20
Chuck Hayes Bahagi ng mga Aklat tungkol sa Pananampalataya NAGTATAGUMPAY ANG PANANAMPALATAYANG

PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Chuck Hayes sa:

[email protected] Chuck Hayes

i

i

“Ang sinumang magtatagumpay ay

magmamana ng lahat ng bagay,

at ‘Ako ay magiging Diyos niya at

siya nama’y magiging anak Ko’”

—Pahayag 21:7

Bahagi ng mga Aklat tungkol sa Pananampalataya

NAGTATAGUMPAYANG PANANAMPALATAYANG

Page 2: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang
Page 3: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Chuck Hayes

Bahagi ng mga Aklat tungkol sa Pananampalataya

NAGTATAGUMPAYANG PANANAMPALATAYANG

Page 4: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Ang Pananampalatayang NagtatagumpayKarapatan ng Paglathala © 2017 ni Chuck Hayes

Nakareserba ang lahat ng karapatan. Alinmang bahagi ng aklat na ito ay hindi maaaring kopyahin, iimbak sa lalagyan o kaya ay ipamahagi sa anu-mang porma at kaparaanan, kung walang paunang pahintulot na ipinadala sa may-akda.

Inilimbag sa United States of America.

Ang mga talatang ginamit sa aklat na ito ay mula sa Magandang Balita Biblia © 2012 ng Philippine Bible Society, 890 United Nations Avenue, 1000 Manila, Philippines. Ginamit ng may pahintulot.

Ang chart sa pahina 2 ay mula sa The Pauline Eschatology ni Geerhardus Vos. ISBN 978-0-87552-505-1. Pahina 38. Ginamit ng may pahintulot mula sa P&R Publishing Co., P.O. Box 817, Phillipsburg, NJ 08865, USA www.prpbooks.com

Ang pagsusuri at pagsasa-ayos ay ginawa ng www.ChristianEditingServices.com

Ang kumpletong mga aklat tungkol sa pananampalataya ay matatagpuan din sa pamamagitan ng Kindle format sa: www.amazon.com.

Isinalin sa Tagalog ni Bro. Edgar V. Villaflores ng

In Christ Grace Community Church—Labo, Camarines Norte, Philippines.

Ang iba pang mga aklat tungkol sa pananampalataya: Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig

Ang Pananampalataya na Walang Gawa ay Patay

Page 5: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Ang Ebanghelyo (Mabuting Balita)Ang Diyos Ama ay ipinakita ang napaka-saganang kayamanan ng Kanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama-magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang hanggan ay nagkatawang-tao. Ang Kanyang misyon ay malinaw: inialay Niya ang Kanyang buhay doon sa krus ng Kalbaryo para payapain at alisin ang galit ng Diyos Ama, at bayaran ang mga kasalanan ng Kanyang bayan. Pagkalipas ng tatlong araw, Siya ay muling bumangon mula sa mga patay. Ang pagkabuhay na muli ay totoong nangyari at bahagi na ito ng kasaysayan! Sinumang makarinig ng mensahe ng ebanghelyo, tinaya ang halaga nito, at tumugon sa pamamagitan ng pagsisi ng kasalanan at pagsampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas ay mayroon ng buhay na walang hanggan. Ito ang mabuting balita ngayon!

Page 6: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Mahal na Mambabasa,

Nang simulan ko ang serye tungkol sa pananampalataya—ito ay grupo ng mga madaling basahing aklat na ang tanging layunin ay ipaliwa-nag ang kalikasan at epekto ng tunay na pananampalataya—hindi ko inaasahan ang kagalakan at mga bagay na kasunod pa nito. Ngunit ang ilan na tinalikdan ang kanilang sarili para sa mahirap na gawain ng pangangaral ng ebanghelyo sa buong mundo ay kaagad na napa-tunayan ang katotohanang ito. Samantala, matapos ang tatlong taon at ang ilang libong kopyang ipinamigay ng libre sa ibat-ibang wika, taglay mo ngayon ang pinakahuling aklat sa Serye ng mga Aklat tungkol sa Pananampalataya.

Katulad sa anumang serye, ang manunulat (o tagapagsalita) ay nag-sisimula sa pangunahing katotohanan at nagpapatuloy siya sa pagtatayo at pagpapatibay tungkol sa katotohanang iyon. Halimbawa, sapagkat ang mga tao ay dapat na makarinig ng ebanghelyo upang sila ay sumam-palataya, sa “Ang Pananampalataya ay Nagsisimula sa Pakikinig” ay hinamon ko ang mga Cristiano na ipangaral ang ebanghelyo mula sa pintuan ng kanilang mga tahanan hanggang sa dulo ng daigdig. Ang sumunod na aklat ay “Ang Pananampalataya na Walang Gawa ay Patay” ay tinalakay ko ang kaugnayan ng tunay na pananampalataya, na nagbubunga ng mabubuting gawa, at ang patay na pananampala-taya, na walang resulta. Ang buod nito ay ipinangangaral natin ang ebanghelyo, na nagbubunga ng mabubuting gawa—kasama na ang pagkaawa sa ibang tao!

Makabubuti siguro na tapusin o kumpletuhin ko ang tatlong aklat na ito tungkol sa pagtatagumpay sa sanlibutan—katulad ng pag-uusig, maling katuruan at ang tukso ng pera, kapangyarihan, at kaginhawa-han. Bakit? Sapagkat habang tayo ay naghihintay sa maluwalhating pagbabalik ni Cristo, ang mga panganib na ito ay patuloy na titindi, na magiging dahilan upang ang mga nagkukunwaring Cristiano ay umalis at tumalikod sa pananampalataya. Kung kayat, tinalakay ko dito sa

“Ang Pananampalatayang Nagtatagumpay” na tanging iyon lamang mga nagpapatuloy ang “magmamana ng lahat ng mga bagay” (Pahayag 21:7) at makakaligtas sa pangalawang kamatayan. Bigyan nawa kayo ng Banal na Espiritu ng tainga para makinig!

Chuck Hayes

Page 7: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

1

Napakinggan ko ang ebanghelyo sa unang pagkakataon noong taong 1999 sa isang iglesya sa Alma, Arkansas, USA. Pagkalipas ng ilang araw, dahil nadama ko ang bigat ng aking kasalanan, ay itinaas ko ang aking kamay at sumigaw ng, “Jesus, iligtas mo ako!” (Hindi ako tumugon sa isang “altar call.” Walang nakahan-dang panalangin ng pagsisi! Hmmm.) Simula ng sandaling iyon, pagkatapos ng ilang taong pagkukunwari, ako ay binigyan ng pagsisisi at pananampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas—sa unang pagkakataon!

Matapos akong mabawtismuhan sa tubig at maging miyembro ng lokal na iglesyang iyon, ginawa ko ang isang pangkaraniwan (o pwede ring sabihing “hindi-pangkaraniwan”): ang mangaral ng ebanghelyo sa ibang tao. Sa aking pagkamangha, hindi lahat ay nakita ang tanda ng aking kaligtasan sa pamamagitan ng aking pagpapatotoo ayon sa kilos ng Espiritu. Ang katotohanan, ang isa sa tao na aking sinabihan ng aking bagong buhay kay Cristo ay nagsabi, “Tanging ang panahon lang ang makapagsasabi!”

NAGTATAGUMPAYANG PANANAMPALATAYANG

Page 8: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

ANG PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY

2

Ano ang ibig niyang sabihin! Siguro, matapos ang ilang taon ng pagbabasa at pagbubulay sa salita ng Diyos, ay maaaring ang ibig niyang sabihin (totoo man o hindi) ay katulad ng isinulat ni Apostol Juan, “Ito ang makakamtan ng magtatagumpay: ‘Ako ay magiging Diyos niya at siya nama’y magiging anak Ko.’” Simple lang ito, ang pananampalataya na nagpapatuloy sa kasalukuyang kapanahunan1 ay ang panananampalataya na nagtatagumpay.

Ang Bagong NilikhaHabang nakabilanggo sa isla ng Patmos, si Apostol Juan, ang may-akda ng ebanghelyo, 1 Juan, 2 Juan, 3 Juan at ng Aklat ng Pahayag, ay nakatanggap ng pangitain mula sa muling nabuhay at niluwalhating si Jesu-Cristo, para: “ipakita sa mga alipin ng Diyos ang mga bagay na malapit ng maganap” (Pahayag 1:1). Isinulat niya ang mga bagay na ito sa Pahayag, ang huling aklat sa Biblia, para sa pitong iglesya sa Asya (at para rin sa iglesya sa

1 Ang sumusunod na chart ay nagbibigay ng magandang kapaliwanagan tungkol sa kasalukuyang panahon at sa darating pang mga panahon.

TWO-AGE ESCHATOLOGYConcepts from The Pauline Eschatology, by Geerhardus Vos

B

CREATION THE MESSIAH COMES

THIS CURRENT AGE THE AGE TO COME

With progressive revelation, the coming of Christ is now understood as two advents A , not as one, as the saints of the OT saw B. There are two ages in human history: this current age and the age to come. This current age is temporal. The age to come is eternal. There is an overlap of the two ages between the two comings. While we live in this current age, we also belong to the age to come. There is a tension and even conflict between these two realms. This tension continues from the first coming until the second. It is the first coming of Christ that is definitive and conclusive, not the second. Hence, our hope is sure and certain, even though it is not seen.

design by R. Lirarev. 12/26/11

A

CREATION FIRST ADVENT

THE AGE TO COME (ETERNAL)

INCARNATION

RESU

RREC

TION

T H E A L R E A D Y

THE NEW HEAVENS

and NEW EARTH

THE DAY OF THE LORD

THIS CURRENT AGE (TEMPORAL )

“For he must reign until he has put all his enemies under his feet. The last enemy to be destroyed is death.” - 1 Cor. 15:25-26

T H E N O T Y E TTHE LAST DAYS (Acts 2:17,

Hebrews 1:2)

the

paro

usia

SEC

ON

D A

DV

EN

T

tension between realms

CHURCH MILITANT ( ON EARTH )

CHURCH TRIUMPHANT ( IN HEAVEN )

Page 9: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Chuck Hayes

3

lahat ng panahon). Sa pamamagitan ng pangitain, mga simbolo, at mga hula sa huling panahon, ang Aklat ng Pahayag ay ang kapahayagan ng kasaysayan sa pagliligtas at ang matagumpay na kaganapan nito.

Sa darating na panahon, ang sanlibutan ay patuloy na maka-karanas ng poot ng Diyos katulad ng pitong tatak ng paghatol, pitong trumpeta ng paghatol, at pitong mangkok ng paghatol hanggang humantong sa nag-iisa at tanging pagbabalik ng Panginoon, kapag binuhay na Niya ang mga patay, hatulan ang mga tao at gawing bago ang lahat ng bagay. Sa huling bahagi ng Dakilang Puting Trono2 na idineklara ni Juan, “Pagkatapos nito, nakita ko ang isang bagong langit at isang bagong lupa. Wala na ang dating langit at lupa, wala na rin ang dagat” (Pahayag 21:1).

Matapos na mahulog sa pagkakasala ang tao3, ang kalikasan ay patuloy na naghihintay sa pagkaalis mula sa “pagka-alipin ng pagkabulok” (Roma 8:21). Ngunit ang anumang nabubulok ay darating ang panahon na ito ay mawawala na, sapagkat buong kapangyarihan at kamangha-manghang babaguhin ito para maging bagong langit at lupa. At kapag sinabi ni Juan na “wala ng dagat”, ay maaaring ipinahihiwatig niya ang katapusan ng mga pangyayaring nakamamatay na kaugnay ang malaking bahagi ng tubig (Pahayag 20:13). Ano man ang mangyari, ang mga tao ng Diyos ay makakaranas ng bagong langit at lupa kung saan “ang katuwiran ay nananahan!” (2 Pedro 3:13)4

Ang Bagong Jerusalem (Ang Iglesya)Kasama ng bagong nilikha ng Diyos ay darating ang isa pang nakamamanghang tanawin: ang bagong Jerusalem ay bumaba mula sa langit. Ito ang sinabi ni Juan: “ang banal na lungsod,

2 Tingnan sa Pahayag 20:11–15.3 Tingnan sa Genesis 3.4 Para sa magandang diskusyon tungkol sa pamanahunang ito sa huling araw,

tingnan ang aklat ni Kim Riddlebarger, A Case for Amillennialism: Understanding the End Times (Grand Rapids: Baker Books, 2003).

Page 10: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

ANG PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY

4

ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos” (Pahayag 21:2). Kung ang bagong nilikha ay pinalitan ang lupang nilikha, ang bagong Jerusalem ay pinalitan naman ang lumang Jerusalem. Samantala, ang bago, banal na Jerusalem, isang totoong lunsod, ay kumakatawan sa iglesya -- “gaya ng isang babaing ikakasal” (Pahayag 21:2).5 Sa gitna ng bagong langit at ng bagong lupa ay ang babaing ikakasal sa Kordero!

Ang Pangako ng Diyos Ayon sa TipanMaliban sa nakikitang bagong nilikha at ng bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit, si Juan ay nagsabi na: “Narinig ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, ‘Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan Siyang kasama nila at Siya ang magiging Diyos nila’” (Pahayag 21:3). Ang katotohanan na si Juan ay narinig “ang isang malakas na tinig mula langit” ay mahalaga sapagkat ang tinig ay hindi lang malakas kundi nag-uutos at may kapangyarihan. Sa madaling salita, makinig kayo! Ano ang dahilan? Kung ang “tabernakulo ng Diyos” ay pansamantala at may lambong (o tabing) noong nakalipas na panahon, ngayon ito ay narito na—katuparan ng pangako ng Diyos ayon sa tipan na Siya ay maninirahan sa gitna ng Kanyang bayan.6

Ang Magandang Pangyayari ay sa Darating pang PanahonAng bagong nilikha. Ang bagong Jerusalem. Ang matamis at personal na pakikipag-ugnayan sa Diyos. Wow! Kung tinapos ni Juan ang nakamamanghang eksenang ito sa talatang 3, tayo ay mananatiling nakanganga. Kung kaya, tama ang kasabihang

5 Tingnan sa Pahayag 21:9–22:5 para sa iba pang detalye tungkol sa Bagong Jerusalem.

6 Tingnan sa Levitico 26:11–12; Ezekiel 37:26–27; at Juan 1:14.

Page 11: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Chuck Hayes

5

ito: “Ang magandang pangyayari ay sa darating pang panahahon”. “At papahirin Niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala ng kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay” (Pahayag 21:4).

Ang mga Cristiano sa lahat ng panahon ay pagpapalain kapag kanilang nabasa, narinig at sinunod ang mga salita sa Aklat ng Pahayag.7 Kapag ating sinabi, tayong lahat ay pamilyar sa mga luha ng kapighatian at sakit na siyang resulta ng sumpa.8 Ngunit dahil si Jesus ay naging sumpa para sa atin,9 nagtagumpay sa kasalanan, kamatayan, sa sanlibutan, at sa diablo,10 ang mga bagay na nagiging dahilan ng ating pagluha sa ngayon ay hindi na matatagpuan sa darating na panahon—“sapagkat lumipas na ang mga dating bagay”. Sa aking tula na may pamagat na “Rejoice” ay ipinapakita ang pangakong ito:

Magalak sa araw na ito na ginawa ng Panginoon Kahit na may kalungkutan sa ating dinaraanan

Ang ating kaligtasan ay hindi kukupas Ang bawat luha ay Kanyang aalisin.

Gagawing Bago ang Lahat ng BagayMatapos mabasa at marinig ang katapusan ng paghihirap, ang mga unang mambabasa ng aklat ng Pahayag ay napalakas ang loob na manatiling tapat. Kaugnay nito, laging mayroong susu-bukan na iligaw sila sa pamamagitan ng mapanlinlang na mga salita at mga gawaing makasanlibutan. Hindi rin ito kakaiba sa ating kapanahunan. Pumunta ka sa mga iglesya o aklatang pang-Cristiano o buksan mo ang telebisyon sa mga relihiyosong istasyon, at makikita mo na ito ay totoo. Dahilan sa posibilidad ng panlilinlang na ito, ituon natin ang atensyon sa sinabi Niya

7 Tingnan sa Pahayag 1:3; 14:13; 16:15; 19:9; 20:68 Tingnan sa Genesis 3.9 Tingnan sa Galacia 3:13.10 Tingnan sa Juan 16:33; 1 Corinto 15:54–57; Colosas 2:15; at Hebreo 2:14.

Page 12: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

ANG PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY

6

na nakaupo sa trono: “Pagmasdan ninyo, ginagawa Kong bago ang lahat ng bagay!” At sinabi Niya sa akin, “Isulat mo, sapagkat maaasahan at totoo ang mga salitang ito” (Pahayag 21:5).

Si Juan ay inutusan na “isulat”11 ng nakaupo mula sa trono. Siya na ginagawang “bago ang lahat ng bagay”—bagong langit, bagong lupa, at bagong Jerusalem na may gantimpala—ay Siya ring nag-utos kay Juan na “Isulat mo, sapagkat maaasahan at totoo ang mga salitang ito.” Hindi natin pwedeng ikumpara sa napakaraming mga lalaki at babae na nagsasalita at sumusulat ng mga salitang nakapanlilinlang, ang may awtoridad at may kapangyarihang nakaupo sa trono na nagsasabi ng mga salitang

“totoo at maaasahan.” Kung kayat, babaguhin Niya “ang lahat ng mga bagay.” Maaasahan natin ito!

Naganap NaSapagkat ang Kanyang mga salita ay “totoo at maaasahan,” ito ay tunay na mangyayari. Ito ang pinatotohanan ni Juan ng kanyang isulat, “Sinabi rin Niya sa akin, ‘Naganap na! Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang wakas. Ang sinumang nauuhaw ay bibigyan ko ng tubig na walang bayad mula sa bukal na nag-bibigay-buhay” (Pahayag 21:6).

Narinig ni Juan mula sa trono ng langit, “Naganap na!” Ang paglikha sa bagong langit at lupa. Naganap na! Ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit sa gitna ng kanyang kagandahan at kaningningan. Naganap Na! Ang katuparan ng pangako ng Diyos ayon sa tipan ay tumira sa gitna ng Kanyang bayan. Naganap na! Ang katapusan ng paghihirap, Naganap na! Ang lahat ng ito ay naganap na! At ang resulta, sinuman ang nauuhaw, “ang Alpha at ang Omega, ang Simula at ang Katapusan” ay bibigyan siya ng “bukal na nagbibigay-buhay.”

11 Tingnan din sa Pahayag 1:11; 14:13; 19:9.; 22:7, 14.

Page 13: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Chuck Hayes

7

Ang Pananampalatayang NagtatagumpayPag-isipan ninyo sandali ang mga nabasa na ninyo. Ikaw ba ay napuno ng pagkabigla at pagkamangha? Alam mo, ganoon din ang naramdaman ko. Ngunit dapat ninyong tandaan: tanging iyon lamang mga nagtagumpay ang makatatanggap ng hindi-na-tatapos, walang hanggang mga pangako. “Ito ang makakamtan ng magtatagumpay: ‘Ako ay magiging Diyos niya at siya nama’y magiging anak Ko’” (Pahayag 21:7).

Sino (o ano) ang isang nagtatagumpay? Ang sagot ay matatagpuan sa unang sulat ni Juan: “Sapagkat napagtatagump-ayan ng mga anak ng Diyos ang sanlibutan; at nagtatagumpay tayo sa pamamagitan ng pananampalataya. Sino ang nagtatagumpay laban sa sanlibutan? Ang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos” (1 Juan 5:4-5). Ang nagtatagumpay, ay ang “sinumang sumasampalataya na si Jesus ang Anak ng Diyos” at nakukuha ang tagumpay laban sa sanlibutan.

Sa malaking bahagi, ang mga miyembro ng pitong iglesya sa Asya ay sumasampalataya na si “Jesus ay ang Anak ng Diyos,” ito ang dahilan kung bakit sila nakaranas ng pag-uusig, panlilinlang ng maling katuruan, at ang nakakatuksong gawain ng sanlibutan. Ano pa ang karagdagan, kung sila ay nagsisi (kung kinakailan-gan) matapos basahin at marinig ang mga pagbati at pagsaway ni Jesus, at mapagtagumpayan ang mga pananakot ng kanilang mga kaaway,12 sila ay:

• kakain mula sa bunga ng punongkahoy ng buhay (Pahayag 2:7),

12 Ang mga kaaway ay ang mga sumusunod:• Ang Dragon—ang Diablo o Satanas (Pahayag 12).• Ang Halimaw—mga pamahalaang sumasalungat sa mga Cristiano

(Pahayag13:1–10).• Ang Bulaang Propeta—mga pinuno ng relihiyong sumasalungat sa mga

Cristiano (Pahayag 13:11–18).• Ang Patotot—ang manunukso (Pahayag 17).• Mga Anti-cristo—mga bulaang tagapagturo (1 Juan 2:18; 4:1–6).• Ang Anti-cristo—ang suwail na darating (2 Tesalonica 2:3–4).

Page 14: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

ANG PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY

8

• makakaligtas sa pangalawang kamatayan (Pahayag 2:11),

• makakatanggap ng nakatagong pagkain at ng puting bato (Pahayag 2:17),

• makakatanggap ng pamamahala sa mga bansa at ng bituin sa umaga (Pahayag 2:26-28),

• dadamitan ng puti at mananatili sa Aklat ng Buhay (Pahayag 3:12);

• gagawing haligi sa templo at makakatanggap ng bagong pangalan (Pahayag 3:12), at

• uupong kasama ni Cristo sa Kanyang trono (Pahayag 3:21).

Kung kayat, kung ikaw at ako ay nagsisi (kung kinakailangan) at napagtagumpayan ang pag-uusig mula sa ating pamilya at mga kaibigan, mga kapitbahay at mga katrabaho, sa mga nakaupo at namamahala sa bansa; napagtagumpayan ang maling katuruan mula sa mga pastor, ebanghelista, at mga may-akda (sumusulat ng mga aklat); at napagtagumpayan ang tukso ng pera, kapang-yarihan, at kaginhawahan, tayo rin bilang mga anak ng Diyos ay “mamanahin ang lahat ng mga bagay,” kasama na ang mga gantimpalang nakalagay sa itaas. Muli, ang pananampalataya na nagpapatuloy sa kasalukuyang mundong ito ay ang panana-mpatalayang nagtatagumpay!

Isang BabalaKung nakakaaliw, nagbibigay ng lakas ng loob at nakamamangha ang unang bahagi ng aklat na ito, si Juan ay nagbigay ng babala doon sa mga hindi magtatagumpay: “Subalit para naman sa mga duwag, mga taksil, mga gumagawa ng mga kasuklam-suklam na bagay, mga mamamatay-tao, mga mapakiapid, mga mangkuku-lam, mga sumasamba sa diyos-diyosan, at sa lahat ng mga

Page 15: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Chuck Hayes

9

sinungaling—ang magiging bahagi nila’y sa lawa ng nagliliyab na apoy at asupre. Ito ang pangalawang kamatayan” (Pahayag 21:8).

Simula sa isang duwag, isang tao na walang lakas ng loob na kilalanin si Cristo, ipangaral ang Kanyang ebanghelyo, o ipag-tanggol ang pananampalataya; sa mga sinungaling at sa lahat ng gumagawa ng lahat ng paglabag sa kautusan, mga makasalanang pag-uugali na nakapaloob sa gitna nito, ang lawa ng apoy, ang walang hanggang tirahan ng dragon, ng halimaw, at ng bulaang propeta, ang iyong magiging tirahan din—maliban kung ikaw ay magsisi.

Ang Panghuling PananalitaSi Cristo ay muling magbabalik taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian upang buhayin ang mga patay (kasama ng malu-walhating katawan para sa mga ligtas at angkop na katawan para sa mga hindi ligtas), huhusgahan ang mga tao, at gagawing bago ang lahat ng mga bagay. Ang huling salita na sinabi ni Jesus ay makikita dito: “Tiyak na nga! Darating na Ako!” (Pahayag 22:20). Kung darating man Siya sa ating kapanahunan o maghihintay pa ng isang daang taon ay hindi naman iyon ang punto. Ang “totoo at maaasahang” salita Niya na nakaupo sa trono ay magkakaroon ng kaganapan. Hindi dito pinag-uusapan kung, sa halip ay kailan.

Ang aking kaibigan ay tama: “Tanging panahon lang ang makapagsasabi!” Ang pananampalataya na nagpapatuloy sa kasalukuyang panahong ito, sa kabila ng pag-uusig, maling katuruan, at ng tukso ng sanlibutan, ay ang pananampalataya na nagtatagumpay. At iyong mga magtatagumpay ay tunay na

“mamanahin ang lahat ng mga bagay” at makakaligtas sa pan-galawang kamatayan. Dahil ikaw ay inibig ng Diyos! Si Jesus ay hinugasan ang iyong mga kasalanan sa pamamagitan ng Kanyang dugo13 at nabuhay na muli mula sa mga patay para sa iyong kapa-

13 Tingnan sa Roma 4:25.

Page 16: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

ANG PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY

10

tawaran/pag-aaring ganap.14 Kung kaya, sa iyong huling hininga o di kaya ay sa Kanyang muling pagbabalik, ituon mo ang iyong mata sa Kanya,15 at tiyak na ikaw ay magtatagumpay!

Sa iba, ang mga aklat ng Dakilang Puting Trono ng Paghatol ay maghahayag kung ano ang iyong nalalaman na totoo, at ikaw ay itatapon sa lawa ng apoy, na siyang pangalawang kamatayan. Nakikiusap ako sa iyo, magsisi ka at sumampalataya kay Jesu-Cristo bilang Panginoon at Tagapagligtas—bago maging huli ang lahat! Sa huling sandali, ang “totoo at maasahang” mga salita ay magkakaroon ng kaganapan. Ang sanlibutan na ating nalalaman at tinitirahan ay matatapos! Ngunit may pag-asa pa para sa iyo: si Jesus “ay bibigyan ka ng bukal ng tubig na nagbibigay-buhay” (Pahayag 21:6, sa akin ang pagbibigay diin). Ang tanong, nauu-haw ka ba?

Ang Aking PaniniwalaMay ilang mga bagay na maaari nating pagkasunduan o hindi sang-ayunan, ngunit ang mga mahahalagang katotohanan sa pananampalatayang Cristiano, na madalas matagpuan sa mga kredo at kapahayagan ng pananampalataya, ay dapat nating inga-tan at panatilihin sa lahat ng oras. Kung kaya, hindi ako nahihiya na ipahayag ang aking paniniwala sa makasaysayang “Abstract of Principles” (SBC Heritage,http://founders.org/study-center/abstract) kasama na ang mga sumusunod na mahalagang kato-tohanan tungkol sa Diyos.

14 Tingnan sa Roma 4:25.15 Tingnan sa Hebrews 12:2.

Page 17: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Chuck Hayes

11

Ang Limang Solas ng Mga Protestante noong panahon ng Repormasyon

Sola Scriptura (Tanging ang Biblia Lamang)—Sa panahon na katulad noong ika-16 na siglo nang panahon ng Repormasyon, kung saan ang mga tradisyon, karanasan at mga kapahayagang hindi ayon sa Biblia ay hindi binibigyan ng importansya ang mga Kasulatan bilang nag-iisang awtoridad ng pananampalataya at pamumuhay, ay makabubuting balikan natin ang naging sigaw ng mga Repormador noon (2 Tim. 3:16-17).

Solus Christus (Tanging si Cristo Lamang)—Ang posisyon o paninindigan na ito ay ipinapahayag na ang kaligtasan ay matatagpuan lamang sa persona at gawain ni Cristo (Juan 14:6; Mga Gawa 4:12; Col. 1:13-18; 1 Tim. 2:5-6).

Sola Gratia (Tanging sa Biyaya Lamang)—Tanging sa biyaya lamang ng Diyos na ipinaabot sa mga makasalanan upang han-guin sila sa kasalanan, paghatol, at impiyerno, ay hindi pwedeng makamtan o pagtrabahunan, sa halip ay dapat na tanggapin bilang isang kaloob o regalo na nagmula sa Diyos (Roma 11:6; Efeso 1:3-8; 2:4-10).

Sola Fide (Tanging sa Pananampalataya Lamang)—Tanging sa pananampalataya lamang sa persona at gawain ni Cristo—hindi ang pagtutuli, pagpapa-bawtismo, pagiging miyembro ng isang iglesia, o mga mabubuting gawa—ang magiging instrumento kung saan ang makasalanan ay pawawalang-sala at bibigyan ng katuwiran na galing sa Diyos (Roma 3:21-5:1; Efeso 2:1-10; Santiago 2:14-26).

Soli Deo Gloria (Tanging ang Kaluwalhatian Lamang ng Diyos)—Ang bawat bahagi ng ating buhay ay para lamang sa natatanging kaluwalhatian at kapurihan ng Diyos (Roma 11:36; 1 Cor. 10:31).

Page 18: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

ANG PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY

12

Ang Limang Punto ng Calvinismo (T.U.L.I.P.)1. Total Depravity (Ang Pagkasira at Kawalang Kakayahan ng

Tao)—Dahil sa pagkahulog at pagkakasala, ang kabuuang kalikasan ng tao (kasama na ang kanyang isipan) ay alipin ng kasalanan. Kung kaya, ang isang makasalanan ay ayaw at walang kakayahang lumapit kay Cristo maliban sa nag-papabagong-gawain ng Banal na Espiritu (Gen. 6:5; Mga Awit 51:5; Jer. 17:9; 1 Cor. 2:14; Roma 3:10-18; 5:12; 9:16; Juan 1:12-13; 6:44; Efeso 2:1-3).

2. Unconditional Election (Ang Walang Kondisyong Pagpili ng Diyos)—Ang pagpili ng Diyos Ama sa marami (ngunit hindi lahat) para sa kaligtasan bago pa likhain ang sanlibu-tan ay hindi kailan man nakadepende sa magiging panana-mpalataya o mabubuting gawa ng tao (Juan 6:37, 44, 65; Mga Gawa 13:48; Roma 9:6-23; Efeso 1:4-14; 2:4-10).

3. Limited Atonement (Ang Limitadong Pagtubos)—Ang mga pinili ng Diyos Ama ay ibinigay sa Diyos Anak. Kung kaya’t sa krus ay binayaran ni Jesu-Cristo ang mga kasalanan lamang mga pinili. Ang ideya na si Cristo ay namatay para sa buong sanlibutan ay walang solidong basehan sa Banal na Kasulatan (Matt. 1:21; Juan 10:11-30; 17:6-12; Roma 3:21-26; 8:28-30).

4. Irresistible Grace (Ang Hindi Matatanggihang Biyaya)—Ang panlabas na pagtawag sa pamamagitan ng ebanghelyo ay pwedeng tanggihan, ngunit ang mga pinili ng Diyos ay tiyak na makatatanggap ng panloob na pagtawag patungo sa kaligtasan na hindi pwede at kailan man ay hindi mababalewala. Sa madaling salita, ang tatlong persona ng Diyos ay gumagawa upang dalhin ang mga pinili (at tang-ing ang mga pinili lamang) patungo sa pagsisisi at panana-mpalataya kay Cristo (Mateo 22:14; John 3:1-8; 6:44; 12:32; Roma 8:28-30; Efeso 2:4-10).

Page 19: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Chuck Hayes

13

5. Perseverance of the Saints (Ang Pagpapatuloy ng Mga Banal)—Bagamat sila ay nagkakasala at magkaminsan ay nahuhulog, ang mga pinili ay iniingatan ng biyaya at kapangyarihan ng Diyos, at tiyak na magpapatuloy hang-gang sa huli (Juan 3:16; 6:35-40, 44; Efeso 1:13-14; Roma 8:28-39; 1 Pedro 1:3-9; Judas 24-25).

Maging bahagi ng misyon

Page 20: PANANAMPALATAYANG NAGTATAGUMPAY - … fileKanyang biyaya at pag-ibig sa sanlibutang makasalanan sa pama - magitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak, ang umiiral na Salita mula pa sa walang

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kay Chuck Hayes sa:

[email protected] Chuck Hayes

i

i

“Ang sinumang magtatagumpay ay

magmamana ng lahat ng bagay,

at ‘Ako ay magiging Diyos niya at

siya nama’y magiging anak Ko’”

—Pahayag 21:7

Bahagi ng mga Aklat tungkol sa Pananampalataya

NAGTATAGUMPAYANG PANANAMPALATAYANG