayaang sibil at pakikibaka ng mamamayan. Ginamit ng rehimeng Duterte ang pag-atake ng grupong Maute sa Marawi bilang dahilan para sa deklarasyon ng Martial Law at pagtatanggal ng writ of habeas corpus, kasabay ng paglulunsad ng todo-largang operasyong militar, mga pambobomba, pandarakip at pamamaslang hindi lang sa Marawi kundi sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. >> Ituloy sa p.2 Pagbawi ng lupa ng Marbai mula sa Lapanday p.7 Kampuhan-protesta sa DepEd at Ched p. 5 Subukan ang natatanging M-L-M Crossword! p. 6 Wala nang Panitikan at Pilipino sa Kolehiyo? p. 6 Bakit kontra-mahirap ang tax reform ni Duterte? p. 3 Infographic: Mga atrosidad sa Martial Law sa Mindanao >> Ituloy sa p.8 NG KABATAANG MAKABAYAN Para kay: Balangay: Address: 100,000 kumilos sa Mayo Uno 2017 Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, aabot sa 100,000 manggagawa at maralitang lunsod ang tinatayang lumahok sa mga kilos-protesta sa iba’t ibang lunsod at bayan sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo Uno. >> Ituloy sa p.3 Padagundungin ang mga protesta para sa edukasyon at karapatan! Sa harap ng nagpapatuloy na mga atake at patakarang neoliberal sa edukasyon sa ilalim ng rehimeng Duterte, dapat mas malawak na ilunsad ng mga kabataan, mga magulang, guro at kawani sa buong bansa ang malalaking protesta para sa edukasyong makabayan, siyentipiko at pangmasa. >> Ituloy sa p.4

NG KABATAANG MAKABAYAN - · PDF file3 sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: NG KABATAANG MAKABAYAN - · PDF file3 sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong

EditorYal

Labanan ang Martial Law ng rehimeng Duterte!

Opisyal na Pahayagan ng AnakbayanEdisyon

Mayo-Hunyo 2017

anakbayan.org

anakbayan phils

@anakbayan_ph

Tomo VII, Blg. 4

Dapat puspusang labanan ang pagpapataw ng rehimeng Duterte ng Batas Militar sa Mindanao at banta pang palawakin ito sa buong bansa. Ang Martial Law ay panibagong atake sa demokratikong karapatan, kalayaang sibil at pakikibaka ng mamamayan. Ginamit ng rehimeng Duterte ang pag-atake ng grupong Maute sa Marawi bilang dahilan para sa deklarasyon

ng Martial Law at pagtatanggal ng writ of habeas corpus, kasabay ng paglulunsad ng todo-largang operasyong militar, mga pambobomba, pandarakip at pamamaslang hindi lang sa Marawi kundi sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.

>> Ituloy sa p.2

Pagbawi ng lupa ng Marbai mula sa Lapanday p.7

Kampuhan-protesta sa DepEd at Ched p. 5

Subukan ang natatanging M-L-M Crossword! p. 6

Wala nang Panitikan at Pilipino sa Kolehiyo? p. 6

Bakit kontra-mahirap ang tax reform ni Duterte? p. 3

Infographic: Mga atrosidad sa Martial Law sa Mindanao

>> Ituloy sa p.8

N G K A B A T A A N G M A K A B A Y A N

Para kay:

Balangay:

Address:

100,000 kumilos sa Mayo Uno 2017Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, aabot sa 100,000 manggagawa at maralitang lunsod ang tinatayang lumahok sa mga kilos-protesta sa iba’t ibang lunsod at bayan sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo Uno.

>> Ituloy sa p.3

Padagundungin ang mga protesta para sa edukasyon at karapatan!Sa harap ng nagpapatuloy na mga atake at patakarang neoliberal sa edukasyon sa ilalim ng rehimeng Duterte, dapat mas malawak na ilunsad ng mga kabataan, mga magulang, guro at kawani sa buong bansa ang malalaking protesta para sa edukasyong makabayan, siyentipiko at pangmasa.

>> Ituloy sa p.4

Page 2: NG KABATAANG MAKABAYAN - · PDF file3 sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong

2 EDITORYAL>> Mula sa p.1

Itinalaga ni Duterte na “tagapag-patupad” ng Batas Militar ang mga maka-kanan at pasista sa gubyerno gaya nina AFP chief General Eduar-do Año, Department of National Defense chief Delfin Lorenzana at General Hermogenes Esperon.

Bago ang deklarasyon, ilang ulit nang nagbabanta at naghahanda si Duterte na ipapatupad ang Ba-tas Militar. Tinambak nito ang ba-ta-batalyong militar sa Mindanao, itinalaga ang mga maka-kanan sa gubyerno at nagbabala hinggil sa banta hinggil sa terorismo at kriminalidad.

Mas malawak sa Marawi ang target ng Martial Law. Sinabi mismo ni Lorenzana na saklaw ang NPA, BIFF at iba pang mga “rebelde” sa Mindanao at buong bansa sa mga tinatarget ng mga operasyon.

Sa sumunod na mga araw, biglaang bumaklas ang gubyerno sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gubyernong Duterte at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at nagbanta si Duterte na aarestuhin ang mga negosyador at konsultant ng NDFP kung uuwi sa bansa.

Papel ng imperyalismong USMay mga indikasyon ng papel ng US sa pag-atake sa Marawi para itulak ang interes nito sa bansa, ipitin ang rehimeng Duterte at palakasin ang pwesto ng mga tuta nito sa estado. Hindi na bago ang pagpapakana ng US ng mga operasyong “terorista” para ilagay sa krisis ang mga gubyerno para umayon sa mga kagustuhan nito, bigyang katwiran ang mga giyera at itulak ang interes nito.

Sa katunayan, si Duterte mismo ang naglahad kung paano nab-uking ang isang ahente ng US na aksidenteng nasabugan habang gumagawa ng bomba sa isang hotel sa Davao City na sinagip at pinagtakpan ng US. Nailantad na rin na ang Abu Sayaff, na pinag-mulan ngayon ng Maute ay may koneksyon sa militar at sa US. Ang ISIS din ay pinondohan at sinanay ng Central Intelligence Agency.

Itinaon ang pag-atake sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa Rusya at Tsina na kapwa mga kalaban ng US. Nasa interes din ng US ang pananabota-he sa usapang pangkapayapaan na nakatakda sa sumunod na mga araw. Ang mga kilalang ahente ng US sa gabinete sa pangunguna nina Lorenzana at Esperon ang mga una ding nagtulak ng martial law. Ang paksyon din ng naghaharing uri na sagad-sagaring maka-US sa pangu-nguna ng Liberal Party ay sumupor-ta sa martial law sa Mindanao.

Makikita rin na sadyang lumilikha ng senaryo ng malawak na takot sa buong bansa. Nagpakalat ang militar ng mga balita hinggil sa mga pag-atake sa Marawi na marami ay lumalabas na hindi totoo gaya ng pagtake-over sa ospital, panununog ng eskwelahan, pamumugot sa hepe ng pulis, at iba pa. Kasabay ng pag-atake sa Marawi, nagpasabog ang mga pulis ng bag na naiwan umano sa Quiapo. Agad-agad ding pinalabas ng US na gawa ng ISIS ang pag-atake sa isang casino sa Maynila ilang araw matapos para ikawing ito sa nagaganap sa Marawi.

Sa pagdedeklara ng martial law, umaasa si Duterte na makokonsol-

ida ang kapangyarihan sa harap ng tumitinding tunggalian ng mga paksyon ng naghaharing uri. Nais ni Duterte na makuha ang suporta ng mga militarista at pasistang hener-al sa gubyerno para payapain ang mga banta ng ng kudeta ng ilang opisyal ng militar.

Nais ding konsolidahin ni Duterte ang poder at makuha ang suporta ng naghaharing-uri sa pamamagitan ng pamumudmod ng bilyon-bilyong pisong pondo para sa imprastraktura na mas mabilis nitong maitutulak nang walang ligal na balakid gamit ang batas militar. Hindi malayo na itulak ni Duterte ang pagpapatupad ng martial law sa buong bansa, lalo na’t walang inaasahang pagtutol mula sa Kongreso na kontrolado din niya.

Pinapakita ng deklarasyon ng martial law ang higit na tumitinding krisis ng naghaharing sistemang pampuliti-ka, mas matinding kontradiksyon ng naghaharing paksyon at despera-syon sa harap ng lumalakas na pagla-ban ng mamamayan.

Atake sa mamamayanSa deklarasyon ng martial law, lalong papasahulin ng mga reaksyunaryo ang pag-atake sa mga karapatan at pakikibaka ng mamamayan. Tiyak na gagamitin ang pwersa ng militar at pulisya laban sa paglaban ng mamamayan para sa mas mataas na sahod, tunay na reporma sa lupa at para sa karapatan.

Wala pa mang martial law, tu-loy-tuloy na ang pag-atake sa mamamayan at paglabag ng kara-patan sa ilalim ng Oplan Kapayap-aan. Tiyak na lalo pang titindi ang kampanya ng pamamaslang, pag-

dakip, tortyur at pambobomba. Matapos ang ilang araw, serye na ng pambobomba, pamamaslang at pandarakip ang naiuulat.

Matapos ang deklarasyon ng martial law, agad na nagpadala ng militar at pulis sa isang welga ng manggagawa sa Compostela Valley sa Mindanao, dinahas ang piketlayn at inaresto ang mga lider. Inaresto ang ilang mga lider-magsasaka at pinaslang ang mga lider-lumad. Pinagbawal na din ang mga rali at protesta.

Sa Marawi, hindi bababa sa daan-daan ang sibilyang pinangangambahang patay sa mga aerial bombings at pag-atake ng militar. Sampu mula sa mismong sundalo ng pamahalaan ang napatay dahil sa pambobomba. Pinagtatakpan ng militar ang aktwal na bilang ng mga sibilyan na namamatay sa opensibang militar at paglapastangan sa karapatan.

Dapat labanan ng kabataan at mamamayan ang martial law ng rehimeng Duterte sa Mindanao at pagtatangka nitong palawakin pa ito sa buong bansa. Dapat ipanawagan na agad na bawiin na ang martial law, itigil ang mga pambobomba at paglabag sa karapatan sa Marawi at Mindanao. Dapat ilunsad ang malalaking mga protesta at rali sa buong bansa.

Sa harap ng mga pandarahas at pananakot, dapat higit na palakasin ang mga pakikibaka para sa sahod, trabaho, lupa at karapatan. Dapat palawakin ang pakikibakang masa at mas mabilis na isulong sa paniba-go at mas mataas na antas ang pam-bansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan.

PATNUGUTAN

Punong Patnugot: Karlo Mongaya

Mga Kawani: Alexia Fuentes, Angelo Suarez, Donna Miranda,

John Levi Masuli, Reeza RosaladaGena Terre, Vencer Crisostomo

Paglalapat at Disenyo: Paula Sabrine,Cristian Henry Diche, Nona Al-Raschid,

Clara Herrera, Alden Santiago,

Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, mag-email [email protected].

Opisyal na Pahayagan ng Anakbayan

Page 3: NG KABATAANG MAKABAYAN - · PDF file3 sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong

3

sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong pampubliko.

neoliberal na teknokrata sa loob ng gabinete ni Duterte. Ayon sa grupo, magreresulta la-mang ito ng pagtaas sa halaga ng transportasyon, pamasahe, presyo ng mga bilihin, at kuryente

BALITA

Tax reform ng rehimeng Duterte, kontra-mahirapMabilis na iniratsada sa Kongreso ang pagpasa ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o House Bill 5636 na ipinasa sa ikatlo at huling pagbasa nitong Mayo 31, 2017. Sa kabila ng pagpapakete nito bilang isang populistang hakbang na magpapababa ng income tax, ang panukala ay isang kontra-mahirap na iskemang lalong pipiga sa mamamayan. Itataas sa mula P7 sa 2018, P9 sa 2019 hanggang P10 sa 2020 ang buwis sa leaded at unleaded premium gasoline. Magiging P3 sa 2018, P5 sa 2019, hanggang P6 sa 2020 naman ang buwis sa kerosene, diesel fuel oil, LPG, at kada kilogram ng aspalto, atbp.

Papatawan din ng P10 excise tax ang mga sugar-sweetened beverages kabilang na ang mga juice drinks, tea and coffee, carbonated beverages, flavored water, energy drinks, sports drink, powdered drinks, cereal beverages, atbp. Maging ang mga pabahay na may renta na mahigit P10,000 kada buwan ay tinanggalan na rin ng exemption sa value-added tax. Ang mga malalaking korporasyon at mayayamang indibidwal lamang ang makikinabang sa paglawak sa mga “tax exemption schemes” upang diumano magengganyo ng dagdag na pamumuhunan. Mariing tinututulan ng Anakbayan ang pagtataas ng buwis sa mga kalakal at serbisyo na tulak ng mga

100,000 kumilos sa Mayo Uno 2017

Iginiit ng malaking protesta ang panawagan para sa pagba-basura ng kontraktwalisasyon, pagpapatupad ng pambansang minimum na sahod at pagkukun-dena sa mga patakarang neolib-eral ng rehimeng Duterte. Malakas na itinambol ng mga manggagawa ang kampanya para sa pambansang minimum na sahod na P750 kada araw para sa mga manggagawa sa pribadong sektor at P16,000 kada buwan para sa pampublikong sektor. Naging matunog din ang panawa-gan ng mga maralitang lungsod sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay para sa libreng pabahay. Ginunita rin noong Mayo Uno ang sentenaryo ng Rebolusy-ong Oktubre ng Rusya, ang pinakaunang pagkakataon na naitayo ang isang sosyalistang estado sa pamumuno ng dik-tadurya ng proletaryado.

Sa Kamaynilaan, umabot sa 50,000 ang nagmartsa sa mga lansangan mula sa Welcome Ro-tonda ng Quezon City patungo sa Liwasang Bonifacio kung saan naglunsad ng isang programa bago dumiretso sa Mendiola. Sa Davao City, 10,000 mang-gagawa ang nagmartsa patun-go sa People’s Park upang ihain ang mga panawagan ng mama-mayang Pilipino kay Pangulong Duterte. Sa iba’t ibang sentrong bayan ng Bicol sa Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Mas-bate, at Sorsogon, aabot sa 15,000 ang lumahok sa mga pagkilos. Sa Calamba, Laguna, umabot naman sa 10,000 manggagawa ang kumilos. Nagkaroon din ng mga protesta sa Aklan, Bacolod, Baguio, Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, General Santos City, Iloilo, Surigao, at Tacloban.

Sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno, aabot sa 100,000 manggagawa at maralitang tagalungsod ang tinatayang lumahok sa mga kilos-protesta sa iba’t ibang lunsod at bayan sa Pandaigdigang Araw ng Paggawa noong Mayo Uno.

Page 4: NG KABATAANG MAKABAYAN - · PDF file3 sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong

4 LATHALAIN

noong 2016. Dumoble rin ang pagtaas sa Other School Fees (OSFs) sa P243.00 mula P115.58 noong nakaraang taon.

Dumoble rin ng P30,000-50,000 ang itinaas ng matrikula at iba pang mga bayarin sa nakaraang 5 taon. Aabot na sa P60,000-100,000 ang karaniwang binabayaran sa matrikula ng mga mag-aaral bawat taon. Dahil dito, umaabot sa 80% ng mga pumapasok sa kolehiyo ang humihinto sa pag-aaral taon-taon. Samantala, bilyon-bilyon ang kinakamal na tubo ng malalaking mga paaralan. Aabot sa P3,066,344,176 ang tubo sa nakaraang taon ng Far Eastern University (FEU).

‘Libreng matrikula’ para sa SUCsAng tuloy-tuloy na paglaban at panawagan para sa karapatan sa edukasyon sa mga nagdaang taon ay nagtulak sa gubyerno na maglaan ng P8 bilyong pondo para sa “libreng matrikula” sa lahat ng State Universities and Colleges (SUCs). Pag-amin ito na mali ang patakaran ng taas-matrikula at panghuhuthot ng mga SUCs. Patunay din ito na dapat libre ang pampublikong edukasyon sa lahat ng antas — kabaliktaran ng komersyalisasyong tulak ng neoliberal na mga patakaran. Sa kabila nito, patuloy ang pagpapatupad ng patakaran ng paniningil at panghuhuthot sa mga pamantasan. Ginawang “kondisyunal” ng rehimeng Duterte ang libreng matrikula. Sa inilabas na implementing rules ng Commission on Higher Education (CHED), hindi nito pinagbawal ang paniningil ng matrikula at iba pang bayarin. Sa halip, nagtakda pa ito ng hanay ng mga “prayoridad” at iba’t ibang mga rekisito para maging kwalipikado ang mag-aaral ng libreng matrikula. Samakatuwid, itinutulak pa rin na patuloy na huthutan ang mga mag-aaral, taliwas sa sinasabing patakaran ng “libreng matrikula.” Masahol pa, maaaring gamitin ang patakaran para magtaas pa ng matrikula at iba pang mga bayarin nang sa gayon ay lumaki pa lalo ang kikitain ng mga paaralan. Ang mga ipinataw na mga rekisito at pagkakahanay ng “prayoridad” ayon sa kinikita ng mga magulang ay maaaring gamitin para magpatupad ng patakarang tulad ng socialized

tuition sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) na ginagamit para lalo pang kumamal ng tubo.

Sa mga pamantasan, may mga sari-sarili pang mga patakarang lalo pang maglilimita sa mga makakatamasa ng libreng matrikula gaya ng grade requirements o academic standing, year level, at iba pa. Sa UP, patuloy na ipapatupad ang socialized tuition scheme sa balangkas pa rin ng paniningil ng mas malaki at pagkamal ng tubo.

Subsidyo para sa tubo ng kapitalista-edukadorSamantala, nagpasa rin ang kongreso at senado ng panukalang batas na Universal Access to Tertiary Education para sa libreng pampublikong edukasyon sa kolehiyo. Sa panukala, ang tuition at ilang itinakdang other school fees sa mga SUCs, Local Universities and Colleges at technical and vocational intitutions ay popondohan ng gubyerno. Gayunpaman, nananatili ang mga probisyong kagaya ng mga proseso ng kwalipikasyon, eksempsyon at “pagpraprayori-dad” na maaaring samantalahin para ikutan ang probisyon ng li-breng matrikula at mga bayarin. Gayundin, sa parehong panukala, popondohan ang pinalawak na scholarship program para sa mga pribadong pamantasan na sa makatuwid ay subsidyo para sa tubo ng mga kapitalista-edukador na kumikita na nang limpak-limpak mula sa panghuhuthot sa taas-matrikula. Palalawakin din ang sistema ng pautang sa mga mag-aaral na kalauna’y ikakaltas sa mga

Padagundungin ang mga protesta para sa edukasyon at karapatan!

kontribusyon sa SSS o GSIS. Sa ganitong balangkas, at lalo na’t tuloy-tuloy ang pagtataas ng matrikula at mga bayarin, gagamitin pa ring gatasan ang edukasyon para pagtubuan ng mga pribadong paaralan, institusyon at korporasyon ng gubyerno.

Tuition hikesSamantala, pinayagan muli ng CHED ang taas-matrikula sa aabot sa 268 mga pribadong kolehiyo at nasa 1,013 na mga elementarya at hayskul. Pinagtatakpan ng CHED ang laki ng pagtataas. Sa katunayan, dumoble ang itinaas ng matrikula patungong P86.68 karaniwang dagdag kada yunit ngayong taon mula P43.39

“Dapat ikawing ang paglaban para sa karapatan sa edukasyon sa mga pakikibaka ng batayang masa at pag-ambagin sa pangkalahatang paglakas ng pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan.

Ipaglaban ang libreng pampublikong edukasyon para sa lahat! Labanan ang pagtaas ng matrikula! Ibasura ang K-12! Ibasura ang ROTC!Sa harap ng nagpapatuloy na mga atake at patakarang neoliberal sa edukasyon sa ilalim ng rehimeng Duterte, dapat mas malawak na ilunsad ng mga kabataan, mga magulang, guro at kawani sa buong bansa ang malalaking protesta para sa edukasyong makabayan, siyentipiko at pangmasa.

Page 5: NG KABATAANG MAKABAYAN - · PDF file3 sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong

5

Tinitiyak ng mga patakaran kagaya ng Education Act of 1982 at mga kaukulang CHED memo hinggil sa matrikula ang deregulasyon sa matrikula at mga bayarin sa mga pribadong pamantasan na nagtutulak ng taon-taong pagtataas ng mga matrikula at mga bayarin.

Makadayuhan, pahirap na K-12Samantala, lumalabas na umaabot sa 2.49 milyon ang high school drop-out sa mga paaralan dahil sa programang K-12 na sinimulang ipatupad sa nakaraang taon. Sa nagtapos ng junior high school na aabot sa 3.9 milyon, nasa 1.41 milyon lamang ang tumuloy sa senior

high school. Nangangahulugan ito ng mas malaking reserba ng sobrang lakas paggawa na lalo pang mababarat ng mga kapitalista sa pamamagitan ng mas mababang sahod at malawakang kontrak-twalisasyon. Lalo pa itong lalaki kung magtutuloy pa ang susu-nod na taon ng K-12, kung saan tiyak, mas marami ang hindi na makakapagpatuloy ng kolehiyo. Habang pabigat at pahirap sa mamamayan, ang pinaka-malalaking kapitalista-edukador naman ang nakinabang sa pro-grama. Ang pondo na inilaan ng gubyerno sa K-12 sa pamamag-itan ng vouchers ay ibinuhos sa mga pribadong pamantasan.

Pinakamalalaking kinita mula rito ang STI Computer College na aabot sa P825,550,000. Matapos ang unang taon ng pagpapatupad nito, lalong lu-milinaw ang oryentasyong mak-adayuhan at pabor sa malaking negosyo ng K-12. Dapat kumilos ang mga mag-aaral, magulang at mga guro laban sa bulok, pahi-rap at makadayuhang K-12. Samantala, itinutulak ng rehimeng Duterte, kasabay ng mga pasistang hakbangin nito laban sa mamamayan ang mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) program sa senior high school at mga kolehiyo. Ito, kasabay ng militarisasyon ng mga kampus at iba pang mga patakarang mapanupil sa paaralan. Padagundungin ang paglabanSa harap ng mga hakbang na ito, dapat higit na palakasin at palawakin ang nagkakaisang paglaban ng mga mag-aaral, magulang, guro at kawani sa buong bansa. Dapat ilunsad ang mga malalaking demonstrasyon sa loob at labas ng mga SUCs at LUCs para igiit ang libreng edukasyon at laban sa anumang porma ng paniningil at panghuhuthot sa mga pamantasan. Dapat itulak

ang pagbabasura ng mga iskema ng komersyalisasyon at pribatisasyon gaya ng socialized tuition, other school fees at iba pa. Dapat hamunin ang rehimeng Duterte na ipatupad ang patakaran libreng edukasyon sa lahat ng antas sa buong bansa at talikuran ang komersyalisasyon ng mga pampublikong mga pamantasan. Dapat malakas na labanan ang pagtataas ng matrikula at mga bayarin at itulak ang pagbabasura ng mga patarakan ng deregulasyon at komersyalisasyon ng edukasyon. Dapat ilunsad ang malalaking protesta lalo na sa mga high schools para sa kagyat na pagtigil ng programang K-12. Dapat harangin ang planong mandatory ROTC at sa halip, igiit ang tuluyang pagbasura ng programa. Dapat labanan ang mga neo-liberal na atake sa kurikulum, programa at kabuuang sistema ng edukasyon at ibasura ang kolonyal, komersyalisado at pa-sistang edukasyon at ipaglaban ang edukasyong makabayan, siyentipiko at pangmasa. Dapat ikawing ang paglaban na ito sa mga pakikibaka ng batayang masa at pag-ambagin sa pang-kalahatang paglakas ng pam-bansa-demokratikong pakikiba-ka ng mamamayan.

Kampuhan sa DepEd at Ched laban sa K-12 at patuloy na paniningil sa edukasyonSinalubong ng kabataan at mag-aaral ang pagbubukas ng klase ngayong Hunyo sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang kampuhan sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (Ched) upang iprotesta ang K-12 at patuloy na paniningil ng mga bayarin sa mga paaralan at pamantasan.

Bitbit ang panawagan laban sa pahirap na programang K-12, nilusob ng mga hayskul na mag-aaral at mga grupo ng kabataan sa pangunguna ng Anakbayan ang punong tanggapan ng DepEd sa Pasig City simula sa hapon ng Hunyo 5 kung saan sila nagkampuhan hanggang sa sumunod na araw.

Nagpatuloy ang kampuhan sa opisina ng Ched sa Quezon City sa hapon ng Hunyo

7 kung saan nanawagan ang protesta na itigil ang paniningil sa mga state universities and colleges (SUCs), itigil ang pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa 268 pribadong pamantasan, at ipatupad ang libreng edukasyon para sa lahat.

Maglulunsad ng mga protesta ang iba’t ibang grupo ng kabataan at mag-aaral sa pangunguna ng Anakbayan na dudulo sa malaking walkout sa Hunyo 30 at sa Hulyo 24, sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Duterte.

Nananawagan ang grupo para sa mas malalaking protesta laban sa tumitinding neoliberal na atake sa edukasyon at para sa isang tunay na makabayan, siyentipiko at pangmasang sistema ng edukasyon.

Sandumakal na kita mula sa K-12 voucher system:

MVP Group at Gokongwei Group: Ateneo de Manila University P137,170,000 San Beda College P42,152,000 De La Salle University P200,662,000Tanco Group: STI Computer College P825,550,000Amable Aguiluz: AMA Computer University P417,868,000Lucio Tan: University of the East P93,104,000Ayala Group: Apec schools P50,097,600Henry Sy: Far Eastern University P59,664,000 National University P11,054,000Ramon Del Rosario, Jr.: Phinma schools P177,562,000University of Santo Tomas P98,296,000

Page 6: NG KABATAANG MAKABAYAN - · PDF file3 sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong

6 KULTURA

AWIT

Muog na Buo Lyrics ni Silvia Madiaga

Intro: C-Em-C-Em I C Em Am Bakit ako naririto, tila dulo ng mundo D7 G na ng bayan kong pulu-pulo F E parang sumabog na bato II C Em Am Bakit ba ako naglakbay, dala itong mga aral D7 G mga teoryang gumagabay F E karanasang binabaybay

Koro 1 C Em Narito ako para sa pagkakaisa, pagsulong

Am D7 G Narito ako para sa pagwawasto, pagdaluyong C Em Narito ako para ang kalat-kalat na pulo Am 7 G Maging muog na buo Interlude: C- Em –C-Em III (same chords with Ist verse) Bakit ating hinahanap, ang wastong paglalapat ng pamumuno at pagtupad Sa masang bumabalikwas Koro 2 (same with Koro 1) Narito tayo para sa pagkakaisa, pagsulong Narito tayo para sa pagwawasto pagdaluyong Narito tayo para ang kalat-kalat na pulo Magiging muog na buo

Bridge: F G Pagkakaisa, paglaban Em Am Tagumpay ng ating bayan F G Ay ambag sa daigdigan Em A paglaya ng sangkatauhan (Ulitin koro 2x) D F#m Narito tayo para sa pagkakaisa, pagsulong Bm E7 A Narito tayo para sa masang aping Pilipino D F#m Narito tayo para ang kalat-kalat na pulo Bm A Magiging muog na buo Em A Bm Bm-A (2x) Ito ang dakilang misyon ng Pilipino proletaryo

DOWN1. Sistema ng produksyong nakasandig sa pagsasamantala ng magsasaka at lupang kanyang binubungkal na pag-aari ng iilang panginoong maylupa 2. Katangian ng lipunang Pilipino 3. Ipinataw sa buong Mindanao kamakailan lang at siyang naging batayan ng diktaduryang Marcos 4. Mga awtor ng Manipesto ng Partido Komunista 5. Hukbong mapagpalaya 6. Supremo ng KKK 9. Ang pinakamataas na yugto ng kapitalismo na nangangahulugan ng pang-aapi ng mga atrasadong bayan ng mga abanteng kapitalistang bansa10. Dakilang akda ni Karl Marx na naglalahad ng batayang kritika sa ekonomyang pampulitika ng lipunang kapitalista

12. Instrumento ng naghaharing uri na pinagtitibay ang paghahari nito sa isang lipunan; malulusaw sa panahon ng komunismo 14. Sagot sa kahirapan

ACROSS7. Pinangunahan ni Mao Zedong upang labanan ang pagpanumbalik ng kapitalismo sa Tsina8. Lider ng mga Bolshevik at nanguna sa Rebolusyong Oktubre ng 1917 11. Marahas na pagpapabagsak ng paghahari ng isang uri ng ibang uri 13. Patakaran na maling naglalarawan sa monopolyong kapitalismo bilang “malayang pamilihang” kapitalismo 15. Panginoong may-lupa, petiburgesya, burgesya kumprador, atbp.. 16. Ang pagpapatakbo ng gubyerno na negosyo para sa pamumuhunan ng dayuhan at iilan

1

4

7

8

10

13

14

12

9

2

5

3

11

16

15

6

Panibagong tangka ng Ched para sa pagtanggal sa Pilipino at Panitikan sa kolehiyo

Ayon sa nilabas na pahayag ng alyansang Tang-gol Wika, ang nasabing mga memo ay lumala-bag sa napagkasunduang TRO.

Higit pa, nanawagan ang alyansa na respetuhin ang pambansang wika at ang pakikibaka ng mamamayan para sa makabansang edukasyon na tumutugon sa mga pangangailan ng bansa. Ayon naman sa Anakbayan, ang panibagong tangka ng Ched na tanggalin ang pagtuturo ng Pilipino at Panitikan sa kolehiyo ay patunay lamang ng patuloy na pagkiling ng kasalukuang pamahalaan sa mga neoliberal na patakaran na siyang nagtutulak sa lahat ng mga

pampublikong serbisyo tulad ng edukasyon na tumugon sa interes ng dayuhan at iilan. Dagdag pa ng grupo, sa halip na pagyamanin ang sariling mga wika, kultura at makabansang edukasyon, mas mahalaga sa kasalukuyang pamahalaan na lumikha ng mga murang lakas- paggawa na madaling ilako sa ibang bansa. Puno’t dulo ng isyung ito ang patuloy na pagkagapos ng bansa sa kolonyal na pambubusabos. Nakatakda ang iba’t ibang grupo na magsagawa ng kilos protesta kaagapay ng pagsasampa ng kaso sa Korte Suprema laban sa nasabing hakbang ng Ched.

M-L-M

CROSSWORD

Nitong Hunyo 3, sama-samang nagpahayag ng pagtutol ang mga guro at estudyante matapos ilabas ng Commission on Higher Education (Ched) ang mga Ched Memorandum Order No. 13-48, Series ng 2017 na lumalabag sa temporary restraining order (TRO) laban sa pagtanggal sa mga subjek na Filipino at panitikan sa kolehiyo.

Page 7: NG KABATAANG MAKABAYAN - · PDF file3 sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong

7

Mahigit 3 buwan nang nakawelga ang mga manggagawa ng Shin Sun bilang tugon sa iligal napagsibak sa 53 manggagawa at sa non-remittanceng mga batayang benepisyo sa kabila ng pagtala ng mga deduksyon sa kanilang mga sahod.

BALITA

Marahas na pagbuwag ng welga ng mga manggagawa ng Shin SunMarahas na binuwag ang piketlayn at inaresto ang 14 na kasapi at tagasuporta ng mga nagwewelgang manggagawa sa Shin Sun Tropical Fruits Corporation, isang plantasyon ng saging na pag-aari ng Koreanong kumpanya, noong Hunyo 2, 2017.

Mahigit 30 upisyal ng pulis, 100 tropang militar, at ilang bayarang eskirol ang bumuwag sa piket-layn. Kabilang sa inaresto ang dating Kilusang Mayo Uno Southern Mindanao regional chairper-son at Nagkahiusang Mamumuo sa Suyapa Farm Union President na si Vicente Barrios.

Inaresto din si Pio Salar, pangulo ng Fresmax Workers Union, Eric Noble, ikalawang tagapangulo ng Shin Sun Workers Union, at Lanie Rose Millalos, 15, isang menor-de-edad. Kinaladkad naman ng mga pulis si Carmelita Atamosa, 67, kamag-anak ng isa sa mga manggagawa.

Kasalukuyan silang nakakulong sa Compostela Police Station kahit pa man walang naisasam-pang kaso laban sa kanila.

Ayon sa Anakbayan, ang pandarahas sa mga manggagawa ng Shin Sun, 380 kilometro ang layo sa Marawi, ay nagpapakita na ginagamit ang Martial Law upang supilin ang lehitimong la-ban ng mga manggagawa, magsasaka, Lumad, at iba pang mga sektor.

Matagumpay na pagbawi ng Marbai sa lupang inangkin ng Lapanday

Hindi natinag ang mahigit 5,000 magsasaka mula sa mga karatigbaryo at tagasuporta sa harap ng mga bitag na inilatag sa lugar at mahigit 800 gwardya na nagtangkang pigilian ang pagbawi ng lupa. Winasak ng mga magsasaka ang mga nakaharang na bakod upang mapasok ang plantasyon.

Ito ang pinakahuling pagsisikap ng mga magsasaka na mabawi ang kanilang lupa matapos sapilitang dahasin at pagbantaan ng mga armadong gwardya ng Lapanday ang kanilang nakaraang mga pagtangkang bawiin ito mula sa kumpanya.

Ilang beses nang pinalayas ang mga kasapi ng Marbai mula sa kanilang sariling lupa at sa huli ay binalewala pa ng Lapanday at lokal na pulis ang kautusan ng Departmeng of

Agrarian Reform (DAR) na ipamahagi na ang lupa sa kanila.

Ito ang rason upang tumungo ang 200 kasapi ng samahan sa Maynila noong Abril 29. Nagtayo ng kampuhan ang Marbai sa Mendiola, sa mismong harap ng Malacañang, mula Mayo 2 hanggang Mayo 13. Binisita sila dito at pinangakuan ng suporta ni Presidente Duterte noong Mayo 9.

Hinirang ng Anakbayan ang tagumpay ng Marbai na isang inspirasyon sa marami pang magsasaka at manggagawang bukid na inagawan ng lupa ng mga panginoong maylupa upang higit na isulong ang mga laban para bawiin ang kanilang lupa at isulong ang tunay na repormang agraryo.

Matagumpay na binawi ng mga manggagawang bukid na kasapi ng Madaum Agrarian Reform Beneficiaries Inc. (Marbai) ang kanilang lupang inangkin ng Lapanday Foods Corporation sa Madaum, Tagum City noong Mayo 18.

Isla ng Panay at Guimaras naparalisa sa matagumpay na welga laban sa jeepney phaseoutMatagumpay na naparalisa ang transportasyon sa buong isla ng Panay at Guimaras sa inilunsad na 2 araw na welga laban sa planong jeepney phaseout na sinusulong ng Department of Transportation (DOTr).

Umabot sa 97 porsyento ng mga jeepney, bus, at iba pang public util-ity vehicles ang lumahok sa welga: 100 porsyento na pagkaparalisa sa probinsya ang nakamit sa probinsya ng Iloilo, Guimaras, at Antique.

Pinangunahan ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang kilos protesta laban sa phaseout na makakaapekto sa mahigit 24,000 jeepney driver sa kanlurang kabisayaan.

Umaayon ito sa pagsulong ng rehi-meng Duterte ng neoliberal na pro-gramang nagpapaubaya sa sektor ng transportasyon sa mga priba-dong korporasyon na siyang man-gangasiwa sa ipaipatupad na fleet management system.

Larawan mula sa Kilab Multimedia.

Larawan mula sa KMU-SMR.

Page 8: NG KABATAANG MAKABAYAN - · PDF file3 sa kabila ng dati nang pagkasad-lak ng mamamayan sa mataas na buwis, mababang sahod, kontrak-twalisasyon, at kawalan ng abot-kayang serbisyong

8 INFOGRAPHIC