38
MAG-ANAK GABAY NA AKLAT NG

Gabay na Aklat ng Mag-anak

  • Upload
    lamhanh

  • View
    320

  • Download
    3

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Gabay na Aklat ng Mag-anak

MAG-ANAK

G A B A Y N A A K L A T N G

Page 2: Gabay na Aklat ng Mag-anak

Inilathala ngAng Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw

Salt Lake City, Utah

MAG-ANAK

G A B A Y N A A K L A T N G

Page 3: Gabay na Aklat ng Mag-anak

© 1992, 1999, 2001, 2006 ng Intellectual Reserve, Inc.Lahat ng karapatan ay nakalaan

Inilimbag sa Estados Unidos ng Amerika

Pagsang-ayon sa Ingles: 2/06Pagsang-ayon sa pagsasalin: 2/06

Pagsasalin ng Family GuidebookTagalog

Page 4: Gabay na Aklat ng Mag-anak

Mga Nilalaman“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo” iv

Organisasyon at Layunin ng Mag-anak 1

Pagtuturo ng Ebanghelyo sa Tahanan 5

Pagtupad ng mga Responsibilidad sa Mag-anak 14

Pagsasanay sa Pamumuno 18

Pagdaraos ng Samba sa Tahanan (Para sa mga Mag-anak sa mga Liblib na Pook) 19

Mga Ordenansa at Basbas ng Priesthood 21

Pagkuha ng mga Materyal ng Simbahan at Paghanap ng Impormasyon sa Family History 30

Page 5: Gabay na Aklat ng Mag-anak

Noong 1995, inilabas ng Unang Panguluhan at ng Korum ng LabindalawangApostol ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo.” Ang pagpapaha-yag na ito ay isang deklarasyon at muling pagpapatibay ng mga doktrina at gawina paulit-ulit na ipinahayag ng mga propeta sa buong kasaysayan ng Simbahan.Naglalaman ito ng mga alituntuning mahalaga sa kaligayahan at kapakanan ngbawat mag-anak. Dapat pag-aralan ng mga miyembro ng mag-anak ang pagpa-pahayag at ipamuhay ang mga panuntunan nito.

“Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo”

“Kami, ang Unang Panguluhan atang Kapulungan ng LabindalawangApostol ng Ang Simbahan ni Jesucristong mga Banal sa mga Huling Araw, aytaimtim na nagpapahayag na ang kasalsa pagitan ng isang lalaki at ng isangbabae ay inordena ng Diyos at angmag-anak ang sentro ng plano ngTagapaglikha para sa walang hang-gang tadhana ng Kanyang mga anak.

“Lahat ng tao—lalaki at babae—aynilalang sa wangis ng Diyos. Bawat isaay minamahal na espiritung anak nalalaki o anak na babae ng mga magu-lang na nasa langit, at, bilang gayon,bawat isa ay may banal na katangianat tadhana. Ang kasarian ay isangmahalagang katangian ng pagkakaki-lanlan at layunin ng isang tao sa kan-yang buhay bago pa ang buhay niyasa mundo, sa buhay niyang mortal,at sa walang hanggan.

“Sa buhay bago pa ang buhay samundo, kilala at sinamba ng mga espi-ritung anak na lalaki at anak na babaeang Diyos bilang kanilang Ama attinanggap ang Kanyang plano na nag-laan sa Kanyang mga anak na magka-mit ng pisikal na katawan at magtamo

iv

ng karanasan sa mundo upang umun-lad patungo sa kaganapan at sa huli aymakamtan ang kanilang banal na tad-hana bilang tagapagmana ng buhay nawalang hanggan. Ang banal na planong kaligayahan ng Diyos ang nagpapa-hintulot sa mga ugnayan ng mag-anakna magpatuloy sa kabilang buhay. Angmga sagradong ordenansa at tipan namakukuha sa mga banal na templo angnagbibigay ng pagkakataon sa mga taoupang makabalik sa kinaroroonan ngDiyos at upang ang mga mag-anak aymagkasama-sama sa walang hanggan.

“Ang unang kautusan na ibinigayng Diyos kina Adan at Eva ay tungkolsa kanilang posibilidad bilang mag-asawa na maging mga magulang.Ipinahahayag namin na ang kautusanng Diyos na magpakarami at kalatanang lupa ay nananatiling may bisa.Amin pang karagdagang ipinahaha-yag na ang banal na kapangyarihanglumikha ng bata ay nararapat lamanggawin ng lalaki at babae, na ikinasalbilang mag-asawa ayon sa batas.

“Ipinahahayag namin na ang paraanng paglikha ng buhay na mortal ayitinakda ng Diyos. Pinagtitibay namin

Page 6: Gabay na Aklat ng Mag-anak

v

ang kabanalan ng buhay at ang kaha-lagahan nito sa walang hanggangplano ng Diyos.

“Ang mag-asawa ay may banal natungkuling mahalin at kalingain angbawat isa at ang kanilang mga anak.‘Ang mga anak ay mana na mula saPanginoon’ (Mga Awit 127:3). Angmga magulang ay may banal natungkuling palakihin ang kanilangmga anak sa pagmamahal at kabuti-han, maglaan para sa kanilang pisikalat espirituwal na mga pangangaila-ngan, turuan silang magmahal atmaglingkod sa isa’t isa, sundin angmga kautusan ng Diyos at magingmasunurin sa batas saanman silananinirahan. Ang mga mag-asawa—ang mga ina at ama—ay papanana-gutin sa harap ng Diyos sa kanilangpagtupad sa mga tungkuling ito.

“Ang mag-anak ay inordena ngDiyos. Ang kasal sa pagitan ng isanglalaki at babae ay mahalaga saKanyang walang hanggang plano.Ang mga anak ay may karapatangisilang sa loob ng bigkis ng kasal atpalakihin ng isang ama at isang inana gumagalang nang buong katapa-tan sa pangakong kanilang ginawanang sila ay ikasal. Ang kaligayahansa buhay ng mag-anak ay lalong higitna makakamit kapag isinalig sa mgaturo ng Panginoong Jesucristo. Angmga matagumpay na buhay mag-asawa at mag-anak ay itinatatag atpinananatili sa mga alituntunin ngpananampalataya, panalangin, pagsi-sisi, pagpapatawad, paggalang, pag-mamahalan, awa, gawa, at mga

kapaki-pakinabang na gawaing panli-bangan. Sa plano ng Diyos, ang mgaama ang mangungulo sa kanilangmga mag-anak sa pagmamahal atkabutihan at ang may tungkulingmaglaan ng mga pangangailangansa buhay at kaligtasan ng kanilangmga mag-anak. Ang mga ina ang maypangunahing tungkulin na mag-arugang kanilang mga anak. Sa mga banalna tungkuling ito, ang mga ama at inaay may pananagutang magtulunganbilang magkasama na may pantay napananagutan. Ang pagkakaroon ngkapansanan, kamatayan, o iba pangkalagayan ay maaaring magpabago samga takdang tungkulin ng bawat isasa pagkalinga sa mag-anak. Ang mgakamag-anak ay dapat magbigay ngtulong kung kinakailangan.

“Kami ay nagbababala sa mga taonglumalabag sa mga tipan ng kalinisang-puri, nagmamalabis sa asawa o anak,o bigo sa pagtupad ng kanilang mgatungkulin sa mag-anak, na balangaraw sila ay papananagutin sa harapng Diyos. At gayon din, kami ay nag-bababala na ang pagkakawatak-watakng mag-anak ay magdudulot sa mgatao, mga komunidad, at mga bansang mga kapahamakang sinabi na noonpa ng mga sinauna at makabagongpropeta.

“Kami ay nananawagan sa mga may-pananagutang mamamayan at mgapinuno ng gobyerno sa lahat ng dakona magtatag ng mga pamamaraanupang mapanatili at mapalakas angmag-anak bilang pangunahing yunitng lipunan“ (Liahona, Okt. 2004).

Page 7: Gabay na Aklat ng Mag-anak
Page 8: Gabay na Aklat ng Mag-anak

OrganisasyonAng mag-anak ay sagrado sa AngSimbahan ni Jesucristo ng mga Banalsa mga Huling Araw at siyang pinaka-mahalagang yunit ng lipunan sa buhayna ito at sa kawalang-hanggan. Itinatagng Diyos ang mga mag-anak upangmagdulot ng kaligayahan sa Kanyang

Organisasyon at Layunin ng Mag-anak

1

mga anak, tulutan silang matuto ngmga tamang alituntunin sa kapaligi-rang may pagmamahalan, at ihandasila sa buhay na walang hanggan.

Ang tahanan ang pinakamainamna lugar upang ituro, pag-aralan, atipamuhay ang mga alituntunin ngebanghelyo. Dito natututo ang mgatao na maglaan ng pagkain, damit,tirahan, at iba pa nilang pangangaila-ngan. Dapat tulungan ng ama at ina,na may pantay na pananagutan, angbawat miyembro ng mag-anak na:

• Mahanap ang katotohanan at mag-karoon ng pananampalataya saDiyos.

• Magsisi sa mga kasalanan, mabin-yagan para sa kapatawaran ng mga

Page 9: Gabay na Aklat ng Mag-anak

2

kasalanan, maging miyembro ngAng Simbahan ni Jesucristo ngmga Banal sa mga Huling Araw,at tumanggap ng Espiritu Santo.

• Sundin ang mga utos ng Diyos,masigasig na pag-aralan ang mgabanal na kasulatan, mag-alay ngpansariling panalangin araw-araw,at maglingkod sa iba.

• Magbahagi ng ebanghelyo sa iba.

• Magpa-endow at magpakasal satemplo sa isang karapat-dapat na taopara sa kawalang-hanggan, lumikhang masayang tahanan para sa mag-anak, at itaguyod ang mag-anak sapagmamahal at pagsasakripisyo.

• Magsaliksik ng impormasyon tung-kol sa mga namatay na ninuno atmagsagawa ng mga ordenansa satemplo para sa kanila.

• Magbigay ng lakas na kailanganpara sa espirituwal, sosyal, pisikal,at emosyonal na katatagan.

Ang ama ang nangungulo sa mag-anak at may pananagutang turuanang mga anak at maglaan ng mgapangangailangan sa buhay ng mag-anak. Ang karapat-dapat na ama saSimbahan ay may oportunidad namagtaglay ng priesthood, na siyangkapangyarihan at awtoridad na kumi-los sa pangalan ng Diyos. Sa kapang-yarihan at awtoridad na ito, nagiginglider ng priesthood ang ama sa kan-yang mag-anak. Pinamumunuan niyaang kanyang mag-anak sa paghahan-dang makabalik sa piling ng atingAma sa Langit. Ang kanyang mayba-hay ang pinakamahalaga niyangkasama, kapareha, at tagapayo. Dapatpag-usapan ng mag-asawa ang lahatng bagay na nakakaapekto sa mag-anak at tahanan.

Dapat maglaan ang ama ng mga espi-rituwal na pangangailangan ng kan-yang mag-anak. Dapat niyang tiyakinna naituturo sa kanila ang ebanghelyoni Jesucristo at gawin ang lahat ngmakakaya niya para hikayatin at tulu-ngan silang sundin ang mga utos ngPanginoon.

Maaaring basbasan ng amang may-taglay ng priesthood ang mga miyem-bro ng kanyang mag-anak at maglaanpara sa kanilang mga espirituwal napangangailangan. Sa pamamagitan ngawtoridad ng angkop na priesthoodat sa pahintulot ng kanyang lider ngpriesthood, ang ama ay maaaring:

Page 10: Gabay na Aklat ng Mag-anak

1. Pangalanan at basbasan ang mgaanak.

2. Binyagan ang mga anak (at iba pa).

3. Kumpirmahan ang mga anak(at iba pa) bilang mga miyembrong Simbahan at gawaran sila ngEspiritu Santo.

4. Gawaran ng priesthood ang kan-yang mga anak na lalaki (at iba pa)at iorden sila sa mga katungkulansa priesthood.

5. Basbasan at ipasa ang sakrament.

6. Ilaan ang mga libingan.

Kahit walang pahintulot ng kanyang liderng priesthood, ang amang maytaglay ngMelchizedek Priesthood ay maaaringmaglaan ng langis at basbasan angmga miyembro ng kanyang mag-anakat iba pang maysakit at bigyan sila ngmga natatanging basbas kapag kinaka-ilangan. (Tingnan sa mga pahina 21–29sa gabay na aklat na ito ang mga tagu-bilin sa pagsasagawa ng mga orde-nansa at basbas ng priesthood.)

Dapat tiyakin ng ama na aktibongnakikibahagi ang kanyang mag-anaksa tatlong pangunahing responsibili-dad:

1. Espirituwal at temporal na kahan-daan ng sarili at ng pamilya.

2. Pagbabahagi ng ebanghelyo.

3. Family history at mga ordenansasa templo para sa buhay at patay.

Ang ina ay kapantay sa pananagutanat nagpapayo sa kanyang asawa.

Tinutulungan niya ito sa pagtuturo ngmga batas ng Diyos sa kanilang mgaanak. Kung walang ama sa tahanan,ang ina ang nangungulo sa mag-anak.

Ang ama at ina ay dapat magkaisa salayunin. Dapat nilang mithiing ihandaang lahat ng miyembro ng pamilya sapagbalik sa ating Ama sa Langit. Dapatsilang magkaisa sa pagsasakatuparanng mithiing ito. Itinatag ng Panginoonang Simbahan upang tulungan angmga ama at ina sa pagtuturo at panga-ngalaga sa kanilang mag-anak.

Kapag isinilang na ang mga anak samag-anak, dapat silang mahalin ngmga magulang, turuan ng mga kato-tohanan ng ebanghelyo, at maginghalimbawa ng matwid na pamumu-hay. Dapat matutuhan at tuparin ngmga anak ang mga utos ng Diyos.Dapat nilang igalang at sundin angkanilang mga magulang.

Ang lakas ng Simbahan ay nakasalalaysa mga mag-anak at sa bawat taongipinamumuhay ang ebanghelyo niJesucristo. Ang lawak ng mga pagpa-pala ng ebanghelyo na tinatamasa ngpamilya ay nakasalalay nang malakisa pag-unawa at pagganap sa mgapangunahing tungkulin ng ama at inabilang mga magulang. Hindi kailan-man nilayon ng Simbahan na magbi-gay ng mga programa o responsibili-dad sa mga ama at ina na makakabigatsa kanila o magpapahina ng kanilangloob o magiging dahilan para makalig-taan nila ang mga pinakamahahala-gang tungkuling ito.

3

Page 11: Gabay na Aklat ng Mag-anak

LayuninDahil mahal tayo ng ating Ama saLangit, nais Niya tayong magingdakila katulad Niya. Para matulungantayo, binigyan Niya tayo ng planongsusundin ayon sa mga dakilang batasng katotohanan. Yaong mga natututotungkol sa plano at tapat itong sinusu-nod ay maaaring maging katulad ngating Ama sa Langit balang araw atmatamasa ang uri ng Kanyang pamu-muhay.

Bahagi ng plano na lisanin natin anglangit at bumaba sa lupa. Dito’y nag-kakaroon tayo ng pisikal na katawan,

natututo sa mga karanasan, at napa-patunayan natin na karapat-dapattayong makapiling na muli angDiyos. Pinatutunayan natin na tayoay karapat-dapat sa pamamagitanng malayang pagpiling tuparin angKanyang mga batas. (Tingnan saAbraham 3:23–25; 2 Nephi 2:27.)

Para matulungan tayong ihanda angating sarili na makapiling Siya, inor-ganisa tayo ng ating Ama sa Langitsa mga pamilya. Sa tulong ng mgasagradong ordenansa at tipan, maa-aring mabuklod ang ating pamilyamagpasawalang-hanggan.

4

Page 12: Gabay na Aklat ng Mag-anak

5

Pagtuturo sa mga Anak nangmay Kabaitan at PagmamahalInutusan ng Panginoon ang mgamagulang na ituro ang ebanghelyosa kanilang mga anak. Sabi niya:

“Yayamang ang mga magulang aymay mga anak sa Sion, o sa alinmansa kanyang mga istaka na naitatag, nahindi nagtuturo sa kanila na mauna-waan ang doktrina ng pagsisisi, pana-nampalataya kay Cristo ang Anak ngbuhay na Diyos, at ang pagbibinyagat ang kaloob na Espiritu Santo sapamamagitan ng pagpapatong ngmga kamay, pagsapit ng walongtaong gulang, ang kasalanan aynasa ulo ng mga magulang.

“Sapagkat ito ay magiging batas samga naninirahan sa Sion, o sa alinmansa kanyang mga istaka na naitatag.

“At ang kanilang mga anak ay bibin-yagan para sa kapatawaran ng kani-lang mga kasalanan pagsapit ngwalong taong gulang, at tatanggapinang pagpapatong ng kamay.

“At tuturuan din nila ang kanilangmga anak na manalangin, at magsi-lakad nang matwid sa harapan ngPanginoon” (D at T 68:25–28).

Ang mga magulang ay dapat mag-turo nang may kabaitan at pagmama-hal, na inaalala ang payo ni ApostolPablo na “turuan [ang kanilang mgaanak] ayon sa saway at aral ngPanginoon” (Efeso 6:4).

Pagtuturo ng Ebanghelyo sa Tahanan

Page 13: Gabay na Aklat ng Mag-anak

6

Pag-aaral ng mga Banal naKasulatan ng Mag-anakMaaari tayong maging katulad ngating Ama sa Langit at matamasaang uri ng Kanyang pamumuhay sapamamagitan lamang ng pagsunod samga batas kung saan nakasalalay angpagpapalang iyon (tingnan sa D at T130:20–21). Bago natin maipamuhayang mga batas na iyon, dapat natingmalaman kung ano ang mga ito.“Hindi maaari para sa isang tao namaligtas dahil sa kamangmangan”(D at T 131:6).

Si Jesucristo ang ating pinuno at taga-pagbigay ng batas. Alam Niya angdaan at mga batas na dapat nating sun-din, at inanyayahan Niya ang bawatisa sa atin na sundin Siya. Sabi niya,“Ako ang daan, at ang katotohanan, atang buhay: sinoman ay di makaparo-roon sa Ama, kundi sa pamamagitanko” (Juan 14:6). Para maging katuladng ating Ama sa Langit at makabaliksa Kanya, dapat nating malaman angmga turo ni Jesus at sundin ang mgaito. Mayroon tayong mga banal nakasulatan na tutulong sa atin upangmalaman ang buhay, mga turo, atmga utos ni Jesucristo.

Ang apat na aklat na tinatanggap ngSimbahan bilang mga banal na kasula-tan ay ang Biblia, Aklat ni Mormon,Doktrina at mga Tipan, at MahalagangPerlas. Ipinaliliwanag nito ang mgabatas ng ebanghelyo at mga pamanta-yang siyang sukatan natin ng lahat ngkaisipan, kilos, at turo. Tinutulungan

tayo nitong malaman ang buhay atmga turo ni Jesucristo at nagbibigayng mga halimbawa ng mga taongsumampalataya sa Diyos at sumunodsa Kanyang mga utos.

Itinuro sa atin ni Jesus na saliksikin atpag-aralan ang mga banal na kasula-tan (tingnan sa Juan 5:39; 3 Nephi23:1; D at T 88:118).

Dapat ay sama-sama at regular napag-aralan ng mga mag-anak angmga banal na kasulatan para matutu-han at masunod ang mga turo ngPanginoon. Dapat tipunin ng mgamagulang ang kanilang mag-anak saregular na oras bawat araw para basa-hin at talakayin ang mga banal nakasulatan. Bawat miyembro ng mag-anak na marunong bumasa ay dapatbigyan ng pagkakataong bumasa samga banal na kasulatan.

Maaaring manalangin ang isangmiyembro ng mag-anak bago basahinang mga banal na kasulatan at hili-ngin sa Ama sa Langit na basbasanang bawat isa upang maunawaan angbinabasa at magkaroon ng patotootungkol dito. Maaaring manalanginang mga mag-anak pagkatapos mag-basa ng mga banal na kasulatan.

Page 14: Gabay na Aklat ng Mag-anak

Kapag binabasa at pinagninilay-nilayng mga mag-anak ang mga banal nakasulatan, nanaisin nilang higit namaging katulad ng Tagapagligtas athigit silang liligaya at mapapayapasa buhay.

Mga Panalanging Pansariliat Pangmag-anakDapat matuto ang bawat isa sa atin namakipag-usap sa ating Ama sa Langitsa pamamagitan ng panalangin. MahalNiya tayo at nais Niya tayong makipag-usap sa Kanya. Nais Niyang pasalama-tan natin Siya para sa ating mga pagpa-pala at humingi ng Kanyang tulong atpatnubay. Tutulungan Niya tayo kapaghiniling natin. Karamihan sa mga pana-langin ay iniaalay natin nang nakayukoat nakapikit habang tayo ay nakaluhod,nakaupo, o nakatayo.

Kailangan nating tandaan ang apat namahahalagang alituntunin kapag nag-darasal tayo:

1. Sinisimulan natin ang ating mgapanalangin sa pagkausap sa atingAma sa Langit: “Ama namin saLangit . . .“

2. Nagpapasalamat tayo sa ating Amasa Langit sa mga bagay na ibinigayNiya sa atin: “Nagpapasalamatkami . . .“

3. Humihiling tayo sa Kanya ngtulong na kailangan natin:“Hinihiling namin . . .“

4. Tinatapos natin ang ating panala-ngin sa pangalan ng Tagapagligtas:“Sa pangalan ni Jesucristo, amen.”

Hindi natin kailangang sundin palagisa ating pagdarasal ang lahat ng apatna hakbang na ito, ngunit ang pag-alala dito ay makakatulong paramatuto tayong manalangin. Dapatnating laging simulan at tapusin angating mga panalangin sa una at hulinghakbang ngunit ang sasabihin natin sabandang gitna ay nababatay sa inaa-kala nating mahalaga. Kung minsannanaisin nating iukol ang ating pana-langin sa pasasalamat sa ating Ama saLangit. Kung minsan naman nanaisinnating iukol ang ating panalangin sapaghingi ng tulong sa Kanya.

Mga Panalanging Pansarili

Bawat tao ay dapat manalangingmag-isa kahit minsan tuwing umagaat gabi. Dapat turuan ng mga magu-lang ang mga anak na manalangingmag-isa sa sandaling matuto silangmagsalita. Matuturuan ng mga magu-lang ng pagdarasal ang mga anak sapagluhod na kasama sila at paisa-isang ipaulit sa kanila ang mga

7

Page 15: Gabay na Aklat ng Mag-anak

8

pangungusap. Di magtatagal at matu-tuto ring magdasal nang mag-isa angmga anak.

Mga Panalanging Pangmag-anak

Bawat mag-anak ay dapat magkaroonng panalanging pangmag-anak araw-araw. Sama-samang luluhod angbuong mag-anak, at magdarasal angpinuno ng mag-anak o pagdarasalinnito ang isang kapamilya. Dapat mag-karoon ng regular na pagkakataonang bawat isa para manalangin. Angmga musmos na anak ay maaaringmagsalitan sa pagdarasal sa tulong ngkanilang mga magulang. Magandangpagkakataon ang panalanging pang-mag-anak para maturuang manala-ngin ang mga anak at maituro angmga alituntuning tulad ng pananam-palataya sa Diyos, pagpapakumbaba,at pagmamahal.

Mga Espesyal na Panalangin

Dapat ituro ng mga magulang sakanilang mga anak na laging handaang Diyos na dinggin ang kanilangmga panalangin. Dagdag pa sa regu-lar nilang mga panalanging pansariliat pangmag-anak, makapagdarasalsila anumang oras na kailanganin nilang espesyal na tulong o kung naisnilang magpasalamat.

Pagbabasbas ng Pagkain

Dapat tiyakin ng mga magulang namatutong magpasalamat sa Diyos angmga miyembro ng mag-anak para sakanilang pagkain at humiling saKanya na basbasan ito bago silakumain. Bawat tao, pati na mgabatang musmos, ay dapat magsalitansa pagbabasbas. Ang pagdarasal paramabasbasan ang pagkain ay nakaka-tulong sa mga magulang at anak namatutong magpasalamat sa atingAma sa Langit.

Family Home EveningAng family home evening ay para salahat, pati na sa mga bagong kasal,ama at ina kasama ang mga anak,nag-iisang magulang kasama ang mga

Page 16: Gabay na Aklat ng Mag-anak

anak, magulang na walang anak sabahay, dalaga’t binata sa mga grupong home evening, at nag-iisa sa bahayo may kasamang umuupa. Lahat, anu-man ang kanilang kalagayan, ay pag-papalain sa pagdaraos ng mga familyhome evening. Pinananatiling libre ngSimbahan ang Lunes ng gabi sa ibapang mga gawain para magkasama-sama ang mga mag-anak sa familyhome evening.

Sabi ng Unang Panguluhan:“Nangangako kami sa inyo ng mgadakilang pagpapala kung susundinninyo ang payo ng Panginoon at mag-daraos ng regular na family homeevening. Lagi naming dinarasal nanawa’y tanggapin ng mga magulangsa Simbahan ang responsibilidadnilang magturo at maging halimbawasila ng mga alituntunin ng ebanghelyosa kanilang mga anak. Pagpalainnawa kayo ng Diyos na maging masi-gasig sa napakahalagang responsibili-dad na ito” (“Message from the FirstPresidency,” Family Home EveningResource Book [1983], iv).

Bilang patriarch ng kanyang mag-anak, ang ama ang nangungulo safamily home evening. Kapag wala ang

ama, ang ina ang nangungulo. Mgamagulang ang nangangasiwa o pumi-pili ng isang miyembro ng mag-anakpara mangasiwa sa home evening.Sila ang nagtuturo ng lesson o pinag-tuturo nila ang mga batang nasa was-tong edad para magturo. Lahat ngnasa wastong edad ay dapat magka-roon ng pagkakataong makilahok.Makakatulong ang mga musmos naanak sa pagkumpas sa musika, pag-banggit ng mga sipi sa banal na kasu-latan, pagsagot sa mga tanong, pagha-wak ng mga larawan, pamimigay ngmeryenda, at pagdarasal.

Narito ang isang mungkahing balang-kas para sa family home evening:

• Pambungad na awitin (ng mag-anak)

• Pambungad na panalangin (ngisang miyembro ng mag-anak)

• Pagbabasa ng tula o banal na kasu-latan (ng isang miyembro ng mag-anak)

• Lesson (ng ama, ina, o nakatatan-dang anak)

• Aktibidad (pinamunuan ng isangmiyembro ng mag-anak at kasaliang buong mag-anak)

• Pangwakas na awitin (ng mag-anak)

• Pangwakas na panalangin (ngisang miyembro ng mag-anak)

• Meryenda

Ang isang mag-anak ay makapagda-raos ng home evening sa maramingparaan. Anumang aktibidad na sama-sama ang mag-anak, nagpapatatag sakanilang pagmamahalan, tumutulong

9

Page 17: Gabay na Aklat ng Mag-anak

10

na mapalapit sila sa Ama sa Langit,at hinihikayat silang mamuhay nangmatwid ay maaaring maging familyhome evening. Kabilang sa mgahalimbawa ng gayong mga aktibidadang pagbabasa ng mga banal na kasu-latan, pag-uusap tungkol sa ebang-helyo, pagpapatotoo, paggawa ngproyektong paglilingkod, sama-samang pag-awit, pagpipiknik,paglalaro ng mag-anak, at paglalakad.Lahat ng family home evening aydapat samahan ng panalangin.

Ang mga lesson sa family home eve-ning ay maaaring ibatay sa mga banalna kasulatan; mga salita ng mga pro-peta sa mga huling araw, lalo na samga mensahe sa pangkalahatangkumperensya; at mga personal nakaranasan at patotoo. Maraming les-son ang dapat isentro sa pagsilang,buhay, mga turo, at Pagbabayad-salang Tagapagligtas. Ang Mga Alituntuninng Ebanghelyo, Gospel Fundamentals,Tapat sa Pananampalataya, Para sa Lakasng mga Kabataan, at mga magasin ngSimbahan ay naglalaman ng mgaartikulo at iba pang impormasyon samaraming paksang maaaring gawingbahagi ng mga lesson sa family homeevening.

Narito ang mga mungkahing paksangtatalakayin para sa home evening:

• Ang plano ng kaligtasan

• Ang buhay at mga turo ni Jesus

• Pagsisisi

• Panalangin

• Pag-aayuno

• Ang Word of Wisdom

• Ang pamantayan ng Panginoontungkol sa moralidad

• Ang kahulugan ng sakrament

• Ikapu

• Pasasalamat

• Katapatan

• Pagpipitagan sa Diyos at paggalangsa Kanyang mga likha

• Paghahanda para sa binyag, orde-nasyon sa priesthood, o pag-aasawa

• Paghahandang makapasok satemplo

• Pagbabasa ng mga banal nakasulatan

• Pagpapanatiling banal ng araw ngSabbath

• Pagpapatawad sa iba

• Pagtatamo at pagbabahagi ngpatotoo

• Pagbabahagi ng ebanghelyo sa iba

• Pagtitipon ng mga family history

• Pag-unawa at pagtanggap sakamatayan

• Paglutas sa mga problema ngmag-anak

• Pamamahala sa pananalapi ngmag-anak

• Pakikibahagi sa gawaing-bahayng mag-anak

• Pagpapahalaga at kasiyahan samusika

Page 18: Gabay na Aklat ng Mag-anak

Mga Pista Opisyal atEspesyal na OkasyonAng mga pista opisyal at espesyal naokasyon, tulad ng Pasko; Easter; ani-bersaryo ng panunumbalik ng priest-hood; mga kumperensya; pag-alis ngisang miyembro ng mag-anak paramagmisyon; o pagsilang, binyag, oordenasyon ng isang miyembro ngmag-anak, ay magagandang pagkaka-taon para maituro ang mga katotoha-nan ng ebanghelyo.

Ikapu at mga Handog

Inutusan ng Panginoon ang Kanyangmga tao na ipamuhay ang batas ngikapu at maging marapat sa ipina-ngakong mga pagpapala (tingnan saMalakias 3:8–11).

Ang isang magandang pagkakataonpara maituro ng mga magulang angbatas ng ikapu at mga handog aykapag nagbabayad sila ng kanilangikapu. Ang mga anak ay naiimplu-wensyahan ng nakikita nilang gina-gawa ng kanilang mga magulang.Ang mga batang pinagbabaon ng

pera ay dapat magbayad ng ikapupara dito. Bawat anak ay maaaringmagkaroon ng tatlong sisidlan ngpera: isa para sa ikapu, isa para samisyon, isa para sa panggastos.Tuwing tatanggap ng pera ang mgaanak, dapat silang matutong ilagaymuna ang 10 porsiyento sa sisidlanng ikapu, pagkatapos ay kauntinghalaga sa sisidlan ng pangmisyon,at ang matitira ay sa sisidlan ngpanggastos.

Kapag nagbabayad ng ikapu angmga anak, dapat silang turuan ngmga magulang na punan ang tithingslip, ilagay ito sa sobre kasama angpera, at ibigay ito o ipadala sa isangmiyembro ng kanilang bishopric obranch presidency. Ang mga mag-anak na naninirahan sa liblib na pookay dapat magbigay ng ikapu sa itina-lagang lider ng priesthood sa kanila.

Mga Talakayan saOras ng PagkainMagandang pagkakataon ang mgaoras ng kainan para pag-usapan angebanghelyo. Mahilig magtanong atsumagot ang mga batang musmostungkol sa ebanghelyo. Kapag hindinila alam ang mga sagot, maaaringmagbigay ng maiikling sagot at mag-turo ng ebanghelyo ang ama o ina.Hindi kailangang talakayin angebanghelyo sa bawat kainan, ngunitang dalawa o tatlong beses na gayongtalakayan sa loob ng isang linggo aymakakatulong sa mag-anak na matu-tuhan ang ebanghelyo.

11

Page 19: Gabay na Aklat ng Mag-anak

12

Mga Kuwento Bago MatulogDahil mahilig sa kuwento ang kara-mihan sa mga bata bago matulog,magandang pagkakataon ito paraituro ang ebanghelyo sa pagkuku-wento o pagbabasa ng mga kuwentomula sa mga banal na kasulatan, lat-halain ng Simbahan, o personal nakaranasan. Ang mga kuwento tung-kol sa katapatan, pagbabahagi, atkabaitan ay nagtuturo ng mahahala-gang alituntunin ng ebanghelyo.

Sama-samang Pagtatrabaho

Maraming pagkakataong maituro angebanghelyo kapag sama-samang nag-tatrabaho sa bahay ang mga mag-anak. Halimbawa, habang naglilinisng bahay o nagtatrabaho sa bakurano hardin, dapat maging maagap angmga magulang sa mga pagkakataongbumanggit tungkol sa ebanghelyo.Magtatanong nang madalas ang bata.Dapat ay laging pag-ukulan ng orasng mga magulang ang pagsagot nangsimple. Ang mga punang tulad ng“Mahusay kang magtrabaho. Tiyakkong ipinagmamalaki ka ng Ama sa

Langit” o “Tingnan mo ang magagan-dang ulap na likha ng Ama sa Langit”ay magpapadama sa mga bata ngpasasalamat sa ating Ama sa Langitat ng katiyakan na Siya ay totoo.

Mga Pagpupulongng Mag-anak

Maaaring pulungin ng mga magulangang mga miyembro ng mag-anak.Maaaring gamitin ng mga mag-anakang mga pagpupulong na ito paramagtakda ng mga mithiin ng mag-anak, lutasin ang mga problema, pag-usapan ang mga gastusin, magplano,suportahan at palakasin ang bawatisa, magpatotoo, at ipagdasal angbawat isa. Maaaring magpulonganumang oras kailanganin. Maaaringpulungin ng mga magulang ang mag-anak tuwing Linggo o kaugnay ngfamily home evening. Ang paggalangsa mga opinyon at damdamin ng ibaay mahalaga sa ikatatagumpay ngmga pagpupulong ng pamilya.

Mga Sarilinang InterbyuNatuklasan ng maraming magulangna sa regular at sarilinang interbyu sa

Page 20: Gabay na Aklat ng Mag-anak

bawat anak, mapapalapit sila sa kani-lang mga anak, mahihikayat ang mgaito, at matuturuan ang mga ito ngebanghelyo. Ang gayong mga inter-byu ay maaaring gawing pormal odi-pormal at maaaring dalasan.

Dapat magpahayag ng pagmamahalat tiwala sa anak ang magulang, atdapat magkaroon ng pagkakataon anganak na magpahayag ng damdamintungkol sa anumang paksa, problema,o karanasan. Dapat pakinggangmabuti at seryosohin ng magulangang mga problema at ipinagtatapat nganak. Maaaring magsabay sa pagdara-sal ang magulang at anak. Ang mgaproblemang malalaman sa interbyu nakasangkot ang iba pang miyembro ngmag-anak ay maaaring lutasin sasusunod na family home evening.

Mga Aktibidad ng Mag-anakDapat planuhin nang madalas ngmga magulang na magkasama-samaang buong mag-anak. Ilan sa mara-ming aktibidad na maaaring magka-sama-sama ang mga mag-anak ay sapiknik, kamping, proyekto ng mag-anak, trabaho sa bahay at sa bakuran,paglangoy, paglalakad, panonood ngmagagandang pelikula at iba panglibangan.

Ang mag-anak na masayang nagsa-sama-sama sa mga gawain ay higit namagmamahalan at magkakasundo.Mas handang makinig ang mga anaksa kanilang mga magulang at susu-nod sa payo ng mga ito kapag mala-pit ang damdamin nila rito. Masepektibong maituturo ng mga magu-lang ang ebanghelyo.

13

Page 21: Gabay na Aklat ng Mag-anak

Ang misyon ng Simbahan ngPanginoon ay tulungan ang lahat ngtao na lumapit kay Cristo. Makakatu-long ang mga mag-anak na maisaka-tuparan ang misyong ito kapag:

1. Nailalaan nila ang sarili nilang espi-rituwal at pisikal na mga panganga-ilangan at tumutulong silang tugu-nan ang mga pangangailanganng iba.

2. Naibabahagi nila ang ebanghelyosa iba.

3. Tinitiyak nila na matatanggap ngmga miyembro ng mag-anak angmga ordenansa sa templo at tumu-tulong silang mailaan ang mga pag-papalang ito sa namatay nilangmga ninuno.

Pagtupad ng mga Responsibilidad sa Mag-anak

14

Espirituwal at Pisikal namga Pangangailangan

Espirituwal na mgaPangangailangan

Ang naunang bahagi ng gabay naaklat na ito, ang “Pagtuturo ngEbanghelyo sa Tahanan,” ay naglala-man ng impormasyon kung paanomapaglalaanan ng mag-anak ang mgaespirituwal nilang pangangailangan.

Mga Pisikal na Pangangailangan

Dapat matutong tumayo sa sarilingpaa ang mga mag-anak upang maka-paglaan sila para sa sarili nilang pisi-kal na mga pangangailangan at matu-lungan ang iba. Para makatayo sasariling paa, dapat magkusang

Page 22: Gabay na Aklat ng Mag-anak

magtrabaho ang mga miyembro ngmag-anak. Ang pagtatrabaho ay pisi-kal, mental, o espirituwal na gawain.Dito nagmumula ang tagumpay, kali-gayahan, pagpapahalaga sa sarili, atkasaganaan. Dapat magsikap ang mgamagulang na makatayo sa sariling paaat ituro din ang gayon sa kanilangmga anak. Kapag marunong silangtumayo sa sariling paa matutulungannila ang mga nangangailangan.

Responsibilidad ng mga ama na ilaanang mga pangangailangan sa buhay atpangalagaan ang kanilang mga mag-anak. Pangunahing responsibilidad ngmga ina na arugain ang kanilang mgaanak. Tinitiyak ng mga magulang naang mag-anak ay malinis ang tahanan,masustansya ang pagkain, may pana-namit, malusog ang katawan at mgangipin, makapag-aral, matutongmamahala ng kabuhayan, at, kungmaaari, maturuang magtanim ng ilangpagkain nila. Dapat turuan ng mgamagulang ang kanilang mga anak ngpaghahanda ng kanilang pagkain atpagpepreserba nito para magamit sahinaharap.

Dapat handang magpakasipag sa tra-baho ang mga magulang para mailaanang pisikal na mga pangangailangangito. “At hindi ninyo pahihintulutanang inyong mga anak na sila aymagutom, o maging hubad” (Mosias4:14). Dapat magplano at maghandaang mga magulang para mailaan angmga pangangailangan ng mag-anak saoras ng pagkakasakit, kapahamakan,kawalan ng trabaho, o iba pang sulira-nin. Kung nahihirapan ang ama na

ilaan ang pisikal na mga pangangaila-ngan ng kanyang mag-anak at hindimakatulong ang iba pang miyembrong mag-anak, maaari siyang huminging tulong sa mga lider ng priesthood.

Makakatulong ang mga anak sa pag-lalaan ng pisikal na mga pangangaila-ngan ng kanilang mag-anak sa pagtu-long sa kanilang mga magulang sakanilang gawain, pag-aaral nangmabuti sa paaralan, pag-aasikaso sakanilang pananamit at iba pang mgapag-aari, pagpapanatiling malinis atmaayos ng kanilang sarili at ng taha-nan, at pananatiling malusog.

Dapat pag-ibayuhin ng mga miyembrong mag-anak ang kakayahan nilangbumasa, sumulat, at gumawa ng sim-pleng pagsusuma at samantalahin angbawat pagkakataong magtamo ng kaa-laman at mapaghusay ang mga kasa-nayan. Dapat nilang sundin ang Wordof Wisdom at kumain ng masusustan-syang pagkain. Kung posible, dapatmag-imbak ng pagkain ang mga mag-anak para sa isang buong taon, ohangga’t maaari, ay mag-imbak ngmga pangunahing bagay na kinakaila-ngan para mabuhay. Dapat iwasan ngmga miyembro ng mag-anak ang di-kailangang pag-utang, mag-ipon parasa hinaharap, tuparin ang lahat ngkanilang obligasyon, at buong talinonggamitin ang kanilang kabuhayan, nainiiwasan ang pag-aaksaya.

Dapat turuan ng mga magulang angkanilang mga anak na magbahagi saiba. Halos lahat ay may maibibigay,gaano man kakaunti ang makakaya

15

Page 23: Gabay na Aklat ng Mag-anak

16

nilang ibigay. Ang isang paraan paramakatulong sa mga nangangailangangiyon ay mag-ayuno bawat buwan atmagbigay ng mga handog-ayuno, naginagamit para mapakain ang gutom,makanlungan ang walang bahay,madamitan ang hubad, at mapagin-hawa ang naghihirap. Naipapakitanatin ang ating pagmamahal saPanginoon sa pagtulong natin sa iba.Sabi Niya, “Yamang inyong ginawa saisa dito sa aking mga kapatid, kahit sapinakamaliit na ito, ay sa akin ninyoginawa” (Mateo 25:40).

Pagbabahagi ng Ebanghelyo

Itinuro ng Panginoon, sa pamamagi-tan ng Kanyang mga propeta sa mgahuling araw, na bawat miyembro ngSimbahan ay may responsibilidadna ibahagi ang ebanghelyo sa iba.“Nababagay lamang sa bawat taona nabigyang-babala na balaanang kanyang kapwa” (D at T 88:81).Ipinaliwanag ni Alma, isang propetasa Aklat ni Mormon, na kapag nabin-yagan tayo dapat ay handa tayong“tumayo bilang mga saksi ng Diyos

sa lahat ng panahon at sa lahat ngbagay at sa lahat ng lugar” (Mosias18:9).

Dapat gawin ng lahat ng miyembrong mag-anak ang lahat para matulu-ngan ang kanilang mga kamag-anak,kaibigan, at kapitbahay na malamanang ebanghelyo ni Jesucristo at angmga pagpapalang idudulot nito sakanilang buhay. Sa pagbabahagi ngebanghelyo, mapapalakas ng mgamagulang at anak ang sarili nilangpatotoo at maihahatid ang mga pag-papala ng ebanghelyo sa iba. Angmga mag-anak ay maaaring:

• Maging mabuting halimbawa sapagsunod sa lahat ng utos (tingnansa Mateo 5:16).

• Magpasalamat sa pagiging miyem-bro nila ng Simbahan (tingnan saMga Taga Roma 1:16) at ipaalam saibang tao na sila ay mga miyembro.

• Magtanong sa mga kakilala kunggusto nilang makaalam pa tungkolsa Simbahan.

• Humingi ng tulong sa Panginoonsa pagpili ng isang mag-anak otaong handang makinig sa ebang-helyo.

• Ipakilala ang mag-anak o taongiyon sa Simbahan sa anumangparaan, tulad ng pag-anyaya sakanila sa family home eveningo sa isang miting o aktibidad saSimbahan, pagbibigay sa kanila ngmababasang mga aklat o polyetong Simbahan, o pakikipag-usap sa

Page 24: Gabay na Aklat ng Mag-anak

17

kanila tungkol sa mga pagpapalang ebanghelyo.

• Anyayahan ang mag-anak o taongito sa kanilang tahanan para matu-ruan ng mga misyonero.

Responsibilidad ng mga magulangna ihanda ang kanilang sarili at kani-lang mga anak sa pagmimisyon nangfull-time. Para maihanda ang mgaanak, lalo na ang mga anak na lalaki,dapat ituro ng mga magulang angebanghelyo sa tahanan, dapat silangmagkaroon ng pansarili at pangmag-anak na pag-aaral ng mga banal nakasulatan at panalangin, at banggi-ting madalas ang mga responsibili-dad at pagpapala sa pagbabahaging ebanghelyo. Matuturuan nila angkanilang mga anak na mag-impokpara sa misyon, magsipag, tumayosa sariling paa, at mahalin at pagling-kuran ang ibang tao.

Mga Ordenansa sa Templopara sa Buhay at Patay

Sa mga templo, ang mga karapat-dapat na miyembro ng Simbahanay tumatanggap ng mga sagradongordenansa at nakikipagtipan sa Diyos.Nakikilahok din sila sa pagsasagawang ordenansa para sa namatay nilangmga ninuno. Kung posible, dapatkumuha ang ama at ina ng kani-kanyang rekomend sa templo mula sakanilang mga lider ng priesthood atpumunta sa templo para matanggapang sarili nilang mga ordenansa satemplo. Kung hindi sila makakapuntasa templo, dapat silang mamuhaynang karapat-dapat para sa rekomendsa templo.

May sagradong responsibilidad angmga mag-anak na tiyaking naisagawaang mga ordenansa sa templo parasa mga ninuno nilang namatay nanghindi nakatanggap nito. Ang mgamiyembro ng Simbahan na nakatang-gap na ng sarili nilang mga ordenansaay dapat bumalik sa templo nangmadalas kung may oras, pera, atbukas ang templo para magsagawang mga ordenansa para sa kanilangmga ninuno.

Dapat tipunin ng mga ama at ina angnakatalang mahahalagang pangyayarisa kanilang buhay at sa buhay ngkanilang mga anak, pati na mga kati-bayan ng basbas, binyag, ordenasyon,kasal, at kamatayan; mahahalagangliham; mga larawan; ginupit na mgabalita sa pahayagan; at mga bagay nakatulad nito. Dapat nilang isulat angsarili nilang kasaysayan at hikayatinang bawat miyembro ng mag-anak na

Page 25: Gabay na Aklat ng Mag-anak

18

Pagsasanay sa Pamumuno

Sa ilalim ng pamamahala ng mgalider ng stake, misyon, o district,dapat ipaunawa at ipagawa ng mgalider ng priesthood at auxiliary samga magulang ang tatlong panguna-hing responsibilidad ng mag-anak(tingnan sa mga pahina 14–17).Dapat turuan ng mga lider ang mgaama at ina kung paano pamunuanang kanilang mag-anak. Kung naka-tira sa isang liblib na pook ang isangmag-anak, dapat tiyakin ng mga liderng stake, misyon, o district na malala-man at tutuparin ng mga magulangang kanilang mga responsibilidad.

mag-ingat ng sarili nilang kasaysa-yan. Dapat nilang tulungang magsi-mula ng sariling kasaysayan angnakababata nilang mga anak.

Dapat tipunin ng mga mag-anak angimpormasyon tungkol sa kanilang

mga ninuno at gawin itong aklat ngmga kasaysayan ng mag-anak. Dapatnila itong simulan sa pagtitipon ngimpormasyon tungkol sa pinakahulinilang apat na henerasyon.

Page 26: Gabay na Aklat ng Mag-anak

19

Ang ilang mag-anak ay nakatirasa liblib na pook at hindi regular namakadadalo sa mga miting ng ward obranch. Sa pahintulot ng stake, mission,o district president, dapat magdaos ngsamba sa tahanan nila ang mga mag-anak na iyon sa araw ng Linggo. Samga pook na walang itinatag na mgayunit ng Simbahan, kailangan ng mgamag-anak ang pahintulot ng AreaPresident.

Maaaring ihanda at basbasan ng amao ng isa pang maytaglay ng priest-hood ang sakrament kung siya aykarapat-dapat, isang priest sa AaronicPriesthood o maytaglay ng Melchi-zedek Priesthood, at may pahintulotng kanyang mga lider ng priesthood.Maaaring magpasa ng sakrament angsinumang maytaglay ng priesthood.

Pagdaraos ng Samba sa Tahanan(Para sa mga Mag-anak na nasa Liblib na Pook)

Ang mga tagubilin sa pangangasiwang sakrament ay nasa mga pahina25–26 ng gabay na aklat na ito.

Ang samba sa araw ng Linggo aydapat maging simple, mapitagan, atmarangal. Maaari itong kapalooban ng:

1. Pambungad na himno

2. Pambungad na panalangin

3. Pagbabasbas at pagpapasa ngsakrament

4. Isa o mahigit pa sa mga sumusunod:

• Isa o dalawang maiikling panana-lita o patotoo

• Pagbabasa at pagtalakay ngmga banal na kasulatan bilangmag-anak

• Isang lesson ng isang miyembrong mag-anak

Page 27: Gabay na Aklat ng Mag-anak

5. Pangwakas na himno

6. Pangwakas na panalangin

Sa pagpaplano ng samba sa araw ngLinggo, dapat hangarin at sundin ngmga magulang ang patnubay ngEspiritu ng Panginoon. Nagbigay nghalimbawa ng uri ng sambang ito angmga tao sa Aklat ni Mormon: “At angkanilang mga pagpupulong ay pina-munuan . . . alinsunod sa pamamaraanng pamamatnubay ng Espiritu, at sapamamagitan ng kapangyarihan ngEspiritu Santo; sapagkat ang kapang-yarihan ng Espiritu Santo ang uma-akay sa kanila kung mangangaral, omagpapayo, o mananalangin, o mag-susumamo, o aawit, maging sa gayonito naganap” (Moroni 6:9).

Dapat gamitin ng mag-anak ang mgabanal na kasulatan bilang pangunahinnilang gabay. Dagdag pa rito, maaarinilang gamitin ang mga mensahe sapangkalahatang kumperensya, GospelFundamentals, Mga Alituntunin ngEbanghelyo, Tapat sa Pananampalataya,Para sa Lakas ng mga Kabataan, mgapolyeto ng misyonero, mga magasinng Simbahan, at iba pang mga latha-lain at kagamitang audiovisual ngSimbahan.

Kung walang sinuman sa mag-anakang may angkop na priesthood, maa-aring tipunin ng ama o ina ang mgamiyembro ng mag-anak upang uma-wit ng mga himno, pag-aralan angmga banal na kasulatan, manalangin,at higit na mapalapit sa isa’t isa at saAma sa Langit. Isasaayos ng itinala-gang lider ng priesthood sa mag-anakang regular na mga oportunidad namakatanggap sila ng sakrament.

Dapat magkaroon ng mga lingguhangaktibidad ang mga magulang, tuladng mga paglalakad, piknik, panonoodng magagandang pelikula, pagbisitasa mga kamag-anak, isports, mga pro-gramang musikal, at paglangoy.

Dapat magbigay ng ikapu, mgahandog-ayuno, at iba pang mga kon-tribusyon ang mag-anak sa nakata-laga nilang lider ng priesthood.

Walang isusumiteng nakasulat na ulatang mag-anak sa Simbahan, ngunitregular na iinterbyuhin ng nakatalaganilang lider ng priesthood ang ama, atpag-uulatin siya tungkol sa sitwasyonng mag-anak. Kung kailangan, maa-aring idaos ng mga lider ang mgainterbyung ito sa telepono.

20

Page 28: Gabay na Aklat ng Mag-anak

21

Ang mga ordenansa ng priesthood aymga sagradong gawaing ibinigay ngPanginoon at isinasagawa sa pama-magitan ng awtoridad ng priesthood.Ang mga basbas ng priesthood ay ibi-nibigay sa pamamagitan ng awtori-dad ng priesthood para magpagaling,umaliw, at maghikayat. Dapat ihandang mga kapatid na nagsasagawa ngmga ordenansa at basbas ang kanilangsarili sa pamamagitan ng pamumuhayayon sa mga alituntunin ng ebang-helyo at pagpupunyaging magabayanng Banal na Espiritu. Dapat nilang isa-gawa ang bawat ordenansa at basbassa marangal na paraan at ayon sasumusunod na mga kinakailangan;ang ordenansa ay dapat:

1. Isagawa sa pangalan ni Jesucristo.

2. Isagawa sa pamamagitan ngawtoridad ng priesthood.

3. Isagawa ayon sa anumang kinaka-ilangang pamamaraan, tulad ngpaggamit ng mga natatangingkataga o ng inilaang langis.

4. May pahintulot ng nakatalaganglider ng priesthood na mayhawakng wastong mga susi, kung kinaka-ilangan.

Ang mga ordenansang nangangailanganng pahintulot ng lider ng priesthood ayang pagpapangalan at pagbabasbas samga bata, pagbibinyag at pagkumpirma,paggagawad ng priesthood at pag-oordensa isang katungkulan sa priesthood, pag-babasbas at pagpapasa ng sakrament, atpaglalaan ng mga libingan.

Mga Ordenansa at Basbas ng Priesthood

Page 29: Gabay na Aklat ng Mag-anak

22

Kapag may ilang kapatid na kasali saisang ordenansa o basbas, ipapatongnang magaan ng bawat isa ang kali-wang kamay sa balikat ng kapatidna nasa kaliwa niya. Pinatitigil naang nakagawiang pagpapatulong samaraming maytaglay ng priesthood.

Ang mga ordenansa at basbas na ipi-naliwanag sa bahaging ito ay makaka-tulong sa mga ama sa paglilingkodbilang patriarch sa kanilang mag-anak.

Pagpapangalan atPagbabasbas sa mga Bata

“Bawat kasapi ng simbahan ni Cristona may mga anak ay dapat dalhin angmga anak sa mga elder sa harapan ngsimbahan, na siyang magpapatong ngkanilang mga kamay sa kanila sapangalan ni Jesucristo, at babasbasansila sa kanyang pangalan” (D at T20:70). Para masunod ang paghahayagna ito, tanging mga karapat-dapat nakalalakihan lamang na maytaglay ngMelchizedek Priesthood ang maaaringmakilahok sa pagpapangalan at pag-babasbas sa mga bata. Ang ordenansang pagpapangalan at pagbabasbas sa mga

bata ay nangangailangan ng pahintulotng namumunong awtoridad.

Kapag nagbabasbas ng sanggol, palili-butan at hahawakan ng kalalakihangmaytaglay ng Melchizedek Priesthoodang sanggol. Kapag mas nakatatan-dang bata ang babasbasan, ipapatongnang magaan ng kalalakihan ang kani-lang mga kamay sa ulo ng bata. Angtaong nagbabasbas ay:

1. Mananawagan sa Ama sa Langit.

2. Sasabihin na ang basbas ay ibinibi-gay sa pamamagitan ng awtoridadng Melchizedek Priesthood.

3. Papangalanan ang bata.

4. Ibibigay ang basbas ng priesthoodayon sa dikta ng Espiritu.

5. Magtatapos sa pangalan niJesucristo.

Binyag

Sa ilalim na pamamahala ng namumu-nong awtoridad, maaaring magbinyagang isang karapat-dapat na priest olalaking maytaglay ng MelchizedekPriesthood. Para magawa ito:

Page 30: Gabay na Aklat ng Mag-anak

1. Lulusong siya sa tubig kasama angtaong bibinyagan.

2. Para madali at ligtas, hahawakan ngkaliwang kamay niya ang kanangpulso ng binibinyagan; hahawakannaman ng kaliwang kamay ngtaong binibinyagan ang kanyangkaliwang pulso.

3. Itataas niya nang paparisukat angkanyang kanang braso.

4. Babanggitin niya ang buong panga-lan ng binibinyagan at sasabihing,“Bilang naatasan ni Jesucristo, bini-binyagan kita sa pangalan ng Ama,at ng Anak, at ng Espiritu Santo.Amen” (D at T 20:73).

5. Pahahawakan niya sa kanangkamay ng tao ang ilong nito parahindi ito pasukan ng tubig; ilalagaynaman ng taong nagbibinyag angkanyang kanang kamay sa bandangitaas ng likod ng tao at ilulubog itonang lubusan sa tubig, kasama angkasuotan nito.

6. Tutulungan niyang umahon sa tubigang tao.

Dalawang priest o kalalakihang may-taglay ng Melchizedek Priesthood angsumasaksi sa bawat binyag upangtiyakin na maayos itong naisagawa.Dapat ulitin ang pagbibinyag kunghindi tugma sa nakasaad sa Doktrinaat mga Tipan 20:73 ang binanggit namga salita o kung may bahagi ng kata-wan o kasuotan ng tao na hindi nailu-bog nang lubusan sa tubig. Ang taongbinibinyagan at ang taong nagsasa-gawa ng ordenansa ay dapat magsuot

ng puting damit na hindi aninaw angkatawan kapag nabasa ito.

Kumpirmasyon

Ang mga nabinyagan na siyam nataong gulang pataas at yaong mgawalong taong gulang na hindi miyem-bro ang mga magulang ay kinukum-pirma sa sakrament miting (tingnan saD at T 20:41). Maaaring makumpirmakaagad ang mga batang walong taonggulang pagkatapos ng binyag sa lugarna pinagbinyagan kung miyembro ngSimbahan ang kahit isa man lamangna magulang at may pahintulot angmga magulang sa binyag at kumpir-masyon. Sa ilalim ng pamamahala ngbishop o branch president, maaaring isa-gawa ng isa o mahigit pang kalalaki-hang maytaglay ng MelchizedekPriesthood ang ordenansang ito.Bahagya nilang ipapatong ang kani-lang mga kamay sa ulo ng tao. Angnagsasagawa ng ordenansa ay:

23

Page 31: Gabay na Aklat ng Mag-anak

24

1. Babanggitin ang buong pangalanng tao.

2. Sasabihin na ang ordenansa ayisinasagawa sa pamamagitanng awtoridad ng MelchizedekPriesthood.

3. Ikukumpirma ang tao bilangmiyembro ng Ang Simbahan niJesucristo ng mga Banal sa mgaHuling Araw.

4. Igagawad ang kaloob na EspirituSanto sa pagsasabing, “Tanggapinmo ang Espiritu Santo.”

5. Ibibigay ang basbas ng priesthoodayon sa dikta ng Espiritu.

6. Magtatapos sa pangalan niJesucristo.

Paggawad ng Priesthoodat Pag-orden sa mgaKatungkulan sa Priesthood

Ang bishop o branch president angnamamahala sa paggawad ng AaronicPriesthood at mga ordenasyon sa mgakatungkulan ng deacon, teacher, at priest.Bago maorden ang isang tao sa isang

katungkulan sa Aaronic Priesthood,dapat siyang mainterbyu ng bishopo branch president at makitang kara-pat-dapat. Dapat din siyang sang-ayunan sa sakrament miting. Sapahintulot ng bishop o branch presi-dent, maaaring igawad ng isangpriest ang Aaronic Priesthood saibang tao at iorden ito sa isangkatungkulan sa Aaronic Priesthood.

Ang stake o mission president ang nama-mahala sa paggagawad ng MelchizedekPriesthood at ordenasyon sa mga katung-kulan ng elder at high priest.

Para maigawad ang priesthood o ior-den ang isang tao sa isang katungku-lan sa priesthood, ipapatong nangmagaan ng isa o higit pang kalalaki-hang maytaglay ng kailangang priest-hood para dito at pinahintulutan ngnamumunong awtoridad ang kani-lang mga kamay sa ulo ng tao. Angnagsasagawa ng ordenansa ay:

1. Babanggitin ang buong pangalanng tao.

2. Babanggitin ang awtoridad (Aaronico Melchizedek Priesthood) ng nag-sasagawa ng ordenasyon.

3. Igagawad ang Aaronic o Melchize-dek Priesthood, maliban kung itoay dati nang naigawad.

4. Ioorden ang tao sa isang katungku-lan sa Aaronic o MelchizedekPriesthood at ipagkakaloob angmga karapatan, kapangyarihan, atawtoridad ng katungkulang ito.

5. Ibibigay ang basbas ng priesthoodayon sa dikta ng Espiritu.

Page 32: Gabay na Aklat ng Mag-anak

6. Magtatapos sa pangalan niJesucristo.

Sakrament

Ang sakrament ay isang napakasagra-dong ordenansa. Ang pagtanggap ngsakrament ay nagbibigay ng pagkaka-taong alalahanin ang buhay, mga turo,at Pagbabayad-sala ni Jesucristo. Itoang pagkakataon upang mapanibagoang mga tipan natin sa Panginoonnang tayo ay binyagan (tingnan saMosias 18:8–10).

Maaaring ihanda ng mga teacher atpriest ang sakrament; maaari itongbasbasan ng mga priest; at maaariitong ipasa ng mga deacon, teacher, atpriest. Maaaring ihanda, basbasan, atipasa ng kalalakihang maytaglay ngMelchizedek Priesthood ang sakra-ment ngunit karaniwang nangyayariito kapag kakaunti lang ang kalalaki-han ng Aaronic Priesthood. Kungnakagawa ng mabigat na kasalananang isang tao, hindi siya dapat mag-handa, magbasbas, o magpasa ngsakrament hangga’t hindi siya nagsi-sisi at naipagtatapat ang bagay na itosa kanyang bishop o branch president.

Pinangangasiwaan ng mga nagha-handa, nagbabasbas, o nagpapasa ngsakrament ang ordenansang ito sa ibapara sa Panginoon. Dapat gampananng bawat maytaglay ng priesthoodang tungkuling ito nang taimtim atmapitagan. Dapat ay maayos angkanyang hitsura, malinis, at nakada-mit nang disente. Dapat mabanaag sakanyang anyo ang kasagraduhan ngordenansa.

Dapat ihanda ng mga kalalakihanang sakrament bago magsimula angmiting. Maglalagay sila ng buongtinapay sa malilinis na trey at magla-lagay ng mga trey na may maliliit nakopa ng sakrament na may sariwangtubig sa mesa ng sakrament. Tatakpannila ng malinis at puting tela ang tina-pay at tubig.

Habang kinakanta ang himno sasakrament, aalisin ng mga nasa mesang sakrament ang takip sa mga treyng tinapay at puputul-putulin nangmaliliit ang tinapay. Pagkatapos nghimno, luluhod at uusalin ng taongmagbabasbas ng tinapay ang panala-ngin sa sakrament para sa tinapay.Pagkatapos ay ipapasa ng mga kalala-kihan ang tinapay sa mga naroon samapitagan at maayos na paraan. Angnamumunong awtoridad sa mitingang unang tatanggap ng sakrament.Kapag nakatanggap na ng tinapay anglahat ng naroon, ibabalik ng mga nag-pasa nito ang kanilang trey sa mesang sakrament. Muling tatakpan ngmga nagbabasbas ng sakrament angmga trey matapos ipasa ang tinapay.

25

Page 33: Gabay na Aklat ng Mag-anak

26

Aalisin ng mga nasa mesa ng sakra-ment ang takip sa mga trey ng tubig.Luluhod at uusalin ng taong magba-basbas ng tubig ang panalangin sasakrament para sa tubig. Pagkataposay ipapasa ng mga kalalakihan angtubig sa mga naroon. Ibabalik angmga trey sa mesa ng sakrament atmuling tatakpan. Pagkatapos ay uupona sa kongregasyon ang mga nagbas-bas at nagpasa ng sakrament.

Ang sakrament ay para sa mgamiyembro ng Simbahan, pati na samga bata. Hindi dapat ipahayag ngtaong nangangasiwa sa miting na samga miyembro lamang ito ipapasa;walang dapat gawin para hadlanganang mga hindi miyembro sa pagtang-gap nito.

Ang mga panalangin sa sakrament aydapat bigkasin nang malinaw, tum-pak, at may dangal. Kung magkamalisa pagbigkas ng mga salita ang nag-babasbas ng sakrament at hindi niyaito itinama, hihilingin ng bishop obranch president na ulitin niya angpanalangin at usalin ito nang wasto.

Narito ang panalangin sa pagbabasbasng tinapay:

“O Diyos, ang Amang WalangHanggan, kami ay humihiling sa inyosa pangalan ng inyong Anak, na siJesucristo, na basbasan at gawingbanal ang tinapay na ito sa mga kalu-luwa ng lahat nila na kakain nito,nang sila ay makakain bilang pag-alaala sa katawan ng inyong Anak,at patunayan sa inyo, O Diyos, angAmang Walang Hanggan, na sila ay

pumapayag na taglayin sa kanilangsarili ang pangalan ng inyong Anak,at lagi siyang alalahanin at susundinang kanyang mga kautusan na ibini-gay niya sa kanila; nang sa tuwina aymapasakanila ang kanyang Espirituupang makasama nila. Amen” (D at T20:77 at Moroni 4).

Narito ang panalangin sa pagbabasbasng tubig:

“O Diyos, ang Amang WalangHanggan, kami ay humihiling sa inyosa pangalan ng inyong Anak, na siJesucristo, na basbasan at gawing banalang [tubig] na ito sa mga kaluluwa nglahat nila na iinom nito, nang ito aykanilang magawa bilang pag-alaalasa dugo ng inyong Anak, na nabuhosalang-alang sa kanila; nang kanilangmapatunayan sa inyo, O Diyos, angAmang Walang Hanggan, na sila satuwina ay aalalahanin siya, nangmapasakanila ang kanyang Espirituupang makasama nila. Amen” (D at T20:79 at Moroni 5).

Dapat alisin kaagad sa mesa angsakrament pagkatapos na pagkataposng miting. Anumang tinapay nanatira ay maaaring kainin.

Ang pagbabasbas at pagpapasa ng sakra-ment ay kailangang may pahintulot ngnamumunong awtoridad.

Paglalaan ng LangisInilalaan ng isang lalaki (o mahigit pasa isa) na maytaglay ng MelchizedekPriesthood ang purong langis ng olibopara sa banal na layuning maipahid

Page 34: Gabay na Aklat ng Mag-anak

ito sa maysakit o may dinaramdam.Ang taong naglalaan ng langis ay:

1. Hahawak ng isang bukas na sisidlanng langis ng olibo.

2. Sasamo sa ating Ama sa Langit.

3. Sasabihin na kumikilos siya sapamamagitan ng awtoridad ngMelchizedek Priesthood.

4. Ilalaan ang langis (hindi ang sisid-lan) at itatalaga ito para ipahid samaysakit at may dinaramdam.

5. Magtatapos sa pangalan ni Jesucristo.

Pangangasiwa sa MaysakitTanging mga kalalakihan lamang namaytaglay ng Melchizedek Priesthoodang maaaring mangasiwa sa maysakito may dinaramdam. Karaniwan,dalawa o mahigit pa ang magkasa-mang nangangasiwa, ngunit maaariitong gawing mag-isa. Kung walangmakuhang inilaang langis, maaaringmagbasbas ang isang maytaglay ngMelchizedek Priesthood sa pamama-gitan ng awtoridad ng priesthood.

Isang amang maytaglay ng Melchize-dek Priesthood ang dapat mangasiwasa mga miyembro ng kanyang mag-anak na maysakit. Maaari siyangmagpatulong sa isa pang maytaglayng Melchizedek Priesthood.

May dalawang bahagi ang panganga-siwa sa maysakit: (1) pagpapahid nglangis at (2) pagpapatibay sa pagpa-pahid ng langis.

Pagpapahid ng Langis

Pinapahiran ng langis ng isang may-taglay ng Melchizedek Priesthoodang taong maysakit. Para magawa ito:

1. Lalagyan niya ng isang patak nginilaang langis ang ulo ng tao.

2. Ipapatong niya nang magaan angkanyang mga kamay sa ulo ng taoat babanggitin ang buong pangalannito.

3. Sasabihin niya na pinapahiran niyang langis ang tao sa pamamagitanng awtoridad ng MelchizedekPriesthood.

4. Sasabihin niya na nagpapahid siyang langis na inilaan para sa pagpa-pahid at pagbabasbas sa maysakitat may dinaramdam.

5. Magtatapos siya sa pangalan niJesucristo.

Pagpapatibay sa Pagpapahidng Langis

Karaniwan, dalawa o mahigit pangkalalakihang maytaglay ng Melchize-dek Priesthood ang nagpapatongnang magaan ng kanilang mga kamay

27

Page 35: Gabay na Aklat ng Mag-anak

28

sa ulo ng taong maysakit. Pagtitibayinng isa sa mga kalalakihan ang pagpa-pahid ng langis. Para magawa ito:

1. Babanggitin niya ang buong panga-lan ng tao.

2. Sasabihin niya na pinagtitibay niyaang pagpapahid ng langis sa pama-magitan ng awtoridad ngMelchizedek Priesthood.

3. Magbibigay siya ng basbas ayonsa dikta ng Espiritu.

4. Magtatapos siya sa pangalan niJesucristo.

Mga Basbas ng Ama atIba pang mga Basbas ngPag-aliw at Pagpapayo

Ang mga basbas ng ama at iba pangmga basbas ng priesthood ay ibinibi-gay upang maglaan ng direksyon ataliw ayon sa patnubay ng Espiritu.

Maaaring basbasan ng isang amangmaytaglay ng Melchizedek Priesthoodang kanyang mga anak. Ang gayongmga basbas ay makakatulong lalo na

kapag umalis ng bahay ang mga anak,tulad ng para pumasok sa paaralan omagmisyon, o pumasok sa trabaho,mag-asawa, magsundalo, o humarapsa kakaibang personal na mga pagsu-bok. Maaaring maging malaking kala-kasan sa mag-anak ang mga basbas naito. Maaaring itala ng mag-anak angmga basbas ng ama para sa mga talaanng mag-anak, ngunit hindi ito iingatansa mga talaan ng Simbahan. Dapathikayatin ng mga magulang ang mgaanak na hingin ang basbas ng ama samga oras ng pangangailangan.

Maaari ding magbasbas ng pag-aliw atpagpapayo ang karapat-dapat na kala-lakihang maytaglay ng MelchizedekPriesthood sa kanilang asawa, at sa ibapang humihiling nito sa kanila.

Para maibigay ang basbas ng ama oiba pang mga basbas ng pag-aliw atpagpapayo, ang isang maytaglay ngMelchizedek Priesthood, mag-isaman o may kasamang isa o mahigitpang karapat-dapat na maytaglay ngMelchizedek Priesthood, ay ipapa-tong nang magaan ang kanyang mgakamay sa ulo ng taong tumatanggapng basbas. Hindi kailangan ang langispara sa gayong mga basbas. Angtaong nagbabasbas ay:

1. Babanggitin ang buong pangalanng tao.

2. Sasabihing nagbabasbas siya sapamamagitan ng awtoridad ngMelchizedek Priesthood.

3. Magbabasbas ayon sa dikta ngEspiritu.

Page 36: Gabay na Aklat ng Mag-anak

4. Magtatapos sa pangalan niJesucristo.

Paglalaan ng mga LibinganDapat ay maytaglay ng MelchizedekPriesthood ang taong naglalaan nglibingan at may pahintulot ng lider ngpriesthood na nangangasiwa sa paglalaanng libingan.

Para mailaan ang libingan:

1. Sasamo siya sa Ama sa Langit.

2. Sasabihin niya na inilalaan niya anglibingan sa pamamagitan ng awtori-dad ng Melchizedek Priesthood.

3. Ilalaan at itatalaga niya ang lupangpinaglibingan bilang himlayan ngkatawan ng namatay.

4. Kapag naaangkop, ipagdarasal niyana pabanalin at protektahan anglugar hanggang sa Pagkabuhayna Mag-uli.

5. Hihilingin niya sa Panginoon naaliwin ang mag-anak nito at ipapa-hayag ang iba pang bagay ayon sadikta ng Espiritu.

6. Magtatapos siya sa pangalan niJesucristo.

Kung mas gusto ng mag-anak, maa-aring mag-alay ng panalangin sa tabing puntod ang isang tao (na hang-ga’t maaari ay isang maytaglay ngMelchizedek Priesthood) sa halip napanalangin sa paglalaan.

29

Page 37: Gabay na Aklat ng Mag-anak

Makakakuha ng impormasyon tungkolsa gawain sa family history sa familyhistory Internet site ng Simbahan, nanasa www.familysearch.org.

Pagkuha ng mga Materyal ng Simbahan atPaghahanap ng Impormasyon sa Family History

30

Makukuha ng mga lider at iba pangmiyembro sa lugar ang mga materyalng Simbahan, kabilang na ang mgabanal na kasulatan, kursong pinag-aaralan, magasin ng Simbahan, gar-ment, at kasuotan sa templo, mulasa kanilang Church distribution cen-ter o service center, mula sa Salt LakeDistribution Center, o sa tulong ngopisyal na Internet site ng Simbahan,na nasa www.lds.org.

Page 38: Gabay na Aklat ng Mag-anak