38
“Paggamit ng Netbook sa Paaralan ng St. Clare College, Caloocan City sa Taong Panuruan 2013- 2014”: Isang pananaliksik Ni/Nina Ruby Laine A. Fuentes James B. Fulgencio Caryl Faith E. Hererra Cleofe Mae O. Lasic Luthgarda C. Leonardo Ma.Eloisa Lyn P. Lubrino Jaspher Mae V. Mamorno Maria.Elena Cristina B. Marcos Batsilyer ng Siyensa sa Edukasyon Medyor Sa Filipino Eulogio “Amang” Rodriguez Institusyon Ng Siyensa at Teknolohiya Nagtahan, Sampaloc Maynila

Hayup na thesis na yan!!!.docx

Embed Size (px)

Citation preview

Paggamit ng Netbook sa Paaralan ng St. Clare College, Caloocan Citysa Taong Panuruan 2013-2014:Isang pananaliksik

Ni/NinaRuby Laine A. FuentesJames B. FulgencioCaryl Faith E. HererraCleofe Mae O. LasicLuthgarda C. LeonardoMa.Eloisa Lyn P. LubrinoJaspher Mae V. MamornoMaria.Elena Cristina B. Marcos

Batsilyer ng Siyensa sa Edukasyon Medyor Sa Filipino

Eulogio Amang RodriguezInstitusyon Ng Siyensa at TeknolohiyaNagtahan, Sampaloc MaynilaDahon ng Pagpapatibay

Bilang bahagi ng gawaing kailangan sa pagtatapos sa titulo ng Batsiler ng Sekundaryang Edukasyon, Medyor sa Filipino ang pananaliksik na ito ay pinamagatang PANANAW NG MGA MAG-AARAL SA PAGGAMIT NG NETBUK SA PAARALAN NG ST. CLAIRE COLLEGE, CALOOCAN CITY SA TAONG PANURUAN 2013-2014 ay ihiharap nina;

Rubylaine A. Fuentes James B. Fulgencio Caryl Faith HerreraCleofe Mae O. Lasic Luthgarda C. LeonardoMa. Eloisa lyn P. LubrinoJaspher Mae V. MamornoMaria. Elena Cristina B. Marcos

At ngayon ay itinagubilin ng lupon ng tagapayo sa kaukulang pagsusuring pasalita.

Baby Lyn J. Conti, Ed.D.Tagapayo

ABSTRAK

Pamagat: Paggamit ng Netbook sa Paaralan ng St. Claire College, Caloocan City sa Taong Panuruan 2013-2014.Mananaliksik: James Fulgencio, Ruby Laine Fuentes, Caryl Faith Herrera, Cleofe Mae Lasic, Luthgarda Leonardo, Ma. Eloisa Lyn Lubrino, Jaspher Mae Mamorno, Ma.Elena Cristina MarcosInstitusyon: Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and TechnologyTagapayo: Gng. Baby Lyn J. Conti

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang ibat ibang pananaw ng mga mag-aaral ng St. Claire College sa lungsod ng Caloocan ukol sa kanilang pananaw sa paggamit ng netbook sa pag-aaral.Sa pananaliksik na ito, ginamit ang paraang descriptive survey kung saan gumawa ang mga mananaliksik ng mga talatanungan na siyang ipinasagot sa mga respondanteng mag-aaral ng St. Claire College upang makalap ang mga datos sa ibat ibang pananaw na hinain ng mga mananaliksik.Batay sa kinalabasan ng pag-aaral at pagsagot ng mga respondante sa mga tanong, maraming mag-aaral ng St. Clare College sa Caloocan City ang sumasang-ayon sa paggamit ng netbook sa kanilang klase sapagkat ayon sa kanilang mga pananaw, ang netbook ay higit na makatutulong sa kanilang pag-aaral. Mas mapupukaw ang kanilang interes at mas magiging konkreto ang iiwang detalye ng kanilang tinalakay sa kanilang kaisipan

PAGHAHANDOG

Lubos ang pasasalamat ng Ikalimang grupo, sa mga inspirasyon at mga naging bahagi ng riserts na ito. Una sa lahat nagpapasalamat kami sa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas sa amin. Sa kanyang pag-iingat at paggabay sa aming mga Gawain sa araw-araw at sa mga biyayang walang hanggan na siyang nangunguna na nagging dahilan ng aming pananatili samundong kanyang nilikha.

Sa aming mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa aming pag-aaralal pagbibigay sa lahat ng suportang moral maging pinansyal, upang kami ay makapanaliksik nang maayos at para maipagpatuloy ang aming pag-aaral.

At higit sa lahat, sa aming pinakamamahal, kagalang-galang at mabaitnaming propesor, Gng. Baby lyn J. Conto na walang sawang gumabay sa aming pag-aaral sa asignaturang Filipino. Gayundin sa bawat kasapi ng aming pangkat na nagbigay at nagbuhos ng oras at pagod upang ang pananaliksik na ito ay maisakatuparan.

Maraming Salamat po!

\

KABANATA 1Ang Suliranin at Kaligiran nitoPanimula

Ang paaralan ay isang institusyong panlipunan kung saan hinuhubog nito ang kaalaman ng bawat mag-aaral.

Nililinang ng paaralan ang kakayanang sosyal, emosyonal, pisikal at intelektwal ng isang indibidwal. Ang tagumpay ng isang tao ay nakasalalay sa paaralan sapagkat pinagyayaman nito ang kaalamang magamit sa pang araw-araw na buhay. Walang tutulong sa tahanan kung walang paaralan na mag-aangat sa kalidad na pang moral ng sambayanan. Kaya mabigat ang responsibilidad ng paaralan upang matupad ang isang partikular na pangarap at kaisahan sa buhay. Kaugnay nito, nakasalalay sa mga guro ang kalinangang pinayabong sa paaralan. Ito ang natatanging instrumento upang maghatid ng mga kasanayan, kaalaman at pagpapahalaga sa isipan ng bawat mag-aaral. Dito rin nakasalalay ang ikapapanuto ng isang mag-aaral. Isang hamon sa isang guro kung paano niya magaganyak na matuto ang mga mag-aaral. Sa larangan ng pagtuturo, hindi maitatanggi na ang guro ay isa sa pinakamahalagang instrumento sa paaralan sapagkat ang guro ang siyang naghahatid ng kaalaman sa mga mag-aaral. Sa pananaw na ito, hindi dapat kalimutan ang kahalagahan ng karunungang inihahatid ng guro, ang kapaligiran, at mga bagay-bagay na nagpapabilis o nagiging sagabal sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa pagpapahalagang ito, pumapasok ang pagsasaalang-alang ng pagpili ng kagamitang pampagtuturo sa pagpaplano ng mga kilos ng isang guro upang maalis ang mga suliranin sa mabilis at mabisang pagkatuto ng mag-aaral. Ang matagumpay na pagtuturo ay nakasalalay sa kahandaan ng mag-aaral.

Sa kasalukuyang panahon kung saan umuusad ang maugong na pag-unlad ng teknolohiya, naging bahagi na rin ang mga guro sa paggamit ng teknolohiya bilang kagamitang pampagtuturo na masasabing isang mabisang instrumento ng isang guro sa paghahatid ng kaalaman ng mga mag-aaral ukol sa asignatura o paksang tinatalakay. Kung kaya mapupuna na kalimitan sa mga guro sa kasalukuyan ay alipin na rin ng teknolohiya. Ang mga kabataan ang tuwirang nakikinabang at gumagamit nito. Kung iisipin, madaling makuha ng guro ang atensyon ng mag-aaral sa pakikinig kung may overhead projector at laptop o netbuk ang gagamitin sa pagtuturo bilang pamalit sa tradisyunal na kagamitang pampagtuturo tulad ng visual aids kung saan ang araling paksa ay dito nakalimbag. Sa bahaging ito, pinatutunayan lamang kung gaano kasining ang pagtuturo ng isang guro sa larangan ng teknolohiya.

Ang teknolohiya ay nagkaroon ng malaking bahagi sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga tao mula nang ito ay naisilang at napayabong. Kaya hindi maikakaila na may malaking epekto ito sa buhay ng bawat isa dahil mas napapagaan at napapabilis nito ang trabaho ng mga tao, maging saan mang lugar ay ginagamit ang mga makabagong kagamitan na produkto ng teknolohiya. Ngayon ay ginagamit na rin ito sa pagtuturo gaya ng paggamit ng Microsoft powerpoint presentation na isang aplikasyon ng kompyuter, LCD (liquid crystal display), projector at marami pang iba. Ginagamit ng maraming guro ang mga makabagong kagamitang pampagtuturong ito upang pataasin ang antas ng kalidad ng ating edukasyon. Ang pag-usad ng perpormans ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng paglinang sa paggamit ng teknolohiya bilang kagamitang pampagtuturo ay nagpapakita lamang ito ay may mahalagang gampanin sa ating lahat.

Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang: Pananaw ng mga estudyante sa paggamit ng netbook sa Pribadong Paaralan ng St. Clare College, Caloocan City 2013-2014. Ito ay may layuning tuklasin o alamin ang mga pananaw ng mga estudyante sa paggamit ng mga guro ng netbook bilang makabagong kagamitan sa pagtuturo sa perpormans ng kanilang mga mag-aaral.

Bilang magiging guro sa hinaharap ay nais mabatid ng mga mananaliksik ang mga epekto ng elektronikong kagamitang ito sa mag-aaral upang malaman kung mas nakabubuti ba ang aplikasyon ng teknolohiya sa pagtuturo. Nais rin mabatid ng mga mananaliksik ang masama at mabuting epekto nito sa mag-aaral at kung nakakaapekto ba ang mga kagamitang ito sa perpormans ng mag-aaral sa klase.

Balangkas teoretikalLipas na ang panahon na ang gamit ng guro sa pagtuturo ay mga teksbuk. Ngayon ang simula ng mga gurong magtuturo gamit ng kaalaman ng mga mag-aaral sa daigdig na kanilang ginagalawan. Bilang guro, sila ay nahaharap sa panibagong dimensyon ng pagtuturo. Isang karaniwang kaalaman na ang guro ay dapat na isaisip ang kaibahan ng bawat mag-aaral. Ang mga mag-aaral ay hindi na mababansagan bilang mabagal, mahina o mabilis matuto. Sila ngayon ang bagong hybrid mula sa makabagong daigdig na napatibay sa pamamagitan ng marami at iba't ibang kaparaanang pampagkatuto Laus (2002).Ang guro ayon kay Kornhaber (2004), na isinasakatuparan ang Mutiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner sa pagtuturo ay makatutulong sa mga mag-aaral na magpahalaga at magtamo ng mga kaparaanan para sa pagpapahayag sa kanilang saloobin, kuro-kuro at damdamin at higit sa lahat, pagkakaroon ng kasiyahan sa pag-aaral. Kaya nga sinabi ni Walter Mc Kenzie na Sa sandaling simulan ang Multiple Intelligence sa pagtuturo, masisimulan ng guro na bumuo ng isang pangako na maging tapat sa kanyang sarili, maging bukas sa maraming posibilidad at maging mga instrumento ng pagbabago. Iminungkahini Dr.Gardnerang isang pluralistikong pananaw na kumikilala sa iba't ibang kakayahang kognitibo at magkakaibang istilo nito. Ang ganitong pananaw sa katalinuhan ay nagpapahayag na ang isang mag-aaral ay mayroong iba't ibang set ng katalinuhang maaaring magbunga ng matatalinong gawain. Nakikita ito sa paraan ng paglutas ng mga suliranin, at paglikha ng iba't ibang produkto sa iba't ibang sitwasyon at larangan ng buhay Tenedero (1998). Lubhang napakahalaga ng Multiple Inteligences sa paraan ng tradisyunal na pagtuturo sapagkat ito ang kasangkapan upang matulungan ang mga mag-aaral na damhin ang paksa, galugarin angkabuuan nito at ipakita ang kanilang mga nalalaman at nabuong kaalaman mula sa paksang pinag-aralan.

Ang kundisyon ng pagkatuto ay nababase sa mga itinuturo ng guro ayon sa teorya ni Van Merrienboer (2004), kung mahusay ang aplikasyon ng pagtuturo ay magiging maganda ang kanilang perpormans. Idinagdag pa niya na ang mga makabagong teknik at kagamitan sa pagtuturo ay isa sa mga daan upang ang proseso ng pagkatuto ay maging maganda at kapaki-pakinabang. Kabilang na rito ang paggamit ng netbook bilang isang kagamitang pampagtuturo na kalimitan na ngayong ginagamit sa mataas na paaralan ng St.Clare College.

Balangkas na KonseptwalTEKNOLOHIYA

Netbuk

EpektoDisbentahebentahe

1. Ang problemang teknikal gaya ng pagkasira ng dokumento ay hindi nakakatulong sa aktwal na pagtuturo.2.Hindi nagagamit ng pangmatagalan kung walang pinagmumulan ng enerhiya.3. Naiaasa sa lamang ang lahat ng dokumento at kaalamang pang-akademiko sa paggamit ng netbuk.

1. Nakatutulong ang netbuk upang mapukaw ang atensyon ng mga mag-aaral sa itinuturong asignatura.2. Napapagaan ng netbuk ang paggamit na biswal na materyales sa pagtuturo.3. Nagagamit ang netbuk upang maipakita ng guro ang mga presentasyon gaya ng bidyo at iba pang bunga na limitado sa tradisyunal na pamamaraan.

Sa Guro

1. Naisasantabi ang paggamit ng panulat na papel.2. Hindi na nabibigyang pansin ang tradisyunal na paraan ng pagkatuto.3. Naiaasa na lamang ng lahat ng mag-aaral ang lahat ng pang-akademong pamamaraan sa tulong ng netbuk.1. Mas nagiging interesado ang mga estudyante sa pamamaraang ginagamitan ng netbuk.2. Aktibo ang lahat na makinig at makasabay sa daloy ng diskusyon sa klase.3. Mas nagiging malikhain ang kaisipan ng bawat nag-aaral kung ito ang gagamitin ng guro sa pagtuturo.

Mga mag-aaral

1. Maraming paaralan ang magiging katunggali ng paaralan ng St. Clare College sa laragan ng maayos na pasilidad.2. Tataas ang pagkonsumo sa elektrisidad dahil ang netbuk ay isang elektronikong kagamitan.

1. Makakasabay ang paaralan sa pandaigdigang tunggalian sa larangan ng maayos na pasilidad.2. Kikilalanin ng mga lokal na paaralan ang paaralan ng St.Clare College at magiging modelong paaralan sa mabisang paggamit ng netbook.3. Magiging kaaya-aya ang paaralan ng St. Clare College dahilan upang maraming mahikayat na mag-aral sa paaralang ito.

Sa Paaralan

Ang modelong nakalarawan ay nakapokus ang pag-aaral na ito sa mabuti at di mabuting epekto ng paggamit ng Netbook sa pagtuturo ng mga guro sa mga mag-aaral/estudyante o mga kabataan ng bagong henerasyon at ang epekto nito sa buong paaralan. Makikitang tunay na malaki ang nagagawa ng paggamit ng netbuk upang antas ng edukasyon sa guro, mag-aaral at paaralan ay mapaunlad. Gayundin, nais nitong ilahad ang mga maaaring maging kabutihan at di magandang maidudulot ng paggamit ng netbook sa isang indibidwal.

Paglalahad ng suliranin Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang pananaw ng mga estudyante sa paggamit ng netbook sa paaralan ng St. Clare College, Caloocan City sa taong panuruan 2013-2014.Upang malinaw ang pag-aaral, tiniyak ng mananaliksik ang mga sumusunod:1.) Ano-ano ang ibat ibang pananaw ng mag-aaral sa St. Clare College sa paggamit ng netbuk batay sa:1.1 Kalidad ng Pagtuturo1.2 Metodolohiya sa Pagtuturo1.3 Approaches1.4 Teknik ng pagtuturo ng guro1.5 Stratehiya ng pagtuturo ng guro

2.) Paano nakatutulong ang paggamit ng Netbuk sa pag-aaral ng respondent batay sa:2.1 Paggawa ng asignatura2.2 Pagsusulit (Quizes, longtest, Major Exams)2.3 Recitation2.4 Seatwork2.5 Paggawa ng Proyekto

3.) Ano ang naging epekto ng paggamit ng Netbuk sa pag-aaral ng respondent ayon sa:3.1 Interest ng estudyante3.2 Grado3.3 Partisipasyon3.4 Kaalamang Pang-akademiko

4. Mayroon bang kahalagahang relasyon sa pagitan ng mga pananaw ng mag-aaral sa paggamit ng Netbuk at sa naging Epekto sa paggamit ng Netbuk sa pag-aaral ng respondente?

Haypotesis 1. Ang kalidad ng pagtuturo sa St. Clare College ay naging mas de kalidad.2. Naging mas masining ang paggawa ng mga mag-aaral ng proyektong pampaaralan.3. Ang partisipasyon ng mga mag-aaral sa klase ay higit na tumataas.4. Mas napupunan ng Netbuk ang kaalamang pang-akademiko ng mag-aaral.5. Mas epektibo ang teknik ng guro sa pagtuturo dahil sa paggamit ng netbuk.

Kahalagahan ng pag-aaralAng pananaliksik na ito ay tiyak na makatutulong nang malaki sa mga sumusunod:

Mga GuroAng matutuklasang kahinaan sa pag-aaral na ito ay nagsisilbing batayan ng mga guro sa paggamit ng angkop na kagamitan sa pangangailangan ng mga mag-aaral at sa pagpili ng mahusay at epektbong kagamitang pampagtuturo. Mga Mag-aaralSa pamamagitan nito, ang pagpili ng angkop na kagamitan sa pagtuturo ay makahikayat sa mga mag-aaral at matutuklasan nila, ang kahalagahan ng pagkatuto sa asignatura. Mapupukaw ang kanilang interes at kasiglahan sa pag-aaral na siyang kinakailangan lalo na sa mataas na antas.Mga MagulangAng pag-aaral na ito ay magiging sandigan ng mga magulang sa pagganyak at paghahanda sa kanilang mga anak sa pagkatuto. Bukod pa rito, maibabahagi nila ang kanilang bukas loob na pagtulong sa makapapapagaan sa kalooban ng mga guro na siyang tunay na nakakaranas ng mga suliranin na ipinawalang bahala lamang ng mga magulang na dapat ay katuwang ng mga guro para sa mabisang pagkatuto ng kanilang mga anak.Mga MananaliksikBilang isang guro sa darating na panahon, malalaman ng mga mananaliksik kung ano ang mga epektibong kagamitang pampagtuturo at sa pamamagitan nito, maari siyang gumamit ng iba pang kagamitan sa pagtuturo na maaring makapukaw sa interes ng mga mag-aaral.

Saklaw at Delimitasyon ng pag-aaralSaklaw ng pag-aaral na ito ang paaralan ng St.Clare College, Caloocan City.Ang pananaliksik na ito ay ukol lamang sa pananaw ng mga estudyante sa paggamit ng netbook sa Pribadong Paaralan ng St. Clare College, Caloocan City sa taong panuruan 2013-2014.Lahat ng mga nagtuturo na gumagamit ng netbook sa kanilang klase ay saklaw sa pag-aaral na ito.Ang mga baryabol na kasali sa pag-aaral ay ang mga kabisaan ng kagamitang pampagtuturo na kanilang ginamit at ang pananaw ng mga estudyante sa paggamit ng netbook sa kanilang paaralan.Nalimitahan ang pag-aaral na ito sa buong paaralan ng St. Clare College, Caloocan City sapagkat ang saklaw ng pag-aaral na ito ay para lamang sa paaralang nabanggit. Magkagayunman, naniwala ang mga mananaliksik nasakasalukuyang panahon ay pinakamainam na magkaroon ng pag-aaral na ganito upang masagot ang mga katanungan at makapagbigay ng sapat na impormasyon sa epektibong pamamaraan pagturo.

Katuturan Ng Katawagan

1. Baryabol- Hindi consistent, maaari pang magbago.

2. Guro- ay isang tao na nagbibigay ngedukasyonpara sa mga mag-aaral. Ang gampanin ng guro ay kadalasang pormal at umiiral, na isinasagawa sa isangpaaralano ibang lugar ngedukasyong pormal

3. Interes- ay tumutukoy sa kagustuhan ng mga mag-aaral o estudyante na matuto at mag-aral.4. Kompyuter- ay isang makina oelektronikong kagamitanna ginawa para mapabilis ang mga gawain tulad ng pagbibilang o pagkokompyut.

5. Mag-aaral- ay siyang taong nag-aaral at maaring bihasa sa talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aaral at makadiskubre ng mga bagay.

6. Magulang- ay nagpapaaral sa kanilang mga anak at isang antas na kinikilala at sinusunod bilang isang batas at gabay na siyang tumutuwid sa isang kagawian na dapat isaayos ng karamihan

7. Multimedia- Ang pagsasama-sama ng ibat-ibang anyo ng media. Sinasaklaw nito ang teks, grapiko, awdyo, bidyo, at iba pa.

8. Netbook- Isang kagamitan na nasa anyong maliit na modelo ng kompyuter na kalimitang may sukat na 10-12 pulgada.

9. Propesyon- ay isangbokasyonna naitatag sa isang espesyalisadongpagsasanaynapang-edukasyon, na ang layunin ay ang makapagbigay ng malayuning payo at paglilingkod sa ibang mga tao, para sa isang tuwiran at tiyak na kabayaran, na nakahiwalay nang buo magmula sa inaasahan ng ibang pagkakamit na pangnegosyo.

10. Teknolohiya- Lawas ng mga kasangkapan, makina, materyales, pamamaraan, at prosesong ginagamit upang magbunga ng mga gamit at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng tao.

KABANATA 2MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga natipong kaugnay na literatura at pag-aaral:

Kaugnay na LiteraturaBunga ng teknolohiya ay bumibilis na ang takbo ng ating lipunan ngayon, kayat kapansin-pansin na naging impluwensya na ang aplikasyon ng teknolohiya sa lahat ng bagay, lalong-lalo na sa edukasyon, may malaking epekto ito sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa paaralan. Maging ang paraan ng pagsulat ng komposisyon ay kalimitan ng sa netbuk isinasagawa.

Ipinahayag rin ni Karen Bond (2001) sa pagdami ng gumagamit ng Internet ay ang pagdami rin ng mga wika na talagang nagbabago at natatanggap na sa panahon ngayon na ang Ingles ay magiging sinaunang salitang Ingles sa Amerika sa darating na panahon. Sa pananaliksik, ipinapakita na ang mga mag-aaral ay nakauunawa sa pagkakaiba ng paraan ng pagsulat sa computer, na kaiba sa katutubong paraan ng pagsulat sa paaralan (Davidson at Tomic, 1994). Ganunpaman kailangan pa ring maunawaan ng mga mag-aaral na ang pagbabagong nagaganap sa pagsulat sa netbuk ay hindi pa rin tanggap sa pormal na paraan ng pagsulat sa paaralan kaya dapat pa rin silang sumunod sa panuntunan ng pagsulat; sa pagdadaglat, pagbabaybay, paggamit ng maliit at malaki na titik, tamang pagbabantas at sa iba pang mekanismo sa pagsulat sa internet, pakikipagchat, pag-eemail gamit ang computer. Sa mga baguhan sa larangan ng paggamit ng website, mahalaga na malaman nila ang mga patakaran sa pagpasok sa chatrooms na makatutulong sa maayos na pakikipagtalastasan ng bawat isa. Ang mga gabay ng mga guro ay higit na kailangan upang mapatnubayan ang mga mag-aaral sa mga kamalian na makikita nila rito nang sa gayon ay maituro nila ang tama nang patuloy na manaig ang tamang paggamit sa mekanismo ng pagsulat gamit man ang makabagong produktong ito. Kauganay sa pagkalantad sa maling paggamit ng Ingles, ang mga tagatugon sa pananaliksik na ginawa ay makita ang pagkakamali ng ibang mag-aaral na ang makapagpapatotoo at makapagtatama lamang nito ay ang mga guro.Sa aklat ni Austero (2006) na ipinaliwanag ni Oranes ipinakita ang kahalagahang nagagawa ng pagsulat sa pagkatao ng isang nilalang. Kung saan malayang naipapahayag ng sumulat ang kanyang damdamin, opinion at kaalaman. Isang mahalagang tulong din ng pagsulat ang makilala ng isang tao ang kanyang kahinaan at kalakasan upang sa gayoy mabigyang-pansin ang mga bagay na mahina at mapaunlad pa ang kalakasan nito. Patuloy ang ginagawang pananaliksik ng mga guro upang mapaunlad ang mga Gawain hinggil sa pagsulat upang ganap na mapanday ang puso at isipan ng mga mag-aaral sa kasanayang ito.

Kaugnay na Pag-aaralAyon kay Hidalgo(2000), modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa ika 21 siglo ang pokus ng kumpetisyon sa mga paaralan ngayon, Ang modernong pagtuturo ay ganap na malaman ang mga pakinabang sa mga mag-aaral at guro. Mas pinalawak nito ang mga konsepto sapagkat mas nakikita ng mga mag-aaral ang nais ipahiwatig ng tiyak na paksa.Ngunit di rin maiiwasan na patuloy pa ring ginagamit ang tradisyunal na pagtuturo sapagkat ito ang ating kinagisnan at kinalakihan. Dito tayo unang natuto ng mga pangunahing konsepto patungo sa mga malalaking paksa at kaalaman. Tradisyonal man ang gamit sa pagtuturo ngunit may marami rin tayong natutunan at naintindihan.

Ayon kay Riel, (1996) na ang teknolohiya ay mabilis na nagpapabago sa maraming aspekto sa lipunan, at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan kaya nararapat lamang eksamining mabuti ang mga pagpaplano ng paggamit ng "multimedia sa loob ng klase upang maibigay sa kanila ang mainam na edukasyon. Pinaniniwalaan na ang mga mag-aaral sa kasalukuyan ay nangangailangan ng maraming kasanayan para sa kanilang propesyon pagdating ng araw upang makasabay sa mundong laging nagbabago..Ayon pa kay Beothel at Dimock (1999) na ang kaalaman sa paggamit ng kompyuter at ang akses ng teknolohiya sa loob ng klasrum ay higit na maayos kaysa sa mga tradisyunal na paraan sa pagtuturo, dahil ibinase nila ang kanilang sa nasaliksik ng ilang eksperto hingil sa epekto ng paggamit ng teknolohiya sa loob ng klasrum ayon dito na mas nawiwiling making ang mga mag-aaral sa kanilang mga guro dahil sa paggamit nito ng multimedia sa loob ng silid aralan ay dahil dito ang kanilang kaalaman ay mas lalong bumubilis.Ibinahagi din ni Riel (1995) ang kanyang karanasan hinggil sa kayang ginawang eksperimento sa aplikasyon ng teknolohiya sa loob ng klasrum at nalaman niya na ang kanyang mga mag-aaral ay aktibong nakikisali sa talakayan. Pinagawa din niya ang kanyang mga mag-aaral ng mga proyekto na kaugnayan sa kumpyute at mula dito ay nakita nioya ang magandang perpormans mga mag-aaral, iginiit din niya na kapag ang Edukasyunal na teknolohiya ay nailapat na tama at wastosa mga mag-aaral ay magiging maganda ang proseso ng pagkatuto.Banyagang LiteraturaAyon kay Merill (1996) sa librong Computer and Education na ang pinakamahalagang layunin ng edukasyon ay ang maihanda ang mga mag-aaral sa mundong laging nagbabago at malinang ang kanilang mga kakayahan ay papel ng teknolohiya sa lipunan ay isa sa mga importanteng salik upang mapatupad ang layunin ito Ayon sa teorya ni Van Merrienboer, na ang kondisyon ng pagkatuto ay nababase sa mga itinuturo ng mga guro, kung mahusay ang aplikasyon ng pagtuturo ay magiging maganda ang kanilang perpormans idinagdag pa niya na ang mga makabagong teknik at kagamitan sa pagtuturo ay isa sa mga daan upang ang proseso ng pagkatuto ay maging maganda at maging kapakipakinabang.Inilabas naman ni Shepherd (2001) ang kanyang teorya na hinggil sa kabutihan ng multimedia sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya na ang mabuting pagpaplano ng multimedia upang malinang ang kanilang kakayahang pang teknolohiya upang maging kapakipakinabang sa lipunang sa darating na panahon.

KABANATA 3Disenyo at Paraan ng PananaliksikAng kabanatang ito ay naglalaman ng disenyo at pamamaraan, mga respondente, instrumento ng pananliksik at tritment ng datos sa pag-aaral.Disenyo ng PananaliksikAng disenyo ng pananaliksik ay ginagamitan ng deskriptibong pamamaraan, ang talatanungan na ginamit makakatulong sa mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. Ang pananaliksik na ito ay binubuo ng pananaw ng mga estudyantepaggamit ng netbook sa paaralan ng St. Clare, Caloocan City sa taong panuruan 2013-2014., kung paano ito makakaapekto sa kanilang pag-aaral at kung ano ang kahalagahan nito sa kanilang pag-aaral.Mga RespondenteAng mga respondente ng pag-aaral na ito ay limampung(50) piling mga mag-aaral ng pribadong paaralan ng St. Clare, Caloocan City na binubuo ng dalawamput limang (25) babae at dalawamput limang (25) lalaki. Ang pamamaraan na ginamit ng mga mananaliksik ay non-random sampling. Instrumentong PananaliksikAng instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay binubuo ng Sampung (10) talatanungan. Ang mga tanong na ito ay kumakatawan sa paggamit ng netbook ng mga mag-aaral.KABANATA 4PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGANSA MGA NAKALAP NA DATOS

Nilalaman ng bahaging ito ang mga nalikom na datos ng mga mananaliksik na tumugon sa nabanggit na mga suliranin sa unang bahagi ng pag-aaral na ito. Ito ay tinugunan sa pamamagitan ng paghahain ng mga impormasyong ibinase sa una hanggang sa ikatlong suliranin. Samantala, ang kasagutan sa mga suliranin at ibinase sa mga datos na nakalap sa pagsasagawa ng isang sarbey sa St. Clare College hinggil sa paggamit ng netbook.

Pananaw at kaalaman ng mg mag-aaral sa paggamit ng netbook sa kanilang pag-aaral.Inilalahad sa talahanayan ang distribusyon ng tugon ng mga mag-aaral ukol sa: ibat-ibang pananaw ng mga mag-aaral hinggil sa paggamit ng nebuk sa St. Claire College sa Caloocan.

Talahanayan 1Paggamit ng Netbuk sa Kalidad ng PagtuturoUnang pananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon2346%

Sumasang-ayon1632%

Medyo Sumasang-ayon1122%

Hindi Sumasang-ayon00%

Inilalahad sa Unang talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Unang pananaw na: Mas nakakatulong ang paggamit ng netbuk sa kalidad ng pagtuturo. Makikita rito na may Dalawamput tatlo (23 o 46%) ang nagsabi na Higit na sumasang-ayon. Labing anim (16 o 32 %) naman ang nagsabing Sumasang-ayon. Labing-isa ang nagsabing Medyo Sumasang-ayon at (0 o 0%) ang nagsabing Hindi sumasang-ayon. Samakatuwid, naniniwala ang mga mag-aaral na higit na nakatutulong ang paggamit ng Netbuk ukol sa kalidad ng pagtuturo ng mga guro ayon sa kanilang pananaw.

Talahanayan 2Paggawa ng Proyekto sa tulong ng Aplikasyon (ms word, ms excel, ms powerpoint)Ikalawang PananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon1836%

Sumasang-ayon2346%

Medyo Sumasang-ayon918%

Hindi Sumasang-ayon00%

Inilalahad sa Ikalawang talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Ikalawang pananaw na: Nakagagawa ang mga mag-aaral ng kanilang mga proyekto sa tulong ng mga aplikasyon katulad ng ( MS WORD, MS EXCEL, MS POWERPOINT).Labingwalo (18 o 36%) ang nagsabing higit silang sumasang-ayon, Dalawamput tatlo (23 o 46%) ang sumasang-ayon, Siyam naman ang nagsabing medyo sumasang-ayon, at wala ang (0 o 0%) nagsasabi na hindi sumasang-ayon. Sa kabuuan, tunay na may ambag ang mga aplikasyong makikita sa Netbuk na maaaring magamit sa paggawa ng mga proyekto, ngunit hindi lihitimong sa lahat ng sandali ay maaaring maasahan ayon sa kanilang pananaw.

Talahanayan 3Interes sa pakikinig kapag teknolohiya ang gamitIkatlong pananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon1938%

Sumasang-ayon2040%

Medyo Sumasang-ayon1122%

Hindi Sumasang-ayon00%

Inilalahad sa Ikatlong talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Ikatlong pananaw na: Napupukaw ang interes sa pakikinig at pakikilahok sa klase kapag gumagamit ng teknolohiya sa pagtuturo ang guro. Ipinapakita sa Ikatlong pananaw na mayroong labingsiyam (19 o 38%) ang nagsabing higit na Sumasang-ayon. Dalawampu (20 o 38%) naman ang nagsabing Sumasang-ayon. Labing-isa (11 o 22%) ang nagsabing Medyo Sumasang-ayon, at (0 o 0%) ang nagsabing hindi sumasang-ayon. Samakatuwid, mas nagkakaroon ng motibasyon ang mga mag-aaral sa pakikinig kung ang guro ay gumagamit ng teknolohiya ayon sa kanilang pananaw.

Talahanayan 4Kaalaman sa Pag-aaral kapag Netbuk ang GamitIkaapat na pananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon510%

Sumasang-ayon2652%

Medyo Sumasang-ayon1938%

Hindi Sumasang-ayon00%

Sa Ikaapat na talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Ikaapat na pananaw na: Mas nagkakaroon ng karagdagang kaalaman kung netbuk ang gamit sa pag-aaral. Mapapansin na mayroong lima (5 o 10%) ang nagsabing higit na sumasang-ayon sa pananaw na ito. Mayroong dalawamput anim (26 o 52%) ang tumugon ng Pagsang-ayon hinggil sa pananaw na ito. Labingsiyam (19 o 38%) ang Medyo sumasang-ayon. At (0 o 0%) ang nagsabing Hindi Sumasang-ayon. Sa kabuuan, tunay na may malaking gampanin ang Netbuk bilang kagamitan sa pag-aaral sa pagtamo ng karagdagang kaalaman batay sa pananaw ng mga mag-aaral.

Talahanayan 5Pagtaas ng Grado kapag Netbuk ang gamitIkalimang pananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon612%

Sumasang-ayon1122%

Medyo Sumasang-ayon2244%

Hindi Sumasang-ayon1122%

Sa Ikalimang talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Ikalimang pananaw na: Naging mas mataas ang nakukuhang grado kapag gumagamit ng netbuk sa pag-aaral. Sa ikalimang talahanayan, Anim (6 o 12%) ang tumugon ng higit na sumang-ayon sa pananaw na ito. Labing-isa (11 o 22%) ang sumang-ayon. Dalawamput dalawa naman (22 o 44%) naman ang nagsabing Medyo Sumasang-ayon. At labing-isa (11 o 22%) ang hindi sumang-ayon. Sa kabuuan, hindi lamang Netbuk ang maaaring maging dahilan upang tumaas ang grado ng mga mag-aaral ayon sa kanilang pananaw.

Talahanayan 6Magandang presentasyon ng mga mag-aaral kapag netbuk ang gamitIkaanim na pananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon1428%

Sumasang-ayon2244%

Medyo Sumasang-ayon1428%

Hindi Sumasang-ayon00%

Sa Ikaanim na talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Ikaanim na pananaw na: Nakapaglalahad ng magandang presentasyon sa klase ang mga mag-aaral sa tulong ng teknolohiya. Labing-apat (14 o 28%) ang tumugon ng higit na Pagsang-ayon. dalawamput dalawa (22 o 44%%) ang nagsabing sumasang-ayon. Labing-apat (14 o 28%) ang nagsabing Medyo Sumasang-ayon. At (0 o 0%) ang nagsabing hindi sumasang-ayon ukol sa pananaw na ito. Samakatuwid, marami sa mga mag-aaral ang naniniwala na ang teknolohiya ay nakatutulong upang ang mga mag-aaral ay makapaglahad ng magandang presentasyon.

Talahanayan 7Tulong ng netbuk sa estratehiya sa PagtuturoIkapitong pananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon1632%

Sumasang-ayon2040%

Medyo Sumasang-ayon1122%

Hindi Sumasang-ayon36%

Sa Ikapitong talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Ikapitong pananaw na: Nakakatulong sa guro ang paggamit ng netbuk para makapagsagawa ng ibat-ibang estratehiya sa pagtuturo. Ang sumunod na talahanayan ay naglalahad ng labing-anim (16 o 32%) na nagsabing higit na sumasang-ayon batay sa pananaw na ito. dalawampu (20 o 40%) naman ang sumasang-ayon dito. Labing-isa (11 o 22%) ang nagsabing Medyo sumang-ayon. At Tatlo (3 o 6%) ang hindi sumasang-ayon dito. Sa kabuuan, may malaking gampanin ang paggamit ng guro tungo sa pagpapaganap ng ibat-ibang staratehiya sa pagtuturo ayon sa pananaw ng mga mag-aaral.

Talahanayan 8Nakikisangkot sa Talakayan Kapag Netbuk ang GamitIkawalong PananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon1122%

Sumasang-ayon1020%

Medyo Sumasang-ayon2754%

Hindi Sumasang-ayon24%

Sa Ikawalong talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Ikawalong pananaw na: Maraming nakikisangkot sa talakayan kapag netbuk ang gamit ng guro. Ipinapakita sa talahanayan 8 na mayroong Labing-isa (11 o 22%) ang Higit na sumasang-ayon sa pananaw na ito. Sampu (10 o 20%) naman ang sumang-ayon dito. Dalawamuput pito (27 o 54%) ang Medyo sumang-ayon. At dalawa (2 o 4%) ang hindi sang-ayon sa naturang pananaw. Sa kabuuan, may mga nakikisangkot sa talakayan sa paggamit ng netbuk sa pagtututro ngunit hindi lahat ng mag-aaral ay nakikisangkot ayon sa pananaw ng mga mag-aaral.

Talahanayan 9Paggamit ng Netbuk kaysa LibroIkasiyam na PananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon714%

Sumasang-ayon1632%

Medyo Sumasang-ayon1428%

Hindi Sumasang-ayon1326%

Sa Ikasiyam na talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Ikasiyam na pananaw na: Mas malaki ang naitutulong ng paggamit ng netbuk kaysa sa paggamit ng libro sa pag-aaral. Sa talahanayan, pito (7 o 14%) ang tumugon sa Higit na pagsang-ayon batay sa pananaw na ito. Labing-anim (16 o 32%) ang sumang-ayon dito. Mayroon namang labing-apat (14 o 28%) ang hMedyo sumang-ayon. At labingtatlo (13 o 26%) ang hindi sumang-ayon sa pananaw na ito. Sa makatuwid, pinatunayan sa talahanayan na ito na ang namumutawi sa pananaw ng maraming mag-aaral hinggil sa may malaking naitutulong ang paggamit ng Netbuk kaysa libro ay may mataas na bilang ng paniniwala.

Talahanayan 10Epektibo ang Paggamit ng Netbuk sa Pagkatuto ng mga Mag-aaralIkasampung pananawFrequencyPercentage

Higit na sumasang-ayon510%

Sumasang-ayon1530%

Medyo Sumasang-ayon2448%

Hindi Sumasang-ayon612%

Sa Ikasampung talahanayan ang distribusyon ng pagtugon ng mga mag-aaral sa Ikasampung pananaw na: Naging epektibo ang paggamit ng netbuk sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa talahanayan, lima (5 o 10%) ang tumugon sa Higit na Pagsang-ayon sa pananaw na ito. Labinglima (15 o 30%) naman ang nagsabing Sumasang-ayon. Dalawamput apat (24 o 48%) naman ang Medyo sumasang-ayon. At anim (6 o 12%) ang Hindi sumang-ayon hinggil sa naturang pananaw. Sa makatuwid, pinatutunayan lamang sa talahanayan na ito na ang epekto ng pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa paggamit ng netbuk ay hindi direktang nakakaapekto ayon sa kanilang pananaw.

KABANATA 5Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

LagomMahalaga sa isang guro ang may mas malawak na kaalaman at kasanayan sa paggamit ng ibat ibang dulog upang mas maging epektibo at mahikayat ang mga mag-aaral na making at maging interesado sa paksang tinatalakay.Gumamit ang mananaliksik ng Deskriptib sarbey o Pananaliksik, isang disenyo na itinatala ang mga pangyayari o sitwasyon, inilalarawan ang pagdidiskubre ng mga datos pagpapahayag ng mga natuklasan at ang pagsusuri sa mga ginamit na baryabol. Isinagawa ang pag-aaral gamit ang Questionaire checklist.Batay sa naging resulta ng pag-aaral at pagsagot ng mga respondante sa mga tanong, maraming mag-aaral ng St. Clare College sa Caloocan City ang sumasang-ayon sa paggamit ng netbook sa kanilang klase sapagkat ayon sa kanilang mga pananaw, ang netbook ay higit na makatutulong sa kanilang pag-aaral. Mas mapupukaw ang kanilang interes at mas magiging konkreto ang iiwang detalye ng kanilang tinalakay sa kanilang kaisipan.

KongklusyonBase sa mga nakalap na datos, at sa kinalabasan ng pag-aaral ng mga mananaliksik;1. Batay sa kabuuang pag-aaral, lumalabas na ang mga mag-aaral ng St. Clare College sa Caloocan City ay sumasang-ayon sa paggamit ng netbook sa kanilang klase upang mas higit na maunawaan ang mga paksa at isa itong mainam na pamalit sa tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo.2. Sa isinagawang pag-aaral, lumalabas din sa datos na mas napupukaw ang interes ng mga mag-aaral kung netbook ang kanilang ginagamit sa klase. Alinsunod sa mabilis na pagbabago ng pamumuhay ng tao, sumasabay ang kaunlaran ng kaisipan ng mga mag-aaral sa makabagong teknolohiya sa ngayon.3. Mas nagiging makabuluhan ang pagkatuto ng mag-aaral kung ang guro ay gagamit ng ibat ibang estratehiya sa pagtuturo ng isang paksa upang mapukaw ang atensyon ng mga tagapakinig. Isa na rito ang paggamit ng netbook sa klase.4. Nagkakaroon ng mas malawak na interkasyon sa klase kung ang guro at ang mag-aaral ay parehong gumagamit ng netbook sapagkat mas tumatatak sa isip ng mag-aaral ang tinatalakay na aralin.RekomendasyonSa mga nakalap na impormasyon, ang mga mananaliksik ay naghahain ng ilang rekomendasyon para sa mga sumusunod:

Mag-aaral: Dapat maalam sa ibat ibang uri ng teknolohiya sa ating paligid higit lalo sa netbook na lubos na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Ngunit, dapat ding tandaan ng mga mag-aaral na hindi dapat umaasa sa teknolohiya sa pag-aaral sapagkat may mga impormasyon pa rin na sa libro lamang makikita.

Mga guro: Mahalaga para sa isang guro ang kaalaman sa ibat ibang paraan ng pagtuturo. Sa panahon ngayon, nararapat lamang na kahit ang mga guro ay marunong gumamit ng computers, netbook at iba pang teknolohikal na bagay upang makasabay sa mga mag-aaral. Isaalang-alang ang kapakanan ng mga mag-aaral.

Paaralan: Dapat nagkakaroon ng computer laboratory na bukas sa lahat ng mag-aaral upang sila ay makapag-aral at makapagsanay sa mga ito. Ang lahat din ng kolehiyo at departamento ay dapat magkaroon ng computer subject upang mas mahasa pa ang kakayahan ng mga ito dito.

Magulang: Ang mga magulang bilang ang gabay ng mga mag-aaral ay nararapat lamang na suportahan ang mga anak sa kanilang pag-aaral. Maaaring hindi lahat ay kayang bumili ng netbook o ng computer kung kayat hikayatin nila ang mga anak na mag-aral sa tradisyunal na pamamaraan.

Website:http://www.slideshare.net/Kate_JRG/mga-epektibong-pamamaraan-ng-pagtuturo-ng-mga-guro-sa-filipino-sa-sdcahttp://www3.bc.sympatico.ca/linguisticsissues/hostedchatroom

TesisDela Cruz, Perlita E. Kamalayan sa paggamit ng teknolohiya at kaugnayan nito sa pagsulat ng komposisyon sa Filipinob 2011Aranilla, Arvin Kim A. Paggamit ng Teknolohiya Pang-Edukasyon at Antas ng Kahusayan sa Pagtuturo ng mga Guro sa Filipino 2008