13
Kabanata 20 Ang Pulong sa Tribunal Report Nina: Princess Yu At Marco Pangan Kabanata galing sa librong: Noli Me Tangere Na Isinulat Ni: Dr. Jose Rizal

Kabanata 20

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Kabanata 20 ng Noli me Tangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal

Citation preview

Page 1: Kabanata 20

Kabanata 20

Ang Pulong sa Tribunal

Report Nina:

Princess Yu At Marco Pangan

Kabanata galing sa librong:

Noli Me Tangere

Na Isinulat Ni: Dr. Jose Rizal

Page 2: Kabanata 20

Mga Tauhan

• Gobernadorsilyo• Don Filipo- Lider ng partido liberal• Kapitan Basilio- Lider ng partido konserbador,

mayaman na nakalaban ni Don Rafael• Pilosopo Tasyo• Crisostomo Ibarra• Guro

Page 3: Kabanata 20

Ang Tribunal• Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan

at lugar na pulungan mga may kapangyarihang mga tao sa bayan • May pintang apog ang pader nito(puti) at may mga sulat at guhit sa

uling(itim) na masagwa o mahalay.• Sa isang sulok, maayos na nakahilera, kasama ng mga kalawanging

sable(espada) ang may 10 lumang pusil(baril), mga espadin at talibong(punyal) mga sandata iyon ng kwadrilyero.

• Sa dulo naman nito, na nakukurtinahan ng marumi at pulang tela ay parang itinago ang nakasabit na larawan ng hari. Sa ilalim nito nakapatong sa isang platapormang kahoy ang isang lumang silya na sira na ang patungan ng kamay.

• Katapat ng silya ay isang malaki at madungis na mesang kahoy at napalilibutan ito ng uuga-ugang mga bangko at iba pang upuan.

Page 4: Kabanata 20

Ang Pinagpupulungan

Ang nalalapit na pista sa San Diego ang paksa ng pulong, na idadaos labing isang araw na lang

mula sa araw na pinagpulungan ito.

Page 5: Kabanata 20

Ang Pulong

• Ang konserbador ay pangkat ng mga matatanda, na pinamumunuan ni Kapitan Basilio. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Felipo.

• Unang nagsalita si Kapitan Basilio, ngunit ang kanyang talumpati ay nasabing walang binesa at walang kawawaan(walang maunawaan).

Page 6: Kabanata 20

Ang Pulong• Sa hinaba-haba ng sinabi ng Kapitan ay nais lamang

niyang sabihin na dapat iklian ng mga magsasalita ang kanilang mga sasabihin sa kapulungan. Subalit ginamit ni Rizal ang mahabang pangungusap na iyon ni Don Basilio upang ipahiwatig ang kawalan ng kabuluhan o esensiya ng mga makalumang kaisipan na ginagamit sa makabagong kapanahunan.

• Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos.

Page 7: Kabanata 20

Mga Mungkahi ni Don Filipo

• Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Ang dulaan sa may liwasan ay nagkakahalaga ng P160.00 samantalang ang komedya ay P1,400 na tig-P200 bawat gabi. Kailangan din ang mga paputok(ipapagawa sa Malabon) na paglalaanan ng P1,000.

• Meron silang 3,500 pisong gugugulin.

Page 8: Kabanata 20

Mga Mungkahi ni Don Filipo

• Una, apat na hermano mayor, sa dalawang araw na pista at, pangalawa, na sa bawat isang araw ay magtapon sa dagat ng 200 inahing manok na pinirito, 100 relyenong pabo at 50 litson.

• Labinlimang(15) araw na sabong at magkaroon ng kalayaan mabuksan ang lahat ng bahay- sugalan.

• Madaming bumatikos sa kanyang mungkahi kaya hindi na niya ito pinilit pa, iniurong na lamang niya ito.

Page 9: Kabanata 20

Mga Batikos ni Kapitan Valentin• Ang tinyente mayor lamang daw ang may

gusto na magkaroon ng mga paputok at dula sa pista.

• Baka salatin ng anim na buwan kapag nag tapon ng mga pagkain sa ilog.

• O kaya naman ay nagdaraos ng pista ang Roma kung araw ng bihilya kaya ipinatatapon ng Papa sa dagat ang mga pagkain para hindi sila magkasala.

Page 10: Kabanata 20

Isang Binata• Tumayo ang isang binata na isang cabeza de

barangay.• Pinupunyagi na ang salapi ay huwag lumabas

sa ating bayan kundi gamitin sa mga bagay na pakikinabangan ng lahat.

• Ang paghahalal ng ng Kapitan ng Bayan at Mariang Makiling.

• Pagbibigay ng gantimpala.

Page 11: Kabanata 20

Ang Gusto ng kura

• Anim (6) na prusisyon, tatlong(3) sermon sa tatlong malalaking misa at pag sumobrang pera, komedyang Tondo na may awit sa pagitan ng mga yugto.

Page 12: Kabanata 20

Layunin ng Kabanta• Inilarawan dito ang pagpapahalaga ng mga Kastila at

Pilipino sa tradisyon na kapistahan. Pinagpaplanuhan, pinagdedebatihan.

• Ipinahayag dito ni Rizal ang pananaw niya sa pamamagitan ng pagmungkahi na iwanan na ang magarbo at maluhong pagdiriwang. Bilang isang Katoliko, hindi lubusang kinondena ni Rizal ang pagdiriwang ng pista.

• Binatikos ang ilan pang mga bahagi ng pista tulad ng walang saysay na pagbili ng mga paputok, matagal na pagdiriwang (tatlong araw) at bonggang mga palamuti.

• Ipinakita pa rin na walang mangyayari sa mga mungkahi niya sapagkat ang mga prayle ang dapat masunod.

Page 13: Kabanata 20

Buod ng Kabanata• Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang pinagtitipunan at lugar na pulungan mga may

kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang dumating sina Ibarra at ang guro, nagsisimula na ang pagpupulong. May dalawang pangkat na nakapaligid sa mesa. Ito ay binuo ng dalawang lapian sa bayan. Ang konserbador ay pangkat ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay pinamumunuan ni Don Filipo. Pinagtatalunan nila ang tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni Don Filipo ang tinyente mayor at kapitan dahil malabo pa ang mga paghahanda sa pista.

Kung saan-saan napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan Basilio,isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael. Walang binesa at walang kawawaan ang talumpati niya. Dahil dito,isinahapag ni Don Filipo ang isang mungkahi at talaan ng mga gastos. Ang mungkahi niya ay magtayo ng isang malaking tanghalan sa liwasang bayan at magtanghal ng komedya sa loob ng isang linggong singkad. Binatikos si Don Filipo sa kanyang mga mungkahi, kung kaya’t iniatras niya ang mga ito. Sumunod na nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng mga matatanda. Ang kanyang mungkahi (1) tipirin ang pagdiriwang (2) walang paputok (3) ang magpapalabas ng komedya ay taga San Diego at ang paksa ay sariling ugali upang maalis ang mga masamang ugali at kapintasan.

Nawalang saysay din ang panukala ng kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang pasya na kura na tungkol sa pista.Ang pasya ng kura ay ang pagdaraos ng anim na prusisyon, tatlong sermon, tatlong misa mayor at komedya sa Tondo. Ito ang gusto ng kura, kaya sumang-ayon na lamang ang dalawang pangkat. Nagpaalam si Ibarra sa guro at ipinaalam na siya’y pupunta sa ulumbayan ng lalawigan upang lakarin ang isang mahalagang bagay.