26
ABSTRAK Rona T. Ramboyong , Siena Sien D. Quimio, Eddalaine Marie M. Peneda, Jan Jan B. Pabello ,Rodelito G. Quinte ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang ANTAS NG INTERES NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO SA MABABANG PAARALANG SENTRAL NG STA. FE, LEYTE. Ito ay binuo at ginawa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng isang sarbey-kwestyoneyr sa mga respondente. Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman kung ano ang antas ng interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Sinuri ng mabuti at tinala ang lahat ng kasagutan ng mga respondent para malaman kung ano ang bilang ng mga respondenteng sumang-ayon o sumagot ng OO at ang bilang ng respondenteng hindi sumang-ayon o sumagot ng HINDI. Natuklasan sap ag-aaral na ito, na interesado ang mga mag- aaral sa asignaturang Filipino; gusto ng mga mag-aaral ang asignaturang Filipino; maraming na tutunan ang mga mag-aaral sa asignturang Filipino; mataas ang marka sa asignturang Filipino; mahalaga sa mga mag-aaral ang asignturang Filipino; palaging pumapasok ang mag-aaral sa asignturang Filipino; binibigyan ng

#Kenneth 1

Embed Size (px)

DESCRIPTION

1

Citation preview

ABSTRAK

Rona T. Ramboyong , Siena Sien D. Quimio, Eddalaine Marie M. Peneda, Jan Jan B. Pabello ,Rodelito G. Quinte ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang ANTAS NG INTERES NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO SA MABABANG PAARALANG SENTRAL NG STA. FE, LEYTE. Ito ay binuo at ginawa sa pamamagitan ng pagpapasagot ng isang sarbey-kwestyoneyr sa mga respondente.Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay ang malaman kung ano ang antas ng interes ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Sinuri ng mabuti at tinala ang lahat ng kasagutan ng mga respondent para malaman kung ano ang bilang ng mga respondenteng sumang-ayon o sumagot ng OO at ang bilang ng respondenteng hindi sumang-ayon o sumagot ng HINDI.Natuklasan sap ag-aaral na ito, na interesado ang mga mag-aaral sa asignaturang Filipino; gusto ng mga mag-aaral ang asignaturang Filipino; maraming na tutunan ang mga mag-aaral sa asignturang Filipino; mataas ang marka sa asignturang Filipino; mahalaga sa mga mag-aaral ang asignturang Filipino; palaging pumapasok ang mag-aaral sa asignturang Filipino; binibigyan ng pagkakataon na mga makagsalita ang mga mag-aaral sa asignturang Filipino; mahusay magturo ang mga guro sa asignturang Filipino; may sapat na aklat at iba pang mga kagamitan ang paaralan na mapagkukunan ng mga impormasyon sa asignturang Filipino; hindi gusto ng mga mag-aaral na maging guro sa asignturang Filipino; nasisiyahan ang mga mag-aaral sa oras ng talakayan sa asignturang Filipino; hindi bale wala sa mga mag-aaral ang kahinaan ng guro sa pagtuturo sa asignturang Filipino kaya hindi sila nagsisikap na matuto ayon sa sariling kakayahan; may pagkukusa ang mga mag-aaral na matutunan ang lahat ng paksa sa asignturang Filipino; nagiging masigla pa rin ang talakayan sa asignturang Filipino kahit nakakabagot ang paksa at pinapahalagahan ng mga mag-aaral ang asignturang Filipino bilang mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng pagpasok araw-araw.Mula sa nabuong kongklusyon, buong nagpapakumbabang inirekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod:Ipagpatuloy ang magandang Gawain ng paaralan ng mapanatili ang interes ng mga mag-aaral sa asignturang Filipino; panatilihing ng mga guro ang magandang Gawain na palaging magustuhan ng mga mag-aaral ang asignturang Filipino; maging masigasig pa lalo ang mga guro na makapagbigay pa ng maraming kaalaman lalo na sa asignturang Filipino; mas hikayatin pa ang mga mag-aaral ng mabuti para makakuha ng mas mataas na marka sa asignturang Filipino; maging modelo ang mga guro sa pagpapahalaga sa asignturang Filipino; palaging tingnan ang atendans ng mga mag-aaral nang palaging pumasok ang mga mag-aaral sa oras ng klase sa asignturang Filipino; bigyan palagi ng pagkakataon ang mag-aaral na makapagsalita upang maipahayag nila ang kanilang mga opinion at mga saloobin; panatilihin ang kahusayan ng mga guro sa pagtuturo ng asignturang Filipino; bigyang pansin ng administrasyona ang kaunting mga aklat at iba pang mga kagamitan ng mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa asignturang Filipino; mas hikayatin pa ang mga mag-aaral na maging guro sa asignturang Filipino; magkaroon ng ibat-ibang Gawain para mapanatili ang kasiyahan sa talakayan; dapat dalubhasa ang mga gurong kulang pa ang kasanayan sa asignturang Filipino nang hindi sila makitaan ng kahinaan ng mga mag-aaral; hikayatin ang mga mag-aaral na magkusa na matutunan ang lahat ng paksa sa asignturang Filipino; maging mabusisi ang mga guro sa pagpili ng paksa nang sa ganoon hindi mabagot ang mga mag-aaral; pahalagahan palagi ang asignturang Filipino.

ABSTRAK

Ada A. Estuita, Maria Noralyn N. Irey, Nanette B. Fernandez, Sheila Mae D. Galero ; MGA MAIKLING KWENTO AT TULA NG BASEY SAMAR AT DAGAMI LEYTE. Ang mga mananaliksik ng Pamantasang Normal ng Leyte na asa taongpanuruan 2011-2012. Ang pananliksik na ito ay naglalayon na lubos na maunawaan at makilala ang mga taglay ng maikling kwento at tula ng Basey Samar at Dagami Leyte.Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa paggamit ng purposive sampling technique upang malaman ng mga mamamayan kung gaano kayaman ang bansa sa paggawa ng maikling kwento at tula ng Basey Samar at Dagami Leyte at kung saan sinadya ang pagpili ng mga respondent sa pananaliksik. Kabilang pili-piling mamamayan ng Dagami Leyte na napagkunan ng impormasyon tungkol sa paksa ay sina G. Alex Dumduma, Gng. Ingracia Cama-oy at Gng. Consolacion Iroy. Sa mga nakalap ng mga mananaliksik mayroong walong (8) bilang ng maga nakalap na mga maikling kwento o katumbas ng 57.14% bahagdan sa Basey Samar. Ito ang Ang Pinagmulan ng Salitang Basey , Ang Hanapbuhay ng mga Baseynon , Sohoton National Park , Sohoton Natural Bridge , Panhulugan Cave I , Panhulugan Cave II, Sohoton Cave at Ang Panhulugan Cliff. Samantala, mayroon naming anim (6) na bilang ng mga nakalap na mga maikling kwento o katumbas ng 42.86% bahagdan ang sa Dagami Leyte. Ito ang Paniniwala ng mga Dagamin-on, Ang Kwento ng Binagol, Ang Diyalekto, Sors ng Tubig, Unang Misyonaryo, Quilot River. Sa kabuuan, mayroong labing-apat (14) ang bilang ng mga maikling kwento o katumbas ng 100% bahagdan sa nasabing lugar. Sa kabilang dako naman, mayroong pitong (7) bilang ng mga nakalap na tula o katumbas ng 63.34% bahagdan ang sa Basey Samar. Ito ang Kundiman , Kumintang o Tagumpay, Ang Dalit o Imno, Ang Oyayi o Hele, Dyona, Soliranin at Talindaw. Samantala, mayroon naming apat (4) na bilang ng mga tulang nakalap o katumbas ng 36.36% bahagdan sa Dagami Leyte. Ito ang Paniwalaan Mo, Hindi Ako, Edukasyon, Ang Pagkasunog ng Dagami at ang Dagami. Sa kabuuan, mayroong labing-isa (11) ang bilang ng mga nakalap na tula o katumbas ng 100% bahagdan sa mga nasabing lugar. Kabilang din ditto, ang mga araw at implikasyon nito sa mga Baseynon at sa mga Dagamin-on.

ABSTRAK

Edu Flasedo P. Caquela, Rutchelle C. Cabunigan, Sanny Jane B. Cangco, Abbraey Q. Carzon ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang KADALASANG ESTRATEHIYANG GINAGAMIT NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA BASEY NATIONAL HIGH SCHOOL na ibinatay sa mga kasagutan ng mga kalahok. Ito ay binuo, ginawa at sinuri sa pamamagitan ng talatanungan na nababatay sa mga kasagutan ng mga respondent na mga mag-aaral sa Basey National High School.Naging pangunahing layunin ng pag-aaral nang makapag-biagay impormasyon hinggil sa mga kadalasang estratehiyang ginagamit ng mga guro sa asignaturang Filipino sa Basey National High School. Sinuri ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga kalahok.Natuklasan sa pag-aaral na ito na gumamit ng ibat-ibang estratehiyan ang mga guro sa Filipino sa Basey National High School tulad ng mga laro, dula-dulaan, dayalogo at iba pa na kung saan walumpot siyam (89%) na respondent ang mga sang-ayon dito at labing isa (11%) lamang ang mga hindi sang-ayon; sumang-ayon ang mga mag-aaral sa mga guro sa asignaturang Filipinosa paggamit nito sa pagtalakay ng mga paksa na kung saan siyamnaput isa (91%) ang sang-ayon dito, samantalang siyam (9%) na mag-aaral ang sumalungat dito; ayon naman sa pitomput walong (78%) respondent lubos na nakakatulong ang halos araw-araw na paggamit ng estratehiya, samantalng dalamput dalawang (22%) respondent ang hindi sang-ayon dito; pitomput walong (78%) respondent naman ang sumang-ayon sa paggamit agad ng estratehiyan ng guro sa Filipino sa simula pa lang ng klase ng taong panuruan 2011-2012 samantalang,dalamput dalawa (22%) ang hindi sang-ayon dito; pitomput siyam (79%) ang nagsabing gumagamit ng estratehiya ang mga guro kahit walang mga panauhin ngunit dalawamput isa (21%) ang mga tumutol dito; walomput siyam (89%) naman ang respondenteng nagsasabing nakakalahok ang mag-aaral kapag may estratehiyang ginagamit ang mga guro sa pagtuturo, samantalang labing siyam (19%) ang hindi sang-ayon dito; siyamput walo (98%) naman ang mga respondenteng nagsasabing nakatutulong ang paggamit ng mga estratehiyang sa pagkatuto ng mga paksang tinatalaky, samantalang dalawang (2%) respondent lamang ang mga hindi sang-ayon dito; walomput limang (85%) respondent naman ang nagsasabing nagiging madali ang lahat ng paksa ang mga guro ay gumagamit ng ibat-ibang estratehiya sa pagtuturo, samantalang, labinlimang respondent (15%) ang mga hindi sang-ayon; siyamnapung respondente (90%) ang nagsasabing nagiging masigla ang talakayan sa silid-aralan kapag gumagamit ang guro ibat-ibang estratehiya, samantalang , sampung (10%) mag-aaral ang mga hindi sang-ayon dito; pitomput apat naman (74%) ang nagsasabing natatapos agad talakayin ang paksa sa isang araw kapag gumagamit ang guro ng ibat-ibang estratehiya sa pagtuturo, samantalang dalawamput anim (26%) naman ang mga hindi sang-ayon dito; hinggil naman sa walumput walong (88%) respondent madaling nauunawaan ang paksa sa asignaturang Filipino kapag gumagamit ang guro ng ibat-ibang estratehiya sa pagtuturo, samasntalang, labindalawang (12%) respondent ang hindi nakakaunawa sa paksa; ayon naman sa animnapung (60%) respondent nakakabagot ang paksa kapag naisasagawa ng walang stratehiya, samantalang, apatnapung (40%) respoindente ang salungat dito; siyamnaput tatlong (93%) mag-aaral ang nagsasabing nagiging masigla ang talakayan sa loob ng silid-aralan kapag gumagamit ang guro ng ibat-ibang estratehiya sa pagtuturo, samantalang pitong (7%) mag-aaral ang hindi pabor dito; ayon naman sa pitomput siyam na respondente dula-dulaan ang isa sa mga epektibong estratehiya sa pagtuturo, samantalang labing-isang (11%) estudyante naman ang nagsasabing dayalogo ang mabisang estratehiya sa pagtuturo; at higit sa lahat, mula Lunes hangganhg Biyernes gumagamit ng estratehiya ang guro sa asignaturang Filipino sa Basey National High School kung saan nakakuha ng limangput dalawang (52%) bahagdan.

ABSTRAK

Adrian Ray A. Ponferrada, Erick Lorenz A. Reyes, Vida Erika A. Santiso, Marian Agnes A. Sequito, Giovanie S. Villiones ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGKATUTO NG ASIGNATURANG FILIPINO SA MGA MAG-AARAL NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LEYTE, TAONG PANURUAN 2011-2012 na ibinatay sa mga kasagutan ng mg kalahok. Ang pananaliksik ay binuo, sinuri at isinagawa gamit ang talatanungan ay nakatuon sa pagbibigay ng impormasyon, istatistika at kongkretong datos ukol sa mga salik na nakaaapekto sa mga mag-aaral.Upang maisakatuparan ang pananaliksik, gumamit ng sarbey-kwestyuner ang mga mananaliksik na ibinigay sa mga respondente upang sagutin. Ang instrumenting ito ay naging batayan ng mga mananaliksik upang lubusang malaman kung anu-ano ang mga pananaw ng mga mag-aaral sa sekondarya ng piling paaralan ng Leyte tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng Filipino sa mga mag-aaral.Ang sarbey na ginawa ay may disenyong deskriptiv-analitik na pinasasagutan sa isang daang (100) respondenteng nagmula sa una hanggang ikaapat na taon ng sekondarya. Gamit ang purposive sampling dalawampu sa bawat taon dahil limang paaralan an gaming naging kalahok nang sa gayon ay maging pantay at patas ang distribusyon ng respondent upang maging makatotohanan ang resulta ng pag-aaral.Sa pagsusuri sa mga naging kasagutan ng mga mag-aaral, nalaman ang kanilang saloobin hinggil sa mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng mga estudyante sa asignaturang Filipino at makatutulong din ito sa pagpapataas sa kalidad ng edukasyon sa mga mataas na paaralang pambansa ng Leyte. Iminumungkahi ng mga mananaliksik kung maaari ay pag-aralan ng mabuti ang mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto ng asignaturang Filipino sa mga mag-aaral upang mas marami pang mga estudyante ang mahikayat na mag-aral ng mabuti.Sa isandaang respondent (100%), limamput walo (58%) ang nagsabing sapat na ang kanilang kaalaman na itinuturo ng guro, samantalang apatnaput dalawa (42%) ang nagsabing hindi pa ito sapat. Hinggil naman sa opinyon ng mga respondent kung magkakaroon bas a kanila ng epekto ang pagkakaroon ng isang guro na masungit at walang pakialam ay pitomput pito (77%) ang nmagsabi n goo samantalang, dalawamput tatlo (23%) naman ang nagsabing hindi. Walumput siyam (89%) ang nagsabing hindi sila sumasang-ayon na ang guro nila sa Filipino ay dalubhasa sa Ingles samantalang labing-isa (11%) naman ang sumang-ayon sa nasabing usapan. Siyamnaput lima (95%) ang nagsabing mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na karanasan ang isang guro bago makapagturo habang lima (5%) naman ang nagsabing hindi na ito kailangan. Ayon sa siyamnaput apat (94%) na respondent, malaki ang mga naitutulong ng mga aklat at iba pang referens sa Filipino, samantalang anim (6%) ang nagsabing hindi. Hinggil naman sa pananaw ng mga respondente kung makakasama bas a kanila ang pagkakaroon ng isang guro na walang ibang ipinagawa kundi ipasulat ang lahat ng nasa libro niya kwaderno ng kanyang mga estudyante ay animnaput anim (66%) ang nagsabi ng oo samantalang, tatlumput apat (34%) ang nagsabi ng hindi. Walumput anim (86%) naman ang nagsabi na kailangan i-upgrade o pataasin ang kwalipikasyon ng isang guro bago makapagturo samantalang, labing-apat (14%) ang nagsabing hindi na kailangan. Ayon naman sa walumput siyam (89%) na mga respondente ay sapat na ang kaalaman ng kanilang guro sa asignaturang Filipoino, labinmg-isa (11%) ang nagsabing hindi pa sapat. Lahat naman ng isandaan (100%) na respondent ang nagsabi na tinutulungan nila ang kanilang sarili para madaragdagan ang kanilang kaalaman. Halos naman lahat ng respondent ang nagsabing, dapat magkaroon ng malawak na kaalaman ang isang guro ay siyamnaput siyam (99%) ang nagsabi n goo samantala isa (1%) lang naman ang nagsabi ng hindi.ABSTRAK

Valerie Jean C. Arpon, Mark Joseph Baldesco, Alejandro Bacabac, Jedalyn Baras, Camille Batis ; KALAGAYAN NG ASIGNATURANG FILIPINO SA LEYTE NATIONAL HIGH SCHOOL-ESEP NG PANURUANG TAON 2011-2012. Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang KALAGAYAN NG ASIGNATURANG FILIPINO SA LEYTE NATIONAL HIGH SCHOOL-ESEP na ibinatay sa mga kasagutan ng mga kalahok. Ito ay binuo, ginawa at sinuri sa pamamagitan ng mga mag-aaral ng programang ESEP ng Leyte National High School.Naging pangunahing layunin ng pag-aaral ang makapagbigay impormasyon hinggil sa kalagayan ng asigntaurang Filipino sa Leyte National High School-ESEP. Sinuri ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga kalahopk at pinangkat-pangkat ito gayundin ang mga katanungan. Pinag-isa ang mga sumagot ng hindi at ganun din ang mga sumagot ng oo.Natuklasan sa pag-aaral na ito na sa isandaang (100%) respondent, siyamnaput tatlo (93%) ang nagsabing mahalagang pag-aralan ang asignaturang Filipino.samantala, pito (7%) sa sumagot ay hindi sumang-ayon sa nasabingb usapin. Hinggil naman sa opinyon ng mga respondente kung mahirap ba ang mga aralin sa Filipino ay apatnaput tatlo (43%) ang nagsabing oo at limangput pito (57%) naman ang tumutol. Marami sas mga respondent ang pinapahalagahan ang paggamit ng wikang pambansa sa oras ng talakayan sa Filipino. Mayroong walongput siyam (89%) respondent ang nagsabing pinapahalagahan ang paggamit nito, samantalang labing-isa (11%) naman ang nagsabing hindi ito pinapahalagahan. Apatnaput isa (41%) ang nagsasabing may sapat na pasilidad at kagamitan sa pag-aaral ng Filipino. Habang limangput siyam (59%) ang nagsasabing hindi sapat ang mga pasilidad at kagamitan sa pag-aaral ng Filipino. Limangput lima (55%) respondent ang sumasang-ayon na palaging may pasok sa asignaturang Filipino. Subalit, apatnaput lima (45%) naman ang hindi sumasang-ayon sa nasabing usapin. Marami ang nagsasabing mahalaga ang asignaturang Filipino para sa pipiliing propesyon sa hinaharap. Pitumput tatlo (73%) ang nagsabing oo habang dalawamput pito (27%) ang nagsasabing hindi. Pitongpu ang nagsasabing gumagamit ng ibat-ibang gawain ang guro sa Filipino sa pagtalakay ng mga paksa samantalang tatlongpu (30%) naman ang hindi sumasang-ayon sa nasabing usapin. Pitumput anim (76%) ang sumasang-ayon na binibigyan ng ibayong atensyon ang pag-aaral sa Filipino, samantalang dalawamput apat (24%) ang hindi sumasang-ayon na binibigyan ng ibayong atensyon ang pag-aaral sa Filipino. Marami ang sumasang-ayong pinapakita ng mga guro sa Filipino ang buong katapatan at interes sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Pitumput anim (76%) ang nagsasabing gusto pang pag-aralan ang asignaturang Filipino, samantalang dalawamput (24%) naman ang nagsabing ayaw na nilang pag-aralan ang asignaturang Filipino.

ABSTRAK

Merle B. Jomadiao, Edda Mae P. Labrado, Ednalyn D. Kalaw ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang KWALIPIKASYON NG MGA GURO SA ASIGNATURANG FILIPINO SA MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG LEYTE AT SAMAR na ibinatay sa mga kasagutan ng mga kalahok. Ito ay binuo, ginawa at sinuri sa pamamagitan ng talatanungan na nakabatay sa mga kasagutan ng mga respondent na mga guro na nagtuturo sa Filipino sa leyte at Samar.Naging pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mabigyan kasagutan kung ano nga a ba ang mga kwalipikasyon ng mga guro sa pagtuturo sa Filipino. Gumawa ng mga talatanungan ang mga mananaliksik at ipinamahagi sa mga kalahok upang malaman ang kasagutan nila.Sinuri ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga kalahok at pinagpangkat-pangkat ang mga katanungan gayundin ang nagging sagot. Pinag-isa ang lahat ng sumagot sa mga katanungan na nagsasabing oo at ganoon dinsa mga sumagot ng hindi.Natuklasan sa pag-aaral na ito kung ano ba ang mga kwalipikasyon ng mga guro sa asignaturang Filipino sa mataas na paaralang pambansa sa Leyte at Samar. Na ang mga guro ay dapat tapos ng kursong BSED para kwalipikadosila sa kanilang kinuhang propesyon. At kailangan sila ay may digri na may kaugnay sa asignaturang Filipino. Ngunit may ilang mga guro na nagtuturo sa Filipino na walang mga digri na may kaugnayan ssa Filipino. At batay sa pag-aaral na ito ikinalugod ng mga guro na mag-aral ng Master in Filipino na walang tesis sa LNU kung magbubukas ng programa ang nasabing paaralan. Ang mga guro ay dapat may kakayahan at kaalaman sa tungkol sa Filipino upang ang mga mag-aaral ay may sapat na kaalaman. Isandaang (100%) respondente naman ang nagsasabing panghayskul ang kanilang natapos, yulad ng Bachelor of Secondary Education (BSED). Tatlongput pito (37%) ang mayroong masteral digri na natapos at animnaput tatlo (63%) naman ang wala pang natapos na masteral digri. Dalawamput pito (27%) ang mayroon nang digri sa masteral na may kaugnayan sa Filipino, samantalang pitongput tatlo (73%) naman ang mayroon nagng digri sa masteral ngunit walang kaugnayan sa Filipino. Batay sa limangpung (50%) respondnete, mayroon na silang yunit sa programang masteral, samantala, limangpu (50%) din naman ang hindi pa nagkakaroon ng yunit sa programang masteral ayon sa tatlongput walung (38%) respondent, ang mayroon nang yunitsa programang masteral na may kaugnayan sa Filipino samantala animnaput dalawa (62%) naman ang mayroon ng yunit sa masteral ngunit walang kaugnayan sa Filipino. May apatnaput limang (45%) respondente ang nahihirapan sa pag-aaral ng masteral dahil may tesis na kailanagng mabuo o magawa bago makuha ang digri. Samantala, limangput limang (55%) respondete naman ang nagsabing hindi sila nahihirapan.Hinggil sa siyamput tatlong (93%) respondent na makikita sa grap, ang may interes na mag-enrol sa Leyte Normal University (LNU) kung magbukas ng master in Filipino (walang tesis), samantala, pito (7%) naman ang walang interes na mag-enrol sa (LNU). Siyamnaput tatlong (93%) respondent ang may mag-aral sa LNU kung magbukas ng programang master in Filipino na walang tesis, samantala, pito (7%) naman ang hindi gusto mag-aral sa LNU. Siyamnaput dalawang (92%) respondent ang nasasabik na mag-aral sa ilalim ng programang master in Filipino na walang tesis, samantala, walo (8%) naman ang hindi nasasabik. May siyamnaput dalawang (92%) respondent ang pinipiling mag-aral sa LNU sa ilalim ng progranmang master in Filipino na walang tesis sa kabila ng may ilang paaralang nagbukas ng naturang programa, samantala, walo (8%) naman ang pinipiling mag-aaral sa ibang paaralan.Batay sa siyamnaput tatlong (93%), respondent, ang naniniwala na ams karapat-dapat ang LNU na magbukas ng programang master in Filipino na may tesis kaysa sa ilang paaralan na mayroon nang naturang programa, samantalang pito (7%) naman ang hindi naniniwala. May siyamnapung (90%) respondent, ang nakatitiyak na mas marami silang matututunan kuna sa LNU sila kukuha at magpapaenrol na walang tesis kaysa sa ibang paaralan. Samantala, sampu (10%) naman ang hindi nakatitiyak na maraming matutunan kung sa LNU magpapaenrol. Hinggil sa walongput lima (85%) respondent, na makikita sag rap na gusto nila ang programang master Filipino na walang tesis, samantala, labing lima (15%) naman ang may gusto sa master in Teaching Filipino na may tesis. Limangput lima (55%) na respondent ang may gusto sa programang master in Teaching Filipino na may tesis, samantala, apatnaput lima (45%) naman ang may gusto sa Master in Filipino.

ABSTRAKJojelyn P. Aryap, Candy D. Alcarde, Joehvan R. Alarcon ; Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang Antas na Pagnanais na Makakuha ng Mataas na Marka sa Unang Taon ng Kolehiyo sa Pamantasang Normal ng Leyte . Ang kabuuang bilang ngmga kalahok ay isang daan (100). Ang lahat ng mga kalahok ay mag-aaral mula sa Pamantasang Normal ng Leyte. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman kung anong antas na ninanais na marka sa pag-aaral ng asignaturang Filipino at malaman din kung hanggang saan ang kayang maabot na marka sa asignaturang ito para sa mga mag-aaral. Ang disenyo ng pag-aaral na ito ay disriptib-analitik na pananaliksik na nilahukan ng 100 na mga mag-aaral na siyang sumagot sa talatanungan ng mga mananaliksik. Dito malalaman ng mananaliksik kung ang mag-aaral ay amay kakayahang makakuha ng antas na ninanais na makakuha ng mataas na amrka sa aignaturang Filipino. Natuklasan sa pag-aaral na ang antas na ninanais na makakuha ng marka sa asignaturang Filipino ay mahirap; mahalaga ang makakuha ng mataas na antas sa asignaturang Filipino; kinakailangan ng mataas na marka sa Asignaturang Filipino ayon sa kinuhang kurso; may mataas na nakuhang marka sa asignaturang Filipino; malaking tulong ang antas na nakuha asignaturang ito; naranasan ng makakuha ng mababang marka sa asignaturang Filipino; madamot ang guro sa marking ibinibigay sa bawat mag-aaral sa asignaturang Filipino; nahihirapang natutunan ang asignaturang ito; maituturing na ang paglakpak sa asignaturang Filipino ay resulta ng paglagpak din ng guro sa kanyang tungkulin na magbahagi ng kaalaman; ang asignaturang Filipino ay pinakamataas o pinakamababang nakuhang anta sa lahat na asignatura sa Unang Taon ng Kolehiyo. Kaya irerekomenda ng mananaliksik na dapat pag-aralang mabuti ang asignaturang Filipino upang maging maganda ang reslta ng pag-aaral.

ABSTRAK

Faith Jirah Rebong, Nina A. Picardal, Herica Rapanan ; Antas ng Kaalaman sa Asignaturang Filipino 1 ng mga Mag-aaral sa Unang Taon ng Kolehiyo ng Pamantasang Normal ng Leyte. Hangarin ng mga mananaliiksikna sa paggawa ng pamanahong papel na ito alamin ang antas ng kaalaman sa asignaturang Filipino 1 ng mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo ng Pamantasang Normal ng Leyte. Ang sarbey kwestyuneyr ang naging daan upang makakalap ng impormasyon at datos ang mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay binuo ang isangdaang (100) mga kalahok mula sa lahat ng kurso sa unang taon ng kolehiyo.Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral sa unang taon ng taong panuruan 2011-2012 sapagkat ito ang naging saklaw at limitasyon ng napiling pag-aaral. Deskriptib-analitik ang ginamit sa disenyo sap ag-aaral. Sinuri sa mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga respondent. Hinanap ang mean sa kabuuang tamang sagot sa mga bilang isa hanggang lima. Pinag-isa ng mga mananaliksik ang sumagot ng oo at hindi mga bilang hanggang lima. Pinag-isa naman ng mga mananaliksik ang mga sumagot ng oo at hindi mga bilang mula anim hanggang sampu.Napag-alaman ana nahihirapan ang mga respondente sa pagkilala sa kung anong bahagi ng pananalita nabibilang ang salita sa pangungusap. Natanto rin na naiintindihan ng mga mag-aaral ang nais ipahiwatig na mga matatalinhagang salita; kulang sila sa kaalaman hinggil sa pagbabagong nangyari sa alpabeto; sapat na ang kanilang kaalaman sa wikang pambansa na wikang Filipino; alam nila ang elemento ng komunikasyon; karamihan ay magaling sa pagsulat ng tamang pangungusap at talata; may kaalaman sila sa linggua franca ng bansa; sumobra lang ng tatlong (3%) porsyento ang mga magaling sa paggamit ng Filipino sa pakikipagtalastasan; ayon sa sarbey kulang sila sa kasanayan para gamitin ito sa pangungusap; at halos lahat ay may kakayahang bumasa at sumulat ng mabuti at malinaw.