2
REPUBLIKA NG PILIPINAS ) LALAWIGAN NG PAMPANGA ) LUNGSOD NG ANGELES ) SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY Ako si HECTOR C. GATUS, nasa wastong taong gulang, Pilipino, at naninirahan sa 411 T. Claudio St., Lourdes Sur East, Angeles City, Pampanga, pagkatapos makapanumpa ay nagsasabi: Na ako ang siyang nakareklamo sa kasong Qualified Theft na nakabinbin sa Office of the City Prosecutor, na may numerong III-010-INV-15D-00383; Na sa ilalim ng aking sumpa ay aking itinatanggi ang mga paratang sa akin, sa kadahilanang ang mga nakasaad na habla laban sa akin ay walang katotohanan at pawang gawa-gawa lamang; Na ang totoong nangyari ay ang mga sumusunod: Na ako ay nagtratrabaho bilang isang karpintero sa Systems Plus College Foundation. Noong mga buwan ng Marso at Abril ay itinalaga ako sa RVJ Building, habang noong buwan ng Mayo ay sa Registrar’s Office naman ako itinalaga; Na sa aking obserbasyon at pagkakaalam ay mahigpit ang seguridad sa lugar ng aking pinagtratrabahuan. Sinisigurado ng mga guwardiya na awtorisado ang sinumang maglalabas ng kahit na anong kagamitan. Higit pa rito, sinisiyasat ng mga guwardiya ang laman ng mga sasakyan bago makalabas ang mga ito sa lugar; Na hindi ko kailanman magagawa ang mga paratang sa akin sapagkat maayos at malinis akong nagtratrabaho upang kumita ng pera; Na pawang gawa-gawa lamang ang mga ibinibintang sa akin ni Eduardo Patayan. Kailanman ay hindi rin ako nagbigay sa kanya ng pera. Nagsusumikap ako upangkumita ng pera sa maayos at legal na paraan. Mahirap unawain at tila imposible rin ang

Kontra Salaysay GATUS

Embed Size (px)

DESCRIPTION

kontra salaysay

Citation preview

Page 1: Kontra Salaysay GATUS

REPUBLIKA NG PILIPINAS )LALAWIGAN NG PAMPANGA )LUNGSOD NG ANGELES )

SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY

Ako si HECTOR C. GATUS, nasa wastong taong gulang, Pilipino, at naninirahan sa 411 T. Claudio St., Lourdes Sur East, Angeles City, Pampanga, pagkatapos makapanumpa ay nagsasabi:

Na ako ang siyang nakareklamo sa kasong Qualified Theft na nakabinbin sa Office of the City Prosecutor, na may numerong III-010-INV-15D-00383;

Na sa ilalim ng aking sumpa ay aking itinatanggi ang mga paratang sa akin, sa kadahilanang ang mga nakasaad na habla laban sa akin ay walang katotohanan at pawang gawa-gawa lamang;

Na ang totoong nangyari ay ang mga sumusunod:

Na ako ay nagtratrabaho bilang isang karpintero sa Systems Plus College Foundation. Noong mga buwan ng Marso at Abril ay itinalaga ako sa RVJ Building, habang noong buwan ng Mayo ay sa Registrar’s Office naman ako itinalaga;

Na sa aking obserbasyon at pagkakaalam ay mahigpit ang seguridad sa lugar ng aking pinagtratrabahuan. Sinisigurado ng mga guwardiya na awtorisado ang sinumang maglalabas ng kahit na anong kagamitan. Higit pa rito, sinisiyasat ng mga guwardiya ang laman ng mga sasakyan bago makalabas ang mga ito sa lugar;

Na hindi ko kailanman magagawa ang mga paratang sa akin sapagkat maayos at malinis akong nagtratrabaho upang kumita ng pera;

Na pawang gawa-gawa lamang ang mga ibinibintang sa akin ni Eduardo Patayan. Kailanman ay hindi rin ako nagbigay sa kanya ng pera. Nagsusumikap ako upangkumita ng pera sa maayos at legal na paraan. Mahirap unawain at tila imposible rin ang mga ibang bintang nito. Bilang isang karpintero, limitado ang mga trabahong nakatakda sa akin. Alam ng mga tao roon na ako ay isang karpintero lamang, at alam rin nila na ako ay hindi awtorisado upang maglabas ng mga aircon at scaffolding. Sa higpit ng seguridad ng lugar, imposibleng hindi kuwestiyunin ng mga guwardiya ang sinasabing disposisyong ito.

Na wala ring katotohanan ang mga paratang laban sa akin ni Virgilio Mura Jr. Walang ibinibigay na kahit anong awtoridad ang mga nakatataas namin ukol sa paglalabas ng mga kagamitan sa lugar. Sa katunayan ay mahigpit na ipinagbabawal ito. Kung inilabas ko nga ang mga kagamitang ito ay siguradong kinuwestiyon na at hindi pinayagan ng mga guwardiya. Imposible ang mga ibinibintang sa akin sapagkat ang Dayun tricycle na sinasabing ginamit upang pagsakyan ng mga nawawalang kagamitan ay may plywood na sahig lamang. Ang Dayun tricycle na ito ay ginagamit lamang upang ipanghatid ng mga arina at tinapay sa Angelina bakery. Sa bigat ng mga aircon at bakal ay imposibleng makakayanan ito ng nasabing tricycle;

Page 2: Kontra Salaysay GATUS

Sa katunayan ay aking isinasagawa ang salaysay na ito upang sabihin ang totoong pangyayari;

BILANG PAGTOTOO ay aking ilalagda ang aking pangalan ngayong ika- ng Mayo 2015, dito sa Lungsod ng Angeles, Lalawigan ng Pampanga.

HECTOR C. GATUS Nagsalaysay

SINUMPAAN at NILAGDAAN sa aking harapan ngayong ika- ng Mayo 2015, dito sa Lungsod ng Angeles, Lalawigan ng Pampanga.

Tagapanumpa