13
Fatima P. Lucido HIST 1 W2-3R Ika-25 ng Setyembre, 2012 Prof. Tara Reyes Mga Bantayog at Museo Ang paggunita sa nakaraan ay siyang susi para maintindihan ang kasalukuyan. Maraming pangyayari ang naganap sa ating kasaysayan. Mga pangyayaring nagdulot nang kung anong meron ang kasalukuyan. Mga pangyayaring nagmulat sa ating mga damdamin at kaisipan. At mga pangyayaring malaki ang puwang sa ating kamalayan. Sa bawat pangyayaring naganap sa ating kasaysayan, maraming tao, hindi lamang ang mga kilala nating bayani sa kasalukuyan, ang nagsindi ng ating kamalayan. Marami ring bagay, kaganapan at tradisyon ang naging kabahagi ng pagdaloy ng kasaysayan. Bilang pagsisilbing tulay ng nakaraan at kasalukuyan, maraming itinayong bantayog o munumento at iba’t ibang museo sa ating bansa. Ito na rin ay para sa paggunita ng kabayanihan at kontribusyon ng mga taong may mahahalagang kaganapan sa ating kasaysayan at gayundin naman, ang mga museo para gunitain o alalahanin ang sinaunang katayuan o kabuhayan, tradisyon at paniniwala ng ating mga nuno. Sa panahon ngayon, ang mga tradisyon at pangyayari sa nakaraan ay tila unti-unitng naglalaho dala na rin ng makabagong henerasyon ng teknolohiya at malayang pagtanggap sa ibang kultura. Gayon pa man, kaya itinayo ang mga bantayog at museo ay para hindi pa rin natin makalimutan ang mga tao sa likod ng ating kasaysayan at upang maipaalala sa bawat isa sa atin ang ating pagka-Pilipino. Itinayo din ang mga bantayog bilang sagisag ng diwang makabayan. Ang bantayog ay isang simbolo o marka na itinayo bilang pagpaparangal sa isang bagay, bayani, kagitingan o anu pa mang parangal na maaaring ihandog. Ito ay sumisimbolo o kumakatawan sa mga pinahahalagahang bagay sa ating kasaysayan at paniniwala. Maraming nagkalat na bantayog sa bansa at karamihan ay bantayog

Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Fatima P. Lucido

HIST 1 W2-3R

Ika-25 ng Setyembre, 2012

Prof. Tara Reyes

Mga Bantayog at Museo

Ang paggunita sa nakaraan ay siyang susi para maintindihan ang kasalukuyan.

Maraming pangyayari ang naganap sa ating kasaysayan. Mga pangyayaring nagdulot nang kung anong meron ang kasalukuyan. Mga pangyayaring nagmulat sa ating mga damdamin at kaisipan. At mga pangyayaring malaki ang puwang sa ating kamalayan. Sa bawat pangyayaring naganap sa ating kasaysayan, maraming tao, hindi lamang ang mga kilala nating bayani sa kasalukuyan, ang nagsindi ng ating kamalayan. Marami ring bagay, kaganapan at tradisyon ang naging kabahagi ng pagdaloy ng kasaysayan. Bilang pagsisilbing tulay ng nakaraan at kasalukuyan, maraming itinayong bantayog o munumento at iba’t ibang museo sa ating bansa. Ito na rin ay para sa paggunita ng kabayanihan at kontribusyon ng mga taong may mahahalagang kaganapan sa ating kasaysayan at gayundin naman, ang mga museo para gunitain o alalahanin ang sinaunang katayuan o kabuhayan, tradisyon at paniniwala ng ating mga nuno.

Sa panahon ngayon, ang mga tradisyon at pangyayari sa nakaraan ay tila unti-unitng naglalaho dala na rin ng makabagong henerasyon ng teknolohiya at malayang pagtanggap sa ibang kultura. Gayon pa man, kaya itinayo ang mga bantayog at museo ay para hindi pa rin natin makalimutan ang mga tao sa likod ng ating kasaysayan at upang maipaalala sa bawat isa sa atin ang ating pagka-Pilipino. Itinayo din ang mga bantayog bilang sagisag ng diwang makabayan.

Ang bantayog ay isang simbolo o marka na itinayo bilang pagpaparangal sa isang bagay, bayani, kagitingan o anu pa mang parangal na maaaring ihandog. Ito ay sumisimbolo o kumakatawan sa mga pinahahalagahang bagay sa ating kasaysayan at paniniwala. Maraming nagkalat na bantayog sa bansa at karamihan ay bantayog para sa mga taong tinuturing na bayani ng ating kasaysayan at martir na nagtaguyod sa ating kasarinlan. Ang mga ito ay pawang ginawa at itinayo para hindi mawaglit sa kaisipan ng mga tao sa kasalukuyan ang mga nagawa ng mga tao ng nakaraan para makamit ang kung anong meron tayo sa ngayon, ang ating kalayaan. Nakamamangha mang isipin, ngunit totoong may mga tao, mga bayani at martir, na sadyang handang ibuwis ang kanilang buhay para sa inang bayan, para sa lupang sinilangan. At bilang pagtanaw ng utang na loob at bilang pagpapakita ng pagpapahalaga sa kanilang ga nagawa para sa bayan, karapatdapat lamang na handugan sila ng simbolong makakapagpaalala sa kanilang mga nagawang kabutihan sa bansa.

Maraming bayani ang nagbuwis ng kanilang buhay para makamtan ang ating natatamasang kasarinlan. Mariming tao ang nagtulung-tulong upang ipaglaban ang ating inang bayan. Ilan sa mga taong ito ay ang mga kilala nating bayani. Unang-una ay si Gat. Jose Rizal na siyang tinuturing na pambansang bayani ng Pilipinas. Mula sa kanyang mga akda at panulat na nagsilbing susi upang lalong mabuksan ang kamalayan ng ating mga kababayan mula sa pangaalipin ng ibang nasyon, nagsilbi rin siyang modelo sa mga kabataan noon at magpasahanggang ngayon. Bilang isang doktor, manunulat at dalubhasa, malaki ang ginampanan niya noong mga panahong lubos ang pang-aapi ng mga Espanyol. Gayun pa man, hindi niya dinaan sa dahas kundi sa larangan ng literature ang kanyang mga hinaing at saloobin laban sa pang-aabuso ng mga Espanyol. At bilang pambansang bayani, maraming itinayong bantayog bilang pag-alala sa kanya.

Page 2: Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Sinasabing itinayo ang unang bantayog ni Gat Jose Rizal noong 1898 sa Camarines Norte. Lingid sa mga makabagong bantayog ni Rizal, hindi ito pigura ng bayani kung hindi isang malaking bato na may nakaukit na bituin at may nakasulat na El Filibusterismo sa ibaba nito. Bukod pa dito, maraming bantayog ng nasabing bayani ang nakalulok sa iba’t ibang parte ng bansa. Ang pinakakilala sa mga ito ay ang bantayog o monumento ni Rizal sa Luneta. Itinayo ito noong 1913 at dito inilagak ang mga labi ng bayani gaya ng mga personal na dokumento at iba pa. Sa kinatatayuan ng bantayog ni Rizal sa Luneta ay siya mismong lugar kung saan ginanap ang pagpatay kay Rizal. Buhat nang maitayo ito, ito na ang nagsilbing modelo sa mga sumunod pang rebulto at bantayog ni Rizal sa iba’t ibang parte ng bansa at gayun din sa mga bansa sa ibayong dagat. Isang kapansin-pansin sa halos lahat ng bantayog ni Rizal ay ang hawak niyang libro at matikas niyang tindig. Ito ay nagsasalamin sa kanyang katauhan bilang isang illustrado at dalubhasa. Sa dami ng bantayog ni Rizal, marami na rin ang naging modipikasyo sa nakasanayang rebulto o bantayog ng bayani. May ilan na sa halip na hawak ay libro, ang hawak lamang ay papel na tila nagpapahiwatig ng kanyang pagsusulat. Ang ilan ay imbes Americana ang suot, ito’y naka-vest na amang. Ang ilan naman ay nakaupo at ang ilan din ay pawang mga busto na lamang. Dahil si Rizal ang tinanghal na pambansang bayani, halos lahat ng paaralan at pampublikong opisina ay may rebulto o bantayog ni Rizal. Magkakaiba man, hindi maiwawaksi sa isipan ng bawat makakakita sa bantayo ni Rizal ang kanyang kagitingan at katalinuhan na siyang kanyang inalay para sa bayan.

1. Ilan sa mga Bantayog ni Gat Jose Rizal

Page 3: Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Isa pang bayani na malaki ang naging papel sa paglaban para sa ating kasarinlan ay si Andres Bonifacio. Si Andres Bonifacio ay ang pinuno ng Kataastaasan Kagalanggalang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o KKK. Siya ay nagsilbing kinatawan ng mga Pilipino at namuno sa pakikipaglaban laban sa mga

Espanyol. Bilang puno ng Katipunan, namuno rin siya sa iba’t ibang pag-aalsa laban sa mga Esanyol. At naging martir para sa inang bayan. Dahil sa kanyang kabayanihan, marami ring bantayog ang itinayo alay sa kanya at sa kanyang kagitingan. Isa sa pinakakilalang bantayog ni Bonifacio ay ang bantayog niyang nakalagak sa lungsod ng Caloocan sa Monumento Circle. Isa pa sa tanyag niyang bantayog ay ang bantayog sa Balintawak na nagpapakita ng tila isang akto ng tulad nang kanilang ginawang pagpunit ng sedula at pag-aalsa sa Balintawak. Makikita sa kanyang mga bantayog ang palabang Bonifacio dahil sa ang kalimitang bantayog ni onifacio ay ang kanyang pigura na may hawak na bolo na tila sumisigaw ng kalayaan. Nagpapakita ito ng kanyang paraan noong mga panahon na kasagsagan ng giyera laban sa Espanyol.

2. Ilan sa mga bantayog ni Gat Andres Bonifacio

Sa dalawang bayani pa lamang na aking nabanggit, mapapansin na kagad ang kahalagahan ng mga bantayog. Ang mga bantayog na ito ay nagsisilbi ring pagkakakilanlan sa mga taong inaalayan nito. Tulad na lamang ng bantayog ni Rizal at Bonifacio, makikita sa bawat isa ang personalidad ng bawat isa, gayun din ang malinaw na pagpapakita ng kanilang pagkakaiba sa kanilang paraan para tuligsain ang mga dayuhan laban sa kanilangpang-aalipin.

Bukod kay Jose Rizal at Andres Bonifacio, maarami pang bayani ang inalayan ng bantayog para gunitain at alalahanin ang kanilang mga nagawa para sa bayan. Ilan pa sa mga ito ay sina . Emilio Aguinaldo, Apolinario Mabini, Marcelo H. del Pilar, Sultan Dipatuan Kudarat, Juan Luna, Melchora Aquino, Gabriela Silang at marami pang iba.

Ilan pa sa mga kilalang bantayog ng kasaysayan ay ang mga sumusunod:

Ang bantayog ni Lapu-lapu na nakatayo kung saan naganap ang laban sa pagitan ng kanyang kampo at ng kay Magellan ay nagsisilbing simbolo sa unang labanan sa pagitan ng mga dayuhan at mga tubong

Bantayog ni Lapu-Lapu

Page 4: Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Pilipino. Ito ay nagsisimbolo sa pagtatanggol ng ating mga ninuno ng kanilang karapatan sa lupang Sinilangan.

Ang bantayog naman ni Magellan sa Mactan ay bilang paggunita sa kanyang pagdating sa Pilipinas. Hindi man siya isang bayaning maituturing ng ating lahi, hinandugan siya ng bantayog upang alalahanin ang kanyang pagdating sa bansa buhat ng kanyang paglalakbay tungo sa Spice Island na siyang ngpasimula ng marami pang ekspedisyon sa Pilipinas na mahalagang bahagi ng ating kasaysayan.

Bantayog ni Magellan

Krus ni Magellan

Page 5: Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Kaakibat nito ay ang bantayog na tinatawag na Krus ni Magellan na nakaluklok sa Cebu. Ito ay isang konstruksyon na may walong dingding. Nasa loob nito ang replica ng krus na sinbing dala ni Magellan nang ipakilala niya ang Kristiyanismo sa bansa. Sa bantayog na ito, maaalala natin ang umpisa ng pagtangkilik natin sa relihiyong Kristiyano at ang simula at pundasyon ng paniniwala at pananampalataya ng karamihan ng Pilipino sa ngayon.

Isa pang kilalang bantayog ay ang bantayog ng sanduguan sa pagitan ni Sikatuna at Legazpi sa Bohol na sumasagisag sa unang kasunduan at pakikipagkaibigan ng mga tubong Pilipino sa mga dayuhan.

Kilala rin ang bantayog ni Sultan Kudarat sa Mindanao bilang pagsagisag sa tapang at paninindigan ng sultan laban sa tangkang pananakop ng mga dayuhan sa Mindanao. Ito ay sumisimbolo sa tatag ng kanyang sultanato sa pagpigil sa pagpasok ng mga dayuhan sa kabila ng labing-isang ekspedisyon dito ng mga Espanyol.

Ang bantayog ng Pinaglabanan sa San Juan, Metro Manila ay isa sa mga bantayog na sumasagisag sa kalayaan ng Pilipinas. Ang bantayog na ito ay may rebulto ng isang babae at dalawang bata na may hawak na gulok na sumisimbolo sa unang pagsalakay o pag-atake ng mga Pilipino laban sa mga Epanyol sa San Juan noong 1896.

Hindi lamang mga bayani noong panahon ng pananakop ng mga Espanyol ang may mga nakalagak na bantayog sa ating bansa, gayun din ang marami pang bayaning nakasaad sa ating kasaysayan mula noon at magpasahanggang ngayon. Mga bayaning kung hindi sa pag-alaala tulad ng paghahandog ng bantayog, ay nilimot na ng panahon.

Buhat pagkatapos ng pananakop ng Kastila sa ating bansa ay ang pagsisimula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig o World War II. At dito, hindi lamang iilang prominenteng bayani ang nagpasimula ng pakikibaka kundi mga mamayan na kung sa ngayon ay tinatawag na mga beterano. Ang ilan sa mga bantayog na naitayo alinsunod sa naganap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang bantayog ni Mc Arthur na sumisimbolo sa kanyang pagbabalik alinsunod sa kanyang binitiwang pangakong “I shal return”, na nakalagak sa Leyte. Ito ang naghudyat ng simula ng pakikipaglaban ng Pilipinas at Estados Unidos laban sa mga Hapon. Ito rin ang nagpasimula sa pagkakaibigan ng Pilipinas at Amerika.

Ang mga simbolo o markers naman ng Death March mula Bataan hanggang Tarlac ay makikita sa dinaanan nitong ruta. Sa mga palatandaan pa lamang na nakalagak sa ruta ng Death March, makikita mo na ang hirap na sinapit ng ating mga kababayan sa ilalim ng mha Hapon. Matatanaw ng ating kaisipan ang nakalipas na pinagdaanan ng mga Pilipino sa paglalakad mula Bataan hanggang Tarlac. Malilimi ng isang musmos at inosenteng isipan ang mga pangyayaring naganap, hirap na dinanas at pighating tinikop ng ating mga kababayan kung lalakbayin ang mga bantayog na itinayo para sa pag-alala ng kagitingan at katapangan ng mga Pilipino sa kabila ng kanilang dinanas na pagpapahirap.

Kaakibat nito sa isang pook ng look ng Maynila ang Corregidor, ito ay sakop ng Cavite. Naging tangulan ito ng mga Pilipino nang sakupin ng mga Hapones ang ating bansa. Ang mga sundalong Pilipino at Americano ay magkasamang lumaban sa mga sundalong Hapones. Ipinamalas nila ang kanilang tapang at galing sa pakikipaglaban.

May ilan pang bantayog na itinayo para sa pagpaparangal at pagalala sa mga sundalong Pilipino at maging Amerikano noong ikalawang digmaang pandaigdig. Isa na dito ay ang Dambana ng Kagitingan na nakaluklok sa tutok ng Bundok Samat sa Bataan. Sa loob nito ay makakakita ng altar bilang paggalang at parangal sa mga sundalo sa digmaan at museo kung saan maraming kaalaman at dokumentaryo ukol sa nangyaring digmaan at Death March.

Page 6: Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Natapos man ang Ikalawang digmaang Pandaigdig at nakamit ng Pilipinas ang ipinaglabang kalayaan at kasarinlan, hindi pa rin maibabaon sa limot ang mga dinanas ng

ating mga kababayan. Bagama’t ang mga ito ay mga pighati, hindi nito maiwawaksi ang katapangan at kagitingan ng bawat Pilipinong humarap at lumaban sa mga mananakop para lamang sa kasarinlan ng ating bayan.

Makalipas lamang ang ilang taon, tila naulit muli ang mga pangyayaring nagkakait sa ating bansa na matamasa ng tuluyan ang hinahangad na kalayaan. Ika nga nila sa ingles, ‘History repeats itself’. subalit sa pagkakataong ito, hindi dayuhan kundi isang kababayan at iniluklok na pinuno ng sambayanan, ang panahon ng diktaduryang Marcos.

Sa panunungkulan ng dating Presidenteng Ferdinand Marcos sa loob ng mahigit dalawang dekada, napaloob ang sari-saring pangyayari na maaring nagdulot ng ikinabuti at ikinasama ng ating bansa. Mga pangyayaring nagdulot ng pagbukas muli ng kamalayan ng mga Piipino para ipaglaban ang kalayaan ng Pilipinas.

Si Ferdinand marcos ay tumakbo sa eleksyon ng taong 1965 sa ilalim ng Nacionalista Party. Natalo niya sa eleksyon si Macapagal. Sa kanyang unang termino, naging ambisyoso siya sa paglaan ng pera para sa mga imprastraktura tulad ng kalsada, tulay, paaralan, pagamutan at iba pa. Nanalo ulit siya sa kanyang ikalawang termino ngunit dito na nagsimula pagyabong ng kritisismo sa kanya. Nagsimula na ang radikalisasyon ng mga estudyante, pagbubuo ng New People’sArmy at mga grupo ng komunista. Maraming naganap na bayolenteng pangyayari at pag-aalsa na naging sanhi para kay Marcos na magdeklara ng Martial Law noong ika-21 ng Setyembre, 1972. At mula noon, nagsimula na ang diktaduryang Marcos.

Sa ilalim ng diktaduryang Marcos, tila nabaliwala ang konstitusyon, nabali ang batas at nalabag ang karapatang pantao. Dahil dito, humaba pa ang panunungkulan ni Marcos. Lahat ng kalaban ni Marcos sa pulitika at mga sibilyang napaghihinalaang komunista o kasali sa kahit ano mang pagkilos laban sa administrasyon ay kanyang pinadakip at ikinulong. Marami ang nasaktan, naabuso at namatay.

Isa si Benigno Aquino sa mga nakulong dahil sa kanyang pagtuligsa sa rehimeng Marcos. Ngunit dahil sa sakit nito, nakalabas siya ng piitan upang magpagaling sa ibang bansa. Gayunpaman, hindi pa rin siya tuluyang malaya.

Nagkaroon muli ng eleksyon noong 1981 subalit nanalo si Marcos.

Matapos ang tatlong taon, naisipang bumalik ni Aquino sa bansa kahit na alam niyang may nag-aambang pagpatay sa kanya, buong puso niyang tinanggap ito at buong tapang na hinarap ang maaring mangyari. At sa pagbalik niya, binaril siya nang siya ay bumababa sa kanyang eroplanong sinasakyan.

Death March marker Dambana ng Kagitingan

Bantayog ng Death March

Page 7: Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Buhat nang pagkamatay ni Aquino, namulat ang mga Pilipino at lumakas ang paninindigan laban sa diktaduryang Marcos. Maraming grupo ang nanindigan laban sa kanyang panunungkulan. Sumunod ang Snap Elections. Pinili ng oposisyon ang kabiyak ni Ninoy na si Corazon Aquino para lumaban kay Marcos sa pagkapangulo. Ngunit sa huli, si Marcos pa rin ang nanalo sa eleksyon. Hindi ito tinanggap ni Aquino at naghikayat sa mga Pilipino para ipagpatuloy ang laban kay Marcos.

Pumutok ang sidhi ng kasarinlang Pilipino. Kumalas sa administrasyon ang hukbing sandatahan ng bansa at milyun-milyong Pilipino ang nagtipun-tipon sa EDSA upang patalsikin si Marcos na tinawag na People Power. Tumakas si Marcos papuntang Hawaii at noon, dineklara si Corazon Aquino bilang bagong pangulo ng Pilipinas.

Buhat sa mga pangyayari sa Martial Law at sa naganap na People Power, itinayo ang EDSA Shrine upang gunitain ang mga alaala ng People Power Revolution at mapayapang kinalabasan nito. Ito ay ang shrine of Mary, Queen of Peace na siyang nagpapaalala sa madamdaming tagpo sa kasaysayan ng Pilipinas nang magkapit-bisig ang lahat ng mamamayan para sa iisang hangarin, ang makamit ang demkrasya. Isa pang bantayog na nakalaan sa paggunita sa makabuluhang pangyayaring ito ay ang People Power Monument na nakalagak sa EDSA at Katipuan Avenue.

Sa bantayog ding ito nagtipun-tipon ang mga Pilipino noong People Power II alinsabay sa pagpapaalis sa pwesto sa dating pangulong Joseph Estrada.

Marami pang mga bantayog ang nagsisilbing saksi sa mga mahahalagang pangyayari sa ating kasaysayan. Maganda man o hindi ang pangyayaring ito, nagdulot pa rin ito ng kamalayan sa bawat isipan ng bawat Pilipino upang ipagtanggol ng kasarinlan ng lupang sinilangan. Ang mga bantayog na ito ang nagsisilbing simbolo o ala-ala ng nakaraan upang maintindihan at mapahalgahan natin ang kasalukuyan.

Bukod sa naglalakihang monumento sa EDSA, itinayo rin ang Bantayog ng mga Bayani na isang sentro alay sa ating mga kababayan na nag-alay ng kanilang mga buhay noong kasagsagan ng rehimeng Marcos. Nakatayo sa gitna nito ang monumento ng Inang Bayan na sumisimbolo sa mga nagawang sakripisyo ng ating mga kababayan para sa bayan. Nakalagak din dito ang dingding o kilala sa tawag na Walk of Remembrance kung saan makikita ang mga pangalang ng ating mga kababayang tinuturing na martir at bayani na lumaban taliwas sa diktaduryang Marcos.

People Power Monument

EDSA Shrine

Page 8: Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Bukod sa mga bantayog at mmonumentong naitayo para sa mahahalagang tao at pangyayari sa ating kasaysayan, ang mga museo ay isa instrumento sa pag-aala-ala sa kasaysayan. Ito ay isang lugar o gusali kung saan inilalagak ang mahahalagang bagay, kagamitan, at kung anu-ano pa na sumisimbolo sa mga pamana ng ating lahi, mga pamanang kultura, tradisyon, paniniwala at pagkakakilanlan ng ating bansa.

Ilan sa mga kilalang museo sa bansa ay ang mga sumusunod:

Pambansang Museo (National Museum): Ang pambansang museo ay isang institusyon na naglalayong palawakin ang kaalaman sa siyensa, kultura at edukasyon sa bansa. Ang mga dimensiyong ito ay naglalayong paigtingin ang kamalayan at kaalaman ng bawat mamamayang Pilipino ukol sa mahahalgang kaganapan sa inang bayan. Isa rin itong siyentipikong institusyon sapagkat ito ay gumagamit ng iba’t ibang larangan ng siyensya upang panatilihin ang mga pamana ng lahi mula pa sa mga nuno natin. At bilang tagapagtaguyod ng sining at kultura ng bansa, mahalagang akibat ng ating pagkakakilanlan ang mga bagay na iniingatan dito. At ang pambansang museo ay nagtataguyod sa pagpapakilala ng mga nunong nagtaguyod ng ating bansa.

Museo Pambata: Isang museo at institusyon na naglalayong palawakin at suportahan aang sining at kultura sa madaling paraan na maiintindihan at makakatuong sa bawat Pilipino lalo na sa mga kabataan ng bagong henerasyon. Ang museo pambata ay isang museo kung saan ang kabataan ay malayang nakakapag-isip, nakakagalaw at nakikilahok sa mga programang makapaglilinang sa kaniyang kaisipan. Ito ay isang museo kung saan ipinapalaganap at itinuturo sa murang kaisipan ang kulturang Pilipino noon hanggang ngayon.

Sentrong Pagkultura ng Pilipinas (Cutural Center of the Philippines): Isang primerang institusyon sa Pilipinas na tumutugon sa pagpapanatili at pagtataguyod ng sining at kultura ng bansa. Ito ay hindi lamang para alalahanin ang kultura ng nakaraan kundi pati na rin ang paghikayat sa mga makabagong sining at kultura na kadayaw ng makabagong panahon.

Walk of Remembrance(Bantayog ng mga Bayani)

Page 9: Hist 1 Paper-Bantayog ng mga bayani

Museo ng Bangko Sentral ng Pilipinas: Nakaluklok sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang museong ito ay pinasinayaan noong Enero 1999 sa pagdiriwang noon ng ika-50 anibersaryo ng tanggapan. Pinapakita sa museong ito ang koleksiyon ng salapi mula pa noong unang panahon. Gayun din, pinapakita dito ang koleksiyon ng iba’t ibang dokumento, medalya, at bagay sa may kinalaman sa salapi ng bansa. Nilalaman din nito ang isang naratibong pagtanaw sa pag-usad at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa alinsabay sa pagbabago ng pananalapi nito. May mga koleksiyon din ang museo ng piling likhang sining na nagpapakita ng kulturang Pilipino.

Ilan lamang ito sa mga museo sa bansa na nagtataguyod ng sining at kultura ng lahing Pilipino. May mga pampubliko at pribadong museo sa bansa na iisa lang din ang layunin, ang itaguyod ang kabihasnang Pilipino.

Ang pagtanaw at pagbalik sa ating kasaysayan ay isang mahalagang aspeto ng diwang maka-Pilipino. Ang mga sinapit ng ating mga kababayan na itinuring na martir at bayani ng ating lipunan ay hindi maiwawaksi sa katotohanang sila ang nagbigay ng kasarinlan na ating tinatamasa ngayon. Ang mga pangyayaring siyang nagbukas ng kamalayan ng bawat Pilipino sa kahalagahan ng pagiging Pilipino sa sariling nating lupa. Ang mga naganap noon ay hindi dapat ibaon sa limot bagkus limiin at bigyang kahalagahan sapagkat ang mga iyon ang nagsilbing pundasyon ng ating inang bayan.Ito ang mga dahilan kung bakit natin inaalala ang mga bantayog at museong sumisimbolo sa mga kaganapan sa ating bansa. Ang mga bantayog at museong ito ang nagsisilbing tanaw natin para masaksihan ang ating kasaysayan. At ang mga bantayog at museong ito ang siya ring magsisilbing tanaw ng mga susunod na henerasyon sa ating makabuluhang kasaysayan.

Sanggunian:

www.museongpambata.org

http://www.oocities.org/collegepark/pool/1644/marcosera.html

www.nationalmuseum.gov.ph

www.bsp.gov.ph

National Committee on Monuments and Sites. Laws on Historic Preservation in the Philippines. Presidential Commission on Culture and Arts, 1988

National Monuments in the Philippines. Books Llc. General Books LLC, 2010.