20
Philippine Biblical Worldview Institute 1 Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay at Mundo Unang Bahagi - Ang Tamang Pananaw Day 1 Lahat tayo ay may kanya-kanyang pananaw sa buhay at mundo. Ang ating pananaw ay binubuo ng mga bagay na ating pinaniniwalaan at pinahahalagahan. Ito ang nagbibigay kulay at kahulugan sa mga bagay at pangyayaring nagaganap sa ating paligid at nagbibigay hugis sa ating pagkilos. Halimbawa, ang taong hindi naniniwala sa Diyos ay hindi magsisimba. Ang taong walang pakialam sa karapatan ng mga nasa sinapupunan ay hindi sasalungat sa pagpapalaglag o abortion. Ang mga kalalakihan na hindi pantay ang pagtingin sa mga kababaihan ay hindi maglalaan ng tamang respeto sa kanila. Noon, maraming mga squatters ang namamalagi sa tabi ng tulay sa may amin. Minsan, dumating ang isang napakalakas na bagyo. Marami sa mga barong-barong na itinayo doon ang gumuho at nadala ng baha. Maraming mga batang namatay. “Bakit tumitira ang mga tao doon sa bahay na walang pundasyon at sa may tabing ilog pa?” “At bakit sila pinapayagan ng gobyerno?” Ito ang mga katanungan na hindi ko masagot sa aking sarili. Matapos ang isang mahabang pangangaral ni Cristo, sinabi Niya ang ganito, Ang sino mang makarinig ng aking mga pangaral at magsapamuhay nito ay tulad sa isang marunong na tao. Itinayo niya ang kanyang bahay sa bato. Bumuhos ang ulan, umapaw ang ilog, at humampas ang malakas na hangin; subalit hindi ito nagiba sapagkat ang pundasyon nito ay nasa bato. Subalit ang sino mang nakarinig ngunit hindi nagbigay kabuluhan sa Aking mga pangaral ay tulad sa isang hangal na nagtayo ng bahay sa buhanginan. Bumuhos ang ulan, umapaw ang ilog, at humampas ang malakas na hangin, at ito ay nawasak at nagiba (Matthew 7:24-27). Kung ang ating pananaw ay hindi nakatayo sa katotohanan, siguradong babagsak ang ating moralidad kapag nagkaproblema tayo, lalong-lalo na sa pera - tulad ng mga naguhong bahay sa tabing ilog na walang pundasyon nang bumagyo. Habang dumarami ang mga pulubi, mga mag- nanakaw, mga prostitutes, mga drug addicts, madalas na ang sinisisi ng madla ay ang gobyerno. Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan. Pagbulay-bulayan: Sa iyong palagay saan ba nakatayo ang pananaw sa buhay at mundo ng mga Pilipino? Sa God’s revelation o sa human reason? Day 2 Ang paniniwala ay ang pagtitiwala sa katotohanan ng isang bagay, may katibayan man ito o wala. Ang isang paniniwala na batay sa katotohanan ay makapagdudulot ng benepisyo samantalang ang isang paniniwala na batay lamang sa haka-haka ay maaaring mauwi sa kapahamakan. Halimbawa, ang taong naniniwala sa suwerte ay madalas tumataya sa lotto, sa sabong o sa jueteng maski magkaubos- ubos man ang kanyang pera. At kapag mayroong mabuting bagay na nangyayari sa kanyang buhay sasabihin niya na siya ay sinusuwerte. Sa Genesis 2, nasasalaysay ang ginawang pagsuway nina Eba’t Adan sa kaisa-isang utos ng Diyos. Sinabi ng Diyos kay Adan na puwede siyang kumain ng bunga ng kahit ano mang puno sa Hardin ng Eden maliban sa puno ng kaalamanan ng mabuti at masama. Binalaan siya ng Diyos na kung siya ay kakain ng bunga nito, siya ay tiyak na mamamatay. Ang sinabing ito ng Diyos ay pinabulaanan ng ahas sa hardin. Sinabi ng ahas kay Eba na hindi siya mamamatay maski kumain siya noong prutas na iyon. Ang totoo ay yaong sang-ayon sa salita ng Diyos. Ang kasinungalingan naman ay ang kontra sa

Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

  • Upload
    others

  • View
    4

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 1

Meditations on Values Formation

Part Two: Pananaw sa Buhay at Mundo

Unang Bahagi - Ang Tamang Pananaw Day 1 Lahat tayo ay may kanya-kanyang pananaw sa buhay at mundo. Ang ating pananaw ay binubuo ng mga bagay na ating pinaniniwalaan at pinahahalagahan. Ito ang nagbibigay kulay at kahulugan sa mga bagay at pangyayaring nagaganap sa ating paligid at nagbibigay hugis sa ating pagkilos. Halimbawa, ang taong hindi naniniwala sa Diyos ay hindi magsisimba. Ang taong walang pakialam sa karapatan ng mga nasa sinapupunan ay hindi sasalungat sa pagpapalaglag o abortion. Ang mga kalalakihan na hindi pantay ang pagtingin sa mga kababaihan ay hindi maglalaan ng tamang respeto sa kanila. Noon, maraming mga squatters ang namamalagi sa tabi ng tulay sa may amin. Minsan, dumating ang isang napakalakas na bagyo. Marami sa mga barong-barong na itinayo doon ang gumuho at nadala ng baha. Maraming mga batang namatay. “Bakit tumitira ang mga tao doon sa bahay na walang pundasyon at sa may tabing ilog pa?” “At bakit sila pinapayagan ng gobyerno?” Ito ang mga katanungan na hindi ko masagot sa aking sarili. Matapos ang isang mahabang pangangaral ni Cristo, sinabi Niya ang ganito, Ang sino mang makarinig ng aking mga pangaral at magsapamuhay nito ay tulad sa isang marunong na tao. Itinayo niya ang kanyang bahay sa bato. Bumuhos ang ulan, umapaw ang ilog, at humampas ang malakas na hangin; subalit hindi ito nagiba sapagkat ang pundasyon nito ay nasa bato. Subalit ang sino mang nakarinig ngunit hindi nagbigay kabuluhan sa Aking mga pangaral ay tulad sa isang hangal na nagtayo ng bahay sa buhanginan. Bumuhos ang ulan, umapaw ang ilog, at humampas ang malakas na hangin, at ito ay nawasak at nagiba (Matthew 7:24-27). Kung ang ating pananaw ay hindi nakatayo sa katotohanan, siguradong babagsak ang ating moralidad kapag nagkaproblema tayo, lalong-lalo na sa pera - tulad ng mga naguhong bahay sa tabing ilog na walang pundasyon nang bumagyo. Habang dumarami ang mga pulubi, mga mag- nanakaw, mga prostitutes, mga drug addicts, madalas na ang sinisisi ng madla ay ang gobyerno. Panahon na upang harapin ng mga Pilipino ang kani-kanilang personal na responsibilidad. Kailangang magbago ang pananaw ng bayan. Pagbulay-bulayan: Sa iyong palagay saan ba nakatayo ang pananaw sa buhay at mundo ng mga Pilipino? Sa God’s revelation o sa human reason? Day 2 Ang paniniwala ay ang pagtitiwala sa katotohanan ng isang bagay, may katibayan man ito o wala. Ang isang paniniwala na batay sa katotohanan ay makapagdudulot ng benepisyo samantalang ang isang paniniwala na batay lamang sa haka-haka ay maaaring mauwi sa kapahamakan. Halimbawa, ang taong naniniwala sa suwerte ay madalas tumataya sa lotto, sa sabong o sa jueteng maski magkaubos-ubos man ang kanyang pera. At kapag mayroong mabuting bagay na nangyayari sa kanyang buhay sasabihin niya na siya ay sinusuwerte. Sa Genesis 2, nasasalaysay ang ginawang pagsuway nina Eba’t Adan sa kaisa-isang utos ng Diyos. Sinabi ng Diyos kay Adan na puwede siyang kumain ng bunga ng kahit ano mang puno sa Hardin ng Eden maliban sa puno ng kaalamanan ng mabuti at masama. Binalaan siya ng Diyos na kung siya ay kakain ng bunga nito, siya ay tiyak na mamamatay. Ang sinabing ito ng Diyos ay pinabulaanan ng ahas sa hardin. Sinabi ng ahas kay Eba na hindi siya mamamatay maski kumain siya noong prutas na iyon. Ang totoo ay yaong sang-ayon sa salita ng Diyos. Ang kasinungalingan naman ay ang kontra sa

Page 2: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 2

Kanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang diablo ang ama ng kasinungalingan. Namatay nga sina Eba’t Adan nang sila ay kumain ng bunga ng puno ng kaalaman ng mabuti at masama. Tinamo nila agad-agad ang kamatayang espirituwal (ang paghihiwalay ng Espiritu ng Diyos sa tao) at namatay din ang kanilang katawang lupa matapos ang maraming taon. Minsan napag-usapan sa aming clase ang tungkol sa pagbabayad ng buwis. Noong mga panahong iyon, ang tawag sa BIR ay Bigay Ikaw Regalo. Balita ang pagiging corrupt ng maraming tax examiners. Balita rin na ang mga yumayaman sa lagay ay malaking magbigay sa simbahan. Naniniwala kasi sila na nababayaran ang kanilang mga kasalanan kapag sila ay nagbibigay sa simbahan o namumudmod sa mga mahihirap. Ang pagyaman sa ganitong iligal na paraan ay naging bahagi na ng kulturang Pinoy. Tinatawag natin ngayon ang nakapag-amas ng ill-gotten wealth na “ma-abilidad.” At ang ating maling katuwiran ay, “Eh, bakit pa tayo nasa puwesto?” Sa Exodus 23:8, pinag-utos ng Diyos sa Kanyang bayan ang ganito: Huwag kayong tatanggap ng lagay, sapagkat ang lagay ay nambubulag at nagbabaliko ng salita ng katarungan. Sinasabi naman sa Proverbs 17:23 na, Ang isang masamang tao ay tumatanggap ng lagay sa ilalim ng mesa upang patirin ang takbo ng katarungan. Pagbulay-bulayan: Paano mo malalaman kung ano ang totoo? Day 3 Ang ating mga pinaniniwalaan ang magdidikta kung ano ang ating mga pahahalagahan. Ang mga bagay na ating pahahalagahan ay ang iniisip nating mabuti at tama. Kung naniniwala tayo na ang kayamanan ang tanging makapagdudulot ng kaligayahan, pipilitin nating kumita ng maraming pera kahit na sa masamang paraan. Sa simula sinabi ng Diyos, Magkaroon ng liwanag, at nagkaroon nga ng liwanag. Nakita ng Diyos na mabuti ang liwanag! Pagkatapos, ginawa ng Diyos ang kalangitan, karagatan at mga lupain. Sa lupa ay naglagay ang Diyos ng damo, mga bulaklak at mga puno. Nilikha Niya ang araw, buwan at mga bituin upang mabukod ang araw sa gabi. Pinuno Niya ang karagatan ng lahat ng claseng isda at ang kalawakan ng lahat ng uri ng ibon. Nilikha rin ng Diyos ang lahat ng uri ng hayop at kung ano-anong mga gumagapang sa lupa. At, nilikha Niya ang tao. Sa ginawa Niyang paglilikha, pitong beses Niyang binanggit ang salitang mabuti. Ang Kanyang mga nilikha ay nagbigay kasiyahan sa Kanya. Ang mabuti ay yaong nagbibigay kasiyahan sa Diyos. Ang masama ay ang nag-uudyok ng Kanyang galit at parusa. Naunawaan nina Eba’t Adan kung ano ang mabuti’t masama nang sila ay sumuway sa kautusan ng Diyos. Ang kanilang ginawa ay hindi naging kasiya-siya sa Diyos kundi ito ay nag-udyok ng Kanyang galit at parusa. Para makaupo sa bus, lumalakad ako mula sa Mendiola hanggang Quiapo. Sa aking paglalakad marami akong napapansing nagpapalimos. Minsan kasama ko ang isang kaeskuwela. Nagbigay siya sa isang pulubi ng diyes sentimos. Malaki na yun ng mga panahong iyon. Makakabili ka na ng Coke. Tanong ko sa kanya, Bakit ka nagbigay? Ang sagot niya, Para makapasok ako sa langit. Mas marami kang nagawang mabuti dito sa mundo, mas malaki ang iyong chansang maka-pasok, ang hirit pa niya. Sa Genesis 4, matutunghayan natin ang kuwento ng magkapatid na Cain at Abel. Minsan, pareho silang nagbigay ng handog sa Diyos. Si Cain ay magsasaka, si Abel naman ay isang pastol. Nasiyahan at tinanggap ng Diyos ang handog ni Abel mula sa matataba niyang tupa. Subalit tinanggihan ng Diyos ang handog ni Cain mula sa kanyang ani. Sa Hebrews 11:4, malalaman natin ang kaibahan ng dalawang handog. Ang handog ni Abel ay nagmula sa pusong may pananalig sa Diyos. Si Cain ay walang tiwala sa salita ng Panginoon. Ang Diyos ay nakatingin sa puso ng naghahandog. Ang paggawa ng para sa sariling kapakinabangan ay hindi mabuti sa mata ng Diyos.

Page 3: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 3

Pagbulay-bulayan: Sino ang madalas mong binibigyan ng kasiyahan? Day 4 Nang lubhang nanlugmok si Cain dahil hindi tinanggap ng Diyos ang kanyang handog, tinanong siya ng Diyos ng ganito, “Bakit ka galit? At bakit lugmok ang iyong mukha? Kung gagawin mo ang tama hindi ka ba tatanggapin? Subalit kung hindi mo gagawin ang tama, ang kasalanan ay nakatanghod sa pintuan ng iyong puso; ang nais nito ay ikaw, subalit dapat mo itong mapagharian.” Hindi binigyang pansin ni Cain ang payo ng Diyos; bagkos ay hinayaan niyang maghari ang galit sa kanyang puso hanggang sa napatay niya ang kanyang kapatid. Makikita natin dito ang kawalan ng pagtitiwala ni Cain sa salita ng Diyos. Ang tama ay yaong sang-ayon sa kalooban ng Diyos. Ang mali ay ang pagsuway sa Kanyang kalooban. Mali ang ginawa nina Eba’t Adan nang suwayin nila ang utos ng Diyos. Mali din ang ginawa ni Cain sapagkat hindi niya pinakinggan ang payo ng Diyos; kaya nga nagawa niyang paslangin ang kanyang kapatid.

Ang kaalaman sa kalooban ng Diyos ay napakahalaga. Paano tayo makagagawa ng tama kung hindi natin alam ang dapat paniwalaan. At paano tayo makapaniniwala ng tama kung wala tayong alam tungkol sa pangaral ni Cristo. Si Abel ay naniwala sa hinayag ng Diyos hinggil sa paghahandog at siya ay sumunod. Ngunit si Cain ay naghandog ayon sa kanyang sariling paniniwala at ito’y hindi naging katanggap-tanggap sa Panginoon. Pinayuhan ng Diyos si Cain subalit hindi siya nakinig. Walang pagpapahalaga si Cain sa salita ng Diyos.

Alam natin na ilang barumbadong tsuper lang ang kailangan upang mabara ang isang intersection. Kahit alam na ng mga motorista na kapag hindi sila nagbigayan, lahat ng nagbibiyahe ay maaabala. Bakit hindi makuha ng mga tsuper dito sa Pilipinas na magbigayan sa isa’t isa. Bakit unahan nang unahan? Bakit bale wala sa mga Pinoy ang makaistorbo ng ibang tao? Bahagi na ba talaga ng ating kultura ang kasabihang, Di bale na tayong maperhuwisyong lahat, huwag mo lamang akong malamangan!

Sinabi ni Pablo sa Philippians 2:4 na hindi lamang ang sarili nating interes ang ating dapat bigyang halaga kundi ang interes ng iba. Itinuturo niya na ang kalooban ng Diyos para sa atin ay ang magbigayan. Ito ang tamang gawin. Subalit, sa ating mga lansangan at highways ay mapagmamasdan ang kamaliang taglay ng ugaling Pilipino.

Pagbulay-bulayan: Kaninong kalooban ang madalas mong sinusunod? Sarili mong kalooban o sa Diyos?

Day 5 Mababasa natin mula sa Genesis 6 ang kuwento tungkol kay Noah at ng dilubyo (ang paggunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha). Sinasabi ng Bibliya na noong panahon na iyon, sukdulan ang karimlan sa mundo. Ang patuloy na pinag-iiisip ng sanlibutan ay pawang kasamaan lamang. Subalit si Noah ay isang matuwid na tao. Ipinahayag ng Diyos ang gagawin Niyang paggunaw ng mundo at sinabi Niya kay Noah kung paano siya at ang kanyang sambahayan makaliligtas. Ang matuwid na tao ay yaong may pagtitiwala sa salita ng Diyos na nauuwi sa pagsunod sa Kanyang kalooban.

Si Noah ay tao na gumagawa ng tama sapagkat mayroon siyang tiwala sa katotohanan ng salita ng Diyos. Si Noah at ang kanyang asawa, tatlong anak at kanilang asawa lamang ang naligtas sa kamatayan nang dumating ang baha na bumalot sa buong mundo.

Malalaman natin ang katotohanan sapagkat ihinahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili sa atin. Ang pagpapahayag na ito ay Kanyang isinasagawa sa pamamagitan ng dalawang paraan. Una sa pamamagitan ng sangnilikha. Marami tayong matututuhan tungkol sa Diyos sa pag-aaral ng kalikasan, ng sangkap nito at mga batas na dito ay nagpapagalaw. Subalit hindi lamang sa kalikasan ihinahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili. Sa katauhan ng mga propeta sa Lumang Tipan, itinuro ng

Page 4: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 4

Diyos sa mga Israelita ang paraan upang makapamuhay ng tama o matuwid. Ang mga apostol at propeta sa Bagong Tipan naman ay nagsalita sa Iglesya ukol sa katuparan ng mga hulang taglay ng Kasulatan na tumutukoy sa pagdating ng Mesiyas. Sa loob ng mga 30 taon, si Jesus ay namuhay sa lupa at nangaral tungkol sa Diyos at sa Kanyang kaharian. Ang mga pahayag na ito ay isinulat ng iba’t ibang tao sa ilalim ng masusing pagmamasid ng Diyos Espiritu Santo. Marami sa ating kaugalian ang salungat sa mga pahayag ng Diyos; tulad ng pagtatawas, panghuhula o pangkukulam. Sa iba’t ibang probinsya, ginagawa pa rin ang pag-aalay ng patay na hayop sa “diyos” para sa pagpapatibay ng isang gusali o tulay na kanilang ginagawa. Mapa Pinoy, Tisoy, o Chinoy man, may kanya-kanya tayong mga pinaniniwalaang mabuti at tama ngunit labag naman sa batas ng Diyos. Ito ay nagpapatunay na ang ating pagtitiwala ay wala sa salita ni Cristo. Ang tunay na katotohanan ay hindi nagmumula sa mga pangangatuwiran, pakiramdam, kaugalian, karanasan o sa haka-haka ng tao kundi sa Diyos lamang.

Pagbulay-bulayan: Gaano kahalaga sa iyo ang matunghayan kung ano ang tunay na totoo, mabuti at tama?

Ikalawang Bahagi - Ang Tungkol sa Kalikasan ng Diyos

Day 6 Ang Diyos ay napakatayog o transcendent. Siya ay lampas pa sa pinakamataas at pinakamalalim na pang-unawa ng tao. Ang pagiging matayog o transcendent ay katangian na hindi nasasakop ng panahon, kalawakan at kaisipan ng tao. Bagamat ang Diyos ay nasasa kabuoan ng panahon, kalawakan at isipan, Siya ay lampas pa sa lahat ng ito. Ang Diyos ay walang kapantay sa karunungan at kaalaman. Tunay na napakatayog ng Kanyang kaluwalhatian at kadakilaan. Matutunghayan natin ang kuwento ng Tore ng Babel sa Genesis 11:1-8. Maraming taon ang lumipas matapos ang dilubyo. Dumami na naman ang mga tao. Ang paglaganap at paglalakbay nila ay patungong silangan. Dumating sila sa Shinar at doon sila ay namirmihan. Ang sabi nila ay ganito, Magtatag tayo ng isang siyudad na may toreng aabot sa langit upang tayo ay magkapangalan, at hindi mapadpad sa iba’t ibang dako ng mundo at magkahiwa-hiwalay. Ito ay labag sa kalooban ng Diyos. Ginulo ng Diyos ang kanilang iisang wika. At dahil hindi na sila magkaintindihan, sila ay nagkanya-kanya ng landas. Hindi na natuloy ang paggawa ng toreng aabot sa langit.

Marami sa ating mga Pinoy ang mahilig magdunung-dunungan. Yun bagang mga know it all. Sila ay mahilig mamilosopo subalit wala namang pinagbabasihan ang kanilang salita kundi sariling haka-haka. Kadalasan yun lamang ang kanilang ginagawa sa maghapon - - ang dumaldal. Puro salita, kulang sa gawa.

Hindi kayang arukin ng isipan ng tao ang kabuoan ng Diyos. Kailangan niya ng tulong upang magkaroon siya ng sapat na pang-unawa tungkol sa Diyos. Sa aklat ng Philippians 2:6-7 sinasabi na inalis muna ni Jesus ang kanyang kaluwalhatian at Siya ay nakibagay at namuhay nang tulad ng isang tao upang maipahayag Niya ang kalikasan at kalooban ng Diyos sa paraang maiintindihan ng tao.

Huwag sana tayong tumulad sa mga taga-Shinar na nagtangkang gumawa ng sariling daan tungo sa langit. Ating pagtiwalaan ang sinabi ni Cristo na Siya lamang ang daan tungo sa katotohanan, sa buhay at sa Diyos Ama (John 14:6). Ating tahakin ang daan na inihanda ng Diyos noong una pa man - - ang daan tungo sa pagpapatupad ng Kanyang plano para sa ating buhay at mundo.

Pagbulay-bulayan: Sa iyong obserbasyon, ano ang mga ginagawa ng mga Pilipino upang makarating sa langit na hindi naaayon sa mga pahayag ni Cristo?

Day 7 Ang Diyos ay napakatayog. Hindi Siya kayang abutin ng tao o unawain ng lubusan. Sa kabilang dako, sinasabi din ng Bibliya na ang Diyos ay napakalapit o immanent. Siya ay nananahan sa limitasyon ng panahon, kalawakan at kaisipan ng tao.

Page 5: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 5

Sa simula, malapit sa tao ang Diyos. Taglay ng tao ang tunay na wangis o larawan ng Diyos. Subalit dahil sa kasalanan, pinalayas ng Diyos ang tao sa Paraiso. Dumilim ang isipan ng tao at lumabo ng husto ang pagkakilala niya sa Diyos. Ang kasalanan ang dahilan sa pagdilim ng ating kaisipan at sa pagkahiwalay natin sa Diyos.

Tinangkang abutin ng mga taga-Shinar ang langit sa pamamagitan ng kanilang sariling kagustuhan at lakas; nagtangka silang gumawa ng isang napakataas na tore. Sila ay nabigo. Nang mahulog sa kasalanan sina Eba’t Adan, nadiskubre nila na sila nga ay hubad at sila ay nahiya. Kumuha sila ng mga dahon sa halamanan na tinabas nilang panaklob. Subalit ang ginawa ng Diyos upang matabingan ang kanilang kahihiyan ay ang balutan sila ng balat ng hayop. Isipin natin na may namatay na hayop upang magamit ang kanyang balat na panaklob. May paraan ang tao, may paraan ang Diyos.

Madalas nating marinig ang kasabihang, “It’s not what you know, but whom you know.” Liban sa lagay system, mayroon pa tayong padrino system. Kailangang may kakilala ka sa loob ng gobyerno para gumalaw ang papeles mo. Pati sa panliligaw, hahanap pa ng tulay ang lalaking may nakukursunadahan.

Upang maunawaan ng tao ang napakatayog na Diyos, nagkatawang lupa ang Kanyang Anak na si Jesus. Sinasabi sa John 1:1 at 14 ang ganito: Sa simula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos. At ang salita ay nagkaroon ng laman at nanirahang kasakasama natin. Sa John 14:6 naman, ito ang sinasabi ni Cristo, Ako ang daan at ang katotohanan at ang buhay. Walang makaparoroon sa Ama kundi sa pamamagitan Ko.

Samakatuwid, hindi natin kailangan ang padrino o tulay o ang maglagay sapagkat mayroon nang ginawang paraan ang Diyos upang tayo ay makalapit sa Kanya. Si Cristo ang ating lapitan upang marating ng ating mga panalangin ang matayog na Diyos. Si Jesus ay tinatawag ng Bibliya na Immanuel - - Diyos na kasama natin.

Pagbulay-bulayan: Kung ang Diyos ay napakatayog o transcendent, paano Siya mauunawaan ng tao? Day 8 Dahil kay Cristo, ang Diyos na malayo man ay malapit din. Sinasabi sa Hebrews 1:2 na si Cristo ang luningning o ang kinang ng kaluwalhatian ng Diyos at ang Kanyang tamang-tamang representasyon. Sa Colossians 1:15 naman, ang sinasabi tungkol kay Cristo ay ito: Siya ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. Maliwanag na itinuturo ng Bibliya na ang kalikasan ni Jesus ay kalikasan ng Diyos, tulad ng sa Ama at Espiritu Santo. Iisa lamang ang kalikasan ng Diyos at may tatlong persona ang nagtataglay nito. Samakatuwid walang pinagkaiba ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. Isang Diyos, tatlong persona.

Matapos banggitin ni Jesus na Siya ang daan, katotohanan at buhay, na walang makapaparoon sa Ama kundi sa pamamagitan Niya, sinabi ni Philip ang ganito: Panginoon, tama na sa amin na ipakita Ninyo ang Ama. Ang naging tugon ni Jesus ay, Kung sino ang nakakita sa Akin, ay nakakita na rin sa Ama. Jonh 14:9

Noon, napakahilig kong manligaw. Subalit minsan mayroon talaga akong napusuan. Madalas na kami ay nagkakatinginan kapag ako ay dumadaan sa harap ng kanilang bahay. Bumabagal ang aking paglakad habang bumibilis naman ang tibok ng aking puso sa tuwing sasadyain ko ang kanilang lugar. At siyempre pa, titingin ako sa kanyang bintana, umaasa na naroroon siya at nakadungaw. Alam ko na may crush kami sa isa’t isa. Subalit hindi ako magkalakas-loob na kumatok sa kanilang pintuan upang sabihin sa kanyang magulang kung puwedeng mabisita ang kanilang anak.

Isang araw, nakita ko siyang nakadungaw at katabi niya ang isa kong kaclase. Nagkukuwentuhan sila. Ang pumasok agad sa isip ko ay may tulay na ako. At ganoon nga ang nangyari. Isinama ako ng aking kaclase sa kanilang bahay. Pinayagan ako ng kanyang magulang na makabisita sa kanya. Lumipas ang pitong buwang panliligaw. At dahil sa aming pag-uusap, pagkukuwentuhan, paglalaro, at pagpapahayag ng aming mga damdamin sa isa’t isa, nagkakilalanan kami ni Melanie ng lubusan.

Page 6: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 6

Makikilala natin ng personal ang Diyos kung kikilalanin natin si Cristo. Hindi natin mauunawaan ang Kanyang kalooban kung hindi natin aalamin ang katuruan ni Jesus. Hindi natin malalaman kung gaano kawalang hanggan ang pagmamahal sa atin ng Diyos Ama kung hindi natin kikilalanin ang Diyos Anak.

Pagbulay-bulayan: Paano nakikilala nang personal ang Diyos ayon kay Cristo? Day 9 Sinasabi sa Genesis 1:27-28 na nilikha ng Diyos ang tao, lalaki at babae, sa sarili Niyang wangis. At pagkatapos, sila ay Kanyang binendisyonan at sinabihang, Maging mabunga kayo at magparami ng bilang; punuin ninyo ang mundo at supilin ito; Pagharian ninyo ang mga isda sa karagatan, mga ibon sa kalawakan, at lahat nang gumagalaw sa balat ng lupa. Ang inilalarawan ng salitang ginamit sa pagbebendisyon ng Panginoon sa tao ay ang pagluhod. Kapag tayo ay nakaluhod sa harapan ng Diyos, dalawang bagay ang ating pinahihiwatig: pagsamba at pagpapasakop. Samakatuwid ang pagpapala ng tao ay nasasa pagsamba at paglilingkod sa kanyang Maylikha. Ang kanyang kaligayahan ay kalakip ng dalawang bagay na ito. Ang pagsamba ay ang pagbibigkas ng ating pagmamahal sa Diyos at pagbibigay puri sa Kanya at sa mga kamangha-mangha Niyang ginawa. Ito ay ang pagbibigkas ng mga dakilang katangian ng Diyos. Ito ay ang pagbibigkas ng karapatan ng Diyos na tumanggap ng lahat ng kaluwalhatian, karangalan at pasasalamat.

Ang paglilingkod sa Diyos ay ang pagpapatupad ng Kanyang layunin para sa tao: Ang maging mabunga at magparami ng bilang; ang pagpupuno ng mundo at pagsupil sa lupa; at ang pamamahala ng mga isda sa karagatan, mga ibon sa kalawakan, at lahat nang gumagalaw sa balat ng lupa. Ayon kay Cristo sa John 4:24, ang tamang paraan ng pagsamba sa Diyos ay pagsamba sa espiritu at katotohanan. Ayon naman sa Matthew 4:10, ang tamang paraan ng paglilingkod sa Diyos ay paglilingkod lamang sa Kanya, at sa walang iba pa.

Ang mga Pilipino ay palasimba. Kaya naman kapag araw ng Linggo, punung-puno ang mga simbahan sa buong bansa. Subalit dapat nating siyasatin ang ating mga puso kung ang ginagawa nating pagsisimba ay nagiging ritual lamang at obligasyon. At ang ating mga dasal ay galing lamang sa bibig at hindi sa puso’t kaluluwa.

Sinabi ni Cristo sa Matthew 6:24 na, Walang makapaglilingkod sa dalawang panginoon. Isa dito ay kanyang mamahalin at isa ang kanyang kamumuhian. Hindi mo magagawang maglingkod sa Diyos at sa Salapi.

Pagbulay-bulayan: Paano ang tamang paraan ng pagsamba at paglilingkod sa Diyos? Tuwing araw ng Linggo lamang ba maaaring sambahin at paglingkuran ang Diyos? Ipaliwanag.

Day 10 Ang Diyos ay Hari ng lahat ng mga hari. Walang di nasasakop ang Kanyang kapangyarihan. At ang kapangyarihang ito ay walang katapusan. Napapanatili Niya ang lahat ng bagay sa pamamagitan lamang ng Kanyang salita. Siya ay gumagawa ng kahit anong bagay na Kanyang naisin; ginagawa Niya ito kung kailan Niya gustuhin at kung para sa ano mang kadahilanan na kalugod-lugod sa Kanya. Ang paghaharing ito ay tinatawag na soberenya ng Diyos.

Binendisyunan ng Diyos ang nilikhang tao at pagkatapos ay inatasan: Maging mabunga kayo at magparami ng bilang; punuin ninyo ang mundo at supilin ito; pamahalaan ninyo ang lahat na nilikha Ko. Ito ang layuning ibinigay ng soberenyang Diyos sa tao - - ang lumikha ng isang sibilisasyon na magbibigay puri sa Kanya.

Mayroong kandidato sa pagka-presidente noon ang nagsabing, “Ang kailangan ng Pilipino ay maging

Page 7: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 7

makadiyos, makatao, makabayan at makakalikasan.” Tama siya. Ang ating pagiging makaDiyos ang magtutulak sa atin upang mahalin natin ang ating kapwa tao. Ang ating pagiging makatao naman ang mag-uudyok upang tayo ay maging makabayan at makakalikasan. Ang pagsamba at paglilingkod ay hindi mapaghihiwalay sa ating pamumuhay. Hindi maaring masabi ng isang tao na siya ay sumasamba sa Diyos kung hindi naman siya naglilingkod. At hindi rin masasabing siya ay naglilingkod sa Diyos kung ang kanyang ginagawa ay hindi bunga ng kanyang pagsamba at pagmamahal sa Panginoon. Hindi makita sa ating kultura na nagbubunga ang ating inaangking pagsamba at paglilingkod sa Diyos bilang mga Cristiano. Tayo ay sumisimba ngunit hindi nagmamahalan. Tayo ay nagdarasal ngunit siraan nang siraan. Maging ang ating paligid ay puno ng basura. Ito ay nagpapatunay na hindi natin tunay na nauunawaan ang layunin ng Diyos para sa tao. O kung naiintindihan man, ito ay ating binabalewala. Magiging isang lipunan tayo na nagbibigay puri sa Diyos kung ating tutularan ang ugali ni Cristo. Kung tayo ay magiging makaDiyos, makatao, makabayan at makakalikasan, mapagiginhawa natin ang buhay ng bawat Pilipino. Walang gugutumin at ang lahat ay makapamumuhay sa magandang kapaligiran. Pagbulay-bulayan: Paano ka magiging kabahagi sa pagsusulong ng isang sibilisasyon na nagbibigay puri sa Diyos?

Ikatlong Bahagi - Ang Tungkol sa Kalikasan ng Tao

Day 11 Nagtataka si Job kung bakit masyadong pinagkaka-abalahan ng Diyos ang tao (Job 7:17).” Ang paliwanag ay nasa Genesis 5:1-2, “Nilikha ng Diyos ang tao na kalarawan Niya. Nilalang Niya ang isang lalaki at isang babae, at matapos pagpalain, sila’y tinawag Niyang Tao.” Sa Psalms 8:4, ganito naman ang katanungan sa Diyos: “Ano ang tao na laging Mo siyang inaalala, ang anak ng tao na iyong inaaruga?” Sinasabi naman sa Psalms 139:14 na kahanga-hanga at buong ingat ang paglikha ng Diyos sa tao. Ang pagkalikha sa tao ay bukod-tangi. Ang tao ay makapaglalarawan ng karunungan, katuwiran at kabanalan ng Diyos. Kabilang sa mga katangiang tinanggap niya ay ang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, katapatan, kahinahunan, at pagtitimpi sa sarili. Subalit, hindi nangangahulugan na ang tao ay walang pinagkaiba sa Diyos. Ang kalikasan ng Diyos ay sa Diyos lamang. Siya ay walang simula at walang wakas. Isa pang kahulugan na ang tao ay nagsasalarawan sa Diyos ay ang pagkakaroon niya ng talino, damdamin, at kakayahang magpasiya. Ang mga bagay na ito ay nananahan sa kanyang puso, ayon sa Bibliya. Dahil sa kami ay mahirap, marami ang pang-aaping nilasap ko mula sa mga kaclase kong maya- yaman. Lumaki akong mahiyain at may mababang pagtingin sa sarili. Tinuturo ng Hebrews 1:3 at Colossians 1:15 na si Cristo ang eksaktong representasyon at larawan ng hindi nakikitang Diyos. Sa pagkatao ni Cristo, ito ang sinasabi sa Isaiah 53:2: Wala Siyang kagandahan o kamaharlikahan na mag-aakit sa atin. Walang kaanyuan upang Siya ay ating naisin. Samakatuwid, ang dignidad ni Cristo ay wala sa pisikal o materyal na bagay kundi nasa Kanyang kalooban. Nawala ang mababang pagtingin ko sa aking sarili nang naunawaan ko ang katotohanang ito. Ang aking karangalan o dignidad ay nasa pagkalikha sa akin ng Panginoong Diyos; na ako ay likha sa Kanyang sariling larawan.

Page 8: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 8

Pagbulay-bulayan: Pantay-pantay ba ang pagtingin ng ating mga kababayan sa isa’t isa? Anong claseng discrimination ang laganap sa ating lipunan? Day 12 Matapos ilagay ng Diyos ang tao sa Hardin ng Eden upang ito ay pagyamanin at alagaan, sinabi Niya kay Adan na maaari siyang kumain ng prutas ng kahit anong puno sa Eden maliban lamang sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama, sapagkat sa araw na siya ay kumain nito, siya ay tiyak na mamamatay (Genesis 2:17). Maraming claseng bungangkahoy ang nasa Eden. Tunay na malaya ang tao na tuparin ang layuning pinagkaloob sa kanya ng Diyos sa ano mang paraang kanyang maisipan. Siya ay malaya ring kumain ng sari-saring uri ng prutas, huwag lamang mula sa pinagbabawal na puno. Noong June 12, 1898, dineclara ng ating mga ninuno ang kanilang kalayaan mula sa pananakop ng mga Espanyol. Nagtatag sila ng sarili nilang gobyerno. Subalit hindi nagtagal ang kalayaang ito sapagkat ang Pilipinas ay sinakop ng mga Americano. Di tulad ng mga Espanyol, naging mainam ang ginawang pananakop ng mga Americano. Dumating ang panahon na naging magaan ang pagsunod ng ating mga kababayan sa kagustuhan ng mga banyaga. Sila ay pinangakuan ng kalayaan. Ang kalayaan na pinagkaloob ng Diyos sa tao ay ang karapatang tuparin ang kanyang kagustuhan sa ilalim ng pananakop ng batas ng Diyos. Ang tao ay nilikhang malaya subalit hindi siya nilalang upang gumawa ng sariling batas na sasakop sa kanyang pamumuhay na walang pananagutan sa Diyos. Hindi rin ibig sabihin na ang malayang tao ay makagagawa ng ano mang naisin niya. Halimbawa, hindi niya maaaring palitan o baguhin ang mga ginawa ng Diyos tulad ng katangiang pampisikal na kanyang taglay o ano mang batas ng kalikasan. Bagamat dumating ang araw na nakamtan ng mga Pilipino ang pinangakong independensya - samakatuwid ay hindi na sila mananagot sa America - patuloy pa rin ang kanilang pananagutan sa Diyos patungkol sa uri ng kanilang pamumuhay. Walang bayan sa balat ng lupa na labas sa pananakop ng Soberenyang Diyos. Matapos makalaya ang bayan ng Israel mula sa pagkaalipin sa Egypt, nakipagtipan ang Diyos sa kanila. Ang tipan na ito ang nagpapatunay na makakamtan ng mga Israelita ang kasaganaan kung sila ay mananatiling tapat sa Diyos. Ang kabaligtaran naman ay tiyak na mangyayari din kung sila ay susuway sa Kanyang mga kautusan. Ang mga Israelita ay may kalayaang sundin o hindi sundin ang kalooban ng Diyos. Ang kasaganaan o kapahamakan ay nakasalalay sa kanilang mga kamay. Pagbulay-bulayan: Ano ang ibig sabihin ng kalayaang pinagkaloob ng Diyos sa tao? Ano ang kaibahan ng free will sa freedom to choose? Day 13 Ang tao ay nilikha ng Diyos na may tunay na kaalaman, katuwiran at kabanalan. Malaya siyang sumamba at maglingkod sa Diyos. Nauunawaan niya ang kanyang layunin na gumawa ng isang kabihasnan na magbibigay puri sa Diyos. Subalit siya ay nahulog sa kasalanan at dumanas ng kamatayan. Bago Siya magpahayag, madalas binabanggit ni Cristo na ang sasabihin Niya ay totoo. Sa John 14:6, sinabi Niya na Siya ang katotohanan. Si Cristo ay may tunay na kaalaman; ang lahat ng Kanyang nalalaman ay katotohanan. Sinabi ni Apostol Pedro na si Cristo ay ang kordero ng Diyos na walang bahid o depecto; Siya ay hindi nagkasala at ang Kanyang bibig ay walang taglay na panlilinlang (1 Peter 1:19, 2:22). Si Cristo ay may tunay na katuwiran; wala Siyang kasalanan.

Page 9: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 9

Sa Luke 1:35, tinagurian si Cristo na Ang Banal. Siya ang ipinangako ng Diyos na tagapagligtas ng Kanyang bayan. Siya ay nabuhay sa mundo para sundin lamang ang kalooban ng Diyos. Si Cristo ay may tunay na kabanalan; ang Kanyang buhay ay binukod-tanging kasangkapan para sa katuparan ng layunin ng Diyos. Nang likhain ang tao, siya ay may tunay na kaalaman - - ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa Diyos at sangnilikha ay pawang totoo. Siya ay may tunay na katuwiran - - wala siyang kasalanan. At siya ay may tunay na kabanalan - - siya ay binukod tangi ng Diyos para sa layunin ng Diyos. Binigyan ng Diyos ang tao ng kalayaang makapag-desisyon ng sarili ngunit hindi ang kalayaang makapagsarili. Ang tao ay hindi maaaring maging batas para sa kanyang sarili. Nang suwayin niya ang utos ng Diyos, siya ay nararapat na husgahan ng kamatayan. May dalawang uri ng kamatayan: a) espirituwal - ang paghihiwalay ng espiritu ng tao sa espiritu ng Diyos, at b) pisikal - ang pag-hihiwalay ng kaluluwa ng tao sa kanyang katawang lupa. Nang araw na nagkasala ang tao, siya ay dumanas agad ng espirituwal na kamatayan. Marami pang taon ang lumipas bago siya namatay nang pisikal. Pagbulay-bulayan: Ang kamatayan ay darating sa bawat buhay. Paano makapaghahanda sa appointment with death na ito? Day 14 Ang kasalanan kailanman ay hindi magiging katanggap-tanggap sa Banal na Diyos. Lahat ay nagkasala at ang kabayaran ng ating kasalanan ay kamatayan (Romans 3:23, 6:23). Apat na raang taon ang lumipas nang muling magkaroon ng propeta sa bayan ng Israel matapos pumanaw ni Malachi. Mula sa ilang, narinig ang malakas na hiyaw ni Juan Bautista, “Magsisi kayo sa inyong kasalanan, malapit na ang kaharian ng Diyos.” At noong panahong iyon dinalaw ng isang anghel si Birheng Maria, na kasintahan ni Jose. Sinabi ng anghel na dadalhin ni Maria sa kanyang sinapupunan ang uupo sa trono ni David na maghahari sa bayan ng Israel magpakailan pa man (Luke 1:32). Nang mapag-alaman ni Jose na nagdadalang-tao si Maria, minabuti niya na makipagkasira sa kasintahan nang palihim upang ito ay hindi mapahiya. Subalit bago magawa ni Jose ang bagay na iyon, binigyang liwanag ng anghel ang kanyang isipan. At sinabi ng anghel kay Jose na pangalanan niya ang sanggol na Jesus sapagkat Siya ang magliligtas sa Kanyang bayan mula sa kanilang mga kasalanan (Matthew 1:21). Sa Hebrews 9:22 sinasabi na kung walang daranak na dugo, walang kapatawaran. At sa Leviticus 17:11 matututuhan natin na ang buhay ng isang nilalang ay nasasa dugo at dugo ang panaklob sa kasalanan na pinag-utos ng Diyos na gamitin ng sino mang lalapit sa Kanyang harapan. Ang Abu Sayyaf ay nasa listahan ng mga Americano bilang terorista sapagkat napakaraming beses na sila ay nagkamal ng milyon-milyong piso dahil sa pagtubos sa kanilang mga naging biktima. Hindi mahalaga sa Abu Sayyaf kung sino ang nagbayad ng tubos, basta may nagbayad, tapos ang kuwento. Ang buhay ni Cristo ay mahalaga pa sa buhay ng lahat ng makasalanang tao sa buong mundo sapagkat ang Kanyang buhay ay walang bahid; walang ano mang karumihan. Sa mata ng Diyos, walang katumbas ang buhay ni Cristo. Wala nang iba pang katanggap-tanggap sa Diyos bilang pantubos sa makasalanang tao kundi ang buhay ni Jesus. Dumanak ang dugo ni Cristo sa Kalbaryo. Sa pamamagitan ng pagtitiwala kay Cristo, ang nagsisising tao ay napawawalang-sala at siya ay nagiging katanggap-tanggap sa Diyos dahil sa katuwiran ni Cristo na babalot sa kanya. Pagbulay-bulayan: Nakipagkasundo ka na ba sa Diyos? Paano tayo napawawalang-sala ng Diyos upang tayo ay maging katanggap-tanggap sa Kanya?

Page 10: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 10

Day 15 Tulad ng arina, ang lebadura ay sangkap na ginagamit sa paggawa ng pandesal. Ito ang nagpapa-alsa sa tinapay. Kapag ang tinapay ay walang alsa, ibig sabihin ay hindi ginamitan ng lebadura. Minsan, nagkuwento ang Panginoong Jesus. Ang wika Niya sa Matthew 13:33: Ang kaharian ng langit ay tulad ng lebadura na kinuha ng isang babae at isinama sa isang malaking kumpol na arina hanggang sa ito ay humalo sa buong masa. Sinasabi sa Ephesians 2:10 na tayong mga nagtitiwala kay Cristo ay gawang-sining ng Diyos, nilikha kay Cristo Jesus upang magtrabaho ng mabubuting gawa na itinalaga Niya para sa atin. Samakatuwid, marami tayong magagawa para sa pagbabago ng ating lipunan. Dahil sa kahirapan, hindi pumapasok sa aking isipan ang tumulong sa kapwa habang ako ay lumalaki. Wala akong nasa isip kundi ang yumaman. Kaya hindi ako nagdalawang isip nang ako ay tanungin ng aking ina kung nais kong makapunta sa America at doon maghanap ng trabaho. At doon, nakilala ko ang aking napangasawa. Matapos ang mahabang panahon ng pagpapagal, nakabili kami ng bahay, kotse at maraming kasangkapan. Subalit hindi nagtagal ang kasiyahang dinulot ng mga bagay na ito. Muli akong naghanap ng kasagutan. Dumanas ako ng isang matinding transpormasyon nang makilala ko si Cristo. Siya ang nagbigay liwanag sa aking puso tungkol sa layunin ng aking buhay. Nakamtan ko ang ligaya nang maunawaan ko ang dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin. Maging ang aking maybahay ay dumanas din ng transpormasyon. Ang mahalaga sa amin ngayon ay ang sumamba sa Diyos at makatulong sa kapwa. Maliwanag na itinuturo ng Bibliya na tayong mga mananampalataya ay may tungkulin sa kaharian ng Diyos. Tayo ay pinagkalooban ng mga abilidad at talento para magamit sa kaunlaran at paglago ng ating lipunan. Mayroon tayong mga mabubuting gawain na dapat pagpaguran. Tayo ay gagamitin ng Diyos na parang lebadura sa pagbabago ng ating bayan. Nararapat na ating harapin ang layuning ito. Pagbulay-bulayan: Paano ka magiging pasimula ng transpormasyon sa iyong tahanan? Sa iyong barangay? Sa iyong workplace?

Ikaapat na Bahagi - Ang tungkol sa Politica o Relasyon sa Awtoridad

Day 16 Ang politica ay agham ng gobyerno. Ito ay tungkol sa awtoridad, pamamahala, kapangyarihan at sa pagsakop sa mga taong namumuhay sa mga bansa, lipunan, munisipyo at barangay. Ang soberenya ng Diyos ang namamahala sa buong sansinukob sa pamamagitan ng probidensya. Ang Diyos ang may walang hanggang kapangyarihan, kaalaman, at presensya. Alam Niya ang puno’t dulo ng lahat ng bagay at pangyayari. Walang mangyayari sa sansinukob na walang pahintulot ang Panginoong Diyos. Inilalarawan sa Isaiah 14:12-14 ang pagbagsak ng isang makapangyarihang anghel, si Lucifer. Siya ay nagkaroon ng pagnanais na maging katulad ng Diyos. Tinangka niyang alisin ang kanyang sarili sa ilalim ng kapangyarihan ng Diyos at agawin sa Paniginoon ang kapamahalaan ng sansinukob. Bago umakyat si Cristo sa langit matapos ang Kanyang misyon, sinabi Niya sa Kanyang mga disipulo na lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay ibinigay na sa Kanya ng Kanyang Ama (Matthew 28:18). Si Cristo ang Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon. Mapapansin natin ang kaibahan ng dalawang kuwentong ito. Si Lucifer ay nagtangkang mang-agaw ng kapangyarihan, samantalang si Cristo ay naghintay na pagkalooban nito. Noon, maraming mga opisyal ng military ang nagtangkang agawin kay Presidente Aquino ang pama-

Page 11: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 11

mahala ng gobyerno. Silang lahat ay nabigo. Samantala, mayroong naghintay na ang People Power ang magluklok sa kanila sa Malacañang. Ang military coup sa democrasya ay hindi sang-ayon sa kalooban ng Diyos. Ang tungkulin ng Philippine Military ay ang pairalin ang kalooban ng nagkakaisang bayan sa panahon ng crisis. Si Satanas ay patuloy na ginagamit ng Diyos para sa katuparan din ng Kanyang kalooban - - tulad ng pagiging presidente ni Cory Aquino. Pagbulay-bulayan: Bakit patuloy na nakagagawa si Lucifer o Satanas ng panggugulo sa mundo kung siya ay nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo? Sa iyong palagay, bakit mayroong mga tao na patuloy na nagpupumilit mang-agaw ng awtoridad sa iba? Day 17 Ang mga magulang ay may awtoridad na pasunurin ang kanilang mga anak. Kasama ng awtoridad na ito ay ang malaking responsibilidad. Ang mga magulang ay inatasang palakihin ang kanilang mga anak sa disiplina at turo ng Panginoon. Sa aklat ng Proverbs sinasabi sa mga sumusunod: Ang hindi gumagamit ng yantok sa anak ay hindi nagmamahal sa kanya, subalit ang mapagmahal na magulang ay nagdidisiplina (13:24). Disiplinahin ang bata para magkaroon ng pagasa; huwag padamay sa mga masisisi sa kanyang kamatayan (19:18). Sanayin ang bata sa landas na dapat lakaran, at pag tanda niya hindi niya ito tatalikdan (22:6). Ang kalokohan ay nakapaloob sa puso ng bata, ang yantok ang makakatanggal nito (22:15). Disiplinahin mo ang iyong anak at bibigyan ka niya ng katahimikan; kasiyahan ng kaluluwa ang dadalhin niya sa iyo (29:17).” Sa Colossians 3:21 naman nakasulat para sa ama na huwag niyang galitin ng sobra ang anak upang ito ay hindi manlugmok. Sa Deuteronomy 6:4-9 inutos ng Diyos sa bayan ng Israel na mahalin nila ang Panginoong Diyos ng buong puso, kaluluwa at lakas. Sinabi pa Niya na ang Kanyang mga pinag-uutos ay dapat isapuso at ipako sa isipan ng kanilang mga anak. Pag-usapan nila ang mga ito habang sila ay nakaupo sa bahay at kapag sila ay naglalakad sa kalye, kapag sila ay nahihimlay at kapag bumabangon. Samakatuwid, sa lahat ng oras ay dapat tinuturuan ng ama ang anak tungkol sa kalooban ng Diyos. Palibhasa disiplinaryan ang tatay ko kaya hindi ko masikmura kapag nakakakita ako sa mall ng isang bata na hindi masuheto ng magulang. Minsan nakita ko sa SM ang ginawang pagbabanta ng magulang subalit hindi niya nakayang pasunurin ang naglulupasay at nagsisisigaw na bata. Para bang gusto ko nang makialam. Nasabi ko na lamang sa aking sarili na ang bata ring iyon ang kawawa paglaki niya. Siguradong walang matuwid na direksyon ang takbo ng kanyang buhay at hindi niya makakaya ang mga daranasin niyang pagsubok. Tinuturo sa Galatians 6:7 na aanihin natin kung ano ang ating itinatanim. Dahil sa kahalagahan ng pagdidisiplina ng mga anak habang bata pa, may utos din ang Diyos sa kanila. Sa Ephesians 6:1-3 at Colossians 3:20 nakasulat para sa mga bata na dapat nilang sundin ang kanilang mga magulang sa lahat ng bagay alang-alang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat at kalugod-lugod sa Kanya. Pagbulay-bulayan: Ano ang bunga ng hindi pagdidisiplina ng anak? Paano nagkakaroon ng pag-aagawan ng awtoridad sa loob ng tahanan? Day 18 Ang itinalaga ni Cristo na mamahala sa iglesya-local ay mga elders. Sa 1 Timothy 3:1-7 at Titus 1:6-9 nakasulat ang mga katangian at kakayahan na dapat taglay ng isang nagnanais maging elder: Siya ay hindi mapaparatangan ng ano mang masamang bagay, isa lamang ang asawa, mapagtimpi, mapagpigil sa sarili, kagalang-galang, mahusay makitungo sa bisita, maalam magturo, hindi lasenggo, hindi marahas kundi mahinahon, hindi pala-away, hindi nasisilaw sa pera, magaling mamahala ng kanyang pamilya, hindi baguhan sa pananampalataya, may magandang reputasyon sa labas ng iglesya, matuwid, may kabanalan, disiplinado at mahusay gumamit ng salita ng Diyos sa pagpapasigla at pagpapabulaan ng maling doctrina.

Page 12: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 12

Ang sabi-sabi sa mga iglesya sa ating panahon ay ito: Kung susundin natin ang lahat ng kuwalipikasyon na nakasulat sa Bagong Tipan, walang lalabas na karapat-dapat maging elder. Ang resulta ng pangangatuwirang ito ay ang pagtatatag ng mga elders na kulang sa kakayahan at paghahanda. Hindi dapat baliwalain ang mga pahayag ni Apostol Pablo bilang sukatan kung sino ang pupuwedeng maging elder o hindi. Napakahalaga na ang mga elders na namumuno sa mga iglesya-local ay may tunay na kakayahan sapagkat sa kanilang mga kamay nakasalalay ang paglago ng buhay espirituwal ng mga mananampalataya. Kinakailangan na magkaroon ng mahusay na values education, hindi lamang sa mga barangay, kundi sa mga iglesya-local. Kulang na kulang ang mga guro sa ating mga Sunday School. Bagamat hindi nakalista ng sunod-sunod ang mga katungkulan ng mga elders ng iglesya, ang apat na tungkulin na maliwanag na binabanggit ng Banal na Kasulatan ay:

a. Ang pagpapakain sa kawan b. Ang pagkalinga sa kawan c. Ang pangangasiwa ng pamumuhay ng iglesya d. Ang pagbibigay tanod sa kawan

Mabigat ang mga tungkuling ito. Kaya naman dapat pakahigpitan ang paghahanda at pagpili ng mga elders sa simbahan, maging pari man ang tawag sa kanila o pastor. Pagbulay-bulayan: Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng mga elders na may tunay na kakayahan? Paano nagkakaroon ng pag-aagawan ng awtoridad sa loob ng simbahan? Day 19 Sinasabi ni Apostol Pablo na ang bawat tao ay dapat pasakop sa mga namamahala sapagkat walang gobyerno na hindi itinatag ng Diyos. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinatag ng Diyos. Ang mga gumagawa ng mabuti ay walang dapat ipangamba sa gobyerno. Subalit ang gumagawa ng masama ay dapat matakot dahil ang gobyerno ay inarmasan upang sila ay parusahan (Romans 13:1-4). Sinasabi sa Genesis 6:5 na nakita ng Diyos na labis ang karahasan at kapusukan ng mga tao at wala na silang patuloy isipin kundi kasamaan lamang. Ang tawag sa kalagayan ng lipunan kapag wala nang sumusunod sa batas ay Anarkiya. Inilalagay ng mga mamamayan ang batas sa sarili nilang mga kamay. Pinagkaloob ni Cristo sa gobyerno-sibil ang pangangasiwa at pamamalakad ng kabuhayan ng mga mamamayan upang ang lipunan ay makapamuhay ng matahimik at ng may kabanalan (1 Timothy 2:2). Kapag ang kalagayan ng bayan ay nahahalintulad na sa anarkiya kailangan na patalsikin ng mamamayan ang mga namumuno sa gobyerno sa paraang walang karahasan. Nakakalungkot na sa Pilipinas, maski sino na lamang ay tumatakbong pagka-presidente o senador. Kahit na yaong mga wala namang karanasan o kakayahan ay ibinoboto ng madla dahil lamang sa kanyang katanyagan, kayamanan o kagandahang lalaki. Dapat maging maingat ang mga Pinoy sa pagpili ng kandidatong iboboto. Hindi dapat isipin na magkamali man tayo nang pagpili sa oras ng eleksyon, maitutuwid naman ito ng People Power. Dapat ipangaral na ang Democrasya ay handog sa mga nagpapahalaga ng boto; kapag hindi binigyan ng tamang pagpapahalaga ito, siguradong darating ang panahon na ang democrasya ay mapapalitan ng dictadura. Sa likod ng awtoridad ay responsibilidad. Ang mga magulang, mga elders at gobyerno-sibil ay binigyan ni Cristo ng kapangyarihan upang magampanan nila ang mga tungkulin na likas sa kanilang katungkulan. Subalit huwag nating kalimutan na ang sumasakop at sinasakop ay parehong may pananagutan sa Diyos. Ang mga anak sa tahanan, mga believers sa iglesya, at mga mamamayan sa isang bansa ay may responsibilidad na sundin ang mga patakarang itinatalaga ng mga may awtoridad. Sa democrasya, mabigat na responsibilidad ang pagpapahalaga ng boto.

Page 13: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 13

Pagbulay-bulayan: Kailan nagiging makatarungan ang pagpapatalsik ng mga namumuno sa gobyerno? Paano nagkakaroon ng centralization o concentration of power sa isang democrasya? Day 20 Walang umiiral na awtoridad ang may karapatang ituro na maaaring labagin ang batas ng Diyos. Hindi nararapat turuan ng magulang ang anak na maging kawatan o pulubi. Hindi nararapat turuan ng mga elders ang mga mananampalataya na sumamba sa diyos-diyosan. Ang gobyerno ay walang karapatang utusan ang mga Cristiano na magtrabaho kapag Linggo. Ang tao na inuutusan ng isang may kapangyarihan na suwayin ang Diyos ay may tungkulin na tanggihan ito. Kinakailangang sundin natin ang Diyos at hindi ang tao (Acts 5:29). Ang mga elders ay mayroong tungkulin na magturo, magsanay at maghanda ng mga Cristiano sa kanilang paglilingkod tungo sa pagkakaisa, paglago sa kaalaman at sa pag-unlad ng buong iglesya (Ephesians 4:11-13). Ang mga Cristiano ay dapat turuan, sanayin at ihanda rin sa pagiging asin at ilaw ng sanlibutan (Matthew 5:13-16). May tungkulin ang mga Cristiano na kalingain ang mga nagugutom, nauuhaw, walang matirhan, walang kasamahan, may sakit at nakakulong (Matthew 22:39, 25:34-40). Mahalaga para sa mga pinuno ng iglesya na maunawaan ang kanilang tungkulin. Ang congregasyon ay hindi nabubuhay upang maisakatuparan ang kanilang mga hangarin gaano man ito karangal. Ang mga elders ay mga lingkod sa congregasyon. Ang Diyos ay may iniatas na mga gawaing bukod-tangi sa bawa’t isa sa kanila. Ang mga elders ay dapat na maglingkod sa mga mananampalataya upang maunawaan nila ang plano ng Diyos para sa kanilang buhay at kung paano nila ito matutupad. Sa kabilang palad, inatasan ng Diyos ang gobyerno-sibil na ipagtanggol ang buhay at ari-arian ng mga mamamayan. Ito ay isinasagawa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa, sa pangangalaga ng kalikasan at sa pagtatanggol ng karapatan ng mga ordinaryong manggagawa laban sa mga mapagsamantalang negosyante o haciendero. Ang mga pinuno ng bayan ay may tungkuling ipatupad ang batas. Kung ito ay hindi maisasagawa, tiyak na kaguluhan ang maghahari sa bayan. Ang gobyerno ang dapat na magpatupad ng katarungan. Lahat ng pamahalaan ng tao ay itinatag ng Diyos para sa benepisyo ng mga nasa ilalim ng kanilang kapangyarihan, upang sila ay makapamuhay ng mapayapa, marangal at may kabanalan (1 Timothy 2:1-2). Ang iglesya at gobyerno sibil ay dalawang institusyon na pinaghiwalay ni Cristo sa ilalim ng Kanyang kapangyarihan. Ang dalawang ito ay hindi maaaring mag-agawan ng awtoridad. Hindi nila maaring pigilin ang pagsasakatuparan ng kani-kanilang mga tungkulin. Pagbulay-bulayan: Ano ang mga katungkulan ng Church at ano ang sa State? Ano ang epecto ng ginagawang pagbabanta ng church officials sa members ng executive at legislative branches ng ating pamahalaan?

Ikalimang Bahagi - Ang Tungkol sa Lipunan o Relasyon sa Kapwa

Day 21 Ang lipunan ay kapisanan ng mga mamamayan na may kasunduan na mamuhay nang sama-sama. Mayroon silang pinagkasunduang sistema ng batas upang mapanatili ang kapayaaan nang sa ganoon sila ay makapangalakal tungo sa kaunlaran. Ating natunghayan ang kuwento ng magkapatid na Cain at Abel. Minsan ang dalawa ay nagbigay ng handog sa Diyos. Tinanggap ng Diyos ang alay ni Abel subalit tinanggihan Niya ang handog ni Cain. Ang kaibahan ng mga handog ay nasa naghandog. Si Abel ay may pusong nagtitiwala sa Diyos samantalang ang puso ni Cain ay malayo sa Panginoon. Nagalit si Cain sa Diyos sapagkat kinalugdan ng Panginoon si Abel at hindi siya. Dahil sa hindi nagtiwala sa payo ng Diyos si Cain, ang kanyang galit ay nauwi sa ngit-ngit na nauwi sa pagpatay ng kanyang kapatid. Pinagdiskitahan ni Cain si Abel sapagkat hindi niya kayang labanan ang Diyos. Kung tayo man ay hindi pa nakasisiguro kung anong claseng lipunan ang kahihinatnan ng mga taong

Page 14: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 14

namumuhay sa labas ng presensya ng Diyos, huwag na tayong magtaka. Sa Genesis 6 sinasabi na ang buong mundo ng panahon ni Noah ay puno ng kasamaan, karahasan at kabulukan. Ang patuloy na iniisip ng mga tao noon ay pawang kabuktutan lamang.

Nakalulungkot ang kinagigisnan ng mga kabataan dito sa ating bayan. Mataas man ang katungkulan o mababa, mayaman man o mahirap, ang ugaling napapagmasdan ay maipipinta sa kasamaan, karahasan, kabulukan at kabuktutan. Parang ang paghahari ng kasalanan ay wala nang katapusan. Maging opisyal man sa gobyerno o militar, maging tanyag man o pangkaraniwang mamamayan, lahat ay sumasang-ayon na ang lahat ay gumagawa ng kasalanan sa pagkita ng pera. Ang mga taong walang takot sa Diyos ay walang gagawing mabuti sa kanilang kapwa.

Subalit, may pag-asa pa. Masdan natin ang mga Cristiano matapos umakyat sa langit si Cristo. Sila ay may pagkakakaisa sa puso’t diwa. Walang nag-aangkin na ang kanyang mga ari-arian ay sa kanya lamang. Kung kinakailangan, nagbebenta ng bahay at lupa ang mga maykaya upang matulungan ang may pagkukulang (Acts 4:32-35).

Pagbulay-bulayan: Mayroon bang magagawang kabutihan sa kapwa ang mga taong walang takot sa Diyos? Anong claseng relasyon mayroon ka sa Diyos?

Day 22 Sa tuwing mangangaral ang Panginoong Jesus labis na namamangha ang mga nakikinig sa Kanya. Subalit may mga Hudyong marurunong sa relihiyon ang madalas nakikipagdebate at ayaw patalo. Minsan isang abogado ang nagtanong kay Jesus bilang pagsubok kung ano ang pinakamahalagang utos sa batas ng Diyos. Ang sagot ni Cristo ay, Mahalin mo ang iyong Panginoong Diyos ng buong puso, kaluluwa, isip at lakas (Mark 12:30).

Ang sabi ni Apostol John ay ito: Ang sino mang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos, sapagkat ang Diyos ay pag-ibig. Ang sino mang namumuhay sa pag-ibig ay namumuhay sa Diyos, at ang Diyos ay nasasa kanya (1 John 4:8,16). Samakatuwid, malalaman natin kung anong uri ng pag-ibig sa Diyos mayroon ang isang tao sa pagtanto ng uri ng kanyang pag-ibig sa kapwa.

Maraming mga kadalagahan ang nagsasabing ang gusto nilang mapangasawa ay yaong mayaman, matanda at malapit nang mamatay. Ang sinasabi nila ay kuarta ang mahalaga. Sinasabi naman ng iba na ang pagmamahal ay natututuhan ng tao. Matututuhan daw nilang mahalin ang pangit basta mayaman. Anong uri ng pag-ibig sa asawa magkakaroon ang mga babaeng ganito?

Huwag nating kalimutan na ang pasimula ng tunay na pagmamahal sa Diyos ay ang pagkilala sa Kanya. Sapagkat kung makikilala natin ang Diyos, hindi natin mapipigilan na ibigin Siya. Sa kabilang dako, ang pag-ibig sa salapi ay hindi mauuwi sa pag-ibig sa taong masalapi.

Mayroon akong napanood na sine. Ang tanong ng lalaki sa kanyang maybahay ay ganito: “Mahal mo ba ako?” Magaling ang pagkakasagot ng babae. “Matapos kitang paglingkuran ng dalawampu’t limang taon, pinagluto kita, nilabhan at plinantsa ko ang iyong mga damit, pinalaki ko ang iyong mga anak, nilinis ko ang iyong barong-barong, winalis ko ang iyong bakuran. Tapos, tatanungin mo ako kung mahal kita?”

Tunay na ang katunayan at kalawakan ng ating pag-ibig sa Diyos ay mapagmamasdan sa ating mga gawa. Tulad din ng ating pagtitiwala sa Diyos. Ang ating pag-ibig at pagtitiwala ay napatutunayan sa ating gawa.

Pagbulay-bulayan: Paano mo masasabi na iniibig mo ang Diyos ng buong puso, kaluluwa, isip at lakas? Paano malalaman kung anong uri ng pag-ibig sa Diyos mayroon ang isang tao?

Day 23 Matapos sabihin ng Panginoong Jesus na ang pinakamahalagang kautusan ay ang mahalin ang Diyos ng buong puso, kaluluwa, isip at lakas, binanggit Niya na ang pangalawa ay tulad ng una: Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili (Matthew 22:39).

Page 15: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 15

Sa 1 John 4:19-21, sinasabi ni Apostol Juan ang ganito: Nagmamahal tayo sapagkat minahal muna tayo ng Diyos. Kung may nagsasabing mahal niya ang Diyos subalit kinamumuhian niya ang kanyang kapatid, siya ay sinungaling. Sapagkat ang sino man na hindi nagmamahal sa kanyang kapatid na kanyang nakikita, ay hindi nagmamahal sa Diyos na hindi pa niya nakikita. Inutos sa atin ni Cristo: Kung sino ang magmamahal sa Diyos ay dapat magmahal sa kapatid. Natatandaan ko na mayroong isang programa sa telebisyon na ang pamagat ay “Kapwa Ko, Mahal Ko.” Natatandaan ko na ayaw kong panoorin ang ganoong programa sapagkat ayokong mahingan ng pera o tulong para sa mahihirap. Wala akong magagawa sapagkat sapat lang para sa aking pangangailangan ang aking sinusuweldo. At isa pa, ang laging pumapasok sa isipan ko ay “kaya sila naghihirap ay dahil tamad sila.” Ang utos na ito ng ating Panginoon ay hindi madaling isagawa dahil sa karamihan ng mga tamad sa ating lipunan na umaasa na lamang sa abot. Napakarami rin ang mga tinatawag na professional squatters, mga bandidong ginagawang gatasan ang mga nakatiwangwang na lupa na kanilang nababakuran, napapatayuan ng tagpi-tagping plywood at yero at pagkatapos ay napaparentahan sa mga mahihirap. Napakarami rin ang mga taga-probinsya na nagpupunta sa Metro Manila na wala namang matutuluyan. Ang labas nila ay squatters din. Ang sobrang kahirapan ay laganap sa Pilipinas. Maliwanang na itinuturo ni Pablo na kung ang isang kapatid ay ayaw magtrabaho, hindi siya kakain (2 Thessalonians 3:10). Ang bulyaw naman ng Proverbs 6:6 sa tamad ay, Pagmasdan mo ang mga langgam, alamin mo ang kanilang pamamaraan at karunungan.” Hindi dapat abutan ng tulong ang mga tamad. Sila ay dapat pabayaang gutumin. Sapagkat kapag sila ay ginutom, mapipilitan silang maghanap ng trabaho. Mamamahal natin ang ating kapwa sa pamamagitan ng pagtulong sa kanila sa oras ng panga-ngailangan. Subalit hindi natin dapat tulungan ang mga tamad at mapagsamantala. Pagbulay-bulayan: Makakaya mo bang mahalin ang kapwa mo na ubod ng tamad at pala-asa? Paano mo mamahalin ang mga taong katulad nila? Paano mo mamahalin ang iyong kapwa? Day 24 Sinasabi sa Genesis 4:10-18 na matapos palayasin ng Diyos si Cain, ito ay nagtungo sa lupain ng Nod, sa dakong silangan ng Eden. At doon matapos ang mahabang panahon siya ay nakapagtatag ng isang siyudad. Habang itinatatag ng Diyos ang Kanyang kaharian dito sa lupa gaya ng sa langit, ang mga tao naman ay patuloy sa pagtatayo ng kani-kanilang mga subdivisions. Pinapaalalahanan tayo ng Panginoong Jesus sa John 17:16 na tayo, bagamat nasa mundo, ay hindi taga-mundo. Si Apostol Pablo sa Colossians 1:13 ay nagsasabi na tayo ay iniligtas sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ni Cristo. Ang mga hinirang mula sa iba’t-ibang lipunan na nakakalat sa mundo ay hindi dapat tumingin sa mga bahay sa mga siyudad na tinayo ng tao na para nang pirmihang tahanan. Kahit tayo ay gumagalaw sa mundo, kinakailangan na ang ating mga mata ay nakapako kay Jesus at sa Kanyang kaharian. Bagamat napakarami ang mga tagpi-tagping barong-barong ang nagkalat sa Metro Manila, napakarami rin naman ang naglalakihang mga bahay at mansyon sa iba’t ibang dako ng Ortigas, Makati at Alabang. Ang kaligayahan ng mga Pilipino ay kadalasang nakatuon sa pagkakaroon ng bahay. Nang ihayag ni Cristo sa Kanyang mga disipulo ang nalalapit Niyang pagpanaw, ang mga ito ay lubhang nalungkot at nabagabag. Upang sila ay pasiglahin, nagpatuloy na magpahayag ang Panginoon. Sinabi Niya na sa tahanan ng Kanyang Ama ay maraming silid. Aalis Siya upang maghanda ng kanilang matutuluyan. At kung Siya ay maghahanda ng kanilang matitirhan, tiyak na Siya ay babalik upang sila ay sunduin (John 14:1-4). Tayong mga mananampalataya ay nakasisiguro ng permanenteng tahanan sa langit.

Page 16: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 16

Marami sa mga negosyante, mga opisyal ng malalaking companya, at mga malakas mangurakot sa gobyerno ang walang tigil sa pagtatrabaho o paggimik upang kanilang mapalago ang kanilang kayamanan. Sila ay patuloy na nagpapalakihan ng bahay.

Sa Matthew 8:20 sinabi ni Cristo na ang mga lobo ay may lungga at ang mga ibon ay may pugad, subalit Siya ay wala man lamang mahimlayan. Samakatuwid, hindi mahalaga kung tayo man ay may bahay o wala o kung malaki man ito o maliit lamang. Tayo ay dapat manirahan sa tahanan na ipinagkakaloob sa atin ng Diyos habang tayo ay patuloy na naglilingkod sa Kanya.

Pagbulay-bulayan: Contento ka ba sa iyong tirahan? Gaano ka kaabala sa pagpapalaki o pag-papaganda ng iyong tirahan? Saan dapat manirahan ang mga mananampalataya?

Day 25 Marami ang naaakit sa mga pelikulang tungkol sa mga aswang, kapre, tikbalang, bampira at demonyo. Marami rin ang nauudyok sa impluwensya sa utak at pakiramdam ng shabu o iba pang pinagbabawal na droga. Ang isa pang nakagagayuma sa lipunan ay ang mga iskandalo. Gustong-gustong malaman ng mga tao ang buhay ng may buhay - - sino ang sinisipingan ng kung sinong artista, sino ang pinakamalakas mangurakot sa gobyerno, sino ang syoki sa senado? Ang dahilan kung bakit nangyayari ang mga kalokohang ito ay sapagkat si Satanas ang prinsipe ng mundo (John 12:31). Siya ang kapangyarihan sa likod ng ahas sa Hardin ng Eden at siya pa rin ang kapangyarihang nasa likod ng mga sex-and-violence producers, drug pushers, mga ocultista at espiritista, at sa mga tsismoso at tsismosa.

Mayroon akong kaeskuwela noong high school na siga. Lahat kami ay nababakalan niya ng pang-toma. Di naglaon, siya ay naging lider ng isang carnapping ring. Kamakailan, naimbita na lamang ako sa kanyang lamay. Ang kuwento ay nakorner siya ng mga NBI agents at sampung bala ang tama ng kanyang katawan.

Ang malaking kasalanan ay nagmumula sa maliit na kalokohan. Ang pagsuway sa mabigat na batas ay nagsisimula lamang sa pagbili ng pirated dvd o konting marijuana. Ang malakihang pangungurakot ay nagsisimula lamang sa pagtanggap ng maliit na lagay. Ang anarkiya o matinding kaguluhan ay nagsi-simula lamang sa munting pagsuway sa batas - - tulad ng hindi pagsunod sa ilaw ng trapiko, pangongotong o pandurukot.

Minsan, tinanong ni Cristo ang kanyang mga alagad, Sino Ako sa palagay ninyo? Sumagot si Simon Pedro, “Kayo ang Cristo, ang Anak ng Buhay na Diyos.” Ang tugon ni Jesus ay ito: Pinagpala ka Pedro, pinahayag sa iyo ito ng Aking Ama sa langit. At sinasabi Ko sa iyo, sa ibabaw ng batong ito itatatag Ko ang Aking iglesya, at ang tarangkahan ng impiyerno ay hindi makapipigil dito (Matthew 16:13-18).

Maaaring naghahari sa ngayon si Satanas sa bayang Pilipinas, subalit kapag nagising ang iglesyang nakatayo sa salita ng Diyos, tiyak na magwawagi ang katotohanan, kabutihan at katuwiran. Mapipigil ng mga Cristiano ang paghantong ng bayan tungo sa matinding kaguluhan kung tutuparin nila ang kanilang layunin bilang asin ng lupa at ilaw ng mundo.

Pagbulay-bulayan: Paano mapipigilan ang paghantong sa matinding kaguluhan ng ating bayan? Paano ka nagiging mabuting impluwensya sa loob ng iyong tahanan? Sa iyong kapitbahay? Sa iyong kasamahan sa trabaho?

Ika-anim na Bahagi - Ang Tungkol sa Economiya o ang Pangangasiwa ng Kaloob ng Diyos

Day 26 Ang economiya ay agham na nagsisiyasat ng mga kalagayan at batas na tumutukoy sa paggawa, pagconsumo, pamamahagi, at pagpapalitan ng mga productong ginugusto at kinakailangan ng tao. Ang salitang Economiya ay mula sa salitang Greco “oikonomia” na nangangahulugang bahay (oikos) at alituntunin (nomia); Ibig sabihin, mga alituntunin sa isang sambahayan.

Page 17: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 17

Malapit sa kultura ng mga Hebreo ang ating kultura pagdating sa paghawak ng pera. Tunghayan natin ang ulirang maybahay sa Proverbs 31 at sa kanya tayo matututo kung paano maging mahusay sa paggamit ng panahon, abilidad o talento at ng pananalapi.

Tungkol sa paggamit ng panahon sinasabi sa Proverbs 31 na sa buong buhay niya, pinag- kakalooban ng ulirang asawa ang kanyang asawa ng kabutihan. Madilim pa kung siya ay gumising upang ipaghanda ng pagkain ang kanyang pamilya at mabahagihan ang kanyang mga katulong. May kasiglahan at kalakasan ang pagtatrabaho ng kanyang mga kamay hanggang sa pagdilim. Hindi mo siya makikitang nakatanga. Tinitingnan niya ang takbo ng kanilang kabuhayan. Tumatawa lamang siya kapag naiisip niya ang kinabukasan. Ibig sabihin ay handa siyang harapin ano man ang dala nito. Tungkol naman sa abilidad o talento, nasa talatang ito na buo ang tiwala ng asawa sa kanyang kakayahan. Mahusay siyang mamili. Ang binibili niyang pagkain, kasuotan, kasangkapan, at kagamitan ay pawang mataas ang kalidad. Marunong din siyang magpalago ng naitatabing salapi. Bumibili siya ng bukid na nagbubunga ng magandang ani. Ang kanyang pagnenegosyo ay nagdadala ng pakinabang.

At tungkol naman sa pananalapi, tulad nang nasabi na, mahusay siyang humawak ng pera. Subalit ang mahalagang katangian na dapat nating bigyang pansin ay ang pagiging bukas-palad niya sa mahihirap. Hindi lamang ang kanyang asawa’t mga anak ang nakikinabang sa kanyang buhay kundi marami pang iba. Ito ang secreto ng kanyang pagyaman - ang paghahasik ng biyayang kanyang tinatanggap.

Pagbulay-bulayan: Paano mo ginagamit ang iyong time, talents and resources? Paano tayo matututong mangasiwa ng ating panahon, abilidad, o pananalapi sa tamang paraan? Day 27 Sinasabi sa Proverbs 9:10 na ang pagkatakot sa Panginoon ay simula ng karunungan. Kinakailangan ang karunungan sa pagiging mahusay na economista. Inilalarawan sa Proverbs 31 ang isang masaganang tahanan dahil sa mabuting pamamalakad ng ulirang maybahay sa kanyang sambahayan. Isa sa mga katangiang taglay niya ay pagiging masigasig at masigla sa pagtatrabaho. Hindi natin kailanman makikita ang marunong na tao na naka-istambay sa kanto at nagkakamot ng tiyan.

Nakakalungkot ang mga eksena na napagmamasdan sa mga lugar ng squatters. Ang mga bata ay nagkalat sa kalye. Habang ang mga babae ay naglalaba, ang mga lalaki naman ay nagmamadyong, nagpu-pool o nag-iinuman. Nakasando at luwa ang mga tiyan.

Ang mga Chinoy ay mayayaman. Kung hindi man sobrang yaman, mayaman pa rin kumpara sa mga Pinoy. Hindi sila yumaman dahil pabanjing-banjing lang sila. Sila ay masisipag at masisigasig sa pagtatrabaho. Ang mga Bombay ay makikita mo ding nagsisipag, at hindi na lang payong ang kanilang binebenta ngayon. Hindi ko naman sinasabi na ang lahat sa kanila ay yumayaman sa tamang paraan. Marami rin siguro sa kanila ang tulad ng mga mandarayang negosyanteng Pinoy.

Ang matututuhan natin sa ulirang maybahay ay ang katotohanan na ang masipag at masigasig sa paghahanap-buhay ay hindi na kinakailangang gumawa pa ng labag sa batas upang magtagumpay at lumigaya.

Dahil sa alam natin na nagtatagumpay sa paghahanap-buhay ang mga dumadayo sa ating bansa, hindi maaaring tanggapin ang dahilan ng mga tamad na wala namang makitang trabaho kahit maghanap man sila. Hindi rin dapat tanggapin ang dahilang napakababa naman ng pasuweldo dito sa ating bayan.

Ito ang babalang taglay ng Proverbs 6:6-11: Tamad, tumingin ka sa mga langgam, pagmasdan mo ang kanilang pamamaraan at maging marunong ka rin. Wala silang commander o elder o boss, pero nakapag-iipon sila ng pagkain habang hindi pa tag-ulan. Gaano ka katagal magpapahila-hilata diyan, batugan? Kailan ka babangon sa iyong pagkakahimbing? Konting tulog, konting idlip,

Page 18: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 18

konting himlay - - at ang paghihikahos ay darating na parang mandarambong, ang pagiging-salat na parang tulisan. Pagbulay-bulayan: Anong mga prinsipyo sa buhay ang matututuhan mula sa Proverbs 6:6-11: Tamad, tumingin ka sa mga langgam, pagmasdan mo ang kanilang pamamaraan at maging marunong ka rin. Wala silang commander o elder o boss, pero nakapag-iipon sila ng pagkain habang hindi pa tag-ulan. Gaano ka katagal magpapahila-hilata diyan, batugan? Kailan ka babangon sa iyong pagkakahimbing? Konting tulog, konting idlip, konting himlay - - at ang paghihikahos ay darating na parang mandarambong, ang pagiging-salat na parang tulisan. Magagawa ba ng isang Pilipino na magtagumpay sa buhay kung hindi siya lalabag sa batas? Day 28 Sinasabi sa Luke 12:48 na, Ang binigyan ng marami ay paghahanapan ng marami; ang pinag-katiwalaan ng marami ay hihingan ng mas marami. Ang ulirang maybahay na ating nakilala sa Proverbs 31 ay nagsisilbing halimbawa ng isang matagumpay na tao na may pang-unawa sa prinsipyong ito ng Diyos. Bukas ang kanyang palad para sa mahihirap at pinaabot niya ang kanyang tulong sa mga may pangangailangan. Nakilala din natin ang mga mayayamang Cristiano sa Acts 4:32-35. Kung kinakailangan magbenta sila ng ari-arian dahil sa pangangailangan ng kapatiran, hindi sila nagdadalawang isip. Ginawa nila ang mabuting bagay na iyon sapagkat alam nilang iyon ang kalooban ng Diyos para sa kanila noon. Nauunawaan nila ang salita ni Cristo na nagsasabing, Higit na pagpapala ang makapagbigay kaysa sa tumanggap (Acts 20:35c). Ang mga Catolico at ibang mga Protestante ay hindi tinuturuan na magbigay ng ikapu sa gawain ng Diyos. Ito ay malaking pagkukulang sa mga Cristiano sapagkat mayroong malaking pagpapala ang tinatamo ng matapat at masayang magbigay. Ang ikapu ng ating kinikita ay simula lamang ng pagbibigay sa gawain ng Diyos dito sa lupa. Sa Luke 6:38 sinabi ni Cristo na kapag ikaw ay nagbigay, ito ay ibibigay sa iyo. Isang mainam na takal, siksik na siksik at umaapaw, ang ibubuhos sa iyong kandungan. Noon, malaki na sa akin ang ang bente sentimos na abuloy tuwing Linggo para pakitang-tao. Mabuti na lamang at natutuhan ko rin na magbigay sa gawain ng Diyos at tuloy maranasan ang pagpapalang kalakip nito. Tungkol sa bagay nang paghahanap ng marami sa pinagkalooban ng marami, huwag nating isipin na ang lahat ng yaman ay kaloob o pagpapala ng Diyos. Alam natin na maraming nangungurakot sa gobyerno ang nagtatangkang magbigay ng handog sa Diyos tulad ni Cain. Subalit hindi rin tatanggapin ng Diyos ang mga handog nila o ng ano mang handog na galing sa masamang paraan. Hindi tumatanggap ng lagay ang Diyos. Tanggapin man iyon ng simbahan, hindi rin gagamitin ng Diyos ang salaping galing sa kasamaan para sa Kanyang gawain dito sa lupa. Isang uri ng handog lamang ang tinatanggap ng Diyos, at iyon ang tulad ng kay Abel - - handog mula sa pusong may pagtitiwala sa Kanyang salita. Pagbulay-bulayan: Ang lahat ba ng yaman ay kaloob o pagpapala na nanggaling sa Diyos? Gaano karami ang marami patungkol sa pagbibigay sa gawain ng Diyos dito sa lupa? Day 29 Isang araw habang sila ay nagkukuwentuhan, sinabi ni Cristo sa Kanyang mga alagad, Ang sino man na gustuhing sumama sa Akin, kinakailangan na pagkaitan niya ang kanyang sarili, dalhin niya ang kanyang krus araw-araw, at sumunod siya sa Akin (Luke 9:23). Minsan naman habang Si Cristo ay nangangaral, may isang abogado ang nagsabi sa Kanya ng, “Guro, susundan Kita maski saan Ka man pumunta (Matthew 8:20). Sumagot sa kanya si Cristo, May kuta ang mga lobo, subalit ang Anak ng Tao ay wala man lamang mahimlayan ng ulo (Matthew 8:19-20).

Page 19: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 19

Bakit kaya pag tumingin tayo sa ating closet, eh napakaraming damit ang nakikita natin? Bakit ba napakarami nating sapatos? At ang dami nating kasangkapan? Ito ay sapagkat hindi natin tunay na nauunawaan ang pangaral ni Cristo tungkol sa pag-aari ng maraming materyal na bagay at ang epecto nito sa buhay ng tao. Sa Mattew 6:25-33, sinasabi ng ating Panginoon na huwag tayong mangamba kung ano ang ating kakainin, iinumin o isusuot. Hindi raw ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at kasuotan? At ang payo Niya ay huwag tayong mag-alala kundi hanapin muna natin ang kaharian ng Diyos at ang Kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga ito ay atin din makakamtan. Tama, ang buhay ay higit pa sa pagkain o kasuotan. Kung ito ay matututuhan lamang ng bawat Pilipino, wala na tayong magiging problema. Isipin natin: Bakit ang laki ng nagagastos natin sa pagkain at sa damit? Kasi hindi tayo marunong kumain ng tama at gusto pa rin nating maging katanggap-tanggap sa mata ng tao. Kung ang isang bagay ay maipagkakait natin sa ating sarili na walang magiging masamang epecto sa ating buhay, ito ay hindi natin pangangailangan. Ito ay kagustuhan lamang. Subalit ang totoo ay hindi natin magagawang ipagkait ang ating kagustuhan kung hindi natin matututuhang pailalim sa kalooban ng Diyos, tulad ng ginawa ni Cristo (Luke 22:42). Siguradong bibilhin pa rin natin ang gusto natin kung tayo ay may pambili. Panahon na upang magpigil tayo sa sarili. Pagbulay-bulayan: Pagmasdan mo ang iyong mga kagamitan. Alin sa mga ito ang tunay na kailangan mo? Alin ang luho lamang? Ilan ba ang kailangan mong damit? Pantalon? Sapatos? Etc. Paano natin maihihiwalay ang ating pangangailangan sa ating kagustuhan? Day 30 Nang likhain ng Diyos ang tao, kasama sa kanyang kalikasan ang dalawang naisin, ang sumamba at maglingkod sa Diyos. Ang pagsamba sa Diyos ay nararapat na galing sa pusong nagtitiwala sa Kanyang salita at ang paglilingkod ay ayon sa Kanyang kalooban at kautusan sa Genesis 1:28: Magbunga kayo at magparami; punuin ninyo ang lupa at lupigin ninyo ito. Pamahalaan ninyo ang mga isda sa karagatan at mga ibon sa kalangitan at lahat ng hayop at ano mang gumagapang sa lupa. Sa unang utos na ito, maliwanag ang layuning ibinigay ng Diyos sa tao patungkol sa kanyang paglilingkod. Una, magbunga at magparami, punuin ang lupa. Mahalaga na alalahanin natin na ibinigay ito ng Diyos sa tao bago sila mahulog sa kasalanan. Ang nasa isip ng Diyos na magpuno ng mundo ay mga taong taglay ang malinis at malinaw Niyang larawan bago ito narumihan at lumabo dahil sa kasalanan. Hanggang hindi lubusang naihuhugis ng Diyos ang wangis ni Cristo sa mga mananampalataya, hindi matutupad ang layuning ito. Kaya pinag-uutos ng Panginoong Jesus sa mga mananampalataya na humayo, ibunyag ang ebanghelyo at gumawa ng Kanyang mga disipulo sa bawat bansa. Ikalawa, lupigin ninyo ang lupa. Ang kalagayan ng lupa sa Genesis 1:2 ay walang porma, hungkag, at madilim. Ito ang condisyon ng lupa bago pa man ito sumpain ng Diyos dahil sa kasalanan (Genesis 3:17). Walang porma at hungkag ang lupa ng panahong iyon sapagkat ibibigay ng Panginoon Diyos ang pribelehiyo ng pagpapayaman ng lupa sa lilikhain pa Niyang tao. Ang mga puno at halaman bago pa man pumasok ang kasalanan sa mundo ay lalago nang parang walang kaayusan. Hihintayin nito ang paglulupig o paghahardin na gagawin ng tao. Ang Hardin ng Eden ang magsisilbing modelo para nila tularan. Kaya ba natin sa ating panahon na pagyamanin ang lupa sa buong mundo. Agriculture! Kayang-kaya, di ba? Ikatlo, pamahalaan ninyo ang mga isda, ibon, hayop at lahat ng gumagapang sa balat ng lupa. Aquaculture! Kayang-kaya din natin yan! Kung tutuusin, kayang-kaya nating pakainin ang buong mundo. Birds and insect theme parks at maraming Zoo! Kaya din. Ang kinakailangan lang nating gawin ay palitan natin ang ating kultura. Alisin natin ang mga ugaling kanya-kanya tayo nang langoy

Page 20: Meditations on Values Formation Part Two: Pananaw sa Buhay ... fileKanyang salita tulad nang pagsasalungat na ginawa ng diablo. Sinabi ni Cristo sa John 8:44 na ang Sinabi ni Cristo

Philippine Biblical Worldview Institute 20

bahala ka sa buhay mo; ako muna bago kayo; maperwisyo na tayong lahat huwag mo lamang akong malamangan. Kinakailangan lamang na palitan natin ang ating pananaw sa buhay at mundo. Nakasalaylay sa ating mga kamay ang ating pag-unlad. Manalig sana tayo sa Diyos. Pagbulay-bulayan: Kung mayroon kang kapangyarihang mapasunod ang bayan, ano ang iyong gagawin para walang gutumin? Paano mo mapagyayaman ang ating mga lupain?

Thought Construct

Ang ating mga pinaniniwalaan (belief system) tungkol sa kalikasan ng Diyos at kalikasan ng Tao ang siyang huhubog sa ating mga pinahahalagahan (value system) na siya namang magdidikta sa ating pagkilos o ugali na mapagmamasdan sa ating relasyon sa awtoridad (politics), relasyon sa kapwa (society) at sa pangangasiwa ng ating taglay na resources (economics).

Mga susunod na pag-aaral: Values Formation: Servant Leadership Values Formation: Godly Parenting

© 2014 Conrad Jun Tolosa

All rights reserved. No part of this material may be reproduced, stored in a retrieval system, or transmitted in any form or by any means except for brief quotations for the purpose of review or comments, without the prior permission of the publisher, Philippine Biblical Worldview Institute.