9
Liksyon11 para saika-14 ngSetyembre, 2019

Liksyon11 para sa ika-14 ng Setyembre, 2019 · 2019. 9. 13. · Mayroong mainit na pag-ibig (v. 12) Magtitiis hanggang wakas (v. 13) ... nagdulot ng kahirapan, kawalan ng hustisya,

  • Upload
    others

  • View
    1

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Liksyon11 para saika-14 ngSetyembre, 2019

  • “Kung sa buhay lamang na ito tayo nagsisiasa kay Cristo, ay tayo sa lahat ng mga tao ang lalong kahabaghabag.” (1 Corinto 15:19).

    Bilang mga Kristiano, nakatuon ang ating mga mata sa likodng mga limitasyon natin sa buhay na ito. Hinahangad natinang Ikalawang Pagdating ni Jesus at ang pagkabuhay namag-uli ng mga patay. Hinahangad din natin ang hustisya ng Dios at mas mabuting mundo.

    Ang pag-asang ito ang nag-uudyok sa atin upang gumawa at mamuhay ng tama.

  • “Panginoon, hanggang kailanang masama, hanggang kailanmagtatagumpay ang masama?”

    (Awit 94:3)

    Kung ang bayan ng Dios ay napapalibutan ng pag-usig at kawalan ng hustisya, umiiyak silasa Dios: “Gaano katagal?”

    Gaano katagal hanggang mapalaya sila sa mga taga-Ehipto? Gaano katagal hanggang mapalaya sila sa mgataga-Babilonia? Gaano katagal hanggang mapalaya sila samga taga-Roma? “Hanggang kailan, Oh Panginoong banal at totoo, hindi mo hahatulan at ipaghihiganti ang amingdugo, sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa?” (Apocalipsis 6:10).

    Laging namamagitan ang Dios. Gayunma, meron paring pag-uusig at kawalan ng hustisya. Gaano katagal?

    Naghahangad parin tayo sa hustisya ng Dios at dumadaing kung kailan Niya tatapusin ang kasamaan (Lucas 18:1-8).

  • “Na nagtuturo sa atin, upang, pagtanggi natin sa kalikuan at sa mga kahalayan ngsanglibutan, ay marapat mabuhay tayong may pagpipigil at matuwid at banal sa panahong

    kasalukuyan ng sanglibutang ito; Na hintayin yaong mapalad na pagasa at angpagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo.”

    (Tito 2:12-13)

    Tatapusin ni Jesus ang kahirapan at pang-aapi. Kaya, iniisip ng ibang tao na hindi kailanganglaban sila ngayon.

    Hiniling ng Dios sa atin na mamuhay ng matuwid sa mundong ito. Tungkulin natingingatan ang mga nangangailangan at bigyansila ng mga pangangailangan sa abot ng atingmakakaya.

    Kung mabubuhay tayokasama ni Jesus magpakailanman, simulan natin ngayongmamuhay gaya Niya(Gawa 10:38).

  • Ayon sa Mateo 24-25, paano tayo dapat mamuhay habang naghihintay sapagbabalik ni Jesus?

    Hindi nababalisa (Mateo 24:6)

    Hindi dumadapa, tumatalikod o napopoot (v. 10)

    Mayroong mainit na pag-ibig (v. 12)

    Magtitiis hanggang wakas (v. 13)

    Ipinapangaral ang ebanghelyo (v. 14)

    Nananalangin (v. 20)

    Hindi naniniwala sa mga maling kristo at propeta (v. 23-24)

    May kamalayan (v. 32-33)

    Laging handa (v. 42-43; 25:13)

    Nagiging maingat at tapat (v. 45-46)

    Hindi inaabuso ang iba, o nakikisalamuha sa mga gumagawa ng kasamaan (v. 48-51)

    Pinupuno an gating mga puso ng Banal na Espiritu (Mateo 25:1-12)

    Aktibong gumagawa (v. 14-30)

    Pinapakain ang mga gutom at pinapatuloy ang mga dayuhan (v. 35)

    Dinadamitan ang mga hubad, may sakit at bilanggo (v. 36)

  • Ang pagkabuhay na muli ni Jesus angpundasyon ng ating pag-asa (1Co. 15:12-19). Kung hindi nabuhay na mag-uli si Jesus…

    Ang pagkabuhay na muli ni Jesus ang garantiyang ating pagkabuhay na mag-uli. Sisirain na ng lubusan ang kamatayan. Ang kasamaangnagdulot ng kahirapan, kawalan ng hustisya, at pang-aapi ay matatalo.

    Tulungan natin ang iba sa pamamagitan ng pagbahagi ng pag-asa ng pagkabuhay na mag-uli.

  • Kung walang pag-asa ng katarungan, walangpag-asa sa paghuhukom, walang pag-asa sapagtutuwid ng mga bagay, tunay na ang atinay isang wala sa katuwirang daigdig.

    May pag-asa: “Sapagka't dadalhin ng Dios angbawa't gawa sa kahatulan.” (Ecclesiastes 12:14)

    Ang kawalang katarungan dito sa mundo ay hindi mahuhulog sa pagkalimot. Isang araw, aayusin ni Jesus ang mga bagay. “bibigyan(Niya ng ganti) ang bawa't tao ayon sakaniyang mga gawa.” (Mateo 16:27)

    Ito ay dakilang balita para sa mga naghihirapsa pang-aapi ngayon.

  • MAS MABUTING MUNDONG DARATING

    “At papahirin niya ang bawa't luha sa kanilang mga mata; at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na magkakaroon pa ng dalamhati, o ngpananambitan man, o ng hirap pa man: ang mga bagay nang una ay naparam na.” (Apocalipsis 21:4)

    Ang mundong ipinapangako ng Dios ay di gayang tinitirahan natin. Dooy wala nangkamatayan, luha, pag-iyak, kahirapan, kawalanng hustisya, pagdurusa o takot.

    Papahiran ng Dios ang ating mga luha at aaliwin tayo. Papagalingin NIya ang mga sugatna dulot ng mga pagdurusa (Apocalipsis 22:2).

    Inaasahan natin ang mas mabuting mundongito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng mgamabubuting salita, mainit na pagkain, tulongsa pagpapagamot, pananamit o mga payo.

    Ating ipakita ang hindi makasariling pag-ibig niJesus na ipinakita Niya nang Siya ay nandito saLupa. Parehong pag-ibig din ang ipapakita Niyakung papahiran na Niya ang ating mga luha.

  • “Panghawakan ang kaaliwan, pananampalataya,

    pag-asa na ibinigay sa iyo ng Dios sa Kanyang Salita.

    Huwag kang panghinaan ng loob … Kailangan

    nating kumapit at mamuhay ayon sa liwanag na

    natanggap natin mula sa langit. Bakit?—Dahil nais

    ng Dios na maunawaan natin ang walang hanggang

    katotohanan, at magpagamit bilang Kanyang kamay

    sa pagpapahayag ng liwanag doon sa mga hindi

    nakakaalam sa pag-ibig ng Dios sa kanila …

    Kailangan nating magbantay ng mainam sa

    pagdating ng Panginoon … Bawat sandali ay dapat

    gamiting tapat.”E.G.W. (Sons and Daughters of God, December 10)