9
Liksyon 8 para sa ika - 22 ng Agosto, 2020

Liksyon 8 para sa ika-22 ng Agosto, 2020 dalawang halimbawa (Mateo 5:13-14): “Hindi kalooban ng Dios na ihiwalay natin ang sarili sa sanlibutan. Ngunit habang sana sanlibutan ay

  • Upload
    others

  • View
    0

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

  • Liksyon 8 para sa ika-22 ng Agosto, 2020

  • Ang ilaw ng sanlibutan

    Mabuting pakitungo

    Pagbigay ng kanilang kailangan

    Ang pinakamahalagang bagay

    Ang mahalaga kay Jesus

    Gumawa si Jesus ng higit pa sapangangaral tungkol sa Kaharianng Langit. Umupo Siya kasamaang mga tao, nakinig sa kanila, at pnakitaan sila ng kabutihan.

    Sinubukan Niyang tugunan ang kanilang pansamantala at pangwalanghanggangpangangailangan..

    Siya ang halimbawang dapatsundin kung maglilingkod sa iba.

  • “Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.’” (Juan 8:12)

    Dumating si Jesus sa mundong ito upang alisin ang kadiliman sapamamagitan ng liwanag ng kaligtasan (Juan 1:4-5; 3:19-21).

    1. Maging asin. Kailangang maihalo ang asin sa pagkain upang magkabisa at pasarapin ito. Dapat nasa sanlibutantayo upang himok ito ng Ebanghelyo(Juan 17:15-18).

    2. Maging ilaw. Kailangang lumiwanag ang ilaw sa kadiliman sa mga kalapit-bahay, bayan, syudad, na nililiwanagan sila ng kaluwalhatian ng Dios (Filipos 2:15).

    Humalo Siya sa tao upang gawin iyon. “(Siya’y) naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat” (Gawa 10:38).

    Hinikayat Niya tayong sundin ang Kanyangdalawang halimbawa (Mateo 5:13-14):

  • “Hindi kalooban ng Dios na ihiwalay natin

    ang sarili sa sanlibutan. Ngunit habang

    sana sanlibutan ay pabanalin natin ang

    sarili sa Dios. Hindi tao dapat gumaya sa

    sanlibutan. Tayo ay dapat nasa sanlibutan

    bilang impluwensyang nagwawasto, bilang

    asin na nananatili ang lasa. Sa gitna ng

    dibanal, marumi, mga taong sumasamba sa

    diosdiosan, dapat tayong maging Dalisay at

    banal, nagpapakita na ang biyaya ni Kristo

    ay may kapangyarihang magbalik ng tao sa

    banal na wangis. Dapat tayong magkaroon

    ng impluwensyang nakaliligtas sa

    sanlibutan.”E.G.W. (Counsels on Health, p. 592)

  • “Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na magkalasang asin, upang inyongmaalaman kung ano ang nararapat ninyong isagot sa bawa't isa.” (Colosas 4:6)

    Nakita ni Jesus ang mga mabuting katangian ng iba at tinukoy iyon (Mateo 8:10; Marcos 12:34).

    Sa ganitong paraan, ang kanilang mga puso ay bukassa mga salita ni Jesus.

    Napakamaawain ni Jesus na maingat Siya upang hindimakasugat ng di kailangan sa sinumang kakalapit langsa pananampalataya o pawiin ang maliit ng baga ng pananampalataya sa kanilang mga puso (Isaias 42:3).

    Dapat makita natin ang mabuti sa mga nasa palibotnatin at ipaalam sa kanila napinapahalagahan natin sila. Sa ganitong paraan ay magiging positibongimpluwensya tayo sakanilang buhay.

  • “At narito, dinala nila sa kaniya ang isang lumpo, nanakahiga sa isang higaan: at nang makita ni Jesus angkanilang pananampalataya, ay sinabi sa lumpo, Anak, laksan mo ang iyong loob; ang iyong mga kasalanan ay

    ipinatatawad na.’” (Mateo 9:2)

    Inalam ni Jesus ang mga kailangan ng iba at pinagaling sila sapisikal, mental, emosyonal, at espiritwal.

    Nilutas Niya ang kanilang mga problema at inanyayahan silanghanapin ang buhay na walanghanggan: “ang iyong mgakasalanan ay ipinatatawad na”; “pinagaling ka ng iyongpananampalataya”; “mula ngayo'y huwag ka nang magkasala.” (Mateo 9:2; Lucas 8:48; Juan 8:11)

    Dapat nating alalahanin ang pangangailangan ng iba at subukang tugunan ito kung kaya natin.

    Kung matugunan natin ang mgakailangan nila, nagbubukas din tayo ng pinto upang ipakita sa kanila kung paanomatugunan ang pinakakailangan ng lahat (kahit hindi nila ito alam): Kalayaan mula sa kasalanan, at buhay nawalang hanggan; iyon ay, si Jesus.

  • ANG PINAKAMAHALAGANG BAGAY“At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, nanagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaringkaramdaman.” (Mateo 9:35)

    Ang paglilingkod ni Jesus ay nakabase sa tatlong haligi:

    Pagtuturo. Pagtuturong katotothanan ng

    Kaharian sa maliliit nagrupo

    Pangangaral. Sabihinsa mga tao ang

    tungkol sap ag-ibig ng Dios at ang Kanyangplano ng pagtubos

    Panggagamot. Palayain ang mga tao

    sa kanilangpansamantalang

    problema sakalusugan

    Alin sa mga haliging ito ang mas mahalaga kay Jesus? (Marcos 1:38)

    Naparito Siya sa mundo “upang hanapin at iligtas ang nawaglit.” (Lucas 19:10). Kaya, ang pangangaral tungkol sa kaligtasan at pagtuturo sa ibang gawin iyon ay napakahalaga.

    Maliban doon, bawat pagpapagaling ay pagkakataon upang ipahayag ang karakter ng Dios at mag-alok ng buhay na walang hanggan.

  • “‘Sapagka't pagiginhawahin kita, at pagagalinginkita sa iyong mga sugat, sabi ng Panginoon.”

    (Jeremias 30:17)Ginamit ng Dios ang mga propeta upang magsalita tungkol sa hindi mapagaling nasakit ng mga sangkatauhan: kasalanan (Isaias 1:5; Jeremias 30:12).

    Sabik si Jesus na makita ang bawat isa na gumaling sa kasalanang iyon, at upangmakita ang mga napagaling na nagdadala din ng kagalingan sa iba.

    Gumamit ng tatlong parabula si Jesus upang pag-usapan ang Huling Panahon sa Mateo 25. HInihimok tayo nil ana mapuno ng Banal na Espiritu at upang gamitin ng tapat ang mga kaloob ng ibinigay Niya sa atin.

    Sa huling talinhaga, ipinaliwanag Niya ang katangian ng tunay namga Kristyano. Iyong mga nabubuhay upang maglingkod sa iba sahalip na mamuhay ng makasariling buhay ay tatanggapin Niya.

  • “Ang biyaya ni Kristo na ipinahayag sa

    atin ay dapat maingat na ipahayag sa

    iba. Isang dakilang kaawaan at

    pagmamahal ay pupuno sa kaluluwa

    para sa mga taong nasa ilalim pa ng

    control ni Satanas. Dapat madoble si

    Kristo sa bawat lalaki at babaeng

    naniniwala sa Kanya, sapagkat

    kanilang ipapamuhay ang buhay ni

    Kristo sa pagpapala at pagtuturo at

    pagdadala ng pag-asa at kapayapaan

    at ligaya sa ibang mga puso.”E.G.W. (Our Father Cares, May 20)