9
Lope K. Santos Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Lope K. Santos Kapanganakan Setyembre 25, 1879 Kamatayan Mayo 1, 1963 (edad 83) Iba pang pangalan Lope C. Santos Trabaho manunulat , manananggol , politiko Si Lope K. Santos (Setyembre 25 , 1879 Mayo 1 , 1963 ) ay isang tanyag na manunulat sawikang Tagalog noong kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas . Talambuhay Sa larangan ng panitikan Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag- asawang Ladislao Santos at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal . Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at saEscuela de Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan , isang paligsahan ng mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan . Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon , naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa . Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw na Mang Openg. Sariling buhay Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero , 1900 , at nagkaroon sila ng limang anak. Nagkaroon siya ng karamdaman

mga Pilipinong manunulat

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: mga Pilipinong manunulat

Lope K. SantosMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Lope K. Santos

Kapanganakan Setyembre 25, 1879

Kamatayan Mayo 1, 1963 (edad 83)

Iba pang

pangalan

Lope C. Santos

Trabaho manunulat, manananggol,politiko

Si Lope K. Santos (Setyembre 25, 1879 – Mayo 1, 1963) ay isang tanyag na manunulat sawikang Tagalog noong

kaniyang kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon.Bukod sa pagiging manunulat, isa rin siyang abogado,

kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang Wika at Balarila" ng Pilipinas.TalambuhaySa larangan ng panitikan

Ipinanganak si Lope K. Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos at Victoria

Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin ni Santos ang titik na K bilang kapalit

ng C para sa kaniyang panggitnang pangalan, upang maipakita ang pagiging makabayan. Nakamit niya ang

pagkakaroon ng kadalubhasaan sa sining mula sa Colegio Filipino (Kolehiyo Pilipino), matapos na makapag-aral

sa Escuela Normal Superior de Maestros (Mataas na Paaralang Normal para sa mga Guro) at saEscuela de

Derecho (Paaralan ng Batas). Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng mga manunula

na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900, nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa

mga lathalaing nasa wikang Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng

babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-tagapangasiwa si Santos ng Surian

ng Wikang Pambansa. Kabilang sa mga katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng

Wika, Ama ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa karaniwang palayaw

na Mang Openg.Sariling buhay

Napangasawa ni Lope K. Santos si Simeona Salazar noong ika-10 ng Pebrero, 1900, at nagkaroon sila ng limang

anak. Nagkaroon siya ng karamdaman sa atay, ngunit hanggang sa huling sandali ng buhay ay hinangad ni Santos

na maging Wikang Pambansa ang Wikang Tagalog.Sa larangan ng pulitika

Matapos maging gobernador ng lalawigan ng Rizal mula 1910 hanggang 1913, naging gobernador naman si Santos

ng Nueva Vizcaya mula1918 hanggang 1920. Naglingkod din siya bilang senador para sa ika-labindalawang distrito

ng bayan.

Page 2: mga Pilipinong manunulat

Mga gawa

Kabilang sa mga akda ni Santos ang mga sumusunod:

Balarila ng Wikang Pambansa

Banaag at Sikat , isang nobela

Page 3: mga Pilipinong manunulat

Amado V. HernandezMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas

Panitikan1973

Amado V. Hernandez

Tunay/Buong pangalan Amado Vera Hernandez

Kapanganakan Setyembre 13, 1903Hagonoy, Bulakan

Kamatayan Marso 24, 1970Maynila

Kabansaan Pilipino

Larangan Panitikan

Si Amado Vera Hernández (Setyembre 13, 1903—Marso 24, 1970) ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog.

Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa

kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas noong kaniyang kapanahunan.

Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-

tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

Sariling buhayIpinanganak siya sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na

Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong

Page 4: mga Pilipinong manunulat

1932, napangasawa niya ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang

mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan,

Sayaw at Tugtugin.

Bilang manunulatNoong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa pahayagang Watawat (Flag).

Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang

mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa kaniyang mga salaysayin at tula ay

napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at ng Talaang Bughaw ni

Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si Hernandez ng samahan pampanitikan

na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de

Jesus.

Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang

Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang "Isang

Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.

Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya". Ang ilan

sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong Tubig at Ibang

Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang marami niyang tula

at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng Estados Unidos ang

kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na pagiging mapanghimagsik.

Subalit ang tunay na dahilan ay naipakulong si Hernandez dahil sa pagiging pinuno ng Kongreso ng mga Samahang

Manggagawa (Congress of Labor Organizations), na isa sa pinakamalaki, pinakamilitante at pinakamakabayan sa

lahat ng unyon noong kapanahunan ni Hernandez

Mga gantimpala at parangalNoong 1973, tatlong taon mula nang sumakabilang buhay si Hernandez, ginawaran si “Ka Amado” ng titulong

Pambansang Alagad ng Sining. Bagama’t matagal-tagal na rin mula nang pumanaw ang manunulat, patuloy na

umaalingawngaw sa mga paaralan at sa mga rali sa lansangan ang kanyang matulaing pagkamakabayan, lalo na ang

mga salita ng tulang "Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan."

Pamana at paggunitaBawat taon ay ginugunita at ipinagkakaloob ang Gawad Ka Amado sa mga makata, manunulat, mandudula, mang-

aawit at mga may-akda ng mga likhang-biswal na gumagawa ng mga sulating tumatalakay sa mga karanasan ng

liping manggagawa.

Mga gawaMga nobelaAng mga nobelang sosyopolitikal ni Hernandez ay ayon sa kaniyang mga karanasan bilang isang gerilya, obrero ng

manggagawa at prisonerong politikal.

Page 5: mga Pilipinong manunulat

Mga Ibong Mandaragit ,1969

Luha Ng Buwaya , 1972Mga tula Isang Dipang Langit

Panata sa Kalayaan

Ang Mga Kayamanan ng Tao

Ang Dalaw

Bartolina

Kung Tuyo Na ang Luha Mo Aking Bayan

Bayang Pilipinas

Ang Taong kapos

Bayani

Sa Batang Walang Bagong Damit

Isang Sining ang Pagbigkas

Ang PandayMga maikling kuwento Wala nang lunas

Kulang sa Dilig

Langaw sa Isang Basong Gatas

Dalawang Metro sa Lupang Di-Malipad ng Uwak

Ipinanganak ang Isang Kaaway sa Sosyaledad

Limang Alas, Tatlong SantoMga dulaKaramihan sa kaniyang mga dula ay batay sa kaniyang karanasan habang nasa bilangguan:

Munting lupa , 1957

Hagdan sa Bahaghari, 1958

Ang Mga Kagalang-galang, 1959

Magkabilang Mukha ng Isang Bagol, 1960Mga sanaysay Si Atang at ang Dulaan

Si Jose Corazon de Jesus at ang Ating Panulaan

Pilipinismo: Susi sa Bayang Tagumpay

Page 6: mga Pilipinong manunulat

Lualhati BautistaMula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Lualhati Bautista

Kapanganakan Disyembre 2, 1946 (edad 64)

Tondo, Maynila, Pilipinas

Trabaho nobelista; manunulat sa pelikula at telebisyon

Si Lualhati Torres Bautista ay isa sa pinakabantog na babaeng nobelista sa kasaysayan ng

kontemporaryong panitikan ng Pilipinas. Kabilang sa mga nobela niya ang Dekada '70, Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa?,

at Gapô.

Mga gawain nyaBilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento,

at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay

ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan

at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos

Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga

ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang

Ulap (1984), Sex Object(1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro

Manila Film Festival (best story-best screenplay),Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star

Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at mga gantimapalang URIAN.

Dalawa sa kaniyang mga maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palancapara sa Panitikan:

ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra, unang gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako

ng Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang pang-telebisyon: ang Daga sa

Timba ng Tubig (1975) atIsang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng

pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards.

Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng

Ateneo) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga

Kababaihan sa Katutubong Wika.

Amg mga maiikling kuwento na isinulat ng mga kababaihang Pilipino ay inilimbag sa Finland ng The Finnish-

Philippine Society (Ang Samahang Pinlandes-Pilipino, o FPS), isang hindi-pampahalaang organisasyon na itinatag

noong 1988. Pinatnugutan at isinalin ni Riitta Vartti, at iba pa, ang Tulikärpänen. Sa Firefly: Writings by Various

Authors (Alitaptap: Mga Sulatin ng Iba't Ibang May-akda), ang bersiyong Ingles ng kalipunang Pinlandes, ang sipi

mula sa nobelang Pilipinong Gapô (daglat ng Olongapo) ay pinamagatang The Night in Olongapo(Ang Gabi sa

Olongapo) samantalang ang sipi mula sa Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? ay pinamagatan namang Children's

Party (Handaang Pambata).

Page 7: mga Pilipinong manunulat

Ang buong salinwika ng mga pinakamahahalagang akda ni Bautista ay maaaring makabuwag sa hadlang sa

palimbagang pansandaigdigan, bagaman may mga nagsasabi na ang dahilan kung bakit walang nasasagawang

pagsasalinwika ay ang paggamit ni Bautista ng payak ngunit makabuluhang wika para maisalarawan ang ang mga

masasalimuot na katayuang panlipunan at pangkaluluwa sa Pilipinas, isang katangian palagiang ipinagsasawalang-

bahala ng mga samahang pampanitikan.

Mga akdaKalipunan ng mga maiikling katha

Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang: Dalawang Dekada ng Maiikling Kuwento

Desaparesidos*Mga sulating pampelikula

Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa? : The Screenplay (1998)

Bulaklak sa City Jail

Gapo

Dekada '70

Page 8: mga Pilipinong manunulat

Genoveva Edroza MatuteSi Genoveva Edroza-Matute ay isang premyado at kilalang kuwentista. Siya ay isa ring guro at may akda

ng maraming aklat sa BalarilangTagalog.

Mga Parangal

Si Edroza Matute ay ipinanganak noong 13 Enero 1915. Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa

elementarya, haiskul at kolehiyo, at nagretiro bilang Dekana ng Pagtuturo sa Philippine Normal College

(ngayon ay Philippine Normal University) noong 1980. Pinarangalan siya ng Cultural Center of the

Philippines ng Gawad CCP Para sa Sining (Panitikan) noong Pebrero, 1992.

Maraming ulit siyang nagkamit ng Gantimpalang Palanca. Mabisa at madaling unawain ang kanyang

pananagalog. Ang ilan sa kanyang mga kuwentong nagkamit ng gantimpala ay Kuwento ni

Mabuti, Paglalayag sa Puso ng Isang Bata, Parusa, Maganda Ang Ninang Ko atPagbabalik.

Mga Aklat

Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press; ang Tinig

ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University Press; at ang Sa

Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for Fiction, 1991-1992, ng U.P.

Press.

Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.