10
Kagawaran ng Edukasyon Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan (EPP) 5 Entrepreneurship / ICT Natutukoy ang Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng Impormasyon Ikalawang Markahan – Ika-anim na Linggo Myrna R. Teope Writer Jessa B. Ables Ernah T. Diaz Elizabeth D. Limson Validators Virginia P. Cagampang Dr. Jane May C. Valbuena at Dr. Antonio C. Gagala Quality Assurance Team Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

  • Upload
    others

  • View
    31

  • Download
    0

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

Kagawaran ng Edukasyon Edukasyong Pantahanan at

Pangkabuhayan (EPP) 5

Entrepreneurship / ICT Natutukoy ang Angkop na Search Engine sa Pangangalap ng

Impormasyon

Ikalawang Markahan – Ika-anim na Linggo

Myrna R. Teope Writer

Jessa B. Ables Ernah T. Diaz Elizabeth D. Limson

Validators

Virginia P. Cagampang

Dr. Jane May C. Valbuena at Dr. Antonio C. Gagala

Quality Assurance Team

Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940

Page 2: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

2

Sa tulong ng SLeM na ito, inaasahang: 1. natutukoy ang angkop na search engine sa pangangalap ng

impormasyon;

2. nagagamit ang advanced features ng isang search engine sa pangangalap ng impormasyon; at

3. naipamamalas ang kawilihan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng

gawain sa pangangalap ng impormasyon gamit ang iba’t-ibang search engine.

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot. Hanapin ang sagot sa Hanay B na hinihihingi ng Hanay A.

Sagot Hanay A Hanay B

1. May kakayahan itong magsalin-wika at isa sa pinakapopular na web browser.

A. Search engine

2. Ang search engine na ito ay bunga ng kolaborasyon ng Microsoft at Yahoo

B. Search button

3. Aling search engine ang kilala bilang email provider site at dating yellow page directory?

C. I’m feeling happy

4. Sa pamamagitan nito nagkakaroon tayo ng malawakang ugnayan sa buong mundo.

D. Yahoo Search

5. Ito ay isang electronikang gamit upang mas mapadali ang pagproseso o paghahanap ng mga bagay tulad ng dokumento.

E. Search Box

6. Dito tina-type ang keyword na gagamitin sa pagsasaliksik.

F. Bing

7. Ito ay isang software system na ginagamit sa paghahanap ng impormasyon sa internet.

G. Computer

8. Ito ay ginagamit pagkatapos i-type ang keyword, at pindutin ang enter key sa keyboard upang masimulan ang pagsasaliksik.

H. Advance Features

9. Ito ay direktang pumupunta sa webpage matapos i-type ang keyword, na sa palagay ng Google ay pinakaangkop sa kailangan at madalas din ang unang search result.

I. Internet

10. Ito ang ginagamit upang mas maging tiyak ang pangangalap ng impomasyon gamit ang isang key word.

J. Google chrome

Page 3: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

3

A. Sagutin ang mga tanong: 1. Naranasan mo ba ang naranasan ni Jethro sa pananaliksik? Ano ang ginawa

mo? ___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________ 2. Nasubukan mo na ba ang magsaliksik gamit ang kompyuter at internet? ___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Paano kaya ang wastong pangangalap at pagsasaayos ng impormasyon

lalo na sa pamamagitan ng ICT? _____________________________________________________________________

____________________________________________________________________ 4. Bakit kailangang matutuhan ang kasanayan sa pangangalap ng impormasyon

gamit ang computer at internet sa tulong ng mga search engines?

_____________________________________________________________________

____________________________________________________________________ Panuto: B. Taglay mo na ba ang sumusunod na kaalaman at kasanayan? Lagyan ng tsek ( ) ang hanay ng thumbs up icon kung taglay mo na o thumbs down icon kung hindi pa.

Kaalaman / Kasanayan

1. Nakapagsasaliksik ako gamit ang computer at internet.

2. Naipaliliwanag ko kung ano ang search engine.

3. Nakagagamit ng search engine sa pagkalap ng mga datos.

4. Nakagagamit ako ng angkop na keywords sa pagsasaliksik.

5. Nauunawaan ang kahalagahan ng mga search engine upang mapadali ang pagsasaliksik

Basahin ang usapan ng magkaklase na sina Jethro at Mae.

Mae: Jethro, handa ka na ba sa iuulat mo sa Lunes? Jethro: Hindi pa Mae, dahil hindi ko pa tiyak kung tama ang nasaliksik ko sa internet tungkol sa paksang ibinigay sa akin ng ating guro na si Gng. Myrna. Mae: Ganun ba? Anong web browser ba ang binuksan mo?

Jethro: Nalilito kasi ako dahil napakaraming site ang tumatalakay sa paksang ibinigay sa akin.

Page 4: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

4

1. Ano ang search engine? 2. Paano i-access ang mga ito sa pagkalap ng mga impormasyon? Ang Search Engine ay isang

programa o software system sa computer na tumutulong upang maghanap ng mga dokumento, musika, video, imahe o larawan sa pamamagitan ng paglalagay ng mga

salitang hahanapin o keyword sa internet o sa World Wide Web (www).

Narito ang ilan sa mga kilalang search engines na maaari mong gamitin: Google, Yahoo, Bing, Search, Ask, Aol Search, Wow, Web Crawler, MyWebSearch, Infospace, Info, DuckDuckGo, Blekko, Contenko, Dogpile, Alhea, Alta Vista at Lycos, at iba pa. Ayon sa pag-aaral, may tatlong nangungunang search engine, ito ay ang Google, Yahoo Search at Bing. Narito ang ibat-ibang kakayahan at katangian ng tatlong search engine na maaaring makatulong sa mas mabilis at mabisang pangangalap ng impormasyon.

https://www.google.com

https://www.yahoo.com

https://www.bing.com

1. May kakayahan ito na magsagawa ng advanced search. 2. Ito ay may espesyal na feature para sa paghahanap ng mga pang-akademiko at mas siyentipikong akda

gamit ang Google Scholars. 3. Naglalabas ito ng mga resultang nakabatay sa pinakapopular o pinaka-madalas dalawin na websites. 4. Ito ay maaaring magsalin-wika ng mga pahina batay sa awtomatikong wika na itinakda sa setting. 5. May kakayahan din itong maghanap ng mga videos dahil isa rin sa kanilang produkto ang Youtube.

1. Ang Yahoo Search kilalang dating yellow page directory 2. Kilala ito bilang isang email provider site. 3. Ang mga resultang inilalabas nito ay ayon sa

kahalagahan ng nais hanapin. 4. Wala itong kakayahang magsalin-wika ng mga pahina. 5. Ang mga ginamit na salita bilang keywords sa paghahanap ay makikita sa titulo ng artikulo. 6. Ito ay may kakayahang maghanap ng mga lokal na resulta dahil mayroong mga lokalisadong bersyon.

1. Ang search engine na ito ay bunga ng kolaborasyon ng Microsoft at Yahoo. 2. Ang mga resultang inilalabas nito ay nakabatay sa kalidad

ng artikulo o website. 3. Ang paghahanap ay nakabatay sa titulo ng artikulo. 4. Nakapaghahanap ito ng mga produkto, balita, music, video at iba pa.

Page 5: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

5

Narito ang mga hakbang kung paano ma-access ang search engine: 1. Pumili ng search engine mula sa mga nabanggit. I-type ang pangalan ng napiling search engine at pindutin ang (Enter) sa keyboard.

2. Mamili ng mas angkop na keywords o phrases na inyong kailangan sa hinahanap na paksa.

3. I-click ang (search) o pindutin ang (Enter) key sa inyong keyboard kapag may napili na.

4. Lalabas ang iba’t ibang site na naglalaman ng paksang inyong hinahanap. Aralin o tingnan ang resulta.

Ang mga halimbawa ng search engine na ibinigay sa itaas ay nagtataglay din ng tinatawag na advanced features. Nakatutulong ang mga ito sa paghahanap ng tumpak na impormasyon upang maiwasan ang pangangalap sa libo-libong resulta na hindi naman magagamit lahat.

Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang na maaring gawin kapag gagamitin ang susunod na bahagi ng Advanced Feature ng search

engine.

1. Subuking gamitin ang advanced

feature ng isang search engine tulad ng google sa pangangalap ng impormasyon.

2. I-click lamang ang “Settings” at may

lalabas na isang box kung saan makikita ang iba’t ibang pamimilian. Piliin ang

“Advanced search”.

Page 6: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

6

3. Pagkatapos pindutin ang “Advanced search”, dadalhin kayo nito sa susunod na pahina. Sa unang box dapat ilagay ang mga salitang nais hanapin sa internet.

4. Ilagay ang salitang nais hanapin sa loob ng quotation marks (“”) sa paksang nais tukuyin na may higit sa isang salita (tambalang salita).Hal. “rubber boat”

5. Samantalang sa ikatlong kahon. Ilagay ang salitang nais hanapin. Kailangang ilagay ang “OR” sa pagitan ng mga paksa na nais hanapin. Hal. Natural OR synthetic

6. ginagamitan ito ng simbolo na gitling (–) sa unahan ng salita na hindi nais isama sa pangangalap. Hal. –Boots, -ship, -gloves, -mats, -tape.

7. Maglagay ng panukat kung kailangan. Hal. 10.35kg

8. Pumili ng nais na wika. Hal.Filipino,

French, English

9. Pumili ng nais na rehiyon o bansa Hal. Filipino , English, Afghanistan

10. Pumili ng taon o oras kung kailan

huling nabago o nalathala ang impormasyon. Hal. Anytime, past week, past 24 hrs, Past year

Page 7: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

7

11. Maaaring ilagay ang piling

website o domain. Hal. gov.ph – kung website ng isang ahensiya ng gobyerno ng Pilipinas. edu – kung website ng isang educational institution

12. Pumili ng lugar sa pahina kung saan nais makita ang paksa. Hal. Anywhere in page, In the title of the page, In links to the page

13. Pumili ng filter kung ninanais na hindi isama ang mga sanggunian na may nilalamang seksuwal. Hal. Filter explicits results

14. Pumili ng nais na format. Hal. .pdf (portable document format) .ppt (powerpoint) .doc (document)

Magsagawa ng matalinong pagsasaliksik tungkol sa mga sumusunod na mga paksa. Ibigay ang keywords na ginamit at ang mga impormasyong nakuha sa bawat paksa. Sasagutin ito sa pamamagitan ng paggamit ng isang search engine

gamit ang internet. Mga Paksa

Keyword na ginamit

Impormasyong nakuha

1. Ang Epekto ng Pandemyang COVID -19 sa bansang Pilipinas

2. Mga dapat gawin ng mga kabataan sa kanilang tahanan sa panahon ng Coronavirus Pandemic

3. Mga alternatibong paraan ng pag-aaral ang dapat kaharapin sa panahon ng pandemya

4. Ang epekto ng sobrang paggamit ng multimedia sa mga mag-aaral

5. Mga hanapbuhay na maaaring gawin gamit ang internet

Page 8: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

8

A. Panuto: Gamit ang iyong kasanayan sa pagsasaliksik o pangangalap ng impormasyon gamit ang search engine, punan ang sumusunod na talaan:

Mga Paksa Sintomas Sanhi Lunas

1. Covid -19 Pandemic

2. Asthma

3. Diabetes

4. Malnutrisyon

5. Pneumonia

B. Magsagawa ka ng isang panayam sa iyong pamilya o kamag-anak na

propesyonal o kaya ay nagtatrabaho sa isang kumpanya na gumagamit ng internet. Gamitin ang mga katanungan upang magawa nang maayos ang panayam.

1. Ano ang madalas mong gamiting search engine? ___________________________________________________________________________

2. Ano ang halimbawa ng paksa na karaniwan mong hinahanap? ___________________________________________________________________________

3. Bakit ang search engine na ito ang napili mo sa pangangalap ng impormasyon?

_____________________________________________________________________ 4. Ano ang magandang naidudulot ng paggamit ng angkop na search engine?

_____________________________________________________________________

Ang Search Engine ay isang programang ginagamit upang matukoy at mahanap ang dokumento gamit ang isang keyword o salita. Sa pamamagitan ng computer at internet, maaari tayong makapagsaliksik at mangalap ng makabuluhang impormasyon sa mabilis na paraan gamit ang web browsers at search engines.

Bagaman may iba-ibang mga feature ang mga search engine,

makatutulong pa rin ang pagkuha ng impormasyon gamit ang isa o dalawang search engine upang masala at mahusay na makapangalap ng mga datos na kakailanganin.

Ang Advanced Features ng search engine ay nakatutulong sa paghahanap ng tumpak na impormasyon. Bagaman may ganitong feature ang search engine, marapat pa ring mag-ingat sa mga kukuning mga impormasyon o datos mula sa internet upang ipakita ang pagiging responsable sa paggamit nito

Page 9: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

9

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon batay sa paglalarawan

gamit ang mga pangungusap. ________1. I-click lamang ito at may lalabas na isang box kung saan makikita ang iba’t ibang pamimilian. ________2. Ito ay isa sa mga halimbawa ng domain o site na nasa pang-apat na kahon. Dito ay maaaring maglagay ng isang site or domain kung saan mo gustong hanapin. ________3. Ito ay ang inilalagay sa pangalawang kahon, kung nais mong pumili ng mga pahinang nai-publish sa isang particular na pagmumulan ng impormasyon. ________4. Ito ay simbolo na ginagamit upang tukuyin kung alin sa mga salita ang

ayaw o hindi kasama sa mga hahanapin sa internet. ________5. Ito ang ginagamit upang mas maging tiyak ang pangangalap ng

impomasyon gamit ang isang key word. ________6. Ang unang kahon na makikita sa bahagi ng Advanced Feature ng search engine, na dapat pumili ng ____ na nais mong hanapin. ________7. Ito ang ilalagay sa pagitan ng mga salita upang ipakita na alinman sa mga salitang ito ay maaaring hanapin ng Google. ________8. Ito ay simbolo na nangangahulugan na ang salitang nakasulat sa loob

ng box na ito ay ang eksaktong salitang iyong hinahanap. ________9. Ito ang halimbawang nilalagay na nais na format kapag pipili ka ng uri ng file na gustong makita o i-save. ______10. Ang kahon na nasa pangatlo, ay tinutukoy na hanapin ang mga pahina na na-update sa loob ng oras o ang huling pag-update.

Mga

Setting

Gitling

(–)

Quotation

marks (“”) “OR” Advance

Search

lenggwahe o

wika

Adobe Acrobat PDF (.pdf)

deped.gov.ph

Anytime Rehiyon

Page 10: Kagawaran ng Edukasyon - DepEd Muntinlupa

10

Sanggunian

1. Peralta, Gloria A. EdD, Mata, Marianne M. , De Guzman Jeffrey D.

Department of Education Bureau of Learning Resources ( DepEd-BLR) Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5 ( Vibal Group 2016) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig

City, Philippines 1600. Pahina 22 – 23. 2. Nicdao, Ruth Merilyn N. (2013). Computer @ Work 6. Neo Asia

Publishing Inc.

Andes, Mhery-Ann S, Andes, Antonio Sr. S. (2012). My Computer Book 6. National Book Store.

Http//:quipperschool.com (K-12 ICT - grade 5) 3. Leano, Marvin R., Garcia, Edison G., Neri, Alexander D. Ph.D.,

Samson, Ever M., Learning Material EPP 5 Enterpreneuship & ICT.

Pahina 45 - 55

Susi ng Pagwawasto: Unang Pagsubok

1. J 6. E 2. F 7. A 3. D 8. B 4. I 9. C 5. G 10.H

Pangwakas na Pagsusulit

1. Mga Setting 6. Lengwahe o Wika

2. deped.gov.ph 7. OR

3. Rehiyon 8. (“ “)

4. ( - ) 9. Adobe Acrobat PDF (.pfd)

5. Advance Search 10. Anytime