32
34567 HULYO 2019 MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

  • Upload
    others

  • View
    8

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

34567HULYO 2019

MGA ARALING ARTIKULO PARA SA:SETYEMBRE 2-29, 2019

Page 2: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

NOONG gabi bago patayin ang Panginoong Jesus, sinabi ni-yang kapopootan ngmga tao ang lahat ng gustongmaging ala-gad niya. (Juan 17:14) Hanggang ngayon, inuusig pa rin ngmga kalaban ng tunay na pagsamba ang tapat namga Kristiya-no. (2 Tim. 3:12) Habang papalapit ang katapusan ng siste-mang ito, inaasahan nating lalo pa tayong pag-uusigin ng mgakaaway.—Mat. 24:9.

2 Paano tayo maghahanda ngayon sa pag-uusig? Hindi na-man natin kailangang isipin ang lahat ng puwedeng mangyarisa atin. Baka kasi sa sobrang takot at pag-aalala, hindi pa mantayo inuusig, suko na tayo. (Kaw. 12:25; 17:22) Ang takot ayginagamit ng ating “kalaban . . . , ang Diyablo,” at napakabisanito. (1 Ped. 5:8, 9) Ano ang puwede nating gawin ngayonpara mapaghandaan at makayanan ang pag-uusig?

3 Sa artikulong ito, tatalakayin kung paanomapapatibay angating kaugnayan kay Jehova at kung bakit mahalagang gawinna iyan ngayon pa lang. Tatalakayin din natin kung ano angpuwedeng gawin para mas lalo tayong magkaroon ng lakas ngloob. At panghuli, susuriin natin kung paano haharapin angpoot ng mga umuusig sa atin.

PATIBAYIN ANG KAUGNAYAN MO KAY JEHOVA4 Maging kumbinsido na mahal ka ni Jehova at hinding-hindi

ka niya pababayaan. (Basahin ang Hebreo 13:5, 6.) Mara-ming taon na ang nakakalipas, sinabi ng Bantayan: “Kapag ki-

1. Bakit dapat tayong maghanda sa pag-uusig?2-3. (a) Ano ang dapat nating malaman tungkol sa takot? (b) Ano ang tata-lakayin sa artikulong ito?4. Ayon sa Hebreo 13:5, 6, saan tayo dapat maging kumbinsido, at bakit?

ARALINGARTIKULO 27

Maghanda Na Ngayonsa Pag-uusig“Pag-uusigin din ang lahat ng gustong mamuhay nang maymakadiyos na debosyon bilang mga alagad ni Kristo Jesus.”—2 TIM. 3:12.

AWIT 129Hindi Tayo Susuko

NILALAMAN

Ayaw nating kapootantayo ng mga tao. Perolahat tayo ay daranas ngpag-uusig. Tutulungantayo ng artikulong itona magkaroon ng lakasng loob para maharapang pag-uusig.

2

Page 3: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

lalang-kilala ng isang tao ang Diyos, magtiti-wala siya nang lubusan sa Diyos pagdatingng pagsubok.” Totoo iyan! Para makayananang pag-uusig, dapat nating ibigin at lubu-sang pagtiwalaan si Jehova at huwag natingpagdudahan ang pagmamahal niya sa atin.—Mat. 22:36-38; Sant. 5:11.

5 Basahin ang Bibliya araw-araw at gawingtunguhin namasmapalapıt kay Jehova. (Sant.4:8) Habang nagbabasa, magpokus sa mgakatangian ni Jehova at damhin ang pagma-mahal niya na makikita sa kaniyang sinasabiat ginagawa. (Ex. 34:6) Bakamahirap ito parasa ilan dahil hindi pa sila nakakaranas ma-halin. Kung ganiyan ang nararamdaman mo,bakit hindi mo ilista araw-araw kung paano kapinagpapakitaan ni Jehova ng awa at kabai-tan? (Awit 78:38, 39; Roma 8:32) Kapag bina-likan mo ang mga naranasan mo at pinag-isipan ang mga nabasa mo sa Salita ng Diyos,malamang na makapaglista ka ng maramingbagay na ginawa ni Jehova para sa iyo. Ha-bang pinahahalagahan mo ang mga ginagawani Jehova, lalong tumitibay ang kaugnayanmo sa kaniya.—Awit 116:1, 2.

6 Regular na manalangin. Isipin ang isangbatang yakap ng tatay niya. Panatag na pana-tag ang bata kaya nasasabi niya sa tatay niyaang magaganda at masasamang nangyari sakaniya nang araw na iyon. Puwede ka ringmagkaroon ng ganiyang kaugnayan kay Jeho-va kung taimtim kang mananalangin sa kani-ya araw-araw. (Basahin ang Awit 94:17-19.)Kapag nananalangin kay Jehova, “ibuhos moang puso mo na parang tubig” at sabihin saiyongmapagmahal na Ama ang lahat ng iyong

5. Ano ang makakatulong para madama mong mahal kani Jehova?6. Ayon sa Awit 94:17-19, paano makakatulong sa iyoang taimtim na pananalangin?

ikinatatakot at ikinababahala. (Panag. 2:19)Ang resulta? Mararamdaman mo ang tinata-wag ng Bibliya na “kapayapaan ng Diyos nanakahihigit sa lahat ng kaisipan.” (Fil. 4:6, 7)Kapag ganiyan ka manalangin, lalo kang ma-papalapıt kay Jehova.—Roma 8:38, 39.

7 Maging kumbinsidong magkakatotoo angmga pagpapala ng Kaharian ng Diyos. (Bil.23:19) Kung hindi, mas madali para kay Sata-nas at sa mga kampon niya na takutin ka.(Kaw. 24:10; Heb. 2:15) Paano mo mapapati-bay sa ngayon ang iyong pagtitiwala sa Kaha-rian ng Diyos? Pag-aralan mo ang mga panga-ko ng Diyos tungkol sa Kaharian at kung bakitka makakatiyak na magkakatotoo ang mgaito. Paano iyan makakatulong? Tingnan anghalimbawa ni Stanley Jones, na pitong taongnabilanggo dahil sa kaniyang pananampalata-ya.� Ano ang nakatulong sa kaniya na matiisiyon? Sinabi niya: “Naging matatag ako dahil

� Tingnan angThe Watchtower, Disyembre 15, 1965, p. 756-767.

7. Bakit dapat na kumbinsido kang magkakatotoo angmga pangako ng Diyos tungkol sa kaniyang Kaharian?

Sa pagtatapos ng programa sa 2018 pan-rehiyong kombensiyon, kinanta ang ma-puwersa at bagong awit na pinamagatang“Bigyan Mo Ako ng Lakas ng Loob.” Pagka-tapos ng kombensiyon, sumulat si Lumia,isang walong-taong-gulang na batang babae:“Salamat po sa bagong kanta. Na-touchpo ako! Habang kumakanta, naisip ko pona ’pag grade two na ako, sasabihin kosa mga kaklase ko na Saksi ni Jehova ako.Alam ko pong kasama ko si Jehova.”

“Bigyan Mo Ako ng Lakas ng Loob”

Page 4: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

4 ANG BANTAYAN

sa kaalaman ko tungkol sa kaharian ng Diyos.Ni minsan ay hindi ko ito pinag-alinlanganan.Kaya hindi ako natinag.” Kapag matibay angpagtitiwala mo sa mga pangako ng Diyos, ma-papalapıt ka kay Jehova at hindi ka madaraigng takot.—Kaw. 3:25, 26.

8 Regular na dumalo sa mga Kristiyanongpagpupulong. Nakakatulong ang mga pu-long para mas mapalapıt tayo kay Jehova.Ang pagpapahalaga natin sa mga pulong aynagpapahiwatig na makakayanan natin angpag-uusig. (Heb. 10:24, 25) Bakit? Kung dahillang sa maliliit na bagay ay hindi na tayo ma-kadalo, paano pa kung buhay na natin angnakataya? Pero kung talagang desidido tayosa pagdalo, walang sinumang makakahadlangsa atin. Kaya ngayon pa lang, pahalagahan nanatin ang ating mga pulong. Kapag mahalagasa atin ang pagdalo, kahit ipagbawal ito nggobyerno, dadalo pa rin tayo. Dahil para saatin, Diyos muna bago ang tao.—Gawa 5:29.

9 Sauluhin ang mga paborito mong teksto.(Mat. 13:52) Hindi perpekto ang memorya

8. Ano ang ipinapahiwatig ng pagpapahalaga natin samga pulong? Ipaliwanag.9. Bakit isang magandang paraan ng paghahanda sapag-uusig ang pagsasaulo ng mga teksto?

natin, pero kayang gamitin ni Jehova ang ka-niyang makapangyarihang banal na espiritupara ipaalaala sa atin ang mga tekstong iyon.(Juan 14:26) Pansinin ang sinabi ng isangbrother na ibinilanggo at ibinartolina sa EastGermany: “Mabuti na lang at nakapagsauloako noon ng daan-daang teksto! Kaya kahitnag-iisa ako, abala ako sa pagbubulay-bulayng mga tekstong ’yon.” Nakatulong ang mgatekstong iyon para makapanatiling malapıtkay Jehova ang brother na ito—at makapagti-is nang may katapatan.

10 Sauluhin at kantahin ang mga awitingpumupuri kay Jehova. Noong nakabilanggosa Filipos, kinanta nina Pablo at Silas angmga saulado nilang awit ng papuri kay Jeho-va. (Gawa 16:25) Ganiyan din ang ginawa ngmga kapatid natin sa dating Unyong Sobyetnoong ipatapon sila sa Siberia. Natatanda-an pa ni Sister Mariya Fedun: “Inawit na-min ang lahat ng awit na alam namin, angmga awit mula sa aklat-awitan.” Sinabi niyangnakapagpatibay iyon at nakatulong sa kanilapara madamang mas malapıt sila kay Jehova.Napapatibay ka ba kapag kinakanta mo angmga paborito mong awit para kay Jehova?

10. Bakit dapat tayong magsaulo ng mga awit?

ISAIAS43:10

Ang pagsasaulo ng mga tekstoat awiting pang-Kaharian aymakakatulong sa iyo sapanahon ng pag-uusig(Tingnan ang parapo 9-10)

Page 5: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

HULYO 2019 5

Kaya ngayon pa lang, sauluhinmo na ang mgaiyon!—Tingnan ang kahong “Bigyan Mo Akong Lakas ng Loob.”

PALAKASIN ANG IYONG LOOB11 Para maharap ang pag-uusig, kailangan

mo ang lakas ng loob. Kung iniisip mong walaka nito, ano ang puwede mong gawin? Tanda-an na hindi nakadepende sa iyong laki, lakas,o abilidad ang pagkakaroon ng tunay na lakasng loob. Tingnan natin ang halimbawa ng ka-bataang si David nang harapin niya si Goliat.Kumpara sa higanteng iyon, si David ay masmaliit, mas mahina, at wala man lang sanda-ta. Kahit nga espada, wala siya. Pero napaka-lakas ng loob niya. Buong tapang niyang sinu-god ang mayabang na higante.

12 Bakit napakalakas ng loob ni David? Alamniya kasing kasama niya si Jehova. (Basahinang 1 Samuel 17:37, 45-47.) Hindi inintin-di ni David kung mas malaki man sa kaniyasi Goliat. Basta ang alam niya, napakaliit niGoliat kumpara kay Jehova. Ano ang ma-tututuhan natin dito? Lalakas ang loob na-tin kapag nagtitiwala tayong kasama natin si

11-12. (a) Ayon sa 1 Samuel 17:37, 45-47, bakit malakasang loob ni David? (b) Anong mahalagang aral ang ma-tututuhan natin sa halimbawa ni David?

Jehova at kapag naniniwala tayong napaka-liit lang ng mga kalaban natin kumpara saDiyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. (2 Cro.20:15; Awit 16:8) Paano natin mapapalakasang ating loob sa ngayon—bago dumating angpag-uusig?

13 Sa ngayon, mapapalakas natin ang atingloob kapag nangangaral tayo ng mabuting ba-lita tungkol sa Kaharian ng Diyos. Bakit? Da-hil kapag nangangaral tayo, natututo tayongmagtiwala kay Jehova at napaglalabanan na-tin ang takot sa tao. (Kaw. 29:25) Kung paa-nong lumalakas ang mga muscle natin kapagnag-eehersisyo tayo, lumalakas din ang atingloob kapag nangangaral tayo sa bahay-bahay,sa pampublikong lugar, sa lugar ng negosyo,at sa di-pormal na paraan. Kapag malakas naang loob nating mangaral ngayon pa lang,magiging handa tayong patuloy na mangaralkahit ipagbawal pa ito ng gobyerno.—1 Tes. 2:1, 2.

14 Marami rin tayong matututuhan sa la-kas ng loob ng dalawang tapat na sister. Si

13. Paano tayo magkakaroon ng lakas ng loob? Ipaliwa-nag.14-15. Ano ang matututuhan natin kina Nancy Yuen atValentina Garnovskaya?

Page 6: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

Nancy Yuen ay mga limang talampakan langang taas, pero hindi siya madaling takutin.�Hindi siya mapigil sa pangangaral ng mabu-ting balita ng Kaharian ng Diyos. Dahil dito,mahigit 20 taon siyang nabilanggo sa Com-munist China. Sinabi ng mga opisyal na nag-imbestiga sa kaniya na siya ang “pinakamati-gas ang ulo” sa bansa nila!

15 Si Valentina Garnovskaya naman ay tat-long beses na nabilanggo sa dating UnyongSobyet na umabot nang mga 21 taon.� Bakit?Determinado kasi siyang patuloy na manga-ral. Binansagan pa nga siyang “mapanganibna kriminal.” Bakit napakalakas ng loob ngdalawang tapat na sister na ito? Kumbinsidokasi silang kasama nila si Jehova.

16 Gaya ng tinalakay natin, para magkaroonng lakas ng loob, hindi tayo dapat magpokussa sarili nating lakas at abilidad. Sa halip, da-

� Tingnan ang The Watchtower, Hulyo 15, 1979, p. 4-7. Tingnandin ang video na Makikilala ang Pangalan ni Jehova sa JWBroadcasting˙. Tingnan sa MGA INTERBYU AT KARANASAN.� Tingnan ang 2008 Taunang Aklat ng mga Saksi ni Jehova,p. 191-192.

16. Ano ang pinagmumulan ng tunay na lakas ng loob?

pat tayongmagtiwalang kasama natin si Jeho-va at siya ang makikipaglaban para sa atin.(Deut. 1:29, 30; Zac. 4:6) Iyan ang pinagmu-mulan ng tunay na lakas ng loob.

KAYA MONG HARAPINANG POOT NG MGA TAO

17 Gustong-gusto nating igalang tayo ng iba,pero hindi doon masusukat ang halaga natin.Sinabi ni Jesus: “Maligaya kayo kapag napo-poot sa inyo ang mga tao at kapag itinatakwilnila kayo at nilalait kayo at nilalapastanganang inyong pangalan dahil sa Anak ng tao.”(Luc. 6:22) Ano ang ibig sabihin ni Jesus?

18 Hindi naman ibig sabihin ni Jesus na da-pat matuwa ang mga Kristiyano kapag ki-napopootan sila ng mga tao. Sinasabi langniya ang puwedeng mangyari sa atin. Hinditayo bahagi ng sanlibutan. Isinasabuhay na-tin angmga turo ni Jesus at ipinapangaral angmensaheng ipinangaral niya. Dahil dito, kina-popootan tayo ng sanlibutan. (Basahin angJuan 15:18-21.) Gusto nating pasayahin si

17-18. Sa Juan 15:18-21, ano ang babala ni Jesus saatin? Ipaliwanag.

Magkakaroon tayo nglakas ng loob kungmagtitiwala tayokay Jehova at sakaniyang Kaharian(Tingnan angparapo 7, 14-15)

Naging matatag siStanley Jones dahilnaniniwala siya saKaharian ng Diyos

Hindi mapigil siNancy Yuen sapangangaral ngmabuting balita

Kumbinsido siValentina Garnovskayana kasama niya siJehova

6 ANG BANTAYAN

Page 7: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

Jehova. Kung kinapopootan tayo ng mga taodahil mahal natin ang ating Ama, problemana nila iyon.

19 Huwag mong ikahiya na isa kang Saksini Jehova dahil lang sa sinasabi o ginagawang ibang tao. (Mik. 4:5) Madaraig natin angtakot sa tao kapag inisip natin ang ginawang mga apostol sa Jerusalem pagkamatay napagkamatay ni Jesus. Alam nila kung gaanokatindi ang galit sa kanila ng mga Judiong li-der ng relihiyon. (Gawa 5:17, 18, 27, 28) Peroaraw-araw pa rin silang nangangaral sa tem-plo para ipakitang mga alagad sila ni Jesus.(Gawa 5:42) Hindi sila napigilan ng takot.Madaraig din natin ang takot kapag lagi at ha-yagan tayong nagpapakilala bilang mga Saksini Jehova—sa trabaho, paaralan, at komuni-dad.—Gawa 4:29; Roma 1:16.

20 Bakit masaya ang mga apostol? Alam kasinila kung bakit sila kinapopootan, at parasa kanila, isang karangalan ang pagmalu-pitan dahil sa paggawa ng kalooban ni Je-hova. (Luc. 6:23; Gawa 5:41) Nang magla-on, sumulat si apostol Pedro: “Kung magdusaman kayo alang-alang sa katuwiran, maligaya

19. Paano natin matutularan ang mga apostol?20. Bakit masaya pa rin ang mga apostol kahit kinapo-pootan sila?

kayo.” (1 Ped. 2:19-21; 3:14) Kapag alam na-ting kinapopootan tayo dahil sa paggawa ngtama, hinding-hindi tayo magpapadaig sa ta-kot.

MAKIKINABANG KAKUNG MAGHAHANDA KA

21 Hindi natin alam kung kailan tayo daranasng pag-uusig o pagbabawal sa ating gawain.Pero alam nating mapaghahandaan natin itongayon pa lang kung patitibayin natin angating kaugnayan kay Jehova, palalakasin angating loob, at dadaigin ang takot sa tao. Tutu-lungan tayo nitong makapanindigan sa hina-harap.

22 Pero paano kung ipagbawal ang gawa-in natin? Sa susunod na artikulo, tatalakayinang mga simulaing makakatulong sa atin parapatuloy na makapaglingkod kay Jehova kahitmay pagbabawal.

21-22. (a) Paano mo paghahandaan ang pag-uusig?(b) Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Pahina 4: Gumagamit ng mga flash cardang mga magulang sa kanilang pampamilyang pag-samba para maisaulo ng mga anak nila ang mga teksto.Pahina 5: Habang nasa kotse papuntang pulong, pina-praktis ng pamilya ang mga awiting pang-Kaharian.

ANO ANG ITINUTURO NG MGA TALATANG ITO TUNGKOL SA PAGHAHANDA PARA SA PAG-UUSIG?

˛ Awit 116:1, 2 ˛ 2 Cronica 20:15 ˛ 1 Pedro 3:14

AWIT 118Palakasin Mo ang Aming Pananampalataya

Page 8: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

8

NOONG 2018, mahigit 223,000 mamamahayag ng mabutingbalita ang nakatira sa mga lugar na ipinagbabawal o hinihigpi-tan ang ating gawain. Hindi na iyan nakakagulat. Gaya ng na-tutuhan natin sa naunang artikulo, inaasahan ng tunay namga Kristiyano na pag-uusigin sila. (2 Tim. 3:12) Saanmantayo nakatira, puwedeng bigla na lang ipagbawal ng gobyernoang pagsamba natin kay Jehova, ang ating mapagmahal naDiyos.

2 Kapag ipinagbawal ng gobyerno ang pagsamba kay Jehovasa lugar ninyo, baka maisip mo: ‘Ibig bang sabihin nito, ayawna sa amin ng Diyos? Titigil na ba kami sa pagsamba kay Je-hova dahil sa pagbabawal? Dapat ba akong lumipat sa ibangbansa, kung saanmalaya kongmasasamba ang Diyos?’ Tatala-kayin natin sa artikulong ito ang mga tanong na iyan. Pag-uusapan din natin kung paano tayo patuloy na makakapag-lingkod kay Jehova kahit may pagbabawal at kung anong mgabitag ang dapat nating iwasan.

IBIG BANG SABIHIN NG PAG-UUSIG,AYAW NA SA ATIN NG DIYOS?

3 Kapag ipinagbawal ng gobyerno ang pagsamba natin, bakaisipin nating hindi tayo pinagpapala ng Diyos. Pero tandaan,ang pag-uusig ay hindi naman patunay na hindi na masaya si

1-2. (a) Bakit hindi na natin dapat ikagulat ang pagbabawal sa pagsambanatin? (b) Ano ang tatalakayin natin sa artikulong ito?3. Ayon sa 2 Corinto 11:23-27, anong pag-uusig ang dinanas ng tapat naapostol na si Pablo, at ano ang matututuhan natin sa kaniya?

ARALINGARTIKULO 28

Patuloy na Sumambakay Jehova KahitMay Pagbabawal“Hindi namin kayang tumigil sa pagsasalita tungkol samga bagay na nakita namin at narinig.”—GAWA 4:19, 20.

AWIT 122Magpakatatag!

NILALAMAN

Ano ang gagawin natinkapag pinagbabawalantayo ng gobyerno nasumamba kay Jehova?Mababasa sa artikulongito ang ilang praktikal namungkahi kung ano angdapat at di-dapat gawinpara hindi tayo mapahintosa pagsamba sa Diyos.

Page 9: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

Jehova sa atin. Isipin si apostol Pablo. Si-guradong masaya sa kaniya ang Diyos. Nag-kapribilehiyo siyang sumulat ng 14 na lihamsa Kristiyanong Griegong Kasulatan. Isa rinsiyang apostol para sa ibang mga bansa. Perodumanas siya ng matinding pag-uusig. (Ba-sahin ang 2 Corinto 11:23-27.) Ipinapakitalang ng karanasan ni apostol Pablo na hinaha-yaan ni Jehova na pag-usigin ang kaniyang ta-pat na mga lingkod.

4 Ipinaliwanag ni Jesus kung bakit dapat na-ting asahang pag-uusigin tayo. Sinabi niyangkapopootan tayo dahil hindi tayo bahagi ngsanlibutan. (Juan 15:18, 19) Ang pag-uusig ayhindi tanda na hindi tayo pinagpapala ni Je-hova. Ipinapakita lang nito na ginagawa natinkung ano ang tama!

TITIGIL NA BA TAYO SA PAGSAMBAKAY JEHOVA DAHIL SA PAGBABAWAL?

5 Walang sinumang tao ang lubusang ma-kakapigil sa pagsamba sa pinakamakapang-yarihang Diyos, si Jehova. Marami na angsumubok at nabigo. Isipin ang nangyari no-

4. Bakit tayo kinapopootan ng sanlibutan?5. Lubusan bang mapipigilan ng tao ang pagsamba kayJehova? Ipaliwanag.

ong Digmaang Pandaigdig II. Nang pana-hong iyon, pinag-usig at pinagmalupitan nggobyerno sa maraming bansa ang bayan ngDiyos. Ipinagbawal ang gawain ng mga Sak-si ni Jehova, hindi lang ng partidong Nazisa Germany, kundi pati ng gobyerno sa Aus-tralia, Canada, at iba pang lupain. Pero anoang nangyari? Nang magsimula ang digmaannoong 1939, may 72,475mamamahayag sa bu-ong mundo. Gayunman, ipinapakita ng mgaulat na sa pagtatapos ng digmaan noong 1945,mayroon nang 156,299 na mamamahayag da-hil sa pagpapala ni Jehova. Higit pa sa dobleang itinaas ng bilang ng mamamahayag!

6 Sa halip na matakot, mas nagiging deter-minado pa nga tayong maglingkod kay Jeho-va kapag pinag-uusig. Halimbawa, isang mag-asawa na may maliit na anak ang nakatira saisang bansa, kung saan ipinagbawal ng gob-yerno ang ating pagsamba. Imbes na mata-kot, nag-regular pioneer angmag-asawa. Paramagawa iyon, nagbitiw pa nga sa trabaho angasawang babae kahit malaki ang suweldo niya.Sinabi ng asawang lalaki na dahil sa pagbaba-wal, marami ang nag-usisa tungkol sa mga

6. Sa halip na matakot, ano ang nagagawa sa atin ngpag-uusig? Magbigay ng halimbawa.

Sa tulong ni Jehova,hindi tayo matatakot namagdaos ng mga pulong(Tingnan ang parapo 12)

Page 10: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

Saksi ni Jehova. Kaya madali siyang nakapag-pasimula ngmga pag-aaral sa Bibliya. At may-roon pang magandang resulta ang pagbaba-wal. Sinabi ng isang elder sa bansang iyon namarami sa mga huminto sa paglilingkod kayJehova ang dumalo ulit at naging aktibo.

7 Kapag ipinagbabawal ng mga kaaway natinang ating pagsamba, inaasahan nilang mata-takot tayo at titigil na sa paglilingkod kay Je-hova. Baka magkalat din sila ng mga kasinu-ngalingan tungkol sa atin, ipahalughog nilaang bahay natin, sampahan tayo ng kaso, oipabilanggo pa nga ang ilan sa atin. Umaasasilang masisindak tayo dahil may ilan na si-lang naipabilanggo. Kung matatakot tayo sapuwede nilang gawin sa atin, baka tayo na angkusang huminto sa pagsamba. Ayaw natingmaging gaya ng inilarawan sa Levitico 26:36, 37. (Basahin.)Hindi natin hahayaang bu-magal tayo o huminto pa nga sa ating espiri-tuwal na mga gawain nang dahil sa takot.Hindi tayo natataranta dahil lubusan tayongnagtitiwala kay Jehova. (Isa. 28:16) Nana-nalangin tayo kay Jehova para sa patnubayniya. Alam nating sa tulong niya, walang sinu-mang makakahadlang sa ating tapat na pag-samba sa Diyos—kahit pa ang pinakamaka-pangyarihang gobyerno ng tao.—Heb. 13:6.

DAPAT BA AKONG LUMIPATSA IBANG BANSA?

8 Kapag ipinagbawal ng gobyerno sa bansaninyo ang ating pagsamba, baka maisip monglumipat sa ibang bansa, kung saan malayamong mapaglilingkuran si Jehova. Personal

7. (a) Ano ang matututuhan natin sa Levitico 26:36, 37?(b) Ano ang gagawin mo kapag may pagbabawal?8-9. (a) Anong personal na desisyon ang kailanganggawin ng bawat isa o ng bawat ulo ng pamilya? (b) Anoang makakatulong sa isa na makagawa ng matalinongdesisyon?

monang desisyon iyan. Makakatulong sa pag-papasiya ang ginawa ng mga Kristiyano no-ong unang siglo nang pag-usigin sila. Mata-pos pagbabatuhin ng mga kaaway si Estebanhanggang sa mamatay, ang mga alagad sa Je-rusalem ay lumipat sa Judea at Samaria at na-karating pa nga sa Fenicia, Ciprus, at An-tioquia. (Mat. 10:23; Gawa 8:1; 11:19) Perokapansin-pansin na pagkatapos ng isa pangpanahon ng pag-uusig sa mga Kristiyano no-ong unang siglo, nagpasiya si apostol Pablona manatili sa mga lugar na may mga huma-hadlang sa pangangaral. Kahit mapanganib,ipinangaral niya ang mabuting balita at pina-tibay ang mga kapatid sa mga lunsod na ma-tindi ang pag-uusig.—Gawa 14:19-23.

9 Ano angmatututuhan natin samga ulat naiyan? Bawat ulo ng pamilya ay dapat magpasi-ya kung lilipat sila. Bago magpasiya, kaila-ngan muna niyang manalangin at pag-isipangmabuti ang kalagayan ng pamilya niya at angposibleng maging epekto sa kanila ng pagli-pat. Sa bagay na iyan, “ang bawat isa angmag-dadala ng sarili niyang pasan.” (Gal. 6:5) Hin-di natin dapat husgahan ang iba sa magigingdesisyon nila.

PAANO TAYO SASAMBAKAPAG MAY PAGBABAWAL?

10 Paano natin patuloy na masasamba si Je-hova sa kabila ng pagbabawal? Ang tangga-pang pansangay ay magbibigay ng mga tagu-bilin at praktikal na mga mungkahi sa mgaelder kung paano makakakuha ng espirituwalna pagkain, magtitipon para sa pagsamba, atmangangaral ng mabuting balita. Kung hin-di makontak ng tanggapang pansangay angmga elder, ang mga elder ang tutulong sa iyoat sa lahat ng nasa kongregasyon para patu-

10. Anong mga tagubilin ang ibibigay ng tanggapangpansangay at ng mga elder?

10 ANG BANTAYAN

Page 11: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

HULYO 2019 11

loy ninyong masamba si Jehova. Magbibigaysila ng mga tagubiling kaayon ng Bibliya atng mga publikasyon natin.—Mat. 28:19, 20;Gawa 5:29; Heb. 10:24, 25.

11 Nangako si Jehova na ang mga lingkodniya ay mabubusog sa espirituwal. (Isa. 65:13, 14; Luc. 12:42-44) Kaya makakatiyak kanggagawin ng kaniyang organisasyon ang lahatpara mailaan ang iyong espirituwal na panga-ngailangan. Ano ang puwede mong gawin?Kapagmay pagbabawal, maghanap ngmapag-tataguan ng iyong Bibliya at iba pang publi-kasyon. Huwag mong basta-basta iiwan angmga iyon—nakaimprentamano digital—sa lu-gar na madaling makita. Ang bawat isa ay da-pat na gumawa ng paraan para makapanati-ling malakas sa espirituwal.

12 Paano naman ang mga pulong linggo-linggo? Ang mga elder ay mag-oorganisa ngmga pulong na hindi makakatawag ng pansin.Baka magbigay sila ng tagubiling magtipon-tipon ang mga kapatid sa maliliit na grupo, atbaka bagu-baguhin nila ang oras at lugar ngpulong. Mapoprotektahan mo ang lahat ngdadalo kung hihinaan mo ang pagsasalita pa-pasok o palabas ng pulong. Baka kailanganmo ring magsuot ng damit na medyo kaswal.

13 Tungkol naman sa pangangaral, iba-ibaang magiging sitwasyon sa bawat lugar. Perodahil mahal natin si Jehova at gustong-gustonating sabihin sa iba ang tungkol sa kaniyangKaharian, gagawa tayo ng paraan para maka-pangaral. (Luc. 8:1; Gawa 4:29) May kinala-

11. Bakit ka makakatiyak na mabibigyan ka ng espiritu-wal na pagkain, at ano ang puwede mong gawin paramaprotektahan ang iyong Bibliya at iba pang publikas-yon?12. Paano mag-oorganisa ang mga elder ng mga pulongna hindi makakatawag ng pansin?13. Ano ang matututuhan natin sa mga kapatid sa da-ting Unyong Sobyet?

man sa pangangaral ng mga Saksi ni Jehovasa dating Unyong Sobyet, sinabi ng istorya-dor na si Emily B. Baran: “Nang pagbawalansila ng gobyerno na mangaral, ang kinausapng mga Saksi ay ang kanilang mga kapitbahay,katrabaho, at kaibigan. Nang ibilanggo sila samga kampong piitan, mga kapuwa bilanggonaman ang pinangaralan nila.” Sa kabila ngpagbabawal, hindi tumigil sa pangangaral angmga kapatid sa dating Unyong Sobyet. Kungsakaling ipagbawal ang pangangaral sa lugarninyo, ganoon din sana ang gawin mo!

MGA BITAG NA DAPAT IWASAN14 Mag-ingat sa pagbibigay ng impormasyon.

Kapag may pagbabawal, dapat na alam natinkung kailan ang “panahon ng pagtahimik.”(Ecles. 3:7) Ingatan natin ang mahahalagangimpormasyon, gaya ng pangalan ng mga ka-patid, lugar ng pulong, kung paano tayo na-ngangaral, at kung paano tayo tumatanggap

14. Ano ang babala sa atin ng Awit 39:1?

Kahit pagbawalan tayo ng gobyerno,mangangaral pa rin tayo(Tingnan ang parapo 13)

Page 12: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

12 ANG BANTAYAN

ng espirituwal na pagkain. Hindi natin ito isi-siwalat sa mga awtoridad; hindi rin natin itosasabihin sa mga kaibigan o kamag-anak na-tin, kahit pa nasa ibang bansa sila. Kapag gi-nawa natin ito, puwedeng manganib ang mgakapatid natin.—Basahin ang Awit 39:1.

15 Huwag hayaang magkabaha-bahagi tayodahil sa maliliit na isyu. Alam ni Satanasna ang pamilyang nababahagi ay mawawasak.(Mar. 3:24, 25) Lagi siyang gagawa ng paraanpara magkabaha-bahagi tayo. Gusto niya ka-sing tayo ang maglaban-laban sa halip na siyaang labanan natin.

16 Kahit ang maygulang na mga Kristiyanoay dapat ding mag-ingat na huwag mabitag

15. Ano ang gusto ni Satanas na mangyari sa atin, at pa-ano natin maiiwasan ang bitag niya?16. Anong magandang halimbawa ang ipinakita ni Sis-ter Gertrud Poetzinger?

nito. Pag-isipan ang nangyari sa dalawang pi-nahirang sister, sina Gertrud Poetzinger atElfriede Lohr. Ibinilanggo sila kasama ng ibapang sister sa kampong piitan ng Nazi. Naing-git si Gertrud kay Elfriede nang magbigayito ng nakakapagpatibay na mga pahayag saiba pang sister sa bilangguan. Nang magla-on, nahiya si Gertrud sa naramdaman niya athumingi siya ng tulong kay Jehova. Isinu-lat niya: “Kailangan nating tanggapin na maymga taong mas magaling at mas pinapaborankaysa sa atin.” Paano niya naalis ang ing-git? Nagpokus si Gertrud sa kabaitan at ibapang magagandang katangian ni Elfriede. Da-hil diyan, bumalik ang magandang kaugna-yan niya kay Elfriede. Pareho silang nakala-ya sa kampong piitan at tapat na naglingkodkay Jehova hanggang sa matapos ang buhaynila sa lupa. Kung pagsisikapan nating ayu-sin ang mga di-pagkakaunawaan, maiiwasannatin ang bitag na magkabaha-bahagi tayo.—Col. 3:13, 14.

17 Huwag maging pangahas. Kung susunodtayo sa tagubilin ng mga elder, makakai-was tayo sa mga problema. (1 Ped. 5:5) Ha-limbawa, sa isang lugar na may pagbabawal,itinagubilin ng mga elder sa mga mamama-hayag na huwag mag-iwan ng literatura ka-pag nangangaral. Pero hindi sumunod angisang brother na payunir at namahagi pa rinsiya ng literatura. Ano ang resulta? Hindi panatatagalan pagkatapos niyang magpatotookasama ng iba, sinita sila ng mga pulis. Mala-mang na nasundan sila ng mga pulis at naku-ha ng mga ito ang mga literaturang ipinama-hagi nila. Ano ang matututuhan natin dito?Kailangan nating sumunod sa mga tagubilinkahit pa nga hindi tayo sang-ayon dito. Lagitayong pinagpapala ni Jehova kapag nakiki-

17. Bakit hindi tayo dapat maging pangahas?

Dapat na alam natin kung kailan mananahimik(Tingnan ang parapo 14)

Page 13: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

pagtulungan tayo sa mga inatasan niyang ma-nguna sa atin.—Heb. 13:7, 17.

18 Huwag gumawa ng di-kinakailangang mgautos. Kapag gumagawa ang mga elder ngganitong mga utos, napapabigatan nila angiba. Naalaala ni Brother Juraj Kaminskyang nangyari noong may pagbabawal sa da-ting Czechoslovakia. Sinabi niya: “Nang maa-resto ang maraming elder, ang ilang nangu-nguna sa mga kongregasyon at sirkito aygumawa ng mga listahan ng dapat at di-dapatgawin ng mga mamamahayag.” Hindi tayo bi-nigyan ni Jehova ng awtoridad na gumawa ngdesisyon para sa iba. Ang gumagawa ng di-kinakailangang mga utos ay hindi pumopro-tekta sa kaniyang mga kapatid, kundi nag-aastang panginoon sa kanila.—2 Cor. 1:24.

HUWAG HUMINTO SAPAGSAMBA KAY JEHOVA

19 Ang mortal nating kaaway, si Satanas naDiyablo, ay hindi titigil sa pag-usig sa tapat namga lingkod ni Jehova. (1 Ped. 5:8; Apoc.

18. Bakit hindi tayo dapat gumawa ng di-kinakailangangmga utos?19. Ayon sa 2 Cronica 32:7, 8, bakit may dahilan tayongmagkaroon ng lakas ng loob anuman ang gawin ni Sata-nas?

2:10) Susubukan ni Satanas at ng mga kam-pon niya na patigilin ang pagsamba natin kayJehova. Pero walang dahilan para magpadaigtayo sa takot! (Deut. 7:21) Kakampı natin siJehova, at patuloy niya tayong tutulungankahit ipagbawal ang gawain natin.—Basahinang 2 Cronica 32:7, 8.

20 Tularan sana natin ang determinasyon ngmga kapatid noong unang siglo, na nagsabi samga tagapamahala: “Kung sa tingin ninyo aytama sa paningin ng Diyos namakinig kami sainyo sa halip na sa Diyos, nasa sa inyo iyon.Pero kami, hindi namin kayang tumigil sa pag-sasalita tungkol sa mga bagay na nakita na-min at narinig.”—Gawa 4:19, 20.

20. Ano ang determinado mong gawin?

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Ipinapakita ang iba’t ibang kalagayan ngmga Saksi sa mga lugar na hinihigpitan ang atinggawain. Pahina 9: Isang maliit na grupo ang nagpu-pulong sa bodega ng isang kapatid. Pahina 11: Isangsister (sa kaliwa) ang nakikipag-usap sa babae; huma-hanap siya ng tiyempo para makapagpatotoo rito.Pahina 12: Isang brother ang sumasailalim sa inte-rogasyon ng mga pulis; ayaw niyang magbigay ngimpormasyon tungkol sa kongregasyon.

PAANO MAKAKATULONG ANG SUMUSUNOD NA TEKSTO PARAPATULOY MONG MAPAGLINGKURAN SI JEHOVA KAHIT MAY PAGBABAWAL?

˛ Levitico 26:36, 37 ˛ Awit 39:1 ˛ 2 Cronica 32:7, 8

AWIT 73Bigyan Mo Kami ng Katapangan

Page 14: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

14

TIYAK na sabik na sabik ang mga apostol nang magtipon-tipon sila sa gilid ng bundok. Pagkatapos ng pagkabuhay-mulini Jesus, sinabihan niya sila na makipagkita sa kaniya sa lugarna iyon. (Mat. 28:16) Posibleng ito ang panahong “nagpakitasiya sa mahigit 500 kapatid sa isang pagkakataon.” (1 Cor.15:6) Bakit nakipagkita si Jesus sa mga alagad niya? Para big-yan sila ng kapana-panabik na atas: “Humayo kayo at gumawang mga alagad mula sa mga tao ng lahat ng bansa.”—Basahinang Mateo 28:18-20.

2 Ang mga alagad na nakarinig sa sinabi ni Jesus ay nagingbahagi ng kongregasyong Kristiyano noong unang siglo. Angpangunahing atas ng kongregasyong iyon ay ang gumawa nghigit pang alagad ni Kristo.� Sa ngayon, libo-libo na ang mgatunay na kongregasyong Kristiyano sa buongmundo, at gano-on pa rin ang pangunahing atas ng mga kongregasyong iyon.Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang apat na tanong: Bakitnapakahalaga ng paggawa ng alagad? Paano ito gagawin? La-hat ba ng Kristiyano ay may bahagi sa paggawa ng alagad? Atbakit kailangan ang tiyaga sa gawaing ito?

� KARAGDAGANG PALIWANAG: Hindi lang basta pinag-aaralan ng mga alagad niKristo ang mga turo ni Jesus. Ginagawa rin nila ang mga natututuhan nila. Sinusun-dan nilang mabuti ang yapak, o halimbawa, ni Jesus.—1 Ped. 2:21.

1-2. (a) Ayon sa utos ni Jesus sa Mateo 28:18-20, ano ang pangunahingatas ng mga kongregasyong Kristiyano? (b) Ano-anong tanong ang tatalaka-yin sa artikulong ito?

ARALINGARTIKULO 29

“Humayo Kayo atGumawa ng mga Alagad”“Humayo kayo at gumawa ng mga alagad mulasa mga tao ng lahat ng bansa.”—MAT. 28:19.

AWIT 60Buhay Nila ang Nakataya

NILALAMAN

Ang kongregasyongKristiyano ay maypangunahing atas—tulungan ang mgatao na maging alagadni Kristo. Sa artikulongito, tatalakayin ang ilangpraktikal na mungkahipara magawa natinang atas na iyan.

Page 15: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

BAKIT NAPAKAHALAGANG PAGGAWA NG ALAGAD?

3 Bakit masasabing napakahalaga ng pag-gawa ng alagad? Dahil ang mga alagad langni Kristo ang puwedeng maging kaibigan ngDiyos. Bukod diyan, nagiging maayos ang bu-hay ng mga sumusunod kay Kristo at nagka-karoon sila ng pag-asang mabuhay magpaka-ilanman sa hinaharap. (Basahin ang Juan14:6; 17:3.) Pinagkatiwalaan tayo ni Jesus ngmahalagang pananagutan, pero hindi natinito ginagawang mag-isa. Isinulat ni apostolPablo tungkol sa kaniyang sarili at ilang mala-lapıt niyang kasama: “Kami ay mga kamang-gagawa ng Diyos.” (1 Cor. 3:9) Napakagan-dang pribilehiyo para sa mga di-perpektongtao!

4 Masayang-masaya tayo kapag gumagawang alagad. Tingnan ang halimbawa ni Ivan atng asawa niyang si Matilde mula sa Colom-bia. Nagpatotoo sila sa kabataang si Davier,at sinabi nito sa kanila: “Gusto kong mag-bago, pero ’di ko kaya.” Boksingero si Da-vier. Nagdodroga siya, naglalasing, at may-roon siyang kinakasama, si Erika. Sinabi niIvan: “Dinadalaw namin siya sa isang liblibna nayon, kaya kailangan naming magbisikle-ta nang ilang oras sa mapuputik na daan.Nang mapansin ni Erika ang pagbabago saugali ni Davier, sumama na rin siya sa Biblestudy.” Nang maglaon, huminto na si Daviersa pagdodroga, paglalasing, at pagboboksing.Nagpakasal na rin sila ni Erika. Sabi ni Ma-tilde: “Nang mabautismuhan sina Davier atErika noong 2016, naalala ko ang sinabi noonni Davier, ‘Gusto kong magbago, pero ’di ko

3. Ayon sa Juan 14:6 at 17:3, bakit napakahalaga ngpaggawa ng alagad?4. Ano ang matututuhan natin sa karanasan nina Ivan atMatilde?

kaya.’ Hindi namin napigilang umiyak.” Tala-gang masayang-masaya tayo kapag nagigingalagad ni Kristo ang mga tinutulungan natin.

PAANO ITO GAGAWIN?5 Ang unang hakbang sa paggawa ng alagad

ay ang paghahanap ng mga karapat-dapat.(Mat. 10:11) Mapapatunayan nating tayo aytotoong mga Saksi ni Jehova kapag nagpa-patotoo tayo sa lahat. Mapapatunayan na-ting tayo ay tunay na mga Kristiyano kapagsinusunod natin ang utos ni Kristo na manga-ral.

6 Maymga taong gustong-gustongmalamanangmga katotohanan sa Bibliya, peromaramisa nakakausap natin ang parang hindi intere-sado sa umpisa. Baka may magagawa tayopara makuha ang interes nila. Para magingmatagumpay saministeryo, dapat nating pag-isipang mabuti ang gagamitin nating presen-tasyon. Pumili ng mga paksang malamang namagustuhan ng makakausap mo. At planuhinkung paano mo uumpisahan ang iyong pre-sentasyon.

7 Halimbawa, puwede mong sabihin sa may-bahay: “Gusto ko sanang malaman ang opin-yon mo. Marami tayong problema sa ngayonna nararanasan din ng ibang tao sa buongmundo. Sa palagay mo, kailangan ba natinng isang gobyernong mamamahala sa buongmundo para malutas ang mga problemangito?” Pagkatapos, puwede mong talakayinang Daniel 2:44. O puwede mo ring sabi-hin: “Ano kaya ang pinakamagandang paraanpara makapagpalaki ng mababait na anak?”Pagkatapos, talakayin ang Deuteronomio 6:

5. Ano ang unang hakbang sa paggawa ng alagad?6. Ano ang makakatulong para maging matagumpaytayo sa ating ministeryo?7. Paano mo puwedeng simulan ang pakikipag-usap, atbakit mahalagang makinig at magpakita ng paggalang?

HULYO 2019 15

Page 16: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

6, 7. Anuman ang mapili mong paksa, isi-pin ang makakausap mo. Isipin kung paanosila makikinabang sa itinuturo ng Bibliya. Ka-pag nakikipag-usap sa kanila, mahalagang pa-kinggan at igalang ang opinyon nila. Sa ga-yon, mas maiintindihan mo sila, at malamangna makinig sila sa iyo.

8 Bago magpa-Bible study ang isang tao,baka kailangan momuna siyang pagtiyagaangbalik-balikan. Bakit? Baka kasi wala siya ohindi siya puwede sa ilang pagdalaw mo. Ga-yundin, baka kailangan mo munang balikannang ilang beses angmay-bahaybago siyama-ging komportable na magpa-Bible study saiyo.Tandaan, lalago ang isang halaman kapaglagi itong dinidiligan. Sa katulad na paraan,ang pag-ibig ng isang interesado para kay Je-hova at kay Kristo ay malamang na luma-go rin kung regular natin siyang kakausapintungkol sa Salita ng Diyos.

8. Bakit kailangan ang tiyaga sa pagdalaw-muli?

LAHAT BA NG KRISTIYANO AYMAY BAHAGI SA PAGGAWA NG ALAGAD?

9 Bawat ministrong Kristiyano ay tumutu-long sa paghahanap ng mga gustong magingalagad. Maitutulad natin ito sa paghahanap saisang nawawalang bata. Paano? Halimbawa,nang mawala ang isang tatlong-taong-gulangna bata, mga 500 katao ang tumulong sapaghahanap sa kaniya. Pagkatapos ng mga20 oras, nakita rin ng isang boluntaryo angbata sa isang taniman ng mais. Pero ayawniyang sa kaniya lang mapunta ang papuri.Sinabi niya: “Daan-daan kaming nagtulong-tulong na maghanap sa kaniya.”

10 Maraming tao ang gaya ng batang iyon nanawala. Wala silang pag-asa, pero gusto nilang tulong. (Efe. 2:12) Mahigit walong mil-yon tayong nagtutulong-tulong para magha-

9-10. Bakit masasabing makakatulong ang bawat mi-nistrong Kristiyano sa paghahanap ng mga karapat-dapat?

Nagtutulungan ang mga Saksi sa buong mundosa paghahanap ng mga karapat-dapat(Tingnan ang parapo 9-10)

16 ANG BANTAYAN

Page 17: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

HULYO 2019 17

nap ng mga karapat-dapat. Hindi ka man ma-kakita ng gustong magpa-Bible study, bakanaman ang ibangmamamahayag angmakaha-nap ng mga taong gustong matuto ng katoto-hanan sa Bibliya. Kapag naging alagad ni Kris-to ang natagpuan ng isang kapatid, ang lahatng tumulong sa paghahanap ay masaya.

11 Kahit wala kang Bible study sa ngayon,makakatulong ka pa rin sa paggawa ng alagad.Halimbawa, puwede mong batiin o kaibiganinang mga baguhang makikita mo sa KingdomHall. Makakatulong iyon para madama nilaang pag-ibig sa loob ng kongregasyon na nag-papakitang tayo ay mga tunay na Kristiyano.(Juan 13:34, 35) Ang mga komento natin sapulong, kahit maikli, aymakakatulong samgabaguhan na matutong magkomento mula sapuso at sa magalang na paraan. Puwede moring samahan sa ministeryo ang isang bagu-

11. Kahit wala kang Bible study sa ngayon, paano ka ma-kakatulong sa paggawa ng alagad?

hang mamamahayag at tulungan siyang gami-tin ang Bibliya sa pangangaral. Sa gayon, ma-tuturuan mo siyang tularan si Kristo.—Luc.10:25-28.

12 Huwag nating isipin na kailangan natingmaging napakagaling para maturuan ang ibana maging alagad ni Jesus. Bakit? Tingnanang halimbawa ni Faustina, na taga-Bolivia.Nang una siyang matagpuan ng mga Sak-si ni Jehova, hindi siya marunong magba-sa. Pero nang maglaon, natuto rin siyangmagbasa nang kaunti. Bautisado na siya nga-yon, at gustong-gusto niyang nagtuturo saiba. Karaniwan nang nakakapagdaos siya nglimang Bible study linggo-linggo. Kahit hindipa gaanong mahusay si Faustina sa pagbaba-sa kumpara sa ibang mga Bible study niya,anim na ang nabautismuhan sa mga tinulu-ngan niya.—Luc. 10:21.

13 Maraming Kristiyano ang abalang-abalasa pag-aasikaso sa iba’t ibang mahahala-gang bagay. Pero nakakapagdaos pa rin silang pag-aaral sa Bibliya, at masayang-masa-ya sila sa paggawa nito. Isipin ang halimba-wa ni Melanie na taga-Alaska. Nagsosolongmagulang siya at nagpapalaki ng walong-taong-gulang na anak. May full-time siyangtrabaho at nag-aalaga ng magulang na maycancer. Si Melanie lang ang Saksi sa bayannila. Nananalangin siya noon na makayanansana niya ang lamig para makapangaral; gus-tong-gusto niya kasing magkaroon ng Biblestudy. Nang maglaon, natagpuan niya si Sara,na tuwang-tuwa nang malamang may panga-lan pala ang Diyos. Pagkalipas ng ilang pa-nahon, nagpa-Bible study si Sara. Sinabi ni

12. Kailangan ba nating maging napakagaling para ma-kagawa ng alagad? Ipaliwanag.13. Kahit abalang-abala tayo, ano ang ilang pagpapa-lang makukuha natin kung makikibahagi pa rin tayo sapaggawa ng alagad?

Page 18: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

18 ANG BANTAYAN

Melanie: “Tuwing Biyernes ng gabi, kahit pa-god na ako, nagba-Bible study pa rin kami niSara kasama ang anak ko, at nakikinabang ka-ming mag-ina rito. Nag-e-enjoy kaming mag-research para masagot ang mga tanong niSara, at natutuwa kamingmakitang napapala-pıt siya kay Jehova.” Lakas-loob na hinarapni Sara ang pag-uusig, tumiwalag siya sa sim-bahan, at nagpabautismo.

BAKIT KAILANGAN ANG TIYAGASA PAGGAWA NG ALAGAD?

14 Kahit parang hindi mabunga ang iyongministeryo, huwag kang susuko sa paghaha-nap ng posibleng maging alagad. Tandaan naitinulad ni Jesus ang paggawa ng alagad sa pa-ngingisda. Baka kailangan ng mga mangingis-

14. (a) Bakit maitutulad sa pangingisda ang paggawang alagad? (b) Paano makakatulong sa iyo ang sinabi niPablo sa 2 Timoteo 4:1, 2?

da ng maraming oras bago sila makahuli. Ka-dalasan, nangingisda sila sa madaling araw okapag malalim na ang gabi. At kung minsan,kailangan pa nga nilang maglayag sa malayo.(Luc. 5:5) Sa katulad na paraan, ang ilang gu-magawa ng alagad ay matiyagang “nangingis-da” nang maraming oras sa iba’t ibang pag-kakataon at lugar. Bakit? Para mas maramisilang makausap. Ang mga gumagawa ng ga-nitong sakripisyo ay kadalasan nang naka-kakita ng mga interesado sa mensahe natin.Puwede ka bang mangaral sa oras na mas ma-rami kang makakausap o sa lugar na mas ma-rami kang matatagpuan?—Basahin ang 2 Ti-moteo 4:1, 2.

15 Bakit kailangan ang tiyaga sa pagba-Biblestudy? Dahil hindi lang ito basta pagtulongsa estudyante na malaman at pahalagahan

15. Bakit kailangan ang tiyaga sa pagba-Bible study?

Matiyagang tulungan ang mga Bible study mona kilalanin, mahalin, at sundin si Jehova(Tingnan ang parapo 15-16)

Page 19: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

ang mga doktrina sa Bibliya. Kailangan na-tin siyang tulungang makilala at mahalin angAwtor ng Bibliya, si Jehova. At bukod sapagtuturo sa kaniya kung ano ang gagawinpara maging alagad ni Jesus, kailangan dinnatin siyang turuan kung paanomamumuhaybilang tunay na Kristiyano. Matiyaga natinsiyang alalayan habang sinisikap niyang sun-din ang mga simulain sa Bibliya. May mgaBible study tayong nagbabago na ang pag-iisip at paggawi sa loob lang ng ilang buwan;ang iba naman ay kailangan ng mas mahaba-habang panahon.

16 Makikita sa karanasan ng isang misyone-ro sa Peru kung gaano kahalaga ang pagti-tiyaga. “Dalawang aklat na ang natapos na-min ng Bible study kong si Raul,” ang sabing misyonero. “Pero may mabibigat pa rinsiyang problema. Magulo ang pagsasama ni-lang mag-asawa, nagmumura siya, at hindisiya iginagalang ng mga anak niya. Pero dahilregular siyang dumadalo, pinupuntahan ko

16. Ano ang natutuhan mo sa karanasan ni Raul?

pa rin siya para tulungan siya at ang pamilyaniya. Pagkatapos ng mahigit tatlong taon, na-ging kuwalipikado siya sa bautismo.”

17 Inutusan tayo ni Jesus na “humayo . . . atgumawa ng mga alagad mula sa mga tao ng la-hat ng bansa.” Para masunod iyan, madalasna kailangan nating makipag-usap sa mga ta-ong ibang-iba ang pag-iisip kumpara sa atin,kasama na ang mga taong walang relihiyon ohindi naniniwala sa Diyos. Tatalakayin sa su-sunod na artikulo kung paano mangangaralng mabuting balita sa gayong mga tao.

17. Ano ang tatalakayin sa susunod na artikulo?

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Pahina 16-17: Isang lalaking magbabakasyonang tumanggap ng literatura sa mga Saksi sa airport.Habang nagbabakasyon, nakakita siya ng ibang mgaSaksi na nagka-cart witnessing. Pag-uwi niya, may pu-munta namang mga mamamahayag sa bahay niya.Pahina 18: Nagpa-Bible study ang lalaking iyon, atnaging kuwalipikado siya sa bautismo.

PAANO MO SASAGUTIN?

˛ Bakit mahalaga angpaggawa ng alagad?

˛ Sino ang may bahagi sapaggawa ng alagad?

˛ Bakit kailangan ang tiyagasa paggawa ng alagad?

AWIT 68Paghahasik ng Binhi ng Kaharian

Page 20: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

20

SA LOOB ng libo-libong taon, karamihan ng mga tao ay mayrelihiyon. Pero nitong nakaraang mga dekada, malaki na angipinagbago ng mga tao. Parami na nang parami ang hindi reli-hiyoso. Sa katunayan, sa ilang bansa, ang karamihan ay nagsa-sabing wala silang relihiyon.�—Mat. 24:12.

2 Bakit kaya dumadami ang nagsasabing hindi sila relihiyo-so?� Baka nakapokus sila sa pagpapasarap sa buhay o sa kani-lang mga problema. (Luc. 8:14) Ang ilan naman ay nagingateista. At ang iba ay naniniwala nga sa Diyos, pero nag-iisipnaman na makaluma ang relihiyon, na wala silang mapapalarito, at na kontra ito sa siyensiya at lohika. Baka naririnig nilasa mga kaibigan, guro, o mga nasa media na ang buhay ay nag-mula sa ebolusyon, pero wala silang gaanong naririnig na ma-gandang dahilan para maniwala sa Diyos. Ang iba ay galıt samga lider ng relihiyon dahil sa kasakiman ng mga ito sa pera atkapangyarihan. Sa ilang lugar naman, hinihigpitan ng gobyer-no ang gawain ng relihiyon.

3 Inutusan tayo ni Jesus na “gumawa ng mga alagad mula samga tao ng lahat ng bansa.” (Mat. 28:19) Paano natin matutu-lungan ang mga taong hindi relihiyoso na ibigin ang Diyos atmaging alagad ni Kristo? Dapat na alam natin na ang reaksi-

� Ayon sa mga survey, ang ilan sa mga bansang ito ay ang sumusunod: Albania, Aus-tralia, Austria, Azerbaijan, Canada, China, Czech Republic, Denmark, France, Ger-many, Hong Kong, Ireland, Israel, Japan, Netherlands, Norway, South Korea, Spain,Sweden, Switzerland, United Kingdom, at Vietnam.� KARAGDAGANG PALIWANAG: Sa artikulong ito, ang terminong hindi relihiyoso aytumutukoy sa mga taong walang relihiyon o hindi naniniwala sa Diyos.

1. Anong pagbabago ang nangyari sa ilang lugar nitong nakaraang mga de-kada?2. Bakit napakaraming nagsasabi na hindi sila relihiyoso?3. Ano ang matututuhan natin sa artikulong ito?

ARALINGARTIKULO 30

Abutin ang Puso ngmga Hindi Relihiyoso“Ako ay naging lahat ng bagay sa lahat ng uri ng tao paramailigtas ko ang ilan sa anumang paraan.”—1 COR. 9:22.

AWIT 82Pasikatin angInyong Liwanag

NILALAMAN

Baka mas marami natayo ngayong nakakausapna mga hindi relihiyoso.Tatalakayin sa artikulongito kung paano natinsasabihin sa kanila angkatotohanan sa Bibliyaat kung paano natinsila matutulungangmagtiwala sa Bibliyaat maniwala sa Diyosna Jehova.

Page 21: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

yon ng isang tao sa ating mensahe ay dependesa lugar na kinalakhan niya. Halimbawa, bakaiba ang maging reaksiyon ngmga taga-Europakumpara sa mga taga-Asia. Bakit? Sa Europakasi, marami ang pamilyar na sa Bibliya atsa ideya na ang Diyos ang lumalang ng lahatng bagay. Pero sa Asia, ang karamihan ay wa-lang alam o kaunti lang ang alam sa Bibliya, atbaka hindi sila naniniwala sa Maylalang. Ma-tututo tayo sa artikulong ito na maabot angpuso ng lahat ng nakakausap natin sa minis-teryo, saanman sila lumaki.

MANATILING POSITIBO4 Maging Positibo. Taon-taon, may mga ta-

ong hindi relihiyoso pero nagiging Saksi ni Je-hova. Marami sa mga ito ang mayroon nangmataas na moralidad at nasusuklam sa pagba-banal-banalan ng mga relihiyon. Ang iba na-man ay may mababang moralidad at mga bis-yong kailangang alisin. Sa tulong ni Jehova,makakatiyak tayong matatagpuan natin angmga “nakaayon sa buhay nawalang hanggan.”—Gawa 13:48; 1 Tim. 2:3, 4.

5 MagingMabait at Makonsiderasyon.Mada-las na maganda ang tugon ng mga tao sa atingmensahe, hindi dahil sa sinasabi natin, kundisa paraan ng pagsasabi natin. Natutuwa silakapag mabait tayo, makonsiderasyon, at inte-resado sa kanila. Hindi natin sila pinipilit ma-kinig sa atin. Sa halip, inuunawa natin angtingin nila sa relihiyon. Halimbawa, alam na-ting may mga ayaw makipag-usap tungkol sarelihiyon sa mga hindi nila kakilala. Para na-man sa iba, hindi magandang asal na magta-nong tungkol sa Diyos. At mayroon ding nahi-hiyang makita ng iba na nagbabasa sila ngBibliya, lalo na kung Saksi ni Jehova ang nag-

4. Bakit may dahilan tayong manatiling positibo?5. Ano ang madalas na dahilan kung bakit tumutugonang mga tao sa ating mensahe?

papabasa sa kanila. Anuman ang dahilan, inu-unawa natin sila.—2 Tim. 2:24, tlb.

6 Ano ang puwede nating gawin kung muk-hang di-komportable ang ating kausap kapagbinabanggit natin ang mga salitang “Bibliya,”“paglalang,” “Diyos,” o “relihiyon”? Puwedenating tularan si apostol Pablo at ibagay angsasabihin natin sa ating kausap. Noong mgaJudio ang kausap ni Pablo, nangangatuwiransiya gamit ang Kasulatan. Pero noong kausapniya ang mga pilosopong Griego sa Areopago,hindi niya sinasabing sumisipi siya mula sa Ka-sulatan. (Gawa 17:2, 3, 22-31) Paano natin ma-tutularan si Pablo? Kapag ayaw sa Bibliya ngkausap mo, bakamas magandang huwag bang-gitin na galing sa Bibliya ang sinasabi mo. Ka-pag naramdaman mong maaasiwa ang kausapmo na makita ng iba na pinababasa mo siya ngBibliya, mas magandang sa gadyet mo siya pa-basahin para hindi mapansin ng iba.

7 Maging Maunawain at Makinig. Dapat na-ting unawain ang mga taong nakakausap na-tin. (Kaw. 20:5) Balikan natin ang halimbawani Pablo. Lumaki siyang kasama ng mga Ju-dio. Pero tiyak na ibinagay niya ang panga-ngaral niya sa mga Gentil dahil kaunti langang alam nila o wala silang kaalam-alam tung-kol kay Jehova at sa Kasulatan. Baka kai-langan nating mag-research o magtanong samga makaranasang kapatid sa kongregasyonpara maintindihan ang mga tao sa teritoryonatin.—Basahin ang 1 Corinto 9:20-23.

8 Tunguhin nating mahanap ang mga “ka-rapat-dapat.” (Mat. 10:11) Para magawa ito,hingin ang opinyon ng mga tao at makinig

6. Paano naipakita ni apostol Pablo na marunong siyangmakibagay, at paano natin siya matutularan?7. Paano natin matutularan si Pablo, gaya ng paglalara-wan sa kaniya sa 1 Corinto 9:20-23?8. Ano ang isang paraan para makapagpasimula ngpag-uusap tungkol sa Bibliya?

HULYO 2019 21

Page 22: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

22 ANG BANTAYAN

nang mabuti. Tinatanong ng isang brother saEngland ang opinyon ng mga tao kung paanomagkakaroon ng masayang pag-aasawa, kungpaano magpapalaki ng mga anak, o kung pa-ano makakayanan ang kawalang-katarungan.Mataposmarinig ang komento ng kausap niya,sinasabi niya, “Ano ang masasabi mo sa pa-yong ito na isinulat halos 2,000 taon na angnakakaraan?” Pagkatapos, kahit hindi niya si-nasabi ang salitang “Bibliya,” ipinapakita niyaang ilang pilıng teksto sa cellphone niya.

ABUTIN ANG PUSO NG MGA TAO9 Maaabot natin ang puso ng mga taong

ayawmakipag-usap tungkol sa Diyos kung angipapakipag-usap natin ay ang mga bagay namalapıt sa puso nila. Halimbawa, marami anghanga sa kalikasan. Kaya puwede nating sabi-hin ang ganito: “Maraming naiimbento angmga siyentipiko dahil sa paggaya nila sa kali-kasan. Halimbawa, inaral ng mga gumagawang mikropono ang tainga, at inaral namanng mga gumagawa ng camera ang mata. Anoang naiisip mo tungkol sa kalikasan? Basta nalang ba itong lumitaw, may lumalang nito, omay iba itong pinagmulan?” Matapos makinig

9. Paano natin matutulungan ang mga taong ayaw ma-kipag-usap tungkol sa Diyos?

nang mabuti, puwede nating idagdag: “Kungkinokopya lang ng mga engineer ang disenyong tainga at mata, baka maisip natin kungsino naman ang nagdisenyo ng mga ito. Na-gustuhan ko ang isinulat ng isang makata:‘Ang gumawa ng tainga, hindi ba siya makari-rinig? Ang gumawa ng mata, hindi ba siya ma-kakakita? . . . Siya ang nagbibigay ng kaala-man sa tao!’ Sang-ayon din diyan ang ilangsiyentipiko.” (Awit 94:9, 10) Saka natin ipapa-nood ang video sa jw.org˙ na nasa “Mga Inter-byu at Karanasan” sa seryeng “Komento saPinagmulan ng Buhay.” (Tingnan sa PUBLI-KASYON ˛ VIDEO.) O puwede tayong mag-bigay ng brosyur na Saan Nagmula ang Buhay?o ng brosyur na The Origin of Life—Five Ques-tions Worth Asking.

10 Gusto ng karamihan ng tao namagkaroonngmagandang kinabukasan. Peromarami angnatatakot na bakamagunaw angmundo o hin-di na ito matirhan. Sinabi ng isang naglalak-bay na tagapangasiwa sa Norway na ang mgataong ayaw makipag-usap tungkol sa Diyosay kadalasan namang interesadong makipag-usap tungkol sa kalagayan ng mundo. Pagka-tapos niyang bumati, sinasabi niya: “Puwede

10. Paano natin puwedeng simulan ang pakikipag-usapsa isa na ayaw makipag-usap tungkol sa Diyos?

Ibagay ang paraan mo ng pagpapatotoosa mga hindi naniniwala sa Bibliya(Tingnan ang parapo 5-6)

Page 23: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

HULYO 2019 23

pa kaya tayong magkaroon ng magandang ki-nabukasan? Maibibigay kaya ito sa atin ngmga politiko, siyentipiko, o ng iba pa?” Mata-pos makinig nang mabuti, binabasa niya osinisipi ang isang teksto tungkol sa magan-dang kinabukasan. Nagugulat ang ilan sa pa-ngako ng Bibliya na ang lupa ay mananatilimagpakailanman at titira doon magpakailan-man ang mabubuting tao.—Awit 37:29; Ecles.1:4.

11 Mahalagang gumamit tayo ng iba’t ibangparaan ng pakikipag-usap. Bakit? Dahil mag-kakaiba ang mga tao. Ang isang paksa ay pu-wedeng magustuhan ng isang tao, pero bakaayaw naman ito ng iba. Okey lang sa ilan napag-usapan ang tungkol sa Diyos o sa Bibliya,peromasmakikinig naman ang iba kung hindimuna tungkol dito ang pag-uusapan. Anumanang sitwasyon, dapat nating samantalahingmakausap ang lahat ng uri ng tao. (Basahinang Roma 1:14-16.) Siyempre pa, alam na-ting si Jehova ang nagpapalago ng katotoha-nan sa puso ngmga taong gustong gawin kungano ang tama.—1 Cor. 3:6, 7.

PAGSASABI NG KATOTOHANANSA MGA TAGA-ASIA

12 Sa buong mundo, maraming mamamaha-yag ang nakakatagpo ng mga taga-Asia, kasa-ma na ang mga nanggaling sa mga lugar nahinihigpitan ng gobyerno ang gawain ng reli-hiyon. Sa maraming bansa sa Asia, hindi manlang sumasagi sa isip ng maraming tao kungmayroon nga bang Maylalang. Ang ilan ay in-teresado at handang tumanggap ng pag-aaralsa Bibliya, pero mayroon din namang sa um-pisa ay sarado ang isip sa mga bagong ideya.

11. Bakit kailangan nating subukan ang iba’t ibang para-an ng pakikipag-usap, at paano natin matutularan siPablo, gaya ng sinasabi sa Roma 1:14-16?12. Paano natin matutulungan ang mga taga-Asia nawalang ideya tungkol sa Maylalang?

Paano natin sila matutulungan? Ang ilang ma-karanasang mamamahayag ay nakikipagkaibi-gan muna at nagpapakita ng interes sa kau-sap. Pagkatapos, kung angkop, sinasabi nilakung paano umayos ang buhay nila nang su-munod sila sa mga simulain ng Bibliya.

13 Ang unang nagugustuhan ng maramingtao sa Bibliya ay ang praktikal na karunu-ngan nito. (Ecles. 7:12) Sa NewYork, sinabi ngisang sister na nangangaral samga nagsasalitang Mandarin: “Sinisikap kong magpakita nginteres sa mga tao at makinig sa kanila. Kapagnalaman kong bagong lipat sila galing sa ibangbansa, tinatanong ko sila: ‘Nakapag-adjust kana ba? May nahanap ka na bang trabaho?Mabait ba sa ’yo ang mga tagarito?’” Naka-katulong iyan kung minsan para masimulanniya ang pakikipag-usap tungkol sa Bibliya. Atkung angkop, sinasabi pa ng sister: “Ano kayaang makakatulong sa atin para makasundoang ibang tao? Gusto ko sanang ipakita sa’yo ang isang kasabihan mula sa Bibliya. Angsabi: ‘Ang pagpapasimula ng away ay gaya ngpagpapakawala ng tubig; bago magsimula angpagtatalo, umalis ka na.’ Sa palagay mo, ma-kakatulong ba ang payong ito para makasun-do natin ang iba?” (Kaw. 17:14) Sa gayongpag-uusap, makikita natin kung sino ang gus-to pang matuto.

14 Paano naman ang mga nagsasabing hindisila naniniwala sa Diyos? Isang brother na ma-tagal nang nangangaral sa mga di-relihiyo-song tao sa Far East ang nagsabi: “Karaniwannang kapag sinasabi ng isa, ‘Hindi ako nanini-wala sa Diyos,’ ibig sabihin no’n, hindi siyananiniwala sa mga diyos na sinasamba ng mgatao sa lugar nila. Kaya sumasang-ayon ako na

13. Ano ang makakatulong para maging interesado saBibliya ang mga tao? (Tingnan ang larawan sa pabalat.)14. Paano tinutulungan ng isang brother sa Far East angmga taong nagsasabing hindi sila naniniwala sa Diyos?

Page 24: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

karamihan ng diyos ay gawa lang ng tao at hin-di totoo. Madalas kong binabasa ang Jere-mias 16:20: ‘Ang tao ba ay makagagawa ngmga diyos?’ Pagkatapos, itinatanong ko: ‘Paa-no kaya natinmalalaman kung ang isang diyosay tunay o gawa lang ng tao?’ Nakikinig akongmabuti, ’tapos, binabasa ko ang Isaias 41:23:‘Sabihin ninyo ang mangyayari sa hinaharap,para malaman namin na kayo ay mga diyos.’Saka ko ipapakita kung ano ang sinasabi niJehova tungkol sa hinaharap.”

15 Ganito naman ang paraan ng isang broth-er sa East Asia kapag dumadalaw-muli. Angsabi niya: “Nagbibigay ako ng mga halimbawang magagandang payo mula sa Bibliya, mganatupad na hula sa Bibliya, at mga batas nakumokontrol sa uniberso. Saka ko ipapaki-ta na lahat ng ito ay patunay na may isang bu-hay at matalinong Maylalang. Kapag nabuk-san ang isip ng isang tao na posible ngangmayDiyos, ipinapakita ko naman ang sinasabi ngBibliya tungkol kay Jehova.”

16 Kapag nagtuturo tayo ng Bibliya samga ta-ong hindi relihiyoso, dapat na lagi nating pati-bayin ang kanilang pananampalataya na tala-gang may Diyos. (Basahin ang Hebreo 11:6.)

15. Ano ang matututuhan natin sa isang brother sa EastAsia?16. Ayon sa Hebreo 11:6, bakit mahalagang magkaroonng pananampalataya sa Diyos at sa Bibliya ang mga es-tudyante natin, at paano natin sila matutulungang mag-karoon nito?

At tulungan din natin sila na maniwala sa Bib-liya. Para magawa iyan, baka kailangan natingulit-ulitin sa kanila ang ilang punto. Tuwingmagba-Bible study, baka kailangan nating tala-kayin sandali ang mga patunay na ang Bibliyaay Salita ng Diyos. Puwedeng kasama diyanang mga natupad na hula sa Bibliya, ang pagi-ging tumpak nito pagdating sa siyensiya at ka-saysayan, o ang praktikal na karunungan nito.

17 Matutulungan natin ang mga tao na ma-ging alagad ni Kristo kung magpapakita tayong pag-ibig sa kanila, relihiyoso man sila ohindi. (1 Cor. 13:1) Habang tinuturuan natinsila, ang tunguhin natin ay maipakitang ma-hal tayo ng Diyos at gusto niya na mahalin dinnatin siya. Taon-taon, libo-libong tao na da-ting hindi gaanong interesado o walang inte-res sa relihiyon ang nababautismuhan dahillumalim ang pag-ibig nila sa Diyos. Kaya ma-ging positibo, at magkaroon ng pag-ibig at in-teres sa lahat ng uri ng tao. Makinig sa kanila.Sikaping unawain sila. Turuan silang magingalagad ni Kristo sa pamamagitan ng iyong ha-limbawa.

17. Ano ang puwedeng maging resulta ng pag-ibig natinsa mga tao?

������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Pahina 22: Isang brother ang nagpatotoo sakaniyang katrabaho sa ospital; pag-uwi ng katrabahoniya, tiningnan nito ang Online Bible Study Lessons.

PAANO MO SASAGUTIN?

˛ Paano tayo mananatilingpositibo sa atingministeryo?

˛ Paano natin maaabotang puso ng mga taonghindi relihiyoso?

˛ Bakit dapat nating sabihinang katotohanan sa lahatng nakakausap natin?

AWIT 76Ano’ng Nadarama Mo?

Page 25: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

HULYO 2019 25

Nang mawala ang pag-aalinlangan ko, nagpayunirako at nabuksan ang pinto tungo sa isang buhayna hindi ko inaasahan. (Efe. 3:20) Pero baka ita-nong ninyo kung paano nangyari iyon. Ikukuwentoko mula sa umpisa.

Ipinanganak ako sa Berlin, Germany, ilang bu-wan lang matapos sumiklab ang Digmaang Pan-daigdig II noong 1939. Habang papalapit ang wa-

kas ng digmaan noong 1945, pinaulanan ngbomba ang Berlin. Sa isang pag-atake, tinama-an ang lugar namin. Nakatakas kami at nakapag-tago sa isang air-raid shelter. Lumikas kami sa Er-furt, ang lugar kung saan ipinanganak si Nanay.

Gustong-gustong malaman ni Nanay ang kato-tohanan. Kaya nagbasa siya ng mga libro tung-kol sa pilosopiya at sinuri niya ang iba’t ibang re-lihiyon, pero hindi pa rin siya kontento. Mga 1948noon nang may dumalaw na dalawang Saksi niJehova sa bahay namin. Pinatuloy sila ni Nanay attinanong sila nang tinanong. Wala pang isangoras, nasabi niya sa aming magkapatid, “Ito naang katotohanan!” Di-nagtagal, dumadalo na ka-ming mag-iina sa mga pulong sa Erfurt.

Noong 1950, bumalik kami sa Berlin at umug-nay sa Berlin-Kreuzberg Congregation. Nang lu-mipat kami sa ibang lugar sa Berlin, dumalo na-man kami sa Berlin-Tempelhof Congregation.Nang maglaon, nagpabautismo si Nanay, perohindi pa ako handa noon. Bakit?

NAPAGTAGUMPAYAN KOANG PAGIGING MAHIYAIN

Mabagal ang pagsulong ko kasi napakama-hiyain ko. Sumasama ako sa pangangaral, perosa loob ng dalawang taon, hindi man lang akonagsalita para magpatotoo. Nagbago iyan nangmakasama ko ang mga kapatid na nagpakita ngtapang at debosyon kay Jehova. Ang ilan ay nabi-langgo sa mga kampong piitan ng Nazi o mga bi-langguan sa East Germany. Ang iba naman ay pa-lihim na nagpapasok ng mga publikasyon sa EastGermany, kahit puwede silang maaresto. Huma-nga talaga ako sa mga halimbawa nila. Nasabi kotuloy sa sarili ko na kung kaya nilang isakripisyoang kanilang buhay at kalayaan para kay Jehova

TALAMBUHAY

Higit sa Inaasahan Ko angPagpapalang Ibinigay ni JehovaAYON SA SALAYSAY NI MANFRED TONAK

‘DAPAT akong magpayunir. Pero masaya ngaba ang pagpapayunir?’ Iyan ang iniisip konoon. Mahal ko ang trabaho ko sa Germany.Nag-e-export ako ng mga pagkain sa ilanglugar sa Africa, gaya ng Dar es Salaam,Elisabethville, at Asmara. Wala akongkamalay-malay na maglilingkod ako kayJehova nang buong panahon sa mga lugarna iyon at sa marami pang ibang lugar saAfrica!

Page 26: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

at sa mga kapatid, dapat din akong magsikap namapagtagumpayan ang pagkamahiyain ko.

Napagtagumpayan ko iyan nang makibahagiako sa espesyal na kampanya ng pangangaral no-ong 1955. Sa isang sulat na inilathala sa Infor-mant,� ipinatalastas ni Brother Nathan Knorr naang kampanyang ito ang isa sa pinakamalakingkaayusang ginawa ng organisasyon. Sinabi niyana kung makikibahagi ang lahat ng mamamaha-yag, “ito na ang pinakakapana-panabik na panga-ngaral na magaganap sa daigdig.” Nagkatotoonga iyan! ’Di pa natatagalan pagkatapos nito, ini-alay ko ang aking sarili kay Jehova, at noong1956, nabautismuhan ako kasama ni Tatay at ngkapatid ko. Pero isa pang mahalagang desisyonang kailangan kong gawin.

Sa loob ng maraming taon, alam kong dapatakong magpayunir, pero lagi ko itong ipinagpapa-liban. Una, ipinasiya kong pag-aralan ang negos-yo ng pag-i-import at pag-e-export sa Berlin. Pag-katapos, gusto kong magtrabaho muna paramagkaroon ng karanasan at kasanayan. Kaya no-ong 1961, tinanggap ko ang trabaho sa pinaka-malaking piyer sa Hamburg, Germany. Habang na-wiwili ako sa trabaho, lalo kong ipinagpapalibanang pagpapayunir. Ano’ng gagawin ko?

Buti na lang, ginamit ni Jehova ang mapag-mahal na mga kapatid para ipaunawa sa akin nadapat kong unahin ang paglilingkod kay Jehova.May mga kaibigan akong nagpayunir na at na-ging magandang halimbawa sila sa akin. Bukoddiyan, si Brother Erich Mundt, na nabilanggo noonsa kampong piitan, ay nagpatibay sa akin na mag-tiwala kay Jehova. Sinabi niya na sa kampong pii-tan, ang mga kapatid na nagtiwala sa kanilangsarili ay nanghina sa espirituwal. Pero ang mganagtiwala nang lubos kay Jehova ay nanatiling ta-pat at naging pundasyon sa kongregasyon.

Kahit si Brother Martin Poetzinger, na nangmaglaon ay naging miyembro ng Lupong Tagapa-mahala, ay patuloy ring nagpapatibay sa mga ka-patid. Sinabi niya, “Lakas ng loob ang pinakama-

� Tinawag nang maglaon na Ating Ministeryo sa Kaharian, napinalitan sa ngayon ng Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong.

halagang katangian na dapat n’yong taglayin!”Nang mapag-isipan kong mabuti ang mga sali-tang iyon, nagbitiw ako sa trabaho at nagpayunirnoong Hunyo 1963. Iyan ang pinakamagandangdesisyong ginawa ko! Pagkaraan ng dalawang bu-wan, bago pa man ako maghanap ng ibang traba-ho, naimbitahan akong maglingkod bilang spe-cial pioneer. Pagkalipas ng ilang taon, higit pa sainaasahan ko ang ibinigay ni Jehova. Naimbitahanako sa ika-44 na klase ng Paaralang Gilead.

NATUTO NG ISANG MAHALAGANG ARALSA GILEAD

“Huwag agad susuko sa atas n’yo.” Iyan ang isasa pinakamahalagang aral na natutuhan ko, lalona’t galing ito kina Brother Nathan Knorr atBrother Lyman Swingle. Pinatibay nila kaming ma-natili sa aming atas gaano man ito kahirap. Sina-bi ni Brother Knorr: “Saan ba kayo dapat magpo-kus? Sa mga insekto ba, dumi, kahirapan? O samga puno, mga bulaklak, at masasayang muk-ha? Mahalin ninyo ang mga tao!” Isang araw, ha-bang ipinapaliwanag ni Brother Swingle kung ba-kit sumusuko agad ang ilan, hindi niya napigilangumiyak. Kinailangan niyang huminto muna parakalmahin ang sarili. Naantig talaga ako at nagpa-siyang hinding-hindi ko bibiguin si Kristo o angkaniyang tapat na mga kapatid.—Mat. 25:40.

Noong matanggap namin ang aming atas, maymga Bethelite na nagtanong sa amin kung saankami madedestino. Maganda ang komento nila sabawat atas. Pero nang sabihin kong sa Congo(Kinshasa), natigilan sila at sinabi: “Ha, Congo?Bahala na sa ’yo si Jehova!” Noong mga pana-hong iyon, laman ng mga balita ang digmaan atpatayan sa Congo (Kinshasa). Pero lagi kong inii-sip ang mga napag-aralan ko sa Gilead. Di-nag-tagal pagkatapos ng graduation namin noongSetyembre 1967, kami nina Heinrich Dehnbostelat Claude Lindsay ay naglakbay papuntang Kin-shasa, ang kabisera ng Congo.

NAPAKAGANDANG PAGSASANAYPARA SA MGA MISYONERO

Pagdating namin sa Kinshasa, nag-aral kami ngFrench sa loob ng tatlong buwan. Pagkatapos, lu-

26 ANG BANTAYAN

Page 27: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

HULYO 2019 27

mipad kami papuntang Lubumbashi, na datingElisabethville, malapit sa hangganan ng Zambiasa dulong timog ng Congo. Lumipat kami sa isangmissionary home na nasa sentro ng siyudad.

Dahil napakaraming lugar sa Lubumbashi nahindi pa napapangaralan, tuwang-tuwa kami dahilkami ang unang makakapagpatotoo sa mga ta-garoon. Nagkaroon agad kami ng napakaramingBible study na halos ’di na namin kayang mapunta-han lahat. Nakapagpatotoo rin kami sa mga opis-yal ng gobyerno at mga pulis. Marami ang nagpa-kita ng paggalang sa Salita ng Diyos at sa atingpangangaral. Karamihan sa mga tao ay nagsasali-ta ng Swahili, kaya pinag-aralan namin ni ClaudeLindsay ang wikang ito. Di-nagtagal, inatasan kamisa kongregasyon na nagsasalita ng Swahili.

Marami kaming magagandang karanasan, pero

may mga hamon din. Madalas na kailangan na-ming pagtiisan ang mga lasing na armadongsundalo o mga agresibong pulis, na gumagawang mga maling paratang. Minsan, habang nag-pupulong ang kongregasyon namin sa missionaryhome, nilusob kami ng isang grupo ng armadongpulis at dinala kami sa istasyon nila. Pinaupo kamisa lupa hanggang mag-a-alas diyes ng gabi, atsaka kami pinauwi.

Noong 1969, naatasan ako sa gawaing pag-lalakbay. Kasama sa dinadalaw kong sirkito angkagubatan ng Africa. Mahabang lakarın ito sa git-na ng nagtataasang damo at mapuputik nadaan. Sa isang nayon, ginawang tulugan ng isanginahing manok at ng mga inakay nito ang ilalimng kama ko. Hinding-hindi ko makakalimutan angmalakas na tilaok nito na gumigising sa akin bago

A. Kaming magkapatid at ang mgamagulang namin noong nasaGermany kami, mga 1950

B. Nang magsimula akong magpayunir, 1963

C. Ako, si Claude, at si Heinrich saaming atas bilang misyonero saLubumbashi, Congo, 1967

D. Habang nagpapahayag sa isangkombensiyon sa Asmara, 1992

E. Sa gawaing paglalakbay sakabukiran ng Ethiopia, 1996A B

C D E

Page 28: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

28 ANG BANTAYAN

magbukang-liwayway. Ang sarap alalahanin ngmga gabing kasama ko ang mga kapatid habangnakaupo kami sa harap ng bonfire at nagkuku-wentuhan tungkol sa Bibliya.

Naging malaking problema namin ang mganagpapanggap na kapatid, pero tagasuportapala ng kilusang Kitawala.� Ang ilan sa kanila aynabautismuhan pa nga at naging mga elder sakongregasyon. Marami sa ‘mga batong ito na na-katago’ ang inilantad ng tunay na mga kapatid.(Jud. 12) Nang maglaon, nilinis ni Jehova angmga kongregasyon at naglatag siya ng pundas-yon para sa higit pang paglago.

Noong 1971, naatasan ako sa tanggapang pan-sangay sa Kinshasa. Iba-iba ang naging trabahoko roon, gaya ng pag-aasikaso ng mga liham,mga order na literatura, at iba pang gawaing pag-lilingkod. Sa Bethel, natutuhan kong mag-organi-sa ng gawain sa isang malaking bansa kahit mahi-rap ang kalagayan. Kung minsan, inaabot nangmga buwan bago matanggap ng mga kongregas-yon ang aming mga liham. Ibinababa ang lihammula sa eroplano at isinasakay sa mga bangka.Kaya lang, tumatagal ang biyahe nang ilang ling-go dahil sa nakaharang na makakapal na hala-mang tubig. Pero natatapos din ang trabaho kahitmay ganitong mga problema.

Manghang-mangha ako kung paano nagagawang mga kapatid na makapagdaos ng malalakingkombensiyon kahit limitado lang ang pondo nila.Nagtatayo sila ng plataporma mula sa mga burolng anay. Gumagawa rin sila ng dingding gamitang mga talahib, at inirorolyo naman nila ang ilanpara maupuan. Mga kawayan ang ginagawa ni-lang balangkas sa pagtatayo at mga banig natambo naman ang ginagamit na bubong o mesa.Gumagawa sila ng mga pako mula sa balat ngpuno. Hangang-hanga ako sa katatagan at pagi-ging malikhain ng mga kapatid na ito. Napama-

� Ang “Kitawala” ay nagmula sa salitang Swahili na ang ibig sa-bihin ay “mamuno, mangasiwa, at mamahala.” Ang tunguhin ngkilusang ito ay para makalaya sa pananakop ng Belgium. Angmga grupo ng Kitawala ay kumukuha, nag-aaral, at nagpapaka-lat ng mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova, at pinipilipitnila ang mga turo ng Bibliya bilang pansuporta sa kanilang pa-nanaw sa politika, pamahiin, at imoral na pamumuhay.

hal sila sa akin. Talagang na-miss ko sila nang ili-pat ako sa bago kong atas!

PAGLILINGKOD SA KENYANoong 1974, inilipat ako sa tanggapang pansa-

ngay sa Nairobi, Kenya. Marami kaming kailanganggawin dahil ang sangay ng Kenya ang nanganga-siwa sa gawaing pangangaral sa 10 kalapıt na ban-sa, na ang ilan ay nagbabawal sa ating gawain.Ilang beses din akong inatasang dumalaw sa mgabansang ito, lalo na sa Ethiopia, kung saan angmga kapatid ay pinag-uusig at dumaranas ng ma-titinding pagsubok. Marami sa kanila ang pinag-malupitan o ibinilanggo; pinatay pa nga ang ilan.Pero natiis nila iyon dahil sa kanilang malapıt nakaugnayan kay Jehova at sa isa’t isa.

Noong 1980, nagkaroon ng magandang pang-yayari sa buhay ko nang pakasalan ko si GailMatheson, na taga-Canada. Magkaklase kami niGail sa Gilead. Regular kaming nagsusulatan.Naglilingkod siya bilang misyonera sa Bolivia.Pagkaraan ng 12 taon, nagkita ulit kami sa NewYork. Di-nagtagal, nagpakasal kami sa Kenya.Nagpapasalamat ako kay Gail sa pagiging palaisipniya sa espirituwal at pagiging kontento. Isasiyang mapagmahal na asawa at napakalakingtulong niya sa akin.

Noong 1986, naatasan kami ni Gail sa gawaingpaglalakbay, kasabay ng paglilingkod ko bilangmiyembro ng Komite ng Sangay. Kasama sa dina-dalaw namin ang marami sa mga bansang pina-ngangasiwaan ng sangay ng Kenya.

Natatandaan ko pa ang ginawa naming pagha-handa para sa kombensiyon sa Asmara (sa Eritrea)noong 1992. Hindi pa ipinagbabawal noon ang ga-wain natin. Nakakalungkot, ang nakita lang naminna puwedeng pagdausan ay isang kamalig na hindimagandang tingnan sa labas, lalo na sa loob nito.Nang araw ng kombensiyon, nagulat ako nang ma-kita ko kung paano napaganda ng mga kapatidang loob nito para maging angkop na lugar ngpagsamba kay Jehova. Maraming pamilya ang nag-dala ng magagandang tela, at tinakpan nila ang la-hat ng bagay na pangit tingnan. Nag-enjoy kami sakombensiyon na dinaluhan ng 1,279.

Page 29: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

HULYO 2019 29

Nanibago kami sa gawaing paglalakbay dahilpaiba-iba ang tuluyan namin. Kung minsan, nasamalaki at magarbong bahay kami na nasa tabing-dagat; kung minsan naman, nasa kampo kami ngmga trabahador na ang tuluyan ay yari sa yero, at100 metro ang layo ng palikuran. Pero sa lahatng napuntahan namin, ang hindi namin malilimu-tan ay ang pagiging abala sa paglilingkod kasa-ma ang masisigasig na payunir at mamamahayag.Nang matanggap namin ang sumunod na atas,kinailangan naming iwan ang mga mahal namingkaibigan. Talagang mami-miss namin sila.

MGA PAGPAPALA SA ETHIOPIAMula 1987 hanggang 1992, legal nang kinilala

ang ating gawain sa ilang bansa na pinangangasi-waan ng sangay ng Kenya. Bilang resulta, nagka-roon ng hiwalay na mga country office at tangga-pang pansangay. Noong 1993, naatasan kamingmaglingkod sa tanggapan sa Addis Ababa, Ethio-pia, kung saan legal nang kinilala ang gawain pag-katapos ng ilang dekada.

Pinagpala ni Jehova ang gawain sa Ethiopia.Maraming kapatid ang nagpayunir. Mahigit20 porsiyento ng mga mamamahayag ang nagli-lingkod bilang regular pioneer taon-taon mula no-ong 2012. Bukod diyan, nagkaroon ng mga teok-ratikong paaralan para sa pagsasanay, at mahigit120 Kingdom Hall ang naitayo. Noong 2004, lumi-pat ang pamilyang Bethel sa bagong pasilidad, atnaging pagpapala rin ang isang Assembly Hall nanasa lugar ding iyon.

Sa loob ng maraming taon, naging malapıt na-ming kaibigan ni Gail ang mga kapatid sa Ethio-pia. Mahal na mahal namin sila dahil sa kanilangpag-ibig at kabaitan. Nitong nakaraan, madalasna kaming magkasakit, kaya kinailangan kamingilipat sa sangay ng Central Europe. Buong pagma-mahal kaming inalagaan doon, pero miss na misspa rin namin ang mahal naming mga kaibigan saEthiopia.

PINALAGO ITO NI JEHOVANakita namin kung paano pinalago ni Jehova

ang kaniyang gawain. (1 Cor. 3:6, 9) Halimbawa,noong una akong mangaral sa mga minerong

taga-Rwanda na nagtatrabaho sa Copperbelt saCongo, wala pang mamamahayag sa Rwanda.Ngayon, mayroon nang mahigit 30,000 kapatidsa bansang iyon. Noong 1967, may mga 6,000mamamahayag sa Congo (Kinshasa). Ngayon,mayroon nang mga 230,000, at mahigit isang mil-yon ang dumalo sa Memoryal noong 2018. Salahat ng bansang pinangangasiwaan noon ng sa-ngay ng Kenya, ang bilang ng mamamahayag aydumami nang mahigit 100,000.

Mahigit 50 taon na ang nakakaraan, ginamit niJehova ang iba’t ibang kapatid para mapasiglaakong pumasok sa buong-panahong paglilingkod.Mahiyain pa rin ako hanggang ngayon, pero natu-to akong magtiwala nang lubusan kay Jehova. Da-hil sa mga naranasan ko sa Africa, natuto akongmaging matiisin at kontento. Hanga kami ni Gailsa mga kapatid na mapagpatuloy, matatag, atnagtitiwala kay Jehova. Talagang nagpapasalamatako sa walang-kapantay na kabaitan ni Jehova.Higit sa inaasahan ko ang pagpapalang ibinigayniya sa akin.—Awit 37:4.

Page 30: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

ANG Bibliya ay puno ng madamdaming panana-lita mula sa mga taong “may damdaming tulad ngsa atin.” (Sant. 5:17) Halimbawa, maiintindihan na-tin ang nararamdaman ni Pablo nang aminin niyasa Roma 7:21-24: “Kapag gusto kong gawin angtama, ang masama ang nasa akin. . . . Miserab-leng tao ako!” Nakakapagpatibay malaman na ka-hit ang tapat na si Pablo ay may mga pinaglaba-nan ding kahinaan gaya natin.

May isa pang madamdaming pananalita si Pab-lo. Sa Galacia 2:20, kumbinsido si Pablo na si Jesusay “nagmahal sa [kaniya] at nagbigay ng sarili niyapara sa [kaniya].” Oo, para sa kaniya! Ganiyan dinba ang nararamdaman mo? Baka hindi palagi.

Kapag nadarama nating wala tayong halaga da-hil sa mga nagawa nating kasalanan, baka hinditayo maniwalang mahal tayo ni Jehova at pinata-wad na niya tayo, at mahirapan pa nga tayongisiping personal na regalo sa atin ang haing pan-tubos. Gusto ba talaga ni Jesus na isipin nating re-galo iyon sa atin? Kung oo, ano ang makakatulongpara isipin natin iyon? Suriin natin ang dalawangtanong na iyan.

ANG PANANAW NI JESUSSA KANIYANG HAING PANTUBOS

Gusto ni Jesus na ituring nating personal naregalo sa atin ang haing pantubos. Paano tayomakakatiyak? Pag-isipan natin ang sinabi sa Lucas23:39-43. Isang lalaki ang nakabitin sa pahirapangtulos malapit kay Jesus. Inamin niyang nakagawasiya ng masama. Malamang na isang malubhangkrimen ang ginawa niya kasi para lang sa mga pu-sakal na kriminal ang malupit na parusang iyon.Dahil nawawalan na siya ng pag-asa, nakiusap anglalaki kay Jesus: “Alalahanin mo ako pagdating mosa iyong Kaharian.”

Ano ang ginawa ni Jesus? Isipin na lang kunggaano kahirap sa kaniya na lumingon para ting-nan ang lalaki. Pero kahit hirap na hirap, sinikappa rin niyang ngumiti, at tiniyak niya sa lalaki: “Si-nasabi ko sa iyo ngayon, makakasama kita sa Pa-raiso.” Puwede namang sabihin na lang niya sa

lalaki na ‘ang Anak ng tao ay dumating para ibigayang buhay niya bilang pantubos na kapalit ng ma-rami.’ (Mat. 20:28) Pero napansin mo ba ang masnakakaantig na paraan niya ng pagsasabi tungkolsa haing pantubos? Ginawa niya itong mas perso-nal nang gumamit siya ng mga panghalip na “iyo”at “kita.” At sinabi niya mismo sa lalaki na mabu-buhay ito sa paraiso sa lupa.

Talagang gusto ni Jesus na tanggapin ng lalakibilang personal na regalo ang gagawin niyang sak-ripisyo. Kung ganito kamahal ni Jesus ang isangkriminal na hindi man lang nakapaglingkod saDiyos, tiyak na ganoon din ang nararamdamanniya para sa isang bautisadong Kristiyano na nag-lilingkod sa Diyos. Kung gayon, ano ang makaka-kumbinsi sa atin na personal tayong makikinabangsa sakripisyo ni Kristo sa kabila ng mga kasalanannatin noon?

ANG NAKATULONG KAY PABLONakatulong ang ministeryo ni Pablo sa pananaw

niya sa haing pantubos ni Jesus. Paano? Sinabi

Talaga Bang Namatay si Jesus Para sa Akin?

30 ANG BANTAYAN

Page 31: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

niya: “Nagpapasalamat ako kay Kristo Jesus naating Panginoon, na nagbigay ng lakas sa akin, da-hil itinuring niya akong tapat nang atasan niyaako sa isang banal na gawain, kahit na dati akongmamumusong, mang-uusig, at walang galang.”(1 Tim. 1:12-14) Dahil sa atas na ibinigay kay Pab-lo, nakumbinsi siyang mahal siya at pinagkakati-walaan ni Jesus at na pinatawad na siya nito. Angbawat isa sa atin ay inatasan din ni Jesus na ma-ngaral. (Mat. 28:19, 20) Matutulungan din ba tayonito?

Si Albert, na nanumbalik kay Jehova mataposmatiwalag nang halos 34 na taon, ay nagsabi:“Lagi kong naaalala ang nagawa kong kasalanan.Pero kapag nasa ministeryo ako, gaya ni apostolPablo, nadarama ko ring personal akong binigyanni Jesus ng atas. Napapatibay ako nito, at nagi-ging positibo ako sa aking sarili, buhay, at kinabu-kasan.”—Awit 51:3.

Si Allan naman, na dating kriminal at marahasbago malaman ang katotohanan, ay umamin: “Na-iisip ko pa rin ang lahat ng masamang nagawako sa mga tao. Nadedepres tuloy ako kung min-san. Pero salamat kay Jehova at pinahintulutanniya ang isang makasalanang tulad ko na sabihinang mabuting balita sa iba. Kapag nakikita ko angreaksiyon ng mga tao sa mabuting balita, naaalalako ang kabutihan at pagmamahal ni Jehova. Paki-ramdam ko, ginagamit niya ako para tulungan angiba na tulad kong nakagawa rin ng masama.”

Natutulungan tayo ng ating ministeryo na gu-mawa at mag-isip ng mabubuting bagay. Tinitiyaknito sa atin ang awa, pagmamahal, at pagtitiwalasa atin ni Jesus.

SI JEHOVA AY MAS DAKILAKAYSA SA PUSO NATIN

Hangga’t hindi pa napupuksa ang napakasa-mang sistemang ito ni Satanas, baka patuloy parin tayong usigin ng konsensiya natin dahil sa na-gawa nating kasalanan noon. Paano natin ito ma-paglalabanan?

“Mabuti na lang at ‘ang Diyos ay mas dakila kay-sa sa puso natin,’ ” ang sabi ni Jean, na madalasusigin ng konsensiya niya dahil sa dobleng pamu-muhay noong bata pa siya. (1 Juan 3:19, 20) Gayani Jean, mapapatibay rin tayong malaman na masnaiintindihan ni Jehova at ni Jesus ang ating ka-lagayan kaysa sa atin. Hindi ba’t ang pantubos aymaibigin nilang inilaan, hindi para sa mga taongperpekto, kundi para sa mga nagsisising makasa-lanan?—1 Tim. 1:15.

Tumatatak sa puso natin ang mahalagang kato-tohanang iyan kapag binubulay-bulay natin angpakikitungo ni Jesus sa mga taong di-perpekto atkapag ginagawa natin sa abot ng ating makakayaang ministeryong iniatas sa atin. Sa paggawa nito,gaya ni Pablo, masasabi mo rin: Si Jesus ay “nag-mahal sa akin at nagbigay ng sarili niya para saakin.”

Kapag nagtuturo kang Bibliya sa lahat nguri ng tao, tiyakin mosa kanilang mahal silani Jesus at nahahabagsiya sa kanila

HULYO 2019 31

Page 32: MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: SETYEMBRE 2-29, 2019

w1

9.0

7-T

G1

90

31

2

The Watchtower (ISSN 0043-1087) July 2019 is published by Watch-

tower Bible and Tract Society of New York, Inc.; L. Weaver, Jr., Pres-

ident; G. F. Simonis, Secretary-Treasurer; 1000 Red Mills Road, Wallkill,

NY 12589-3299. ˘ 2019 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylva-

nia. Printed in Japan.

34567July 2019 � Vol. 140, No. 9 TAGALOG

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahaging pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ngkusang-loob na mga donasyon. Para sa donasyon, magpunta sadonate.jw.org.

Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula samakabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

LARAWAN SA PABALAT:Maraming mamamahayag ang nagpapakitang personal na interes sa mga taong nagmulasa mga bansang di-Kristiyano; ibinabahaginila sa mga ito ang praktikal na karununganmula sa Bibliya (Tingnan ang aralingartikulo 30, parapo 12-13)

TAMPOK SA JW.ORG

MAY NAGDISENYO BA NITO?Ang Kahanga-hangangGalamay ng OctopusAng napaka-flexible na galamay ng octopusang nakatulong sa mga engineer na maka-gawa ng robotic arm na nakakahiwa nangmaliit kapag nag-oopera ang mga doktor.

Sa jw.org/tl, magpunta saTURO NG BIBLIYA˛ ANG SIYENSIYA ATANG BIBLIYA˛ MAY NAGDISENYO BA NITO?

BINAGO NG BIBLIYA ANG KANILANG BUHAY“Hinuhukay Ko ang Aking Libingan”Kumbinsido si

´Oscar na patay na sana siya

kung hindi dahil sa Salita ng Diyos. Anoang nakatulong sa dating miyembrong itong gang na taga-El Salvador na baguhinang buhay niya?

Sa jw.org/tl, magpunta saTURO NG BIBLIYA˛ KAPAYAPAAN ATKALIGAYAHAN ˛ BINAGO NG BIBLIYAANG KANILANG BUHAY.

Magpunta sa website na jw.org˙

o i-scan ang code

s

SA ISYUNG ITO�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 27: Setyembre 2-8 2Maghanda Na Ngayon sa Pag-uusig�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 28: Setyembre 9-15 8Patuloy na Sumamba kay JehovaKahit May Pagbabawal�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 29: Setyembre 16-22 14“Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad”

�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 30: Setyembre 23-29 20Abutin ang Puso ng mga Hindi Relihiyoso�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

TALAMBUHAY 25Higit sa Inaasahan Ko angPagpapalang Ibinigay ni Jehova�����������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Talaga Bang Namatay si Jesus Para sa Akin? 30