11
H E K A S I 6 Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA) Distance Education for Elementary Schools SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN Department of Education BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

  • Upload
    vantruc

  • View
    276

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

H E K A S I

6

Modified In-School Off-School Approach Modules (MISOSA)

Distance Education for Elementary Schools

SELF-INSTRUCTIONAL MATERIALS

BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN

Department of Education

BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 2nd Floor Bonifacio Building DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City

Page 2: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

Revised 2010 by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS),

DepEd - Division of Negros Occidental under the Strengthening the Implementation of Basic Education

in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE).

This edition has been revised with permission for online distribution through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal (http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported by AusAID.

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides: “No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.” This material was originally produced by the Bureau of Elementary Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

Page 3: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

1

GRADE VI

BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA KAUNLARAN

Suriin ang larawan.

Anu-ano ang mga pangangailangan ng tao ang ipinakikita sa larawan? Ang anumang bagay o proyekto na gagawin ng tao ay kadalasan

nangangailangan ng salapi o pondo. Maisasagawa at matatapos lang ang gawain kung may sapat na salap o pondo. Gayun din ang pamahalaan. Matutugunan nito ang ating pangangailangan kung may sapat na pondo. Sa palagay mo paano matutugunan ng pamahalaan ang ating mga pangangailangan?

ALAMIN MO

Page 4: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

2

Sa modyul na ito ay matututunan mo, ang mga sumusunod:

• Pinanggagalingan ng kita ng pamahalaan • Kahalagahan ng pagbabayad ng buwis sa takdang panahon.

Game ka na ba?

Lagyan ng angkop na salita ang bawat patlang upang mabuo ang

talataan. Pumili ng tamang salita sa kahon. Isulat sa kuwaderno ang tamang sagot.

panggastos pangtustos

pagpataw pagkakakitaan

pagtataguyod pagpapahiram

Sa ________ ng kapakanan ng mga mamamayan, ang pamahalaan ay

may mga isinagawang hakbang upang may _________. Isa na rito ang __________ ng buwis sa mga naghahanapbuhay. Ito ay ginagamit ng pamahalaan sa _________ pangangailangan ng bansa. Ang _________ naman ng pamahalaan ay naayon sa badyet ng bansa.

Basahin ang “comic strip” # 1

Nang lumabas sa klase sina Jun, Bing, Tina at Mark, pinag-usapan nila ang kanilang leksyon sa klase tungkol sa kung saan ginagamit ng pamahalaan ang buwis.

PAGBALIK-ARALAN MO

PAG-ARALAN MO

1. 2.

3. 4. 5.

Page 5: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

3

Nagbabayad na ba ng buwis ang papa mo?

Oo, palagi ko silang kinukulit sinasabi ko sa kanila na ito ay kailangan ng pamahalaan sa pagpapagawa ng paaralan, tulay, ospital, daan at iba pa.

Sabi ko nga sa mga magulang ko na maging matapat sa pagbabayad ng buwis, dahil malaki ang mawawala sa bayan. Ito ang natutunan namin sa aming klase

Talaga namang dapat tayong maging matapat upang ang bansa ay umunlad. Sa bawat pisong buwis na ibinabayad, ang bayan ang nakikinabang.

Page 6: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

4

Basahin:

Comic Strip # 2

Pakikipanayam ng isang T.V. “host” sa Direktor ng Rentas Internas at Meyor ng isang lungsod.

Magandang umaga sa inyong lahat. Narito tayo sa programang “Ating Alamin” ang ating panauhin Direktor ng Rentas, Direktor ng Adwana at Meyor ng isang lungsod. Ating alamin ngayon saan naggaling ang kita ng pamahalaan.

Una nating tanungin si Meyor. Magandang umaga po. Meyor! Nais po namin malaman sa inyo kung saan nanggaling ang kita ng pamahalaan

Alam mo Mae, ang mga pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, mga buwis sa mga bahay, kalakal, langis puwesto sa palengke.

Samakatuwid po, meyor maraming pinanggalingan ang kita ng pamahalaan.

Oo, may buwis din ibinabayad sa mga ari-arian tulad ng bahay at lupa.

Page 7: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

5

Kayo naman director Jose ng Rentas Internas saan naman kaya nangangalap ng kita ng pamahalaan?

Sa buwis na ibinabayad sa mga kalakal na inaangkat sa ibang bansa tulad ng tela, bakal at iba pa.

Kayo naman Direktor Carlos ng Adwana. Saan po galing ang buwis o pondo ng pamahalaan.

Nagbabayad din ng buwis ang mga taong may hanapbuhay tulad ng guro, doctor abogado at iba pa. Ang mga negosyo tulad ng restoran, hotels at iba pang negosyo ay nagbabayad din ng buwis.

Saglit nating putulin ang ating panayam para sa isang patalastas.

Page 8: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

6

• Saan ginagamit ng pamahalaan ang buwis? • Tungkulin ba ang pagbabayad ng buwis? • Bakit kailangang maging matapat sa pagbabayad ng buwis? • Sa gulang mo, paano ka makatutulong sa pagbabayad ng buwis?

Basahin ang tula para sa iyong karagdagang kaalaman: Batay sa tula:

• Ano ang buwis? • Saan ginagamit ang buwis? • Ano ang maaring mangyari kung hindi magbabayad ng buwis ang mga

tao?

Ang Buwis

Ang buwis ang buhay ng pamayanan na dapat bayaran ng mamamayan. Mahirap, mayaman ito’y kailangan para sa kaunlaran ng ating bayan. Dito kinukuha ang lahat ng bagay Suweldo ng guro, kalsada at tulay

mga mesa, upuan at paaralan. Lahat ng kasangkapan sa pagamutan, ang lahat ng ito’y pinagkakagastusan.

Sa buwis na ibinabayad ng taong bayan Kaya huwag manghinawa mga kaibigan

Buwis ay bayaran, huwag iwasan.

Ako po ay si G. Cruz ng Kawanihan na ng Rentas Internas. Malapit naman po ang takdang panahon ng pagbabayad ng buwis. Lagi po nating isaisip na tungkulin ng isang mabuting mamamayan ang pagbabayad ng buwis sa takdang panahon.

Page 9: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

7

Iguhit kung tama ang nakasaad sa pangungusap at kung hindi. _____1. Magbayad ng buwis sa takdang panahon. _____2. Ang ibinabayad na buwis ay para sa kaunlaran. _____3. Ipagwalang-bahala ang pagbabayad ng buwis. _____4. Buwis ay bayaran, huwag iwasan. _____5. Ang pagbabayad ng buwis ay tugon sa pangangailangan ng bayan.

• Ang buwis ay salaping nalikom ng pamahalaan sa mga tao, ari-arian at kumikita sa paghahanapbuhay.

• Kailangan ang matapat na pagbabayad ng buwis upang maitaguyod ng

pamahalaan ang kapakanan ng mga tao at kabutihan ng bansa.

Ayon sa iyong napag-aralan, isa ka sa nabigyan ng pamahalaan ng libreng edukasyon mula sa nalikom na buwis. Paano mo ito pahahalagahan?

TANDAAN MO

ISAPUSO MO

PAGSANAYAN MO

Page 10: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

8

Basahin at unawain ang nilalaman ng tseklist sa ibaba. Lagyan ng (√ ) ang hanay ng iyong sagot.

Sumasang-ayon ka ba na ang buwis ay…….. Lubos Di-gaano Di-tiyak Hindi

1. nakatutustos sa pag-aaral ng mga bata?

2. nakatutulong sa pagpapagawa ng paaralan, daan at tulay?

3. pambayad sa sahod ng mga kawani ng pamahalaan?

4. nakapangangalaga sa kapayapaan at kaayusan?

5. nakatutulong sa mga tao sa oras ng kalamidad?

Iguhit ang kung epekto ng matapat at maayos na pagbabayad ng buwis

at ∆ kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. _____1. Naibibigay sa oras ang suweldo ng mga kawani ng pamahalaan. _____2. Natitigil ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay. _____3. Nakapagpapatayo ng irigasyon para sa magsasaka. _____4. Nakabibili ng kagamitan ng mga ospital. _____5. Natitigil ang panustos sa pangangailangan ng hukbong

sandatahan.

GAWIN MO

PAGTATAYA

Page 11: BUWIS, KABALIKAT NG BANSA SA I KAUNLARAN · PDF fileby the Learning Resource Management and Development System ... pinanggalingan ng kita ng pamahalaan ay mula sa sahod, ... Nakabibili

9

Ibigay ang iyong opinyon kung dapat bang magtaas ng buwis na binabayaran ang mga mamamayan. Isulat sa iyong kuwaderno.

PAGPAPAYAMANG GAWAIN

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang modyul na ito! Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na modyul.