Lansones - afmis.da.gov.phafmis.da.gov.ph/index.php/component/docman/doc_download/1643... · • May oleoresin kaya maaaring gamot sa diarrhea. Paete Duku Thai Jolo Tuwid at paitaas

Embed Size (px)

Citation preview

Pakinabang ng LANSONES

4 na uri ng Lansones saPilipinas

Paraan ng Pagpaparami

Tamang Pagtatanim

Pamamaraan upang maging Malusog at Mabunga ang mga Puno

Mga Sakit at Peste ng LANSONES at Paraan upang Maiwasan/Masugpo ang mga Ito

Ang bunga ay mainam na pinanggagalingan ng antioxidants--substance na pang-iwas cancer--, at Vitamin C at E. Ang puno ay matigas at mainam na gamiting poste o haligi ng bahay Ang pinatuyong balat ng bunga ay sinusunog upang gamiting pantaboy ng lamok at iba pang pesteng insekto. May oleoresin kaya maaaring gamot sa diarrhea.

Paete

Duku

Thai

Jolo

Tuwid at paitaas ang mga sanga

Tuwid na puno; mayabong at malapad na sanga

Tuwid na puno, mayabong na sanga

Tuwid na puno, mayabong na sanga

Matingkad na berde, pantay ang gilid ng dahon at bahagyang pahaba ang duloAlon-alon ang gilid ng dahon, pabilog ang dulo ng dahonPantay ang gilid ng dahon

Pantay ang gilid ng dahon

Manipis ang balat

Makapal ang balat, karaniwang may isa o walang buto. May 4-5 bunga kada buwigMalutong ang balat, mahaba ang buwig, karaniwang walang buto

Makapal ang balat, mahaba ang buwig, karaniwang may 3-4 na buto; maasim ang bunga.

Pag-aabono Ipasuri ang taglay na sustansya ng lupang taniman bago maglagay ng abono. Ang rekomendadong dami ng abono ay hinahati sa dalawa: kalahati ay ilalagay sa buwan ng Mayo o Hunyo at ang kalahati ay sa Oktubre pagkatapos mag-ani. Maglagay ng abono kada taon.

Paglilinis at pagbabawas ng mga sanga (pruning) Alisin ang mga tuyong sanga na walang dahon at mga suloy na di kailangan pagkatapos mag-ani. (Ang mga tuyong sanga ay pinagbabahayan ng mga peste katulad ng insekto at amag. Samantalang ang mga sobrang dahon at suloy ay nakikibahagi sa sustansya na mahalaga upang ang puno ay mamunga.)

Pagpapatubig o irigasyon Ang pagpapatubig ay nakakapagpa-aga ng pamumulaklak lalo na kung may 2-4 na linggong tagtuyot na nangyari. Dapat ay tuloy-tuloy ang patubig hanggang sa sumapit ang tag-ulan upang maiwasan ang pagkaluoy ng mga butong o flower buds. Diligan o patubigan ang mga punong lansones hanggang lupa ay magkaroon ng tamang halumigmig. Wastong pagsugpo sa pesteng insekto, sakit at dapo

1. Sekswal o likasPagpupunla at pagpapatubo ng mga buto. Inililipat ang mga punla sa mga plastic bag na may lamang pinaghalong lupa at organikong pataba. Inaalagaan ang mga inilipat na punla hanggang sa lumaki na may 1 metro ang taas.2. Asekwal o di likas (pagdudugtong) Ang cleft grafting ang pangkaraniwang ginagamit sa pagpaparami. Ang mga budsticks ay kinukuha sa mga puno na may piling katangian. Maaring gamiting rootstock kahit anong uri subalit pinakamabuti ang Jolo.

Maari nang ilipat-tanim ang mga pananim kapag ito ay may taas nang 1 metro. Mas mainam magtanim ng lansones sa panahon ng tag-ulan.Ihanda ng maayos ang lupang taniman at gawin ang mga sumusunod: 1. Pumili ng taniman na hindi tinitigilan ng tubig at may magaspang at buhaghag na lupa. 2. Humukay ng butas na may luwang at lalim na 30 sentimetro. Ang agwat ng bawat butas ay 5-6 metro kapag Paete var. ang itatanim, at 7-8 metro naman kapag Duko o Thai var. Lagyan ng pinaghalong organikong pataba at lupa (1:1) ang ikatlong bahagi ng hukay. Kung walang organikong pataba (inorganic) o kompost, maaring maglagay ng inorganic na pataba katulad ng urea (46-0-0). Lagyan ng lupa ang hukay na may inorganic na abono bago ilagay ang pananim. 3.Tiyakin na hindi malalagyan ng abono ang ugat ng pananim. 4.Tabunan ng lupa ang hukay pagkatanim. 5. Diligan kaagad at ulitin ang pagdidilig kung mapansin na may kakulangan sa tubig katulad ng pagkalanta ng dahon. 6. Lagyan ng pangkanlong ang bagong tanim na lansones. Maaring gumamit ng dahon ng niyog o saha ng saging. Maaring magtanim ng apat na posteng

madre de cacao o kamoteng kahoy na nakapalibot sa puno ng lansones sa layong 1 metro. 7. Maglagay ng abono 2 beses sa isang taon: sa Mayo o Hunyo pagsapit ng tag-ulan, at sa Oktubre o bago matapos ang tag-ulan.

Bark Borer Ang bark borer ay uod ng paruparo na makikita sa mga puno at sanga ng lansones. Mapapansin ito sa ilalim ng bitak-bitak at umbok na balat ng kahoy o bark. Kapag natuklap ang balat, mapapansin ang mga butas sa katawan ng puno na likha nito. Ang pagkakalis (scraping) ay ginagawa pagkatapos mag-ani upang masugpo ang bark borer. Kapag masyadong marami ang mga uod, maaring magbomba ng angkop na pamatay-peste,

Scab o Galis Mapapansin ang kakaibang hitsura ng balat na nakaumbok (galis) kapag maysakit ang puno. Maaring magbomba ng pestesidyo pagkatapos kalisin ang mga balat.Dapo Ang dapo ay halamang tumutubo sa mga sanga ng lansones. Sinisipsip nito ang mga sustansya at tubig at inaagaw din nito ang kaukulang init ng araw na para sa lansones. Kailangan alisin ito sa pamamagitan ng pruning ng sanga at pagtuklap sa mga ugat ng dapo na nakakapit sa mga sanga.Pagkabulok ng Ugat (Root Rot)Ang unang palatandaan ng pagkabulok ng ugat ay pagkalanta at paninilaw ng dahon ng lansones ulang sa tubig. Sumunod na mapanpansin ay ang kahit hindi ito nagkukulang sa tubig. Sumunod na mapanpansin ay ang panlalagas ng dahon at ang pagkatuyo ng buong punongkahoy. Kapag sinuri ang mga sanga nito, mapapansin ang pagkukulay kape ng loob nito na parang nabubulok. Ang mga ugat naman ay karaniwang nababalutan ng mapuputing amag. Panatilihing malinis ang paligid ng mga puno upang maiwasan ang pag-atake ng amag. Ipasuri ang lupa sa pinakamalapit na pest clinic upang malaman kung may presensya ng mga amag na sanhi ng sakit na ito.Pag-aani Ang pag-aani ay ginagawa kapag ang mga bunga sa bawat buwig ng lansones ay kulay tuyong dayami (rice straw) na. Ito ay inilalagay sa mga kaing o kahon na sinasapianan ng lumang dyaryo o tuyong dahon ng saging. Ang sapin ay nakatutulong upang hindi masugatan ang balat ng lansones.

Ang kabuuang gastos sa bawat puno ay nagkakahalaga ng P173.88 samantalang ang kabuuang kita naman ay P1,395.50 at umaabot na P 1,221.62 ang netong kita kada puno.

Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development (PCARRD)

Department of Science and Technology (DOST)

Southern Tagalog Agriculture and Resources Research and Development Consortium (STARRDEC)

Cavite State University (CvSU)Southern Tagalog Integrated Agricultural Research Center (STIARC)Department of Agriculture (DA) RFU IV-A

Gastos at Kita sa Pagtatanim ng LANSONES

Republic of the PhilippinesDepartment of AgricultureRegional Field Unit 4-ACALABARZON

Isinalin sa Filipino ng:

Regional Agriculture and Fisheries Information Divison (RAFID)Tel: (02) 928 4310 Email: [email protected]

LansonesWastong Teknolohiya sa Pagpaparami, Pagtatanim, Pag-aalaga, Pamimitas at Pag-iimpake ng Lansones