27
Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano Marcos KOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGURO Lungsod ng Laoag MODYU L XI PAGSUSURI SA AKDA BATAY SA TEORYANG Post-istrukturalismo

Modyul (Post Istrukturalismo)

Embed Size (px)

DESCRIPTION

pagsusuri batay sa post-istrukturalismo

Citation preview

Pampamahalaang Pamantasan ng Mariano MarcosKOLEHIYO NG EDUKASYONG PANGGUROLungsod ng Laoag

MODYUL XIPAGSUSURI SA AKDA BATAY SA TEORYANG Post-istrukturalismo

TARA AT MAGLAKBAY!!! Paggising ko pa lamang sa umaga ay inutusan na ako ng aking nanay upang maglinis sa aming bodega. Agad-agad akong pumunta roon dahil papagalitan ako. Pagpasok ko pa lang sa bodega ay binabahing ako sapagkat napakaalikabok at maagiw. Habang ako'y naglilinis, may narinig akong isang tinig, "kumusta ka kaibigan?". Ako'y nabigla at namangha. Ako'y kinabahan at sumagot din, " May tao bariyan?. Siya'y sumagot muli, " Gusto mo bang maglakbay?, tanong niya sa akin. Sino ka ba?, sagot ko. Ako ang mahiwagang aklat, tugon niya.Pumunta ako sa kinalalagyan niya. Napakaalikabok at nababalotan ng lumang tela. Inalis ko ang tela at nakita ko ang mahiwagang aklat. Gusto mo bang maglakbay sa amin?, tanong niya. Tayo, maglalakbay?, sagot ko na parang baliw. oo hawakan mo lang ako at buklatin ang aking mga pahina, sagot niya. Hinawakan ko nga siya at binuklatan. Tara na!Hawakan mo akong mabuti para hindi ka mawalaKamusta ka kaibigan? Handang-handa ka na ba at sabik na sabik ka ng maglakbay. Ngunit bago ang lahat kaibagan, may mga bagay muna akong nais ipabatid sa iyo bago natin simulan ang paglalakbay sa mundo ng karunungan.Inanyayahan kita rito upang maglakbay tungo sa karunungan. Naging kawili-wili ba ang nakaraan mong mga paglalakbay? Mabuti naman. Natutuwaakot lumalawak ang iyong kaalaman. Ngayon ay may panibago na namang aralin ang iyong pag-aaralan. Natitiyak kong maiiibigan mo ito. Naghanda rinako ng ibat ibang gawaing sadyang kapaki-pakinabang at hahamon sa iyong kakayahan.Naaalala mo pa ba ang isang napakagaling na makata? Siya ay tinaguriang MAKATA NG MGA MANGGAGAWA sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. SiAmado Vera Hernndez ay isang makata at manunulat sawikang Tagalog. Ipinanganak siya noong Setyembre 13, 1903at namatay noong 24 Marso 1970.. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.Ipinanganak siya sa Sagrada Familia saHagonoy,Bulacan, ngunit lumaki saTondo, Maynilakung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na siAtang de la Rama. Siya ay batang ama at nag ka anak sa maagang idad. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mgaPambansang Alagad ng Siningsi Hernandez para saPanitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagangWatawat(Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mgaPagkakaisaat naging patnugot ngMabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ngParolang Gintoni Clodualdo del Mundo at ngTalaang Bughawni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan naAklatang Bayanna kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sinaLope K. SantosatJose Corazon de Jesus.Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya niElpidio Quirinodahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "ISANG DIPANG LANGIT", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula. Ito ang iyong kikilalanin ngayon aking kaibigan.Hindi nga bat napakahusay ni Hernandez? Kakikitaan ditto ang kaniyang isinulat na tulang pinamagatang ISANG DIPANG LANGIT.O, kaibigan, handa ka nab a sa iyong paglalakbay tungo sa karunungan? O sige, simulan mo na.

ANG MGA MATUTUTUHAN MO SA IYONG PAGLALAKBAY!Sa paglalakbay mo, matututunan mo kaibigan ang mga sumusunod;1. Malaman ang mga elemento ng tula;2. Tama at wastong pagsusuri ng isang tula gamit ang teoryang Post-Istrukturalismo;3. Magamit nang wasto ang mga kohesibong ugnayan/cohesive device at uri ng paghahanapan ng ugnayan; at

4. Masagot nang wasto ang mga tiyak na katanungan tungkol sa akda.

SUNDIN MO AKO KAIBIGAN!Halika at tutulungan kita kaibigan. Magiging maayos at epektibo ang iyong paglalakbay kung susundin mo ang mga sumusunod na proseso sa iyong paglalakbay:1. Sagutin mo ang panimulang pagtataya o Pre-test. Itoy gabay upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.2. Sa tulong ni Mahiwagang Lapis (Susi ng pagwawasto), iwasto mo ang iyong sagot. Huwag kang mag-alala kung magkakaroon ka man ng maling sagot sapagkat matutulungan ka naman ng mga gawaing iyong madadaanan.3. Basahin at unawain mong mabuti ang paksang-aralin at isagawa mo ang mga gawain4. Gawin at sundin mo ang mga panuto.5. Suriin mo kung nadaragdagan ba ang iyong kaalaman. Sagutin ang Pangwakas na Pagsusulit o Post-test.6. Iwasto mo ang iyong sagot sa tulong ni Mahiwagang Lapis (Susi ng Pagwawasto).7. Kaibigan mo ako kung kayat gamitin mo nang wasto ang mga gawain mo sa paglalakbay. Sagutin mo itong mabuti at sikaping hindi masulatan at walang punit ang bawat pahina. 8. Sa panghuli, gumamit ng papel na pagsasagutan.

PAALALA!

Maging tapat ka sa pagsagot at pagwasto ng iyong mga gawain kaibigan!

LAYUNINPagkatapos mabasa ang akda, ikaw ay inaasahang;1. Matukoy ang mga ginamit na uri ng mga Elemento ng tula;2. Masuri nang wasto ang tula gamit ang Teoryang post-Istrukturalismo; at3. Magamit at masuri ang tula gamit ang mga kohesibong ugnayan/cohesive device at uri ng paghahanapan ng ugnayan.

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Sa iyong pagsusuri, narito ang mga Pamantayan:

Organisasyon-------------------- 30%Pagkakagamit ng --------------- 30%mga Simulain ng Teoryang Post-IstrukturalismoGramatika------------------------- 25%Istilo ng Pagsusulat-------------- 15% 100%

O, ano kaibigan, iyan ang magiging pamantayan mo sa pagsusuri. Huwag kang kabahan sa iyong gagawing pagsusuri sapagkat may mga susundin kang mga tuntunin.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP Narito naman ang pamantayan mo sa gagawin mong tula.

Orgnasisasyon--------------------------25%Kaangkupan ng paggamit ng mga salita----------------30%Mga ugnayan(Pagsusuring Pandiskurso At Katangiang Pang-istruktura)------30%Nilalaman ng Tula--------------------- 15% 100%

PANIMULANG PAGTATAYA PAGPIPILI: Bilugan ang titik ng wastong sagot.1. Siya ayt tinaguriang MAKATA NG MGA MANGGAGAWA.a. Jose Corazon de Jesusc. Amado v. Hernandezb. Alejandro G. Abadillad. Clodualdo del Mundo

2. Si Amado v. Hernandez ay lumaki sa __________.a. Makatic. Quezon b. Manilad. Tondo

3. Si Hernandez ay nag-aral sa Mataas na Paaralan ng Maynila at _____________.a. Amerikanong Paaralan ng pakikipag-ugnayanb. Philippine Normal Universityc. Unibersidad ng Pilipinasd. Unibersidad ng Santo Tomas

4. Sa anong pahayagan siya nagsimulang magsulat sa Wikang Tagalog?

a. Pahayagang Mabuhayc. Pahayagang Watawatb. Pahayagang Mabuhay Ekstrad. Pahayagang Taliba

5. Sa taong ________ naging kabahagi siya ng samahang pampanitikan na Aklatang Bayan.

a. 1920c. 1922b. 1921d. 1923

6. Habang nasa loob siya ng kulungan, naisulat niya ang tulang ____________________.

a. Isang Dipang Langitb. Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayanc. Luha ng Buwayad. Sariling Hardin

7. Sino ang nagpakulong sa kaniya sa bintang na mapanghimagsik?

a. Gloria Arroyoc. Manuel Quezonb. Ferdinand Marcosd. Elpidio Quirino

8. Sino ang napangasawa ni Hernandez?

a. Ateng de la Ramac. Atang de la Remab. Atang de la Ramad. Atang de la Rima

9. Sa kanilang pagiging mahusay na mag-asawa, silang mag-asawa ay kinilalang ______________.

a. Pambansang Alagad ng Siningc. Pambansang Alagad ng Literaturab. Pambansang Alagad ng Politikad. Pambansang Alagad ng Edukasyon10. Sino ang kaniyang mga magulang?a. Jun Hernandez at Clara Verac. Juan Hernandez at Claire Verab. Juan Hernandez at Clara Verad. Juny Hernandez at Claire VeraII. Panuto: Hanapin sa mga bilog ang mga salitang kasingkahulugan ng salitang nasa paruparo. Pagkatapos ay ihanay ito. kulungan mamatay problema ikinulong mahina

11. ipiniit12.balasik13.marupok14.piitan 15. mapigtal

III. IHANAY MO KAIBIGAN!!!

____16. Ito ay ang pag-uulit ng mga salita

A. Aposisyon B. Caption

____17. Paghahanap sa teksto ng mga ugnayan sa mga bahagi ng teksto na di nababasa. C. Endoporik D. Imbersyon E. Katalog

____18. Nagtataglay ng aytem ngunit walang paksa.

F. Kataporik G. Paglilipat o Shiftng H. Pag-uuit na Istruktural

____19. Nagaganap ito sa magkakasunod- sunod na pangungusap o sa loob ng isang yunit ng pangungusap. I. Pag-uulit na Leksikal J. Pag-uulit na Ponolohikal K. Substitusyon

____20. Naghahanap ng ugnayan ng kahulugan sa loob mismo ng teksto

____21. Nagtataglay ito ng topiko na sinusundan ng enumerasyon ng mga aytem.

____22. Nakikilala ito sa pamamagitan ng pangalawang kayarian,kadalasan itoy pangngalan at modipikasyon na nagbibigay katangian o paliwanag sa unang istruktura.

____23. Ito ay ang pagbabago sa normal na ayos ng salita sa loob ng pangungusap.

____24. Tunog ang inuulit..

____25. Pagpapalit ng lugar o posisyon ng dalawang salita sa loob ng pangungusap kung nauuna ag paksa sa panaguri

O, ano kaibigan, kumusta ang iyong pagsagot? Iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ni Mahiwagang Lapis (Susi ng Pagwawasto).Nagging madali bas a iyo ang pagsusulit? Huwag kang mag-alala, panimula pa lamang iyan. Sinusukat lamang ang taglay mong kaalaman tungkol sa paksa. Huwag kang mag-alala kaibigan, tutulungan kita sa susunod mong paglalakbay. ALAM MO BA NA ANG..Halika kaibigan at tayoy maglalakbay na naman sa panibagong kaalaman. Kaalaman na magbibigay sa iyo ng mga kasagutan.Narinig o napag-aralan mo na ba ang Teoryang Post-Istrukturalismo? Marahil hindi pa. Ngayon, ito ang iyong malalaman.Ano nga ba ang Teoryang Post-Istrukturalismo?Aon sa mga kritiko at mga iskolar, ang Post-Istrukturalismo ay nagmula sa Istrukturalismo. Ang pinakamalawak na paghatak sa mga implikasyon ng Istrukturalismo. Ang paghilasaIstrukturalismosa ekstrim nitong dulo. Ang reaksiyon at kritika ng Istrukturalismo.Sa dekada animnapu, nagkaroon ng mga aklat sa sikolohiya, pilosopiya, kasaysayan at panunuring pampanitikan na malinaw na naimpluwensiyahan ng teoryang signo ni Ferdinand de Saussure.Ayon sa modelo ni Saussure, matatag ang signipikasyon (paglikha ng kahulugan) kapag ang sinasagisag at ang tagapagsagisag ay nagtataglay ng kaisahan at kabuuan.PANANAW NG POST-ISTRUKTURALISMOHindi naniniwala ang mga Post-Istrukturalista na defenitibo at matatag (stable) ang kahulugan. Lohikal ang pagpasok ng pilosopiya.Ang pilosopiya ay siyang makapagpapalitaw ng kahulugan ng mga blanko, espasyo, absent, puwang na hindi inilantad sa panitikan.Hindi buo ang teksto at ito ay walang sentro.*aphasia- isang linggwistikong sakit

MGA KRITIKO1. ROLAND BARTHES- mula dekada animnapu hanggang pitumpu-ayon sa kanya, ang panitikan ay isang mensaheng signipikasyon kung saan nakalilikha ng kahulugan"Ang pinakamalaking kasalanan ng isang manunulat ay magkunwari na ang wika ay isang natural at malinaw na midyum kung saan makikita ng mambabasa ang isang buo, kongkreto at matatag na realidad o katotohanan."-Barthes- Elements of Semiology(1967)- ang diskursong Istrukturalismo ay maaaring ipaliwanag(object of explanation)- The Death of an Author (isangsanaysay)"ang awtor ang pinagmulan ng teksto at siyang tanging awtoridad sa pagbibigay rito ng kahulugan."- radikal ang pormulasyon niya"ang awtor ay walang estadong metapisikal sapagkat isa lamang siyang lagusan, isang pook o lunan na dinadaan-daanan ng lenggwahe, ang pinaghabilinan ng mga reperensiya, alingawngaw, pagtuturing, at iba pa."DALAWANG URI NG TEKSTO1. READERLY (teksto para sa pagbasa)-nagbibigay-daan sa mambabasa na siya lamang ang tagatanggap o tagakain ng mga permanenteng kahulugan.2. WR ITERLY (teksto para sa pagsulat)- nagbibigay-daan sa mga mambabasa bilang tagagawa ng kahulugan.2. JACQUES LACAN- nagagamit at nalilinang din sa kaniyang mga isinulat ang teorya ni Saussure.- ayon sa kanya, hindi mapasusubalian ang kahalagahan ng wika sapagkat kung tutuusin, higit itong mahalaga kaysa tinatawag na subhektibidad.DALAWANG URI NG ORDEN1. IMAGINARY- isang estado na kung saan walang malinaw napagkakaiba ang subhekto sa obhekto- walang kaalaman ang bata tungkol sa kaniyang kakanyahan o identidad, kaisahan at sarili na kakaiba sa iba pa.2. SIMBOLIKO- ang kalipunan ng mga praktis o paggamit na may signipikasyon sa lipunan- ang wika ang pinakamahalagang bahagi ng sistema ng pananasig3. JACQUES DERRIDA- isang haligi ng makabagong pananaw- isang pilosopong Pranses- sa kaniyang mga aklat tulad ng Of Grammatology (1967) at Positions (1981) tinalakay niya ang argument niya laban sa kinaugaliang paraan ng pagbabasa at pag-unawa sa teksto- naniniwala siya na kailangan ng tao ang ganitong pagsandig sa mga paniniwalang metapisikal- sinikap niyang ipakita kung gaano kahirap na takasan ang pagkakaiba-iba ng sistema ng wika o alisin ang sarili sa di-tiyak at masalimuot na pag-agos ng mga signipikasyon4. MICHEL FOUCAULT- isang pilosopo at historyador na Pranses- mahalaga ang diskurso subalit hindi bilang isang unibersal na teksto, bilang signipikasyon.

MGA POSIBILIDAD SA PAGGAMIT NG POST-ISTRUKTURALISMOSa Pilipinas, lalo na sa disiplina ng kasaysayan, posibleng magamit ang teoryang ito. Maaaring suriin ang kalipunan ng mga aklat pangkasaysayan na isinulat ng mga historyador na Amerikano at Pilipino sa unang mga dekadang pamahalaang Amerikano sa bansa. Ang impluwensiya ng mga aspetong kalakarang Post-Istrukturalismo sa kasalukuyang pag-aaral sa mga disiplina ay hindi parin gaanong malawak. Ang ginawang ilang mga kritiko ay sapat na patunay na makabuluhan ang Post-Istrukturalismo kung gagamitan ito sa pagsusuri sa mga paraan at proseso kung papaanong namamayani ang lakas ng mga partikular na diskurso sa panitikan, pilosopiya, kasaysayan at pangkalahatang kultura.

YUGTO NG PAGKATUTO

A.TUKLASINGawain 1.

Nakikita mo ba ang larawan? Ano ang larawang iyan? Tama! Ito ay isang kulongan. Marahil ay nakakita ka ng ganito, hindi hga ba o nakapunta na rin. Sa iyong palagay, ano kaya ang buhay ng nasa kulungan?Ngayon, maaari mo ng sagutin ang picture web na iyan.

A. BASAHIN MOIsang Dipang LangitAmado V. Hernandez

Ako'y ipiniit ng linsil na punohangad palibhasang diwa ko'y piitin,katawang marupok, aniya'y pagsuko,damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;lubos na tiwalag sa buong daigdigat inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malasay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may sugat,watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi't walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing moog,anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikalana kala-kaladkad ng paang madugoang buong magdamag ay kulambong luksang kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,kawil ng kadena ang kumakalanding;sa maputlang araw saglit ibibilad,sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantangsa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -bilangguang mandi'y libingan ng buhay;sampu, dalawampu, at lahat ng taonng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirapat batis pa rin itong aking puso:piita'y bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanawsa sandipang langit na wala nang luha,sisikat ang gintong araw ng tagumpay...layang sasalubong ako sa paglaya!

B. LINANGINBatid ko kaibigan na malawak ang iyong kaalaman. Gayunpaman, narito ako upang tulungan kang hasain pang lalo ang taglay mong kaalaman. At upang tayo ay magtagumpay, may ibabahagi akong mga bagay namakakatulong sayo upang iyong masuri nang wasto ang isang akda batay sa teoryang Post-Istrukturalismo.

Handa ka na ba kaibigan? Kung gayon, tayoy magsimula na.

ELEMENTO NG TULAAng mga sumusunod ay mga sangkapat element ng tula:1. SUKAT- ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. Ang karaniwang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tulang may sukat ay wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabing-waluhin.2. TUGMA- ito ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng huling tunog o ng mga huling salita sa bawat taludtud ng tula. May dalawang uri ng tugma: (a). karaniwan at (b). ganap.Halimbawa ng karaniwan:Sintalim ng kidlat ang mga mata ng tanodsa pintong may susit walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing muog,anakiy atungal ng hayop sa yungib.

Hlimbawa ng ganap;Kaliluhat sama ng uloy nakatayoat ang kabaitay kimit nakayukosantong katwiray lugami at hapoat luha na lamang ang pinatutulo.3. TAYUTAY O MATATALINGHAGANG SALITAAng ilang mga halimbawa ng tayutay na ginagamit sa tula ay ang mga sumusunod:

a. PAGTUTULAD O SIMILE- itoy tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng salitang tulad, para, gaya, tila, wari, anaki, wangis, kagaya at iba pa.Halimbawa:Kung tatanawin mo sa malayong pookAkoy tila isang nakadipang krusb. PAGMAMALABIS O HAYPERBOLI- itoy pagbibigay ng labis-labis na kakayahan o katangian ng isang tao o bagay.Halimbawa: Ang bundokminsay nakatayong langit inaabot minsay nakadapangdagat niyayapos.c. PAGTATAO O PERSONIPIKASYON- itoy pagbibigay katangian , o kaya ay tumutukoy sa gawi, kilos o gawain ng tao sa isang bagay, may buhay man o wala.Halimbawa:

Ang mga halaman kung iyong malasin sa katahimikan ay nananalangin.d. PAGWAWANGIS- itoy paggamit ng pahiwatig na paghahambing.Halimbawa:Ang buhay ay guryon: marupok, malikot dagitit dumagit saan man sumuot4. LARAWANG-DIWA- tinatawag itong imagery sa Ingles. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.Halimbawa:May paambun-ambon, may tika-tikatik na sinasabayan ng kulog at lintik may unos at bagyong nakatitigatig sa lalong payapat matimping dibdib.5. SIMBOLISMO- tinatawag itong poetic symbol sa Ingles. Ito ang mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.Halimbawa: araw o liwanag- pag-asadilim o takipsilim-suliranin o kalungkutanputi- kumakatawan sa kalinisan o kawagasankrus-pagtukoy sa relihiyon o diyosasul- kapayapaanpula- katapangan o kaguluhanNaunawaan mo ba ang aralin kaibigan? NGAYON, KUNG TAGALAng naunawaan mo nang mabuti ang teksto, sagutin mo ang mga susunod na Gawain. Magsimula ka na!

GAWAIN 1. TUKUYIN MO!Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat bilang. Hanapin ang sagot sa kahon.

pagtatao o personipikasyon pagwawangis larawang-diwa simbolismo pagmamalabis o hayperboli pagtutulad o simile tugma sukat

1. Ito ang pagkakatulad o pagkakapare-pareho ng huling tunog o ng mga huling salita sa bawat taludtud ng tula.2. Tinatawag itong poetic symbol sa Ingles. Ito ang mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.3. Tinatawag itong imagery sa Ingles. Tumutukoy ito sa mga salitang kapag binabanggit sa tula ay nag-iiwan ng kahulugan sa mapanuring isipan ng mambabasa.4. Itoy paggamit ng pahiwatig na paghahambing.5. Itoy pagbibigay katangian , o kaya ay tumutukoy sa gawi, kilos o gawain ng tao sa isang bagay, may buhay man o wala.6. Itoy pagbibigay ng labis-labis na kakayahan o katangian ng isang tao o bagay.7. Itoy tuwirang paghahambing ng dalawang magkaibang bagay na ginagamitan ng salitang tulad, para, gaya, tila, wari, anaki, wangis, kagaya at iba pa.8. Ito ang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tula. Ang karaniwang bilang ng pantig sa bawat taludtod ng tulang may sukat ay wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin at lalabing-waluhin.

Naging madali ba ang Gawain sa iyo? Ngayon, bibigyan pa kita ng isang Gawain upang mas lalo mong maunawaan ang aralin. Iwasto mo muna ang iyong sagot.

GAWAIN 2. PANUTO: Sabihin kung anong uri ng tayutay ang mga sumusunod:a. kung minsay tumatangis ang lumang batingaw

b. sa maputlang araw saglit ibibilad sanlibong aninoy iniluwa ng dilim

c. sigaw ng bilanggo sa katabing muog anakiy atungal ng hayop sa yungib

d. sa munting durungawan, tanging abot-malas ay sandipang langit na puno ng luha

Nalaman mo na ba ang mga gamit ng tayutay? Siguro naman ay oo sapagkat nasagot mo lahat ang mga gawain. Iwasto mo gamit ang Mahiwagang lapis.Ngayon naman, may ibabahagi akong kaalaman na magiging gabay mo sa pagsusuring gagawin.

KOHESIBONG UGNAYAN/COHESIVE DEVICE

1. Kohesyong Reperensyal--nagtuturo ito upang Makita ang ugnayan ng kahulugan sa ibat ibang bahagi ng tekstoHal. Dumating si Nena kahapon Dala-dala niya ang kanyang aklat.

Uri ng Paghahanapan ng Ugnayan

a. Endoporik Naghahanap ng ugnayan ng kahulugan sa loob mismo ng teksto

Uri:A.1 ANAPORIK-sa loob naghahanap ng mga kohesibong ugnayan ng mga kahulugan, maaaring balikan ang pagbabasa ng mga naunang bahagi ng teksto.

A.2 KATAPORIK-paghahanap sa teksto ng mga ugnayan sa mga bahagi ng teksto na di nababasa.

b. EKSOPORIK Naghahanap ng ugnayan ng kahulugan sa labas ng tekstoHal. Mga babasahin/ karanasan

2. SUBSTITUSYON-maaaring napapalitan ang parirala, sugnay o salita at ang maaaring ipakita ay ibang parirala, sugnay o salita.Hal. Bumili siya ng bagong Celeste sapagkat nakakita siya ng magandang modelo ng sasakyan.

3. ELIPSIS Salita, parirala o sugnay na inaalis o kinakaltas upang magkaroon ng malapit na ugnayan ng mga pahayag.Hal. T: nauunawaan ba ninyo ang leksiyon? S: oo, ()

4. PANGATNIG-walang nawawalang bahagi ng pangungusap bagkus may nakikitang pagdaragdag.Hal. Pumunta ako sa palengke, upang bumili ng ulam ngunit nakalimutan ko pala ang aking wallet.

Naintindihan mo ba, kaibigan? Kung gayon, atin ng ipagpatuloy an gating talakayan.Ang una ay ang Pagsusuring Pandiskurso. Ang pangalawa ay ang Katangiang Pang-istruktura. Ang pokus naman nito ay ang mga sumusunod:

1. PAGLILIPAT O SHIFTING -pagbabago sa normal na ayos ng salita sa loob ng pangungusap.

Hal.Di ba tayoy naritoUpang maging Malaya

2. IMBERSYON-pagpapalit ng lugar o posisyon ng dalawang salita sa loob ng pangungusap kung nauuna ang paksa sa panaguri.

Hal. Ang pag-ibig natinAy walang hanggang paalam

3. ELLIPSIS/OMISYON-isa o higit pang salita

4. SUBSTITUSYON Nagaganap ito sa magkakasunod-sunod na pangungusap o sa loob ng isang yunit ng pangungusap

PARALELISMO a. Repitisyon o pag-uulit na ponolohikaltunogb. Pag-uulit na istrukturalpare-parehong istruktura(pandiwa,pangaguri)c. Pag-uulit na leksikalpag-uulit ng mga salitaHal. Ang pag-ibig natin

Ay walang hanggang paalam

KATALOG-nagtataglay ng topiko na sinusundan ng enumerasyon ng mga aytem

Hal. Siyay isang batang may asul na titig Ang kanyang kilos Ang kanyang pagsasalita Ang kanyang pananalita

CAPTION-nagtataglay ng aytem ngunit walang paksa

Hal.Pagsasanib ng kaisipanPagsusuri ng wastong pananawPangangalap ng mga impormasyon

APOSISYON Nakikilala ito sa pamamagitan ng pangalawang kayarian, kadalasan itoy pangngalan at modipikasyon na nagbibigay katangian o paliwanag sa unang istruktura.

Hal. At iguguhit ng aking plumaIlaw na maningning kahapon at ngayon

Pag-uulit sa Paksa-repitisyon ng paksa-panghalip

Hal.A) Pilipinas,bayang itong minamahalB) Subalit ang buwan wala siyang kaalam-alam sa nakaraan.

Nasundan mo ba ang lahat ng ating tinalakay kaibigan? Hindi ka ba nalito? Nauunawaan mo na ba ang lahat? Kung ganoon, nay inihanda akong mga gawain para sa iyo na susukat kung nauunawaan mo nga ba talaga ang ating tinalakay kanina.

SubstitusyonPag-uulit na leksikalGAWAIN 3. LOOK IT!

ImbersyonCaptionAposisyonPag-uulit na PonolohikalKataporikKatalogPag-uuit na IstrukturalEndoporikPaglilipat o ShiftngPANUTO: Hanapin sa mga isda ang tamang sagot. ____1. Ito ay ang pag-uulit ng mga salita

____2. Paghahanap sa teksto ng mga ugnayan sa mga bahagi ng teksto na di nababasa.

____3. Nagtataglay ng aytem ngunit walang paksa.

____4. Nagaganap ito sa magkakasunod- sunod na pangungusap o sa loob ng isang yunit ng pangungusap.

____5. Naghahanap ng ugnayan ng kahulugan sa loob mismo ng teksto

____6. Nagtataglay ito ng topiko na sinusundan ng enumerasyon ng mga aytem.

____7. Nakikilala ito sa pamamagitan ng pangalawang kayarian,kadalasan itoy pangngalan at modipikasyon na nagbibigay katangian o paliwanag sa unang istruktura.

____8. Ito ay ang pagbabago sa normal na ayos ng salita sa loob ng pangungusap.

____9. Tunog ang inuulit..

____10. Pagpapalit ng lugar o posisyon ng dalawang salita sa loob ng pangungusap kung nauuna ag paksa sa panaguri

O, kumusta ang iyong pagsagot? Nagustuhan mo ba ang gawain? Nasagot mo ba lahat? Nakawiwili, hindi nga ba? Ngayon naman, upang mas lalo mong maunawaan ang akda, gawin mo ang susunod na Gawain na maiuugnay sa sariling buhay.

GAWAIN 4. GAWIN MO!PANUTO: Ilagay sa lumang papel na nasa ibaba ang mga solusyon sa bawat sitwasyong ibibigay. Pagbutihin ang pagsagot.

1. Pinagbintangan ka ng iyong kamag-aaral na ikaw ang kumuha sa kaniyang aklat. Isinumbong ka niya sa inyong guro.

2. Nakita mo ang iyong kamag-aral na nandadaya sa pagsusulit. Mayroon siyang kodigo. Tinakot ka niya na huwag magsusumbong sa guro.

3. Nawawala ang pitaka sa bag mo. May hinala ka na ang iyong kamag-aaral na katabi mo ang kumuha.

Napakahusay mong sumagot sa lahat ng mga sitwasyon. Madali ba ang iyong gawain? Binabati kita kaibigan at nasasagot mo lahat ang mga gawain.Ditto sa gawaing susunod kaibigan, paghusayan mong sagutin sapagkat ditto natin alamin kung naunawaan mo ba talaga ang aralin. Gawin mo ang susunod na gawain. Paghusayan mo.

GAWAIN 5. SUBUKAN MO!PANUTO: Suriing mabuti ang mga piling sipi sa tulang BARTOLINA ni Amado V. Hernandez. Ang pagkakaugnay ng bawat taludtod at saknong. Gamitin ang napag-aralan.

BARTOLINAMaraming araw nang buhay ko'y ganito:sa mundo'y tiwalag at ang tanging mundoay apat na taklob ng muog na bato . . .taglamig, nievera, tag-init ay hurno.

Ang sariwang hangin ay di nalalanghapliban sa malapot na may lasong gaas,habulan ang luksang maghapo't magdamag,guhit sa noo ko'y siyang tanging bakas.

O, kaibigan, sinubukan mo ngang suriin ang akda. Napakahusay!PAGNILAYAN AT UNAWAINGAWAIN 6. Buuin mo!Bumuo ng isang islogan o kawikaang kaugnay ng kaisipang napapaloob sa tulang Isang Dipang Langit. Isulat ito sa loob ng kahong hinahawakan ng lalaki.

Nasiyahan ka bas a iyong ginawa kaibigan? Marami ka na bang natutunan? Siguro namay marami na. Kung mayroon kang katanungan, huwag kang mahiyang lumapit sa aking mga kaibigan. Nariyan sila upang alalayan ka sa pagsasagot.

ILIPAT Sabahaging ito, susubukan mong gamitin ang mga natutunan mo sa mga unang aralin. Sikapin mong gawin lahat ang mga nakasaad sa bawat gawain, ha? Sa gawaing ito, susulat ka ng sarili mong tula na may kaugnayan pa rin sa aralin. Handa ka nab a? Natityak kong handa ka na kaya maaari mo na itong umpisahan. Pagbutihin!

GAWAIN 7. SULAT...SULAT...GO...!Panuto: Sumulat ng isang tula na may kaugnayan sa araling tinalakay batay sa mga tiyak na pamantayan gaya ng sumusunod:a. Limang saknong lamangb. Bawat saknong ay may apat na taludtodc. May tugma

Nahirapan ka ba sa paglikha ng iyong sariling tula? Kung gayon, naging madali sa iyo ang paggawa ng isang tula. Binabati kita kaibigan! Ngayon naman kaibigan, oras mo na para magsuri ng isang akda. Pero ba iyan, paalala dapat na sundin ang mga proseso at gabay sa iyong pagsusuri, maliwanag? Kung handa ka na, marahil ay uwee mo nang umpisahan.

GAWAIN 8. KILATISIN MO! Suriin mo ang akdang Isang Dipang Langit ni Amado v. Hernandez gamit ang Teoryang Post-Istrukturalismo. Simulan muna para matapos na. Paghusayan!

Isang Dipang LangitAmado V. Hernandez

Ako'y ipiniit ng linsil na punohangad palibhasang diwa ko'y piitin,katawang marupok, aniya'y pagsuko,damdami'y supil na't mithiin ay supil.

Ikinulong ako sa kutang malupit:bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;lubos na tiwalag sa buong daigdigat inaring kahit buhay man ay patay.

Sa munting dungawan, tanging abot-malasay sandipang langit na puno ng luha,maramot na birang ng pusong may sugat,watawat ng aking pagkapariwara.

Sintalim ng kidlat ang mata ng tanod,sa pintong may susi't walang makalapit;sigaw ng bilanggo sa katabing moog,anaki'y atungal ng hayop sa yungib.

Ang maghapo'y tila isang tanikalana kala-kaladkad ng paang madugoang buong magdamag ay kulambong luksang kabaong waring lungga ng bilanggo.

Kung minsa'y magdaan ang payak na yabag,kawil ng kadena ang kumakalanding;sa maputlang araw saglit ibibilad,sanlibong aninong iniluwa ng dilim.

Kung minsan, ang gabi'y biglang magulantangsa hudyat - may takas! - at asod ng punlo;kung minsa'y tumangis ang lumang batingaw,sa bitayang moog, may naghihingalo.

At ito ang tanging daigdig ko ngayon -bilangguang mandi'y libingan ng buhay;sampu, dalawampu, at lahat ng taonng buong buhay ko'y dito mapipigtal.

Nguni't yaring diwa'y walang takot-hirapat batis pa rin itong aking puso:piita'y bahagi ng pakikilamas,mapiit ay tanda ng di pagsuko.

Ang tao't Bathala ay di natutulogat di habang araw ang api ay api,tanang paniniil ay may pagtutuos,habang may Bastilya'y may bayang gaganti.

At bukas, diyan din, aking matatanawsa sandipang langit na wala nang luha,sisikat ang gintong araw ng tagumpay...layang sasalubong ako sa paglaya!

Gaano ka na kahusay?PAGPIPILI: Bilugan ang titik ng wastong sagot.1. Siya ayt tinaguriang MAKATA NG MGA MANGGAGAWA.a. Jose Corazon de Jesusc. Amado v. Hernandezb. Alejandro G. Abadillad. Clodualdo del Mundo

2. Si Amado v. Hernandez ay lumaki sa __________.a. Makatic. Quezon b. Manilad. Tondo

3. Si Hernandez ay nag-aral sa Mataas na Paaralan ng Maynila at _____________.a. Amerikanong Paaralan ng pakikipag-ugnayanb. Philippine Normal Universityc. Unibersidad ng Pilipinasd. Unibersidad ng Santo Tomas

4. Sa anong pahayagan siya nagsimulang magsulat sa Wikang Tagalog?

a. Pahayagang Mabuhayc. Pahayagang Watawatb. Pahayagang Mabuhay Ekstrad. Pahayagang Taliba

5. Sa taong ________ naging kabahagi siya ng samahang pampanitikan na Aklatang Bayan.

a. 1920c. 1922b. 1921d. 1923

6. Habang nasa loob siya ng kulungan, naisulat niya ang tulang ____________________.

a. Isang Dipang Langitb. Kung Tuyo na ang Luha Mo Aking Bayanc. Luha ng Buwayad. Sariling Hardin

7. Sino ang nagpakulong sa kaniya sa bintang na mapanghimagsik?

a. Gloria Arroyoc. Manuel Quezonb. Ferdinand Marcosd. Elpidio Quirino

8. Sino ang napangasawa ni Hernandez?

a. Ateng de la Ramac. Atang de la Remab. Atang de la Ramad. Atang de la Rima

9. Sa kanilang pagiging mahusay na mag-asawa, silang mag-asawa ay kinilalang ______________.

a. Pambansang Alagad ng Siningc. Pambansang Alagad ng Literaturab. Pambansang Alagad ng Politikad. Pambansang Alagad ng Edukasyon10. Sino ang kaniyang mga magulang?a. Jun Hernandez at Clara Verac. Juan Hernandez at ClaireVerab. Juan Hernandez at Clara Verad. Juny Hernandez at ClaireVeraII. Panuto: Hanapin sa mga bilog ang mga salitang kasingkahulugan ng salitang nasa paruparo. Pagkatapos ay ihanay ito. kulungan mamatay problema ikinulong mahina

11. ipiniit12.balasik13.marupok14.piitan 15.mapigtal

III. Panuto: Sagutin ang katanungan. Isulat ito sa graphic organizer.Anong kaisipan ang nilinang ng tula? Ibigay ang mga detalyeng sumsuporta sa mga kaisipang ito.

KAISIPAN

Sumusuportang detalye

Sumusuportang detalyeSumusuportang detalyeSumusuportang detalyeSumusuportang detalye

PANIMULANG PAGTATAYA1. C2. D3. A4. C5. C6. A7. D8. B9. A10. B11. Ikinulong12. Problema13. Mahina14. Kulongan15. Mamatay

GAANO KA NA KAHUSAY?1. C2. D3. A4. C5. C6. A7. D8. B9. A10. B11. Ikinulong12. Problema13. Mahina14. Kulongan15. Mamatay

Hanggang sa muli!Ano kaibigan, nagustuhan mo ba ang ating paglalakbay? Marami ka bang natutunan? Dito na nagtatapos ang iyong paglalakbay. Ihahatid na kita sa iyong bahay.Sa aking paglilinis sa aming bodega, naidlip ako roon sa may upuan.Ngayon, akoy tinawag na ng aking nanay upang mananghalian.