12
Kagawaran ng Edukasyon Music 3 Ang Tono at Melodic Contour Ikalawang Markahan – Unang Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Deonadith B. Fabillar Manunulat Buena C. Dela Cruz, Ed.D. Annabelle P. Delos Santos MT 1 Tagasuri Wilson F. Pascual Jinky DC Santos Rogelio Cabanting Efleda F. Enerlas Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad

Kagawaran ng Edukasyon Music 3 - depedmuntinlupa.ph

  • Upload
    others

  • View
    10

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Kagawaran ng Edukasyon

Music 3 Ang Tono at Melodic Contour

Ikalawang Markahan – Unang Linggo

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Deonadith B. Fabillar

Manunulat

Buena C. Dela Cruz, Ed.D. Annabelle P. Delos Santos MT 1

Tagasuri Wilson F. Pascual

Jinky DC Santos

Rogelio Cabanting

Efleda F. Enerlas

Pangdibisyong Katiyakan sa Kalidad

1

Sa araling ito ay matututunan ng mga mag-aaral ang tungkol

sa mga sumusunod;

Aralin 1: Ang Tono

Layunin: Natutukoy ang mga tonong mataas, katamtaman at

mababa

Aralin 2: Tamang tono

Layunin: Naitutugma ang tamang tono sa boses at

kasangkapang pantugtog.

Aralin 3: Melodic Contour

Layunin: Nakaguguhit ng simpleng pattern at contour ng

melodiya.

Panuto: Basahin ang bawat aytem at piliin ang letra ng

tamang sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa himig ng awit?

A. Melody C. Tono

B. Rhythm D. Wala sa nabanggit

2. Tumutukoy sa taas at baba ng tunog sa isang musika.

A. Melody C. Tono

B. Rhythm D. Wala sa nabanggit

3. Binubuo ng iba’t ibang tunog na nagkakaiba sa tono at

haba o tagal nito.

A. Melody C. Tono

B. Rhythm D. Wala sa nabanggit

4. Mga galaw ng musika na maaaring maging hugis ng burol,

bundok, kapatagan, at lambak.

A. Melody C. Tono

B. Melodic contour D. Wala sa nabanggit

5. Ang isang awitin ay magandang pakinggan kapag

sinaliwan ng________.

A. Kasangkapang pantugtog C. Boses

B. Musika D. himig

2

Panuto: Anu-ano ang limang instrumentong pangritmo na

madalas mong makita sa telebisyon o madinig sa radyo? Iguhit ito

sa loob ng hugis.

Aralin

1 Ang Tono

Ang melody ay pinagsama-samang tunog na may iba’t

ibang tono. Ang tono ay maaaring mababa, katamtaman, at

mataas na maririnig sa pamamagitan ng pag-awit at pagtugtog

ng mga instrumentong pangmusika. Ang mga tunog na ito ay

kumikilos sa iba’t ibang direksiyon.

3

Kodaly Hand Signs

Ang Treble Clef o G- Clef ( ) ay sumisimbolo sa mataas na

tono. Ito ay tinatawag na G Clef dahil ang dulo nito ay nakapa-

ibabaw sa limguhit na kinatatagpuan ng ngalang pantonong G.

Ang Bass Clef o F Clef ay nangangahulugan”

mababang tono”. Ito ay tinawag na F clef dahil ang mga

tuldok nito ay pumapagitna sa limguhit na kinalalgyan ng

ngalang pantonong F

4

Ang Alto Clef ay kilala rin sa katawagang C

Clef. Ito ay mayroong katatamtamang tono

na di gaanong mataas o mababa.

Aralin

2 Tamang Tono

Kilala ang Do Re Mi song sa larangan ng musika. Ito ay

magandang gamitin sa pagtuturo ng musika sa mga bata. Ito ang

epektibong paraan sa pagkilala ng mga nota at konsepto ng

bawat pagitan nito. Nakatutulong ito na maintindihan kung paano

itono ang bawat nota at kung paano itugma ang boses at

instrumento na gagamitin.

5

Aralin

3 Melodic Contour

Ang contour ay hugis ng isang melodiya. May ilang nota na

tumataas at bumababa ang tono at nagkakaroon ng iba’t-ibang

hugis tulad ng zigzag, pakurba, alon, at bundok. Tumutukoy ito sa

daloy ng musika. Ang pagdaloy ng tunog ang siyang nagbibigay

ng damdamin at kahulugan sa musika

6

Hugis kapatagan o tunog na inuulit. Ang mga nota ay

makikita lamang sa isang linya o musical line.

Hugis bundok, ito ang uri ng contour na umaakyat

at bumababa ang tono

Hugis burol, ang tonong bumababa at tumataas ng paulit-

ulit.

Hugis talampas , ang tonong tumataas, nananatiling patag

sa taas at bababa ang tono.

7

Hugis lambak, ang tonong pababa, nananatiling patag sa

baba at tumataas ang tono.

Panuto: Tukuyin kung ito ay mababa, mataas o katamtamang tono.

Ilagay ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

________________ 1.

________________ 2.

________________ 3.

________________ 4.

________________ 5.

8

Aralin 1:

Ang melody ay isang himig na binubuo ng pinagsama- samang

tono. Ang tono ay ang pagtaas o pagbaba ng tunog.

Ang treble clef ay simbolo ng mataas na tono, ang bass clef ay

simbolo ng mababang tono at ang alto clef ay simbolo ng

katamtamang tono.

Aralin 2:

Bawat nota ay may katumbas na tono. Ang himig ng isang awit

ay nabubuo kapag pinagsama-sama ang mga tono. Ang

melodiya ay linya ng musika na binubuo ng pinagsama-samang

tono. Ang tonong ito ay maaaring itugma ayon sa boses at

instrumento na gagamitin.

Aralin 3:

Ang melody ay gumagalaw sa iba’t ibang direksyon. Maaaring

maging hugis nito ay burol, bundok, kapatagan, at talampas.

Ang galaw na ito sa musika ay tinatawag nating melodic

contour.

Panuto: Awitin ang Leron-Leron Sinta. Saliwan ito ng mga

instrumentong makikita sa bahay.

9

RUBRIKS

Lagyan ng tsek () ang isang kahon sa bawat bilang na angkop sa iyong

nagawa.

Gawain

3

2

1

1. Naitugma ang tamang tono

sa boses.

2. Naitugma ang tamang tono

sa kagamitang pangtugtog.

3. Nalaman ang mga simpleng

contour ng melodiya.

4. Nakaawit na may tamang

pitch; mababa, mataas at

katamtamang taas.

5. Naipahayag ang damdamin

sa pamamagitan ng awit.

3- Pinakamahusay

2- Mahusay

1- Kailangan pang magsanay

Paalala sa guro: May kanya- kanyang puntos ang mga bata ayon sa

kanilang sagot. Walang maling sagot ang mga bata sa RUBRIKS.

A. Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang uri ng melodic contour na tinutukoy

ng pahayag sa bawat bilang.

1. Ito ang tunog na inuulit. Ang mga nota ay makikita lamang sa isang

linya o musical line

PANGWAKAS NA

PAGSUSULIT

10

2. Ito ang uri ng contour na umaakyat at bumababa ang tono.

B. Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

3. Ang tono ay maaaring itugma ayon sa boses at __________ na

gagamitin.

A. Instrumento C. Boses

B. Melodiya D. Tugtugin

4. Ano ang tawag sa galaw ng musika na maaaring maging

hugis ng iba’t ibang anyong lupa tulad ng burol, kapatagan,

bundok at iba pa?

A. Melody C. Tono

B. Melodic contour D. Wala sa nabanggit

5. Ang boses ni Regine Velasquez ay may__________ na tono.

A. Mababa C. Mataas

B. Katamtaman D. Malaki

11

Sanggunian

Music , Art, Physical Education and Health –Ikatlong Baitang

Kagamitan ng Mag-aaral sa Tagalog

Pahina 37-49

https://www.letsplaykidsmusic.com/fun-music-theory-do-re-mi/

www. Wikipedia.com

www.google.com

Susi sa Pagwawasto

Unang Pagsubok

1.a

2.c

3.a

4.b

5.a

Gawain

1. mataas

2. katamtaman

3. mababa

4. katamtaman

5. mataas Pag- alam sa natutunan

Rubric

Pngwakas na pagsusulit

A.

1.

2. B. 3. A 4. B 5. C