64
34567 PEBRERO 2020 MALALAKING-LETRANG EDISYON MGA ARALING ARTIKULO PARA SA: ABRIL 6–MAYO 3, 2020

wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

34567PEBRERO 2020

MALALAKING-LETRANG EDISYON

MGA ARALING ARTIKULO PARA SA:ABRIL 6–MAYO 3, 2020

Page 2: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

2

ARALINGARTIKULO 6

Mahal na Mahal Tayong Ating Ama,si Jehova“Manalangin kayo sa ganitong paraan:‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT. 6:9.

AWIT 135“Magpakarunong Ka, Anak Ko”

NILALAMANKapag pinag-uusapan si Jehova, agad nating naiisipna siya ang ating Maylalang at Kataas-taasang Taga-pamahala. Pero may magagandang dahilan para ituringnatin siya bilang isang mapagmahal at mapagmalasakitna Ama. Tatalakayin sa artikulong ito ang mga dahilangiyan. Malalaman din natin kung bakit tayo makakatiyakna hinding-hindi tayo pababayaan ni Jehova.

Page 3: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

ISIPIN mong nasa Persia ka, mga 2,500 taon na ang na-kakalipas. May gusto kang sabihin sa hari, kaya nagpun-ta ka sa Susan kung saan siya nakatira. Pero hindi mobasta-basta makakausap ang hari nang walang pahintu-lot niya. Puwede mo itong ikamatay!—Es. 4:11.

2 Buti na lang, hindi gaya ng hari ng Persia si Jeho-va! Di-hamak na nakahihigit si Jehova sa lahat ng taga-pamahalang tao, pero puwede tayong lumapit sa kaniyakahit kailan. Gusto niyang malaya tayong makalapit sakaniya. Halimbawa, maraming magagandang titulo siJehova gaya ng Dakilang Maylalang, Makapangyari-han-sa-Lahat, at Kataas-taasang Panginoon, pero gustoniyang tawagin natin siyang “Ama.” (Mat. 6:9) Nakaka-tuwang isipin na gusto ni Jehova namadama nating ma-lapıt tayo sa kaniya!

3 Dapat lang na tawagin nating “Ama” si Jehova—angBukal ng ating buhay. (Awit 36:9) Siya ang ating Ama,kaya responsibilidad nating sundin siya. At kung gaga-win natin iyan, pagpapalain niya tayo. (Heb. 12:9) Ka-sama sa mga pagpapalang iyan ang buhay na walanghanggan, sa langit man o sa lupa. Pinagpapala rin niyatayo ngayon. Tatalakayin sa artikulong ito kung paano

1. Ano ang dapat gawin ng isa kung gusto niyang makausap anghari ng Persia?2. Ano ang gusto ni Jehova na madama natin tungkol sa paglapitsa kaniya?3. Bakit natin matatawag na “Ama” si Jehova, at ano ang tatalaka-yin sa artikulong ito?

PEBRERO 2020 3

Page 4: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

kumikilos si Jehova bilang isang mapagmahal na Amaat kung bakit tayo makakatiyak na hinding-hindi niyatayo pababayaan. Pero talakayin muna natin kung bakittayo makakasigurong mahal na mahal tayo ng atingAma sa langit at na nagmamalasakit siya sa atin.

SI JEHOVA AY ISANG MAPAGMAHALAT MAPAGMALASAKIT NA AMA

4 Nahihirapan ka bang ituring na Ama si Jehova? Bakamanliit ang ilan at isiping wala silang halaga kumpara saDiyos na Jehova. Hindi sila makapaniwalang nagma-malasakit sa kanila ang Diyos na Makapangyarihan-sa-Lahat. Pero ayaw ng ating mapagmahal na Ama na ma-dama natin iyan. Binigyan niya tayo ng buhay, at gustoniyang maging malapıt tayo sa kaniya. Matapos banggi-tin ang katotohanang iyan, sinabi ni apostol Pablo samga kausap niya sa Atenas na si Jehova ay “hindi . . .malayo sa bawat isa sa atin.” (Gawa 17:24-29) Gusto ngDiyos na lumapit tayo sa kaniya, gaya ng isang anak nalaging lumalapit sa mapagmahal niyang magulang.

5 Baka nahihirapan ang iba na ituring na Ama si Jeho-va dahil hindi sila minahal ng sarili nilang ama. Pansininang sinabi ng isang sister. “Napakasakit magsalita ng ta-tay ko,” ang sabi niya. “Noong nagsisimula pa lang akongmag-aral ng Bibliya, hindi ako naniniwalang puwede

4. Bakit nahihirapan ang ilan na ituring na Ama si Jehova?5. Ano ang matututuhan natin sa karanasan ng isang sister?

4 ANG BANTAYAN

Page 5: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 5

akong mapalapıt sa isang Ama sa langit. Pero nagbago’yan nang makilala ko si Jehova.” Ganiyan ka rin ba?Kung oo, huwag kang masiraan ng loob. Darating angpanahon na makikita mong si Jehova ang pinakamahu-say na Ama.

6 Ipinasulat ni Jehova sa Bibliya ang mga sinabi at gi-nawa ni Jesus para matulungan tayong ituring siya bi-lang isang mapagmahal na Ama. (Basahin ang Mateo11:27.) Lubusang natularan ni Jesus ang kaniyang Amakaya nasabi niya: “Sinumang nakakita sa akin ay naka-kita rin sa Ama.” (Juan 14:9) Madalas tukuyin ni Jesussi Jehova bilang Ama. Sa apat na Ebanghelyo pa lang,mga 165 beses nang tinukoy ni Jesus si Jehova bilangAma. Bakit laging binabanggit ni Jesus ang tungkol kayJehova? Ang isang dahilan ay para makumbinsi angmga tao na si Jehova ay isang mapagmahal na Ama.—Juan 17:25, 26.

7 Tingnan kung ano ang matututuhan natin kay Je-hova sa pakikitungo niya sa kaniyang Anak, si Jesus.Nakikinig si Jehova sa panalangin ni Jesus, at sinasa-got niya ito. (Juan 11:41, 42) Sa lahat ng pagsubok nanapaharap kay Jesus, naramdaman niya ang pag-ibig atpag-alalay ng kaniyang Ama.—Luc. 22:42, 43.

6. Ayon sa Mateo 11:27, ano ang ginawa ni Jehova para matulu-ngan tayong ituring siya bilang isang mapagmahal na Ama?7. Ano ang matututuhan natin kay Jehova sa pakikitungo niya sakaniyang Anak?

Page 6: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

6 ANG BANTAYAN

8 Kinilala ni Jesus na ang kaniyang Ama ang Bukal atTagatustos ng buhay nang sabihin niya: “Ako ay nabu-buhay dahil sa Ama.” (Juan 6:57) Buo ang tiwala ni Je-sus sa kaniyang Ama, at inilaan ni Jehova ang panga-ngailangan niya sa pisikal at lalo na sa espirituwal.—Mat. 4:4.

9 Bilang mapagmahal na Ama, tiniyak ni Jehova naalam ni Jesus na suportado siya ng kaniyang Ama.(Mat. 26:53; Juan 8:16) Hindi naman pinrotektahan niJehova si Jesus mula sa lahat ng makakasakit sa kaniya,pero tinulungan Niya siyang matiis ang mga pagsubok.Alam ni Jesus na pansamantala lang ang mga paghihi-rap na nararanasan niya. (Heb. 12:2) Pinatunayan niJehova na mahal niya si Jesus sa pamamagitan ngpakikinig, paglalaan, pagsasanay, at pag-alalay sa ka-niya. (Juan 5:20; 8:28) Tingnan naman natin kung pa-ano iyan ipinapakita sa atin ng ating Ama sa langit.

KUNG PAANO IPINAPAKITA NI JEHOVANA MAHAL NIYA TAYO

10 Nakikinig si Jehova sa mga panalangin natin. (Basa-hin ang Awit 66:19, 20.) Hindi niya nililimitahan angpanalangin natin; gusto niyang lagi tayong manalangin.

8. Ano ang inilaan ni Jehova kay Jesus?9. Paano pinatunayan ni Jehova na isa siyang mapagmahal na Amakay Jesus?10. Ayon sa Awit 66:19, 20, paano ipinapakita ni Jehova na mahalniya tayo?

Page 7: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 7

(1 Tes. 5:17) Makakapanalangin tayo sa ating Diyos anu-mang oras, nasaan man tayo. Lagi siyang may panahonpara makinig sa atin. Kapag alam nating nakikinig si Je-hova sa mga panalangin natin, mas napapamahal siya saatin. Sinabi ng salmista: “Mahal ko si Jehova dahil di-nirinig niya ang tinig ko.”—Awit 116:1.

11 Hindi lang nakikinig ang ating Ama sa panalanginnatin, sinasagot din niya ito. Tinitiyak sa atin ni apostolJuan: “Anuman ang hingin natin ayon sa kalooban niyaay ibibigay niya.” (1 Juan 5:14, 15) Siyempre, ang sagotni Jehova ay posibleng iba sa inaasahan natin. Alam niyaang pinakamabuti para sa atin. Kaya minsan, ang sagotniya ay hindi o maghintay muna.—2 Cor. 12:7-9.

12 Naglalaan si Jehova para sa atin.Ginagawa niya anginiutos niyang dapat gawin ng lahat ng ama. (1 Tim.5:8) Naglalaan siya ng materyal na pangangailangan ngmga anak niya. Ayaw niya tayong mag-alala tungkol saating pagkain, damit, o tirahan. (Mat. 6:32, 33; 7:11) Bi-lang mapagmahal na magulang, tiniyak din ni Jehova napaglalaanan niya tayo sa hinaharap.

13 Higit sa lahat, naglalaan si Jehova ng espirituwal napangangailangan natin. Sa Bibliya, ipinaalam niya saatin kung sino siya, kung ano ang layunin niya, kung ba-kit niya tayo nilalang, at kung ano ang mangyayarisa hinaharap. Tinulungan niya tayong matutuhan ang

11. Ano ang maaaring isagot ni Jehova sa mga panalangin natin?12-13. Paano tayo pinaglalaanan ng ating Ama sa langit?

Page 8: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

Gusto ni Jehova na magingmalapıt sa atin kung paanonggusto ng isang mapagmahalna ama na maging malapıtsa anak niya(Tingnan ang parapo 4)

1

2

3

4

Page 9: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 9

katotohanan; ginamit niya ang ating mga magulang o ibapang guro para tulungan tayong makilala siya. At patu-loy niya tayong tinutulungan sa pamamagitan ng mapag-mahal na mga elder at ng iba pang may-gulang na kapa-tid. Tinuturuan din tayo ni Jehova sa pamamagitan ngmga pulong, kung saan natututo tayo kasama ng atingmga kapatid. Ang mga iyan, pati na ang iba pang pagla-laan, ay nagpapatunay na mahal tayo ni Jehova bilangmga anak niya.—Awit 32:8.

14 Sinasanay tayo ni Jehova. Di-gaya ni Jesus, hin-di tayo perpekto. Kaya bilang pagsasanay, dinidisiplinatayo ng ating mapagmahal na Ama kung kailangan. Si-nasabi ng Bibliya: “Dinidisiplina ni Jehova ang mga ma-hal niya.” (Heb. 12:6, 7) Ginagawa iyan ni Jehova sa ma-raming paraan. Halimbawa, ang pagtutuwid ay posiblengmanggaling sa nabasa natin sa Bibliya o napakinggan sapulong. O baka manggaling sa mga elder ang tulong nakailangan natin. Saanman ito manggaling, dinidisiplinatayo ni Jehova dahil mahal niya tayo.—Jer. 30:11.

15 Inaalalayan tayo ni Jehova para matiis ang mga

14. Bakit tayo sinasanay ni Jehova, at paano niya ito ginagawa?15. Paano tayo inaalalayan ni Jehova?

Ang isang mapagmahal na ama ay (1) nakikinig, (2) naglalaan,(3) nagsasanay, at (4) umaalalay sa anak niya. Ganiyan dinang pagmamahal sa atin ng ating Ama sa langit(Tingnan ang parapo 10-15)

Page 10: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

10 ANG BANTAYAN

pagsubok. Gaya ng isang mapagmahal na ama na umaa-lalay sa kaniyang anak kapag may problema, tinutulu-ngan din tayo ng ating Ama sa langit na matiis ang mgapagsubok. Ginagamit niya ang banal na espiritu paramatulungan tayong ingatan ang kaugnayan sa kaniya.(Luc. 11:13) Inaalalayan din niya tayo kapag nag-aalalatayo. Halimbawa, binigyan niya tayo ng napakagandangpag-asa. Ang pag-asang iyan ay makakatulong sa atin namakapagtiis. Tandaan: Anumang pagdurusa ang danasinnatin, aalisin ng ating mapagmahal na Ama ang lahat ngepekto nito. Pansamantala lang ang mga pagsubok na di-naranas natin, pero ang pagpapala ni Jehova ay walanghanggan.—2 Cor. 4:16-18.

HINDING-HINDI TAYOPABABAYAAN NG ATING AMA

16 Mapapatunayan nating mahal tayo ni Jehova kapagpinag-isipan natin ang ginawa niya nang magkasala siAdan. Nang sumuway si Adan sa kaniyang Ama sa la-ngit, naiwala niya ang pribilehiyong maging bahagi ngpamilya ni Jehova at nadamay ang mga magiging inaponiya. (Roma 5:12; 7:14) Pero agad na kumilos si Jehova.

17 Pinarusahan ni Jehova si Adan, pero binigyan niyang pag-asa ang mga magiging inapo nito. Agad niyang

16. Ano ang naging epekto ng pagsuway ni Adan sa kaniyang ma-pagmahal na Ama?17. Ano ang agad na ginawa ni Jehova pagkatapos ng rebelyon niAdan?

Page 11: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

ipinangako na magiging bahagi ulit ng pamilya niya angmga masunurin. (Gen. 3:15; Roma 8:20, 21) Naging po-sible ito nang ilaan ni Jehova ang haing pantubos ng ka-niyang mahal na Anak, si Jesus. Sa pagbibigay ng ka-niyang Anak alang-alang sa atin, ipinakita ni Jehovakung gaano niya tayo kamahal.—Juan 3:16.

18 Kahit hindi tayo perpekto, gusto pa rin ni Jehova

18. Bakit tayo makakasigurong buong puso tayong tatanggapin niJehova bilang mga anak niya kahit napalayo tayo sa kaniya?

Kung napalayo tayo sa ating mapagmahal na Ama,si Jehova, makakasiguro tayong buong puso niya

tayong tatanggapin kung nagsisisi tayo(Tingnan ang parapo 18)

Page 12: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

12 ANG BANTAYAN

na maging bahagi tayo ng pamilya niya. Hindi pabigatang tingin niya sa atin. Baka masaktan natin siya o ma-palayo tayo sa kaniya, pero hindi niya tayo susukuan.Makikita sa ilustrasyon ni Jesus tungkol sa alibughanganak kung gaano kamahal ni Jehova ang mga anak niya.(Luc. 15:11-32) Ang ama sa ilustrasyong iyon ay lagingumaasang babalik ang anak niya. Nang magbalik anganak, buong puso siyang tinanggap ng kaniyang ama.Kung napalayo tayo kay Jehova, makakasiguro tayongbuong puso tayong tatanggapin ng ating mapagmahalna Ama kung nagsisisi tayo.

19 Aayusin ng ating Ama ang lahat ng pinsalang idi-nulot ni Adan. Pagkatapos ng rebelyon ni Adan, nagde-sisyon si Jehova na kumuha ng 144,000 mula sa sang-katauhan na maglilingkod bilang hari at saserdote salangit kasama ng kaniyang Anak. Tutulungan ni Jesusat ng mga kasama niyang tagapamahala ang masunu-ring mga tao na maging perpekto sa bagong sanlibutan.Kapag nakapasa ang mga ito sa huling pagsubok, bibig-yan sila ni Jehova ng buhay na walang hanggan. Ma-giging napakasaya ng ating Ama dahil ang lupa aymapupuno ng perpektong mga anak niya. Kamangha-manghang panahon iyan!

20 Ipinakita ni Jehova na mahal na mahal niya tayo.

19. Paano aayusin ni Jehova ang pinsalang idinulot ni Adan?20. Paano ipinakita ni Jehova na mahal na mahal niya tayo, at anoang tatalakayin sa susunod na artikulo?

Page 13: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

Siya ang pinakamahusay na Ama. Dinirinig niya angmga panalangin natin, at inilalaan niya ang materyal atespirituwal na pangangailangan natin. Sinasanay niyatayo at inaalalayan. Naglaan din siya ng magandangpagpapala para sa atin sa hinaharap. Nakakataba ng pu-song malaman na mahal na mahal tayo ng ating Ama atnagmamalasakit siya sa atin! Tatalakayin naman sa su-sunod na artikulo kung paano natin maipapakitang ma-hal din natin siya.

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Pahina 8: Makikita sa larawan ang apat na paraan ng pag-papakita ng pagmamahal ng ama sa anak: isang ama na nakikinig sasinasabi ng anak niya, isang ama na naglalaan ng pangangailangan nganak niya, isang ama na nagsasanay sa anak niya, at isang ama na la-ging nandiyan para sa anak niya. Ang kamay na makikita sa backgroundng apat na tagpo ay nagpapaalala sa atin na ganiyan din tayo kamahalni Jehova.

PAANO MO SASAGUTIN?

˛ Para sa iyo, bakitsi Jehova angpinakamahusayna Ama?

˛ Paano ipinapakitani Jehova namahal na mahalniya tayo?

˛ Bakit tayomakakatiyakna hinding-hinditayo pababayaanng ating Ama?

AWIT 108Ang Tapat na Pag-ibig ng Diyos

Page 14: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

ARALINGARTIKULO 7

Mahal na Mahal Natinang Ating Ama,si Jehova“Umiibig tayo, dahil siya ang unang umibig sa atin.”—1 JUAN 4:19.

AWIT 3Ikaw ang Aming Pag-asa at Lakas

NILALAMANAlam nating mahal na mahal tayo ng ating Ama,si Jehova, at ginawa niya tayong bahagi ng kaniyangpamilya ng mga mananamba. Dahil diyan, napapakilostayong mahalin din siya. Paano natin maipapakitangmahal natin ang ating Ama? Tatalakayin sa artikulongito ang ilang bagay na puwede nating gawin.

14

Page 15: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 15

INANYAYAHAN tayo ni Jehova na maging bahagi ngkaniyang pamilya ng mga mananamba. Napakagandangang paanyaya! Ang ating pamilya ay binubuo ng mgataong nag-alay ng kanilang sarili sa Diyos at nananam-palataya sa haing pantubos ng kaniyang Anak. Masayaang pamilya natin. Makabuluhan ang buhay natin, atmay pag-asa tayong mabuhay nang walang hanggan—salangit man o sa Paraisong lupa.

2 Dahil mahal tayo ni Jehova, napakalaki ng isinakri-pisyo niya para mabigyan tayo ng pagkakataong magingbahagi ng pamilya niya. (Juan 3:16) Tayo ay “binili . . .sa malaking halaga.” (1 Cor. 6:20) Sa pamamagitan ngpantubos, binigyan tayo ni Jehova ng pagkakataongmaging malapıt sa kaniya. Karangalan nating tawaging“Ama” ang pinakadakilang Persona sa uniberso. At gayang tinalakay sa naunang artikulo, si Jehova ang pinaka-mahusay na Ama.

3 Gaya ng isang manunulat ng Bibliya, baka maita-nong din natin: “Ano ang igaganti ko kay Jehova sa la-hat ng kabutihang ginawa niya sa akin?” (Awit 116:12)Ang totoo, hindi natin kayang suklian ang lahat ng gi-nagawa niya para sa atin. Pero dahil sa pagmamahalniya, napapakilos tayong mahalin din siya. Isinulat ni

1-2. Bakit at paano tayo binigyan ni Jehova ng pagkakataong ma-ging bahagi ng pamilya niya?3. Ano-ano ang maaari nating itanong? (Tingnan din ang kahong“Napapansin Kaya Ako ni Jehova?”)

Page 16: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

Naitanong mo na ba sa sarili mo, ‘Bakit naman akomapapansin ni Jehova, samantalang bilyon-bilyon angtao sa mundo?’ Marami rin ang nakakaisip niyan. Isinulatni Haring David: “O Jehova, ano ang tao para pansinin mo,ang anak ng taong mortal para pagmalasakitan mo?”(Awit 144:3) Sigurado si David na kilalang-kilala siya niJehova. (1 Cro. 17:16-18) At gamit ang kaniyang Salita atorganisasyon, tinitiyak din ni Jehova sa iyo na napapansinniya ang pag-ibig mo sa kaniya. Tingnan ang ilang patunaysa Salita ng Diyos:

˘ Nakita ka na ni Jehova bago ka pa man ipanganak.—Awit 139:16.

˘ Alam ni Jehova kung ano ang nasa puso mo at ang iniisipmo.—1 Cro. 28:9.

˘ Si Jehova mismo ang nakikinig sa mga panalangin mo.—Awit 65:2.

Napapansin Kaya Ako ni Jehova?

Page 17: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 17

˘ May epekto kay Jehova ang mga ginagawa mo.—Kaw. 27:11.

˘ Si Jehova mismo ang naglapit sa iyo sa kaniya.—Juan 6:44.

˘ Kaya kang buhaying muli ni Jehova sakaling mamatay ka,dahil kilalang-kilala ka niya. Bibigyan ka niya ng bagongkatawan at pag-iisip na kagayang-kagaya ng dati. Ibabalikniya ang mga alaala mo at katangian.—Juan 11:21-26,39-44; Gawa 24:15.

apostol Juan: “Umiibig tayo, dahil siya ang unang umi-big sa atin.” (1 Juan 4:19) Paano natin maipapakitangmahal natin ang ating Ama?

MANATILING MALAP´IT KAY JEHOVA

4 Gusto ni Jehova na maging malapıt tayo sa kaniya atmakipag-usap sa kaniya. (Basahin ang Santiago 4:8.)Hinihimok niya tayong “magmatiyaga . . . sa pananala-ngin,” at lagi siyang nakikinig. (Roma 12:12) Handasiyang makinig sa lahat ng pagkakataon. At para na rintayong nakikinig sa kaniya kapag binabasa natin ang ka-niyang Salita, ang Bibliya, pati na ang mga publikasyong

4. Ayon sa Santiago 4:8, bakit dapat tayong magsikap na magingmalapıt kay Jehova?

Page 18: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

18 ANG BANTAYAN

tumutulong sa atin na maintindihan ito. Masasabi ringpinapakinggan natin siya kapag nakikinig tayong mabu-ti sa mga pulong. Kung paanong nananatiling malapıtang mga anak sa magulang nila kapag lagi silang magka-usap, mananatili rin tayong malapıt kay Jehova kapaglagi natin siyang kinakausap at pinapakinggan.

5 Pag-isipan kung paano ka nakikipag-usap kay Jeho-va. Gusto niyang ibuhos natin ang laman ng ating pusokapag nananalangin. (Awit 62:8) Pag-isipan natin angtanong na ito: ‘Ang mga panalangin ko ba ay mababawat paulit-ulit, o taimtim at mula sa puso?’ Siguradongmahal na mahal mo si Jehova at gusto mong panatili-hing malapıt ang kaugnayan mo sa kaniya. Para maga-wa iyan, dapat na lagi kayong nag-uusap. Sabihin sa ka-niya ang mga bagay na hindi mo masabi sa iba, pati naang mga nagpapasaya at nagpapalungkot sa iyo. Puwe-de kang humingi ng tulong sa kaniya.

6 Para manatiling malapıt sa ating Ama sa langit, da-pat tayong maging mapagpasalamat. Sang-ayon tayo sasinabi ng salmista: “Napakarami mong ginawa, O Jeho-va na aking Diyos, ang iyong kamangha-manghang mgagawa at ang mga iniisip mo para sa amin.Walang maiku-kumpara sa iyo; subukan ko mang sabihin ang tungkolsa mga iyon, hindi ko mababanggit ang lahat ng iyon da-

5. Paano natin mapapasulong ang ating mga panalangin?6. Ano ang dapat nating gawin para manatiling malapıt sa atingAma sa langit?

Page 19: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 19

hil sa dami!” (Awit 40:5) Ang pasasalamat kay Jehovaay hindi lang basta nasa loob natin; ipinapakita rin na-tin ito sa salita at gawa. Kaya nga ibang-iba tayo sa mgatao sa ngayon. Marami sa ngayon ang hindi nagpapaha-laga sa ginagawa ng Diyos para sa kanila. Sa katunayan,ang isang palatandaan na nabubuhay na tayo sa “mgahuling araw” ay ang pagiging walang utang na loob ngmga tao. (2 Tim. 3:1, 2) Ayaw nating maging gaya nila!

7 Ayaw ng mga magulang na nag-aaway ang mga anaknila; gusto nilang maging magkakaibigan ang mga ito.Ganiyan din ang gusto ni Jehova. Ang totoo, ang pag-ibig natin sa isa’t isa ang katibayan na tayo ay tunay namga Kristiyano. (Juan 13:35) Sinabi nga ng salmista:“Napakabuti at napakaganda na ang magkakapatid aymagkakasama at nagkakaisa!” (Awit 133:1) Kapag ma-hal natin ang mga kapatid, pinapatunayan natin kay Je-hova na mahal natin siya. (1 Juan 4:20) Nakakatuwangang maging bahagi ng isang pamilya na “mabait . . .sa isa’t isa at tunay na mapagmalasakit”!—Efe. 4:32.

MAGING MASUNURIN8 Inaasahan ni Jehova na susundin ng mga anak ang

kanilang magulang, at inaasahan din niyang susundinnatin siya. (Efe. 6:1) Dapat lang natin siyang sundin

7. Ano ang gusto ni Jehova na gawin natin, at bakit?8. Ayon sa 1 Juan 5:3, ano ang pangunahing dahilan kung bakit na-tin sinusunod si Jehova?

Page 20: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

dahil siya ang ating Maylalang, ang Tagatustos ng bu-hay, at ang pinakamatalino sa lahat ng magulang. Peroang pangunahing dahilan kung bakit natin siya sinusu-nod ay dahil mahal natin siya. (Basahin ang 1 Juan5:3.) Maraming dahilan kung bakit dapat tayong sumu-nod kay Jehova, pero hindi niya tayo pinipilit na gawiniyan. Binigyan niya tayo ng kalayaang magpasiya, kayanatutuwa siya kapag sumusunod tayo sa kaniya dahil sapag-ibig.

9 Gusto ng mga magulang na maging ligtas ang mgaanak nila. Kaya naman nagtatakda sila ng mga pataka-ran para protektahan ang mga ito. Kapag sinusunod itong mga anak, ipinapakita nilang may tiwala at pagga-

9-10. Bakit mahalagang malaman kung ano ang mga pamantayanng Diyos at sundin ang mga ito?

Page 21: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

lang sila sa mga magulang nila. Lalo ngang mahalaga namalaman natin ang mga pamantayan ni Jehova at su-munod sa mga ito. Kapag ginawa natin iyan, ipinapaki-ta nating si Jehova ay mahal natin at iginagalang, at na-kikinabang din tayo. (Isa. 48:17, 18) Pero ang mga hindisumusunod kay Jehova at sa mga pamantayan niya aynapapahamak.—Gal. 6:7, 8.

10 Kung mamumuhay tayo sa paraang gusto ni Jeho-va, mapoprotektahan tayo sa pisikal, emosyonal, at es-pirituwal na paraan. Alam ni Jehova kung ano ang pina-kamabuti para sa atin. Sinabi ni Aurora, na taga-UnitedStates, “Ang pagsunod kay Jehova ang pinakamabutipara sa atin.” Totoo iyan para sa ating lahat. Hindi banakinabang ka na rin sa pagsunod sa mga pamantayanni Jehova?

Ipinapakita natingmahal na mahal natinang ating Ama salangit, si Jehova,kapag lagi tayongnananalangin sa kaniya,kapag sumusunod tayosa kaniya, at kapagtinutulungan natin angiba na mahalin siya(Tingnan ang parapo 4-14)

21

Page 22: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

22 ANG BANTAYAN

11 Matutulungan tayo ng panalangin na sumunod ka-hit mahirap. Minsan, nahihirapan tayong sundin si Je-hova dahil hindi tayo perpekto, pero dapat tayong mag-sikap. Nakiusap sa Diyos ang salmista: “Bigyan mo akong pagnanais na sundin ka.” (Awit 51:12) Sinabi ni De-nise, isang regular pioneer, “Kapag nahihirapan akongsundin ang utos ni Jehova, humihingi ako sa kaniyang lakas para magawa ang tama.” Makakatiyak tayonglaging sasagutin ni Jehova ang ganiyang panalangin.—Luc. 11:9-13.

TULUNGAN ANG IBA NAMAHALIN ANG ATING AMA

12 Basahin ang Efeso 5:1. Bilang “minamahal na mgaanak” ni Jehova, ginagawa natin ang lahat para tularansiya. Natutularan natin siya kapag mapagmahal, maba-it, at mapagpatawad tayo sa iba. Kapag nakikita ng mgahindi nakakakilala sa Diyos ang mabuting paggawi na-tin, gugustuhin nilang mas matuto pa tungkol sa ka-niya. (1 Ped. 2:12) Dapat magsikap ang Kristiyanongmga magulang na tularan ang pakikitungo ni Jehova saatin. Kapag ginawa nila iyan, gugustuhin din ng mgaanak nila na maging kaibigan si Jehova.

13 Ipinagmamalaki ng isang bata ang tatay niya, at

11. Paano tayo natutulungan ng panalangin?12. Ayon sa Efeso 5:1, ano ang dapat nating gawin?13. Ano ang dapat nating gawin para lumakas ang loob natin?

Page 23: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 23

gustong-gusto niya siyang ikuwento sa iba. Ipinagma-malaki rin natin ang ating Ama sa langit, si Jehova, atgusto nating makilala siya ng iba. Gusto nating lahat nagawin ang sinabi ni Haring David: “Ipagmamalaki ko siJehova.” (Awit 34:2) Pero paano kung mahiyain tayo?Lalakas ang loob natin kapag inisip nating mapapasayanatin si Jehova kapag ipinapakilala natin siya sa iba atna makikinabang ang iba kapag nakilala nila siya. Ibibi-gay ni Jehova ang lakas ng loob na kailangan natin. Ti-nulungan niya ang mga Kristiyano noon na maging ma-lakas ang loob, at tutulungan niya rin tayo.—1 Tes. 2:2.

14 Hindi nagtatangi si Jehova, at natutuwa siya kapagnagpapakita tayo ng pag-ibig sa iba, anuman ang pinag-mulan nila. (Gawa 10:34, 35) Ang isa sa pinakamagan-dang paraan para magawa ito ay ang pagbabahagi sa ka-nila ng mabuting balita. (Mat. 28:19, 20) Ano angpuwedeng maging epekto nito sa mga makikinig? Mag-kakaroon sila ng mas makabuluhang buhay sa ngayonat ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan sa hi-naharap.—1 Tim. 4:16.

MAHALIN ANG ATING AMAAT MAGING MASAYA

15 Si Jehova ay isang mapagmahal na Ama, at gustoniyang maging masaya ang pamilya niya. (Isa. 65:14)

14. Bakit dapat tayong makibahagi sa paggawa ng mga alagad?15-16. Ano-ano ang dahilan natin para maging masaya?

Page 24: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

Maraming dahilan para maging masaya tayo ngayon ka-hit napakaraming problema. Halimbawa, sigurado ta-yong mahal na mahal tayo ng ating Ama. May tumpakna kaalaman tayo sa Salita ng Diyos, ang Bibliya. (Jer.15:16) At bahagi tayo ng isang espesyal na pamilya naumiibig kay Jehova, sumusunod sa mga pamantayanniya, at may pagmamahal sa isa’t isa.—Awit 106:4, 5.

16 Masaya tayo kasi alam nating mas gaganda pa angbuhay natin sa hinaharap. Alam nating malapit nangalisin ni Jehova ang masasama at sa pamamagitan ngkaniyang Kaharian, gagawin niyang Paraiso ang bu-ong lupa. Taglay rin natin ang napakagandang pag-asana bubuhaying muli ang mga namatay nating mahal sabuhay at makakasama natin sila ulit. (Juan 5:28, 29) Si-guradong napakasaya niyan! At higit sa lahat, siguradotayong darating ang panahon na ang lahat ng nasa la-ngit at lupa ay magpaparangal, pupuri, at sasamba saating mapagmahal na Ama.

BAKIT DAPAT TAYONG . . .

˛ manalangin lagi? ˛ sumunod kayJehova?

˛ makibahagi sapaggawa ngmga alagad?

AWIT 12Dakilang Diyos, Jehova

Page 25: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

25

ARALINGARTIKULO 8

Labanan ang Inggitat Itaguyod angKapayapaan“Itaguyod natin ang mga bagay na nagdudulot ngkapayapaan at nakapagpapatibay sa isa’t isa.”—ROMA 14:19.

AWIT 113Ang Taglay Nating Kapayapaan

NILALAMANMay kapayapaan sa organisasyon ni Jehova. Peropuwedeng mawala ang kapayapaang ito kapag pumasokang inggit. Tatalakayin natin sa artikulong ito ang mgadahilan ng pagkainggit. Tatalakayin din natin kung paanolalabanan ang masamang ugaling ito at kung paanoitataguyod ang kapayapaan.

Page 26: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

26 ANG BANTAYAN

MAHAL ni Jacob ang lahat ng anak niya, pero espes-yal ang pagmamahal niya sa 17-anyos na si Jose. Anoang naging epekto nito sa mga kapatid ni Jose? Naing-git sila sa kaniya at nainis.Wala namang ginawang ma-sama si Jose sa mga kapatid niya para magalit sila.Pero ipinagbili pa rin nila siya sa pagkaalipin at sinabinila sa tatay nila na pinatay ng isang mabangis na ha-yop ang paborito nitong anak. Dahil sa inggit, nawalaang kapayapaan ng pamilya at nasaktan nila ang kani-lang ama.—Gen. 37:3, 4, 27-34.

2 Sa Kasulatan, ang inggit� ay isa sa nakamamatayna “mga gawa ng laman” na puwedeng maging dahilanpara ang isang tao ay hindi magmana ng Kaharianng Diyos. (Basahin ang Galacia 5:19-21.) Madalasna ito ang ugat ng alitan, pag-aaway, at pagsiklab nggalit.

3 Makikita sa ginawa ng mga kapatid ni Jose na anginggit ay posibleng makasira sa ugnayan ng pamilya atmag-alis ng kapayapaan. Siyempre, hindi natin gaga-win ang ginawa ng mga kapatid ni Jose, pero hindi tayo

� KARAGDAGANG PALIWANAG: Gaya ng sinasabi sa Bibliya, ang ing-git ay hindi lang mag-uudyok sa isang tao na hangarin ang isang ba-gay na taglay ng iba, kundi gagawa rin siya ng paraan para mawala itosa kapuwa niya.

1. Ano ang nangyari sa pamilya ni Jose dahil sa inggit?2. Ayon sa Galacia 5:19-21, bakit mapanganib ang inggit?3. Ano ang tatalakayin sa artikulong ito?

Page 27: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

perpekto at mapandaya ang puso natin. (Jer. 17:9)Kaya talagang makakaramdam tayo ng inggit pamin-san-minsan. Balikan natin ang ilang babalang halimba-wa sa Bibliya para makita natin kung ano ang mgaposibleng dahilan ng pagkainggit. Pagkatapos, tatala-kayin natin ang ilang praktikal na paraan para malaba-nan ito at maitaguyod ang kapayapaan.

ILANG DAHILAN NGPAGKAINGGIT SA KAPUWA

4 Dahil mayaman siya.Mayaman si Isaac, at nainggitang mga Filisteo dahil dito. (Gen. 26:12-14) Tinabu-nan pa nga nila ang mga balon na pinagkukunan niIsaac ng tubig para sa mga alaga niyang hayop. (Gen.26:15, 16, 27) Gaya ng mga Filisteo, may mga tao rinsa ngayon na naiinggit sa iba na mas marami ang ari-arian kaysa sa kanila. Hindi lang nila gustong magka-roon ng mga bagay na taglay ng iba; gumagawa rinsila ng paraan para mawala ang mga ito sa kapuwanila.

5 Dahil gustong-gusto siya ng mga tao. Nainggit kayJesus ang mga Judiong lider ng relihiyon dahil gustong-gusto siya ng mga tao. (Mat. 7:28, 29) Si Jesus angkinatawan ng Diyos, at itinuturo niya ang katotoha-nan. Sa kabila nito, nagkalat pa rin ng kasinungalingan

4. Bakit nainggit kay Isaac ang mga Filisteo?5. Bakit nainggit kay Jesus ang mga lider ng relihiyon?

PEBRERO 2020 27

Page 28: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

ang mga lider na ito para siraan siya. (Mar. 15:10; Juan11:47, 48; 12:12, 13, 19) Anong aral ang matututu-han natin dito? Dapat nating labanan ang anumangtendensiyang mainggit sa mga kapatid na napamahalsa kongregasyon dahil sa kanilang mga katangian. Sahalip, pagsikapan natin silang tularan.—1 Cor. 11:1;3 Juan 11.

6 Dahil sa pribilehiyo niya. Noong unang siglo, naing-git si Diotrepes sa mga nangunguna sa kongregasyongKristiyano. Gusto niyang “maging pinakaprominente”sa kongregasyon, kaya siniraan niya si apostol Juan atang iba pang kapatid. (3 Juan 9, 10) Hindi naman na-tin gagawin ang ginawa ni Diotrepes, pero baka maing-git din tayo sa isang kapatid na nabigyan ng isang atasna inaasam natin—lalo na kung iniisip nating kuwalipi-kado rin naman tayo sa pribilehiyong iyon.

7 Ang inggit ay parang panirang-damo. Kapag nag-ugat na ito sa puso natin, mahirap na itong bunutin.Kapag tayo ay mayabang, makasarili, at madaling mag-selos, lalong tumitindi ang inggit sa puso natin. Gayang panirang-damo, sasakalin nito ang magagandangkatangiang gaya ng pag-ibig, habag, at kabaitan. Kayakapag napansin nating tumutubo na ang inggit sa atingpuso, bunutin ito agad. Paano natin malalabanan anginggit?

6. Paano ipinakita ni Diotrepes na naiinggit siya?7. Ano ang posibleng maging epekto sa atin ng inggit?

28 ANG BANTAYAN

Page 29: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 29

MAGING MAPAGPAKUMBABAAT KONTENTO

8 Malalabanan natin ang inggit kung mapagpakum-baba tayo at kontento. Kapag ang puso natin ay punong mga katangiang ito, mawawalan na ng lugar ang ing-git. Makakatulong ang kapakumbabaan para hindi ma-ging masyadong mataas ang tingin natin sa ating sari-li. Hindi iisipin ng isang mapagpakumbabang tao namas mahalaga siya kaysa sa iba. (Gal. 6:3, 4) Ang isangtaong kontento ay masaya na sa anumang mayroonsiya, at hindi niya ikinukumpara sa iba ang sarili niya.(1 Tim. 6:7, 8) Ang mapagpakumbaba at kontentongtao ay masaya kapag may nangyayaring maganda sa ka-puwa niya.

9 Kailangan natin ang tulong ng banal na espiritu niJehova para maiwasan ang inggit at malinang ang ka-pakumbabaan at pagkakontento. (Basahin ang Galacia5:16; Filipos 2:3, 4.) Matutulungan tayo ng banal naespiritu na suriin ang ating kaisipan at motibo. Sa tu-long ng Diyos, mapapalitan ng mabuti ang masasamanating kaisipan at saloobin. (Awit 26:2; 51:10) Tingnannatin ang halimbawa nina Moises at Pablo, mga lala-king napaglabanan ang tendensiyang mainggit.

8. Anong mga katangian ang makakatulong para malabanan anginggit?9. Ayon sa Galacia 5:16 at Filipos 2:3, 4, paano tayo matutulunganng banal na espiritu?

Page 30: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

Ang puso natin ay parang lupa,at ang ating magagandangkatangian ay parang magagandangbulaklak. Pero ang inggit ayparang panirang-damo.

Sasakalin ng inggit angmagagandang katangianggaya ng pag-ibig, habag,at kabaitan(Tingnan ang parapo 7)

Paano natin malalabanan ang inggit?Sa tulong ng banal na espiritu ngDiyos, magagawa nating bunutinang inggit at palitan ito ngkapakumbabaan at pagkakontento(Tingnan ang parapo 8-9)

Page 31: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 31

10 Napakalaki ng awtoridad ni Moises sa bayan ngDiyos, pero hindi niya ipinagdamot ang pribilehiyongiyan. Halimbawa, may pagkakataong kumuha si Jeho-va ng ilang bahagi ng banal na espiritu mula kay Moi-ses para ibigay sa isang grupo ng matatandang lalakisa Israel na nakatayo malapit sa tolda ng pagpupu-long. Di-nagtagal, nabalitaan ni Moises na may dala-wa pang matanda na hindi pumunta sa tolda, pero tu-manggap din ng banal na espiritu at nagsimulanggumawi na parang mga propeta. Ano ang ginawa niyanang hilingan siya ni Josue na pigilan ang dalawangiyon? Hindi nainggit si Moises sa atensiyong ibinigayni Jehova sa dalawang lalaki. Dahil mapagpakumbabasiya, nakisaya siya sa natanggap nilang pribilehiyo.(Bil. 11:24-29) Anong aral ang matututuhan natin kayMoises?

11 Kung isa kang elder, nahilingan ka na bang sana-yin ang iba para sa isang pribilehiyong mahal na mahalmo? Halimbawa, baka napakahalaga sa iyo ng panga-ngasiwa sa Pag-aaral sa Bantayan. Pero kung mapagpa-kumbaba kang gaya ni Moises, hindi mo iisiping hindika na mahalaga kapag hinilingan kang sanayin ang ibapara gampanan ang pribilehiyong ito. Sa halip, masa-ya mong tutulungan ang iyong kapatid.

10. Anong pangyayari ang puwede sanang sumubok kay Moises?(Tingnan ang larawan sa pabalat.)11. Paano matutularan ng mga elder si Moises?

Page 32: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

32 ANG BANTAYAN

12 Tingnan natin ang isa pang sitwasyong napapaha-rap sa maraming brother na nagkakaedad na. Sa loobng maraming taon, naglilingkod sila bilang mga koor-dineytor ng lupon ng matatanda. Pero kapag 80 anyosna sila, kusa nilang binibitiwan ang kanilang atas. Ma-pagpakumbaba ring binibitiwan ng mga tagapangasiwa

12. Paano naipapakita ng maraming Kristiyano sa ngayon ang pag-kakontento at kapakumbabaan?

Paano matutularan ng mga elder ang kapakumbabaan ni Moises?(Tingnan ang parapo 11-12)

Page 33: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 33

ng sirkito na 70 anyos na ang pribilehiyo nila at tina-tanggap ang bagong atas sa paglilingkod. At nitong na-karaang mga taon, maraming Bethelite sa buong mun-do ang tumanggap ng bagong atas sa labas ng Bethel.Ang tapat na mga kapatid na ito ay hindi naghihinana-kit sa mga pumalit sa kanila.

13 Si apostol Pablo ay isa ring magandang halimbawasa pagkakontento at kapakumbabaan. Hindi niya hina-yaang tumubo ang inggit sa puso niya. Masigasig siyasa ministeryo, pero mapagpakumbaba niyang sinabi:“Ako ang pinakamababa sa mga apostol, at hindi akokarapat-dapat tawaging apostol.” (1 Cor. 15:9, 10) Na-kasama ni Jesus ang 12 apostol sa kaniyang minister-yo sa lupa, pero naging Kristiyano lang si Pablo mata-pos buhaying muli si Jesus. Naatasan si Pablo bilang“apostol para sa ibang mga bansa,” pero hindi siya na-bigyan ng espesyal na pribilehiyong maging isa sa 12apostol. (Roma 11:13; Gawa 1:21-26) Imbes na maing-git sa kanila at sa malapıt na pakikipagsamahan nilakay Jesus, nanatiling kontento si Pablo sa atas niya.

14 Kung kontento tayo at mapagpakumbaba, tutula-ran natin si Pablo at igagalang natin ang mga binig-yan ni Jehova ng awtoridad. (Gawa 21:20-26) Inata-san niya ang mga elder na manguna sa kongregasyong

13. Bakit puwede sanang mainggit si Pablo sa 12 apostol?14. Ano ang gagawin natin kung kontento tayo at mapagpakum-baba?

Page 34: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

34 ANG BANTAYAN

Kristiyano. Kahit hindi sila perpekto, itinuturing sila niJehova “bilang regalo.” (Efe. 4:8, 11) Kapag iginagalangnatin ang mga naatasang lalaking ito at mapagpakum-babang sinusunod ang kanilang tagubilin, mapapanatilinatin ang malapıt na kaugnayan kay Jehova at ang ka-payapaan sa kongregasyon.

‘ITAGUYOD ANG MGA BAGAYNA NAGDUDULOT NG KAPAYAPAAN’

15 Walang kapayapaan kapag may inggitan. Kaila-ngan nating bunutin ang inggit sa ating puso at iwa-sang maging dahilan para mainggit ang iba. Kailangannating gawin ang mga ito para masunod ang utos ni Je-hova na ‘itaguyod ang mga bagay na nagdudulot ngkapayapaan at nakapagpapatibay sa isa’t isa.’ (Roma14:19) Ano ang puwede nating gawin para tulungan angiba na malabanan ang inggit, at paano natin maitata-guyod ang kapayapaan?

16 Ang ating saloobin at pagkilos ay maaaring mag-karoon ng malaking epekto sa iba. Gusto ng sanlibutanna ‘ipagyabang’ natin ang ating mga pag-aari. (1 Juan2:16) Pero nagtataguyod iyan ng inggit. Maiiwasan na-ting maging dahilan ng pagkainggit ng iba kung hindinatin laging babanggitin ang tungkol sa mga pag-aarinatin o mga planong bilhin. Maiiwasan din natin iyan

15. Ano ang kailangan nating gawin?16. Paano natin tutulungan ang iba na malabanan ang inggit?

Page 35: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 35

kung hindi natin ipagyayabang ang mga pribilehiyo na-tin sa kongregasyon. Kapag lagi nating binabanggit angmga pribilehiyo natin, para tayong nagbubungkal nglupa na pagsisibulan ng inggit. Pero kapag nagpapaki-ta tayo ng interes sa iba at nagpapahalaga sa magan-dang ginagawa nila, natutulungan natin silang magingkontento, at naitataguyod natin ang pagkakaisa at ka-payapaan sa loob ng kongregasyon.

17 Madaraig natin ang inggit! Balikan natin ang ha-limbawa ng mga kapatid ni Jose. Maraming taon mata-pos nilang maltratuhin si Jose, nagkita ulit sila saEhipto. Bago magpakilala si Jose sa mga kapatid niya,sinubok muna niya kung nagbago na sila. Nagpahandasiya ng pagkain, at binigyan niya ang bunsong si Ben-jamin ng mas maraming pagkain kaysa sa ibang kapa-tid niya. (Gen. 43:33, 34) Pero hindi nainggit kay Ben-jamin ang mga kapatid niya. Sa halip, nagpakita sila ngmalasakit sa kapatid nila at sa ama nilang si Jacob.(Gen. 44:30-34) Naibalik ng mga kapatid ni Jose angkapayapaan sa kanilang pamilya dahil wala na ang ing-git sa puso nila. (Gen. 45:4, 15) Kung bubunutin dinnatin ang inggit sa ating puso, mapapanatili natin angkapayapaan sa pamilya at sa kongregasyon.

18 Gusto ni Jehova na labanan natin ang inggit at

17. Ano ang nagawa ng mga kapatid ni Jose, at bakit?18. Kaayon ng Santiago 3:17, 18, ano ang mangyayari kapag itina-guyod natin ang kapayapaan?

Page 36: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

itaguyod ang kapayapaan. Dapat nating pagsikapangmagawa ang mga bagay na iyan. Gaya ng tinalakay saartikulong ito, may tendensiya tayong mainggit. (Sant.4:5) At ang mundong kinabubuhayan natin ay nagtata-guyod ng inggit. Pero kung tayo ay mapagpakumbaba,kontento, at mapagpahalaga, mawawalan na ng lugarang inggit. Sa halip, maitataguyod natin ang kapayapa-an na pagmumulan ng magagandang katangian.—Basa-hin ang Santiago 3:17, 18.

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

LARAWAN Pahina 32: Sa isang miting ng mga elder, hinilingan angmay-edad nang brother na tagapangasiwa sa Pag-aaral sa Bantayanna sanayin ang isang nakababatang elder para sa pribilehiyong iyon.Mahal ng may-edad nang brother ang atas niya pero buong puso siyangsumunod sa desisyon ng mga elder. Binigyan niya ang nakababatangelder ng praktikal na mga mungkahi at taimtim na komendasyon.

PAANO MO SASAGUTIN?

˛ Paano makakatu-long sa atin angbanal na espiritupara malabananang inggit?

˛ Paano makakatu-long sa atin angpagkakontento atkapakumbabaanpara malabananang inggit?

˛ Paano makakatu-long ang pagka-karoon natin ngtamang saloobinpara malabananng iba ang inggit?

AWIT 130Maging Mapagpatawad

Page 37: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

37

ARALINGARTIKULO 9

Hayaan MongPaginhawahin Kani Jehova“Noong maraming gumugulo sa isip ko, pinayapa moang kalooban ko at pinaginhawa mo ako.”—AWIT 94:19.

AWIT 44Panalangin ng Nanghihina

NILALAMANLahat tayo ay nakaranas nang mag-alala dahil samga problema. Tatalakayin sa artikulong ito angtatlong lingkod ni Jehova noon na sobrang nag-alala.Tatalakayin din dito kung paano pinayapa atpinaginhawa ni Jehova ang kalooban nila.

Page 38: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

38 ANG BANTAYAN

NARANASANmo na bang sobrang mag-alala?� Baka na-saktan ka dahil sa sinabi o ginawa ng iba. O baka namannag-aalala ka dahil sa nasabi o nagawa mo sa iba. Ha-limbawa, baka may nagawa kang pagkakamali at nag-aalala kang hindi ka na mapapatawad ni Jehova. At bakanga maisip mong kaya sobra kang nag-aalala ay dahilmahina ang pananampalataya mo at masamang tao ka.Pero totoo ba iyan?

2 Pag-isipan ang ilang halimbawa sa Bibliya. Matibayang pananampalataya ni Hana, na naging ina ni prope-ta Samuel. Pero naapektuhan pa rin siya ng masamangpagtrato sa kaniya ng isang miyembro ng sambahayannila. (1 Sam. 1:7) Matatag ang pananampalataya niapostol Pablo, pero labis siyang ‘nag-alala para sa lahatng kongregasyon.’ (2 Cor. 11:28) Malakas ang pananam-palataya ni Haring David kaya mahal na mahal siya niJehova. (Gawa 13:22) Pero nabagabag siya nang hustodahil sa mga pagkakamali niya. (Awit 38:4) Lahat silaay pinayapa at pinaginhawa ni Jehova. Tingnan natin

� KARAGDAGANG PALIWANAG: Ang pag-aalala ay ang pagkadama ngtakot o pagkabahala dahil sa isang bagay. Puwedeng dahil ito sa prob-lema sa pinansiyal, pagkakasakit, problema sa pamilya, o iba pang ala-lahanın. Baka nababagabag din tayo sa mga nagawa nating pagkaka-mali o nag-aalala sa mga problemang posibleng mapaharap sa atin.

1. Bakit tayo nag-aalala, at paano tayo naaapektuhan nito?2. Anong mga halimbawa sa Bibliya ang nagpapakitang ang pag-aalala ay hindi nangangahulugang mahina ang ating pananampa-lataya?

Page 39: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

kung ano ang matututuhan natin sa mga halimbawanila.

ANG MATUTUTUHAN NATIN KAY HANA3 Kapag pinagsalitaan o ginawan tayo ng masama,

baka malungkot tayo o masaktan. Totoo iyan lalo na ka-pag ang gumawa nito ay malapıt nating kaibigan o ka-pamilya. Baka mag-alala tayong nasira na ang kaugna-yan natin sa taong iyon. Minsan naman, nasasaktantayo ng padalos-dalos na pagsasalita ng iba, at pakiram-dam natin, para na rin niya tayong sinaksak ng espada!(Kaw. 12:18) O baka sinasadya naman ng iba na saktantayo gamit ang mapanirang pananalita. Nangyari iyansa isang kabataang sister. “Ilang taon na ang nakakara-an,” ang sabi niya, “isang taong itinuturing kong kaibi-gan ang nagkalat ng tsismis tungkol sa akin online. Na-lungkot ako at nasaktan. Hindi ko maintindihan kungbakit niya nagawa sa akin iyon.” Kung nasaktan ka ngisang malapıt na kaibigan o kapamilya, marami kangmatututuhan kay Hana.

4 Napaharap si Hana sa mahihirap na sitwasyon. Saloob ng maraming taon, hindi siya magkaanak. (1 Sam.1:2) Para sa mga Israelita, ang isang babaeng baog ayisinumpa. Kaya kahihiyan ito para kay Hana. (Gen. 30:

3. Bakit tayo nasasaktan o nag-aalala kapag pinagsasalitaan tayong masama?4. Anong mahihirap na sitwasyon ang napaharap kay Hana?

PEBRERO 2020 39

Page 40: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

40 ANG BANTAYAN

1, 2) Lalo pang nagpahirap kay Hana si Penina, ang isapang asawa ng mister niya, na may mga anak. Karibalang tingin ni Penina kay Hana at ‘lagi siyang iniinsultonito para pasamain ang loob niya.’ (1 Sam. 1:6) Noonguna, lungkot na lungkot si Hana sa sitwasyon niya. Sasobrang sama ng loob, “umiiyak siya at hindi kumaka-in.” Naging “napakabigat ng kalooban” niya. (1 Sam. 1:7, 10) Ano ang nakatulong kay Hana?

5 Ibinuhos ni Hana kay Jehova ang lahat ng nararam-daman niya. Pagkatapos manalangin, ipinaliwanag niyaang sitwasyon niya sa mataas na saserdoteng si Eli. Si-nabi ni Eli: “Umuwi kang payapa, at ibigay nawa ngDiyos ng Israel ang hiniling mo.” Ano ang resulta? SiHana ay “umalis na at kumain, at nawala na ang lungkotsa mukha niya.” (1 Sam. 1:17, 18) Nakatulong kay Hanaang panalangin para maging payapa ang kalooban niya.

6 Magiging payapa ang kalooban natin kung magmama-tiyaga tayo sa pananalangin. Matagal na nanalangin siHana kay Jehova. (1 Sam. 1:12) Puwede rin tayong ma-nalangin nang matagal kay Jehova at sabihin sa kaniyaang ating mga alalahanın, ikinatatakot, at kahinaan.Hindi rin natin kailangang maging makata o sobrangpormal kapag nananalangin. Baka nga makapagsalita patayo nang padalos-dalos habang umiiyak. Pero hindi ma-

5. Paano nakatulong kay Hana ang panalangin?6. Ano-anong aral tungkol sa pananalangin ang matututuhan na-tin kay Hana at sa Filipos 4:6, 7?

Page 41: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 41

papagod si Jehova na pakinggan tayo. Bukod sa panana-langin tungkol sa mga problema natin, kailangan din na-ting tandaan ang payo sa Filipos 4:6, 7. (Basahin.) Es-pesipikong binanggit ni Pablo na kailangan nating isamasa panalangin ang pasasalamat. Napakarami nating da-hilan para magpasalamat kay Jehova. Halimbawa, puwe-de natin siyang pasalamatan sa regalo niyang buhay, samagagandang gawa niya, sa kaniyang tapat na pag-ibig,at sa pag-asang ibinigay niya sa atin. Ano pa ang matu-tutuhan natin kay Hana?

7 Sa kabila ng pinagdadaanan niya, regular pa ring su-masama si Hana sa asawa niya papunta sa lugar ng pag-samba kay Jehova sa Shilo. (1 Sam. 1:1-5) Nasa ta-bernakulo si Hana nang patibayin siya ng mataas nasaserdoteng si Eli. Sinabi nito sa kaniya na pakinggansana ni Jehova ang panalangin niya.—1 Sam. 1:9, 17.

8 Magiging payapa ang kalooban natin kung patuloy ta-yong dadalo sa mga pulong. Sinisimulan sa panalanginang ating mga pulong, at kadalasan nang kasama ritoang paghiling ng banal na espiritu. Ang kapayapaan ayisa sa mga katangian na bunga ng espiritu. (Gal. 5:22)Kapag dumadalo tayo sa mga pulong kahit nai-stresstayo, binibigyan natin ng pagkakataon si Jehova at angating mga kapatid na patibayin tayo at tulungan tayongmagkaroon ng payapang isip at puso. Ang panalangin at

7. Ano ang regular na ginagawa ni Hana at ng kaniyang asawa?8. Anong tulong ang nakukuha natin sa mga pulong? Ipaliwanag.

Page 42: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

42 ANG BANTAYAN

mga pulong ay ilan sa pangunahing paraan na ginaga-mit ni Jehova para paginhawahin tayo. (Heb. 10:24, 25)Bukod diyan, may isa pa tayong matututuhan kay Hana.

9 Hindi agad nawala ang mga problema ni Hana. Pag-uwi niya mula sa tabernakulo, kasama pa rin niya sa ba-hay si Penina. At walang pahiwatig sa Bibliya na nagba-go ang pagtrato sa kaniya ni Penina. Kaya malamang nakailangan pa rin niyang tiisin ang masasakit na sali-ta nito. Pero naging payapa na ang kalooban ni Hana.Tandaan na noong ipinaubaya na niya kay Jehova angproblema, hindi na siya nag-alala. Hinayaan niyang pa-

9. Ano ang hindi nagbago sa kalagayan ni Hana, pero ano ang na-katulong sa kaniya?

Gaya ni Hana, paano natin maibabalik atmapapanatili ang kapayapaan ng kalooban?

(Tingnan ang parapo 6-10)

Page 43: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 43

yapain ni Jehova ang kalooban niya at paginhawahinsiya. Di-nagtagal, sinagot ni Jehova ang panalangin niHana at binigyan siya ng mga anak.—1 Sam. 1:19, 20;2:21.

10 Puwede pa ring maging payapa ang kalooban natinkahit hindi nawawala ang problema. Kahit na taimtim ta-yong nananalangin at regular na dumadalo sa pulong,maaaring hindi pa rin mawala ang ilang problema. Perosa halimbawa ni Hana, natutuhan natin na walang ma-kakapigil kay Jehova na paginhawahin tayo. Alam niyaang mga pinagdadaanan natin, at gagantimpalaan niyatayo dahil hindi tayo sumuko.—Heb. 11:6.

ANG MATUTUTUHAN NATIN KAY APOSTOL PABLO11 Maraming dahilan si Pablo para mag-alala. Halim-

bawa, dahil mahal niya ang mga kapatid niya, nag-alalasiya sa mga problemang napapaharap sa kanila. (2 Cor.2:4; 11:28) Bilang apostol, napaharap si Pablo sa mgamang-uusig na bumugbog at nagpabilanggo sa kaniya.Naging “kapos” din siya, na posibleng maging dahilanng pag-aalala. (Fil. 4:12) Sa mga paglalakbay niya, mgatatlong beses na nawasak ang barkong sinasakyan niya,kaya malamang na alalang-alala siya tuwing sumasakayng barko. (2 Cor. 11:23-27) Paano hinarap ni Pablo angmga ito?

10. Ano ang natutuhan natin kay Hana?11. Ano ang mga dahilan ng pag-aalala ni Pablo?

Page 44: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

44 ANG BANTAYAN

12 Nag-aalala si Pablo sa mga kapatid niya kapag na-papaharap sila sa problema, pero hindi niya sinubukanna solusyunang mag-isa ang lahat ng problema nila. Ma-pagpakumbaba si Pablo. Humingi siya ng tulong sa iba.Halimbawa, ipinagkatiwala niya ang ibang pananagutansa mga maaasahang lalaking gaya nina Timoteo at Tito.Talagang nakatulong sila para mabawasan ang pag-aala-la ni Pablo.—Fil. 2:19, 20; Tito 1:1, 4, 5.

13 Humingi ng tulong sa iba. Gaya ni Pablo, maramingmapagmahal na elder sa ngayon ang nag-aalala sa mgakapatid na napapaharap sa mga problema. Pero hindikayang tulungan ng isang elder ang lahat sa kongregas-yon. Dahil sa kapakumbabaan, hihingi siya ng tulong saibang kuwalipikadong brother at magsasanay siya ngmga kabataan na tutulong sa kaniya sa pag-aasikaso sakawan ng Diyos.—2 Tim. 2:2.

14 Aminin na kailangan mo ng pampatibay. Mapagpa-kumbaba si Pablo, at alam niyang kailangan niya ngpampatibay mula sa mga kaibigan niya. Hindi siya naba-hala na baka isipin ng iba na mahina siya dahil pinati-bay siya ng iba. Sa sulat niya kay Filemon, sinabi niPablo: “Tuwang-tuwa ako at talagang napatibay nangmarinig ko ang tungkol sa pag-ibig mo.” (Flm. 7) Bi-

12. Ano ang nakatulong para mabawasan ang pag-aalala ni Pablo?13. Paano matutularan ng mga elder si Pablo?14. Ano ang hindi ikinabahala ni Pablo, at ano ang matututuhannatin sa kaniya?

Page 45: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 45

nanggit din ni Pablo ang iba pa niyang kamanggagawana talagang nagpatibay sa kaniya noong panahong mayproblema siya. (Col. 4:7-11) Kapag mapagpakumbabatayo at inaamin nating kailangan natin ng pampatibay,matutuwa ang mga kapatid na ibigay ang suportang ka-ilangan natin.

15 Umasa sa Salita ng Diyos. Alam ni Pablo na mapa-patibay siya ng Kasulatan. (Roma 15:4) Mabibigyan dinsiya nito ng karunungan para maharap ang mga pagsu-bok. (2 Tim. 3:15, 16) Nang mabilanggo siya sa Roma sa

15. Ano ang ginawa ni Pablo noong nasa mahirap siyang sitwas-yon?

Gaya ni apostol Pablo, paano natinmaiiwasan ang sobrang pag-aalala?

(Tingnan ang parapo 13-15)

Page 46: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

46 ANG BANTAYAN

ikalawang pagkakataon, alam ni Pablo na malapit nasiyang patayin. Sa mahirap na sitwasyong iyon, ano angginawa niya? Sinabihan niya si Timoteo na pumuntaagad sa kaniya at dalhin ang “mga balumbon.” (2 Tim.4:6, 7, 9, 13) Bakit? Dahil ang mga balumbong iyon aymalamang na bahagi ng Hebreong Kasulatan na maga-gamit ni Pablo sa personal na pag-aaral ng Bibliya. Ka-pag regular tayong nag-aaral ng Bibliya gaya ni Pablo,gagamitin ni Jehova ang Kasulatan para paginhawahintayo—gaano man kahirap ang pinagdadaanan natin.

ANG MATUTUTUHAN NATIN KAY HARING DAVID16 Nakonsensiya si David sa nagawa niyang kasalanan.

Nangalunya siya kay Bat-sheba, gumawa siya ng paraanpara mamatay ang asawa nito, at sinubukan niyang ita-go ang kasalanan niya. (2 Sam. 12:9) Noong una, bina-le-wala ni David ang konsensiya niya. Kaya nasira angkaugnayan niya kay Jehova at sobra siyang nabagabagat nanghina. (Awit 32:3, 4) Ano ang nakatulong kay Da-vid na maharap ang pag-aalalang idinulot ng kasalananniya, at ano ang makakatulong sa atin kapag nakagawatayo ng malubhang pagkakasala?

17 Manalangin para sa kapatawaran. Nang bandanghuli, nanalangin si David kay Jehova. Sisıng-sisı si Da-

16. Ano ang naging epekto kay David ng kasalanan niya?17. Batay sa Awit 51:1-4, bakit natin masasabi na talagang nagsi-sisi si David?

Page 47: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 47

vid, at ipinagtapat niya ang mga kasalanan niya. (Basa-hin ang Awit 51:1-4.) Talagang naginhawahan siya sapaggawa nito! (Awit 32:1, 2, 4, 5) Kung may nagawakang malubhang kasalanan, huwag mo itong itago. Ipag-tapat mo ito kay Jehova sa panalangin. Magiginhawa-han ka, at mababawasan ang bigat ng kalooban mo.Pero kung gusto mong maibalik ang kaugnayan mo kayJehova, higit pa sa panalangin ang kailangan mo.

18 Tanggapin ang disiplina. Nang isugo ni Jehova sipropeta Natan para kausapin si David tungkol sa naga-wa niyang kasalanan, hindi nangatuwiran si David o

18. Paano tumugon si David sa disiplina?

Gaya ni Haring David, ano ang makakatulong sa atinkung may nagawa tayong malubhang kasalanan?

(Tingnan ang parapo 16-19)

Page 48: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

48 ANG BANTAYAN

nagsabing hindi naman ganoon kasama ang ginawaniya. Agad niyang inamin na nagkasala siya sa asawa niBat-sheba at lalo na kay Jehova. Tinanggap ni David angdisiplina mula kay Jehova, at pinatawad siya ni Jehova.(2 Sam. 12:10-14) Kung may nagawa tayong malubhangkasalanan, kailangan natin itong ipakipag-usap sa mgaelder. (Sant. 5:14, 15) At dapat nating iwasang manga-tuwiran. Kapag agad nating tinanggap ang disiplina,mas mabilis nating maibabalik ang kapayapaan ng kalo-oban natin at magiging masaya tayo.

19 Maging determinado na huwag nang maulit ang na-gawang kasalanan. Alam ni Haring David na kailanganniya ang tulong ni Jehova para hindi na niya maulit angkasalanan niya. (Awit 51:7, 10, 12) Matapos siyang pata-warin ni Jehova, determinado si David na iwasan angmaling mga pagnanasa. Kaya naging payapa ang kaloo-ban niya.

20 Maipapakita nating mahalaga sa atin ang kapatawa-ran ni Jehova kung mananalangin tayo para dito, ta-tanggapin ang disiplina, at pagsisikapang hindi na ma-ulit ang nagawa nating kasalanan. Kung gagawin natiniyan, maibabalik natin ang kapayapaan ng ating isip.Naranasan ito ni James, isang brother na nakagawa ngmalubhang kasalanan. Sinabi niya: “Nang ipagtapat ko

19. Ano ang dapat na maging determinasyon natin?20. Paano natin maipapakitang mahalaga sa atin ang kapatawaranni Jehova?

Page 49: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

ang kasalanan ko sa mga elder, para akong nabunutanng tinik. Naging payapa ang isip ko.” Nakakapagpatibayngang malaman na “si Jehova ay malapit sa mga maypusong nasasaktan; inililigtas niya ang mga nasisiraanng loob”!—Awit 34:18.

21 Dahil napakalapit na ng wakas, lalo pang daramiang dahilan ng pag-aalala natin. Kapag sobra kang nag-aalala, agad na manalangin kay Jehova. Pag-aralangmabuti ang Bibliya. Matuto mula sa halimbawa ninaHana, Pablo, at David. Hilingin sa ating Ama sa langitna tulungan kang matukoy ang dahilan ng pag-aalalamo. (Awit 139:23) Hayaan mong tulungan ka niya samga alalahanın mo, lalo na sa mga hindi mo kontrolado.Kapag ginawa mo ito, masasabi mo rin ang sinabi ng sal-mista kay Jehova: “Noong maraming gumugulo sa isipko, pinayapa mo ang kalooban ko at pinaginhawa moako.”—Awit 94:19.

21. Paano natin hahayaan si Jehova na paginhawahin tayo?

ANOANG MATUTUTUHAN NATIN SA GINAWANI JEHOVA PARAPAYAPAIN AT PAGINHAWAHIN ANG KALOOBAN NI . . .

˛ Hana? ˛ Pablo? ˛ David?

AWIT 4“Si Jehova ang Aking Pastol”

Page 50: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

50 ANG BANTAYAN

TALAMBUHAY

Tumanggap Akong Pagpapala DahilNatuto Ako sa IbaAYON SA SALAYSAY NI L

´EONCE CR

´EPEAULT

NOONG bata pa ako, hirapako sa ministeryo. At habangtumatanda ako, nakatanggapako ng mga atas na paranghindi ko kayang gampanan.Pero nadaig ko ang takot, attumanggap ako ng maramingpagpapala sa loob ng58 taon ng buong-panahongpaglilingkod. Ikukuwento ko sainyo kung paano nakatulongsa akin ang magagandanghalimbawa ng iba.

Page 51: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

Ipinanganak ako sa Quebec City, na nasa probinsiya ngQuebec sa Canada, kung saan French ang ginagamit nawika. Pinalaki ako ng mabait at mapagmahal na mga ma-gulang, sina Louis at Zelia. Tahimik lang si Tatay, at pa-labasa siya. Mahilig naman akong magsulat, at pangarapkong maging journalist.Noong mga 12 anyos ako, nagpunta si Rodolphe Soucy

at ang isang kaibigan niya sa bahay namin. Katrabahosiya ni Tatay, at mga Saksi ni Jehova sila. Wala akong ga-anong alam tungkol sa mga Saksi, at hindi ako interesa-do sa relihiyon nila. Pero humanga ako sa paraan nila ngpagsagot sa mga tanong gamit ang Bibliya. Humanga rinang mga magulang ko, kaya nagpa-Bible study kami.Sa isang Catholic school ako nag-aaral noon. Nagkaka-

usap kami kung minsan ng mga kaklase ko tungkol samga natututuhan ko sa Bibliya. Nalaman iyon ng mgaguro namin na pari. Imbes na gamitin ang Kasulatanpara patunayang mali ang sinasabi ko, pinagbintanganakong rebelde ng isa sa kanila sa harap ng buong klase!Nakaka-stress iyon, pero nakatulong iyon sa akin. Dahildoon, nakita kong hindi kaayon ng Bibliya ang itinuturong paaralan namin. Naisip kong dapat na akong umalisdoon. Kaya sinabi ko iyon sa mga magulang ko, at nangpumayag sila, lumipat ako ng paaralan.

NATUTUHAN KONG MAHALIN ANG MINISTERYO

Tuloy-tuloy ang pagba-Bible study ko, pero mabagalang pagsulong ko kasi takot akong magbahay-bahay.

PEBRERO 2020 51

Page 52: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

Malakas ang impluwensiya ng Simbahang Katoliko sa lu-gar namin, at talagang salansang sila sa pangangaralnamin. Kaalyado ng simbahan si Maurice Duplessis, angpunong ministro ng Quebec. Suportado niya ang mgamang-uumog na nang-uusig at nananakit pa nga sa mgaSaksi. Kailangan talaga ng lakas ng loob para makapa-ngaral noon.Ang brother na nakatulong sa akin na madaig ang

takot ay si John Rae. Nagtapos siya sa ikasiyam na kla-se ng Gilead. Makaranasan si John, pero mahinahonsiya, mapagpakumbaba, at madaling lapitan. Bihira niyaakong payuhan pero marami akong natutuhan sa halim-bawa niya. Hindi masyadong marunong mag-French siJohn kaya madalas ko siyang samahan sa ministeryo attinuturuan ko siyang magsalita ng French. Nakatulong itosa akin na makapanindigan sa katotohanan. Nabautis-muhan ako, 10 taon mula nang una kong makausap angmga Saksi, noong Mayo 26, 1951.Payunir ang karamihan ng kapatid sa maliit na kong-

regasyon namin sa Quebec City. Dahil sa mabuting ha-limbawa nila, napasigla akong magpayunir. Noon, Bibliyalang ang ginagamit namin sa bahay-bahay. Dahil hindikami gumagamit ng literatura, kailangan naming magingmas mahusay sa paggamit ng Kasulatan. Kaya sinikapkong maging pamilyar sa mga tekstong magagamit kopara ipagtanggol ang katotohanan. Pero marami ang tu-mangging magbasa ng anumang bersiyon ng Bibliya nahindi aprobado ng Simbahang Katoliko.

52 ANG BANTAYAN

Page 53: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 53

Noong 1952, pinakasalan ko ang isang tapat na sistersa lugar namin, si Simone Patry. Lumipat kami sa Mon-treal, at wala pang isang taon, nagkaroon kami ng anakna babae, si Lise. Huminto na ako sa pagpapayunir bagokami ikasal ni Simone, pero sinikap naming mamuhaynang simple para marami kaming magawa sa kongregas-yon.Lumipas pa ang 10 taon bago ko maisip ulit na magpa-

yunir. Noong 1962, isang buwan akong nasa Bethel saCanada para sa Kingdom Ministry School ng mga elder.

Ang mabuting halimbawa ni John Rae (A) ay nakatulong sa akin(B) na madaig ang takot sa pagbabahay-bahay

A

B

Page 54: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

54 ANG BANTAYAN

Naging roommate ko ang brother na si Camille Ouellette.Hangang-hanga ako sa sigasig niya sa ministeryo kahitmay pamilya na siya. Noon kasi, kaunti lang ang mgamagulang sa Quebec na nagpapayunir habang nagpa-palaki ng anak. Pero iyan ang sinisikap na gawin ni Ca-mille. Pinatibay niya akong pag-isipan ang sitwasyon ko.Pagkatapos lang ng ilang buwan, nakita kong puwede naulit akong magpayunir. Kinuwestiyon ng iba ang desis-yon ko, pero nagpayunir pa rin ako at nagtiwalangtutulungan ako ni Jehova sa paglilingkod ko.

BUMALIK SA QUEBEC CITYBILANG MGA SPECIAL PIONEER

Noong 1964, kami ni Simone ay naatasan bilang mgaspecial pioneer sa bayan namin, sa Quebec City. Doonkami naglingkod nang sumunod na mga taon. Bumuti naang sitwasyon, pero may ilan pa ring sumasalansang sapangangaral namin.Isang Sabado ng hapon, inaresto ako sa Sainte-Marie,

isang maliit na bayan na malapit sa Quebec City. Dina-la ako sa istasyon ng pulis at ikinulong dahil nagbaba-hay-bahay ako nang walang permit. Di-nagtagal, dinalaako kay Baillargeon, isang matapang na hukom. Tina-nong niya ako kung sino ang magiging abogado ko.Nang banggitin ko ang pangalang Glen How,� isang abo-

� Tingnan ang talambuhay ni W. Glen How, “Ang Pagbabaka ay Hindi saInyo, Kundi sa Diyos,” sa Gumising!, Abril 22, 2000.

Page 55: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 55

gadong Saksi, kinabahan siya at nasabi niya: “Naku! Ba-kit siya?” Kilala kasi si Glen How bilang mahusay na abo-gado ng mga Saksi noon. Di-nagtagal, ipinaalam sa akinng korte na hindi na itutuloy ang kaso laban sa akin.Dahil sa pagsalansang sa gawain sa Quebec,

mahirap ding humanap ng angkop na lugar para sapagsamba. Ang nahanap lang namin ay isang lumanggarahe na walang heater. Kaya kapag taglamig, guma-gamit ang mga kapatid ng isang oil heater. Nagtitiponkami sa paligid nito mga ilang oras bago ang pulong at

Naglingkod ako sa iba’t ibang lunsod sa silangang bahagi ng Canada

CANADA

SAINTE-MARIEQUEBEC CITYMONTREAL

TORONTO

Page 56: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

56 ANG BANTAYAN

nagkukuwentuhan ng nakakapagpatibay na mga karana-san.Nakakatuwang makita kung paano lumago ang ga-

waing pangangaral sa paglipas ng mga taon. Noongdekada ’60, may ilang maliliit na kongregasyon lang saQuebec City, Cote-Nord, at Gaspe Peninsula. Ngayon,mahigit dalawa na ang sirkito sa mga lugar na ito, atmay magagandang Kingdom Hall na ang mga kapatid.

INATASAN SA GAWAING PAGLALAKBAY

Noong 1970, kami ni Simone ay inatasan sagawaing pansirkito. Pagkatapos, naatasan naman kamisa gawaing pandistrito noong 1973. Noong mga taongiyon, marami akong natutuhan sa mahuhusay na broth-er gaya nina Laurier Saumur� at David Splane,� na pare-hong nasa gawaing paglalakbay. Pagkatapos ng bawatasamblea, nagbibigayan kami ni David ng mungkahi parasumulong pa ang pagtuturo namin. Naalala ko na sina-bi niya: “Gusto ko y’ong huling pahayag mo, Leonce. Ma-ganda, pero tatlong pahayag na ang magagawa ko sa im-pormasyong ginamit mo!” Napakarami ng impormasyongisinasama ko sa mga pahayag. Dapat kong gawing massimple ang mga iyon.

� Tingnan ang talambuhay ni Laurier Saumur, “I Found SomethingWorth Fighting For,” sa Nobyembre 15, 1976 na isyu ng The Watch-tower.� Si David Splane ay miyembro ng Lupong Tagapamahala ng mga Sak-si ni Jehova.

Page 57: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 57

Ang atas ng mga tagapangasiwa ng distrito ay patiba-yin ang mga tagapangasiwa ng sirkito. Pero maramiakong kakilalang kapatid sa Quebec. Kaya kadalasan,gusto nila akong makasama sa paglilingkod kapag binibi-sita ko ang sirkito nila. Masaya akong maglingkod kasa-ma nila, pero hindi ko masyadong nakakasama ang taga-pangasiwa ng sirkito. May tagapangasiwa ng sirkito tuloyna nagsabi sa akin: “Buti at nakakasama mo ang mga ka-patid. Pero huwag mo naman akong kalimutan. Kaila-ngan ko rin ng pampatibay!” Nakatulong sa akin ang ma-bait na paalalang iyon para maging mas balanse.

Noong 1977, dumalo ako sa miting para sa mganaglalakbay na tagapangasiwa sa Toronto, Canada

Page 58: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

58 ANG BANTAYAN

Noong 1976, isang malungkot at di-inaasahang bagayang nangyari. Ang mahal kong asawa ay nagkaroon ngmalubhang sakit at namatay. Mapagsakripisyo si Simoneat mahal niya si Jehova, kaya naging mahusay siyang ka-tuwang. Nakatulong sa akin ang pagiging abala sa minis-teryo para makayanan ang pagkawala niya, at nagpapa-salamat ako kay Jehova dahil sa kaniyang pag-ibig atsuporta sa akin sa mahirap na panahong iyon. Nangmaglaon, pinakasalan ko si Carolyn Elliott, isang masi-gasig na payunir na nagsasalita ng Ingles. Nagpunta siyasa Quebec para maglingkod kung saan malaki ang pa-ngangailangan. Madali siyang lapitan at talagang ma-pagmalasakit sa iba, lalo na sa mga mahiyain o mapag-isa. Malaking tulong siya sa akin sa gawaing paglalakbay.

ISANG NAPAKAIMPORTANTENG TAON

Noong Enero 1978, naatasan akong magturo sa unangklase ng Pioneer Service School sa Quebec. Kabadong-kabado ako kasi gaya ng mga tuturuan ko, bago lang dinsa akin ang kurikulum. Buti na lang, maraming makara-nasang payunir sa unang klaseng iyon. Ako ang instruk-tor, pero marami akong natutuhan sa mga estudyante!Nang taon ding iyon, ginanap ang “Victorious Faith”

na Internasyonal na Kombensiyon sa Olympic Stadium saMontreal. Iyon ang pinakamalaking kombensiyon sa ka-saysayan ng Quebec. Mahigit 80,000 ang dumalo. Naa-tasan akong maglingkod sa News Service Department ngkombensiyon. Marami akong nakausap na journalist, at

Page 59: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

PEBRERO 2020 59

tuwang-tuwa ako sa magagandang ulat nila tungkol saatin. Mahigit 20 oras na mga interbyu natin ang napano-od sa telebisyon at napakinggan sa radyo. Daan-daangartikulo rin ang inilathala. Isang malaking patotoo iyon!

ISANG BAGONG ATAS

Isang malaking pagbabago ang nangyari sa akin no-ong 1996. Mula nang mabautismuhan ako, sa teritoryongFrench sa Quebec na ako naglilingkod. Pero ngayon, naa-tasan ako sa Toronto, sa isang teritoryo na Ingles angwika. Pakiramdam ko hindi ko iyon kaya, at takot na takotakong magpahayag kasi hindi ako mahusay mag-Ingles.Mas dumalas ang pananalangin ko, at lalo akong nagti-wala kay Jehova.Ninerbiyos ako nang malaman kong maglilingkod ako

sa distritong iyon, pero ngayon, talagang masasabi kona naging masaya ako sa dalawang-taong paglilingkodnamin sa Toronto. Matiyaga akong tinulungan ni Carolynpara magkaroon ako ng kumpiyansang mag-Ingles. Si-nuportahan at pinatibay rin ako ng mga kapatid. Maramikaming naging bagong kaibigan.Bukod sa iba pang gawain at paghahanda para sa

asamblea sa dulong sanlinggo, madalas na mga isangoras akong nagbabahay-bahay tuwing Biyernes ng gabi.Baka maisip ng iba, ‘May asamblea na sa weekend, bakitlumalabas pa siya?’ Gumagaan kasi ang pakiramdam kokapag lumalabas ako sa larangan. At hanggang ngayon,nagpapasaya pa rin sa akin ang pangangaral.

Page 60: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

Noong 1998, kami ni Carolyn ay nabigyan ng bagongatas bilang mga special pioneer sa Montreal. Sa loob ngmaraming taon, kasama sa atas ko ang pag-oorganisang espesyal na kampanya ng pagpapatotoo sa publiko atpakikipag-usap sa media para itama ang maling akalang mga tao sa mga Saksi ni Jehova. Ngayon, masaya ka-ming nangangaral ni Carolyn sa mga dayuhan na kalili-pat lang sa Canada at interesadong matuto sa Bibliya.Habang binabalikan ko ang 68-taong paglilingkod

ko bilang bautisadong lingkod ni Jehova, nararamdaman

Kasama ang asawakong si Carolyn

60 ANG BANTAYAN

Page 61: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

kong talagang pinagpala ako. Masayang-masaya akodahil natutuhan kong mahalin ang ministeryo at mara-mi akong natulungang malaman ang katotohanan. Nag-lingkod bilang payunir ang anak kong si Lise at ang asa-wa niya matapos nilang magpamilya. Masaya akongmakita na masigasig pa rin siya sa ministeryo. Ipinagpa-pasalamat ko rin ang mga kapatid na naging magandanghalimbawa sa akin at nagbigay ng mabubuting payo. Na-tulungan nila akong sumulong sa espirituwal at magam-panan ang iba’t ibang teokratikong atas. Natutuhan kongmagagampanan lang natin ang isang atas kapag umasatayo sa banal na espiritu ni Jehova. (Awit 51:11) Nagpa-pasalamat ako kay Jehova dahil binigyan niya ako ng na-pakagandang pribilehiyo na purihin ang pangalan niya!—Awit 54:6.

PEBRERO 2020 61

Page 62: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

SA LOOB ng maraming taon, sinasabi ng mga kritikong Bibliya na hindi kailanman umiral si Haring Belsa-sar, na binabanggit sa aklat ng Daniel. (Dan. 5:1)Iyan ang paniniwala nila dahil walang makitang ebi-densiya ang mga arkeologo na mayroon ngang Bel-sasar. Pero nagbago iyan noong 1854. Bakit?Noong taong iyon, nagpunta si J. G. Taylor, isang

konsul ng Britain, sa sinaunang lunsod ng Ur, nangayon ay timugang Iraq. Nakita niya doon ang ilangsilindrong luwad sa isang malaking tore. May nakau-kit na cuneiform sa mga silindro, na 10 sentimetroang haba ng bawat isa. Sa isang silindro, nakasulatang isang panalangin na humihiling ng mahabangbuhay para kay Haring Nabonido ng Babilonya at sapanganay niyang si Belsasar. Pinapatunayan nito natalagang umiral si Belsasar, at hindi ito maikaila ka-hit ng mga kritiko.Pero hindi lang sinasabi ng Bibliya na umiral si Bel-

sasar—sinasabi rin nito na isa siyang hari. At pinag-dudahan din ito ng mga kritiko. Halimbawa, isinulat

ALAM MO BA?

Paano pinapatunayan ng arkeolohiya angnaging posisyon ni Belsasar sa Babilonya?

62 ANG BANTAYAN

Page 63: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

ni William Talbot, isang siyentipikong taga-Britain no-ong ika-19 na siglo, na may mga nagsasabing “si Bel-sar-ussur [Belsasar] ay nagharing kasabay ni Nabo-nido na kaniyang ama. Pero wala itong basehan.”Nalutas ang kontrobersiyang iyan nang makita sa

iba pang silindrong luwad na may mga panahongumaalis si Haring Nabonido nang ilang taon sa Ba-bilonya. Sino ang namamahala kapag wala siya? “Ka-pag wala si Nabonido,” ang sabi ng EncyclopaediaBritannica, “ipinagkakatiwala niya kay Belsasar angtrono at ang karamihan sa hukbo niya.” Kaya masa-sabing naghari din si Belsasar noong panahong iyon.Dahil dito, sinabi ni Alan Millard, isang arkeologo atiskolar sa mga wika, na angkop lang na “si Belsasaray tawaging ‘hari’ sa Aklat ng Daniel.”Pero siyempre, para sa mga lingkod ng Diyos, ang

pinakamatibay na ebidensiya na talagang mapagka-katiwalaan ang aklat ng Daniel at na mula ito saDiyos ay makikita mismo sa Bibliya.—2 Tim. 3:16.

Silindrong luwadna may nakaukit napangalang Belsasar(Aktuwal na laki)

Photog

raph

take

nby

cour

tesy

oftheBr

itish

Mus

eum

Page 64: wlp20.02-TG · 2019. 11. 26. · 2 ARALING ARTIKULO 6 Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova “Manalangin kayo sa ganitong paraan: ‘Ama namin na nasa langit.’”—MAT

wlp

20

.02

-TG

19

11

07

The Watchtower (ISSN 0043-1087) February 2020 is published by Watch-

tower Bible and Tract Society of New York, Inc.; Harold L. Corkern, Pres-

ident; Mark L. Questell, Secretary-Treasurer; 1000 Red Mills Road, Wallkill,

NY 12589-3299. ˘ 2019 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylva-

nia. Printed in Japan.

Magpunta sawebsite na jw.org˙

o i-scan ang code

s

34567 February 2020Vol. 141, No. 3 TAGALOG

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahaging pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ngkusang-loob na mga donasyon. Para sa donasyon, magpunta sadonate.jw.org.

Malibang iba ang ipinapakita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula samakabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

LARAWAN SA PABALAT:Ibinalita ng isang kabataang Israelita kina Moises at Josue na may dalawanglalaki sa kampo na gumagawing parang mga propeta. Sinabi ni Josue kayMoises na pigilan ang mga lalaki, pero hindi pumayag si Moises. Sa halip,sinabi niya kay Josue na masaya siya dahil ibinigay sa kanila ni Jehova angespiritu Niya (Tingnan ang araling artikulo 8, parapo 10)

�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 6: Abril 6-12 2Mahal na Mahal Tayo ng Ating Ama, si Jehova�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 7: Abril 13-19 14Mahal na Mahal Natin ang Ating Ama, si Jehova�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 8: Abril 20-26 25Labanan ang Inggit at Itaguyod ang Kapayapaan�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

Araling Artikulo 9: Abril 27–Mayo 3 37Hayaan Mong Paginhawahin Ka ni Jehova�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

TALAMBUHAY 50Tumanggap Ako ng Pagpapala Dahil Natuto Ako sa Iba�������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������������

ALAM MO BA? 62Paano pinapatunayan ng arkeolohiya angnaging posisyon ni Belsasar sa Babilonya?