2
REPUBLIKA NG PILIPINAS ) LALAWIGAN NG PAMPANGA ) LUNGSOD NG ANGELES ) SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY Ako si JUAN PAOLO MIRANDA y DIZON, nasa wastong taong gulang, Pilipino, at naninirahan sa 2065 Plaridel St., Brgy. Sto. Rosario, Angeles City, Pampanga, pagkatapos makapanumpa ay nagsasabi: Na ako ang siyang nakareklamo sa kasong pananakit na inihain laban sa akin ni Grazel Mejia y Sampaga; Na sa ilalim ng aking sumpa ay aking itinatanggi ang mga paratang sa akin, sa kadahilanang ang mga nakasaad na habla laban sa akin ay walang katotohanan at pawang gawa-gawa lamang; Na ang totoong nangyari ay ang mga sumusunod: Na bandang alas onse ng gabi noong Abril 23, 2015 ay pumasok ako ng aming kuwarto upang magpahinga at matulog. Makalipas ang ilang minuto lamang ay biglang narinig ko ang malakas na sipa sa pintuan ng aming kuwarto, na nagresulta sa pagkasira nito. Napatayo ako sa malakas na tunog, at sa oras na iyon ay nakita ko si Grazel, ang aking dating kinakasama; Na lumapit sa akin si Grazel at biglang pinagsasampal at pinagtutulakan ako habang pasigaw na itinatanong kung nasaan ang babae ko at kung sino ang babaeng nasa kuwarto ko; Na walang ibang babae sa kuwarto maliban sa kanya. Napatunayan ko ito sa kanya nang sa kanyang paghahanap ay wala rin naman siyang nakitang ibang babae sa aking kuwarto; Na matapos ito ay lumabas siya ng kuwarto, kung saan kumuha siya ng tasa ng kape at bote ng Mang Tomas na ibinato at inihampas niya sa akin; Na wala akong sinabing kahit na anong masasakit na salita laban sa kanya. Napakabilis ng mga pangyayari noong gabing

Kontra Salaysay MIRANDA

Embed Size (px)

DESCRIPTION

sample

Citation preview

Page 1: Kontra Salaysay MIRANDA

REPUBLIKA NG PILIPINAS )LALAWIGAN NG PAMPANGA )LUNGSOD NG ANGELES )

SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY

Ako si JUAN PAOLO MIRANDA y DIZON, nasa wastong taong gulang, Pilipino, at naninirahan sa 2065 Plaridel St., Brgy. Sto. Rosario, Angeles City, Pampanga, pagkatapos makapanumpa ay nagsasabi:

Na ako ang siyang nakareklamo sa kasong pananakit na inihain laban sa akin ni Grazel Mejia y Sampaga;

Na sa ilalim ng aking sumpa ay aking itinatanggi ang mga paratang sa akin, sa kadahilanang ang mga nakasaad na habla laban sa akin ay walang katotohanan at pawang gawa-gawa lamang;

Na ang totoong nangyari ay ang mga sumusunod:

Na bandang alas onse ng gabi noong Abril 23, 2015 ay pumasok ako ng aming kuwarto upang magpahinga at matulog. Makalipas ang ilang minuto lamang ay biglang narinig ko ang malakas na sipa sa pintuan ng aming kuwarto, na nagresulta sa pagkasira nito. Napatayo ako sa malakas na tunog, at sa oras na iyon ay nakita ko si Grazel, ang aking dating kinakasama;

Na lumapit sa akin si Grazel at biglang pinagsasampal at pinagtutulakan ako habang pasigaw na itinatanong kung nasaan ang babae ko at kung sino ang babaeng nasa kuwarto ko;

Na walang ibang babae sa kuwarto maliban sa kanya. Napatunayan ko ito sa kanya nang sa kanyang paghahanap ay wala rin naman siyang nakitang ibang babae sa aking kuwarto;

Na matapos ito ay lumabas siya ng kuwarto, kung saan kumuha siya ng tasa ng kape at bote ng Mang Tomas na ibinato at inihampas niya sa akin;

Na wala akong sinabing kahit na anong masasakit na salita laban sa kanya. Napakabilis ng mga pangyayari noong gabing iyon, at hanggang sa huli ay nasa estado pa ako ng pagkabigla at pagkalito sapagkat hindi ko alam kung saan nanggaling at ano ang basehan ng lahat ng mga sinasabi niya sa akin;

Na matapos ang mga ginawa niyang ito ay umawat na ang aking mga magulang at inihatid na siya sa bahay ng kanyang mga magulang;

Sa katunayan ay aking isinasagawa ang salaysay na ito upang sabihin ang totoong pangyayari;

BILANG PAGTOTOO ay aking ilalagda ang aking pangalan ngayong ika- ng Hunyo 2015, dito sa Lungsod ng Angeles, Lalawigan ng Pampanga.

Page 2: Kontra Salaysay MIRANDA

JUAN PAOLO D. MIRANDA Nagsalaysay

SINUMPAAN at NILAGDAAN sa aking harapan ngayong ika- ng Hunyo 2015, dito sa Lungsod ng Angeles, Lalawigan ng Pampanga.

Tagapanumpa